Tumgik
#balangaraw
gershonscm · 3 years
Text
BALANG ARAW.
Tumblr media
Naranasan mo na bang hindi makatulog, Sa gabi palaging nasa isip puro pagsubok?
Na sa araw-araw na parang hadlang, Sa mga pangarap mong hanggang tingin na lang.
Pero kahit sa ngayon ang kaya mo'y eto lang, Alam kong kaya mo, kasi ikaw yan.
Ikaw na marami nang nalagpasan. Ikaw na marami nang pinagdaanan.
Kaya ang masasabi ko lang sayo, Na kahit maraming pagsubok sa daan mo.
Balang araw, Matutupad din lahat ng pangarap mo.
Balang araw, Dahil kaya mo.
SM Mall of Asia Seaside, Pasay City
7 notes · View notes
alwaysshine · 6 years
Text
Parang tangang kausap ang tala at buwan
5 notes · View notes
iamda3 · 3 years
Photo
Tumblr media
Last selfies na nakaka smile at nakakapag ayos pa ako. Haaaayyyyy buhay. #AyokoNaaaaaa #MeMyselfanddA3 #KeepOnSmilingdA3 #KapitLang #BalangAraw ang pagbabalik ng #Daepressed https://www.instagram.com/p/CUHSONWP2TkFj43vBW7lBYOGHDjT69TZpb2o_w0/?utm_medium=tumblr
0 notes
anak-ng-tinapa · 8 years
Text
Naiinggit ako sa mga couple na kitang kita mo sa mga mata nila na masaya sila sa piling ng isa't isa.
7 notes · View notes
cirelyricsofficial · 4 years
Video
youtube
Lyrics 🎧: Inigo Pascual - Balang Araw
0 notes
thenovicewriter · 5 years
Text
Mr. Repairman
Maraming taong broken ang naghahanap ng repair. Akala nila sayo mekaniko na aayos sa wasak nilang buhay at puso. Ikaw naman 'tong si tanga na nagpapaka-superhero na willing sumalo sa mga pait ng buhay niya sa pag-aakalang pag nabuo mo sya, mapapasayo siya. Akala mo ikaw yung kakulangan sa buhay niya at naniniwala ka na baka ikaw na nga yung sagot sa mga panalangin niya. Sinabi na rin ba niya sa'yo na naghahanap siya ng taong pang-habangbubay tapos kinilig ka kasi akala mo ikaw yung pinaparinggan niya? Sinabi rin ba niya na balangaraw ay makikilala rin niya yung taong para talaga sa kanya tapos akala mo ikaw na yung taong 'yun? Nagawa mo na rin bang magdasal kay Bathala na sana siya na nga? At umabot ka na rin ba sa puntong nagpasalamat ka kasi sa wakas binigay na niya ang sagot sa iyong mga panalangin?
Makikilala mo sya ng wasak. Bubuoin mo sya. Sarap na sarap ka sa pakiramdam na napapsaya mo siya. Basta ngumiti lang sya, naka-ngiti na rin ang puso mo. Tutulungan mong gumaling yung mga sugat niya. Papayuhan mo siya ng kung ano-ano. Sobrang lugmok ng tiwala niya sa sarili pero iaangat mo 'to. Papasiyahin mo sya araw-araw at sasamahan mo siyang intaying bumalik ang tiwala niya sa sarili niya, sa mundo, at sa mga taong ginagalawan niya.
Tuturuan mo siyang mangarap, lumipad, at sumugal. Hahawakan mo ang mga kamay niya habang namamasyal sa mga alapaap. Yayakap siya sayo ng mahigpit at mangangako ka na simula sa araw na 'yun, di na siya mag-iisa. Pero naaalala mo ba kung nangako rin siya sa'yo?
Tuturuan mo sya kung pano humanap ng lakas para bumangon. Uunahin mo siya sa kahit saang aspeto ng buhay mo. Bago ikaw, siya muna. Ipaparamdam mo sa kanya na sa kanya lang umiikot ang mundo mo para hindi siya malungkot at hindi niya maisip na mag-isa siya. Uubusin mo ang sarili mo para ibigay sa kanya. Pareho niyong bubuoin yung sarili niya gamit yung mga pinilas mong parte mula sa sarili mo. Naisip mo ba nung mga panahong yun na magtira para sa'yo? Siyempre hindi kasi sabi niya pag okay na siya, ibabalik niya yung mga pirasong nawala at sabay niyong papalaguin ang isa't isa.
Ipaparamdam mo sa kanya na lagi kang andyan at tuturuan mo siyang kailanganin ka pero hindi mo napapansin na mas kinakailangan mo siya kesa sa kailangan ka niya. Masaya ka kasi masaya siya pero masaya ka nga ba talaga? Pero syempre hindi mo naisip na sagutin ang mga tanong na 'yan kasi naniniwala ka na papasayahin ka rin niya gaya ng pagpapasaya mo sa kanya.
Maiisip mo at magtataka ka kung bakit laging siya at kahit kailan ay hindi naging ikaw. Maiisip mo na bakit kahit kailan ay hindi naging tungkol sa'yo. Magtataka kung bakit kahit kailan ay hindi naging tungkol sa inyo. Puro sa kanya, walang sa'yo, walang inyo...siguro kasi wala namang kayo?
Kahit sabihin mong hindi ka humihingi ng kapalit, alam mo sa sarili mo na kailangan mo ng sukli. Para sa isang taong tulad mo na handang magbigay ng buo kahit di ka sigurado kung may pamalit, alam mo sa sarili mo na nag-iintay ka ng sukli. Na okay lang kahit barya basta may bumalik. Iniisip mo na may babalik pero bakit hanggang ngayon ika'y simot parin? Barya lang daw sa umaga pero halos matutulog na ang buwan, wala paring sukling bumabalik.
Bago ka matulog, aalalahanin mo yung mga ganda ng kanyang ngiti at ang mapangusap niyang mga mata na 'di mawala ang iyong titig. Maiisip mo na konting tiis pa, konting tiwala lang, ikaw naman at hindi puro siya. Hanggang sa isang araw, magtataka ka na lang kung bakit. Bakit okay na siya? Bakit kaya na niya nang wala ka? Bakit siya okay na pero ikaw parang hindi na? Bakit kaya na niya na wala ka pero ikaw hindi?
Magtataka ka na lang kung anong nangyari. Kukwestyonin mo ang mga akala mo na sa'yo lang umiikot ang mundo niya kasi ngayon ibang mundo ang pinili niyang maging parte ng bawat pag-ikot niya. Iisipin mo na akala ko ba hindi niya ko iiwang mag-isa pero maiisip mo rin na wala nga pala siyang sinabing di ka niya iiwan. Magtataka ka kasi akala mo masaya talaga siya pero bakit iba na ang nagpapasaya sa kanya?
Madadagdagan nanaman ang sandamakmak na mga bakit na uukit sa puso mong kahit anong gawing sungkit ay hindi masungkit ang mga sagot sa mga bakit. Matatanong mo ang sarili mo kung bakit ka niya biglang iniwan? Kung bakit hindi ka niya inabutan ng sukli? Bakit walang bumalik? Bakit noong buo na siya, hinayaan ka na lang niyang wasak? Bakit ang daya?
Umasa ka na iaalay niya ng buong buo yung puso niyang ikaw mismo ang bumuo pero pagmulat mo sa iba na pala sya nakadapo. Magtataka ka kung anong nangyari at saan ka nagkamali. Nakakapit ka sa pag-asang hindi niya kakayanin ng wala ka kasi mahina siya pero tinulungan mo siyang maging sobrang lakas hanggang sa hindi ka na niya kailangan pa. Tinuruan mo siyang maging depende sa'yo pero hindi mo namamalayan na 'yung sarili mo ang tinuruan mong dumepende sa kanya. Tinuruan mo siyang maging malakas at tumayo mag-isa pero ikaw ang iniwang mag-isa, mahina, at ni hindi makatayo ng maayos. Tinulungan mo siyang maging buo pero sino ang bubuo sa'yo?
Binuo mo siya para mapunta sa iba. Tinuruan mo siyang magmahal muli para matutunan niyang magmahal ng iba. Tinulungan mo siyang lumaya para lang mapadpad sa pugad ng iba. Masakit kasi yung taong hinahanda mong mahalin ka, naghahanda palang magmahal ng iba. 'Yung taong akala mong bubuo sa'yo, ibang mundo ang binuo. Binigay mo ang mga piraso ng sarili mo hanggang wala ng natira sa'yo at matatanong mo ang hangin kung bakit andoon ka noong kailangan ka niya pero ngayon bakit siya ang wala?
Hindi porket ikaw ang bumuo, mapapa-sa'yo.
Hindi lahat ng sa'yo, mananatiling sa'yo.
Hindi porket ikaw ang umayos, sa'yo na.
Bakit kahit magbigay ka, hindi ka nabibigyan pabalik? Bakit kahit magmahal ka, hindi ka minamahal pabalik? Bakit lagi nalang ikaw ang kailangang magbigay? Bakit ikaw ang kailangang umayos ng mga bagay na sira? Bakit ikaw ang nasira? Bakit nung bumitaw siya sa mga kadena ng pagdududa at pagkabigo, hindi kamay mo ang una niyang hinanap at hinawakan?
Pumikit at huminga ng malalim. Isipin na hindi trabaho ng mundo na ibalik lagi sa'yo ang lahat ng kaya mong ibigay sa kanya. Hindi mo maaaring pilitin ang mundo na mahalin ka kagaya ng pagmamahal mo sa kanya. Pero hindi ibig sabihin ay titigil ka nang magmahal. Maglabi ng para sa sarili para may pagkukuhanan ka ng lakas para bumangon at buoin muli ang sarili.
Hindi trabaho ng mundo na suklian ka pero trabaho mo na magtabi ng barya para may magamit ka pa ulit bukas. Maiisip mo na mahal mo siya pero mas kailangan mo nga palang mahalin ang iyong sarili. Aasa ka na balangaraw may taong darating na magbabalik sa'yo ng pagmamahal na kaya mong ibigay. Ngunit kung ang tanong mo ay ilang beses mo kailangang madurog para lang buoin uli, tadhana lang ang may alam ng kasagutan. Humanda ka sa sakit dahil hindi kailanman magiging madali ang lahat.
7 notes · View notes
ellesison · 6 years
Text
. . .
Naranasan niyo na ba yung madami kang kasamang tao, late night hangs, may tawanan, gala, inuman, etc kind of bonding... Pero deep inside di mo maramdamang belong ka. Wala ka maramdamang connection? Yung hindi mo maintindihan anong mali sayo o sadyang alam mong hindi ka lang talaga para sa grupong yun. Sa mga taong yun. Yung andun ka pero parang wala ka. Na minsan gusto mo ring tanungin sarili mo na baka kasi sa dami ng nanakit at nanloko sayo sa tuwing magtitiwala ka e nakalimutan mo na pano mag welcome ng mga bagong tao sa buhay mo? Na hindi mo na alam pano yung pantaong pakikitungo sa iba? Yung ang hirap na para sayong sumakay sa gusto o trip nila na dati naman wala kang problemang gawin? Yung minsan joke lang nila pero di mo na maintindihan kung joke ba dapat yun? Yung lahat nalang seryoso para sayo? Tapos sa huling magmumukha kapa lalong weirdo kasi hindi mo magawang maging chill gaya ng dati? Kasi pagod ka na? Kasi ayaw mo na? Kasi baka nasanay ka na sa paniniwala mong wala sa mundong to ang para talaga sayo? Mapa kaibigan man o taong magmamahal sayo habang buhay? Lol. Wala pa kong nararating sa buhay ko. Hindi ko alam ano talaga gusto kong gawin. Lahat umuusad pero ako naiiwan lang. Nakakalungkot minsan kasi baka mamaya tama ako. Baka hanggang mamatay ako ganito na lang ka boring at kalungkot buhay ko. Mag isa. Walang may gusto maging kaibigan ako o makilala ako o maging kahit parte ko ng buhay nila kahit sandali. Maliit ang tingin sakin. Ordinaryo. Failure. Patapon. Pero sana dumating yung araw na mahahanap ko rin yung mga taong para sakin talaga. Grupo o kahit kakilala. Trabaho kung san masaya ako at mapaligiran ako ng mga taong naniniwala sakin, sa mga kakayanan ko. Sana may magawa akong isang bagay na ikakaproud ng mga magulang ko sakin pati narin ako sa sarili ko. Kahit isang magandang bagay lang para hindi naman ako maging maliit habang buhay sa paningin ng lahat. Isang kakaibang bagay bago man lang ako mamatay. Buhay kung san pwede ako mag simula at magustuhan at matanggap ako ng mga tao kahit na ano pang mga nagawa kong mali sa nakaraan at kahit naging gano kasama pa ugali ko dati. Gusto ko lang mag simula uli. Gusto kong sumaya. Gusto kong makilala at gawing better sarili ko. Gusto ko ng peace sa buhay ko. Sana isang araw. Balang araw. :’)
0 notes
ohsambabe-blog · 7 years
Text
Coward
you wanted to do something badly. you know its not good. not good at all. but then you have no right in any other way to help.
you want to stop it. because your tired of hearing it. and it gets worst everytime.
but you are a coward. just standing there, when you could have done something.
0 notes
jpmanahan · 7 years
Photo
Tumblr media
Very blessed to attend #NoelDessaSayIDo. Congratulations To @dessagirl26 & @ntmiranda as you both enter marital bliss. #CoupleGoals talaga kayo. #BalangAraw, sabi nga sa #CampSawi. Narito lang kami if you Need anything. Salamat at I had a wonderful time. I could only dream To have something similar in my lifetime. But first things, first, I must meet the woman I Will spend my lifetime with. (at Palazzo Verde)
0 notes
iamda3 · 7 years
Photo
Tumblr media
ATM #R&JForever #MayForeverDinPaminsan 😉 #KapitLangBes #BalangAraw
0 notes
Photo
Tumblr media
#balangAraw I can finally say "In my life where everything was wrong, something finally went right." 💛☀️ #lds #sharegoodness #twolesslonelypeopleintheworld (at Dasmariñas, Philippines)
0 notes
akosigelod · 7 years
Photo
Tumblr media
With Homeboy @juliantrono thank you Julian #BalangAraw #Tumalon #Homeboy #PPopGeneration 😊😊😊
0 notes
keienem · 8 years
Photo
Tumblr media
Finally!!! 🙌 I was able to meet them. Ang tangkad ni idol Julian. The swaggg! 👌 At siyempre, ganda ganda ng baby Ella ko. 😍❤️ Hope to see both of you again. 😉 Looking forward to sharing the stage with you guys someday. 😁💪 Yeaaah! 👍👊 #PPopGeneration #WikiMe #BalangAraw #Tamis #Tumalon #JulianElla #JTxEC (at SM City San Pablo)
0 notes
louienhee · 8 years
Text
Mahal mo, mahalaga sa’yo, kaso may mas mahalaga kaysa sa’yo.
0 notes
luckyin13girl · 8 years
Photo
Tumblr media
Congrats Love! ~~ #BalangAraw @juliantrono
0 notes
iamda3 · 7 years
Photo
Tumblr media
I may have lost someone I truly cared about in the past, but that person lost someone who loved him deeply. And I'm sure one day, I'll find the right person who will love me more than I think I deserve to be loved and in turn, I will definitely fall in love with that person more than I've ever loved anyone else. Someday, someone will fall inlove with that smile on my face and will make me feel that I too, deserve to be loved 😉 #SentiTuesday #KapitLang #BalangAraw #KnowYourWorth #RainyDayFeels #KeepOnSmillingdA3 #TiwalaLang #Someday #sigh #Akiina (at Verona, Tagaytay)
0 notes