#Hindi rin lagi masaya
Explore tagged Tumblr posts
Text
so ayun, labas ko lang 'to. another work stuff rant.
dahil nai-stress nga ako sa mga katrabaho ko, mas nakaka drain makipag plastikan araw araw haha. nakaka pagod makisama. kaya recently, lunch time nalang talaga nila ako nakakausap. kahit work related conversations, hindi ako nakikisali. lalo pag nag tatanong sila about sa process, lagi kong pinapasa kay zha, since siya rin naman ang last call at mas susundin nila—kasi tl.
naiinis kasi ako pag nag tatanong sakin tas mag tatanong pa ulit kay zha, tapos same lang naman sa sinabi ko, parang hindi tuloy credible yung sagot ko. bitch na kung bitch pero kung duda ka sa process ko, bat ka pa saken mag tatanong diba. kaya sinasabihan ko sila pag hindi sila sure anong gagawin, kay zha or sa onshore nalang sila magtanong. lahat naman ng diskarte ko, sunod lang sa onshore e.
tas pag may bagong process, hindi pala shinishare agad nitong zha, nag aassume nalang siya na alam ko since sabay lang kami na almost 2 years na. though sa isang onshore team niya lang naman na may ibang diskarte rin tinatanong. wala man lang initiative na i-confirm kung tama ba yung ganito or ganung process bago i-relay dito sa team niya. gara din kasi paiba iba din ng process yung onshore teammates namin na parang hindi rin nag uusap usap dun. paano, may group chat pero panay pm kaya nag iiba iba tuloy ng diskarte.
nung one time tuloy, nagka error yung isang kateam namin, kasi yun daw ang sabi ng tl niyang si zha. haha. e pagkaka tanda ko, sinabi naman sa group chat yung tamang process nun, ewan ko saan nakuha ni zha na yun ang gawin nila. haha nagkakaron tuloy ng discrepancies. napa i told you so nalang tuloy ako, next time kako wag sakin mag tanong, tutal duda naman siya. haha. bitchesa amp. but in a good way and right tone. hehe
i dunno, nasanay kasi ako sa dati kong work na may sistema, so kapag may tinatrain ako, alam kong credible yung mga tinuturo kong process. iba man diskarte ko, mas may pride akong nakukuha na itong taong 'to natuto 'to sakin, macommend man siya, may part ako na masaya ako kasi ako nagturo sakanya. tulad nung last year, si jessa yung dating kateam namin, nacommend ng CEO namin nun kasi December bago pa siya tapos siya lang naiwan na nag duty, flawless daw yung work niya. sinabi niya magaling daw kasi yung nag turo sakanya. hehe. ako nag turo ng process nun kay jessa, hindi pa tl si zha.
ito yung mga panahon ako lagi ang ina-assign ng OM namin sa lahat. though hindi naman ako nag expect mapromote, it felt like personal nung si zha yung nirecommend niya at hindi ako. forever ko ata 'tong dadalhin kasi paulit ulit ko nalang 'to kinukwento. i know i'm capable of something, sometimes i just need that push. pero na push aside ako lol haha.
kaya nawalan talaga ako ng gana, nawalan ako ng motivation galingan. dati bida bida pa ko e haha. ngayon bahala kayo jan, basta ako gagawin ko kung ano lang task ko. sawa na nga kako ako sa ginagawa ko, nag iisip na nga ako pano makakawala sa client na 'to. it's either sadyain ko magkaron ng error or mag resign ako sa company mismo at mag reapply. walang magandang choice actually, kasi ayaw ko na naman umalis sa comfort zone ko na hindi naman comfort ang nabibigay saken. haha. but i know it will come. hindi palang talaga muna ngayon.
i'm just staying lowkey nalang doing the bare minimum. hehe.
20 notes
·
View notes
Text
Bumisita kanina yung boss ko sa store kanina kasi may inayos siya and may binalik narin. Dinala niya rin yung cash tips namin for december kaya masaya kaming lahat. Hahaha. Tapos bigla niyang sinabi, "Ali, I'm sorry. I thought we're gonna have another filipina that will work here." Ako naman sabi ko, okay lang. Parang dalawa kasi sila nagtraining, isang viet at isang pinay. Ang natanggap yung viet. Though feeling ko naman talaga matatanggap nga yun kasi yung pinay hindi masyado nag-excel sa training niya. Ok lang naman sakin na iba iba lahi na ka-work . Kaso yung ikaw lang yung naiiba? Ako lang pinay, tapos lahat sila viet. 😵💫 Parang nakaka-frustrate minsan. Out of place ako. Sila lagi nag-uusap, nagtatawanan. Minsan napapaisip kasi ako, "Ako ba pinag-uusapan? May nagawa ba ako?" Though gets ko naman na natural na mag-usap sila sa kanilang language. Pero minsan naman sinasali nila ako sa usapan kasi andun ako. Yun nga lang, kelangan nila i-translate sakin. Eh kaso medyo hirap sila mag-english, kaya parang nagui-guilty ako na pina-translate ko pa. Hehe. Kaya minsan di na lang ako nasali sa usapan nila minsan. Para akong si mark villar pag nasa work, tahimik lang haha So pag una sila nag-approach, saka ko sila kakausapin. Nauuna lang ako mag-approach pag may sasabihin akong work related. Kaya hirap din ako makipag-close sa kanila eh. 😐 Hayyy sana next work ko, ma-feel ko na belong ako. 🦧
7 notes
·
View notes
Text
LITERARY: Takipsilim
Trigger warning: Karahasan, dugo
Dalawa lang kami ng nanay ko sa bahay. Wala na si Papa, tapos si Mama naman ay night shift sa trabaho; pumapasok siya ng gabi, alas-siyete, at umuuwi ng madaling araw, alas-tres. Ako naman ay nag-aaral sa ikaanim na grado, at pumapasok ako mula alas-sais ng umaga hanggang alas-dos ng tanghali.
Laging gumigising nang maaga si Mama upang asikasuhin ako. Hatid-sundo niya rin ako sa paaralan. Ramdam ko ang pagod at hirap niya, ngunit sa kabila noon, patuloy pa rin niya akong inaalagaan. Kaya love na love at mataas ang respeto ko kay Mama, eh! Kasi kahit na alam kong pagod at hirap siya sa trabaho lalo na’t mag-isa lang siyang nagpapalaki sakin, hindi niya nakalimutang iparamdam ang aruga at pagmamahal niya sa akin.
Isang araw, pagkauwi ko mula sa eskwelahan ay agad akong lumabas sa aming bakuran upang maglaro ng bola. Nakatira kami sa probinsya kung saan magkakalayo ang mga bahay, at sa likod ng aming bahay ay isang kakahuyan. Habang naglalaro, nang sipain ko ang bola ay lumampas ito sa bakod ng aming bakuran at napunta sa kagubatan. Medyo nag-aalangan akong pumunta doon dahil nakakatakot doon lalo kapag gabi na dahil madilim. Kalaunan ay napagdesisyunan kong pumunta dahil may araw pa naman.
Habang naglalakad, nagulat ako nang may sumulpot sa likod ng malaking puno na batang babae na nakasuot ng pulang shirt at puting shorts. Sa tantiya ko ay kasing edad ko lang siya. Nakangiti niyang iniabot sa akin ang bola.
“Salamat ha! Ano nga pala ang pangalan mo?” tanong ko.
“Ako nga pala si Tanya. Ikaw ba?” tanong niya pabalik.
“Samantha, pero Sam na lang. Saan ka pala nakatira? Diyan lang banda ang bahay namin,” sambit ko, sabay turo sa bahay namin. “Gusto mo pumasok? Ipapakilala kita kay Mama. Pwede tayong maglaro!” nagagalak kong sabi.
“Ay, hindi na. ‘Di rin kasi ako pinapayagan lumampas dito, eh. Medyo malayo pa kasi yung bahay namin. Gusto mo bang maglaro muna tayo dito sa kagubatan?” pag-aaya niya.
Sandali akong nagdalawang-isip at tumingin muna sa bahay, iniisip kung papayag kaya si Mama, ngunit kalaunan ay napagdesisyunan ko rin na sumama. Ang ganda pala sa kakahuyan! Napakarami kong nakitang mga puno at halaman. Ngayon ko lang napahalagahan ito dahil hindi ako masyadong nagpupunta rito.
Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasang mamangha sa luntiang tanawin sa paligid. Ang dami palang alam ni Tanya tungkol sa iba’t ibang uri ng mga puno at halaman, at buong galak niyang ibinahagi sa akin ang mga kaalaman niya habang naglalakad kami. Pagkatapos noon ay tumakbo kami sa pagitan ng mga puno at naglaro ng tagu-taguan habang hinahabol ang isa’t isa. Tumakbo kami sa malalambot na damuhan; minsan ay napadausdos kami sa mga dahon na nakakalat sa lupa. May nakita kaming isang puno na may mababang sanga, kaya’t sinubukan naming akyatin ito para abutin ang maliliit na prutas na nakakabit dito. Ngunit agad akong nahulog dahil hindi naman ako marunong umakyat ng puno at unang beses ko itong sinubukan. Natawa naman si Tanya sa akin.
Nadaanan namin ang isang maliit na tulay na yari sa kahoy habang papalapit kami sa ilog. Masaya kaming nagtawanan habang sinusubukan naming tumawid nang hindi nawawala sa balanse at hindi natutumba. Pagdating namin sa ilog, namangha ako sa ganda nito. Hindi ko alam na may ganito palang kalinaw at kalinis na tubig dito! Sa sobrang saya, agad akong tumalon sa ilog at agad nanginig sa lamig ng tubig. Humagikgik si Tanya, saka tumalon din, at sabay kaming naglaro habang nagtatalsikan ng tubig.
Habang naglalaro at naliligo, nagkwentuhan kami tungkol sa aming mga buhay.
“Malayo-layo pa ang bahay namin, pero ayoko doon eh. Madalas mag-isa lang ako,” kwento ni Tanya, habang unti-unting mababakas ang kalungkutan sa kaniyang mukha. “Pero masaya pala ‘pag may kasama. Sana lagi tayong magkalaro, ha!” Biglang sumaya ang kaniyang tono at lumiwanag ang mukha niya.
“Asan na pala ang mama at papa mo? Yung papa ko maagang nawala eh, bata pa lang ako. Kaya kami lang dalawa ni Mama sa bahay. Ikaw ba?” curious na tanong ko sa kaniya.
“Wala na eh. Tapos, nag-iisang anak lang ako.” Muli na namang bumalik ang malungkot na ekspresyon sa mukha niya.
Hindi na ako nagtanong pa dahil mukhang sensitibo ang paksa para sa kaniya. Naglaro na lang kami hanggang nagpasya na akong magpaalam at umuwi ng bahay dahil dumidilim na. Hanggang alas-singko lang kasi ako pinapayagang lumabas ni Mama. Pagkauwi ko, dali-dali akong naligo at nagpalit ng damit, at saka ay buong galak na ikinuwento sa aking ina ang nangyari.
“Maganda ‘yan, anak, at may nakakalaro ka na maliban sa mga nasa iskul,” masayang sabi niya. Malayo kasi ang eskwelahan ko sa bahay at wala rin akong mga kaklase na nakatira malapit sa amin. Wala rin ako masyadong mga kaedaran sa mga kapitbahay namin, kaya’t tanging sa eskwelahan lang ako nakakalaro kasama ang ibang mga bata.
“Pero hindi ba pwedeng sa bahay na lang kayo maglaro? Para mas ligtas at nakikita ko kayo?” tanong niya.
“Hindi pwede, Mama. Malayo pa raw ho kasi masyado yung bahay niya. Tapos hindi raw siya pinapayagan lumampas sa kagubatan. Tsaka, maganda naman po sa kagubatan! Unti-unti na akong natututo kung paano umakyat ng puno,” sagot ko nang natatawa.
Matapos ang ilang segundong katahimikan, nag-aalangang pumayag si Mama, ngunit may kondisyon. “Basta tandaan mo, anak, ha, ‘wag kang magpapagabi. Dapat nandito ka na bago ako umalis ng bahay papuntang trabaho. Pagkaalis ko, ‘wag kalimutang i-lock ang gate at isara ang mga bintana. Alam mo naman…��
Napailing naman ako dahil binabanggit niya na naman ang kwentong paulit-ulit niyang sinasabi.
“May dumudukot at pumapatay ng mga batang pagala-gala sa labas tuwing gabi. Kung kaya’t mag-iingat ka at huwag lalabas ng gabi. Naaalala mo ba ang mga sabi-sabing may pinatay daw dati dito?”
“Opo, Mama,” tugon ko, natatawa sa isipan dahil alam kong pananakot niya lang ito. ‘Sus, akala niya naman na maniniwala ako agad-agad dahil bata ako.
“Marami ring mga mumu. Malay mo, mumu nga o masamang espiritu yung pumapatay ng mga bata. ‘Yang mga ‘yan, lumalakas at lumalabas sila sa lungga nila tuwing gabi, mula alas-sais. Tandaan mo, hindi lang tayong mga tao ang naninirahan dito,” pananakot niya pa, at tumango-tango na lang ako bilang tugon.
Sa mga sumunod na araw, lagi kaming naglalaro ng bago kong kaibigan. May mga pagkakataon na naliligo rin kami sa ilog. Tuwang-tuwa ako dahil gumagaling na ako sa pag-akyat ng puno at kaya ko nang abutin ang mga prutas!
"Uy, bakit pulang shirt at puting shorts lagi mong suot? Favorite mo ba yan?" pang-aasar kong tanong sa kanya. Totoo, napapaisip talaga ako sa suot niyang iyon—parang kahit kailan kami maglaro, 'yun lang lagi ang kanyang damit.
“Kahit nababasa tayo sa ilog, yan pa rin lagi ang suot mo,” dagdag ko, natatawa.
Napahinto siya sandali at kamot-ulo lang na tumingin sa lupa. "Ah ano kasi eh… mahalaga kasi sa akin ‘tong damit na 'to," sagot niya, parang may iniisip na malalim. Ilang saglit pa, bigla niya akong hinila sa braso at napasigaw na lang, "Tara, habulan tayo!" Hindi ko na natanong pa ang tungkol sa kanyang suot at sinabayan ko na lang siya sa pagtakbo at nakipaglaro.
“Lagi tayong maglalalaro, ha? Dapat lagi tayong magkasama,” sambit sa akin ni Tanya. Nakangiti naman akong tumango sa kaniya at patuloy kaming naglaro.
Puno man ng kaligayahan, kahit kailan, hindi ko nakaligtaang umuwi ng bahay bago sumapit ang dilim. Hindi ko balak na suwayin ang aking ina.
Isang gabi, matapos kong maglaro, umuwi ng bahay, at i-lock ang pinto pagkatapos umalis ni Mama, may biglang kumatok sa pinto. Nagulat ako nang buksan ko ito, at bumungad si Tanya, nakangiti sa akin at may hawak na lampara.
“Umuwi na sina Mama at Papa! Tara, ipapakilala kita sa kanila. Punta tayo sa bahay namin,” sabi niya, sabay hila sa aking braso.
“Teka, teka. Hindi ako pwedeng lumabas nang gabi. Hindi ba pwedeng bukas ng umaga na lang, tutal Sabado naman bukas at walang pasok? Isasama ko rin si Mama,” pagtutol ko, sabay pagbawi sa braso ko.
“Aalis na sila sa umaga. Ngayon lang sila nandito. Sumama ka na, please, minsan lang naman,” pagpupumilit niya. Ayaw ko talaga, pero kalaunan ay pumayag na rin ako kasi mapilit talaga si Tanya. Gusto ko rin naman siyang pagbigyan kasi kaibigan ko siya, kaso may parte sa akin na nagsisisi dahil sinuway ko si Mama.
“Minsan lang naman ito. For sure, maiintindihan naman ni Mama,” sabi ko sa aking sarili.
Agad kaming nagtungo sa kagubatan. Sobrang dilim, at tanging ang ilaw lang mula sa lampara ang nagbibigay-liwanag sa aming daanan.
“Malapit na ba?” tanong ko, dahil unti-unti na akong nababalot ng takot. Humarap siya sa akin nang hindi nawawala ang ngiti. “Oo, konting tiis na lang.”
Laking gulat ko nang pagdating namin doon, hukay ang nadatnan ko.
“Nasaan ang bahay ninyo? Akala ko ba ipapakilala mo ako sa nanay at tatay mo?”
“Ito na yung bahay namin. Ang lungkot, diba? Lagi lang akong mag-isa at walang kasama. Pwede mo ba akong samahan dito?”
Tumataas na ang balahibo ko at nanginginig ang aking katawan dulot ng pinaghalong lamig ng gabi at takot na nararamdaman. Nakita ko sa gilid nito ang punit-punit na pulang shirt at puting shorts na may bakas ng tuyong dugo. Ngayon, paunti-unting pumapasok sa aking isip at napagtatanto ang sagot sa tanong ko sa kaniya noon na hindi niya tuwirang sinagot at iniwasan lamang.
Lumingon ako sa likod at nakita kong wala na siya roon. Natatarantang lumingon ulit ako sa harap at nagulat nang makita siya roon, ngayon ay duguan at kahindik-hindik ang itsura. Kahit pa man ganoon, hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang labi.
“Nangako tayong lagi tayong magkasama, ‘di ba, Sam? Samahan mo na ako rito magpakailanman!”
Nanginginig man ang aking tuhod, dali-dali akong tumakbo pauwi, ngunit bigla akong hinarang ng isang lalaking nakaitim na may dalang balisong. Ngunit may kakaiba sa kaniyang itsura, parang hindi siya tao—wala siyang mata at itim na hukay lamang ang makikita dito. Liban doon ay kulay itim ang kaniyang katawan na tila ba sumasanib sa anino ng gabi.
“Anong ginagawa mo rito, bata? Dapat ay nasa bahay ka kapag ganito na ang gabi,” sabi niya, malamig at malalim ang boses na nagdadala ng takot sa damdamin. “Nasa teritoryo ka namin. At dahil diyan, hindi ka na makakaalis!”
Sinubukan kong tumakbo ngunit niyakap ako ni Tanya mula sa likod habang nararamdaman ko ang sakit ng tila punyal na tumusok sa aking tagiliran. Nalulunod na ako sa aking dugo, dahan-dahang dumilim ang aking paligid, at naririnig ko na lamang ang masayang tawa ni Tanya at ang mga bulong ng mama ko sa aking isip: “Hindi lang tayong mga tao ang nakatira dito.”
3 notes
·
View notes
Text
For so long i've felt like i've been chasing after everything and everyone while struggling to breathe and it has come to a point wherein i feel like i'm out of air. No matter how i distance myself from everything and everyone i still find myself running twice as hard and it's even more exhausting. I'm tired of proving myself to myself. I do care about what other people think about me, but most importantly, i care about what i think of myself. Right now, i see myself and i look so small. I wanna be better but im tired of trying to be better. Most times, i feel like i will never be content of who i am.
Baka it's just the time of the month pero siguro nakakapressure lang rin talaga mga nakikita ko sa social media. Most of my friends are reviewing for the upcoming blepp tas ako parang wala man lang plano, ni hindi pa nga ako nakakakuha ng tor ko. Natotoxican na rin talaga ako sa ganitong takbo ng utak ko at alam ko naman na masama talaga mag-compare pero nakakaaning at guilty talaga madalas. Puro ganito na lang ata entry ko dito, nakakapagod na lang rin.
Feeling ko lang rin kasi talaga ang laki nung guilt at fear ko na dumating yung araw na marealize ko na mas masaya ako outside the field i studied. Parang all my hard work will just go down the drain in a snap tapos wala man lang akong napala dun. Wala lang. Ang hirap lang talaga magplano ng future na hindi mo nakikita na mararating mo. Sobrang pessimistic lang din siguro ng outlook ko sa buhay kaya ako ganito at lagi rin akong tinatamaan ng inferiority complex kaya okay na ako sa stagnancy (??) at slump kung yun man ang tawag sa estado ko ngayon. Hahahaha. Super lumaki rin sa competitive environment kaya pagtanda eh ayaw na ng kompetisyon at ng pressure. Hahahaha.
Kailan kaya ako hindi matatakot? Kailan kaya ako magiging ready? Alam ko naman na life is not a race pero syempre gusto ko rin naman kahit makalampas man lang sa starting line pero wala rin talaga akong energy tumakbo atsaka pano kung madapa lang ako?
Next month na lang uli ako magpopost ng ganito para di naman halata na araw-araw ko siyang iniisip. Charot.
8 notes
·
View notes
Text
Long Essay
Sabi ng pinsan ko (29M) sometime last year sa isang family gathering, huwag daw muna akong mag-anak. Ang point nya ay napakahirap palang mag-anak. Sabi ng asawa nya, dapat sa 'kin mo sinabi 'yan dati! Tapos nagtawanan.
Recently, tinanong ko 'yung kaklase ko noong elementary (26F) na conventionally successful nang tao (may bahay, nakapagpatapos ng kapatid, may kotse... at sa US nakatira at nagwowork) kung susundan na ba niya 'yung anak niya para isang hirap na lang sa pagpapalaki. Sabi niya, ang hirap daw pala talaga, at saka nag-resign siya sa work, at baka umuwi dito, para magpatulong mag-alaga ng anak. Okay na raw 'yung isa, tama na raw.
Ang age gap namin ng mga kapatid ko ay 7 at 15 years, which meant na habang lumalaki ako, laging may baby sa bahay. Sa isang kwarto lang kami lahat nags-stay para makatipid sa kuryente (at wala rin namang masyadong kwarto talaga), kaya sa hatinggabi o pag may umiiyak, gising din ako. I felt na my life was easier compared sa mga kaklase ko noong elementary na parang pangalawang nanay na talaga, and can run the household (in terms of chores) by themselves.
Still, I didn't really hate children and thought na the "normal" way of life is to find a partner and have children. My parents married young and had me right after college, and I thought I'd be settled down at an early age, too. I had a boyfriend late in high school who copied the courses and colleges I applied to, and eventually enrolled in the same course with me. After a few months of college though, he said, ayaw na niya, and made every effort to avoid me throughout four years of university life.
I felt that relationships were so unpredictable and caused unnecessary stress, so I didn't enter a new one until college ended. My early 20s was a prime time and there were a number of people who showed interest in me, and during med school I had two relationships which didn't work out for various reasons. But that last relationship, at 23 years old, "woke" me up from thinking that I have to be partnered and eventually have kids. That was when I really realized that it's not a requirement in life.
Discovering childfree groups later on made me even happier, because it made me feel accepted and normal. I didn't experience pregnancy and childbirth myself, pero growing alongside my mom opened my eyes to the reality of taking care of a child. My mom says things like masaya pag may bata sa bahay, and now I hear the same sentiment from high school friends whose siblings have had children by now, but I can't correlate it with their behavior.
I mean, the way my mom says things like gusto mo pa akong pasigawin lagi, umagang-umaga nagpapaluan pa tayo, wala kang ginawa kundi manood! and more, and her irritable mood make me wonder nasaan 'yung masaya. I also know that she wanted to work and do other things like travel, but will use us as an excuse na walang kasama 'yung kapatid ko, walang mag-aasikaso, etc. and the youngest is always the priority. Hindi pwedeng umalis, or kahit umalis, kailangang umuwi agad, kasi walang mag-aasikaso o walang kasama 'yung batang kapatid.
Aside from a coworker who is very vocal about being childfree, I don't really know any other male who's on the same ship. In contrast, I have at least 5 girl friends who don't want children. Even a coworker of mine who recently got married at age 41 plans on having children still, so I don't really know if I and the people I know will remain childfree, but the point of this essay is that:
You don't need to have children to know how difficult it is to raise them.
I don't see the need for it, I don't see the appeal of having kids.
I'm glad that there are more visible childfree communities out there.
I don't know why parents have to defend* the status quo by saying things like, you can have children AND travel or go out on weekends, you can have children AND excel at your job, you can have children AND still save money.
*Joyce Pring comes to mind. May sinabi siya na women have been lied to, or something. From my perspective though, there are more parents than non-parent adults, so it's not like people are keeping it a secret that raising a family is difficult.
This is anecdotal, but my female coworkers are the ones taking sick leaves and emergency leaves when something's wrong with one or all of their children. One has educational stuff on her work laptop (apparently, she doesn't have any other device) for her child's projects and whatnot. The burden falls on moms to still take care of the household and children even when the mom has a full-time job. So, it's not like we've been lied to or anything, we just want to opt out of those things.
To be fair, a colleague said that for her and her spouse, a child will eventually grow up, as opposed to a pet that will be dependent on you for food and shelter for as long as it's with you. But unless you had your kids young (a lot of people tell my parents, buti ka pa, may doktor na), you will probably be already retired when your child's old enough to be independent.
7 notes
·
View notes
Text
pinakinggan ko ulit yung mga songs ng CHNDTR, grabe no sa bawat kanta talaga may maiaassociate ka na pangyayari o tao. ang naalala ko talaga sa mga songs nila ay yung taong nakilala ko last year, ang masasabi kong nakapag pa okay sakin.
ang weird lang din pano kami nagkakilala pero sobrang labo ng chance talaga na magkakilala kami. ang bilis ng pangyayari, napasaya nya ako, di ko namamalayan na nakangiti nalang ako habang kausap sya, yung inuumaga kami magkausap. sobrang sweet din. sakanya ko naramdaman lahat ng mga gusto kong maramdaman sa ex ko. nanibago ako. hindi ko na kelangan mag first move sa lahat, kasi sya ang gumagawa. inaalam nya lahat ng mga gusto ko, tapos gusto nya lagi magpadala, tumatanggi lang ako kasi di ako sanay lol. nagkita na din kami ng dalawang beses, sobrang nagkasundo din kami talaga agad.
ramdam ko din naman na gusto ko sya. we have plans na nga manood ng gig ng chntr kasi may mga kanta don na kinakanta ko sakanya. saktong sakto din kasi yung lyrics. ayoko sya dalhin dun sa gig ng paborito kong banda talaga kasi syempre respeto nalang din sa ex ko kahit wala naman sya pake that time and may usapan din kasi kami.
umamin sya sakin. so ako nagpanic. kasi hindi naman pa ako ready pumasok sa isang relasyon kasi nga kaka okay ko lang, gusto ko muna magheal ng todo todo. gusto ko naman talaga na. willing na din ako mageffort sakanya. kaso pinangunahan talaga ako ng takot magmahal ulit, baka maulit lang. kaya ang ginawa ko, nagpakared flag ako. kahit hindi naman ako ganon. sinasadya ko na na di sya replyan, yung tipong magchat sya ng good morning sa gabi na ako magreply. tinitiis ko talaga. kunwari din may mga nagchachat din sakin. hanggang sa nag aaway na kami.
medyo lumalabo na talaga kami, hindi ko gusto pero siguro mas okay na rin nangyari yon and that time nagpapakasweet na din kasi sakin yung ex ko nyan, kaya din siguro mas ginusto ko nalang din na matapos yung samin.
hindi ko din naman pinagsisisihan yung desisyon ko na yun, hindi din pa talaga ako ready that time tapos isa pa sa factor ay wala akong pera that time, mahirap yun. once in a while naman nakakapag usap kami, kamustahan pero hanggang don nalang. masaya naman ako para sakanya kasi may jowa naman sya.
pinadalhan ko nga sya ng handwritten letter sinabi ko lang dun kung gano ko sya naappreciate and how sorry i am sa nangyari. inexplain ko lang din lahat. goods naman kami. naintindihan naman nya ako. pero sana daw di nalang ako nagpakaredflag kasi alam nyang mabuti akong tao.
5 notes
·
View notes
Text
🗓️ February 24-25, 2024
📍 Angeles City, Pampanga
👭 Ang Dalawang Misis Ann/e
I'm having a blast with dalawang misis Ann/e again and it's just an unforgettable one. Since hindi ko sila nakatabi matulog nung sleepover kuno last time sa previous post ko, ngayon naman sulit. As post birthday and anniversary celebration nila ni Ann, may kaunting handaan at dun nya na ako pinatuloy sa kanila after ng shift ko.
I really just love these ghorls and blessed enough to have them! Alam mo yung parang ang tagal na naming magkakilala. Pero totoo nga yung sabi nila na wala talaga sa tagal ng friendship yan.
Super lagi ko tinitignan pictures na 'to kasi ang cute lang; and yes, nagbaon talaga kami ni Anne ng pang pajama party/Netflix and chill hahahahaha
To match with our pajamas, I bought socks for us. Flexing my hairy binti as well coz I haven't shave for month, will do it within this week. Haha!
Overflowing happiness since hindi lang kaming tatlo sa kama kundi pati mga fur babies ni Ann. Sobrang sweet nila at talagang tatabi samin para matulog, yakap yakap na parang unan.
This is me and Chichi. Sobrang sweet nya dahil pag nakaupo ako, laging kakalabit sakin dahil magpapakarga. Nung sinabi ni Ann na free life nalang daw pala ni Chichi to dahil 13 yrs old na sya, naiyak ako, di ako prepared marinig yun at di rin ako ready kung mangyari na. Daig ko pa may ari sa pagiging emotional nung time na yun.
Well, I really wanted to have a pet. Nagka trauma trauma lang talaga dahil nakagat ako ng aso nung grade 4 ako tapos nakagat naman ng pusa last 2023. But I really really love them. Kapag may own space na talaga ako na pwede pets, I'll try my best to be a fur mom.
Napaka inspiring naman talaga ng gift ni Anne sakin. Kaya ito daw pinili nya para sakin dahil may meaning hahahaha. Nakakatuwa lang na kaming tatlo may kanya kanya palang thoughtful gift to each other. Tapos si Ann naman, pinagtabi nya pala ako ng strawberry dahil galing sila Baguio last time and ginawa nalang din naming strawberry shake kahapon.
We helped Ann to prepare, doing the dishes, and cook para sa konteng handaan. Nakakapagod na hindi mo ramdam dahil at the same time masaya kayo together. Hayyyy more moments like these pa po.
Lastly, na-meet namin si Andrea with his bf kanina which is bagong member sa group nila at nagbibiruan kami na may dadagdag na naman na "Ann" Hahahaha. I'm looking forward to know her more at para maka bonding rin. Kapag nag post ako soon ng "with tatlong misis ann/e" yun na yun. Hahaha
Dayoff well spent. Good night.
10 notes
·
View notes
Text
Life update (year 2023)
Disyembre 7: (no longer believe in love)
Nawala yung taong pinakamahalaga sa akin, taong nand'yan palagi, taong I can rely on everything, taong kaya kong maging confident at comfortable kapag kasama ko, taong lagi akong sinasabihan na mahal niya ako, taong hindi ako kinakabahan sa tuwing kasama ko siya, taong mahal na mahal o minahal ko nang buo at tunay, taong nagpaniwala na totoo 'yong pag-ibig kailangan mo lang maniwala o magtiwala at higit sa lahat taong nagpaniwala rin na kahit mahal mo 'yong tao kailangan mo pa ring pakawalan dahil siguro iyon 'yong magandang desisyon para sa inyo. To tell you the truth, sa ngayon kaya ko na o nasasanay na akong wala ka, pero iba pa rin pakiramdam buhat noong naghiwalay tayo. Siguro hindi ko pa alam kung anong 'sense' bakit kita nakilala at kalauna'y naghiwalay rin, hindi ngayon pero sa hinaharap babalikan ko 'to at matutuklasan ko kung bakit. Sana, nasa maayos kang kalagayan, huwag ka nang ma-guilty. I'm no longer hoping for both of us. I'm okay at definitely makakabangon din sa dakok na ito! Thank you for leaving and setting me free. Malaman ko lang na masaya ka, masaya na rin ako! :)
Disyembre 17-21: Baguio (City of Pines)
Sa mga araw na 'yan nasa baguio ang ilang mga guro, sa totoo lang napakagandang manirahan sa baguio; malamig ang klima, mabilis kumilos ang lahat at higit sa lahat magaganda ang tanawin, nakaka-relax at nakakaengganyong mabuhay, sana lang talaga mayroon pa akong pagkakataon na bumisita muli roon na hindi na dahil sa trabaho. Nga pala, isa ako sa napiling 'writer' kuno para sa MATATAG CURRICULUM, gumawa at bumuo kami ng iba't ibang activities para sa anim (6) na booklets. Sa totoo lang? Hindi ko alam bakit ako isa sa mga napili kasi iniisip ko, bago lang ako at walang gaanong karanasan bilang isang manunulat at kung iisipin napakaseryoso ng trabaho na 'yon, pero naisip ko na lang kailangan kong gawin ang trabaho ko dahil binabayaran ako ng gobyerno at higit sa lahat para rin 'to sa mga bata, at aminin ko man sa hindi eh, pangarap ko rin talagang maging isang manunulat at malimbag ang pangalan kong nakaimprenta sa isang libro, siguro stepping stone na rin 'to no? Na tuparin pa ang iba ko pang pangarap sa buhay. Sa tulong ng Diyos, nairaos ko naman 'yong sa baguio, nagawa ko naman nang tama at maayos trabaho ko kaso nakaka-pressure lang din talaga kasi magagaling mga kasamahan kong guro, sana makatrabaho ko muli sila (Bb. Dar at Bb. Karen).
...So, sa apat (4) na araw na na namalagi kami sa baguio, nakatulong din siguro sa akin iyon na hindi ka muna maisip, naging abala rin kasi ako sa paggawa o pag-iisip ng iba't ibang estratehiya na epektibo at angkop na aktibidad para sa ikawalong baitang dahil ayokong mapag-iwanan, pabigat at maging caused of delay ng departamento namin, mabuti na lang talaga at naging productive ang paggawa ko sa baguio kahit pa napakahirap makasagap ng internet sa lugar na 'yon, na-challenge kami bagamat minadali eh maganda pa rin naman ang kinalabasan, magiging mapagpasalamat ka na lang talaga eh dahil umayon pa rin sa amin ang oras at panahon. Ngunit, pag-uwi ko sa bangkal, kumaripas na naman ang mga luha ko sa pisngi, 'yong lungkot na kinimkim ko sa loob-loob ko buhat ng apat na araw na nasa ibang lugar ako. Tahimik na hikbing pagluha dahil may kasama akong ibang naninirahan sa inuupahan ko ngayon, ito 'yong iyak na buhat nang kalungkutan at pighati dahil siguro miss na miss na kitang kwentuhan sa mga nagdaang pangyayari sa buhay ko, dahil ikaw lang naman 'yong taong lubos akong kilala, masaya man o malungkot ako. Mariin kong pinunasan 'yong mga luhang ayaw magpaawat sa pagbagsak, naisip ko nga na baka ako na lang iyong nakakaramdam ng sakit na ito na baka nga siguro okay ka na samantalang ako ay nagmumukhang tangang nagluluksa sa pagkawala mo. Hayaan mo, darating ang panahon na makalilimot at maghihilom din ako sa sakit na naranasanan ko buhat nang matamis at mapait na pagmamahal mo. Nais kong dumaan sa tamang proseso nang paghilom, tipong salat, latak at ubos na itong nararamdaman ko sa iyo hanggang sa mamanhid at hindi ko na naiisip ang pangalan mo, araw ng kapanganakan mo, paborito mong kulay o ulam, paraan mo ng pag-iyak, pagtawa o pagngiti o mismong pagkatao mo. Pero, hindi na para bumalik sa iyo upang masaktan muli, hinahangad ko pa rin ang tunay mong kaligayahan at tagumpay mo sa buhay :))
Disyembre 21-22:
Kahapon umuwi ako ng taytay kasi baka masiraan lang ako nang bait kapag nagpatuloy pa rin akong mag-stay sa bangkal, baka hindi ko kayanin at umiyak lang ako maghapon. Mas maigi na rin na nandirito ako para kasama ko ang pamilya ko hanggang magbagong taon. Ano bang mga ginawa ko? Lately, madalas na akong manood ng movies/series. Hmmm, natapos ko 'yong 'Don't Buy the Seller, Elemental' at sa ngayon pinapanood ko 'yong 'You' na pinagbibidahan ni Penn Badgley, grabe sobrang must watch ito, sobra akong hooked, invested at interested sa storyline ng series na ito, sana nga lang matapos ko hanggang Season 4 dahil gusto ko 'yong mga ganitong klase ng palabas.
7:02PM
Nalalapit na ang pasko, kaya ko siguro rin nasabi dahil tatlong araw na lang pasko na, malamig ang simoy ng hangin, marami nang nagtitinda ng prutas, laruan o mga panregalo sa talipapa, may mga palamuti ng nakasabit ang bawat bahay rito at higit sa lahat ito na ang panahon na makikita't maririnig mong nagsisipag-awitan o nangangaroling ang mga bawat bata sa bahay-bahay, ika nga nila namamasko sila at nais makatanggap ng aginaldo dahil nagbibigay nang ngiti at kasiyahan sa kanila, sana nga no? Madama ko rin 'yong sayang totoo at hindi lang hanggang umpisa, iyong hindi lang seasonal at pansamantala, 'yong ligayang panghabambuhay, hindi man lagi pero alam kong mananatili. :))
Patiently claiming and manifesting..
AKO naman at KAMI naman sa 2024!
Maligayang pasko pa rin para sa lahat!
8 notes
·
View notes
Text
Magkatabi Ngunit Hindi Itinadhana
Ang taray tingnan ng babaeng ito.
Akala ko ako lang ang nakatingin. Hindi pala. Meron pa. Isa. Ngunit hindi niya alam kung bakit ang mga mata niya'y dumadako sa iyo pero kahit ganoon hindi ko lang napigilan ang sarili kong magkagusto sa isang babaeng mahilig sa libro, tahimik, masyadong malihim at mataray ang mukha. Nahihiwagaan ako kagaya ng kaibigan ko at pareho ngang nagagandahan. Kahit pa sabihing maraming magaganda sa mga mata ko. Bukod-tangi ang ganda mong natural at hindi pilit at noong nakita ko mga ngiti mo kasama ang babaeng gusto rin ng isa ko pang kaibigan, alam mo ba kung ano ang naisip ko? Kung puwede lang.
Sinuwerte yata ako sa sumunod na taon dahil magkatabi tayo. Nasisilayan ko mukha mo sa malapitan kahit sa isang subject lamang at lagi ka pang nagtataray. Puro ako kalokohan, oo at hindi yata nakakahinga nang matiwasay kapag wala akong tsismis na nasagap. Mukha man akong gago, madaldal at makulit ang lahi sa iba, inoobserba ko ang paligid ko. At masyado akong pakialamero. Kaya noong nabasa ko ang mga liham mo para sa kaibigan ko. Ngumingiti lang ako pero unti-unti na naglaho iyong kapiranggot sana na pag-asa.
Bakit hindi ko sinubukan? Bakit natatakot akong tawirin ang pagkakaibigang inialay mo nang hindi mo namamalayan? Dyahe, naunahan mo ako at hanggang magkaibigan lamang tayo. Sa bata kong puso noon, tinawanan ko na lang ang sarili ko. Para akong baliw sa kakatawa pagkatapos kong madiskubre ang lihim mong matagal mo na palang tinatago. Tawang kahit papaano'y nasaktan. Bakit ba magkatabi tayo ha? Kahit pa nalaman ko na ang katotohanan, alam ko pa rin sa sarili ko na hanggang doon lang ang meron sa ating dalawa. Di ko alam kung natibag ko ba ang harang mo sa mga tao pero kontento ako na natatawa ka na lang sa kakornihan ko. Kahit mukha na akong ewan at payaso na sa paningin mo basta lang masilayan ko paulit-ulit ang mga ngiti mong ipinagkakait mo sa mga taong hindi malapit sa puso mo.
Ako ba? Malapit ba? Kahit paano ba ngingiti ka kapag nagkita tayo ulit? Ngunit hindi. Naningkit lang ang mga mata mo at alam ko na sa kabila ng ngiti ko, may ideya na ako kung bakit gusto mo na lang magtago na parang kuhol. Andoon na sa nailathala na libro ang kuwentong parte ng iyong sikreto - ng iyong mga liham. Paglipas ng taon, siguro dahil bata pa ako at hindi lahat sineseryuso, masaya ako para sa iyo at sa kaibigan kong magulo din ang utak pati ang puso. Ang suwerte ng gago eh mas matino naman ako doon at mas magandang lalaki. Pero alam kong isa lang akong pusit sa paningin mo at hindi lang naman ako ang pusit sa paningin mo. Siya. Na nasa mga liham. Dati, ganoon din siya lalo na kapag ayaw mo sa pinaggagawa ng kaibigan ko.
Gusto kong magpasalamat na sa kabila ng maikling panahon na magkatabi tayo, hindi na ako iba sa iyo. Hinayaan mo akong makapasok sandali sa mundo mo. Masayang-masaya ako na makita kang kasama ang matalik kong kaibigan. Masaya akong hinayaan kita noon at hindi ko na tinuloy ang balak ko na nasa isip ko lang.
Ang panahon nga naman. Parang kailan lang, para akong ewan na magkatabi tayo noon. Ngayon, umabot na tayo sa puntong sinisingkitan mo ako ng mga mata mo kapag pinagbibigyan ko ang prinsesa ninyo ng kaibigan ko. Mana sa 'yo eh. Nagmana nga lang ang kakulitan ng sira-ulo kong kaibigan.
Wala kang alam. Wala kang kamalay-malay na nagkagusto ako sa iyo noon. Hanggang sa ibinulgar ko na ang sarili ko sa engagement ninyong dalawa. Gusto ko lang ihayag ang kinikimkim ko na dati at tama ang desisyon ko dahil maluwag na sa pakiramdam.
Magkatabi ngunit hindi magkatadhana. Pero magkaibigan hanggang sa may mga anak na. Binibiro lang yata tayo ng panahon.
Mataray ka pa rin ngunit maganda.
Pero hindi na ikaw ang pinakamaganda sa paningin ko.
Seatmate.
2 notes
·
View notes
Text
🩵
Maging masaya at kuntento sa buhay yon talaga ang kapayapaan, dami naging ganap ng 2023 para sa akin roller coaster pa rin talaga 🤣😅 pero lahat naman nga ng problema na natatanggap ko ay na sosolusyunan thank God 🙏🏻, mindset ko na talaga yung hindi ka naman magbibigay ng pagsubok sa akin kung di ko kaya, kaya dapat kayanin, lovelife na lang talaga problema ko eh haha 🤣🤣bat di nyo po ako bigyan, pero kung di ko talaga deserve mag ka lovelife sige ok lang po basta alam nyo naman na yung lagi ko din dinadasal sa inyo basta salamat po God sa lahat lahat ready na for 2024.
Dec. 11, 2023 04:03 pm
13 notes
·
View notes
Text
my weekend in bullets | september 14/15
went to legazpi yesterday, dumaan muna ako ng simbahan bago dumeretcho ng sm. nang gate crash pa nga ng misa sa patay haha kaloka. tawang tawa talaga ko after nung kinwento ko kay J. haha.
been wanting to drop by the church kasi simula nung napanaginipan ko si mommy. kaso wala akong time tuwing weekdays, nung last weekend naman kasi hindi naman ako lumabas ng bahay. so naisipan ko sumaglit sa simbahan para ipag tirik ko siya ng kandila.
dumaan din ako sa yashano para bumili ng mask, di kasi ako nakapag dala pag alis ng bahay—nalimutan ko. nag tingin narin ako ng coffee tumbler kasi nawawala yung tumbler ko sa office, kaso ang mamahal ang plano ko lang kasi talagang gastusin para sa nails ko.
nag tingin din ako ng baunan na may divider sana kaso hindi ko bet yung mga design dun tsaka masyadong malalaki yung iba. inisip ko nga kung yung dalawang container nalang para hiwalay yung ulam at kanin kaso kakailanganin ko rin ng lunch bag.
bukod sa mask, nakabili rin ako ng tote bag (na naman haha) 77 pesos lang. ayos rin nga mamili dun sa yashano kasi ang mumura, tsaka halos lahat ng makikita mo sa shopee, mayroon dun.
magkatapat lang yung yashano at sm, kaya after doon nagpa nails nako sa sm. magpapa removal, cleaning at footspa lang sana ako kaso yung dalawang nail thumb ko may crack na, kaya pina gel ko nalang ulit para hindi matuluyan. hindi na muna ako nagpa footspa since hindi na sasakto sa binudget ko.
dumating si J habang naglalagay na ng gel. pagkatapos kumain kami sa chowking nag crave kasi ako sa chaofan at siomai. pinapili ko siya kung chowking o inasal at since hindi pa naman kami nakakaen ng magkasama sa chowking dito, dun nalang kami kumain. para medyo tipid din since pareho kaming hindi pa naman naka sahod.
kinuwento ko kay J yung mga recent ganaps ko office. as usual, sinermonan niya na naman ako kasi lagi akong affected. pero may point naman, the fact na ayaw niya sa mga kawork ko e kakampi ko parin siya haha. hayaan ko nalang daw at hindi ko naman makocontrol kung anong isipin nila against me. dedma nalang. natulog akong at ease at masaya kasi nag harutan pa kami kagabi haha.
nakapag laba at grocery narin kami kanina—mga pambaon lang at conditioner kasi lagi kong nalilimutan pag may pasok since may malapit na robinsons sa office.
ang saya ko kapag umaabsent si J. haha. it means more bebe time kasi kahit na kanya kanya kami ginagawa sa free time namin. di siya bumalik ngayon ng naga kasi malakas yung ulan, konti pa yung baon niya, alanganin narin kasi sa oras kung mag sasaing pa. tsaka para maasikaso na raw niya bukas yung kailangan niya asikasuhin sa banko, bago nalang bumalik ng naga.
kailangan ko rin sumaglit sa bank bukas para sa card replacement, niraise ko kasi sa support yung mga unauthorized charges sa account ko, nacompromise na kasi talaga yung details ko. permanently blocked na tuloy, although pwede parin naman ata online transfer. kailangan ko mahabol bago mag sahod sana mabilis lang mapalitan.
6 notes
·
View notes
Text
Sana ay mayroon tayong kakayahang burahin ang mga damdamin na ayaw nating manatili. Panahon lang naman kasi ang tunay na lumilipas at hindi ang mga bagay na ayaw na nating maalala. Naiipon lamang lahat upang masabing may natutunan ka, pero masaya ka ba?
Natututo sa bawat pagkawasak ngunit hindi pa rin natin alam kung aling bagay ba ang dapat aralin upang maging masaya. Ngingiti upang maikubli ang kalungkutang lagi nating kapiling. Mga bangungot na tila ordinaryong panaginip na lamang para sa atin sapagkat paulit-ulit tayong ginagambala. Nakasanayan na, na minsan ay mumulat ka nang may luha sa mga mata. Bakas ang takot, bakas ang mga pangamba. May katapusan pa kaya?
Masanay sa mga bagay na inihatag para sa'yo ng tadhana. Ngunit, paano ba masanay sa kalungkutan na matagal mo nang hinihiling na matapos na?
12 notes
·
View notes
Text
Reflection Part 2
Hindi ko alam kung quarterlife crisis 'to or parte lang ng buhay pero I feel lost. Other than spend time with family, parang wala nang meaning 'yung goals ko sa buhay na mag-ipon nang mag-ipon, mag-exercise, at mag-skincare.
Dati, wala naman akong pakialam kung tumanda akong mag-isa (at maging cat lady), pero nakakaramdam ako ngayon ng anxiety sa pagiging alone. Parang hindi na rin ganu'n ka-interesting sa 'kin mag-travel kasi andami ko nang napuntahang bundok, building, dagat... 'yung ibang pwedeng gawin o iexperience naman, napaka-"mahal" sa tingin ko.
I like it pag nalululong ako sa kakanood ng palabas na gusto ko, kakapakinig ng music na maganda, kakalaro ng larong masaya... wala akong time mag-ruminate kasi I'm focusing on something. But then, may katapusan din ang mga distraction.
Kuntento naman na ako kahit hindi lumayo o mag-travel kuno. 'Yung hinahanap ko lang talaga ngayon e warmth ng tao. Kung pupunta man sa malayo o saanman, ang nagpapasaya sa 'kin eh the fact na may shared memories kami ng family and friends. Dati, sabi ng roommate ko, naaamaze siya kasi kaya ko raw na "mag-isa". Kung gusto kong kumain, kakain ako. Kung gusto ko mag-shopping, edi pupunta ako at magshoshopping. Hindi raw ako naghahanap ng kasama. I didn't know na iha-haunt ako nyan later on—pagod na akong maging mapag-isa. Gusto ko ng kausap, gusto ko ng kasama.
Siguro kasi naka-survival mode ako dati at nakafocus lang sa specific short-term goals like pumasa sa exam, matapos 'yung requirements, mag-survive for the week. Tapos, lagi naman akong napapaligiran ng tao. Kahit hindi masyado mag-effort, may makakasalamuha ka sa school o sa ospital, may makakausap at makakausap ka. Mayroon dyang magyayaya na lumabas o kumain o pumunta sa kung saan.
Ngayon, wala na. Welcome to the world of adult friendships. Wala namang masama na malayo sila at may kanya-kanya nang buhay. Hanap na lang ng bagong mga makakasama at makakausap.
Pero siguro dati sanay ako na kung may gusto kang makuha, may magagawa ka para makuha 'yon. Gusto mong pumasa, edi mag-aral ka. Gusto mong maging fit, edi mag-exercise ka. Ngayon lang nagsisink in sa akin na hindi talaga lahat kaya mong aksyunan. Hindi sa lahat ng oras may magagawa ka para makuha 'yung gusto mo. Not to say na walang sense kumilos or mag-try, pero even your best can only get you so far, minsan.
Siguro, ngayon, nagsisink in sa akin na mali ako sa mga panghuhusga ko sa iba at sa sarili ko. Naiinis ako kapag parang ipinaparating ng iba na things come easy sa akin, samantalang sa isip ko, kung alam mo lang, anong mga rejection, sakit, pagod ang tiniis ko para marating 'yung narating ko. Pero in the end, I'm tired. Like, bakit ko ba 'to ginagawa? What am I trying so hard for?
10 notes
·
View notes
Text
ngayon ko lang naiisip na ang dami palang nangyari sa nakaraang dalawang taon, nagresign ako sa work tapos nagbusiness nalang ako nung una it went well naman kaso siguro dahil na rin sa stress, napabayaan ko. dumating sa point na wala na talaga akong pera, hindi nya alam yun kasi palagi ko pa din sya nabibigyan ng mga kung ano anong gusto nya. wala na syang feelings sakin nung time na yan. hanggang sa naubos na talaga ako. sobrang nadrain, physically, mentally, financially. don na ako lumayo. kasi pakiramdam ko, ano pa mabibigay ko e ubos na ubos na ako.
nasurvive ko naman kahit papano, nakakabangon pakonti konti. tapos naging okay na ako. don ko na sya inapproach ulit, hindi para jowain ulit pero ayun nga ayoko sya mawala sa buhay ko. mahal ko pa naman pero hindi na yung gaya ng dati hanggang sa nagpaparamdam na sya ulit na gusto nya ako ulit.
since wala pa ako masyadong pera that time, hindi ako makapag effort masyado sakanya. galing diba, sya yung bumalik pero ako pa din yung gustong mag effort. naalala ko nung bday nya last year yung pinakasimpleng bday treat ko sakanya, kasi short pa ako nun. pero di ko matanggap yon, kasi she deserves more eh.
mas sinipagan ko pa para sa business ko, nag isip ng kung ano ano para lumakas yung sales ko, true naman na isa sya sa dahilan bakit ko talaga sinipagan. kahit nung nagbday ako wala pa din akong pera nun, simple lang din yung handa pero masaya kami. ang galing nga eh, sa mga nakaraang bday ko at bday nya, malaki ang gastos talaga pero hindi ako masaya kasi di na nya ako mahal nun eh. pero this year, masaya talaga.
ang dami nyang kelangan bayaran sa school, nakakalungkot na hindi ko sya mabigyan, pahiram lang kaya ko kasi nga hindi pa ganon kalakas yung business. pati sana simpleng baon nya gusto ko magbigay. kaso kasi, hindi ko magawang magbigay din ng pera parang feeling ko magiging utang na loob sya, or parang baka yun nalang maging reason bat nagsstay. naililibre ko pa naman sya kahit papano pero ang dami kong plano kasama sya. gusto ko masulit bago man lang sya mag abroad.
april this year tumaas yung sales ko 3x. sawakas nagbunga na din yung hirap ko at puyat. kaso ayun, dun sya umayaw. hindi na rin kami masyado nakakapag usap pero pag nakakapag usap kami lagi nya problema yung pera. naaawa ako, gusto ko sya bigyan pero ayoko talagang yun nalang yung maging dahilan bat kami nag uusap. ang ginawa ko before, sinesendan ko yung isang bank accnt nya pero konti lang naman.
nung nakapag usap na kami re sa closure, binigay ko pa atm ko sakanya, don pumapasok yung sales ng isang shop ko. hindi naman ganon kalaki. ang sabi ko, kung may need sya kumuha lang sya dun. ilista nalang nya at bayaran kapag nagkapera na. tbh di ko nman talaga papabayaran, ayoko lang magmukang binibigyan ko sya ng pera. parang suhol kasi. pero ayun, sinabihan ko din naman sya na wag na magchat kung kukuha sya dun. kasi nga ayokong yun nalang yung dahilan ng pagchachat nya. gusto ko lang din talaga sya tulungan. may maitulong man lang ako sa pagtupad ng pangarap nya.
hanggang sa netong huling usap namin na sinabi nyang meron na syang iba, sabi nya huhulug hulugan nya daw, binigay ko pa nga yung list ng iba pa nyang nahiram, yung bugso ng damdamin ko kasi. pero para sakin naman, wag na nya bayaran yun. okay na yun. niletgo ko na yun. hindi ko na rin naman chinecheck yung atm if nababawasan pa. kahit na wala na ulit akong pera ngayon kasi napabayaan na naman ang business dahil sa stress.
ayoko na rin naman magreachout sya sakin para magbayad, ayoko na magkaron pa kami ng communication kahit na thru our friends pa. masaya na sya at sana hayaan na nya muna akong magheal, kasi existence nya di nakakatulong sa pagheal ko. peace of mind ang kelangan ko.
2 notes
·
View notes
Text
Minimalism really taught me to spend wisely on material things at para hindi maging impulsive buyer.
Last Sunday, bumili ako ng ireregalo ko sa birthday ng anak ng hs friend ko. Binilhan ko nalang ng pang paint from NBS dahil the last time na bumisita ako sa kanila, nag aaway kids nya dahil sa paint.
I saw a signage sa section ng books na 199 below nalang daw. Deep inside gusto ko dumampot ng isa HAHAHAHA. But then I realized na may ibang books pa ako dito na di nababasa. Should I really need to collect more tapos ending di naman mababasa? So disregard na.
Next one is yung sign pen. Kakaubos lang kasi last week ng sign pen ko which is 2 years na din ata sakin yun. Hahahaha so since nagsstart ulit ako sa gratitude journal ko, nagsi ubusan na ballpen ko. Bitbit ko na yung bet ko eh kaso inisip ko nalang na meron pa naman pala akong isang ballpen. Keri na kahit hindi sign pen. Tsaka na kapag naubos. Iwas clutter na rin.
Idk I really hate clutter as well. Ito lagi pinag aawayan namin ng ex ko noon dahil sya sobrang mapang-collect ng kung anu-ano. Ako naman mas masaya kapag wala akong nakikitang kalat ayoko talaga ng visual clutter. Pero ngayon I tried to balance it naman na. As long as yung mga gamit na andyan ay talagang nagagamit at may purpose.
2 notes
·
View notes
Text
AKALA
Flash Fiction
Siya si Jing, isang dalagang makulit, masiyahin, pala-kaibigan, at higit sa lahat, mapagmahal. Mapagmahal sa kanyang mga magulang pati na sa kanyang mga kaibigan. Siya’y may mataas na pangarap para sa kanyang pamilya pati na sa sarili. Kung tutuusin ay maswerte siya dahil kahit simple lang ang kanilang buhay, nakakakain pa rin sila ng tatlong beses sa isang araw hindi pa kasama ang meryenda sa hapon. Naibibigay rin ng kanyang mga magulang ang kanyang pangangailangan sa paaralan. Sa kaibigan naman, may tatlo siyang matatalik na kaibigan mula pagkabata na talaga namang nagiging sandalan niya sa mga pagkakataong napanghihinaan siya ng loob. Kaya’t masasabing maswerte siya sa mga taong nakapaligid sa kanya. Kung kwentong pag-ibig ang pag-uusapan, ewan ko na lang kung maswerte pa rin siya dahil hindi siya gusto ng taong gusto niya. Maganda naman siya, masipag at mabait ngunit bakit hindi siya gusto ng gusto niya? O talaga yatang hindi pa ito ang tamang pagkakataon para sa pag-ibig.
Dahil dito, minsan napapaisip siya kung kailan darating ang taong magmamahal sa kanya nang lubos. Nawawalan na rin siya ng pag-asa dahil parang wala ng darating na matinong lalaki na iibig sa kanya. Napapa-sana all na lang siya tuwing may nakikitang magkasintahang magkahawak-kamay sa mga pampublikong lugar. “When kaya” ang laging sambit tuwing nakakakita ng babaeng may hawak na kumpol ng rosas na bigay ang kasintahan. Ngunit ang totoo ay minsan na siyang umibig nang totoo, gusto nila ang isa’t isa ngunit ayaw pa ng lalaki na mag-commit sa seryosong relasyon. Habang siya, gusto na niya. Umasa siya na magkakaroon ng sila, pero hindi pala. Kaya’t linakasan niya ang kanyang loob na wakasan kung anong meron sila kahit wala naman silang nasimulan. Pinutol niya ang kanilang komunikasyon kahit mahirap at hindi na nagparamdam pa. Sobra siyang nasaktan, dahil akala niya siya na, akala niya hindi na siya magsa-sana all at when kaya. Dahil dito, hindi niya maiwasang maging bitter lalo na kapag tinutukso siya ng kanyang mga kaibigan na masaya sa kani-kanilang relasyon. Masaya nga ba sila?
Gayunpaman, ipinagsawalang bahala niya ang tungkol sa pag-ibig at ibinuhos niya ang kanyang oras sa pag-aaral at pagiging mabuting anak. Kaya siguro wala pa siyang kasintahan ay ayaw pa ng kanyang mga magulang lalo na ang kanyang ina na pumasok sa relasyon. May mga nagiging crush pa rin naman siya ngunit hanggang doon na lamang. Kontento na siya sa pasimpleng sulyap sa tuwing naglalakad sa hallway ang kanyang crush. Dahil sa naging karanasan niya noon, parang nawalan na rin siya ng gana tungkol sa pag-ibig. Nawalan na siya ng pag-asa na may lalaking magmamahal sa kanya nang higit pa sa kanyang pagmamahal.
Ngunit akala lang pala niya. Dahil isang araw sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang sumulpot na parang kabute ang dati niyang kaklase noong high school, si Cy. Isang binatang makulit at mapagmahal na anak. Bigla na lamang itong nag-chat kay Jing at kinukumusta ito hanggang sa araw-araw na silang magkausap. Dahil magkaklase sila noong high school, lagi nilang inaalala ang mga araw na laging inaasar at kinulit ni Cy si Jing. Lingid sa kaalaman ni Jing, may pagtingin pala si Cy noon sa kanya. Naalala rin nila kung paano naging kulay kamatis ang mukha ni Jing noong binigyan siya ni Cy ng isang pulang rosas. Siya ang kauna-unahang lalaking nagbigay sa kanya ng bulaklak.
Tuloy-tuloy pa rin ang kanilang pag-uusap hanggang sa umamin si Cy na nahuhulog ang kanyang loob kay Jing sa pangalawang pagkakataon. Gustong siya nitong ligawan pero naalala niya ang sinabi ng kanyang ina na magtapos muna siya ng kanyang pag-aaral bago makipagrelasyon. Sinabi niya na hindi pa ito handa dahil sa naging karanasan niya at ayaw niya itong maulit. Ngunit buo ang loob ni Cy na hintayin niya ito hanggang sa pwede na. Kahit na hindi pa pumayag si Jing na magpaligaw ay linigawan pa rin siya ni Cy. Kahit na nasa ibang bansa ito ay gumagawa siya ng paraan upang maipakita at maipadama niya ang kanyang pag-ibig kagaya ng pagpapadala ng bulaklak at mga tsokolate sa tulong ng kanila ring kaibigan. Kahit na magkalayo ay pinapadama ni Cy na mahalaga si Jing sa kanyang buhay, na hindi hadlang ang distansya sa kanyang pag-ibig.
Hanggang sa isang araw, ibinalita ni Cy na uuwi siya at magbabakasyon sa Pilipinas. Magkahalong reaksyon ang nadama ni Jing. Tuwa na may kasamang kaba dahil sa wakas magkikita na sila matapos ang anim na taon ng hindi pagkikita. Sinabi ni Jing sa kanyang ina na may nanliligaw sa kanya at uuwi ito at magbabakasyon.
Dumating ang araw na nasa Pilipinas na si Cy. Agad siyang nakipag-kita kay Jing at hindi matumbasan ang saya nilang dalawa. Pinakilala ni Jing si Cy sa kanyang mga magulang. Nagustuhan nila ito kaya’t lagi na itong dumadalaw sa kanilang bahay. Sinagot na rin ni Jing si Cy kaya’t sobrang saya ni Cy nang malaman ito. Minsan ay pinagpapaalam niya sa magulang ni Jing na mamamasyal sila. Naging masaya ang naging bakasyon ni Cy dahil nakasama niya si Jing at ang kanyang pamilya. Sinulit nilang ang bawat minuto na sila ay magkasama.
Hanggang sa sumapit na ang araw na babalik si Cy sa ibang bansa. Mabigat man sa kalooban ay masaya pa rin ang isa’t isa dahil sa kaunting panahon ay nagkasama sila. Bago sumakay sa bus si Cy ay niyakap niya nang mahigpit si Jing at sinabing “Babalik ako, hintayin mo ako hanggang sa magkasama na ulit tayo. Kaya natin ‘to mahal. Mahal na mahal kita”. “Hihintayin kita. Mag-iingat ka. Mahal na mahal kita”. Mangiyak-iyak na wika ni Jing. Sa ngayon ay hinihintay nila ang pagkakataon na magkikita at magkakasama silang muli. Akala ni Jing hindi na siya magmamahal pa, pero dahil kay Cy ay naniwala ulit siya na mayroon pa palang matinong lalaking magmamahal sa kanya ng higit pa sa akala niya.
2 notes
·
View notes