#MagbigayanTayo
Explore tagged Tumblr posts
Photo
Tingala sa Baba
Maraming pinakitang mensahe ang maikling pelikula na ito sa atin. Ang lugar sa pelikula ay isang playground na madalas na pinaglalaruan ng mga bata. Mayroong mahirap at mayamang bata na naglalaro sa playground. Maihahantulad ko ang “seesaw” sa ating buhay, minsan nasa taas, minsan nasa baba. Walang perpekto sa mundong ating ginagalawan. Naglalaro ang dalawang bata sa seesaw, dahil mataba ang batang mayaman(Renzo) at payat naman ang isa (Angelo), lagi siyang nasa baba. Gumagawa ng paraan si Angelo para tumaas si Renzo dahil binibigyan siya ng pagkain at pera pero imposibleng mangyari yun kapag sila lang dalawa. Nakita ko sa pelikula na ito ay lahat ay gagawin ng mahirap makuha lamang ang kanyang pangangailangan. Alam ni Renzo na imposibleng mangyari na tumaas siya sa seesaw, nakikita ko na tulong na din niya sa nangangailangan ang kanyang ginagawa. Sana ganito lahat ng tao marunong magmahalan at magbigayan.
Sa panahon ngayon, madalas na mangyari ang ganitong sitwasyon sa ating lipunan. Hindi lahat ng mayaman, nasa kanila na ang lahat, madalas nga silang napapabayaan ng kanilang magulang at nakakagawa ng hindi magagandang bagay. Mayroon nga silang magagandang materyal na bagay pero sa tingin ko, kulang sila sa pagmamahal at atensyon. Sa mahirap naman hindi nga ganun kaganda ang buhay, pero nandiyan ang mga tao at nagmamahal sa kanila. Wala talagang perpekto sa buhay.
Ang pagkakaibigan din ay walang antas sa buhay. Sa paningin ng Diyos, lahat tayo pantay-pantay.
0 notes