#lungsod dagupan
Explore tagged Tumblr posts
Text
NUESTRA SEÑORA DEL SANTÍSIMO ROSARIO DE CALMAY Calmay, Lungsod Dagupan, Pangasinan Arkidiyosesis ng Lingayen-Dagupan
Kapistahan: Ika-7 ng Oktubre Petsa ng koronasyon: 22 Oktubre 2023 Dambana: Parokya ng Banal na Rosaryo
#ave maria#maria#mary#birheng maria#virgen maria#virgin mary#blessed virgin mary#inang maria#mama mary#banal na rosaryo#santisimo rosario#santo rosario#holy rosary#calmay#dagupan#lungsod dagupan#ciudad dagupan#dagupan city#pangasinan#koronasyong episkopal#episcopal coronation#episcopalPH#episcopalPHL
2 notes
·
View notes
Text
Limited budget, but unlimited memories!
"Tired feet, happy heart!"
10 years old ako noong pumunta kami ng pamilya ko sa Baguio City. Isa ito sa mga biglaan naming lakad, walang preparation at wala masyadong pagpaplano kaya naman hindi naiwasan ang mga hindi inaasahang pangyayari noong araw na yon. Madaling araw kami nagpasiya na umalis para maaga kaming makarating sa Baguio. Bago pa man kami makarating doon ay nakiayon sa amin ang panahon at ang kalsada. Walang masyadong mga sasakyan ang nasa kalsada noong mga panahon na iyon kaya naman tuloy-tuloy ang byahe namin. Nakakahilo sapagkat masalimuot ang daan, paikot, padiretso, pababa, at pataas. Pagkalipas ng ilang oras na byahe ay narating na namin ang Baguio. Tila napakaganda at nakakawala ng pagod ang iyong matatanaw. Malamig na simoy ng hangin at tahimik na kapaligiran ang sasalubong sa iyo. Inaya ko yung mga kapatid ko na umupo sa base ng flagpole at pag-usapan ang aming sari-sariling opinyon tungkol sa lugar na ito. Masasabi kong marami na ang nagbago sa Baguio City ngayon dahil sa tagal at paglipas ng panahon. Marami nang naitayong mga establisyemento at polluted na rin sabi ng iba. Ngunit sa kabila ng mga opinyon ng iba sa Baguio, hindi pa rin ako magsasawa na bumalik ulit dito at bumuo ng panibagong mga alaala kasama pa rin ang pamilya ko.
Ano nga ba ang pinagmulan ng Baguio City?
"When in doubt, just travel and enjoy!"
Ang Benguet, ang "Summer Capital" ng Pilipinas, ay matatagpuan sa Lungsód Baguio at bahagi ng Cordillera Administrative Region (CAR). Ang Lungsód Baguio ay matatagpuan sa isang lambak na may 1,520 metro ng tubig at may temperaturang 18 degrees Celsius. Ito ay may mayamang kasaysayan, mula pa noong kolonisasyon ng mga Espanyol sa Pilipinas noong unang bahagi ng ika-20 siglo. Ang lungsod ay may ilang pangunahing kalsada, kabilang ang Naguilian Highway, Marcos Highway, at Kennon Road, pati na rin ang Session Road. Ang Burnham Park, na dinisenyo ni Daniel Burnham, ay ang pangunahing parke ng lungsod. Ang lungsod ay mayroon ding Wright Park, na naglalaman ng Mansion House, Mines View Park, Camp John Hay, at Philippine Military Academy. Pangkaragdagan, ito rin ay tahanan ng iba't ibang atraksyon, kabilang ang National Museum of Fine Arts, Philippine Military Academy, at ang taunang Panagbënga Festival kung saan nagpapakita ng magagandang bulaklak at isang sikat na atraksyong panturista.
"Life is not meant to be in one place!"
Base sa aming karanasan, mahirap talaga ang magcommute papuntang Baguio. Malayo pa ang aming pinanggalingan ngunit sabi nga nila, "lahat ng paghihirap ay worth it." Sa Manila kami lumipat ng sasakyan at nagpatuloy na sa byahe. Maraming buses ang umiikot mula Manila hanggang Baguio. Kabilang dito ang Genesis Transport, Dagupan Bus Lines, Joy Bus (Genesis), at Victory Liner. Ang byahe sa Baguio ay mahigit apat hanggang anim na oras lamang depende kung saang parte ka ng Manila nanggaling.
Ang mga buses ay kalimitang dumaraan sa Dau exit (NLEX) at Conception exit (SCTEX). Humihinto rin sila kung sakaling may gustong gawin o bilhin ang mga pasahero ay magawa na habang sila ay nakahinto. Sa Victory Liner kami noon nakasakay. Noong una ay nag-aalangan kami sa kadahilanang tuwing kami ay nakasakay sa ganitong bus ay madalas itong masiraan kaya naman wala kaming magawa kung hindi lumipat sa susunod na bus. Ngunit mabuti nalang ay umayon sa amin ang langit, panahon, at mundo, eme! Hindi nasiraan ang bus na sinasakyan namin kaya tuloy pa rin ang ngiti sa aming mga labi.
Para makita ang buong schedule ng Victory Liner Bus ay maaaring pindutin ang link :) https://victorylinerbus.com/schedules/
"I read, I travel, I become"
Para sa kaalaman ng lahat, hindi kumpleto ang bakasyon ninyo kung hindi niyo lilibutin ang buong Baguio! Mahalaga na mayroon kang kaunting kaalaman sa pupuntahan mong destinasyon bago ka pumunta roon para maiwasan ang hindi inaasahang pangyayari.
Maaaring sumakay ng Jeepney dahil ito ay ang pinakamurang paraan para makapaglibot. Kung ang hotel o tinitirahan ninyo ay malapit sa Burnham, ay madaling makahanap ang Jeepney. Ang fare minimum nito ay P12 para sa traditional na Jeepney at P14 naman para sa modernized Jeepney. Pangalawa ay Taxi, more convenient at kung grupo kayo ay swak ito sa budget ninyo. Ang mga taxi sa Baguio ay mas mura kasya sa taxi sa Manila. Ang fare minimum nito ay P35, P45, and P55 depende sa type ng kotse na gagamitin.
Syempre, dahil limited ang aming budget, doon kami sa Jeepney! Hehe. Hindi naman kami nagsisi dahil kitang-kita naman talaga ang kagandahan ng Baguio at isa pa, nagpunta kami roon para magsaya, mag-enjoy at hindi para mainis at pumili pa nang magandang sasakyang panglibot.
Mga bagay o lugar na mapupuntahan sa Baguio City
Wright Park
Location: Gibraltar Road, Baguio City
Matatagpuan sa silangang bahagi ng lungsod, mayroon itong mahabang reflecting pool line na may mga pine tree at nasa harap ng gate ng Mansion. Isa rin sa mga scenic park sa Baguio City dahil sa matataas na pine tree nito, mga makukulay na kabayo na pwede mong sakyan, mga Igorot sa kanilang katutubong kasuotan, at marami pang iba.
Sa kadahilanang nagpupumilit ang aking pamangkin na sumakay sa kabayo ay wala kaming nagawa kung hindi sundin nalang siya. Kinuhanan namin siya ng litrato at kita naman sa kaniyang itsura na siya ay natuwa at nasiyahan.
Burnham Park
Location: Jose Abad Santos Drive, Baguio City
Kilala rin bilang Puso ng Baguio City. Ang urban park na ito ay makasaysayan dahil ito ay itinayo ng isang American architecture na pinangalanang Daniel Burnham. Ito ay itinatag noong Agosto 6, 1925 at ngayon ay may kabuuang 2,600 puno na nakatanim sa paligid ng lugar.
Sa pangalawang litrato makikita ang tanawin sa Burnham Park kapag gabi. Maaliwalas at nakakatanggal talaga ng problema. Isa ito sa babalik-balikan ko sa Baguio.
Botanical Garden
Location: 37 Leonard Wood Road, Baguio City
Operating Hours: 6:00 AM-6:00 PM, daily
Ito ay isang sikat na botanical garden sa City of Pines. Kilala rin bilang Last Frontier ng lungsod. Mayroon itong iba't ibang halaman at makukulay na bulaklak na may mga katutubong kubo sa paligid ng lugar na isang perpektong lugar upang makapagpahinga.
Mines View Park
Location: Mines View, Baguio City
Operating Hours: 5:00 AM-8:00 PM, daily
Ito ay isang tinatanaw na parke na matatagpuan sa hilagang-silangang bahagi ng lungsod. Patok din ito dahil sa mga komersyal na aktibidad nito tulad ng mga souvenir at mga tindahan ng silverworks sa loob ng parke.
Isa rin ito sa pinakamagandang view sa Baguio, 'yung pakiramdam na kahit sa panandaliang panahon ay matatakasan mo lahat ng problema sa buhay mo. Ang tanging gagawin mo lang ay tanawin ang paligid, umupo, magnilay-nilay, at magpakasaya.
-------
Ngayon ko lang napagtanto na hindi pala uso sa amin ang pagkuha ng litrato sa bawat ginagawa namin o pinupuntahan. Mas mahalaga kasi para sa amin ang makapagbonding pare-parehas at matakasan kahit saglit ang mga problema sa buhay. Hindi porket hindi pinost ay hindi na mahalaga, minsan mas masaya lang talaga kapag malayo ka sa reyalidad.
Ang Baguio ay sadyang napakaganda para hindi balikan, hindi nakakasawang pagmasdan lahat ng magagandang tanawin at hindi malilimutang mga karanasan na dito mo lang mararanasan. Kahit na sobrang tagal na noong nakapunta ako sa Baguio, ito pa rin ang nauuna sa Bucket List ko na mapuntahan ulit. Maraming alaala ang nabuo at patuloy na madadagdagan sa paglipas ng panahon.
"Travel takes us out of our comfort zones and inspires us to see, taste, and try new things"
1 note
·
View note
Text
Damhin ang Lamig sa Summer Capital of the Philippines!
Sa taong 2019 kung saan kami ay nasa ika-sampung baitang sa hayskul, nagkaroon kami ng retreat na ginanap sa bayan ng Baguio. Ang City of Pines kung tawagin na matatagpuan sa Hilagang Isla ng Luzon ay isa sa mga sikat na tourist spot sa Pilipinas. Sa buwan ng Enero na sinasabing pinaka-malamig na panahon sa Baguio ang napiling buwan upang ganapin ang aming retreat. Dahil sa temperatura ng nasabing lugar, maraming aktibidad ang maaaring gawin nang hindi pinagpapawisan.
Ang Baguio City ay tinatawag din na Summer Capital of the Philippines dahil sa kakaibang klima nito na hindi madalas nararanasan sa Pilipinas. Dinadagsa ito ng mga Pilipino at turista na nagbabakasyon lalo na sa tag-init. Makikita rin dito ang mga puno ng pino na isa sa mga naging dahilan upang sumikat ang nasabing lugar. Ang mga pista sa Baguio ay isa rin sa mga inaabangan ng mga tao tulad ng Panagbenga Festival o ang pista ng mga bulaklak. Ito ay ginaganap sa buong buwan ng Pebrero upang ipakita ang mayamang kultura ng lugar at ang kasaganahan ng mga bulaklak.
Kahit piling lugar lamang ang aming napuntahan, ang retreat ng aming klase sa Baguio ay isa sa mga hindi malilimutang alaala ng aming buhay bilang hayskul dahil sa mga karanasan na naganap sa lugar na ito. Matatalakay ng blog na ito ang mga sikat na tourist spot sa Baguio na aming napuntahan kabilang na rin ang aming mga karanasan, rekomendasyon, at komento.
Una sa lahat, paano nga ba makakapunta sa Baguio?
Hindi madali ang pagpunta sa Baguio dahil sa layo ng lugar at sa tarik ng mga dinadaanang kalsada paakyat dito. Para makapunta sa Baguio kung ang pinanggalingan ay sa labas ng Luzon, kailangan munang makapasok sa Maynila o sa Clark Airport. Mula rito, mayroong iba’t ibang paraan at mga alternatibo na puwedeng gamitin upang makapunta sa Baguio.
Isa sa mga alternatibo na maaaring piliin ay ang bus na pinakamadalas at pinakamatipid na paraan upang makapunta sa Baguio galing sa Metro Manila. Iba’t ibang klaseng mga bus katulad ng Victory Liner at Dagupan Bus ang matatagpuan sa Metro Manila. Mahigit 4-6 oras ang tatahakin upang makarating sa Baguio kung gagamitin ito.
Sa kaso nang pagpunta namin sa Baguio, ang retreat o recollection ang aming sadya kaya naman sumakay kami ng bus na nirentahan ng paaralan. Dahil galing kami ng Dinalupihan, Bataan, tumagal ng mahigit tatlong oras ang biyahe namin papunta roon. Dinaanan namin ang Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) hanggang sa hilaga sa Tarlac City, Tarlac. Mula roon, dumaan kami sa dating McArthur Highway hanggang sa Rosario Junction, La Union at pagkatapos ay dumiretso na kami papuntang Baguio City.
Kung mayroon namang puwedeng gamiting sasakyan, mas makakatipid ito kumpara sa pagkokomyut dahil ang gasolina lamang ang proproblemahin. Hindi pa mahirap ang paglalakbay patungong Baguio City dahil hindi na kinakailangan pang magpapalit-palit ng sinasakyang transportasyon upang makarating dito.
Anu-ano nga ba ang mga sikat na tourist spot na matatagpuan sa Baguio City?
1. BURNHAM PARK
Ito ang una naming pinuntahan pagkarating namin ng Baguio City dahil ito ang lugar kung saan kami kakain. Nakarating kami rito ng alas dose ng tanghali upang makapagpahinga at makapaglibot. Pagkababa namin ng sasakyan ay dama na ang lamig ng buong paligid. Maraming tao at mga tindahan ang bumungad sa amin sa parkeng ito. Naghanap kami agad ng puwesto na pagkakainan at napadpad sa mga upuan na napapaligiran ng mga puno. Ang lugar na ito ay napakaganda dahil sagana ito sa mga puno at agaw pansing mga tanawin. May mga unggoy din na pagala-gala sa lugar na ito ngunit kinakailangang maging maingat upang hindi makain ang dalang pagkain at hindi manakit ang mga ito ng tao.
Pagkatapos kumain ay naglakad-lakad kami sa palibot nito. Nakakita kami ng lugar kung saan maraming tao ang gumagamit ng bisikleta, karaniwan ay mga magpapamilya at magbabarkada. Hindi namin nasubukang sumakay dito dahil maraming tao ang sumasakop sa daan kung saan magbibisikleta at dahil na rin inaalala namin ang limitadong oras na mayroon kami sa paglilibot dito.
Sa paglalakad-lakad ay nakakita kami ng lugar kung saan puwedeng sumakay ng bangka. Naglakas-loob kami na subukan ito at bandang huli, naging isa ito sa mga magagandang karanasan na hindi namin kailanman malilimutan. Masaya ang pagsakay dito ngunit may pangamba na baka matumba dahil kaunting galaw lamang ay umuuga na ang bangka. Mayroon kaming nakilalang bata na tiga-sagwan ng bangka na isa rin sa mga nagtatrabaho rito. Marami kaming istorya na narinig tungkol sa buhay niya, mayroong masaya ngunit madalas ay puro kalungkutan at pagsubok. Habang nakasakay ay matatanaw ang magagandang tanawin kagaya ng mga naggagandahang bulaklak at nagtataasang mga puno. Nagbibigay ganda rin sa lugar ang napakalamig na klima rito.
2. PHILIPPINE MILITARY ACADEMY / PMA
Ang Philippine Military Academy o PMA ay matatagpuan sa Fort Gregorio del Pilar. Kilala ang akademya dahil dito sinasanay ang mga Pilipinong nais mapasama at maging isang opisyal na militar ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP). Tumatanggap ang eskwelahan ng mga bisita at turista upang maipakita ang ganda at kultura nito. Malawak ito at maraming puwedeng selfie spot. Madami ring puno ang nakapaligid dito at malalaking gusali na madalas ay kulay puti. Dahil sa lawak ng eskwelahan, nakakita rin kami ng mga gubat at bangin na kadalasang may harang. Ramdam na ramdam dito ang lamig ng simoy ng hangin pati na ang katahimikan ng paligid. Sa paglilibot dito, marami kaming nakitang mga istatuwa, mga eroplano, at iba pang mga ginagamit ng militar.
Matahimik ang eskwelahan noong binisita namin ito. Kakaunti lamang ang mga taong nakakasalubong namin at madalas ay mga estudyante ito ng eskwelahan. Kadalasan sa mga estudyante ay naka-uniporme at palakad-lakad lamang. Sa paglilibot dito, nakakita rin kami ng mga sundalong sinasanay habang sila ay nagmamartsa. Hindi masyadong nagtagal ang aming pagbisita sa nasabing akademya. Ang mga nagawa lamang namin dito ay kumuha ng litrato at mamili ng opisyal na uniporme ng eskwelahan.
Kahit wala kaming masyadong nagawa rito, ang mga karanasan naman namin ay isa sa mga hindi malilimutan. Nakaramdam kami ng kalayaan sa pagbisita namin sa PMA. Kahit mayroong mahigpit na alituntunin na sinusunod, ang kalayaan na aming naramdaman ay dahil sa pinaghalong lamig at katahimikan. Mapapatitig ka na lamang sa walang hanggan nang hindi namamalayan. Dahil ang aming eskwelahan sa hayskul ay maliit lamang, kakaiba sa aming paningin ang makapunta sa isang malawak na paaralan. Dito namin naramdaman ang tuwa na may halong kaba dahil malapit na kaming magkolehiyo. Sa pagbisita namin sa Philippine Military Academy o PMA, nagbaon kami ng pansariling karunungan at nakapag-uwi kami ng hindi malilimutang mga karanasan.
3. MINES VIEW PARK
Isa rin ang Mines View Park sa mga tourist attraction na dinagdagsa ng karamihan tuwing bumibisita sa lungsod ng Baguio. Ang parke na ito ay isa sa mga bilihan ng pasalubong. Marami at iba-iba ang tinda sa Mines View. Mga pagkain, laruan, damit, at halaman ang madalas na makikita dito. Hindi namin masyadong nalibot ang lugar dahil sa dami ng tindahan. Kinailangan naming tignan ang bawat isa dahil kakaiba at magaganda ang mga produkto rito.
Sa pagpasok pa lang ay mayroon ng mga damit ang nakabungad. Kinailangan naming maging praktikal sa pagbili dahil tiyak na mapaparami ang mabibili namin. Makukulay at magaganda ang kalidad ng halaman na ibinebenta sa parke. Mayroon ding mga kwintas at mga damit panglamig sa iba’t ibang sulok ng Mines View. Karamihan sa mga binili namin ay iyong mga pagkain na nakabote tulad ng peanut brittle, strawberry at ube jam, lengua de gato, at pati na rin mga tinapay. Mayroon ding mga kagamitan na kadalasang gawa sa kahoy tulad ng keychain. Kadalasan sa mga produkto na makikita rito ay likhang kamay na nagpapakita ng talento ng mga mamamayan sa Baguio. Makakabili rin dito ng matitibay na walis tambo, wallet, at mga ginanchilyong kagamitan tulad ng bonnets at bag.
Masaya at maganda ang mga naging karanasan namin sa Mines View Park. Malawak ang lugar at mababait ang mga tao. Sari-sari rin ang pagpipilian at tiyak na maraming maiuuwi sa pabalik sa Bataan. Dahil binisita namin ito sa unang araw, hindi muna kami bumili ng mga gulay at prutas sa pangamba na baka ito ay mabulok. Hindi kailangang matakot na hindi makabili ng mga sariwang prutas at gulay dahil ang susunod na destinasyon ay pinuntahan namin dahil sa layuning makapag-uwi ng mga pasalubong.
4. VEGETABLES AND PASALUBONG STALLS
Bago lumabas sa bayan ng Baguio, hindi maaaring malimutan ang pagbili ng pasalubong. Ang mga kuwadra o bilihan ng mga gulay at pasalubong ay isa sa mga kinakailangang puntahan bago umalis ng Baguio. Sari-sari ang mga produktong makikita sa mga tindahan. Makikita rito ang mga sikat na pagkain na mabibili lamang sa Baguio.
Dahil sa dami ng tindahan, kinailangan naming mag-ikot-ikot upang makahanap ng mas mababang presyo. Madaming pagpipilian na gulay at pasalubong dito. Kadalasan ay pareho lamang ang tinitinda kaya naman mahalagang malibot ang ibang tindahan upang mapagkumpara ang mga presyo. Ang kadalasang binili ng aming klase ay gulay at presa o strawberry. Mapapamura ka rin dito dahil nagbebenta sila ng isang malaking plastik ng gulay na angkop para sa pagluluto ng chop suey.
Mabilis ang naging pagbisita namin dito dahil nasa tabi ito ng kalsada. Gayon pa man, hindi kailangang matakot na maubusan ng bibilhin dahil sa dami ng mga tindahan na nakahilera sa isang gilid. Mababait din ang mga tindera at tila ba mga eksperto dahil hindi sila nalilito sa mga sukli at benta kahit madami ang mga bumibili. Sulit ang pera na gagastusin dito dahil ang mga produkto nila ay sariwa at may magandang kalidad.
5. MANAOAG CHURCH
Maraming tao ang sinasadyang bumisita o dumaan sa Manaoag Church bago umuwi sa kanilang tahanan. Ito ang huling lugar na aming pinuntahan sa buong paglalakbay dahil madadaanan namin ito bago umuwi sa Bataan. Pagkarating namin dito ay mga tindahan ng mga pulseras na puwedeng ipabasbas sa isang pari sa gilid ng simbahan ang agad nakaagaw ng aming pansin. Masasabing napakasagrado ng lugar na ito dahil pagpasok palang namin sa loob ay makikita agad ang mga tao na taimtim na nagdadasal at nagpapahid ng kani-kanilang panyo sa mga poon sa loob ng simbahan. Kami ay nagdasal lamang saglit at saka ipinabasbas ang mga nabiling pulseras.
Pagkalabas ng simbahan ay dumako kami sa lugar kung saan makikita ang isang poon ng Our Lady of Manaoag. Sa gilid nito ay ang puwesto kung saan puwedeng magtirik ng kandila at magdasal ng taimtim, ito ang tinatawag nilang Candle Gallery. Bawat kandila ay may sinisimbolo kagaya ng Health, Family at iba pa. Mayroon ding puwesto kung saan puwedeng magdasal sa pamamagitan nang pagpapalutang ng sinindihang kandila sa tubig.
Pagkatapos ay sinadya naming puntahan ang Rosary Garden kung saan matatagpuan ang iba’t ibang istasyon ng rosaryo. Ito ay bagay sa mga taong naghahanap ng lugar kung saan puwedeng magmuni-muni at magpakalma ng sarili. Pagpasok ay kita ang crucifix o ang krus kung saan pinako si Hesukristo. Bawat parte ng hardin ay naglalarawan ng mga misteryo ng rosaryo. Mapapansin din dito ang malaki at nakahigang rosaryo. Maraming halaman ang nakapalibot dito kaya naman isa ito sa mga lugar na magandang kuhanan ng mga litrato.
Sa bawat lugar na aming tinunguhan, maraming tanawin at tao ang aming nakita at nakasalamuha. Iba’t ibang realisasyon at aral ang napulot namin na makakatulong sa lalong pagpapaganda ng aming buhay. Nakakatuwang isipin na maraming tanawin o lugar ang puwedeng maipagmalaki ng bawat Pilipino dahil ang bawat isa ay nagtataglay ng kamangha-manghang kuwento na kinapupulutan ng aral ng buhay. Dahil sa paglalakbay namin sa Baguio City, nalaman namin na ang pagtungo dito ay nagbibigay kasiyahan sa bawat isa. Marami pa kaming lugar na hindi pa napupuntahan ngunit ang Baguio City ang isa sa mga lugar na aming babalik-balikan. Kahit na ito ay napakalayo at nakakapagod, hindi namin ito naramdaman dahil sa bumungad na tanawin, mga lugar na maaaring libutan at kainan, at pati na rin ang lamig ng hangin na naging parte ng memorya na aming papahalagahan.
Kung kinakailangan ng lugar na lilibutan at pagbabakasyunan, hindi dapat magdalawang-isip na piliin ang Baguio City dahil sulit ang mga karanasang makukuha rito. Kung ninanais na hanapin, aliwin o bigyang oras ang sarili, ang lugar na ito ang makakatulong upang maisagawa ang mga ito. Bago pumunta at magbakasyon sa ibang bansa, subukan munang libutin at tuklasin ang iba’t ibang lugar sa sariling bansa dahil ang pagpapahalaga sa sariling atin ay magbibigay-tibay sa ating bayang sinilangan.
KREDITS SA MGA MAY-ARI NG LITRATONG GINAMIT SA BLOG NA ITO.
2 notes
·
View notes
Text
Agarang medical assistance mula kay VP Sara Duterte, ikinamangha ng isang dialysis patient
LUBOS ang pasasalamat ng pamilya Ronsairo kay Vice President Sara Duterte dahil sa mabilis na medical assistance na natanggap ng kanilang LUBOS ang pasasalamat ng pamilya Ronsairo kay Vice President Sara Duterte dahil sa mabilis na medical assistance na natanggap ng kanilang padre de pamilya matapos itong na-diagnose ng stage 5 chronic kidney disease. April 2022 nang malaman ni Mang Roberto Ronsairo na mayroon siyang stage 5 chronic kidney disease. Aminado si Mang Roberto na pahirapan ang paghahanap ng perang panggamot at pang-dialysis lalo na’t nawalan sila ng trabaho ng kaniyang asawa na si Aling Marites dahil sa COVID-19 pandemic. Kung saan kukuha ng perang panggamot nanatili itong palaisipan sa kanila. Pero tila nabigyan ng pag-asa at liwanag ang pamilya Ronsairo nang malaman na namamahagi ng medical assistance ang Office of the Vice President. Bitbit ang kinakailangang requirements, agad na tumungo si Mang Roberto sa satellite office ng OVP sa Quezon City. Kuwento nito na labis siyang napahanga dahil sa mismong araw ng kaniyang paghingi ng medical assistance ay natanggap niya kaagad ang mga gamot na nagkakahalaga ng P15,000. Naiyak naman sa tuwa ang kaniyang maybahay dahil sa tulong na kanilang natanggap mula sa Bise Presidente. Ayon kay Marites, mailalaan pa ang perang gagamitin sana sa gamot ng kaniyang asawa sa mga iba pang pangangailangan ng kanilang pamilya. Kamakailan ay sinimulan ni VP Duterte ang pamamahagi ng medical assistance at ng burial assistance. Kasunod ito ng pagbubukas ng satellite offices ng kanyang opisina sa iba’t ibang lugar sa bansa. Ayon kay Vice Presidential Spokesperson Atty. Reynold Munsayac na inisyatibo ni VP Sara ang pagbubukas ng mga sangay ng kaniyang opisina upang mapalapit sa taumbayan. Paliwanag ni Munsayac na ang satellite offices na ito ay binuksan upang makapagbigay ng assistance o agarang tulong sa mga panahon ng kalamidad o pangangailangan. Upang makakakuha ng medical at burial assistance, kailangan lang mag-fill out ng application form, magsumite ng mga hinihinging requirements sa mga satellite offices saka ipoproseso. Mga hakbang upang makakuha ng assistance mula sa OVP: Filled-out application form Submit the complete requirements and form via walk-in to satellite office processor/staff Wait for the processing of application The processor/staff will inform the applicant of the date of issuance of assistance that will be provided personally or via email. Maliban sa Quezon City, matatagpuan ang ibang satellite offices sa lungsod ng Dagupan (Region 1), Cebu (Region VII), Tacloban (Region VIII), Zamboanga (Region IX), Davao (Region XI), at Tandag sa Surigao del Sur (Region XIII). Read Full News @ SMNI News Channel Read the full article
0 notes
Text
Halimbawa ng liham aplikasyon sa trabaho
Halimbawa ng liham aplikasyon sa trabaho bilang nurse 2405736 answer. Mar 25 2020 dapat malaman ng aplikante na ang aplikasyon para sa 2020 commonwealth scholarships nangyayari sa panahon ng nobyembre taun taon.
Earian arnelson toyota innovations j p. 1 quality halimbawa liham pag aaplay ng trabaho bilang isang manager. Mga halimbawa ng liham na pang aplikasyon.
Halimbawa ng liham aplikasyon sa trabaho bilang pulis. Halimbawa ng liham aplikasyon sa trabaho bilang pulis. Oktubre 1 2023 g.
Naipakikita ang sarilig istilo sa pagsulat ng liham alamin ang liham aplikasyon ay isang hakbang sa pagkuha ng. Ang liham na ito ay nagsisilbing pagpapahiwatig ng aking interes na maging bahagi ng inyong butihing unibersidad. Mga halimbawa ng liham.
Pulo lungsod ng batangas oktubre 6 2019 dr. Halimbawa ng liham aplikasyon sa trabaho bilang guro 1 see answer answers djerileemedina ambitious sa kinauukulan ako si pangalan nakapagtapos ng batsilyer ng agham sa edukasyon sa unidersidad. Ang liham na ito ay isinusulat upang isumete sa mga employer o kompanya para sila ay makakakuha ng interest na kunin ka sa trabahao.
Stephanie delos reyes human resources manager 123 restaurant inc. Bilang pagsunod sa halimbawa ni jesus taimtim tayong nananalangin sa diyos. Natutukoy ang mga anyo ng liham na maaaring gamitin sa pagsulat ng liham aplikasyon 2.
Halimbawa ng liham aplikasyon sa trabaho bilang accountant 1345957 no. Xone b san miguel tarlac city 415. Zoilo villanueva region i general hospital arellano street dagupan city pangasinan.Pagsulat ng liham aplikasyon layunin. Pamuhatan nagsasaad ng lugar na pinagmulan ng liham at ng petsa kung kailan ito isinulat.
0 notes
Photo
Ang Tren
ni Jose Corazon de Jesus
Tila ahas na nagmula sa himpilang kanyang lungga, ang galamay at palikpik, pawang bakal, tanso, tingga, ang kaliskis, lapitan mo’t mga bukas na bintana.
Ang rail na lalakara’y nakabalatay sa daan, umaaso ang bunganga at maingay na maingay, sa Tutuban magmumula’t patutungo sa Dagupan.
O, kung gabi’t masalubong ang mata ay nag-aapoy, ang silbato sa malayo’y dinig mo pang sumisipol at hila-hila ang kanyang kabit-kabit namang bagon.
Walang pagod ang makina, may baras na nasa r’weda, sumisingaw, sumisibad, humuhuni ang pitada, tumetelenteng ang kanyang kampanada sa tuwina.
“Kailan ka magbabalik?” “Hanggang sa hapon ng Martes.” At tinangay na ng tren ang naglakbay na pag-ibig, sa bentanilya’y may panyo’t may naiwang nananangis.
PAGSUSURI
Ang buhay ay parang byahe, sa mga dinadaanan natin na lugar at tao, may naiwan tayo na alaala. Hindi kami makagalaw nang sapat. Nanatili kami at pinipilit natin ang ating sarili na manatili dahil sa mga kadahilanan na kadalasan ay hindi natin pinakamahusay na mga kadahilanan.
Kami lamang ang bumubuo ng mga dahilan kung bakit hindi tayo makakapunta sa trabaho na nais natin o bakit hindi tayo makakalipat sa lungsod na nais nating ilipat o kung bakit hindi natin masisira ang isang tao na hindi natin naramdaman na konektado sa o kung bakit ito huli na upang magsimula muli, huli na upang magsimula muli, huli na upang muling likhain ang isang buhay. Siyempre, mayroon tayong mga responsibilidad na hindi madaling iwanan, ngunit ang mga ito ay hindi karaniwang mga bagay na nagpapanatili sa atin na maayos sa isang lugar. Ang aming paniniwala, ang aming mga ideya tungkol sa paglipat, kung ano ang kahulugan nito, kung ano ang hinihiling sa atin.
Oo, ang mga bagay na iniisip, sinasabi, o ginagawa ng iba ay minsan ay sasaktan ka-hanggang sa wala na sila. Ano ang makukuha mo mula rito hanggang doon nang pinakamabilis ay kabuuang katapatan - ang pagiging handa na igiit, kilalanin, at ipahayag nang eksakto kung ano ang nararamdaman mo tungkol sa isang bagay. Sabihin ang iyong katotohanan - mabait, ngunit buo at buo. Mabuhay ang iyong katotohanan, malumanay, ngunit ganap at palagi. Baguhin ang iyong katotohanan nang madali at mabilis kapag ang iyong karanasan ay nagdadala sa iyo ng bagong kaliwanagan.
0 notes
Text
Amazing Hundred Islands
Tuklasin natin ang pinaka popular na lugar sa Pangasinan HUNDRED ISLAND believe to be oldest Island.
Ang Hundred Islands ng Alaminos City ay marahil ang pinakapopular na lugar ng turista sa Pangasinan. Ito ay isang pangkat ng humigit-kumulang na 123 isla at islet na nakakalat sa Lingayen Gulf, na pinaniniwalaang nabuo higit sa dalawang milyong taon na ang nakalilipas.
Ang mga isla ay pinaniniwalaang nasa dalawang milyong taong gulang. Mayroong talagang mga sinaunang corals na umaabot nang maayos sa lupain, sa isang lugar na dating binubuo ng seabed ng isang sinaunang dagat. Ang pagbaba ng antas ng dagat ay naglalantad sa kanila sa ibabaw. Ang kakaibang “kabute-tulad ng” mga hugis ng ilan sa mga isla ay sanhi ng pagkawasak at pagkilos ng mga alon ng karagatan. Kung nais mong pasyalan ang Hundred Island sa susunod mong bakasyon planohin na ng maaga kayat call and book now your ticket at Mabuhay Travel and discover the cheapest fare they could offer… save money and time….
Halos limang oras lamang ang layo mula sa Maynila, ang Hundred Island ay isang perpektong pagtakas mula sa pagmamadali at pagmamadali ng lungsod. Ang isang mura at masaya na paraan upang maranasan ang tropikal na Pilipinas maging ito bilang day tour o isang magdamag na paglalakbay, kamping o pananatili sa mga tirahan sa apat na pangunahing isla – ang Quezon Island, Governor’s Island, Marcos Island at Children’s Island.
Sa mahigit na isang daang mga isla na nag-uupod ng mga puting baybayin ng buhangin, mga kuweba, mga bato na apog at mga bangin, at mayaman na buhay sa dagat, Tinitiyak ng Hundred Islands ang isang mahusay at walang katumbas na holiday escapeds sa bahaging ito ng Pangasinan.
Ang Hundred Islands ay tinatamasa ang dalawang uri ng mgapanahon, ang dry season mula Nobyembre hanggang Abril at ang wet season mula Mayo hanggang Oktubre. Inirerekomenda na bisitahin ng mga manlalakbay sa panahon ng dry season o summer, lalo na mula Disyembre hanggang Pebrero kung ang temperatura ay mas malamig at ang paglilibot ay malamang na hindi maabala sa pamamagitan ng pag-ulan at hindi magiging mainit na pagpunta sa paligid.
How to Get to Hundred Islands
Alaminos City is the gateway to the Hundred Islands National Park. It is around five hours by public bus from Manila
Victory Liner, Solid North Bus, Dagupan Bus, Five Star Bus and Philippine Rabbit have multiple trips daily to Alaminos City. Aircon bus fare as of January 2018 is approximately P400 one-way Manila to Alaminos, while ordinary (non-aircon) bus fare is around P350.
From Alaminos City proper, ride a tricycle going to Barangay Lucap’s Lucap Don Gonzalo Montemayor Wharf, this is where the Tourism Information Center is located. Tricycles charge P15 per person and depart when the full, chartered rate is around P100 per ride good for five to six passengers.
Book your Holiday package at Mabuhay Travel for cheapest airfare ever. Our Filipino agents are ready to lend a helping hand for your travel needs call 02035159034, hanapin din kami sa WhatsApp, Facebook.
Salamat Po,
#travel#travelvibes#wanderlust#traveller#travellife#travelgoals#bestplacetotravel#Traveltips#Holidaymakers#Hundred Islands
0 notes
Text
magagandang tanawin sa nuevaecija
–Minalungao National Park-
Pambansang Liwasan ng Minalungao ay isang protektadong lugar ng Pilipinas na matatagpuan sa munisipalidad ng General Tinio, Nueva Ecija sa Gitnang Luzon. Ang parke ay sumasakop ng isang lugar ng 2,018 ektarya nakasentro sa kahabaan ng nakamamanghang Peñaranda River bordered sa magkabilang panig sa pamamagitan ng hanggang sa 16 metrong mataas limestone pader sa paanan ng Sierra Madre hanay ng bundok. Ito ay itinatag noong 1967 sa pamamagitan ng kabutihan ng Republic Act No. 5100.
Ang parke ay itinuturing bilang isa sa ilang mga natitirang natural na kapaligiran sa rehiyong ito sa hilaga ng Manila. Ito ay na-promote sa pamamagitan ng mga lokal na pamahalaan bilang isang ecotourism destination. Ito ay mayroong berdeng malinis na ilog at natatanging mga batong nabuo. Ang isang sistema ng hindi pa napupuntahan na ilalim ng lupa at kweba din ay kinilala bilang mga potensyal na atraksyon. Mga Pasilidad para sa picnic, paglangoy, pangingisda, raft riding at talampas diving may ganito rin pa na ilagay up upang makahatak ng mga bisita.
–San Jose City Cathedral-
Ang Diyosesis ng San Jose sa Pilipinas ay isang teritoryo ng pari o obispo o diocese ng Latin Rite ng Roman Catholic Church sa Pilipinas.Ito ay itinatag noong 1984, na dati ay bahagi ng diyosesis ng Cabanatuan. Ito ay isang supragan ng Arkidiyosesis ng Lingayen-Dagupan.
Dito ginanap ang unang obispo noong Marso 2011 sa pangunguna ng Apostolic Nuncio sa Pilipinas. At ang ito ay ipinagdiriwang ang Silver anibersaryo nito ng canonical pagtayo noong Hulyo 14, 2009. Sa Abril 20, Pope Benedict XVI pinangalanan nito ikatlong obispo, Most Rev. Mylo Hubert C. Vergara, tulad ng mga obispo ng Pasig. Sa kasalukuyan, ang diocese ay kilala sa pamamagitan ng kanyang ika-apat na obispo Karamihan Rev.Roberto Calara Mallari DD, dating Katulong na Obispo ng arkdyosis ng San Fernando, Pampanga.
Ang diyosesis ng San Jose, Nueva Ecija, ay nilikha sa Pebrero 16, 1984 sa pamamagitan ng Pope John Paul II at canonically itinayo noong Hulyo 14, 1984. teritoryo nito ay kinuha mula sa Diyosesis ng Cabanatuan kung saan sa parehong oras ng dibisyon na binubuo ng buong probinsya ng Nueva Ecija.
Labing-anim na parokya, sa labas ng apatnapu’t isa parokya ng Diocese ng Cabanatuan ay nasa sa diyosesis ng San Jose, Nueva Ecija. 80 porsiyento ng mga tao ay mga Romano Katoliko at ang natitirang bahagi ng 20 porsiyento ay mga miyembro ng iba’t ibang mga sekta at denominasyon.
-Dupinga River-
Ang Dupinga marahil ang pinaka tanyag sa bayan ng Gabaldon pagdating sa turismo. Ito kasi ang pinaka-madaling puntahan mula sa bawat sulok na manggaling sa Cabanatuan, Laur o Dingalan.
Ang Dupinga ay lugar ng mga Dumagat (lumad) dito sila ang nangunang nanahan at nagpapatuloy magpa-hanggang sa ngayon subalit sa kadahilanang dumadami ang pumupunta at nakaka diskubre sa lugar tumataas din ang demand na magdagdag ng mga kubo kaya naman pumasok ang mga nakatira sa kalapit na barangay na hindi katutubo at nag umpisang magtayo ng kanya-kanyang kubo. Ang ibang Dumagat naman ay nagbebenta ng kanilang lupa kaya sa ngayon ay hati ang lugar para sa mga katutubong Dumagat at sa mga hindi katutubo.
-Gabaldon Falls-
Waterfall na ito ay isang maikling 3km hike mula sa bayan ng Gabaldon. Ang tubig ay mula sa bundok Sierra Madre sa itaas nito. Ang tubig ay malamig, malinaw at malinis, ito ay aktwal na naiinom. Ang Gabaldon ay kilala para sa kanyang malinis na pinagkukunan ng tubig. Sa katunayan, ang mga naninirahan ang nagwagi ng isang award ng pamahalaan para sa pagkakaroon ng malinis na pinagkukunan ng tubig sa Pilipinas! Marahil na sa likod ng Sierra Madre ay tiyak na hindi tinatablan ng sibilisasyon. Umaasa kami na ito ay mananatiling ganito.
Sa gitna ito na kaloob ng kalikasan, ang mga lalawigan ay pinagpala sa kamangha-manghang tanawin ng Gabadon Falls. Ipinangalan sa bayan ng Gabaldon kung saan ito ay natagpuan, ang sampung-paa talon ay napapaligiran ng malaking bato pagbuo at rippling tubig malamig na malamig. Ito ay matatagpuan sa loob ng 200 ektaryang Sabani Estate Agricultural College.
Ang mga nakatagong Gabaldon Falls ay mahaba ay isang napaboran destinasyon sa mga turista para sa kahanga-hangang tanawin nito. Ang mainam at malinaw spring water ay mula sa Sierra Madre at may tapat na paraan ng pagkilala bilang ang cleanest pinagmulan natural na tubig sa Pilipinas.
-Pajanutic Falls-
Pajanutic Falls ay matatagpuan sa Carranglan, Nueva Ecija. Matatagpuan sa Mejedigan, Carranglan, ang lugar ay may lawak na 1.5 ektarya. Ito ay may waterfalls na may 15 metro ang taas na napapalibutan ng mga berdeng dahon. Ito ay isang magandang lugar para sa picnic at ekskursyon. Ito ay maaaring mapuntahan sa pamamagitan ng transportasyon at 15 kilometro ang layo mula sa Poblacion.
-Buburayok Spring-
Sa Rizal, ang Buburayok Springs sa may paanan ng Mount Amorong ay isang mainit na bukal na pinaniniwalaang nakagagamot. Matatagpuan din dito ang General Luna Falls na may 100 piye ang taas na umaagos pababa sa mabatong pader ng bundok.
-Dalton Pass-
Dalton Pass, tinatawag din na Balete Pass, ay isang zigzag road at mountain pass na nagdurugtong sa mga probinsya ng Nueva Ecija at Nueva Vizcaya, sa central Luzon isla ng Pilipinas.
Ang tuktok ng Dalton pass ay sa paligid ng 3,000 talampakan (910 m) sa elevation, : 517 na matatagpuan sa Caraballo Sur (mountain range) at ang Sierra Madre (mountain range). Ang puno ng ilog ng Digdig River nagmula sa timog lamang ng pass na ito. : 517 ang Balete Ridge ay nagsisimula sa dalawang milya sa kanluran-hilagang-kanluran ng pass, na may isang mataas na punto sa Mt. Imugan (5580 talampakan), at umaabot ng siyam na milya sa silangan-timog-silangan, kung saan ito ay nagtatapos sa Mt. Kabuto (4,600 talampakan).
-Eco Park-
Sa lugar na ito maraming magagandang lugar na maaari mong makita ang.Ito ay ang perpektong lugar upang bisitahin dahil sa kanyang malamig na tubig, karamihan ay sinasabing ang Eco Park sa Gabaldon ay mabilis na pagkakaroon ng mabuting pangalan bilang isa sa mga pinakamahusay na mga turista sa Nueva Ecija. Ang pagkakaroon ng iba-iba na impluwensya mula sa iba’t ibang mga tribo at mga komunidad, tinatangkilik Nueva Ecija isang buhay ng kapaligiran, na kung saan ay tiyak maraming turista ang pupunta. Pero bukod sa maayos at magandang lalawigan na ito, ipinagmamalaki rin ng maraming mga nakatagong kayamanan pati na rin ang mga lokal na tourist spot na hindi mo dapat makaligtaan. Tayo’y umaasa lamang sa tamang maintenance nito ,sang ayon ang karamihan bilang ang lugar ay talagang maganda at ito ay perpekto para sa mga naghahanap para sa isang murang paraan upang magsaya kasama ang pamilya at mga kaibigan.
-Munoz-
Muñoz, opisyal ng Science City of Muñoz, ay isang lungsod sa lalawigan ng Nueva Ecija, Central Luzon, Pilipinas, nakatayo 147 kilometro (91 mi) sa hilaga ng kabisera Manila. Dahil sa mayaman topograpiya nito at tropikal na klima, ito ay tahanan sa agrikultura pananaliksik at teknolohiya center, nakatuon sa ang produksyon ng impormasyon at teknolohikal na breakthroughs upang itaguyod rural development, produktibo at seguridad sa pagkain ngayon.
Mula sa kanyang mababang-loob pinagmulan bilang “Sitio Papaya”, ito ay pinalitan bilang Muñoz noong 1886 sa karangalan ng Spanish Governor Don Francisco Muñoz. Ito ay sa 1913, sa ilalim ng Executive Order No. 72, kapag Muñoz ay ipinahayag bilang isang bago at independiyenteng munisipalidad.
-Pantabangan Dam-
Pantabangan Dam ay isang lupa-fill dike dam sa Pampanga River na matatagpuan sa Pantabangan sa Nueva Ecija lalawigan ng Pilipinas. Ang multi-purpose dam nagbibigay ng tubig para sa patubig at hydroelectric power generation habang nito reservoir, Pantabangan Lake, affords pagkontrol sa baha. Reservoir ay itinuturing na isa sa mga pinakamalaki sa Timog-silangang Asya at din ang isa sa mga cleanest sa Pilipinas. Konstruksiyon sa dam ay nagsimula noong 1971 at ito ay kumpleto sa 1977.
-Gross Ostrich Farm-
Gross Ostrich Farm San Leonardo, Nueva Ecija – Matatagpuan sa Brgy. Tagumpay, San Leonardo, Gross Ostrich Farm lumalaki, breed at propagates import ostriches parehong para sa mga tao consumption at para sa turismo tulad ng pagbebenta ng mapalamuting itlog, katad wallets, makukulay na balahibo at iba pang pamamagitan ng mga produkto. Maabot Ostriches taas ng tungkol sa 7 – 8 mga paa, may bigat 110-130 kg, ay tumatakbo sa isang bilis ng 60 km / h, ay may isang habang-buhay ng 50 – 80 na taon at isang pag-aanak buhay ng 20 – 25 na taon.
Ang sakahan gumagawa fillet karne sa P600 / kl, steak sa P500 / kl at gumalaw magprito sa P400 / kl. On-site farm pagbisita upang makita ang “big bird” sa kanilang natural na tirahan ay inayos para sa mga mag-aaral at propesyonal magkamukha.
-Mt. Olivette-
Isang daang-step baitang ang humahantong sa mga simbahan na binuo sa pamamagitan ng mga espirituwal na komunidad Adarnista sa bundok. Madalas puntahan ng mga Pilgrim na maligo sa at uminom ng tubig ng bukal sa kanyang paniniwalang ito sa panggamot.
1 note
·
View note
Text
Gamit pang-agrikultura, hatid ng DA sa Pangasinan at Dagupan
#PHinfo: Gamit pang-agrikultura, hatid ng DA sa Pangasinan at Dagupan
LUNGSOD NG DAGUPAN, Nob. 18 (PIA) - Patuloy ang pamahalaan, sa pamamagitan ng Department of Agricuture (DA), sa pamamahagi ng mga gamit pang-agrikultura para matulungan ang mga magsasaka sa bansa.
Sa Pangasinan, pinangunahan ni DA Secretary William Dar at ni Gobernador Amado Espino III kasama ang mga kinatawan ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHILMECH), ang pamamahagi ng 64 na units ng tractor para sa mga magsasaka mula sa una hanggang ika-apat na distrito ng lalawigan.
Nakatakda ring makatanggap ang mga magsasaka mula sa ika-lima at ika-anim na distrito sa mga susunod na araw.
“Kami po sa Kagawaran ng Pagsasaka ay sumasaludo sa kagitingan ng mga magsasaka at mangingisda dahil kahit may pandemya ay nandiyan pa rin kayo nagsasaka, nangingisda, nagnenegosyo. Ang tawag sa inyo ay ‘Bayani Kita.’ Kayo po ay aming bayani,” saad ni Secretary Dar.
Sa lungsod naman ng Dagupan, namahagi rin ang DA at lokal na pamahalaan ng 90 na bag ng inbred seeds pati na din 75 packs ng hybrid seeds para sa kabuuang 115 ektaryang taniman ng mga barangay na mapapamahaginan.
Ayon kay City Administrator Vladimir Mata na tumatayo ring officer-in-charge ng Agriculture Office sa siyudad, ang mga pinamahagi ay sa ilalim naman ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) program na naglalayong tulungan ang mga magsasakang maging globally competitive, mapaangat ang kanilang produksyon at higit sa lahat ay upang matiyak na mapunan ang hapag-kainan o food security.
Samantala, sa isinagawang Laging Handa Network BriefIng, ipinahayag ni Mayor Sofronio Ona Cuenca ng Calaca, Batangas ang mga iba't ibang tulong ng gobyerno sa agrikultura at industrial modernization.
Ayon kay Mayor Cuenca, ang kanilang mga upland barangays ay may matatabang lupa kaya’t nagkaroon ng proyektong ‘isang produktong agrikultura, isang barangay’.
Ani Cuenca, tinuturuan nila at binibigyan ng kaukulang pagsasanay at ‘technical know-how” maging ng mga makinarya upang dumami ang kanilang produksiyon at tumataas ang kanilang kita. (JCR/AMB/RPM/PIA Pangasinan)
***
References:
* Philippine Information Agency. "Gamit pang-agrikultura, hatid ng DA sa Pangasinan at Dagupan." Philippine Information Agency. https://pia.gov.ph/news/articles/1059173 (accessed November 18, 2020 at 03:00PM UTC+08).
* Philippine Infornation Agency. "Gamit pang-agrikultura, hatid ng DA sa Pangasinan at Dagupan." Archive Today. https://archive.ph/?run=1&url=https://pia.gov.ph/news/articles/1059173 (archived).
0 notes
Text
Tagalog News: Employers sa Pangasinan hinikayat na sumunod sa OSH law
Tagalog News: Employers sa Pangasinan hinikayat na sumunod sa OSH law
LUNGSOD NG DAGUPAN, April 8 (PIA) — Hinikayat ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya o Department of Trade and Industry (DTI) ang mga employer sa lalawigan ng Pangasinan na gawing mas ligtas at mas nakabubuti sa kalusugan ng mga empleyado ang kanilang mga kumpanya upang maproteksyunan ang lahat ng mga manggagawa mula sa anumang panganib sa kanilang kapaligiran kapag nasa trabaho.
Ayon kay…
View On WordPress
0 notes
Text
Tagalog News: Presyo ng ilang pangunahing bilihin, bahagyang tumaas - DTI
#PHinfo: Tagalog News: Presyo ng ilang pangunahing bilihin, bahagyang tumaas - DTI
LUNGSOD NG DAGUPAN, Okt. 31 (PIA) - Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI)-Pangasinan, nagkaroon ng bahagyang pagtaas sa presyo ang ilan sa mga pangunahing bilihin o tinatawag na basic necessities at prime commodities.
Ayon kay Natalia Dalaten, officer-in-charge provincial director ng DTI-Pangasinan, ang bagong listahan ng Suggested Retail Prices (SRPs) na na-update nito lamang ika-30 ng Setyembre ay base sa pagtaas ng halaga ng mga raw materials at packaging materials ng mga basic necessities at prime commodities.
Ani Dalaten, base sa pinakabagong listahan ng SRPs ng DTI, ang presyo ng mga de-latang sardinas, noodles, kape, processed canned beef, mga pampalasa at mga sabong pampaligo ay tumaas ng mula isa hanggang pitong porsyento.
Samantala ang mga processed milk, tinapay, sabong panlaba, kandila at battery ay walang naging paggalaw sa presyo.
Pinayuhan ni Dalaten ang mga konsyumer na piliin ang mas murang brand upang makatipid dahil may mga ilang brand ng mga basic necessities at prime commodities na hindi tumaas ang presyo.
Pinayuhan din niya ang mga retailers sa lalawigan na palaging suriin ang presyo ng kanilang paninda upang matiyak na sila ay sumusunod sa SRPs na itinalaga ng DTI at maiwasan ang posibleng karampatang parusa kung mapatunayang lumabag sa pagtatakda ng presyo ayon sa Price Act.
Hinikayat naman ni Dalaten ang publiko na i-report ang kanilang reklamo sa presyo ng basic and prime commodities sa DTI-Pangasinan Provincial Office na matatagpuan sa 2nd Floor ng Star Building, Arellano Street sa Dagupan City o tumawag sa telepono bilang (075) 551-3183 o 529-6177 o kaya ay mag-email sa [email protected]. (JCR/AMB/EMSA, PIA Pangasinan)
***
References:
* Philippine Information Agency. "Tagalog News: Presyo ng ilang pangunahing bilihin, bahagyang tumaas - DTI ." Philippine Information Agency. https://pia.gov.ph/news/articles/1029386 (accessed October 31, 2019 at 05:24AM UTC+08).
* Philippine Infornation Agency. "Tagalog News: Presyo ng ilang pangunahing bilihin, bahagyang tumaas - DTI ." Archive Today. https://archive.ph/?run=1&url=https://pia.gov.ph/news/articles/1029386 (archived).
0 notes
Text
Tagalog News: PHO hinikayat ang mga magulang na pabakunahan ang anak kontra tigdas
Tagalog News: PHO hinikayat ang mga magulang na pabakunahan ang anak kontra tigdas
LUNGSOD NG DAGUPAN, Peb. 7 (PIA) — Hinikayat ng Pangasinan Provincial Health Office (PHO) ang mga magulang na dalhin ang kanilang mga anak sa health center at pabakunahan ang mga ito laban sa sakit na tigdas.
Ayon kay Karen Lois Dela Cruz, nurse sa PHO, dapat pabakunahan ng mga magulang ang kanilang mga anak dahil ito ang pinakamabisang paraan upang hindi madaling mahawa ng virus na dala ng…
View On WordPress
0 notes
Text
KWF tumatanggap na ng nominasyon para sa Ulirang Guro sa Filipino 2019
KWF tumatanggap na ng nominasyon para sa Ulirang Guro sa Filipino 2019
LUNGSOD NG DAGUPAN, Disyembre 27 (PIA) — Tumatanggap na ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ng mga nominasyon para sa “Ulirang Guro sa Filipino” para sa taong 2019. Taunang iginagawad ng KWF ang titulong “Ulirang Guro sa Filipino” sa mga pili at karapat-dapat na guro na ginagamit ang Filipino bilang midyum ng pagtuturo. Hangad ng naturang tanggapan na parangalan ang mga natatanging guro sa…
View On WordPress
0 notes
Text
Tagalog News: Pag-IBIG Fund members hinikayat na mag-upgrade ng monthly savings
Tagalog News: Pag-IBIG Fund members hinikayat na mag-upgrade ng monthly savings
LUNGSOD NG DAGUPAN, Dec. 4 (PIA) — Muling hinikayat ng Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG Fund) ng lungsod ng Dagupan ang mga miyembro nito na mas taasan ang kanilang buwanang hulog na kontirbusyon upang makasali at magkaroon ng pagkakataong manalo ng hanggang P1 milyon sa Dagdag-Ipon Raffle Promo Part 3 ng ahensya.
Ayon kay Corina Joyce Balanon-Calaguin, supervising loans and credit officer…
View On WordPress
0 notes
Text
Tagalog News: Federalism Roadshow ginanap sa Pangasinan
Tagalog News: Federalism Roadshow ginanap sa Pangasinan
DAGUPAN CITY, Oct. 30 (PIA) – Higit 3,000 katao mula sa rehiyong Ilocos ang nakaalam ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sa Pederalismo dahil sa iba’t ibang aktibidad sa naganap na Regional Federalism Roadshow sa lungsod ng Dagupan.
Noong Oktubre 10 at 11, naganap ang Federalism Roadshow sa pangunguna ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Region 1 sa pakikipagtulungan ng…
View On WordPress
0 notes