privypanda
wanderluster♥
9K posts
🐼♥maricris♥🐼
Don't wanna be here? Send us removal request.
privypanda · 5 years ago
Photo
7 years ago. ❤️😥
Tumblr media
this made my day. HE made my day..:))
Kahit pa “Hi” lang yan, buong buo na ang araw ko! HAHAHA. Natiyempuhan ko eh. KILIGGGGSSSSSSS. ^______^
nag-kuya lang ako eh, ate naman daw agad!
10 notes · View notes
privypanda · 5 years ago
Photo
Nostalgic.. Yung issue ni loonie lang ang nakapagpabalik saken dito sa tumblr after more than a year of not being active. Nung narinig ko ung balita nagflashback saken ung mga panahong sobrang adik ako sa fliptop around 9 years ago. Tipong nag uumpisa pa lang iintroduce etong rap battle na to sa tv, subaybay na subaybay ko na ang mga videos sa youtube. At talagang pinakapaborito ko si Loonie. Nakakalungkot na nakakaiyak na hindi ko maintindihan. Kung totoo man, I know this will be a big lesson not only kay Loonie but to everyone. At kung set up lang ang nangyari, the truth will prevail. 🙏❤️
Tumblr media
makabati naman ako oh! HAHA..kahit pa fan page lang un, nagpost pa din ako.
i’m really a FAN.. super idol at crush ko kasi si loonie..laki ng paghanga ko sa kanya..ang galing nya kasi, basta, astig! isa sya sa mga paborito kong rapper/fliptopper bukod kay idol DELLO pati kay *apekz my love♥ at kay *fuego darling♥ 
lol..nangangarap pa din akong makapanood ng live na fliptop battle at live na SUNUGAN..sana naman sa mga susunod na panahon, maexperience ko un.. :) 
8 notes · View notes
privypanda · 6 years ago
Text
Finally. 😇
Dalawang buwan na mula nung officially mag-start ako sa bago kong trabaho. Umpisahan ko muna sa panahong nag-aapply apply pa lang ako....
Mula nung nagresign ako sa first company ko dito sa Abu Dhabi, sabi ko sa sarili ko, sana naman engineering position ung mapasukan ko. Pero habang tumatagal, sa dami ng naaapplyan ko, napatunayan kong medyo mahirap pa din palang makapasok sa engineering field lalo na kapag medyo baguhan dito sa UAE. Ang magiging kalaban mo ay ung mga taong highly-experienced na, o kaya naman offer na sobrang baba. Nag-apply ako sa kahit anong position na makita ko na sa tingin ko eh pasok naman ang qualifications ko, at sa mga position na hindi man ako qualified pero kapal ng mukha na lang pinanghawakan ko. 😂
Sa facebook group ko nakita yung job post na naghahanap ng “female MECHANICAL engineer”. February ko pa yun nakita, pinasahan ko ng dalawang beses pero walang feedback. Eh ano pa nga ba, hindi naman kasi ako ME  😞
Mula January hanggang April, siguro mga anim na job offers na yung natanggap ko, pero hindi ko talaga feel na igrab. Though merong iba dun na ok naman, kaso yung job conditions medyo sablay. Hanggang sa nakita ko na naman nagpost ung company na naghahanap ng “Female MECHANICAL Engineer”. Syempre, naging maka-Ginebra ako ng mga panahong yun, NEVER SAY DIE ang concept ko, kaya gora! pasa lang ulit! 
Hanggang sa tinawagan nila ako for interview. Eto na nga, interview na. Talagang pang Mechanical pala yung position kasi Application Engineer for Pumps ung hanap nila. During the interview, overflowing yung confidence ko, medyo nagreview kasi ako ng konti about pumps, tapos medyo binibuhan ko yung english ko 😂 At about sa hands on naman, nakatulong din ung experience ko sa old company ko kasi costing ung pinagawa. Yung autocad naman, experience ko sa company ko sa Pinas ang nagamit ko. O diba?? Ang galing lang. 
So after nun, sabi saken nung nag-interview, pupuntahan niya daw ung General Manager to give his feedback. After few minutes, tinawag na ko nung GM at sinabing “You are highly recommended by this man. So we will give you the offer letter today to expedite the visa processing.”
Ang sarap lang sa pakiramdam. Nareceive ko yung offer letter at “Application Engineer” ang job designation ko.  😊
Sobrang blessed ko lang. Sabi pa ng mga secretary, ang swerte ko daw kasi ang daming nag-aapply na mechanical engineers pero ako yung napili.
Thank you Lord for this blessing. 😇
At ngayon nga, 2 months na ako sa company na to. Medyo challenging kasi wala talaga akong background tungkol dito dati pero with the help of my superiors, araw araw my new learnings. Hopefully maging successful ako sa field na to.  😊
Tumblr media
2 notes · View notes
privypanda · 6 years ago
Text
hello. mic test. hello...
Pasubok nga ulit. 
Namiss ko to. Namiss kong mag-blog. 2009 pa lang, kasama ko na tong si Tumblr sa hirap at ginhawa. Sa lungkot at saya. Nasubaybayan niya na yung ups and downs, failures and growths, at lahat ng drama ko sa buhay.
Ang laki ng impact netong tumblr saken eh. Naging kumbaga “best friend” ko to nung mga panahong wala akong matakbuhan. Yung sobrang lungkot ko pero wala akong malapitan at sobrang saya ko pero wala akong mapagsharean ng kasiyahan. 
Ngayon, gusto kong maging active ulit dito kaya I’ll try my best na mag-update pag hindi ako busy.  😊
0 notes
privypanda · 7 years ago
Text
😢
yung naiiyak na lang ako sa sobrang homesick 😢
kelan ba kami mkakauwi? walang kasiguraduhan. Nakakalungkot. 😔
Happy Fiesta Brgy. Sampaga!
1 note · View note
privypanda · 7 years ago
Text
whyyyyyyyy 😢
Yung nag-apply ako sa isang napakalaking inspection company. Actually lalaki talaga yung hanap nila for the position pero dahil wala pa silang makitang swak, cinonsider na yung application ko. Kahapon ininterview ako kasabay ung isang applicant na kabayan, Mechanical Engr from Petron Bataan. Edi syempre dehado na ako kasi ano ba naman yung experience ko sa pinas, puchu puchu lang kung tutuusin. Interivew, exam, interview, exam then interview uli ang scenario kahapon. Tapos wala pa akonsa bahay tinawagan na nila ako ulit to come today. At pagdating ko kanina, nalaman kong shortlisted ako at iaassess ako ni kuyang employee dun para malaman kung ok ba ako sa trabaho.
Sabi niya saken gusto daw ako nung CEO at nung department manager. Lamang daw ako kesa kay kabayan na kasabay ko kahapon. Akalain mo yun, ako pa talaga ung napili. At kanina sinabi ni kuya na okey na daw ako sa kanya. Pasado na daw ako, pero ang problema na lang eh kung papayag ba ako if maaassign sa dubai kasi dun ung client nila. At nasa contract nila na irerequire ako magwork sa Client's office if ever mahire ako. Which is, big NO para saken. Kasi nandito si bessy sa Abu Dhabi, nandito ang ate ko at hindi ako mkakasurvive ng mag-isa dun.
So, to sum it up, inform ko daw sila kung ok ba saken magwork sa dubai. At call din daw nila ako for feedback.
Bakit ganun 😢
TUV un eh. TUV 😢
0 notes
privypanda · 7 years ago
Text
Tumawag yung dati kong boss at pinipilit pa din akong bumalik sa company nila pero ekis na talaga. Kahit taasan niya sahod ko, ayoko na.
Nakakatuwa lang na marinig na gusto niya akong bumalik kasi incomparable daw ako sa ibang employees. May mga nakatrabaho ako dun na mas matanda at mas experienced na kesa saken pero sabi niya, "No one can surpass you. Even blah blah and blah blah can't do the things you can."
Sabi niya masyado daw akong nagset ng mataas na standard. Flattered ako syempre kasi icompare ba naman ako sa ibang professionals na pagdating sa ganung business pero ako pa din yung preferred niya.
Salamat kasi may nakakaappreciate ng effort kong papuchu puchu lang naman. 😂
2 notes · View notes
privypanda · 7 years ago
Photo
Tumblr media
I'm in love with this four. 💙💛❤️💜
1 note · View note
privypanda · 7 years ago
Text
Yung eksenang hindi maka move on ang suppliers at customers na wala na ako company. Haha. Yung totoo? Wag niyo naman ako masyadong mamiss..😂😂😂
0 notes
privypanda · 7 years ago
Photo
Tumblr media
My favorite sibling 😊 Sorry na kung may favoritism. Haha. Eh kasi bunso namin to eh. 😘
1 note · View note
privypanda · 7 years ago
Text
Bakit ba ako iyak ng iyak? Parang tanga ako dito. Kainis! 😥
Si monai matutuloy na sa UK this coming April. Akala ko medyo aabutin pa ng 6 months pero di pala. Natutuwa ako syempre kasi matutupad na yung pangarap niyang maging nurse sa UK. After ilang years ng pagtitiis sa mababang sahod sa pinas, finally ung ideal salary abot kamay niya na. At syempre para din naman sa pamilya yun lalo sa inay at tatay. Pero at the same time nalulungkot ako kasi syempre para sa magulang, hangga't maaari gusto magkakasama ang mga anak at malapit sa kanila physically pero sa case namin, talagang hiwa hiwalay kami. Ang kuya ko at pamilya niya nasa Laguna, Si Millete at asawa nasa SG, si Michy at pamilya at ako nandito sa Abu Dhabi, tapos si Monai paalis na nga pa UK. Si Matt naman sa Sto Tomas nagwowork at weekly umuuwi. Si Mai na lang at mga anak niya tsaka si Wayne ang nandun sa bahay. Nakakalungkot lang sobra 😥 At hanggang ngayon tulo pa dun ng tulo ang luha ko.
Gusto kong bumalik sa panahong sama sama kaming lahat. Yung masaya sa simpleng buhay. Pero hindi naman pwedeng laging ganun kasi bawat isa samen may pangangailangan at hindi talaga sapat ung kita sa pinas. Haaaaaay 😔
Ang wish ko na lang sana maging maayos ang lahat. Manatiling malakas ang pangangatawan ng bawat isa samen lalo ang Inay at Tatay. At hihintayin ko na lang dumating yung araw na magkakasama sama ulit kaming lahat. ♥️
Tumblr media
0 notes
privypanda · 7 years ago
Text
Isa sa best feeling?
Yung out of 20 Applicants, ikaw yung napili ng company, take note, International at well-known company talaga. 😁
Simula nung maghanap ako ng work last January, I received 4 job offers. Hindi pa kasali dun ung apply ko last December na inofferan din ako. Pero alam mo yung feeling na hindi mo tanggapin kasi hindi sapat. Hindi sa pagiging greedy pero may experience na din naman kasi ako dito sa UAE kaya I'm expecting to receive more.
Since di pa naman ako icacancel ng boss ko at hindi naman ako nagmamadali, I'll wait for the perfect Job.🙏😇
1 note · View note
privypanda · 7 years ago
Photo
Tumblr media
We've been through a lot of challenges and fights more than anyone could ever imagine. After all the wrongs I've done, he never left and never gave up on me. He's the best partner a lady could ever have. He's always there to support and understand even on the most complicated circumstances. Sometimes I'm thinking that I don't deserve him. He deserves someone way better than me but it's now clear. I may not be perfect but God gave me this wonderful person to fill up all my imperfections. He's such a great blessing. The BEST gift that I have received since the day I knew him. I love him and I always will. No matter what happens, I will always be here for him. I will NEVER leave him. ❤️
0 notes
privypanda · 7 years ago
Text
Ang hirap maging adult. 😔
Seriously. Nagugulumihanan ako. Kasi ang hirap pumili ng trabaho. Yung tipong ano ba ang pipiliin ko, yung maghintay ng medyo malaki laki ang sweldo pero hindi related sa course o yung related sa course pero hindi masyadong malaki yung sweldo?
Eh bakit naman kasi ganun. Bakit hindi pwedeng full package, tipong PM2 na unli rice ng Mang inasal ang mapunta saken??? (maikonek lang kasi miss ko na un..bakit kasi walang mang inasal dito sa abu dhabi 😕) Huhu. Nakakastress lang.
Hindi din naman pwedeng tumunganga ako ng matagal sa bahay at maghintay ng perfect job para saken kasi baka yung perfect, nakalampas na pala habang naghahanap ako ng iba (parang love lang, why will you keep on searching if the person meant for you is already in front of you.. maikonek lang ulit! )
Seryoso talaga nakakastress ng mga 20times. Tapos nandun pa yung gusto kong umuwi muna at yakapin ang inay at tatay, mga kapatid at mga pamangkin ko na mag dadalawang taon ko nang hindi nakikita.. huhuhu😥. Homesickness overload.
Ano bang kelangan kong gawin? Ang hirap talagang maging OFW..
Lord please guide me. Kayo na po ang bahala saken. ❤️
0 notes
privypanda · 7 years ago
Text
Last day..
Yesterday, January 21 was my last day at work. Mixed emotions.
Unang tungtong ko pa lang sa company, nakita ko na agad yung environment na masasabi kong “wow. this is it!”. Tipong ang gaan gaan ng feeling, ang fresh ng ambiance, sobrang wala kang marereklamong hindi maganda.
When it comes to work, exceptional yung learnings na napulot ko. Hindi man sya related sa course ko, dito ko naman natutunan at natuklasan yung mga bagay na kaya at hindi ko kayang gawin. Since I’m the only employee who was able to work in 4 different divisions, dun ko na-prove ung flexibility ko as an employee. I’m proud to say na kahit saan ako isabak, nagagawa ko ng maayos yung trabaho ko. Dito ko din natutunan ung patience sa trabaho at sa workmates. Haha. Kasi honestly, dealing with people from different countries and culture is really a headache. From workmates to suppliers to customers and even mga manyakis na palipad-hangin, I was able to handle them in a good way. 
On the other hand, hinding hindi ko makakalimutan yung bonding, tawanan, tulungan at support na binigay saken ng workmates ko. Dahil nga kung san san na ako isinalpak ng amo ko, parang ako ung naging close sa lahat ng empleyado sa company. Ako yung nakilala nilang makulit, jolly at parang bata. Kaya nung nalaman nilang nagresign na ako, isa lang yung thought sa lahat ng naririnig ko sa kanila “you’re like a kid who brings joy to everyone..you’re smile can change all of employees’ mood..and surely, this company will never be the same without you..”
At kahit na ilang tambak ng sama ng loob ang inabot ko dito sa company, I will always be thankful for the opportunity they have given me. Na kahit nireject ko yung offer nila saken dati, when worse scenario came, tinanggap pa din nila ako to work with them. At yung amo kong hindi pa din matanggap na umalis na ako, sobra yung pasasalamat ko sa kanya. Sa pa-apat na beses ko binigay yung resignation letter ko, syaka nya lang tinanggap. Pero hanggang ngayon, umaasa pa din siya na hanggat hindi ako nagpapacancel ng contract/visa, babalik pa din ako. Ang dali sa kanya na iterminate yung 7 employees na kasama namin dati, pero bakit ang hirap nyang pakawalan ako? hahaha. yung tipong ako na ang nagmakaawa na “please sir..accept my resignation”.. Sabi niya he planned everything for me kasi ako yung isa sa mga best employees na nakatrabaho niya at kahit na anong mangyari, I will always be his first choice, kung lumipat man siya ng ibang work. 
Hindi naman sa pagmamayabang, (slight lang). Feeling ko sobrang sipag ko sa trabaho kaya mahirap akong i-let go. Haha
Anyways, sobrang awesome nung journey ko sa EIDE. At this time, I’m hoping for a better job with God’s grace and in God’s perfect timing. 😇 💓
2 notes · View notes
privypanda · 7 years ago
Text
October 23..
Yesterday marked my first year in EIDE.
Parang ang bilis bilis. Pero ang bigat bigat. Nung una ang sarap sa pakiramdam na ang gaan ng gawain hanggang sa parang "hello????isang tao lang ako..hinay hinay lang. mahina ang kalaban".
Full of twists and turns..at umaabot sa point na wala na nga akong natututunan, pagod na pagod na, hindi pa ako masaya. Lugi pa ako sa konsumisyon at sama ng loob. Pero ang iniisip ko ay ang pamilya ko, sila yung rason kung bakit kahit sobrang hirap eh kinakaya ko.
Hopefully, sooner or later maging maayos din ang lahat.
Thank you Lord for the love and guidance. I know You're always there for me. ❤
2 notes · View notes
privypanda · 7 years ago
Text
words are there..well-wrapped..sealed..waiting to be opened...someday those words will be free...
...and so do I...
1 note · View note