#automotive technical schools in pa
Explore tagged Tumblr posts
pttedu · 4 days ago
Text
Seven Automotive Mechanic Jobs To Consider In The USA
Automotive mechanic jobs in the USA are thriving with several options available for aspiring auto technicians.
0 notes
pttiedu · 2 years ago
Text
Alternative Career Paths In The Automotive Industry That You Should Know About
There are a lot of career paths available when you pursue an automation course. Dive in to learn the career paths in the automotive industry in detail!
automotive technical institute, auto repair training, automotive tech schools in pa, 6 month automobile courses, automotive technical institute, automotive trade school in Spring garden , automotive training institute in Spring garden , automotive technician programs in Spring garden , automotive course in Spring garden , automotive trade school in Wynnfield Heights,
Tumblr media
0 notes
enrcss · 2 years ago
Text
Worth it ba sa DBTI Makati? (Impormatibo)
Worth it kaya sa DBTI Makati? Sasagutin natin ang katanungan niyo ngayon. Itinayo ang Don Bosco Makati para maging isang "boy's club" na paaralan noong Enero 1954. Marami ring kaibahan ang paaralan na ito kumpara sa iba bilang isang "technical" school, nagbibigay rin sila ng sapat na kaalaman na ginagamit sa trabaho maliban sa mga akademikong asignatura tulad ng Computer Technology, Electrical and Electronics Technology, Automotive Technology at iba pa. Lahat ng ito ay binibigay sa DBTI ng mas maaga upang magkaroon ka ng ideya kung ano ang gagawin pag may pinasukan kang trabaho na nangangailangan ng ganitong klase ng pagtratrabaho.
0 notes
pptp12345 · 2 years ago
Text
Carrera ( Impormatibo )
Ang Senior High School (SHS) Department ng Don Bosco Technical Institute (DBTI) sa Makati ay isang programa na naglalayong bigyan ang mga mag-aaral ng isang mahusay na edukasyon at ihanda sila para sa mas mataas na edukasyon at ang mga manggagawa. Ang departamento ng SHS ng DBTI ay nag-aalok ng akademikong track, na kinabibilangan ng mga klase sa matematika, agham, Ingles, at araling panlipunan, gayundin ang technical-vocational-livelihood (TVL) track, na nakatutok sa hands-on na pagsasanay at praktikal na mga kasanayan sa isang partikular na larangan. Ang track ng TVL sa DBTI ay nag-aalok ng iba't ibang kurso sa mga larangan tulad ng teknolohiya ng impormasyon at komunikasyon, electronics, teknolohiyang elektrikal, teknolohiyang automotive, at iba pa. Ang programang ito ay idinisenyo upang bigyan ang mga mag-aaral ng isang maagang pagsisimula sa workforce o upang matulungan silang maghanda para sa karagdagang edukasyon sa mga teknikal na larangan. Ang programa ng akademikong track ay idinisenyo upang ihanda ang mga mag-aaral para sa mas mataas na edukasyon sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng matibay na pundasyon sa mga pangunahing paksa, habang pinapayagan din silang tuklasin ang kanilang mga interes sa pamamagitan ng mga elective na kurso. Nag-aalok din ang programa ng mga klase sa mga wika, sining, at pisikal na edukasyon upang mapaunlad ang buong mag-aaral. Ang parehong mga track ay naglalayong magbigay sa mga mag-aaral ng isang mahusay na bilog na edukasyon na tumutulong upang bumuo ng matibay na pundasyon, bumuo ng kanilang mga kasanayan at kaalaman. Gayundin, hinihikayat ng Departamento ng SHS ng DBTI ang kanilang mga mag-aaral na maging aktibong miyembro ng kanilang komunidad, lumahok sa iba't ibang ekstrakurikular na aktibidad tulad ng sports, club, at service-learning. Mahalagang tandaan na, ang lahat ng mga mag-aaral ng SHS Department ng DBTI ay inaatasan din na lumahok sa isang mandatory service-learning na programa, na nilayon upang matulungan silang matuto tungkol sa serbisyo sa komunidad at ang kahalagahan ng pagbibigay-balik sa kanilang komunidad. ( Carrera ) Naratibo Ang Don Bosco Technical Institute (DBTI) Makati, kilala rin bilang Don Bosco Makati, ay isang Katolikong institusyon para sa mga lalaki na matatagpuan sa Makati City, Pilipinas. Ang paaralan ay bahagi ng Salesian education network, na nakabatay sa educational philosophy ni Saint John Bosco. Nagbibigay ang paaralan ng de-kalidad na edukasyon sa larangan ng teknolohiya at industriya, gayundin ang pagbuo ng mga pagpapahalaga at mga gawaing pastoral upang matulungan ang mga mag-aaral na maging responsable, may takot sa Diyos at produktibong mamamayan. Ang paaralan ay kilala sa mataas na antas ng edukasyon at kinilala sa mga tagumpay nito sa iba't ibang larangan tulad ng akademya, palakasan, at sining. Ang paaralan ay nag-aalok ng iba't ibang mga programa, tulad ng vocational-technical education program, na naghahanda sa mga mag-aaral para sa trabaho sa iba't ibang larangan tulad ng electronics, mekanikal at automotive na teknolohiya, at serbisyo sa pagkain, pati na rin ang senior high school program, na nag-aalok ng espesyal na track sa information and communications technology (ICT), sciences, at accountancy, business and management (ABM). Ang paaralan ay kilala rin sa iba't ibang ekstrakurikular na aktibidad at organisasyon, tulad ng robotics club, drum at lyre corps, at ang publikasyon ng paaralan, The Salesian Echo, na nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na paunlarin ang kanilang mga talento at interes at maging maayos- bilugan na mga indibidwal. ( Descriptibo ) Agrimano
Ang Don Bosco Technical Instititude of Makati ay isang magandang eskuwelan para sa mga SHS na estudante lumang estudante payan o bago. Ang mga guro dito sa SHS ay sobrang mababait yung iba ay sobrang higpit sa pag papasa pero sila naman ay mabait kung sila ay iyong kakausapin. Lagi ka nilang gagabayan sa iyong paglalakbay para makatapos ka ng SHS at para makapasok ka sa iyong gusto na collehiyo. Ang mga staff ng DBTI Department ay sobrang daling pakisamahan pero huwag kalang lalabag sa kanilang mga patakaraan dahil siguradong mapapahamak ka. Disciplinado ang mga mag aaral sa mga silid aralan dahil sa mga pananuntunin ng mga guro sa loob ng paaralan. Siguradong masaya dito dahil tinitingnan muna nila kung natututo ba akng estudante o hindi kapag naman ay hindi nila na intindihan ay tutulungan nila ito agad para makahabol sila sa iyong tinatalakay. Minsan ay makukulit ang mga estudante pero mabilis naman silang masaway kapag medyo nagalit na ang mga guro. Ang mga tao din dito sa Don Bosco ay mga madadasalin ng mga estudante kaya sila ay laging nagdadasal sa diyos kapag sila ay may kailangan o kaya kung may mga pinagdadaanan sila sa buhay nila.
0 notes
sia-vita-bongala · 2 years ago
Text
"Bakit Don Bosco?"
NARATIBO
Sa isang araw ng Marso naganap ang Junior High School moving up ceremony ni Dominic at pag-katapos nito napaisip siya "Saan kaya ako mag eenroll para sa Senior High School?" Madami siyang pinag-pipilian kaya nag patulong siya sa kanyang ate, "Ate Melchor, ano sa tingin mo ang dapat kong piliin na eskwelahan?" "Dom, wala akong sasabihin na pangalan pero para sa akin ang dapat mong piliin ay ang eskwelahan na sa tingin mo na matututo ka ng hindi lamang mga aralin na magagamit mo sa silid-aralan pero pati na rin mga aral upang maging isang mabuting kristiyano at mabuting mamamayan" sagot ng kanyang ate. "Salamat ate mukhang alam ko na kung saan dapat ako mag enroll" sagot ni Dominic, "Saan naman 'yon?" Tanong ni Melchor, "Sa Don Bosco Makati, ate; kasi sa Don Bosco balita ko hindi lamang kalidad ang kanilang pagtuturo ngunit pati na rin ang mga "life lessons" na tinuturo nila sa kanilang mga estudyante ay nadadala nila hanggang sa kanilang pag-tanda" sagot ni Dominic "NADALI MO DOM!" Pasigaw na sagot ni Melchor. Pag katapos ng usapan ni Dominic at ng kanyang ate, siya ay nakapag desisyon na, na siya ay mag eenroll sa Don Bosco Makati STEM strand; na kung saan alam niyang pagkatapos ng dalawang taon na pag-aaral dito siya ay magiging handa para sa kolehiyo at para sa mga pagsubok na kaniyang haharapin sa kaniyang buhay.
DESKRIPTIBO
Ang Don Bosco Technical Institute Makati ay isang kakaibang paaralan. Base sa aking karanasan, nasabi ko na kakaiba sya dahil ang DBTI ay parang isang lugar kung saan ako komportable. Ang DBTI ay parang na rin ikalawang tahanan mo. Sa ibang paaralan ay mapapansin mo na mahigpit ang mga guro at minsan hindi pala-kaibigan ang mga ilang estudyante ngunit, dito sa DBTI, lahat ng mga guro at estudyante ay mabait at pala-kaibigan. Dito sa Don Bosco ay hindi lamang masaya tuwing recess or lunch break dahil pati na habang nagkaklase ay ramdam mo pa rin na masaya at masigla ang klase. Ang DBTI ay parang isang santuwaryo. Dito sa paaralan na ito ay hindi lang din puro laro at aral, ang Don Bosco ay isa ring pahingahan. Kung ikaw ay napapagod ay pwede ka dito magpahinga at kausapin ang Diyos.
IMPORMATIBO
Ang Don Bosco Technical Institute of Makati ay isang katolikong paaralan kung saan ay sinusulong ang sistemang prebentibo mula sa bisyon-misyon ng institusyon sa pagtuturo ng iba't ibang paksa. Ang paaralang ito ay nagbibigay ng kalidad ng edukasyon habang ginabayan ang mga mag-aaral maging tapat na Kristiyano, at magalang na mamamayan ng bansa. Ang institusyon na ito ay itinayo ng isang italyanong katolikong pari na nabuhay noong ikalabing-walong siglo, na ngayon ay isa nang ganap na santo na hinahangaan at kinikilala bilang patron ng kabataan na si Santo Giovanni Melchiorre Bosco o San Juan Bosco sa wikang Filipino. Ang Don Bosco Technical Institute of Makati ay sumusuporta sa programang K-12 ng DepEd at nahahati ang departamento sa tatlo, ang Elementary, Junior High School, at Senior High School. Ang paaralang ito ay nagbibigay ng mga dagdag na kursong maaari ay naisin ng mga mag-aaral mula sa Junior High School kagaya na lamang ng Automotive Design, Mechanical Design, Electronics and Electrical Systems, Information and Communications, at iba pa. Ang departamento naman ng Senior High School ay nagbibigay ng mga pagpipiliang kurso o strand tulad na lamang ng STEM, ABM, AD, at HUMMS.
Tumblr media
Sanggunian:
Ang opisyal na website ng Don Bosco Technical Institute ng Makati:
Ang buhay ni San Juan Bosco, ama at guro ng kabataan:
1 note · View note
fabbolcion · 2 years ago
Text
Don Bosco Makati
DBTI: (Deskriptibo)
ni John Samuel T. Fabro
Halika mag-aral tayo sa Don Bosco Makati.
Ang DBTI ay isang malaking paaralan na may magandang facilities. May football field, basket ball court, malaking swimming pool, at iba pa. Meron din simbhan. May malaking building ang Senior High School department. Dito may maraming computer labs, science labs, at workshops para sa automotive at electronic shops, at iba pa.
Ang Don Bosco ay nag ooffer ng Chirstan Education. Mahalaga ito para maging mabuting mamamayan at kristiano ang isang bata. Mayroon din Technical Bokasyonal courses tulad ng Automotive, Electrical, Engineering at iba pa para sa mga gustong mag-aral nito. Marami ding academic tracks na mapapag piliian kagaya ng STEM, ABM, HUMMS, HESS. At ang mga Guro at Pari dito ay parang ikalawang pamiliya.
1 note · View note
essay-panga · 4 years ago
Photo
Tumblr media
Meliora Eligo!
Choose the Better Things, Choose Don Bosco Makati. Ang Departamento ng SHS sa Don Bosco Technical Institute of Makati ay isa sa mga nagniningning na mga paaralan dito sa Lungsod ng Makati. May mga alok na programa ito na tinatawag strands na kung saan mayroong, STEM, ABM, HUMSS, at Arts and Designs Track na kung saan ito ang mga pagpipilian nila upang makatulong sa kanilang kukunin na kurso sa pagtungtong sa kolehiyo. Ang STEM o Science,Technology, Engineering and Mathematics Strand ay ang pipiliin kung gusto mo mas mapalawak ang kaisipan sa asignaturang Science at Mathematics na kung saan madami kang matututunan dito at malaki ang tulong nito pagdating ng kolehiyo. Ang ABM o Accountancy, Business and Management Strand na kung saan kung ikaw ay isang hilig sa mga negosyo, ay ito ang piliin mo upang mas mapalawak ang iyong kaisipan kung paano magkaroon ng magandang negosyo sa buhay. Ang HUMSS o Humanities and Social Sciences Strand ay naka disenyo para sa mga patungkol sa batas, pamamahayag, liberal arts, at iba pang mga kurso na nauugnay sa agham sa lipunan sa kolehiyo, dito mas mapapalawak ang kaisipan mo sa nangyayari sa ating bansa at maging bukas isip sa bansang ito. Ang Arts and Design Track naman ay isa sa mga strand na kung saan dito ang mga nais ipahayag ang mga kanilang sarili sa malikhaing paraan, ito ang para sayo kung gusto mo mapalawak ang kaisipan mo sa mga instrumento, sining, at iba pa. Hindi lamang ito ang nasa Departamento ng SHS dahil meron pa itong “specialized subject” sa bawat strand tulad na lamang ng STEM na kung saan pipili sa mga ito tulad ng robotics, automotive, at iba pa, ngunit sa ibang strand ay meron din na iba sa iba’t ibang strand. Sinisigurado ko na sa kahit anong strand ang piliin ng estudyante ay malaki ang maitutulong lalo’t na dito sa paaralan na ito ang Departamento ng Senior High School. Isa ito sa mga hindi ko malilimutang karanasan sa aking buhay. Sa pagpasok ko palang sa paaralan na ito ay may iba’t ibang barayti ng oportunidad na makakatulong sa inyong sarili sa pamamagitan ng mga talento na hindi mo alam na mayroon ka palang ganon, at sa ating kapwa mamayang Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kagamitan at iba pa. Isa sa mga Isang karanasan ay ang pagpasok sa audition sa sariling banda namin upang maipakita ang aming pinagpraktisan na mga kanta sa mga manonood. Ang mga oportunidad na ito ay libre at sa dinami-dami ng oportunidad na ito ay marami kang matututunan at alaala na dadahilhin mo habang buhay. Sa departamentong ito, may iba’t ibang mga moral at etikal na kahalagahan na dadalhin at gagamitin sa pang habang buhay.  Isa sa mga linyang hindi ko malilimutan sa paaralang ito ay ang “Do your duties extraordinarily well”, ang natutuhan ko dito ay sa bawat gawain na ipinapagawa ay magisip ng di naaayon sa karaniwan, mas gawing malikha ang bawat gawain sa iba’t ibang asignatura upang mapahusay ang ating malikhaing kaisipan.  “Forming Good Christians and Upright Citizens.” - Don Bosco
2 notes · View notes
don-bosco-press · 4 years ago
Text
Bosconian Press
Tumblr media
                                   “Choose the better things”
                    Rafael Clyde D. Saavedra (Tekstong Impormatibo)
       Ang paaralan ng Don Bosco Technical Institute of Makati o DBTI ay isa sa mga kilalang paaralan sa Makati at isa rin ito sa mga pribadong paaralan para sa mga Katoliko. Ito ay itinayo noong 1954 ni Carlo Braga, isang alipin ni Kristo at tagasunod ni San Juan Bosco. Matatagpuan ang DBTI sa Chino Roces Avenue, Makati, Metro Manila. 
Ang Don Bosco ay nagbibigay ng pangunahing edukasyon sa kinder, elementarya, haiskul at shs, ngunit wala itong kolehiyo. Ang DBTI ay hindi lamang nagbibigay ng pangunahing kurikulum sa edukasyon ngunit nagbibigay din ito ng mga teknikal na asignatura upang higit na bumuo ng isang kasanayang pang-teknikal na magagamit sa kinabukasan. Ang mga teknikal na asignatura na itinuturo sa DBTI ay ang mga sumusunod: ELX o electronics technology, ET o electrical technology, AUTO o automotive technology, MECH o mechanical technology, IDT o industrial drafting technology, at CT o computer technology. Ang mga magaaral dito ay makakapagaral ng mga teknikal na asignatura mula ika-pitong baitang hanggang sa ika-sampung baitang, ang mga magaaral ay pipili isa sa mga teknikal na paksa at ito ang magiging pokus mula sa ika-siyam baitang hanggang sa ika-sampung baitang. Nag-aalok ang senior high school ng apat na strand katulad ng STEM, ABM, HUMSS, at ADT. Ang paksang teknikal ay hindi nagtatapos sa haiskul, ngunit nagpapatuloy din ito sa mga nakatatandang taon na ito at ang tawag dito ay e-tech kung saan bibigyan ang magaaral ng pilian na kung saan ito ay magiging espesyalidad nito.
Ang isang kasabihan ni San Jan Bosco ay “Melioro Eligo” na ang ibig sabihin ay “Choose the better things” kaya ano pa ang hinihintay mo? Tara na, magpatala ka na sa Don Bosco Technical Institute of Makati!
Tumblr media
                     “DBTI-SHS: Isang Kalabit, Napakaraming Kapalit” 
                          Martin Lian S.F. Santos (Tekstong Naratibo) 
             Isang abiso ang natanggap ni Michael sa kaniyang email na naglalaman ng isang imbitasyon tungkol sa isang simposium na inorganisa ng Don Bosco Technical Institute- Makati Senior High School Department para sa kanilang mga mag-aaral. Siya ay nagdalawang isip nang unang beses niya itong mabasa. Subalit, nagningning ang kaniyang mga mata matapos siyang mabighani sa pamagat nitong Mental Health Symposium: Resilience. Tila sari-saring boses na nanghihikayat ang bumulong sa kaniyang mga tainga. Waring mga boses na nagsabing maaaring itong programa ang maging hudyat ng pagbabagong matagal na niyang inaasam. Dahil diyan, kaniyang pinagbigyan ang mga boses, at nagpasyang makilahok sa nasabing simposium kinabukasan. Sa kaniyang pagdalo sa programang inihandog ng kaniyang paaralan, hindi siya makapaniwala sa kaniyang mga nadama habang nakikinig sa tagapagsalita. Waring ang kaniyang natatakam na puso ay unti-unting napunan ng mga asal, inspirasyon, at motibasyon upang magbago. Sa pagtatapos ng simposium, hindi mawari ni Michael ang tinitibok ng kaniyang puso. Tila hindi niya rin maipaliwanag ang kaniyang bumubugsong damdamin. Doon niya napagtanto ang pag-asang matagal na niyang hinahanap. Mula noon, nagbago ang takbo ng kaniyang buhay. Dahil dito, mas nag-alab ang kaniyang damdamin na magsikap sa pag-abot ng kaniyang mga pangarap. Unti-unti niyang tinulak ang kaniyang sarili na makilahok sa sari-saring programang pang-akademiko na inialay sa kaniya ng kaniyang paaralan. Sa katunayan maliban sa mga asignaturang kaniyang dinudulugan araw-araw, nagawa rin niyang pumili ng isang espesyal na asignatura o tinawag na Empowerment Technology na inihandog ng kaniyang paaralan sa ilalim na kaniyang istrand na STEM. Kasabay din nang paghulma sa intelektwalidad at integridad ni Michael ang paghubog ng institusyon sa kaniyang espirituwalidad. Bukod sa sigasig ni Michael na maabot ang kaniyang mga pangarap, naging determinado rin siya na magbalik-loob sa Panginoon. Buong puso niyang tinanggap ang mga pagpapahalagang moral at ang mga aral ng simbahan na itinuro ng kaniyang paaralan. Dahil din sa walang-sawang panghihikayat ng kaniyang paaralan na makilahok sa Banal na Misa, nalinang ang kaniyang puso na maging mas aktibo sa pagdalo sa mga ito. Sa kalagitnaan naman ng mga pangyayaring ito, tila siya ay naakit sa katagang karaniwan niyang naririnig mula sa kaniyang mga guro na Meliora Eligo o pagpili sa mas nakabubuting mga bagay. Nang ito ay tumatak sa kaniyang puso at isip, kaniya itong pinanghawakan, at mas lumakas ang kaniyang determinasyon na maabot ang nakabubuting mga bagay sa kaniyang buhay. Bunga ng mga ito, marahil na mas nakilala at napalapit si Michael sa kaniyang sarili, sa kaniyang mga kapwa, at maging sa Panginoon. Kasabay naman nito ang pagliit ng distansiya sa pagitan niya at ng kaniyang ambisyon. Tila ibang-iba sa Michael bago pa man siya sumali sa nasabing programa. Dahil bago mangyari ang lahat, siya ay baon sa lupa. Dahil sa mga maladelubyong karanasang kaniyang naranasan noong mga panahong wala siyang makapitan, nanlumo ang kaniyang puso at hindi niya malaman kung saan na siya patungo. At nagbago ang lahat nang magpasya siyang makilahok sa programang inihandog ng kaniyang paaralan. Makalipas ang ilang taon, nagbunga ang lahat ng ito. Naabot na niya ang kaniyang minimithing ambisyon na maging isang ganap na inhinyero. Isang kahanga-hangang inhinyerong tapat sa kaniyang bayan at masugid sa kaniyang Panginoon. Buong puso na niyang pinagsisilbihan ang kaniyang mga kapwa at ang kaniyang Ama na mayroong banal na kagalakan. Tila napagtagumpayan niya ang laban ng kaniyang buhay bitbit ang mga asal na inihandog sa kaniya ng kaniyang paaralan. Waring dahil sa isang kalabit ng DBTI-SHS, nalihis ang landas ni Michael sa isang maliwanag na daan.
Tumblr media
                          “Ang pagkakaisa ng bawat tao sa mundo”
                  Jonathan Grant G. Salvador (Tekstong Deskriptibo)
            Isa sa pinazka magandang institusyon, ang Don Bosco Makati, makakapagbigay ng kalidad na edukasyon, itong paaralan na ito ay may bukal ang puso para sa mga matatanda at mga bata. Napaka sarap sa damdamin tumulong ng bukal sa puso, makakatulong ito para sa komunidad at makakapag bigay pa ng aral sa mga bata. Pangagalagaan ang sarili at ang iba pa, may simpatya para sa bawat isa at maligaya ang pag bati sa mga bisita. Mahusay magturo at mailalapat sa ating buhay, spiritwalidad ang pangunahing layunin ng eskwelahan na ito, maituro o maipahayag sa mga tao na ang importansya ng integridad at ang pagkakaroon ng magandang asal. Hindi mawawala ang pagkakaroon ng intramural sports, isa sa mga pinaka masasayang aktibidad na gusto ng lahat. Ang saya ng bawat tao na nasa institusyon na ito ay hindi mawawala dahil alam natin sa puso natin na may nagmamahal satin at pinapa alala satin na tayo ay may halaga. Katulad ni John Bosco, itulad natin ang sarili natin na maging katulad niya, maraming tao ang nahikayat na magkaroon ng bukal na puso para sa bawat tao sa mundo, hinding hindi mawawala ito. Ang institusyon na ito ang mag huhugis satin na maging mabuting tao at bukal ang puso na tumulong sa mga taong nangangailangan, maging isang mabuting tagasunod ni John Bosco. Labis na labis kong maramdaman at maging katulad ng isang tipikal na Don Bosco student. 
1 note · View note
themyersgurl · 4 years ago
Text
My introduction.
Hello MyersGurl here, I am a blogger and I hope that you guys like my blogs and I hope you guys also like me lemme tell you guys somethings about myself. I am 18 years old and I live a happy life with my loving boyfriend, I live in New Castle PA and bout to work as a caregiver for the elderly with sunnydays. if im not out busy I am at home doing basically nothing unless I'm online for classes, I go to Colorado technical university and I study Associates of science and business administration. I plan to further my education after I get my business degree to a trade school and study automotive technology, cause it has been my dream since I was 5 years old to work on cars and other vehicles cause my father and other male figures in my life worked on them so as I was 16years old I learned I could open my own garage and so I am once I get the funds. as I go to conclude my blog I wish everyone the best in their lives and days and hope you guys can follow your dreams and become what ever it is that you desire! Bye for now my peeps!
1 note · View note
cirno-supremacy · 3 years ago
Text
PETA 1
E-Tech sa Don Bosco Makati Senior High School
Ako ay kasalukuyang nag-aaral bilang senior high school sa Don Bosco Technical Institute of Makati (DBTI). Grade 5 noong ako ay nagsimulang mag-aral sa DBTI at hanggang nyayon ay narito pa rin ako. Sa aking pamamalagi sa DBTI, masasabi kong ang mga mag-aaral at mga guro ay masaya rin ang kanilang pamamalagi dito sa paaralan. Makikita ang kagustuhang matuto ng mga mag-aaral dahil kahit na marami ang mga binibigay na takdang-aralin ng mga guro upang mas maintidihan nila ng maayos ang leksyon ito ay ginagawa nila ng walang reklamo.
Sa ngayon ako ay nag-aaral sa ilalim ng STEM strand sa senior high school dahil sa aking palagay ito ay makakatulong sa akin sa hinaharap sa paghahanap ng trabaho na may kinalaman sa pagbuo ng bagong teknolohiya tulad ng mga robot o mga “software technology”. Para sa akin ito ang pinakamagandang kurso dahil sa iba’t ibang asignatura na itinuturo at and E-Tech na kung saan sa DBTI lang makikita. Ito ay limang asignatura na pagpipilian tulad nang Computer Technology, Automotive Technology, Electronics Technology, Electrical Technology at Drafting Technology.
Ang aking napili ay Computer Technology, ito ay kinalaman sa information technology (IT). Sa ngayon sa ilalim ng Computer Technology ang aming pinag-aaralan ay Computer Thinking kung saan ang pinag-aaralan namin ay tungkol sa Coding o Programming. Sa pamamagitan ng Coding o Programming mapapagana namin ang isang program o application na nagkaroon ng problema or pwede rin naming i-upgrade ang nasabing program o application.
Ang Standard Teaching in Don Bosco Makati
Ang Don Bosco Makati ay idinisenyo upang magbigay ng mga espasyo sa pag-aaral at mga kapaligiran sa pag-aaral para sa pagtuturo ng mga mag-aaral sa ilalimmga magagaling na guro. Lahat nang mga mag aaral dito ay merong pormal na edukasyon, na kung minsan ay naipapakita sa buong bansa kung gaano kaganda ang paraan na ito. Bilang isang mag aaral dito sa Don Bosco Makati kitang kita ko gaano kahusay ang mga guro reto at kung gaano rin katalentado ang mga istudyante paaralang ito umunlad ang mga mag-aaral dahil sa gabay ng mga guro at patakaran. (tinalakay sa rehiyonal na seksyon sa ibaba) ngunit sa pangkalahatan ay kinabibilangan ng elementarya para sa mga bata at sekondaryang paaralan para sa mga tinedyer na nakatapos ng elementarya.
Estado ng paaralan
Dapat protektahan at itaguyod ng Estado ang karapatan ng lahat ng mamamayan sa de-kalidad na edukasyon sa lahat ng antas, at dapat magsagawa ng angkop na mga hakbang upang gawing accessible ng lahat ang naturang edukasyon.
Ang Estado ay dapat Magtatag, mapanatili, at suportahan ang isang kumpleto, sapat, at pinagsama-samang sistema ng edukasyon na kaugnay sa mga pangangailangan ng mga tao at lipunan;
Nagtatag at pagpapanatili ng isang sistema ng libreng pampublikong edukasyon sa antas ng elementarya at mataas na paaralan. Nang hindi nililimitahan ang likas na karapatan ng mga magulang na palakihin ang kanilang mga anak, ang elementarya ay sapilitan para sa lahat ng mga bata sa edad ng paaralan;
Nagtatag at pagpapanatili ng isang sistema ng mga scholarship grant, mga programa sa pautang ng mag-aaral, mga subsidyo, at iba pang mga insentibo na ginagamit ng mga karapat-dapat na mag-aaral sa parehong pampubliko at pribadong paaralan, lalo na sa mga mahihirap;
Hikayatin ang mga di-pormal, impormal, at katutubong mga sistema ng pag-aaral, gayundin ang mga programa sa pag-aaral sa sarili, independiente, at wala sa paaralan partikular ang mga tumulong sa mga pangangailangan ng komunidad at Magbigay sa mga nasa hustong gulang na mamamayan, may kapansanan, at mga kabataang wala sa paaralan ng pagsasanay sa sibika, kahusayan sa bokasyonal, at iba pang mga kasanayan.
Lahat ng institusyong pang-edukasyon ay dapat isama ang pag-aaral ng Konstitusyon bilang bahagi ng kurikulum.
Dapat nilang itanim ang pagkamakabayan at nasyonalismo, pagyamanin ang pagmamahal sa sangkatauhan, paggalang sa mga karapatang pantao, pagpapahalaga sa papel ng mga pambansang bayani sa makasaysayang pag-unlad ng bansa, ituro ang mga karapatan at tungkulin ng pagkamamamayan, palakasin ang mga etikal at espirituwal na pagpapahalaga, paunlarin moral na katangian at personal na disiplina, hinihikayat ang kritikal at malikhaing pag-iisip, palawakin ang kaalamang siyentipiko at teknolohikal, at itaguyod ang kahusayan sa bokasyonal.
Sa opsyong ipinahayag sa sulat ng mga magulang o tagapag-alaga, ang relihiyon ay dapat pahintulutan ituro sa kanilang mga anak o ward sa pampublikong elementarya at mataas na paaralan sa loob ng regular na oras ng klase ng mga instruktor na itinalaga o inaprubahan ng mga awtoridad ng relihiyon ng relihiyon. kung saan nabibilang ang mga bata o ward, nang walang karagdagang gastos sa gobyerno.
1 note · View note
pttedu · 22 days ago
Text
Essential Tips To Have A Rewarding Career In The Automotive Sector in the US
For having a rewarding career in the automotive sector, technicians need to have technical and human skills. Read more to learn about some tips to succeed.
0 notes
pttiedu · 2 years ago
Text
The Economic Benefits Of Automotive Technician Programs
Training programs are an essential part of any organization. Dive in to learn the economic benefits of automotive technician programs in local communities!
mechanic trade school in philadelphia, mechanic training programs in philadelphia, automotive trade school in philadelphia, automotive repair training, mechanic career in philadelphia, mechanic schools in pa, automotive technical institute,
Tumblr media
0 notes
dbtiteksto · 3 years ago
Text
Kasaysayan ng Don Bosco Makati, Ating Tuklasin
Tekstong Naratibo
Gawa ni Ben Gabriel R. Zabala, 11-5
Ang Don Bosco Technical Institute of Makati City (DBTI) ay isang institusyon na may malaya at malawak na kasaysayan. Ito ay itinayo upang ipaglaban at itaguyod ang karapatan ng mga kabataan sa edukasyon at pananampalataya. Ngunit ano nga ba ang pinagmulan ng paaralang ito? Halina’t basahin ang kuwento tungkol sa kasaysayan ng Don Bosco Makati.
Noong Hunyo 27, 1952, si Fr. Charles Braga, ang pinakaunang Probinsyal na Superyor ng Lipunang Salesyano ay nakipagkita kay Don Alfonso Zobel de Ayala, isang negosyante, at Ginoong Joseph R. McMicking na isa ring kilalang negosyante at pilantropo. Napag-usapan nila ang pundasyon ng isang industriyal na paaralan sa Makati. Dalawang layunin ang nais nilang makamit sa pagsasagawa nito. Ang "itaas ang moral na pananaw ng isang mahirap na seksyon ng isang komunidad” at  “makapagbigay ng mapagkukunan ng trabaho” para sa mga nakapagtapos at di nakapagtapos ng pag-aaral. 
Nagpasya ang mga Ayala na tulungan ang mga Salesyano sapagkat plano nilang magtayo ng isang “balanseng komunidad” na binubuo ng lahat ng katayuang sosyo-ekonomiko. Sa paggawa ng institusyong iyon ay nabigyan nila ang mga tao ng trabaho na sadyang nakatulong sa komunidad. 
Noong Enero 26, 1954 naman, si Fr. Luigi Ferrari, isang delagado ni Fr. Acquistapace, SDB, Probinsyal na Superyor ng Pilipinas, ay humingi ng pahintulot kay G. Alfonso Zobel de Ayala “upang sakupin ang bakod at ang parsela ng lupa na matatagpuan sa sulok ng Pasay-Mckinley Road at ang inimungkahing Pasong Tamo Extension. Dito na nagsimula ang pagpapatayo ng Don Bosco Makati. 
Ang Don Bosco Makati ay nagsimula sa “basic education” ng Grade V at VI noong 1955. Sa pagtatapos ng “school year” noong April 1956, tatlumpu’t anim (36) na Grade 6 na mag-aaral ang nakatanggap ng kanilang diploma at sila ang unang nagtapos sa ilalim ng Salesyanong Sistema ng Edukasyon. Sila ay kinilala ng Department of Education noong Hunyo 11, 1956. 
Ang parehas na batch ng Grade 6 ay nakapagtapos rin ng kanilang “high school” kasama ng dalawang kurikulum: ang pang-akademiko at pang-teknikal. Ang Woodworking, Graphic Arts, Automotive, Electrical Technology, Electronics Technology, at Industrial Drafting ay ipinakilala sa “high school students” sa mga susunod na taon. 
Para tulungan ang ilang “out-of-school youth” ng iba-ibang komunidad sa lugar, ang Manpower Training Department (MTD) ay itinatag noong 1971. Layunin nito ay tulungan ang mga kabataan na makamit ang mga kasanayang magagamit. 
Habang patuloy na lumalaki ang paaralan, rumami rin ang mga bilang ng mga nagsasanay galing sa “marginalized” na sektor na nakapasok  sa mga technical-vocational na kurso handog ng Technical Vocational Education and Training (TVET) Center (dating MTD). Mula 2006, ang center ay lumago at nagpasok ng 900 na trainees taon-taon mula sa iba’t ibang kurso kasama ng mahigit 200 na industry partners at sponsors. 
Noong 2014, ang Diamond Jubilee-Building, ngayon na kilala bilang Fr. Carlo Braga Building, ay itinayo para sa Senior High School Program. 
At ang kasaysayan nito ay hindi pa nagtatapos hanggang ngayon. Sa mga darating na panahon pa ay pinagdarasal naming lalago pa ang paaralang ito at patuloy na magseserbisyo para sa mga kabataan na pag-asa ng ating bayan. Sana naman ay may natutuhan at naging inspirasyon ang kasaysayan ng Don Bosco Makati sa inyong mga buhay. 
Halina't maging parte na ng Don Bosco Makati! Meliora eligo! (“We choose the better things”) 
(Ang ilang impormasyon ay hango sa Don Bosco Technical Institute Makati Official Webpage - About Us.)
1 note · View note
db-1122 · 3 years ago
Text
Don Bosco Technical Institute
(Deskriptibo) ni Dave Barnachea
Ang kampus ng Senior High School ng Don Bosco Technical Institute of Makati ay ang pinakabagong gusali pinatayo ng eskwelahan para sa k12 na curriculum ng DepEd. Ang gusali ay apat na palapag na may elebaytor sa lobby, Kabilang dito ang makabagong Workshops ng Automotive at Mechanical Technology sa pangalawang palapag ng gusali. Sa unang palapag rin mahahanap ang Braga Canteen kung saan matatagpuan ang legendary turon, mataba pa, malutong pa. Ang mga silid-aralan naman ay matatagpuan sa pangalawa hanggang pangaapat palapag at sempre malamig at maliwanag ang kwarto. Kalahati ng unang at pangalawang palag ay mga workshop ng mga Tvet. Sa pangatlong palapag matatagpuan ang Quaranta Hall kung saan minsan itinatanghal ang cheerdance Competition ng bawat grade level, at sa Tapat nito ang Divine mercy Chapel. At ang pang-huli, ang pinakamalaking pasilidad ng Braga ay ang Braga auditorium na kaysa ang buong Junior High School Department.
0 notes
pangkat3-pagpag · 3 years ago
Text
Ang Karanasan sa SHS - Impormatibo
“Meliora Eligo – Pipili ako ng Mas Makabubuti!”
Ang Don Bosco Technical Institute – Makati, karaniwang tinatawag na Don Bosco Makati ay naglalayon na makapagbigay ng kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral habang itinataguyod ang kanilang ispirtuwal na pamumuhay. Ika nga ng paaralan na “I Choose the Better Things” o Pipiliin ko ang Mas Makakabuti, isa sa mga hangarin ng institutsyon ay mapalawig ang kakayahan ng estudyante upang maging mabuting kristiyano, makatarangungang mamamayan, at handa sa hamon ng mundo.
Ang departamentong Senior High School ng institusyon ay nag-aalok ng apat na programa para sa mga estudyante. Ito ang Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM), Humanities and Social Sciences (HUMSS), Accountancy, Business, and Management (ABM), at Arts and Design – Visual Media Arts (AD-VMA). Ang mga programang inihahandog ng Don Bosco Makati ay nakaalinsunod sa patakaran ng Kagawaran ng Edukasyon na maghahanda sa mga mag-aaral para sa kolehiyo. Karagdagan dito ay ang Triple Curriculum na ipinatutupad ng institusyon na hindi lamang naghuhubog sa pang-akademikong larangan, linalayon rin nito na itaguyod ang ispirtwal na kalagayan at teknolohikal na aspeto ng pag-aaral. Sa pamamagitan nito ay mahahanda ang mag-aaral sa hamon ng globalisasyon.
Gamit ang core values ng departamento at ng institutsyon, ginagabayan nito ang bawat mag-aaral at guro sa kanilang paglalakbay hindi lamang sa paaralan bagkus ay pati na rin sa labas ng paaralan. Ang Harmonious Collaboration na isa sa core values ay nagbubuklod sa mga mag-aaral maging isang servant-leader o isang pinuno na sumusunod. Hinuhubog nito ang kakayahan ng estudyante na makisalamuha sa kapwa estudyante upang makipaglaro at matuto. Ang Passion for Excellence ay hindi hamon sa bawat estudyante, sapagkat ito ay isang inspirasyon upang gawin ang kanilang makakaya. Hindi lamang sa larangan ng akademiko ang itinataguyod ng paaralan ay pati na rin ang teknolohiya, isports, at relihiyon. Dahil ang nais ng paaralan ay ilabas ang kakayahan ng mag-aaral, ipakita ang kanilang galing at talento.
Ayon sa patron ng institusyon na si St. John Bosco, “
Run, Jump, Shout, but do not Sin!”
. Ang pasilidad sa paaralan tulad ng mga
Automotive Shop, Electronics Shop, Computer Laboratory, Physics Laboratory
ay mga pasilidad na susubok
sa kakayahan sa akademiko at teknikal na kurikulum. Habang ang mga lugar tulad ng
Basketball Court, Football Field, Gymnasium,
at mga
Auditorium
ay mga pasilidad na huhubog sa angkin na galing at talento sa paglaro, pag-guhit, pag-arte, at iba pa. Pangkalahatan, ang pag-aaral sa
Don Bosco Technical Institute – Makati
ay isang mabuting pagkakataon sapagkat makakatulong ito upang mas makilala ang iyong sarili o maipamalas ang makabubuti sa sarili.
1 note · View note
ethanmarwinsaguisnin · 4 years ago
Text
Tekstong impormatibo
Ang senior high school ng Don Bosco Makati ay may apat na strands ang STEM, HUMMS, Arts and design at ABM lahat ng mga ito ay matutulungan kang umasenso sa iyong gustong tahakin na tungkulin at di lang magaling sa akademya ang Senior high school ng Don bosco makati mpapahusay din nito ang mga aspektong technical tulad ng  mga electronics, automotive, at iba pa at di lang dun mapapalalim  din ang iyong pananampalatay at paniniwala sa dyos at hu-hulmahin ka upang maging mabuting kristyano at matuwid na mamayanan
0 notes