#Nakakatakot naman
Explore tagged Tumblr posts
Text
I'm scared so they took blood samples from us in class 2day & put Anti-A, B, D serum in them so we can determine our blood type or smth & it agglutinated in seconds. Wtf.
#i've got a subconscious life#Nakakatakot naman#Now imagine what happens when they give you the wrong blood type for a transfusion
0 notes
Text
weird ba talaga at my age na never pa nagkajowa? i mean may nagtatangka naman before pero hindi talaga napupush into something deeper kasi i take my relationship with other people seriously. hindi sila umaabot sa sasagutin na kita stage kasi nawawala din naman sila agad haha takang taka kasi tong isa naming boss, pinupush nya talaga na mag asawa or magkaboyfriend ang mga single sa office (na ako lang naman hahaha) kasi mahirap daw tumanda mag-isa. well i agree naman pero hindi ako nagmamadali and i take everything slowly but surely. wala lang, syempre gusto ko rin naman magkajowa diba. sabi ko welcome naman if may dadating kasi nga i'm not closing my doors din naman. gusto ko kasi seryoso sakin eh haha sa dami ng gago ngayon, hirap na magtiwala. hirap maniwala na may genuine pa hahaha alam ko naman na meron pero ewan ko, nakakatakot lang yung thought na you invested a lot of your time, effort, and feelings pero they are not serious with you pala at nawawala rin. but still hoping for a love that so true and feels like home.
i hope the love that will find me is something genuine and pure, something that fills my soul, something comforting and at peace.
20 notes
·
View notes
Text
kanina napa check ako ng shopee dahil nag notif na yung isang shop na in-orderan ko recently, hindi ko pa pala na-order received haha. tas nakita ko nag increase na naman yung credit limit ko sa spay, nag check tuloy akong pwedeng icheck out. diba, naghahanap talaga ako ng pagkakagastusan e haha.
kako yung pangkilay ko nalang kasi paubos na yung gamit ko. belt kasi isa lang yung ginagamit ko lagi, at masisira na naman. what if office shoes nalang kasi masakit sa paa yung ginagamit ko, although meron naman akong extrang nagagamit sa office kaso with heels at hindi closed shoes, medyo nakakairita isuot kasi nahuhubad. gusto ko sana ng another closed shoes, para din hindi ako laging naka sneakers. naisip ko ulit, what if bag nalang—office bag para medyo formal, lagi kasi akong naka tote bag, para may pang terno ako sa formal office attire ko tuwing monday at tuesday, yung meron kasi ako back pack naman mukha parin akong estudyante lol. or liquid blush on kasi ayaw ko na dalhin yung powder blush ko dahil ang messy sa pouch, nadurog kasi nung nalaglag.
kung tutuosin kailangan ko naman talaga mga yan, pero sa pov ni J—although hindi niya naman kinokontra, puro kaartehan lang 'tong mga 'to haha. may pang guguilt trip siya minsan tuwing panay check out ako ng kung ano ano na sa tingin niya hindi ko naman kailangan e haha. kaya tuloy minsan hesitant rin ako mag check out. tsaka sa shopee lang naman talaga ako madalas mag order ng kung ano, lalo kapag skincare or make up, ayaw ko kasi sa mall lalo pag nilalapitan ako ng mga sales lady, parang lalong hindi ko mapili yung gusto ko. haha.
pero ayun, hindi ko pa chineck out kasi less than 200 lang yung mga in-add to cart ko, tsaka mas okay sa 9.9 nalang baka may mga discount pa haha. parang narealize ko rin na sayang naman kung gagamitan ko pa ng spay yung small amount, parang mapapamahal lang ako kasi although maliit at hindi ramdam yung interest, pag naipon yun malaki rin.
actually, pinapataas ko talaga credit limit ko kako pambili ng new phone or laptop. kaso nakakatakot naman din bumili ng gadget online—which is kinda good thing kasi halos pantay na yung limit ko sa spay and sloan, if gagamitin ko 'to para bumili ng laptop yung sloan nalang para macash out at pwede ko ipambili sa store. pero masyado parin mabigat kasi 12months lang yung pinakamatagal na terms of payment. naisip ko rin naman na ipunin nalang kahit siguro half or 3/4 ng total price para maliit nalang yung monthly installments na kakailanganin kong bayaran if ever, or much better kung cash na galing sa ipon ko, actually kaya ko naman talaga kahit 1 and a half or 2 months of salary kaso syempre may iba rin akong kailangan gastusan.
so going back, nag iisip ako kanina kung anong ichecheck out para hindi mawala yung temporary credit limit (pag ginamit kasi yun, nagiging additional limit na siya, pag di mo naman ginamit, babalik lang sa current) pero wala, hindi ko pa kaya yung phone or laptop kahit malaki na yung limit, ayaw ko mag risk ng malaking utang na naman haha. although i badly want a new phone and own laptop, dinedma ko nalang muna, since hindi ko pa naman maisip talaga anong worth it na pwedeng pag gamitan haha.
8 notes
·
View notes
Text
╭₊˚ ๑︰i hope these words reach you in the universe where you didn't leave my life.
:★: relationship : (filo & modern au) blade x g-neutral reader
:★: warnings : PANGET TAGLISH KO WWHWUWHWSH, other than that .. none!
:★: a/n : WE BACK WITH THE FILO AUS 🔥🔥 plz i would've made this on twt if it wasn't for the bonfire going awn there.. rip 🙏 (no translations for this talaga kase its honestly better for me when its written in tagalog huhu)
"Hi, Blade!
Sana pagnakita mo to, I didn't take 500 years to send it to you hehe. Or infact, di ako natakot and never sent it talaga. Sounds like something I'd do.
Anyways.. I think sobrang obvious naman na gusto kita, I mean childhood friends kami ehhh! Since grade 1 naalala kita sa buhay ko, and I really wouldn't have wished for anyone else to grow up with.
I know were gonna be super busy with college na, and I just.. nakakatakot haha. I know that you wanna move back home para you can be with your family ulit but I just.. Yoko talaga na aalis ka tas wala pa akong sinabi, di yan talaga tama sa puso ko eh. It's not right to torture my own heart with the what if's of life.
So when you read this, it's most likely nasa eroplano ka na or I ran off super dramatically kapag binagay ko to kase I don't want to know how you reacted sa talaga lang. I want to tell you and that's it, you're not obligated naman to return the feelings or ganun! Whatever your answer is, I will accept, and even if walang answer.. I'm sure I'll be okay. :) Gusto ko lang na alam mo that while you're gone, meron naman hihintay sayo hanggat babalik ka HAHAHA.
I really do hope future me gives this to you. I hope you're happy back home, and tell tita naghello ako please!
And I love you.
Ang panget mo, from : (name)."
You feel the paper in your pocket as the car ride to the airport was.. painfully silent. Not in a way that you had nothing to say, but both of you had too much to say. Not enough time as you already see the familiar building within your view, all the while still fidgeting with the paper with uneasiness.
You help Blade with his bags, seeing the dark circles under his eyes indicating he couldn't sleep until this moment. It's clear he's scared too, almost as if torn between home and home, the home he's made with you in the Philippines. "You okay..?"
Blade doesn't realize how he's just been staring at you, shaking his head and giving you what seemed to be the saddest smile you'd ever see on his face. "Wala lang."
You walk him to entrance, each step making your heart feel like it's being crushed by a hydraulic press. Blade went to grab a cart as you stood there and stared at the entrance, not being able to fathom that this was it. This was your last moments with him in person.
"So.."
He cleared his throat while you placed his bags onto the cart, looking up at him with those lost and admittedly scared eyes. Neither of you could hide the pain that came with the situation, both afraid for the future without the person you considered your other half. "I.. I just wanna say thank you, for being here and being in my life."
You chuckle, wiping away a tear as you try to smile. "I wouldn't have wanted to be anywhere else."
Then you remember the note, digging into your pockets and immediately recognizing its material and texture. You look back at Blade and sniffle, "I just wish there was more tim-"
But before you could finish, his arms wrap around you with such desperation. He held onto you like he didn't want to let go, which admittedly - he didn't want to.
You blink away your tears as your head rests on his shoulder, it's all going so fast. The day had long disappeared and the sky shifts to a dark blue, you hug him back as tightly as you could.
And in the moment, your heart drops at an idea.
"What if he falls inlove with someone he could actually be with?"
I mean.. the idea was possible, long distance relationships are.. hard. Certainly not for the faint of heart, and you'd both have to be ready for years of no physical contact.. not to mention being busy with college.
He could be with someone that's there for him 24/7, who can be the pillar to support him when you couldn't. Someone he deserves, and is one drive away, not on the other side of the world.
You were just about to slip the note into his pocket, but your hand stopped and you crumpled the letter in your own sadness.
"Uh.. Blade, I think it's time to go." You muttered, hesitantly pulling away even if it hurt your heart to do so. "Take care, okay?"
He smiles at those words, knowing you were his reminder to do so. "I'll do so for you."
That answer made your heart ache.
But Blade notices a piece of paper in your hands. Intrigued, he asks; "Ano yan?"
Taken aback by the fact he noticed, you tear up the paper and try to laugh it off. "Wala, just trash." But Blade rolls his eyes and takes it from your hand, despite your small gasp of surprise. "I'll throw it out."
You were.. hesitant about that, but you agree nevertheless.
You two share a little more time to talk before he realizes the time, and not wanting to be late for his flight - he decides that it's time to go.
"Thanks again, don't miss me too much." He teased to ease the tension.
You scoffed. "As if I'd miss you."
He loved it when you played along with his antics, he was really going to miss this. "Bye, (name)."
You stayed strong for these last moments, holding your tongue to stop yourself from crying out how much you loved him.. and begging him to stay.
"Goodbye, Blade."
#♡ — 𝐖𝐑𝐈𝐓𝐈𝐍𝐆#˚₊· ͟͟͞➳❥ bailu's candy stash#honkai star rail x reader#hsr x reader#blade x reader#blade hsr x reader#hsr filo au#filo au#honkai star rail filo au
71 notes
·
View notes
Text
These photos are taken yesterday, here at Malabon while I’m at my work. I’m currently working at the Hospital here.
Naka pasok pa ako kahapon ng hanggang paa palang ang baha, around 8AM. By around 9AM, tumataas na yung baha since malapit rin kami sa lawa dito, high tide since Tuesday pa. Dagdag mo na rin yung walang tigil ng pag hampas ng ulan na umabot sa puntong hanggang bewang na yung baha around 10AM. By 11PM umaapaw na yung tubig sa DAM at nag pakawala na sila, umabot sa punto na ng hanggang dibdib na ang baha ng 12PM.
Nung una,desidido pa kong umuwi at lumusong sa baha hanggang maka uwi samin (since malapit lang rin naman ako dito), pero habang tumatagal pataas pa ito ng pataas hanggang sa napag desisyonan ko na na dito na rin sa Hospital mag stay at matulog. May mga kwarto naman na available pa o bakante, kahit wala akong gamit pamalit, dumito na rin muna ako. 6PM ang out ko sa regular day ko mula Monday hanggang Friday, and by that time, lagpas ulo ko na ang baha. Hindi na rin talaga kakayanin pang lumusong pauwi. Kahit sabihin mo pa na marunong akong lumangoy, nakakatakot parin. Malakas rin ang agos at ang hampas ng hanggin. Yung mga lumusong sa baha, binibigyan rin namin ng 2 Doxycycline capsule. May sugat man o wala basta lumusong sa baha kahit saglit or matagal pa, binibigyan namin ng gamot.
Hopefully, all of us are safe, and yung mga nasalanta ng Bagyong Carina sana nasa maayos sila na mga Evacuating Center o maayos na matutuluyan, na nabibigyan ng mga pagkain at tubig. Yung ibang nag work dito samin, pati family naka stay in na dahil lubog na lubog na talaga sila. Kung kayang mag donate, please do. If kayang tumulong, tumulong po tayo.
11 notes
·
View notes
Text
26th birthday 🥂
I took the day off and as usual, the weather was gloomy. My boyfriend worked from home, and I stayed in bed. Inatake ako ng allergies ko, sa lahat ng araw naman talaga, nung birthday pa. I took a nap nung mga hapon na and fortunately, humupa na yung sunod sunod na pag bahing ko, nakakapagod din mag sneeze maya't maya e.
We ate dinner @ Times Berwick. Mahal, pero ganun siguro talaga, mahal ang experience 😅 Normal day lang din, wala naman masyado kakaiba bukod sa greetings. Nakakatakot lang din dahil ang bilis na talaga ng panahon.
8 notes
·
View notes
Text
ang lala ng pagkamanhid ko ngayong araw
simula noong nakaraang gabi, sa byahe pauwi, ramdam ko nang wala akong maramdaman.
natakbo yung utak ko pero walang iniisip. nakatulala ako pero wala akong tinitignan. hindi naman ako masaya. hindi rin ako malungkot. hindi rin ako naiinis. hindi rin apektado. hanggang sa bumalik ako sa trabaho, di ko namalayan alas dose na pala.
kanina, pagkagising ko, naligo na ako at kumilos para pumasok sa Alabang. late na ako pero hindi ko maramdaman na ang bilis ng oras, naglakad lakad pa ako sa SM Calamba kasi wala lang. trip ko lang.
bumili ako ng cravings of the day, Paotsin. at healthy drinks na yakult with green tea, sarap pala?
habang nasa bus, hindi ko namalayan, lahat pala ng toyo sa dalawang Paotsin na binili ko eh tumapon na sa dress at legs ko at hindi ko man lang naramdaman.
pagdating ko ng office, saktong 2PM na, nagbreak lang ako ng 30mins para kumain ng dinner kasi nangtreat yung boss namin then hindi ko na napansin yung oras ako nalang pala natira sa office.
first time kong mag overtime sa Alabang ng 1AM.
non-stop yung trabaho ko ngayong araw pero hindi ko maramdaman yung stress at pagod.
ayoko na ng ganitong level ng galit. nakakatakot kapag sobrang kalmado at manhid.
tangina ng lahat ng tao na wala nang ginawa kung hindi sabihin at iparamdam sakin na kahit anong gawin ko, ako yung problema.
nakakapagod magalit sa sarili, tangina niyo.
8 notes
·
View notes
Text
LITERARY: Takipsilim
Trigger warning: Karahasan, dugo
Dalawa lang kami ng nanay ko sa bahay. Wala na si Papa, tapos si Mama naman ay night shift sa trabaho; pumapasok siya ng gabi, alas-siyete, at umuuwi ng madaling araw, alas-tres. Ako naman ay nag-aaral sa ikaanim na grado, at pumapasok ako mula alas-sais ng umaga hanggang alas-dos ng tanghali.
Laging gumigising nang maaga si Mama upang asikasuhin ako. Hatid-sundo niya rin ako sa paaralan. Ramdam ko ang pagod at hirap niya, ngunit sa kabila noon, patuloy pa rin niya akong inaalagaan. Kaya love na love at mataas ang respeto ko kay Mama, eh! Kasi kahit na alam kong pagod at hirap siya sa trabaho lalo na’t mag-isa lang siyang nagpapalaki sakin, hindi niya nakalimutang iparamdam ang aruga at pagmamahal niya sa akin.
Isang araw, pagkauwi ko mula sa eskwelahan ay agad akong lumabas sa aming bakuran upang maglaro ng bola. Nakatira kami sa probinsya kung saan magkakalayo ang mga bahay, at sa likod ng aming bahay ay isang kakahuyan. Habang naglalaro, nang sipain ko ang bola ay lumampas ito sa bakod ng aming bakuran at napunta sa kagubatan. Medyo nag-aalangan akong pumunta doon dahil nakakatakot doon lalo kapag gabi na dahil madilim. Kalaunan ay napagdesisyunan kong pumunta dahil may araw pa naman.
Habang naglalakad, nagulat ako nang may sumulpot sa likod ng malaking puno na batang babae na nakasuot ng pulang shirt at puting shorts. Sa tantiya ko ay kasing edad ko lang siya. Nakangiti niyang iniabot sa akin ang bola.
“Salamat ha! Ano nga pala ang pangalan mo?” tanong ko.
“Ako nga pala si Tanya. Ikaw ba?” tanong niya pabalik.
“Samantha, pero Sam na lang. Saan ka pala nakatira? Diyan lang banda ang bahay namin,” sambit ko, sabay turo sa bahay namin. “Gusto mo pumasok? Ipapakilala kita kay Mama. Pwede tayong maglaro!” nagagalak kong sabi.
“Ay, hindi na. ‘Di rin kasi ako pinapayagan lumampas dito, eh. Medyo malayo pa kasi yung bahay namin. Gusto mo bang maglaro muna tayo dito sa kagubatan?” pag-aaya niya.
Sandali akong nagdalawang-isip at tumingin muna sa bahay, iniisip kung papayag kaya si Mama, ngunit kalaunan ay napagdesisyunan ko rin na sumama. Ang ganda pala sa kakahuyan! Napakarami kong nakitang mga puno at halaman. Ngayon ko lang napahalagahan ito dahil hindi ako masyadong nagpupunta rito.
Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasang mamangha sa luntiang tanawin sa paligid. Ang dami palang alam ni Tanya tungkol sa iba’t ibang uri ng mga puno at halaman, at buong galak niyang ibinahagi sa akin ang mga kaalaman niya habang naglalakad kami. Pagkatapos noon ay tumakbo kami sa pagitan ng mga puno at naglaro ng tagu-taguan habang hinahabol ang isa’t isa. Tumakbo kami sa malalambot na damuhan; minsan ay napadausdos kami sa mga dahon na nakakalat sa lupa. May nakita kaming isang puno na may mababang sanga, kaya’t sinubukan naming akyatin ito para abutin ang maliliit na prutas na nakakabit dito. Ngunit agad akong nahulog dahil hindi naman ako marunong umakyat ng puno at unang beses ko itong sinubukan. Natawa naman si Tanya sa akin.
Nadaanan namin ang isang maliit na tulay na yari sa kahoy habang papalapit kami sa ilog. Masaya kaming nagtawanan habang sinusubukan naming tumawid nang hindi nawawala sa balanse at hindi natutumba. Pagdating namin sa ilog, namangha ako sa ganda nito. Hindi ko alam na may ganito palang kalinaw at kalinis na tubig dito! Sa sobrang saya, agad akong tumalon sa ilog at agad nanginig sa lamig ng tubig. Humagikgik si Tanya, saka tumalon din, at sabay kaming naglaro habang nagtatalsikan ng tubig.
Habang naglalaro at naliligo, nagkwentuhan kami tungkol sa aming mga buhay.
“Malayo-layo pa ang bahay namin, pero ayoko doon eh. Madalas mag-isa lang ako,” kwento ni Tanya, habang unti-unting mababakas ang kalungkutan sa kaniyang mukha. “Pero masaya pala ‘pag may kasama. Sana lagi tayong magkalaro, ha!” Biglang sumaya ang kaniyang tono at lumiwanag ang mukha niya.
“Asan na pala ang mama at papa mo? Yung papa ko maagang nawala eh, bata pa lang ako. Kaya kami lang dalawa ni Mama sa bahay. Ikaw ba?” curious na tanong ko sa kaniya.
“Wala na eh. Tapos, nag-iisang anak lang ako.” Muli na namang bumalik ang malungkot na ekspresyon sa mukha niya.
Hindi na ako nagtanong pa dahil mukhang sensitibo ang paksa para sa kaniya. Naglaro na lang kami hanggang nagpasya na akong magpaalam at umuwi ng bahay dahil dumidilim na. Hanggang alas-singko lang kasi ako pinapayagang lumabas ni Mama. Pagkauwi ko, dali-dali akong naligo at nagpalit ng damit, at saka ay buong galak na ikinuwento sa aking ina ang nangyari.
“Maganda ‘yan, anak, at may nakakalaro ka na maliban sa mga nasa iskul,” masayang sabi niya. Malayo kasi ang eskwelahan ko sa bahay at wala rin akong mga kaklase na nakatira malapit sa amin. Wala rin ako masyadong mga kaedaran sa mga kapitbahay namin, kaya’t tanging sa eskwelahan lang ako nakakalaro kasama ang ibang mga bata.
“Pero hindi ba pwedeng sa bahay na lang kayo maglaro? Para mas ligtas at nakikita ko kayo?” tanong niya.
“Hindi pwede, Mama. Malayo pa raw ho kasi masyado yung bahay niya. Tapos hindi raw siya pinapayagan lumampas sa kagubatan. Tsaka, maganda naman po sa kagubatan! Unti-unti na akong natututo kung paano umakyat ng puno,” sagot ko nang natatawa.
Matapos ang ilang segundong katahimikan, nag-aalangang pumayag si Mama, ngunit may kondisyon. “Basta tandaan mo, anak, ha, ‘wag kang magpapagabi. Dapat nandito ka na bago ako umalis ng bahay papuntang trabaho. Pagkaalis ko, ‘wag kalimutang i-lock ang gate at isara ang mga bintana. Alam mo naman…”
Napailing naman ako dahil binabanggit niya na naman ang kwentong paulit-ulit niyang sinasabi.
“May dumudukot at pumapatay ng mga batang pagala-gala sa labas tuwing gabi. Kung kaya’t mag-iingat ka at huwag lalabas ng gabi. Naaalala mo ba ang mga sabi-sabing may pinatay daw dati dito?”
“Opo, Mama,” tugon ko, natatawa sa isipan dahil alam kong pananakot niya lang ito. ‘Sus, akala niya naman na maniniwala ako agad-agad dahil bata ako.
“Marami ring mga mumu. Malay mo, mumu nga o masamang espiritu yung pumapatay ng mga bata. ‘Yang mga ‘yan, lumalakas at lumalabas sila sa lungga nila tuwing gabi, mula alas-sais. Tandaan mo, hindi lang tayong mga tao ang naninirahan dito,” pananakot niya pa, at tumango-tango na lang ako bilang tugon.
Sa mga sumunod na araw, lagi kaming naglalaro ng bago kong kaibigan. May mga pagkakataon na naliligo rin kami sa ilog. Tuwang-tuwa ako dahil gumagaling na ako sa pag-akyat ng puno at kaya ko nang abutin ang mga prutas!
"Uy, bakit pulang shirt at puting shorts lagi mong suot? Favorite mo ba yan?" pang-aasar kong tanong sa kanya. Totoo, napapaisip talaga ako sa suot niyang iyon—parang kahit kailan kami maglaro, 'yun lang lagi ang kanyang damit.
“Kahit nababasa tayo sa ilog, yan pa rin lagi ang suot mo,” dagdag ko, natatawa.
Napahinto siya sandali at kamot-ulo lang na tumingin sa lupa. "Ah ano kasi eh… mahalaga kasi sa akin ‘tong damit na 'to," sagot niya, parang may iniisip na malalim. Ilang saglit pa, bigla niya akong hinila sa braso at napasigaw na lang, "Tara, habulan tayo!" Hindi ko na natanong pa ang tungkol sa kanyang suot at sinabayan ko na lang siya sa pagtakbo at nakipaglaro.
“Lagi tayong maglalalaro, ha? Dapat lagi tayong magkasama,” sambit sa akin ni Tanya. Nakangiti naman akong tumango sa kaniya at patuloy kaming naglaro.
Puno man ng kaligayahan, kahit kailan, hindi ko nakaligtaang umuwi ng bahay bago sumapit ang dilim. Hindi ko balak na suwayin ang aking ina.
Isang gabi, matapos kong maglaro, umuwi ng bahay, at i-lock ang pinto pagkatapos umalis ni Mama, may biglang kumatok sa pinto. Nagulat ako nang buksan ko ito, at bumungad si Tanya, nakangiti sa akin at may hawak na lampara.
“Umuwi na sina Mama at Papa! Tara, ipapakilala kita sa kanila. Punta tayo sa bahay namin,” sabi niya, sabay hila sa aking braso.
“Teka, teka. Hindi ako pwedeng lumabas nang gabi. Hindi ba pwedeng bukas ng umaga na lang, tutal Sabado naman bukas at walang pasok? Isasama ko rin si Mama,” pagtutol ko, sabay pagbawi sa braso ko.
“Aalis na sila sa umaga. Ngayon lang sila nandito. Sumama ka na, please, minsan lang naman,” pagpupumilit niya. Ayaw ko talaga, pero kalaunan ay pumayag na rin ako kasi mapilit talaga si Tanya. Gusto ko rin naman siyang pagbigyan kasi kaibigan ko siya, kaso may parte sa akin na nagsisisi dahil sinuway ko si Mama.
“Minsan lang naman ito. For sure, maiintindihan naman ni Mama,” sabi ko sa aking sarili.
Agad kaming nagtungo sa kagubatan. Sobrang dilim, at tanging ang ilaw lang mula sa lampara ang nagbibigay-liwanag sa aming daanan.
“Malapit na ba?” tanong ko, dahil unti-unti na akong nababalot ng takot. Humarap siya sa akin nang hindi nawawala ang ngiti. “Oo, konting tiis na lang.”
Laking gulat ko nang pagdating namin doon, hukay ang nadatnan ko.
“Nasaan ang bahay ninyo? Akala ko ba ipapakilala mo ako sa nanay at tatay mo?”
“Ito na yung bahay namin. Ang lungkot, diba? Lagi lang akong mag-isa at walang kasama. Pwede mo ba akong samahan dito?”
Tumataas na ang balahibo ko at nanginginig ang aking katawan dulot ng pinaghalong lamig ng gabi at takot na nararamdaman. Nakita ko sa gilid nito ang punit-punit na pulang shirt at puting shorts na may bakas ng tuyong dugo. Ngayon, paunti-unting pumapasok sa aking isip at napagtatanto ang sagot sa tanong ko sa kaniya noon na hindi niya tuwirang sinagot at iniwasan lamang.
Lumingon ako sa likod at nakita kong wala na siya roon. Natatarantang lumingon ulit ako sa harap at nagulat nang makita siya roon, ngayon ay duguan at kahindik-hindik ang itsura. Kahit pa man ganoon, hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang labi.
“Nangako tayong lagi tayong magkasama, ‘di ba, Sam? Samahan mo na ako rito magpakailanman!”
Nanginginig man ang aking tuhod, dali-dali akong tumakbo pauwi, ngunit bigla akong hinarang ng isang lalaking nakaitim na may dalang balisong. Ngunit may kakaiba sa kaniyang itsura, parang hindi siya tao—wala siyang mata at itim na hukay lamang ang makikita dito. Liban doon ay kulay itim ang kaniyang katawan na tila ba sumasanib sa anino ng gabi.
“Anong ginagawa mo rito, bata? Dapat ay nasa bahay ka kapag ganito na ang gabi,” sabi niya, malamig at malalim ang boses na nagdadala ng takot sa damdamin. “Nasa teritoryo ka namin. At dahil diyan, hindi ka na makakaalis!”
Sinubukan kong tumakbo ngunit niyakap ako ni Tanya mula sa likod habang nararamdaman ko ang sakit ng tila punyal na tumusok sa aking tagiliran. Nalulunod na ako sa aking dugo, dahan-dahang dumilim ang aking paligid, at naririnig ko na lamang ang masayang tawa ni Tanya at ang mga bulong ng mama ko sa aking isip: “Hindi lang tayong mga tao ang nakatira dito.”
3 notes
·
View notes
Note
would u ever write bini smut?
i want to, and i will, actually! i have something in the drafts for maloi rn but as for the others, i’m kinda blanking 😭😭 which is why it would b awesome if you guys have any thoughts or ideas for bini so we can work something out hehehe 😈 pero omg parang nakakatakot naman mag write ng smut para sa kanila 😭 BAKA MATIMBOG AKO MGA BES 🤧 BLOOMS ARE KINDA SCARY SOMETIMES‼️‼️
#ena saying anything#tell me if it’s safe muna 😭😭😭#pero maloi is too pretty talaga iiih :<#needhertositonmyface#WHO SAID THAT
18 notes
·
View notes
Text
Bakit naman, Sir?: Pag-ambon sa Mundo ng Isang Guro
Ni Ian Rafin | Nobyembre 10, 2024
Isa sa mga problema ng mga estudyante ngayon ang mental health na pinag-uusapan at kinokonsidera ng ating mga guro ukol sa pagbibigay ng mga gawain. Ngunit, habang importante na bigyang-diin ito, mahalaga ring isaisip na pati ang ating mga guro—nakakaramdam ng sarili nilang mga problema.
Nagsimulang magturo si Sir Joseph Carlo A. Guiao, o mas kilala rin bilang “Sir G”, nang maging student teacher o ST noong ikalawang semestre ng Akademikong Taon 2022-2023. Sa sumunod na taon, nagturo na siya bilang isang ganap na guro ng Matematika.
Sa ganitong oras natin unang nakita si Sir G. Tila mayroon siyang naranasang ambon—hindi man nakakasira, isang abala naman sa pang-araw-araw. Dulot ito ng agarang pagsalang niya sa pagtuturo sa UPIS matapos ang kolehiyo at practicum. Idagdag pa ang napakarami niyang responsibilidad sa kaniyang unang taon kung saan naging homeroom adviser ng 10-Kamagong, Math 10 at Elem Calculus teacher, Math Club at BSP adviser, pati na rin miyembro sa mga committees.
Ayon kay Sir G, nahirapan siya noon sa pag-angkop at pag-adjust sa napakarami niyang tungkulin. Mula sa pagtuturo, paggawa ng mga materyales, pati na rin sa pagdidisiplina ng mga estudyante, kinailangan itong gawin ni Sir bilang trabaho ng isang guro. Hindi dahil hindi natin nakikita, hindi na ito totoo. Ani nga ni Sir, “may intangible talaga”.
Hindi rin nakatulong na nakakatakot umano ang mga estudyante sa UPIS. Ayon kay Sir Joseph, “common expectation although misconception… lahat ng students sa UPIS very advanced sa content.” Sabi niya na maaaring nanggagaling mula sa advanced na curriculum ng ating paaralan. “Diverse ang students”, isa rin iyan sa naranasan niya bilang isang guro. Sa dami ng mga estudyante na kaniyang tinuturuan, “one thing might not work for another”.
Mayroon pa ngang pagkakataon na nais na niyang bumitaw, lalo na kapag nabibigatan na siya. Inilarawan niya ito bilang isang paulit-ulit na paggawa sa isang nakakabagot na bagay ng pangmatagalan kung saan para bang patong-patong na ang mga problema. Ayon sa kaniya, palaging umaaligid ang pakiramdam ng pagsuko sa puntong gusto niya na lang tumakbo mula sa bigat ng akumuladong dinadala o pinapasan.
Kahit pa ganoon, nagpatuloy pa rin siya at hindi sumuko. Tiniis niya ang hirap at pagod para maturuan tayong mga mag-aaral. Sapagkat motibasyon niya sa kaniyang pagtuturo ang saya na nararamdaman niya kapag umaalis ang kaniyang mga estudyante mula sa silid-aralan na may dalang bagong kaalaman, kung saan napapangiti niya ang kaniyang mga estudyante gamit ang mga bagong kaalamang kaniyang binigay. Ani niya, “if you’re a teacher, you give people the opportunity to create a sense of equality,” isang simbolo ng kaniyang pagmamahal sa mga estudyante at pagtuturo.
Kaya hiling din ni Sir G na makisama tayo kapag nagtuturo siya. “Teaching is two way, students should also do their part,” hinikayat niyang sumagot sa mga tanong ng guro, magpasa ng mga requirements, magsulat ng notes, at ang pinakamahalaga—makinig at makisalamuha sa klase.
Bilang mga estudyante, nakakalimutan natin minsan na hindi lang tayo ang nahihirapan. Marami tayong hindi nakikita dahil sa sarili nating mga ambon. Gayunpaman, hindi ibig sabihin na wala nang ulan para sa iba. Sapagkat may ngiti man ang panlabas ng isang tao, hindi pa rin natin alam kung ano ang itinatago sa puso niya. Alalahanin natin na tao rin ang ating mga guro, mayroon din silang pakiramdam. Kaya sana, huwag na tayo dumagdag sa pasanin nila dahil para sa atin din naman ang kanilang mga ginagawa.
Laging tatandaan, nangangailangan naman ang lahat ng tulong paminsan-minsan. Kung nahihirapan man ang ating mga guro, kung inaambon man sila minsan, sana tayo na ang magsilbing sinag ng araw na magbibigay ng liwanag, upang makita ang bahaghari pagkatapos ng ulan.
2 notes
·
View notes
Text
ganyan naman. may pagkukulang ka lang na dalawa o tatlo, parang wala ka ng ginawang maganda. kaya nakakatakot. nakakatakot na wala kang maambag. parang kailangan palagi kang napakikinabangan
2 notes
·
View notes
Text
sometimes napapaisip ako kung tama ba talaga pagkakaintindi ko sa lahat ng media na kino-consume ko,,, nakakatakot kaya 'yung part na tinuturing mong dear sa'yo 'yung media especially sa certain characters na may hyperfixation ako tapos all this time nami-mischaracterize ko na pala sila
marami ring beses na hindi ko alam kung paano ma-articulate 'yung words na magja-justify kung bakit for me isa siyang great na character,,, although i think may mga moment talaga na mahirap siya i-describe and hindi naman talaga necessary 'yon,,, gusto ko pa rin na ma-appreciate siya ng iba
4 notes
·
View notes
Text
Medyo confident na din mag picture ulit kahit unfiltered hahaha 🤣
Maraming salamat talaga sa mga taong naniniwala sa akin na kaya ko at kakayanin ko lahat ng mga pagsubok na nangyayari sa akin ngayon. Mahirap man pero alam ko na malalagpasan ko naman ito, kasama ang family ko. Mahirap at nakakatakot ang mga changes pero alam ko na mas makakabuti sa akin ang lahat ng yon. Mahirap sa umpisa pero kailangan umusad.
8 notes
·
View notes
Text
Dear Self,
Hindi ko alam kung paano tutupadin lahat ng mga nasulat natin dito. Pero buong tapang pa din natin gawin ang mga bagay na to.
Nakakatakot yung parte na to. Yung mangako sa sarili natin tapos hindi naman natin matutupad. Mahirap man, pero alam kong makakaya natin with the help of the Lord. I know He will not leave us nor forsake us. Kung hindi man magtugma ulit ang plano natin, tiwala akong mas magiging maganda ang mga plano niya para satin. 🙌
Sana pagkatapos ng apat na taon na to, Hindi na tayo umiiyak dahil sa lungkot at hirap. Sana umiiyak na tayo dahil sa mga kasihayan at breakthrough ng buhay natin. Laban lang carren, kaya natin to. ☝️
Love,
Me
29 February 2024
Thursday
3:03 PM
Doha, Qatar
8 notes
·
View notes
Text
NAKAKATAKOT KA NAMAN KAUSAP 'YOKO NA NGA @kangtrash
8 notes
·
View notes
Text
Pa-kwento lang.
Nakakatakot makipag-date ngayon. May nabasa akong post sa isang fb group, ito ang sabi:
Tama ba ang nararamdaman ko?
Hello pips 😅, medyo mahaba to. So bali ako ay 28M at 25F sya.
1. So ayun na nga nababagalan ako sa progress ng gf ko. Currently 2yrs+ on her current job earning at minimum. I already told her na lumipat na but still nagsstay parin don. While ako almost 3yrs naman na sa current work and twice na ding napromote. (FYI Sal.Dif. 20k-ish/160k-ish)
2. Plan naming mag migrate pero mukang ako lang yata ang interested sa Plano na 'yon. Gusto ko lang naman mafeel yung effort na sana inaalam nya yung nga bagay bagay regarding sa lilipatan namin kaso wala. Parang feeling ko tuloy ako na ang nag iipon for show money ako parin ang magpoprocess ng lahat.
3. When I talk naman regarding work career and Im targeting for the next position parang walang substanc ang reply nya. Parang " aah , oo, kaya mo yan , go" di ko mafeel . While sya hindi ko marinig na magkwento sya for career advancement. Parang walang balak. Puro rant sa boss nya pero di magawang umalis. How ironic diba?
4. Minsan paparinig ng gustong bilin. Minsan gusto ko ding sagutin na bakit di mo afford ? 🤣 Mabilis naman ako makapick up ng ganon pero ayoko lang ng bigay agad. Parang willing naman ako ibigay yon pero yung " thought na di mo nga kaya bilin tapos sakin mo ipapabili " Willing ko ibigay ng mga bagay pero kung afford nya pero ibibigay ko using my own money without her paying for it. Tama ba yon???
Any advice po? Willing to hear positive and negative comments.
Thanks
The Walking Red Flag 🚩🚩🚩
Thoughts:
Bakit nya ba jinowa 'yung girlfriend niya? Anong nakita niya? Mahal nya lang ba 'yung tao dahil sa sahod? Hindi nya ba alam ano 'yung work ng girl noong nagkakilala sila?
Nagegets ko na ambisyoso siya at as someone na naghahangad ding makaipon, valid na naghahangad lang sya ng ikauunlad niya in the future. Kaya lang, kung magdedecide kang magcommit, for me, dapat kaya mo siyang tanggapin for who she is as she is right now. Kung siya 'yung tipo na chill at enjoy-enjoy lang, eh 'yun siya. Kung dealbreaker sa 'yo, edi sana hindi ka pumasok sa ganyan, thinking na things will change (and immediately, at that).
Mukhang naghahanap na lang naman siya ng magvavalidate sa feelings niya pero this post made me feel so uncomfortable. Pakiramdam ko, audition ang dating these days where you get judged for being who you are. Okay lang sa 'kin 'yan sa getting to know stage kasi you don't want to be stuck with someone incompatible. I mean, it's a matter of finding someone to live life with. Pero don't tell people you love them tapos isheshame mo sila for their condition, mindset, salary, and perceived behavior.
Hindi ko alam 'yung side ng girl and posibleng wala nga rin talaga siyang ambag sa partnership na 'to kaya nafufrustrate 'yung nagpost. Pero bakit hindi nila mapag-usapan?
Saka 'yung number 4. Kakatakot. Nagbibilang ng ibinibigay or nangmamata? Hindi naman natin alam kung nagpaparinig talaga. Baka naman nagkukuwento lang. 'Yung kapatid ko madalas magshare tungkol sa branded bags, wallet, at kung anu-ano. Ibig sabihin ba nagpaparinig siya, at kahit nagpaparinig siya, eh kung ayaw ko bilhin, kailangan ko ba ipost pa online? Mukhang ang sama ng loob niya kung magbibigay siya.
Puro judgment. Nakakapagod. Sila dapat mag-usap tungkol dyan e.
On a personal note, ayoko nang maging vulnerable tapos majajudge and shame for showing negative feelings, for being sad, for making the decisions I made, tapos maa-abandon. Lol.
11 notes
·
View notes