essay-panga
ELX tropapips
4 posts
Kami po ay galing sa Don Bosco Makati Senior High, at eto po ang aming lakbay.
Don't wanna be here? Send us removal request.
essay-panga · 4 years ago
Text
ELX BOYSSS VLOG
https://drive.google.com/file/d/1uurClzq1qM2RC_GrXFVrnfC9mSyzG2e0/view?usp=sharing
0 notes
essay-panga · 4 years ago
Quote
Ano kaya pakiramdam maging Senior High?
Tumblr media
Ibinungad ko sa mga kaibigan kong kumakain ng mapayapa habang tumitingin sa mga Senior High School students galing Don Bosco Makati na bumisita sa eskwelahan namin. Si Jojo tinaas lang ang kanyang balikat bilang senyas na hindi niya alam. Si Gabriel hindi ako pinansin at itinuloy lang ang kanyang pag kain ng baon niyang napakabango pero hindi ipinapatikim sa amin. Bago pa man ako makapagsalita muli, tumunog na ang kampana at kami ay nagligpit na at tumungo sa aming silid-aralan. Tapos na ang oras ng tanghalian at agad kaming naglakad na papunta sa aming silid-aralan. Habang kami ay naglalakad, nadaanan namin ang iilan sa mga SHS na bumisita sa paaralan namin at naoobserbahan namin ang kanilang mga ginagawa. Isa sa mga bumisita ay isa sa mga kaibigan namin na nangangalang Jerome. Iniinggit kami lagi ni Jerome sa mga plano nila sa paaralan nila na punong puno ng masasayang mga kaganapan. Laging pinagkakaabalahan nila ay ang mga ganap sa SHS Department ng paaralan nila katulad ng Lakan at Lakambini, Entrepreneurship at marami pang pangyayari na sabi nga ng mga SHS, mas masaya at mas advanced kaysa sa ginagawa naming mga Grade 10, lalo na dito sa paaralan namin. At syempre hindi na nawala ang mga―                    
“Babae, tol. Grabe, ang ganda nung isa!” Sabi ni Gabriel sabay tingin sa ibaba na parang nalulungkot at huminga siya ng malalim, “Gusto ko na pumasok ng DB, pre.”
“May bago ka na namang crush.” sabi naming dalawa ni Jojo habang nakaupo sa assembly. “Hindi ba―” Sabay kaltok samin ng adviser namin. Kami noon ay nanahimik at umakyat na ng silid-aralan pagkatapos ng assembly.
Pagkatapos ng ilang buwan, patapos na ang huling taon namin sa Junior High. Senior High na kami pagkatapos ng aming graduation at lahat kami ay nasasabik nang matapos dahil sa Don Bosco Makati kami papasok sa susunod na taon. Magkakaroon na kami ng Lakan at Lakambini, Entrepreneurship, magagamit na namin ang Braga building at auditorium pati na yung mga—  
“Babae, pre. Malapit na ako. Papunta na ang napakapoging nilalang sa mundo.” Sabi ni Gabriel habang nagaayos kami sa banyo para sa pictorial namin para sa aming Graduation Picture. Hindi nalang namin pinansin ni Jojo ang imahinasyon ni Gabriel.
Tumblr media
Eto na. Malapit na kami magtapos. Onti nalang.    
Ang tumatakbo sa utak ko habang ako’y inaayusan. Tapos na si Gabriel kunan ng imahe, tapos na rin si Jojo. Ako na susunod.
“Franz Edrick? Tara na.”  
“Okay po.” Sabay tumayo ako at pinuntahan kung saan ako kukunan ng imahe.
“Say cheese!”
Tumblr media
At pagkatapos nito, kami’y hindi na nagkita muli. 
Dumaan ang COVID-19 sa bansa at kami ay napilitang hindi lumabas ng ilang buwan. Nawala lahat ng gusto namin sa susunod na taon; Lakan at Lakambini, Entrepreneurship, at—
“Babae, tol. Di ko na makikita crush ko. Ano bayan!” Sigaw ni Gabriel habang kami ay nagvivideo chat para magkamustahan. “Hanggang video call nalang.”
8 buwan na ang nakalipas at kami ay nagkaklase na online. Sa aming obserbasyon, kami ay nagulat dahil ito ay nakakatuwa padin. May mga bago kaming kaklase, nakakausap namin sila, may mga online events at marami pa. Sa maikling salita, ito ay ikinatuwa padin namin dahil gumagawa ang Don Bosco SHS ng paraan para pasiyahin ang aming pag-aaral.
-Wakas-
2 notes · View notes
essay-panga · 4 years ago
Photo
Tumblr media
“Kinagisnan ng SHS DonBosco Makati"
“Meliora Eligo o choose the better things.” Ito ang kasabihan ng mga mag-aaral sa Don Bosco Makati sa lahat ng antas ng sekondarya, layunin nitong mabigyan ng magandang estado sa buhay ang mga mag aaral. Dumako tayo sa departamento ng Senior Highschool sa Don Bosco Makati, ang departamento ng SHS doon ay binubuo ng mga apat na pangunahing strand ng mga studyante at ito ang mga; Inhinyero sa Teknolohiya sa Agham at Matematika, Accountancy, Negosyo at Pamamahala, Sining at Disenyo at ang mga Tao at Agham Panlipunan. Ang bawat strand na iyan ay naglalayong maipamahagi ang katalinuhan o magandang abilidad ng mga kabataan sa departamento ng SHS na kung saan sila ay pipili ng kanilang sariling strand upang sila ay maging handa sa papalapit na kolehiyo. Mayroon rin mga iba pang asignatura na pang teknolohiya ang SHS sa DonBosco Makati na kung saan ito ay ang kanilang papasukan at ito ay may kaugnayan sa kanilang mga sariling kurso. Marami ring mga pangyayaring isinasagawa ang departamentong ito katulad ng kapag araw ng pundasyon ang mga mag aaral ng SHS ay gagawa ng sarili nilang mga disenyo ng damit at ibebenta sa mga kanilang nakababatang kamag-aral o mga guro. Maari rin silang gumawa ng mga sari-sari nilang mga putahe na ibebenta para sa lahat. May mga palaro rin sila katulad ng mga tinatawag na video games at mga iba pang laro. Tuwing darating na ang araw kung saan may mga bumibisita na mga sikat at mga magagaling na OPM band, agad nagpapa audition din ang departamento ng SHS na kung saan ay bawat isa ay pwedeng mag audition para makapag tanghal sa entablado. Marami pang mga ibat ibang natatanging mga pangyayari sa loob ng aming departamento, makikita rin dito ang mga lakan at lakambini na kumakatawan sa kanilang mga pangkat at sila ay nagpapaligsahan para maiuwi ang corona. Marami pang mga aktibidad ang inyong magagawa dito sa loob ng aming departamento, sa kasabayan ng aktibidad ay mayroon rin kayong mga magandang matutunghayan at matututunan sa kinagihasnan ng Departamento ng SHS sa DonBosco Makati.
1 note · View note
essay-panga · 4 years ago
Photo
Tumblr media
Meliora Eligo!
Choose the Better Things, Choose Don Bosco Makati. Ang Departamento ng SHS sa Don Bosco Technical Institute of Makati ay isa sa mga nagniningning na mga paaralan dito sa Lungsod ng Makati. May mga alok na programa ito na tinatawag strands na kung saan mayroong, STEM, ABM, HUMSS, at Arts and Designs Track na kung saan ito ang mga pagpipilian nila upang makatulong sa kanilang kukunin na kurso sa pagtungtong sa kolehiyo. Ang STEM o Science,Technology, Engineering and Mathematics Strand ay ang pipiliin kung gusto mo mas mapalawak ang kaisipan sa asignaturang Science at Mathematics na kung saan madami kang matututunan dito at malaki ang tulong nito pagdating ng kolehiyo. Ang ABM o Accountancy, Business and Management Strand na kung saan kung ikaw ay isang hilig sa mga negosyo, ay ito ang piliin mo upang mas mapalawak ang iyong kaisipan kung paano magkaroon ng magandang negosyo sa buhay. Ang HUMSS o Humanities and Social Sciences Strand ay naka disenyo para sa mga patungkol sa batas, pamamahayag, liberal arts, at iba pang mga kurso na nauugnay sa agham sa lipunan sa kolehiyo, dito mas mapapalawak ang kaisipan mo sa nangyayari sa ating bansa at maging bukas isip sa bansang ito. Ang Arts and Design Track naman ay isa sa mga strand na kung saan dito ang mga nais ipahayag ang mga kanilang sarili sa malikhaing paraan, ito ang para sayo kung gusto mo mapalawak ang kaisipan mo sa mga instrumento, sining, at iba pa. Hindi lamang ito ang nasa Departamento ng SHS dahil meron pa itong “specialized subject” sa bawat strand tulad na lamang ng STEM na kung saan pipili sa mga ito tulad ng robotics, automotive, at iba pa, ngunit sa ibang strand ay meron din na iba sa iba’t ibang strand. Sinisigurado ko na sa kahit anong strand ang piliin ng estudyante ay malaki ang maitutulong lalo’t na dito sa paaralan na ito ang Departamento ng Senior High School. Isa ito sa mga hindi ko malilimutang karanasan sa aking buhay. Sa pagpasok ko palang sa paaralan na ito ay may iba’t ibang barayti ng oportunidad na makakatulong sa inyong sarili sa pamamagitan ng mga talento na hindi mo alam na mayroon ka palang ganon, at sa ating kapwa mamayang Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kagamitan at iba pa. Isa sa mga Isang karanasan ay ang pagpasok sa audition sa sariling banda namin upang maipakita ang aming pinagpraktisan na mga kanta sa mga manonood. Ang mga oportunidad na ito ay libre at sa dinami-dami ng oportunidad na ito ay marami kang matututunan at alaala na dadahilhin mo habang buhay. Sa departamentong ito, may iba’t ibang mga moral at etikal na kahalagahan na dadalhin at gagamitin sa pang habang buhay.  Isa sa mga linyang hindi ko malilimutan sa paaralang ito ay ang “Do your duties extraordinarily well”, ang natutuhan ko dito ay sa bawat gawain na ipinapagawa ay magisip ng di naaayon sa karaniwan, mas gawing malikha ang bawat gawain sa iba’t ibang asignatura upang mapahusay ang ating malikhaing kaisipan.  “Forming Good Christians and Upright Citizens.” - Don Bosco
2 notes · View notes