peta-1
peta-1
PETA 1 group 5
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
peta-1 · 3 years ago
Text
Peta # 1
Jericho Gonzaga (Impormatibo)
         Ipapakilala ko sa inyo ang mga departamento ng Senior High School sa Don Bosco Makati. may apat na strands na pwedeng pagpilian, ABM, HUMSS, STEM, at Arts and Design. ABM ay para sa mga gustong i-pursue ang career sa banking, entrepreneurship, accountancy, etc. HUMMS ay para sa mga gustong mag take up ng journalism, liberal arts, communication arts, education, psychology, etc. STEM ay nagtutuon sa physical sciences, mathematics, engineering at technology. Arts and Design naman ay para sa mga gustong ipahayag ang kanilang sarili sa malikhaing paraan, binibigyang-daan nito ang mga batang naghahangad na artista na lumikha ng sining gamit ang tradisyonal at digital na media. Ang Senior High School ng DBTI ay nagbibigay ng akademiko at teknikal competencies sa mga estudyante, na ginagawa silang globally competetive at college-ready. 
Johann (deskriptibo)
Bilang isang mag-aaral sa senior high school, parang hindi masyadong naiiba sa kung ano ang buhay bilang isang junior high school student. Sa tuntunin ng iskedyul ang junior high ay mas mahaba kaysa senior high. Bagama’t dahil lamang sa maikli ang iskedyul ay hindi nangangahulugan na ang trabaho ay hindi, dahil ito ay senior high, ang trabaho ay mas bigat at nangangailangan ng higit na pagsisikap. Ang iskedyul para sa junior high ay halos 8 oras lamang habang ang senior high ay nangangailangan ng 6 na oras ng klase, pero gaya sa sabi ko ang work load sa senior high ay mas bigat. Bukod doon may pagkakatulad din ang junior at senior high school sa mga tuntunin ng pagkuha ng pagsusulit at gawain sa pagganap.
Ang dahilan kung bakit maganda rin ang “senior high school life” sa don bosco ay dahil sa kanilang lessons ay mas objective based sila at handa silang tulungan kang mauwanaan ang lesson kahit pagkatapos ang klase. Ang tawag sa curriculum na yan ay consultation period, Isang espesyal na oras para magtanong sa mga guro para sa karagdagang paglilinaw katanungan. Isa pang dahilan kung bakit maganda ang “senior high school life” ay dahil sa schedule ulit. Ang pagbalik sa iskedyul ay hindi lamang nangangailangan ng 6 na oras ng mga klase ngunit mayroong isang araw na pahinga sa kalagitnaan ng linggo. Ito ay upang hatiin ang karaniwang araw sa dalawang bahagi na may dalawang araw na klase, bawat isa sa dalawang araw na iyon ay mayroon ding hindi bababa sa isang panahon ng konsultasyon.
Liggayu (Narratibo)
        Bago pa man ako tumuntong ng Senior High school, iniisip ko pa kung saan man ako mag-aaral para sa aking pag - aaral sa departamento ng Senior High school. Naisip ko na mag-aral sa  Don Bosco Technical Institute of Makati dahil alam ko na maganda ang eskwelahan na ito lalo na sa pagiging isang Bosconian. Grade 1 pa lamang ako, sa Don Bosco Makati na ako nag-aaral. Nais kong tapusin ang aking pag-aaral hanggang Grade 12 upang makamit ko ang loyalty award (silver). Masasabi ko na maganda ang Senior High School sa Don Bosco Makati hindi lang sa magaling magturo ng mga bosconian values, nagbibigay din ng eskwelahan ng mga kaalaman sa technical. Malaki ang tulong ng mga technical subjects upang magkaroon ka ng sapat na kaalaman kung ano ang magiging pangarap mo para sa kinabukasan.  Kung tutuusin, maganda naman ang Senior High School sa Don Bosco Makati. Magaling din sila magturo at handa kang tulungin kung may kinakailangan ka para sa iyong pag-aaral. Maganda din ang iskedyul sa departamento ng Senior High School, dahil ang simula ng pasok ay 9:00 ng umaga hindi katulad ng Junior High School gigising ka pa ng maaga at papasok kapa ng 7:00 ng umaga. Mayroon din isang araw na walang pasok upang may pagkakataon ka pa magpahinga o tapusin ang mga natitira pa na mga gawaing bahay.
1 note · View note