#Malikhain
Explore tagged Tumblr posts
healthcare-kalusugan · 3 months ago
Text
2 notes · View notes
aedee · 3 months ago
Text
SikoPil Thoughts 1: Baboy Kayo Riyan (Thoughts on The Pig’s Meaningful Role in Pinoy Culture)
Tumblr media
Tell me you're a Filipino without telling me you're a Filipino:
Your pambansang ulam:
Tumblr media
Hindi ka matatawag na isang Pinoy kapag hindi ka pamilayr sa sikat na sikat na lutuing adobo. Isa itong pinagyamang identidad ng ating bayan.
Bakit? Sapagkat marahil nagmula nga ito sa bansang Spain, ang ating mga ninuno'y tinimplahan ito ng kakaibang panlasa—panlasang pinoy. Ang pinakapagkakaiba nga ng ating adobo sa kanila ay ang kasangkapan na ginagamit. Sa Pilipinas kasi, mas nakasentro sa kasangkapang toyo, suka, bawang, laurel, at higit sa lahat, may bersyon tayo ng adobo na gumagamit ng manok o baboy.
Isa lamang ang ulam na adobo sa mga pagkakakilanlan na nagpapakita kung paano ang mga Pilipino ay mahusay sa pag-aangkop sa mga impluwensyang kultura ng bansang mananakop. Dahil dito, nakalikha ang ating mga ninuno ng isang natatanging lutuin na sumasalamin sa ating identidad. Kung kaya, ang adobo ay higit pa sa isang ulam; ito ay isang simbolo ng pagiging Pilipino natin. Parte ng pagiging Pilipino na ito ang klarong bahagi ng baboy sa ating makulay at malinamnam na kultura.
Sa madaling sabi, ang adobo ay isang halimbawa kung paano ang baboy, sangkap na marahil palagian nating ginagamit sa pang-araw-araw, ay naging isang mahalagang bahagi ng ating kultura at pagkapilipino. Nagpapakita ito kung gaano kamalikhain ang mga Pilipino, na kayang makagawa ng isang bagay na bago at natatangi mula sa isang impluwensyang dayuhan, at kung paano ang pagkain ay maaaring maging isang malakas na koneksyon sa ating nakaraan at sa ating mga sarili bilang mga Pilipino.
Tumblr media
Nang nabasa ko ang artikulong ito, talagang naengganyo ako. Bukod sa pamagat, talagang nakakahatak ang paksa nito. Hindi ko akalain na ang mga baboy ay mayroong napakahalagang papel sa kultura nating mga Pilipino.
Napakaganda ng paglalahad ng mga mananaliksik kung paano nagkakaugnay ang mga tao at mga baboy sa Pilipinas sa loob ng mahabang panahon. Mula sa mga sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan, malaki na ang papel na ginagampanan ng mga baboy sa ating buhay, hindi lamang bilang pagkain, kundi bilang bahagi na rin ng ating mga tradisyon at paniniwala.
Dahil dito, napagtanto ko na tunay na mahalaga ang pag-aaral tungkol sa mga ritwal at paniniwala na may kinalaman sa mga baboy dahil nagbibigay ito ng malalim na pag-unawa sa ating kultura at kasaysayan. Dati, maituturing ko itong isang nakakatakot na pangayayari dulot na rin ng mga napapanood na nakakatakot na pelikulang nag-uugnay sa ritwal na ginagawa sa mga baboy. Hinding-hindi ko malilimutan ang isang pelikula mula sa bansang Japan na aking napanood noong ako'y nasa ika-pitong baitang. Mayroong eksenang pinakasal ang bidang baabe sa isang tao na may ulo ng baboy, at sinasamba ito ng mga bisita. Para sa akin, isang "weird" na kaganapan ito.
Ngunit, habang nadadagdagan ang aking pag-unawa sa iba't ibang paniniwala at kultura na mayroon ang iba't ibang bansa, mas nagiging bukas na ako sa usaping ito at mas lumalalim ang aking kuryosidad patungkol sa mga ito.
Sa aking palagay, dapat nating pahalagahan at ipagmalaki ang mga katutubong lahi ng baboy dahil sa pamamagitan ng pag-aaral at pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa kahalagahan ng mga ito sa ating kultura, mas mapapahalagahan natin ang ating mga tradisyon at masusuportahan natin ang paglago at paglalim ng pagkakaunawa sa sarili natin.
0 notes
justsephhh · 2 years ago
Text
MIGRASYON: Pakikipagsapalaran ng mga Manggagawang Pilipino
Sa panahon ngayon, tayong mga Pilipino ay may iba't ibang pangangailangan. Isa ito sa mga dahilan kung bakit kinakailangan na tayo ay kumayod o magtrabaho. Ngunit paano nalamang kung sa ating sariling bansa ay hindi sapat ang sahod para sa ating mga pangangailangan?
Isang pangkaraniwang solusyon ng mga Pilipino sa suliranin na ito ay ang pagmigrate o migrasyon sa ibang bansa.
Ngunit ano nga ba ang MIGRASYON?
Tumblr media
Ang MIGRASYON ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente. Sa madaling salita, ito ang pagpunta sa ibang bansa upang magtrabaho.
Tumblr media
Upang maunawaan ito ng lubusan, atin mismong alamin ang istorya o kadahilanan ng pagmigrate ng isang Pilipino mula sa perspektibo ng aking lola na si Luz Pacheco.
Tumblr media
Siya ay pinanganak at lumaki sa Bulacan. Masasabing sila ay lumaking walang kaya sa buhay sapagkat ang kanilang ama ay isa lamang magsasaka.
Nang paglaki, siya ay nakapag aral ng care giving na siyang naging pangunahing trabaho niya noong siya ay nagdesisyon na mangibang bansa upang magtrabaho.
Tumblr media
Ayon sa kaniya, isa sa mga rason kung bakit niya napag desisyonan na mangibang bansa ay ang hindi sapat na kita at ang hirap sa paghahanap ng matino at pirming trabaho dito sa ating bansa.
Inamin niya na sobrang hirap mawalay sa kanyang mga mahal sa buhay, ngunit iniisip niya nalamang na ginagawa niya ito para makatulong sa kanyang pamilya na naiwan dito sa Pilipinas.
Pindutin ang link upang mabasa ang maikling panayam.
Hindi matatawaran ang mga sakripisyo ng ating mga mahal sa buhay na nakikipagsapalaran sa ibang bansa para sa layunin na makatulong o maiahon ang kanilang pamilya mula sa hirap ng buhay.
Tumblr media
kaya'y saludo ako sa lahat ng manggagawang Pilipino na nakikipagsapalaran sa ibang bansa.
Tumblr media
~ Dio Joseph Bergantin | MT3A
0 notes
alfonso3a · 2 years ago
Text
“Ikaw, ang bagong bayani”
Tumblr media
Ang mga OFW ang isa sa mga itinuturing na bayani dahil sa pagtulong nila sa kanilang pamilya at sa bansa na kahit mapalayo pa sa kanilang tahanan. Isa na rito ang aking tiyahin na lumisan nang bansa upang masuportahan ang mga mahal niya sa buhay. Tulad natin na mga nasa pilipinas, dumaan din sa pagsubok ng pandemya at lumaban hanggang ngayon.
Tumblr media
Salamat sa lahat ng bayani! Mabuhay kayo hangga’t gusto ninyo.
1 note · View note
cmiemie · 2 months ago
Text
KALAYAANG PANSARILI
"Pangkalahatan at pansariling kalayaan para sa hinaharap"
Tumblr media
✧⁠*。⁠.+⁠ ↝ KALAYAAN ←。+⁠ .⁠。⁠*⁠♡
Ang kalayaan ay isang mahalagang personal na aspekto at konsepto ng ating buhay, kumakatawan ito sa ating mga batas at karapatan na ating isinasabuhay araw-araw. Ang aspeto ng kalayaan ay sobrang napakahalagang aspeto na taglay ng bawat indibidwal, kung saan may kalayaan silang magpasiya para sa kanilang pansarili mga aksiyon at magbigay ng pansariling mga pahayag at pananaw na kanilang na-iisip sa mga bagay-bagay. Bagamat ang kalayaan ay dapat pairalin at paigtingin dapat rin natin harapin ang mga kaakibat na resposibilidad sa aspetong ito, dapat pag-isipan natin ang mga aksiyong ating gagawin upang maiwasan ang masamang kahihinatnan ng ating pamumuhay na maari ring maka-apekto sa pagkakaroon nating ng kalayaan.
っ⁠.⁠❛⁠ ⁠ᴗ⁠ ⁠❛⁠.⁠)⁠っ Kalayaang pansarili ⊂⁠(⁠´⁠・⁠◡⁠・⁠⊂⁠ ⁠)⁠∘⁠˚⁠˳
Tumblr media
Ang kalayaang pansarili ay isa sa mga pinakamahalagang aspekto na kumakatawan sa ating pagkatao, ito ang nagbibigay sa atin ng kalayaan mag desisyon sa ating mga personal na hangarin at aksiyon na nagsisilbing gabay natin upang magkaroon tayo ng malayang kontrol sa ating buhay kung saan walang dumidikta at kumukwestyon sa mga desisyon na ating ginagawa. Ang kakayahang magkaroon ng malayang pagdedesisyon sa pansarili ay nagdudulot sa atin na magkaroon at makaranas ng dignidad sapagkat sa bawat desisyon na ating ginagawa ito ay galing sa ating mga personal na hangarin at mithiin at hindi ito idinidikta, ipinapataw, at ini-impluwensyahan ng iba sapagkat ito ang ating personal na nais. Napapalakas rin ng kalaayang pansarili ang pagkakaroon ng isang indibidwal ng tiwala sa kaniyang sarili at sa kaniyang tinataglay na mga kakayahan. Sa pagkakaroon ng malayang pag-dedesisyon umiigting ang mga paniniwala ng mga indibidwal sa kanilang mga tinataglay na mga kakayahan na sumusuporta sa paglago, pag-unlad, at pagyaman ng kanilang personal aspeto at personalidad. Sa pagbibigay halaga at kilala natin sa kalayaang ito nagbibigayang-daan nito ang mga taong magpahayag ng kaniyang tunay na sarili at kalooban. Ang paghubog at pag-alam ng pansariling personalidad ay sobrang mahalaga sapagkat dahil sa personalidad na ito, sumasalamin dito ang bawat karanasan at desisyon na ginigawa ng isang indibidwal na humubog sa kanyang pagkatao pagkalipas ng panahon. Ang pagkakaroon ang kalayaan pansarili ay nagdudulot sa isang indibidwal ng malalim na pag-unwa sa kaniyang sarili, at sa mundo.
Tumblr media
Sa Isang lipunang may pagpapahalaga sa kalaayang pansarili, tiyak ang isang tao na nabibilang doon ay napupuno ng inspirasyon at determinasyong maging mas bukas at malikhain sa mga bagong ideya na nag dudulot ng paglago ng kanilang pansariling perspektiba sa buhay. Sa pagkakaroon ng kalayaan sumusuporta sa pansarili mas nagiging mas marami ang mga pagkakataon at oportunidad ng isang indibidwal na ipahayag at mas pagbutihin pa niya ang kanyang sariling talento at kakayahan. Sa pagkakaroon ng kaaalaman sa kalaayang pansariling karapatan nabibigyang protektisyon natin ang ating mga aarili sa mga pang-aabuso, pang-aapi, at hindi makataong gawain, sapagkat dahil dito nagtataglay ng kalaman at kakayahan ang Isang indibidwal na ipagtanggol ang kaniyang pansariling karapatan. Sa kabuuan, ang kalayaan at kalayaang pansarili ay isang napakahalagang aspeto ng ating personalidad at pananaw sa buhay sapagkat dahil dito nagkakaroon Tayo ng kaalaman, dignidad, kasiyahan, at personal at spiritwal na pag-unlad. Ito rin ay isang karapatan na dapat pahalagahan, tangkilikin, at ipaglaban upang makamit ang isang maayos na lipunan.
10 - Saint Fulgentius Charmie Maglasang
Tumblr media
24 notes · View notes
mariellaolden · 3 months ago
Text
Book Review: WASAKAN NG PUSO ni Mark Angeles
Rebyu ni Mariella Angela H. Olden
Mula sa pabalat na disenyo, maging pangalan ng libro, hanggang sa mabasa ang introduksyon at mga nilalaman, napukaw ng libro ang aking pusong mas nag-umapaw sa iba't ibang damdamin—saya, lungkot, takot, pangamba, at iba pa. Dinala ako ng mga tula sa iba't ibang panahon at nanumbalik ang ilang alaalang nakalimutan na at mga alaalang masaya rin palang balikan sa isipan. Iba't ibang klase ng pag-ibig ang matutuklasan sa bawat piraso ng akda. May pag-ibig na para sa bayan, pag-ibig sa sarili, at pag-ibig sa pamilya. Naglalaman ang libro ng mga eksenang kakaiba at mga pangkaraniwang pangyayari na maaaring maka-relate ang mambabasa. Magugulat ka sa dulong bahagi kada matatapos mo ang isang tula dahil sa dalang mensahe o kahulugang nais ipabatid nito. May ginamit na mga salitang malikhain at metapora ang sumulat na nagbigay pa ng kakaibang ganda. Maaaring basahin sa iisang o iilang upuan, ngunit mas maganda kung pagninilay-nilayan muna ang bawat tula. Higit sa lahat, tuturuan ka ng librong ito kung paano magmahal sa pinakamailap o pinakamaginhawang paraan. 
Sa katunayan, hindi ko napigilan ang sariling guhitan ang ilang pahina base sa tinutukoy ng akda. Hindi ako magaling gumuhit ngunit nagawa ng librong guhitan ko ito ng mga bagay na gaya ng payong, kabinet, biyolin, gunting, papel, at bato. Sinalungguhitan ko rin ang mga salita at katagang nagpaantig sa aking pakiramdam. Bitbit ko ang libro sa aking paglalakbay at sinamahan ako nito sa pagpasok. Sakto pa ngang nabasa ko ang 'Sa Hindi Dumating' nang lakbayin ko ang LRT-2, tamang-tama sa setting ng tula. Bukod pa rito, sa sobrang pagkamangha ko sa pagkakasulat, ibinahagi at binasa ko ang ''Kapag Nagbabasa Ako Ng Tula Sa Harap Mo' at ang 'Balat' sa kaibigan ko. Pareho tuloy kaming kinilig, nagtawanan, at ginanahang magsulat din bigla ng tula sa oras na 'yon.
Tuwing nagbabasa ako ng tula, kadalasang binabasa ko ito nang malakas. Para sa akin, mas may kakaibang dala kapag nilalapatan ng tono ang sulatin sa paraang nais ko. Nagalak akong bigkasin, basahin, at lapatan ng boses ang nilalaman ng tulang 'Sa Pagitan Natin.' Mas lalo akong natuwa nang mabasa ko ang iba’t ibang salin nito sa iba pang diyalektong mayroon tayo. Hindi ko man maintindihan ang karamihan sa mga salita, alam kong ang lahat ng kahulugan at patutungunan ay sa pag-ibig nagmumula.
Nang matapos kong basahin ang libro, mas napagtanto kong ang pag-ibig ay hindi lang mahahanap sa isang tao. Ang mundo ay mayaman sa pag-ibig. Maaaring nasa harap mo lang ito, sa mga bagay na nakikita mo, o sa mga taong nasa paligid mo. Hayaan ang panahong ipakilala ang pag-ibig sa'yo.
Tumblr media Tumblr media
4 notes · View notes
freddekoko · 3 months ago
Text
Tumblr media
Sa buhay, hindi maiiwasan ang mga hamon at balakid. Gayunpaman, ang paraan ng pagtingin at pagharap natin sa mga ito ay maaaring magdala ng malaking pagbabago. Ang pagsasanay sa isipan na magtuon sa mga solusyon kaysa sa mga problema ay isang mahalagang kakayahan na nagpapalakas ng katatagan, pagiging malikhain, at tiwala sa sarili.
Kapag nakatuon tayo sa mga problema, nalulubog tayo sa negatibismo at kawalang-pag-asa. Pinapalaki nito ang mga hamon at ubos ang ating enerhiya, na nag-iiwan ng maliit na espasyo para sa aksyong makabuluhan. Sa kabilang banda, ang solusyon-oriented na pag-iisip ay nagbabaling ng pansin natin sa mga posibilidad at aktibong hakbang. Sa halip na tanungin ang sarili, “Bakit nangyayari ito sa akin?” mas magandang itanong, “Ano ang magagawa ko para malutas ito?”
Ang ganitong pag-iisip ay nangangailangan ng pagsasanay. Magsimula sa pamamagitan ng pagbabago ng pananaw—tingnan ang mga hamon bilang pagkakataon para sa pag-unlad. Ang bawat problema ay may dalang potensyal para sa kaalaman at inobasyon. Pangalawa, sanayin ang pagiging mausisa at kritikal na pag-iisip. Hatiin ang problema sa mas maliit na bahagi at mag-isip ng mga posibleng solusyon. Sa huli, pumili ng positibong kapaligiran—mga tao, libro, at lugar na nagbibigay-inspirasyon sa pagiging malikhain at matatag.
Ang pagtuon sa solusyon ay hindi lamang para sa iyong sarili kundi para rin sa mga nasa paligid mo. Nagtataguyod ito ng kooperasyon, dahil ang mga positibo at mapanlikhang tao ay madaling lapitan ng iba. Sa paglipas ng panahon, ang pagsasanay na ito ay nagpapalakas ng tiwala at paniniwala sa kakayahan mong harapin ang anumang pagsubok.
Sa pagsasanay sa isipan na magtuon sa mga solusyon, binibigyan mo ang sarili mo ng kapangyarihang harapin ang mga hamon sa buhay nang may pag-asa at determinasyon. Ang mga problema ay hindi na magiging hadlang, kundi mga hakbang patungo sa pag-unlad at tagumpay.
4 notes · View notes
upismediacenter · 1 year ago
Text
Pagdiriwang ng STEM Fair 2023
Noong Nobyembre 14-15, ipinagdiwang ng mga mag-aaral ng UPIS ang STEM Fair na pinangunahan ng mga mag-aaral ng Grado 12 mula sa Applied Sciences and Engineering Track (ASE). Ang fair ay may temang “TrainblASE: Learn from the past, Live in the present, Lead for the future.” Layunin ng STEM Fair ngayong taon na muling buhayin ang kuryosidad at pakikipag-ugnayan sa mga mag-aaral, at upang maengganyo sila sa iba’t ibang larangan ng STEM sa pamamagitan ng mga eksperimento, laro, at interaktibong aktibidad.
K-2
Para sa STEM Fair ng K-2, nagkaroon ng film-showing na pinamagatang ‘TeASEr’ kung saan itinampok ang pelikulang “One Small Step” ng TAIKO. Matapos ito ay nakilahok ang mga bata sa iba’t ibang aktibidad na mayroong kaugnayan sa kanilang pinanood. Isa rito ang paggamit ng mga magnet upang mapalutang ang mga paper rocket sa ere.
Tumblr media
3-6
Para naman sa mga-aaral ng 3-6, una nilang nilahukan ang ‘Asan kASE’ na isang easter egg hunt. Sa larong ito, mayroong mga easter egg na nakatago sa iba’t ibang sulok ng 3-6 at naglalaman ng mga trivia questions na kailangang sagutin ng mga mag-aaral. Ang mga makakakuha ng pinakamatataas na puntos ang mabibigyan ng premyo. Sa sumunod na araw ng STEM Fair para sa 3-6, ginanap sa Bulwagan ang ‘ASEntric Loop” na isang wire game. Ang mga kalahok ay binigyan ng metal ring rod na dapat nilang padaanin sa mga wire loops. May katumbas na premyo ang bawat checkpoint sa wire loop na maaari nang kunin ng mga mag-aaral, o di kaya naman ay maaari niya pang ipagpatuloy ang laro para sa mas malaking premyo.
Tumblr media
7-12
Sa unang araw naman ng STEM Fair para sa mga mag-aaral ng 7-12, tatlong aktibidad ang inilunsad. Una rito ang ‘KamikASE’ na isang airplaine throwing game na ginanap sa 7-12 Quadrangle. Layunin nitong maipakilala sa mga mag-aaral ang mundo ng aviation at mga pangunahing prinsipyo sa pagpapalipad. Dagdag pa rito, hinamon din ang kanilang pagiging malikhain at kakayahan sa paglutas ng mga problema. Sunod dito ang ‘Keep it up!’ na isang tower building activity kung saan naipamalas ng mga estudyante ang kanilang kritikal na pag-iisip at kagalingan sa sining. Binigyan ng oras ang mga nakilahok upang magplano at gumawa ng isang tore gamit ang mga clay at toothpick na binigay sa kanila. Upang manalo, hindi dapat gumuho ang tore matapos itong dagdagan ng pressure. Panghuli ay ang ‘ASEcape Room’ na isang STEM-themed escape room.
Tumblr media Tumblr media
Sa ikalawang araw ng STEM Fair, ginanap pa rin ang ‘KamikASE’ at ang ‘ASEcape Room,’ ngunit mayroong tatlong panibagong mga aktibidad na idinagdag. Isa rito ang ‘Pop Off’ na isang balloon experiment kung saan layunin ng mga kalahok na ipasok ang stick sa isang lobo nang hindi ito pumuputok. Matapos ito, ipapaliwanag ng facilitator ang dahilan kung bakit hindi pumuputok ang lobo. Pangalawa ay ang ‘TicTac Trail’ kung saa makapaglalaro lamang ang mag-aaral sa kaniyang turn kung masasagot niya ang isang trivia question o matatapos niya ang isang maliit na eksperimento. Bukod pa rito, kailangan nilang magtapon ng marka sa isang itinalagang grid area at makabuo ng pahalang, patayo, o dayagonal na linya upang manalo. Panghuli, nagsagawa ng isang 1v1 Trivia Game ang mga mag-aaral ng ASE na itinampok sa isang bidyo. Nag-ikot ang isang facilitator sa UPIS at nagtanong sa mga estudyante ng mga katanungang may kaugnayan sa STEM. Ang unang nakatatlong puntos ang nakatanggap ng premyo. Maaaring mapanood ang bidyo sa link na ito.
Bukod sa mga aktibidad na ito, nag-post rin ng mga Science facts ang ASE sa kanilang Facebook page na UPIS AppSci. Noong unang araw, mga facts tungkol sa karagatan ang ipinakita nila. Samantala, sa pangalawa at huling araw ng STEM Fair, mga facts tungkol sa imahe at kulay ang ipinakita sa kanilang Facebook page.
Tumblr media
Naging tulay ang fair upang mas makapagbahagi pa ng mga kaalaman sa Agham ang mga estudyante ng ASE at upang malinang ang pagiging malikhain, paglutas ng problema, at kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral. Wika ng learning coordinator ng ASE na si Kat. Prop. EJ Angeles, “Masaya kami at maraming nakilahok sa STEM Fair, sa tulong ng mga guro na nag-advertise nito sa kaniya-kaniyang klase.” Dagdag pa niya, nagpapasalamat din sila sa mga mag-aaral ng grado 12 mula sa ibang mga track na sumuporta at tumulong sa mga miyembro ng ASE. // ni KC Dela Cruz
2 notes · View notes
norwho · 3 months ago
Text
(2) SOCIAL MEDIA: Epekto nito sa pag-aaral ng panitikan
Tumblr media
Ang aspekto ng mga posibleng epekto ng social media sa panitikan ay mahigit pa nakakarami. Sa pagitan ng mabuti at masamang epekto, ito ay maaring maging benepisyal o mga hindi inaasahan na resulta sa larangan ng panitikan.
Una ay ang mga MABUTING EPEKTO nito:
1) Pagpapalawak ng kaalaman
- Nagiging daan para sa mas malawak na access sa iba't ibang anyo ng panitikan. (Tula, sanaysay, nobela, maikling kwento, etc.)
2) Pagpapalaganap ng Malikhain at Makabagong panitikan
-Naitatampok ang panitikang moderno at tradisyonal, sa anong anyo at estilo nito. Na nakakabenepisyo sa pagiging maalam sa mga iba't ibang uri na panitikan.
3) Ang mga mag-aaral ay maaring makakuha ng mga bagong kasanayan
4) Maaring gamitin bilang isang epektibong mapagkukunan ng mga sources for Educational purposes
At ang panghuli ay ang mga MASAMANG EPEKTO nito:
1) Nagdudulot ng Distraksyon
- Sa mga iba't ibang uri na mga content na makukuha mo dito sa social media, nakakadistract ito at posibleng hindi ma-balance ng isang estudyante ang kanyang Social Usage at ang kanyang Educational goals.
2) Paglaganap ng Maling impormasyon
- May mga pagkakataon na sa daming sources of information ang makukuha mo dito, ay maari na makatanggap ka ng mga maling impormasyon na hindi mo alam.
3) Pagdami ng Plagiarism
- Madalas na kinokopya nalang lamang ang mga nilalaman sa mga iba't ibang social media sources. Na nagiging sanhi sa pag-abuso ng paggamit nito.
4) Mababaw na pag-unawa
- Eto ay dahil sa mas pinipili ng ilan ang maikling buod kasya sa aktwal na pagbabasa o teksto ng isang kwento.
KONKLUSYON:
Ang Social Media ay may kakayahang magbigay ng mas malawak na akses at interes sa panitikan, subalit kasabay nito ang mga problema o issue tulad ng mababaw ang pag-unawa at ang mga maling impormasyon na makukuha mo dito.
Upang mapakinabangan ang mga benepisyo nito tulad ng pag-aaral ng panitikan, mahalaga na balanseng paggamit at kasabay sa tamang paggamit nito.
Sa ganitong paraan, higit na mapapalalim at mapapahalagahan natin ang pag-aaral ng mga iba't ibang panitikan sa kabila ng mga hamon na dala nito.
Tumblr media
0 notes
novelrantsandwrites · 3 months ago
Text
🎇 ~ Summer Ghost by Loundraw ~ 🎇
🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇
I.) Panimula  A.) May-akda: Loundraw 1.) Talambuhay ng may-akda: Hindi Ibinigay  2.) Relasyon ng may-akda sa kanyang nobela: May-akda, Animator at Ilustrador  B.) Pamagat ng nobela: Summer Ghost  1.) Kaugnayan ng pamagat sa may-akda: Not Given  2.) Kaugnayan ng pamagat sa natitirang bahagi ng nobela: Ang pamagat ng nobela ay tumutukoy sa pagkakaroon ng "Summer Ghost", na lumilitaw sa isang inabandunang airstrip noong tag-araw pagkatapos ng kanyang kamatayan. 🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇
II.) Katawan  A.) Tauhan, Panimula at Paglalarawan: Ang nobela ay tungkol sa tatlong mag-aaral na Hapones, sina Tomoya, Aoi at Ryo, na namumuhay nang ganap na magkakaibang at nagkikita online. Isang araw, nagpasya silang mag-ghost hunting nang magkasama upang patayin ang oras sa pagsisimula ng tag-araw. Ito ay humantong sa kanila upang makatagpo si Ayane, na nagpahayag ng kanyang sarili bilang ang Summer Ghost.  1.) Pangunahing tauhan: Nandiyan si Tomoya Sugisaki, isang matalinong mag-aaral na pinipilit ng ina na maging abala sa kanyang pag-aaral, hanggang sa siraan at itapon ang lahat ng kanyang mga likhang-sining sa kabila ng kanyang malinaw na talento at ipinakitang hilig dito. Pagkatapos, si Aoi Harukawa, isang mag-aaral na patuloy na inaapi ng isang grupo ng iba pang mga mag-aaral at tinatawag ang kanyang sarili na 'normal', dahil wala siyang mga kaibigan, libangan o anumang bagay maliban sa paaralan. Ito ay humantong sa kanya upang magplano ng kanyang sariling pagpapakamatay, na nagpasya na kung kailan, saan at paano. Susunod, si Ryo Kobayashi, isang happy-go-lucky star player sa basketball team ng kanyang paaralan, ngunit ipinahayag na na-diagnose na may isang partikular na sakit at nakatakdang mamatay bago matapos ang taon, na naging sanhi ng paglayo niya sa kanyang mga kaedad at pamilya, kahit na umabot pa sa paghampas sa kanila sa tuwing sinusubukan nilang tulungan siya. At sa wakas, si Ayane Sato, isang batang babae na namatay sa paligid ng kanyang unang bahagi ng twenties at ang Summer Ghost. Maaari lamang siyang lumitaw tuwing tag-araw sa isang inabandunang airstrip at maaari lamang ipatawag sa pamamagitan ng pagpapaputok, partikular sa mga sprinkler. Ngunit sa kabila nito, sinabi ni Ayane na ginagawa niya ang isang punto na ibunyag lamang ang kanyang sarili sa mga taong gustong mamatay.  2.) Antagonist: Ang Ina ni Tomoya, ang mga bully at guro ni Aoi at ang pumatay kay Ayane. 3.) Iba pang mga tauhan: Ang mga kaklase ni Tomoya sa cram school, mga kaeskuwela at tatay ni Aoi, ang nanay ni Ryo, mga kaibigan, at ang batang lalaki na nakakasama niya sa ospital, ang ina ni Ayane, ang nagbabantay sa kapitbahayan at ang mga kawani ng ospital. 🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇
B.) Banghay / Buod: Ang kwento ay tungkol sa tatlong Japanese students na sina Tomoya Sugisaki, Aoi Harukawa at Ryo Kobayashi at ang Summer Ghost na sinubukan nilang tulungan na si Ayane Sato. Ang nobela ay nagbibigay sa atin ng isang sulyap sa bawat isa sa kanilang buhay, na nagpapakita ng mga paghihirap at pakikibaka na kanilang kinakaharap araw-araw. Nahihirapan si Tomoya sa mapilit na kahilingan ng kanyang ina na manatili sa kanyang mga libro at crams school, na nagsasabi na "gusto lang niyang magkaroon siya ng magandang kinabukasan". Sa kabila nito, nakatagpo siya ng aliw sa kanyang sining, pagiging napakahusay at talento sa medum. kahit na ayaw niyang ipagpatuloy ang pag-aaral sa kabila ng pagiging napakatalino, ang ina ni Tomoya ay patuloy na nangangatuwiran na ang kanyang pag-aaral ay kung ano ang magdadala sa kanya sa kolehiyo, na tinatanggal ang anumang pagtatangka sa pagiging malikhain bilang "pambata na pantasya" at "basura" . Samantala, nakikipagpunyagi si Aoi sa kanyang mga nambu-bully, na araw-araw ay walang palpak na nagtatapon ng isang balde ng malamig na tubig sa kanyang ulo. Kahit na sinusubukan niyang sabihin sa kanyang mga guro ang tungkol dito, hindi nila ito pinapansin, na sinasabing nagsasaya lang ang ibang mga estudyante at nagbibiruan sila. Kahit na malinaw na ang mga senyales na gusto niyang magpakamatay, hindi ito iniisip ng kanyang mga kasamahan, kahit na sabihin pa sa kanya na wala siyang lakas ng loob na gawin iyon. Si Ryo naman, nagpupumiglas sa kanyang sakit. Dahil banta sa buhay, ayaw niyang ma-miss siya ng kanyang mga kaibigan at pamilya kapag wala siya, kaya pinilit niyang itaboy ang lahat. Ang mga pakikipag-ugnayang ito ay humahantong pa sa mga pagtatalo at pagtatalo ni Ryo, ayaw niyang maalala siya ng kabilang partido bilang isang taong may sakit na naging kaibigan nila. Kahit na pagkatapos nito, minsan ay iniisip niya na siya ay lumalabas, natatakot na pagkatapos ng bawat oras na itinutulak niya ang isang tao, nawala ang isa pang bahagi ng kanyang sarili. Panghuli, nariyan si Ayane, ang Summer Ghost na nagmumulto sa isang abandonadong airstrip. Noong nabubuhay pa siya, nagkaroon siya ng mga kaibigan at ina na nagmamahal sa kanya, magagandang marka at magandang istilo. Sa kabila nito, makikipagtalo siya sa kanyang ina sa mga pinakawalang kuwentang bagay. Isang gabi, nakipagtalo siya sa kanyang ina tungkol sa bagay na hindi niya maalala bago tumakbo sa buhos ng ulan. Pagkaraan ng ilang saglit na pagtakbo, sa wakas ay nakalma na siya at nagpasyang maglakad pauwi at humingi ng tawad. Pagkatapos ay nabangga siya ng isang kotse, hindi siya nakita ng driver. Dahil sa pagkakasala, inilagay ng driver ang kanyang katawan sa isang maleta at inilibing siya sa isang kalapit na kagubatan para lamang ibunyag ni Ayane na siya ay buhay pa noong panahong iyon, at namatay dahil sa inis. Sinaliksik ng nobela ang kanilang buhay bilang mga indibidwal at nakatuon sa pagpapakamatay at ang kahulugan ng pamumuhay. Kahit na may mga pagsubok na nakasalansan laban sa ating mga pangunahing tauhan, nireresolba nila ang kanilang mga problema at tinutulungan nilang ayusin ang mga nasirang buhay ng isa't isa, na nagbibigay sa isa't isa ng lakas ng loob na gumawa ng mga pagbabago at tingnan ang buhay bilang isang bagay maliban sa isang murang bagay. 🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇
1.) Setting: Urban Japan  i.) Oras: Hindi Ibinigay; Ipinapalagay na Modern Day Japan  ii.) Lugar: Hindi Ibinigay: Ipinapalagay na isang Urban Area sa Japan 2.) Uri ng Nobela: Trahedya, Young Adult at Coming of Age  A.) Tema / Damdamin: Pagpapakamatay at Ano ang Kahulugan ng Mabuhay  1.) Pangkalahatang mensahe ng Nobela: Ang mamuhay nang lubusan at laging tumingin sa maliwanag na bahagi, paghahanap ng ginhawa sa kung ano ang tinatamasa natin at sa mga taong mahal natin.  i.) Bisang Pankaisipan: Ang nobelang ito ay nakaapekto sa aking pag-iisip sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa akin na makita ang iba't ibang panig ng bawat isa sa mga tauhan at kung gaano sila kahanga-hanga sa mga kabataan ngayon.  ii.) Bisang Pandamdamin: Ang nobelang ito ay nakaapekto sa aking damdamin sa pamamagitan ng pagpapaiyak sa akin.  iii.) Bisang Pangkaasalan: Ang nobelang ito ay nakaapekto sa aking paraan ng pag-iisip sa pamamagitan ng pagtuturo sa akin na hindi lahat ay tulad ng tila at hindi mo malalaman kung ano ang nangyayari sa ilalim ng panlabas na anyo ng isang tao hangga't hindi mo sila nakikilala. 🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇
III.) Pagsusuri sa panitikan  A.) Teorya: Ang nobelang ito ay kadalasang may kinalaman sa Realismo, kung saan ito ay kumakatawan at sumasalamin sa buhay.  B.) Trabaho: Ang gawaing ito ay sumasalamin sa mga pakikibaka ng bawat isa at bawat indibidwal ng ating lipunan, na nagtuturo sa amin na walang sinuman ang madali at hindi mo alam kung ano ang pinaglalaban ng isang tao.  C.) Pagsusuri: Bagama't ang aklat na ito ay tumutugon sa mga mag-aaral na kapareho ng kanilang edad kay Tomoya, Aoi at Ryo, ito ay nagsisilbing isang magandang libro para sa sinumang nahihirapan sa kanilang mga responsibilidad, o para sa sinumang pakiramdam na ang mundo ay laban sa kanila. 🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇
V.) Kongklusyon: Isang pangyayari sa nobela na sumasalamin sa iba't ibang isyung panlipunan na nagaganap sa panahon ng pagkakasulat ng nobela ay ang patuloy na pagpupumilit ng ina ni Tomoya na magpatuloy sa pag-aaral hangga't maaari. Hindi lamang ito nakakapagod para kay Tomoya, dahan-dahan itong gumagapang sa maliit na libreng oras na ginagamit niya sa pagguhit at pagpinta. Sa kabila nito, patuloy siyang pinipilit ng kanyang ina na gumawa ng higit pa, kahit na pinapagalitan siya para sa anumang bahagyang pagbaba sa kanyang mga marka. Umabot ito sa punto na itinatapon niya ang anumang bagay na may kaugnayan sa kanyang sining, na sinasabi sa kanya na ginulo lang nila siya sa pagpasok sa kolehiyo. Ito ay nauugnay sa isyu ngayon ng mga gawaing pampaaralan na nagdudulot ng pinsala sa pisikal at mental na mga mag-aaral. At ang katotohanan na ang ilang mga magulang ay itinutulak ang kanilang mga anak sa limitasyon ay hindi nakakatulong sa sitwasyon. Bilang solusyon, maaaring ituro ng mga paaralan ang mga mahahalagang bagay tulad ng kung paano magmaneho, kung paano magbayad ng mga buwis at mga bayarin, at kung paano magluto ng mga simpleng pagkain sa halip na mga equation na walang nakikita pagkatapos ng pagsusulit, mga teoryang walang naaalala pagkatapos nilang lumabas sa silid-aralan at hinihikayat ang mga mag-aaral sa pagtataguyod ng iba pang mga daluyan ng interes, tulad ng isport, sining at anumang bagay na interesante sa bata. 🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇🎇
1 note · View note
aj8shromn · 4 months ago
Text
Ang fashion ay higit pa sa kasuotan; ito ay isang pagpapahayag ng personalidad, kultura, at lalo na ng pagiging malikhain. Kahit na ikaw ay nagbibihis para sa kaginhawaan, gumagawa ng matapang na pahayag, o sumusubok ng mga bagong uso, tinutulungan ka ng fashion na ipahayag kung sino ka nang hindi na kailangan ng salita. Mula sa mga runway ng mataas na fashion hanggang sa pang-araw-araw na street wear, ang fashion ay patuloy na nagbabago, nag-aalok ng walang katapusang paraan upang ipahayag ang ating mga sarili.ANG PUNDASYON NG FASHIONSa kanyang pinakadiwa, ang fashion ay umiikot sa ilang mahahalagang konsepto na makatutulong sa bawat isa na bumuo ng kanilang natatanging estilo. Narito ang mga pangunahing kaalaman na dapat malaman ng bawat mahilig sa fashion:KULAY: Ang kulay ang pinakamakapangyarihang kasangkapan sa fashion. Maaari itong lumikha ng pagkakaisa sa isang kasuotan, makatawag ng pansin, at higit sa lahat, magpukaw ng damdamin. Habang ang mga neutral na kulay tulad ng itim, puti, at beige ay mga pangkaraniwang kasuotan, ang matitingkad na kulay tulad ng asul o pula ay maaaring gumawa ng makapangyarihang pahayag.TELA: Ang TEXTURA at KALIDAD ng tela ay nagdaragdag ng lalim at dimensyon sa fashion. Ang mga maluho at marangyang tela tulad ng seda at pelus ay nagbibigay ng kagandahan, habang ang cotton at denim ay nagbibigay ng mas kaswal at komportableng pakiramdam. Ang pagsasama ng iba't ibang tela sa isang kasuotan ay maaaring lumikha ng kawili-wiling pagkakaiba at magpapakita ng pagiging malikhain sa pananamit.SILWETA: Ang hugis na ibinibigay ng kasuotan sa iyong katawan. Maging ito man ay mahigpit o maluwag, ang silweta ay may mahalagang papel sa pagtukoy ng kabuuang itsura ng isang kasuotan. Ang tamang pag-unawa sa silweta ay makatutulong sa iyo na pumili ng mga damit na nagpapatingkad ng iyong mga pinakamagandang katangian at tumutugma sa iyong estilo o lumikha ng balanse.PAGBUO NG IYONG PERSONAL NA ESTILOAng fashion ay isang paglalakbay, at ang pagtuklas sa iyong personal na istilo ay nangangailangan ng oras. Narito ang ilang mga tip upang matulungan kang bumuo at tuklasin ang iyong natatanging pakiramdam ng fashion:1. INSPIRASYON: Maghanap ng mga fashion icon para sa mga ideya. Ang mga modelo tulad nina BELLA HADID at ADRIANA LIMA ay perpektong halimbawa ng kung paano yakapin ang iba't ibang estilo. Ang walang hanggang kagandahan ni Adriana ay maaaring magbigay ng inspirasyon sa mga mahilig sa klasikong hitsura, habang ang edgy at street-inspired fashion ni Bella ay perpekto para sa mga interesado sa eksperimento sa mga uso.
Tumblr media Tumblr media
2. PAGSASAMA AT PAGSASALAMIN Huwag matakot na mag-eksperimento dahil ito ang tinatawag na pagiging malikhain. Ang fashion ay tungkol sa paglabag sa mga patakaran, pagiging malikhain, at pagsasama-sama ng mga estilo, kombinasyon, at disenyo upang lumikha ng natatanging istilo. Subukang pagsamahin ang mga vintage na piraso sa mga modernong uso o magdagdag ng aksesorya sa simpleng kasuotan upang mas maging kaakit-akit. Ang simpleng kasuotan at aksesorya ay maaaring lumikha ng natatanging estilo.3. SUSTAINABILITY Ang fashion ay lumilipat na patungo sa pagiging sustainable. Ang pagpili ng mga eco-friendly na tela at pag-recycle ng mga lumang damit ay makatutulong upang maging eco-friendly ang iyong wardrobe nang hindi nawawala ang pagiging stylish.ANG EPEKTO NG MGA FASHION MODELS: Adriana Lima at Bella HadidSi Adriana Lima at Bella Hadid ay dalawa sa mga pinaka-iconic na supermodels sa kasalukuyan, na nagbigay ng bagong kahulugan kung paano natin tinitingnan ang fashion. Si Adriana, kasama ang kanyang walang kupas na kagandahan at glamorous na istilo, ay kumakatawan sa klasikong bahagi ng fashion. Ang kanyang mga damit ay laging maayos na tumutugma sa kanyang katawan, habang ang kanyang kagandahang hitsura ay karaniwang binubuo ng pulang labi at smoky eyes na ganap na nagbibigay ng sopistikadong imahe.
Tumblr media
Si Bella Hadid ang epitome ng modernong trendsetter. Kilala sa pagtulak ng mga hangganan, madali niyang napaghahalo ang mataas na fashion sa street style. Kadalasan, ang kanyang mga kasuotan ay binubuo ng mga blazers, crop tops, at mga natatanging aksesorya na nagpapaganda ng kanyang estilo. Sa pamamagitan ng pagsasama ng mga edgy na kontemporaryong elemento sa mga klasikong piraso, ipinapakita ni Bella na ang fashion ay laging umuunlad at may malalim na personal na kahulugan.
Tumblr media
Ang Pashion Bilang Pagpapahayag ng SariliKung ikaw man ay inspirasyon ng klasikong kagandahan ni Adriana Lima o ng matapang at mapangahas na estilo ni Bella Hadid, ang pashion ay tungkol sa pagpapahayag kung sino ka talaga. Ang mga damit na iyong isinusuot, ang paraan ng iyong pag-istilo, at kung paano mo ito dinadala, lahat ng ito ay bahagi ng imaheng ipinapakita mo sa mundo. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga pundasyon ng pashion, pagsubok sa mga uso, at pananatiling totoo sa iyong personal na estilo, maaari mong harapin nang may kumpiyansa ang patuloy na nagbabagong mundo ng pashion.Tandaan, ang pashion ay masaya, malikhain, at personal—kaya't huwag matakot na sumubok ng bago!
1 note · View note
granadaonline · 6 months ago
Text
Keber Ko Diyan: Pride, Diyaspora, at Kakayanang Pilipino.
Tumblr media
Ang paglago ng diyaspora ng mga Pilipino sa buong mundo ay isang patunay ng ating lakas at pagiging malikhain. Habang dumarami ang mga Pilipino sa iba't ibang panig ng mundo, hindi maikakaila na ang kanilang paglalakbay ay nagdudulot ng mas malalim na koneksyon sa kanilang lahi, na nagbibigay ng bagong pananaw sa "Filipino pride" sa ibang bansa. Ang pagbuo ng masiglang komunidad sa ibayong dagat ay hindi lamang nagiging sanhi ng pagpapalaganap ng ating kultura kundi pati na rin ng pagprotekta at pagpapayaman sa ating wika.
Isang kapansin-pansing halimbawa ng epekto ng pagkakaroon ng mga Pilipino sa ibang bansa ay ang viral na TikTok video ng batang naiyak dahil sa hindi siya Pilipino. Ang video na ito ay nagpapakita ng malalim na pagnanais ng mga kabataan na maramdaman ang koneksyon sa kanilang sariling kultura kahit na sila ay lumaki sa ibang bansa. Ang reaksyon ng batang ito ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaroon ng malalim na ugnayan sa sariling lahi at sa ating wika, kahit sa kabila ng pisikal na distansya mula sa ating bayan.
Ang mga pagdiriwang tulad ng Manitoba Festival sa Canada ay nagiging patunay ng malalim na pagpapahalaga sa kulturang Pilipino sa ibayong dagat. Ang festival na ito ay hindi lamang umaakit sa mga Pilipino kundi pati na rin sa mga dayuhan, na nagiging daan upang mas maraming tao ang makakilala at makappreciate sa ating kultura. Sa pamamagitan ng ganitong mga pagdiriwang, naipapakita natin ang ating tradisyon, sining, at musika sa mundo, na nagiging sanhi ng mas malalim na pagkakaintindihan at pagpapahalaga sa ating lahi. Higit pa rito, ito ay isang magandang paraan upang i-ankla ang ating mga kababayan sa kanilang mga ugat kahit na sila ay malayo sa kanilang tahanan. Ang ganitong mga kaganapan ay nagbibigay pugay at alaala sa ating pinagmulan at nagpapalakas ng ating koneksyon sa ating kultura.
Sa kabilang banda, maraming Pilipino ang lumilipat sa ibang bansa upang makahanap ng mas magandang oportunidad sa buhay. Madalas nating naririnig ang mga kasabihang "Hindi ka aasenso sa Pilipinas" o "Mas malaki ang kita sa ibang bansa," kaya't hindi nakapagtataka na maraming Pilipino ang nagbabalak na mag-impake at maglakbay patungo sa ibang lugar. Kapag nandoon, makikita natin ang mataas na pagpapahalaga sa mga kasanayan ng mga Pilipino tulad ng nursing, pagiging seaman, at iba pang propesyon na hindi masyadong napapansin sa ating bansa. Sa kabila ng ganitong mga pagsubok, ang mga Pilipino ay nagiging inspirasyon sa kanilang mga lugar ng trabaho, pinapakita ang kanilang dedikasyon at husay sa bawat aspeto ng kanilang trabaho.
Gayunpaman, hindi maikakaila na may mga Pilipino na nakakalimot sa kanilang mga ugat kapag sila ay umaahon na sa hirap at nagpapakain sa wikang dayuhan tulad ng Ingles at iba pang western na kultura. Para sa mga kabataang Pilipino na lumalaki sa ibang bansa, maaaring maging hamon ang pagkakaroon ng pagkakakilanlan at pagkakaunawaan sa kanilang tunay na lahi. Ang mga diskurso na ang mga "Filipinx" ay hindi tunay na Pilipino at ang diskriminasyon laban sa mga tunay na Pilipino ay nagiging bahagi ng kanilang karanasan. Ngunit hindi lahat ng Pilipino sa ibang bansa ay ganito. Sa pamamagitan ng paggamit ng ating wika at pagpapalaganap ng ating kultura, nagiging posible na ipasa natin sa susunod na henerasyon ang pagpapahalaga sa ating mga lokal na konsepto tulad ng pagpapakumbaba, bayanihan, at pakikipagkapwa-tao.
Sa dulo ng lahat ng ito, hindi maikakaila na ang ating wika ang nagbubuklod sa atin kahit saan man tayo magpunta. Ang marinig ang mga salitang "Uy, kababayan" o "Pilipino rin ako" sa isang dayuhang bansa ay nagbibigay ng ginhawa at kaligtasan sa mga Pilipino. Ang pagkakaroon ng kakayahang makipag-usap sa ating sariling wika ay nagbibigay-daan sa mas malalim na koneksyon at pakikipagkapwa.
Ang aking ama ay isang seafarer at nakakasalamuha siya ng iba't ibang tao sa bawat barkong nadedestino sa kanya. Iba't ibang lahi ang kanyang nakakasama, ngunit sabi niya, kahit na aabot na sa daan-daang mga foreigner ang kanyang nakakasama, iba pa rin ang pakiramdam kapag kapwa Pilipino ang kanyang kasama. Ang sense of solidarity at bayanihan na pinagbubuklod ng wikang Filipino ay nagbibigay ng natatanging suporta at pagkakaintindihan na hindi kayang gayahin ng mga dayuhan.
Sa pagtatapos ng lahat ng ito, ang mga kabataan, lalo na ang mga kabataang Pilipino na lumalaki sa ibang bansa, ay dapat nating bigyan ng pagkakataon na mapanatili ang kanilang koneksyon sa kanilang lahi. Ang paggamit ng ating wika at pagpapalaganap ng ating kultura ay mahalaga upang maipasa natin sa susunod na henerasyon ang mga pagpapahalagang hindi kayang irepika ng ibang bansa. Sa bawat hakbang ng ating paglalakbay, dala-dala natin ang ating wika at kultura, na nagbibigay sa atin ng lakas at identidad sa anumang dako ng mundo.
"Hindi mahalaga kung gaano ka-layo sa ating bayan, dahil ang tunay na kayamanan ay ang pagmamalaki natin sa pagiging Pilipino na dala-dala natin saan man tayo magpunta."
1 note · View note
aedee · 2 months ago
Text
youtube
Malikhaing Pinoy 2: "Ako Naman Muna"--The Tagasalo Personality
Tumblr media
Si Angela Ken, isang 22-taong gulang na mang-aawit at manunulat ng kanta, ang hinahangaan ngayon ng milyon-milyong tagapakinig dahil sa natatanging husay sa pag-awit at makahulugan at relatable na awitin, lalo na sa sikat na hatirang pangmadla na TikTok. Ang kanyang tinahak patungo sa pagiging isang sikat na mangaawit ay nagsimula sa paglabas ng kanyang hindi pa buo noon na komposisyon, "Ako Naman Muna," na mabilis na nag-viral online. Lubos na naantig ng kanta ang puso ng mga pinoy, lalo ang mga panganay at gitna (middle) na anak at mga breadwinner, na humantong sa isang kontrata sa pagrerekord ng buong bersyon nito sa sikat na recording management at talent agency sa bansa, ang ABS-CBN Star Magic.
Ang "Ako Naman Muna" ay isang awitin na likha ni Angela Ken ay higit pa sa isang kanta; ito ay isang himno para sa pagmamahal sa sarili, pagtanggap, at pagiging matatag, na kung susuriin ay talagang tumatalakay sa buhay ng mga mananalong kapamilya. Inilabas noong Nobyembre bilang isang snippet sa TikTok, ang buong bersyon ng kanta ay tinanggap ng napakalaking suporta, na nakakuha ng milyon-milyong views sa iba't ibang hatirang pangmadla, tulad ng TikTok, YouTube, Spotify, at marami pang iba. Ang mga liriko at kataga na isinulat mismo ni Angela Ken, ay tumatalakay sa mga tema ng kalungkutan, pagdududa sa sarili, at ang kahalagahan ng paghahanap ng kapayapaan sa sarili at matibay na suporta ng mga mahal sa buhay o mga taong malapit sa atin.
Ngunit, paano nga ba maiuugnay ang kantang ito ni Angela Ken sa Sikolohiyang Pilipino? Sa katunayan, naniniwala ako na sa pangkalahatan, ang mga awiting gawa ng mga Pilipino ay madalas na sumasalamin sa kultura at sikolohiya ng mga Pilipino. Ang mga awiting ito ay kadalasang naglalaman ng mga personal na karanasan ng mga manunulat; mapa-rap, kontemporaryo, ballad, R&B, at iba pa. Sapagkat ang mga karanasang ito ay nahuhubog ng kultura at lipunan, natural lamang na sumasalamin sa mga kanta ang mga halaga, paniniwala, at mga isyung kinakaharap ng ating kababayan. Sa malalim na pag-unawa, maiuugnay ang awiting ito ni Angela Ken sapagkat sumasalamin ito sa teoryang tinatawag natin na tagasalo personality.
Tumblr media
Ang konsepto ng "tagasalo" sa konteksto ng pamilyang Pilipino ay isang interesanteng paksa na pinagtuunan ng pansin ng mga mananaliksik tulad nina Carandang (1987) at Udarbe (2001). Base sa ating babasahin, natuklasan na ang personalidad ng tagasalo ay hindi sistematikong nauugnay sa kasarian o sa pagkakasunod-sunod ng kapanganakan bagkus maaaring mag-ugat sa pangangailangan ng isang bata na maging natatangi sa kanyang kapatid. Sinasabi na itong kagustuhang ito ay maaaring magdulot ng emosyonal na kaguluhan sa kanyang pamilya.
Ayon kay Carandang (1987), ang "tagasalo" ay madalas na ang gitnang (middle) anak o kaya naman ay babae sa pamilya. Ang mga indibidwal na ito ay karaniwang inaasahang mag-alaga at tumulong sa mga gawaing bahay mula sa murang edad. Ang mga karanasang ito ay nag-aambag sa pag-unlad ng kanilang personalidad bilang isang "tagasalo," na nagiging isang mahalagang bahagi ng kanilang identidad.
Samantala, binigyang-diin ni Udarbe (2001) na ang papel ng "tagasalo" ay hindi lamang resulta ng mga istruktura ng pamilya, edad o kasarian. Ayon sa kanyang pananaliksik, ang mga pangyayaring hindi inaasahan tulad ng mga aksidente o sakit ng isang miyembro ng pamilya ay maaari ring mag-udyok sa isang indibidwal na mag-ako nang mas malaking responsibilidad. Naniniwala sila na kinakailangang mayroong magkontrol sa isang pamily o samahan na magbubuo ng mga alituntunin. Ang mga karanasan at paniniwalang ito ay maaaring magdulot ng pangangailangan na magbigay ng suporta at proteksyon sa mga mahal sa buhay, na nagtutulak sa kanila na maging isang "tagasalo.
Ang tagasalo ay isang anak na responsable at mapagmalasakit, isang tagapakinig at tagapamagitan, na nagnanais ng pagkakaisa, at mayroon ding malakas na pangangailangan para sa kontrol at kakayahan para sa emosyonal na distansiya.
"Tagasalo comes from the root word salo, which literally means "to catch." With the prefix taga it means "one who catches." Used colloquially, the word refers to one who "takes care, or one who comes to the rescue." Mananalo is a synonym of tagasalo."
Maria Lourdes Carandang
Nauunawaan ko ang "tagasalo" bilang isang konsepto na madalas naiuugnay sa isang indibidwal na may kakayahang unahin ang pangangailangan ng iba kaysa sa sarili; mga tao na pinipili ang kasiyahan at kapananan ng iba higit sa kanila. Sila ay madalas na nagsisilbing suporta, tagapakinig, at tagapayo sa kanilang mga mahal sa buhay, kaibigan, o maging sa grupo na kanilang binibilangan, kung kaya tinawag sila na tagasalo. Ngunit, ang pagiging isang "tagasalo" ay hindi madali. Sa katunayan, hindi lahat ng tao ay kayang maging isang tagasalo—may mga kasamang hamon at emosyonal na paghihirap na madalas na hindi napapansin ng tao sa paligid ng mga ito. Masasalamin ang iba't ibang pakiramdam na ito sa awitin ni Angela Ken.
Ako Naman Muna
La la la
Kada hakbang sa lupa'y para akong inaalon At nalulunod sa batikos ng mundo Sa kung ano lamang ang kaya ko Pigang-piga na sa mga problemang 'di masolusyonan agad
Parang wala ng bukas Pwede bang umiwas Hinahanap ang sarili ngunit 'di na kakayanin Sa ligaw na dinadaanan ko
Sa'n na 'to patungo Sa'n na 'ko patungo Dahan-dahan nating simulan muli ang paghakbang Dahan-dahang tumingin sa salamin Upang makita ang ating kagandahan
Dahan-dahang iangat ang mukha Upang masilayan ang payapang kalangitan Oo pagod ka na pero 'di ka nag-iisa Kaya't lumaban ka at sabihing Ako naman muna
Kada langhap sa hangin pansin ko na lagi na lang usok Walang malinis halos puro polusyon Parang ako raw na konsumisyon Gulong-gulo ang isip sa'n ba lulugar kapag nagkamali Grabe sila manghusga Bakit perpekto ba sila
Huminga ka ng malalim at isipin ng mabuti Ang mga desisyong ilalaan para sa kinabukasan Nang makapunta sa paroroonan
Kung dahan-dahan nating simulan muli ang paghakbang (muli ang pag-hakbang) Dahan-dahang tumingin sa salamin Upang makita ang ating kagandahan Dahan-dahang iangat ang mukha Upang masilayan ang payapang kalangitan
Oo pagod ka na pero 'di ka nag-iisa (di ka nag-iisa) Kaya't lumaban ka at sabihing Ako naman muna Ako naman muna
Huwag papalamon sa lungkot Huwag hahayaang malugmok ang puso mo Sa ibabato sa 'yo ng iba Tandaan mong sapat ka
Dahan-dahang tanggalin ang maskara At hayaang tumulo ang bumabadyang mga luha Dahan-dahang iangat ang mukha Upang masilayan ang mga taong ika'y pinapahalagahan Oo pagod ka na pero 'di ka nag-iisa Kaya't lumaban ka at sabihing Ako naman muna Ako naman muna
Tumblr media
Kung susuriin, maraming tema ang makikita na nag-uuganay sa mga liriko ng kanita ni Angela Ken sa teoryang Tagasalo Personality. Ang ilan sa mga ito ay ang pagpapahiwatig ng bigat ng loob at pagsalo, pagdududa sa saili, pagpapahalaga sa sarili, at kahalagahan ng kapaligiran.
Bigat ng Loob at Pagsalo
Alam natin na ang tagasalo personality ay ang personalidad kung saan ang mga indibidwal ay umaako ng mga mabigat na responsibilidad sa pamilya o kahit anong grupo na kaniyang kinabibilangan. Ang responsibilidad na ito ay madalas na nagmumula sa iba't ibang mga kadahilanan. Mahalagang tandaan na ang pagiging "tagasalo" ay hindi lamang isang madaliang gawain. Ayon sa isang karagdagang obserbasyon, sa iba't ibang yugto ng buhay ng pamilya, maaaring magkaroon ng mga sitwasyon na nagdudulot ng stress sa mga relasyon na may kaugnayan sa loob ng pamilya. Sa mga pagkakataong ito, maaaring may isang miyembro ng pamilya na umako—manalo—upang maibsan ang tensyon at mapanatili ang kapayapaan sa loob ng pamilya.
Sa isang pamilya, halimbawa, kasama sa kadahilanan na ito ang pinansiyal, mga inaasahan ng magulang na katuwang, at pangangailangan na bumawi sa mga kakulangan ng ibang miyembro ng pamilya. Binibigyang-diin ng mga lirikong ito ni Angela Ken ang papel na ginagampanan ng isang tao sa kaniyang napaliligiran sa paghubog ng personalidad ng tagasalo. Halimbawa na lamang, ang pagkakaroon ng isang kamag-anak na nagdudulot ng kaguluhan o ang "black sheep" sa pamilya ay mayroong napakalaking impluwensya sa pagkakahubog ng tagasalo na personalidad sa isang tao. Dahil sa kagustuhan na bumawi sa hatid na epekto ng kamag-anak na ito, ang tagasalo ay maaaring tumanggap ng mas mabigat at maraming responsibilidad. Maaari rin na mag-ugat mula rito ang pagsisikap ng isang tagasalo na maging perpekto at pag-iwas sa pagiging "pabigat" sa kanilang tahanan o pamilya.
Ito ang dahilan kung bakit ang mga linya tulad ng "pigang-piga na sa mga problemang 'di masolusyonan agad" at "parang wala ng bukas" ay nagpapakita ng karaniwang karanasan ng mga indibidwal na maituturing na swak sa tagasalo personality. Dahil sa lubos na pag-aalaga sa iba at pag-asa na mapanatili ang kaayusan sa pamilya, maaari silang makaramdam ng bigat ng loob at mauwi sa kalugmukan. Ang paulit-ulit na mga linya na ito sa buong awitin ay pumapatungkol sa pagkaligaw at hindi pagkakaalam kung saan na patungo ay nagpapakita ng pagkalito at kawalan ng katiyakan na maaaring maranasan ng mga mananalo kapag ang kanilang mga pagsisikap upang tulungan ang iba o ang kanilang pamilya ay tila madalas hindi napagtutuunan ng pansin o halaga.
Pagdududa sa Sarili
Parehong binibigyang-diin ang mabigat na pasan ng responsibilidad na dinadala ng mga indibidwal na tumatanggap ng papel ng tagapag-alaga o tagapayapa—mananalo. Ang patuloy na presyon upang matugunan ang mga inaasahan, kadalasan sa kapinsalaan ng sariling mga pangangailangan, ay maaaring humantong sa mga damdamin ng kawalan ng kakayahan at pagdududa sa sarili.
Parehong nagpapahiwatig ang mga liriko at ang konsepto ng "tagasalo" ng malakas na pag-asa sa panlabas na pagsang-ayon. Ang "tagasalo" ay madalas na naghahanap ng pagsang-ayon mula sa iba, lalo na sa mga miyembro ng pamilya, at maaaring makaramdam ng kawalan ng kakayahan kapag sa tingin nila ay hindi nila natutugunan ang mga inaasahan. Ang mga liriko ay sumasalamin sa damdaming ito sa pamamagitan ng mga linya na nagpapahayag ng takot sa paghuhusga ("Grabe sila manghusga").
Samakatuwid, ang mga linya o lirikong ito sa kanta at ang konsepto ng "tagasalo" ay nag-aalok ng isang magkasanib na salaysay ng mga hamon at komplikasyon ng pagdadala ng mabigat na emosyonal na hamon. Parehong tinatalakay ang mga tema ng responsibilidad, pagdududa sa sarili, at ang pagnanais para sa pagsang-ayon. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga koneksyon sa pagitan ng dalawa, maaaring maunawaan ng mga indibidwal ang kanilang sariling mga karanasan at mahanap ang mga paraan upang linangin ang mas mga konsepto ng pagmamahal sa sarili at pagiging matatag.
Pagmamahal sa Sarili
Ang pagiging isang tagasalo ay hindi isang madaling gawain. Ito ay nangangailangan ng malaking pagtitiis, empatiya, at kakayahang unawain ang iba't ibang perspektiba. Ang paghahangad ng pagkakaisa at pagkakaunawaan sa tahanan ay isang pangunahing motibasyon para sa kanila, kung saan ang mga magulang ay itinuturing na sentro ng pamilya. Ang pag-aaral ukol dito ay nagsasabing madalas na nagsasangkot ng pagiging mananalo ang kakayahang magmahal at magmalasakit nang malalim, ngunit sa kabilang banda, nangangailangan din ng kakayahang magtaguyod ng emosyonal na distansiya, lalo na sa pakikipag-ugnayan sa mga ispesipikong kapamilya tulad ng kapatid. Bagama't mahalaga ang papel na ito sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagkakaisa sa pamilya, mahalaga rin na tandaan ng mga mananalo na alagaan din ang kanilang sariling emosyonal at mental na kalusugan.
Ang isang mananalo ay madalas na nakatuon sa pangangailangan ng iba, na nagpapabayaan sa kanilang sariling kapakanan. Ang mga linya tulad ng "Dahan-dahan tumingin sa salamin Upang makita ang ating kagandahan" at "Ako naman muna" sa awitin ni Angela Ken ay nagsisilbing paalala na ang mga indibidwal na ito ay may karapatan ding unahin ang kanilang sariling kaligayahan at pangangailangan. Kapag naisagawa ito, naiiwasan ang pagkalugmok at stress na nadarama ng tagasalo mula sa patuloy na pagbibigay ng sarili. Ang pag-aalaga o pagmamahal sa sarili ay isang mahalagang hakbang upang maiwasan ito at mapanatili ang maayos na emosyonal na katayuan ng isang mananalo.
Kung susuriin, maiuugnay ang tagasalo personality sa pagiging people pleaser ng isang tao. Dahil sa kanilang likas na pagnanais na magpasaya sa iba at kagustuhan na hindi ma-disappoint ang mga ito, maaaring mahihirapan silang tumanggi sa mga kahilingan o pabor na hinihingi. Ang patuloy na pagpayag sa mga bagay na hindi nila kayang gawin ay maaaring magdulot ng kaguluhan sa mental at emosyonal nilang estado na nagdudulot ngpagkapagod, pagkalungkot, at iba pang mas malalim na pakiramdam na lubusang bumabagabag sa isip at kanilang gawa.
Ang pagtatakda ng mga hangganan ay isang mahalagang hakbang sa pagmamahal sa sarili upang maiwasan ang negatibong epekto ng pagiging isang people pleaser sa mga mananalo. Kapag may malinaw na mga hangganan, mas magiging malinaw sa iba ang kanilang mga pangangailangan at limitasyon. Ito ay maaaring magpabuti sa mga relasyon dahil maiiwasan ang mga hindi pagkakaunawaan. Sa pamamagitan ng pagsasabi ng "hindi" sa mga angkop na sitwasyon, natututunan ng mga mayroong tagsalo personality na pahalagahan ang kanilang sariling oras, enerhiya, at emosyonal na kalusugan.
Dagdag pa rito, mapapansin na hinihikayat ng huling saknong ang mga tagapakinig na tanggalin ang maskara at yakapin ang kanilang mga emosyon. Ito ay isang mahalagang hakbang sa proseso ng pagmamahal sa sarili na ma maaaring madalas pigilan ang kanilang sariling damdamin upang unahin ang mga saloobin ng iba.
Kahalagahan ng Kapaligiran
Lahat ng tao sa paligid ay may epekto sa atin. Ang papel ng mananalo ay mahalaga sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagkakaisa sa tahanan. Ngunit, tulad ng lahat ng tao, ang mga "tagasalo" ay nangangailangan din ng suporta at pag-unawa.
Sa kabila ng kanilang mga kakayahan, ang mga tagasalo ay mga tao lamang. Ang linya na "Oo pagod ka na pero 'di ka nag-iisa" ay isang paalala na kahit na sila ay nakakaranas ng mga hamon, hindi sila nag-iisa sa kanilang paglalakbay. Ang linya na ito ay isang paalala na ang kanilang mga karanasan ay normal at na may iba pang mga tao na nakakaunawa sa kanilang pinagdadaanan.
Ang pagkakaroon ng isang matibay na sistema ng suporta ay maaaring makatulong sa kanila na mabawasan ang lugmok at pasakit na nararamdaman na dulot ng patuloy na pagbibigay sa iba. Higit pa rito, ang pagkilala at pagpapahalaga sa kanilang mga kontribusyon ay maaaring magpalakas ng kanilang pagpapahalaga sa sarili. Ang pakiramdam na naiintindihan at tinatanggap sila ng pamilya o grupong kinabibilangan ay maaaring magbigay sa kanila ng lakas ng loob na harapin ang kanilang responsibilidad bilang mananalo. Kapag nakaramdam sila na sila ay nakikita at pinahahalagahan, masmagiging bukas sila na humingi ng tulong kung kinakailangan. Sa pamamagitan nga ng pakikipag-ugnayan sa iba, maaari rin silang matuto ng mga bagong kasanayan at estratehiya sa pagkaya na makakatulong sa kanilang personal na pag-unlad.
Sa pangkalahatan, ang pagkakaroon ng isang matibay na sistema ng suporta ay maaaring magbigay sa kanila ng lakas ng loob na harapin ang mga hamon ng buhay at magpatuloy sa pagiging isang positibong impluwensya sa kanilang mga pamilya.
Tumblr media
Ang awiting "Ako Naman Muna" ni Angela Ken ay higit pa sa isang kanta; ito ay isang salamin ng mga karanasan at emosyon ng isang tagasalo. Sa pamamagitan ng mga makahulugang liriko, napukaw ng awitin ang puso ng maraming Pilipino, lalo na ng mga indibidwal na madalas na naglalagay ng pangangailangan ng iba bago ang kanilang sarili.
Ang konsepto ng ng teoryang tagasalo personality ay malalim na nakaugat sa kultura ng Pilipinas. Ang awit ni Angela Ken ay nagbibigay ng boses sa mga karanasa ng mga ito. Ang mga liriko ay nagpapahayag ng mga damdamin ng pagkapagod, pagkalito, at pagnanais para sa pagkilala. Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanyang mga personal na karanasan, pinapaalala ni Angela Ken sa mga tagapakinig na hindi sila nag-iisa sa kanilang mga pakikibaka.
Tunay nga na nag "Ako Naman Muna" ay hindi lamang isang awitin, ito ay isang paalala na kahit na mga "tagasalo," mahalagang unahin din ang mga sariling pangangailangan. Ang pagmamahal sa sarili ay hindi isang tanda ng kahinaan, kundi isang tanda ng lakas. Sa pamamagitan ng pag-aalaga sa sarili, mas magiging epektibo at matatag ang isang mananalo sa pag-salo sa iba.
Sa pangkalahatan, ang awiting ito ay nag-aalok ng isang mensahe ng pag-asa at inspirasyon. Ito ay isang paalala na kahit nakakaranas ng mga pagsubok, mayroong laging pag-asa at taong susuporta para sa isang mas maliwanag na kinabukasan.
0 notes
richard8786 · 1 year ago
Video
youtube
TAYTSINOY Tayabas City, Quezon | Ani ng Sining Tayabasing Malikhain | Ri...
0 notes
Text
Sandosenang Sapatos
Written by: Luis P. Gatmaitan, M.D.
Illustrated by: Beth Parrocha
___
Tumblr media
Sapatero si Tatay. Kilalang-kilala ang mga likha niyang sapatos dito sa aming bayan. Marami ang pumupunta sa amin para magpasadya. Ayon sa mga sabi-sabi, tatalunin pa raw ng mga sapatos ni Tatay ang mga sapatos na gawang-Marikina. Matibay, pulido, at malikhain ang mga disenyo ng kanyang mga sapatos. 
“Paano mo ba naiisip ang ganyang istilo? Kay ganda!”
“Siguro, dinadalaw ka ng musa ng mga sapatos at suwelas.”
“Parang may madyik ang iyong kamay!”
Sa lahat ng papuri, matipid na ngingiti lamang si Tatay. Tahimik na tao si Tatay. Bihirang magsalita.
Lumaki akong kapiling ang mga sapatos na gawa ni Tatay. Madalas ay kinaiinggitan ako ng mga kalaro at kaklase ko. Buti raw at sapatero ang Tatay ko. Lagi tuloy bago ang sapatos ko kapag pasukan, kapag pasko, kapag bertdey ko, o kung nakatanggap ako ng honors sa klase. Ginagawan pa niya ako ng ekstrang sapatos kapag may mga tira-tirang balat at tela.
“Buti ka pa Karina, laging bago ang sapatos mo. Ako, lagi na lang pamana ng ate ko. Sa ‘kin napupunta lahat ng pinagkaliitan n’ya,” himutok ng isang kaklase. Nasa Grade II na ako nang muling magbuntis si Nanay. Kay tagal naming hinintay na magkaroon ako ng kapatid. Sabi ng Lola ko, sinagot na raw ang matagal nilang dasal na masundan ako.
“Naku, magkakaroon na pala ako ng kahati sa mga sapatos! Pero di bale, dalawa na kaming igagawa ni Tatay ng sapatos ngayon.”Habang nasa tiyan pa si baby, narinig kong nag-uusap sina Tatay at Nanay. “Nagpa-check up ako kanina. Sabi ng doktora, babae raw ang magiging anak natin!”
“Talaga! Kung babae nga, pag-aralin natin ng ballet . Gusto kong magkaanak ng ballet dancer ! Ngayon pa lang ay pag-aaralan ko nang gumawa ng mga sapatos na pang- ballet.”
Pero hindi lahat ng pangarap ni Tatay ay natupad. Nagulat kaming lahat nang makita ang bago kong kapatid. Wala itong paa. Ipinanganak na putol ang dalawang paa!
Nakarinig kami ng kung ano-anong tsismis dahil sa kapansanan ng kapatid ko. Siguro raw ay binalak na ipalaglag ni Nanay ang kapatid ko kaya kulang-kulang ang parte ng katawan. Nilusaw raw ng mga mapinsalang gamot ang kanyang mga paa. Isinumpa raw ng mga diwata ng sapatos si Tatay dahil mahal na itong sumingil sa mga pasadyang sapatos. O baka raw ipinaglihi si Susie sa manika.
“Nanay, bakit po ba walang paa si Susie?”
“Nagkaroon kasi ako ng impeksyon anak. Nahawa ako ng German measles habang ipinagbubuntis ko pa lang ang kapatid mo. At iyon ang naging epekto,” malungkot na kuwento ni Nanay.
Hindi na magiging ballet dancer ang kapatid ko. Malulungkot si Tatay. Araw-araw, ganu’n ang naiisip ko kapag nakikita ko ang mga paa ni Susie. Kaya pinilit ko si Nanay na muling pag-aralin ako sa isang ballet school (dati kasi, ayaw kong mag-ballet). Pero.
“Misis, bakit hindi n’yo po subukang i-enrol si Karina sa piano, o sa painting, o sa banduria class? Hindi yata talagang para sa kanya ang pagsasayaw,” sabi ng titser ko sa Nanay ko.
Nalungkot ako. Hindi para sa aking sarili, kundi para kina Tatay at Susie, at sa mga pangarap na masyadong mailap. Saksi ako kung paanong minahal siya nina Tatay at Nanay. Walang puwedeng manloko kay Bunso. Minsan, habang kami ay nagpipiknik sa parke, may isang mama na nakakita kay Susie.
“Tingnan n’yo o, puwedeng pang-karnabal ‘yung bata!” turo nito kay Susie.
Biglang namula si Tatay sa narinig. Tumikom ang mga kamao. Noon ko lang nakitang nagsalubong ang mga kilay ni Tatay. Muntik na niyang suntukin ito. 
“Ano’ng problema mo, ha?” Mabuti’t napigilan siya ni Nanay. Isang gabi, habang nakahiga kami sa kama , narinig kong kinakausap ni Tatay si Susie.
“Anak, hindi baleng kulang ang mga paa mo. Mas mahalaga sa amin ng Nanay mo na lumaki kang mabuting tao.at buo ang tiwala sa sarili.” Masuyo niya itong hinalikan.
Hindi tumigil si Tatay sa paglikha ng sapatos para sa akin. Pero napansin ko, kapag sinusukatan niya ang paa ko, napapabuntung-hininga siya. Pagkatapos ay titingin sa kuna. “Sayang, Bunso, di mo mararanasang isuot ang magagarang sapatos na gawa ni Tatay.” bulong ko sa kanya. Lumaki kami ni Susie na malapit ang loob sa isa’t isa. Hindi naging hadlang ang kawalan niya ng paa para makapaglaro kami. Marami namang laro na di nangangailangan ng paa. Lagi nga niya akong tinatalo sa sungka, jackstone ,scrabble, at pitik-bulag. Ako ang tagapagtanggol niya kapag may nanghaharot sa kanya. Ako ang tagatulak ng wheelchair niya. Ako ang ate na alalay!
Noon ko natuklasan na marami kaming pagkakatulad. Parehong magaling ang aming kamay kaysa aming mga paa. Ako, sa pagpipinta. Siya, sa pagsusulat ng mga kuwento. At oo nga pala, si Tatay, kamay rin ang magaling sa kanya!Minsan, ginising ako ni Susie. Sabi niya, nanaginip siya ng isang pambihirang sapatos. Napakaganda raw nito sa kanyang mga paa.
“May paa siya sa panaginip?” gulat na tanong ko sa sarili. “Maniwala ka, Ate, kay ganda ng sapatos sa panaginip ko. Kulay dilaw na tsarol na may dekorasyong sunflower sa harap!”Magbebertdey siya noon . At napansin ko, tuwing nalalapit na ang kanyang kaarawan, nananaginip siya ng mga sapatos.“Ate, nanaginip na naman ako ng sapatos. Kulay pula ito na velvet at may malaking buckle sa tagiliran.”
Binanggit din niya sa akin ang sapatos na kulay asul na bukas ang dulo at litaw ang mga daliri niya. Ang sapatos na puti na may kaunting takong at may ribbon na pula. Ang sapatos na yari sa maong na may burdang buwan at mga bituin. Ang sandalyas na parang lambat. Ang kulay lilang sapatos na may nakadikit na bilog na kristal sa harap.
Manghang-mangha ako sa kung paanong natatandaan niya maski ang pinakamaliliit na detalye ng mga sapatos – ang disenyong bulaklak, ribbon, butones, sequins ,beads , o buckle . Inaangkin niya ang mga sapatos na ‘yon.“Ate, paglaki ko, susulat ako ng mga kuwento tungkol sa mga sapatos na napapanaginipan ko. Ikaw ang magdodrowing, ha?”
Paglipas pa ng ilang taon, namahinga na si Tatay sa paglikha ng mga sapatos. Gumagawa na lamang siya ng sapatos para sa mga suking di matanggihan. Noong nagdaos siya ng kaarawan, niregaluhan ko siya ng isa kong painting na may nakapintang isang pares ng maugat na kamay na lumilikha ng sapatos. Binigyan naman siya ni Susie ng isang music box na may sumasayaw na ballet dancer. “Pinasaya n’yo ang Tatay n’yo,” sabi ni Nanay.
Pagkatapos noon , naging masasakitin na siya. Labindalawang taon si Susie nang pumanaw si Tatay. Isang araw, hindi sinasadya’y napagawi ako sa bodega. Naghahalungkat ako ng mga lumang sapatos na puwedeng ipamigay sa mga bata sa bahay-ampunan Sa paghahalughog, nabuksan ko ang isang kahong mukhang matagal nang hindi nagagalaw. Naglalaman ito ng maliliit na kahon. Mga kahon ng sapatos na maingat na nakasalansan!
”Para kanino ang mga sapatos? May umorder ba na hindi nai-deliver?” tanong ko sa sarili. Pero nang masdan ko ang mga pares ng sapatos na ‘yon, nagulat ako. Taglay ng mga sapatos ang pinakamahuhusay na disenyo ni Tatay. Iba-iba ang sukat nito. May sapatos na pang-baby. May sapatos na pambinyag. May pang- first communion . May pangpasyal. May pamasok sa eskuwelahan. May pangsimba. May sapatos na pang-dalagita.Lalo akong nagulat nang mabasa ang kanyang dedication sa nakasabit na papel:
Para sa pinakamamahal kong si Susie, Alay sa kanyang unang kaarawan Inisa-isa ko ang mga kahon. Lahat ng sapatos na nandoon ay para kay Susie. Diyata’t iginagawa ni Tatay si Susie ng mga sapatos? Para kay Susie, lugod ng aking buhay Sa pagsapit niya ng ikapitong kaarawan
Taon-taon, hindi pumalya si Tatay sa paglikha ng sapatos sa tuwing magdaraos ng kaarawan si Susie! Sandosenang sapatos lahat-lahat.
Handog sa mahal kong bunso
Sa kanyang ika-12 kaarawan
Napaiyak ako nang makita ang mga sapatos. Hindi ko akalaing ganu’n pala kalalim magmahal si Tatay. Binitbit ko ang sandosenang sapatos at ipinakita ko kina Nanay at Susie.
“H-Hindi ko alam na may ginawa siyang sapatos para sa ‘yo, Susie.” Namuo ang luha sa mga mata ni Nanay. “Inilihim niya sa akin ang mga sapatos.” “A-Ate, ito ang mga sapatos na napanaginipan ko.” Hindi makapaniwalang sabi ni Susie habang isa-isang hinahaplos ang mga sapatos.“Ha?” Noon ko lang naalala ang mga sapatos na ikinukuwento ni Susie.
Dilaw na tsarol na may dekorasyong sunflower sa harap. Kulay pulang velvet na may malaking buckle sa tagiliran. Asul na sapatos na bukas ang dulo at litaw ang mga daliri. Kulay puti na may kaunting takong at may ribbon na pula. Sapatos na yari sa maong na may burdang buwan at mga bituin. Sandalyas na parang lambat. Kulay lilang sapatos na may nakadikit na bilog na kristal sa harap. Naisip ko, tinawid kaya ng pag-ibig ni Tatay ang mga panaginip ni Susie para maipasuot sa kanya ang mga sapatos? Hindi ko tiyak.
Ang tiyak ko lang, hindi perpekto ang buhay na ito. Gaya ng hindi perpekto ang pagkakalikha sa kapatid ko. Pero may mga perpektong sandali. Gaya ng mga sandaling nilikha ni Tatay ang pinakamagagarang sapatos para kay Susie.
Tumblr media
1 note · View note
watkahel · 1 year ago
Text
gutóm at gútom
anong ginaw ang nadarama sa katanghalian, hindi ka kasama,  ramdam ang naiwang lubog sa gilid ng kama, napapanis na
ang aking pagnanasa: nakatambak?  o nakalimutan? saan? 
dadalhin ng aking pagluluksa ang pangungulila, sabagay, hindi kailanman magiging sa’yo mahirap dumamdam, mahirap mawalan ng pakiramdam. i am lost.
in a crowd of familiar faces, maraming bisita, hindi siya. tumatahan, madulas ang sahig, panlulumo, dulot ng malalim na pag-iisip.
kalam ng sikmura sa pagpapabaya sa sarili hindi mawala-wala, takot sa kung anong nangyari, at mangyayari, ginhawa— ng pagkakaroon ng paborito mong  pagkain, ako ay binubuo.
(ang tulang ito ay nilikha gamit ang mga linyang binigay ng bawat isa sa klase gamit ang prompt na "ano ang kasalukuyan niyong nadarama". natutuhan sa ehersisyo ang pagiging malikhain sa pag-uugnay at pag-aayos ng ideya at kaisipan para makabuo ng panibagong hulma para sa mga bigay na parirala at linya.)
0 notes