#Tagalog poem
Explore tagged Tumblr posts
lihimlihamtinta · 8 months ago
Text
Hihintayin kita dito sa kabilang dako
Hanggang sa maisipan mong lumingon
Hanggang sa ang pagitan ay tawirin mo
Hihintayin kita dito sa kabilang dako
Kapag muli mong naalala ang ating sakripisyo
Kapag ninais mo nang lagyan ng kaduktong
Hihintayin kita dito sa kabilang dako
Dahil ikaw pa rin ang natatanaw na destinasyon
Dahil tayo pa rin hiling sa huling bersikulo
Hihintayin kita dito sa kabilang dako
15 notes · View notes
wmab · 1 year ago
Text
Alam ko namang hindi ko kailangan. Pero minsan, naiisip kong makakahanap rin ako. Ng mabuti at marunong makinig. Ng may pakialam at di takot humibik. Yung hindi masyadong duwag sa pûla ng aking malakas na pagkababae. Hindi napahihina sa tapang ng nakakalalaki kong kalikasan at prinsipyo. Kung hahanap man ay dapat kaya n'ya ang aking mga bagyo, mapa delubyo man ng aking mga suhestyon sa buhay at makatotohanang payo. Saan ka pa kaya sa mundo makakakita ng taong kayang lumuhod sa hindi n'ya kapanalig ng pagkatao?
Hindi ako naghahanap. Ni hindi ako nangangailangan. Pero numanais rin ako ng marunong sumakay at may alam kung kailan tamang maglumanay at lumaban.
-WMAB
27 notes · View notes
thelakeswhereidie · 1 year ago
Text
Tumblr media
20 notes · View notes
sulatgino · 11 months ago
Text
Bata, bata paano ka ginawa?
070723
Bata, bata paano ka ginawa? Hinubog ka kaya ng nakapalibot na madla Nilang mga nakatanga't nakatulala O kaya nama'y nilang mga nag aalala
Maaaring hindi, maaring nakilala mo ang ikaw Sa kabila ng mga turo at panuto Sa dulo ng mga pagbabago Sa likod ng salaming nakaulayaw
Nakita mo kaya ang mga liko O patuloy ka bang sumunod sa daan habang nakapikit Sinusundan ang halimuyak ng mga nagdaan, nakakasalamuha ang mga bumabalik O di kaya'y patuloy lang na nakikiramdam
Ang mahalaga'y patuloy kang naghahanap Hindi ka mawawala kung hindi ka magpapanggap Hindi mawawalang saysay ang nawala sa pagkakamali Hindi masamang manatili sandali
Kilalanin mo ang iyong sarili Hindi mo kailangang magmadali Hindi naiiwan ang nagpapahinga Nasa isip lang natin ang konsepto na may nauuna
Kaya't paulit ulit mo lamang tanungin ang iyong sarili kung paano ka nga bang ginawa Sa pamamagitan nito ay mananatili kang naghahanap Ngunit kailan ma'y di mawawala.
8 notes · View notes
ano-po · 6 months ago
Text
At sinabi ko sa Bathalang Maykapal,
Hindi ako sasayang muli,
Kung hindi mo siya ibabalik sa akin.
4 notes · View notes
monopanstatic · 6 months ago
Text
Labada
Umaga t'wing Sabado, sa tirik ng adlaw
Ang aking araw ay gastos
Pagkusot at pagbabad ng labada
Sa mabulang sabon kunot ang kamay
Sa pgsampay at ginaw ng tubig gripo
Ganito rin 'nong nakilala kita
Lukot ang aking mga daliri
Nang hinawakan kinis ng iyo
Pink ang 'yong tsinelas
Maliwanag sa init ng Pinas
Ang umaga ko 'non ay maganda
Anyos lima pa tayo 'nong dalawa
Ngiti mo pa'y sing bango ng Surf
Puso'y sing puti ng Calla
Kilala kita.
Umaga ko'y maganda
'Pagkat ang tumutulong luha ng sampay
Ang busilak at masamyong sayaw ng hangin
Parang mga mata mong noo'y nakatingin sa'kin
Nang nagsitakbuhang walang humpay
Tayong mga musmos
Dala ng panalangin ang detergent na natutuyo
Sa'yo, naalala kita.
Sa bawat pagkamot ko sa ulo
At naaamoy ko ang sabon
'Di alintana ang pagdulas na matalim
Ng aking nagkakamutang mga kamay, yaon
Pinapaawit mo'ko nang taimtim
T'wing naaalala kita
Kilala kita sa bawat panginip
Na parang araw sa sampayang
Sinasadya ng mga bulaklakin mong
gamit na detergent—
Parehas sa lagi kong gamit ngayon
Hindi ko mabago kung ang bango no'y
Tulad ng iyo
Noong una kitang nakilala
Kilala kita sa pagpikit
Lagi kong nakikita ang 'yong mukha
sa dilim kung san'
Ika'y aking iniwan
Mukha ng Isang litratong nasunog
at 'di makilala
Na parang bula sa aking pag mithi
Sa bawat pag-uwi mula
Eskuwela kung saan na'ron karin
Naaalala ko ang matamis mong ngiti
Kahit nakatalikod ka sa'kin
Kilala kita
Simula nang unang dumilat
ang mapupungay mong mga mata
At lumingon ka sakin
Nakangiti't nanatatiling akin
Sa mga kamay kong sing musmos
Nang una kitang nalukot
Sa paglalaba nang lubos
Naaalala pa kita
Noong kilala pa kita
Lalabhan ko na lamang ang mga ala-alang
Naroon ka ngayong tayo'y di na pwede pang magkita
Kasi hindi na kita kilala
Hindi mo na ako kilala
Parang mga bula sa labadang
Nabanlawan na.
2 notes · View notes
flordelaraw · 2 years ago
Text
Bakit mo nilisan
ang puso ko na nagmamahal ng tapat sayo,
Bakit ikaw parin
kahit na ikaw ang unang lumayo,
Sana tinuruan mo ang puso
kung paano limutin ang tulad mo,
Dahil pagod na akong
gumising sa umaga na nangungilila sa'yo.
8 notes · View notes
dzeyzi · 1 year ago
Text
Palagi
Lumipas na ang mahigit isang taon Ngunit pag-ibig kong alay sa ‘yo ay nandito pa ring nakabaon Minahal kita sa mga nagdaang kahapon At pag-ibig ko’y patuloy pa ring umaahon hanggang ngayon
Isang taon na rin ang lumipas noong nakilala kita nang walang kamalay-malay Hindi inaasahang pati puso ko’y kasama mong tangay Batid kong malayo ka man at hindi mahahawakan ang iyong kamay Ngunit asahan mong ang pag-ibig ko sa ‘yo ay mananatiling pantay
Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa aking kaisipan Noong una kitang nakilala mula sa kapaligiran kong puno ng ingay at kalungkutan Hindi ko inasahan na ikaw pala ang siyang magbibigay kulay Sa mundo kong walang buhay
Hindi ko namalayan na ikaw na pala ang dahilan Sa aking mga dinadasal At tuwing ikaw na ang pinag-uusapan Tila ba parang ako’y nauutal
Ngunit ngayon na nandito ka na Kahit may natitira pang pangamba Alam kong si kupido na ang dahilan sa pagpana na aking nadama At panatag na ang aking loob na ako’y sayo itinadhana
Sa Diyos ay ikaw lamang ang tangining hinihingi At ika’y hindi na ibabahagi at itatanggi Dahil alam mo namang hanggang sa huli Ako’y sayo palagi - jc a poetry i made inspired by tj monterde’s palagi :)) dedicated to my beloved, doc tricia <3
5 notes · View notes
yahjustplainboring · 1 year ago
Text
#62
sabay sa pag agos ng ulan papunta kung saan
ay siya ring pag sabay ng luha kong kanina pang pinipigilan
malungkot at umiiyak ang kalangitan
para bang ito’y nakikidalamhati sa sakit na aking nararamdaman
6 notes · View notes
tugmataludtodtalata · 1 year ago
Text
napagtanto ko lang,
ikaw ang paborito kong paksa.
kahit anong pigil at tigil kong lumikha,
ang espasyo, puwang, at patlang, napupunô ng parirala.
kahit maraming dahilan at hadlang,
ikaw ang paborito kong pag-usapan.
napagtanto ko lang.
4 notes · View notes
churrostic · 2 years ago
Text
Sa may balay
matapos ang lahat
nakita na ang balat
 .
napalalim
dumilim
makulimlim
nakalimlim
 .
umaraw
aalis na raw
ngunit walang kalabaw
bukas na lang daw
 .
sumapit ang bukang liwayway
iyong kamay
hihiwalay
sa aking kamay
8 notes · View notes
impostoryy · 2 years ago
Text
bata, dahan-dahan
Oo, ang pagtatanim ay 'di biro
na kapag inapakan ni delubyo
parang buhay na maglalaho
oo, ang panaho'y mapaglaro
sa lansangan— h'wag kang tatago
bata, h'wag sayangin bawat sigundo
mahalaga ang oras— yan ay ginto
pulutin mo upang magbunga ng talino
makipag patentiro ka kay kamalasan
takasan mo nang may katatagan
sa hamon ng buhay— ibuhos ang kalakasan
gamiting sandata ang 'yong kaalaman
bata, dahan-dahan, daan-daan na ang
may pasan-pasan at pasa-pasang
dulot nang saktan sila ng kasa-kasamang
walang ginawa kundi pagsawaan ka lang
malabong umalingawgaw ang batingaw
'di mo mararanasang sa saya ay sumigaw
[ O ] ang puti mang kasuotan 'di masisilayan
pagka't isa ka lang parausan sa oras ng kalibugan
-impostor
2 notes · View notes
wmab · 1 year ago
Text
TAO KA LANG
Tao ka lang. Hindi lahat dapat mong kayanin. Ano ba naman ang saglit na pahinga? Humugot na ng di mapitas na buntong hininga. Pasukuin ang bigat ng buhay at palayain sila sa mga mata.
Kung balak buhatin ang mga bagay, kahit paano ay bumitaw sa sakit ng loob. Tao ka lang. Iinog ang walang pakialam na mundo kahit hindi ka magtuloy. Kaya magpahinga ka. Tao ka lang. Kahit hindi nila maintindihan. Kahit na parang ang pagtigil ay mortal na kasalanan. Kung wala nang matitira sa'yo ay paano ka pa magbibigay? Tao ka lang.
Saglit lang. Baka magalit pa sa'yo ang ningning ng pag-asang dala ng ulan. Ikulong mo muna ang mga pumapalahaw na bulong sa pusod ng mapanira nilang bahay-bahayan. Sa sulok ng isipan. Hanggang sa di na sila matagpuan. Nagyon na, huminto ka. Ang ingay sa ulo at mga tanong na makalaslas-pulso. Magpahinga ka para malaman mo. Kung hinahanap man, ang payapa ay dapat magsimula sa'yo. Tao ka lang.
Magpahinga ka. Tao ka lang.
-Wag Mo Akong Bitawan (WMAB)
30 notes · View notes
poeticpwet · 2 years ago
Text
Tatlong araw na ang nakalipas mula nang iniwan kita, para piliin naman ang sarili ko. Bawat piraso ng pagkatao ko ay nananabik sa iyong yakap, tawa, ngiti, tingin, boses, hawak, at halik na kinabisado ko sa loob ng tatlong taon, na ngayo'y pinipilit kong bitawan at kalimutan.
Paano ko magagawa 'yon? Kung sa loob ng isang libong araw, ikaw ang tinatanaw, iniisip, kinakausap, at kinakasama. Paano ko magagawang kalimutan ang kalahati ng pagkatao ko?
2 notes · View notes
sulatgino · 11 months ago
Text
Sinulatan kita
020923
Bakit sa twing magsusulat ng tula ay naaalala ka? Tila laman ka ng aking mga tinta na sa t`wing ititipa sa papel ay sumasabog ang mga alaala nating dalawa Hindi ko na nga masulatan ang iba Kahit magsimula ako sa kanila ikaw at ikaw pa rin ang maipipinta
Siguro nga'y mali ang manatili sa nakaraan Ituro man palayo ng ilang nagdaan Patuloy kong idinadahilan ang hindi kahandaan Sa mga dumarating at namamaalam
Nakakapagtakang laman ka pa rin ng mga kanta sa gabi Gayong walang tono ang mga tulang naialay sa iyo Nangangamba pa ring isulat ang mga tugma sa gabi Takot na pangalan mo ang mabuo sa dulo
Sinanay mo akong nagkukwento ng araw ko Kaya nakakapanibago sa t'wing ako ang nagiging tagapakinig Nakakagulat pa rin minsan malaman ang halaga ko sa mata ng ibang tao Lalo't mas nauna ko pang makalimutan ang aking sarili kaysa sa iyong ngiti at mga titig
Sinusulatan pa rin kita, hindi sa pag-asang magbabalik ka Sinusulatan pa rin kita sa pag-aakalang mapapagod ang aking mga kamay Sinusulatan pa rin kita upang tuluyan kang pakawalan tulad ng mga luhang bumubura sa tintang bumubuo sa iyong pangalan At patuloy akong magsusulat kahit hindi na tungkol sa iyo
Isusulat ko kung paanong nabuo ako sa mga pagkakamaling naitama ko Isusulat ko kung paanong nahanap ko ang aking sarili sa dulo ng mga tugma Isusulat pa rin kita, sila, at kung may mga susunod pa sapagkat doon ay makilala nila kung sino ako Kung paano ako magsulat at magpahalaga sa mga salitang binibitawan ko.
2 notes · View notes
ano-po · 10 months ago
Text
Tumblr media
Takot tumuloy kase takot masaktan
Takot masaktan kase takot magtangahan
Takot matangahan sa sarili kase ano... ano...
Takot magsisi na ika'y nagmahal
Na naibigay ang puso sa magkakasala
Na naibigay ang kapayapaan sa delubyo
Na naibigay ang kapangyarihan sa mahina
Na naibigay ang lahat sa wala
"eh, ano naman?"
Huwag magsisi na ika'y nagmahal
Para saan ba ang pagsasama?
Para sa sumpaan at kasalukuyan
- ano-po 01|29|24
5 notes · View notes