Tumgik
#3 weeks palang
not-ever-normal · 1 year
Text
Mga 3 weeks palang tapos may fave teacher na- (Hindi yan lahat nang teacher namin)
Tumblr media
2 notes · View notes
miyamoratsumuu · 2 months
Note
how is school life sis 😍
OKK PA NAMAN FOR NOW!!! pre tests are done and this monday were starting regular classes 😋
11 notes · View notes
dimagapi · 2 years
Text
Maria Clara at Ibarra took its time with Fidel, and it paid off
AAMININ KO, HINDI ako palanood ng mga teleserye. Nahihirapan akong sumubaybay sa five-episodes-per-week format. In 2022, naisipan kong manood ulit ng teleserye. Isa sa mga naisip kong panoorin ay Maria Clara at Ibarra, isang portal fantasy kung saan ang bidang si Klay ay ipinasok sa mundo ng mga nobela ni Jose Rizal. Basically, Noli/Fili isekai.
I honestly did not have high expectations, knowing kung gaano ka-fast paced ang production ng TV series sa Pilipinas. Kaya pleasantly surprised talaga ako na masasaksihan ko sa MCI ang isang character arc na puwede ko na sigurong sabihing kahanay ng mga paborito ko.
The character arc in question ay ang kay Fidel. Sinulit ng MCI ang teleserye format sa pagbuo ng character arc ni Fidel, taking 17 real-life weeks para ipakita ang development niya. Ita-tackle ko na rin ang nangyari sa unang episode after those 17 weeks kasi hindi ko talaga matiis sa sobrang pagkamangha ko.
Unang lumabas si Fidel de los Reyes sa Episode 3 ng Maria Clara at Ibarra, bilang isa sa mga malalapít na kaibigan ni Crisostomo Ibarra. Original character si Fidel, wala siya sa Noli me tangere, tulad ni Klay. Ang kaso nga lang ay kahit na kaibigan siya ni Ibarra, he is far from likable. Lalong-lalo na para sa bida nating si Klay.
Fidel de los Reyes, raging misogynist
Simula pa lang, malinaw na ang purpose ng character ni Fidel: para ipakita na kahit sa panig ng mga taong tulad ni Ibarra, mababa ang tingin ng kalalakihan sa kababaihan noong 1880s. At mula naman sa perspective ni Klay, para ipakita sa kaniyang marami palang pagkakatulad ang panahon niya at panahon ni Rizal.
Tumblr media
"Kung magiging sintalino [ng mga babae] ang mga [lalaki], tila magiging isang malaking kaparusahan ito sa atin!"
Hindi understatement kung sasabihing raging misogynist si Fidel noong una siyang lumabas. Tinitingnan ni Fidel ang pagiging marunong ng kababaihan bilang isang banta sa kalalakihan. Hindi lang siya sa salita mapanghamak sa mga babae, ipinakita rin niyang handa siyang manakit ng babae dahil lang nasaktan ng isang matalinong babae ang ego niya. Nasampal pa siya ni Klay dahil dito (at deserve niya iyon).
Bukod sa mababang tingin ni Fidel sa kababaihan, masasabi ring hinubog siya ng privelege na mayroon siya. Dahil nabuhay siyang hindi inuusig, buo ang tiwala niya sa gobyerno at Simbahan, at wala rin siyang amor para sa mahihirap. Ito rin ang dahilan kung bakit napakadali para sa kaniyang hindi makaramdam ng simpatya para kay Sisa sa una.
Itong privilege ni Fidel ang siya ring nagpapaniwala sa kaniyang nasa posisyon siya para utusan si Klay (isang babae) na ipagdasal ("trabaho" ng babae noong panahon ng pananakop ng mga Kastila) ang biyahe nilang tatlo ni Ibarra. Ang pagtawag niyang "bruha" kay Klay ay hindi lang misogynistic kundi bunga ng maka-Kastila niyang paniniwala.
Ang takot niya sa mga tulisan ay bunga rin ng privilege niya at paghanay niya sa sarili sa panig ng mga Kastila. Ang pagharang ng mga tulisan sa isang prayle ang sinabi niyang dahilan para katakutan ang mga tulisan na posibleng humarang sa kanila sa biyahe. Iskandaloso ang tingin ni Fidel sa sagot ni Klay na "Prayle naman pala! Baka masama 'yung prayle na 'yon kaya siya sinaktan." Hindi niya matanggap ang pagsasalita nang ganoon ni Klay laban sa mga itinuturing niyang huwaran.
Tumblr media
"Binibining Klay, simulan mo nang magdasal bupang maging ligtas ang ating paglalakbay. 'Yon ay kung didinggin ng Diyos ang dasal ng isang bruha."
Hindi magkahiwalay ang pagiging maka-Kastila, matapobre, at mapanghamak ni Fidel sa kababaihan; lahat ng mga ito ay bunga ng pribilehiyo niya bilang isang mayamang mestizo. Mapapansing nagpakita ng kaunting "respeto" si Fidel nang mag-English si Klay. Sa panahong iyon, matututo ka lang ng ibang wika sa pagbabasa, paglalakbay sa ibang bansa, o pagkakaroon ng white-collar job sa isang British-owned business. Mula sa perspective ni Fidel, tanda ng pagiging edukada o maykaya ang pagsasalita ni Klay ng English; naisantabi niya nang panandalian ang panghahamak sa kababaihan dahil sa tingin niya ay posibleng privileged din si Klay kagaya niya.
'Tunay ka ngang kakaibang babae'
Si Fidel na naniwala kaagad sa paratang na nagnakaw si Crispin at nangmamaliit kay Klay ang siya ring tumulong, sa maliit na paraan, sa paggamot sa injuries ni Sisa sa Episode 25. Hindi niya naiintindihan nang lubos ang nangyayari, but he's trying. Hindi instant ang pagbabago niya. Alien pa rin sa kaniya ang idea ng pagkakaroon ng babaeng manggagamot, pero hindi nagmarunong si Fidel o pinatigil si Klay (in contrast sa tangkang "pagliligtas" ni Don Tiburcio kay Kapitan Basilio at pagharang ni Kapitana Tica kay Klay 10 episodes later).
Tumblr media
Sa Episode 25, sa warehouse ni Fidel ginamot ni Klay si Sisa. Hindi pa ganap na nagbago si Fidel, pero nagsisimula na siyang maging mas bukás sa mga bagay na bago sa paningin niya.
Sa kabila ng tension sa pagitan nina Klay at Fidel, malinaw ring intensyon ng series na si Fidel ay magiging potential love interest para kay Klay. Malinaw rin kung anong klaseng love interest si Fidel: lalaking mapang-uyam sa bidang babae pero unti-unting nahuhulog ang loob sa inuuyam niya. Dahil sa tindi ng tension sa pagitan nila ni Klay, I would say na nalaro nito nang ayos ang inaasar-ka-niya-dahil-gusto-ka cliché, lalo na't hindi lang simpleng pang-aasar ang ginagawa ni Fidel sa una.
From Episode 30 onwards, makikita ang pag-develop ni Fidel ng paghanga para kay Klay. Sa Episode 30 nagsimulang magparamdam si Fidel na may nabubuo siyang pagtingin kay Klay. Dito rin siya nagsimulang mang-asar, in the friendly sense, pero na-call out din siya dahil out of line.
In Episode 34, nangyari ang isang rare instance na nang-asar, intentionally, si Fidel dahil gusto niya si Klay. Walang explicit romantic intentions ang karamihan ng instances ng pang-aasar ni Fidel (pero hindi rin masasabing pilít if you read them as romantic). Sinundan ito kaagad ng isang compliment na backhanded, probably unintentionally so. Fidel's trying. And failing.
Tumblr media
"Binibining Klay, kung hindi ka pa nadapa ay hindi kita makilala. Mayroon ka palang itinatagong ganda."
Sa Episode 35, mapapansing hindi pa ganap na sumasang-ayon si Fidel sa mga kilos ni Klay. Makikitang nagtangka siyang pigilan si Klay na sumampa sa upuan at magsalita laban kina Kapitan Basilio at sa mga bisita nito. In the following episode, however, hindi niya pinigilan si Klay sa pagliligtas kay Kapitan Basilio matapos mabilaukan ang matanda. May tiwala si Fidel sa kakayahan ni Klay magbigay ng first aid, as he witnessed ten episodes prior.
Mabagal ang progress ni Fidel, but it's there. Nang iligtas ni Klay si Ibarra through mouth-to-mouth resuscitation and CPR (Episode 40), ipinagtanggol ni Fidel si Klay at nagpaliwanag na "karaniwan itong ginagawa ng mga nakapag-aral ng medisina" kahit na ipagtataka ng mga marami sa panahong iyon na alam ito ng isang babae. Idinagdag pa ni Fidel na katanggap-tanggap sa Kanluran ang mga ito.*
* This might come come off as anachronistic dahil 1900s naging standard procedure ang CPR, pero may mga precursor ng CPR noong mid-1800s. However, hindi chest compression ang ginagawa doon. 1891, seven years after when MCI is set, unang nagamit ni Dr. Friedrich Maass successfully ang chest compressions sa paglilgitas ng pasyente. May mouth-to-mouth resuscitation for drowning victims since the 1700s, though.
Matapos iligtas ni Klay si Ibarra, nakipagkita si Fidel in private kay Klay. Nagsisimula na si Fidel na makita ang halaga ni Klay. Dagdag pa, humahanga siya hindi sa kabila ng pagiging "kakaiba" ni Klay kundi dahil dito. What this means is hindi na niya nakikitang kapintasan ang talino at tapang ni Klay at hindi na rin niya ito nakikita as a threat to his ego.
Tumblr media
Fidel: Binibining Klay, [...] tunay ka ngang kakaibang babae, kaya sa kauna-unahang pagkakataon ay napahanga mo ako. Hindi lamang sa iyong angking talino at lakas ng loob, kundi pati na rin sa [...] independence of mind and spirit.
I particularly like na, at least at the time of the episode's airing, puwede mong ma-interpret ang paghangang ito ni Fidel as something na hindi lang romantic; puwede mong basahin ang paghanga na ito bilang bunga ng nabubuong pagtingin niya kay Klay, pero puwede mo ring basahin bilang magkahiwalay na bagay ang paghanga niya sa kakayahan ni Klay at ang ang attraction niya kay Klay.
Sa kabila ng nabubuong paghanga ni Fidel para kay Klay, hindi pa rin nawawala ang pagkiling niya sa mga Kastila. Tutol siya (at si Ibarra) sa pag-awat ni Klay kay Padre Salvi matapos saktan ng prayle ang ilang tao sa tabing-lawa. Dito iginiit ni Klay na may lakas ng loob ang mga tulad ni Padre Salvi na mang-abuso dahil may mga tulad ni Ibarra na may mabuting hangarin ngunit walang ginagawa para labanan ang kasamaan.
'Tila umiibig ang ginoo!'
Tumblr media
Fidel: Sa araw na ito, tila nakilala ko na rin ang babaeng hahangaan ko... Pilosopo Tasyo: Tila umiibig ang ginoo!
It took time bago nagpakita ng explicit na romantic affection si Fidel towards Klay. Nang tumakas sina Klay at Maria Clara para makipagkita kay Ibarra (Episodes 48-49), nakita ni Fidel si Klay sa parehong paraang nakikita ni Ibarra si Maria Clara. Pansin din ito ni Ibarra, pero in denial pa si Fidel sa puntong ito.
May kahambugan pa si Fidel sa pagkukuwento kay Klay tungkol sa pagtingin niya sa isang certain someone na itatago na lang natin sa pangalang Maria Clara Infantes. Iniyayabang ni Fidel na napakapalad ng special someone na ito dahil iniibig niya.
Sa kabila ng mariing pagtanggi sa simula ni Fidel na may pagtingin siya kay Klay, hindi niya kinontra si Ibarra nang tawagin nito sina Maria Clara at Klay na "ating mga Maria Clara" matapos sunduin at pagalitan ni Kapitan Tiago ang magkatukayo.
Tumblr media
Ibarra: Paano ba iyan, amigo? Tila karamay mo ako sa pag-aalala sa ating mga Maria Clara.
Episodes 57-58 na umamin si Fidel kay Klay; it took that long. Ang kagandahan sa development na ito sa relasyon nila, on Fidel's part, ay hindi siya nagkaroon ng drastic na pagbabago para lang kay Klay; hindi siya biglang naging "ideal guy". Lumilitaw ang isang character flaw niya: dahil sa pagiging misogynist niya sa simula ng series, it only makes sense na hindi siya marunong makipag-usap sa babae, let alone isang babae na alam kung ano ang deserve niya. On Klay's part naman, she stayed her ground. Hindi niya ni-reciprocate ang feelings ni Fidel dahil lang hindi na ito (intentionally) mean.
Now, let me go into a bit of a tangent because I want to talk about Fidel's confession.
Napakaraming sinabi si Fidel na mako-consider na pang-aasar kung intentional, pero malinaw namang makikita na ang mga nasabi niya ay dahil lang hindi siya maalam manuyo. Fidel's trying. And failing. (1)
Tumblr media
Take this exchange, for example:
Fidel: Binibinig Klay, bulag ka ba at hindi mo nakikita? O sadyang manhid ka lang ka lang at hindi mo nararamdaman? Klay: Ang alin ba? Fidel: Na sa kabila ng iyong bangis at pagmimistulang bruha, at ang iyong paglalamyerda sa buong San Diego na madalas ay bastos at walang modo na hindi gaya ng mga de-klaseng babae diyan... Klay: May point ka ba? O recap lang 'to ng judgment sa'kin ng bayang 'to? Nahiya ka pa, isama mo na rin 'yung pagbuntot ko sa amigo mo na parang kerida. Fidel: Isa pa iyon!
Comedy aside, kapansin-pansin na may animosity pa rin sa pagitan ng dalawa, especially on Klay's part. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi agad makapaniwala si Klay na may pagtingin sa kaniya si Fidel. And that's completely understandabl; ni minsan ay hindi man lang inihingi ni Fidel ng paumanhin ang past actions niya towards Klay. Hindi batid ni Fidel na mabigat ang mga ito para kay Klay dahil hindi pa siya nalagay sa posisyon kung saan siya ay hinahamak.
Another standout exchange is this:
Klay: Magkaiba ang mundo natin. Fidel: Batid ko. Batid ko na tila langit ako at ikaw ay lupa.
Concise ang punchline, dine-defy ang expectation sa isang otherwise predictable expression, at in-character pa para kay Fidel na napakatayog ng tingin sa sarili. I say this is gold.
Bakas pa rin ang pagka-entitled ni Fidel sa expectations niya kay Klay; na magugustuhan agad siya pabalik at papayag na magpakasal sa kaniya. Nagnakaw pa ng halik si Fidel kay Klay. Na-call out din ito ni Klay, siyempre.
May pagka-immature ang reaction ni Fidel sa rejection ni Klay, parang batang hindi pinagbigyan matapos magturô sa tindahan. May halo pang kaunting pagyayabang na kung ibang babae ang susuyuin niya nang ganoon ay hindi siya tatanggihan.
Sinubok din ni Fidel na mangharana para suyuin si Klay, katulad ng panghaharana ni Ibarra kay Maria Clara noon, pero naging malamig ang pagtanggap ni Klay dito. Mahahalatang alien concept talaga para kay Fidel ang hindi mapabigyan sa mga gusto niya.
Hindi nakapagtataka kung bakit hindi marunong manuyo si Fidel: sa buong panahon na nasa series siya, si Klay lang ang babaeng nakakasusap niya consistently. Si Pilosopo Tasyo na nakausap niya minsan tungkol sa pag-ibig (Episode 44) ang pinakamalapit sa isang father figure na mayroon siya, at wala naman siyang ibang mahihingan ng payo. Ang sariling privilege lang ang masasandigan ni Fidel at this point, kaya pakiramdam niya ay ang privilege din niya ang magdadala sa kaniya ng pag-ibig.
Ang gusto ko lang talagang sabihin for this segment ay magandang romcom material ang lover boy era ni Fidel, saka props na rin sa pag-integrate nito sa kuwento in a way na hindi pilit and makes sense for the character.
Pagbaligtad ng mundo
Noong panahong inuusig si Ibarra, kay Fidel lumapit si Klay para humingi ng tulong. Sa una ay nagawa pang mang-asar ni Fidel na hindi daw siya matiis ni Klay. Hindi pa niya batid ang haharapin niyang pagsubok.
Hindi nagtagal ay nasaksihan ni Fidel ang talumpati ni Ibarra sa pulpito sa simbahan ng San Diego, kung saan inilahad nito na may malubhang sakit ang bayan na pinalalala ng mga nagsasawalang-kibo. Nakiisa si Fidel sa pananawagan ng "Dinggin n'yo kami" matapos ang talumpati ni Ibarra. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na tumindig si Fidel laban sa mapang-aping sistema.
By Episode 73, exactly 70 episodes mula nang unang ipakilala si Fidel, pumasok na sa climax ang character arc niya. Nakulong si Fidel kasama ng iba pang may kaugnayan kay Ibarra. Ang panahon niya sa presinto ay nagsimula sa pagyayabang niya sa Guardia Civil na makakalabas agad salamat sa magaling na abogado ng pamilya niya, at iginigiit niyang nakapag-aral siya ng batas kaya alam niyang iligal ang ginagawa sa kanila ng Guardia Civil. Sa gabing iyon din ay napagtanto niya: "Kung sino pa ang gumagawa ng maganda para sa bayan ay siya pang tinatawag na kriminal, habang ang mga makasalanan sa Simbahan at sa gobyerno ay kailangang tawaging 'kagalang-galang'."
Kinausap niya saglit si Don Filipo tungkol sa pagbibitiw nito sa puwesto dahil sa pagiging sunud-sunuran ng gobernadorcillo, at tinanong siya nito pabalik kunghanggang saan niya kayang ipaglaban ang bayan. Kung lalaban si Fidel, kailangan niyang isakripisyo ang pribilehiyong nagpahintulot sa kaniyang maging makasarili noon.
Tumblr media
Don Filipo: Don Fidel, hanggang saan mo kayang ipaglaban ang ating bayan nang hindi lamang umaasa sa dasal, conexiónes, o sa iyong yaman?
Nang itakas ni Klay si Fidel, nahuli siya ng Guadia Civil. Kinakailangang gumawa ni Fidel ng isang bagay na bago ang pagtakas ay hindi niya akalaing gagawin niya: ang pumatay ng tao. At ginawa nga niya ito. Ang Fidel na noong nakaraang episode lang ay ipinagmamalaki ang mga nalalaman sa batas ay siya na ngayong lumabag dito. Pugante na siya at pumatay pa ng Guardia sa mismong kuwartel, hindi na maililigtas ng kahit na gaano pa kagaling na abogado.
Magkaibang-magkaiba man ang ikinilos ng Fidel ng Episode 73 at ng Fidel ng Episode 74—at mas lalong malayo sa Fidel ng Episode 3—ay hindi masasabing kilos ito ng magkaibang karakter; kilos ito ng iisang Fidel na noo'y itinaas ang sarili at pagkatapos ay ibinaba, noo'y nanghamak at pagkatapos ay natutong umibig, dumaan sa hamon at pagkatapos ay nagbago, at umabot sa sukdulan at natutong lumaban. Sa kabila nito, may isa pang hindi natutunan si Fidel sa puntong ito: ang ipakita ang pagiging vulnerable; or perhaps more approriately, hindi pa niya na-unlearn ang pagtatago ng vulnerability niya.
Vulnerability and compassion
Pinuna ni Klay si Fidel sa mga kaharutan nito matapos nilang takasan ang Guardia Civil, pati na rin ang pagiging "kalmado" nito matapos nitong mahanap ang sugatáng si Elias na hindi kasama si Ibarra. Naalala ko nang may mga pumuna sa Twitter na mabilis daw masyadong naka-get over si Fidel sa pagbaril sa Guardia Civil, pero sa tingin ko, coping mechanism ni Fidel ang mang-asar para matabunan at maitago ang pangangamba dahil nasanay siyang komportable ang buhay at walang inaalala.
Hindi umiyak si Fidel kahit ni-reject siya ni Klay na pinakamamahal niya sa Episode 75, at sa una ay maaari mong maisip na baka hindi lang talaga dinibdib ni Fidel at the moment dahil nasa panganib sila, o hindi ito gaano kasakit sa kaniya dahil nag-mature na siya. Matapos mahanap nina Fidel at Klay si Elias, ipinakita ni Fidel na hindi siya "kalmado" tulad ng iniisip ni Klay. Lumuha si Fidel. Unti-unti na ipinapakita ang vulnerable side niya.
Tumblr media
Lumuha ang "kalmadong" si Fidel. Also, may dahilan kung bakit siya nakahubad diyan. Ginagamit pang-first aid kay Elias 'yung damit niya, pramis!
Sa kampo ng mga tulisan, makikitang ang pag-aalala ni Fidel para kay Klay. Sinusuyo niya si Klay sa mga simpleng paraan tulad ng pag-aalok ng pagkain at tubig, bagay na hinding hindi gagawin ni Fidel noong Episode 3 at hindi niya gagawin nang walang halong pang-aasar bago ang Episode 70. Ipinapakita ni Fidel ang affection niya through acts of service* towards Klay. Walang pag-aalinlangang pumayag si Fidel na samahan si Klay sa bayan para makapagpaalam kay Maria Clara kahit na alam nila pareho kung gaano kalaking panganib iyon para sa kanila.
*I have some reservations about the idea of love languages, pero sa kasong ito, tingin ko naman ay angkop sabihing ang love language ni Fidel ay acts of service.
Matagal bago nailabas ni Fidel ang vulnerable side niya, salamat sa pagiging lalaki at mayaman. Bilang lalaki, marahil ay pinalaki siyang pinagbabawalang umiyak o "magpakita ng kahinaan". Kung hindi rin nagbago ang pananaw ni Fidel sa kababaihan, hindi rin kakayanin ng ego niya na ipakia ang vulnerability sa harap ni Klay. Bilang mayaman naman, ipinipinta niya ang sarili bilang angat sa iba at hindi matitinag. Ngayong tinutugis na siya ng Guardia Civil, danás na rin niya ang nararanasan ng karaniwang taong minamata niya noon.
Alab ng puso
Ang pinakamahalagang bagay na natutunan ni Fidel sa character arc niya ay ang umibig. Una na niyang ipinakita ang pag-ibig kay Klay, at unti-unti siyang natutong umibig sa iba pa. Kung trip mo maging mas cynica aboutl Fidel's past actions, puwede mo pa ngang sabihing ang pag-ibig niya kay Klay, although genuine, ay kaakibat ng paniniwala niya, bilang lalaki noong panahon niya, na bahagi ng "tadhana" niya ang umibig sa isang babae, mag-asawa, at bumuo ng pamilya.
Kalaunan ay natutunan ni Fidel na mahalin ang bayan. Ganap na niyang nakilala ang mga kondisyong humulma sa kaniya at sa mga pananaw niya, at napagtanto niyang binulag siya ng pribilehiyo niya, at inamin niyang naging makasarili siya. Nasaksihan ni Fidel ang kapalaran nina Sisa, Crispin, at Basilio; ang sakripisyo ni Elias; ang pag-usig kay Ibarra; ang pagmamalupit ng mga prayle at Guardia Civil; at ang panghahamak sa kababaihan. Ang huli ay hindi lamang niya nasaksihan o hinayaang mangyari; naging bahagi rin siya nito.
Sa huli, isinapuso ni Fidel ang payo (na naka-package deal kasama ng rejection) ni Klay: ang ialay sa bayan ang kaniyang pag-ibig. Ibig niyang ipagpatuloy ang laban nina Ibarra at Elias at idineklara niyang ilalaan niya ang natitirang yaman para sa paghihimagsik at iiwan na ang komportableng buhay na nakasanayan niya alang-alang sa bayan.
Tumblr media
Fidel: Magkasama nating ipagpatuloy ang sinimulan ni Crisostomo at Elias.
Inaanyayahan ni Fidel si Klay na sumama sa kaniya sa pakikipaglaban. Sa kasamaang palad ay kinakailangan na ni Klay na bumalik sa mundo niya. Sa pag-alis ni Klay sa mundo ng Noli, umiyak si Fidel. Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi pinigilan ni Fidel ang sarili niyang ipakita ang vulnerability niya.
Tumblr media
Tapós na ang pagtatago ni Fidel ng damdamin niya. Tanggap na niyang may vulnerable side.
From ilustrado to naliwanagan
As of writing, pumasok na sa El FIlibusterismo ang MCI. Ipinakita na si Fidel bilang rebolusyonaryo, kasama sa pangkat ni Elias na nakaligtas mula sa mga pangyayari sa Noli arc.
Bilang mga rebolusyonaryo, may codenames sina Elias at Fidel: si Elias ay si Tagausig, at si Fidel si Naliwanagan. Fidel's codename is especially fitting dahil bukod sa obvious allusion na sa pagkakaroon niya ng 180-degree turn sa character arc niya, may iba pang kahulugan.
Tumblr media
Si Naliwanagan at si Tagausig
Nagsimula si Fidel bilang isang entitled at sexist na ilustrado. Towards the end of the Noli arc ay naliwanagan si Fidel sa tunay na kalagayan ng lipunan. Ang "ilustrado" at "naliwanagan" ay parehong "enlightened", pero dahil sa character arc ni Fidel ay malinaw na may opposite connotations ang dalawang ito. Ang "ilustrado" ay enlightened in the sense na may access siya sa edukasyon, samantalang ang "naliwanagan" ay enlightened in the sense na namulat sa mga totoong kalagayan ng bagay-bagay at mga karanasan ng mga karaniwang tao. Dagdag pa rito, Espanyol ang "ilustrado" at Tagalog ang "naliwanagan", angkop sa pagkiling ng ilustradong Fidel sa mga mang-aapi at pamumuhay ng naliwanagang Fidel kasama ang mga inaapi.
Bukod sa opposite connotations ng "ilustrado" at "naliwanagan" sa context ng character arc ni Fidel, masasabi ring may direct relationship ang dalawang ito sa pagbabago ni Fidel: Si Fidel ay ganap na naliwanagan noong magpasya siyang talikuran ang pagiging ilustrado. Si Fidel ay hindi lang naging tao (as Klay would say), natuto rin siyang magpakatao. Natuto siyang malungkot, mangamba, mahabag, mag-alala, makiramdam, magalit sa kawalan ng katarungan, at—higit sa lahat—umibig.
168 notes · View notes
jopetkasi · 5 months
Text
What We Ate So Far
so a tumblr friend kind of misses my food posts, so here I am posting what we ate at home. it's simple food for simple people, really. nothing fancy.
the pamangkins (all 10) are here and the food is served double the usual serving. much as we wanted to go out, the scorching heat and the increasing prices, make us stay home.
Tumblr media Tumblr media
breakfast (served different days) we had longganisa and tapa. again, it looks a lot but if we are to compute the cost of eating out, mas nakatipid kami. besides, the pamangkins can get more servings, knowing these are growing kids who require more carbs and protein.
Tumblr media Tumblr media
next, we had lumpiang shanghai served chao fan style, paired with vegetable salad mostly eaten by us (adults) who are now watching our cholesterol lol.
Tumblr media Tumblr media
then for afternoon merienda, it lugaw. i know, the weather is deplorable already but then, soups/congee also rehydrates the body. we served as it is, with no eggs or tokwa't baboy as side dishes. bumawi naman kami kasi the lugaw had shredded chicken (leftovers from dinner the other day) and topped with lots of garlic!
the aim was to keep it simple, to be thankful for what we have, and to remember those who cannot eat or even complete 3 square meals a day. actually, it was the nephew who suggested that the money we save from not eating out or to buy things in excess, should be given to the poor.
yes dear friends, front lang yung kunwari nag diet kami pag friday. ang totoo nyan, we lessen our food on this day because we give the budget to a feeding program. besides, madami naman benefits yung konting sacrifice namin kasi for one we get to loose weight and at the same time, nagbabayad kami sa dami ng mga kasalanan namin - seryoso yan lol. i mean ako palang, sa dami ng kalandian ko, dapat ata buong week ibigay ko sa charity yung food allowance ko lol.
10 notes · View notes
kimhortons · 6 months
Text
tama nga lang pala na mag gel polish nalang ako lagi kesa mag regular polish, mas tipid kasi hindi kailangan every week mag papalit. mag dadalawang linggo na 'tong gel polish ko wala paring crack. unlike sa regular polish minsan after 3 days may crack na, or worst--as a careless at magaslaw na ferson, kakalabas palang ng nail salon, nasisira na kasi di pa pala dry completely haha. wala lang, nahappy lang ako kasi ang ganda parin ng kuko ko kahit nag laba kami kanina haha. medyo di ko lang bet yung color, mas sanay kasi ako sa neutrals. pero keri lang inaasar lang ako ni J na mukha daw salaginto yung kuko ko haha.
8 notes · View notes
sunb0rn · 6 months
Text
its 3 pm at nag iisip ako ng gym sched atm.
ganito kasi, dba ang usual ko since i started ay t- w- th kasi conflict sa mondays ko tas friday pauwi na akong LP, until sunday na yun.
sabi ko non ipush ko talga mag 4 days kaya isa yan sa reasons bkit sunday afternoon palang eh nabalik na ako ng taguig starting this year. havent been consistent sa gym days ko since january pero enrolled pa din naman ako until May so whenever kaya ko mentally at physically pumupunta ako.
lately nakakaya ko na mag monday talaga, saya ko na nyan especially mejo a hi-hit ko na yung target na dapat 5 pm palabas na ako ng work (kasi tinatamad na akong pumunta kapag 530-6pm pa out ko) kaso yung usual ko naging m-t, yes, 2 days lang for ilang weeks na then may weeks na none at all. huhu.
may days talaga na sobrang drained sa work at kht maka out by 5 pm, ayaw ko nang pumunta at mas gsto ko nalang mag relax. walking sana yung sagot ko dito kaso.. (sige di na ako mag make ng excuse, baka need ko lang mas iworkout yung ganitong days)
now I am thinking na kausapin si coach na bgyan ako ng 1 ½ hour lang na routine instead 2 hours at baka mas kayanin ko na mag 4 days, with wed na mas aagahan ko ang punta; pauwi na ako dapat 6-7 pm. kaso tbh nahihiya ako mag sabi ng ganito kay coach HAHAHA kasi ang inconsistent ko talaga. ang nakikita ko ngang solution is susundin ko muna si coach, sge 2 hours tapos 4 days for atleast a month then tska ako mag sasabi nung adjustment.
wala naman prob sa adjustment kasi anytime pwede ako i accomodate ni coach (sya din ksi owner + bantay ng gym), nkakahiya lang talaga ksi parang dami kong ebas sa sched eh never naman ako naging consistent. huhu.
ps. skl balak ko din bumili ng roller skates or detachable skates para sa days na gusto ko gumalaw pero I feel to drained para sumunod sa workout plan ni coach. eto din ang pwede kong gawin kapag weekends
15 notes · View notes
wittykahitcorny · 4 months
Text
Dear ate Charo, napasulat po ako para ikwento ang mga naging trabaho ko sa buhay.
Bata palang ay namulat na ko sa pagbabanat ng buto, madalas ay sumasama ako sa palaisdaan pag may pakapa. Nasanay kami sa mga gawain sa palaisdaan gaya ng pagtatambak at pagbubunot ng lumot at digman.
Nung magtapos ako ng high school ay tumigil ako sa pag aaral. Sinama ako ng tatay ko sa ponduhan kung san siya nagtatatrabaho. Ang naging trabaho ko dun ay taga ilado ng isda. Mababa ang sweldo, maswerte na ko pag kumita ko ng isandaang piso sa isang araw. Hindi araw araw may pondo ng isda at di palaging may trabaho kaya umalis ako.
Nabalik ako sa trabahong palaisdaan. Nagbibila, nag iistaka kami at nagtatambak ng putik sa pilapil. Lumulusong kami ng 5am at umaahon ng pananghalian. Mahirap ang trabaho, babad sa sikat ng araw pero ayos lang kasi nakalublob naman sa tubig ang katawan. Naalala ko pa nun na sinabi ng pinsan ko, "kung gusto mo ng trabaho na di masyadong mahirap, sana nag aral ka. Eh di sana nasa opisina ka".
Nag training ako at sumama sa delivery ng softdrinks sa metro manila. 1 week lang ang tinagal ko dun kasi pagod ang katawan sa work at pagod pa sa byahe paluwas sa Maynila at uwian araw araw.
Sinama ako ng tito ko sa QC. May project na bahay ang tito ko na architect kaya sinama ako at naging piyon. Lumuluwas ako ng linggo ng hapon at umuuwi ng sabado ng gabi. Di naiiba sa mga nagwowork sa manila na taga province ang schedule sa pag alis at pag uwi. Sumusweldo ako ng 200 pesos per day. Mahirap ang trabaho at walang araw na di ako nasusugatan o nasasaktan. Mainit pa sa barracks namin na yari sa yero.
Pagkatapos nito ay nag isip isip ako kasi nahihirapan na ko sa buhay. Kontento na ba ko sa estado ng buhay ko? Gusto ko kasi mas umasenso. Kahit papano gumihawa yung buhay ko.
Bumalik ako sa pag aaral. Habang nag aaral ako sa kolehiyo ay naging working student ako. Student assistant sa Dean's office ng college of science. 25 php per hr at max of 4hrs lang per day ang duty. Pero kahit di ganun kalaki ang sweldo ay nag open to ng maraming opportunities sa akin. Tumaas din ang self esteem at confidence ko.
Nagwork ako sa school kung saan ako grumaduate. Job order lang kaya di malaki sweldo at kulang din sa benefits. Mabigat at maraming work pero enjoy kasi marami akong friends sa workplace. Appreciated din ako ng mga colleagues, teachers, students at parents kaya satisfied ako aa work ko.
Iniwan ko ang work sa Pinas para makipagsapalaran sa abroad. Sinama ako ng pinsan ko sa Dubai. After a week ay nakahanap agad ako ng work bilang kitchen staff. Malayo sa napagtapusan ko at sa mga naging work ko dito sa Pinas. Pero ganun talaga kasi need mo mag adjust. Para sa akin ay hindi okay ang sweldo. Nasa 32k lang per month ang sweldo ko at ang mahal ng cost of living. Mahal renta sa bahay na higaan lang naman talaga. Mabigat ang work at madaming ibang lahi na mababa ang tingin sa pinoy. Kahit kapwa mo pinoy hihilahin ka pababa.
Bago ko nag Dubai ay nagtake na ko ng civil service exam. Pag uwi ko ng Pinas nung 2018 ay nag apply agad ako. Nasa line pa rin ng education. Tanggap na ko sa St. Scholastica sa Malate, Manila as Registrar at 20k ang offer sa akin pero mas pinili ko ang 16k na offer sa akin dito sa Bulacan. Malaki nga kasi sweldo mo pero malaki din cost of living sa Manila. Swerte na rin kasi di na ko inabutan ng covid sa Manila.
Hanggang ngayon ay under DepEd pa rin ako. Nagwork ako as Adas 2 for more than 2 years at ngayon ay mag 3 yrs na as AO 2. Eksaktong May 29, 2019 lumabas ang advise ko kaya eksaktong 5 yrs na akong nagwowork sa current work ko ngayon. Hindi man ganun kaganda o kalaki ang sweldo ko, madami man ang pinapagawa at maraming tao na susubukin ang pagtitimpi at pasensya mo ay masasabi ko pa rin na maswerte ako. Di man gaya ng iba na nasa magagandang kompanya, malaking sweldo, mataas na posisyon at magaang trabaho.
Dahil panahon ngayong ng moving up at recognition rites, pang speech ko sana to as a guest speaker pero di naman ako ganun kaimpluwensya o popular na tao kaya di ako nakukuha. Wala din akong maidodonate sa school kung kukunin man akong speaker kasi hindi rin ako mapera kaya dito ko na lang pinost ang mga pinagdaanan ko sa buhay na sana kahit papano makapulutan ng aral ng mga bata.
Malayo na pero malayong malayo pa. Hindi ko rin akalain na mararating ko kung ano man ang kinatatayuan ko ngayon. Kaya wag kayong basta basta makuntento. Patuloy lang sa pag abot ng pangarap. Hindi mo namamalayan na yung pinapangarap mo lang dati ay meron ka na, nakakain mo na yung pagkain na di mo nakakain dati, nabibili mo na yang mga bagay na di mo kayang bilhin noon at napuntahan mo na yung mga lugar na nakikita mo lang sa iba. Basta mag tiwala lang tayo sa ating sarili at kakayahan. Tuloy lang din ang pagdarasal kasi ibibigay ni Lord kung ano talaga ang para sa atin.
Nagmamahal,
JM Raymundo
Tumblr media
3 notes · View notes
chereserene · 1 year
Text
A week of realizations sa mga bagay na I thought I loved and I was good enough.
Re: long post ahead but worth the read
gago hahahaa di ko alam kung ngingiti pa ako at some point pero ewan i badly want to cry, pagod ako physically and mentally.
I was so excited and at the same time scared.
First time ko sa teaching field pero hindi na bago sa akin yung mga issues pero kapag andun ka na pala ang hirap hirap hirap na.
Unang linggo palang ng pasukan, di ko alam kung kailan pa ako tatagal. Ang dami nang nangyari, totoo yung sinabi nila na pagteacher ka at pag wala sa puso mo yung pagtuturo. Tangina, susuko ka na lang talaga.
1. Ang dami naming nahire na bago ang saya ng first week pero eto nagstart na yung pasukan 2 na agad yung aalis sa amin. Iba rin pala kapag may aalis kasi yung isa kailangang umalis, yung isa hindi talaga masaya sa pagtuturo.
2. Halos lahat kami pasuko na isang linggo palang. Rason:
- ang hirap magturo, ang hirap magsuway, isang linggo palang mawawalan na kaming lahat ng boses.
- aaminin ko may mga parents talaga na (ah ewan basta ayun)
- pagod na ako physically to the point na wala na akong naitutulog kasi kakagawa ng presentation, kakaaral ng major subj, kakaayos ng mga kailangan ayusin, check dito, check dun.
- yung kain ko lagpas lagpas na shuta haha minsan lunch o break nakatulala na lang ako sa mga estudyante ko habang pinapanood ko sila na naglalaro, iniisip ko paano ko maitatawid yung magturo ng isang oras.
- may mga estudyante talaga na hindi ko kaya huhu ang hirap jusko 6 na sections, iba ibang grade year level kailangan alamin mo lahat.
- sinasabay ko rin pagiging estudyante at the same time tho unti na lang may mga final requirements na lang na kailangang ipasa kaso ayun natetengga pa rin.
3. Mabait ang administration sobra. Sa kanila rin ako lumaki eh, dyan rin ako galing pero as a teacher talaga ang hirap kasi hindi sapat yung sasahurin mo. Overload at overwork ka everyday. At hindi lang pala teacher trabaho ko ha.
4. Don't get me wrong. Masaya ako na nagtuturo pero pakiramdam ko nasa akin na yung problema. Tangina. I'm doubting myself kung kaya ko ba.
-Kung kaya ko ba iimpart yung knowledge sa mga students.
- Kung may matututunan ba sila sa akin o wala. O kung oo lang sila ng oo tapos wala naman pala silang natutunan.
- Yung mga parents na sobra sobra magdemand na gusto nila, isang sabi lang nila, may aksyon ka na agad.
I'm pressuring myself and my other resort is sumuko. Baka kailangan ko lang ng validation na kaya ko or else ako na talaga yung susuko sa field na gusto ko at gusto kong mahalin. Baka feel ko gusto ko lang para magkaroon ng direksyon yung buhay ko pero in reality isa lang pala akong patatas na nagaassume na magaling ako.
Baka hindi naman pala ako magaling, assumera lang.
10 notes · View notes
kengkastanyas · 1 year
Text
Tumblr media
My September be like:
my dog got dengue, good thing 3 days after medication, he's all well
bond with my sisters in law. sarap palang may kapatid na babae, ata?
nagbar, nagwalwal at natulog sa cr 🤣
tita got hospitalized and I'm the bida bidang pamangkin na kasama sa emergency, nagprocess ng admission nya and nagshift ng 4 days sa hospital with matching puyat dahil walang magkusang magbantay. ung ika 4th night nya, buti may nagvolunteer - matandang dalaga ung tita ko so ayun..
5th day, naghalfday sa work para asikasuhin ung discharge nya
nagbreak out na naman ang rashes na hindi ko na naman alam kung anong cause kaya babalik sa derma
hair dyed, back to ash gray ulit
maghahabol ng coachings sa last week ng September
hindi pa nagbbreak down, hindi to maganda
13 notes · View notes
bianczsx · 5 months
Text
Random tootsxz as a patatas engineer na hindi pa licensed pero hell yea, i'm trying.. hahahaha!
Hindi ko alam kung gusto ko pa magwork sa MNL. payapa talaga buhay sa probinsya. okay na din ako here sa Pampanga. pero i know one of these days, kasi matatapos din 'tong project na 'to, i'm going to leave here ren.
Also, gusto ko padin i-pursue magka lisensya kahit ayaw ni Jesus. Charot! de, wala lang i-pupursue ko lang 'yon kasi ma-pride ako. pero in fact, sa ganitong industry I am in, hindi talaga paramihan ng certificate at lisensya ee, dapat skills mo ini-enhance mo. *and there's me nagpapatay ng langaw dito sa office while typing this hahahaha*
A lot of things made me realized when I entered Construction. hindi madali. patibayan ng puso at isip. hindi pwede yung mental breakdown kana lang palagi. I remeber, first 3 weeks ko palang sa work, I cried kasi I was so tired. Nabigla ako, na-overwhelm ako na unang job ko, napunta agad ako sa malaking project. so, napunta ako sa CR kasi hindi ko na kaya mag hold back ng tears ko, naiiyak na talaga ako. tapos, humagulgol talaga ako sa CR kasi pakiramdam ko mag isa ako, na idk who to reach out, kasi that time I was so shy with people. Umatake pagiging introvert ko.
A part of me regret na hindi ako agad nagtrabaho? na I let myself dwell sa harap ng libro at calculator. puro nalang theory, puro nalang theory. I was so scared few months ago, na feeling ko ang alam ko lang gawin mag solve ng problem solving, ganyan.
Last April, sobrang filled ako ng doubts sa sarili ko, there was a time na i really wanted to resign kasi pakiramdam ko di ako para dito. I'm still feeling it right now tbh. but, i'm grateful i have my besties and people beside me. they never failed to cheer me up. grabe, yung sobrang at ease yung puso ko ngayon because of them.
Hay, wala nagkwento lang ako bc my life has been so overwhelming lately.
Lastly, di na ako umiiyak pag sinisigawan ako. hetong construction lang pala magpapa wala ng pagiging soft hearted ko. Sigawan kaba naman araw araw. feeling ko ang strong ko na. eme
GRABE THE LOVE AND HATE I HAVE FOR CIVIL ENGINEERING SUCKS. HAHAHAHAHAHAHA
2 notes · View notes
bbarican · 1 year
Text
april 05, 2023; 9:01 pm - last work rant before holy week break
okay mina-manifest ko na ito na talaga last work rant ko before the official holy week break kasi nakakairita talaga eh
for context - may gusto kaming pagsubmitan ng entry for an awards thingy for interior design and matagal na namin tong pinaguusapan ng boss ko, even before i left for japan for a week so a week goes by and wala naman nafinalize and i truly believe na hindi ko din naman dapat finallow up sa boss ko yun during my leave kasi naka leave nga naman ako and its such a small task tbh
so here's the thing - one whole week went by and this week lang namin inasikaso lahat for the entry; we finalized what project to enter by monday, i made a draft and sent it yesterday for my boss to comment on, the deadline is TODAY pero ngayon as in right this flipping minute kung kelan gabi na ngayon palang nageedit boss ko
some tots kasi if i dont type this out, i might burst:
the project my boss chose is an old project; specifically, it was a project she handled and yet she kept asking ME to gather information about the project nang parang i was there when the project was still ongoing when infact i wasnt even in the company yet nung natapos yung project na yun
she was asking me to name artists of the numerous paintings the client had pero sobrang labo nung mga pictures ng mga painting so paano na po ano
ang pinaka-nakakainis for me is: i was away for a fucking week and she decides to work on this JUST NOW KUNG KELAN DEADLINE NA as in gagawa lang siya ng slides mag didikit lang siya ng pictures sa gslides, hindi niya nagawang gawin or iutos last week? tapos pupuyatin niya ko tonight?
sobrang badtrip ko talaga sa boss ko ever since kaninang umaga kasi sobrang condescending pa ng tono ng mga chat niya; whats even worse is, sa sobrang gusto niyang manalo, she's going above and beyond and nagsa-sway na siya from the mechanics of the awards, 3-5 sentences lang daw pero teh para kaming nagsusulat ng nobela, diba nga kautos utos nung nasa school pa tayo na follow directions, bat di siya sumusunod diyos ba siya
hay - basta wala na kong paki kung mapili kami or hindi, i swear to god this wasnt worth my time tbh and its sad kasi at first i was really excited for this, nakakainis lang na my boss had to let things come to this point
13 notes · View notes
noprincess · 1 year
Text
nasa pangatlong araw palang kami ng body conditioning pero bugbog na katawan ko 😭 kesakit sa paa! 3 weeks body conditioning before isabak sa training sa misamis 🥹 lord, please let me get through every single day, until i graduate! 🥺
2 notes · View notes
funsize-mermaid · 2 years
Note
di ko pala talaga gets ung piso fare ksi nung nag check naman ako dun sa seatsale magiging kulang kulang 4k pa din ang pa cebu if nagbook ako 2 days ago, papunta palang yun. or dahil mahal na talaga dates na sunusubukan ko icheck (holy week)?? newbie sa travel booking :c
HELLOOO ANON! hahaha okaay sigeee eto explain ko sayo ng madali lang.
Eto yung tinatry ko ibook na flight kanina. Na naubos agad HAHAHA Piso sale means PISO BASE FARE. So example nag announce si Ceb Pac na may piso sale, i advice na mas okay mag check sa web kasi makikita mo yung base fares sa dates.
Image 1: Yan yung view sa web app para makita mo kung anong dates yung may flights available for Piso Fare. ☺️ So definitely yun yung may mga nakasulat na “1”. Yung ibang amounts, yun yung amount ng base fare ng flights for that day. ☺️
Image 2: So if nag select ka ng date na may “1”, di meaning non na lahat ng flights ay entitled for piso base fare, hahanapin mo dapat yung pinaka mababa yung amount.
Image 3: Yan yung summary ng booking ko, kung makikita mo dun yung Piso na Base fare ☺️ It means yung naselect mong flight is confirmed na piso fare.
Image 4: May automatic na insurance na add on kada book, pwede mo sya alisin. If gusto mo, ako kasi inaalis ko yan. Pang worst case scenario nalang yan. 649 pesos din kasi.
Image 5: Laging Go basic lang pinipili ko tapos iseseparate add on ko nalang yung check in baggage ko. Kaya 800+ kasi 400+ papunta and 400+ pauwi. Pwedeng di ka na mag add ng 20kg baggage fee kung light packer ka lang. Yung default kasi is 7kg lang. If kaya mo mag pack ng pasok sa 7kg, no need na mag check in baggage ka. ‼️ Pero if sa airport lumagpas ng 7kg yung baggage mo, dun ka mag babayad ng additional and definitely mas mahal mga 60% expensive.
Image 6: EXAMPLE lang kapag nakapag book ka ng hindi piso sale. Yung napili ko na flight papunta is hindi piso sale kaya makikita mo 888 yung Base Fare ☺️ then yung pauwi ko Piso Sale, kaya 1 peso lang ☺️ Kung makikita mo 3.2k na agad, wala pa yung check in baggage dyan kaya mahal na. 😂
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
AYUN LANG ANON! Hopefully maintindihan mo yung explanation ko haha Always have safe travels ✈️💙
8 notes · View notes
nice2meetyouu · 2 years
Text
TGIF part 1/3
Friday na. I'm so looking forward to weekends. Finally, wala akong kailangang gawin pag weekends!
Sa Monday ko na ulit kailangan isipin 'yung work. Kahit hindi pa ina-approve ni manager 'yung request ko, okay lang. Bahala siya, problema na niya 'yun, and I trust na aasikasuhin naman niya 'yun in due time.
I have free time!!! To graduate is a big blessing talaga. Dati, lagi na lang may hindi nauubos na tasks and you're never free kahit weekends or holidays. Ngayon, wala. Walang requirement na naghihintay sa akin. As long as I do what I'm being paid to do, I'm good.
Regularization na lang ang hinahabol ko (and overemployment, pero now is not the time for that). Kahit anong gawin ko sa weekend, wala syang magiging epekto sa regularization. Hindi naman ito parang exam na kailangan ko paghandaan. Kahit mag-video games ako o magpunta sa Japan, walang may pake. I know ang obvious, pero this is so fun.
Traumatizing 'yung hospital life kung saan kailangan on your toes ka all the time, almost everyday. Makakareceive ka ng messages or email at 11pm or 1am or so na may kailangan kang gawin o ipasa by 5am or 10am, kaagad. Walang boundaries, and ineexpect ng mga kasama mo na alam mo na agad kung anong gagawin, eh every week or month or so, nare-reassign ka sa bagong unit. For context, our clerkship and internship (sa year lang naman namin ito, 'yung before namin and after eh hindi kagaya sa amin) ay half-and-half. So for the first 6 months ay nakapag-rotate na dapat lahat ng tao sa lahat ng department. May 12 departments na kailangan pagdaanan.
May quizzes and exams, lectures, presentation, at kung anu-ano pa 'yan bukod sa papasok ka, magkakausap ng pasyente, magbibigay ng gamot or maglilinis ng sugat or gagawin 'yung kung anuman ang dapat, irerecord lahat sa system, magfifill out ng forms, maghahawak ng retractor, may revalida habang tinatanggal ang namamagang gallbladder ng pasyente, etc.
Tawang-tawa nga ako sa mga discussion sa reddit. "Kailangan po ba talaga ang 36 hours na duty?"
Buhay ko na talaga noon araw-araw na mag-rant para makasurvive. Ranting is my coping mechanism. Pero ngayon, masaya na ako. Kaya ko palang sumaya (awow).
May free meals ako, may HMO, flexitime 'yung work, etc. and maybe basic lang ito sa iba pero I've never had these benefits before!!! Parang alila 'yung oakiramdam. 'Di ako in control of my life. Supposedly learning environment siya pero parang nandoon lang ako for the manpower.
Sa friends (and dito sa tumblr) lang naman ako nagrarant pero pag nagpunta ka sa reddit at binasa 'yung mga sinabi ng iba roon, pare-parehas lang one way or another 'yung mga isyu namin. And of course meron din 'yung general problems like katrabahong tamad or sobrang bibo or sipsip.
Idinidiin pa nga sa amin dati na it's a trap pag sinabing "uwi ka na." Tinetest ka lang daw kung dedicated ka. Ang tamang sagot daw ay mag-stay pa at tumulong sa mga gawain.
In case gusto mong sabihing "I'm outta here" and magwalk out, it doesn't work that way. We're graded on almost everything we do. If you want to finish, syempre kailangan mong pumasa. Worse, may magfifile ng incident report sa 'yo at hindi ka pa magkakagood moral certificate. Or masususpend ka. Or maeexpel. Or repeat rotation.
Main motivation ko dati na mag-Australia ay 8 hours lang daw ang shift or pasok ng doktor doon. Plus, well-compensated pa relative sa minimum wage nila roon. Ayon sa mga pinoy na nakalipat, wala raw ka-toxic-an doon. Too good to be true, 'di ba?
P.S. Friday ko talaga ito sinulat kaso naglaba pa kasi ako noong gabi, dahil gagala kami ngayon at mag-a-ATV sa Zambales. Kailangan matuyo na over the weekend 'yung mga nilabhan ko para bawas na sa gagawin pagbalik.
9 notes · View notes
xxtiinneee · 2 years
Text
Good morning. 3 months na akong nag aalmusal ng project updates at issues sa platforms Gusto ko naman mag almusal ng lugaw. Tuesday palang pero yung pagod ko pang next week na ulit. Hello pagod na me 🫠
6 notes · View notes
sunb0rn · 1 year
Text
sabi ni kar next week na daw ako mag gym ulit kasi dba bukas yung exam ko sa UP, so need ko mag review nngayon instead na sched ng monthly linis ng apartment.
bukas 6 pm na tapos ng exam, ayaw kong nag ggym nang late. wednesday, proposal niyang imove ang paglilinis. with that I would only have thursday para mag gym kasi friday balik ko ng LP.
ayaw koo. absent nlng kako ako bukas to review plus linis apartment para i still have 2 gym days (Wed and Thurs).
yung dalawa pa nga lang bitin na bitin na ako, di ako mapakali. weekend ko pa iniisip na mag stay muna dito until friday para 3 days pa din, iniisip ko lang na kapag sabado ako lumuwas kakaunti nanaman magagawa kong errands over the weekend.
shet. sipag ko (na) talaga mag gym (wala ata dapat "na" kasi for me mula naman nag start ako nung March ang sipag ko/pero feel ko din dapat may "na" kasi nag sisimula palang naman talaga ako). so proud. but at the same time "tAlAgA bA? dUmAgdAg pA eTo sA prOblEmA kO?!?"
//
#ll
11 notes · View notes