#TAGALOGPOEM
Explore tagged Tumblr posts
Text
TAO KA LANG
Tao ka lang. Hindi lahat dapat mong kayanin. Ano ba naman ang saglit na pahinga? Humugot na ng di mapitas na buntong hininga. Pasukuin ang bigat ng buhay at palayain sila sa mga mata.
Kung balak buhatin ang mga bagay, kahit paano ay bumitaw sa sakit ng loob. Tao ka lang. Iinog ang walang pakialam na mundo kahit hindi ka magtuloy. Kaya magpahinga ka. Tao ka lang. Kahit hindi nila maintindihan. Kahit na parang ang pagtigil ay mortal na kasalanan. Kung wala nang matitira sa'yo ay paano ka pa magbibigay? Tao ka lang.
Saglit lang. Baka magalit pa sa'yo ang ningning ng pag-asang dala ng ulan. Ikulong mo muna ang mga pumapalahaw na bulong sa pusod ng mapanira nilang bahay-bahayan. Sa sulok ng isipan. Hanggang sa di na sila matagpuan. Nagyon na, huminto ka. Ang ingay sa ulo at mga tanong na makalaslas-pulso. Magpahinga ka para malaman mo. Kung hinahanap man, ang payapa ay dapat magsimula sa'yo. Tao ka lang.
Magpahinga ka. Tao ka lang.
-Wag Mo Akong Bitawan (WMAB)
#tula#mga tula#tagalog#tagalog poem#tagalog tula#pilipinas#pilipino#tulangtagalog#maikling tula#filipinopoems#poetic#prose poem#selfworth#self care#self love#tagalogpoem#tagalog hugot#tagalog post#pilipinx#poetic prose#philippines
30 notes
·
View notes
Text
Ang kambing ni riel
Isang maliit na kambing ang buhay sa gitna ng bukid nila gabriel,
Itim ang langit malayo sa kinagisnang kulay na kahel,
Ang kawawang magsasaka ay hindi makatulog
Sa kakatawag nito sa kaniyang ina,
“Meeh”
“Meeh”
“Meeh”
Bumalikwas ng posisyon si gabriel,
Higpit ang kapit sa kaniyang unan at kumot na mala mantel,
“Meeh”
“Meeh”
“Meeh”
Tawag pa nitong muli sa ina,
Maaga pang mamumukid si gabriel
Kailangan na nitong isarado ang mga mata
At malululon sa tahimik na heleng
Ibinubulong ng hanging habagat
“Meeh”
“Meeh”
“Meeh”
Hindi alam ni gabriel kung bakit ngayon
Ang ingay ng kambing
Ang ina’y sa kaniya naman ay malambing
Maya’t maya na walang ang tunog ng kambing
At bago pa malaman ng magsasaka,
Umaga na,
Tuyong dugo ang nakita sa damo,
Ang batang kambing ay nasa gilid titig dito,
Maramdaman niyang si gabriel ay dumating,
Sa kaniya naman ito tumitig
Maya maya dumating si manong ismael,
Bitbit ang isang bagay na nakabalot sa kumot
‘sing nipis ng mantel
“Ay pagkasarap ng luto mo riel!
Ayan pinagbilin ni misis ika’y bigyan
Ng ulam dito sa lalagyan”
Titig ang batang kambing sa damo,
At si gabriel ay hindi umimik, sa gilid ay umupo.
“Ma?”
Tawag ni gabriel,
“Ma?”
“Ma?”
“Ma?”
Titig ito sa puting balat ng matres,
Umaga, tuyong dugo ang kita rito,
Naramdaman niyang may dumating,
Doon sa pumasok, siya ay nakatitig,
Maya maya dumating ang kaniyang kuya,
Kasama ang butihing tiyuhin
Bitbit nila ang malaking bagay na nakabalot sa kumot
Na ‘sing nipis ng mantel
“Riel,” tawag ng kuya,
Sa gilid ng kaniyang ina si gabriel ay naupo
“Ma?”
“Ma?”
“Ma?”
“Ma?”
Sa puting mantel siya ay nakatitig.
Sa puting mantel siya ay nakatitig.
Sa isang bahay, bumalikwas ang babae mula sa pagkakahimbing,
Hindi ba’t ang kambing nama’y nilalambing?
Bat kaya ito’y tumatawag at naghihinagpis?
Maaga pa ang pasok ng mga bata, kaya’t ipinikit nito ang talukap ng mata.
Mamaya pa ang gising, maaga pa
-koli.
0 notes
Text
Nakakapagtaka, ni hindi ako nagdarasal ngunit natagpuan na lamang kitang ipinapanalangin ko sa bawat araw na nagdaraan.
0 notes
Text
Pinipili ko ang aking sarili
Pinipili kita pero pinipili mo sya Masakit oo. Tanga o cge. Pero tandaan mo ito. Sa aking pagbangon at sa aking paglisan, Hinding hindi mo na ako makikitang luhaan O nasasaktan Pagdating nga raw na yun, saka mo mapapagtanto Kung sino ang taong pinili mong isuko Saka mo maiisip na sana pala sya ang pinili mo Saka mo masasabi sa sarili mo na mahalaga ako sayo. Sa oras na mangyare yun, patawad. Patawad dahil hindi na ako yung taong handang masaktan at magsakripisyo Para sa taong hindi naging sigurado sa akin. Patawad dahil sa araw na yun, mas pinipili ko na ang aking sarili. Mahal kita, hindi yun mababago Pero hindi ko naisip na sa pagmamahal palang ito Makakalimutan ko ang sarili ko. Kaya pinipili ko nang manahimik Mag isa Mag isip Magbago Magmahal Pinipili ko nang Piliin at mahalin ang sarili ko. Kaysa maniwala na baka babalik ka pa at pipiliin ako. Salamat sa lahat.
5 notes
·
View notes
Photo
HABANG (on Wattpad) https://my.w.tt/I81IC6kBb9 hanggang saan mo kayang maghintay? hanggang sa napaka tanga mo na? hanggang sa sobrang sakit na? hanggang sa di mo na kaya? Isang Tula Para sa Isang Taong KAHANGA HANGA.
#hurt#lost#love#poem#poetry#sakit#tagalog#tagalognatula#tagalogpoem#tagalogpoetry#tula#tulangtagalog#books#wattpad#amreading
1 note
·
View note
Photo
Nalunod at Nalamon
Ilang beses na ba ako nilamon At pilit sinubok ng panahon Ngayon di na ako makaahon At di na rin makabangon
Nilamon na ako ng kalungkutan Hindi ko na alam ang salitang kasiyahan Na pilit at gusto kong maramdaman Pero wala, isa na akong talunan
Nagpakain na ako sa sistema Hindi na ako nakawala Ngayon, nakakulong na ako sa sarili kong selda Walang magawa kundi ang lumuha
Hindi ko alam kung kailan ako makakaahon Sa kalungkutan ko na mas malalim pa sa balon Tinangay na ako ng malakas na alon At di na ako makaalis, sa lungkot ng kahapon
- himitsusakka (12/10/19)
1 note
·
View note
Text
A tagalog poetry "Para sa Aking Tala"
Ang ganda talaga ng mga tala.
Mga mumunting liwanag na kumikinang sa malawak nating kalawakan.
Nagsisilbing gabay 'pag ang araw ay nagpapahinga at ang buwan ay 'di nagpapakita.
Na tila ba sinusundan tayo sa lahat ng ating pupuntahan.
Bata pa ako noon nang matutunan ko itong kahumalingan.
Na kapag payapa ang kalangitan sa gitna ng kadiliman.
Ay laging nakatingala at isa-isa silang pinagmamasdan.
Bumubuo ng mga hugis at imahe sa aking kaisipan.
Minsan nag-aabang ako na may isang bumagsak.
Sabi kasi na kung ako ay hihiling rito ay aking makakamtan.
Ngunit iba ito sa aking napag-aralan.
Dahil ito raw ay nakasisira, nakawawasak.
Ngunit may isang talang namumukod tangi.
Mas maliwanag pa sa araw ng umaga at buwan ng gabi.
'Pagkat naiiba ang kinang nito na nagtataboy saking sarili.
Na nagdudulot ng pagkanais lumipad at maabot ito kung sakali.
Subalit ang paglipad ay malabo 'pagkat hindi ito katangian ng tao.
Ang magagawa ko nalang ay maghintay dito saking mundo.
Nagbabakasakaling balang araw ito ay bumaba rito.
Para sa akin ay mahawakan at maramdam ko.
Dahil tapos na akong tumitig at silayan lang ang kagandahan.
Nanaisin nalang na maging isang handang kapatagan.
Na kung sakali mang ito'y sa mundo ko babagsak.
Makasasalo ako sa nag-aalab na pagdating kahit ako ay mawasak.
2 notes
·
View notes
Text
Nakakalungkot
Tuwing iniisip ko’y nakakapangilabot
Bawat araw na magdaan
Pagkakagusto ko sayo’y lumalalim, di na maabot
Paano nga ba nagsimula
Hindi ko mawari kung ano nga ba talaga
Ang nararamdaman ko tuwing ika’y nakikita
Mga ngiti mong nakakabighani
Mga biro mong nagtutulak sakin na baka sakali
Baka sakali’y magustuhan mo rin
Mga matang sayo lagi nakatitig kahit lutang sa hangin
Baka sakali’y mapansin mo rin
Mga simpleng bagay na nasa harap mo na pero ikaw sakanya pa rin nakatingin
Pero teka, sakanya nga ba
Teka, maling salita ang nagamit ko yata
Babaguhin ko, sakanila ka parin nakatingin
Kahit nandito ako sa harap mong naghihintay pa rin
Sakanila, oo tama na ang nagamit kong salita
Sakanila
Dahil hindi lang iisang babae ang nakakausap mo sinta
Bawat linggong dumaraan ay panibagong nilalang
Bawat tingin ko sa posts mo ay iba’t ibang babae ang uhaw sayong atensyon makausap ka lamang
Hindi ko mawari bakit ganyan ka
Kulang ba ang atensyon ng iisang dalaga?
Kulang ba kaming mga kaibigan mo para ika’y sumaya?
O sadyang ganyan ka lang talaga na uhaw sa pagmamahal ng iba?
Ako’y natatawa tuwing nakikita mga share mo
Halos lahat patungkol sa loyalty kuno
Oo nagustuhan kita
Past tense, hindi na ako susubok pa
Hindi ako susunod sa haba ng pila
Ng mga babae na sayo’y nagkakandarapa
Oo, pogi kana
Kaya nga ako nagkagusto sayo, hindi ba?
Pero ngayon ay nalaman ko na
Na hindi ka marunong makuntento sa iisa
1 note
·
View note
Text
11/29/18
Lumangoy ako sa karagatang
Kasimbigat at kasinlalim ng sa 'yo.
Sumuko ako sa mga alon
Kasabay ng pagsuko mo.
Nanghihina ako habang lumulubog
Sa maalat na katubigan
Maging ang sinag ng araw
Ay hindi ko na masilayan.
Ngunit umaasa ka pa rin sa 'king liwanag
Kahit nakakulong na ako sa dilim.
Lunod na ako sa tubig,
Ngunit ang paghinga ko pa rin ang iyong hiling.
2 notes
·
View notes
Text
PALAGI
Pakiramdam ko, kahit na kaninong matatag na balikat pa ay hindi rin aakma ang aking ulo.
Sa'yo lamang nakahulma ang aking pag-iisip at ang aking mga tunghay sa malayo.
Kahit na kanino pa sigurong matatag na bisig ang umagapay,
hahanapin pa ring mainam ang perpektong lapat ng palad mo sa aking uhaw na kamay.
Himlayan ka na habambuhay ng mapaglayag kong malay.
Nakatatak nang marahil kahit na sino pa ang humagkan.
Tanda na ng aking mga labi ang pasikot-sikot sa kalsada ng sa'yo at sa'yo lang.
Memoryado na ang mga galaw, ang katahimikan, at maski mga hiyaw.
Kahit na sino pa sigurong boses ay tanging bulong mo sa 'king nagniningas-kugon na pag-asa ang pakikinggan.
At kung sirain man ng paborito kong kadiliman ang yong pangalan,
ay sa'yo pa rin marahil mananahanan.
Ikaw at ikaw.
Palagi.
Araw-araw.
.
.
.
Wag Mo Akong Bitawan (WMAB)
#tula#mga tula#tagalog#tagalog poem#tagalog tula#tagalogpoem#tagalog hugot#poem#tagalog post#mahal kita#hugot post#tulangtagalog#maikling tula#pilipinx#pilipino#pilipinas#original prose#prose poetry#prose poem#original poetry#tagalog poetry
21 notes
·
View notes
Text
DANTAY
#00035
“DANTAY”
Mga hindi inaasahang pangyayari;
Paru-parong nakarating sa alapaap,
Musika mula sa naudlot na pangarap.
Kasama kang tumakbo sa ilalim ng ambon
Ako ang babae, pero ako ang hari.
Sa hindi inaasahang pagkakataon,
Meron akong ikaw sa gitna ng taon.
Isang sabi lamang ng “pasundo”,
At pagkalipas lamang ng limang minuto,
Hawak ko na muli ang mundo.
Ngunit—mabilis dumaloy ang alon
At ang oras ay hagupit ng tadhana.
Sarili kong isip ay hindi ko mawari
Masyadong magulo ang tunog ng sonata.
Anumang oras ay masasandalan mo ako
Ngunit ayokong magbitaw ng pangako.
Wari ko’y nagustuhan mo ang aking dantay
At ang mahigpit kong hawak sa’yong kamay.
Habang ang ating musika’y
Dahilan ng mga paru-paro para sa aki’y dahan-dahan umuwi.
At ikaw na yata ang matatawag kong tahanan
Habang sa’yong dibdib ako’y komportableng nakahimlay.
Mayroon kang ako—
Nagkaroon ka ng “ako”
Sa buwan ng Hunyo; sa gitna ng taon.
Sa alinlangan ng mga ingay,
At sa takot ng pagkakamali
Na siyang nag-alis ng bawat lumbay.
Pero, sa kabila ng lahat,
May malaking respeto sa bawat “hindi.”
Oh—wari’y—ito na yata ang alamat ng dantay.
Subalit—Patawad,
Kung wala pang dalawang oras ay,
Babangon na ‘ko’t bibitaw sa’yong mga kamay
Ang maskara’t damit ay isusuot muli
Panakip sa mga kalmot at sugat sa binti
Mula sa pagkadapa ng pagtakbo
Dahil sa takot sumugal sa hindi sigurado.
O baka ayoko lang talaga maging komportable
At… matali.
Sabay tingin sa’yo nang may maalagang ngiti
At mata ng bahagyang pagsisisi—
Dahil, sa gitna ng taon,
Ikaw ‘yung naging pahinga sa nakakapagod na mundo.
Ngunit, hanggang dito lamang tayo,
Hanggang ganito lang na magkadantay—
Sa ibabaw ng sapin mong puti
Walang patutunguhan,
Walang panghahawakan,
Walang kailangang manatili.
Salamat, sa respeto,
At sa mga ginintuang sandali
Patawad, Paalam,
Hanggang sa muli.
— lunasteasonne
#tagalogpoem#filipinowriter#filipinopoem#tagalogpoetry#lunasteasonnewritings#lunasteasonnepoems#lunasteasonnepoet#lunasteasonnepoem#tumblrpoem
0 notes
Text
from By the City’s Tranquility
Gumising sa isang walang laman na puwang, Kay tagal na nakatira sa isang kahong walang laman. Uhaw pagkatapos ng swerteng tagumpay sa buhay, Umaasa para sa mas mabuti.
Naglapag ako ng pusta sa madilim na lilim ng kalangitan - Kung saan maaaring magkatotoo ang mga pangarap. Isang ningning ng maliliit na ilaw ang isinilang, Sa loob ko'y nakaramdaman ako ng isang buhay.
Ang hirap kong sinubukan. Ang madilim na kalangitan sa gabi ay naglaho, Ang aking mga pangarap ay namatay na. Ano ngayon ang dapat kong gawin?
Hindi na ako muling tumingin, Sa madilim na klase ng kulay ng kalangitan sa gabi. Dahil sa tuwing tumitingin ako ay nakakahiya. Sumunod kasi ako.
0 notes
Text
Sa Pagtatapos ng Kwento Nating Dalawa
Noong araw na uso ang kulay itim at walang tigil sa pag-ulan. Sobrang lamig ng mga balat kahit tanghaling tapat. Ang panggising sa umaga’y sinag ng karimlan. Ang bawat paghigop sa kape ay sing pait ng pag-iwan at pag dating ng gabi, kasamang humihimlay ang mga kasalanan. Binubulungan ang mga unan ng mga salitang ayaw nang marinig kailanman.
Sa pagtatapos ng kwento nating dalawa, doon nagsimula ang lahat. Kung saan humihinga ngunit wala nang buhay. Mga dating salita’y hindi na sapat sapagkat ang mga pinangako’y wala ng saysay. Hindi inalintana ang hapdi ng mga galos at sugat. Sinanay na ang mga mata sa kawalan ng kulay. Ang mga labi ay wala ng katapat. Sinira at sinunog ang mga binuong tulay. Tuluyang nabasag ang dati lamang ay lamat. Sa pagpapanggap ay mas naging mahusay. Mga pagsilip na hindi karapat-dapat. Hindi isang bathala pero patuloy na binibigyang alay.
Inumpisahan ko na ang pagkumpuni ng mga sirang iniwan ng ating unos ngunit patuloy parin ang pagguho dahil ito’y hindi pa tapos. Hinihintay ang mga mata na kusang magbuhos. Maski ang sarili, wala nang pag-asa maayos.
At dahil ito na ang huli, mas magiging madali na. Babalik ulit sa unang pahina. Mali. Gagawa ulit ng mga panibagong pahina. Alam kong pagod na at wala nang balak bumalik pa. Handa na ako ulit magsimula kahit hanggang ngayon ay paborito ko parin hanapin sa maraming tao ang ‘yong mukha. Gagawing bihasa ang sarili sa pagiging mag-isa. Bibitawan na ang mga bigat. Sa pagtatapos ng kwento nating dalawa, doon nagsimula ang lahat.
17 notes
·
View notes
Text
Made this 3 years ago, back then when all things are falling.
0 notes