dwarrioram-blog
Ram
5 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
dwarrioram-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
Hermano Puli
Si Apolinario Dela Cruz na mas kilala bilang Hermano Puli ay isang Pilipinong nagtatag ng Cofradia de San Jose. Isa siyang relihiyoso at bata pa lamang ay pinangarap ng maging pari. Ngunit sa panahon ng Kastila mababa ang mga karapatan ng mga Pilipino o tinatawag na Indio. Siya ang namumuno sa Cofradia de San Jose na kung saan ang mga Pilipino ang mga kasapi at palakasin ang paniniwala sa Diyos.
Sinubukan niyang mag-apply na maging pari pero nabigo siya dahil ang isang Indio ay bawal maging pari. Naging isa siyang caretaker at ibinabahagi niya rin dito ang kaniyang nalalaman sa mga salita ng Diyos.
Noong nalaman ng mga Kastila na nagtatag si Hermano Puli ng Cofradia de San Jose. Hindi siya sumuko dito at ipinaglaban ang mga karapatan ng mga Pilipino. Para sa mga Kastila, ito’y paglabag sa kanila at sa Diyos dahil walang basbas ito. Marami ding umanib ka Hermano Puli at namatay sa pakikidigma dahil walang laban sa mga Kastila. Sa huli, pinatawan ng parusa si Hermano Puli ng kamatayan.
Sa paningiin ng Diyos lahat tayo ay pantay-pantay at walang nakalalamang. Lahat sana tayo ay kayang ialay ang buong sarili para sa Diyos.
0 notes
dwarrioram-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
Tingala sa Baba
Maraming pinakitang mensahe ang maikling pelikula na ito sa atin. Ang lugar sa pelikula ay isang playground na madalas na pinaglalaruan ng mga bata. Mayroong mahirap at mayamang bata na naglalaro sa playground. Maihahantulad ko ang “seesaw” sa ating buhay, minsan nasa taas, minsan nasa baba. Walang perpekto sa mundong ating ginagalawan. Naglalaro ang dalawang bata sa seesaw, dahil mataba ang batang mayaman(Renzo) at payat naman ang isa (Angelo), lagi siyang nasa baba. Gumagawa ng paraan si Angelo para tumaas si Renzo dahil binibigyan siya ng pagkain at pera pero imposibleng mangyari yun kapag sila lang dalawa. Nakita ko sa pelikula na ito ay lahat ay gagawin ng mahirap makuha lamang ang kanyang pangangailangan. Alam ni Renzo na imposibleng mangyari na tumaas siya sa seesaw, nakikita ko na tulong na din niya sa nangangailangan ang kanyang ginagawa. Sana ganito lahat ng tao marunong magmahalan at magbigayan.
Sa panahon ngayon, madalas na mangyari ang ganitong sitwasyon sa ating lipunan. Hindi lahat ng mayaman, nasa kanila na ang lahat, madalas nga silang napapabayaan ng kanilang magulang at nakakagawa ng hindi magagandang bagay. Mayroon nga silang magagandang materyal na bagay pero sa tingin ko, kulang sila sa pagmamahal at atensyon. Sa mahirap naman hindi nga ganun kaganda ang buhay, pero nandiyan ang mga tao at nagmamahal sa kanila. Wala talagang perpekto sa buhay.
Ang pagkakaibigan din ay walang antas sa buhay. Sa paningin ng Diyos, lahat tayo pantay-pantay.
0 notes
dwarrioram-blog · 8 years ago
Text
Pag-kain!
Ako yung tipong taong mahilig kumain pero hindi tumataba.Sabi lang nila mabilis metabolism ko kaya daw ganun. Noong bata ko hinangad ko maging chef dahil sa sobrang hilig kong kumain. Kung mahilig tayo kumain ay mas mainam na kahiligan natin ang pagluluto. Mas masarap sa pakiramdam nang tayo mismo ang naghahanda ng pagkain natin at para na rin sa'ting mga minamahal. Sakto sa panlasa ang timpla, garantisandong may kasamang pagmamahal pa. Higit dito! aminin nyo kapag malungkot tayo isa ito sa nagpapasaya satin. Kapag nakakaipon ako, pagkain agad ang una kong binibili. Siguro nga pag marami akong pera, sobrang taba ko na. Mas naeenjoy ko ang aking kinakain kapag nagdadasal at kasama ang aking pamilya o kaibigan. Mas masarap kumain sa bahay dahil walang hadlang at alam kong ligtas ako dahil malapit lang ang CR haha. Kapag nasa ibang lugar ako nililimitahan ko ang aking pagkain dahil... alam niyo na yun.
Napaka-swerte na natin kung nakakakain tayo ng tatlong beses sa isang araw o higit pa. Huwag tayo magsasayang ng pagkain. Ito ang ating pangunahing pangangailangan sa araw-araw.
1 note · View note
dwarrioram-blog · 8 years ago
Text
Hala NahuBlog! Blog! Blog!
Naranasan mo na bang Mahulog sa isang tao? Mahirap ba? Ay, shempre madali lang diba! Ang mahirap, ay kung masasalo ka ba niya. Meron akong hinandang mga tips dito na pwedeng makatulong sa iyo. Wag mo nalang damdamin, maiiyak ka lang.
Tips 
#1. Kung mahuhulog ka dapat i-level mo ung kagandahan/kagwapuhan mo sa kanya. Eh kung mukhang tsinelas ka at maganda/gwapo siya, eh wag ka na mag assume. Mas mabuting mahulog ka nalang sa canal.
#2 Wag kang stare ng stare kung ayaw mong mahulog sa stairs. kung tititig ka sa crush mo, siguraduhin mong nasa patag kang lugar. Mas masakit kasi kung ang ending eh mas lalo kang mafa-fall, sa hagdan nga lang. Wala pang sasalo sa iyo. Mag-aral ka na lang kasi muna, baka pati grades mo ma-fall din.
#3 Kung may sumalo naman sa iyo, ay napaka swerte mo na. Naranasan mo na ba ung parang lumilipad ka sa ere? Yung tipong mala-heaven ang feeling. Yung lahat kayo nakangiti ngunit medyo kinakabahan. Yung worth it lahat ng effort, kahit ma-fall ka alam mong may sasalo sayo. Magtiwala kayo sa isa’t-isa please lang! para maiwasan yang mga break ups na yan. Tapos kapag nangyari yun, magdadrama ka na naman na walang forever.
#4 Kung seryoso ka talaga sa kaniya, Eh wag kang sumuko. Normal lang naman kasi ma-inlove. Gumawa ka ng paraan para mapa-sa’yo talaga siya. Pero kung ayaw niya talaga sa’yo, wag mo ng ipilit ang sarili mo sa kanya. Masasaktan ka lang. Choice mo na yan kung itutuloy mo o hindi. Kung sanay ka ng masaktan, alam kong itutuloy mo yan. Kapag wala talagang pag-asa, ay wag ng umasa!
1 note · View note
dwarrioram-blog · 8 years ago
Text
Video Game Lover
Mahilig na talaga ako maglaro ng mga video games nung bata pa ako.Binilhan ako ni daddy ng playstation2 dahil isa ako sa outstanding pupil noong kinder. Naalala ko noon lahat ginagawa ko para makalaro ng playstation. Sobrang strikto kasi ng tatay ko sakin noon. Kailangan matataas ang grado ko sa school, eh wala naman akong problema doon. Kailangan kong kumain ng marami at uminom ng maraming tubig. Hirap na hirap akong gawin ito noon. Kailangan din na bubunutan ko pa si daddy ng puting buhok para makalaro. Habang lumalaki ako, nagiging adik ako sa paglalaro nito. Ito lang kasi ang pampalipas oras ko. Ito rin ay nagbibigay ng kasiyahan sa akin. Matagal akong naglalaro ng video games, halos ito na nga ginagawa ko araw araw eh. Lumalabas din naman ako para maglaro ng mga larong kalye pero bibihira lang. Ang balak nga namin magkakaibigan noon na ipagpatuloy na lang ang paglalaro kaysa mainlove hahaha. Hindi naman ako bumagsak sa school ng dahil sa video games. Hindi naman porket mahilig dito, nagpapabaya na!
Sa panahong high school naman ako. Bihira na kong maglaro nito dahil ang dami ng ginagawa. Half-day man kami sa school pero maraming pinapagawa. Mayroon din naman naitulong ang video games sa akin. Naging inspirasyon ko din ito na mag-aral ng mabuti. Dito ko rin natutunan ang ibang ingles na salita. Napapalawak din nito ang aking imahinasyon. Natutulungan din akong magsaliksik ng anumang bagay. Madalas akong sabihan ng aking mga magulang na itigil ko na ito, eh makulit ako eh! Napupuyat kasi ako dito at alam kong inaalala lang nila ang aking kalusugan. Kumakain pa rin naman ako kahit ganto katawan ko haha. Siguro dadalhin ko pa to hanggang sa paglaki ko.
Kung kayo mag-aadik sa mga video games, siguraduhin niyong may natutunan kayo. Imposibleng wala. Siguraduhin na wag kakalimutan magsimba at ang ating pamilya. Huwag din papabayaan ang school. 
Sa lahat humadlang dito... ay bahala na kayo.
1 note · View note