Ayoko ng SAGO sa MILKTEA. Bumili ako para uminom hindi para mapagod ngumuya. Wala akong romantic DNA sa katawan. Kunwari sobrang deep ng mga post ko.
Don't wanna be here? Send us removal request.
Note
Bakit parang ang bilis nya burahin lahat ng pictures namin at yung relationship status nya sa fb, single agad?! 4 days tlga after breakup.
Bakit kelangang may pa-countdown sa pagbubura ng pictures at pagpapalit ng relationship status eh break na nga kayo di ba? BREAK NA. Meaning, tapos na. Hindi na kayo. Kanya-kanya na. Wala ng pananagutan sa isa’t-isa.
Ang mga ganyang tanong na BAKIT ay mauuwi lang sa ‘AWWIT!’
https://www.padeepthoughts.com/ask
72 notes
·
View notes
Note
May chance pa ba kahit naputol connection niyo kasi busy sa career? yung tipong wala closure nawala lang
Kunware busy sa career pero may ibang kinarir yan. The bottomline is, hindi ikaw ang pinili. Kapag ganyan, wala ng chance. Na-ghosting ka na.
https://www.padeepthoughts.com/ask
35 notes
·
View notes
Note
What do you think is the best thing to do when someone from the past keeps getting in touch with your boyfriend/girlfriend? Like lagi niyang gustong pag usapan yung naudlot nilang past, may boyfriend na siya. Hndi ko magets bakit ganun pa din po siya sa boyfriend.
Hindi pa yan nakakamove-on kaya dumadamoves sa jowa mo.
Pagmasdan mo mula ulo mukhang paa tapos sabihin mo,
"Gusto mong pag-usapan yung naudlot niyong nakaraan o mas gusto mong maudlot ang buhay mo at maging parte na lamang ng nakaraan?” ,tapos isumbong mo sa jowa niya na wala atang kaalam-alam sa pinaggagagawa niya.
https://www.padeepthoughts.com/ask
37 notes
·
View notes
Note
came from 4years relationship, heal/fix myself for 5years para lang sirain ulit ng 5months, akala ko matibay na ako.
Nung binugbog ba si Pacquiao sa boxing ring noong una niyang laban wala na siyang naramdamang sakit noong binugbog ulit siya sa mga sumunod pa niyang laban? Sometimes, pain is just pain. It doesn't make you stronger, you just happen to feel it and it just hurts.
You’ll never get used to it. You simply have to deal with it and try to survive.
https://www.padeepthoughts.com/ask
77 notes
·
View notes
Note
Anong advice mo sa mga broken hearted?
Wag mong iasa ang paghilom ng sugat mo sa ibang tao. Dahil kung kaya ka nilang ayusin, kayang-kaya ka rin nila ulit sirain. No one can truly fix you but yourself.
https://www.padeepthoughts.com/ask
67 notes
·
View notes
Note
Why do we keep chasing the wrong person?
Para lang din yang pagtaya sa LOTTO. Bakit tumataya ka pa rin kahit na may 0.000000000001% chance kang mananalo? We keep on chasing the wrong person dahil naniniwala ka na kayang itama ng pagmamahal mo ang kahit anong mali. We keep on chasing them dahil kahit gusto mong gawin ang tama, hindi na naman utak mo yung gumagana kundi ang puso mo na. Wala eh, nagmamahal ka kasi.
https://www.padeepthoughts.com/ask
57 notes
·
View notes
Text
“CAN YOU STILL BE FRIENDS WITH YOUR PAKINGSHET EX?”
PWEDE kapag,
1. Matagal na siyang single tapos single ka pa rin.
2. Moved on na kayo pareho tapos di na big deal yung past. Pramis. As in.
3. Minahal mo naman siya pero sapat lang.
4. Mas nauna kayong maging magkaibigan kesa magka-ibigan.
5. Apelyido niya Ayala or Gokongwei.
6. Wala ka ng kahit anong feelings pero ang yummy niya pa rin.
7. Siya yung ama ng dinadala mo ngayon… na shih tzu.
8. Hindi pa bayad sa utang.
9. Pinapadalhan pa din siya ng mama mo ng fruit salad kapag may bertdeyan.
10. Cause of break-up: Inagawan ng balat ng manok.
11. Nabalitaan mong nanalo sa LOTO.
12. Youtuber ka tapos kelangan mo ng publicity. StarMagic Artist ka tapos may teleserye ka.
HINDI NA PWEDE kapag,
1. Third-party ang dahilan ng break-up.
2. Ilang beses mo ng nahuling lumandi pero izza prank lang daw yon.
3. Si besSssS ang bago niyang jowa.
4. Toxic pa rin ampota.
5. Nakakatanggap ka pa rin ng death threat galing sa pamilya niya.
6. Kapag ang yummy niya pa rin tapos FUBU gusto mo.
7. Naka-blotter ka pa rin hanggang ngayon.
8. Nakamove-on na kayo pareho pero pinagseselosan ka pa rin ng jowa niyang praning.
9. Ikinalat niya yung scandal niyo pero yung mukha lang niya yung naka-blurred.
10. Kapag di na nakakatanggap ng sustentong dog food yung alaga niyong shih tzu.
11. Hinahagisan ka ng teargas ng tropa niya kapag nakikita ka.
12. Mahal mo pa rin pero taken na siya.
13. Mahal mo pa rin pero taken ka na.
14. Self-proclaimed nakamoved-on ka na pero ang sakit pa rin.
15. Fully moved-on ka na pero di mo pa rin kayang patawarin.
16. Super duper fucking moved-on ka na pero putangina niya pa ren.
First of all, bakit kelangan mong kaibiganin ang ex mo? Walang-wala ka na bang kaibigan? Kung kailangan mo ng kaibigan madami sa Tinder. Second of all, wala ng second of all hanggang first of all lang.Isipin mo yon, there are 7.8 billion people in this world, pero mas pinili mo pa ring kaibiganin yung taong nanakit at nanloko sa’yo kahit hindi naman mandatory, eh di bahala ka sa buhay mo. Hindi ko naman sinasabing shunga ka ha. Wag kang sensitive. Ang sabi ko lang bahala ka sa buhay mo.
Magjowa tapos magkaibigan after? Ang tawag diyan downgraded relationship. Para kang naka-iphone11 na nasira tapos pinalitan ng iphone4 na di na pwedeng iupdate ang IOS kasi phase out na. Why would you settle for a downgrade relationship? Unless may iba kang habol or gusto mo pa ring maghabol.
Being friends with your ex is a sign of maturity daw. Sus walang ganon! Matured ako kahit di ko kaibigan yung ex kong mukhang alamang. Pahidan ko siya ng kulangot sa bibig eh. Maturity is being able to forgive and forget the past na may respeto pa rin sa isa’t-isa kahit ang sarap niyang i-hadouken sa ngala-ngala. Pero hindi ibig sabihin na dapat kailangang maging magkaibigan pa rin. You can be at peace with someone kahit hindi na kayo magkaibigan. ‘Tamang magkakilala na lang’ pwede na yon. Minsan sapat na yung naging parte sila ng nakaraan natin na hindi na pwedeng dugtungan pa. Bahagi na lamang ng nakaraan. Artifact. Ganon.
210 notes
·
View notes
Text
NASAAN NA NGA BA SI ‘THE ONE THAT GHOST AWAY?’
Habang nag-eecho yung boses ni Manong kakasigaw ng “Tahooooooo!!!”, may biglang lumapit sa kanya para bumili ng “Venti Pasteurized Soft Tofu with extra caramelized brown sugar without pearl” a.k.a Taho with extra arnibal na walang sago. Nung eksaktong iaabot na ni Manong ang order ni Kuya, bigla na lang siyang nag-walkout at di na muling bumalik. And I was like, “Shet, na-ghosting yung Taho!”
Kung ang Meralco nga may pa-notice of disconnection bago kayo putulan ng kuryente, sana ol may pasabi muna bago mang-iwan hindi yung mang-ghoghosting na lang bigla di ba? Pero nasaan na nga ba siya pagkatapos kang iwan ng basta-basta?
May mga theories tayo para jan.
THEORY #1.
He needed space kaya ayun napadpad sa alternate universe at na-trap sa space-time continuum. Nasa kabilang dimensyon kaya hindi mo na ma-mention.
THEORY #2.
Kapiling na niya ang mga kapwa niya maligno sa mundo ng mga engkanto at ang kailangan mong gawin upang maramdaman ang kanyang presensya ay magtirik ng itim na kandila, mag-alay ng spaghetti at hintaying gumalaw ang baso.
THEORY #3
He needed time for himself kaya ayun, nung nagkaglitch ang time-machine ni Doraemon napadpad siya sa panahon ng mga dinosaurs. Babalik naman siya, nasa talyer pa lang yung time-machine nirerepair pa.
THEORY #4
Legit sumakabilang buhay. Meaning, ‘IkaW lAnG ang BuH@y niYA’ dati pero ngayon may iba na siyang ‘BuHaY.’
THEORY #5
Nung nag-snap si Thanos para ma-eradicate ang 50% ng all life forms sa cosmos, sinuwerte siya kasi hindi siya napasama. Kaya tiniris na lang siya ni Thanos.
THEORY #6
Also called as Reversed Theory of Evolution. From Homo Sapien to unggoy ang evolution real quick. Yung utak bumalik sa pagiging unggoy kaya hindi ka na maalala.
THEORY #7
Ayon sa Chinese beliefs, ang buwan ng Agosto ay tinatawag nilang Ghost month kung saan binubuksan ang portal ng impiyerno para sa mga tigang na ghost para humanap ng mga taong mabibiktima at paaasahin at kapag natupad na ang kanilang misyon, maaari na silang bumalik sa kanilang pinagmulan. To make the story short and masaket, na-achievement unlocked ka.
----
Ang punto dito, kahit magderive ka pa ng equation at gamitin ang kung anu-anong formula to solve for ‘X’ after considering the ‘Y’ o i-decode ang rason kung bakit ka niya iniwan, magself-doubt kung “Anong mali sa’kin?” o “saan ako nagkulang?”, o hamunin siya ng sapakin ng lips sa susunod na magkasalubong ulit kayo ng landas, the bottomline is may mga tao talaga na duwag tapusin ang isang relasyon sa matinong paraan dahil takot masaksihan ang aftermath nito.
So never demand and beg for closure. Sometimes, having no closure is the real closure because being ghosted itself is already the closure. Isang makapangyarihang kasagutan na ang magdesisyon siyang iwan ka sa ganyang sitwasyon habang patuloy niyang pinipili araw-araw na mabuhay ng wala ka.
Sa ngayon, mahalin muna ng sapat ang sarili para kusa itong mareciprocate pabalik. At lahat ng huhu mo, magiging hu u na lang. Thank u, next. Pero pakyu pa rin.
Isipin mo na lang na kung kahit papaano ay naging masaya ka sa maling tao, ano pa kaya kung sa tamang tao? And what I mean by tamang tao is--- yung hindi na tayo magagawang iwan, dahan-dahan man yan o biglaan. At kung sakaling iwan man tayo, yun ay dahil nakalimutang patayin ang sinaing.
At para naman dun sa iniwang taho ni kuya, kinuha ko siya ng walang pag-iimbot at buong katapatan. Hindi dahil sayang, kundi dahil yun din mismo ang eksaktong timpla na gusto ko.
146 notes
·
View notes
Text
SIGNS THAT YOU ARE A NEXT LEVEL INTERGALACTIC MARUPOK
Sa sobrang rupok mo, napagdesisyunan ng buong Pilipinas na kanselahin na lang ang Linggo ng Wika at palitan ito ng 'Linggo ng Weak Ka' bilang gawad sa walang humpay mong karupukan. Ito ang mga naging basehan ng nasabing parangal na hinding-hindi mo pwedeng ikaila.
1. Nung umakyat ka pa ng bundok para isigaw yung nararamdaman mo, “AYOKO NA SA KANYAAAAAAAAAA... PA RIN BABALIK SIGAW NG DAMDAMIN”
2. Nung nakipagmeet ulit siya sa’yo after ka niya i-ghosting tapos ang sabi mo, “Wow. Anong akala mo sa’kin tanga? Na maniniwala na naman sa mga pambobola mo tapos sa huli iiwan mo na naman sa ere? Ang kapal ng mukha mo di ko na nahiya! Wat time ba?”
3. Yung mag-iipon ka na talaga kaso nag-sale ang Lazada, Cebpac at Watsons. Siyempre sinuportahan mo na lang ang ekonomiya ng bansa.
4. Nung kinumusta ka ni crush sa text, ang reply mo, “I DO.. am fine.”
5. Nung tinanong ng cute na barista kung anong name yung ilalagay sa drinks ang sagot mo, “SingleAndReadyToMingle”
6. Nung nagpost si crush ng joke sabay PM mo, “HAHAHAHAHHAHA andami kong tawa mga 09175740928x kainis to HAHAHAHA.”
7. Nung confused ka kung kakausapin mo pa siya o hindi na kaya humingi ka na lang ng sign, “Uhmmmm... Kakausapin ko siya pag open pa din ang 7/11 mamaya. *crossfinger”
8. Nung humingi ka ng advice sa bestfriend mo,
“Sa tingin mo ba bibigyan ko pa siya ng second chance?”
“Hay nako bwisit ka, tagal mo magreply kami na ulet.”
9. Yung tinanong ng cashier kung dine-in or take-out, ang sagot mo, “Take me.” tapos ikaw pa yung kinilig.
10. Nung nakasalubong mo si crush,
“Pag lumingon ka, akin ka.”
Eh hindi lumingon.
“May 2nd try pa naman. hihi”
11. Nakasalubong mo ulit si crush,
“Pag lumingon ka, akin ka.”
Eh di na naman lumingon.
So nagpunta ka na lang sa harapan, ikaw na nag-adjust.
12. Nung super moved-on ka na at handa ka nang harapin ang panibagong pagsubok na dadating sa buhay pero nung bigla mong narinig na kinakanta ng kapitbahay sa videoke ang “I will Always Love you” bumalik ulit lahat ng sakit.
13. Nung once na ma-view ni crush ang MyDay mo, nagpatahi ka agad ng wedding gown.
14. Ikaw na lang palagi ang nag-aadjust, “Hi crush, free ka ba this year tska next year? Okay. It’s a date!”
15. Nung one time na nawalan ka ng balance sa tabi ng crush mo, sabay kapit, sabay pisil, sabay smile, may pag-moan pa.
16. Nung tinanong ka ng cute na waiter, “Willing to wait po mam?” Ang sagot mo, “Depende kung wala kang lakad after nito hihi.”
17. Tinawag ka lang na “Uy ganda! Bili ka na!”, pinakyaw mo agad lahat ng paninda tinanong mo pa kung kelan ang dating ng ibang stocks, nagpareserve ka pa.
18. Yung desidido ka na talagang magdiet tapos bumulong yung tropa mo, ‘Buffet tayo. Libre ko.” kaso naisip mong madaming taong nagugutom sa panahon ngayon at nangangailangan ng tulong kaya umoo ka. Ikaw kasi yung gutom.
19. Nung humingi ulit siya ng chance pagkatapos ka niyang ipagpalit sa iba, “Sa tingin mo bibigyan pa kita ng chance after mong di magparamdam ng mahabang panahon tapos ngayon bigla bigla ka na lang susulpot na parang walang nangyari. Di porket hot ka, tapos kapag ngumingiti ka lumalabas ang dimples mo tapos yung mga mata mo nangungusap na parang ako lang yung mahal mo, hay naku halika nga.”
20. Mega-post ka sa twitter ng, “Lahat ng lalaki manloloko! Ayoko na magmahal!!!” Tapos after 5 minutes, “Hi guys false alarm. Nagpadala siya ng Jollibee ok na kami.”
21. Yung nakasabay mo sa jeep yung ex mo tapos tinanong ng drayber kung ilan sa bente, “Dalawa po! Isang nang-iwan at isang umaasang babalikan pa rin.” in dignified tone.
----
Akshwally, okay lang naman maging marupok. Lahat naman tayo ganyan lalo na sa taong gusto natin. Patunay lang yan na hindi tayo manhid and that we are capable of loving unconditionally kahit hindi tayo kayang mahalin pabalik. Pero alam mo kung anong mali? Ang maging desperado lalo na sa maling tao. Repeating the same mistakes and expecting a different solution is insanity lalo na kung sa parehong tao. Hindi ka na marupok nun, baka likido ka na. You just conform to the shape of the container. So choose your battle wisely. Wag mong hayaang gamitin ng iba ang karupukan mo para lalo kang saktan. Darating ka din sa episode ng buhay mo na may taong magmamahal sa’yo na kayang ibalik yung pagmamahal na binibigay mo, yung hindi itatratong kahinaan ang pagiging marupok mo. Sa ngayon, protect your feelings muna at all cost.
Don’t be a next level intergalactic marupok. Be marupok with a virtue.
190 notes
·
View notes
Text
THE SIGNIFICANCE OF IBA’T IBANG LUTO NG ITLOG ( A PA-DEEP ANALYSIS)
Kung may kaugnayan ang alignment ng mga bituin at hugis ng buwan sa ating pagkatao, may significance din ang iba’t-ibang luto ng itlog pagdating sa relasyon, pag-ibig and everything nice. Kaya pag tinanong ka kung alin ang mas nauna, kung itlog ba o manok, ITLOG ang sagot. Dahil may life-lesson sa itlog.
1. OMELET. Binabati muna ang itlog bago ilagay sa mainit na kawali tapos ifflip kapag luto na yung kabilang side.
It sounds cliche pero parang ganito yan, bago ka pumasok sa isang relasyon dapat siguradong handa ka na. Hindi yung saka mo pa lang babatihin yung itlog kung kelan nakasalang na sa kawali. Learn to fix yourself first. Hindi yung gagamitin mo yung ibang tao para kusa kang mabuo dahil baka sa huli sa kapipilit niyang buuin ka, siya naman ang tuluyang masira. Kailangan mo munang maghilom bago sumubok magmahal ulit. Para kapag okay na okay ka na, kahit ano pang problemang dumating, kahit i-flip ka pa ng ilang beses sa kawali, you will never ever ( I mean EVAHHH )...lose yourself again.
2. BAKED. Mag-preheat nga ng oven kaya mong hintayin siguro sa tamang tao din.
Ang classic pakinggan pero minsan hindi sapat na maghintay lang ng tamang tao para sa’yo. Ikaw muna ang kailangang maging tamang tao, hindi para sa iba kundi para muna mismo sa sarili mo. Know your worth first at mahalin ang sarili ng sapat at kusa siyang dadating sa buhay mo kahit hindi ka maghintay. Tadhana pa ang kusang makipagsabwatan sa’yo, pakendeng-kendeng pa.
3. SCRAMBLED. Minsan omelet naman talaga dapat yung lulutuin mo pero dahil hindi non-stick yung kawali at kinulang ka sa skills para magbaliktad ginawa mo na lang scrambled.
It’s like giving second-chance hindi dahil tinatanggap mong natalo ka o nagkamali siya o dahil nanghihinayang ka kundi dahil naiintindihan mo na kaya pang ayusin ang isang bagay na nasira basta’t pareho niyong gustong ayusin. Nagbibigay tayo ng panibagong pagkakataon dahil minsan the only person who can fix us are the ones who broke us. Si Popoy at Basha nga naka-part 3 eh. Yung kaldero nga namin andaming tagpi nagagamit pa din eh. Everyone deserves a second-chance but not for the same mistake. Bopols ka na nun kapag may The Repeat. Concert lang? Iba-iba lang venue?
4. POACHED. It’s like boiling but without the shell, or cooking that skips contact with the pan to avoid any hard edges.
Maraming mas madaling paraan para magluto ng itlog pero minsan mas pinipili natin yung medyo komplikado dahil yun ang gusto natin. It’s about life choices. Hangga’t wala kang pinagsisisihan, mananatiling tama ang pinili mo para sa’yo. Kahit anong uri at anyo pa yan, kahit kailan hindi naging mali ang magmahal. Hindi kailangan ang ibang tao para i-validate yung nararamdaman mo. If it makes you happy, it can’t be that bad. Sarili mong puso ang tumitibok pakialaman nila yung sarili nilang internal organs.
5. HARD BOILED. Pwedeng pabulakan pero pwede ding isapaw sa nilulutong sinaing. Kailangang orasan para tama ang luto. Dahil saka mo lang malalamang hilaw pa kapag binasag mo na. Yun nga lang hindi mo na pwedeng pabulakan ulit.
Parang pagpasok sa relasyon, kailangan mong ingatan at bigyan ng sapat na oras because being in a relationship is also a responsibility. Hindi LANG dahil sa masaya ka. Hindi lang dahil sa kumportable ka. Responsable ka sa pinasok mo pati na din sa taong mahal mo dahil dalawa ka na hindi ka na isa. Hindi yan isang emosyon na nararamdaman, desisyon din yan na dapat panindigan.
6. FRIED OR SUNNY SIDE-UP. Binabasag mo na agad yung itlog direcho sa kawali at hinahayaan mong maluto sa mantika nang hindi binabaliktad. Hindi na kailangan baliktarin yung itlog para hindi masira yung pinakadilaw.
If you both want to work things out, always learn to look at the bright ‘sunny side’ of your relationship. Wag nang balikan yung mga pangit sa nakaraan, nakakapanget yun. Isipin mo yon, nagkokojic soap ka, may toner at moisturizer ka pa tapos magpapakastress ka lang sa mga bagay na nangyari na? DI. MO. DESERVE. Dahil kapag pilit mo pang binalikan, baka mabasag lang yung pula maging scrambled pa. Ang mas mahalaga ay ang kung anong meron sa kasalukuyan tapos glass-skin ka pa. Shet!
7. OVER EASY. The egg is fried on both sides so that the egg whites are firm while the yolk remains runny.
Just like in a relationship, yung yolk ang pinaka-core ng pagsasama niyo na kailangan niyong ingatan para hindi mabasag. Pero kailangan manatiling balanse because everyone has their own life. A relationship is meant to enhance you not to suffocate you. Hindi yung palaging ikaw yung nakalapat sa malinit na kawali habang yung isa nagpapakafeeling sunny-side up. Flip flip din sana pag may time para parehong luto.
8. SOFT BOILED. You boiled the egg for 5-7 minutes so the yolk is spoonable.
Lahat ng bagay ay nadadaan sa tamang timing. Hindi yan dahil sa pareho niyo lang ginusto. May tamang oras para pareho kayong matuto, may tamang oras para pareho kayong maghilom. At dun kayo mas titibay kapag nirespeto niyo ang bawat proseso.
--
#Eggspert. Next time kape naman tapos tinapay. Bored.
134 notes
·
View notes
Text
TUMBLR ASK?
https://israelmekaniko.tumblr.com/ask
14 notes
·
View notes
Text
20 SUPER TIPID TIPS DURING LOCKDOWN
1. Wag ng mag-abalang gumawa ng Dalgona Coffee. Lasang kabet! Masarap lang sa una pero nakakaumay. At the end of the day, dun pa din ang balik mo sa LEGIT 3-in-1 na nasa sachet.
2. Ugaliing gumising ng tanghali para isang kainan na lang.
3. Kumustahin ang mga friends mong naka-Spotify premium at may Netflix account. Always remind them to stay home, keep safe and ‘Beke nemen.’
4. Wag ipang-rebond ang nakuhang ayuda. Kakarebond mo lang nung December.
5. Wag masyadong sarapan ang luto para hindi masyadong kainin. Ang mahalaga instagrammable.
6. Kung sinong maghuhugas ng pinggan siya lamang ang may karapatan kumain ng pinakamalaking gayat ng manok. Yung leeg, sa walang ambag.
7. Iwasan munang lumandi. It could save your heart from hapdi.
8. Iwasang manood ng Mukbang vlogs para hindi gutumin. I-binge-watch ang Human Centipede at Tekas Chainsaw Massacre.
9. Ilagay sa tabo ang pinagmumugan. Masasatisfy ang pwet mo kapag ginamit mo itong panghugas. Ma-mint mint pa.
10. Hatiin sa maliliit na cubes ang Kojic soap. Dahil lahat ng bagay ay madaling maubos kapag binibigay agad ng buo. #TheKojicConcept
11. Please lang pakibalik ng talong sa ref. Pwede pa yang ipangtorta as long as walang nakakaalam kung saan mo ito ginamit. Note: Pakihugasang mabuti mga 10x.
12. Para tipid sa tubig kapag maliligo, dahan-dahan lang sa pagbuhos ng atensyon sa taong hindi naman interesado sa’yo.
13. Picture-an ang bilbil at pakatitigan ito ng mabuti lalo na kapag napapadami ng kain. Iwasang kumurap at mapaluha pero optional ang pagpisil.
14. Mag-enroll sa mga free online course gaya ng “How to Be a Professional Digital Artist using PicsArt”, “30 minutes Free Online Course on How to Be a Professional Chef by Panlasang Pinoy” and “1-week Online Course Kung Paano Magpatawad at Magmove-On.”
15. Hindi required ang ‘midnight snacks’ kapag nagNenetflix, magtiyaga na lang muna sa pagngatngat ng punda ng unan.
16. Magluto na lang kesa umorder online naman siya pero bakit di ka magawang replyan baka may ibang kausap luhhh.
17. Planuhin ang meal ng naaayon sa budget para pwede mo ng asawahin ang sarili mo. (Day 1. Tuyosilog. Day 2. Caviar-Silog. Day 3 Lumpiang tuyo. Day 4. Lumpiang Caviar)
18. Ipang-ulam ang abs ni crush habang pinagmamasdan ang mga hubad niyang larawan at tiktok videos na puro pa-lawlaw.
19. Kapag mag-gogrocery, bilhin lamang kung ano ang kailangan mo siya pero hindi naman ikaw ang kailangan niya dahil may mahal na siyang iba.
20. Para makatipid sa bigas, huwag nang isaing ipatuka na lang.
133 notes
·
View notes
Text
17 SIGNS NA YOU’RE UNDER #QUARANFLING
QUARAN-FLING. Landian na pang-quarantine season lang. Walang future. Well-invested kahit walang patutunguhan. Relief goods ang kailangan pero ibang ayuda ang napunan. Feelings na pang-lockdown but will end you knockdown.
Kapag naka-16 ka sa alin mang mga signs na sumusunod, naglulupasay akong ipabatid na under #QuaranFling ka. *snaps in Z formation*
Okay. Gawin na lang nating tatlo para pasok ka talaga. Mapilit ka eh.
1. Minamahal mo na lang kung sinong magkagusto sa’yo kasi bored ka wala kang magawa ganon.
2. Kaka-hi lang niya sa chat pero bigla agad naging concern sa digestive system mo. “Kumain ka na ba? Wag ka papagutom ha.” ( Mapag-aruga agad? Galing sa sinapupunan? Nanay?)
3. Kaka-chat niya lang ng “Thanks for the accept” pero bago mag-lunch mahal na mahal ka na daw niya agad. Siyempre ang reply mo, “Mas mahal na mahal ko po ikaw. Hihi”
4. Mega open-up kayo ng mga past relationships niyo. Todo comfort ganyan, bigay advices ganyan pero yung follow-up question, “So anong suot mo ngayon?”
5. Yung may pag-mention pa siya sa post niyang home-made Dalgona Coffee na kulang sa halo itsurang tae naman. Pero sabay PM, “Magaling ako magbate, wanna try?” *with emoji na naglulungad.
6. “Masaya na ako sa kung anong meron tayo NGAYON” ang pamatay niyang linya. Emphasized and capslocked yung “NGAYON “kasi after quarantine, goodbye quaranfling.
7. Yung nagchat siya ng “Send nudes.” pero ang sinend mo Payless Pancit Canton. Akala mo kasi “Send noods.” Ibang ayuda pala ang gusto.
8. Sobrang sweet niya kasi palagi niyang nireremind sa’yo to #StayHome pero iba behavior pag nahohorny, “Walang tao dito sa bahay. Wanna come over? Hihi.” Ready ka magpabaril para sa titi.
9. Kapag nagi-I love you ka during video call, ang palagi niyang sagot, “Chappy Chappy!” tapos bigla madidisconnect.
10. Nung may nagtanong sa’yo kung ano bang naging ambag mo sa lipunan ngayong quarantine, walang pag-aalinlangang sinambit ng matabil mong bibig, “Nagmahal ng lubusan kahit panandalian.” with conviction.
11. Alam niya kung anong episode ka na sa Money heist, pati design ng lace ng panty mo at the moment pero never niyo napag-usapan kung may jowa ba kayo pareho. Kashe…de nemen yen mehelege. Eng mehelege meseye keye perehe.
12. Nagpalit siya ng relationship status sa FB pero yung privacy setting ONLY-ME.
13. Hindi mo na ma-access yung Netflix niya after niyo manood ng #CrashlandingOnYou kasi pinalitan niya agad ng password. #CrashLANDIonYou.
14. Yung kinilig ka nung sinabi niyang “I want us to be more than just friends after lockdown pero ang ibig sabihin talaga nun is “super duper bestfriends”. #EnhancedCommunityQuaranFLING
15. Galit na galit ka pag nakikipag-usap ka sa malandi, “Napakakati mo! Di ka makapagpigil! Di ka na nadala!” Pero nakaharap ka sa salamin.
16. Full of positivity at words of encouragement siya lagi kaya lalo mo siyang minamahal. “Ok lang maging kabet as long as di tayo nakakasira ng relasyon at wala tayong ginagawang masama.”
17. Gusto mo pa mag-extend ang lockdown kasi after nito alam mong tapos na din kayo. Mga olol.
--
Kung marupok ka pwede ba, (*roll eyes emoji*) tigilan mo na kakaQuaran-fling mo habang kaya pa. Hindi advisable ma-inlove ngayon, lahat bored. Isipin mo, pag natapos ‘tong quarantine na ‘to lahat kami taas noong lalabas na feeling chef, baker, political analyst at movie expert pero ikaw, sawi kang gagapang sa lusak. Ampanget! ( Uxto mo yon?) Sa ngayon, practice #Isolationship for the sake of humanity. Enjoy your own company by having quality “me-time.” Focus on loving and improving yourself so you’ll not engage or settle for something less than you really deserve. Saka ka na lumandi ng todo pag kaya mo ng ipaglaban ang sarili mo.
Oo na, malibog ka na. But #StayHome.
221 notes
·
View notes
Text
GAANO KA KA-TOXIC SA SOCIAL MEDIA?
Friend’s IG story: *posted home-made Dalgona Coffee* Day-off feels!
You: “At times like this mas inuna mo pa talaga yan? Palibhasa kasi privileged ka wala kang pake sa mga mahihirap!”
Also you: ( nakisiksik sa pila ng Starbucks while on quarantine )
---
Friend: “HAPPY BIRTHDAY TO ME!”
You: “At nakuha mo pa talagang maging happy ngayong birthday mo. Maging sensitive ka naman sa nangyayari sa mundo! Birthday lang walang Happy!”
----
Yung humingi ka ng advice sa FB friends tungkol sa sugat mo sa tuhod.
FB Friend: “Pahidan mo lang ng Betadine gagaling din yan.”
You: “Wow! Just WOW. “GAGALING DIN YAN?” Seriously? Enough of this toxic positivity! Andali lang sabihin sa’yo yan kasi hindi ikaw ang nasugatan. Napakainsensitive mo!
Friend:
Sugat:
Betadine:
---
Tiktokerist: “Hey guys please watch my latest tiktok video for #LaplapinKoJowaKoHabangNangungulangotChallenge”
You: “This is #cringey. So ano to single-shaming para sa mga katulad naming walang jowa? This is so offending! WE DESERVE A 30-MINUTE PUBLIC APOLOGY (WITHOUT ADS) OR YOU’RE CANCELLEDT.
----
You: “"Be the woman who fixes another woman's crown without telling the world it was crooked."
15,786 Followers: “This is so inspiring. God bless your pure heart lodi.”
Also You: “Brendalyn Bayagbag scandal sino may gusto?! Like and retweet for the link.”
Also his 15,786 followers: OMG. DM please!
----
You: *slips in the bathroom* sabay tweet.
Twitter follower: “Aww. Ingat na lang po next time.”
You: “Seriously?! So you mean hindi ako nag-iingat? Kasalanan ko ganon ba? Victim-Blaming at it’s finest! Kasalanan ng sabon nakahara sa daan!”
----
IG travel account: *throwback travel photo in Maldives*
You: “Alam na ngang nakaquarantine and #StayHome yung mga tao then nakuha pang mag-post ng ganyan. Ma-ttrigger lang silang lumabas ng bahay! Delete this insensitivity! I will report this account now.”
—-
“I am proud Filipino and Duterte is my president!” — Naruto
“Tatay Digong is the best! Duterte forever!”— Pikachu
You: “Buti pa iBa naAaprecIAte Ang MAhAl nAminG PaNgUlo. MgA oLol!! TaTay DIg0ng nambaWan!”
—-
FB friend: “MERRY CHRISTMAS EVERYONE!”
You: “Everyone talaga? This is very inappropriate! So paano naman ang mga Non-christians? Paano mga Muslim at Buddhist? Be sensitive naman next time!”
FB Friend: “MERRY CHRISTMAS TO CHRISTIANS ONLY!”
You, again: “So paano naman ang mga gustong mag-celebrate ng Christmas kahit hindi Christians? How inconsiderate!”
---
Celebrity: “Katamad magluto gosh. Mag-sardinas na lang ako guys.”
You: “How dare you say “LANG” sa sardinas? Minamaliit mo ang sardinas ganon? Hindi mo ba naisip yung mararamdaman ng mga manggagawang nagsalpak ng sardinas sa loob ng lata kapag nakita nila itong post mo? Palibhasa kasi sanay ka sa Salmon Steak kaya ni-LaLang mo lang ang sardinas. Pinapanood ko pa naman teleserye mo pero ngayon ayoko na. #Unfollowed.
---
“As he read, I fell in love the way you fall asleep; slowly, and then all at once.” – John Green, The Fault in our Stars
You: “Stop romanticizing katamaran. Magtrabaho hindi puro tulog at lande!”
John Green:
---
Vlogger: “Dahil po sa sama-sama nating pagtutulungan nakalikom po tayo ng pondo para makapagbigay ng groceries sa 400 pamilya biktima ng sakuna.”
You: “Anlaki ng kinikita mo bilang vlogger ba’t di mo gawin mag-isa? Ang selfish lang.”
Also you: “Ang pagtulong dapat di na pinopost sa social media. Pasikat!”
Also you, as usual: “Bakit ngayon ka lang tumulong samantalang nung Bagyong Yolanda busy ka sa Mukbang Vlog mo.”
---
Someone: “Emeged nagreply si crush! I CAN’T BREATHE!!!”
You: “THIS IS SO INSULTING PARA SA MGA MAY ASTHMA!”
(54,000 LIKES 187,000 Retweets )
204 notes
·
View notes
Text
BAKIT NGA BA HINDI TAYO JOWABLE?
1. Nasa counter pa lang kinakain mo na agad yung french fries para makadami ka. Tapos ikaw pa yung mega suggest na ibubo yung lahat ng fries sa tray kasi gusto mong makalamang.
2. Flirtationship ang habol mo hindi relationship.
3. Kasi gutom na gutom na yung mga kasama mo panay picture mo pa ng pagkain. You’re not jowable. You’re Instagrammable.
4. Kapag may nagchat sa’yo ng “Uyy. Ingat ka ha.” ang reply mo, “GAGO KA BA ALANGAN NAMANG MAGPASAGASA AKO?!”
5. Nag-eenglish ka pag lasing. Pero wala namang nakakaintindi ng sinasabi mo. Inuman lang kasi, walang i-englishan.
6. Handa kang mapasubo… sa kahit anong problema at sitwasyon. Pero ayaw mong lunukin…. ang mataas mong pride.
7. Kasi kapag may nakacrushan ka, nakikipagbreak ka na din agad. Advance ka kasing mag-isip.
8. Kapag nagyaya yung kadate mo sa department store, ang lagi mong sagot, “Next time na lang hindi ko kasi dala ang advantage card ko. Sayang yung points.”
9. Kasi may mas malandi kesa satin. Nauubusan tayo ng slot. Naaagawan tayo ng moment.
10. Kapag may nagregalo sa’yo ang palagi mong sinasabi, “Sana pinera mo na lang.”
11. Kasi yung picture mo sa Tinder picture ni Liza Soberano tapos ang bio mo, “I hate poser, mygahd!”
12. Kapag may bumebeso sa’yo, nilalapatan mo na agad ng wet wipes yung pisngi mo kasi ayaw mo macontaminate ng bad bacteria katawan mo.
13. Strong and independent woman ka pero ang ideal jowa mo ay yung hihintayin ka sa labas ng CR kahit lamukin habang bitbit yung maliit mong shoulder bag.
14. Ang hilig mo sa mga Korean Skin care products tapos ang motto mo, “Magpapaganda ako para mapansin nila ako. Tapos hindi ko sila papansinin.” ( Luh. Nu kaya yun.)
15. Panay post ka ng ‘Relationship Goals’ pero yung ‘Life Goals’ mo nganga.
16. Ang hilig mong mag 1-2-3 sa jeep. Magpapanggap kang tulog buong biyahe pero bigla kang magigising pag malapit ka ng bumaba.
17. Once ka lang nasaktan sa buong buhay mo pero ang palaging linya mo, “Lahat ng lalaki manloloko!”
18. Nung may tumawag sa’yo ng, “Hoy, malandi!” naoffend ka. Tapos ang sagot mo, “Wag mo kong tinatawag na Hoy!”
—
Pero ang totoo, kahit pritong itlog lang ang kaya mong lutuin, kahit may criminal record ka sa NBI dahil sinapak mo yung tumawag sa’yo ng panget, kahit palagi kang kulelat at walang kahit isang ‘Best In’ na natanggap simula kindergarten hanggang college, darating ang taong para sa’yo hindi dahil sa jowable ka kundi dahil totoong mahal ka. At kahit ikaw ang may pinakamabahong utot, lalanghapin niya ito na parang Dolce and Gabbana at tatanggapin ka niya ng walang panghuhusga.
The right one will come along at tatanggapin ka niya sa homeostasis mo at yayakapin ka niya ng buo even at your worst version of yourself. At wala siyang ipapabago dahil lang sa gusto ka niyang maging perpekto o ibang tao. At ang ganung kalaking pagmamahal ang kusang babago sa’yo nang hindi pinipilit.
Hindi ka jowable, kamahal-mahal ka.
785 notes
·
View notes
Photo
PARA SA PINAKA-DRAMATIC NA CLIMAX NG BUHAY NATIN.
Darating din ang araw na mafifeel mong umeepekto pala ang Aloe Gel Mask mo dahil naging moisturized at glowing din yung balat mong kasinggaspang ng tabla. Dahil sa wakas, nakita mo na rin yung self-worth mo at kailangan talagang layuan ang mga taong nakakapanget.
Darating din ang araw na wala ka ng matatanggap na video call galing sa kanya. Dahil sa wakas hindi na kayo LDR. Hindi na distansya ang namamagitan sa inyo– bilbil mo na lang.
Darating din ang araw na hindi ka na lang basta makukuntentong pagmasdan ang lovelife ng iba. Dahil sa wakas, hindi ka na Dakilang Third Wheel. May lovelife ka na at eto na yung moment na pinakahihintay mo.
Darating din ang araw na hindi ka na mag-aalarm ng sarili mong orasan. Dahil ang mga yakap at halik niyang puro panis na laway na ang gigising sa’yo tuwing umaga.
Darating din ang araw na hindi ka na magpapadala ng Balikbayan Box. Dahil sa wakas, hinding-hindi ka na aalis. Makukumpleto na kayo.
Darating din ang araw na magkakaroon ka na din ng lakas ng loob ipasa ang resignation letter na matagal ng nakasave sa desktop mo. Dahil sa wakas, narealize mong sundin kung ano ang mas makakapagpasaya sa’yo. (Ang mag-asawa na lang ng afam).
Darating din ang araw na sisimutin mo ang huling hibla ng Lucky Me Pancit Canton sa pinggan mo at sisipsipin ang latak ng 3in1 sa tasa mo. Dahil sa wakas, tapos na ang sunod-sunod na overnight sa bahay ng kaklase mo matapos lang yung group project at thesis ninyo. Makakagraduate na kayo.
Darating din ang araw na wala ka ng ibang gagawin kundi magshare na lang ng mga Cute Penguin videos sa sa FB mo. Dahil sa wakas, tapos na lahat ng deadlines mo sa trabaho, chill ka na lang tapos walwal later.
Darating din ang araw na hindi mo na kailangan ng running shoes. Dahil sa wakas, mapapagod ka ng maghabol. Dahil sa wakas, magsisink-in na rin sa utak at ibang parte ng katawan mo na ang tamang taong para sa’yo, kahit kalian hindi ka magagawang iwan at ikaw ang pipiliin araw-araw.
Darating din ang araw na yayakapin ka rin nila ng mahigpit na mahigpit. Dahil sa wakas, tanggap na nila ang buong ikaw maging ang lenggwahe ng pag-ibig ninyong di kayang intindihin ng iba. At sa pagkakataong iyon, malaya ka na.
Darating din ang araw na hindi ka na magtitiyaga sa Spotify playlist mong puro kanta ni Moira. Dahil sa wakas, may lakas ka na ng loob kantahin ito sa videoke habang sumisigaw ng, “Hoohh taenamo hindi ka kawalan!!!” Nakamove-on ka na.
Sa ngayon, tiisin muna ang lahat ng hirap at sakit. Namnamin pati pait. Dahil lahat ng bagay, gaano man kapakshet, may maganda pa ring patutunguhan hangga’t patuloy na ipinaglalaban. Darating din ang pinakadramatic na climax ng buhay natin. In full slo-mo. With background music. At walang epal. At sa pagkakataong iyon, tayo ang pinakamasaya.
Darating din ang lahat ng ‘yan. In God’s perfect time.
Laban lang. Walang Bawi.
Photo by: Thom De Villa
430 notes
·
View notes
Text
BAKA KAILANGAN MO MUNANG HUMINTO SAGLIT
Sabi nung isa, “Buti pa siya ang ganda ng trabaho sa abroad samantalang ako andito pa rin sa Pinas.”
Sabi naman nung isa, “Buti pa siya magkakasama sila ng pamilya niya sa Pinas samantalang ako mag-isa lang dito sa abroad.”
----
Sabi nung isa, “Buti pa siya may asawa at mga anak na.”
Sabi naman nung isa, “Buti pa siya, ang sarap ng buhay pa-travel travel na lang. Single kasi.”
---
Sabi nung isa, “Buti pa siya may lovelife. Samantalang ako 29 na single pa din.”
Sabi naman nung isa, “Buti pa siya single. May time pa rin magwalwal kasama ang tropa niya.”
---
Sabi nung isa, “Kainis. Ang bobo ko talaga. Isa na lang mapeperfect ko na yung exam.”
Sabi naman nung isa, “Pakshet. Isang point na lang nakaabot sana ako sa passing score.”
---
Sabi nung isa, “Gusto ko na magresign. Ang kupal ng bisor ko!”
Sabi naman nung isa, “Buti pa siya may trabaho.”
—-
Sabi nung isa, “Buti pa siya busy sa negosyo. Siguro ang yaman na niya.”
Sabi naman nung isa, “Buti pa siya may peace of mind, pa-Netflix Netflix na lang.samantalang ako stressed sa negosyo.”
----
Sabi nung isa, “Buti pa siya masaya.”
Sabi naman nung isa, “Buti pa siya mas masaya.”
----
Gets mo? Minsan, yung mga bagay na inirereklamo mo ngayon, hindi mo alam matagal na palang pinapangarap ng iba.
Sa lahat ng sitwasyon palagi tayong may makikitang kulang. Palagi nating makikita kung ano ang wala tayo kaya pakiramdam natin hindi pa rin sapat. Kasi mali yung konsepto natin kung paano maging masaya. Ang ginagawa nating basehan ng kaligayahan ay ang kaligayahang nakikita natin sa iba. Kaya ang ending, instead of actually finding happiness, you find disappointment.
Hindi masamang mangarap na “Sana, we could have the best of both worlds.” Wag nga daw tumigil mangarap di ba. “Don’t settle for something less than you deserve” nga daw. Pero minsan sa sobrang focused natin in “The Pursuit of Happiness” nakakalimutan na nating maging masaya right at the moment.
Siguro, baka kelangan muna nating huminto saglit at namnamin pansamantala ang mga bagay na meron tayo para marealize nating wala yan sa taas o sa baba ng pangarap o sa layo ng narating mo. Dahil minsan, mas masaya pa yung simpleng mekaniko sa trabaho niya kesa dun sa Mechanical Engineer na naka-based sa Doha. Dahil minsan, mas masaya pa yung dalawang magjowang tambay lang sa tindahan na may inner peace habang humihigop ng milktea kesa dun sa magjowang nag 3days-2nights sa Bali.
At the end of the day, it’s about being grateful with what you have kahit nasaang sitwasyon ka pa; Unli-Samqyeopsal ma yan o bente pesos na kwek-kwek lang sa kanto, Tahitian Vanilla Macchiatto man yan o limang pisong palamig na puro sago.
Malay mo, dun pa rin pala tayo sasaya sa mga simpleng bagay na meron na tayo dati pa. 'Coz where we are depends on how we look at things.
Blessed ka pa rin. ;)
639 notes
·
View notes