#banal na rosaryo
Explore tagged Tumblr posts
Text
NUESTRA SEÑORA DEL SANTÍSIMO ROSARIO DE MANAOAG Nilikha ni Patrick Cabral
#maria#mary#ave maria#birheng maria#virgen maria#virgin mary#blessed virgin mary#inang maria#mama mar#banal na rosaryo#santo rosario#santisimo rosario#holy rosary#manaoag#pangasinan#coronadaPH#coronadaPHL#pontificiaPH#pontificiaPHL#patrick cabral
16 notes
·
View notes
Text
NUESTRA SEÑORA DEL SANTÍSIMO ROSARIO DE CALMAY Calmay, Lungsod Dagupan, Pangasinan Arkidiyosesis ng Lingayen-Dagupan
Kapistahan: Ika-7 ng Oktubre Petsa ng koronasyon: 22 Oktubre 2023 Dambana: Parokya ng Banal na Rosaryo
#ave maria#maria#mary#birheng maria#virgen maria#virgin mary#blessed virgin mary#inang maria#mama mary#banal na rosaryo#santisimo rosario#santo rosario#holy rosary#calmay#dagupan#lungsod dagupan#ciudad dagupan#dagupan city#pangasinan#koronasyong episkopal#episcopal coronation#episcopalPH#episcopalPHL
2 notes
·
View notes
Photo
NUESTRA SEÑORA DEL SANTÍSIMO ROSARIO DE CARDONA, LA VIRGEN DE SAPAO Cardona, Rizal 1608 Diyosesis ng Antipolo
Kapistahan: Ika-7 ng Oktubre Kinoronahang episkopal: 27 Setyembre 2018 Kinoronahang kanonika: 7 Oktubre 2022 Dambana: Pandiyosesis na Dambana at Parokya ng Ina ng Banal na Rosaryo
Kaugnayang lathalain: Nuestra Señora del Santisimo Rosario de Cardona “La Virgen de Sapao” – Protectress of Cardona, Rizal (pintakasiph.wordpress.com)
#ave maria#maria#mary#birheng maria#virgen maria#virgin mary#blessed virgin mary#inang maria#mama mary#banal na rosaryo#santisimo rosario#holy rosary#birhen ng sapao#virgen de sapao#la virgen de sapao#cardona#rizal province#antipolodiocese#coronadaPH#coronadaPHL#pontificiaPH#pontificiaPHL
1 note
·
View note
Text
Destinasyong Sinisiyasat: Sa Baguio Mahahanap!
Tanaw ang pagbagsak ng pira-pirasong dahon mula sa isang punong nakatirik. Pawang matagal na itong nagmamanman sa bawat dayuhang matagal na ring nagmamasid sa kanya.
Habang umiiral ang modernisasyon sa iba’t ibang dako ng bansang Pilipinas, mayroong natatanging lugar na kinagigiliwan ng nakararami; hindi lamang dahil sa taglay nitong malamig na klima, sa pinagmamalaki nitong strawberry jam o sa kakaiba nitong mga tanim gaya ng mirasol na hindi karaniwang matatagpuan sa ibang lalawigan, kun'di dahil na rin sa taglay nitong mayamang kultura.
Hindi ko man ganap na sabihin ang pangalan ng tinutukoy kong lalawigan, alam kong natitiyak mo na ang nais kong bigyang pakahulugan: ang lungsod ng Baguio. Ang lugar na punong-puno ng pinausbong na kultura, mga tanawing makukulay sa mata, mga magigiliw na taong handang magbahagi ng kanilang pag-aari: ang lugar na puno ng kapayapaan, pagbibigayan at pagmamahalan. Ang lugar na parati kong nanais-naising balikan.
Ang Baguio sa Madilim na Kahapon
Kuha ang larawan mula sa Esquire Philippines.
Taong 1846 nang pamunuan ng mga Kastila ang probinsya ng Benguet na kung saan pinaghiwa-hiwalay nila ang bawat lugar sa karatig nito upang bigyan ng kaniya-kaniyang kabansagan. Dala ng kolonisasyon, naipasa sa kilalang tribong Ibaloi ang isang kakaibang kultura. Ito ang labis na pagpapahalaga sa kanilang namayapang mahal sa buhay. Sa ibang tradisyon, ang mga yumao ay inililibing at humahantong sa mga pampublikong sementeryo: malayo sa piling ng kanilang pamilya at dinadalaw lamang tuwing may pagkakataon o pagdiriwang. Sa tribong Ibaloi, nakagawian na nilang ilibing ang mga bangkay ng mga patay sa loob ng bahay at bakuran dahilan ang paniniwalang kasama pa rin nila ito hanggang sa kasalukuyan.
Kuha ang larawan mula sa I-Witness: ‘Our Baguio’, dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo
Taong 1900 naman nang dumating ang mga Amerikano sa Benguet. Sa kanilang pananakop, nagpatayo sila ng mga gusali at istrakturang may kaparehong katangian at hulma sa mga kayariang mula sa Amerika. Kung sasaliksikin ang ilang mga lumang larawan na kuha sa nasabing lugar, hindi maitatangging naroon pa rin ang dati nitong kasiglahan at diwa: ang nagsilbing ugat sa pagpapayaman ng mga tanawin at mga kagawian na atin na ngayong tinatamasa.
Kuha ang larawan mula sa website na WordPress.
Taong 1908, kinilala ang lungsod ng Baguio bilang Summer Capital of the Philippines sa kadahilanang ito ang nagsisilbing takbuhan at destinasyon ng mga tao mula sa mababang lugar. Mula sa una nitong pangalan na Bagiw na nangangahulugang lumot, kasalukuyan na itong kinikilala sa pangalang Baguio, isang maunlad na sentro ng negosyo, komersyo at edukasyon.
Sa Likod ng Malinamnam na Lasa
Kuha ang larawan mula sa Escape Manila.
Para sa mga suki ng malinamnam na ube at strawberry jam mula sa Baguio, ang mga pasalubong na ito ay may tinatago ring mga istorya na ugat ng gayong pagkakakilanlan. Pangunahing layunin ng pamunuan ng Good Shepherd Convent – ang pinakasikat na pamilihan ng mga subenir sa itinatampok na siyudad, ang pagbibigay ng edukasyong pang-kolehiyo sa mga kabataang mag-aaral. Bagamat marami ang nagbibigay paanyaya sa kanilang negosyo na sumangguni sa ibang korporasyon, hindi nila ito tinatanggap sapagkat nakasasapat na ang inilalaan nilang pagsisikap upang makapagtapos ang kanilang mga iskolar. Sinabi ng isang namumunong madre na kung kanila itong tatanggapin, mawawala lamang sa pokus at magagambala ang pag-aaral ng mga estudyanteng naghahanapbuhay.
Ikalawa nilang adhikain sa pagbebenta ng subenir ang pagpapatayo ng mga organisadong grupo ng mga magsasaka, hindi lamang sa Benguet ngunit maging sa Ilocos at La Union. Sa pamamaraang ito, nabibigyang sapat na tugon ang agrikultura sa Baguio at sabay na napapanatili ang pangkabuhayang pinansyal ng mga manggagawa.
Kuha ang larawan mula sa I-Witness: ‘Our Baguio’, dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo
Isa ring sikreto ng linamnam nito ang pagdarasal ng rosaryo habang ito ay pinoproseso ng mga trabahador. Ayon sa kanila, isang banal na pananim ang ube na hindi maaaring masugatan o mabagsak sa tuwing inaani, ‘di gaya ng ibang halaman. Kaya nga’t nang malaman ko ang impormasyong ito, bumili ako ng limang piraso upang maibahagi sa mga espesyal na tao sa aking buhay at upang makatulong na rin sa mga nagsusumikap nilang mag-aaral.
Mga Kaakit-akit na Kalye | Lugar ng Malikhaing Kamay
Mula sa mga kuwadro na gawa sa mga eskultura, sa mga totoong kwento sa likod ng mga gawang sining, talaga namang sinasalamin ng mga malikhaing kulay sa pader ang kaluluwa ng isang malayang paglalakbay.
Para sa ilang mga tao, ang street art o graffiti ay itinuturing bilang isang gawa ng paninira o bandalismo: kakila-kilabot na tanawin na dapat patungan ng payak na kulay. Sa pananaw ng iba, kinikilala nila ito bilang isang likhang-sining, isang kasakdalan na nagpapahayag ng kanilang pagkakaiba-iba at kumakatawan sa kanilang talento na naiimpluwensyahan ng kultura, politika, musika, at relihiyon.
Tampok sa mga lansangan sa Baguio ang mga dinisenyuhang pader. Pinapayaman nila ang ganitong uri ng sining at kasanayan dahil natatangi itong demokratikong pamamaraan ng paghahatid ng opinyon sa publiko. Dagdag pa riyan, ang pagkakakilanlan ng mga sinaunang kultura ng tribong Ibaloi ay higit ding napapanatili sa pamamagitan ng street murals.
Ang Burnham Park
Kuha ang larawan mula sa website na WordPress.
Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakatanaw sa matayog na puno sa Burnham Park, isa sa pinakakilalang pasyalan ng mga turista sa Baguio. Isang espiritwal na repleksyon ang sumagi sa isip ko habang nakatingala sa matataas na sanga ng puno: ganito pala kayabong ang isang tanim na inalagaan, ang tanim na dumaraan sa unti-unting proseso ng pag-usbong, ang tanim na nagkamit ng kanyang kasaganahan ayon sa nakatakda nitong panahon.
Kuha ang larawan mula sa WIkimedia Commons.
Tampok sa parkeng ito ang isang lawa, kilala sa bansag na Burnham Lagoon. Ayon sa kasaysayan, pinangalanan ito ng isang Amerikanong arkitekto at taga-plano ng lungsod na si Daniel Hudson Burnham.
Kuha ang larawan mula sa website ng Detourista.
Tanaw mula rito ang pinakamataas na bundok sa rehiyon, ang Mount Cabuyao. Dagdag pa riyan, ang mga turista ay maaaring sumakay sa mga maliliit na bangka habang nililibot ang munting lawa.
Habang nakasakay at pumapadyak sa ‘di pangkaraniwang bisekleta na matatagpuan sa parehong parke, naramdaman ko ang pagiging malaya dala ng pag-iisa. Hindi kalungkutan ang nangingibabaw sa aking dibdib kun’di nag-uumapaw na kasiyahan at pagtatanto. Sa bawat padyak ko nang hindi nalalaman kung saan ako patungo, pinili ko pa ring magpatuloy at ‘wag magambala sa maraming pangamba. Ang pangambang baka ubos na ang oras ng pagrenta ko sa bisekleta o kaya naman ang pag-aalinlangan na maiwan ako ng aking mga kasama. Kung isasabuhay, para lamang itong pagbagtas ng aking mga pangarap: wala akong dapat isipin kun’di ang aking layunin at mga naisin, dapat akong magpatuloy na kumayod sa kabila man ng mga balakid at mga negatibong pangyayaring magdaraan.
Sa ganitong matamis na karanasan, 'paalam' ang pinakamahirap na bitawan. Kahit sa isang larawan ko na lamang ito madalas na mababalikan, alam kong nag-iwan ito sa puso ko ng isang reyalisasyon: unang parte pa lamang ito ng aking paglalakbay, kailangan kong magpatuloy dahil hindi pa ito ang nag-aabang na huling destinasyon na aking kalalagyan.
Hindi lamang sulit ang pagpasyal sa Burnham Park dahil sa mga tanawing taglay nito. Sa pagsampa sa iba’t ibang bahagi ng nasabing lugar, gaya ng Japanese Peace Tower at hardin ng mga rosas, malalasap mo rin ang mga nakamamanghang kasaysayan.
Ang Mines View Park
Hindi ba't ang sarap huminga sa paligid na puno ng kapayapaan, sa humuhuning hangin na humahaplos sa ating mga balat?
Ang isang sulyap sa Amburayan Valley ay maaaring masaksihan sa view deck ng Mines View. Dahil sa kaakit-akit na tanawin ng mga bundok mula sa itaas, ang parke ay isa ring magandang lugar para sa pagkuha ng mga larawan.
Sa parke, marami rin iba't ibang mga subenir tulad ng mga larawang inukit sa kahoy, mga tinitindang pilak, mga produktong habi mula sa Sagada, at iba pang mga gawang katutubo. Pinapayagan din ang mga turista na kumuha ng kanilang larawan kasama ang magagandang kabayo. Maaari mo ring maramdaman na ikaw ay isang Igorot sa pamamagitan ng pagrenta ng isang buong damit ng mga taga Cordillera. Para sa mga lalaki, kasama sa kasuotan ang bahag, kalasag, headdress at sibat. Para naman sa kababaihan, mayroon itong tapis, vest, at madisenyong headdress. Dagdag pa riyan, maaari rin matikman dito ang matamis na inihaw na mais at pusit.
Sa malawak na tanawin mula sa itaas, gusto ko na lamang ibulalas lahat ng problemang aking nararanasan: mula sa pamilya, kaibigan at pag-aaral, maging sa pagdududa sa sarili kong kakayahan. Hindi ko ito naisakatuparan, nakakapit kasi sa aking kamay ang isang kaibigan. Katulad ko, marami rin siyang katanungan na gustong bigyang tugon. Sa oras na iyon, kailangan niya ng isang sandigan na magbibigay sa kanya ng katatagan. Hindi niya marahil gustong makarinig pa ng hinagpis ng kalungkutan.
Sa oras na iyon, naunawaan kong hindi ako kailanman nag-iisa. Naunawaan kong hindi lamang ako ang biktima ng magulong tadhana o ng mapanghusgang lipunan. Sa kinatatayuan ko, pinili kong magpakatotoo laban sa aking kahinaan. Ganito pala ang pakiramdam ng pag-aalinlangan na baka hindi ko kayanin at malagpasan ang lahat: na baka sa isang iglap, mauwi sa wala ang lahat ng aking pinagpaguran.
Dahan-dahan kaming humakbang pababa ng hagdan. Sa huling sulyap ko sa pawang malalim na bangin, isang pagtatanto na naman ang sumagi sa'king isip: Ang katayugan ng bundok ay nakasalalay sa nais na marating ng kanyang mambabagtas. Muli, kung pipiliin kong mas manaig ang aking kahinaan, baka hanggang dito na lamang ang aking patutunguhan.
St. Scholastica Retreat House
At sinabi niya sa kanila, Magsiparito kayo ng bukod sa isang dakong ilang, at mangagpahinga kayo ng kaunti. Sapagka't marami ang nangagpaparoo't parito, at sila'y hindi man lamang mangagkapanahon na magsikain. (Mark 6:31)
Matatagpuan sa 108 Wagner Road, Military Cut-off, Baguio City, lugar ito para sa pribadong pagninilay at pagdarasal, para sa isang espiritwal na pag-uusap upang makinig sa abot-sigaw ng puso.
Kuha ang larawan mula kay Gian De Leon.
Maliban sa mga kwentong nakatataas ng balahibo, isa rin sa kinasabikan ko sa lugar na ito ang mga pagpupulong na pinangunahan ng propesyonal na ispiker. Palagi niya kasing itinatampok ang kahalagahan ng pamilya sa tuwing siya ay nagbibigay paalala.
Bago ako lumisan sa aming tahanan upang mamasyal sa Baguio, nakabibinging bangayan muna ng aking magulang ang sumalubong sa paggising ko. Wika ko pa noon sa sariling diwa, matutuwa ako sa pansamantala kong pagkawala dahil walang gagambala sa payapa kong pag-iisip.
Sa dalawang gabing hindi ko nakasabay ang pamilya sa hapag-kainan, hinanap-hanap ko na agad ang halakhak ng nakababata kong kapatid sa tuwing kami ay nagtatalo tungkol sa isang paksa. Hinanap-hanap ko ang pangungumusta ng ina sa aking mga grado, na kahit madalas ay nagbibigay sa akin ng presyur, nagsisilbi pa ring inspirasyon ko upang lalong pagbutihan ang pag-aaral. Maging ang paghalik ng aking ama sa mga pisngi habang sinasabi na kami raw ang natatanging magkamukha sa pamilya.
Sa aking pagtulog, ninais kong maramdaman ang yakap ng ina. Nangako ako sa sarili: pag-uwi ko, agad ko siyang pagsasabihan ng lahat ng aking natutunan sa paglalakbay.
Mula noon, mas lalong guminhawa ang aming ugnayan. Nalaman ko rin na ang kapayapaan ay nag-uugat sa matibay na pundasyon ng pagmamahalan. Hindi sa pagtakas, hindi sa paglilibang.
Sa huling paglalarawan sa lugar ng St. Scholastica, sigurado akong mararanasan mo rito ang malalim na pagninilay-nilay na magbibigay ng panibagong pananaw tungo sa mga maling pang-unawa na akala mo dati ay nararapat at tama.
The Mansion House
Kuha ang larawan mula sa website na TrekEarth.
Matatagpuan ito sa silangang bahagi ng lungsod sa kahabaan ng C.P. Romulo Drive (dating bahagi ng Leonard Wood Road): tapat mismo ng Wright Park. Mas matanda ito kaysa sa lungsod at itinuturing na pinakasikat na pasyalan sa Baguio. Sa taglay nitong magagandang hardin at dinisenyuhang damuhan, ito ay isang paboritong pook para sa pamamasyal at pagkuha ng larawan.
Napadpad ako sa harap ng ipinagmamalaking Malacañang. Mula sa itsura nito sa labas, mapapansin agad na ang mga nakasasampa sa palasyong ito ay tanging mga makapangyarihan lamang. Ang pasyalang ito ang pinakamaluwag sa paningin ngunit pinakamasikip sa pakiramdam. May limitasyon lamang ang pagkuha ng larawan, maging ang hangganan na maaaring hakbangan ng mga turista.
Ang lugar na ito ay patunay sa nanatiling puwang sa pagitan ng mga nakaluklok at mga ordinaryong mamamayan. Ang upuan sa palasyo ay alay sa may kalamangan habang ang semento sa labas ay iniluluklok sa walang kapangyarihan.
Maliit na pagtatanto lamang ngunit nakakaalarma dahil nakasalalay sa kanila ang ating kinabukasan.
Muli kaming sumakay sa bus, pasulong mula sa lugar na puno ng pagmamataas.
Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag
Kuha ang larawan mula sa website na Luke Inspired.
Mula sa kataasan ng Baguio, napadpad akong nagdarasal sa isang simbahan sa Pangasinan. Huling destinasyon na kaya ito o panibagong simula na naman ng pagbabagtas?
Kahit hindi na ito kabilang sa mga kilalang pasyalan sa Baguio, karaniwang nagagawi ang mga turista sa Manaoag Church dahil ito raw ay makasaysayan at tunay na kagiliw-giliw. Libu-libong mga tao ang pumupunta sa lalawigan taun-taon upang maranasan ang kalikasang espiritwal ng lugar at kumuha ng iba't ibang mga atraksyon na may kinalaman sa relihiyon.
Sa loob ng isang oras na misa, nagbigay pasasalamat ako sa lahat ng biyayang aking natanggap: sa mga bagong kaalaman na aking natutunan, sa mga kaibigan na lagi kong nasasandalan, sa kaligayahang bigay ng aking pamilya at sa marami pang iba.
Huling Destinasyon: Ang Sarili
Sa tatlong araw kong paghahanap ng huling patutunguhan, naunawaan kong hindi isang partikular na lugar ang aking uuwian.
Tulad ng Baguio na nagpapayabong ng kanyang nakagawiang kultura, marapat ko rin sigurong pagyamanin ang aking sariling paniniwala at kaugalian upang makamit nito ang lahat ng kanyang inaasam.
Sarili, ang huling destinasyon na nilaan sa akin ng mahabang paglalakbay.
Salamat Baguio! Hanggang sa muli!
Ikaw, ano pang hinihintay mo?
3 notes
·
View notes
Text
Ang Aking Karanasan sa Kamay ni Hesus: Lucban, Quezon
Ang kamay ni Hesus ay matatagpuan sa Brgy. Tinamnan, Lucban, Quezon. Itinayo ito sa ilalim ng inisyatibo ni Fr. Joseph Faller, isang kilalang saserdoteng nagpapagaling. Kilala ang lugar na ito bilang Pilgrimage Site sa Lucban, Quezon. Ito rin ay sikat na Banal na Linggo ng Destinasyon at Sagradong Lupa para sa mga taong gustong magsisi at manalangin.
Kasaysayan ng kamay ni hesus
Ang kamay ni hesus ay kinikilala rin bilang Via Dolorosa Grotto, Ang Kamay ni Hesus ay itinayo sa ilalim ng inisyatibo ni Fr. Joseph "Joey" Faller noong 2003. Kilala siya bilang isang kaloob sa pagpapagaling. Dahil sa pagpapagaling ni Fr. Faller, ang Kamay ni Hesus ay naging isa sa mga pinakamabisitang sentro ng pagpapagaling ng bansa.
Para sa kanila ang kamay ni Hesus ay isang biyaya na nagbibigay milagro o gumagawa ng kabutihan. Ito rin ay nagsisilbi nilang "healing hand" lalo na sa mga may sakit.
(Kuha mula sa Foodinista)
(Kuha mula sa Thebackpackadventures.com)
Patungo sa Kamay ni Hesus
Ang kilometro na aming tinahak ay 56 km, mula pakil laguna patungong lucban quezon ay nagtatagal ng 1 oras at 36 na minuto, kung ikaw naman ay nagmula sa manila mayroong 117 km kang magbabyahe at nagtatagal ng 2 oras at 57 na minuto.
Madadaanan ang lumban na maaaring pagpahingahan ng mga bumabyahe
(Kuha mula sa Lumbanfacts)
Ang pagkain
Sa mahigit dalawang oras na biyahe ay matatagpuan ang isang kainan ito ay Le Maison De Yelo Lane na malapit lamang sa kamay ni hesus na maaaring puntahan upang kumain na mayroong presyo na 85-225 pesos.
(Kuha mula sa tripadvisor.com)
Ang Entrada
Pagkarating sa Kamay ni Hesus ay mayroong gate na iyong papasukan. Walang hinihingi na bayad ang mga bantay ng naturang lugar, ang pagpaparada lamang ang kanilang ipinapabayad sa mga tao, na kung saan ay naka depende ang presyo sa laki ng sasakyan na mayroon ka.
(Kuha mula sa blogspot.com)
Ang dasalan
Hindi lamang ito unang araw na kami ay nakarating sa kamay ni hesus, taong 2021 at 2022 nang kami ay naka punta sa lugar na ito, hindi lamang para sa maganda nitong taglay kung hindi ay pati na rin upang magdasal sa tinatawag na Via Dolorosa Grotto na matatagpuan lamang sa ibaba ng malaking rebulto ni hesus.
300 na hakbang
Pagkatapos magdasal sa simbahan na makikita sa bungad paakyat at patungo sa matarik na rebulto ni hesus, narating naman namin ang 300 steps na kanilang tinatawag, dahil ang paraan ng pagpunta patungo sa malaking rebulto ni hesus ay ang pagakyat ng hagdan.
Bilihin
Pagbaba sa hagdan na mag 300 steps ay matatagpuan ang isang gate upang makalabas, sa paglabas ng gate na iyon ay matatagpuan ang ibat'-ibang bilihan ng souvenirs, mayroong keychain, bracelets, necklaces, damit, at mga pagkain, mayroon din rosaryo na may iba't-ibang wangis o disenyo.
(Kuha mula sa bludreamer.com)
(Kuha mula sa Wakitravels.com)
Ang aking mga reyalisasyon
Sa paglalakbay na naranasan kong ito, maraming bagay akong natutunan, hindi ko lamang nalaman ang kahalagahan ng lugar na aming pinuntahan, ang kagandahan nito, kung hindi nalaman ko rin ang kahalagahan ng bawat taong aking nakakasama sa aking paglalakbay na hindi lamang ang lugar ang aking nararapat na pansinin at pagtuunan ng pansin kundi pati na rin ang bawat sandali o memorya na aking nagagawa kasama ang aking mahal sa buhay.
Hindi lamang ang lugar ang tanging dapat na naaalala kundi pati na rin ang mga tao na kasama sa bawat oras o sandali na ako ay nasa lugar na iyon. Natutunan ko rin kung gaanong lubos na mahalaga ang pakikipagugnayan sa panginoon kahit na nasaan ka mang sulok ng lugar. Marami rin akong natutunan at nalaman ukol sa lugar na iyon na tiyak kong aking aalalahanin, na kung ito ay malimot ko 'man hindi ako magsasawa na magresearch at alamin muli ang mga ito.
1 note
·
View note
Photo
Sa darating na Ika-22 ng Disyembre, 2021 ay pangungunahan ng Pandiyosesis na Dambana at Parokya ng Ina ng Kaliwanagan, Cainta, Rizal ang 93rd Healing Rosary for the World. Kasama dito ang pagsasadula ng bawat misteryo.
Sabay-sabay nating dasalin at pagnilayan ang mga Misteryo sa Luwalhati ng Banal na Rosaryo bilang isang sambayanang sumisinta kay Maria.
Ad Iesum per Mariam!
#ave maria#maria#mary#birheng maria#virgen maria#virgin mary#blessed virgin mary#ina ng kaliwanangan#nuestra señora de la lumen#nuestra señora de la luz#our lady of light#olightcainta#birhen ng cainta#healing rosary#healing rosary for the world#coronadaPHL#pontificiaPHL
1 note
·
View note
Photo
St. Anthony of Padua Parish, Inarawan, Antipolo City October is the month of the Holy Rosary "A family that prays together stays together" Monday to Friday 5:00 PM LIVE Rosary 6:00 PM Angelus Saturday & Sunday 4:00 PM LIVE Rosary 5:00 PM Holy Mass October 30, 2021, Saturday 3:30 PM Motorcade 5:00 PM Holy Mass 6:00 PM Living Rosary 💌 Ang opisina po ng ating simbahan ay bukas sa mga Pamilya na magsponsor sa ating araw-araw na panalangin ng banal na rosaryo ngayong buwan ng Oktubre. Office Hours ⏰ Tuesday to Saturday | 8 AM to 11:30 AM & 1:30 PM to 4 PM Sunday | 7 AM to 11:30 AM, close sa hapon No office every Monday Tel. No.: 7757-6267 / 8401-2243 #HolyRosary #SAPaduaInarawan #October2021 (at St. Anthony of Padua Parish, Inarawan, Antipolo City) https://www.instagram.com/p/CUsNe2_vcbH/?utm_medium=tumblr
0 notes
Text
#SanRoqueChapel
May 6 , 2021
#IkatlongArawngPag-SisiyamsaMahalnaBirhen ngFatima
#PAGSISISI NA DARASALIN ARAW ARAW:
Panginoon kong Hesukristo, Diyos na totoo at Tao namang totoo, gumawa at sumakop sa akin, pinagsisihan kong masakit sa tanang loob ko ang dilang pagkakasala ko sa Iyo; na ikaw nga ang Diyos ko, Panginoon ko at Ama ko na iniibig kong higit sa lahat.
Nagtitika akong matibay na di na ako muling magkakasala sa Iyo at nagtitika naman akong magkukumpisal ng dilang kasalanan ko.
Umaasa akong patatawarin Mo rin alang-alang sa Iyong mahal na Pasión at pagkamatay Mo sa krus dahilan sa akin.
Amen.
#PAG-HAHANDOGSAARAWARAW:
O, Kabanal-Banalang Birhen yayamang buhat sa kabundukan ng Fatima kayo ay nagpakita sa tatlong batang pastol na walang malay at nagpahayag na upang kamtan ang kaluwalhatian ng langit ay kailangan magdasal ng Santo Rosario.
Kami ay dumudulog ngayon sa inyong Sanghaya lakip ang kahilingan na pagpag-alabin ang aming mga puso sa pag-ibig sa Diyos, kay Hesus at sa inyo.
Birheng Ina ng awa gayundin sa pamamagitan niny, kami ay bigyan ng Diyos ng lakas na mailalaban sa dilang tusko at kasamaan sa mundong ito ng dusa at hinagpis.
Tigas ng loob upang huwag suminsay sa katuwiran, matibay na panata upang matutong magtiis sa lahat ng hirap kung kailangan sa hangad na huwag madungisan ang aming karangalan.
At sa ganitong paraan ay magkaroon ng katarungan at kapayapaan na dapat maghari sa buong daigdig.
Nawa ay lumaganap sa habang panahon ang mga banal na aral ni Hesukristong panginoon namin.
Amen.
#IKATLONGARAW:
O, kalinis-linisang Puso ni Maria, Ina ni Hesus Mahal na Birhen sa Fatima!
Hinahangad namin ang madaling pagkatupad ng Inyong pangako nang Kayo'y nagpakitang nakatayo sa ulap sa ibabaw ng isang munting punungkahoy sa lupain ng Fatima.
Alam namin na wala Kayong marubdob na nasa kundi ang magkaroon ng kapayapaan sa mundo; sapagka't nasaksihan ninyo ang mga kapahamakan at sakuna sa mga buhay na nakitil at pag-aaring naaksaya sa mga digmaang nakaraan.
Ito'y magagawa lamang sa pamamagitan ng pagsisisi ng dilang kasalanan sa inyong kalinis-linisang Puso; alinsunod sa inyong pamahayag.
Isinasamo namin sa Inyo, O, Birhen sa Fatima, na sa bisa ng Inyong pakikialam ang aming mga dalangin at halimbawa ay makapagturo sa daigdig ng landasing tungo sa tunay na kapayapaan na hindi maaaring ibigay sa sarili ng daigdig na ito.
Mahal na Birhen sa Fatima, pag-alabin po ninyo ang aming mga puso sa pagsisisi ng mga kasalanan namin upang kami'y maging dapat sa mga pangako ni Hesukristong Panginoon. Amen.
AMA NAMIN: (3x)
Ama namin sumasalangit ka, Sambahin ang pangalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw At patawarin mo kami sa aming mga sala.
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
Amen.
ABA GINOONG MARIA: (3x)
Aba, Ginoong Maria Napupuno ka ng grasya ang Panginoon ay sumasaiyo Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang 'yong anak na si Hesus
Santa Maria, Ina ng Diyos Ipanalangin mo kaming makasalanan Ngayon at kung kami'y mamamatay Amen.
LUWALHATI: (3x)
Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo. Kapara ng unang-una, ngayon at magpasawalang hanggan.
Amen.
ABA PO SANTA MARIA:
Aba Po Santa Mariang Hari, Ina ng Awa.
Ikaw ang kabuhayan at katamisan;
Aba pinananaligan ka namin.
Ikaw nga ang tinatawag naming
pinapanaw na taong anak ni Eba.
Ikaw rin ang pinagbunbuntuhang hininga namin ng aming pagtangis
dini sa lupang bayang kahapis-hapis.
Ay aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin ang mga mata mong maawain,
at saka kung matapos yaring pagpanaw sa amin ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam at matamis na Birhen.
V.Ipanalangin mo kami, Reyna ng kasantusantuhang Rosaryo.
R.Nang kami'y maging dapat makinabang ng mga pangako ni Hesukristo.
#HULINGPANALANGINSAARAW-ARAW:
Mahal na Birhen sa Fatima marinig nawa ang inyong tinig sa lahat ng sulok ng daigdig.
Kumalat nawa ang iyong utos sa pamamagitan ng tatlong batang pastol na muling pagtibayin ang panata sa pagdarasal ng Santo Rosaryo.
Maligtas nawa ang lupasay na mundo sa masaklap na bunga ng kanyang mga kamalian.
O kalinis linisang Maria, dinggin ninyo ang aming mga pagsamo at marapatin na ang mga panalangin namin ay maging lunas sa lason ng pagkakasala; tanggapin ninyo nang buong galak ang pagsisiyam na ini-aalay namin sa inyo na taglay ang pag-mamahal ng aming puso.
Ipagkaloob ninyo ang aming hinihingi at huwag ang aming kaliitan ni karukhaan.
Naniniwala kami na pagkatapos ni Kristo ay kayo ang tanging pag-asa ng mga makasalanan.
Kaya kami ay nananalig na alang alang sa inyong pamamagitan ay magtatamo kami ng parawad sa aming mga kasalanan at ng kaluwalhatian ng langit sa wakas.
Amen.
#DALIT SA MAHAL NA BIRHEN NG FATIMA:
N - O , Reyna ng kalangitam sugo ng Kapayapaan.
T - Kami'y inyong kaawaan ilayo sa Kasalanan.
N - Minsan kayo ay nagpakita sa tatlong pastol ng tupa sa talampas ng Fatima.
Winika ninyo sa kanila "Magrosaryo at Magtikang hindi magkakasala"
T - Kami'y inyong kaawaan ilayo sa Kasalanan
N - Hanggad ninyo'y mapabuti mga taong nawiwili sa kanilang gawang imbi at sa dasal na sinasabi "Sila'y makapagsisi ng pagkakasalang iwi".
T - Kami'y inyong kaawaan ilayo sa Kasalanan
N - Alam ninyo ang daigdig ay malayong tumahimik kung sama ang nananaig.
Ang digma'y paulit-ulit; pag sa tao ay nawaglit ang kay Hesus na Pag-Ibig.
T - Kami'y inyong kaawaan ilayo sa Kasalanan
N - Di Nana't ang himala'y ng inyong bunying sanghaya Unang digmaa'y nasawata itong huli ay humupa may Pag-asang pumayapa.
T - Kami'y inyong kaawaan ilayo sa Kasalanan
N - Walang sawang pag nag-dasal inaalala ang may kapal parusa sa kasalana't pook na pagdurusahan.
T - Kami'y inyong kaawaan ilayo sa Kasalanan
#FATIMA2021
#SanRoqueDeTaguig
0 notes
Text
SANTO ROSARYO: Isang Katekesis (Ika-Apat na Bahagi)
ANG LUWALHATI
Matapos dasalin ang mga pambungad na panalangin ng Rosaryo wawakasan natin ito sa Luwalhati o Gloria. Tinatawag din itong Ang Munting Doksologo (Little Doxology / Doxologia Minor) na tila ba pinaigsing bersyon ng Dakilang Doksologo (Great Doxology) o Papuri na karaniwang dinarasal o inaawit sa Banal na Misa. Higit nating mauunawaan ang panalangin ito sa salitang “Doxology”. Ang “Doxa” ay mula sa salitang Griyego na ang kahulugan ay ang dakilang karunungan at maningning na kagandahan ng Diyos. Kung saan marapat lamang na gawaran natin siya ng papuri at parangal.
Ang panalanging ito ay panawagan para sa ating sarili at sa lahat ng nilikha na papurihan ang Diyos sa paraang nauukol sa kanya.
Dahil sa likas na pagkamalimutin natin na sambahin at papurihan ang Diyos kaya iminumungkahi ng Simbahan na palaging dasalin ang Luwalhati. Kaya rin namang palagi natin itong inuulit sa pagdarasal ng rosaryo sa bawat pagtatapos ng mga misteryo, pagkat sa bawat yugto ng buhay ni Hesus ay dinadakila natin ang Panginoon bilang pasasalamat sa kaligtasang hatid Niya.
Mula pa man sa mga sinagoga ng mga Hudio ay may mga doksolohiya na at karaniwan na itong ginagamit. Biglang pagpapatuloy ng nakagisnang tradisyong Hudio na ito sa Bagong Tipan, nakita natin sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma ang isang klase ng doksologo: “the only wise God, through Jesus Christ, be honor forever and ever. Amen” (Rom 16:27).
Paglipas ng ilang mga siglo, winakasan ng tanyag na obispong si San Francisco de Sales ang kanyang klasikong akda na Introduction to the Devout Life sa ganitong porma: “Glory be to Jesus, to Whom, with the Father and the Holy Ghost, be honour and glory, now and ever, and to all Eternity. Amen.” Kapuna-puna ang malapit na pagkakahawig nito sa Luwalhati. Nagpapahiwatig na kapwa sa Biblia at hanggang sa pagpapatuloy ng pananampalataya dinarasal na ang doksolohiya bilang pagpaparangal sa Banal na Santatlo.
Mula noong ika-4 na siglo nang simula nating marining na pangwakas na panalangin ang Luwalhati sa bawat Salmo. sa pagdarasal ng Saltro. Ang Saltro ay pananalangin ng mga Kristiyano gamit ang mga salmo sa Lumang Tipan. Sa pagtanyag ng Santo Rosaryo, palagi pa rin natin itong dinarasal sa pagtatapos ng mga dekada kaparis ng paglalagay dito sa dulo ng mga Salmo. Tandaan natin na ang rosaryo ay ginawang alternatibong panalangin kapalit ng Saltro para sa mga taong walang kakayahang magbasa. Hindi rin naman kasi marami ang kopya ng Saltrong aklat dasalan. Ang Rosaryo ang naging Saltro ng mga layko kaya ang anyo nito na nagwawakas sa Luwalhati ay hindi nagbago.
Kung ang tanong ay nasa Biblia ba ang mga pangalang binibigkas natin sa Luwalhati bilang ang Iisang Diyos na may Tatlong Persona, Ama, Anak at Espiritu Santo? — ang sagot ay mula mismo kay Hesus na dumating upang lubos na ipakilala sa atin ang Ama at sa kanila nagmumula ang Espiritu Santo. Mababasa natin sa Ebanghelyo ni San Mateo: “Kaya't humayo kayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng mga bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo” (Mt. 28:19). Sa Banal na pangalang ito iniatas ni Hesus ang binyag na siyang direktang pagbubunyag ni Hesus ng Banal na ngalan ng Santisma Trinidad. Kaya sa Banal na ngalang ito pinupuri din natin ang Diyos sa panalangin.
0 notes
Photo
O Inang mahal narito kami awit awit ang Ave Maria At dalangin ng bawat pamilya'y kapayapaa't pagkakaisa Ang rosaryo mong hawak namin at awit awit ang Ave Maria Puspos ka ng diwang banal, dinggin ang aming payak na dasal Ihatid mo kami sa langit ng Amang mapagmahal 🙏 https://www.instagram.com/p/B_2c6sIjepW/?igshid=4fnveduhsrlu
0 notes
Text
Mga larawang-pinta sa dingding ng basilika tungkol sa mga himala at koronasyong kanonika ng MAHAL NA INA NG KABANAL-BANALANG ROSARYO NG MANAOAG na ipininta ni G. Francisco C. Zarate (1902-1977)
BASILIKANG MENOR NG INA NG BANAL NA ROSARYO NG MANAOAG Manaoag, Pangasinan
#ave maria#banal na rosaryo#santisimo rosario#santo rosario#holy rosary#manaoag#pangasinan#francisco zarate#pontificiaPHL#coronadaPH#koronasyong kanonika#canonical coronation
9 notes
·
View notes
Text
NUESTRA SEÑORA DEL SANTISIMO ROSARIO DE MALITA Malita, Davao Occidental Diyosesis ng Digos
Kapistahan: Ika-7 ng Oktubre Petsa ng koronasyon: 7 Oktubre 2022 Dambana: Parokya ng Banal na Rosaryo
#ave maria#maria#mary#birheng maria#virgen maria#virgin mary#blessed virgin mary#inang maria#mama mary#banal na rosaryo#santisimo rosario#santo rosario#holy rosary#malita#davao occidental#koronasyong episkopal#episcopal coronation#episcopalPH#episcopalPHL
2 notes
·
View notes
Text
Dipolog City – City In The Philippines
Dipolog, ay opisyal na Lungsod ng Dipolog (Filipino): (Chavacano: Cuidad de Dipolog): (Subanen: Gembagel G’benwa Dipuleg/ Bagbenwa Dipuleg): (Cebuano: Dakbayab sa Dipolog), ay isang 3rd class City at kabisera ng lalawigan ng Zamboanga del Norte, Pilipinas. Ayon sa census ng 2015, mayroon itong populasyon na 130,759 katao.
class City at kabisera ng lalawigan ng Zamboanga del Norte, Pilipinas. Ayon sa census ng 2015, mayroon itong populasyon na 130,759 katao.
Geographically, ang Lungsod ay napapalibutan ng rolling hills to the southeast and the Sulu Sea to the North. Dipolog ay kilala sa mga wild orchids and its Sardine industry which stems from the rich fishing area off its shores. Ito ay kilala bilang “Gateaway to Western Mindanao” sa pamamagitan ng Western Nautical Highway and has also been called “the Bottled Sardines Capital of the Philippines”.
Ang Dipolog City ay isa rin sa top travel na destinasyon sa Timog ng kapuluan. Narito ang isang listahan ng mga destinasyon ng mga turista at lokal na hindi dapat makaligtaan kapag naglalakbay ka at bumisita sa Lungsod ng Dipolog City, tawag na sa Mabuhay Travels para makapagpa-book ng murang airfare at mapsyalang ang mapakagandang lugar ng Dipolog City. Mabuhay Travels ang nangunguna Filipino travel agent sa UK.
How to get there
Air
Flying to Dipolog is a good way to get to Mindanao. The closest airport from Dipolog City is the domestic Dipolog Airport. Major airlines fly daily to Dipolog City.
Land
To visit other cities, you can take a Rural Transit bus to Ozamis, Iligan, Zamboanga or Cagayan de Oro.
Sea
Fast Crafts ferry that travel daily from Cebu to Dapitan City take 5 hours and will stop over in Tagbilaran City and Dumaguete City.
Famous places to visit
Linabo Peak
Ang pinaka-popular hiking spot in Zamboanga del Norte ay ang Linabo Peak sa Dipolog City. Ito ang pinakamataas na standing at 486 meters. Ang Linabo Peak ay isa sa mga premiere eco-tourism sites sa Dipolog. Ito ay may 3003 steps na minarkahan ng 14 station of the Way of the Cross. Ang taunag Lenter “KatKat Sakrispisyo” (Sacrifice Climb) is most-attended religious re-enactment fo Jesus’s death in the City. Sa itaas nakikita mo ang nakamamanghang tanawin ng Dipolog, Dapitan at mga kalapit na Bayan.
Sta. Cruz Marker
Ang pinakamatandang palatandaan ng Dipolog, at ng Kristiyanismo, ang Sta. Cruz Marker sa isa sa mga pinakalumang kalye sa Dipolog City. Mayo 1905 na nagmamarka sa araw na ang isang grupo ng mga Boholano ay unang lumapag sa lunsod na ito, at tinawag itong kanilang tahanan. Ang Dipolog ay nakatayo sa dulo ng western Mindanao at tinatawag na Gateway sa Western Mindanao at Zamboanga Peninsula. Tinitingnan nito ang mga Lalawigan ng Negros, at Cebu beyond the body of water.
Sungkilaw Falls
Sungkilaw Falls sa Dipolog City, kasama na ngayon ang ZaNorte sa isang destinasyon ng turista matapos na mabuo bilang isa sa isang lugar sa Zamboanga Peninsula para sa mga naghahanap ng kasiyahan.
Ang natural na tanawin ay nakaposisyon sa gitna ng luntiang kagubatan at umaabot sa falls ay nangangailangan ng adventuresome isang trekking lasingan ng humigit-kumulang na 400 pababang mga hakbang na paikot sa dahan-dahan puno, flora at fauna.
Libuton Cave
tuklasin ang Libuton Cave sa pamamagitan ng spelunking. Ang likas na lungga para sa mga bats, ang Libuton Cave ay isang lugar na maaari kang mag-enjoy sa bagong destinasyon sa bayan. Ito rin ay isa sa pitong magkakabit na kuweba sa Dipolog – ngunit sadly tatlo lamang sa kanila, kabilang ang Libuton, ay bukas para sa exploration.
The Cathedral of our Lady Holy Rosary
Ang Katedral ng Ina ng Banal na Rosaryo sa Dipolog City ay isa sa ilang mga simbahan na mahalaga sa kasaysayan na hindi para sa istraktura nito kundi para sa nag-disenyo nito. Itnayo noong 1895 by Spanish friars, ang katedral still has its hand carved ceiling intact up to this day, ang altar ay dinisenyo ng National Hero Dr. Jose Rizal. Ang harapan ay maaaring bibigyan ng isang mukha ng pag-angat ngunit ang simbahan ay isang paalala na moderno, at maaaring halo sa lumang.
Maraming Salamat Po.
Read More:- https://blog.mabuhaytravel.uk/2019/12/24/dipolog-city-city-in-the-philippines/
This Article, Information & Images Source (copyright) :- https://blog.travelcenter.uk
#travel#mabuhaytravel#travelvibes#wanderlust#traveller#travellife#travelgoals#bestplacetotravel#Holidaymakers
0 notes
Photo
Isang larawang-pinta tungkol kay Mahal na Ina ng Banal na Rosaryo ng Manaoag
Basilikang Minor ng Ina ng Banal na Rosaryo ng Manaoag
0 notes
Text
Byeble
This is a daily reminder that changing views and opinions does not make you a hypocrite. Sabi nga don sa tweet kong nabasa, such mindset extends to our education system whose mission is to correct/improve the “virtual” reality we’ve entrenched on ourselves. It’s good if you’re a principled person, but you can’t be so without even having the time to reassess and revisit every side of the dialogue.
Isa ‘to sa mga rason kung bakit mahirap ibahin opinyon ng ibang tao despite the loads of facts and significant evidences presented to them. Bigyan mo man ng ganto ganyan, “bible pa ren kame mga ulol!!!” ang response. Most of these people have sided with their religion for years and ok, nothing wrong with that. But dont come shoving down a piece of fiction you believe in down every people’s throat just because you’re the majority. You can’t use bible every fucking time you’re starting to lose the argument, let alone use the word of God selectively to fit in with your agenda.
Basic commandment of God nga e is not to lie e. Sure naman akong nasa very core din ito ng bible pero bakit di niyo masunod??? Kasi nga diba, selective kayo as to which of which you’ll follow diba??? Feel niyo kasing marami rin namang nagawa nito kaya oh ayan okay lang. Alam niyo bang bawal din ang kasuotang more than two fabrics para sa mga kristyano??? Na promoted sa bible ang patriarchy and rape and genocide???? Na ang constitution ng Ph despite not siding with any religion and being deemed “rational and fair” ay hindi naman talaga? Na talaga namang nakabase lang din ito sa bibliya?
Pero wala. Hirap kasi sa ilang mga relihiyoso kong kakilala, palibhasa sila itong mga banal at may mga rosaryo sa bulsa ay sila na agad ang mabubuti. Ive had so many xps kung saan kapag may masamang nangyayari saken, sasabihin nilang, “ayan kasi kaka-dislike mo sa religion” which is super illogical and unfair kasi pag itong mga ganito ang nangyayari sa mga relihiyoso, “ay. plano yan ni god bes. trust him lang ano ba.” Oh diba ganyan! Nakakaloka.
This is why we should blur the lines between spirituality and religion. Ako ha, as a person talaga bimb, I believe in God. I was once agnostic pero nahirapan ako to deal with the fact na walang God kasi nasanay na ako cos of my parents. But I untethered His love to me from my love to the idea of religions. Hindi ko kasi masikmurang satsat nang satsat yung mga pari abt “uy mga bes give money naman to the poor” tapos aba mga kotse ga naman pag pupunta sa chapel naman dine daig pa kotse namin bimb ha. “Love one another” napaka-basic diba???? Pero ayon, hate the gays daw. Hate homosexuality raw. wowz naman.
Simply put, para magkaroon ng common ground tayong lahat dito, be empathetic and critical enough. Hindi nga kasi pwedeng side mo lang pinapakinggan mo while debating. You should have both ears open for mooting and critiquing + an open heart and fair mind to judge as to which side you’re gonna lean on. Love love love!!!
#LOVEWINS | #HereTogether | #TingnanNiyoPoBagongPictureNiBaeJoshuaGarciaAkoPoNagpictureNonDitoSaAmingBackyard
0 notes
Text
NUESTRA SEÑORA DEL SANTÍSIMO ROSARIO, LA NAVAL DE MANILA La Gran Señora de Filipinas Prusisyon ng Lahat ng mga Prusisyon Ika-8 ng Oktubre, 2023 Lungsod Quezon
#mary#maria#ave maria#birheng maria#virgen maria#virgin mary#inang maria#mama mary#banal na rosaryo#santisimo rosario#santo rosario#holy rosary#la naval de manila#la gran senora de filipinas#prusisyon ng lahat ng mga prusisyon#procession of all processions#lungsod ng quezon#lungsod quezon#ciudad de quezon#quezon city#coronadaPH#coronadaPHL#pontificiaPHL
31 notes
·
View notes