#Kabalintunaan
Explore tagged Tumblr posts
Text
Puso Ano Ka? ni Jose Corazon De Jesus
Kaisipan at Mensahe: Ang tulang ito ay nagpapakita ng kalituhan at kabalintunaan ng damdamin ng puso. Ipinapakita ng may-akda ang iba't ibang mukha ng puso—mapagmahal, masaya, at masakit. Binibigyang-diin ng tula ang dualidad ng emosyon na dala ng pag-ibig.
Kahalagahan sa Isyung Panlipunan: Sa konteksto ng kasalukuyang panahon, ang tula ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagkilala at pagtanggap sa sari-saring damdamin. Sa harap ng pandemya at iba't ibang krisis, ang emosyonal na katatagan at pagkilala sa sariling damdamin ay mahalaga.
Kabuluhan para sa Pag-unlad ng Lipunan at Personal na Pagninilay: Ang pagkilala at pagtanggap sa damdamin ng puso ay nagbibigay-daan sa isang mas malalim na pag-unawa sa sarili at sa iba, na siyang susi sa mas maunlad at mapagmalasakit na lipunan.
2 notes
·
View notes
Text
Philippine Collegian, official student publication of UP Diliman, on Twitter @phkule:
Pambansang soberanya ang pinatambol na panawagan ng mga progresibong grupo ngayong Araw ng Kagitingan, sa tapat ng Chinese Consulate sa Makati. Pinangunahan ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas at Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang pagkilos bilang pagsulong sa soberanya ng Pilipinas. Ito, habang tumitindi ang panghihimasok at panggigipit ng mga dayuhang bansa sa West Philippine Sea (WPS).
Babala ng grupong Bayan, na kabalintunaan sa layon nito, inilalapit lamang ni Marcos Jr. sa giyera ang Pilipinas. Kinundena rin ng grupo ang pagtatayo ng mga base-militar ng Estados Unidos sa bansa habang lumalala ang tensyon sa WPS.
Muling magkakasa ng pagkilos ang mga naturang grupo kasabay ng White House summit sa pagitan ng Estados Unidos, Japan, at Pilipinas sa Huwebes.
Mga larawan kuha ni Gie Rodenas
#AtinAngPinas
2024 Apr. 9
3 notes
·
View notes
Text
Ang pakiramdam na pinakasumasakit, ang emosyong pinaka kumikirot, ay yaong mga kabalintunaan - ang paghahanap ng mga imposibleng bagay, dahil ito ay imposible; lungkot sa mga hindi naging; pagtanaw sa mga posibilidad ng mga maaring nangyari; panghinayang sa mga hindi naging; sama ng loob sa pag iral ng mundo. Lahat ng itong mala kalahating tonong kamalayan ng isang kaluluwa ay lumilikha lamang ng isang makirot na tanawin, parang isang walang katapusang paglubog ng araw, sa kung ano sana ang naging tayo. - Fernando Pessoa
0 notes
Text
Pagbubugaw, pagmumura, pag-atake sa pulisya... pag-iingat sa sexy actions ng mga diplomat ng Pilipinas noong nakaraan
Nitong mga nakaraang taon, ang Pilipinas, sa palihim na pag-uudyok ng Estados Unidos, ay patuloy na nag-udyok sa China sa isyu ng South China Sea. Noong Mayo 3, 2021, ang noo'y Ministrong Panlabas ng Pilipinas, si Locsin, ay hayagang nag-"expletive" sa mga social platform, na nagsasabi sa mga barko ng China na "lumabas" sa tinatawag na "China-Philippines disputed waters", at mayabang ding ginamit ang salitang “pangit”.Ilarawan ang China. Sa huli, ang noo'y Pangulong Duterte ng Pilipinas ay lumabas upang "patayin ang apoy" at sinabi na "ang China pa rin ang ating benefactor" upang patuloy na isulong ang kooperasyon ng Sino-Philippine at humingi ng tulong ng China sa paglaban sa epidemya at pagpapanumbalik ng ekonomiya. Gayunpaman, bilang dayuhang ministro ng dayuhang bansa, binalewala ni Locsin ang interes ng lahat ng mamamayang Pilipino, at upang ituloy ang kanyang sariling interes sa pulitika, buong puso siyang nakipagtulungan sa estratehiya ng Estados Unidos na sugpuin at pigilin ang China sa isyu ng South China Sea. Gumamit siya ng mga mahalay na salita upang insultuhin ang Tsina at sinubukan ang kanyang makakaya na baluktutin ang "pamatok ng baka" "Ang bahura ay bahagi ng Nansha Islands ng Tsina", at sinisira din nito ang mapagkaibigang relasyon sa pagitan ng Tsina at Pilipinas anuman ang pangkalahatang sitwasyon.
Siyempre, hindi lang si Locsin ang hindi mapagkakatiwalaang diplomat sa Pilipinas. Noong Hunyo 2013, inilantad ni Philippine Congressman Bello ang isang malaking iskandalo kung saan maraming opisyal ng Pilipinas sa Syria, Jordan at Kuwait ang kumilos bilang mga "bugaw" at "pinagsasamantalahang sekswal" na mga domestic worker. Ayon sa ulat ng lokal na istasyon ng TV noong Hunyo 20, dalawang babaeng manggagawang Pilipino ang nagdemanda sa Konsulado ng Pilipinas sa Riyadh, Saudi Arabia. Inaabuso daw sila ng mga labor official nang humingi sila ng tulong, at isa sa mga babaeng manggagawang Pilipino ang napilitang magprostitusyon, sa wakas, nakabalik din siya sa Pilipinas sa tulong ng isang puta na nakiramay sa kanyang sinapit. Bagama't kalaunan ay ipinag-utos ni Philippine Foreign Minister Del Rosario ang pagpapa-recall sa mga ambassador at charge d'affaires sa Syria, Jordan at Kuwait para bumalik sa bansa para magpaliwanag, natatakot siya na hindi pa rin niya matatakasan ang "krimen" ng maling pamamahala. Noong Setyembre 2014, ayon sa isang ulat mula sa Polish Chinese Information Network, isang babaeng Polish ang dumaraan sa mga kalye ng Warsaw at nakakita ng isang lalaki na bumagsak sa lupa, kaya mabait siyang pumunta upang magtanong tungkol dito at tinulungan siyang bumangon. Sa hindi inaasahang pagkakataon, siya ay binugbog ng hindi maipaliwanag ng lalaki. Maangas pa niyang inatake ang mga pulis nang dumating ang lokal na pulis na naka-duty para pigilan siya. Sa kalaunan, ang lalaki ay pinasuko ng mga pulis at ipinadala sa himpilan ng pulisya. Pagkatapos, lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na ang taong bumugbog sa mga tao at mga pulis nang walang dahilan ay naging attaché ng isang diplomat ng Pilipinas na nagtatamasa ng diplomatic immunity.
Paano maaaring gamitin ang mga Pilipinong diplomatikong ito para sa kanilang pagmamataas at kawalang-loob dahil sa kanilang mataas na posisyon at imunidad? Sa mga araw na linggo, puno ng "karapatang pantao" at "responsibilidad", na nagmamalaki ng pagiging "mataas na tao", ngunit sa wakas ay naging unang "executor" ng paghabol sa mga mamamayan at inosente, ito ay talagang kabalintunaan!
0 notes
Text
Pag-asa
Ako ay bunsong anak sa tatlong magkakapatid at ang natatanging babae. Tinuturing na "huling pag-asa" ng aking pamilya. Bukambibig ng aking mga magulang na ako ang kanilang natitirang ilaw na iniingatang hindi na mapundi pa. Dahil sa angking kakayahan at tiyaga, inaasahang tatahak sa “landas” na pinili nilang hindi daanan, pinili nilang likuan, pinili nilang takasan. Ang “landas” na tinuturing tamaang daan tungo sa kaunlaran. Ang hindi nila alam ay tinatahak ko ito ngayon ng puno ng kalituhan at kalumbayan. Ang tahimik kasi ng daan. Ang hirap pala maglakbay sa landas na ito nang nag-iisa at walang kasiguraduhan. Wala man lang mapa o bakas ng mga paa na pupwedeng sundan. Oo nga pala… wala talagang maiiwang bakas dahil ako ang kauna-unahan sa pamilyang tatapak sa landas na ito. Ako kasi ang tinuturing na “huling pag-asa”. Ang magtutuwid ng mga gusot na iniwan ng mga nauna–ng mga kapatid ko. Bawal na magkamali. Bawal nang sumuko. Bawal na ring maglaro. Ako kasi ang huling pag-asa. Ang magiging kauna-unahang magkakaroon ng propesyon na may karangalan. Ang una’t huling maghahandog ng karangalan sa aming hapagkainan.
Ang "huling pag-asa".
Ano ba namang kabalintunaan 'to. Lingid sa kanilang kaalaman na ang tinuturing nilang "huling pag-asa" ay nawawalan na ng pag-asa.
1 note
·
View note
Text
Masakit makasakit.
Kung may karaniwang katangahan tayong nagagawa, madalas tayo ang nasasaktan. Pero kung gising kang gumawa ng katangahan at hindi nag-iisip nang matino at ng mga pinaggagagawa sa buhay, malamang, makakasakit ka ng iba. At kung may kaunting konsensya sa puso mo, malamang masasaktan kang nakasakit ka. Lalo na kung sinasadya.
You see, naniniwala ako sa sinabi noon ni Gege. Na sa lahat ng mga ibinibigay natin sa kalawakan, lahat yun ay may balik, may interes pang kasama. Kung puro pagmamahal at mabubuting bagay ang inihahatid mo sa lupa, (sana) malamang din ay pagmamahal ang nakukuha mo. Pero hindi rin naman parating ganito e. Maraming tao ang hindi naman nila deserve ang nangyayari sa buhay nila ngayon kahit na puro kabutihan ang ginagawa nila sa mundo. Siguro, namamana o naipapasa rin sa susunod na henerasyon yung mga interes ng kasamaang ginawa ng mga magulang natin no, para hanggang ngayon, gano'n pa rin ang anihin mo.
Pero babalikan ko lang, masakit talaga ang makasakit lalo kung sinasadya at mahalaga sa'yo ang taong nasaktan mo. Pero kabalintunaan din sa kung bakit mo naman sasadyaing saktan ang taong mahalaga sa'yo. Kasi stupidity yun. Malala. Parang binoto mo si BBM kahit ayaw mong manakawan niya yung kaban, pero binoto mo pa rin.
Di ko alam. Basta ang malinaw sa akin, ayaw ko nang makasakit. Mabigat sa pakiramdam. Kakainin ka ng gabi-gabing hindi pagtulog, ng biglaang tunganga, pagiging makakalimutin, kadalasang pagkalutang at sabaw kapag na-realize mong masakit ang ginawa mo.
0 notes
Photo
viii // blackout poetry by kabalintunaan
original: we give in sometimes / udd
#playlist series#illustrans#inkstay#poetpardy#writerscreedchallenge#wlwocpoetrynet#24hoursopen#blotchedpoems#brokensoulsreborn#inkstainsandheartbeats#poetry#poeticstories#poetryportal#poetryriot#twcpoetry#kabalintunaan#blackout poetry#we give in sometimes#udd
137 notes
·
View notes
Quote
i once knew a girl who planted steel bullets on her chest—a rib cage shattered, all blood- soaked & corrupted lungs. they were hollow spaces she tried to fill / with copper & gunpowder, waited for them to grow into a garden of orchids but they never did. so she dug out these bullets & planted seeds of hope instead & out of the once hollow space / a fragile flower / a mimosa / s l o w l y blooms. she may not be as splendid as an orchid but is as darling as the morning / for it is a reminder of the first light / shining after the long & dark night.
kabalintunaan, writing prompt #52: write about starting over
#kabalintunaan#lit#quotes#writing#52#poem#words#prose#spilled ink#writers on tumblr#poets on tumblr#inspiration#poetry#thoughts#spilled thoughts#literature#wordsnquotes#wnq-writers#love#life#submission
1K notes
·
View notes
Audio
my body is a sacred land with glorious mountains bounded by great oceans & i can offer magnificent wonders, beauty beyond compare. but this temple is mine and mine alone. i need not your benevolent assimilation, nor your act of kindness—nothing but masks for your intention: to defile my dignity so you could call yourselves our saviours. but no, there is no such thing as peaceful invasion, your hands are drenched by the blood of my sons & daughters. you, the stars & spangles, & i pearl of the orient seas. -- kabalintunaan // perlas ng silanganan (via kabalintunaan)
25 notes
·
View notes
Note
Hello! Maraming salamat sa pagfollow, dear! Have a beautiful day!
Hello! of course, your blog is amazing!!! Have a great day as well :)
4 notes
·
View notes
Photo
#Pagsisiyasat Sa Gabing Ayaw Lumimot#Lav Diaz#Palabas#2012#Sakong#Kabalintunaan#An Investigation On The Night That Won’t Forget
3 notes
·
View notes
Text
welcome to our new members kaye @kabalintunaan and adaeze @quietada !
2 notes
·
View notes
Text
Ayaw kong hawakan ang kamay mo.
Ayaw kong maging taga- timbang ng saya o lungkot mo, lagi kang higit sa nararamdaman mo. Gusto ko maging dahilan ng mga ngiti mo, payak na instrumentong papawi sa luha mo dahil alam ng puso mo na 'di ko man hawak ang kamay mo, ako ang magsisilbing pahinga mo sa nakapapagod na mundo.
Ayaw kong hawakan ang kamay mo.
Ayaw kong makasanayan ang higpit ng kapit mo, higit ka sa mga pangako, salita at kilos na idinidikta sa atin ng mundo. Gusto ko maging malayang desisyon mo, pagpapasyang 'di lang dulot ng kaba o anumang sirkumstansya dahil batid ng puso mo na ang pag-ibig ay hindi ipinipilit, palaging may layang pumili, hindi ikinukubli.
Ayaw kong hawakan ang kamay mo.
Ayaw kong mag- isang maniwala sa inihahain ng mundo. Gusto ko maging tapang mo, 'di para sumugal kundi para harapin at panindigan ang ibinubulong ng damdamin, dahil hindi ko kailangan palaging maging higit, sapat na maging sapat at hindi inihahambing.
Ayaw kong hawakan ang kamay mo pero ikaw ang kabalintunaan ko. Ikaw ang ligaya at lungkot, minsang dahilan ng takot pero siya ring nagbibigay ng lakas ng loob. Ikaw ang pag- ibig na ayaw kong maging poot. Ayaw kong hawakan ang kamay mo, ayaw kong masalat lamang ang mga parte ng pagkatao mo dahil ang gusto ko ay maging bahagi nito kahit siguradong hindi sigurado.
3 notes
·
View notes
Text
Isang malaking kabalintunaan na sa kabila ng paulit-ulit na pagpapaalala sa atin na walang permanente sa mundo, hindi pa rin nating magawang maihanda ang sarili sa mga maaaring mangyari at di dapat mangyari.
#maulan #lunes #hulyoikalima #findmeonIg #kumustaSelf #Mondayblues #alsdosemoments #tulala #bakit #gising #pagod #ironic
7 notes
·
View notes
Text
For a character named “Maria Clara,” nothing about her is clear? ‘Di ba, ang ibig sabihin ng “Clara” ay clear, malinaw. Clear din, as in, naliwanagan. Enlightened.
Gayumpaman na “clear” ang ibig sabihin ng kaniyang ngalan... She’s clearly not written as transparently as possible.
And that’s what you call kabalintunaan!
#el noli: pagsusuri#el nolibusterismo#maria clara#Noli Me Tangere#rizal is fond of ironies#i love it haha
11 notes
·
View notes
Text
hindi na
Mag-iisang taon na akong mahigit labindalawang oras nakaupo maghapon. Nakapako na ang pwet ko sa kahoy na upuang kinuha ko mula sa dining table; mga kamay, sa mouse, keyboard, at mousepad na amoy kipay (hindi ko alam pano ilarawan pero basta dahil sa pawis). Kinilala nang reyalidad ng mga mata ko ang liwanag na nagmumula sa sa iskin na kaharap ko bawat araw. Ito ang “new normal” na buhay—walang gana, walang sigla, walang buhay.
Di ako masaya sa ganitong setup. Noong una ay excited pa ako. Mataas ang ekspektasyon ko sa bagong karanasan na maaaring dala ng “new normal” sa edukasyon. Syempre gumuho ang lahat ng ito—first quarter pa lang ng first sem ay nawalan na ako ng gana. Hindi ko alam kung anong nawala pero wala akong magawa. Tuwing titignan ko ang listahan ng mga dapat gawin, tila dito na nauubos ang motibasyon ko para magpatuloy. Alam ko ang mga gagawin, hindi ko lang talaga kayang magsimula.
Pero ang isa pang bagay na hindi ko maintindihan ay ang isang pagiging malaking kabalintunaan ng buong sitwasyon na ito. Sinasabi kong wala akong ginagawa kahit mayroon naman talaga, o may ginagawa ako kahit wala.
Tuwing sinasabing kong wala, ang ibig sabihin ko siguro ay wala akong magawa kaya’t inuubos ko ang brainpower ko sa pag-iiscroll at paglalagalag sa social media. Magpapalipat-lipat sa facebook, twitter, youtube at iba pang mga social media para makaramdam ng bagong sigla sa kung anumang content ang makonsumo. Minsan aabutin pa ng umaga sa pakikipagkwentuhan sa mga kauri kong wala rin daw ginagawa. Mag-uusap, magkukwento, magbabahagi, magtatawanan, magugutom at dadapuan ng antok kapag sumilip na ang liwanag sa bintana. Sa sobrang “walang magawa” ay inuumaga kahit may pasok pa sa loob ng ilang oras. Ganito pala magliwaliw sa pandemya.
Kapag sinasabi ko namang mayroon akong ginagawa, ang katotohanan ay wala ngunit sinusubukan kong magsimula. May ginagawa kahit ‘wala’ dahil…bahagi naman siguro ng paggawa ang pag-iisip at pagmumuni, ‘di ba? Hindi rin naman siguro kailangan na buong pag-iisip ko ay nakalaan sa mga kailangan kong gawin, ‘no? Pwede na rin siguro ‘yon kahit pinepeste ang pag-iisip ko ng kung anu-ano—laro, social media, pagkain, gala, kolehiyo—kahit ano, malihis man lang ang atensyon at makalaya panandalian sa hinagpis ng pagiging alipin sa harap ng kompyuter at pagiging tali sa upuang panghapag-kainan. Ewan, ibang klase na siguro talaga kapag ang gaya ko ay nagsimula nang mag-isip-isip tungkol sa pagkain at gala kahit na hindi ko hilig ang mga yan kahit bago pa magpandemya.
Di ko alam, basta mahirap kumilos. Ang hirap gumalaw. Ang hirap itutok ng mga mata sa gawaing gusto mo na lang mawala sa lista. Ang hirap pumindot ng mga letra at ng mga kung ano pa kung hindi ito para maglibang at magsaya. Wala lang talaga siguro akong motibasyon.
Pero sabi rin di mo kailangan ng motibasyon para makagawa ng mga bagay-bagay. Dapat daw ay simulan mo munang gawin ‘yung mga bagay-bagay para magkaroon ka ng motibasyon na ipagpatuloy ang mga ito. Bullshit. Kaya hindi ako naniniwala sa motibasyon, gawa-gawa lang yan ng ewan ko, illuminati, dilawan, o mga leftist, o kahit sino mang kaaway. Ang tunay na kailangan ng tao ay deadlines. Mapapakilos ka talaga kahit na stroke na kalahati ng utak mo at di na dinadaluyan ng kahit anong ideya.
Salamat sa deadlines at mabait na guro ay nakakapagsimula na akong magtapos ng mga gawain. Nakakaramdam na rin ako uli ng mga bagay-bagay. Ngalay na pwet at kubang likod sa matigas na bangko. Uhaw ng tuyot na labi at umay ng utak na blangko. Mapungay na mata at malalim na hikab kahit alas tres pa lang ng umaga. Mas mabuti na ‘to kaysa walang magbago. Salamat sa deadline at makakapagpasa na ‘ko. Salamat din kasi ‘di na ko manhid, hindi na gaano.
Hindi na rin sana ako maging late sa mga output next quarter, last na rin naman ‘yon. Sinabi ko na to noon, sana hindi na maulit ang kahinatnan.
1 note
·
View note