koliqtives
koli.
6 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
koliqtives · 11 months ago
Text
I Want To be With You
I want to be with someone who catches my change of mood and caresses my hair tenderly.
I want to be with someone who pulls me into his arms because he knows it recharge my soul.
I want to share my joys and sorrows with someone who smiles dearly at me and wipes my tears for me.
I want to be with someone who is truly loving and caring.
- C, 2024
12 notes · View notes
koliqtives · 1 year ago
Text
This was like written around December, amidst the cold weather. The last parts were only written until now. I don't know where I got the courage and ambition to type again, but it's there and I have to take advantage before my thoughts would sink.
og post from my twt acc
XII (where I missed you around december)
From the start to the day I thought of her Dwelling from the coldness of the morning I woke up, loneliness, where I suffer From the end of the day, my eyes closing Swelling, my eyes, the absence of a presence Where must she be? Other than my thoughts Where must she be? For thou i lost thine sense Thine's mind from the past full of afterthoughts Lovely was our summer days, thou and I The minutes and the hours that we have held Lovely was our every days, thou and I The minutes and the hours that we hold And i am certain for the temperate No matter how freezing is the climate
-koli
3 notes · View notes
koliqtives · 1 year ago
Text
XII (where I missed you around december)
From the start to the day I thought of her Dwelling from the coldness of the morning I woke up, loneliness, where I suffer From the end of the day, my eyes closing Swelling, my eyes, the absence of a presence Where must she be? Other than my thoughts Where must she be? For thou i lost thine sense Thine's mind from the past full of afterthoughts Lovely was our summer days, thou and I The minutes and the hours that we have held Lovely was our every days, thou and I The minutes and the hours that we hold And i am certain for the temperate No matter how freezing is the climate
-koli
3 notes · View notes
koliqtives · 1 year ago
Text
TALI
Hindi ako masyadong hanga sa tingkad at sikat ng araw tuwing umaga. Sa nag-uunahang mga tao sa lansangan o sa mapanghatak na tawag ng nailigpit nang higaan, kung ano ba ang mas nakakayamot sa mga yan, hindi ko malaman.
Palaging ang akala nila ay nakukuha ang lahat ng saya sa pagsalubong sa liwanag, Naisip kong baka hindi pa sila sumubok na  tanggapin rin ang kulay ng buhay sa takipsilim.
Walang maibabahid na lait ang maghapon sa kakayanan ng mundong magsiwalat ng reyalidad sa magdamag Kung ako ang papipiliin, sa gabi pa rin ako nakakakitang mas maliwanag.
Di hamak na mas makulay ang lahat kapag nababalot ng karimlan dahil mas kita ang kislap. Kaso ay mali palang dilim ang nagbibigay ng muwang sa mga bulag Liwanag pa rin ang aakay sa'yong paglakad. Kaya kumapit akong maigi sa dala mong sinag.
At sa kabila ng muntik nang pagkawala, sa tali natin ay buong tapang kang humawak. Iniikot ang mundo na halos walang hirap Totoo nga, walang tumapang sa dilim na hindi minsang inisip na sumuko sa liwanag.
Kaya nang minsang magmulat sa umaga, Ang alam ko'y di ako sanay sa matamis na salubong pagka bumabangon mula sa kama, Kaya hindi rin inasahang ang simpleng ngiti ay itatayo ako sa umaga na pagod pero maligaya.
Nakakagising na ‘ko sa umaga dahil sa'yo. Sabik pa rin sa gabi pero walang katulad ang ganito: Pumapayapa ang bawat daanan; Umaayos ang itsura ng di pa nasisinop na higaan—dahil himbing ka. At bago ka ay hindi pa 'ko nakakita ng matatag na dahilan para lumaban. Hindi na ulit matutulog at gigising ng walang kapakanan. Nakakamangha lang kung gaano kalaki ang ang isang munting rason para maging matapang. . . . -Wag Mo Akong Bitawan (WMAB)
58 notes · View notes
koliqtives · 1 year ago
Text
Tumblr media
20 notes · View notes
koliqtives · 1 year ago
Text
Ang kambing ni riel
Isang maliit na kambing ang buhay sa gitna ng bukid nila gabriel, 
Itim ang langit malayo sa kinagisnang kulay na kahel, 
Ang kawawang magsasaka ay hindi makatulog
Sa kakatawag nito sa kaniyang ina, 
“Meeh”
“Meeh” 
“Meeh” 
Bumalikwas ng posisyon si gabriel, 
Higpit ang kapit sa kaniyang unan at kumot na mala mantel, 
“Meeh” 
“Meeh” 
“Meeh” 
Tawag pa nitong muli sa ina,
Maaga pang mamumukid si gabriel
Kailangan na nitong isarado ang mga mata
At malululon sa tahimik na heleng 
Ibinubulong ng hanging habagat
“Meeh” 
“Meeh” 
“Meeh”
Hindi alam ni gabriel kung bakit ngayon 
Ang ingay ng kambing
Ang ina’y sa kaniya naman ay malambing
Maya’t maya na walang ang tunog ng kambing
At bago pa malaman ng magsasaka, 
Umaga na, 
Tuyong dugo ang nakita sa damo, 
Ang batang kambing ay nasa gilid titig dito,
Maramdaman niyang si gabriel ay dumating, 
Sa kaniya naman ito tumitig
Maya maya dumating si manong ismael, 
Bitbit ang isang bagay na nakabalot sa kumot 
‘sing nipis ng mantel
“Ay pagkasarap ng luto mo riel!
Ayan pinagbilin ni misis ika’y bigyan 
Ng ulam dito sa lalagyan” 
Titig ang batang kambing sa damo, 
At si gabriel ay hindi umimik, sa gilid ay umupo. 
“Ma?”
Tawag ni gabriel, 
“Ma?”
“Ma?” 
“Ma?” 
Titig ito sa puting balat ng matres, 
Umaga, tuyong dugo ang kita rito, 
Naramdaman niyang may dumating, 
Doon sa pumasok, siya ay nakatitig, 
Maya maya dumating ang kaniyang kuya,
Kasama ang butihing tiyuhin 
Bitbit nila ang malaking bagay na nakabalot sa kumot 
Na ‘sing nipis ng mantel
“Riel,” tawag ng kuya, 
Sa gilid ng kaniyang ina si gabriel ay naupo 
“Ma?” 
“Ma?” 
“Ma?” 
“Ma?” 
Sa puting mantel siya ay nakatitig.
Sa puting mantel siya ay nakatitig.
Sa isang bahay, bumalikwas ang babae mula sa pagkakahimbing, 
Hindi ba’t ang kambing nama’y nilalambing? 
Bat kaya ito’y tumatawag at naghihinagpis?
Maaga pa ang pasok ng mga bata, kaya’t ipinikit nito ang talukap ng mata. 
Mamaya pa ang gising, maaga pa 
-koli.
0 notes