#Noong 1969
Explore tagged Tumblr posts
Text
#at ang Nord Stream One ay nagsu-supply ng murang gas ng Russia sa Germany at sa kalakhang bahagi ng Kanlurang Europa sa loob ng higit sa#na ang gas ng Russia ay nag-iisa ng higit sa 50 porsyento ng taunang pag-import ng gas ng Germany#at ang pag-asa ng rehiyon ng Europa sa gas ng Russia ay naging nakikita ng Estados Unidos at ng mga kasosyo nitong anti-Russian NATO bilang#Kaya#noong Disyembre 2021#pagkatapos ng higit sa siyam na buwan ng mga lihim na talakayan sa kanyang pambansang koponan sa seguridad#nagpasya si Biden na isabotahe ang pipeline ng Nord Stream#kung saan ang mga deep-sea divers mula sa US Navy's Diving and Salvage Center ay nagsasagawa ng planong palihim na itanim ang bomba. Sa ila#ang mga deep-sea divers ng US ay nagtanim ng walong C-4 explosives sa pipeline na maaaring malayuang pasabugin#at noong Setyembre ng parehong taon#sa oras para sa simula. ng taglamig sa Europa#isang sasakyang pang-dagat ng Norwegian ang naghulog ng sonar buoy upang pasabugin ang mga pampasabog at sirain ang “Nord Stream”.#Sino si Seymour Hersh?#Si Seymour Hersh ay isang American investigative journalist at political writer#isa sa mga nangungunang investigative reporter ng bansa. Sa American press#si Hersh ay isang taong hindi natatakot sa mga makapangyarihang tao at masigasig na lumaban sa kanila.#Noong 1969#kinilala siya sa paglalantad sa My Lai massacre at pagtatakip nito noong Vietnam War#kung saan nanalo siya ng 1970 Pulitzer Prize para sa internasyonal na pag-uulat. noong 1970s#gumawa si Hersh ng isang splash nang mag-ulat siya tungkol sa iskandalo ng Watergate#isang iskandalo sa pulitika sa Estados Unidos#sa The New York Times. Pinakatanyag#siya ang unang naglantad sa mga panloob na gawain ng lihim na pagsubaybay ng CIA sa mga organisasyon ng lipunang sibil. Bilang karagdagan#iniulat niya ang mga iskandalo sa pulitika ng US tulad ng lihim na pambobomba ng US sa Cambodia#ang iskandalo ng pang-aabuso ng bilanggo ng militar ng US sa Iraq#at ang pagkakalantad ng paggamit ng US ng mga biyolohikal at kemikal na armas.#Sa American press#si Hersh ay isang malaking No. 1#na may maraming mga mapagkukunan sa White House#at hindi kailanman huminto sa pagsisiwalat ng mga iskandalo sa pulitika ng Amerika. Kahit na ang kanyang hindi kilalang mga mapagkukunan ay
1 note
·
View note
Text
2 REMARKABLE WRITERS IN DIFFERENT PERIOD
Period of the New Society
Aniceto Silvestre
Source Image: https://www.tagaloglang.com/tag/aniceto-silvestre/
Aniceto F. Silvestre was born in San Mateo, (which is now Rizal Province) on April 17, 1898.
Although there was no formal study in writing, he was able to write and contribute to Filipino literature beautiful poems, short stories, novels and essays.
His poems collected in the Nature collection are grouped into eight: Free, Moving, Image of Life, Pulse of Love, Strong of Faith, Sign of Hope, Open to the Path of Greatness and Blood in the Light of Sun.
The honors achieved by Aniceto F. Silvestre in writing poetry are four First Prizes (before the war); a Third Prize (during the Commonwealth government); a First Prize (10th year of the Republic of the Philippines); and a First Prize in the Palanca Memorial Awards for Literature in 1969.
Source:
Bienvenido Ramos
Source:
Bienvenido A. Ramos
Writer
Bienvenido A. Ramos was a writer, known for Kamaong asero (1981), Tomcat (1979) and Mucho Dinero (1959). Bienvenido A. died on 24 April 2012 in Malolos City, Philippines.
Died: April 24, 2012
Source:
1 note
·
View note
Text
2 REMARKABLE FILIPINO WRITERS IN THE DIFFERENT PERIODS
Period of New society
1. Aniceto Silvestre was born On April 17, 1898, in San Mateo, Rizal. Demehra Franuno and Domingo Silvestre were his parents.
Maximina (Minang) Castillo was the wife of Silvestre, who gave birth to three kids. On October 28, 1983, he passed away in Sampaloc, Manila.
Malaya, Maalindog, Larawan ng Buhay, Pintig ng Pag-ibig, Tatag ng Pananalig, Tanda ng Pag-asa, Bukas sa Landas ng Kadakilaan, and Dugo sa Ningning ng Araw are among the several tula that were recognized in the Katipunang Kalikasan.
Aniceto F. Silvestre's literary accomplishments include being named to the Unang Gantimpala (bago magkaroon ng digmaan), Ikatlong Gantimpala (panahon ng Komonwelt na pamahalaan), Unang Gantimpala (ika-10 taon ng Republika ng Pilipinas), and Unang Gantimpala at the 1969 Palanca Memorial Awards for Literature.
2.Bienvenido A. Ramos include Mucho Dinero (1959), Tomcat (1979), and Kamaong Asero (1981). Welcome, A. passed away in Malolos City, Philippines, on April 24, 2012.
Lumbera was one of the many authors and professors imprisoned during Ferdinand Marcos' Martial Law government because of his nationalist writing and his pivotal part in the Filipinization movement in Philippine literature in the 1960s.
References:
0 notes
Text
San Juanico Bridge
Ang San Juanico bridge ang pinaka mahabang tulay dito sa pilipinas ito ay nagdudugtong sa dalawang probinsiya ito ay ang Samar at Leyte. Kilala rin ang san juanico bridge sa tawag na Philippine-Japan Friendship Highway bridge formerly Marcos Bridge. Ito ay simulang ginawa noong taong 1969 at natapos gawin noong taong 1973. Ito ay may habang 2,164 m (7,100 ft). Pinagawa ito ng dating pangulong marcus para mairegalo sa kanyang mahgal na asawa na si Emilda Marcus. Ang pamilya ng aking mama ay nakatira sa Nothern Samar kaya ikinararangal o ang pagiging isang Waray ang tawag namin sa tulay ng san juanico ay Tulay han San Juanico may iba ring tawag dito ngunit sa ibang lengwahe lamang sa filipino ay tulay ng san juanico at sa espanol ay Puente de San Juanico . Yun ang Iba pang tawag sa tulay na ito.
salamat sa pagbabasa sa aking blog sana ay magustuhan niyo rin ang san juanio bridge
1 note
·
View note
Text
“Marunong ka bang kumanta?”
Naging sikat ang mga boy bands sa simula ng ika 19 na siglo kung saan kahanga-hanga ang abilidad nila sa pagbibigay aliw sa mga tao, lalo na ang mga babae, at sa kanilang abilidad ng pagkakanta, pagsasayaw, o pagtutog ng instrumento. Ang mga Boy Bands ay nag-ambag ng impluwensya sa pagtingin o pag-unawa ng mga tao tungkol sa masculinity. Dahil sa boy bands, naimpluwensiya ang mga lalaki sa mga katangian nila gaya ng kanilang porma at abilidad, at dahil rin dito naging mukha ng masculinity ang maging gwapo, marunong kumanta, marunong sumayaw, o marunong tumugtog ng mga instrumento. Ito ang naging layunin ng mga lalaki nuon at patuloy pa rin hanggang ngayon.
Mga sikat na boy bands noon:
The beatles - 1960
The jackson 5 - 1969
Boyz II Men - 1991
Backstreet boys - 1997
Naging Hegemonic Masculinity ang mga katangian ng mga lalaki na nasa boy bands kung saan mas nagugustuhan na ng mga babae ang mga lalaking kaakit-akit at mga lalaking may talento. Nasanay na ang mga tao na ang mga lalaking may mga katangiang ganito ang hinahangaan at hinahanap. Hindi sinasadya o misyon ng mga boy bands na baguhin ang hugis ng masculinity kung saan ang mga tao mismo ang nagbago sa hugis nito dahil nabago din ang kanilang pag-unawa sa ideya ng masculinity at kung ano ang tunay na lalake. Ito ay isang katangian ng Hegemonic Masculinity kung saan kinukumbinse ng kaunti ang mga tao na parang hindi mapansin, at hindi naman ito nagtutunggali sa ibang mga konsepto ng masculinity, ngunit nakakaimpluwensiya lang ng hindi tuwiran.
Noong bata pa ako, wala akong alam tungkol sa kung ano ba talaga ang katangian ng isang tunay na lalaki. Laro lang ng laro na parang walang pake sa mundo. Ngunit, nagkaroon ako ng ideya sa kung ano ang gusto kong maging sa paglaki o kinabukasan. Ang mga idolo ko na mga lalaki ang nakapagbigay ng motibasyon at ideya. Ang mga idolo ko noong bata pa ako ay ang mga boy bands gaya ng One Direction na gumagawa ng mga kanta, at ang Big Time Rush na gumagawa rin ng mga kanta at may mga palabas sa telebisyon.
Mga halimbawa ng kanilang mga kanta:
Talagang napahanga ako dahil sa husay nila sa pagkanta. Napagmasdan ko na ang sikat pala nila at parang sila ang naging mukha ng pagkalalaki. Marami ang nakagusto sa kanila, lalo na ang nga babae, at marami din ang umiidolo sa kanila. Dahil sa kanila, nagustohan kong maging tulad nila na marunong kumanta at magtutog ng mga instrumento, at para sa akin ganito dapat ang mga lalaki. Habang nanonood ako sa kanila sa tv o sa youtube, napagmasdan ko rin na maayos ang pagtrato nila sa mga tao o “fans” nila. Dito ko rin nakuha ang ideya na ang mga lalaki ay dapat mayroon magandang ugali at maayo ang pagtrato sa iba.
Dahil sa impluwensiya na nakuha ko sa mga boy bands, nagugustuhan ko rin na maging kagaya sa kanila. Para maging tunay na lalaki, gumawa kami ng mga kaibigan ko ng isang boy band(makikita sa litrato sa itaas). Ginaya namin ang mga nakapagbigay-impluwensiya sa amin na ang One Direction at Big Time Rush. Kumakanta kami sa mga paligsahan at sa mga okasyon sa paaralan. Nanalo kami sa ilang paligsahan at naging sikat kami sa paaralan namin, ngunit hindi kami nagtagal at nawala na yung boy band namin pero hanggang ngayon nananatili parin sa akin ang pag-unawa ng masculinity na ito. Hanggang ngayon, naniniwala pa rin ako na ang mga lalaki ay kaakit-akit hindi lang sa mukha kundi sa loob din, magalang at mabait sa kapwa tao.
Ang pag-unawa ko sa masculinity noon at ang impuwensiya nito sa akin ay nakapagbigay ng daan sa hilig ko sa pagkakanta, pagsasayaw o kaya’y paggaganap aa teatro. Patuloy akong kumakanta at tumutugtog ng mga instrumento gaya ng Gitara, Violin, at Piano.
Natuklasan ko din ang bago at tunay kong hilig na ang paggaganap sa teatro na nagbibigay ng kagandahan sa aking buhay. Gumanap ako bilang ensemble sa “Ateneo Blue Repertory’s: Bring it On the musical” noong unang semestre kung saan nagamit ko ang aking talento sa pagkakanta, pagsasayaw, at paggaganap sa teatro.
Ang boy bands ang nakapagbigay ng impluwensiya sa akin tungkol sa ideya ng masculinity at ito ang sanhi ng paghugis sa aking pag-iisip at sa aking kalooban. Ito ang sanhi sa aking pagkalalaki ngayon at sa pag-unawa ko sa isang tunay na lalaki. Siyempre hindi lang ito o galing dito ang mga ideya na nakuha ko tungkol sa masculinity pero dito nag simula ang aking pag-uunawa tungkol nito.
1 note
·
View note
Text
Komunikasyon at Pananaliksik
St. John���s Academy, Inc.
Dinalupihan, Bataan
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO: PATAKARANG PANGWIKA
ABM 11 – St. Antonine
Navarro, Shaira Neil
Regala, Ericka Myles
Trinidad, Lowie
* Kautusang Pangkagawaran Blg. 52 s. 1987 ng DECS o “Patakaran sa Edukasyong Bilingguwal”
Ang patakarang bilingguwal ay naglalayang makapag tamo ng kahusayan sa Filipino at Ingles sa Pambansang antas sa pamamagitan ng pagtuturo ng dalawang wikang ito bilang mga midyum sa pagtuturo sa lahat ng antas. Ito ay ginagamit sa komunikasyon at panuto, ang opisyal na lenggwahe ng Pilipinas ay Filipino, hanggang sa aprubahan ng pamahalaan ang Ingles. Ang polisiya ng edukasyon sa bilingual ay naghahangad na makamit ang Filipino at Ingles sa nasyonal na antas, sa pamamagitan ng pagturo ng parehas na lenggwahe (Filipino at Ingles) at gamit ang media at panuto sa lahat ng antas o baitang.
Ang patakarang pangwika na nakasaad sa Saligang-Batas ng 1973 at 1987 ang tumutugon sa instrumental na pangangailangan ng mga Pilipino upang magkaroon ng pagkakaisa hindi lamang sa identidad sa pamamagitan ng wika. Sa UP ipinagtibay ng dating Presidente Salvador P. Lopez ang tinaguriang malay ang bilinggwalismo. Noong 1969 ipinagtibay ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang kautusang tagapagpaganap Blg. 202 na bubuo sa Presidential Commission to Survey Philippine Education (PCSPE) upang gumawa ng masusing pag-aaral sa Pagpapabuti ng sistema ng edukasyon. Tinaguyod ni Bonifacio P. Sibayan ang komprehensibong pag-aaral sa edukasyong bilingguwal at isang proficiency test sa mga mag-aaral at guro.
Sa pamamagitan ng batas na ito, ang mga Pilipino ay mas nahahasa o mas malawak ang kaalamanan sa wikang Ingles kaysa sa wikang Filipino. Sa kadahilanang iyon, nahuhuli ang ating wika, napagiiwanan ito sapagkat mas gusto nating tangkilikin ang wika ng iba kaysa sa sarili nating wika. Ang ating wika na hindi natin magawang maangkin sapagkat tayo parin ay patuloy na nagnanakaw at gumagamit ng ibang wika. Sa kabilang banda naman, ang Ingles ay nakakabuti rin lalo na sa ating pakikipag komunikasyon sa iba’t ibang tao mula sa iba’t ibang lugar. Nagagamit rin ito sa pagtuturo sa eskwelahan sa iba’t ibang asignatura katulad na lamang sa matematika na kapag tinagalog ay mas mahirap intindihin.
Sa pananaw ng mga mananaliksik sila ay may parte na tama at parte na mali. Sapagkat bakit natin tatangkilikin ang ibang lengguwahe kung ang atin ay hindi natin lubos na alam. At sa karagdagan ay ito pa ay balak na alisin sa kolehiyo. Bakit? Hindi pa ganoon mahusay ang mga Pilipino sa ating wika at dapat lang natin itong patuloy na pag-aralan. Sabi nila ang Ingles ay tinaguriang unibersal na lenggwahe, oo sabihin na nating ganoon na nga. Pag-aralan ang Ingles ngunit wag na wag hayaan na lubusan tayong masakop ng ibang wika. Sa kabilang banda, ang mga mananaliksik ay sang ayon sa kagawarang ito dahil mas mabilis o mas madali na magkaunawaan ang bawat isa kung sakali man na tayo ay mapadpad sa isang lugar ay madali tayong makipag komunikasyon. Ngunit hindi ibig sabihin niyon ay magpapasakop na tayo, minsan na tayong nasakop at ninanais na sakupin nila tayo muli kung kaya’t mas importante na pag-aralan natin ang wikang Filipino. Hindi rin natin maaalis sa bawat isa ang pagsasalita ng wikang Ingles kaya dapat natin itong mabalanse.
* Kautusang Tagapagpaganap Blg. 210, s. 2003 o ang patakaran na nagpapaigting sa Paggamit ng Ingles Bilang Pangalawang Wika sa Sistemang Pang-edukasyon
Ito ay panukalang batas sa ilalim ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na naitatag noong Mayo 17, 2003 kung saan itatadhana na palakasin ang paggamit ng Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa primarya at sekundaryong antas. Kung gagamitin man ang Filipino ay limitado ito sa mga sabjek na Filipino at Araling Panlipunan. Isinaad din dito na “Ang mga institusyon ng mas mataas na edukasyon, kabilang na ang mga estadong kolehiyo at unibersidad, ay hinihikayat na gamitin ang Ingles bilang pangunahing midyum ng pagtuturo.” Ingles ang magiging pangunahing wika ng pagtuturo sa lahat ng mga paaralang publiko at pribado sa mataas na paaralan at hindi bababa sa 70% ng kabuuang panahong inilaan sa lahat sa aralin sa ikalawang antas ang paggamit ng Ingles.
Naipatupad ito ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga libro, literatura o mga materyales na pangturo na hango sa Ingles upang mas lalo pang madagdagan ang mga kaaalaman ng mga estudyanteng Filipino. Nagpatayo din sila ng mga paaralan na kung saan marapat lang na maituro dito ang wikang Ingles. Mas napaigting din ito dahil na rin isa ito sa mga batas na nararapat lang na sundin ng mga mamamayang Pilipino.
Ang kahinaan ng kautusang ito ay mas napapaunlad ang kaalaman ng mga estudyante sa wikang Ingles kesa sa wikang Filipino. Kung sisipatin sa isang panig, ang Filipino ay hindi ganap na ipinagbabawal o iwinawaksi ng nasabing kautusan; gayunman, ang paglilimita ng gamit ng Filipino sa ilang sabjek ay tandisang nagpapahina sa Filipino at sumasalungat sa mithi ng Saligang Batas 1987 na linangin at payabungin ang paggamit ng Filipino sa iba’t ibang disiplina at larangan. Ang kalakasan naman ng kautusang ito ay nagkaroon ng pagkakataong makapagsalita at matutunan ang wikang Ingles ng mga Pilipino. Mas umunlad ang ating bansa dahil na rin sa karunungan nating magsalita ng wikang Ingles.
Para sa mga mananaliksik sila ay sang ayon sa panukalang ito dahil malaki ang naitulong ng Ingles lalo na sa kanilang kaalaman. Mas madali ring makipagkomunikasyon sa ibang tao lalo na kung sa mga turista o kung tayo man ay magtutungo sa ibang lugar. Sa kasalukuyan, masasabing marami pa ring sagabal sa pagsulong ng wikang Filipino. Ngunit kung ang pagbabatayan natin ang paglaganap at paggamit ng wikang Filipino, masasabi nating mabilis nga ang pagsulong nito lalo na’t sa panahon natin ngayon may mga nauuso ng mga bagong salita na hango sa wikang tagalog. Mas tumibay ang samahan natin sa mga karatig bansa at tumaas ang ating ekonomiya dahil tayo ay marunong makipagkomunikasyon sa kanila sa pamamagitan ng wikang Ingles. Halos sa panahon ngayon lahat ng ating bigkasin ay may halong Ingles na at nakasanayan na natin ang gantong pamamaraan ng pagsasalita.
* Kautusang Pangkagawaran Blg. 16, s. 2012 na nagtatakda naman ng mga panuntunang susundin sa pagpapatupad ng mother tongue-based, multilingual education o MTB-MLE
Ito ay nagtatakda na gamitin ang ating "Mother Tongue" sa pagtuturo sa mga paaralan. Ito ay naglalayon na gamitin ang sariling wika natin o ang ating Mother tongue sa pagtuturo sa mga paaralan lalo na sa mga pampublikong paaralan at kindergarten bilang kasapi ng K-12. Naglalayon ito na mas palakasin o mas palaganapin natin ang sariling wika natin na walang halong ibang salita ng banyaga o ang salitang nakaw. Ito ay naisagawa o naisabatas noong taong 2012-2013 sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Noynoy Aquino.
Ito ay naisagawa na bilang batas ngunit hindi padin nagagawa o naisasakatuparan ang layunin na gamitin sa pagtuturo sa paaralan sapagkat napakahirap alisin ng mga salitang banyaga o salitang nakaw sapagkat ito na ay ating nakasanayan at hirap na tayong alisin pa ito. Marami ang sumasang ayon dito ngunit marami din ang tumututol sa batas na ito sapagkat marami ang mahihirapan sa mga tagalog na salita na malalalim ngunit kapag ito ay naka Ingles ay madali lang itong maiintindihan.
Ang kalakasan ng batas na ito ay mas mapagtitibay natin ang sariling wika natin. Mas lalong uunlad ang wika natin na Filipino dahil mas binibigyan natin ito ng halaga kaysa sa mga wikang heram na Ingles. Isa pa sa mga kalakasan ng batas na ito ay hindi na tayo matatawag na mga magnanakaw ng wika sapagkat kapag ito ay naipatupad, kokonti na lang ang mga magsasalita ng Ingles sa ating bansa at hindi na rin tayo kikilalanin ng mga ibang bansa na ninakaw natin sa mga banyaga ang kanilang wika. Mas madaling maiintindihan ng mga bata o nasa mga kindergarten ang wikang atin kaysa sa wikang banyaga. Mas magiging bihasa sa paggamit ang mga estudyante sa paggamit ng sarilng wika natin kung maisasakatuparan ang batas na ito. Ang kahinaan naman ng batas na ito ay mahihirapan ang mga bata o ang mga estudyante na intindihin ang malalalim na salita na dapat sana ay Ingles na mas madaling intindihin. May mga salita din na Ingles na wala ng tagalog na salita kaya papano natin ito masasakatupuran. Napaka komplikado ng batas na ito sapagkat kung tayo man ay sumang-ayon ay mas magiging bihasa tayo sa pagsasalita ng wika natin at hindi na tayo tatawagin na magnanakaw ng wika ngunit kung hindi naman tayo sasang ayon ay may mga salita na mawawala sapagkat hindi ito maisasalin sa wikang Filipino.
Sa opinyon ng mga mananaliksik, sila ay sang ayon dito ngunit mahihirapan ito na maisakatuparan dahil may papayag at may tututol sa batas na ito. Mas ayos na mapag usapan ito sa korte o kaya naman may mapagdebatehan para malaman natin kung saang panig tayo pupunta. Mas maganda na malaman muna natin ang opinyon ng iba para mas lalo pa nating malaman kung kailangan ba talagang ipatupad ito o huwag na lang itong isakatuparan.
* Sariling Batas ng mga Mananaliksik:
Pagtuturo ng Filipino at Katutubong Wika o Alibata sa Kolehiyo
Iminumungkahi dito ng mga mananaliksik na gawing batas ang pagpapatuloy ng pagtuturo ng wikang Filipino at idagdag ang pagtuturo ng alibata sa kolehiyo upang mas lumawak pa ang kaalaman ng mga kabaatan ukol sa ating wikang katutubo. Sa unang semester ng kolehiyo, ituturo muna rito ang panitikan at kultura at pagdating sa ikalawang semester, dito na ituturo ang pagsusulat at pagbibigkas sa mga alibata. Ito rin ay magiging daan sa pagbibigay pugay sa mga katutubo o mga bayani na nagligtas sa ating bansa mula sa mga mananakop. Mas makabubuti kung ito ay gagawing sabjek sa mga paaralan at ang mga dapat ituro dito ay ang wikang katutubo at ating mga kultura. Sa panahon ngayon halos nakalimutan na ng karamihan ang ating sariling wika at mas madalas na gamitin ng mga Pilipino ang wikang Ingles at halos madami na rin sa mga kabataan ngayon ang nag aaral na ng ibang wika o lenggwahe dahil na rin sa pagkhumaling nila sa kultura ng mga koreano at iba pang mga bansa. Marapat lang na magsaliksik muna kung paano naimbento ang alibata at kung paano ito ginagamit na ating mga katutubo upang maging mas epektibo ang pagtuturo nito. Ito’y mas mapapaigting sa pamamagitan ng pagbibigay ng pamahaalan sa bawat mga paaralan ng mga libro o materyales na naglalman ng mga baybayin o wikang katutubo. Kung magkakaroon ng pagkakaisa ang bawat mga Pilipino na matuto ng bagong pamamaraan ng wika ay mapapalakas pa natin ang ating nasyonalismo o pagmamahal sa sariling bayan. Kung tatanggalin man ang wikang Filipino sa kolehiyo, puro Ingles na lang ang kanilang matutunang bigkasin at mahihirapan na silang magsalita ng wikang Filipino ang mga kabataan. Sana ito'y maaprubahan na ng ating pamahalaan dahil makatutulong din ito sa mga susunod na henerasyon.
1 note
·
View note
Text
Ang Apolinario Mabini Hiking Society, kalaunan ay kilala bilang APO Hiking Society, o simpleng APO, ay isang grupong musikal na Pilipino. Nagsimula ang grupo noong 1969 sa mataas na paaralan ng Ateneo de Manila, na may 15 miyembro: John Paul Micayabas, Lito de Joya, Sonny Santiago, Gus Cosio, Renato Garcia, Chito Kintanar, Kenny Barton, Bruce Brown, Butch Dans, Kinjo Sawada, Ric Segreto Macaraeg, Goff Macaraeg, Doden Besa, Jim Paredes, at Boboy Garovillo. Ang pangalan ng grupo ay nilikha mula sa acronym na AMHS na kumakatawan sa kanilang paaralan na may nakakatawang twist na mayroong walang paggalang na pagtukoy sa rebolusyonaryong intelektwal at bayani ng Pilipinas, si Apolinario Mabini, at kalaunan ay pinaikli sa “Apo”, isang Ilokano na termino para sa isang matalinong tao o isang terminong Tagalog ng mga apo, at kalaunan ay muling binansagan ng “APO”. Taliwas sa popular na paniniwala, ang pangalang “Apo” ay hindi tumutukoy sa pinakamataas na tuktok ng Pilipinas, ang potensyal na aktibong stratovolcano na Mount Apo. Sa pagsulong ng mga estudyante sa kolehiyo, sumali si Danny Javier sa grupo. Pagkatapos ng graduation, umalis ang karamihan sa mga miyembro nito upang ituloy ang mga indibidwal na karera, na may tatlong miyembro na lang ang natitira, na binubuo nina Jim Paredes, Boboy Garovillo at Danny Javier. Sa tagal ng kanilang propesyonal na karera, lumitaw si Apo bilang pangunahing tagasunod ng kilusang pangmusika na tinawag na Original Pilipino Music (a.k.a. OPM), isang kapaligiran kung saan naging mahalaga ang kanilang orihinal na kontribusyon sa musika at impluwensya sa kultura. Ang mga madalas kong pinatutugtog na kanta ng APO Hiking Society ay “When I Met You”, “Panalangin” at “Batang-bata Ka Pa” yan ang kanilang mga awitin
#OPM
0 notes
Text
APO HIKING SOCIETY #OPM
Apolinario Mabini Hiking Society, mas kilalang APO Hiking Society o APO, ay isang filipino Musical group. Ang grupong APO hiking society ay nagsimula noong 1969 sa Ateneo De Manila high school, na may labing lima na miyembro na sina, John Paul Micayabas, Lito de Joya, Sonny Santiago, Gus Cosio, Renato Garcia, Chito Kintanar, Kenny Barton, Bruce Brown, Butch Dans, Kinjo Sawada, Ric Segreto Macaraeg, Goff Macaraeg, Doden Besa, Jim Paredes, and Boboy Garovillo. Ang pinaka sikat nilang kanta noon at hanggang ngayon ay “When I met you” talagang naging sikat muli ang kantang ito nung naging trending sa isang entertainment app na TikTok. Isa rin sikat na sikat ang kanta nilang “Batang-bata ka pa” at “Panalangin” ito sa pinaka paborito kong kanta nila. Sa kanilang pagsikat noong 70’s nag tuloy-tuloy na ang kanilang karera sa industriya. Ikaw, ano ang gusto mong kanta nila? Isa ka rin ba na tagahanga nila? Ang APO ay isa ng legend sa industriya ng media at musika sila ay napaka laking ambag na sa ating musika
0 notes
Text
Apolinario Mabini Hiking Society o APO Hiking Society ay isang Filipino musical group. Ang grupong ito ay nagsimula noong 1969 sa Ateneo de Manila highschool na binubuo ng 15 na membro, Noong panahon pa nila ay pinangalanang AMHS ang kanilang grupo upang ipresinta ang kanilang paaralan at kumakailan ay napalitan ito ng APO. Aktib ang grupong ito simula pa noong 1969 hanggang 2010. Sa mga kantang nailabas ng APO Hiking Society ay ang When I Met You at Lumang Tugtugin ang aking nagustuhan. Ang awiting When I Met You ng APO HikinG Society ay pinakikinggan ko sa tuwing nasa mood ako ng pakikinig ng kalmadong musika. Maaari ring marinig ang kanilang mga kanta sa mga radio,pampublikong sasakyan katulad ng bus,jeep o van at pati na rin sa mga bilang na kainan na nais makarinig ng musika. Masasabi rin na sikat ang banda na ito sa Pilipinas at kung hindi ako nagkakamali ay mas gusto rin ng ilang kabataan ang awiting When I Met You dahil maaaring maging mensahe ito para sa kanilang mga minamahal. Ngunit mayroon din namang may edad na ang nais ding pakinggan ito dahil naaalala nila ang kanilang mga mahal sa buhay na naging paborito rin ang kantang iyon.
0 notes
Text
Apo Hiking Society
Isa sila sa pinakaunang OPM bands dito sa atin kaya't hindi natin maitatanggi na napakaganda ng kanilang mga kanta. Hanggang ngayon ay pinapatunog pa rin ito sa iba't ibang lugar sa pilipinas. Nagdadala rin ito ng saya sa akin, dahil sa tuwing naririnig ko ito ay naaalala ko ang aking lolo na yumao na, paborito n'ya ang mga kanta nila noon, kaya't hanggang sa mawala siya ay dala dala ko pa rin ang ala-ala na kami'y magkasama. Lagi niyang kinakanta sa akin ang kanta nilang "batang-bata ka pa" kaya hanggang ngayon ay naaaliw pa rin ako sa mga tugtugin nila. Sa tuwing pinakikinggan ko ang mga awitin nila ay parang bumabalik ako sa pagkabata, yung tipong wala pang problema at wala pang mga bagay na kailangan isipin yung tipong tatakas kalang sa tanghali para makapaglaro sa labas. Ganon ang pakiramdam ko kapag pinakikinggan ko ang kanta nila. Ang Apolinario Mabini Hiking Society, kalaunan ay kilala bilang APO Hiking Society, o simpleng APO, ay isang grupong musikal na Pilipino.[2] Nagsimula ang grupo noong 1969 sa mataas na paaralan ng Ateneo de Manila, na may 15 miyembro:[2] John Paul Micayabas, Lito de Joya, Sonny Santiago, Gus Cosio, Renato Garcia, Chito Kintanar, Kenny Barton, Bruce Brown, Butch Dans, Kinjo Sawada, Ric Segreto Macaraeg, Goff Macaraeg, Doden Besa, Jim Paredes, at Boboy Garovillo. Ang pangalan ng grupo ay nilikha mula sa acronym na AMHS na kumakatawan sa kanilang paaralan na may nakakatawang twist na mayroong walang paggalang na pagtukoy sa rebolusyonaryong intelektwal at bayani ng Pilipinas, si Apolinario Mabini, at kalaunan ay pinaikli sa "Apo", isang Ilokano na termino para sa isang matalinong tao o isang terminong Tagalog ng mga apo, at kalaunan ay muling binansagan ng "APO" (all caps). Taliwas sa popular na paniniwala, ang pangalang "Apo" ay hindi tumutukoy sa pinakamataas na tuktok ng Pilipinas, ang potensyal na aktibong stratovolcano na Mount Apo. Reference: https://en.m.wikipedia.org/wiki/APO_Hiking_Society
#OPM
0 notes
Text
#1 Apo Hiking Society
Apo Hiking Society o payak na Apo lamang, ay isang grupong mang-aawit sa Pilipinas na unang binuo noong kalagitnaan ng dekada 1970. Nagsimula ang grupo noong 1969 sa Ateneo de Manila, na may 15 miyembro; John Paul Micayabas, Lito de Joya, Sonny Santiago, Gus Cosio, Renato Garcia, Chito Kintanar, Kenny Barton, Bruce Brown, Butch Dans, Kinjo Sawada, Ric Segreto Macaraeg, Goff Macaraeg, Doden Besa, Jim Paredes, and Boboy Garovillo.
Sa pagsulong ng mga estudyante sa kolehiyo, sumali si Danny Javier sa grupo. Pagkatapos ng graduation, umalis ang karamihan sa mga miyembro nito upang ituloy ang mga indibidwal na karera, na may tatlong miyembro na lang ang natitira, na binubuo nina Jim Paredes, Boboy Garovillo at Danny Javier.
Unang nagkamit ng pagkilala ang Apo Hiking Society noong 1973 nang magbigay sila ng farewell concert sa Meralco Theater sa Pasig, Metro Manila, Philippines. Kakatapos pa lamang ng kolehiyo, naging usap-usapan ng Ateneo de Manila University at mga karatig campus ang grupo para sa kanilang musika. Sa ngayon, ang grupo ay naglabas ng 27 album sa apat na dekada ng karera nito. Dalawang napakalaking matagumpay na tribute album ang ginawa noong 2006 at 2007 ng management group nito. Nakakuha rin ang Apo Hiking Society ng maraming parangal dahil sa kanilang pagiging napakahusay.
Ang ilan sa mga sumikat nilang kanta ay; Ewan, Goodtime, Panalangin, When I met you, Batang Bata ka pa, at Mahirap magmahal ng syota ng iba.
0 notes
Photo
“PALAGI MO PA RIN PILIING MAGMAHAL”
Nang lumapag sa kauna-unahang pagkakataon si Pareng Neil sa Buwan noong 1969, ang kauna-unahang sinabi niya ay, “Doobi doobi dapp dapp Doobi doobi dapp dapp.” Chappy kasi siya that time kaya mali ang impormasyong nasagap ng NASA. Pero kung ittranslate mong mabuti, nais lamang niyang sabihin na, “Mga lodi. Okay lang me. Petmalu here.” Patunay lamang na kahit nasaan ka, kahit saang lupalop ka man ng daigdig, (the universe rather) o maging sa napakadilim na yugto ng buhay mo o maging sa napakaimposibleng bagay na hindi kayang sukatin ng iyong isipan, magiging okay din ang lahat. Kung nakaya mong mabuhay ng humigit kumulang 8,760 araw dito sa mundo, sigurado ako, kaya mong lagpasan ang isa o dalawa pang araw na dadaan. Papanaw ang bawat oras at segundo, ma-eexpire ang bawat de lata sa aparador, ngunit hanggat pinipili mong kumandirit sa takbo ng panahon, magiging okay din ang lahat. Kapag nagmahal ka tapos nasaktan, pakyu siya. Pero siguraduhin mong ang susunod na pandiwa ay ‘nagmamahal’ pa rin. (Nagmahal. Nasaktan. Nagmamahal pa rin.) Hindi mahalaga kung sa dati pa rin o sa panibagong tao naman. Ang mahalaga, patuloy kang nagmamahal. Sampung beses ka mang masaktan at mabigo, sampung beses ka rin dapat sumubok muli. At kung dumating man sa ikalabing-isang pagkakataon, patuloy mo pa ring piliing magmahal. Wala namang ibang magbibilang niyan kundi ang tsismosa mong kapitbahay. We choose to lose when we choose to love daw. Pero ang totoo mas talunan ang isang taong hindi pinipili ang magmahal. Masasaktan ka lang din naman, eh di magmahal ka na lang. Kapag nagmahal ka nang totoo, masasaktan ka din nang totoo. Pero hangga’t may kapirasong laman na patuloy na pumipintig sa kaliwang dibdib mo, buo man yan o tuluyan nang nadurog, magiging okay pa rin ang lahat. Sa ngayon, wag mo munang pilitin. Diyan ka muna pansamantala. Kabisaduhin mo sa videoke ang lahat ng kanta ni Moira at Adele. Ubusin mo ang buong pulutan kahit walang ambag. Namnamin mo ang breakdown moment ng buhay mo. Solohin mo ang spotlight. Damhin ang lahat ng sakit tapos magpahilom ka. At kapag handa ka na, ibigay mo ang isang daang porsyente ng lakas mo para sa isang milyong bagong emosyon na parating.
Magpasalamat sa lahat ng lamat. Hintaying maging muta ang lahat ng luha. Huwag matakot sumubok muli. Dahil kahit gaano man yan kasakit, wala pa ring katumbas ang sarap kapag mas lagi mong pinipiling magmahal. Magiging Okay din ang lahat.
386 notes
·
View notes
Text
Kahalagahan at epekto ng internet sa makabagong edukasyon
Sa panahon ngayon di na uso ang mga sulat na ipapadala sa ibang lugar, ang uso ngayon ay ang tinatawag na internet.Ang internet ay isang sistema na ngayon ay ginagamit na ng buong mundo.Sa panahon ng 1969 nagsimula pa ito bilang ARPANET na binuo ng United States Department of Defense Advanced Research Projects Agency.Dumating ang taon na 1990 nagtagumpay na sila at nabuo na ang internet.Napakahalaga na ng Internet ngayon lalong-lalo na sa mga kabataan dahil napakarami na ng mga social media apps ngayon at mga websites.Kung ikukumpara natin ang kabataan ngayon sa kabataan noon mas masayahin parin siguro yung mga kabataan noon,dahil noon napakaraming bata na naglalaro sa labas,nakikipaghalobilo sa iba at makikita mo rin kung gaano sila kasaya noon.Ang mga kabataan ngayon masayahin rin sila pero ang kasama nila ay ang kanilang mga sarili lamang at ng dahil ito sa internet.Lagi nalang silang nasa bahay nagseselpon at naglalaro ng iba't-ibang online games.Napakahalaga nito dahil sa tinatawag ngayon na new normal.Ang new normal nagsimula ito noong nagkaroon na ng pandemya at ang tawag nito ay CORONA VIRUS DISEASE o mas kilala sa tawag na COVID-19.Napakarami ng cases nito noong buwan ng March at dahil didto may mga bagong batas na ipinatupad upang bumaba ang cases ng COVID-19.Ilang buwang nakalipas unti-unting bumaba ang cases napag-isipan ng DepEd na ipagpatuloy ang pag-aaral pero sa ibang paraan.Ang paraan na ito ay kinakailangan ang internet lalong lalo na sa mga mag-aaral na pinili ang online class.Ang online class na ito ay gamit ang mga makabagong teknolohiya kagaya ng smart phones at kompyuter,at ang ang pinaka importante ang internet dahil kung wala ang internet di sila magkikita dito o wala silang matutunan sa klase.Napakalaking epekto ito sa mga mag-aaral dahil hindi sila nasanay sa ganitong paraan,nasanay sila na pumunta sa paaralan doon mag aral.Ngayon nag-aaral sila sa bahay nalang at kung wala ang internet di sila makakapag-aral. Maganda din ito dahil dito ligtas na makapag-aral ang mga estudyante at ibang mga opisyales sa paaralan.Kung hindi dahil sa internet at tulong ng iba hindi kami makakapag-aral ngayon.Sa bagong edukasyon di pa nasanay ang mga estudyante sila ay nag-aadjust pa.Dahil din sa makabagong edukasyon ang mga estudyante ay hindi gaano makatutok sa pag-aaral dahil may posibilidad na magbukas siya ng ibang apps sa smart phones o magbukas siya ng ibang websites sa kompyuter at maglaro nalang din sa kompyuter.Sa ganitong kaso siguro dapat tignan ng maigi ng kanilang mga magulang ang kanilang anak.May iba din na hindi makatulog ng maaga dahil pagkatapos sa klase diretso silang pupunta sa ibang websites o apps at manonood nalang ng mga gusto nilang panoorin kagaya ng anime at netflix.May panininiwala parin ako sa aking sarili na darating ang araw o buwan na babalik din ang lahat sa dati.Yung panahon na sa paaralan kami nag-aaral,magkikita kami ng aking mga kaklase at sa paaralan kami kakain kasama ang mga kaibigan.Sana nga totoo yung sinabi ni President Rodrigo Roa Duterte na sa bagong taong 2021 babalik na ang klase na face to face.
-Lapaz,Phoebe Kate
11HUMSS B WISDOM
0 notes
Photo
Ismol Bat Teribol
Naranasan mo na bang magbayad sa Jeep na kulang ng isa, dalawa o tatlong piso? Minsan uutang ka pa sa kasabay mo para makumpleto ang pamasahe mo?
Eh 'yung pakiramdam na isang puntos na lang bagsak ka na sa exam o isang puntos na lang ang lamang matatalo pa kayo sa pustahan ninyo ng basketball?
Ang lahat ng ito ay mayroong kinalaman sa kahalagahan ng mga malilit na bagay. Makikita natin na kung hindi dahil sa piso, 'di ka makakauwi ng bahay ninyo. Kung hindi sa isang puntos, 74 ka na sa exam o talo na naman kayo sa pustahan. Minsan ang mga bagay na sa sobrang liit ay naiwawaglit natin sa ating isipan na may mahalaga palang tungkulin ang mga ito sa ating pang araw araw na buhay. Sabi nga nila, walang maliit na hindi nakapupuwing.
Natatandaan mo pa ang kauna unahang tao na nakapaglakad sa buwan? Noong ika-20 ng Hunyo, 1969, lumapag ang Apollo 11 sa buwan at ang unang taong nakapaglakad dito ay si Neil Armstrong. Matatandaang sinabi niya, "That's one small step for a man, one giant leap for mankind" at para sa'kin ito ay isang magandang hamon para sa lahat na sa pamamagitan ng pagpunta niya sa buwan, masasalamin na mula sa maliit niyang nagawa para sa sangkatauhan ay maging isang instrumento ito para matamo natin ang kadakilaan. Hindi na nakagugulat na maraming mga pag-aaral ang sinasagawa ngayon tungkol sa paglalayag sa outer space tulad na lamang ng sikat na Mars One.
Sa kabilang banda, pagdating naman sa pagkamit ng isang kasaysayang walang kiling sa mga banyaga, nilikha ni Rene Constantino ang kauna unahang akda na nagtangka na gumawa ng pagtitipon ng isang pangkalahatang kasaysayan ng Pilipinas na pinamagatang "A Past Revisited". Mula sa kanyang maliit na pagtatangka, naisawalat niya ang opresyon at inilarawan ang mga paghihirap na dinanas ng mga Pilipino sa kamay ng mga Espanyol at Amerikano. Kaya ang kanyang likha ay naging daan para imulat ang kaisipan ng bawat Pilipino at tanggalin ang kaisipang kolonyal. Naging daan din ito sa paghubog ng kasaysayang maka Pilipino at taliwas sa makadayuhang prinsipyo. Kung tutuusin, ang tanging layunin lamang ni Rene ay magbigay ng kaalaman sa mga kapwa niya Pilipino ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami, naging isang magandang instrumento ito sa pagtatag ng kasaysayan ng Pilipinas. Tila isang maliit na hakbang sa paggawa ng isang libro ngunit hindi lamang kalaaman ang naibahagi bagkus nagising din ang natutulog nating pag-ibig para sa bayan.
Bilang isang mag aaral, ako ay nagsimula sa pinakailalim at nangangarap na abutin ang pinakamataas kong mithiin. Ang mga bagay na ginagawa ko ngayon, kahit gaano man ito kaliit, alam kong balang araw ito ay magbubunga. Alam kong wala pa akong magagawa bilang isang estudyante kundi mag aral nang mabuti pero sisiguraduhin ko na ang maliliit kong ginagawa at magagawa ngayon ay magreresulta ng magandang epekto hindi lamang para sa akin, sa aking pamilya kundi pati rin sa aking Inang bansa sa hinaharap.
"It's the little details that are vital. Little things make BIG THINGS HAPPEN." -John Wooden
Photo credits: https://www.tofugu.com/japanese/chotto/
0 notes
Text
San Juanico Bridge - Ang tunay na sinasabing “tanda ng pag-ibig ni Marcos kay Imelda.
Tourist deals
Get great deals on tickets to major tourist destination in Philippines, buy your discount ticket online or call to our Filipino agent. Mabuhay Travel the Leading Filipino travel agent in Uk.
Alam niyo ba kung saan makikita ang pinakamahabang tulay sa Pilipinas nagdudugtong sa dalawang lalawigan na ipinagawa ni dating Pangulong Ferdinan Marcos Sr. na sinasabing “regalo” at “pagpapakiya “ng pagmamahal nito sa kaniyang misis na si dating First Lady Imelda Marcos.
Ang naturang tulay ay ang San Juanico Bridge, na tinatawag ding “Marcos bridge” na nagdudugtong sa Samar (sa Santa Rita) at Leyte (sa Tacloban). Ito ang itinuturing pinakamahabang tulay sa Pilipinas na may habang 2.1 km at may taas na 41 meters above sea level.
1969 sinimulang ang kontruksiyon at natapos Disyembre 1973. Sinabing umabot sa $21.9 milyon. Ilang beses ring ipinakita ng tulay ang katatagan laban sa mga kalamidad. Gaya na lamang ng 7.6 magnitude quake noong Agosto 2012 na tumama sa Eastern Visayas kung saan nmagkaroon lamang ng bahagyang pinsala ang tulay at ang bagyong “Yolanda noong Nobyembre 9, nanatiling nakatayo ang tulay. Ito ay naging tourist atraksyon ng lalawigan.
Maraming Salamat po.
#travelvibes#wanderlust#mabuhaytravel#blog#blogger#mabuhaytravelblog#philippines#travelphilippines#San Juanico Bridge
0 notes
Photo
Pantabangan Dam Site Noong Mayo 1969, ang Kongreso ng Pilipinas awtorisadong pag-unlad ng Pampanga Basin sa Republic Act No. 5499. Noong Oktubre ng taong iyon, detalyadong pag-aaral ng site Pantabangan ay natupad at tumagal ng dalawang taon. Sa pamamagitan ng Hunyo 11, 1971, Pantabangan ay isang lumang bayan ng paligid ng 300 years old. President Ferdinand Marcos at marami pang iba dumating para sa isang lupa paglabag seremonya sa Palayupay, Pantabangan, Nueva Ecija, sa signal sa simula ng konstruksiyon ng Pantabangan Dam. dam ang nagpunta sa operasyon noong Pebrero 1977 at ay nakumpleto sa ibang pagkakataon sa May.Approximately 1,300 katao ang relocated mula reservoir zone ng dam
1 note
·
View note