strikinginredph
Aspiring Writer, Hannary
2 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
strikinginredph · 3 years ago
Text
HER LAST GOODNIGHT
Her Last Good Night
Magkaibigan ang mga magulang ni Rangel at Cyril kaya naman hindi na kataka-taka kung halos hindi na mapaghiwalay and dalawang magkaibigan. Mula pa mga bata ay magkasama na ang dalawa dahil hindi naman kalayuan ang bahay nila Cyril sa bahay nila Rangel ilang bahay lamang ay makakarating na sila sa bahay ng isa't-isa.
Bata pa lamang si Cyril ay meron na itong komplikasyon sa puso kaya naman palaging naka-agapay rito ang mga magulang nito noon. Hindi nga sana ito pag-aaralin ng mga magulang ngunit sinubukan pa ren nila kung kakayanin ni Cyril. Hindi naman sila gaanong nahirapan dahil habang lumalaki ay dalawang magkaibigan ay kinikikitaan nila si Rangel ng pagmamalasakit sa kaibigang si Cyril.
High School na sila Rangel at Cyril nang makilala ang magpinsang Rhodney at Dexter. Madalas nila itong nakakasama lalo na't may mga school activities inside man or outside ay sila-sila na ang magkakasama. Bagay na naging dahilan kaya naman nagkaroon ng lihim na pagtingin si Rangel kay Dexter. Hindi nya ito ibig sabihin o aminin kay Cyril dahil ayaw nyang isipin nito na mapapabayaan na sya o mawawalan na sya ng oras sa kaibigan. Lingid sa kaalaman ni Rangel na alam ni Rhodney na mayroong pagtatangi si Rangel sa pinsan nyang si Dexter. Masakit iyon para sa kanya dahil gusto nya ang dalaga pero iba ang gusto nito. Minabuti na lamang ni Rhodney na ilihim ang nararamdamang iyon.
Nagkaroon ng school outreach ang pinapasukan nilang school kaya naman inaasahang lahat ay makakalahok sa araw na 'yon. Iyon ren ang araw na nakapag desisyon na si Rangel para umamin kay Dexter. Halos  hindi na makahintay si Rangel na makababa ng kotse para lamang hanapin si Dexter. Dinaanan pa nila ng family driver nila ang bahay ni Cyril para isabay na ito ngunit nauna na raw ito dahil may kailangang iabot sa kanilang teacher- in- charge na mamamahala sa program nila.
Habang palinga-linga sa paligid si Rangel at hinahanap si Cyril ay bigla namang sumulpot mula sa likuran si Rhodney kaya naman bahagya syang nagulat. “Nasaan si Cyril? Hindi mo yata kasama ngayon? Ang blooming natin ah.” pang ookray pa sa kanya nito.
Umirap lamang sya sa hangin. “Obvious ba? 'Di ba kaya nga para na akong giraffe dito kakahanap kay Cyril. Nauna raw kasing umalis at may ibibigay yata kay Ma'am. N-nasaan ang pinsan mo?” agad na tanong nya na ikinailang nya ng titigan sya ni Rhodney.
“Hindi ko kasabay si Dexter e. Nauna ren sya sa'kin. Mabuti pa samahan mo na lang akong hanapin sila. Baka magkasama sila.” aya nya sa dalaga na sumunod ren naman agad sa kanya.
Hindi pa man sila nakakapasok sa mismong program venue ay nakasalubong na nila si Dexter at Cyril, nawala naman agad ang pagkakangiti ni Rangek ng makita ang magkahawak na kamay ni Dexter at Cyril.
Naging seryoso rin ang mukha ni Rhodney nang makita ang biglang pagkawala ng ngiti ni Rangel. “Kanina pa namin kayo hinahanap e.” napalipat naman ang mata ni Rhodney sa kamay ng dalawa. “Malikot lang ba ang utak ko o totoo itong nakikita ko?” paniniguro pa ni Rhodney sa dalawa. Mabilis na binitawan ni Cyril ang kamay ni Dexter nang mapagtantong magka hawak kamay pa sila.
Napangiti naman si Dexter saka napakamot sa ulo. “Sinagot na ako ni Cyril, Rhodney. Ikaw ba kailan mo susuyuin si Rangel?” tinapik pa nito ang balikat ni Rhodney. Agad namang napasulyap si Rhodney kay Rangel na napayuko na lang.
“Baliw ka! Jan na muna kayo magpapasama muna ako kay Rangel.” tumango-tango naman ang dalawa tsaka nya mabilis na hinila si Rangel papuntang park kung saan wala pang maraming tao dahil abala sa pag-aabang ng programa.
Nang makarating sila sa parke ay agad na inalalayan ni Rhodney si Rangel na makaupo. “So kailan mo pa alam na nililigawan ni Dexter si Cyril?” nanliligid ang luha sa palibot ng mata ni Rangel. Seryoso ren ang garalgal na boses nito.
“Rangel wala akong alam sa panliligaw ni Dexter kay Cyril. Ang alam ko lang noon may gusto si Dexter kay Cyril. Nagulat ren ako nung sabihin nyang sila na.” pinunasan nya ang luha nitong 'di na napigilan. Niyakap nya ren ito upang aluhin.
“Ngayon pwede ko na sigurong malaman ang dahilan. M-may gusto ka kay Dexter tama ba?” nakatitig lamang sya sa dalaga na namumula ang mga mata.
Rangel nodded.“Ngayon sana ako aamin Rhodney—after a month. I want to make it sure muna kasi kung gusto ko ba talaga si Dexter. H-hindi ko alam na habang inoobserbahan ko pala ang nararamdaman ko nililigawan na ni Dexter si Cyril. Ang alam ko lang masaya at inspired ako everytime makikita ko si Dexter, ni hindi ko nga naisip na posibleng magustuhan nya si Cyril kasi hindi naman ako nag-iisip nang masama sa kaibigan ko. Kapatid na ren ang turing ko kay Cyril mula pagkabata kami na ang magkasama. I was her strength kapag madalas syang inaatake ng sakit nya sa puso. Wala pa kaming itinago sa isa't-isa pero nadisappoint ako sa nalaman ko kanina. Nagsikreto ren sa'kin si Cyril gaya ng pagsisikreto ko sa nararamdaman ko for Dexter. I think it's my karma Rhodney.” nakayuko lamang ito habang impit na humihikbi.
“No. It's not karma Rangel. Hindi naman porque magbestfriend kayo e lahat dapat alam nyo sa isa't-isa. Malalaki na kayo so normal lang na magkaroon kayo ng privacy. Hindi lahat pwede mong sabihin sa kanya at ganon ren sya sa'yo. Kaya walang kasalanan ang isa man sa inyo. Masakit nga lang na ang lalaking minahal mo ay si Cyril ang gusto. Hindi natin sila masisisi doon.” napasulyap syang mula kay Rangel na ngayon ay panay na ang pagpupunas ng kanyang luha.
Hinagod nya ang likod nito.“Tama na 'yang kakaiyak mo. Tanggapin na lang natin na hindi naman lahat ng expectations natin sa tao nam-meet natin depende sa kagustuhan natin. Hayaan mo na 'yon. Alam kong nasasaktan ka pero hindi lang ang pinsan ko ang makikilala mo. Magiging masaya ka ren. Tahan na.”
Ilan lamang iyon sa mga ala-alang sumagi sa isipan ni Rangel habang nagmumuni-muni sya at nakatulala sa bintana ng private room ng hospital kung nasaan sya naka-confine. Mag-iisang buwan na ren syang naririto at nananatiling inoobserhan hanggang sa kayanin na nya ang operasyon nya.
Mula nang araw na malaman nyang si Dexter at Cyril na ay labis nyang dinamdam iyon. Nagsimula syang mawalan nang gana sa pagpasok at mas gusto lamang na syang mag-isa sa kwarto at magmukmok maghapon. Ilang linggo matapos nyang bumalik sa school na kanilang pinapasukan ay hindi na nya muling kinibo pa si Cyril, hindi nya ren nilalabas ito kada pupuntahan zya nito sa kanilang bahay. Si Rhodney lamang ang tanging tao na nagpumilit na pumasok sa kanilang bahay para kamustahin sya dahil mula nang magkasagutan ang magkaibigan tungkol sa biglaang pag-iwas nya kay Cyril ay hindi na sya muling pumasok. Napahiya kasi sya ng araw na iyon sa hallway ng school na pinapasukan nila.
“Rangel, bakit mo ba ako iniiwasan? Nagkaganyan ka mula nung outreach. Akala ko nawawaka ka lang sa mood mo kaya ganon pero napapansin ko kada yakag at tawag ko sa'yo marami pa ang pagtanggi mo kesa sa pagsama. What's wrong with you?”  tanong nito nang bahagyang tumaas ang tono ng boses nito. Maraming studyante ang nakarinig noon at pinagtitinginan sila.
“Please Cyril 'wag dito. Ayoko lang talaga makipag-usap o sumama kung saan.”  pagtanggi nya pa saka naglakad upang makalayo kay Cyril pero sumigaw lamang ito at hinabol pa sya. “Akala mo ba hindu ko alam na may gusto ko kay Dexter? Bakit ayaw mo pa aminin? Nagseselos ka ba? Kung naiinis ka sa'kin dahil doon well hindi ko kasalanan siguro kung ako ang nagustuhan nya at hindi ikaw.” parang nabuhusan nang malamig na tubig si Rangel sa mga narinig kay Cyril. Ito ang unang beses na naringgan nya ito ng ganoon.
Nasaktan sya ng sobra sa mga sinabi ng kaibigan nyang itinuring nya nang kapatid. All this time hindi nya akalaing mapagsasalitaan sya nito ng ganoon matapos ang mahabang pinagsamahan nila maging ang pagdamay nya rito. At pagintindi sa karamdaman nito.
Ilang linggo lamang ang nakalipas mula nang mag-alitan sila ay tuluyan na syanf nawalan ng amor sa kaibigan. Kasunod noon ang mga araw na hindi inaasahang mangyayare sa kanyang buhay. Madalas syang nakakalimot sa mga bagay-bagay, nahihilo at madalas na nagsusuka. Akala nya noon ay normal lang na nakakalimot sya dahil sa matinding kalungkutang nararamdamab nya at pagmumukmok pero isa na pala iyon sa mga senyales ng Brain Tumor na binaliwala nya lamang hanggang isang araw ay bigla na lamang syang nag-collapse at doon nalaman nila na malaki na ang tumor nya sa utak.
Agad na pinahid ni Rangel ang kanyang luha nang marinig ang pabukas ng pinto ng kanyang silid sa malaking ospital na iyon. Pumasok roon ang kanyang ama at ina.
“Anak.. kumusta na ang pakiramdam mo?” masuyong tanong ng kanyang Mommy na hinahaplos haplos ang kanyang kamay.
She smiled a bit. “I-I'm okay po mommy. Medyo napapagod lang po ako at nanghihina pa rin po.” saad nya na bakas ang matinding hirap sa mga mata.
Nagkatitigan naman ang kanyang mommy at daddy. Tumango lamang ang kanyang daddy sa kanyang ina.
Rangel's mom sighed. “Rangel anak…  I know this is not the right time to tell you about this, alam ko reng ayaw mong banggitin pa si Cyril but I think kailangan mo malaman ang tungkol sa kaibigan mo. Cyril is in critical condition now.  Lumala na ang comlications nya sa puso kaya naman isunugod sya  kahapon dito. Nasa ICU sya at naghihintay lamang ng heart donor. Sa palagay ko anak panahon na para patawarin nto ang isa't-isa. Hindi kita minamadali anak, pero kailangan nyo ang isa't-isa. ” tears fallen in her cheeks.
“M-mommy I'm sorry. I lost my B-bestfriend because of my anger. I missed her.” napagahulgol naman si Rangel nang mang galing mismo sa ina ang mga salitang iyon na matagal nya nang pinagiisipang gawin.
“Hush Rangel. We can visit her naman— she's on the ICU. Ipapaalam kita sa Doctor mo kung gusto mo syang makita.”
“thankyou mommy.” niyakap nya ang ina na patuloy pa ren ang pag-aalo sa kanya.
———————————————————————————
Kinabukasan ay si Rhodney naman ang dumating para bisitahin sya. May dala-dala itong bouquet ng white roses at mga prutas. Napangiti naman sya nang makita ito. Si Rhodney lamang ang bukod tanging nakakaalam nang tungkol sa kanyang sakit dahil nagpumilit itong malaman ang kondisyon nya noong hindi na sya pumasok pang muli matapos ang nangyare sa kanila nang kanyang kaibigan.
“Hi! Kamusta naman ang pakiramdam mo?” tanong nito sa kanya
She smiled at dahan-dahang bumangon pero agad syang inalalayan ni rhodney at basta na lamang hinagis sa sofa ang mga dala-dala nito. “I- I'm okay Rhodney. Salamat. Anyway nadala mo ba yung pinadadala ko sa'yo?”
“Yeah. Walang labis walang kulang.” pagbibiro pa nito.
“Pwede ka ba hanggang mamayang 7 pm? If okay lang.” agad na tanong nya sa binata.
Lumawak ang pagkakangiti nito. “Pabor sa'kin 'yon.”
“Baliw. Samahan mo ako mamaya ah.”
Ngumiti lang ito at nakipag kwentuhan na sa kanya.
It is already 6:30 pm. Nasa rooftop na sila ngayon ng Hospital matapos nilang makapag paalam sa Doctor, pumayag naman ito ngunit may kasama silang nurse.
Nakatitig lamang si Rhodney kay Rangel na nakapikit ngayon at dinadamdam ang malamig na simoy ng hangin sa gabi. Kitang kita nya ren sa mga mata ng dalaga ang labis na kasiyahan ng mapagmasdan nito ang buhay na ilaw galing sa iba't - ibang gusali.
“Rhodney, palagay mo ba tatanggapin at bubuksan ni Cyril ang ginawa ko para sa kanya?”
Naupo naman si Rhodney sa bench na katapat lamang nang wheelchair na inuupuan ni Rangel. “Oo naman Rangel. Alam kong miss na miss  ka na ren ni Cyril at matutuwa sya kung malalaman nyang nag-effort ka for her.”
She sighed. “Sana nga Rhodney. Balitaan mo ako sa sasabihin nya ah or yung reaction ng mukha nya habang binubuksan ang regalo ko.” halata sa mga mata nito ang labis na pagka excite.
“Bakit ko pa ikukwento kung masasaksihan mo naman iyon? Paniguradong ikaw ang pag-aabutin nila tito at tita ng kahon na iyon. For sure wala ka na sa Hospital na ito that time kasi magaling ka na!”
Rangel smiled at nag-iwas sya ng tingin. “You're right Rhondey. I Am no longer anymore with this Hospitak. I'll never forget this place. The place where I realized how important the friendship is.”
“Masaya ako kasi finally ilelet-go mo na ang galit jan sa puso mo.”
Sandaling natahimik si Rangel.
“Rhodney masaya ka ba na nakilala mo ako?” hindi agad nakakibo si Rhodney dahil nabigla sya sa tanong ni Rangel. “Hindi mo na na kailangang sagutin ang tanong ko Rhodney.” bigla nyang hinawakan ang dalawang kamay nito. “Rhodney hindi ka panumaamin sa'kinmula nung magpumilit kang papasukin nila mommy at daddy kahit na ayaw nila ay napapayag mo pa ren sila. Nakita ko kung gaano ka ka concerned sa'kin. Masaya ako to have you. Now bakit hindi mo inamin ang totoong nararamdaman mo nung time na alam mong si dexter at cyril na?”
“Kasi ayokong  iwasan mo ako, ayokong masira yung friendship na meron tayo at lalong ayokong i-grab ang opportunity na 'yon dahil mali. Hindi 'yon ang tamang pagkakataon to confess my feelings. Masaya na akong titigan kita sa malayo kahit pa kay Dexter ka nakatingin. Masaya na ako sa ginagawa ko for you atleast kahit hindu man ako umamin naipapakita at naipaparamdam ko naman sa'yo na nandito ako palagi for you.” hindi na napigilan ni Rangel na mapaluha sa mga sinabi ni Rhodney.
Niyakap naman sya ni Rangel agad. “I want you to know na hindi ka mahirap mahalin Rhodney. Totoo 'yon aaminin kong unti-unti nahuhulog na ako sa'yo pero kailangan kong pigilan 'yon para hindi kita lalong masaktan. Rhodney—soon alam kong may makikilala ka ren na mas karapat-dapat para sa'yo. 'Yun ang gusto ko, yung maging masaya ka. Gusto ko bago ako dumating sa puntong 'yon gusto ko tanggapin mo na at maging masaya ka na lang. Ipangako mo 'yon.”
Hindi na naman nakakibo agad si rhodney dahil hindi nya naiintindihan si Rangel. Naguguluhan sya sa sinabi nito.
“Mag-promise ka please.” pag-uulit pa ni Rangel na humihikbi.
“P-pangako Rangel. Tumahan ka na please.”
Agad namang lumuwag ang higpit ng pagkakayakap ni Rangel kay Rhodney. “Napapagod na ako Rhodney. Pwede mo na ba akong ihatid sa kwarto ko? Gusto ko na sanang magpahinga.”
Dalawang linggo na ren ang nakakalipas ng matapos na syang maoperahan…
Nang gabing mag-usap si Rangel at Rhodney ayun na pala ang huling gabi na mayayakap nila ang dalaga.  Buo na pala sa desisyon ni Rangel na 'wag na ituloy ang operasyon nya sa utak dahil hindi na nito kaya. Bago pa man bumisita si Rhodney kay Rangel ay nakapag-usap na pala ito at  ang mga magulang ng kaibigan nya na sa gabi ring iyon ay maooperahan na sya. Halos manlumo si Cyril habang nakatitig lamang sa video clip ng paghahanda sa operasyon nya at ni Rangel. Nangangatal ang kamay nya habang hawak hawak ang sulat na hindi nya pa binabasa dahil naka titig sya sa video na pinanunuod nya kung saan masayang nakatitig sa kanya si Rangel habang mahigpit ang pagkakawak sa kanyang kamay. Matapos nya mapanuod ang eksenang iyon ay binuksan na nya ang sulat na kanina nya pa hawak-hawak. Patuloy ang pag-agos ng kanyang mga luha sa pisngi at ganon na lamang rin ang paghagulgol ng ina ni Rangel na inaala ng ama ng kaibigan habang nakatitig sa binabasa nyang liham.
Dearest Heart,
CONGRATULATIONS! You did a great fight Cyril! I'm happy to see you smiling again. I know  we had a bad memories before I left you but let me used this letter to say my message for you. You are ny bestfriend at para ko na ring kapatid. I hate seeing you suffering from your heart complication sabi ko noon sa sarili ko—kung may magagawa lang ako para hindi ka na nahihirapan, gagawin ko 'yon. I think this is the right opportunity to do that.  We are not sister in blood by you are my sister in heart. I want you to be happy and to enjoy the awesome world! I'm sorry If I didn't tell you about my brain tumor. Even I, hindi ko ren akalaing aabot ako sa ganitong punto. Pero masaya naman ako kasi finally magiging isa na tayo! Now I know magtataka kung bakit wala ako jan sa oras na gumising ka na. I'm sorry If hindi na kita mayayakap na kagaya ng ginagawa ko noon. Pero alam kong ngayon higit pa sa yakap ang magagawa ko dahil higit pa sa hug ang maibibigay ko. Ingatan mo sana ang sarili mo Cyril. Mamimiss ko ang bonding natin na sa palagay ko sa after life na natin maitutuloy 'wag mo na akong alalahanin. Masaya na ako ngayon kasi gising kana. Palagi na tayong magkasama ngayon. Mahal na mahal kita sis! Please tell Rhodney na hindi ko sya makakalimutan. Ikaw na sana ang bahala kila mommy at daddy. Mwuaaaah!
Love and Kisses,
Rangel
Napakapit naman si Cyril sa kanyang dibdib habang panay ang hagulgol at muling minasdan ang video clip na nasa laptop kung saan ni-play nya ang last video kung saan nakahiga sya sa ICU at natutulog habang hawak-hawak ni Rangel ang kanyang mga kamay. Hinalikan nito ang kanyang noo. Bago magpaalam.
Goodnight Cyril..
#filipinaaspiringwriter #strikinginredph #writersontumblr #aspiringwriter #bleedingpen #write #supportlocalstoriesPH
0 notes
strikinginredph · 3 years ago
Text
Ang Hatol [A ONE SHOT STORY WRITTEN BY A FILIPINA ASPIRING WRITER : STRIKINGINRED]
And now were just strangers again
“Aiko ano ba kasing naisipan mo't nag bar pa tayo may bahay naman e sana doon na lang. Mamaya ma shenglot kayo jan problema ko pa kayo.” alangang sabi ko sa kanya na pangiti-ngiti lang habang nag-iintay sa table na pinili nila.
“Sus ang hilaw na 'to hanggang ngayon wala pa ring pinagbabago. 'Di ba girls?” nagtawanan naman sila nila Andj, at Rizel na tapos ng umorder ng beer habang ako ay juice lang ang inorder. “Stop being KJ Cali! Nandito ka na sa pilipinas kaya dapat lang na mag celebrate tayo, ikaw naman kasi maisipan mong umuwe wala ka man lang pasabi. Edi sana nagpa catering kami 'diba?” mas lalo pang lumakas ang tawanan nilang tatlo na ikinakunot na lamang ng noo ko saka inilibot ang paningin ko.
“Ma'am eto na po ang order ninyo. If may gusto po kayong ipagdagdag tawagin nyo lang po ako. Nga pala mga ma'am may promo po kami ngayon para sa barkada bundle kaya later mo malalaman nyo ang freebie sa inyong magbabarkada. Enjoy!” pagpapaliwanag naman ng waiter na nagserve ng beer sa mga bruha at kinindatan pa si Aiko.
Eww kailan pa naging wild ang bruhang Aiko na 'to?
“Kaya pala dito ka nag aya kasi may promo ang bar. Tell me nga Aiko kailan ka pa natuto matuwa sa guy na pakindat kindat lang sa'yo? Ano ka aso? Duhh. Hindi ko alam na cheap ka na.” inirapan ko pa sya saka sumimsim sa pineapple juice na inorder ko at kumuha ng nachos.
“Hoy Cali the Madre shut up ha! Hindi ako cheap.” bwelta pa nya. “Ang gwapo kayo nung guy malamang isa sya sa mga owner ng bar na 'to argh! Can't wait to see them later.” bahagya pang napatili ang bruhilda kaya naman kinurot ko sya at bahagyang napa pikit sa sakit.
“Nako Cali hayaan mo na 'yan si Aiko, ganyan na talaga 'yan simula nung lokohin ng bf nya. Ayan hindi na sya naging matino. Tatlo nga yata ang kaharutan nyan e.” paliwanag naman ni Rizel.
“Collect and select nga raw kasi, ano ba kayo?” napangisi pa si andj na abalang abala sa pagttype sa cp.
Napairap na lang ako sa hangin saka nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Ilang sandali pa narinig ko na ang iritan at palakpakan ng mga tao sa loob ng bar na 'yon.
Huh? What's going on?
“Oh Gaaaahd ayaaaan na! Nanjan na ang Vlad Band.” mahinang tili ni Aiko na napakampit pa sa kamay ko.
Nananatili namang magkasalubong ang kilay ko at nakikitingin sa gawing tinitignan ng lahat. Ang spot light ay nakatutok na ngayon sa bakanteng stage ng bar kung saan may mga instruments na nakalagak.
Oh! May live band pala dito lagi.
Binalewala nya lamang ang nag-iiritang mga tao sa loob ng bar na 'yon maging ang mga kaibigan. Kinuha na lamang nya ang kanyang phone saka nag selfie na kasama ang mga kaibigang halos mabaliw na kakairit sa kung sino mang poncio pilatong banda.
IG CAPTION: I thought it was my celebration for coming back here in the philippines *rolled eyes*
Bigla akong napatigil ng marinig ko ang boses ng nagsalita sa stage. Nagkakamali lamang ba ako ng narinig or nabosesan?
I glanced at the guy who's speaking now in front. He was holding a guitar. No!
“Grim?” mahinang naitawag ko sa pangalan ng lalaking kailan man ay hinding hindi ko maaaring makalimutan.
Napatingin naman sa'kin si Aiko. “Oh! Sorry Cali I forgot to tell you na si Grim mo ang band vocalist ng Vlad, take note isa rin sya sa may ari ng bar na ito.”
Hindi ako makapaniwalang sa muling pagbabalik ko sa pilipinas makikita kong muli si Grim at hindi lang 'yun basta na lang ganon dahil sa dinami rami ng lugar at pagkakataon ay ngayon pa kami itinadhanang magkita.
Nagpabalik sa'kin sa reyalidad ang narinig kong notification sound galing sa cellphone ko. Sunod sunod iyon kaya naman agad kong binuksan.
*OMG! NASA PILIPINAS NA ULIT SI AUTHOR! WAAAA NANUNUOD SYA NG LIVE BAND NG VLAD SA BAR NILA!
*OMOO WELCOME BACK AUTHOR!
*ACKK SI GRIM PO NASA PIC AUTHOR!
*UWUUU KAKAKILIG! DESTINY? WELCOME BACK AUTHOR!
Ilan lamang iyon sa mga komentong nabasa ko sa IG post ko kani-kanina lang. Si Grim nga ang nakikita ko ngayon na nagpeperform sa entablado.
Nanatili lamang akong tahimik at walang kibo sa sulok na iyon ng kinauupuan namin. Abala ang lahat sa panonod sa nagpeperform halos lahat sila ay 'di na kumukurap sa bandang pinanunuod nila.
Malaki ang ipinagbago ni Grim hindi na sya ang long hair na Grim na iniwan ko noon hindi na ren sya mukhang wasted. Mukhang naka-recover na sya sa mga nangyare makalipas ang sampung taon. Kung sa bagay matagal na panahon na rin iyon para naman hindi pa sya maka get-over.
“Hoy Sis! Okay ka lang jan? Kanina ka pa walang kibo jan ah. Nandito tayo para mag-enjoy. 'Wag ka sanang KJ. And oh! Mukhang uulanin ka ng mga fans mo ngayon.” agad na bungad ni aiko sa akin matapos mag perform ng Vlad Band sa unahan. Nagpalakpakan ang lahat kasabay noon ang pagtayuan ng mga fans ng banda at ang iba naman ay akala mong mga langgam na nagdungawan sa table namin.
“Wait isa isa lang okay? May jet lag pa itong Author ninyo. 'Wag nyo sya ipressure baka mag collapse 'yan.” pabirong wika naman ni Rizel.
Napangiti naman ako sa kanila habang nakatutok ang mga camera sa akin, ang iba naman ay may dala-dalang papel at tissue na may kasamang ballpen.
“Hello po Ate Cali! Welcome back! Sana po hindi na kayo umalis ulit dito sa pilipinas para maituloy nyo na po 'yung naudlot ninyong grand booksigning. Marami po kasi ang umasa 'nung araw na 'yon kaso biglaan naman po ang pagmmigrate ninyo.” request pa ng isang reader ko na nagpapacute sa'kin.
“Nako isang buwan lang ako rito pero susubukan kong maire-sched ang grand book signing natin para sa inyo okay? Basta magintay lang muna tayo sa date. Makikiusap muna ako sa publishingna humahawak sa akin. Okay ba 'yon?” nagthumbs up pa ako sa kanila.
“Waaaa super thankyou Ms. Cali.” sabay sabay na pagkakasabi nila habang tumatalon-talon pa ang iba.
“Ms. Cali marami po ang nac-curious kung 'yung last story mo po bang ipinublish ay isa sa mga Vlad Band ang tinutukoy ninyo. Totoo po ba 'yon? Nakita ren po namin ang IG post mo at nakuhanan mo po ng picture si Grim. Aksidente lang po ba 'yon? Or tadhana?” naghihiyawan pa sila at patuloy ang pagkantyaw sa akin.
“Nako kayo talaga. Mga kaibigan ko lang sana ang kukuhanan kong kasama ko kaso 'di ko naman alam na nakasali pala 'yung idol nyo.” pagpapalusot ko pa dahil hindi ko ren naman akalaing eeksena sya roon.
“Bro, sino ba 'yung pinag uumpok-umpukan nila doon sa dulong table?” tanong ni Grim na nakatanaw sa dulong table na animo'y may sabong sa dami ng taong nakadungaw sa table.
Napangisi naman si Genesis. “If I'm not mistaken may Author tayong guest tonight, and sa pagkakaalam ko kakauwe nya lang galing Canada. I think you know her.” tinapik pa nito ang balikat nya.
Makalipas lamang ang ilang sandali matapos ng kanilang performance ay unti-unti na ring nag alpasan ang mga tao na nakadungaw sa dulong table. Maraming nakalatag na tissues at paper sa table ng mag-alisan ang mga tao roon. Bigla namang nakaramdam ng iritasyon si Grim. Kaagad syang tumayo sa kinauupuan at nilapitan ang dulong table.
“Bro saan ka pupunta?!”
Siniko naman ni Janes si Genesis at sinenyasan na hayaan na lamang si grim.
Labis na pagkabigla ang naramdaman ni Cali ng tumayo si Grim sa tapat ng table nila. Nananatili lamang syang nakatunganga rito.
“Excuse me Miss, pwede ba kitang makausap. Sandali lang. Sa labas tayo.” walang emosyong bungad nito habang nakapamulsa.
Hindi agad ako nakahuma sa sinabi nyang iyon kaya naman mas lalo akong nagulantang ng ibagsak nya ang kamay nya sa table namin.
“OMG! Cali sige na. Hihintayin ka naman namin dito.” tarantang wika ni Andj na dali-dali akong pinatatayo.
Wala na akong choice kundi ang tumayo dahil pinagtitinginan na kami ng mga guest.
Hinaltal nya ako sa labas ng bar na iyon at dinala ako sa parteng walang gasinong tao na nadaan.
“Grim ano ba?! Kailangan mo ba talaga akong haltakin?” reklamo ko pa saka ko hinawakan ang wrist ko na ngayon ay namumula.
“Bar ko ito, if you want to have a booksigning or having a fan meet, magpareserve kayo ng restaurant na pwede nyo arkilahin the whole night. You ruined our night. Kami dapat ang pagkaguluhan at hindi ikaw.”
Nagsalubong naman ang kilay ko. “Kinausap mo ako para sabihin lang 'yan?”
“Why? Ano pa bang ineexpect mong pag-uusapan natin?” he grinned.
Sandali akong natameme  sa tanong nya. “I thought magiging masaya ka sa muling pagkikita natin Grim, I'm happy sa mga na achieve mo.”
Sarkastiko syang tumawa. “Me? Magiging masaya sa pagkikita natin? The hell! Ni hindi nga sumagi sa isip ko ang pagkikita natin e. I don't care about your existence anymore Caliza. You left me not just once.”
“Grim, hindi kita basta iniwan dahil sa gusto ko lang.”
“Yeah, I know. Iniwan mo ako because of what I did to you right? Cali, it was just one mistake.”
“Isa?” sarkastiko akong napangiti. “Isang beses lang ba? Grim ilang beses kang nagsinungaling sa'kin at ilang beses rin kitang pinatawad at binigyan ng chances, once? Twice? Thrice? Grim higit pa sa tatlong chances! Yeah I admit it. Palagi kitang iniiwan everytime na ganoon ang nangyayare sa'tin noon. Why? Dahil hinahayaan mo akong maramdaman 'yung mga bagay na hindi naman dapat. For the fifth times pinatawad kita. Anong ginawa mo? Mas lalo mong pinalako lahat! I trusted you! Pero pinili mo pa rin ang magsinungaling sa'kin. Ano bang akala mo? Joke lang 'yon?” hindi ko na napigilan 'yung luhang kanina pa nagwawala sa paligid ng mga mata ko.
“I already forget about us. I don't know you anymore so please, 'wag mo ng ibalik pa anumang meron sa nakaraan. I'm okay now. Mas na-realized ko ang lahat when you left me. After you left me mas lalo mong pinaramdam sa akin na wala ng ibang magmamahal sa'kin. You see this? Ito, itong mga tattoo na 'to lahat 'to dahil sa'yo! Now let go out of my life. I don't need you anymore.” he walked out.
Ilan lamang 'yon sa mga ala-alang sumagi sa isipan nya habang nakaupo ngayon sa silya kung saan naka break ako for 15 minutes bago ako babalik muli sa book signing. Naalala nya lahat ng pangyayaring iyon ng huling gabing nakausap nya si Grim. Ang akala nya ay sa muli nilang pagkikita ay muli nilang maibabalik ang lahat kagaya ng pinangako nya sa binata bago nya ito iwanan pero hindi nya akalaing kakalimutan na pala talaga sya nito. Ang mas masakit pa ay muli silang nagkita sa booksigning kanina kung saan kasama nito ang girlfriend daw ni Grim. Halos manginig ang kamay nya kanina habang napirma sa libro ng gf ni Grim. Wala itong idea marahil ng tungkol sa nakaraan nila dahil ganoon na lamang sya yakapin ng babae. Parang hindi nya kayang ngumiti ng magrequest pa ang babae na magpicture silang magkasama dahil si Grim ang kukuha ng picture. Kitang kita nya ang walang emosyong mukha ni Grim na ni segundo ay hindi man lang sya matapunan ng tingin.
Agad syang tumayo at nagpaalam na pupunta lamang ng comfort room para mag-ayos dali-dali naman syang pinayagan ng kanyang manager kaya mabilis pa sa alas quattro syang nagtungo roon. Habang naglalakad ay hindi na nya napigilan pa ang mapaiyak sa sakit ng nararamdaman nya. Mabigat sa pakiramdam ang presensya ni Grim kanina lalo na ang itsura nito. Idagdag mo pa ang ala-alang mas nagpapasakit ng damdamin nya ng basta na lamang syang iwanan ni Grim sa labas ng bar habang umiiyak ng gabing nagkausap sila. Na mas lalo pang sumakit ngayon na ang dating lalaking nangako sa kanya na sasamahan sya sa lahat ng booksigning nya ay iba ang sinasamahan ngayon para magpa pirma ng libro. Parang unti-unting dinudurog ang puso nya.
Habang papalapit sya sa Rest room at panay ang pagpahid sa kanyang luha ay nagulat sya ng malikuan si Grim na batid nyang hinihintay marahil ang gf na nasa loob ng rest room. Napatigil sya at sandali silang nagkatitigan. Ang akala nya ay lalapitan sya nito ngunit tumindig lamang ito dahil lumabas na ang gf nito. At doon ay parang hangin lamang syang nilagpasan ng lalaking huli nyang inibig.
#filipinaaspiringwriter #strikinginredph #writersontumblr #aspiringwriter #bleedingpen #write
1 note · View note