#ang taray ano ba to
Explore tagged Tumblr posts
rosiehrs · 2 years ago
Note
ano na ba yung love life mo po?
hahahahaahhahahahaha next question pls😇
1 note · View note
bluerthanblue-excerpts · 4 months ago
Text
Magkatabi Ngunit Hindi Itinadhana
Ang taray tingnan ng babaeng ito.
Akala ko ako lang ang nakatingin. Hindi pala. Meron pa. Isa. Ngunit hindi niya alam kung bakit ang mga mata niya'y dumadako sa iyo pero kahit ganoon hindi ko lang napigilan ang sarili kong magkagusto sa isang babaeng mahilig sa libro, tahimik, masyadong malihim at mataray ang mukha. Nahihiwagaan ako kagaya ng kaibigan ko at pareho ngang nagagandahan. Kahit pa sabihing maraming magaganda sa mga mata ko. Bukod-tangi ang ganda mong natural at hindi pilit at noong nakita ko mga ngiti mo kasama ang babaeng gusto rin ng isa ko pang kaibigan, alam mo ba kung ano ang naisip ko? Kung puwede lang.
Sinuwerte yata ako sa sumunod na taon dahil magkatabi tayo. Nasisilayan ko mukha mo sa malapitan kahit sa isang subject lamang at lagi ka pang nagtataray. Puro ako kalokohan, oo at hindi yata nakakahinga nang matiwasay kapag wala akong tsismis na nasagap. Mukha man akong gago, madaldal at makulit ang lahi sa iba, inoobserba ko ang paligid ko. At masyado akong pakialamero. Kaya noong nabasa ko ang mga liham mo para sa kaibigan ko. Ngumingiti lang ako pero unti-unti na naglaho iyong kapiranggot sana na pag-asa.
Bakit hindi ko sinubukan? Bakit natatakot akong tawirin ang pagkakaibigang inialay mo nang hindi mo namamalayan? Dyahe, naunahan mo ako at hanggang magkaibigan lamang tayo. Sa bata kong puso noon, tinawanan ko na lang ang sarili ko. Para akong baliw sa kakatawa pagkatapos kong madiskubre ang lihim mong matagal mo na palang tinatago. Tawang kahit papaano'y nasaktan. Bakit ba magkatabi tayo ha? Kahit pa nalaman ko na ang katotohanan, alam ko pa rin sa sarili ko na hanggang doon lang ang meron sa ating dalawa. Di ko alam kung natibag ko ba ang harang mo sa mga tao pero kontento ako na natatawa ka na lang sa kakornihan ko. Kahit mukha na akong ewan at payaso na sa paningin mo basta lang masilayan ko paulit-ulit ang mga ngiti mong ipinagkakait mo sa mga taong hindi malapit sa puso mo.
Ako ba? Malapit ba? Kahit paano ba ngingiti ka kapag nagkita tayo ulit? Ngunit hindi. Naningkit lang ang mga mata mo at alam ko na sa kabila ng ngiti ko, may ideya na ako kung bakit gusto mo na lang magtago na parang kuhol. Andoon na sa nailathala na libro ang kuwentong parte ng iyong sikreto - ng iyong mga liham. Paglipas ng taon, siguro dahil bata pa ako at hindi lahat sineseryuso, masaya ako para sa iyo at sa kaibigan kong magulo din ang utak pati ang puso. Ang suwerte ng gago eh mas matino naman ako doon at mas magandang lalaki. Pero alam kong isa lang akong pusit sa paningin mo at hindi lang naman ako ang pusit sa paningin mo. Siya. Na nasa mga liham. Dati, ganoon din siya lalo na kapag ayaw mo sa pinaggagawa ng kaibigan ko.
Gusto kong magpasalamat na sa kabila ng maikling panahon na magkatabi tayo, hindi na ako iba sa iyo. Hinayaan mo akong makapasok sandali sa mundo mo. Masayang-masaya ako na makita kang kasama ang matalik kong kaibigan. Masaya akong hinayaan kita noon at hindi ko na tinuloy ang balak ko na nasa isip ko lang.
Ang panahon nga naman. Parang kailan lang, para akong ewan na magkatabi tayo noon. Ngayon, umabot na tayo sa puntong sinisingkitan mo ako ng mga mata mo kapag pinagbibigyan ko ang prinsesa ninyo ng kaibigan ko. Mana sa 'yo eh. Nagmana nga lang ang kakulitan ng sira-ulo kong kaibigan.
Wala kang alam. Wala kang kamalay-malay na nagkagusto ako sa iyo noon. Hanggang sa ibinulgar ko na ang sarili ko sa engagement ninyong dalawa. Gusto ko lang ihayag ang kinikimkim ko na dati at tama ang desisyon ko dahil maluwag na sa pakiramdam.
Magkatabi ngunit hindi magkatadhana. Pero magkaibigan hanggang sa may mga anak na. Binibiro lang yata tayo ng panahon.
Mataray ka pa rin ngunit maganda.
Pero hindi na ikaw ang pinakamaganda sa paningin ko.
Seatmate.
2 notes · View notes
kimhortons · 1 year ago
Text
Thought Dump #015
parang stress na stress na naman ako sa buhay ko ngayon shuta. stress sa relationships with friends, workmates and finances. lagi nalang negative energy narerelese ko tuwing tatambay ako dito huehue. asan na yung mga positive energy ko or ni minsan ba meron? haha. ano na dadawen?
alam ko favorite month ko ang December e, pero parang medyo hate ko siya ngayon haha. ang gastos pala nung event na pinaka hihintay ko sa work—yung year end gala namin. parang kulang ang 10k na budget, seriously haha. nagpa tahi pa ako ng gown kasi ayoko nung mga design ng mga gown rentals, ayaw ko rin naman mag order sa shein kasi paano kung may makapareho ako, edi awkward. haha.
tsaka narealize ko, never din pala talaga ako nag rent ng nasuot na ng iba, laging pinapatahi ko like nung nag debut ako, ultimo graduation at kasal ng bestfriend kong si chi lahat yun yung gusto kong design. ang arte diba haha.
hirap din pala mag hanap ng make up artist, inisip ko narin na kaya ko naman mag ayos sa sarili ko, pero wala akong materials. e hindi naman ako laging nag heheavy make up kahit aalis lang ng bahay o nasa work, sunscreen at kilay tsaka konting lipstick lang naman ginagamit ko lagi kaya ayoko bumili, ganun din naman magagastos kung kukuha nalang ako ng HMUA so I decided to book one. buti nalang may nakita akong maganda ang gawa na reasonable ang price. hehe.
problema ko pa kung mag checheck in kami sa hotel. kasi hindi accessible yung event place namin [The Oriental Hotels - Legazpi] pataas pa siya, ang hirap pa naman dito kasi walang taxi, may grab naman na pero di ko sure kung madali makapag book. ang layo pa naman namin dun. so baka need talaga namin mag check in since gagabihin din kami for sure.
uuwi pa akong Manila sa Christmas break namin, syempre another gastos sa pamasahe. at syempre sa mga inaanak na naman at for sure ano pa bang gagawin ko dun kundi mag gala at i-meet yung mga friends ko.
so for conclusion [taray, may pa conclusion haha] next year pag iipunan ko na talaga ng bongga ang month of December. para kahit hindi ako mag abang ng 13th month pay, may mahuhugutan ako agad.
di pa naman namin pinag uusapan pero baka kasi bigla namin maisipan na mag rent nalang sa Legazpi kasi nahihirapan nako maka uwi minsan, tsaka para mas matuto pa kami pano mag budget talaga, hirap din kasi talaga ng nakiki sabit. hehe.
#td
3 notes · View notes
cedricksworld · 3 months ago
Text
Geyluv by honorio Bartolome de Dios
Yun lang at hindi na siya nagsalita pang muli. Pigil-pigil ng umid niyang dila ang reaksyon ko sa kanyang sinabi.
I love you, Mike. Nagpaulit-ulit ang mga kataga sa aking diwa. Walang pagkukunwari, ngunit dama ang pait sa bawat salita. Natunaw na ang yelo sa baso ng serbesa, lumamig na ang sisig, namaalam na ang singer, pero wala pa ring umiimik sa aming dalawa.
Mag-aalas-tres na, uwi na tayo.
Miss, bill namin.
Hanggang sa marating namin ang apartment n’ya. Wala pa ring imikan. Kaya ako na ang nauna.
Tuloy ba ang lakad natin bukas sa Baguio, Benjie?
Oo, alas-kwatro ng hapon, sa Dagupan Terminal. Good night. Ingat ka.
Are you okay, Benjie?
Wala ni imik.
Are you sure you don’t want me to stay tonight?
Don’t worry, Mike. Okey lang ako.
Okey. Good night. I’ll call you up later.
Usaman nanamin iyon kapag naghihiwalay sa daan. Kung sino man ang huling umuwi, kailangang tumawag pagdating para matiyak na safe itong nakarating sa bahay.
That was two years ago. Pero mga ateeee, bumigay na naman ako sa hiyaw ng aking puso. Di na ako nakapagsalita pagkatapos kong banggitin sa kanyang “I love you, Mike.” At ang balak ko talaga, habang panahon ko na siyang di kausapin, after that trying-hard-to-be-romantic evening. Diyos ko, ano ba naman ang aasahan ko kay Mike ano?
Noong una kaming magkita sa media party, di ko naman siya pinansin. Oo, guwapo si Mike at macho ang puwit, pero di ko talaga siya type. Kalabit nga ng kalabit sa akin itong si Joana. Kung napansin ko raw ang guwapong nakatayo doon sa isang sulok. Magpakilala raw kami. Magpatulong daw kami sa media projection ng aming mga services. I-invite raw namin sa office. Panay ang projection ng luka-luka. Pagtaasan ko nga ng kilay ang hitad! Sabi ko sa kanya, wala akong panahon at kung gusto niyang maglandi nung gabing iyon, siya na lang. Talaga naman pong makaraan ang tatlong masalimuot na love-hate relationship na tinalo pa yata ang love story nina Janice de Belen at Nora Aunor, sinarhan ko na ang puso ko sa mga lalaki. Sa mga babae? Matagal nang nakasara. May kandado pa!
Aba, at mas guwapo pala sa malapitan ang Mike na ito. At ang boses! Natulig talaga nang husto ang nagbibingi-bingihan kong puso. And after that meeting, one week agad kaming magkasama sa Zambales. Of course, siya ang nagprisinta. di ako. At noon na nagsimula ang problema ko.
Imbyerna na ako noon kay Joana, noong magpunta kami sa Zambales para sa interview nitong si Mike. Aba, pumapel nang pumapel ang bruha. Daig pa ang “Probe Team” sa pagtatanong ng kung anu-ano rito kay Mike. At ang Mike naman, napaka-accomodating, sagot nang sagot. Pagdating naman sa Pampanga, bigla nga akong nag-ayang tumigil para mag-soft drink. Kailangan ko na kasing manigarilyo nang mga oras na iyon. Tense na ako.
Gasgas na sa akin ang puna ng mga amiga kong baklita na ilusyon ko lang ang paghahanap ng meaningful relationship. Sabi ko naman, tumanda man akong isang ilusyunadang bakla, maghihintay pa rin ako sa pagdating ng isang meaningful relationship sa aking buhay. Naniniwala yata akong pinagpala din ng Diyos ang mga bakla!
Mataray itong si Benjie, mataray na bakla, ‘ika nga. Pero mabait. Habang lumalalim ang aming pagiging magkakilala, lalo ko namang naiintindihan kung bakit siya mataray.
Well, if you don’t respect me as a person dahil bakla ako, mag-isa ka. I don’t care. ‘Yun ang usual defense niya ‘pag may nanlalait sa kanyang macho.
I’ve been betrayed before, and I won’t let anybody else do the same thing to me, again. Ever!
Ang taray, ano po? Pero hanggang ganyan lang naman ang taray nitong si Benjie. Para bang babala niya sa sarili. Lalo na pag nai-involve siya sa isang lalaki. Natatakot na kasi siyang magamit, ang gamiting ng ibang tao ang kanyang kabaklaan para sa sarili nilang kapakanan. May negative reactions agad siya ‘pag nagiging malapit at sweet sa kanya ang mga lalaki.
At halata ang galit niya sa mga taong nate-take advantage sa mga taong vulnerable. Tulad noong nakikinig siya sa interview ko sa namamahala ng evacuation center sa isang eskuwelahan sa Zambales. Naikuwento kasi nito ang tungkol sa asawa ng isang government official na ayaw sumunod sa regulasyong ng center sa pamamahagi ng relief good upang maiwasan ang gulo sa pagitan ng mga “kulot” at “unat na pawang mga biktima ng pagsabog ng Pinatubo. Simple lang naman ang regulasyon: kailangang maayos ang pila ng mga kinatawan ng bawat pamilya upang kumuha ng relief goods. Ang gusto naman daw mangyari ng babaeng iyon, tatayo siya sa stage ng eskuwelahan at mula doon ay ipamamahagi niya ang mga relief goods, kung kanino man niya maiabot. Alam na raw ng mga namamahala ng center ang gustong mangyari ng babae: ang makunan siya ng litrato at video habang kunwa’y pinagkakaguluhan ng mga biktima—unat man o kulot. Nasunod ang gusto nung babae, ngunit ang mga unat lamang ang nagkagulo sa kanyang dalang relief goods. Ayon sa namamahala ng center, nasanay na raw kasi ang mga kulot sa organisadong pagkuha ng mga relief goods. Pero nagreklamo rin sila nung bandang huli kung bakit hindi sila nakatanggap ng tulong. Iiling-iling na kinuha ni Benjie ang pangalan ng babaeng iyon.
Hindi.
Irereport mo?
Hindi.
Susulatan mo?
Ano’ng gagawin mo?
Ipakukulam ko. Ang putang inang iyon. Anong akala niya sa sarili niya, Diyos? Isula mo iyon, ha. Para malaman ng lahat na hindi lahat ng nagbibigay ng tulong ay nais talagang tumulong.
Takot din siyang makipagrelasyon. At ‘di rin siya nanlalalaki, ‘yun bang namimik-ap kung saan-saan. Bukod sa takot itong si Benjie na magkaroon ng sakit at mabugbog, di rin niya gustong arrangement ang money for love. Gusto niya, ture love at meaningful relationship.
‘Yun din naman ang hanap ko. Now, don’t get me wrong. I’m straight, okay?
Si Carmi ang pinakahuling naging syota ko. Sabi nila maganda. Sabagay, maganda naman talaga itong si carmi. Sexy pa. Ewan ko nga lang dito kay Carmi kung bakit laging nagseselos sa akin. Hanggang ngayon, di pa rin niya maintindihan ang nature ng trabaho ko, e dalawang taon na kaming magsyota. Kung mag-demand sa akin, para bang gugunawin ng Diyos ang mundo kinabukasan. E, para sa’kin, di rin ito ang ibig sabihin ng meaningful relationship. Ayoko nang binabantayan ang lahat ng kilos ko. Ayoko ng laging ini-interrogate. Ayaw ko ng pinamimili ako between my career at babae. Para sa akin, pareho itong bahagi ng future ko.
Last year, inisplitan ako ni Carmi. Di na raw niya ma-take. Gusto raw muna niyang mag-isip-isip tungkol sa aming relasyon. Gusto raw niyang magkaanak sa akon, pero di niya tiyak kung gusto niya akong pakasalan. Naguluhan din ako. Parang gusto kong ayaw ko. Mahal ko si Carmi, and I’m sure of that. Pero kung tungkol sa pagpapakasal, out of the question ang usaping ‘yun. Una, di kayang buhayin ng sweldo ko an gpagbuo ng isang pamilya. Pangalawa, di ko alam kung an gpagpapakasal nga ay solusyon para matigil na ang pagdedemand sa akin ni Carmi. At pangatlo, di rin sigurado itong si Carmi sa gusto niyang gawin. Pumayag ako.
Almost one year din akong walang syota. Isinubsob ko ang sarili sa trabaho. Pero, from time to time, nagkikita kami ni Carmi para magkumustahan. Well, every time na nagkikita kami ni Carmi para magkumustahan, bigla ko siyang mamimi-miss, kung kailan kaharap ko na. Siguro’y dala ng lungkot o ng libog. Kung anumang dahilan ng magka-miss ko sa kanya ay di ko tiyak. Pinipigilan ko na lang ang sariling ipadama sa kanya ang nararamdaman ko, dahil sa tingin ko’y mas naging masaya siya mula nang isplitan niya ako. Nakakahiya naman yatang ako pa ang unang umamin na gusto ko ulit siyang balikan, e siya itong nakipag-break sa akin.
Naipakilala ko si Camrmi kay Benjie sa mga dates na iyon. At naikuwento ko na rin noon kay Benjie ang tungkol sa nakaraan namin ni Carmi.
Carmi, this is Benjie. Benjie, this is Carmi.
Hi.
Hello.
.
Daaay. Maganda ang Carmi. Mas maganda at mas sexy kaysa kay Carmi Martin. Pinaghalong Nanette Medved at Dawn Zulueta ang beauty ng bruha. Ano? At bakit naman ako mai-insecure, ‘no? May sariling ganda yata itong ditse mo. At isa pa, wa ko feel makipag-compete sa babae. Alam ko namang may naibibigay ang babae sa lalaki na di ko kaya. Pero manay. Mayroon din akong kayang ibigay sa lalaki na di kayang ibigan ng babae. Kaya patas lang.. kung may labanan mang magaganap. Pero maganda talaga ang bruha. Bagay na bagay sila ni Mike. Nagtataka nga ako kung bakit pa niya pinalampas itong si Mike, e ang kulang nal ang sa kanila ay isang fans club at buo na ang kanilang love team. Nanghihinayang talaga ako sa kanilang dalawa. They’re such a beautiful couple. Na-imagin ko agad ang kanilang mgagiging mga anak. The heirs to the thrones of Hilda Koronel and Amalia Funetes o kaya’y ni Christopher de Leon at Richard Gomez. Noong una, medyo naaalangan ako kay Carmi. Para kasing nu’ng makita ko silang dalawa, ang pakiramdam ko, kalabisan na ako sa lunch date na pinagsaluhan namin. Di naman feeling of insecurity dahil ang gusto ko lang, makausap sila ng tanghaling iyon at baka sakaling maayos na ang kanilang relationship. Tingin ko naman dito kay Carmi, ganoon din. Parang may laging nakaharang na kutsilyo sa kanyang bibig ‘pag nagtatanong siya sa akin o kay Mike. Di kaya siya na-insecure sa beauty ko? Tingin n’yo?
.
Naging magkaibigan na nga kami ni Benjie. Kahit tapos na ang ginagawa kong article tungkol sa kanilang project, madalas pa rin kaming magkita. Nag-iinuman kami, nanonood ng sine, o kaya’y simpleng kain lang sa labas o pagbili ng tape sa record bar. Marami naman akong naging kaibigang lalaki, pero iba na ang naging pagkakaibigan namin ni Benjie. Noong una’y naalangan nga ako. Aba, e baka ‘ka ko mapaghinalaan din akong bakla kung isang bakla ang lagi kong kasama. Sabagay, di naman kaagad mahahalatang bakla nga itong si Benjie.
Loveable naman si Benjie. Kahit may katarayan, mabait naman. Okey, okey, aaminin ko. Sa kanya ko uanang naranasang magkaroon ng lakas ng loob na ihinga ang lahat ng nararamdaman ko. ‘Yun bang pouring out of emotions na walang kakaba-kabang sabihan kang bakla o mahina. At pagkaraan ay ang gaan-gaan ng pakiramdam mo. Sa barkada kasi, parang di nabibigyan ng pansin ‘yang mga emotions-emotions. Nakakasawa na rin ang competition. Pataasan ng ihi, patibayan ng sikmura sa mga problema sa buhay, patigasan ng titi. Kapag nag-iinuman kami (at dito lang kami madalas magkasama-sama ng barkada), babae at trabaho ang pulutan namin. Sino ang minakamahusay na mambola ng babae, sino sa mga waitress sa katapat na beerhouse ng opisina ang nadala na sa motel, sino ang pinakahuling sumuka nu’ng nakaraang inuman? Well, paminsan-minsan, napag-uusapan ang tungkol sa mga problemang emosyonal, pero lagi at lagi lang nagpapaka-objective ang barkada. Kanya-kanyang pagsusuri ng problema at paghaharap ng immediate solutions bago pa man pagpakalunod sa emotions. Kaya hindi ako sanay na nagsasabi kung ano ang nararamdaman ko. Ang tumbok agad, ano ang problema at ano ang solusyon. Pero ‘yun nga, iba pala kapag nasusuri mo rin pati ang mga reactions mo sa isang problema, basta nase-share mo lang kung bakit ka masaya, kung bakit ka malungkot. Kay Benjie ko nga lang nasasabi nang buong-buo ang mga bagay na gusto kong gawin, ang mga frustrations ko, ang mga libog ko. Mahusay makinig itong si Benjie. Naipapakita niya sa akin ang mga bagay na di binibigyan ng pansin. Tulad ng pakikipagrelasyon ko kay Carmi. May karapatan naman daw mag-demand si Carmi sa akin dahil siya ang kalahating bahagi ng relasyon. Bada daw kasi di ko pa nalalampasan ang nangyari sa akin nang iwan na lamang ako basta-basta nu’ng una kong syota kaya di ko mabigay ang lahat ng pagmamahal ko kay Carmi. Di lamang daw ako ang lagin iintindihin. Unawain ko rin daw si Carmi.
Di ba totoo naman? Na baka mahal pa rin niya talaga si Carmi? Kahit ba mag-iisang taon na silang break, nagkikita pa rin naman sila paminsan-minsan. Ni hindi pa nga siya nakikipag-relasyon sa ibang babae after Carmi. Ito ngang si Joana, panay na ang dikit sa kanya ‘pag dinadaanan ako ni Mike sa office, di pa rin niya pansin. Sabagay, di naman talaga niya matitipuhan si Joana. Not after Carmi.
So, noong una, sabi ko, wala namang masama kung magiging magkaibigan kami. Nasa akin na ang problema kapag nahumaling na naman ako sa lalaki. Madalas kaming lumabas, lalo na after office hours at during weekends. Manonood ng sine, kakain, iimbitahan ko siya sa apartment for beer o kapag may niluto akong espesyal na ulam o kaya’y nag-prepare ako ng salad. Kapag umuwi ako sa Los Baños para umuwi sa amin, sumasama siya minsan. Na-meet na nga niya ang mother ko. Nagpapalitan rin kami ng tapes at siya ang nagtuturo sa akin ng mga bagong labas na computer programs.
So, okey lang. Pero unti-unti, di na lang tapes at salad o computer programs ang pinagsasaluhan namin. Aba, may kadramahan din sa buhay itong si Mike. Ang dami pa raw niyang gustong gawin sa buhay na parang di niya kayang tuparin. Gusto raw niyang makapagsulat ng libro, gusto daw niyang mag-aral muli, gusto raw niyang mag-abroad. Kung bakit daw kasi di pa niya matapus-tapos ang kanyang M.A. thesis para makakuha siya ng scholarshi? Kung kuntento na raw ba ako sa buhay ko? Ang lahat ng iyon ay kayang-kaya kong sagutin para kahit papaano ay ma-challenge siya na gawin niya kung ano ‘yung gusto niya at kaya niyang gawin. Maliban na lang sa isang tanong na unti-unti ko nang kinatatakutang sagutin nang totoo: kung mahal pa raw kaya niya ni Carmi?
Madalas akong malasing na siya ang kasama, pero ni minsan, di niya ako “ginalaw” (to use the term). May mga pagkakataong tinutukso ko siya, pero di siya bumibigay. Tinanong ko nga siya minsan:
Don’t you find me attractive, Benjie?
At bakit?
Wala.
Wala rin naman akong lakas ng loob na sabihin sa kanya kung bakit. Baka siya masaktan, maka ‘di niya maintindihan, baka lumayo siya sa akin. Ayaw kong lumayo sa akin si Benjie.
Di rin naman perpekto itong si Benjie. Pero di ko rin alam kung ituturing kong kahinaan ang naganap sa amin minsan.. Kung kasalanan man iyon, dapat ay sisihin din ako.
Nagkasunod-sunod ang disappointments ko. Di ko matapus-tapos ‘yung article na ginagawa ko tungkol sa open-pit mining sa Baguio dahil nagkasakit ako ng tatnlong araw at naiwan ako ng grupong pumunta sa site para mag-research. Na-virus ‘yung diskette ko ng sangkaterbang raw data ang naka-store. Nasigawan ako nu’ung office secretary na pinagbintangan kong nagdala ng virus sa aming mga computers. Na-biktima ng akyat-bahay ‘yung kapatid kong taga-Ermita. At tinawagan ako ni Carmi, nagpaalam dahil pupunta na raw siya ng States.
Ang dami kong nainom noon sa apartment ni Benjie. Nang nakahiga na kami, yumakap ako sa kanya, mahigpit. Bulong ako ng bulong sa kanyang tulungan niya ako. Kung ano ang gagawin ko. Pakiramdam ko kasi, wala na akong silbi. Ni ang sarili kong mga relasyon ay di ko maayos. Alam kong nabigla si Benjie sa pagyakap ko sa kanya. Kahit nga ako’y nabigla sa bigla kong pagyakap sa kanya. Pero parang sa pagyakap ko kay Benjie ay nakadama ako ng konting pahinga, ng konting kagaanan ng loob. Matagal bago niya ako sinuklian ng yakap. Na nang ginawa niya’y lalong nagpagaan sa pakiramdam ko. At ang natatandaan ko, hinalikan niya ako sa labi bago ako tuluyang makatulog.
Ako ang hindi makatingin sa kanya nang diretso kinabukasan.
Sorry.
For what?
Kagabi, tinukso kita uli.
Nagpatukso naman ako, e.
Pero wala namang malisya sa akin iyon.
‘Wag na nating pag-usapan.
Nakatulog ka ba?
Hindi.
Bakit?
Binantayan kita.
Bakit?
Iyak ka ng iyak.
Oo nga. Para akong bakla.
Di porke bakla, iyakin.
Sorry.
Mag-almusal ka na. Di ka ba papasok?
Hindi muna. Labas na lang tayo.
Marami akong gagawin sa office. Di ako pwede.
Pwedeng dito na lang muna ako sa bahay mo?
Sure. Mamayang gabi na lang tayo lumabas.
Sige. Ikaw ang bahala.
Inaamin ko ulit. Kakaibang closeness ang nadama ko kay Benjie mula nung gabing iyon. Noong una’y idini-deny ko pa sa sarili ko. Pero sa loob-loob ko, bakit ko idi-deny? Anong masama kung maging close ako sa isang bakla? Kaibigan ko si Benjie, and it doesn’t matter kung anong klaseng tao siya. Sigurado naman ako sa sexuality ko. ‘Yun ngang mga kasama ko sa trabaho, okey lang sa kanila nang malaman nilang bakla pala si Benjie. Di sila makapaniwalang bakla si Benjie at may kaibigan akong bakla. E, super-macho ang mga iyon. Ingat lang daw ako. Na ano? Baka raw mahawa ako. Never, sabi ko pa. Hanggang kaibigan lang.
Sinasabi ko na nga ba, walang patutunguhang maganda ang pagka-kaibigan namin nitong si Mike. Ayoko, ayoko, ayokong ma-in love. Di ko pa kayang masaktan muli. Ayokong sisihin niya ako sa bandang huli. Baka mawala ang respeto niya sa akin. Baka masira ang magandang pagkakaibigan namin. Pero, Mike, di ako perpektong tao. May damdamin ako, may libog ako, marunong din akong umibig at masaktan. Ang drama, ateeee. Pero ang mga ito ang gusto kong sabihin sa kanya nang gabing iyon. Gusto ko siyang tilian at sabihing: tigilan mo ako, kung gusto mo pang magkita tayo kinabukasan! Naloka talaga ako nang bigla na lang isyang yumakap sa akin. E, ano naman ang gagawin ko, ano? Lungkot na lungkot na nga ‘yung tao, alangan namang ipagtabuyan ko pa. At para ano? Para lang manatili akong malinis sa kanyang paningin? Para lang mapatunayan sa kanyang ako ang baklang ipagduldulan man sa lalaking nasa kalagayang katulad niya, sa gitna ng madili na kuwartong kaming dalawa lang ang laman, ay di lang yakap at halik ang gusto kong isukli sa kanya nang gabing iyon. At di rin kahalayan. Gusto ko siyang mahalin. Gusto kong ipadama ang nararamdaman ko para sa kanya. Isang gabi lang iyon. Marami pang gabi ang naghihintay sa amin. At di ako bato para di matukso. Higit sa lahat, bakla ako.
Take it easy, Benjie.
How can I take it easy, Mike, biglang-bigla ang pagkamatay ni Nanay. Ni hindi ko alam ngayon kung magsu-survive ako ng wala siya.
Kaya mo, matatag ka naman.
Not without Nanay. Napaka-dependent ko sa kanya. Alam mo ‘yan.
Nandito naman ako, Benjie.
Napatingin ako kay Mike. Oh, my hero! Sana nga’y totoo ang sinasabi mo. Sana nga’y nandito ka pa rin five or ten years after. Kahit di ko na iniinda ang pagkawala ng nanay. Sana nga’y nandiyan ka pa rin even after one year. Ewan ko lang, Mike. Di ko alam kung alam mo nga ang sinasabi mo.
Pampadagdag talaga sa mga dalahin kong ito si Mike. Sa halip na isipin ko na lang kung paano mabuhay nang wala ang nanay ko, iisipin ko pa ngayon kung paano mabuhay ng wala siya. Okay, okay, I admit it. Mahal ko nga si Mike. Pero sa sarili ko lang inaamin ito. Hanggang doon lang. Di ko kayang sabihin sa kanya nang harap-harapan. He’s not gay. Imposibleng mahalin din niya ako ng tulad ng pagmamahal ko sa kanya. Kaibigan ang turing niya sa akin. At alam ko na kung ano ang isasagot niya sa akin kapag ipinagtapat ko sa kanyang higit pa sa kaibigan ang pagmamahal ko sa kanya ngayon: that we are better off as friends. Masakit iyon, daaay. Masakit ang ma-reject. Lalo na’t nag-umpisa kayo bilang magkaibigan. Nasawi ka na sa pag-ibig, guilty ka pa dahil you have just betrayed a dear friend and destroyed a beautiful friendship.
Naalala ko ang nanay. Di niya inabutan ang lalaking mamahalin ko at makakasama sa buhay. Sana raw ay matagpuan ko na “siya” agad, bago man lang siya mamatay. Noong una niyang makilala si Mike, tinanong niya ako kung si Mike na raw ba? Ang sagot ko’y hindi ko alam.
.
Nandito lang naman ako. Tumingin sa akin si Benjie. Napatingin rin ako sa kanya. Siguro’y kapwa kami nabigla sa sinabi ko. Nandito naman ako. Ano bang ibig sabihin nito? Well, nandito ako as your friend. I’ll take care of you. Di kita pababayaan. Ganyan ako sa kaibigan, Benjie. Pero sa sarili ko lang nasabi ang mga ito. Buong magdamag nag-iiyak si Benjie sa kuwarto nang gabing iyon bago ilibing ang nanay niya. Hinayaan ko siyang yumakap sa akin. Hinayaan ko siyang pagsusuntukin ang dibdib ko. Yakap, suntok, iyak. Hanggang sa makatulog sa dibdib ko. Noon ako naiyak.
Tahimik pa rin si Benjie hanggang sa matapos ang seminar na dinaluhan niya sa Baguio. Habang sakay ng bus pauwi, noon lamang siya nagsalita.
Sorry sa mga sinabi ko kagabi sa bar, Mike.
Sabi ko na’t ‘yun pa rin ang iniisip mo.
Bakit, di mo ba naiisip ang ibig sabihin nu’ng mga sinabi ko sa’yo?
Iniisip ko rin. So what’s wrong with that?
What’s wrong? Mike, umaasa ako sa imposible.
Di masamang umasa.
Kung may aasahan. At alam ko namang wala.
But don’t you think that we are better off as friends?
(Sabi ko na. Sabi ko na!) But I’ve gone beyond my limits.
Alam mo naman ang ibig kong sabihin.
So what do you expect from me?
.
Ano ba talaga ang gustong palabasin nitong si Mike? Ni hindi nagalit. Di rin naman nagko-confirm na mahal din niya ako. Ay naku daaay, imbyerna na ako, ha! Ayoko ng mga guessing game na ganito. Pero mukhang masaya siya sa mga nangyayari sa buhay niya lately. Open pa rin siya sa akin at mukhang wala namang itinatago. Wala naman siyang resentment nang sabihin niya sa aking umalis na sa Pilipinas si Carmi.
Pero ako na naman ang naipit sa sitwasyon. Kung pagdedesisyunin ko siya, baka di ko makaya. Pero dalawa lang naman ang maaari niyang isagot: oo, mahal din niya ako bilang lover. Ang problema na lang ay kung matatanggap kong hanggang sa pagiging magkaibigan na lang talaga ang relasyon namin.
Ayain ko kaya siyang maki-share sa aking apartment? ‘Pag pumayag siya, di magkakaroon ako—at kami—ng pagkakataong palalimin ang aming relasyon. ‘Pag tumanggi siya, bahala na. Sanay na naman akong nag-iisa.
Tiningnan ko sandali si Mike at pagkaraan ay muli kong ibinaling sa may bintana ang aking tingin. Mabilis ang takbo ng bus sa North Diversion Road. Mayamaya lang ay nasa Maynila na kami. Sana, bago kami makarating ng Maynila, masabi ko na sa kanya ang balak ko. Ano kaya ang isasagot ni Mike? But, does it matter?
Hindi na siya uli nagsalita. Pero, habang nagbibiyahe kami ay marami na uli akong naikuwento sa kanya. Nai-enroll ko na uli ‘yung MA thesis ko at papasok na uli ako this semester. Tinanong ko siya kung pwede niya akong tulungan sa research dahil ‘yung thesis ko rin ang balak kong pag-umpisahan ng isinusulat kong libro. Ikinuwento ko ring umalis na si Carmi at kasama ako sa mga naghatid. Tumawag nga rin daw sa kanya at ibinigay ang address sa States para daw sulatan niya. tinanong ko kung susulatan niya. Kung may time raw siya.
raw siya.
Inaya niya akong umuwi ng Los Baños para dalawin ang puntod ng nanay niya. Sabi ko’y sure this coming weekend.
‘Yung tungkol doon sa sinabi niya sa akin noong isang gabi, pinag-iisipan ko naman talaga nang malalim. Di ako na-offend pero di rin naman ako sure kung gusto ko nga ulit marinig sa kanyang mahal niya ako. Natatakot akong magbigay ng anumang reaksyon sa kanya. baka mai-misinterpret niya ako. Ayokong mag-away kami dahil sa nararamdaman niya sa akit at nararamdaman ko sa kanya. One thing is sure, though. Ayokong mawala si Benjie sa akin. Napakahalaga niya sa akin para mawala.
Ang balak ko’y ganito: tatanungin ko siya kung puwede akong maki-share sa kanyang apartment. ‘Pag pumayag siya, di mas mapag-aaralan ko talaga ang gusto ko—at namin—na mangyari sa aming relasyon. Kung gusto ko siyang makasama nang matagalan. Kung mahal ko rin siya. Kapag hindi, we’ll still be friends.
Mabilis ang takbo ng bus sa North Diversion Road. Nakatingin sa labas ng bintana si Benjie. Alam kong nahihirapan siya. Kinuha ko ang palad niya at pinisil ko ito. Kung bakla rin ako? Hindi ako sigurado. But, does it matter?
1 note · View note
fortunetellersdilettante · 4 months ago
Text
Late nights, playin' sa dilim At paggising 'up sa loob ng aking mga bisig Boy, lagi kang nasa puso ko at (Maging sa puso ko, oh, baby) Nagsasalita lang ako mula sa karanasan Walang makakapantay sa first true love mo Kaya sana ito ay magpaalala sa iyo Kapag para sa tunay, ito ay magpakailanman Kaya huwag mo kaming kalimutan Kapag gusto mo ako Hinihiling mo lang na ako ay naroon (uh huh) At ikaw lang ang Sino ang gumagawa sa akin na dumating tumatakbo 'Kasi ano ang nakuha mo Ay malayo sa maihahambing, ooh At parang pulot lang (oo) Kapag ang iyong pag ibig (kapag ang iyong pag ibig) ay dumating sa akin (ay dumating sa ibabaw ko) Naku baby, may dependency na ako Laging nag strung out Para sa ibang lasa ng honey mo (ooh) Parang honey kapag nahuhugas sa ibabaw ko Alam mo sugar never ever naging sweet At ako ay namamatay para sa ya Umiiyak para kay ya (umiiyak) i love ya One hit ng love mo naapektuhan ako (yeah) At ako ay strung out sa iyo, darling Hindi mo ba nakikita (gabi gabi) Bawat gabi at araw halos hindi na ako makapaghintay Para sa ibang lasa ng pulot Oh, hindi ako maaaring maging elusive sa iyo honey (gusto ko na) 'Pagka't ito'y sigurado
Late nights, playin' sa dilim At paggising 'up sa loob ng aking mga bisig Boy, lagi kang nasa puso ko at (Maging sa puso ko, oh, baby) Nagsasalita lang ako mula sa karanasan Walang makakapantay sa first true love mo Kaya sana ito ay magpaalala sa iyo Kapag para sa tunay, ito ay magpakailanman Kaya huwag mo kaming kalimutan Kapag gusto mo ako Hinihiling mo lang na ako ay naroon (uh huh) At ikaw lang ang Sino ang gumagawa sa akin na dumating tumatakbo 'Kasi ano ang nakuha mo Ay malayo sa maihahambing, ooh At parang pulot lang (oo) Kapag ang iyong pag ibig (kapag ang iyong pag ibig) ay dumating sa akin (ay dumating sa ibabaw ko) Naku baby, may dependency na ako Laging nag strung out Para sa ibang lasa ng honey mo (ooh) Parang honey kapag nahuhugas sa ibabaw ko Alam mo sugar never ever naging sweet At ako ay namamatay para sa ya Umiiyak para kay ya (umiiyak) i love ya One hit ng love mo naapektuhan ako (yeah) At ako ay strung out sa iyo, darling Hindi mo ba nakikita (gabi gabi) Bawat gabi at araw halos hindi na ako makapaghintay Para sa ibang lasa ng pulot Oh, hindi ako maaaring maging elusive sa iyo honey (gusto ko na) 'Pagka't ito'y sigurado
Bogi, qito tiko ena butobuto Ka sa tu e loma ni ligaqu Cauravou, o na dau tiko ga e yaloqu ka (Mo tiko e yaloqu, isa, gone) Au vosa tiko mai na veika au sotava E sega ni dua na ka e rawa ni vakatauvatani kei na imatai ni nomu loloma dina Au nuitaka ni na vakananumi iko oqo Ni sa ka dina, sa tawamudu Kakua ni guilecavi keda Ni ko vinakati au O kerei au ga me'u tiko e kea (uh huh) O iko duadua ga O cei e vakavuna me'u lako mai Baleta na ka e tu vei iko E sega ni vakatauvatani rawa, ooh Ka sa vaka ga na oni (io) Ni sa lako mai vei au na nomuni loloma (ni sa lako mai vei au) Isa, gone, sa tiko vei au e dua na dependency Dau vakamalumalumutaki Me dua tale na tovolea ni nomu oni (ooh) E vaka na oni ni savata e delaqu O kila ni sega vakadua ni kamica na dovu Kau sa mate ena vukumu Tagicaki iko (tagi) Au lomani iko E tarai au e dua na nomu loloma (io) Kau sa vakasaurarataki iko, daulomani O sega beka ni raica (ena veibogi) Ena veibogi kei na siga au sega ni rawa ni wawa Me baleta e dua tale na tovolea ni oni Isa, au sega ni rawa ni dredre vei iko oni (au taleitaka o ya) Baleta ni sa dina
Bogi, qito tiko ena butobuto Ka sa tu e loma ni ligaqu Cauravou, o na dau tiko ga e yaloqu ka (Mo tiko e yaloqu, isa, gone) Au vosa tiko mai na veika au sotava E sega ni dua na ka e rawa ni vakatauvatani kei na imatai ni nomu loloma dina Au nuitaka ni na vakananumi iko oqo Ni sa ka dina, sa tawamudu Kakua ni guilecavi keda Ni ko vinakati au O kerei au ga me'u tiko e kea (uh huh) O iko duadua ga O cei e vakavuna me'u lako mai Baleta na ka e tu vei iko E sega ni vakatauvatani rawa, ooh Ka sa vaka ga na oni (io) Ni sa lako mai vei au na nomuni loloma (ni sa lako mai vei au) Isa, gone, sa tiko vei au e dua na dependency Dau vakamalumalumutaki Me dua tale na tovolea ni nomu oni (ooh) E vaka na oni ni savata e delaqu O kila ni sega vakadua ni kamica na dovu Kau sa mate ena vukumu Tagicaki iko (tagi) Au lomani iko E tarai au e dua na nomu loloma (io) Kau sa vakasaurarataki iko, daulomani O sega beka ni raica (ena veibogi) Ena veibogi kei na siga au sega ni rawa ni wawa Me baleta e dua tale na tovolea ni oni Isa, au sega ni rawa ni dredre vei iko oni (au taleitaka o ya) Baleta ni sa dina
Seint á kvøldi, spæl í myrkrinum Og vakna inni í mínum ørmum Á, tú fert altíð at vera í hjarta mínum og (Ver í hjarta mínum, áh, skattur) Eg tosi bara av royndum Einki kann samanberast við tín fyrsta sanna kærleika So eg vóni, at hetta fer at minna teg á Tá tað er í álvara, er tað um ævir So gloym okkum ikki Tá tú vilt hava meg Tú biður meg bara vera har (uh ha) Og tú ert tann einasti/einasta/einasti/einasta/einastu Hvør fær meg at koma rennandi Tí hvat tú fekst Er langt uttan samanburð, ooh Og tað er júst sum hunang (ja) Tá tín kærleiki (tá tín kærleiki) kemur yvir meg (kemur yvir meg) Á, skattur, eg eri bundin Altíð spentur Til ein smakk afturat av tínum hunangi (ooh) Tað er sum hunangur, tá tað vaskar yvir meg Tú veitst, at sukur ongantíð hevur verið so søtt Og eg doyggi fyri teg Grátur fyri ya (grátur) Eg elski teg Eitt slag av tínum kærleika ávirkaði meg (ja) Og eg eri ørkymlaður av tær, góði/góða Sært tú ikki (hvørt kvøld) Hvørt kvøld og hvønn dag klári eg næstan ikki at bíða Fyri ein smakk av hunangi afturat, áh, eg kann ikki vera gávuleysur við tær, góði (mær dámar hatta) Tí tað er víst
Hilisõhtud, playin' pimedas Ja wakin' üles mu süles Poiss, sa oled alati mu südames ja (Ole mu südames, oh, laps) Ma lihtsalt räägin omast kogemusest Miski ei saa olla võrreldav teie esimese tõelise armastusega Nii et ma loodan, et see tuletab teile meelde Kui see on tõeline, on see igavesti Nii et ärge unustage meid Kui sa mind tahad Sa lihtsalt palud mul seal olla (uh huh) Ja sa oled ainus Kes paneb mind jooksma "Põhjustage seda, mis teil on On kaugelt võrreldamatu, ooh Ja see on nagu mesi (jah) Kui teie armastus (kui teie armastus) tuleb minu üle (tuleb minu üle) Oh, laps, mul on sõltuvus Alati välja tõmmatud Teie mee (ooh) teise maitse jaoks See on nagu mesi, kui see mind üle peseb Sa tead, et suhkur pole kunagi olnud nii magus Ja ma suren ya eest Crying for ya (nutt) Ma armastan ya Üks teie armastuse hitt mõjutas mind (jah) Ja ma olen sulle otsa vaadanud, kallis Kas sa ei näe (igal õhtul) Iga öö ja päev ei suuda ma vaevalt oodata Teise mee maitse jaoks Oh, ma ei saa sinuga tabamatu olla mesi (mulle meeldib see) "Põhjus on kindel
0 notes
nallyace · 6 months ago
Text
Sunday, June 30, 2024
Hindi ko na alam gagawin ko. I want reconnection with him. Gusto ko pa sya makilala pa I want to be by his side. Gusto ko sya makasama and I want deeper connection with him. Pero ayun din ba yung gusto nya? Mas sasaya ba or magiging maayos sya kapag ganun?
Ayoko naman sya pilitin. I'm stuck between being selfish or kahit subukan man lang? Natatakot ako sabihin sa kaniya toh kasi same shit din mangyayari di naman nya papansinin.
Limang taon na... Please tama na.
This time masakit na sya kasi nangyayari na naman at lumalalim pa nararamdaman ko unlike before.
I miss him so bad.
Ano ba dapat kong gawin? Gabi-gabi panaginip ko sya eh di naman nangyayari mga yon. Alam ko naman na he will never feel the same way. Tanggap ko na pero bakit ganun pa rin
I love him unconditionally. Kung saan sya masaya and mas nag grow as a person don ako kahit hindi sa piling ko, kahit na hindi kami magkasama.
But deep Inside I wish na mabigyan ako ng pagkakataon.
Marami na ako naging ex and past crushes pero sa kanya ko lang talaga nararamdaman ito.
Kung noon man di ko nararamdaman yung pain, ngayon oo ramdan ko. Doble or triple pa nga yata.
Nakakaiyak. Di ko alam gagawin, di ko alam sino tatakbuhan or pagsasabihan. I sound desperate, right?
He is just a guy lang naman. A person pero ano bang meron sakanya? Alam ko naman sa sarili ko na di ako nagkafeelings sa kaniya because of his looks.
Kasi kung ayun yun, edi sana lahat ng gwapo sa mundo may feelings ako sa kanila diba?
I love him unconditionally, but I wish maranasan ko to be by his side, na mareciprocate yung feelings ko.
Pero ayoko naman sya pilitin.
Ang masasabi ko na lang din is I can sacrifice my life for his sake kung kinakailangan.
Kung baga, if mababangga sya ng sasakyan tutulak ko sya para maligtas kahit ako pa yung masagasaan.
If may babaril, I'll take that bullet for him. Ayy taray bruno mars HAHAHAH
Hirap haha.
Nagpapalpitate ako anak ng tokwaaaa
0 notes
erraticerrata · 1 year ago
Text
fordalandi-na-buking September 18 & 19
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
3:40 PM ako sumaglit sa bahay nila pera ibigay anf notebook na hindi ko type, 25 pesos na mousepad, walletsize printed edited mempics niyang ito and a short note sayin, "Magpakabait kang demoniyo ka"
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
6:35 PM
April: "Bwiset. Kung hindi lang ano... Bwiset ka Piolo. Kapal ng mukha mo"
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
8:51 PM
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
10:52PM Thank you na lang sa vm mong kinakantahan ang babaeng hindi mo jowa at "attached" lang. Sa sobrang nonchalant mo maypa-two vm songs ka pa. hindi pa nakuntento & tumawag ka pa para kantahan ako habang naggigitara. sabi ko lang na pa-sample, hindi audio call na halos 2hrs
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
fordalandi-na-buking September 18 & 19
3:19 PM Topic is about sa hours ng ojt and hinanap ako ng kuya niya & tinanong ng mama niya kung ako 'yung pinapunta niya
Tumblr media
6:04 PM COMMERCIAL BREAK jk
6pm ka nakipaglandian kay April na binati ka lang sa bday mo, kinabukasan 6pm uli ng nagtanong ka ano name ni RonaOraza. Ano bang meron kapag 6PM HAHAHA Putok na putok ka na ba kapag ganiyang oras pa lang? Taray, consistent sa sched. Naol.
Tumblr media Tumblr media
7:40PM
Ayoko pa magpakilala kasi they're grieving pa & wala pa akong money. May additional ss kasi aside sa andami kong nakalimutan, meron pala dito, na it came from him. He said it himself pala.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
yourshiningastr · 1 year ago
Text
CHAPTER 29
Paano ba malalaman kung kailan ka mamamatay?
Nararamdaman ba yun? Napapaginipan? May makapagsasabi ba?
They say killing yourself is a sin. The soul and our body are not ours, to begin with.
Hiram lang...
We don't have any right to damage it and ruin it. We owe the almighty this life, he gave us a huge responsibility of taking care of it yet a lot of people failed to do so.
I too agreed with the statement that it is a sin to kill oneself.
He is the only one who has all the rights to do so; however, there is a lingering question that no one is yet to answer.
Did we really fail in taking care of this life? Is killing and ending our miseries wrong?
Hindi ba pwedeng mapagod? Hindi ba pwedeng sumuko?
Sleeping isn't enough, resting can't seem to replenish the energy that life stole from me.
Pakiramdam ko mababaliw ako. Bakit hanggang sa pagtapos ng sakit ay may humahadlang pa din sakin? Bakit hanggang sa pagsuko ko ay hindi pa din pwede? Bakit hindi ko pa din kaya? Bakit hanggang dito ayaw akong pakawalan? Bakit hanggang dito hindi pa din ako pwedeng mag desisyon para sa sarili ko? Bakit hanggang ngayon pakiramdam ko nakatali pa din ako?
"Hey, malapit na ang graduation natin! Sa June 28 na, next Friday! Nakakaexcite, pwede na ako magwalwal minu minuto." I shook my head to Yna.
She has been very excited after our finals. Gustong gusto na nitong makawala sa responsibilidad bilang estudyante.
Nakapasa naman ako sa final exam namin, hindi ko nga lang nareach ang expectations ng mga Professor sakin. Just what I expected I am not going to graduate with any latin honor.
I admit it saddens me every time I imagine myself giving a speech in front of every student. I even wrote my speech last January.
But as long as I'm graduating, all is well...
"Ang dami mong oras noh? Baka hiwalayan ka na niyang boyfriend mo kasi lagi kang nandito." Yna scoff.
"Duh! I doubt, sa ganda kong ito, ako pa hihiwalayan niya?"
I really can't believe that Yna ended up with him... I am happy because she found someone who is real, she found someone who loves her as much as she loves herself.
"I'm sorry.." Yna stopped looking at her new nails and faced me with furrowed brows.
"Ano na namang drama yan?" I lightly smile and hug her. She flinched and tried to push me jokingly.
"Oy, may jowa na ako Rae ano ba! Saka straight ako no!" I laughed and lightly pushed her shoulder after I let her go from my embrace.
"I just want a hug from my Bestfriend. Bawal ba yun? " Nakita ko ang pag nguso nito at luhang unti unting sumisilip sa mga mata nito.
"Psh! Pauso ka masyado! Oh ano, mas maganda ako maging bestfriend diba? Maganda na masarap pa! Kaya nga ang swerte ng jowa ko sakin eh." Tumawa ako dito at pinagmasdan ang namumula nitong ilong at mata sa pagpipigil ng luha.
"Punasan mo nga yang luha mo, hindi pa naman ako patay!" I jokingly said. She lightly hit my arm and pouted at me.
"Kasi naman eh! Wag mo na uli gagawin yun, susundan talaga kita sinasabi ko sayo!" Napailing ako sa sinabi nito.
After I drowned myself in the tub and praying for help last time mas lalo na nila ako hindi nilubayan.
Lagi na akong may kasama pati sa pagtulog. They make sure na hindi nakalock ang kwarto ko at lahat sila ay may spare key na din sa kwarto na yun.
"Paano na yung boyfriend mo kapag sumunod ka sakin?" I said while chuckling.
"Aba, eh subukan niya lang din hindi sumunod mumultuhin ko talaga siya." Mas lalong lumakas ang tawa ko sa litanya niya, but deep inside I am hoping that she's just joking about following me..
"Malapit na din pala yung Birthday mo, next month na! Taray 22 ka na, teh! I'm feeling 22 ohh." Pagkanta nito.
I almost forgot my birthday. Sa dami ng nangyari ay nawala na sa isip ko ang mga ganun.
"Anong plano mo?" I shrugged my shoulders at her.
"I don't know, hindi naman na kailangan pa mag celebrate for that." Yna gasped and held both of my shoulder saka ako pinaharap dito.
"Anong hindi eh Birthday mo yun! Hindi pwedeng walang celebration, mag papainom ako! Mag hihire din ako ng mga macho dancer for you." She winks at me, napangiwi naman ako doon at umiling sa kanya.
They don't have to planned a party for my birthday, dahil hindi din naman ako aabot.
"Nga pala, tutuloy ka bang umuwi sa Nueva Ecija?" Sumandal ako sa upuan at dinama ang sariwang hangin.
Nasa garden kami ngayon sa mansyon ng mga Vasco. Nasa trabaho sila ngayon, ang asawa at mga anak naman ni Kuya Haides ay nasa taas, siguro ay natutulog, habang kami lang ni Yna ang naiwan dito.
"Yes, gusto kong umuwi. Sa 23 siguro." Maraming iniwan si Daddy doon at walang ibang mag aayos ng mga yun kundi ako dahil ako ang nakalagay sa will ni Daddy.
Nakuha ni Tito Marco ang mga investors at ang Trinidad'es Corporation which is I'm kind of grateful dahil hindi ko na kailangan pang ayusin ang parte na yun.
Plantations at ilang lupain sa karatig lugar sa Nueva Ecija nalang ang kailangan kong bigyan ng pansin.
Ibinalita sakin ni Kuya Haides na namamalagi ang mga kapatid ni Daddy sa mansyon matapos malaman na nasa kulungan si Daddy. Alam kong hinihintay ako ng mga yun, at inaasahan ko na din ang mga sasabihin nila at gusto nilang makuha sakin.
"Okay! Mga anong oras tayo aalis?" Mabilis ang paglingon ko kay Yna nang sabihin niya iyun.
"Huh? Anong tayo?" Kunot noo kong tanong.
"Duh! Malamang sasama ako, tingin mo hahayaan kita mag isa doon?" I shook my head and heaved a sigh.
"I can do it alone, you don't have to be with me all the time." I gently said as I looked into her worried face.
"Pero paano kung–?" Hindi nito matuloy ang sasabihin pero alam ko naman na kung anong pinapahiwatig ng itsura nito at ng pag aalala nito.
"Don't worry about me, Yna. Go live your life just like how you lived before. Namimiss ko na yung party goer na Yna." Yna rolled her eyes at me.
"Magpaparty lang ako kapag kasama na kita! Sa susunod talaga sasanayin kita sa mga bar, akong bahala sayo." She then winks at me again at nakangising sinandal ang ulo sa balikat ko.
"You can't stop me from worrying, Rae. I witness everything, at kung pwede lang habang buhay akong didikit sayo ay gagawin ko para lang mabantayan kita lagi." I bit my lower lip to stop myself from crying.
This is one of the reasons why I wanted to just end everything.
Ang daming naiistorbo, ang daming nag aalala, ang dami kong taong dinadala sa gulo ko.
I don't want to be a burden. I know they are helping me to be better and to heal, but I know that it'll be harder to cure the pain.
I am too damaged. Masyado na akong wasak, masyado na akong pagod.
"Ako na ang kakausap sakanila, just stay here." I heaved a sigh at umiling kay Kuya Haides.
"It's better if I'm the one who will talk to them, after all, they are my uncles. I need to face them."
I was planning on talking to them pag uwi ko sa probinsya ngunit hindi na ata sila nakapag hintay pa kaya sila na mismo ang dumayo dito sa Maynila.
"But–" Kuya Snoah held Kuya Haides's shoulder to stop him from stopping me to face my uncles.
"Let her." Mukhang nawalan naman ng choice si Kuya Haides kaya tumango nalang ito at hinayaan ako.
Nagsi uwian agad sila sa Mansyon pagkatapos malaman na nandito ang mga angkan ko. I heaved a sigh.
These are the people I'm going to leave out once I die.
In them, I found security. They never fail to keep me safe, they always protect me and never leave my side.
I am thinking of repaying them but they already have everything the world could ask for, so I thought maybe I could repay them with guidance and a blessing from above once I am away.
Kung doon nga ako mapupunta..
"Rae." I heaved another sigh as I saw my uncles sitting seriously in the living room.
"Tito." Pagbati ko. Tahimik akong naglakad at naupo sa harap nila at tahimik lang din silang nag abang na makaupo ako.
"Hindi na ako magpapatumpik tumpik pa, gusto naming malaman kung anong plano mo sa mga lupain at sa plantation ng ama mo?" Wala pang dalawang segundo ako nakaupo ay nagsalita na ito.
Naupo din si Kuya Haides at Kuya Tim sa tabi ko na wari mo'y sarili kong Lawyer at Prosecutor.
Napatawa ako nang bahagya sa naisip. Ang ilang mga kapatid naman ng dalawa sa tabi ko ay nakamasid sa amin.
"May plano ka bang kuhanin yun at pamunuan?" Tumingin ako kay Tito Alfed ang pangalawa sa magkakapatid na Trinidad.
"Alam naming ikaw ang magmamana ng lahat ng ari arian ni Francisko ngunit kaya mo ba? Naisip namin, pwede ka namin matulungan. Tutal ay puro lalaki ang mga pinsan mo at maalam sila sa mga negosyo na ganito ay pwede mo sila patulungin sa paghawak ng negosyo ninyo."
I already know their agendas kaya hindi na ako nagulat sa suhestiyon nila.
"Atsaka sigurado at shock ka pa din sa nangyari kay Kuya Francisko, dapat lang na magpahinga ka muna. Hayaan mong tulungan ka namin." I lightly scoff.
Ni kahit kailan ay hindi ko sila nakita, dalawang beses lang ata sa tanang buhay ko tapos ngayon ay aarte sila na parang concern at gusto tumulong.
I felt Kuya Haides gaze on me. He's waiting for my decision. Alam kong kanina pa nila ni Kuya Tim gusto sumabat pero hindi nila magawa dahil hinihintay nila ang reaksyon ko.
"Atsaka babae ka, mas maganda na ang mga lalaking pinsan mo nga talaga ang humawak ng negosyo." I heard Kuya Tim exaggeratedly exhale.
I look at him to let him know that it is okay, everything is all. I have a plan.
"Well, you are right." Nakita ko ang patagong kasiyahan sa mga mukha nila matapos kong sabihin iyun.
Sumadal ako sa upuan at pinagsiklop ang mga kamay ko saka ko pinatong sa tuhod ko na nakadewatro.
"I am indeed not capable of handling Dad's business. And I don't have the strength and knowledge to do so. " Nakangiting tumatango ang mga Tito ko.
"Tama, kaya naman hayaan mong tulungan ka namin.." I smiled.
"But... It doesn't mean that I need help from you." I heard numerous gasps from them. Confusion is written in their eyes as they look at me.
"Anong ibig mong sabihin? Sinong gusto mong tumulong sayo, ang mga Vasco?" Tinuro nito ang magkakapatid na Vasco na nasa likod at nasa tabi ko.
"Hindi mo sila kaaano ano, Rae. Mabait lang yang mga yan sayo ngayo dahil alam nilang may makukuha sila sayo." Kuya Haides scoffed and wanted to speak but I stopped him.
"Exactly, hindi ko sila kaano ano pero sila ang walang sawang tumutulong sakin ngayon. Sila ang nasa tabi ko nung kailangan ko ng tulong, sila ang nandito para sakin. Kayo po? Nasaan kayo nung mga panahon na yun?" Hindi makapaniwala silang tumingin sakin.
"Masyado ka nang nagmamalaki, Rae. Ganyan ka ba pinalaki ng ama mo? Sabagay kriminal pala yun, siguro ay yun din ang itinuro sayo." Mabilis ang pagtayo na ginawa ni Lucas at handa na silang sugurin pero pinigilan ni Kuya Haides ito.
"Nasa pamamahay namin kayo. Pinapasok namin kayo dito nang may respeto, wag niyong hintayin na palabasin namin kayo dito na parang hindi tao." Seryosong sabi ni Kuya Haides.
"Hindi ko gusto kung saan papunta ang pag uusap ninyo, kaya kakausapin ko kayo bilang abogado. Kung ano man ang magiging desisyon ni Rae para sa negosyo ng pamilya niya ay wala kayong karapatan para kwestsunin yun. Siya ang tagapagmana at siya ang may karapatan magdesisyon para doon." Nakatayong saad ni Kuya Haides.
"Sakanila mo nga ibibigay ang plantasyon?!" Nakatayo na din na tanong ni Tito Franco ang bunsong kapatid ni Daddy.
"No." I firmly said as I stood out from my seat and walked to face them. I stare down at them with a cold stare.
I have been thinking about this ever since. I thought this plan would fail but I guess God answered my plans and prayer in a most unexpected way.
I took the folder from my seat earlier and opened it. I showed them the photocopy of my will which I had already arranged one year ago. 
"I already transfer the ownership of the plantation to Mr. Tristan Harvin Sioson. " I heard a variety of gasps and reactions even from the Vasco brothers.
Perhaps because they didn't know that I bluntly transferred it to someone they didn't know.
I already planned this all along. Wala sa plano ko ang hawakan ang negosyo ni Daddy, kaya naman nang makakuha ako ng trusted lawyer same as Kuya Haides ay pinaayos ko agad sa kanya ang will at gusto kong ipagkatiwala kay Tristan na loyal worker ni Daddy sa plantation.
Mas lalo namuo ang pagkagusto ko na siya ang humawak noon nung nalaman ko ang passion nito sa ganyang klase ng negosyo.
Ofcourse, it's not easy to plan something like this. Hindi ko alam kung paano ko maitatransfer ng tuluyan kay Tristan ang plantation dahil nakapangalan kay Daddy iyun, but as I said, God moves in unexpected way.
"I have also in the process of donating the properties in Talavera for a charity, while our land in Palayan is now in the care of my trusted person."
I am planning to build a mental health care in that certain land at ipinagkatiwala ko na ito sa nobyo ni Yna at Ate Alisson.
"W-what? But those properties, especially the plantation, are for Trinidad! Mga nuno pa natin ang may ari niyon. Hindi mo pwedeng basta basta ipagbigay sa iba! That land and businesses runs in the family, nasisiraan ka na ba?" I smirk and turn my back to them as I walk to my seat.
Mas magandang mapunta sa mabuting kamay ang mga yun, sa mga taong pinagkakatiwalaan ko.
I  gracefully sat and gave them my most reassuring smile.
"Yes, and this is where it runs out." 
1 note · View note
bluerthanblue-excerpts · 4 months ago
Text
Isa Kang Rosas, Na Minahal Ko Rin Paglipas ng Panahon
Aminado akong mas maingay pa ako sa pangkaraniwang lalaki. Na sinumbong ng guro ko noong nasa pangatlong baitang ako na ang daldal ko raw at ang tatay ko naman, sinermunan at sinabon ako nang maigi pagkatapos niyon. Na dapat ang mga lalaki ay hindi madaldal at hindi maingay. Anong magagawa ko kung gusto kong mag-ingay at dumaldal.
Makulit, pasaway, madaldal, tsismoso pa sa mga babae. Batugan, hindi palaaral at wala yatang magandang nagawa sa paaralan kundi puro laro at pagbubulakbol. Hanggang sa nagbago nang kaunti ang takbo nang magkagusto ako sa isang babae noong nasa highschool. Sa maniwala kayo o sa hindi, kahit sabihing gustong-gusto ko siya at mahal ko na siya pagtungtong namin ng kolehiyo ngunit anong lupit yata ng tadhana, tinutukso ako.
Wala naman talaga akong pakialam kung di lang nayanig ang mundo ko nang may isang babaeng lagi na lang nakabusangot kapag nakikita ako o kapag nasa paligid ako. Umaalis ka kaagad kapag nasa malapit ako. Nararamdaman ko na naiingayan ka sa akin at nakompirma ko din na naiirita ka sa malakas kong tawa. Gumugusot ang ilong mo kapag nagbitiw na ako ng mga jokes na bagama’t corny at di naman katawa-tawa ay proud na proud akong bigkasin at ibahagi noong kabataan. Nahuli ko ang pagbuga mo ng hangin noong humarap ka na sa kaibigan ko na kaklase natin. Noong ako, nanigas ka at nangungunot ang noo. Ang taray-taray ng mukha mo. Seryuso, bakit sukdulan yata ang pagkadisgusto mo sa akin? Ano ba ang ginawa kong mali?
Kung hindi lang sinabi ng kaibigan kong kapares mo sa sayaw, hindi yata ako magigising noong nagkita ulit tayo. Sa pangalawang pagkakataon. Hinihilom ko pa ang sugat ng pagkawala ng unang babaeng naging malapit sa aking puso, na hindi ko kadugo. Ang babaeng parte na lamang ng kabataan ko na hindi ko na makikita pa. Binawi na siya ng kalangitan at ilang taon rin ang nilakbay ko, kasama na ang pagbabago ko at pananaw ko sa mundo.
Ganoon ka pa rin noong nagkakilala tayo. Mataray tingnan lalo na kapag hindi ka nakangiti. Hindi ka pa naman nakangiti lagi. Inoobserbahan kita sa malayo. Nagbabago ang ekspresyon sa mukha kapag nagbabasa ka sa libro. Kahit na may lalaking gustong lumapit sa iyo ay binabalewala mo dahil tutok ka sa mga librong binabasa mo at doon ko lang din nadiskubre na lumalambot pala ang ekspresyon sa mukha mo kapag nagbabasa. Nakakatawa at nakakangiti ka kapag andiyan ang matalik kong kaibigan na babae at lalaki. Hindi ko alam kung bakit may kaunting kudlit kapag nakangiti ka sa kaibigan kong kagaya kong maingay rin kahit kalalaking tao. Bakit ganoon? Bawal ang kahit ano mang bago kong nararamdaman sa kahit sinong babae na lumgpas sa pagiging kaibigan dahil may kasintahan ako. At mukhang gusto ka rin ng kaibigan ko kaya hinayaan ko na lang.
Hinayaan ko na lang ang nangyayari kapag nasa paligid ka lang. Hinayaan ko lang ang mga mata ko minsan na purihin ang kagandahan mo. Ang lihim mong mga ngiti at ang mga mata mong tumitingkad kapag may bago kang librong nahihiram sa library. Masisisi mo ba ako kung lagi kita nakikita pagkat lagi kayong magkasama ng kaibigan kong babae? Kaya ko bang makapagsinungaling sa mga kaibigan ko at sabihing ang pangit ka pero iba naman ang sinasabi ng mga mata ko? Hindi naman ako bulag o nagbubulag-bulagan lang.
Hanggang sa umabot sa puntong ikaw ang ang hinahanap ng mga mata ko dati kahit na bawal. Kahit na mali. Kahit na alam kong may kasintahan ako. Sumemplang lang talaga ako noong ikaw ang ginawa kong representate sa section natin para sa isang patimpalak at galak na galak ako noong manalo at ang sumama ang loob niya. At ikaw pa ang napagbuntunan ng selos niya. Oo, selosa siya pero natatakot ako kung ano ang maiisip mo kung nasagap mo ang pagkadisgusto niya sa iyo sa patimpalak. Na baka mas lalo kang lalayo.
Na totoo namang nangyari. Minahal ko talaga siya. Alam ko. Nasa iisang unibersidad lang tayong dalawa. Alam kong may mga klase na magkaklase tayo at sinisikap kong ignorahin ka kahit sa jeep dahil masyado na akong lunod na lunod sa panahon na iyon. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hanggang sa iniwan na niya ako. Hindi ko na siya mahahawakan at makikita pa. Matagal kong tinanggap ang nangyari at nagbago.
Matagal makalimutan ang mukha mo. Kilala ko ang katarayang taglay ng mukha mo ngunit alam ko na busilak ang puso mo sa kaibigan mo. Sa matalik ko ring kaibigan. Malakas ang dating ng presensiya mo sa akin noon pa lang kaya kahit ilang taon na ang lumipas kilala ko ang likod mo. Ang iyong postura kapag naglalakad kasama ang matalik kong kaibigan. Nang kilalanin kita, sa jeep bilang konduktor at bilang kapitbahay ng Tita ko, alam ko kung gaano ka kabait. Akala ko lang mataray ka. Aminado naman akong masyado ko nang kinokontrol ang pangyayari noon para sa kaibigan nating dalawa na mahal naman ang isa’t isa.
Hanggang sa paglipas ng panahon, pinoprotektahan mo pa rin siya at ako nama’y isa na namang siraulo sa paningin mo. Ngunit hindi ko pala akalain na sa mga samu’t saring reaksiyon at ekspresyon pag malapit ako sa iyo ay isa palang lihim na mabubunyag. Tila lumaki ang ulo ko ngunit makapal na sa makapal, aaminin kong may bahagi dito sa akin na tuwang-tuwa. Kulang na lang tumalon ako at sumuntok sa hangin.
Nagulat ako. Nawindang. Tila ba sinampal ako ng katotohanang itinago ng utak ko at ngayon ko lang nalaman ang misteryo kung bakit. Kung bakit hinahanap ka ng mga mata ko. May guilt sa akin noong nararamdaman ko iyon at pilit na iwinaglit. Nagtagumpay ako ngunit ngayon pala’y bumalik. Hinayaan ko na lamang ang sarili ko na tangayin. Papalapit sa iyo. Mukha akong ulol na pilit ka hinuhuli at aminado akong gago na tuwang-tuwa pa sa ginagawa ko sa iyo pero sinong makakatiis kung nakikita kitang namumula ang mukha? Iniikot ang mga mata pag nasa malapit lang ako? At wala kang pakialam kung makita kita na buhaghag ang buhok dahil bakit pa? Kung totoong maganda ka at maganda rin ang kalooban mo.
Makulit. Pasaway. Masakit sa ulo. Ganoon yata ako sa iyo kapag binibisita kita. Bakit pa? Palalampasin ko pa ba ang pangalawang pagkakataon? Hindi ka na gusto ng kaibigan ko. Kaya hinayaan ko kayo. Kahit na asar na asar ako na masaya ka pa noong magkapares kayo sa sayaw noon. Ako dapat iyon pero kailangan kong magpigil dahil napansin na rin ako ng matalik ko na kaibigan na nakatuluyan ng matalik mo ring kaibigan. Malansa na ang amoy ko pagdating sa iyo, highschool pa pang kahit pa sabihing kami ng dati kong kasintahan. Mali. Mali talaga noon.
Ngunit ngayon? Mapapalampas ko ba? Kung nasa malapit ka lang? Kung nalaman ko na ako ang lalaki sa nobela mo? Kung dati pa lang malakas ang presensiya ko sa ‘yo? Makapal na kung makapal. Magpapahangin ako. Gusto kong sabihin na nandito na ako. Bakit pa natin patatagalin ang lahat? Gusto kong ituloy ang nadiskubre ko sa sarili ko.
Totoo. Gusto kong mag-alay sa iyo. Kahit korny. Kahit patay na patay ako sa iyo kahit na bagong gising ka pa lang at umaandar na naman ang katarayan mo. Gusto kitang pagawan ng rebulto. Ang kagandahan mo na pinagsamang katalinuhan ni Athena at kagandahan ni Aphrodite. Patay na patay ako sa iyo na mistula na akong buntot mo pero aminin mo natutuwa ka? Alam ko ang tunay mong ngiti. Na sa wakas, nahuli ko rin ang kiliti mo.
At alam mo ba kung kailan ko naisip na pakasalan kita? Na ikaw na ang babae na ihaharap ko sa altar? Na ikaw lang ang babaeng magiging ina ng mga anak ko? Na ikaw lang ang babaeng gusto kong mag-asikaso sa akin? Na ikaw lang ang babaeng kaya akong sipain palabas ng kuwarto pag nag-away tayo na huwag naman sana mangyari. Alam mo ba?
Noong dumating ka sa kompanya.  Dala-dala ang pagkain para sa lunch. Masyado kang maganda. Isang diyosa na bumaba sa lupa upang bigyan ng pansin ang isang makasalanang mortal. Walang ibang nasa utak ko, ikaw lang at gusto kitang pakasalan kahit bago ko pa nalaman na lihim ka ring may nararamdaman sa akin. Gusto muna kitang hayaan at ikaw na mismo ang lalapit at tatanggap sa nararamdaman ko para sa iyo.
Nang tumugtog ka sa harap ko ng violin. Lihim akong tumangis, sa saya at galak. Masyado yata akong sinuwerte sa buhay at nandito ang isang babaeng minahal ako at tanggap ako kung ano ako. Isang lalaking handa siyang mahalin at alagaan.
Ngayo’y hindi mapuknat ang mga ngiti ko sa labi. Bakit naman ako iiyak kagaya ng ibang kalalakihan pag ikinasal? Masaya ako dahil nandito na ang diwata at diyosa ng buhay ko, naglalakad at handa akong makasama habangbuhay. Napapailing na lang sa gilid ang dalawa kong kaibigan dahil alam nilang wala na talaga akong kawala.
Isa kang rosas. May tinik noong una at nahihiya pang ibuka ang talulot hanggang sa hinintay ko lamang ang pagbuka at ang kagandahan mong alam kong matagal mo nang taglay, sa panloob at panlabas. Sa paglipas ng panahon, sa’yo pa rin pala ako patungo.
Pangako, sa hirap at ginhawa. Mananatili ako sa tabi mo.
Mahal na mahal kita.
Sa harap ng altar.
Sinusumpa ko na ikaw lang.
Habangbuhay.
1 note · View note
lihammulakaysisa · 2 years ago
Text
Not a story ...
Hoy move on December 5, 2013 at 12:08am My first blog yey! Hoy! Move on na
Move on na daw. Well there's a lot of us been through to this. Maybe meron nga sigurong iba jan na still on this process. I think this is one of the hardest thing to do for some, don't you think? Ibig ko lang sabihin diyan may iilan pa ring tao na parang pagkain lang ng mani ang pag-momove on. Kung baga sila yung mga taong ang bilis matanggap yung mga bagay bagay. But then before we go to much deeper about the topic. Lets define kung ano ba talaga ang meaning ng move on or moving on. Well according to the information I gathered moving on or move on is an action word which means to pass from one place or position to another. So there, from the word itself moving on. Siguro naman na gets niyo na yun. I know you have your own understanding with that words. So now why am I even wasting my time doing this? Hahaha! Seriously, I really don't know. Maybe it's because those words keep popping on my mind.
  Anyway, my own perspective, sa sarili kong pananaw. Moving on is a process that you need to do when you think you're not growing or happy to where you at. In other words yang salitang move on hindi lang siya para sa lovelife which I know most of you thinking like that, the moment you read the title of this blog. Sa madaling salita moving on is ginagamit at pwedeng gamitin sa pang araw araw na buhay. Yun yung pananaw ko ha! Yun Lang naman yung sa tingin ko, well if don't agree with me and if you had your own opinion. I advised you to stop reading this and made your own blog. And if you really wanna know what I'm trying to explain here and if your curious kung may kabuluhan at sense ba 'tong pinagsasabi ko you are free to read it.
  So Ayon na nga. So moving on is a process nga, kasasabi ko lang di ba? When we say move on or moving on, we do this when we know things are not working or we feel that there's no point of staying to that situation. So how can you know if you need to move on. What are those things ba na need to know if we need to move on.
  Here are some few things that I think might help you. It's a five easy step. I don't know if this is accurate. I just come up to this through my own instrospection. And it's up to you if wanna try this. You can add an additional if you want.
  1. First step, you should know exactly where you are. What I mean here Let's talk about lovelife, which I know most of you wanna know. Eto yung part na dapat alam mo kung saan ka nakalugar. O kung ano ba yung position mo sa buhay na taong mahal mo. ( Kung asawa ka ba?, girlfriend/ boyfriend, best friend/ close friends, kung friends ka lang ba? O kaya classmate lang or baka naman your just the other woman or what so ever) kung wala ka sa nabanggit move on! Hanap
2. After knowing that. You should know your responsibility in response to that position you have. You might know as well yung scope and limitations nun. Taray! Parang thesis lang. Para naman malaman mo talaga yung position mo at kung hanggang saan ka lang. If yun lang maoofer ng tao but you want or need more than that. Yun na. Move on! Find someone new. Siguro naman I don't have to enumerate pa yung mga bagay na you want and you need coz you should know that to yourself. And if you don't know go research for it. Tanong mo si pareng google baka alam niya.
  3. Third, When you have your responsibility, siyempre dapat you should or must know if you're doing your job right and correctly. Maybe you think you're doing your best pero the big question is satisfied ba siya O masaya ba siya sa performance mo. Eto na yung time para malaman kung masaya ba siya or same kayo ng disposition. Try mong kamustahin yung performance level mo as partner if you're in a relationship or an your employee if you're in your career. If he/she say YES, his satisfied or happy then go to the next step. And if he/she answered NO move on na dude! At paano mo naman malalaman mga sagot jan? I don't know. Haha! Assignment mo na yan. Pero try niyong magpaevaluate. Ask someone if you're doing your job right or not.
  4. Then, after knowing his side. Now try to look on yourself. Introspection kung baga. In other words parang soul-searching. Sa madaling salita self-analysis. See if this helping you grow as a person. Kung nabago ba nito yung sarili mo. And I'm talking here is a good things ha! Dapat look for someone who can loves your worst and can bring the best of you. Not loves you because your the best and making you the worst person you could be. If that's the case matik na, move on and find someone better. Tignan mo din kung may napapala ka ba sa pinagagagawa mong yan. Kung nakikinabang ka ba, in a way na you know to yourself that your doing that responsibility because you get something from it, " tangible or intangible " man ito. For example sa work hindi ka naman magpapakahirap sa pagtrtrabaho ng walang bayad right? Naniniwala ako when it comes to any relationship. Mapa ano pa man connection niyo. There should always be law of give and take. It could be anything that you may give or offer to her/him or vice versa. Ganun din naman when we're talking about love. Hindi pwede na your doing your responsibility or your in a relationship without getting anything. Dapat nag kawang gawa ka na lang. And to make it clear I'm not talking about monetary. Pero pwede na rin. There are some chance that it happens. Aminin niyo! But that's not what I'm meant here. I'm pointing about is the feelings. Yung feelings na sinasabi ko is one thing that pushes us to do the responsibility and stay on the relationship. That's what you need to have from what your doing. Nagegets niyo? NO! Then move on hahaha! Parang ganito yan. Those feelings kasi it helps you to grow in a good way or bad way. It helping us to learn in something that we don't know yet. And that feelings includes its good side and bad side. Kasama na jan yung hatred, anger, sadness etc. bale package na yan,e. kasi diba you won't feel those negative emotions if you don't feel the positive side of it like being loved and being happy. So yang feelings na yan at some point it gives us fufillments. Siguro naman Nafeel ninyo na yun. Ano naiintindihan nyu na ba? Hindi pa din? Then it's complicated. Di ba dun yun nagsisimula? Pero eto take note. I said normal yung negative emotions but make sure in the end of the day you will have the positive feelings ha! Yun kasi yung "something" na sinasabi ko na you should get from it. At kung puro negative lang try to work on it pa rin. Pag-usapan kung maaari pero Kung puro pasakit na lang talaga. Move on na te! Lipat bahay ka na. That person not worth for you. Pareho Lang kayo magsasayang ng oras at pagod. Kasi it's not working na talaga at pag na sabi niyo na sa isa't isa na there's no point for these. Wala ng sense. You need to let go no matter how hard pa. Masakit talaga yan. Pero I assure sa una Lang yan. And remember this. To make things work for both of you, you need to make sure that both of you had mutuals feeling about it. Maybe there's an instance it medyo opposite kayo pero in the end of the story you feel and think the same like what the Banana in pajamas. ( B1: B2 naiisip mo ba yung naiisip ko? B2: oo naiisip ko yung naiisip mo B1)
  5. And last but not the least. I think this is the most important part in this step. Hahaha! It's so important that you may ignore what I said on first to fourth step. Honestly I'm not really sure about these. Anyway here's the last part. You should be happy on where you at and what you're doing. I do believe in saying that " stay if you're happy and leave if you're not". These means lang na as long as you are happy on what ever it is. Stay! In relationship kong tingin mo masaya kahit na they're taking you for granted, they're using you, niloloko ka na, nagmumukha ka ng tanga, tawag na sayo banal at kahit na kulang na Lang pagawan ka ng statwa sa pagiging martyr mo. Kung jan ka masaya gawin mo, as long as you know to your self that your not hurting anyone, then it's fine. Naniniwala naman ako ng may turning point din yang kahibangan mo. Gaano man katibay yang helmet mo sa ulo Kung paulit-ulit ka ding mauuntog masisira at masisira din yan. At once na nasira na yan yun na yung time na matatauhan ka na. Matatanong mo na sa sarili mo masaya pa ba ako? Masaya ba ako pag nasasaktan? On that point malamang sagad sagad na yang pasensya at naabot na yung sukdulan at gumana na yung ibang nerves para makapag-isip ka ng matino. Yan na yung time na you need to let go and move on.
  Kaya minsan there are some individuals na kahit sinaktan na sila physically and emotionally hindi nila binibitawan kasi sa Kabila nun masaya sila at Hindi naten sila masisisi. Marahil malakas siguro magsecrete ng emotional hormones si pituitary gland so there are some people cannot think logically or hey maybe they're attached to that person or you know they used to that and they think they're happy even though they are not. They may not know it now but eventually they will. There are a lot of possibilities why it happens. Pero in the end you will find someone something o kahit na ano pa yan that will make you happy. Tapos let go of things that cause you hurt and pain then move on. It's okay to get hurt as long as you learned from it. When you got hurt it only means that you loved. The deeper you get hurt the deeper you fall in loved. You will love then you get hurt and when you get hurt it heals then you fall in love again. It's a cycle you just need to be careful and wise. Never forget your self. There's a lot of happiness in this world. You just need to determine what makes you happy.
  I know some people think there is no true happiness, well I don't think so. I think there is. And you know where you can find it? True happiness is hiding behind the word "CONTENTMENT". And for you to find that you need to MOVE ON until you feel contended. Then you'll see the true beauty and the perfect happiness in life.
2 notes · View notes
hai-nakyuu · 4 years ago
Text
kuroo the science b!tch (filipino!kuroo research defense AU)
Tumblr media
a/n: bitch bitch bitch bitch bitch bitch bitch kuroo the science ✨ bitch✨ anyway third entry to @lumpiang-toge​’s event starring kuroo and kenmwah
“guys, final na this ha. oh, kenma, make sure na wala nang technical difficulties. yung HDMI cord ako na bahala dun, naghiram nako sa english department. james, yung ensaimada parating na ba? oh buti naman kailangang kailangan yung para di gutomin panelists habang turn natin. yannie, yung sa part mo dagdag mo pala yung argument natin na may antibacterial properties yung materials natin kaya sya mas effective-”
“ang kapal ng mukha mo, kuroo, alam mo yun?”
kuroo nervously laughs at your voice. “hala, sorry na Y/N”
“sino ba leader satin ha? ikaw ba?”
you raise an eyebrow and he shrugs, pointing to you, and you swear on your life that you hear kenma trying to hide his laughter.
“joke lang naman, guys, lighten up!” you clap your hands. “we can do this! good luck satin mamayang 1pm! lunch muna kayo guys, di kayo makakasagot sa panelists pag gutom kayo”
as james and yannie head to the cafeteria, kenma goes to the library to buy load. which leaves you and kuroo together in the hall.
“soooooo,” he trails off. “sabayan na kitang kumain?”
you turn away. “kaya kong kumain mag-isa, thanks.”
“ay,” he pouts, “taray. come on, just once!”
“why?” you ask. “aren’t your friends, like, waiting for you? asan si kenma?”
“he’s buying load, tas sa caf na din daw sya kakain,” he shrugs. “just wanna get to know you more.”
you think about it for a second, then nod. “ok, well, uhh, how do you wanna get to know me more?”
“i don’t really know, um... anong section mo last year?”
“polonium,” you take out your tupperware and open it, and fumble for the spoon and fork in your backpack. “ikaw?”
“yttrium. i got lost and pumasok ako sa classroom ng carbon,” he takes out his asado siopao and unwraps it. “favorite subject?”
“esp. you?”
“science. single ka?”
“wow, nobody likes sci- ano single ba ko?”
“mhm,” he nods, swallowing the food in his mouth before he continues.
“are you seeing anybody? may boyfriend ka na ba? or girlfriend?”
“uhh, single. why?”
“kasi, when we, uh, first became groupmates sa research,” he stutters. “i hated you,” the words rush out of him in a whisper.
“sorry, you what?”
“hated you.”
he waves his hands around just as you’re about to speak.
“but that was then, that was then! i don’t hate you now! i just-” he inhales, “-didn’t like you back then because it kinda seemed to me na parang you didn’t really want to do this investigatory project. but i understood why, because not everyone’s a science bitch like me.”
“a ‘science bitch’?” you giggle, and he rubs the back of his neck nervously.
“yeah, kenma calls me that. anyway, i realized i was wrong kasi even if you didn’t really like it, i saw na masipag ka pala talaga. yung bumili tayo ng materials sa ace hardware you got everything to the exact details. and oh! that time na aksidenteng nasunog ni james yung pancit canton nung nagstay tayo sa bahay ni kenma,” the two of you burst out laughing at this, “you didn’t go home until you cleaned up everything. that was the time i realized na... gusto kita,” he looks back at you sincerely.
“and... also the time i realized i made horrible first impressions about people”
you laugh even harder, and kuroo smiles even wider at the sound of your voice.
“and, after this defense, di na tayo magkikita as usual, kasi patapos na school year, and we’ll probably be in different sections next year. so, yeah, gusto ko lang sabihin sayo na thanks for everything, and you’re a great S.I.P. leader. and... a great girl.”
you smile.
“kuroo, that’s so sweet. pero...”
a million responses flash through kuroo’s head. pero may jowa nako. pero you’re not my type. pero i like girls eh. pero strict parents ko. pero-
“pero studies first ako eh.”
he nods. “i understand,” he mumbles.
“studies first. tapusin na muna natin tong defense, then we can go somewhere after.”
“okay- wait? what?” kuroo’s eyes flicker back up to yours in a startle. “what? ha? ano? huh?”
“kuroo, i was just kidding,” you giggle, taking his face between your hands, smushing his cheeks together. “how could i say no?”
“eh, malay ko ba!” he exclaims, red in the face as you laugh and hug him.
“i’ve liked you too for the longest time too, kuroo,” you confess. “how could i not? sobrang helpful mo sa mga paperworks natin, and lagi kang masigla!”
“masigla? ano ako bonakid?”
you glare at him, and you push him away. “alam mo wag nalang pala. bye bye kuroo! kaw na bahala sa defense natin!”
“HALA I WAS JUST JOKING Y/N~”
“BAHALA KA SA BUHAY MO KUPAL KA~”
Tumblr media
69 notes · View notes
find-my-wanderlust · 4 years ago
Text
A LETTER TO MY ONLY GHOST-ER 👻❤️
Hi. I just want to write a letter to you just in case na mabasa mo to someday or neverday. Baka sakali lang na magparamdam ka ulit.
Eto na yung pang 3rd day mula nung huli tayo nagkausap. Miss na kita. Miss na kita kausap. Hanggang ngayon nag-aantay parin ako na baka bigla kang mag-chat ulit. Nung unang araw na di ka nagparamdam sabi ng kaibigan mo nag-delete ka na daw ng telegram app mo. Bago ko nalaman yon nag-antay ako ng chat mo bandang 4-6am dito kasi 2am last na nagkausap tayo then, exactly 8:52am nagchat bestfriend ko sakin na sabi mo daw nahihiya ka na mag-chat sakin, at the same time dun ko nalaman na nagdelete kana ng app.
Nagsend pa ako ng message sayo mga 4am yata yon, but wala na talaga deleted na nga siguro app mo at the same day or the 2nd day na di ka nagparamdam nalaman kong shinare mo na yung natitirang allocated data mo sa mga kasamahan mo sa work. Yung bestfriend ko sinabihan na ako na wag na ako mag-antay at umasang magpaparamdam ka pa but I didn't stop, I still continuously sent messages sa telegram acc mo. Hindi ko alam pero hanggang ngayon or sa ngayon malakas kutob kong magpaparamdam ka ulit anytime next month since sabi nga ng friend mo na wala ka ng data for this month.
I miss you already. I miss talking to you. We would even joke about your boss. We talked about alot of things already sa 5 days na naguusap tayo. I once told you "Baka bigla kang mang-ghost ha?" then you said "Hindi ako ganong tao" but you left me hanging. Nung gabi na sinabi ko sayong wag kang magbitiw ng mga salitang hindi mo sadyang sabihin what I meant there was I'm already confused of how I'm already feeling for you. Natatakot na ako na baka pag nalaman mo you'd leave. There was already an eagerness for me na mas kilalanin ka pa lalo. I was starting to like you already. You were such a nice person. I was happy talking to you everytime.
Everytime after duty you would say "Namiss kita". Kapag papasok kana sa duty sasabihin mo "Ingat ka. Jojowain pa kita". Hindi ko alam kung ano nararamdaman ko those times kapag sinasabi mo yon. We already had a plan on meeting each other pagbalik mo dito sa Pilipinas. Tinanong mo pa ako sabi mo "Are you fond of dogs?" and I said "Yes para kasi silang stress relievers magastos lang kasi mag-alaga" then sabi mo "Paguwi ko may bibigay ako sayo..aso" My heart jumped so fast na ang saya saya ko kasi isipin mo yung may 5 days palang tayo naguusap but look you already want to meet me paguwi mo, you even want to give me a dog. We also both said to each other "I'm also comfortable with you" dun nagsync in sakin na wow taray bilis naman maka-vibes nito. But, honestly sobrang gaan talaga agad ng loob ko sayo kasi ang light mo lang kausap, kalog, makulit, maalaga, sweet like feeling ko parang secured ako kapag nakakausap kita. Masaya lang ako tuwing kausap kita. WE WERE BOTH COMFORTABLE WITH EACH OTHER'S COMPANY. Hindi ko nga inexpect na magsshare ka rin about sa personal life mo eh even if a few of them lang. Miss na miss na kita kausap.
I don't even know kung valid ba tong feelings na to para sayo. I was so confused back then. Sana lang balang araw kung papayag ang tadhana na pagtagpuin tayo ulit para mas makilala pa lalo ang isa't isa I would be the happiest woman in the world. Hahahaha. Charrr. Pero totoo lahat ng mga sinabi ko dito sa message na to. I hope you're doing fine.
I miss you my only ghost-er 👻
Yours truly,
Your only na-ghost 👻🤪
4 notes · View notes
chubbybooo · 5 years ago
Text
Tumblr media
Taray nakablockquote ako, PC kasi gamit ko ngayon. Anyway.
Nakakapagod itong linggong to dahil meron na akong raket. Bukod sa 8 hour work ko bilang empleyado, suma-sideline ako bago pumasok ng deliveries saka after work ng 6pm. Pag-uwi ko bulagta na lang talaga ako. Akala ng mga tao unemployed na ako dahil palagi akong may deliveries. Hindi ko alam kung mapaproud ba ako dahil sobrang sipag ko o maooffend dahil akala nila nawalan ako ng trabaho. Pero sabagay, dito naman sa Pilipinas kapag managerial na posisyon mo, parang hindi na bagay kapag sumasideline pa. Lalo pa’t lady rider ‘tong sideline ko. Naks, lady daw, tomboy naman. 
Ayoko lang tumambay talaga sa bahay dahil maalikabok dahil sa renovation, saka bored lang talaga ako kaya ako sumasideline. Isipin mo, for more than 2 years ko dito sa kompanya. wala akong bagong ginagawa. Kakaibang experience din ‘tong pagraket-raket ko. Akala ko hindi ko kaya maging ahente, pero dude pare tsong bro, ang lakas ng kita ko rin dito. ‘Yung budget ko para sa linggo na ‘to na dapat iwiwithdraw ko pa sa atm ko, ayun, sinama ko na sa ipon ko. Hindi na rin masama, di ba?
Downside lang talaga nitong raket na ‘to, bilang sakitin ako, ito, may ubo’t sipon na ako. Sala sa init, sala sa lamig. Ano na? Buti na lang at may kasamang sipon ang ubo ko, dahil kung hindi kakabahan na ako ng malala. Yun lang. Munting update. 
3 notes · View notes
makakalimutin · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Taray, may movie review ulit!!
So heto na nga, pinanood ko yung Alone/Together. Napuwing lang ako ng very light. Hahahaha. Nakikita ko yung sarili ko sa mga katangahan ni Tin (Liza Soberano). Yung nangyayari sa kanya dun, medyo nangyayari na sakin in real life. Di to about sa love, pero yung mismong life choices niya, dun ako naka-relate.
Bihira lang ako manood ng pelikula. Di ako madaling ma-hook up or makuha ang atensyon. Ewan ko. May mga romance movies na nababagot ako pag pinapanood kaya di ko natatapos. Pero etong Alone/Together, and the rest ng Black Sheep films, gusto ko, dahil sa realistic approach nila. Dati lagi lang natin sinasabi na, may mga bagay na imposible, na sa pelikula lang nangyayari, pero etong mga pelikula ngayon, may mga ganung scenario talaga sa buhay natin, may mga ganun din tayong chapter, kaya nakakarelate tayo. At di lang puro pag-ibig, kasi tinatalakay nito yung about sa career, pangarap, pamilya, pati social issues.
- (SPOILER ALERT) -
“At ngayon, di pa rin alam kung ba’t tayo nandito..”
Pagkatapos ko mapanood yung film, napa-reflect ako ng bonggang-bongga sa buhay ko. Dun na pumasok yung sari-saring what ifs. Nasabi ko na yung major life regrets ko sa previous post ko, pero yun yun eh. Paano kung naging matapang ako? Paano kung hindi ako natakot noon? Eh di sana unti-unti ko na naaabot yung mga pangarap ko. Eh di sana kapaki-pakinabang ako sa lipunan ngayon. Nakikita ko yung sarili ko kay Tin na sa school lang magaling, pero pagkagraduate at nandito na sa mundo ng realidad, wala na. Yung sobrang pursigido ka sa pangarap mo, but something happened and you fucked up. Then after nun, wala na, nag-stay ka na lang sa comfort zone mo. Minsan din akong nangarap na baguhin ang mundo, pero nung pagka-graduate, sinampal na tayo ng realidad. Di na natin magawa kasi may sarili rin tayong problema na hindi masolusyonan. Gusto kong gawin yung passion ko, kaso dahil sa kahirapan ng buhay, iba ang napuntahan kong landas. Pero masaya naman ako sa kung nasaan ako ngayon. Kaso nga lang, hindi ko nagagamit yung skills ko. Pareho kami ng mindset ni Tin na, the old me is already gone. Hindi na ako yung batang mataas ang pangarap, I just go with the flow.
Minsan ba naiisip mo na bakit ganun? Paulit-ulit lang ang nangyayari? Parang laro siguro yun. Hangga’t hindi mo nagagawa yung tama, paulit-ulit kang mag-uumpisa. Hindi ka uusad. Wala kang matatapos. Uulit ka lang din ng uulit.
Pero alam mo, it’s never too late to start again. Sabi nga sa movie, di porke hindi mo naabot yung mga pangarap mo eh isa ka nang failure. Abutin ka man ng 3, or 5 years bago umpisahang tuparin ang mga pangarap mo? Ok lang yan!! Malay mo, after ilang years, makakapagwork na ko sa mga events/concerts. After ilang years, makakapagtravel na ko sa iba’t ibang bansa para magsaliksik at pag-aralan ang history. Ang saya mangarap! Ginanahan ulit ako haha. Itong movie na to ang nagpamukha sakin na, bakit ka nga ba nandito ngayon? I deserve better. Di dapat ako nagsesettle sa kababawan.
-
“Cause time may pass, and everything won’t last, but I’ll be by your side..”
The people who are meant to be in your life will always gravitate back towards you, no matter how far they wander. Kung para sayo, babalik at babalik yan. Be with someone na ipupush ka na tuparin ang mga pangarap mo, na susuportahan ka sa goals mo, at hindi ka ikukulong sa sariling mundo. Sabay nyong babaguhin ang mundo. Haha eto na naman ako, may trauma talaga ako sa mga magjowang sabay na nangangarap, tapos magbebreak din during the worst case scenario. Kasi sabay nga yun eh, pag nasira ang mga pangarap mo, bibitiwan mo din ba ang relationship mo? Pag nawala ang relationship mo, titigil ka na din ba sa pag-abot ng pangarap mo? Vice versa. Ang hirap mangarap na magkasama, tapos ikaw na lang mag-isa ang magfufulfill nun. Habang siya bumubuo na naman ng pangarap na kasama ang iba. Damn.
Isa pa sa mga na-absorb ko dun, eh i-keep mo yung mga taong nandyan pa rin, even at your worst moments. Bakit habang inaayos mo yung sarili mo, kailangan mo isantabi yung taong unang naniwala sayo? Wag mong itaboy dahil lang ayaw mo nang madamay siya sa problema mo, ayaw mo maging pabigat. I-appreciate mo yung mga taong handang makinig at laging nakikinig sayo. Bihira lang na may ganun.
Sabi nga ni Raf dun, “Mahalin mo siya dahil mahal mo siya, hindi dahil nakasanayan mo lang.” Namimis-interpret natin yung love at utang na loob. Di dahil tinulungan ka niya eh mahal na. Di dahil wala kang dahilan para mag-NO eh magye-YES ka na.
-
Never forget.
Ang ganda na na-incorporate nila yung Arts at History sa pelikula. Ipinapabatid nila na - alalahanin natin ang nakaraan. Kasi yung ang magpapaalala sa atin kung sino tayo ngayon. Yan ang magtuturo satin kung ano yung tama, at kung ano yung mali na hindi na dapat ulit gawin sa kinabukasan. Dahil sa past natin, lahat ng desisyon natin sa present, apektado. Lagi ko rin tong sinasabi, kahit gaano pa kalayo ang marating mo, wag na wag mong kalilimutang lumingon sa kung saan ka nanggaling. O di ba, iisa ang mindset namin.
Ang saya magtrabaho sa museum. Kung ako din bibigyan ng pagkakataon, gusto ko dun magwork. Para ma-enhance pa yung knowledge ko about Philippine History. Ang saya mag-aral sa UP. Kahit sabihin nyo pang masyado kaming pa-woke. Hindi eh, mag-iiba talaga ang mindset mo sa buhay pag nandun ka.
Cons: Ang hindi ko lang nagustuhan, hmmm, may part dun na cheating na yung ginagawa nila. Oo di naman nila ginusto yung kinahinatnan nila, pero kahit na, cheating pa rin yon. May naaalala lang ako. Hahahahaha. De narealize ko rin na dapat talaga itigil ko na tong kalokohan ko.
At some point you'll realize, buti na lang pala nangyari yung worst thing ano? Buti nangyari agad, kesa mas maging worse pa ang future ko. Thank you for letting it happen. Di ko pinangarap yung ganung path, yung ganung future. Thank you. I'm already safe.
Traydor ang mga alaala. Magpapaalam sa’yo hanggang makalimot ka. Pero eksakto. Sa puntong sinabi mo na sa sarili mong wala ka nang isasaya pa, lilitaw siyang muli. Na mula sa malayo pa lang ay kilalang-kilala mo na. At paglapit nito sa’yong harapan, babalik ka sa pamilyar na lugar. At ikaw ay mamamatay na naman. Tuloy, takot ka nang maging masaya. ‘Pagkat traydor ang mga alaala.
- Antoinette Jadaone
8 notes · View notes
stuffedcherrypeppers · 2 years ago
Text
AFTER 10 CENTURIES...
December 18, 2022 12:47am
Tumblrrrrr, como estas???? HAHAHAHAHAHAHAHA!
Ang dami nang nangyari. Btw, bago matapos yung song gusto ko lang sabihin na sinusulat ko tong post while "Ang Huling El Bimbo" by Eraserheads is playing 😉 kasi aattend ako ng Eheads concert on December 22... YAHOOOOO!!!!! Exciting much!! Keribels kahit malayo basta importante nandun ako! Hahahaha one of my fave OPM bands 🤟
Anyways, grabeeeeeee sobrang dami nang nangyari. Wala na nga sa alaala ko ang PIMD e. It's so much a thing of the past! Kasi based on my previous posts, PIMD ang bulk ng rants ko since yun ang root cause of my first heartache 😢🙄 well, sobrang moved na ako hahahahaha di ko na nga maalala yung pain pero naalala ko pa yung katangahan ko nun hahahahahaha talagaaaa sobrang babaw lang 🤣🤣🤣 pero grabe yung feels at mga pinagagagawa ko hahahaha nakakatawa lang
Pero talagang sobrang dami na nangyari. Wala na ko PIMD. ML na ko ngayon! Then 6 years na ko sa workplace ko (going 7 years!) SINO MAGAAKALA DIBA NA AABOT AKO NA GANUN KATAGAL DOON???! Kahit ako di ko inakala. Pero thankful pa rin sa work kahit.... sobraaaaaaaaaaaaang hmmmm ayoko na lang sabihin hahahahahahaha!!! Basta sobrang gusto ko na sumuko. Pero hindi.... ang motto pagdating sa work: susuka pero di susuko! 😂
And then share ko na rin kakagaling ko lang sa derma kanina for my warts removal ffup (oy diba taray!) Hahahaha! Kahit mahal at masakit, tiis ganda para sa boylet hahahaaha charot!!!
Kasi may boylet na naman akong nakilala HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA AKAPALANDEEEEEEE!!!! Haaaaaayyyy ewan ko ba! Pagdating yata sa lalake, baliw ako! Lalake yata talaga weakness ko 😭☹ pero ngayon, gwapong lalake na, okay? Kasi gwapo talaga tong dumating na to sa buhay ko, tumblr!!!! Hindi ko maexplain pero di ko rin alam kung pano siya dumating sa buhay ko e. Basta di ko inasahan. Kahit ako nahihiwagaan sa mga nangyayari at napapaisip pa rin kung panaginip lang ba to? Pero hindi kasi totoo siya 😥 wala ako mapagsabihan kasi di ko alam kung ano ba talaga kami hahahaha JUSKO!!!!!! sa totoo lang stressed na stressed na utak ko mula nang makilala ko siya to the point na nagkakasakit na ko. Actually kakagaling ko lang sa sipon at ubo and thankfully, umokay na ako 😇 TYL! Pero seriously super stressed nako, dahil sa kakaisip sa kanya, tas dagdag pa tong warts removal marks, then yung balat ko pa na hindi makinis.
Honestly, super worried ako na hindi nya ko magugustuhan pagkakita nya sakin at pag nakasama na nya ko. Heck! I don't even know kung magkikita ba talaga kami, kung matutuloy ba???! Gosh! Yung anxiety levels ko grabe naaaa 😭😭
TUMBLR, KASI SOBRANG OUT OF MY LEAGUE KO SIYA!!!!! SOBRANG DREAM GUY KO SIYA AS IN!!! Di ko maexplain alam mo yun. Almost for the past 2-3 years yata, yung kagaya niya yung minamanifest kong lalake na dumating sa buhay ko, tas dumating nga!!!!! Kaso parang, pag tinitignan ko siya sa pics, sobrang argggggghhhhh!!!!!! Yung tipong "taena di ako magugustuhan ng taong to!!!! Gurl magising ka sa katotohanan!" Kasi ang gwapo niya, super hot, future doctor, and most importantly, DAKS!!!! HAHAHAHAHAHAHAHA charot!!!! I mean most importantly, mabait siya ❤ and sabi niya maganda ako 😭 na hindi ko maintinidihan kung bulag ba sya, or nadaan ko sa ganda ng filter ng phone ko hahahaha or desperado lang siya sa babae? Na kahit panget at mataba at mas matanda papatusin na hahahaha! May ugly history kasi siya sa ex nya pero hindi yun rason para maging desperado siya hahaha kaya ewan ko baaaaa!!!! Kaya nga sobrang di ko maalis sa utak ko kung ano ba tooooooo, mababaliw na kasi akooooo kakaisip!!!!
Anyways, malapit na yata kami magkita kasi pupunta siyang Pinas for Christmas (he's from Canada, Fil-Canadian daw siya, na medyo parang duda pa ko kasi wrong grammar siya lagi hahahahahahaha! His only grave flaw, as of now). Feeling ko kasi di siya Canadian, parang Indian yata. Pero it doesnt matter at this point. Okay lang pero i doubt naman na lolokohin nya ko tungkol sa bagay na yun.
Pero sa totoo lang may times na gusto ko na magbackout, kasi ano ba naman tong pinasok ko! Kaso dahil uhaw ako sa gwapong lalake na daks hahahahahahahahahahahahhahaa bahala ako mamroblema!!!!!!!! Ayoko ighost yun! Mahirap na baka makarma ako. Isa pa, saming dalawa ako dapat ang ighost niya, at wala ako karapatan ighost ang ganung kagwapo!!!! Hahahahahahaha! At syempre higit sa lahat ayaw ko makasakit ng tao. Takot nga tayo sa karma diba.
Kaso sa kabilang banda, kakatakot din mareject. Pero siguro mas kakayanin ko na lang yung sakit from rejection, kaysa masaktan ko yung tao. Di bale na mapahiya. Kasi sa totoo lang, sobrang laki ng iririsk ko dito. Imagine, first guy ko to na idedate! First real relationship. First real boyfriend. First guy na pinagkatiwalaan ko. Kaya masakit kung irereject ako. Pero ganun talaga! Shettttt naiiyak ako.
Kaya hinhiniling ko na lang at minamanifest nang matindi na sana sana sana sana sana sana times 10 to the infinity na magustuhan niya ko pag nagkita at nagkasama na kami 😔 🤞 iba kasi feeling ko sa taong to. Ewan ko ba! Basta parang may something kami. Yung tipong di ko siya malayuan. Ewan basta!
Oh well! Malalaman natin. Kinakabahan nga ako sa totoo lang. May regalo pa nga ako sa kanya. Jusko ako na prepared! Hahahahahaha pero sana magustuhan niya 😆 ang dami ko na nagawang kabaliwan na never ko ginawa sa iba, pero sa kanya ginawa ko. KAYA DAPAT LANG MAGUSTUHAN NYA KO!!!!!! KUNDI, DADAANIN KO NA LANG SA GAYUMA CHAROT! Hindeeeeeeeee!!!! Good girl tayo 😇
Bahala na! Kung anuman mangyari Tumblr, sana ready ang puso ko. Gusto ko lang naman kasi sumaya. Kasi diba, ang tagal tagal naaaaaaaaaaaa!!!!!! Gusto ko lang naman magkaron ng someone who I can call mine (HAHAHAHAHAHAHAAHAHA ANG KORNI PERO TOTOO YAN).
Ayan sakto tumugtog na yung kantang pangmanifest ko na bagay na bagay sa topic!
Now playing: "Tayo na Lang Dalawa" by Mayonnaise HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!
DASALAN NATIN PLEASE!!!!!!!
SUPPORT ME PLEASE!!!!!!!
TAYO NA LANG DALAWA JUSTIN! 🙏
TAYO NA LANG MAGSAMA JUSTIN! 🙏
Hahahahahahahahaha! Kakakalokaaaaaa!
O siya, bye na muna! Babalitaan na lang kita pag kasal at may anak na kami hahahahahaha chos!
*Manifesting this major major major major major*
#PleaseLordAkinNaLangSiJustinRD
#ManifestingMagkatuluyanKami
#SanaMagkasamaKamingTumanda
HAHAHAHAHAHAHAHA!
PS. Malapit na pala ako magwork sa US. May employer na ako. Wishing maging okay ang visa processing next year. Tas sana magkita at magkasama kami magwork ni boylet doon ❤ #manifesting #GodisGoodAllTheTime
---nothing follows---
0 notes
palanggaa · 2 years ago
Text
August 22 2022 10:38pm.
Hi Ma. Kamusta Ka na? Sana masaya Ka Dyan SA heaven. Kasama si Ama,Ina, Mommy, Taray Tuti, Inang Enda, Kuya pinok. Sana, tahimik na kayo Dyan. Kahit miss na miss na namin kayo.
Miss na miss na Kita Mama, isang taon mo na bukas na wala SA piling namin. Tanggap ko Naman na, wala Naman na ko magagwa. Di Naman mawawala ang sakit, andito Lang. Nasanay na Lang mabuhay SA sakit mula nung nawala Ka. Minsan, ayoko pag usapan ang tungkol SA nangyari sayo, minsan Naman gusto ko may mapag sabihan Kung gaano na Kita Ka miss.
Hindi ko maiwasang isipin na, nag kulang ba ko sayo bilang anak mo? Naging mabuti ba Kong anak? Naiparamdam ko ba sayo na Mahal Kita? Ni Hindi ko man Lang Yata na Sabi sayo na Mahal Kita. Naalala ko, nung grade 3 or 4 ako pinag sulat Kami ng teacher namin Kung ano Yung gusto namin sabihin SA Mga magulang namin, then nag pa twag sya ng meeting para SA parents, wala Yata nakarating SA inyo ni papa Kasi NASA tindahan kayo. Pero, inabot sayo ni Ma'am Yung letter ko. Tapos, umiiyak Ka na tinatanong mo SA akin Kung totoo ba Yung naka sulat don. Kung totoo ba na Mahal ko kayo ni Papa. Syemrpe Naman oo, Hindi ako masalita pero alam ko kahit paano SA Mga simpleng paraan ko siguro Naman naiparamdam ko yon sayo.
Miss na miss na Kita Mama ko. Pakita Ka Naman SA panaginip ko. 💞
0 notes