#Karnabal
Explore tagged Tumblr posts
Text
Sandosenang Sapatos
Written by: Luis P. Gatmaitan, M.D.
Illustrated by: Beth Parrocha
___
Tumblr media
Sapatero si Tatay. Kilalang-kilala ang mga likha niyang sapatos dito sa aming bayan. Marami ang pumupunta sa amin para magpasadya. Ayon sa mga sabi-sabi, tatalunin pa raw ng mga sapatos ni Tatay ang mga sapatos na gawang-Marikina. Matibay, pulido, at malikhain ang mga disenyo ng kanyang mga sapatos. 
“Paano mo ba naiisip ang ganyang istilo? Kay ganda!”
“Siguro, dinadalaw ka ng musa ng mga sapatos at suwelas.”
“Parang may madyik ang iyong kamay!”
Sa lahat ng papuri, matipid na ngingiti lamang si Tatay. Tahimik na tao si Tatay. Bihirang magsalita.
Lumaki akong kapiling ang mga sapatos na gawa ni Tatay. Madalas ay kinaiinggitan ako ng mga kalaro at kaklase ko. Buti raw at sapatero ang Tatay ko. Lagi tuloy bago ang sapatos ko kapag pasukan, kapag pasko, kapag bertdey ko, o kung nakatanggap ako ng honors sa klase. Ginagawan pa niya ako ng ekstrang sapatos kapag may mga tira-tirang balat at tela.
“Buti ka pa Karina, laging bago ang sapatos mo. Ako, lagi na lang pamana ng ate ko. Sa ‘kin napupunta lahat ng pinagkaliitan n’ya,” himutok ng isang kaklase. Nasa Grade II na ako nang muling magbuntis si Nanay. Kay tagal naming hinintay na magkaroon ako ng kapatid. Sabi ng Lola ko, sinagot na raw ang matagal nilang dasal na masundan ako.
“Naku, magkakaroon na pala ako ng kahati sa mga sapatos! Pero di bale, dalawa na kaming igagawa ni Tatay ng sapatos ngayon.”Habang nasa tiyan pa si baby, narinig kong nag-uusap sina Tatay at Nanay. “Nagpa-check up ako kanina. Sabi ng doktora, babae raw ang magiging anak natin!”
“Talaga! Kung babae nga, pag-aralin natin ng ballet . Gusto kong magkaanak ng ballet dancer ! Ngayon pa lang ay pag-aaralan ko nang gumawa ng mga sapatos na pang- ballet.”
Pero hindi lahat ng pangarap ni Tatay ay natupad. Nagulat kaming lahat nang makita ang bago kong kapatid. Wala itong paa. Ipinanganak na putol ang dalawang paa!
Nakarinig kami ng kung ano-anong tsismis dahil sa kapansanan ng kapatid ko. Siguro raw ay binalak na ipalaglag ni Nanay ang kapatid ko kaya kulang-kulang ang parte ng katawan. Nilusaw raw ng mga mapinsalang gamot ang kanyang mga paa. Isinumpa raw ng mga diwata ng sapatos si Tatay dahil mahal na itong sumingil sa mga pasadyang sapatos. O baka raw ipinaglihi si Susie sa manika.
“Nanay, bakit po ba walang paa si Susie?”
“Nagkaroon kasi ako ng impeksyon anak. Nahawa ako ng German measles habang ipinagbubuntis ko pa lang ang kapatid mo. At iyon ang naging epekto,” malungkot na kuwento ni Nanay.
Hindi na magiging ballet dancer ang kapatid ko. Malulungkot si Tatay. Araw-araw, ganu’n ang naiisip ko kapag nakikita ko ang mga paa ni Susie. Kaya pinilit ko si Nanay na muling pag-aralin ako sa isang ballet school (dati kasi, ayaw kong mag-ballet). Pero.
“Misis, bakit hindi n’yo po subukang i-enrol si Karina sa piano, o sa painting, o sa banduria class? Hindi yata talagang para sa kanya ang pagsasayaw,” sabi ng titser ko sa Nanay ko.
Nalungkot ako. Hindi para sa aking sarili, kundi para kina Tatay at Susie, at sa mga pangarap na masyadong mailap. Saksi ako kung paanong minahal siya nina Tatay at Nanay. Walang puwedeng manloko kay Bunso. Minsan, habang kami ay nagpipiknik sa parke, may isang mama na nakakita kay Susie.
“Tingnan n’yo o, puwedeng pang-karnabal ‘yung bata!” turo nito kay Susie.
Biglang namula si Tatay sa narinig. Tumikom ang mga kamao. Noon ko lang nakitang nagsalubong ang mga kilay ni Tatay. Muntik na niyang suntukin ito. 
“Ano’ng problema mo, ha?” Mabuti’t napigilan siya ni Nanay. Isang gabi, habang nakahiga kami sa kama , narinig kong kinakausap ni Tatay si Susie.
“Anak, hindi baleng kulang ang mga paa mo. Mas mahalaga sa amin ng Nanay mo na lumaki kang mabuting tao.at buo ang tiwala sa sarili.” Masuyo niya itong hinalikan.
Hindi tumigil si Tatay sa paglikha ng sapatos para sa akin. Pero napansin ko, kapag sinusukatan niya ang paa ko, napapabuntung-hininga siya. Pagkatapos ay titingin sa kuna. “Sayang, Bunso, di mo mararanasang isuot ang magagarang sapatos na gawa ni Tatay.” bulong ko sa kanya. Lumaki kami ni Susie na malapit ang loob sa isa’t isa. Hindi naging hadlang ang kawalan niya ng paa para makapaglaro kami. Marami namang laro na di nangangailangan ng paa. Lagi nga niya akong tinatalo sa sungka, jackstone ,scrabble, at pitik-bulag. Ako ang tagapagtanggol niya kapag may nanghaharot sa kanya. Ako ang tagatulak ng wheelchair niya. Ako ang ate na alalay!
Noon ko natuklasan na marami kaming pagkakatulad. Parehong magaling ang aming kamay kaysa aming mga paa. Ako, sa pagpipinta. Siya, sa pagsusulat ng mga kuwento. At oo nga pala, si Tatay, kamay rin ang magaling sa kanya!Minsan, ginising ako ni Susie. Sabi niya, nanaginip siya ng isang pambihirang sapatos. Napakaganda raw nito sa kanyang mga paa.
“May paa siya sa panaginip?” gulat na tanong ko sa sarili. “Maniwala ka, Ate, kay ganda ng sapatos sa panaginip ko. Kulay dilaw na tsarol na may dekorasyong sunflower sa harap!”Magbebertdey siya noon . At napansin ko, tuwing nalalapit na ang kanyang kaarawan, nananaginip siya ng mga sapatos.“Ate, nanaginip na naman ako ng sapatos. Kulay pula ito na velvet at may malaking buckle sa tagiliran.”
Binanggit din niya sa akin ang sapatos na kulay asul na bukas ang dulo at litaw ang mga daliri niya. Ang sapatos na puti na may kaunting takong at may ribbon na pula. Ang sapatos na yari sa maong na may burdang buwan at mga bituin. Ang sandalyas na parang lambat. Ang kulay lilang sapatos na may nakadikit na bilog na kristal sa harap.
Manghang-mangha ako sa kung paanong natatandaan niya maski ang pinakamaliliit na detalye ng mga sapatos – ang disenyong bulaklak, ribbon, butones, sequins ,beads , o buckle . Inaangkin niya ang mga sapatos na ‘yon.“Ate, paglaki ko, susulat ako ng mga kuwento tungkol sa mga sapatos na napapanaginipan ko. Ikaw ang magdodrowing, ha?”
Paglipas pa ng ilang taon, namahinga na si Tatay sa paglikha ng mga sapatos. Gumagawa na lamang siya ng sapatos para sa mga suking di matanggihan. Noong nagdaos siya ng kaarawan, niregaluhan ko siya ng isa kong painting na may nakapintang isang pares ng maugat na kamay na lumilikha ng sapatos. Binigyan naman siya ni Susie ng isang music box na may sumasayaw na ballet dancer. “Pinasaya n’yo ang Tatay n’yo,” sabi ni Nanay.
Pagkatapos noon , naging masasakitin na siya. Labindalawang taon si Susie nang pumanaw si Tatay. Isang araw, hindi sinasadya’y napagawi ako sa bodega. Naghahalungkat ako ng mga lumang sapatos na puwedeng ipamigay sa mga bata sa bahay-ampunan Sa paghahalughog, nabuksan ko ang isang kahong mukhang matagal nang hindi nagagalaw. Naglalaman ito ng maliliit na kahon. Mga kahon ng sapatos na maingat na nakasalansan!
”Para kanino ang mga sapatos? May umorder ba na hindi nai-deliver?” tanong ko sa sarili. Pero nang masdan ko ang mga pares ng sapatos na ‘yon, nagulat ako. Taglay ng mga sapatos ang pinakamahuhusay na disenyo ni Tatay. Iba-iba ang sukat nito. May sapatos na pang-baby. May sapatos na pambinyag. May pang- first communion . May pangpasyal. May pamasok sa eskuwelahan. May pangsimba. May sapatos na pang-dalagita.Lalo akong nagulat nang mabasa ang kanyang dedication sa nakasabit na papel:
Para sa pinakamamahal kong si Susie, Alay sa kanyang unang kaarawan Inisa-isa ko ang mga kahon. Lahat ng sapatos na nandoon ay para kay Susie. Diyata’t iginagawa ni Tatay si Susie ng mga sapatos? Para kay Susie, lugod ng aking buhay Sa pagsapit niya ng ikapitong kaarawan
Taon-taon, hindi pumalya si Tatay sa paglikha ng sapatos sa tuwing magdaraos ng kaarawan si Susie! Sandosenang sapatos lahat-lahat.
Handog sa mahal kong bunso
Sa kanyang ika-12 kaarawan
Napaiyak ako nang makita ang mga sapatos. Hindi ko akalaing ganu’n pala kalalim magmahal si Tatay. Binitbit ko ang sandosenang sapatos at ipinakita ko kina Nanay at Susie.
“H-Hindi ko alam na may ginawa siyang sapatos para sa ‘yo, Susie.” Namuo ang luha sa mga mata ni Nanay. “Inilihim niya sa akin ang mga sapatos.” “A-Ate, ito ang mga sapatos na napanaginipan ko.” Hindi makapaniwalang sabi ni Susie habang isa-isang hinahaplos ang mga sapatos.“Ha?” Noon ko lang naalala ang mga sapatos na ikinukuwento ni Susie.
Dilaw na tsarol na may dekorasyong sunflower sa harap. Kulay pulang velvet na may malaking buckle sa tagiliran. Asul na sapatos na bukas ang dulo at litaw ang mga daliri. Kulay puti na may kaunting takong at may ribbon na pula. Sapatos na yari sa maong na may burdang buwan at mga bituin. Sandalyas na parang lambat. Kulay lilang sapatos na may nakadikit na bilog na kristal sa harap. Naisip ko, tinawid kaya ng pag-ibig ni Tatay ang mga panaginip ni Susie para maipasuot sa kanya ang mga sapatos? Hindi ko tiyak.
Ang tiyak ko lang, hindi perpekto ang buhay na ito. Gaya ng hindi perpekto ang pagkakalikha sa kapatid ko. Pero may mga perpektong sandali. Gaya ng mga sandaling nilikha ni Tatay ang pinakamagagarang sapatos para kay Susie.
Tumblr media
1 note · View note
funbcanna · 11 months ago
Text
Kasiyahan sa Pista at Panalo sa Casino: Paggunita sa Kultura ng Pilipino
Tumblr media
Isa sa mga bagay na nagpapahayag ng kahalagahan at yaman ng kultura ng Pilipino ay ang masasayang pista at pagdiriwang. Ito ay mga pagkakataon na nagbibigay buhay sa mga komunidad, nagpapakita ng pagmamahal sa tradisyon, at nagpapalaganap ng kasiyahan sa buong bansa. Ngunit ngayon, sa kabila ng mga tradisyunal na pista, may mga makabago nang paraan upang ipagdiwang ang kultura ng Pilipino, kabilang ang online casino tulad ng TG777.
Ang Kahalagahan ng mga Pista sa Pilipinas
Ang Pilipinas ay mayaman sa mga pista at pagdiriwang mula sa iba't ibang rehiyon nito. Ang mga ito ay may kakaibang ritwal, parada, sayaw, at musika na nagpapakita ng pagiging makulay at masaya ng kultura ng bansa. Ang mga pista ay mga pagkakataon para sa mga tao na magtipon-tipon, kumain ng masasarap na pagkain, at mag-enjoy sa mga palaro at paligsahan.
Kabilang sa mga pinakasikat na pista sa Pilipinas ay ang Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon, at ang Kadayawan Festival sa Davao City. Sa mga okasyong ito, makikita ang mga magagarang float, karnabal, at street dancing. Bukod dito, hindi rin mawawala ang masasarap na lutong bahay at delicacies na nilikha mula sa mga kalakal ng bawat rehiyon.
Paggunita sa Kultura sa Online Casino
Ngunit sa paglipas ng panahon, nagbago na rin ang paraan kung paano ipinagdiriwang ng ilan ang kanilang kultura. Ang teknolohiya ay nagdala ng mga alternatibong paraan upang gunitain ang mga pista at tradisyon ng bansa. Halimbawa, ang online casino, tulad ng TG777, ay nag-aalok ng mga festival-themed na laro na nagbibigay galang sa mga pista at selebrasyon sa Pilipinas.
Sa TG777, makakaranas ka ng kasiyahan sa mga laro na may temang pista tulad ng "Pista sa Nayon Slots" o "Fiesta Fortune Roulette." Ang mga ito ay may makulay na graphics at tunog na nagpapahayag ng masasayang pista sa Pilipinas. Ang mga casino game na ito ay nagdadala ng kakaibang uri ng kasiyahan sa mga manlalaro at nagpapahayag ng pagmamahal sa kultura ng Pilipino.
Ang Pagsasama ng Tradisyon at Modernong Pagganap
Sa kabuuan, ang pagdiriwang ng mga pista at pagkakaroon ng kasayahan sa casino ay maaaring sabayang magkasama. Ang mga tradisyon at kultura ng Pilipino ay patuloy na nagbibigay-buhay sa puso ng bawat isa, at ang modernong teknolohiya ay nagbibigay-daan sa mas marami pang tao na maabot ang kasiyahan na ito. Ang online casino, tulad ng TG777, ay isang platform na nagpapahayag ng pagsasama ng tradisyon at modernong pagganap sa kultura ng Pilipino. Sa ganitong paraan, patuloy nating naipapakita ang halaga ng ating kultura habang nagkakaroon tayo ng mas maraming pagkakataon na manalo ng mga premyo na nagdadagdag ng kasiyahan sa ating mga pista.
1 note · View note
w-choudai · 1 year ago
Text
Pintô Art Museum
Tucked away in the lush hills of Antipolo, just a stone's throw from the bustling heart of Manila, lies a hidden gem that's every art lover's dream – the Pintô Art Museum.
Whether you're into vibrant paintings, thought-provoking installations, or sculptures that seem to whisper stories, this museum has it all. It is a place where Filipino artists, both renowned and up-and-coming, showcase their talents through creative expression.
Tumblr media
As the name of the museum suggests, “Pintô” which means door, could represent how art plays a role in bridging distinctive nationalities, worldviews, and communities. When I stepped through those doors, it was as if I had wandered into another land as I was greeted by a lush scenery of greenery with different art pieces scattered around, seamlessly merging with the natural landscape.
Tumblr media Tumblr media
The outdoor area of the museum is a sensory wonderland, where every twist and turn in the garden paths reveals a new visual delight. Unfortunately, this also meant that most of the outdoor pieces did not have a visible title or description for me to view. Nonetheless, the pieces displayed were a breathtaking sight and these pictures just do not do them justice. These grand art pieces are a must-see in person!
Tumblr media
I enjoyed being surrounded by both nature and art however, as the heat of the sun shone brightly, it was time for me and my family to head inside the many buildings to view the different exhibits and paintings.
Tumblr media
While browsing, I found not one, but two of John Paul Duray’s works - “Tomato” which is a tomato pin cushion turned chair that was inspired by his mother and grandmother who sewed clothes (which I could say is almost a universal experience shared amongst us Filipinos), and “Bono” the banana man that is sitting on the tomato which was one of the sculptures featured in his very first solo exhibition “You Are/Pagkatao”.
Tumblr media
Me and my sister sat in front of part of the “Karnabal” by Salingpusa group. In 1992, the group finalized it and it served as a landmark piece in the realm of contemporary Filipino art. From the Pinto art website, “This artwork serves as a metaphor, portraying Philippine society as a dynamic carnival where various forces and players contend, offering a poignant representation of the societal conflicts that emerged in the aftermath of the People Power Revolution.” The acquisition of artworks as support for the development of this group became the catalyst for the growth of the museum’s art collection.
Tumblr media
Salingpusa sub-group Sanggaw created the piece "Kasal sa Hatinggabi" ("Wedding at Midnight: The Church and the State"). It shows a gun and a knife in the hands of the politician and the priest hugging each other unified under a church bell. Does this unity symbolize their enaction of violence together? Or is the piece alluding to their actions in secret as their alliance would violate the separation of the church and state?
Tumblr media
Riel Hilario is an artist who aims to “…make sculptures that seem to exist on their own will.” In the piece “Even Monkeys Fall Out of Trees” the name of the piece originates from a Japanese proverb, 猿も木から落ちる (saru mo ki kara ochiru) which reminds us that even experts make mistakes. I cannot shake the feeling of the woman with her monkey with a nearly vacant, indeterminate gaze offering such a domineering presence.
Tumblr media
Joven Mansit’s “Carcass (Pietà)” piqued my interest in the realm of gore, blood, and body. To “salvage” something is to save something yet in the Philippine language, it means to “kill” or “murder”. I found that the parody of this historical image (a pietà), which should offer the viewer nostalgia, is negated by the presence of a large carcass as a conflicting existence that doesn't seem to relate to the underlying image, except as a way to rescue the picture in a harmful way.
Tumblr media
Amidst the Filipino contemporary art lay many early Filipino cultural artifacts as well such as one of the Maitum anthropomorphic burial jar lids which served as secondary burial vessels. The anthropomorphization of burial jars was only seen in the Philippines many of which had a range of expressions and female lids were also discovered suggesting an equality in terms of the practice of jar burials for early Filipinos.
1 note · View note
inah-rosario · 1 year ago
Text
si manang aida
iyak siya ng iyak sa bahay ko. gusto niya dun sa taas pero nasa gilid. actually, yung bahay nato......marami talagang mga needs tapos....it reminds you na yun lang yung kailangan.........
then just goes..........
then it's like manang aida got stuck with the wrong crowd once..........then goes in a really really fast car.................and their hair is flying all over the place!!!! and then manang aida had a heart attack
.........this place called sushipark34 is really okay lang..........it's really good for holding on to your seat......but then somehow you really really need to fly and drive fast
................what was that
.........................what? why do you need to fly and drive fast to get somewhere???? where was that?
.................like the condor ride of enchanted kingdom
..........................on the karnabal. like those places we went to in someone else's car but not your own.
Tumblr media
1 note · View note
heavymetalzen · 1 year ago
Text
uopx: karnabal school complex
Tumblr media
0 notes
humanrus · 2 years ago
Text
Tumblr media
Arts have the power to evoke a wide range of emotions, from awe to revulsion. Additionally, there is a deeper connection between art and mankind since art portrays the human experience. Because of this connection, we may be deeply moved by works of art. The distinction between art and art-like is that the former has a deeper meaning than the latter, which is purely cosmetic. Keep in mind that all genuine works of art convey some kind of message, whether good or bad. This training and exposure to actual works of art have taught me that much. In fact, ever since we first started this course, I've been looking for real-world examples of art to dissect and contemplate. My art-searching adventures resulted in a greater appreciation for the world around me.
Antipolo, located in the province of Rizal, is a well-known tourist attraction. It is also the location of the Pintô Art Museum. In 2010, Dr. Joven Cunanang launched the museum so that other people might appreciate the art collection he had amassed. This exhibition has works from many different periods and styles, focusing on the new and modern (assemblage, mixed media). The museum was split into six parts by the artist Antonio Leao, and each of these sections is housed in a villa similar to those seen in the Spanish and Mediterranean countries. This can be seen clearly in the museum's architecture, as well as in the finishes applied to the doors and windows. The museum's name was derived from a phrase in the Philippine language that literally means "door."
A trip to the museum is like boarding a pintô and traveling to heaven. This show features works by Filipino artists who have, throughout their careers, thought about our country's history and culture. During my walk through the museum, I found many pieces to be interesting. However, the following three stood out to me the most: Karnabal, owned by the Salingpusas; the Circus, owned by Mikel Parial; and Balancer, owned by Rodel Tapaya-The Garcia.
If you're used to museums where every piece of art is so well protected behind ropes and glass that you're afraid to get within a meter of it because you might set off an alarm, the Pinto Art Museum will be a pleasant surprise. The opposite is true; the setting is pleasant, casual, and warmly welcoming. There's also a delightful restaurant where you can enjoy your meal while gazing out into the garden. The smooth and unified way the art is put together makes the viewer want to stay and look around, think, and feel. While there are a few vintage oil paintings on display, most are recent works by regional painters. Even in this digital age, when babies use touch screens to draw and paint, the art of the twenty-first century needs to be appealing and strong to get the attention of young people, if not their love.
In order for audiences to understand works of art, they must first be acquainted with the fundamental visual elements and principles of design upon which the works are built. The piece of artwork demands that the observer to have a particular degree of knowledge in terms of the style, form, and content of the piece. It is impossible to have a complete appreciation for the visual arts if one does not have this background information.
0 notes
vilaspatelvlogs · 5 years ago
Text
पुलवामा में सीआरपीएफ और पुलिस की जॉइंट नाका पार्टी पर आतंकियों ने ग्रेनेड से हमला किया
पुलवामा में सीआरपीएफ और पुलिस की जॉइंट नाका पार्टी पर आतंकियों ने ग्रेनेड से हमला किया
[ad_1]
गुरुवार को भी पुलवामा में परछू ब्रिज पर सुरक्षाकर्मियों पर आतंकी हमला हुआ था
इसमें एक पुलिसकर्मी शहीद हो गया था जबकि दूसरा गंभीर रूप से घायल हुआ था
दैनिक भास्कर
May 22, 2020, 10:44 PM IST
श्रीनगर. जम्मू-कश्मीर के पुलवामा जिले में शुक्रवार को आतंकियों ने पुलिस और सीआरपीएफ की जॉइंट नाका पार्टी पर रायफल और ग्रेनेड से हमला कर दिया। सुरक्षाबलों ने जवाबी कार्रवाई की। इससे पहले गुरुवार को भी…
View On WordPress
0 notes
lakbay-sanaysay · 4 years ago
Text
Pagsasanib ng Kalikasan at Sining
Tumblr media
Binabati ko kayo mga kapwa tagamahal ng sining. Ngayon, pupunta tayo sa isa sa mga pinaka-Instagrammed na museo sa daigdig: ang Pinto Art Museum sa Antipolo, Rizal! Ang museo na ito ay ang koleksyon ng mga sining ng neurologist na si Dr. Joven Cuanang, ang direktor ng St. Luke’s Hospital; ang koleksyon niya ay binubuo ng mga sining na nagmula sa sinauna at kasalukuyan na panahon. Walang mga mahahanap na airconditioning ang mga galerya ng Pinto Art Museum sapagkat ito ay isang open-air na museo; lahat ng mga gusali ay may malaking bintana at pinto na pinapakita ang kalikasan ng bundok kung saan itinayo ang museo.
Nung unang dalaw ko sa museo, nakita ko at humarap ako sa pangunahing sining ng koleksyon ng museo: ang Karnabal ng Salingpusa Group. Nakapinta sa malaking larawan na ito ang iba’t-ibang masasalamin tungkol sa mga masasamang bahagi ng kalinangan at politiko ng Pilipinas; bagaman 20 na taon ang lumipas pagkatapos magawa ang Karnabal, maiuugnay pa rin ang kaniyang pagpuna sa kasalukuyang panahon.
Pagkadaan ko sa mga taong nagpapa-selfie sa harap ng Karnabal, ginala ko lahat ng mga galerya ng museo. Ipinakita ng bawat likhang sining na nakita ko ang pagkamalikhain na isip at kamay ng mga Pilipino. Ang kalikasan at ang sining mula sa museong ito ay nagkaisa sa isang marilag na samahan, kung saan makikita at mahahanga ang mga gawaing ito kasama ang mga pusa, bulaklak, ulap, at puno na naninira rito.
Isa sa mga ‘di makakalimutang sining ng museo ay ang installation na tinawag na “Forest”; sa loob ng isang silid ay mga replika ng punong kawayan kasama ng mga maliliit na lawa at mga tunog ng mga hayop para magkaroon ng isang mapayapang kapaligiran. Kahit mahalumigmig ang installation, gumaan ang ang aking pakiramdam, tila na sakdal kaugmaan sa aking sarili at paligiran ang aking nadanas. Isa pang kawili-wili na bahagi ng museo ay ang 18+ na galerya; nandito nakalahad sa mga likhang sining ang mga bahagi ng buhay tungkol sa sekswalidad ng isang tao, lalo na ang bondage, ay ginalugad. Kahit hiwalay siya sa lahat ng ibang galerya ng museo, ang pagkasama nito sa koleksyon ay nagpapakita na hindi takot ang mga Pilipino sa paghahayag ng kanilang mga pagnanasa sa kanilang katawan at sekswalidad, na hindi dapat ipinagbawal ang mga ganitong mga sining kapag mayroong mga matatanda na handang talakayin ang mga konseptong ito.
Sa wakas, ang Pinto Art Museum ay higit pa sa isang backdrop para sa ating mga larawan sa Instagram; ito ay isang karanasan na tutulong sa pagnilay sa sarili at sa lipunan nila. Puwede naman pagkuwahaan ng larawan sa museo, pero huwag nating gamitin ang dahilan na iyon para makalimutan natin ang kahalagahan ng likhang sining sa ating kultura at pag-iisip.
- Gonzales, Errole Josh D.
1 note · View note
david-andro-rosas-blog · 6 years ago
Video
#karnabal #köln (at Cologne, Germany) https://www.instagram.com/p/Bucjb_Elt_x/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=rtblbephweq9
0 notes
jeremiahtank · 8 years ago
Photo
Tumblr media
A Dustland Fairytale. #potd #cebucity #karnabal #i_am_laagan #fujifilmxt1 #vscoph #vsco #gaysian #bearstagram #beautybeyondsize #thephatboythatcould
0 notes
markhersonhuelgas · 6 years ago
Text
Bobo To
"BOBO TO"
Kakaway sa kanan at ngingiti sa kaliwa Magbibigay ng maling pag-asa sa maralita Upang pangalan ay muling tumagingting Kahit katauhan ay puno ng pagsisinungaling
Mamumumod ng pera at kaban-kabang bigas Ngunit suot naman ay nangingintab sa perlas Ituturing na pag-asa at saklolo ng masa Ngunit bingi at bulag kapag nasa trono na
Sino nga ba silang nakasuot ng masakara? Silang nakasuot ng panlibing na itim? Sila ba ang sa kahirapan ay pupurga? O ang siyang sa mamamayan ay magdidiin?
Mapanglasong dila na puno ng pangako Malambot na mga palad na siyang magpapako Mga bisig na iaabot upang maging saklolo Siyang ring bisig na sasakal sa tao
Darating ng maingay sa tahimik at liblib Puhunan lamang ay angas at bukambibig Aalis at mag-iiwan ng bakas at tatak Babalik na basyo at mga dugong tatagak
Halina at masdan ang karnabal at mga payaso Mga halang ang kaluluwa na nagpapanggap na tao Mga sugo ni Satanas na nag-aanyong mga anghel Mga maingay na pangalang masusulat sa blankong papel
Papalapit na ang hukom ng taongbayan Papalapit na rin sila upang mangkamkam Papalayo na sa pag-unlad at tunay na kalayaan Papalayo sa pagkakaisa at katahimikan
Boboto ako, ikaw, sila, at tayo Boboto upang muling magtiwala sa tao Boboto upang maghalhal ng karapatdapat Boboto ako, ikaw, sila at tayo ng tapat
Bobo to kung magpapauto ka pa rin sa kakarampot Bobo to kung kaunlaran at kalayaan ng bansa ay ipagdadamot Bobo to kung silang trapo pa rin ang ipupunas Bobo to kung tingin nila sila pa rin ang lunas
16 notes · View notes
mauimauricio · 2 years ago
Photo
Tumblr media
Karnabal sa Maynila #midjourney #AIart #machinelearning #ai #aiartwork #aiartcommunity #midjourneyartwork https://www.instagram.com/p/ChYr4RbvB_U/?igshid=NGJjMDIxMWI=
0 notes
latestinbollywood · 2 years ago
Text
JK Anicoche Wiki, Biography, Age, Death, Wife, Parents, Ethnicity, Height, Net Worth & More
Tumblr media
In this post, you are about to get all the details like JK Anicoche Wiki, Biography, Age, Wife, Parents, Ethnicity, Height, Net Worth & More. JK Anicoche was a Filipino theater artist along with being an actor, performance maker, and educator. He worked for Karnabal: Performance and Social Innovation as a festival director. He also worked for the Cultural Center of the Philippines' Virgin Labfest.
JK Anicoche Cause of Death
JK Anicoche passed away on 19 November 2021 but his death reason is still not revealed anywhere on the web.
Who Was JK Anicoche? Wiki, Early Life
JK Anicoche got the 2019 Davis Peace Prize USA, the 2018 De La Salle University Public Intellectual for Democrac7 Discourse Series Fellowship. and the 2019 Ginebra Ako Para Sa Entablado Award. He worked for Karnabal and The Cultural Center of the Philippines Virgin Labfet.
Tumblr media
JK Anicoche Wiki, Biography ( Religion & Personal Life)
JK Anicoche's exact date of birth is still not available anywhere. He was born in Central Luzon, the Philippines where he was raised by his parents. He lived in Central Luzon, Philippines. His full name is not known. His religion is not known. Birth Name JK Anicoche Nick Name JK Profession Filipino Theater Artist, Actor, Performance Maker, and Educator Date of  Birth Not Known Birth Place Central Luzon, Philippines Death Palace Central Luzon, Philippines Gender Male Religion Not Known
JK Anicoche Age, Education, Zodiac Sign
JK Anicoche's age is not known because of not being available his date of birth. His zodiac sign and educational details are not known.  Age Not Known Zodiac Sign Not Known School Not Known College Not Known
JK Anicoche Wife, Children
JK Anicoche's marital status is not known. He never disclosed his personal life details anywhere on the web.  Marital Status Not Known Wife Names Not Known Children Not Known
JK Anicoche's Parents (Father, Mother), Siblings
JK Anicoche's parents' names and professional details are not known. His sibling status is also not known.  Father Name Not Known Mother Name Not Known Sister Not Known
JK Anicoche Ethnicity, Nationality
JK Anicoche's ethnicity is not known. He held Filipino nationality. Ethnicity Not Known Nationality Filipino
JK Anicoche Height, Weight
JK Anicoche's height was 5 feet 8 inches. His weight was 78 kg.  Height 5 Feet 8 Inches Weight 78 Kg
JK Anicoche Net Worth, Income, Source of Income
JK Anicoche's net worth was approx $10 million.  Net Worth $10 Million
Social Media Links
Instagram Click Here Twitter Click Here Facebook Click Here YouTube Click Here FAQ About JK Anicoche Q.1 Who was JK Anicoche? Ans. JK Anicoche was a Filipino theater artist along with being an actor, performance maker, and educator. Q.2 How Old was JK Anicoche? Ans. JK Anicoche's age is not known because of not being available his date of birth.  Q.3 What is JK Anicoche's cause of death? Ans. JK Anicoche passed away on 19 November 2021 but his death reason is still not revealed anywhere on the web. Q.4 Who was JK Anicoche's wife? Ans. JK Anicoche's marital status is not known.  Q.5 How Many Children did JK Anicoche have? Ans. JK Anicoche never disclosed his personal life details anywhere on the web.  We hope you have gotten all the details about JK Anicoche Wiki, Biography, Age, Wife, Parents, Ethnicity, Height, Net Worth & More. Read Also: Tony Dow Illness Read the full article
0 notes
christarobles · 3 years ago
Photo
Tumblr media
“Karnabal” 🎨 https://www.instagram.com/p/CbuX9LCLBw1XTC32Rq5G1dl3ko3byS3t29Gb7k0/?utm_medium=tumblr
0 notes
gandaever · 4 years ago
Photo
Tumblr media
Tigilan na yang ala-karnabal na National costume na yan! Ibalik ang Filipiana terno as our National costume sa international #BeauCon! Am not a fan of Mrs. Imelda Marcos but she certainly brought the Terno to mainstream fashion! #IbalikAngTerno (at Marco Polo Residences - Cebu) https://www.instagram.com/p/CO2iGl2tUlQ/?igshid=5vlb3u1my8sn
0 notes
kizuki-sugiru · 7 years ago
Photo
Tumblr media
「世界」タカハシ ‘タカカーン’ セイジ編、聞き手:武田力 世界はどこにでもある「世界」というスペースを始めてはや3ヶ月ほど経ちました。 今回は、トーク・シリーズ第一弾として、自分自身を発する会を催します。 自分自身、取り組んできたことは幅があると考えてきたのですが、それぞれの取り組みの際に伝えたことは今や断片化しているのかもしれないと思い至り、ならば一度全部、本当に全部は無理だと思いながらも、塊として表したいと企画しました。 近年、割と多くの時間をともにし、離れていても連絡を取り合う武田力さんこそ聞き手として最善だと思い(比較的、塊としての僕を認識していると思い)、お願いすると快諾していただけたので、一安心してい��す。いかに引き出してくれるのか楽しみにしています。 語るというと少し気恥ずかしいので、発すると捉えると今ちょうどいい塩梅です。 僕が発することで何か考えが押し進むことがあれば、本望です。 日時:2018年3月10日(土)14〜16時 住所:大阪市此花区四貫島2-2-9「此花S-229」内「世界」 料金:1,500円 備考:会場にはストーブがありますが、暖かい服装でお越しください。 プロフィール: タカハシ ‘タカカーン’ セイジ ひとりでつくることにこだわらず、その時々の相手により役割を変えて取り組む。 近年は、協働するにしても、つくらないことを前提にするか選択���に含むことから始めることを好む。 スペース「世界」オーナー。 主な取り組みに、 『「芸術と福祉」をレクリエーションから編み直す』(2017年度助成:おおさか創造千島財団) 「無職・イン・レジデンス」 「ウイスキーがのめるまで」 「彼方へ思考を飛ばすための巡業読書会w/秋田光軌」 「穴を掘るw/斉藤成美」 「読書フェスw/メガネヤ」 「やってみたかったことをやってみるための時間 みるみるw/米子匡司」 「?を自動販売機で売ろう!w/タチョナ、enoco、米子匡司」、 個展に、 「やってみたかったことを売ります買います展@FUKUGAN GALLERY」、 グループ展に、 パープルーム「パープルタウンにおいでよ」、 その他関わったものに、 古屋の六斎念仏踊り継承事業(ゲスト・アーティストとして)、 武田力「わたしたちになれなかった、わたしへ」(音楽・音響として)「此花における踊り念仏」(企画協力として)、 「應典院寺町倶楽部執行部」 「さんさんくらぶ」 「めくるめく紙芝居」 「すずかけ絵画クラブ」 「あとりえすずかけ」 「FLOAT」 「糸賀一雄記念賞第十一回音楽祭」。 公式サイト:http://www.seijitakahashi.net 武田力 アーティスト、民俗芸能アーカイバー。 第1回無職・イン・レジデンシーのひとり。知的そうな応募要項に騙され応募したのが運の尽き。此花の廃墟にて毎夜凍える思いをしながらタカハシさんと寝食を共にする。「つくるっていうんならつくってもいいけど…」というスタンスの無職・イン・レジデンスにおいて、『此花における踊り念仏』を発表。 以降も縁は続き、奈良・町屋の芸術祭はならぁと2015にて廃墟となっていた古民家にて糸電話を用いた『わたしたちになれなかった、わたしへ』を制作。また、滋賀県朽木古屋の六斎念仏踊り継承事業にも共に関わるなど、結果的に前近代的な構造物/手法を用いる場で協働を続けている。 2015〜17年フィリピンの国際演劇祭Karnabal、2016年上海明当代美術館より招聘。2016, 17年度横浜市芸術文化振興財団クリエイティブ・チルドレン・ フェローアーティスト。 (写真撮影:和久井幸一)
1 note · View note