#ang sarap pala sa pakiramdam maging importante
Explore tagged Tumblr posts
solidbucketchickenoffriends ¡ 5 months ago
Text
Work from Home (sucks?)
NP: Turn it off - Paramore
Hehe so today, morning palang tinatamad na ako everytime kasi nagiging toxic yun TL namin, nakakawalang gana magwork, as in. Syempre tao lang din naman ako naiisip ko magresign pero syempre laban padin, may mga rason naman kung bakit nagiistay. Pangarap ko kasi talaga magpursue ng business like coffee shop or clothing, yung nakakataba ng puso at nakakasarap gumising sa umaga kasi nasa porte ka ng gusto mo. Tapos ganon super stress ako, wala ako makausap. May worship night nga sa Victory pero di padin talaga ako nakakaattend kasi meron something sakin talaga na di ko maintindihan. Namimiss ko yun buhay na meron ako dati kung paano ako sinimulan ibless ni Lord, tandang-tanda ko non bigla nalang ako binigyan ng wfh set-up na work, tapos after ilang months may mga struggles like nahack yun Axie ko tapos yun pala ang next journey ko non mapursue yun clothing business tapos nagwowork padin ako at the same time. Kumbaga nakakastress pero nandun yung fulfilment, kasi nga yun talaga yung gusto ko. Tapos nung pagsampa naman ni papa naexperience namin magbukod, NAPAKASARAP na feeling sa lahat kasi even yun interior sa loob yun ambiance na gusto ko, yun na yun talaga kahit maliit siya pero importante kasi sakin yun maranasan ko yun peace of mind.
Tuloy lang ang laban, WORK, BUSINESS, LIVE SA GABI, SA UMAGA SASABAYAN PA NG MGA HOUSE WORKS.. Haha grabe yon mag-isa lang ako nakakapagod kung iisipin pero ang sarap balikan, kasi tuwing sa gabi non kapag okay naman at settle sa mga bills or pagkain manunuod ako netflix sa gabi. Napakasimple lang pero talagang pinangarap ko kasama si Dax non that time kasi nakakapagod din talaga. Yun bang pakiramdam mo binibigay sayo lahat tapos katuwang naman sa buhay yun hinahanap mo.
Anyways, so burn out ako kanina. Alam mo yun feeling na puro ka trabaho tapos di mo alam kung ano yung gusto mo para maibsan yun stress. Alam ko sa sarili ko na may mga bucket of list ako eh, pero kasi lagi ako worried sa mga bills namin pero alam mo narealize ko need mo rin pala magtira para sa sarili mo para ma REFRESH din..
Kaya tinuloy ko pumunta sa Leobel's kasi talaga ang ganda nung ambiance tas nakakarelax, may mga pakiramdam pala talaga na hahanapin mo siya para maexperience mo. Nakakatuwa kasi dati nung nagwork ako sa Temple Coffee kala ko masarap sa pakiramdam yun pala nakakaumay din kasi nagkakaron ako mabigyan ng difference yun wfh to barista.. Mahirap pala kasi nilevel up ni Lord yun estado mo para at the same time maging nanay ka sa anak mo at convenience to fulfill the responsibility as a housewife. Kaya nagstruggle din ako non sa time at yun pagod even salary. Ngayon nandun ako ulit sa phase na nakakaburn out yun trabaho pero talagang gagawa at gagawa ng way si Lord para makapagpatuloy and still siya padin yung nagpo-provide samin lalo ngayon di ako makapagdevo or bible reading, ang hirap magback on track pero may mga time na nagkakaron ako ng discernment, mayroon lang din talaga ako kasama dito na nagiging reason para di ako makatuloy. Pero anyway, ayun kanina ang sarap pala sa feeling lalo ako nagkakaron tuloy ng drive magpatuloy at MANGARAP.. Gusto ko kasi talaga magtravel at magunwind siguro yun talaga hinahanap ko sa ngayon pero kasi lagi nakakastress work namin tas si Zoe wala maiiwan pero thankful naman ako kasi nandito si Dax. Yun lang naman lagi ko kasi naiisip yun pang gastos namin sa bahay, pero pwede naman yun diba no kasi alam mo yun nagwowork ako para sa family namin pero hinahanap ko lang talaga yun self-satisfaction???? Hehe tapos yun nagconnect nga lang pala ako interview dun kanina tas akala ko ako nalang yun nandun haha kaya umalis nako tas naglakad ako papuntang mini forest. Talagang need siya eh to release yung stress, alam mo ba iniisip ko kanina parang nasa baguio ako kasi gusto ko talaga magbaguio. Hirap kasi talaga magtravel lalo kapag wala sa plan at budget din, pero ayun muni muni lang ako tas naglakad pauwi, okay na sakin yun ganon talagang prefer ko mag-isa pala talaga ganon ako ka-introvert, yun di mo masyado need ng makakasama o makakausap para lang maging okay. Dati nga lagi ako nagtatawag pa ng kaibigan pero sa ngayon siguro kapag mag isa ako mas nagegets ko yun sarili ko.. Came to realize na tumatanda na talaga ako pero di nako nakakaramdam ng self-pity unlike dati na sobrang down na down ako ganon parang useless pero ngayon naiisip ko challenge nalang yan na need lagpasan kasi nga diba di pa ba ako sanay sa mga kasama ko sa trabaho ilang rants at iyak naba nagawa ko dati, ngayon yung mga kasama kong bago syempre nandun pa sila sa stage na unti-unti nasasanay nadin sila hehe
Tapos nung pauwi nako, need ko din talaga yun maglakad para makita ko yung iba na street vendor, kahapon nga alam mo naaawa ako dito sa katabi namin unit sa apartment dito kasi sila yun nagtitinda dun sa kanto ng barasoain school tapos nung susunduin ko si Dax nung nakita ko yun payat na lalaki na bagong stay diyan sa kabila, ganon pala talaga buhay nila no nakaasa sila sa kayod at kikitain nila sa araw tapos minsan pa sa gabi maririnig ko pagbibilang nila ng barya, nakakatuwa kasi isipin na hindi namin need yun gawin para lang mabuhay. Meron nilaan si Lord na mahirap at nakakastress pero meron lagi sumasagi sa isip ko din na bakit palaging yun nakatira dito sa Unit 4 mas mababa ang estado at ipakita kung gano kami kaswerte sa buhay, dati sila kuya kano dito naabutan ko pa ng ulam tapos ngayon pagkabalik ko sa work ko bigla ako nagsungit at nagdamot, ngayon ito nanaman yun pakiramdam na to parang may kirot sakin nung nakita ko talaga si kuyang payat na nagbabantay dun sa may school, may mga pagkakataon pa nga na habang nagwowork ako kukunin nila dito yung chinacharge na solar tapos wala ako kibo ngiti lang. Alam mo Lord, tulungan mo po ako kasi alam ko may rason ka kung bakit dito mo kami nilagay. Sorry po talaga kasi di ako nakakattend na nakikiconnect ulit sayo.
Salamat po talaga sa lahat ng biyaya, dumating sana yun araw na malaman ko yung purpose ko di lang sa trabaho kundi sa mga taong nakapaligid sa akin Lord.......
0 notes
ohempressmaria-blog ¡ 7 years ago
Text
Ang sweet naman tong tropa ko. Nakalimutan niya kasi na birthday ko nung isang araw tapos ngayon todo sorry kasi nga nakalimutan daw niya. Hindi daw niya matanggap haha. Simula kasi naging kaibigan ko siya, every year nabati talaga siya. Hindi niya nakakalimutan. Ngayong taon lang. Although,okay lang naman sa part ko. Hindi naman big deal pero sa kanya hahaha ang cute cute. Haaaaaays, ang sweet ng tropa ko.
3 notes ¡ View notes
importantphilosophergiver ¡ 4 years ago
Text
VIRTUE: Mga Sangkap Tungo sa Kabutihan
Hello! Magandang tanghali kaibigan! kamusta? ang init ngayon ano? Tag-init na naman kasi. Panahon na naman ng mga halo-halo at ice cream. Swak na swak sa panahon ngayon. Isang paalala bilang kaibigan o bilang isang may-ari ng blog na ito, huwag kalilimutan uminom ng tubig dahil uso na naman ang heatstroke. Iwasan na rin lumabas ng bahay kung hindi naman importante at kung lalabas man, ugaliing magdala ng alcohol, magsuot ng faceshield at facemask. Lahat tayo ay mag-ingat sa panahon ng pandemya.
Ngayon, gusto kong ibahagi sa inyo ang aking saloobin ukol sa usaping values. Kapag pag-uusapan ang mga moral values na dapat mayroon ang isang tao. Ang naiisip ko agad na mayroon sila dapat ay ang pagiging matapat, pagkakaroon ng pakialam sa kalikasan, pagkakaroon ng respeto, at ang pagkakaroon ng Commitment at Consistency.
"Honesty is the best policy" 'ika nga nila. Ang pagsasabi ng totoo ay isa sa napakaraming hakbang patungo sa masagana, malaya at masayang buhay. Isa ito sa mga values na dapat natin isa-isip at isa-puso. Ang pagiging matapat ay nangangahulugang matapat ka sa iyong sarili, sa Diyos at sa iyong kapwa. Maraming kalamangan ang pagiging matapat. Isa na rito ang maraming tao ang magtitiwala sayo dahil sa katangian mong pagsasabi ng totoo. Dahil dito, mas magiging bukas at tiwala sila sa pagsasabi ng mga bagay bagay katulad ng sikreto sayo. At bilang isang indibidwal at may personal na karanasan sa ganitong pangyayari, natutuwa rin ako kapag nasasabihan ako ng sikreto o mga personal na isyu/bagay ng mga malalapit kong kaibigan o kakilala kasi sa gantong paraan pakiramdam ko mabuti akong tao. Napaka-sarap kaya sa pakiramdam kapag alam mong pinagkakatiwalaan ka ng tao kasi dito mo rin makikita na Wow! mapagkakatiwalaan pala ako. Nakakataba ng puso.
Isa na rin ang respeto. Ito ay isa ring mahalagang value. May kasabihan nga tayo na hindi hinihingi ang respeto, kundi pinaghihirapan. Paano ka hihingi ng respeto sa isang tao kung ikaw mismo hindi mo sila nirerespeto? Maipapakita mo ito sa kahit sa maliit ng paraan. Halimbawa, ang pakikinig sa guro habang sya ay nagtuturo, ang pagpapakita ng paggalang sa matatanda— disclaimer, ako pala minsan nahihirapan din rumespeto sa mga matatanda kasi hindi naman din lahat sila ay nirerespeto ang mga desisyon at ginagawa ng mga kabataan kahit na tama naman ito. Tsaka sinabi ko nga din na dapat pinaghihirapan ang respeto. Pero dahil nga tinuruan ako ng nanay ko maging magalang at huwag maging bastos, ginagalang ko nalang din o kaya hindi ko binibigyan ng pansin. Ang respeto ay dapat rin na manggaling muna sa sarili. Dapat irespeto mo din muna ang iyong sarili, bago ang iba. Isa pang paraan kung saan maipapakita mo ang iyong respeto ay sa simpleng pag aalaga sa kalikasan. Ito ay nagpapakita na rin ng respeto sa mga bagay na nilikha ng Diyos.
Commitment at consistency ay isa ring napakahalagang sangkap na maituturing patungo sa pagbabago. Kung tutuusin, lahat ng mga value na nasabi sa taas ay kinakailangan ng suporta ng dalawang ito. Kapag may isang bagay ka na gagawin, dapat bago mo gawin at habang ginagawa mo buo dapat desisyon mo. Dapat mayroon kang paninindigan sa bagay na iyon. Hindi mo puwedeng sabihin na “Gusto ko nito... gusto ko niyan..” pero sa kalagitnaan ay aayawan mo na. Ganito kasi kadalasan yung nagiging pagsubok sa atin. Ito yung kadalasang nakakaligtaan nating gawin. Dapat kapag may bagay kang sinumulan, siguraduhin mo dapat na hanggang sa huli ay kaya mo itong piliin at panindigan. “Consistency is the key” ‘ika nga.
Isa pang value na naisip ko ay ang pagkakaroon ng pakialam sa kalikasan. Ito ay maari mong maipakita sa simpleng bagay katulad na lamang ng simpleng pagtatapon ng balat ng kendi. Sa ganitong paraan, maipapakita mong isa kang mabuting mamamayan ng inyong komunidad dahil pinapakita mo ang kontribusyon mo sa simpleng gawain na ito at maipapakita mo rin na isa kang mabuting alagad ng Diyos dahil pina-pangalagaan mo ang kanyang mga nilikha dahil pinananatili mong malinis ang paligid. Yung mga gantong simpleng gawain yung karaniwang nagiging problema ng karamihan sa atin. Lalo na yung iba na nakakabili ng mga mamahaling kape katulad ng Starbucks ngunit hindi maitapon sa tamang tapunan. Kaya dito palang masasabi mo na sana nabibili rin ang urbanidad. Kasi yung mga gantong bagay eh hindi na dapat sabihin sa atin. Dapat mayroon na tayong pagkukusa. Dapat maging responsable tayo sa mga bagay na gagawin natin. Lalo na kung alam natin na mayroong pwedeng maapektuhan rito. Malalaki na tayo kaya dapat mayroon na tayong responsibilidad na gaganapan. Dapat alam na natin kung ano ang tama sa mali.
Yan lang naman mga yung mga naisip kong sabihin at naisip kong values na dapat isa-puso at isa-isip natin. Nasa tao pa rin naman kasi yung desisyon kung nanaisin nilang magbago para sa ikabubuti ng lahat. Sa tingin ko rin kasi kung lahat tayo ay magtutulong-tulong, makakamit natin ang pagbabago-ang maganda at mabuting pagbabago.
1 note ¡ View note
randomisip ¡ 5 years ago
Text
mag mahal muli
Pag ibig, isang napaka makahulugang salita, at pakiramdam. pakiramdam na napaka tagal na panahon bago ko naramdaman ulit. pag mamahal, ilang taon akong nawalan ng pagmamahal sa kahit na sino. pag mamahal na ilang taon kong inipon sa sarili ko at ipinagkait sa maraming tao.
ngayong dumating ka, dumating ka sa hindi ko inaasahang panahon. dumating ka sa panahong hindi ko na inisip mag mahal ulit. dumating ka sa panahong ayoko na magpapasok ng tao sa buhay ko. dumating ka, buti nalang dumating ka. Salamat dumating ka.
Salamat dumating ka para iparamdam saakin muli na ka mahal mahal ako. hindi mo alam kung gaano ka galak yung puso ko ngayon dahil sayo, dahil dumating ka. ganito pala pakiramdam ng mag mahal muli, at mahalin pabalik.napaka sarap sa pakiramdam, napaka saya ko, yung saya na nakakatakot kasi baka bukas wala na to. ayokong matapos to mahal ko, ayoko nang mawala ka sa buhay ko. ibibigay ko lahat ng pagmamahal na meron ako wag lang matapos to.
ikaw yung nagbigay kulay sa mundo ko, ikaw yung nagpalambot sa matigas na puso ko. ikaw ang dahilan kung bakit excited akong gumising sa umaga at masayang natutulog sa gabi. ikaw yung pinaka mahirap na sugal na ginawa ko sa buhay. iakw yung sugal na okay lang kahit matalo ako ang mahalaga sumugal ako ano man ang kapalit.
mahal ko, marami pang problema ang dadating. marami pa tayong hindi pagkaka intindihan, pero sana mas matibay ang pagmamahalan natin sa kahit na anong problema ang dumating satin.
maraming Salamat mahal ko, alam kong kulang ang salitang Salamat para iparamdam ko sayo kung gaano ang pasasalamat ko sayo. maraming Salamat sa walang dalawang isip at walang kapaguran na pag unawa mo sakin. maraming Salamat sa mga pagkakataon na nawawalan na ko ng pag asa pero hindi ka nawawala para iangat ako tuwing napupunta ako sa baba.
maraming Salamat sa pagmamahal. alam kong napaka bilis ng mga panyayare sa relasyon natin. ang sabi ng iba kapag mabilis nagsimula mabilis din matatapos. ayokong matapos to, hindi matatapos to. mahal na mahal kita. sayo ko lang naramdaman na mahalin ako ng totoo, sayo ko lang naramdaman maging importante, sayo ko lang naramdaman na may halaga ako, sayo ko lang naramdaman to lahat. ikaw yung nagturo sakin na lumapit ulit sa nasa itaas sa tuwing nakakalimot ako. hindi man magiging madali para satin to, pangako hindi ako mawawala sayo,
1 note ¡ View note
pilyongpinoy ¡ 7 years ago
Text
Open Letter Para Kay F
Dear babe,
Hinding hindi ko makakalimutan ang araw ng birthday ko. Syempre birthday ko yun at walang kinalaman yun sa pagiging bitter ko sayo. Echos! Ang hindi ko makakalimutang parte ng buhay ko ay nung magkasama tayo sa mabahong estero sa may Escolta. Hinawakan mo ang pasmado kong kamay. Nahihiya pa ako nun kasi ngayon lang natin gagawin iyon. Sinabi mo rin sa akin na gusto mo ring maranasan ang holding hands in public. Ginawa ko yun kahit alam natin na may possibility na makita tayo ng ibang bitter sa daan at isumpa tayo sa pagiging cheesy natin. Pero naging proud akong hawakan ang kamay mo at nalaman ko na mas pasmado ka pala kesa sa akin. Nilakad natin ang Mc Arthur bridge habang naglalangis na tayo sa pawis. Ang sarap sa feeling na hawak ko ang kamay mo. Parang walang tao sa paligid. Parang atin lang ang mundo. Habang tangay mo ang kamay papunta sa amoy taeng kalye ng Maynila.
Gusto kong matunaw kahit literal na natutunaw na ako dahil sa sobrang init sa Intramuros. Gusto kong matunaw nung yakapin mo ako ng mahigpit. Nag join force ang pawis natin pero wala tayong pakielam kahit mamatay man tayo sa pulmonya at pagod basta yakap lang natin ang isat isa. Keri na kung amoy pawis pa tayong pareho. Pinaghirapan naman natin ang amoy na yan.
Mahihiya si Jolina kung kakantahin ko ang Chuvaa Choo Choo. Dahil pakiramdam ko ay nasa heaven ako nung halikan mo ako sa may estatwa ni Lapu-lapu kasama ang mga estudyante na nagpapractice at ginagawang gym ang Luneta. Kasama rin natin ang mga pamilya na ginawang pasyalan na ang Rizal Park at pagdadate nila Dudong at Inday dahil dayoff naman nila ngayon. Nakikisabay tayo sa pag-ibig sa Luneta. Nawala lahat ng takot at pangamba ko nung dumampi ang labi mo sa pwet ko. Wait. Joke lang. Sa labi ko rin syempre. Pinakamasyang parte ng buhay ko yun. Wala tayong naging problema. Masaya lang tayo kahit alam natin na bubungangaan tayo ng mga nanay natin pag-uwi sa bahay.
Natatandaan ko rin noong hinimatay ako dahil sa sama ng pakiramdam. Pinuntahan mo ako sa work ko. Baka akala mo ineechos lang kita na hinimatay ako. Ang saya ko promise. Hindi siguro halata kasi nga masama ang pakiramdam ko. Pero pakiramdam ko talaga na ako na ang pinakagwapong lalaki sa buong universe at ang haba ng hair ko dahil pinuntahan mo ako. Salamat.
Kumusta naman yung pagsundo ko sa iyo sa trabaho mo na sobrang epic fail. Wala ka na pala sa work mo. Umaaligid pa naman ako sa labas ng workplace mo. Baka pagkalaman akong budol budol ni Manong Guard kasi tinitignan ko lang yung gate nyo. Ayaw mong sunduin ka sa work mo. Naintindihan ko naman. Pinangako ko sayo diba na hindi na kita pupuntahan sa work mo. Kahit sobrang enjoy na enjoy tayo sa sex sa loob ng office mo. Haha. Echos lang. Kahit ayaw mo akong papuntahin ulit, naiintindihan ko. Sabi ko naman sayo diba lagi kong naiintindihan.
Kumusta Mama at Daddy mo? Natakot ka ba nung nakilala mo Mama at Papa ko? Galing pa nating magtago na wala tayong relasyon pero kapag nagkatalikod sila ay sobrang keso natin. May halong kaba, takot at excitement diba. Ang saya nung panahon na iyon. Unti-unti mong akong nakikilala, ganon din ako. Ang mahalaga ay happy tayo.
Kumusta pala ang mga plano natin? Yung mag-aaral tayo sa UP? Na aalis ako sa work ko at lilipat na para parehas na tayo ng work. Para malaki ang kita at makapag out of town or out of the country trip tayo. Ginawa ko na. Nagresign na ako sa work. Gusto kong tuparin yun. Kasi importante ka sa akin kahit na alam kong walang kasiguraduhan kung matatanggap ako. Binitawan ko yung posisyon ko kahit boss na ako at palautos sa ibang empleyado para itimpla ako ng kape. Lol. Iniwan ko yun para sayo.
Minahal mo ako ng may sabit ako. Dalawang tao akong may karelasyon. Tatlong buwan palang tayong magkakilala. Putcha. Iniwan ko sya para sayo. Kasi alam kong nasasaktan ka kapag magkasama kami. Sabi mo noon ay ramdam mo na hindi ko nabibigay sayo ang buo kong pagmamahal kasi may kahati ka. Pero dahil goodboy ako, sinunod kita. Iniwan ko sya para sayo. Kasi alam ko na doon ka sasaya.
Lahat ng chance na pwede tayong magkita ay ginagawa ko. Kasi sabi ko naman sayo na ikaw ang reason kung bakit ako masaya. Ganoon kita kamahal. As in peksman, mamatay man, mahal na mahal na mahal kita kahit nasasaktan ako sa tuwing ayaw mong makipagkita sa akin. Mahal na mahal kita kahit nagmumukha na akong namamalimos sa oras mo. Ano ba naman ang laban ko sa trabaho mo diba. Na kahit puntahan kita sa work para makita ka, pero ayaw mo parin.
Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. O baka naman ay nasobrahan ka sa pagmamahal ko. Sabi mo nga na overwhelm ka sa pagmamahal ko at hindi mo matumbasan ang mga efforts ko. Pero dahil mahal kita, gusto ko sa sogo ka, tinanggap ko yun. Pinaniwala ko ang sarili ko na one day, babalik ka sa dati na nag iinitiate na magkita tayo ulit. Kaso wala eh. Hindi nangyari yun. Para akong aso na naghihintay sa amo nya tapos pag lalapit ay pipigilan at sasabihing STAY. Hindi naman ako aso babe eh kahit na nagdodogstyle tayo. Echos! Pero tinaggap ko yun. Kasi mahal kita. Kasi parte ka na ng buhay ko.
Ang pinakamasakit na parte ay yung magmamahal ka pero hindi mo na maradaman na may pagmamahal na pabalik sayo. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang salitang SORRY. Hindi ko naman hinihiling na pantayan mo yung efforts ko. Pero yung iparamdam mo lang sakin na ikaw ying babes na una kong nakilala, sapat na yun. Andami kasing alibis na wala pang sahod, busy sa work, blah blah blah. Bakit naman ako diba. Nagagawan ko naman ng paraan.
Hindi kasi magwowork ang isang relationship kung isa lang ang kumikilos. Para kang naglalaro ng seesaw pero wala kang kasama. Sariling sikap. Gusto mong maging tayo na pero sabi mo naman ay nabibilisan ka. Ano ba ang paniniwalaan ko dun? Gusto mong maging tayo na pero parang wala namang nagbabago sa atin. Ginawa ko naman ang lahat ah. Gusto mong ipleasure ka, go ako. Lol. Lahat naman ginagawa ko pero bakit ganito ang sinukli mo sa akin?
Sabi ko naman sayo diba, madali akong magmahal sa taong mahal ako, nag-eeffort at binibigyan ako ng time. Binigay mo sa akin yun sa nung umpisa. Bakit hanggang umpisa lang? Sa panahon na nahulog na ako, ano yun, biglang stop na? Labo naman oh. Para akong bata na pinatikim lang ng pagkain pero hindi naman binigay sa akin. Patakam lang. Nag effort lang sa simula tapos nawala na. Ang tanong ko ay bakit? Tapos gusto mong maging official na maging tayo pero wala namang pagbabago satin? Oo tanga ako pero huwag mo naman akong gawing bobo.
Binigay ko naman lahat eh. Para sa ikasasaya mo. Promise. Lahat ng bagay na gusto mo ginawa ko kahit gustong gusto mong makipagsex at wala ako sa mood go lang ako. Charot lang. I mean lahat ng gusto mo, mapasaya lang kita ginawa ko. Pero anong sinukli mo sa akin? Pagmukhain akong tanga na umaasa na gagawin mo yung part mo sa relasyon na binubuo natin. Wala naman akong ginawa kundi pasayahin ka at iparamdam sayo na hindi ka nag-iisa. Pinararamdam ko sayo na kahit itakwil ka o hindi tanggapin ng family mo ay may taong tatanggap sayo. May taong ipagmamalaki ka. May taong handang maging pamilya mo. At ako yung taong iyon. Alam mo kung ano ang masakit sa akin? Binigay ko naman ang lahat. Kaso bakit parang ako na lang?
Kaya babe, siguro time na para bumitaw. Alam mo kung ano ang pakiramdam na walang nagmamahal sayo. Alam mo ang pakiramdam na laging nirereject. Ngayong may taong dumating para mahalin ka ay tinataboy mo naman palayo. Alam mo ang pakiramdam na iyon at naranasan mo kung gano iyon kasakit. Pero iyon ang ginawa mo sa akin. Sabi mo hindi mo alam kung paano mabuhay ng wala ako? Pero bakit hindi mo ako pinapahalagahan? Hindi mo naman kasi ako nainform na ang need mo pala ay textmate lang at callmate. Edi sana hinanap na lang kita ng text mate. Madaming humihingi ng textmates sa upuan ng bus at sa public cr. Baka dun, makahanap ka ng textmate.
Kaya babe, pakiusap ko lang sayo. Sana kapag may muling magmamahal sayo ay pahalagahan mo. Kapag dumating yung taong mag effort sayo, mamahalin ka ng sobra, ibibigay ang lahat sayo maramdaman mo lang na may nagmamahal sayo at higit sa lahat ay tanggap ang weaknesses mo, yung mga flaws mo, sana huwag mo nang pakawalan at isawalang bahala. Sabi ko nga sayo diba, minsan lang darating sa buhay natin ang taong sobrang magmamahal sa atin kaya kapag pinakawalan mo pa sya, baka wala ka nang makitang iba na katulad nya.
Hangad ko na maging maligaya ka babe. Malaya na tayo.
Babe~
100 notes ¡ View notes
maixmaixmaix ¡ 7 years ago
Photo
Tumblr media
Mr. and Mrs. Cruz  Sigrid Andrea Bernardo  Okay. Hinga muna! HAHAHA! Minsan, pinapanuod ko na lang talaga ang film depende sa kung sinong direktor eh. Haha. At dahil idol ko si Direk Sigrid, dapat mapanuod ko 'to. So, after kong kumuha ng passport sa Baguio, nanuod na rin kami nito sa SM Baguio. HAHAHAH!  Medyo marami 'tong pang-iispoil kasi shet eh. Di ko mapigilan magkwento. HAHAHA!  So ang ganda po ng scoring sa simula ano, yung may paviolin at papiano hahahaha. Hayst. Tapos yung shot sa waiting shed na may namamagitan na sakanilang upuan na para bang bridge na magdurugtong ng mga puso nila. HAHAHAHA. Charot!  Tapos tapos... CRUSH KO PO YUNG BAG NI GELA DITO OKAY! Huhu. Ang ganda ng violet talaga. So, naka-orange na bag si Raffy, Violet si Gela. Ano kaya meaning non? HAHAHA! Pag Direk Sig kasi lagi na lang parang lahat ng makikita mo na bagay may meaning. Hahahahah. Ultimo pagbaba ng mga bag nila dun sa kwarto nila, yung mga painting yata yun na nakaframe. Hahahaha. Orange sa side ni Raffy, Violet din sa side ni Gela. Ang sarap sa mata! Saka yung sa last scene na parehas silang nakaBlue. Huhu. Paki-explain naman sakin mga meaning ng colors na yan. Huhuhuhu.  Ang daming ang sarap sa mata. Yung habang nasa bangka sila tapos yung bundok parang nilalamon ng ulap. Huhu. Nang biglang may wedding gown dun sa may batuhan. HAHAHAHAHA! Tapos ang ganda ng screenplay lalo na tuwing pag tungkol sa mga ex nila ang usapan. Basta! Shuta! HAHAHA! Tapos may mga pagkatwist na hindi mo inaasahan. Huhu. Na may history pala talaga si Nemo! Shuta!!!! Nawindang kaming lahat don besh! Hahahahaha! Ang galing galing! Huhu. Tapos alam mo yung parang alam naman na ni Gela na nagkita na sila dati ni Raffy nung napanuod niya yung vid, pero hindi pa rin sinasabi ni Gela? Bat ganon? Ang galing! HAHAHA! Parang ayaw lang din talaga sirain ni Gela ang moment. Alam mo yung parang gusto niya lang sumabay sa kung saan man sila dalhin ng tadhana. Huhu. Iniisip ko tuloy na baka nakasalubong ko na rin siya dati sa inuman kaya lang hindi ko matandaan kasi lasing na me. HAHAHAHAHAHAH. Charot.  Ang ganda rin ng concept na naglalaban yung iniwan vs nang-iwan! HAHAHAH! Tangina besh! Buti na lang may side na rin ang mga nang-iwan, hahahaha. Lagi na lang din kasing tungkol sa mga naiiwan eh. Ang saya makinig ng conversations nila! Hahahah. Shuta yan! Yung tungkol sa "precious shirt" kuda ni Raffy! Solid yun besh! Saka yung convo nila nung first dinner nila besh. Hahaha. Ang saya saya! Huhu. Saka yung Romeo and Juliet! Shuta! HAHAHAHA! Nag-iiba talaga feeling mo sa libro depende kung anong emosyon mo habang binabasa mo no? HAHA!  Ang dami kong gustong ikwento na eksena, pero masyado ko na talaga siyang maiispoil. Shuta. HAHAHAHHA! Eto na lang, ngayon ko lang na-appreciate yung solid yung emosyon ng dalawang tao habang nag-iinuman tapos ang sakit ng mga kudaan nila pero walang scoring????? Shuta! Ang raw! Tapos maririnig mo lang yung alon! Shet! Shet talaga besh! Gusto ko nang tumayo at pumalakpak non! HAHAHA!  PERO ANG PINAKAFAVORITE KO TALAGA IS YUNG NALASING NA SI ATEGURL, AT FEELING NAGSWISWIMMING SA TAPAT NG BAR HABANG PINAPAKITA TALAGA YUNG TOTOO NIYANG SWIMMING! SHUTANGINA!!!!!!!!!! ANG GANDA GANDA! TAPOS SLOW MO TAPOS MAY PABUBBLES PA KASABAY NG MAGANDANG ILAWAN. HUHUHUHU. TAPOS BIGLANG LAHAT NA NG TAO SA BAR, NAGSWISWIMMING NA. HUHUHU! ANO BA DIREK!  Hanggang sa hinahanap na ni Gela si Nemo sa suka niya. HAHAHAHAHAH! Shuta this! Laughtrip yon! Nang biglang pumatak yung luha ni Ryza kinabukasan kasi ang daming kuda ni Raffy eme eme. Ang galing. Tapos wala na namang scoring. Huhuhu.  Ang galing talga! Shuta!  Hahahaha. Parang ang hilig ni Direk Sig sa mga bigla biglang "unexpected" na nagkasalubong na pala kayo from the past. Ang galing! Nyeta. Hahahaha. Haaaaaaaaaayst! Basta. Grabe. Nadagdagan na naman yung pagka-idol ko sayo, Direk Sig. Hahaha! Grouphug!  Favorite lines:  "Alam mo yung sa teleserye, ilang beses mo nang binaril tas ayaw mamatay, tas kala mo finally patay na yung kontrabida tapos mabubuhay ulit pero may peklat sa mukha. Parang ganun yung feelings eh ilang beses mo nang pinapatay, nabubuhay ulit ayaw mamatay. Tapos yung kala mong patay na, mabubuhay na naman. Pero may peklat sa mukha.  We took the same tour. Dito. Sa napakagandang El Nido. Dito ako nagpropose sakanya.  So bakit ginagawa mo ulit?  To experience pain again, till I get numb."  "Pwede pala yung isang araw magigising ka, ayaw mo na."  "Binigay niya sakin lahat eh. Until I realized, you didn't deserve someone like me. Sayang yung effort niya eh. Alam mo sana binigay niya na lang sa iba. Kasi ako, hindi ko kayang suklian yon."  "Because. I don't want you to be miserable for the rest of your life."  "Kailangan mo lang naman kasi maging honest, kahit makasakit ka pa."  "Too much alcohol or too much emotions?"  Saka yung Strokes sa swimming besh! HAHAHHAA! Shuta! Solid yon!  Backstroke:  Gela: Baka naman, bumalik ang pakiramdam. Balikan mo kung saan kayo nagsimula.  Raffy: Balikan mo kung saan kayo natapos.  Freestyle:  Raffy: Palayain mo ang sarili mo. Pagkatapos mong balikan lahat, umalis ka. Kalimutan mo muna ang sarili. Isipin mo siya.  Gela: Kalimutan mo muna lahat. Isipin mo muna ang sarili mo.  Breaststroke:  Gela: Dibdiban ito. Mabigat sa damdamin pero dapat kayanin.  Raffy: Ang bigat. Ang bigat bigat. Pero kayanin mo.  Gela: Ang bigat. Ang bigat bigat. alam kong kaya mo pero hindi masama na tumanggap ng tulong.  Butterfly Stroke:  Raffy: Lumipad ka.  Gela: Kahit gaano kaganda ang relasyon, may taning ito gaya ng paru-paro.  Raffy: Lahat naman may taning. Pero ang importante. Kung gaano ka gumanda. Nagsimula kang bulate, nagtapos ka na may pakpak.  Gela: Lalangoy ba ko palayo sayo? O malulunod nang magkasama tayo?  Raffy: Saan ba ko sasaya? Ang makasama ka? O ang mag-isa?  Gela: Iba't-iba mang langoy.....  Raffy: Ang importante, makarating ka.  Gela: Ang importante, masaya ka.  PUTANGINA NG EKSENA TALAGA NA TO. SHUTA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! GROUPHUG!!!!!  Saka ano ba kasing meron sa shutanginang 7 years na yan? HAHAHAHAHAHHAHA. Pagbanggit ng 7 years, sabay tingin sakin si Mich at Jizon. HAHA! Mga leche! Grabe talaga. Wooooooooooooooooooh! Tsaka di ko pa rin talaga makalimutan yung ang dami nilang tequila shots. HAHAHA! Kainggit. Charot. Sa totoo lang, mas nahigitan niya ang Kita Kita. Huhu. Anonabesh. Paano na lang sa susunod na film ni Direk Sigrid? Huhuhuhu.  Hanggang sa dun sa ending scene. Shutang tinginan yan tapos alon lang maririnig mo. Huhu. PUNYETA! AYOKO NA! BASTA ANG GALING DIN NI JC SAKA RYZA! SHUTA TALAGA! HAHAHAHA! PANUORIN NIYO NA LANG. HUHUHUHU  Hanggang sa susunod na shutanginang film ni Direk Sigrid!  PADAYON!!!!! 
2 notes ¡ View notes
bedsheetproject ¡ 7 years ago
Text
four-ever
matapos ang ilang panahon na hindi ako nagpost dito eto na magpopost na ulit ako. hindi dahil sa may nagsabi sa akin o namilit pero kasi gusto kong magpost ng tungkol sa kanya, yes sa kanya.
naalala nyo ba yung post ko tungkol sa bagong simula? yes kung gusto nyo mabasa, mag backread na lang kayo.
after 4 years kami na. napakasarap sabihin na KAMI na. sa ngayon ineenjoy ko muna yung time na kami at kakaunti pa lang sa mga kaibigan ko ang nakakaalam tungkol sa amin. ang sarap pala talaga sa feeling nung mainlove ka sa tamang tao, naniwala na rin ako sa sinabi ni lola nidora na SA TAMANG PANAHON. tama sa tamang panahon, after ko maghintay ng 4 years nagkalakas na rin ako ng loob para sabihin talaga yung totoong nararamdaman ko sa kanya. (hindi kasi nya nabasa yung post ko about sa kanya - bagong simula) nito nya lang nabasa yun. actually nakalimutan ko na nga na sinulat ko siya kasi ang tagal na rin nun 4 years pero yung pag tingin ko sa kanya sa 4 years na iyon hindi nawala. lalo ko lang siyang hinahanap, bakit ko hinahanap? kasi ni minsan hindi pa kami nagkita, YES! tama ang nabasa ninyo, hindi pa kami nagkita kahit minsan. thru text and chat lang kami nag uusap. kagaya nga nung sinulat ko dati. iba yung feeling ko kapag kausap ko siya. parang nawawala lahat ng problema ko. at ngayon na kami na (yes we’re in an LDR) ito na yun. ito na yung matagal ko ng hinihingi kay Lord, yung matagal ko ng pinagdadasal sa Kanya na bigyan nya ako ng tamang tao para sa pagmamahal ko.
ang sarap lang sa tuwing umaga may babati sa iyo ng good morning! kumain ka na ba? malalate ka na, bilisan mo. ang sarap lang sa pakiramdam na may nag cacare sa iyo na ibang tao. hindi ko maexplain yung feeling.
sa totoo lang hindi ko alam ang gagawin ko kapag nagkita kami, iniisip ko kung susunduin ko ba sya sa airport kapag umuwi siya. kaso kasabay nya family nya kapag umuwi at hindi pa nya nasasabi sa parents nya ang tungkol sa amin. kinakabahan nga ako parang hs lang kasi hindi ko magiging reaction ng parents nya kapag nalaman na may bf siya na mas matanda sa kanya ng 8 yrs. oo 8 years ang agwat namin. anu naman kung 8 years? ang importante nag kakasundo kami sa mga bagay bagay at masasabi talaga namin na love namin ang isa’t isa. mula nung nagsimula ako mag vc sa kanya walang palya na tumatawag ako palagi sa kanya. kasi yun lang yung paraan para magkasama kami. kapag nasa work naman ako chat lang. ok na ako dun. masaya na ako. ang babaw ko ba? wala ganun nga siguro talaga kapag matindi tama nung pana ni kupido sa iyo.
at para sa iyo mahal, wag kang mag alala kagaya ng promise ko sa iyo, hihintayin kita umuwi, mag hihintay ako sa iyo. mahal na mahal kita. yung promise ko na sana ikaw na ang last. sana nga ikaw na ang last, kasi ikaw na yung gusto ko maging forever. four-ever diba? kapit lang mahal. lagi mong tatandaan nandito lang ako palagi if kailangan mo ng kausap or kelangan mo mag vent out sa binibigay sa iyo ng buhay, handa ako makinig at icomfort ka mahal. 
maraming maraming salamat sa pagdating sa buhay ko., mahal na mahal kita. @lumilipadnadolphin para sa four-ever. i love you! I LOVE YOU!!!!
4 notes ¡ View notes
daniellenotdaniel ¡ 7 years ago
Text
Things I learned from my current relationship
Have privacy
At first, I was the same as almost every girl na gustong may access sa accounts ng boyfriend niya including his passcode sa cellphone. Everyday, I’d scroll endlessly sa messages niya sa facebook hanggang sa hindi ko na namamalayan na nasa last last year messages na pala ako. I’ll find myself reading old conversations niya with his ex and ended up feeling jealous kahit na past naman na yun. Yun mostly nagsisimula halos lahat ng mga away namin before. Then we had a deal to keep things (social media accounts) to ourselves nalang and it helped, actually. Na-lessen na yung fights regarding pasts and mas nag strengthen yung trust namin sa isa’t isa. 
Lesson learned: What you don’t know won’t hurt you.
More security
Wala nang mas sasarap pa sa pakiramdam na alam mong sa’yo lang yung taong mahal mo. Everyday (for real) we’d make sure na sasabihin namin sa isa’t isa na “Sa’yo lang ako” or kaya naman “Akin ka lang ha?” just for us to feel more secure. Funny how cheesy it sounds but believe me, sobrang sarap sa pakiramdam masabihan ng ganun. He always like to sweet-talk in a good way and for that, I am blessed. Anyway, for me, I think it is very important for partners to reassure themselves in a way na both of them will never forget kung ano ba talaga sila sa buhay ng isa’t isa. Hindi naman sa kinakalimutan pero as a way of making lambing na din.
Be open
Bukod sa legs mo bes (char hahaha ang informal na), dapat lagi ka din open sa mga thoughts and opinions mo lalo na kung malaking factor yan ng relationship niyo. Kung galit ka, sabihin mo. Kung naiinis ka, sabihin mo. Kung ano man yan, dapat sabihin mo hindi yung bigla ka nalang tatahimik sa isang tabi tapos magagalit without your partner knowing the exact reason kung bakit ka nagkakaganyan. Minsan kasi, mas maganda yung straightforward ka kesa maging pabebe ka kasi it would just cause more harm. Tsaka ka nalang mag pabebe kapag nandun na kayo sa lambingan portion. 
Love his/her imperfections
Natutunan kong mahalin yung imperfections niya kasi kasama yun sa pagkatao niya. Yung imperfections niya yung kumukumpleto sa kanya. Nangako ako sa kanya na mamahalin ko yung buong pagkatao niya at kasama na dun yung imperfections niya. Dun ko din na-realize na sa process ng pagtuturo mo sa sarili mo kung pano mamahalin yung imperfections niya, dun din dumadating yung feeling ng completeness. Yun bang parang sa sobrang pagmamahal mo na sa kanya, maski yung imperfections niya hindi na enough reason para mag cheat ka. Gets mo ba? Madalas kasi sa isang tao, kaya siya nag chi-cheat it’s either nakulangan siya, or hindi siya masaya sa kung anong nakikita niya.
Give and take
Sa lahat siguro ng natutunan ko, eto by far yung pinaka importante sa lahat. Bes, hindi pwedeng take lang ng take at hindi din pwedeng give lang ng give. All is fair in love and war nga daw eh diba, so you need to be fair. Give and take hindi lang in terms of panlilibre and effort stuff. Give and take din sa love. Masakit kapag give ka lang ng give tapos wala ka namang nakukuha in return. And gago ka din as a person kung take ka lang ng take at wala ka namang binibigay. Okay na yung hindi ka ma-effort na tao pero sobrang generous ka naman sa pag bibigay ng pagmamahal. Pero have limitations and set boundaries kung sa tingin mo eh hindi naman niya kayang mag give at take lang siya ng take. Ikaw rin naman ang masasaktan sa huli.
2 notes ¡ View notes
serendipity2112-blog ¡ 6 years ago
Audio
Angela,
I know this message is long overdue. But I still wanted to let you know even if it is too late now. Pagod na pagod na ako at hirap nang magholdback ng mga nararamdaman ko. Ang dami dami kong gustong sabihin sayo. Ang dami daming bumabagabag at gumugulo. Unsaid thoughts and feelings. Naisip ko na lang na wala naman na, so wala naman ng mawawala if I would let you know. I’m sorry pero hindi ako contented with how things ended between us. Sabi kasi natin pag uusapan natin personally whatever your decision is. Di ako nakareply agad sa message mo nung nagpaalam ka because I cannot find the right words to say. Baka kung ano lang din masabi ko eh and ininternalize ko pa yung pangyayari. Kahit na I saw it coming, nabigla pa rin ako. Sobrang nasaktan ako. Sobrang nawasak. And sa tone ng message mo, parang hindi ka naman na nagpapapigil, parang decided ka na. I can still remember nasa Starbucks ako nung nagmessage ka, I ordered your favorite drink, caramel macchiato na hindi upside down diba? Nung nabasa ko, bigla na lang ako nagbreakdown. Wala eh, mas weakshit ako. To tell you frankly, I felt disrespected, parang naiwan ako sa dilim, completely shattered and clueless. Ang dating saken, parang nag message ka lang to get away with it. Tapos ako, bahala na ako magdeal sa decision mo at sa aftermath kung paano ko tatanggapin yun and paano na ako magdeal sa buhay ko. Sana kung alam mong makakasakit ka, sana you took steps para kahit papaano malessen yung pain. Honestly, wala ako naramdaman ni ounce of regret sa message, di ko man lang naramdaman yung heartfelt thought sa parting words. Don’t I deserve the truth? Parang hanggang dulo, di ko man lang nalaman yung totoong nangyari.
Kung hindi ba sya nag confess sayo sa Twitter nung September 12, okay pa kaya tayo? Anong nangyari nung September 19? I thought yung pressing issue is yung hindi ako out kasi yun yung sabi mo nung humingi ka ng space diba? Sawang sawa na kasi ako majeopardize yung relationships ko dahil hindi ako out. So, sumugal ako for you. You’re that risk I’m always willing to take. Pero nung okay na, akala ko magiging okay na rin tayo eh. Pero hindi pala talaga yun yung core. Nahirapan ako tanggapin na iniwan mo ko para subukan ulit yung inyo. I’m sorry if ang bitter ko. Sobrang nasaktan lang talaga ako. Sabi mo rin you care for me, pero hindi ko na rin naramdaman nung dulo. How can you claim that you care for someone and just leave them hanging? Diba dapat hindi naman nawawala agad agad yung concern, if you genuinely care about the person. Hindi naman short-lived yun. You did not bother yourself to check on me even once. Ako, I tried to find ways to see how you were doing even if we were not talking. Parang ano, sobrang disposable na lang kung anuman yung meron tayo. Ang dali mong ipinatalo ng lahat eh. Ganun ganun lang. Sobrang dali mo akong cinut-off sa buhay mo. Tapos sasabihin mo na you care for me and seryoso ka saken. How could you tell me na importante at mahalaga ako sayo pero ang dali mo kong binitawan. Na parang wala lang talaga yung satin. Ang bilis mo mag move forward without me while I’m stuck trying to figure out how to move on without you. How could you go on with life as if nothing happened? I’m trying to understand. Maybe, I did not mean as much to you as you say. Ang contradicting nung actions and words. Sobra. I’m sorry pero naging ganun yung dating saken.
Yung pinakamasakit is yung feeling ng betrayal. Kasi ang hirap tanggapin na I opened up myself to you wholeheartedly, completely trusting you na hindi mo ko sasaktan at iiwan. Yun yung pinakamasakit dun. Pero diba yung may power lang naman makasakit satin is yung mga taong truly nagmamatter satin kasi hindi ka naman masasaktan sa mga taong wala kang pakialam. Pero alam ko may kasalanan din ako, pinaniwala ko yung sarili ko na kaya mo na ibigay yung buong sarili mo saken kahit na alam ko na kagagaling mo lang sa isang long term relationship. I’m sorry if nag expect din ako. Di ko man lang naisip na kelangan mo ng adjustment period, kumbaga, bagong salta ka sa isang lugar, kagagraduate or kalilipat ng work. It will take time para maalis yung mga nakasanayan mo sa sistema mo. Maybe you tried to find ways to get over her by letting someone in and it just so happened na ako yung nandito. For a while, it made you feel good, kasi kung ano yung attention na hindi mo makuha sakanya, nakukuha mo saken. Naramdaman ko naman, Anj, na tinry mo rin talaga to work things out with me. Pero fact remains na sya pa rin. Nagbreak lang naman kayo eh. Di naman nawala yung love, it’s just that hindi na lang talaga nagwork. So naiintindihan ko na kung bakit mo ko nagawang iwan sa ere. Alam ko yun yung dahilan. Pero iba pa rin talaga kapag sayo galing eh.
I’m sorry, Anj. Eto lang talaga yung nararamdaman ko. I don’t have any intentions to make you feel bad about yourself pero kailangan ko lang ilabas ‘to kasi ang sakit sakit at ang bigat bigat kimkimin, and gusto ko rin malaman mo 'to, yung damage na nagawa mo. Para next time maging aware ka na sa actions mo. Ayokong itolerate yung ginawa mo. Sobrang cruel at chaotic na ng mundo, wag na natin dagdagan, let’s be kind to other people. Sana ako na yung huli. We can’t control other people, pero in the end, tayo pa rin magtuturo sa kanila how they should treat us by the things we do and do not allow them to do to us. I can never see tolerating someone’s wrongdoings as an act of love.
Pero that’s all in the past now. I’m slowly learning to accept things and forgive you for the things that made me hurt. Sana ako rin. Sana mapatawad mo ako sa mga naging pagkukulang ko. Sana mapatawad mo ako sa mga bagay na nagawa ko at hindi ko nagawa, sa mga salitang nasabi ko at hindi ko nasabi, at sa mga emosyon na naiparamdam ko at hindi ko naiparamdam. Na nakapagbigay ng sakit at bigat sayo. Hindi ko sinasadya. Hurting you is the last thing I would ever want to do. Hangad ko lang naman yung kasiyahan at kabutihan mo. Kaya patawad kung minsang naging dahilan ako ng bigat at lungkot mo.
Anj, minahal kita. Sobra pa sa inaakala mo. At minamahal pa nga. I wish I had the guts to tell you how I feel about you but I did not want you to feel like I was rushing things. Gusto ko dumaan tayo sa proseso at stages eh. Trust the process diba? Lagi ko sinasabi sayo dati, I really wanted to work things out with you in the right way. Kaya ingat na ingat ako kung paano yung atake ko satin. Sana naiparamdam ko sayo yun kahit hindi ko nasabi. I cannot remember when or how, I guess it just happened naturally and gradually over time. Nahihiya nga ako sayo, baka you would find it weird or creepy kung paano ko sinasabi sayo ngayon na minahal kita. Na apat na beses lang naman tayo nagkita at online lang naman tayo nagkakilala. I do not know if you felt the same way or if we were on the same page pero I felt that what we had was real. I would like to believe that there was really a connection. Deep down, I know it in my heart and I really felt every moment with you. I’m sorry if nabilisan ka, but I believe that the heart has no clock, it knows no concept of time. Hindi ko rin alam kung ano ang minahal ko sayo o kung bakit kita minahal. Basta naramdaman ko na lang eh. You made me feel things I never thought I was capable of feeling. Hindi ko alam kung paano mo nagawang iparamdam yung magkakaibang emosyon saken nang sabay sabay.
Sobrang ganda mong nilalang. Panong hindi kita mamahalin kung binuksan mo yung buong pagkatao mo saken? Kung paanong pinapasok mo ako nang walang takot, walang alinlangan at walang pangamba sa kasuluk-sulukan ng pagkatao mo. Pinagmasdan kita, bawat kilos at galaw, bawat salita at gawi. Kinabisado kita sa araw araw na lumipas. Hindi ko na lang namalayan na habang pinag-aaralan kita ay unti-unti na pala kitang natutunang mahalin.
May mga oras na bigla bigla na lang kitang naiisip. I would just close my eyes and remember how you would look at me when we were together. Sobrang naooverhwelm ako kapag naalala ko yung mga pinagsaluhan nating sandali, sometimes, my eyes start to well up. What we had was rare and too beautiful to be forgotten. I can’t help but look at you when you talk. When I look into your eyes, it’s as if I’m staring directly into my soul. I don’t know if you felt it. But when I met you, it’s as if I’ve known you for so long. Maybe for you, it was just for a moment. But for me, it felt infinite and surreal. At ayoko na sanang kumawala pa sa mga mata mo.
Minsan, sa sobrang ingay ng mundo, sa sobrang gulo, sa sobrang dami ng tao, hindi ko na marinig yung sarili ko. Pero kapag naiisip kita at kung paanong minsan nagkasama tayo, kumakalma ako at napapanatag at alam ko darating din yung panahon na magiging okay ako at magiging okay ang lahat. Kasi yun yung pinaramdam mo saken nung nandito ka sa tabi ko. Na lahat kakayanin ko basta kasama kita. For once, I found my solace. For once, I found my peace. When I found you. I felt that I belong to someone even if it is only for a short while. At sobrang sarap sa pakiramdam. Thank you for making me feel safe. For accepting me when I was vulnerable. For making me feel invincible. I just hope kahit papaano you also felt safe when you were with me.
Namimiss na kita. Namimiss ko nang kinakamusta natin yung araw ng isa’t isa. Namimiss ko na lahat ng mga kwentuhan nating dalawa. Kung pano mo ko tanungin kung kumain na ba ako at kung ano ang ulam ko. Namimiss ko na yung katigasan ng ulo mo kapag pinapainom kita ng gamot. Namimiss ko na magsumbong sayo. Kung paano ko sinasabi sayo lahat ng bagay na nakakapagpasaya, nakakapagpalungkot saken. Lahat ng bagay na gusto at ayaw ko. Kasi ikaw lang yung pipiliting intindihin ako kapag ako mismo hindi ko na maintindihan sarili ko. Namimiss ko na makinig sayo kapag nagkkwento ka, kapag nagsusumbong ka, kapag may nangyari sa araw mo kahit gaano pa kaliit, gustong gusto kong nalalaman yun. Namimiss ko na yung pakiramdam kapag magkikita tayo. Kung paano mong pinapakabog yung dibdib ko kapag makikita kitang papalapit na saken. Kung paanong pakiramdam ko tayong dalawa lang yung tao sa mundo kapag magkasama tayo kahit napakaraming tao sa paligid, everything else was just background noise. Namimiss na kitang pagmasdan kapag may ginagawa ka at hindi ka nakatingin, sobrang ganda mo at sobrang swerte kong nakikita kita sa mga sandaling yun.  Namimiss ko na hawakan yung mga malalambot mong kamay na minsang pinangarap kong makadaupang palad ko habambuhay. Namimiss ko na yung mga yakap mong napakahigpit na tila ba ayaw na akong pakawalan. Namimiss ko na kung paano mo kong napapakalma kapag pakiramdam ko sasabog na ako. Hindi ko alam kung pano mo nagagawa pero kahit wala kang gawin basta malaman ko lang na anjan ka, nagiging okay ang lahat.
Sobra akong nagpapasalamat kay Lord sa lahat ng pinagsamahan nating dalawa. Hindi ko alam anong dahilan kung bakit tayo nagkakilala at hanggang ngayon iniisip ko pa. Pero I am forever grateful. How lucky I was that we came across each other in this lifetime. It was so magical. Sa bilyong tao sa mundo, what are the odds na magkakakilala tayo? Up until this day, I still can’t believe how fate brought us into each other’s lives back then. I could have gone to a different place during that day. You could have been asleep during that time or you could have watched a movie or two. But no, we beat the odds, our paths crossed. The stars have aligned and the universe conspired for us to meet. I consider it a miracle… meeting you. And for that I will forever be grateful.
Angela, maraming salamat sa maiksing panahon na pinagsamahan nating dalawa. I will always treasure these moments in my heart. Anywhere I go and no matter how much time passes, I will always carry you in my heart. It was really nice knowing you, I mean it. I cannot thank God enough for the opportunity to get to know you. Thank you for opening yourself up to me, for entrusting me your vulnerabilities. Salamat sa napakasayang simula at gitna. I would not want to have it in any other way. Wala akong pinagsisisihan. Salamat sa mga panahong sinamahan mo ko sa byahe ng buhay nung mga panahong hindi ko alam kung saan ako papunta o kung sino ang mga makakasama. Salamat na sinubukan mong pasukin at alamin yung mundo ko. Thank you for taking the time and effort to get to know me, kung sino ako, kung ano yung mga nakakapagpasaya at nakakapagpabigat saken. My heart is full with the thought that there was a time, you imagined your life and future with me. Na for a while, you made me feel special and you also found ways to make sure I was happy. I cannot thank you enough.
The only regret that I have is I just wish we had more time. Sobrang dami ko ng mga bagay na napicture out with you. Ang daming plans. Akala ko nga for the first time, I would spend my birthday with someone. Naalala ko nung sabi mo na sasalubungin natin birthday ko. Remember, magbubuffet sana tayo. I was really looking forward to that. And yung badminton date, tapos dalhin kita sa JT’s after. Yung manunuod tayo together ng volleyball game sa FilOil next year sa UAAP. Yung ATV at spa sa Rizal. Akala ko rin finally may movie buddy na ako kapag manunuod ng sine. UST date. Bowling din sana tayo kasi sabi mo di mo pa natatry. Intramuros date. Museum date. Magmamarathon tayo ng series together. Ipapatikim mo pa sana saken yung spaghetti at baked tahong. The list goes on… Wala lang, I just wished we were able to do all these. But hey, it’s all good. No worries.
We were never together but I’d like to think that we were almost getting there. I fell for you so hard, I don’t think I will ever recover. We were a damn good team. Our conversations lasted for God knows how long jumping from one topic to another. And I think it’s safe to say there was never a dull moment with you. I love you like I’ve never felt pain. I wish you felt that I gave you my all and I tried to be the best for you. I love you with all the inconveniences love can bring. Even if it means staying up late with you to talk about things that bother you, or to think of funny things to make you smile, or to reassure you at times when you doubt yourself. I love you in an “I respect you too much to get in the way of your peaceful happiness” kind of way. I don’t want to deprive you of the people and experiences life has to offer you.
Some nights I cry myself to sleep talking to God about you, thinking about you, wondering how you are, who you are with or what are you doing. Did you take your meds on time? Were you able to attend to your medical exam and check-up? Did you bring an umbrella? Were you able to wake up at the sound of your alarm? Were you late? Did you get home safely? Did you have a good night sleep? I have so many questions to ask you back then but I didn’t have the courage. Did you think we met in the middle? Did you remember me the way I remember you in almost everything? Did you wish for a future for us? Did I matter to you as you mattered to me? The list goes on and on but their answers I may never know. And I prayed for you everyday. Asking God to always keep you safe.
You are beautiful yet so unaware of it. Even if you don’t believe it. Hindi ako mapapagod sabihin sayo na maganda ka. I wish you could see yourself through my eyes. Para makita mo kung ano yung nakikita ko sayo. I wish I could be there for you everytime. I want to be there for you, to tell you that I believe in you. To reassure you at times when you doubt yourself. I want to encourage you to keep going and remind you how wonderful you are. To tell you that you are destined for greater things and that you can accomplish your dreams and more. Gustong-gusto kita samahan sa buhay. Gusto kong iparamdam sayo na hindi ka nag-iisa. Na may kakampi ka sa lahat ng pagdadaanan mo. You are a rare gem to find, a gift sent from above. I want you to realize how important and how precious you are. That you matter and you are very special.
You know the thing that I really admire the most about you is how selfless you are. Nagawa mong isantabi muna yung pangarap mo para matulungan yung mga magulang at kapatid mo. Sobrang bilib ako sayo at sobrang hinahangaan kita dahil mas inuuna mo yung ibang tao kesa sa sarili mo. Na ayos lang ikaw yung mawalan basta sila mapunuan mo.  
Gustung-gusto ko ibigay yung puso ko sa susunod na taong mamahalin mo. Hindi para mahalin mo ko pabalik. Kung hindi para mahalin ka nya nang buong-buo at nang may sobrang pag-iingat. It pains me knowing that you have been hurt in the past by the people you love the most. Nadudurog yung puso ko kasi hindi mo talaga deserve yun eh. I’m sorry you had to go through that. I pray that one day you will be loved the way you deserve to be loved. Kahit na gustung-gusto ko na ako yun. God knows how I really wanted it to be me, but the timing was never right or the right time might never come. Anj, you deserve the greatest and purest kind of love.
Sabi mo dati saken, kahit gano kaliit pa yung bagay na nangyari nung nakaraan, may malaking impact yun sa kasalukuyan. Na lahat ng bagay nangyari dahil may dahilan. Everything that happened lead to everything that is happening. I was amazed kung paanong naghabi habi lahat ng pangyayari nung nakaraan para magkakilala tayo. I never believed in magic, but that changed when you came into my life. Every moment with you was magical. Whenever we were together, all I could think about is how you could be anywhere in the world, and yet, there you were with me. And I could not help but thank God and wonder what did I do to get so lucky. Magic was not created for us to understand how it works. It was created to make us believe and convince us that the things that are to good to be true or moments that are too impossible to happen could become a reality. For me, it was you.
Ang sa akin lang naman wala na rin naman, I could not let you completely slip away without telling you exactly how I feel about you. I just wanted you to know that I accepted and I loved the entirety and reality of you. Tanggap kita buong-buo. Wala ka kailangan baguhin sa sarili mo. Sobrang ganda mo pa rin inside out. You are wonderfully flawed. Anj, hinawakan kita nang may sobra sobrang pag iingat. Sana naramdaman mo yun. Ang dami dami nating pinagsaluhang sandali. Lahat ng mga yun nakaukit na sa puso ko. Bawat kwento at detalye na ibinihagi mo saken, hinding hindi ko malilimutan. All your secrets and fears are safe with me. And I want you to realize that you are so much more than those.
I do not know what the future holds, but one thing is for sure. I love you. No, you do not have to do anything about it. Wala ka namang kasalanan, naging ikaw ka lang, kung sino ka. Just let me love you from afar. Ako na bahala sa lahat ng mga iniinda ko. Ang hirap masanay at gumalaw sa mundo na nasanay akong anjan ka. Pero kakayanin ko na ito mag isa. Ang intindihin mo yung sarili mo. Maiksi lang ang buhay. Always choose what makes you happy. Always smile. Maganda ka na pero mas maganda ka kapag nakangiti. Iingatan mo palagi ang sarili mo at ang puso mo. Always pray ha?
Anj, mahal kita.
Minahal ko ang lahat ng kakulangan at kalabisan mo. Minahal ko ang lahat ng kalakasan at kahinaan mo. Minahal ko ang nakaraan at kasalukuyan mo. At minsan, umasa ako na mayroong kinabukasang magkasama tayong dalawa.
Sa huling pagkakataon, hayaan mong ipaalala ko sayo na kamahal-mahal ka.
You deserve nothing but the best.
You are amazing.
You are always worth it.
  You were both my home and my greatest adventure.
0 notes
whenjanhellewrites ¡ 7 years ago
Text
Draft email
I just want to talk to you.
Not talk in person, kasi alam ko naman na hindi mangyayari.
I’m sorry kung nagparamdam pako; no intention na guluhin ka pa. Wag ka nalang magreply ha. Or kung nabwisit ka, lalong wag mo nako replyan ng nakakahurt na salita; alam ko na mali na mag-email pako. Delete mo nalang agad. Wag mo na basahin.
Yung ganto lang, ewan ko, namimiss ko lang siguro.
Namimiss mo rin naman siguro yung non-stop na pagsasalita ko. Yung mga kwento ko.
Don’t even think na pinipilit na naman kitang bumalik sakin. I’ve move-on. Totoo. Seryoso. Wala na sakin yun, kinalimutan ko na. As in, kung iisipin ko nga yung mga pinaggagawa ko that time natatawa na lang ako eh.
Namimiss lang kita.. after all these time.. kahit anong pilit ko, kahit ayaw ko na talaga, ikaw pa rin yung naiisip ko. Araw-araw. Napapanaginipan pa nga kita.
May one time nga, napanaginipan kita na magkasama na tayo tas sabi ko “magkahiwalay na tayo ah, baka panaginip ko lang yun” sa ganong extent. Haha.
Napapaisip lang ako na bakit kailangang maging complicated. Pero siguro nga, hindi ko naman maipipilit na mahalin mo nalang ulet ako para tapos na.. wala naman akong magagawa kung talagang waley na eh.
Naniniwala ako na love ang makakapagpabalik sayo.. kung wala na, wala na talaga. At alam ko na kung totoo yung “love” kahit gaano katagal, gano kahirap, hindi magababago. Sabi nga, absence makes the heart grow fonder.
And naniniwala ako na sa love, walang takot, walang pride, walang hiya or pagaalinlangan. Kung mahal mo talaga ang isang tao, kaya mong ipaglaban.
Masaya naman na ako pero iba yung saya nung kasama pa kita.. ang kulet kaya natin. Apat na taong ganon kaya siguro ang hirap kalimutan. Kaya nga nung naghiwalay tayo parang mas masakit na puro masaya ang naalala ko.
Napapaisip rin ako na sana, kung di pala para sayo yung tao hindi nalang talaga sana kayo nag-click. Alam mo yun? Sana kung di pala talaga tayo sa isa’t isa, sana hindi nalang naging masaya.
I honestly thought you were the one. Iba talaga eh.. kaso baka ako lang ‘yon haha.. Kung will naman talaga ni Lord, I’m sure sating dalawa nya irereveal ‘yon, I’m sure kung talagang tayo, hindi lang ako pati ikaw nararamdaman mo yon.
Hindi ko pa rin magets pero iniisip ko nalang na napressure ka. To tell you honestly, ako rin naman natakot. Hindi ko lang maamin sayo na hindi pa ako handa noon. Siguro ayaw ko lang din na saktan yung feelings mo. Gustong-gusto ko nang maikasal tayo non; pero iba pala talaga yung “gusto ko” sa “ready na ako”..
1st monthsary palang natin, pinangarap ko nang maikasal sayo. Hahaha. Siguro ganon lang talaga ako ka-sure non na gusto kitang makasama panghabang buhay. Kainis, antagal kong inintay ‘yon, antagal kitang kinulit then biglang wala pala. haha
Nung naghiwalay tayo nadepressed talaga ko. Pakiramdam ko ang sama sama kong tao.. galit na galit ako sa sarili ko, bumaba tingin ko sa sarili ko. Lahat ng insecurities ko lumabas. I felt that I would never be good enough for anyone. Pero naisip ko na wala din namang makakatulong sakin kundi ako rin.. nung hindi ko na kaya don talaga ako nagsurrender kay God. Don ko sya mas nakilala.. yung bigat sa puso nawala talaga. Ang sarap lang sa feeling na alam kong kapag wala nang nagmamahal sakin, I still have God who loves me for me.. yung hindi ako iiwan.
Tuwing nagpapray ako, naiisip ko na ang sarap sana kung kasama kitang nagprapray with me. Na sana nawitness mo rin yung mga ginawa ng Panginoon sa buhay ko.. and I know you'll be touched. You'll see Him as He is na talagang He's more than how we knew He is.
Alam kong soulmate kita.. kasi never ako nakameet ng taong parang kilala ko na buong buhay ko.
Alam kong gusto mong maibigay sakin ang lahat.. siguro nga mejo wrong timing. Pero sana naintindihan mo non na hindi ko kailangan ang kahit na ano; ikaw lang sapat na.
Nung pinagaayos ko na yung mga bigay mo sakin, nabasa ko pa yung letter mo dati.. na happy ka na dumating ako sa buhay mo, na dati loner ka pero nung nagging tayo naging masayahin ka na. Sana masayahin ka pa rin kahit wala na ako.. wag ka na bumalik sa pagiging loner.
I don’t know if I apologized sincerely pero nagsosorry ako sa mga nasabi ko sayo. Mapagmataas ako, and selfish. Kapag nagagalit ako, sariling pakiramdam ko lang ang iniisip ko.
Huwag na huwag mong iisipin na mahina yung utak mo o kahit ano. I’m really sorry if I made you feel that way. Hanggang ngayon, ang sama pa rin sa pakiramdam ko na nasabi ko ‘yon sa isang tao, especially sayo. You are better than you think. Idol nga kita eh, kasi kung anong kahinaan ko ikaw ang pumupuno. Sayo ako natuto maging matatag, na maging matapang. Bilib ako sa confidence mo; sa lakas ng loob mo.
Wala nga ako masabi sa ibang tao kundi mabubuting bagay about you.. kahit hanggang ngayon. Hindi ko masabi na naghiwalay tayo kasi “ganto ka” kasi hindi naman talaga. Hindi ganon ang pagkakakilala ko sayo. Siguro nga sumuko ka lang; or napuno sakin. I wouldn’t know.
Nalulungkot lang ako dahil ewan ko, pakiramdam ko ang layo-layo mo na sakin. Alam ko weird, pero sana maging magkaibigan tayo. Nalulungkot lang ako kasi, pakiramdam ko, galit ka parin sakin.. Sana lang alam mo na hindi naman talaga ako masamang tao. Ang sad lang na nawalan ako ng bestfriend, ng travel buddy, ng kalokohan… ang dami kong namimiss. (pati luto ni mommy mo.. si wigsy huhu…). Alam mo nga nung naghiwalay tayo, palagi ka paring inaatay ni Funa sa may pintuan namin every Saturday. Mejo tumatanda na si Funa, matamlayin na sya.. nalulungkot ako kasi alam kong gusto ka pa rin nyang makita.
Sabi ko nga, in time, mawawala din ‘to… siguro kapag may dumating na ulet sa buhay ko. Pero for now, ikaw pa rin talaga eh.. sorry.. may mga nagpapaamdam naman pero gusto ko talaga yung may “fly away” tooth.. hahaha.. at yung aalagaan ako kapag may pigsy ako hahahaha. Pero totoo, okay naman ako na single, kung dumating edi darating. J
Nakakatuwa na mas natututo ako sa relationships nung wala na ko sa relationship. Kailangan ko rin talaga para maging ready na ako sa susunod, kasi sisiguraduhin ko na yung susunod, sya na talaga. I’m praying. Alam ko naririnig ni Lord lahat ng prayers ko..
Napag-isip isip ko na mabuti pala talaga naghiwalay tayo noon.. kasi kung nagpatuloy tayo sa wedding na hindi tayo natututo, mas nakakatakot. We needed this time to learn... to mature.. to appreciate more. Andami kong natutunan sa nangyari. Andami kong narealize. Kailangan talaga siguro na matuto tayo the hard way.
Mapride talaga tayong dalawa. Ayaw nating magpatalo sa isa't isa.. Love is being selfless. It is understanding the other person rather than your own issues. Sana natuto tayong makinig sa needs ng isa't isa. Kahit palagi tayong magkatext, magkafacetime, magkasama... lack of communication din yung naging problema satin. Sana sa bawat away natin nagusap tayo at sinulosyunan natin. Sana nagsakripisyo tayo para sa pangangailangan ng isa't isa. Sana natuto tayong magpakumbaba.
At sobrang importante talaga na si God ang unang mahal natin. AMinado ako na naging idol kita, na parang mas mahal pa kita kay God which is sobrang mali. Sayo lang umikot ang buong mundo ko.. kaya siguro naging possesive ako.. selosa.. etc. Mas matatag talaga ang relationship kung God centered. Kung parehas nyong inuuna ang Panginoon above all else.. kasi by loving God first you'll learn how to love your partner better.
Sana ikaw rin maraming natutunan.. and totoo na I wish you all the happiness you deserve. You can't really change a person, you just need to accept them and love is about acceptance.
Okay na okay na sana tayo.. as in.. perfect fit. Sana we realized everything sooner..
Minsan kasi ginagawa lang complicated ng mga tao yung buhay nila... kaya naman eh.. natatakot lang.. and ayokong pagsisihan tayo buong buhay ko.. ayokong pagsisihan na hindi ko sinabi 'to lahat sayo.. ayokong pagsisihan na wala akong ginawa.. ayokong pagsisihan na hindi ko inilaban... ayokong pagsisihan na natakot ako.
Anyway, Sasabihin ko lang sana na nacancel ko na yung sa wedding. Okay na. Tho hindi technically nacancel kasi bawal daw icancel.. wala ako nabawi sa money, okay lang, di naman mahalaga yon.
Yun lang. Basta kung may mareceive ka pang mga ganto sakin, Ignore mo nalang, mejo hirap lang ako magpigil sa sarili or block mo nalang din ako dito sa gmail, di ko naman malalaman.
...
P.S. Ipinagdarasal ko nalang na kung hindi man ikaw talaga, tulungan nalang ako ni God na makalimutan ka.. I surrendered to God na. I know if He's working on me, He's working on you too.. so we can be better.. so we can love better. I pray that He heals the both of us..
Andami pa nating di nagagawa, andaming lugar na sana pinuntahan natin.. sobrang dami pa..
Yun lang.
Please don't reply.
0 notes
abalajadia21 ¡ 7 years ago
Text
Anong klase kang KAIBIGAN?
Marami ang klase nang Kaibigan: 1. May kaibigan na karamay mo sa lahat nang oras at pagkakataon. Ke mahirap o masaya andyan siya parati palaging nakaalalay sa'yo kahit na anong mangyare. 2. May kaibigan na kaibigan ka lang pag nagkikita kayo pero mga walang paramdam. Ni "Hi o Hello" kahit sa messenger lang wala. O kahit man lang like wala. Pero pag nakita ka akala mo super friends kayo. 3. May kaibigan naman na naaalala ka lang pag may kailangan. Dinedeadma ka pag walang ganap sa buhay nila pero pag nangailangan sila feeling close at bff's na ulit kayo kung makahingi nang favor. 4. May kaibigan na kapag naiinlove nakakalimutan ka. Pag single parang super friends kayo, hindi kayo mapaghiwalay. Pero pag nagka-lovelife na, madalang pa sa patak nang ulan pagkikita nyo. Lagi syang busy kuno pero pag namrublema sa jowa, babalik sa'yo para sabihin lahat nang sama nang loob nya. 5. May kaibigan ka sa trabaho na super close kayo sa opisina pero paglabas ni hindi mo na makontak kasi may pinagkakabusy-han daw. Dami kuda sa buhay pag nasa opisina kayo pero pag-out nyo hindi ka man lang kasama sa mga lakad niya. Not unless team building nyo. 6. May kaibigan din na isang tawag o text mo lang andyan na. Handa kang tulungan o damayan o samahan kahit saan man. Hindi nagmamadali sa oras at hindi maiinip na kasama ka. 7. May kaibigan na mahilig sa libre. Yung busy busy kunwari pag niyaya mo pero pag sinabi mo ang magic word na "my treat" mabilis pa sa alas kwatro bihis na sya at biglang hindi na busy. 8. May kaibigan na pabebe. Yung mga papilit. Yung andaming arte. To the point ang sarap sampalin o ingudngod ang mukha sa lamesa. Sasama sama pero ang dami pang arte. O dili kaya sasama din kailangan pang pilit pilitin. Pa-importante ang peg. 9. May kaibigan na laging late. Yung sasabihing "on the way" na pero naliligo palang. In short paghihintayin ka nang 1 hanggang 2 oras. Isinasapuso nila ang Filipino time. 10. May kaibigan na ang hilig umutang pero hindi naman nagbabayad. Pag sisingilin mo andaming rason at sila pa ang galit. Pero kung makapag post sa social media eh may bago siyang bag/sapatos/damit/gadgets o kaya naman nagtravel sa ibang lugar o kaya kumain sa mamaling restaurant. 11. May kaibigan na know-it-all. Andaming alam. Lahat nang topic alam niya kuno. Tsismis man o hindi. Pero pag tinanong mo naman sasabihin na nakita nya sa ganun or nangyare kay ganyan. Akala mo naman naexperience nya kung makapag kwento pero nasagap lang naman din pala nya sa iba. 12. May kaibigan din na mahilig sumawsaw sa usapan nang iba. Parang kaibigan na know-it-all din. Lahat alam niya. To the point na maiirita ka na kasi andami nyang ikukwento kahit alam naman ninyong lahat na hindi siya kasali sa usapan. 13. May kaibigan din na madrama sa buhay. Yung parang ang bigat bigat nang mundo para kanya. Yung hindi na nawalan nang problem kaya pag nakausap mo kahit sing ganda ni Liza Soberano ang feeling mo ay papangit pakiramdam mo kasi puro kadramahan at bad vibes nasagap mo mula sa kanya. 14. May kaibigan ding KJ o kill joy kung tawagin. Yung lahat kayo nagkakasayahan tas bigla nalang siya aariba na uuwi o aayaw kahit lahat gusto. Sarap sapakin di ba? Gusto lahat mag adjust sa kanya. Panira nang mood at araw ang peste. 15. May kaibigan ding war freak. Yung lahat aawayin. Basta taliwas sa gusto niya at feeling na inargabyado siya o nabastos, mang-aaway nalang bigla. Walang pasensya sa kapwa. 16. May kaibigan din naman na tanga. Inaabuso na nang iba o nang jowa nya kahit kulang nalang iuntog mo ulo nya sa pader ayaw ka paring paniwalaan. Mas pipiliin parin nyang makisama sa mga umaabuso sa kanya. Kaya ending hihintayin mo nalang magsabi siya sayo na pagod na siya at iiyak at sasabihing "tama ka. sana nakinig ako sa'yo noon". 17. May kaibigan din na may amnesia. Yung kulang nalang ilaban mo siya na patayan at tulungan siya sa lahat nang pinagdaanan niya pero nung umayos na buhay niya hindi ka na niya kilala. Ni kamustahin wala ka nang maririnig sa kanya. In short, ginamit ka lang. 18. May kaibigan din na walang utang na loob. Nung walang wala siya ikaw ang takbuhan. Kahit anong oras andyan siya basta ikaw taya at bahala sa kanya pero nung lumuwag at yumaman, di ka na kilala. Parang kaibigan na may amnesia din. Dahil yumaman yung mga mayayaman na din ang gusto nya nakakasama. Yung iiwasan ka nya sa mall kahit alam niyang nakita mo siya. 19. May kaibigan ding social climber. Yung saksakan nang yabang sa mga bagong gamit at mga napuntahan niyang lugar pero saksakan din naman nang dami nang utang. Yung pangkain o yosi lang uutangin pa sa'yo kahit pareho lang naman kayo nang sweldo. Sila yung pag close to payday kunwari diet na sila pero sa totoo saktong pamasahe nalang nila pauwi pera nila. 20. May kaibigan din na sobrang takaw. To the point na nakakahiya nang kasama kasi hihingi pa nang take out. Yung tipong nag iinuman kayong magbabarkada pero siya ginawang buffet ang pulutan nyo. Sarap sakalin. 21. May kaibigan ding sinungaling. Yung kung ano ano sasabihin pero aamin din sa huli. May pa-swear swear pang di na mauulit pero pang 4th or 5th time na nya ginawa. 22. May kaibigan ding pikon. Yung tipong kapag siya tinira ka nya dapat okay lang at tawanan lang kayo pero kapag binalikan mo siya magiging sensitive at hindi ka na kikibuin kasi napikon daw sya sa banat mo. Galing ano? 23. May kaibigan ding mataas ang ere o yung mahangin. Yung pagkausap mo daig pa ang number 3 sa electric fan sa lakas nang hangin. Kung ano ano kayabangan sinasabi kahit hindi mo naman tinatanong. Di niya alam ang salitang pagiging "humble". 24. May kaibigan din na pabida. Gusto siya lagi center of attention. Yung ayaw patalo kapag may bumabangka. Gagawa at gagawa siyang eksena para lang makuha ang moment. 25. May kaibigan ding inggitera't inggitero. Yung may makita lang na bago syo kung ano ano na sasabihin na nabili mo sa sale o kanino mo inutang pambili nyan? Hindi siya masaya sa success mo dahil ayaw niyang nalalamangan. Gusto nya either pantay kayo o mas mataas sya sayo. 26. May kaibigan ding "palitaw". Yung lulubog at lilitaw nalang bigla. Yung bigla mo nalang di makontak tas bigla din naman susulpot lalo na pag may problema sya. 27. May kaibigan ding ilusyunada. Yung may maka-chat lang sa internet boyfriend na daw nya. Yung may mga imaginary lovelife kuno. Pero wala namang mapakitang picture na magkasama sila. Super kwento pero pag hiningan mo nang picture nila together wala naman. 28. May kaibigan din na dumaan lang sa buhay mo. Yung tipong fairweathered friends lang. Dumating para maging lesson lang sa buhay. 29. May kaibigan din namang ang sarap kasama. Yung lahat masaya lang. May problema man o wala basta't kasama mo siya tawanan lang. Green jokes madalas pag usapan at kayo kayo maglalaitan. Nakakagaan nang loob kasama. 30. May kaibigan ka na kahit di man kayo madalas magkita o magkasama pero pag nagkita kayo parang kahapon lang. Yung tunay na kaibigan na pinapalakas loob mo at walang humpay na tawanan pag nakausap mo. 31. May kaibigan din na parang kapatid o kapamilya na turing sayo. Yung hindi ka niya pababayaan kahit anong mangyare. Yung kasangga mo ke tama o mali ka andyan parin siya para gabayan at suportahan ka. 32. May kaibigan ding plastik. Yung pag kaharap ka sobrang bff's daw kayo pero pagtalikod mo sasaksakin ka nalang bigla o ibebenta, itsitsismis. Pasimpleng natutuwa sa mga downfall mo. Nagkalat mga yan kaya beware. The list is endless. Pero ang importante ikaw naging totoo ka sa kanila. Naging tunay kang kaibigan kahit ano pa man ginawa nila sayo. Dumating man ang araw wala silang masasabi kasi naging totoo ka sa kanila. Ikaw sinong kaibigan ka?
1 note ¡ View note
morxim ¡ 4 years ago
Text
SCRUTINERA CHAPTER 3: "Estrangherong Sorbetero"
Isang pangkaraniwang araw ng pag-uwi ni Vandrel galing sa isang linggong pag-aaral, papunta na siya sa bahay nila. Ngunit bago matunton iyon ay kailangan muna niyang magstopover sa sentro ng lungsod na sumasakop sa barangay niyang tinitirhan.
Tumblr media
Suot ang isang tatterred denim mini skirt, at tube na sinapawan niya ng checkered long-sleeved blouse ay kaakit-akit talagang tingnan ang 21-anyos na dalaga. Napapalingon ang mga lalaking nadadaanan niya.
Sa kanyang paglalakad-lakad ay may nakita siyang isang kakaibang bagay– isang kariton ng sorbetes na parang napaka high-tech kung tingnan. Parang space-rocket ang hugis nito at may kulay na grayish black. May mga compartments din ito para sa ilan pang paninda, gaya ng candy at iba pa.
Napalapit si Vandrel at na-engganyong bumili ng ilang scoops ng sorbetes. Nang malasahan niya ito ay napansin niya agad ang kakaibang lasa nito– isang uri na hindi pa niya natikman kahit saan.
“OK lang ba ang lasa Miss?” tanong ng sorbetero. Isa itong maskuladong matandang lalaki na tantiya niya ay mahigit 50-anyos na. Parang ex-military ang tindig nito. Magalang at mabait naman kung tingnan ang pagmumukha nito, at maayos naman itong tingnan sa suot nitong puting polo-shirt at blue jeans.
“OK siya Manong, kakaiba ang sarap niya. Ano hong flavor ito?”
“Multi-fruit flavored yan Miss. Ako mismo ang nagtimpla niyan, expriment-experiment kumbaga, hanggang sa nakuha ko ang ganyang timpla.” Nagpaliwanag ng konti ang lalaki hanggang sa nasabi nito na hindi raw niya dapat ilahad lahat para huwag siyang maagawan ng ibang sorbetero.
Naintindihan naman ni Vandrel iyon. Humanga siya sa pagkatao nito. Batid niyang matalino ito at malikhain. Binigyan siya ng plastic chair ng lalaki para makaupo siya ng maayos. Gumaan agad ang loob ni Vandrel sa lalaki. Nagustuhan niya ang aura at pakikipag-kaibigan nito. Nag-usap silang dalawa.
“Hinihintay mo ba ang boyfriend mo Miss? ”
“Naku Manong, anong boyfriend? Wala munang ganyan sa buhay ko ngayon.”
“So medyo lonely ang buhay mo ngayon? Walang mag-aalaga, wala ring… magbibigay ng sarap? ”
Agad namang dinugtungan ng lalaki ang kanyang sinabi, “Joke lang yun Miss ha, huwag kang magagalit.”
“OK lang yon Manong,” sagot ni Vandrel sabay ngiti. Napa-isip si Vandrel. May isang matandang pala-kaibigan na nag-umpisa ng usapang kapilyuhan. Gustong maaliw ni Vandrel ngayon. Naisip niyang patulan ito.
“Importante ba talaga sa inyong mga lalaki yan Manong, yang pagpapasarap na tinutukoy n’yo? Kahit sa panahon n’yo dati?
Sinagot ng lalaki ang tanong na iyon ng may kapilyuhan. At nagsalita pa ito ng ilang mga punto sa papakipag-relasyon na ikinabilib ni Vandrel ng husto. Ang galing nitong magpayo. Batid niyang kung gagawin lang ng babae’t-lalaki ang mga ganoong bagay ay malamang maging perpekto na ang isang relasyon.
Gumaan pang lalo ang loob niya sa lalaki. Para na silang matagal na magkakilala. Hanggang sa dumako ang kanilang usapan sa sekswal na paksa.
Nagkomento kasi ang lalaki tungkol sa angking ganda at alindog ni Vandrel. Nababastusan siya sa umpisa, ngunit agad namang nawala iyon. Kalaunan ay ikinagalak na niya’t ikina-kilig pa ang mga “medyo bastos” na papuri ng lalaki.
Naghatid din ito ng kakaibang init sa kanyang katawan at syempre pa, kasali na rin ang kakaibang pamamasa sa hiwa sa pagitan ng kanyang mga hita. Nagtaka si Vandrel sa sarili kung bakit ganoon ang naging reaksyon ng katawan niya.
Lumipas ang ilang minuto, na naging mahigit isang oras. Patuloy pa ring nakikipag-usap si Vandrel sa matandang ngayon lang niya nakatagpo. Manghang-mangha siya sa lawak ng kaalaman nito at aliw aliw din siya sa mga patawa nito.
Nagkuweto din ito tungkol sa personal nitong buhay. Nalaman niya na sampung taon na pala itong biyudo, at ang pangalan pala nito ay Jovelio Pamilgan. Pumanaw na pala ang asawa nito dahil sa isang aksidente. Taimtim na nakinig si Vandrel sa kuwento ng lalaki, awang-awa siya dito.
Narinig din niya ang ilang mga prinsipyo nito sa buhay at napagtanto niyang isang mabait na tao lang ang maaring humawak ng mga prinsipyong ganoon. Kahit may konting dirty talk ang humahalo sa kanilang usapan ay parang balewala na iyon sa kanya.
Sa pag-usad ng kanilang pag-uusap ay nagpayo ang lalaki tungkol sa pagkuha ng bagong kasintahan. “Hindi ka naman mahihirapan sa paghahanap ng bagong boyfriend Miss. Kaakit-akit naman ang hitsura mo, sobrang maayos naman ang iyong tindig,”
“Napaka-bolero mo talaga Manong, wala pa naman akong barya dito.”
“Seryoso ako Miss, maganda ang hugis ng iyong mukha, maayos ang proportions ng iyong katawan, nabiyayaan ka ng nakaka-bighaning hitsura, hindi ako nagbibiro.”
Aninag ni Vandrel sa mukha ng lalaki na parang seryoso nga ito. Ngayon lang siya kinilig ng ganito… napakasarap sa pakiramdam. Sana’y nakapagsabi ng ganito ang kanyang mga dating nobyo, o kaya’y mga dating manliligaw. “Salamat sa compliments Manong, sana nga ay totoo.”
Nagpatuloy pa sa pagpaliwanag si Mang Jovelio tungkol sa body proportions ng isang babae, at kung sa anong dahilan napabilang si Vandrel sa mga babaing likas na nakakabighani. “Mahahaba kasi ang legs mo Miss at ang iyong mga suso… naku!”
“Naku, ano?” tugon ni Vandrel.
“Papayag akong mamatay pagkatapos… mahawakan ko lang at matikman ‘yan!”
“Ay, shit ka Manong!” Di mapigilang hampasin ni Vandrel ng kanyang palad ang balikat ng lalaki habang tumatawa.
Ilang minuto pa ay may sinabi si Mang Jovelio na nagbukas ng napakaraming kaalaman kay Vandrel, na magiging mahahalagang instrumento para sa mga sexual adventures niya sa mga susunod na araw at taon.
“Idedetalye ko kung bakit nasabi kong sobrang masarap ka Miss, OK lang ba sa’yo?” tanong ni Mang Jovelio.
Walang kaide-ideya si Vandrel sa kahahantungan ng mga sasabihin ng lalaki, kaya’t agad lang siyang sumagot. “Sige Manong! Game!”
Napayuko si Vandrel sa bandang ibaba ng kanyang katawan. Pinagmamasdan niya si Mang Jovelio habang
pinaghahalikan nito ang kanyang binti. Pagkatapos ay hinubad nito ang kanyang rubber shoes at medyas. Pinaghahalikan agad nito ang mga kuko sa isa niyang paa, at sinupsop pa ang mga daliri niyon. Patuloy iyong nangyari pati sa isa pa niyang paa. Pati mga talampakan niya ay pinaghahalikan at pinagdidilaan rin ni Manong.
Napakatakaw tingnan nito, ngunit di makikakailang mukhang magaling nga ito sa larangan ng pagpapasarap.
Pagkatapos ay bumalik si Mang Jovelio sa paghahalik at pagdidila sa kanyang binti. Pataas ng pataas ang bibig at dila nito hanggang sa kanyang mga hita. Doon ito nagtagal. Nagkomento pa ito sa may pagka-balbon niyang hita, ang sarap daw pagguguluhin ng mga maninipis na balahibong nandoon at aayusin daw niya ulit ito gamit ang kanyang dila at laway.
Ginawa naman iyon ng lalaki. Inilabas nito ang buong kahabaan ng kanyang dila at pinaglakbay sa buong kakinisan ng mga hita ni Vandrel. Di ito tumigil hanggang sa di nangintab ng kanyang laway ang hita ng dalagang niroromansa.
Habang nakayuko ay kitang-kita ni Vandrel ang lahat ng iyon. Ngunit sa isip lang niya nasasaksihan ang malaswa, at nakakalibog na mga detalyeng iyon. Iyon kasi ang sinasabi ng lalaki na gagawin nito matapos makapagbigay ng mga papuri tungkol sa kung gaano raw kaganda at kasarap ang kanyang mga hita.
“Woh, Grabe! Ganun talaga ka detalyado? Huuh! My god! Nakaka-shock ka naman Manong!” wika ni Vandrel habang di pinapahalatang nag-iinit siya ng husto dahil nga ay isinalarawan niya iyon sa kanyang isip.
Napalingon-lingon siya sa paligid, nag-alalang baka nahahalata siya ng mga taong dumadaan. Nagkataon namang may lumapit na kustomer, inasikaso muna iyon ni Mang Jovelio.
Continue reading : https://noypilyo.site/scrutinera-5-estrangherong-sorbetero-2-6/
Befriend the author :  https://www.facebook.com/morxkenobi
#spgstory #pinoysexstory #spgconfession #kolehiyala #tagalog story
0 notes
love-ella ¡ 8 years ago
Text
13 reasons why
So i have watched 13 reasons why and finished it yesterday, actually pinanood ko na siya ng hindi pa nababasa ang libro pero kahit ganon nandon na yung sakit sa puso ko. Una sa lahat, i want to remind everybody that every words matter, Maliit na bagay oh malaking bagay yan lahat yan maaalala ng isang tao, nakakalungkot dahil may mga tao na kayang kunin ang kanilang buhay ng dahil sa ibang tao. In this blog i want to focus on two sides. Why Hannah Baker need to do that and Why she don’t need to do that. There is something na hindi natin alam kung ano ang nararamdaman ng isang tao, sinasabi na iba na mababaw pero hindi, she got bullied, she lost friends, and the worst is, she got raped. Una sa lahat hindi masarap sa pakiramdam ang ma-bullied. All Hannah Baker wanted is to be loved by someone. She got played by Justin. If you’re the girl would you want that kind of picture to spread in the campus? Hindi di’ba? Madaling sabihin na mababaw yon pero ang totoo hindi mo naman alam kung ano ang nararamdaman nila. Hannah was thinking na seryoso sakanya si Justin, pero hindi. Masakit yon. Love is powerful di’ba? So kapag nasaktan ka, masakit talaga dagdagan mo pa na niloko ka lang pala at ang masakit pa don, kinalat pa yung litrato na hindi naman dapat kinakalat. Yun palang ang sakit na, pero kinaya niya. Friends, Masakit maiwanan ng kaibigan at alam ko yang pakiramdam na yan yung tipong akala mo, may masasandalan ka na pero wala pala. Masaya ka sa na nagkagusto ka na ulit sa isang lalaki pero nagkagusto siya sa kaibigan mo ang mas masakit pa ay sabay ka nilang iniwanan. Ano pa bang gagawin mo? Parang gusto mo nalang tumakas, tumakbo sa malayo at makalimot. Imagine, may gusto ka sa isang tao pero yung bestfriend mo yung gusto niya, worst sabay ka nilang iniwan, without words, without explanations, basta makikita mo nalang sila magkasama, masaya, pero ikaw naiwan. Ang sakit di’ba? Actually, hindi naman ganon kasakit yung ginawa ni Tyler kay Hannah but what really happened is iniwan na naman siya ng isang kaibigan na naman ng dahil sa mga pictures na kinalat ni Tyler. Pinaka-tanga at gago na ginawa ni Tyler sa kanyang buhay ay gumanti kay Hannah ng dahil lang sa hindi siya pinagbigyan makipag-date sakanya. Fuck. Anong klaseng pag-iisip yon? Sobrang gago ang taong mag-iisip non. Dobleng sakit yun para kay Hannah, kase naramdaman niya na naman mainwanan ng isang kaibigan, at may kumalat na naman pictures tungkol sa kanya, edi na-bully na naman siya. What i see about Hannah is palagi siyang humahanap ng dahilan para ipagpatuloy parin ang buhay niya, but people who surrounds her para bang pinupush talaga siya hanggang sa hindi na niya kaya. Like, Zach and Marcus. Umasa ulit si Hannah na may taong seseryoso sakanya pero pinag-tripan lang ito ni Marcus. May maganda sanang mababasa si Hannah sa isang araw, kahit isang papel lang masarap na makabasa non. Pero hinarang pa ito ni Zach. Every words matter. Kahit kapirasong papel pa ito, kung naglalaman ito ng magandang salita, mapapangiti ka talaga. Pero hinarang ito ni Zach, sobrang gago diba? Bakit haharangan mo pa yung bagay na nagpapasaya sa ibang tao? Porket pinahiya ka? Sobrang gago. Another thing is, can you live knowing na may alam ka pero hindi ka makapagsalita? Hannah saw Bryce that he raped Jessica. Sa tingin mo ba makakatulog yung konsensya mo kapag nakakita ka ng ganon? Worst kaibigan mo pa? I don’t think so. Bryce, ito ang pinaka malala, ito ang pinaka gago sa lahat. Pinaka hindi mapagbibigyan sa lahat, pinaka hindi makatarungan, in short pinaka tangina sa lahat. Kahit naman siguro sino ang ma-rape ay parang matatakot na sa mundong ito. Ang masakit na part pa, wala ng nagawa si Hannah. Nakatulala nalang siya na para bang sinasabi na “Ito ba talaga yung kapalaran ko?” Nakakalungkot makita yung mukha niya habang si Bryce sarap na sarap, tangina. Anong klaseng pag-iisip meron yung taong yun? Tangina. All Hannah wanted is to be loved by someone, pero hindi naibigay yon sakanya. Maibibigay na sana sakanya pero natakot pa si Clay. Siya, siya sana ang makakaligtas kay Hannah, pero napangunahan siya ng takot. We only live once, bakit ka matatakot sabihin sa isang tao na mahal mo siya? na nandiyan ka para sakanya? Na handa kang makinig para sakanya? Bakit kailangan matakot? Malay mo, ikaw pala talaga yung makakapag-bago sakanya, pero hindi mo yun sinabi sakanya dahil natatakot ka. Hayy, People. Hindi natin masisisi ang isang tao kung bakit pinag-desisyunan niyang kunin ang sarili niyang buhay, but please, always remember that if you have a hundred reasons to kill yourself there is also a thousand reasons to continue your life. Sana naisip din niya kung ano ang mararamdaman ng mga magulang niya, yes, sobra na yung nangyari sakanya but can she think of starting again? Yung dream na makapag-college sa New York, di’ba? Ang pagpapakamatay ay hindi pagtapos ng isang sakit na nararamdaman, kung hindi paglipat ito ng sakit sa ibang tao. Nakita niyo naman siguro kung ano ang nnagyari sa mga magulang ni Hannah. Sobrang na-depressed, na-stress, natulala, Nakaka-awa. Sana lang, naisip niya na may mga tao parin na kayang makinig sakanya, kaya siyang damayan. Ilan lang ba yung nakilala niyang kaibigan? Wala pa yun sa dami ng tao dito sa mundo na pwedeng pwede niya maging kaibigan. Pwede niyang pagsabihan, pero hindi niya yun nakita. Hindi ko naman sinasabing Unfair, pero unfair sa magulang niya na naghihirap para lang mabuhay siya, sana ang una niyang naisip ay yung mga magulang niya. Nakakalungkot sapagkat nangyayari talaga ang mga ganitong bagay. Kinukuha ang kanilang buhay para lang matapos ang sakit na nararamdaman nila. Kinukuha ang kanilang buhay dahil sa kagagawan ng ibang tao. Oo, desisyon niyang kunin ang sarili niyang buhay, pero gagawin ba yun ng isang tao kung walang dahilan? But please, always remember na hindi lang sampu, isang daan, oh isang libo ang tao sa mundo. Madami, sobrang dami, Sobrang dami mo’ng pwedeng lapitan, pagsabihan. Please, lagi tayong tumingin sa magagandang bagay. Lagi natin isipin na masakit man ngayon, lilipas din. People who die by suicide don’t want to end their life, they want to end their pain. Kaya nga sabi ko, maaalis din ang sakit kung may masasabihan at masasandalan tayong tao. Pero sabi nga ni Hannah, “A lot of you cared, Just not enough.” Sana ipakita natin sa isang tao na importante sila, na mahalaga sila, na may halaga sila, na may madadamayan sila. Yes, alam ko na we have our own priorities, but can’t you just give up an hour for a person? I know, someday magada ang balik nito. In the end tayo tayo rin naman ang magtutulungan. Please, if someone need you, wag ka na magdalawang isip na damayan siya, baka mamaya mag sisi pa sa huli diba? Hindi natin alam yung isang maliit na pagka-reject mo pala ay last chance na niya para pagbigyan ang sarili niya na mabuhay pa. Be kind, always.
0 notes
the-dapp ¡ 8 years ago
Text
Di ko maiwasang mapangiti na lamang kapag inaalala ang mga bagay na lumipas na. Mabuti man ito o masama, personal o kahit hindi sa akin nangyari. Lalo kapag sa away o yung mga gusto kong saktan sa mundong 'to, nanggigil ako bigla. Hahaha! Alam kong malaki na ang pinagbago ko kahit mukhang wala pa ring pinagbago. Physically, emotionally, and spritually at kung anu-ano pang may 'ly' sa dulo. 'Di ko rin lubos maisip kung ano bang nangyari sa akin noon. Hanggang ngayon wala pa ring sagot. Biruin mo, walong taon ako sa elementary. Bwiset. Buhat bangko lang, honor student ako from kinder to grade 4. Sumunod na taon wala na. Kung may Top 40 baka honor student pa din ako. Yun nga lang, 40-50 ang klase sa mga public schools. Nawalan lang ako ng gana mag-aral, pati sa buhay, sa totoo lang. Sa murang edad hindi ko na alam ang nangyayari sa akin. Pagkaraan ng elementarya, first year high school na, first month lang din ang pinasok ko. Mas marami pa ang in-absent ko kaysa sa pinasok ko. Pangalawang first year ko nag enroll pa naman ako, first day pa lang absent na ko hanggang sa first day ng bakasyon hahaha! Sa madaling salita, nag-enroll ako pero hindi na 'ko pumasok. Ilang taon din akong naging tambay. Lahat ng pwedeng pasukan pinasukan ko na ata. Natutong uminom, tumakas, magsinungaling, magpalusot, at kung anu-ano pa. Pero kung susumahin, marami akong natutunan. Pasalamat na lang ako at napunta ako sa mga tunay at mabubuting tropa. Sa kanila ko nakaramdam ng kapatid kahit hindi naman ako unico ijo. Sila na rin ang nagsilbing magulang ko kahit hindi naman ako ulila. Pero napag-isip isip ko, sa dinami dami ng tropa ko, ni-isa wala man lang nagsabi na mali na ang ginagawa ko. Sa edad ko noon dapat nag aaral ako kaysa kasama sila na mga pamilyado na. Napagdesisyunan kong mag lay low sa barkada. Balik uli sa pagiging tambay. April 2014, nagbago ang lahat nang di ko inaasahan. Habang naglalaro sa initan ng larong badminton, may dumaan na isang babaeng naka-pula. Napatingin ako sa kanya noon at literal na nanigas. Hindi ako makagalaw noon, walang tumigas sa akin ha. Kulang na lang yung shuttle cock huminto sa ere eh. Ayun na ata yung tinatawag nilang ""love at first sight"" pero hindi ako naniniwala dun eh. Pagka-kita mahal agad? Ano 'ko cheap, pero may naramdaman na ako noon sa totoo lang. Maganda na siya noon pero yung buhok niya parang hindi pa nadadapuan ng suklay o tinamad lang talaga pero di naman yun nakabawas ng ganda. Mata pa lang ulam na eh, kumbaga. Matapos ang ilang taon, nagkagusto uli ako sa babae. Pero hindi naman ako nagkagusto sa lalaki before. Matagal lang uli bago ako nakaramdam ng sparks (naks). Pero parang maling sabihin na gusto, siguro na-attract. Inaabangan ko na siya palagi. Yung madalas lang ako mabilad sa araw naging palagi-an na. Lunch time ko siya nakikita bibili ng Coke 1.5 pati pagpatak ng 5pm may kasamang friends o kaya'y kapatid. Patuloy lang na hanggang tingin lang ako. Nagpapapansin naman ako pero siyempre hindi napapansin. Gusto kong lumapit, pero baka matakot naman, literal. That time, walang direksyon ang buhay ko. Kaya sinabi ko sa sarili ko noon na hindi ako pwedeng 'ganito' lang. Hindi nag-aaral, walang alam, tambay at kung anu-ano pa. Gusto ko magkaroon ng confidence para humarap sa kanya. Doon ko naisipang mag-aral uli. Sa totoo lang, kung hindi dahil sa kanya hindi ko maiisipang mag-aral uli. Ang tanong lang paano? Yung teacher ko nung first year wala na. Di ko naman alam kung saan magsisimula pero hindi ako sumuko. Naalala kong may paraan pa nga pala, ang ALS o Alternative Learning System. Ito ay ang isang uri ng pag-aaral para sa mga out-of-school youth o mga drop-out. Ang kailangan lang ay birth certificate at maipasa ang exam at katumbas nito ang pagiging isang high school graduate. Ang sarap mang-asar sa mga dati kong kaklase na tinapos ko ang high school nang wala pang isang taon bwahaha. Doon din ako sa eskuwelahang pinapasukan niya noon nag ALS ako (siyempre) pero sa kasamaang palad hindi ko siya nakita roon. Matapos ang ilang buwang ""self-study"" ay nairaos ko ang p-@,!)@:ng exam na 'yun. Di sa pagmamayabang pero ipagyayabang ko na na hindi ako nahirapan sa exam. Di ko lubos maisip na may mga bumabagsak pa rin. Marahil ay kinukulang at tinatamad sa pag-aaral. April 2015 nung nakilala ko siya sa tulong ng iba. Madaming nangyari sa lumipas na isang taon na nakita ko siya. Nakilala ko kapatid niya at naisip kong chance yun para makilala siya mismo haha! Nagulat na lang din ako at kinakausap mo ang mga tropa ko. Masyado na kong obvious sa loob ng isang taon kaya nung lumapit ako ay chill lang ako pero yung pawis ko no chill kung pumatak, talagang tagaktak. Nabubulol bulol pa nga ako nung sinubukan kong labanan ang hiya pero talo ako. Isang buwang naging ganun ang routine. Pagtapos ng practice kwentuhan hanggang sa sumasama na ako sa practice. Doon ko siya mas nakilala. Sa gabi gabing magkausap kami lalo ko siyang nakilala. Napag-alaman kong napapansin naman pala niya ako pero hiya daw siya i h h. Nag-college na kami. Magkaibang unibersidad. Nag-uusap pa rin naman pero busy pa rin, lalo na ako, Mapua yan ihh. Pero alam ko sa sarili ko na hindi ko pinaramdam na magiging hadlang ang pag-aaral namin. Walang nagbago sa pakikitungo ko sa kanya. Makulit, mapang-asar, matakaw, ma-kwento, ganun na ko sa kanya simula pa lang. Naisip ko noon na baka may makilala ka doon at magkaigihan. At hindi nga ako nagkamali. Swerte na yung madalas tayong mag-usap. Masaya na 'ko makita lang kita. Ang dami kong gustong i-kwento sayo pero kung sakali, wala naman nasa'kin ang atensyon mo kundi sa iba, sa kanya actually. 'Di ko na alam kung may nagawa ba ko. Di ko na alam ang nangyayari. Isang gabi, napasarap uli ang kwentuhan. Namiss ko yung ganun pero di ko inaasahan na ang pag-uusapan namin ay yung 'ex' niya. Ang masaklap ay kinukwento niya ang nangyari habang umiiyak siya. Ang sakit na makita siyang ganun. Di ko alam ang gagawin at sasabihin ko. Ang naisip ko lang gawin ay tabihan siya at makinig. Walang pumapasok sa isip ko sa mga kwento niya. Sinusubukan kong makinig. Tanging naiisip ko lang, "binabasura ng iba ang siyang pinapangarap ko" sabi nga sa isang kanta. Naisip ko nun na wala ng damuhong hahadlang pa samin. May chance na uli ako, kumbaga. Pero kung kapalit naman nito'y ang masaktan siya, mas maiging wag na lang muna. Mas kakayanin kong maghintay kaysa makita siyang umiiyak. Lumipas ang ilang buwan, naging okay siya, naging okay kami. Bumalik kami sa dati, mas tumindi pa nga. Naging mas malapit ako sa kanya, pati na rin sa pamilya niya. Maging sa pamilya ay naging obvious na rin ako at wala naman naging problema sa kanila noon. Ngunit sa kabilang banda'y bumalik kami sa dati, yung dating madalas na lang ang pag-uusap. Ngunit sa kasamaang mukha nung lalaking jowa niya ngayon ay mayroong balita uli na may umaaligid sa kanya. Di ako naniwala, wala naman ako napapansin eh. Hanggang sa napansin ko na, hinahatid pa siya. Kapal ng mukha. Nakita ng dalawang mata ko na magkahawak ang kamay nila. Di ko alam ang magiging pakiramdam ko nung mga oras na yun lalo nung nakita ko siyang masaya. Doon na ako natauhan. Doon pa lang sa nangyari noong una ay may mensahe para sa akin. Ayaw niya sa akin. Sobra siguro akong nahulog kaya hindi ko naramdaman o naisip yun. Alam niya ang intensyon ko, pero nagkaroon ng iba. Malinaw naman, pero pinalabo lang talaga ng puso ko. Wala akong pagsisisi. Ginawa ko ang makakaya ko ngunit hindi sapat. Nasaktan man ako pero wala akong galit o kung ano pa man. Ang importante may aral sa akin ang nangyari. Masaya pa rin ako pag nakikita ko siya. Pinapansin pa rin ako katulad ng mga magkakaibigan diyan. Masaya dahil sa tuwing nakikita siya ay hindi sakit na dulot niya ang gumuguhit sa mukha niya. Hindi ko nakikita na ito yung babaeng sumimot ng pake ko. Oo, wala na kong pake. Nakakatawang isipin na ‘yung mga bagay bagay na hindi malilimutan ay maaaring malimutan din balang araw. Mabuti o masama, tao man ito, o bagay na nagpasaya o tumatak sa iyong buhay ay magiging kwento at alaala na lamang. Kapg nagbiro ang tadhana talagang ika'y mapipikon.
0 notes