#Masinloc Zambales
Explore tagged Tumblr posts
Text
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/aa6c730d027a0d42d8cf9087090dcb44/fd645ba0baeae3f2-7a/s540x810/7a5070d4c3733aa8c176856aa0dafccdf17defb5.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/d103cb2c8ed20c210fd8afc60acdaa9c/fd645ba0baeae3f2-79/s540x810/67d50ecf57acbc19d734aaec694b1f700ac45448.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/91ffca19b4918e0bda16fbde2d1d5833/fd645ba0baeae3f2-1d/s540x810/505013698a59c76118b0e2069d7ffdcacde3583b.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/88445fb5e24f839293e5af305bb1a426/fd645ba0baeae3f2-01/s540x810/3465b499e408420572e286e22d1c8c5d8b5a2701.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/a2c0c287c1a276ffec6941b86400651a/fd645ba0baeae3f2-ff/s540x810/4931127b229181622b520022b39190016afc1dfe.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/88f99ee48074041677b73ea2bd702234/fd645ba0baeae3f2-d7/s540x810/fdb3b02f97f2cbe0fbc60cbf62be8a92158faa1e.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/82f783c84fd0f1de2488b13e23fd7d66/fd645ba0baeae3f2-c0/s540x810/fa05ab704f9a0d1f4683338a4e261313388212fa.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/639f0cbedc55a08a1a02ff09bb2bb830/fd645ba0baeae3f2-9c/s540x810/2cb58834ce27a477ef14f20a6bf12e4b4b3f4823.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/4b3633f780f5d9c603ff83355f6dce92/fd645ba0baeae3f2-74/s540x810/fa4b30dbab7cdbdacdc6f34522b464b2a5c08072.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/5ba4bfbcf310c8a9a7a82a86d331c79c/fd645ba0baeae3f2-94/s540x810/38f250bfabf7d542927c8501b094ca638ff7ce1b.jpg)
021624//📍Coto Mines Masinloc Zambales ✨
14 notes
·
View notes
Text
San Salvador Island 🏝 Masinloc, Zambales "In the embrace of San Salvador's shoreline, one can witness nature's masterpiece unfold - a canvas painted with the hues of dawn, the silhouette of mountains, and the gentle presence of fishermen's boats."
#masinloc#masinloc zambales#san salvador#San Salvador Island#San Salvador Island Masinloc Zambales#istariray23laboy#istariray23travel#istariray23moments#istariray23photography
2 notes
·
View notes
Text
Coto Mines, Masinloc, Zambales
#hugot#hugot quotes#hugot feels#hugotquotes#hugot101#istariray23hugot#hugotfeels#hugotpamore#hugotlines#ur-daily-inspiration#zambales#Coto Mines#Masinloc#Masinloc Zambales#Kids Pool Coto Mines#Coto Mines Masinloc Zambales
0 notes
Text
Coto Mines, Masinloc, Zambales
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/6b2e47b670d7535529b04a71e5280022/de12c5375cbbbd88-3f/s640x960/4a8fbd02322b2c6770f2693d17c31d0fde252a35.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/bb78c480eea0416eb1db8bbe53fe494e/de12c5375cbbbd88-6d/s640x960/75fb3bd836a61ed8bfdc36aa890d9c8271454052.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/8005764e279b95e5bb04dd34ec36c909/de12c5375cbbbd88-12/s640x960/58fda6bb5605d85475674ee6e33c2c80db268e67.jpg)
Di ako masyado nagni-nature tripping kasi sa road trip na part lang talaga ako natutuwa. Pinilit nga lang ako sumama dito pero di ko ini-expect na sobrang ganda ng place na to. Yung tubig sobrang clear kahit malalim. Ang ganda pa nitong spot na sinuggest nung local guide parang pagmamay-ari namin tong lugar. 😂
"My Perfect You" movie was filmed here too dun sa kabilang side yung Kidz Pool.
Sobrang rewarding nung mahabang biyahe from the south and almost 2 hours na off road sa mismong Masinloc just to get to this place. Sana makabalik ulit ako.
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/7aafa0e545e0010dccfa6e82b5cefcb8/de12c5375cbbbd88-57/s640x960/683552209fd93a1092cad4214f37b6c8b8e32eba.jpg)
#personal#travels#friends#life#Coto Mines#Masinloc#Zambales#nature#Happy Sunshine Camp#Kidz Pool#camping#grounding
7 notes
·
View notes
Text
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/b5c97e09342adfefd461c0e2c512384f/fab49eeeceeb8256-f5/s540x810/a6805b5df087e63d976aa54db39054ec00d0d724.jpg)
AlterMidya on Twitter @altermidya:
LOOK | Small fishers defy Beijing: Collective 'fishing expedition' launched to challenge China's fishing ban
In a bold move to assert the Philippines' sovereign rights in the West Philippine Sea, over 20 small fishing boats from the Panatag Fisherfolk Association, a local affiliate of PAMALAKAYA in Zambales, set sail from Masinloc earlier today.
They are set to venture 20-30 nautical miles off Masinloc town towards the disputed waters, challenging China's announced four-month fishing ban.
"There is no better way to assert fishing rights in our exclusive economic zone than to conduct a collective economic activity,” said Ronnel Arambulo, PAMALAKAYA National Vice Chairperson.
📷John Carlo Magallon
2024 May 30
15 notes
·
View notes
Text
SA BUONG MAGDAMAG KASAMA ANG PROBINSYA NG ZAMBALES
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/7b82d55d696842c181826c05f2d7250f/45a07f1ed0456e8e-64/s540x810/8a55fda200b4b33bf2e1038e6adbfd4253302a9e.jpg)
Ang probinsya ng Zambales ang madalas naming pinupuntahan kasama ng aking pamilya't mga kaibigan. Ang isa sigurong dahilan ay malapit lamang ito sa probinsya na aking tinitirahan, ang Bataan. Masasabi kong sulit ang biyahe maging ang gagastusing pera para makakuha ng panandaliang pahinga sa mga problemang nararanasan ng bawat isa. Minsa'y kailangan nating huminga at magpahinga kahit panandalian lamang para makahanap ng solusyon sa mga kinakaharap na suliranin sa ating mga buhay. Sa katunayan, ang probinsya ng Zambales ay maaaring swak na swak na puntahan o pasyalan kung kayo'y nagpaplanong magbakasyon, at makaranas ng adventure o kaya naman ang tinatawag ng ilan na staycation.
Ang probinsya ng Zambales ang pumapangalawa sa pinakamalaking probinsya ng Sentral Luzon. Ang probinsya marahil ay nahahati sa 13 munisipalidad at isang lungsod. Kabilang dito ang bayan ng Botolan, Cabangan, Candelaria, Castillejos, Iba, Masinloc, Palauig, San Antonio, San Felipe, San Marcelino, San Narciso, Sta. Cruz at Subic, kasama rin dito ang lungsod ng Olongapo. Ang buong bahagi ng probinsya ay kadugtong ng malakristal na tubig na nanggagaling sa bansang China. Kaya naman dinadayo palagi ito ng mga turista na nanggaling pa sa iba't ibang bansa. Ang pangunahing industriya ng Zambales ay agrikultura kung saan ang pangingisda at pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayang nakatira rito. Ang kilalang produkto sa probinsya ay palay, mais, asin, mangga at gulay. Dahil tanyag sa mga produktong pang-agrikultura, ang isa sa mga bayan nito ay tinaguriang Singkamas Producing Capital of Zambales, ang bayan ng San Marcelino, Zambales.
Isa pang karagdagang kaalaman, ang Zambales ay nagmula sa mga sinaunang ninuno na nanirahan sa probinsya, ang mga Zambal. Nang masakop ang Pilipinas ng mga Espanyol, ang mga Zambal ay sumasamba na noon pa sa mga anito. Kung kaya naman tinawag ang mga ito sa salitang Sambali na nagmula sa salitang Malay na Samba na nangangahulugang pagsamba.
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/4e11c18468dbf0b72999bba835b7b4b3/45a07f1ed0456e8e-ea/s540x810/be857af4f811da612265637ef0fc0a676c79674e.jpg)
PAANO MAPUPUNTAHAN ANG PROBINSYA NG ZAMBALES?
Madali lamang mapuntahan ang probinsya ng Zambales. Maaaring sumakay ng pribadong sasakyan o kaya naman mga papumblikong sasakyan kagaya ng bus at mga jeep.
Noong kami'y pumunta sa isa sa bayan ng Zambales, ang Iba, Zambales. Ang aming buong biyahe kasama ng aking pamilya't mga kaibigan ay talaga namang ikinalugod ng bawat isa kahit na kami'y nagsimula nang baybayin ang daan nang 3:00 ng umaga. Umalis kami ng ganitong oras sapagkat binigyan kami ng imbitasyon sa isang Youth Camp ng isang simbahan sa Iba, Zambales. Nakakahiya naman kasi kung mahuhuli kami sa itinakdang oras ng programa. Kaya kahit na inaantok pa, naging masaya naman ang biyahe dahil hinaluan ng driver ng bus ng mga masasayang tugtugin ang buong paglalakbay namin.
MGA AKTIBIDAD AT MGA KARANASAN NA AKING NATUNGHAYAN SA PANANDALIANG BAKASYON SA PROBINSYA NG ZAMBALES
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/9ff9161ad8c66b7d9692195232695a31/45a07f1ed0456e8e-c6/s540x810/68d95a2b2e56d93a4e74ac69b0ae32d08f089cd0.jpg)
Nakarating kami sa una naming destinasyon ang The Highlands Camp nang 8:00 ng umaga kung saan inilista ko ang mga pangalan ng mga kasama sa aming sasakyan upang mabilang sa libreng pagkain ng naturang youth camp dahil aabutin ang programa buong maghapon at bawal pang lumabas ng camp site upang mamili ng pagkaing galing sa labas. Ang mga kasama sa youth camp ay galing pa sa iba't ibang lugar kung kaya't ang lahat sa kampo ay estranghero ang tingin ng bawat isa. Kaya naman pagdating pa lamang ay inaya ang isa sa amin upang ilista at irehistro ang mga kasama sa sasakyan, napagdesisyunan ng aking mga kasama na ako na lang ang pumunta sa front desk ng naturang camp site.
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/ec6bf7ef587b6754ae61dbe4307beefc/45a07f1ed0456e8e-60/s540x810/9a79834f4cb1bd878556a528ed1c89c06443b4fe.jpg)
Habang naghihintay sa pila sa front desk kasama ang iba pang napiling kinatawan ng bawat sasakyan, nagsidagsaan na ang mga iba pang nakatanggap ng imbitasyon upang magpalista. Nang ako'y matapos maisulat at marehistro ang mga pangalan sa front desk, pinamigay ko na ang identification card na inihanda ng mga tagapamahala sa bawat isa na aming kasama. Matapos nito ay inasikaso na kami ng mga tagapamahala upang pumunta sa auditorium.
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/2810dee609416edc0fdaea306990aa7d/45a07f1ed0456e8e-4e/s540x810/63c8bcaa10890a39d985fbea23f6c8e630009262.jpg)
(Ang naturang larawan ay galing sa ibang tao at ginamit lamang ilustrasyon ng manunulat)
Noong nagsimula na ang programa tunay ngang sakto ito sa mga kabataan upang manumbalik ang loob sa piling ng ating Poong Maykapal. Mayroon palang silbi sa bawat isa ang identification card na ipinamigay sa amin dahil dito namin malalaman ang grupo sa bawat palaro ng youth camp. Sobrang saya ng programa, nakakilala pa kami ng iba pang mga kabataan sa loob ng auditorium. Simula umaga hanggang 3:00 ng hapon ay nagkantahan at tinalakay ng youth camp ang mga dapat na kamalayan ng mga kabataan sa salita ng Diyos.
Wala akong nakuhang mga pictures at videos sa loob ng auditorium sapagkat ipinagbabawal gumamit ng mga gadgets ang lahat upang ang mga isip at puso ng mga kabataan ay nakatuon lamang sa pagtatalakay o sa programa. Ang naging reyalisasyon, kung bago pa man magsimula ang programa'y estranghero ang tingin ng bawat isa, ito'y naging kabaligtaran nang magsabi ang lahat ng paalam dahil hindi na alam ng bawat isa kung magkakasama at magkikita pa ang bawat isa sa susunod na imbitasyon ng youth camp.
Matapos magpaalam kami'y umalis na at napagdesiyunan namin na magpuntang dagat kung saan doon kami nagpalipas ng gabi. Tila nakakabighani ang bawat hampas ng alon sa dalampasigan kaya naman hindi maiiwasan na magtampisaw at maligo dito. Sa bawat araw na dumaraan, palagi naming napagdedesisyunan na lakbayin ang iba't ibang piling lugar sa Zambales.
MGA MAAARING MATULUYAN SA PROBINSYA NG ZAMBALES
Maraming pwedeng matuluyan sa probinsya ng Zambales, lalo na kung ang nais mo'y ang unang bubungad sa umaga mo ay ang malamig at sariwang hangin na nagmumula sa karagatan. Ang napili naming tuluyan ay ang Jems Beach Resort sa Cabangan, Zambales. Ito ay isang whole rental beach house, ngunit pwede naman kada isang silid ang pagrenta dito. Ang presyo sa isang gabi sa isang silid ay umaabot ng ₱4,000.00. Kung ako ang tatanungin kung sulit ba ang mapupuntahan ng pera, ay tiyak na mairerekomenda ko ang naturang resort sa ganda ng kanilang serbisyo.
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/ba3eba8aed1f3f40335b3ae3122c23cd/45a07f1ed0456e8e-7c/s540x810/bc02f05cc1838b313f6e35723f93f7d18225b286.jpg)
Maaari ring makapagtingin pa ng iba pang matutuluyan sa Zambales na siyang maaaring pasok sa budget at ninananais na ambiyansa ng lugar upang makakapagpahinga nang matiwasay.
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/7846708e8a6c92b769027a25e1d48805/45a07f1ed0456e8e-d6/s540x810/171650eafcbc08eec9691fd102bec512390a5f14.jpg)
(Maaaring pindutin ang link na nasa ibaba ng larawan upang madirekta ito sa mga pagpipiliang mga rental houses sa probinsya ng Zambales.)
Ang aming napagpasyahang gawin sa naturang resort ay hinintay namin ang pagsapit ng dapit-hapon hanggang sa maggabi.
Kinabukasan, matapos sa lugar ng Cabangan ay nagpunta naman kami sa Subic, kung saan matatagpuan ang Club Morocco Resort and Country Club. Nanatili pa kami rito ng buong maghapon sapagkat napagpasyahan na isagawa ang pictorial ng aking ate para sa kaniyang nalalapit na kasal.
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/5cbb9ef1ff5a55701296a1b44a760e88/45a07f1ed0456e8e-e8/s540x810/78c18b3201f3752bac4417109b42b61b9ad5cd9d.jpg)
Ang gusto kong binabalik-balikan sa lugar na ito ay ang kanilang grand staircase sapagkat madarama mo talaga ang buong ambiyansa ng lugar.
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/8d61796577d0dcf8a292aedc8df89913/45a07f1ed0456e8e-7e/s540x810/7105a1aa62d8fda4402a0c063380ae8c2e2eceb5.jpg)
MGA PAGKAIN AT PASALUBONG NA MAAARING MATIKMAN SA PROBINSYA
Sa pananatili namin sa probinsya, napagpasyahan namin na subukan ang pagkaing hinihanda sa amin. Hinapagan kami ng putaheng tinatawag nilang dinengdeng at dinakdakan. Ang dinengdeng ay may sangkap na mga gulay kagaya ng okra, talong, bulaklak ng kalabasa, sitaw, at marami pang ibang gulay na ipinakulo sa bagoong, sinamahan pa ito ng bagong ahon na isda mula sa dagat.
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/6a6389f5b7c0b51d392db3ecb2a2caef/45a07f1ed0456e8e-f4/s540x810/a95670b650b0ce0a0b4775e7070c76b204413f6b.jpg)
Ang dinakdakan naman ay kagaya lamang ng paggawa ng sisig ngunit hinaluan ito ng mayonnaise. Sobrang sarap ng dalawang putaheng ito kaya naman hanggang ngayon ay binabalik-balikan ng aking pamilya ang dalawang putaheng ito. Maging sa aming bahay ay ginagaya na namin ang putaheng ito bilang pang-ulam, ngunit iba pa rin ang lasa na gawa mismo sa lugar.
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/8fcb3fefe9edfb7b00da0852e215123a/45a07f1ed0456e8e-43/s540x810/bc7ec1a18cf8a12d8d006e53d9123ff0b867e2cb.jpg)
Matapos kumain, nagpahinga lamang kami nang saglit at napagpasyahang halughugin ang mga palengke mula sa bayan ng Cabangan hanggang sa bayan ng Subic. Tanging ang aming nagustuhan na pasalubong sa probinsya ay ang kanilang pastillas na purong gawa sa gatas ng kalabaw kaya naman may ibang klaseng linamnam at sakto lamang ang tamis at timpla nito.
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/f404d790164226c54e65f90b46a1c179/45a07f1ed0456e8e-eb/s540x810/4199c4b987c4f991fbdf79c9093406b795868d8f.jpg)
PANGKABUUAN
Sa mga araw na pananatili ko sa probinsya ng Zambales, nakadama ako na tila tuwing pumupunta kami sa lugar ay lumalabas ang aking iba pang personalidad kung saan ipinalalabas ng lugar ang aking pagiging walang kamuwang-muwang na pagkabata, walang iniisip na problema at ang tanging alam ay magsaya. Sa kadahilanang tuwing nasa dagat ay hindi ko mapigilan ang aking sarili na magtampisaw sa dalampasigan at maglaro sa buhanginan. Tuwing nababanggit ang probinsya ng Zambales ay lagi kong inaalala ang masasayang alaalang aking magsisilbing yaman hanggang pagtanda.
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/58be444f2a6f6d148e83bed60f0fe880/45a07f1ed0456e8e-d3/s540x810/de90dde540bb1ff5da0bc7efcabc2a5f26413d2e.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/711252287ce2c41038d0a021ad1cee32/45a07f1ed0456e8e-2c/s540x810/f47270183d4ef2b7f7d4275eddcf643729a938c1.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/bbe60fbdafa125210176dd6ae280f96e/45a07f1ed0456e8e-f7/s540x810/c8c08d9111103ebab02b50344d506339ba4216d5.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/feca7d77ac8ea566d328f9cfb5388c5a/45a07f1ed0456e8e-01/s540x810/7249201351ac35f0bf3b485171548914b04a7fb3.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/355724a8fb75e7946fdfd2209b15e053/45a07f1ed0456e8e-7f/s540x810/82e295b9a466e9848a4956f1d019c254f0188f3e.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/64ae6fe1349b8428e23989a1e9cc485e/45a07f1ed0456e8e-8d/s540x810/25584219be09df88e1d1d295f56fa0901aab2061.jpg)
Ang bawat larawan na ito'y magsisilbing ebidensya na mayroon akong naging masayang alaala sa buong magdamag na pamamalagi ko sa probinsya. Sobrang yaman ng probinsyang ito at nararapat lamang na pagyamanin ng mga naninirahan doon maging ang mga bakasyunista na nagnanais magbakasyon sa lugar. Kung ako'y bibigyan ng libreng oras, pipiliin ko pa ring lakbayin ang iba pang bayan ng Zambales.
3 notes
·
View notes
Text
What Ph media and Ph Coast Guard failed to see: Frame-by-frame examination of the most recent Bajo de Masinloc incident and China’s more aggressive acts against Ph fisherfolk: See here
on mobile, tap “Listen in browser” from the people of Zambales… SONIC ONE Production Team · SAN ANTONIO, Zambales TOURISM Jingle ©2018 What Philippine media and Philippine Coast Guard failed to see: Frame-by-frame examination, in reverse order, of the most recent Bajo de Masinloc incident and China’s more aggressive acts against Philippine fisherfolk Freeze-frames and graphics produced by…
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/2d622e54d304877dc922e339824297c8/25f4131543d84967-e1/s540x810/266364c028bd472caeba2b231245264806bf22d4.jpg)
View On WordPress
0 notes
Text
Chinese Coast Guard Blocks Filipino Fishermen from Accessing Scarborough Shoal
MANILA, Philippines — The Chinese Coast Guard has taken measures to prevent Filipino fisherfolk from entering the lagoon of Panatag (Scarborough) Shoal, according to a statement by a fishers’ group yesterday. The Bigkis ng mga Mangingisda Federation in Masinloc, Zambales, reported an escalated presence of Chinese vessels in the Panatag area in recent years. Henrelito Empoc, the group’s…
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/e6dc96645a9fed7b49c319fb4f1cb3e4/b7fdb441a6162a94-c6/s540x810/b0df27d205797ff5d41eefe0594cf972b1d440f3.jpg)
View On WordPress
0 notes
Text
Chinese Coast Guard Blocks Filipino Fishermen from Accessing Scarborough Shoal
MANILA, Philippines — The Chinese Coast Guard has taken measures to prevent Filipino fisherfolk from entering the lagoon of Panatag (Scarborough) Shoal, according to a statement by a fishers’ group yesterday. The Bigkis ng mga Mangingisda Federation in Masinloc, Zambales, reported an escalated presence of Chinese vessels in the Panatag area in recent years. Henrelito Empoc, the group’s…
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/e6dc96645a9fed7b49c319fb4f1cb3e4/9a08800ff29f485d-3c/s540x810/829a9f7a47deb401b9d95cb46e5f2bed6d23fe47.jpg)
View On WordPress
0 notes
Note
Where is that place
Hello!!! Coto Mines Masinloc Zambales
1 note
·
View note
Text
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/2b28c417a92b808049feb0537985feb8/7d61985007478761-b4/s540x810/54ca7ebbfd0566c7d60ad79c7ba7bc9e56aadb76.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/a31f46043245e4a5bc0205283b3b2fb1/7d61985007478761-c0/s540x810/56a817e9233acb1baf01f4f83f69977d0f44b654.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/3e7007cbdc3df984c30fc3af74820b44/7d61985007478761-d2/s540x810/615b98e82054ac084be4492c61630540a36d8f79.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/25e8fcf7f003d56cc7789b7abf90b243/7d61985007478761-a6/s540x810/88f3495965ba5e25b47d4cef2c30c2eff36fb142.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/c9fac6a02b5ed210ae2dd4ae48a959cd/7d61985007478761-c8/s540x810/4ad688f61f1cdc3e63e293efc345b0f1d25c2320.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/47fd7646f8f8b323530272e345997524/7d61985007478761-78/s540x810/506fb995ad7420d62c5c935d2df47dafd62b22ce.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/9e5263f7d93a628d5438b752c6c4a33e/7d61985007478761-59/s540x810/4bcfd9ca85d19170ca9519a7c7aa8471dd2c9646.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/ee47c25dc420920b93d8e4150dda7534/7d61985007478761-bd/s540x810/5b6101824a7dc5ac4233ce71db7c981e5278e2aa.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/1e39828db54af5018891b510342a3932/7d61985007478761-62/s540x810/097e80af77569c96eb06cc0ed889c46a2b5406c5.jpg)
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/6c1eb016346a66715b2220a52c005ad9/7d61985007478761-f1/s540x810/fd7e55e34746d8103510d2832948779db86713ba.jpg)
021524//📍Coto Mines Masinloc Zambales✨
10 notes
·
View notes
Text
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/297cfd739f82b5674cead71876407ad3/9e3f2b6bc65e5f2b-7d/s540x810/2d56c4acc94c26c84a75a22bf989d6d238ca76f0.jpg)
Masinloc Minicipal Fish Port
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/a28168185d924bd25160c8ca80166dae/9e3f2b6bc65e5f2b-7e/s540x810/e61dbfdea906f5daef6788051067e1a41048b5e3.jpg)
San Salvador Island from a distance
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/459e5a3668a48a2e6703ba8fc902b177/9e3f2b6bc65e5f2b-bf/s540x810/5e35af67f8a23c926c22f25b1dcb8b87d158acf8.jpg)
Masinloc Powerplant
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/3ba19ca1805a2b8429b4cacf25ef1212/9e3f2b6bc65e5f2b-ac/s540x810/9dcae0d342b9f0eff154e5124dc79578b95037ff.jpg)
Lovely view from the Fish Port
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/2293bb89c51046a1e93c675d5cbdca9e/9e3f2b6bc65e5f2b-6e/s540x810/fbe78fe2a34c812f4544bc66c120e06694133996.jpg)
Fisherman's Boat resting
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/526707c3e78587c0d8d6d2fc47f9d218/9e3f2b6bc65e5f2b-d1/s540x810/6d1583d486747d7951c51e42ba439d70a1ba4977.jpg)
"As the sun rises over San Salvador Island, the Zambales mountains stand majestically in the distance, embracing the morning light with all their glory."
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/e06300e86adb88b3852de7c404393432/9e3f2b6bc65e5f2b-b9/s540x810/19cf5435ae104e08628b7e8383795364d3935d83.jpg)
"Step into the crystal clear seawater that washes your feet and feel a sense of calm enveloping you, as if the ocean itself is whispering tales of peace and serenity."
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/404ef11fae797e0fcfa27a51df7fd705/9e3f2b6bc65e5f2b-12/s540x810/843d9e26799d81bc6cfe8dc84877b7a606613585.jpg)
"In the embrace of San Salvador's shoreline, one can witness nature's masterpiece unfold - a canvas painted with the hues of dawn, the silhouette of mountains, and the gentle presence of fishermen's boats."
#istariray23laboy#istariray23travel#istariray23moments#istariray23photography#Masinloc#zambales#Masinloc Zambales#san salvador#San Salvador Island#San Salvador Island Masinloc Zambales#seashore#sea#water#mountains#vacay
6 notes
·
View notes
Photo
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/640b04888597151c90b671421f65d019/f79034310c68f3b8-62/s540x810/7c69b0befdf2a81f12d25c2bc5c824d1ddf40da8.jpg)
A magnitude 4.7 earthquake hit Masinloc, Zambales, #Philippines at 12:21 pm today March 16. Stay safe! #EarthquakePH #LindolPh https://www.instagram.com/p/Cp1zrcFrlfQ/?igshid=NGJjMDIxMWI=
0 notes
Photo
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/e7369c4e513349a05ee53c26da629289/45f45b679b2b6b85-af/s540x810/023897694370e95cb7cd4f42306d7b2a503bb74f.jpg)
M4.7 Quake Hits Zambales, Philippines.. A magnitude 4.7 earthquake struck Masinloc, #Zambales province, #Philippines at 12:21 pm & has been felt in Metro Manila & other areas in Luzon according to Phivolcs. https://www.instagram.com/p/Cp1tbPcosRE/?igshid=NGJjMDIxMWI=
1 note
·
View note
Text
Gabi-gabi na lamang kung magliwanag ang dambuhalang apoy sa tuktok ng Bundok Telakawa. “Malamang,” ‘ika ni Maningning Vilog sa kanyang Tata Casia habang payapang namamahinga sa ilalim ng inaagiw na kamalig at walang lamang dulang, “ay nananabako na naman ang higanteng si Capas.” Pananabakong siyang ritwal upang pansamantalang maghilom ang mga sugat sa damdamin, guniguni, pag-aasam, at pagnanasa matapos mauwi sa malaking kabiguan ang pag-ibig niya kay Tarlak. Subalit mali pala ang naunang hinuha, ang liwanag na nakikita ng mag-ama, at iba pa na sinlaki ng palanggana at plaka, sinliit ng bungaga ng baso at platito, at korteng parisukat-parihaba na waring aandap-andap na Sanyo o Toshiba sa gitna ng dilim, na palipat-lipat ng direksyon na sinasabayan pa ng hugong at pagyanig sa lupa, ay mata pala ng Caterpillar at Komatsu na walang-awang sinususo hanggang sa masaid ang banal na Lawa ng Tambo. Pagputok ng mga silahis, animo’y nilamon ng liwanag si Aranguren at ni isang bakas ng kanyang pag-iral, ni palatandaan ng samyo o abo, ay walang nakita. Nawala ang kita sa malayo na anyo ng isang babae na nakahiga na may ilong, bibig, baba, at dalawang magandang hubog na suso na waring sa isang dalaga, habang ang bagong Aguinaldo na mahilig uminom ng Viagra, at mga Bagong Macabebe ay tuwang-tuwa habang minumura ang mga gaya nina Evangelista’t Calosa, habang siya’y kandung-kandong nina Trump at Xi at taas noong ipinagmamalaki kasama ang kanyang BCDA sa Facebook, Twitter, at IG na ilang porsiyento na lamang ay tapos na ang Phase 1A ng New Clark City at handa na umano ang Filipinas para sa isang palaruang world class. Ngayon, isa nang patay na ilang ang gitna ng San Jose, Concepcion, Botolan, at Bamban. Nawala ang mala-Great Wall na panangga ng Zambales, Nueva Ecija, Pangasinan, at Pampanga laban sa nanunuot-sa-butong Amihan kung Disyembre hanggang Pebrero na regalo ng lusaw na niyebe mula Kremlin at Siberia, at ang propesiya noon sa isang malaking baha — ng propetang si Vizconde de la Riva May Granada sa Bulsa — ng tubig mula Sapa ng Dingding at Namria, gayundin mula Ilog ng Lungcob, ay tila nakatakdang maganap. Hindi dapat ginalaw ang Susong Dalaga! Hindi dapat winasak ang Susong Dalaga! Dahilan upang balisa’t mag-alab ang mata ng mga kantero, magbubukid, at magtutubo! Ang nananabakong si Capas balita’y nasa kapatagan na at nais usigin ang lumapastangan sa sagradong kaayusan ng kosmos at mga atomo sa kalikasan, na ayon sa mga matatabil at malabiga ay umanib na ring ganap sa kilusang iniapo ng Kolorum at Hukbalahap na nagkukuta sa Bundok Mor-Asia at Bundok Canouman, na bulung-bulunga’y may lakas na gaya sa binatang kalabaw at liksing wari sa alamid at kidlat, na handog umano ng mga ispirito ng mga namayapang gerilya at insurekto na nangangalaga sa Bukal ng Mapaling Danum at Bundok Bueno. Mula noo’y nagmistulang araw na ang gabi at palihim-tahimik na gumagalaw, na waring sa tubig ng Mabalacat, hanging-bukid ng Cabiao, luwad ng Bayambang, at dalampasigan ng Masinloc, ang nagising na bayan ng mga higante. At mula nga noo’y gabi-gabi at araw-araw na lamang kung magliwanag ang dambuhalang apoy, hindi sa tuktok ng Bundok Telakawa kundi sa ibabaw ng lupang kinatitirikan ng mga makahiya, kogon, talahib, paragis, at trigu-triguhan. Ito ang planetang bumihag sa Dakilang Bernardo Carpio na simpula ng hinog na bugnay at mabolo. Pumipitik nang mabigat ang pulso ng lahat na waring sa paghatak ng makina sa bawat hibla ng pinatuyong pinya, kangkong, kopra, at abaka, o waring sa paglakatak ng makinilya na uhaw at gutom humabi ng letra ng makatang si Bigornia o ng nobelistang si Sicat. Bumangon na mula sa putik ang kinatatakutang banta, kaya dapat maghanda na sa pagputok ng mga bulo at pagkiwal ng mga puyo. Sa pagitan ng agaw-dilim at agaw-liwanag nangabubuhay ang prosa ni Abreu. Rene Boy Abiva, "Ang Gunita't Abo ng Susong Dalaga at ang Bagong Alamat"
5 notes
·
View notes