solidbucketchickenoffriends
moon above the sea
11 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
solidbucketchickenoffriends · 6 months ago
Text
Work from Home (sucks?)
NP: Turn it off - Paramore
Hehe so today, morning palang tinatamad na ako everytime kasi nagiging toxic yun TL namin, nakakawalang gana magwork, as in. Syempre tao lang din naman ako naiisip ko magresign pero syempre laban padin, may mga rason naman kung bakit nagiistay. Pangarap ko kasi talaga magpursue ng business like coffee shop or clothing, yung nakakataba ng puso at nakakasarap gumising sa umaga kasi nasa porte ka ng gusto mo. Tapos ganon super stress ako, wala ako makausap. May worship night nga sa Victory pero di padin talaga ako nakakaattend kasi meron something sakin talaga na di ko maintindihan. Namimiss ko yun buhay na meron ako dati kung paano ako sinimulan ibless ni Lord, tandang-tanda ko non bigla nalang ako binigyan ng wfh set-up na work, tapos after ilang months may mga struggles like nahack yun Axie ko tapos yun pala ang next journey ko non mapursue yun clothing business tapos nagwowork padin ako at the same time. Kumbaga nakakastress pero nandun yung fulfilment, kasi nga yun talaga yung gusto ko. Tapos nung pagsampa naman ni papa naexperience namin magbukod, NAPAKASARAP na feeling sa lahat kasi even yun interior sa loob yun ambiance na gusto ko, yun na yun talaga kahit maliit siya pero importante kasi sakin yun maranasan ko yun peace of mind.
Tuloy lang ang laban, WORK, BUSINESS, LIVE SA GABI, SA UMAGA SASABAYAN PA NG MGA HOUSE WORKS.. Haha grabe yon mag-isa lang ako nakakapagod kung iisipin pero ang sarap balikan, kasi tuwing sa gabi non kapag okay naman at settle sa mga bills or pagkain manunuod ako netflix sa gabi. Napakasimple lang pero talagang pinangarap ko kasama si Dax non that time kasi nakakapagod din talaga. Yun bang pakiramdam mo binibigay sayo lahat tapos katuwang naman sa buhay yun hinahanap mo.
Anyways, so burn out ako kanina. Alam mo yun feeling na puro ka trabaho tapos di mo alam kung ano yung gusto mo para maibsan yun stress. Alam ko sa sarili ko na may mga bucket of list ako eh, pero kasi lagi ako worried sa mga bills namin pero alam mo narealize ko need mo rin pala magtira para sa sarili mo para ma REFRESH din..
Kaya tinuloy ko pumunta sa Leobel's kasi talaga ang ganda nung ambiance tas nakakarelax, may mga pakiramdam pala talaga na hahanapin mo siya para maexperience mo. Nakakatuwa kasi dati nung nagwork ako sa Temple Coffee kala ko masarap sa pakiramdam yun pala nakakaumay din kasi nagkakaron ako mabigyan ng difference yun wfh to barista.. Mahirap pala kasi nilevel up ni Lord yun estado mo para at the same time maging nanay ka sa anak mo at convenience to fulfill the responsibility as a housewife. Kaya nagstruggle din ako non sa time at yun pagod even salary. Ngayon nandun ako ulit sa phase na nakakaburn out yun trabaho pero talagang gagawa at gagawa ng way si Lord para makapagpatuloy and still siya padin yung nagpo-provide samin lalo ngayon di ako makapagdevo or bible reading, ang hirap magback on track pero may mga time na nagkakaron ako ng discernment, mayroon lang din talaga ako kasama dito na nagiging reason para di ako makatuloy. Pero anyway, ayun kanina ang sarap pala sa feeling lalo ako nagkakaron tuloy ng drive magpatuloy at MANGARAP.. Gusto ko kasi talaga magtravel at magunwind siguro yun talaga hinahanap ko sa ngayon pero kasi lagi nakakastress work namin tas si Zoe wala maiiwan pero thankful naman ako kasi nandito si Dax. Yun lang naman lagi ko kasi naiisip yun pang gastos namin sa bahay, pero pwede naman yun diba no kasi alam mo yun nagwowork ako para sa family namin pero hinahanap ko lang talaga yun self-satisfaction???? Hehe tapos yun nagconnect nga lang pala ako interview dun kanina tas akala ko ako nalang yun nandun haha kaya umalis nako tas naglakad ako papuntang mini forest. Talagang need siya eh to release yung stress, alam mo ba iniisip ko kanina parang nasa baguio ako kasi gusto ko talaga magbaguio. Hirap kasi talaga magtravel lalo kapag wala sa plan at budget din, pero ayun muni muni lang ako tas naglakad pauwi, okay na sakin yun ganon talagang prefer ko mag-isa pala talaga ganon ako ka-introvert, yun di mo masyado need ng makakasama o makakausap para lang maging okay. Dati nga lagi ako nagtatawag pa ng kaibigan pero sa ngayon siguro kapag mag isa ako mas nagegets ko yun sarili ko.. Came to realize na tumatanda na talaga ako pero di nako nakakaramdam ng self-pity unlike dati na sobrang down na down ako ganon parang useless pero ngayon naiisip ko challenge nalang yan na need lagpasan kasi nga diba di pa ba ako sanay sa mga kasama ko sa trabaho ilang rants at iyak naba nagawa ko dati, ngayon yung mga kasama kong bago syempre nandun pa sila sa stage na unti-unti nasasanay nadin sila hehe
Tapos nung pauwi nako, need ko din talaga yun maglakad para makita ko yung iba na street vendor, kahapon nga alam mo naaawa ako dito sa katabi namin unit sa apartment dito kasi sila yun nagtitinda dun sa kanto ng barasoain school tapos nung susunduin ko si Dax nung nakita ko yun payat na lalaki na bagong stay diyan sa kabila, ganon pala talaga buhay nila no nakaasa sila sa kayod at kikitain nila sa araw tapos minsan pa sa gabi maririnig ko pagbibilang nila ng barya, nakakatuwa kasi isipin na hindi namin need yun gawin para lang mabuhay. Meron nilaan si Lord na mahirap at nakakastress pero meron lagi sumasagi sa isip ko din na bakit palaging yun nakatira dito sa Unit 4 mas mababa ang estado at ipakita kung gano kami kaswerte sa buhay, dati sila kuya kano dito naabutan ko pa ng ulam tapos ngayon pagkabalik ko sa work ko bigla ako nagsungit at nagdamot, ngayon ito nanaman yun pakiramdam na to parang may kirot sakin nung nakita ko talaga si kuyang payat na nagbabantay dun sa may school, may mga pagkakataon pa nga na habang nagwowork ako kukunin nila dito yung chinacharge na solar tapos wala ako kibo ngiti lang. Alam mo Lord, tulungan mo po ako kasi alam ko may rason ka kung bakit dito mo kami nilagay. Sorry po talaga kasi di ako nakakattend na nakikiconnect ulit sayo.
Salamat po talaga sa lahat ng biyaya, dumating sana yun araw na malaman ko yung purpose ko di lang sa trabaho kundi sa mga taong nakapaligid sa akin Lord.......
0 notes
solidbucketchickenoffriends · 6 months ago
Text
06.27.24 11:36PM
Throwback mode: ON
Ganito ginagawa ko everytime na hindi ako okay tapos pinipilit ko maging okay. Tuwing binabalikan ko yung mga nasa tumblr ko na isa nakakagaan siya sa pakiramdam, tuwing nababasa ko meron din pala mga ibang tao na naging parte ng buhay ko na pinaramdam sakin yung na mahalaga ako at naging parte din ako ng mga buhay nila. Dumaan lang sila pero yun experience at pakiramdam na di ka nag-iisa. Kaya ang saya ng puso ko di na siya kagaya dati na once na mag-isa ako madalas ako nalulungkot. Babalikan mo nalang yun mga ganon pero masarap siya sa pakiramdam, kasi yun yun mga panahon na wala ako iniisip kundi yun sarili ko lang pero ngayon may binubuhay kaming anak at pinipilit magsurvive. Nakakapagod maging nanay, maging asawa, maging anak, at maging kaibigan sa iba. Pero lagi ko naiisip na need ko pagdaanan to para mas lumakas ako at mas lalo pa makisama, kasama na kasi talaga yun sa buhay eh.
Alam mo, ito talaga yung masarap sa pakiramdam eh basahin ko lang yun mga naiblog ko dati feeling ko nandun ulit ako sa pangyayari nayun. Lagi ko nalang iniisip kasi na sacrifice to kasi may anak na, pero atleast nagagawa yun responsibilidad. Kesa yun pilitin mo hanapin yun sarili ko pero napapabayaan mo naman yun family mo. Minsan minsan oo okay lang yun. Alam mo isa pa sa narealize ko ngayon, sobrang masentimental pala talaga akong tao, sa mga materyal talaga na bagay di ako sanay sa mabranded, maengrande basta may meaning, basta may mga bagay na napagdaanan muna bago dumating sayo. Kanina habang binabasa ko yung experience ko sa Pacesetter, grabe tyinaga ko pala yun dati. Hahahah. May mga bagay pala ako ginawa dati na tyinaga ko naman at pinaglaanan ng sobra. Kala ko kasi dati naisipan ko lang o gusto ko lang siya kaya eager ako. Hahahah.
Actually, nagkakaron ako ng something sakin hunger or thirst sa career growth. Nawawalan lang ako talaga ulit ng self-confidence. Alam ko yun capacity and capability ko, nawawalan lang ako talaga ng tiwala at napapangunahan ng takot and yun sitwayon din. Lagi ang ending ko dito padin sa work ko. Minsan naiisip ko naman na blessing siya kasi kung titignan ko yun iba wala trabaho, di padin nila mahanap yun para sakanila. Ako naman natatakot ulit umalis kasi baka maulit yung dati na nagipit, naistruggle sa sitwasyon na need ipriority yun anak. Pero lagi ko naiisip na need lang magtiis, nararamdaman ko naman na dadating ulit yun panahon na ibibigay sakin ulit ni Lord yun pleasing and perfect. Talagang nandito lang ako sa sitwasyon na, tiis pa, konting panahon pa, at mababago din yun sitwasyon....
0 notes
solidbucketchickenoffriends · 7 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Zoe's Moving-Up 2024. 06.05.24
Kapagod tong araw na to, promise. Pero masarap sa feeling kasi buo yung family namin. Glory to God! May mga bagay talaga na di mo ineexpect. Answered prayer kasi to para sakin, dito ko narealize na walang katumbas ang materyal na bagay kesa sa pagmamahal na binibigay ng isang anak at asawa. Dati sobrang rebelde ko nung dalaga ako tapos lagi ako nagiisolate sa family ko kasi kulang ako sa atensyon lalo sa pagmamahal kaya palagi ko hinahanap sa ibang tao, pero di ako papansin hinanap ko lang sa iba kaya tuwing may nanliligaw sakin non pinakabest feeling sakin non na kapag naiinclude ako as family kasi dun ko lang nararamdaman na may sumusupport sakin at nakakaramdam ng affection. Naging independent ako most of the time kasi wala naman akong choice. Lagi ko hinahanap yun sarili ko sa ibang bagay at comfort sa mga paraan na bigla ko nalang maiisip. Pero nung dumating na si Dax non di naman din naging madali yun naging pagsasama namin lalo saliwaan ang salita both parents namin kasi parehas kaming panganay, kundi nandun yung expectation saming dalawa at di rin naman kami galing sa family na mayayaman. Tapos nung nandiyan na si Zoe maraming changes and adjustments. Pero isa lang masasabi ko kasi mahirap maging nanay na masarap kasi bukod sa nagpapalaki ka ng anak at nagdidisiplina, thankful ako kasi sobrang layo nung ugali niya sa ugali ko sobrang manang-mana siya kay Dax. Sobrang blessed na masasabi talaga kasi yung mga bagay na wala ako non ngayon, iyan pala yung rason kung bakit sila dumating sa buhay ko. Kahit hirap man ako makisama dati kahit sobrang daming mga sasakit na salita man yun mga narinig at natanggap ko pero ngayon yan talaga yun fruit of sacrifice na masasabi, your tears turn into unexplainable joy talaga. Yun lang pangarap ko buong pamilya bukod dun wala nang iba. Bahay, sasakyan, at business nalang ang nilo-look forward ko after nito tapos kung magkakaron kami ng 2nd baby sana maibigay ng right timing samin para makabwelo pa kami ulit. Napakaganda ng takbo ng buhay namin ngayon as in, ngayon ko masabi na nakaraos kami sa hirap na ilang taon namin dinanas dati. Kasi kapag galing talaga sa grace ni Lord at naluhod mo sa panalangin, in time darating ng kusa at lalo isusurprise kana lang eh. Dati non pangarap lang namin makabili ng NMAX nung si Maggie pa gamit namin na motor, tapos phone namin Android lang pero ang tagal din namin nagamit taon din tas ngayon naka IP 15 na kami parehas ako naman nakabili last last year ng IP 11 sa kakawork at online selling kasi nabasa sa bag ko yun huawei, kaya napilitan ako bumuli bago tas 2ndhand pero solid padin until now di padin nasisira batt gamit na gamit talaga.
Last time, galing kaming SM north kami lang ni Dax, date talaga as in, alam mo yun pakiramdam na sobrang tagal nung pagtitiis ko/namin, yun mga di namin mabili tapos ngayon bigla pinaranas samin
0 notes
solidbucketchickenoffriends · 7 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Tyrone's Despedida 06.08.24
From Studio 300 to BGC, tas nakauwi kami around 5am. HAHAHHA ewan ko natatawa nalang ako tuwing naalala ko kasi talagang expect ko kaming 3 lang tas nauwi sa nagchat sila sa kabilang GC kaya almusal na kaming nauwi. Pero anyways isa siya sa mga unforgettable padin. Ganyan yun mga trip ko sa life eh, yun gising ka sa gabi tapos sa umaga ka tulog HAHAHAHA. Pero the best talaga yun inantay ako nila Dax at Charles sa Plaridel na may amats na pero inintay padin ako.
0 notes
solidbucketchickenoffriends · 7 months ago
Text
May 16, 2023
My Love - WESTLIFE
Sayang! Di ako nakapagblog kahapon kasi payday, so syempre bili muna comfort food and cravings para kahit papaano eh worth it naman yun tinitiis kada month sa work. Tagal naman kasi umuwi ni Dakne naiinip nadin ako, lagi ko naiisip paano kaya set-up namin kapag nandito na siya eh kilala ko yun masyado sopistikado at gusto lagi may nasusunod na sistema. Pero tingin ko naman may limit at kaya naman niya mag adjust kasi diba nagwowork ako so di ko mabibigay lahat ng mga pag aasikaso para sakanila ni Zoe pero magkukusa naman yun, di naman yun yung hahayaan lang kami. So ayun nga, galing ako bayan bumili ng walis tambo saka gomo sim para maready ko na net this month, finally nalessen naman ako sa pagkuha ng damit sa ukay di kagaya dati na hoarding ako lagi. tapos bago kami umuwi ni owie bumili muna ako gusto ko sa 7eleven. Ewan ko kung saan kami punta ni owie this weekend
0 notes
solidbucketchickenoffriends · 7 months ago
Text
May 21, 2024
My home - The Change
Ayan hindi ulit busy sa work kaya may time ako gumawa dito. Yun last time na ginawa ko di nasave :( Sobrang busy kasi non. Gusto ko lang kasi talaga maipon dito yun mga nararamdaman ko. Ngayon ewan ko mukhang sumama loob ni Ate Shon dahil sa nasita siya ni ate last sunday. Hirap din naman kasi sakanya kapag ganyan samin din sisi. Anyways, konting araw nalang makakasama na namin si tatay Dakne. Nga pala naokay kami last time, need lang niya magpalamig ng ulo hehe syempre di lang maiwasan mag-overthink diba. Sana dumating na yun time na magbubusiness nalang kami ni Dax, mas gusto ko nalang magmanage ng business talaga kesa mangamuhan. Pero sa ngayon kasi wala pa choice talaga eh. Anyways, sa mga ka-VG ko naman ngayon di ko sila siniseen, sorry talaga kasi kahit na pagod ako or may work nag eeffort ako dati para makasama, tapos ininvite ko pa sila sa bahay. Nung wala naman ako work tas nagkita kita kami sa seattle's best, napakatatagal nila at wala naman ako sinabi. Pero last time nung sa SB, parang kasalanan ko na umoo ako tapos di tumuloy. Syempre alam ko naman kasalanan ko din, pero tingin ko mas maganda magchange nako VG kasi di rin naman nila naiintindihan yun sitwasyon ko talaga as a mom. Iba kasi kapag nanay talaga ang kausap not just sympathy itself kumbaga from their experienced nadin to handle and baka maka advice pa for manage ng time diba? Basta ang gulo gulo ng isip ko ngayon gusto ko nalang makasama si Dakne para amy turn over naman na siya naman dito sa bahay. HAHAHA
0 notes
solidbucketchickenoffriends · 8 months ago
Text
May 7, 2024
Gonna let it happen. (Last hope) -paramore
I don't know now. Hehe. Bakit ganon no? Kapag wala na yun samin ni Dax parang nalolook back padin ako sa past. Which is dapat nga magmove on na ako. Alam mo naiisip ko moving-up ni Zoe ng June 5. If ever na nandiyan siya siguro set-up nanaman namin is hiwalay? For me masakit pero on brighter side tingin ko baka mas okay siya, masakit lang siya isipin kasi maganda tignan kapag complete kami pero kung ako baka need ko iaccept na di kami magwowork-out na talaga. (Di ko alam kung masyado ba ako nagooverthink ngayon kasi di na kami nag-uusap or baka ngayon lang to kasi nga ganito yung situation) pero recently ok ako promise mas gumaan pa nga pakiramdam ko, tapos normal naman pala mastress ako sa work HAHAHA ano ba bago dun tapos I find peace talaga to keep making journal para nakikeep ko ng ganito yun nangyari sakin ngayon. Tapos magiging book pala to in the future, chariz. Ginagawa ko kasi siya nung dalaga pa ako. So since masyado ko nababad sa responsibility as a mom and as a wife. Which is tingin ko GINAGAWA ko yun best ko para mabigay ko yun para sa family namin and recently, I've got burnout, kaya marami naging absences si Zoe sa school due to lack of sleep and ako rin may insomia attack ulit kasi nga super serious ako magwork kasi nga malapit na umuwi si Dax so need ipon para makagala kami at makaenjoy pagkauwi niya. Pero tingin ko kinulong ko yun sarili ko sa ganon tas di nako nagsiseek kay Lord, basta naging ganon yun mindset ko tapos outcome unhealthy nanaman para sakin, broken relationship ang ending, and toxic nanaman yun comments ko sa mga challenges na dumating. Sabi nga nung mga ka-VG ko, kapag naiisip ko na mag-isa ako wag ko masyado isipin na ganon kasi nga nandiyan naman si Lord, nakakalimot nanaman ako kasi nakakahawa pala kapag yun partner mo walang faith, ikaw din nahihila pababa. So sabi ko upon realizing, mas okay pala ako talaga kapag not into relationship. Kasi alam niyo yun dun nalang pala umiikot yun mundo mo, kahit ang layo niyo sa isa't-isa nakastick ka pala dun tas di muna nakikita yung mga magagandang nangyayari sa buhay mo, tapos inaatake ako ng anxiety due longingness kay Dax. So yun nga sunday night biglang parang narelease sakin lahat yun bigat, ewan di ko maexplain eh. Basta nagsoundtrip ako nung mga music nung highschool days ko. Kaya ayun pakiramdam ko di pala porket may anak nako hanggang dun nalang, magagawa ko naman pala maging masaya kahit di siya kausap. Tapos nirereminise ko lang yung mga magaganda at nakakakilig na moment, na marami din nagmahal sakin at natanggap ako kung sino ako, na di mo sila plinease. So I've seen my worth, tapos nagkaron din ako ng time para iayos yun sarili ko, yun kahit toxic sa work niyo pero dapat may complete padin tulog mo saka magagawa mo yun responsibility as a mom without guilty. Ang sarap sa feeling! Kala ko kasi need ko si Dax para magawa yun, di naman pala, kaya nga wala siya. And I think even nandito naman siya parang ako padin magdadala non.
0 notes
solidbucketchickenoffriends · 8 months ago
Text
May 6, 2024
Starting to share my thoughts again
Hi! It's good to be back! Nakakatuwa no? Last year sobrang gulo parang lahat ng tao sa paligid mo tinitisod ka. Jokeee, wag tayo masyado negative, normal lang naman yung ganyan. Para akong narefresh last night. Di man ako nakaattend last night sunday service. pero binigay ako ni Lord ng peace of mind. Atleast, I've figured out already yun nagpapabigat sakin. Tingin ko masyado ko piniplease asawa ko eh kaya kami umabot sa ganito. Mahirap din pala talaga, striving ka pero ang ending yun sacrifice ko sa family namin yun side niya yun nagbebenefit. Hindi ko alam kung bakit di ako naaawa, kasi talaga nakita ko naman ang true colors eh. Pero yun pala talaga no, once you let go of the things na complicated, ang sarap sa pakiramdam, kala ko di ko na mararamdaman ulit yung kind of relief kagabi. Linis bahay, laba damit, tapos soundtrip with matching skin care, and adjust ng brace. Self-care pala indeed, di lang puro work at ipon para isipin yun future. Hehe ewan ko kasi bakit lagi ako yun need ko magwork to fulfill the needs of our family pero siya nakasuppport padin sa family niya tas ako parents ko no work at this moment pero di naman sila magpaobliga ng anything sakin yun sa ebike lang naman pero ok nadin kasi hatid sundo naman nila si Zoe ehh. I know naman na okay lang sumuporta siya, wala naman ako prob dun as long as na nabibigay niya yun para kay Zoe pero ako no choice need magwork para makasurvive kami pagkain. Syempre as a wife, It took years na matanggap ko pa sana if sila din nagshe share ng bayad dun sa bahay pero hindi eh yun husband ko lang naman nagbabayad mag-isa. And yes! I've get it need niya support ko pero NAMAN! last year ako nagbabayad ng upa namin, tas mga inlaws ko wala inaabot which is sila naman yun nakatira. Initiative lang naman ang hinahanap ko hindi yun lahat inasa na nila sa anak nila. Di ba nila naiisip na napapagod din naman yun at malayo sa pamilya, may pinapaaral at pinapagatas pa na anak. Kaya sumabog talaga ako last night, but it's okay kasi for me valid naman yun nararamdaman kong inis. Turning 7 years old na anak namin which is until now wala pa kami napupundar dahil lang sa side niya. Di ko alam, kapag nagsalita naman ako, ako masama sakanila. Anyways, okay narin yun may realizations nadin naman ako saka natapos din yun alone time ko for waiting him na hindi naman pala worth it di talaga ako nag gogrow kung lagi lang ako magrerely sakanya and even his decisions financially, I'm a working mom hirap naman non nagpapakapagod ako tas siya padin masusunod. Gusto ko magfull time business talaga, di ko lang mapursue pa ulit kasi nga ang hectic ng sched ko ulit ngayon sa work since kakabalik ko nga lang ulit.
0 notes
Text
Apr. 28
Sabi nga sa devotion this week, 7 heavenly virtues: LOVE
Lagi nating tanong sa sarili natin paano nga ba natin mamahalin yun mga taong mga nakasakit satin. Diba kung iisipin natin mahirap? Oo mahirap kapag galit ka, kapag nadismaya sa taong inasahan mo ng sobra. Naalala ko nun sabi ni ate shine, even your husband will give you disappointments. Kaya lahat yan expectations natin sa tao need natin isurrender kay Lord. 
Alam mo yun ngayon ang sarap sa pakiramdam, minsan kung iisipin masyado nadaw ako mabait, masyado daw ako maunawain pero tingin ko di parin may mga ibang insights padin sakin ang mga tao na negative na masasabi padin sakin kasi di naman tao perfect and even our flaws will make us stronger person. Di naman masama na aminin na mali tayo or nagkamali tayo ang importante kaya natin aminin sa sarili natin na kapag hindi natin kaya isusuko natin lahat to sa panginoon. Mahirap magdecide sa mga oras na to. Naalala ko dati nandito ako sa ganitong sitwasyon non without knowing sa naging resulta na ginawa ni Lord sakin, ngayon ko narealize na nasa tamang path lang ako eventhough broken family kami di naman pala porket sinabing nasa broken family kayo the result is negative or yun judgement nung tao is hindi maganda. Mahirap pala magstay up into unhealthy relationship even you wanted to hold and stay, pero sabi ni Lord tama nayan. Mahirap ipilit ang mga bagay na hindi para sa isa’t-isa. Tingin ko may mas maganda siyang plano for us to grow individually. And now mixed emotions ako malungkot ako kasi naniwala ako, umasa ako, and at the same time yun mga bagay na iniisip pala natin di ibig sabihin non pinabayaan na tayo ni Lord may mas maganda lang talaga siyang plano para sa atin. 
Ang hirap hanapin nung sarili no? Everytime I’ve ask and doubted myself sa mga mistakes ko sa past. Mahirap pala kapag nakasakit ka ng tao lalo na yun asawa mo. It breaks him a lot. And I think I’ve always seen myself na ako lagi yung nasaktan ako, yun tinapakan ang pride, inubos yun pagkatao. Parehas lang pala namin siya pinagdaan actually. Lagi ko kasi nakikita yun sacrifices ko lang bata pa kami talaga. Alam mo in this world living in earthly things lahat ng heartaches, brokeness, and pain mararamdaman natin siya, mahirap takasan, masakit and at the same time mahirap tanggapin it’s a process. 
0 notes
Text
Apr 12. Emotional Damage
Got home from munisipyo and daylight cafe(Builders) habang nakaduty padin ako from work. Still working padin kahit nasa labas habang iniisip kung bakit umabot kami sa ganitong sitwasyon. 
Para akong sinulid na pinipilit ko lumusot sa karayom, para akong nasa kawalan ngayon na lahat ng bagay na tiniis ko nauwi lang sa wala. Alam ko naman aabot kami sa ganito, pero di ko inasahan na talaga dito kami nauuwi, binabalikan ko lang yun nakaraan last yr same place na narealized ko na sana last yr palang pala tinapos ko na. pinakamabigat at masakit para sakin kung iisipin ko lang kaya pala di nag grow o naayos ang relasyon namin dahil sa mga taong tutol sa relasyon namin simula palang. Pinaglaban naman niya ako na pakasalan dati pero bakit nung mag-iisa o dalawa taon na si Zoe sa mga kumutya sakin naging isa nadin siya sakanila, na parang kasalanan ko lahat, mali ako, nagkulang ako bilang asawa, di ako sanay makisama, na kahit saang angulo ako yung may problema at wala nagawang tama. 
Daming nasayang na panahon, binigyan na ako ni Lord ng ilaw na sasagip sakin dati. Pero dahil sa awa at pagmamahal na meron ako nagawa ko siyang bitawan kasi nakita ko din yung buhay na pwede niya danasin kapag pinilit niya pumasok sa buhay ko. Pakiramdam ko para akong may sakit, na kapag meron isang taong humawak o pumasok sa buhay ko eh, masisira din ang buhay niya. 
Pero last yr 2021, God saved me. Empanada and Milk escafe, si Hanna ang ginawang instrumento ni Lord na nakapagpabago ng buhay ko, isama mo pa yung Axie ko na nawala. 
After 3 years of losing identify, God lifted me up. Sa pagkakadapa at pagkabagsak ko siya ang sumagip sakin na umabot sa punto na nandito ako ngayon, siya ang nagtaas sakin ng kusa na hindi ko kailangan ipagyabang sa iba kung ano ang narating ko ngayon kundi ang kaya ko lang ipagmalaki ngayon ay nandito ako sa sitwasyon na to kasi dito ako dinala ng panginoon ang alam ko lang at sinasamahan niya padin ako sa laban ko na to ngayon. Nakakapagod, nakakadrain, at nakakaexhaust ng buong pagkatao. Pero sa mga oras na to, naalala ko ito yung stage nung sakit na dinanas ko dati kay JP na sa tatay niya ang issue namin dati, mahal ka niya pero di ka niya maipaglaban. Ngayon naman mahal ka niya pero kailangan mo padin may isakripisyo, kaso ang kailangan mo isakripisyo yun katahimikan na kahit kailan di mo nabili o nakamtam sakanya noon pa man. 
Losing of self respect, Is the real hard to let go.. 
Ang hirap igain neto sa mga taong bulag o never nakita ang mga nakaya mo sa mga di mo kinaya. Mulat sila sa mga mali mo na until now di niya kaya tanggapin ang realidad na meron kang kinaya at tiniis para maabot yun ginusto mo lang naman na magkaron ng buong pamilya. 
Nakakapagod pala no? Na kahit anong gawin mo na kahit pati sarili mo hindi muna magbigyan ng oras ang ending kung saan ka nagkulang yun padin ang highlight. Siguro kundi ko binitawan yun ilaw na dinala sakin dati wala siguro ako dito, hindi siguro ako nagiisa, hindi siguro ako nasayang yun oras ko sa taong umaasa ako na sana magbago.. Iniisip ko nalang na lahat nang pagsisisi ko ngayon papalitan din to ni Lord nang pasasalamat ko na buti nalang nagawa ko maghintay, na marerealize ko na hindi sayang yun chance na binigay ko sakanya kasi darating din yun oras na maabot din niya yung rurok na magsisisi siya 
0 notes
Text
Apr 11.
Actually dapat apr 1 palang magstart nako dito, kaso kilala mo naman kung para kanino yun isusulat ko dapat pero eto yun mga bagay na di ko ineexpect ngayon. Ang bilis ng pangyayari.
Yung feeling na ganito eto yun pakiramdam ko dati nun kay Jp nung on and off kami, masakit siya paulit-ulit. Pero kapag mahal mo talaga yun tao mabubulag kana lang minsan talaga sa mga bagay bagay at susugal ka ulit kaso this time parang di ko na kaya itaya yun baraha na meron ako. Yung dati kasi magulang ang issue, mahal ka niya pero ang may prob magulang ang may ayaw sayo. Pansin ko lang lagi sa mga exes ko puro magulang ang issue. Lagi ako natatapat sa ganon. So eto nga, di ko ineexpect kasi 11 months din kami naghintay ni Zoe para hintayin siya. Tapos ang ending di parin pala kayo ang pipiliin, nandun siya lagi sa comfort zone niya for the sake na maabot niya ang pangarap niya, kaya niya kami isantabi para lang di siya ang madehado. Naiintidihan ko, naawa ako pero nagising ako sa mga oras na to. Kung meron man dapat bumuo ng pangarap need namin isakripisyo yun para samin kasi unang-una si Zoe ang mas may need non. Support namin dalawa ang need niya ang hirap kasi kapag ikaw lang mag isa ang nag eeffort tapos the rest puro sayo ang bagsak ng responsibility tapos in the end nagkulang ka kasalanan mo padin. 
Masakit,
kasi umasa ako mabubuo kami, umasa din yung bata na kahit sa isang simpleng maliit na apartment buo naman ang pamilya. I’ve keep striving para lang umabot sa finish line na to pero ang ending maghihiwalay padin pala kami.. 
Naalala ko si JP na every year non never hindi nagcross ang tadhana samin. Tuwing may prob nandiyan siya lagi ang pinaka hindi ko makakalimutan non nagstart kami sa nag alsa balutan kami pauwi kela daddy non tapos may dala ako dalawa duffle bag na may kasamang infant Zoe pa that time, hinatid niya kami non sa caloocan hatid lang yun my dear tulong lang niya sa amin mag-ina kasi wala naman ibang gagawa, naalala ko non nung nagstay kami dun para akong tanga na lagi ako umaasa na magbabago siya kung ibabalik ko 2018 until now still the same hindi parin siya makaalis sa puder ng magulang niya, hindi ko maimagine kasi kung mahal ka naman nang isang lalaki handa siya gawin at magsacrifice para mabuo kayo. Well, I think it’s a sign na hindi talaga, mahirap ipilit ang hindi talaga nakatadhana para sayo
Ang narealize ko lang ngayon, minahal ko  din pala talaga siya na parang kay JP dati kahit di man ganon mas higit sa ginagawa ni JP non, hindi pala nasusukat sa ganon yun kapag mahal mo kahit mas lamang man yun akin di naging lingid sakin na patuloy ko padin siya minahal. 
Di lang pala to dahil kay Zoe, hindi pala dahil sa naaawa ako, kasi minahal ko pala talaga siya ng sobra kahit galit, poot, at pride ang umiral sakanya. 
Hintayin kita magheal pero sa mga oras na to sana mapatawad moko ginagawa ko to para sa mas ikakabuti ni Zoe hindi sa sariling kagustuhan ko. Mahal na mahal kita, pero hanggang dito nalang tayo siguro
1 note · View note