Tumgik
thequeenkimchi · 6 years
Text
#0004
Date : July 3, 2018
Time : 2:55 AM
Sinabi niya umuwi muna ako sakanila kasi may meeting siya, umuwi naman ako, Nagko-contemplate pamandin ako kung lalambingin ko ba siya o hindi. Magkasama na kami dun sa kwarto niya, habang kausap niya yung client niya, bigla ko nalang nakita tong name ni ate girl sa gilid na itago na lang natin sa pangalang “Maane”. So ni-click ko ung name niya. At itong isa, defensive na agad kesyo dati pa daw yung convo na un na nagkachat lang daw naman sila nung wala kame. Nung nag ii-scroll ako pataas ayaw niya, as in pinagtatabuyan pa niya ako. So napikon nako. Kasi not only na may kinakausap pa siyang babae, na react pa tong si landi sa mga “My Day” ni girl, parang pinrove lang niya saken na hindi ko sya dapat pagkatiwalaan. Ang tagal ko ng hindi nagkakalog ng cellphone niya or FB niya magmula nung issue kay Dinna tas ganto pa. Hindi ko na alam ang iicpn ko. Ayaw ko munang pakialaman. Bahala siya.
0 notes
thequeenkimchi · 6 years
Audio
Naalala ko bigla nung isang araw yung kanta, tas naalala ko naman siya. Ito yung unang kanta na kinanta niya para saken. And ang sweet niya kase he tried his best to tell me about Kim Kwang Seok’s life kahit hirap na hirap mag English si Baby. Hahahaha. And then nakausap ko din yung student ko na si Andy, na taga Daegu and napag tanto ko na meron palang Kim Kwang Seok road dun. Haha. Hindi ko man na greet si Baby nung birthday niya, but I wish na sana okay siya. Actually, miss ko na din siya makausap. Kahit as a friend nlang.
0 notes
thequeenkimchi · 6 years
Text
#0003
Date : July 2, 2018
Time : 1:38 AM
Anong oras na kame nakauwi kagabi galing MOA nung Saturday kasi sinamahan namen sila Courtney para dun sa Super Junior concert. Hinatid lang naman namen sila dun at nag-Star City na kame. Nung una di man kame nag-uusap ni Raf kasi nga imbyerna ako sa kanya. Anong oras narin niya akong sinundo though the night before pa ang sabi niya saken around 11 nasa amin na siya para nga sunduin ako. Pero same as the usual, wala pa rin siya. Abang na naman ako. Yung 11am, nauwi ng 1pm kaya di ko siya kinikibo. Kadating pa sakanila ang lakas din ng tension kasi dipa kami maka-alis kasi nga inaantay pa namen si Aj. Hanggang sa nauna na kame dun kasi nga baka ma-late sila Courtney para dun sa concert. Medyo kinibo ko na si Raf, kasama din kasi namen kamag-anak niya. Ayaw ko namang ako pa sumira ng vibes nila. Nung nasa Star City na kame, ni-remind ako ni Lola na bukas (Sunday) na pala gagawin yung birthday niya, and na kasama pala ako sa mga nabigyan ng reservations dun sa buffet restaurant na ppntahan namen. Anong oras narin kame nakarating ng Pampanga, nag-aya pa kumain mga bata bago umuwi. Sa Yisan na lang kame kumain. Then uwi na kame after. 
Kanina, nagpaalam ako kanila mama na sasama ako kanila Raf kasi nga birthday ng lola niya. Pinayagan naman ako kaso parang masama paren pakiramdam ko. Hindi ko alam, may ganto nakong feeling ngayon na ayaw ko silang iniiwan. Na para bang ang sama ko na iniiwan ko sila. Yung parang mag eenjoy ako sa labas na wala sila. Parang feeling ko ang sama-sama ko. Anyway, yun nga. Sumama ako sa kanila, dito kame nagpunta ...
Tumblr media Tumblr media
Okay yung food. Ang daming pagpipilian and hindi basta-basta. Nagtry din ako ng ibang sushi dun. Sarap nung California Maki. Then after ng very filling dinner dito, nagpunta pa kame sa Sm Clark para mag Starbucks. Nag Hot Cafe Latte na lang ako. Yun palang naman ang nangyari so far.
Oo nga pala, hinatid ako ni Raf pauwi gaya ng dati pero hindi niya ako kiniss bago siya umalis. Parang lumalamig siya, gaya nung nangyari dati bago ko malaman about kay Dinna. Ayaw kong mag-isip ng masama about sa kanya, but how can I help it? Like, if di niya aayusin sarili niya, masisisi ba niya akong magduda?
0 notes
thequeenkimchi · 6 years
Text
#0002
Date : June 30, 2018
Time : 3:32 AM
Oo nga pala, di pumasok kanina si Kevin sa class ko. Pag Mondays and Fridays talaga di na siya nagkakasya sa sched ko kasi may English academy na siya. So kay teacher Dude siya nag-class and na kwento sakin ni cher Dude ang galing na daw ni Kevin ngayon, and na na-a-amaze siya kasi dati hindi naman siya ganun ka-galing ngayon ang dami na niyang alam. Pero kinwento din niya na minsan nakakahawa yung utal talaga niya. Aminado naman ako dun, ako nga din mismo nahahawa sa utal ni Kevin minsan e hahaha. Pero yun nga, nung pa-out na pamandin kami naabutan ko sila ni Arah na nag-uusap and si Kevin ko nga pinag-uusapan nila na yun nga ang galing na daw ni Kevin ngayon. Na ang galing daw na napa-advance ko siya sa ganung level. Happy ako. Achievement para sakin yun siyempre. Saka parang anak ko nadin si Kevin. Hehe. Effective teacher na ba? Lol.
0 notes
thequeenkimchi · 6 years
Conversation
Sabaw moments 101:
Adam: Teacher, very sorry. I don't have time now. Call me 6:20.
Me:
Me:
Me: Sige.
0 notes
thequeenkimchi · 6 years
Quote
Bala da yata deng lalaki a reni masaya kaming gagawang "drama". Aydayo, nung eyuke buring kakatak ampo magpaka dramaqueen, enakomo balamu sira buntok! Kabalan!
0 notes
thequeenkimchi · 6 years
Text
#0001
Date : June 30, 2018
Time : 2:41 AM
Nagising ako kanina na wala na naman kapatid ko sa bahay. Ang sabi ni papa, nagpunta daw ng MQ. Baka with regards naman dun sa PSA or something. So nag-lunch kami ni papa. Nagpunta nako ng work. Okay naman, wala masyadong students pero ang dami pading ginagawa. And as much as possible, nag ta-try ako na gawing productive ang time ko since wala naman akong smartphone para pag ka-abalahan pa sa locker area.
Hindi ko parin kinakausap si Raf sa sasakyan, although dumaan muna kami sa kanila bago umuwi. Kausap niya si tito G nung tinanong ko siya kung binigay na niya yung mga avocado na pinapabigay sakanila nila mama at papa. At dun palang niya naalala. Galing no? Minamadali ka ng parents mo para ibigay sa kanya, kakalimutan lang niya sa trunk ng kotse niya. Yan yung lagi naming pinag-aawayan, yung pagiging makakalimutin niya. The most annoying thing about his problem though is that ang bilis niyang makalimutan pag ni regard niya na di ganun ka importante. Pero pag gusto naman niya naaalala niya. Priorities ba. Hindi ko nga alam pano galaw niyan mayamaya since pupunta kami ng MOA kasama ilang relatives niya. Hindi ko alam kung kakausapin ko ba siya or ano. Hindi ako ganun ka-pride. Ang sakin lang kasi, kapag kinausap ko siya, ang iisipin niya, okay na naman ang lahat. Na para bang walang nangyari. To the point na nauulit lang yung problema. Sino kawawa? Edi ako na naman yung ipit. Tas pag napuno ka na dahil paulit-ulit na lang, ikaw pa masama? Pag nagsabi ka sakanya, ikaw pa nagger? Pag di ka nagsabi, nagpapaka-bayani ka? Like, wtf. Ano bang akala niya? Na tuwang tuwa akong gini-giyera siya? Na ang saya kapag may bagong drama kame? NO! Duhh... Panibagong problema na naman and dagdag stress pa. As if I can take more stress. My stress is at capacity, bitch. Calm you tits.
Oh, and yeah. The thing that has been really bothering me is that ... na discover ko last Tuesday ata yun na ni-block pala ako ni Red sa Facebook. Hindi ko alam kung matagal na pero nun ko lang na realize. nakita ko kasi sa baba na hindi na ako makapag-message sa kanya. Hindi ko narin siya ma-search. Tinry ko dun sa dati kong acct kung saan na send pa niya yung video ng pamangkin niyang si Ethan nun pero wala. Tinry ko siyang i-search gamit yung dummy acct ko sa Facebook, and yes, blocked nga kasi lumitaw naman yung name niya. Ang sama ng loob ko. Hindi ko naman kasi alam kung anong ginawa ko sakanya para i-block niya ako. Di kaya sila na nung fuckbuddy niyang mukhang paa? Di man lang niya sinabi saken. Ang masakit pa nun, di ko makita sa Snapchat kase wala nga akong phone! WTF. Wala. Naiisip ko lang naman siya. At least once or twice every hour lang naman. Pero alam mo yung gusto mong magalit pero di mo magawa? Hinahanapan ko parin ng butas sarili ko. Alam ko naman na ako ‘tong naunang magka-jowa samen. Pero sana naman sinabi nya diba. Ewan ko. Ang sama ng loob ko. Miss ko siya. Ang sakit.
Si Jack, miss na “daw” ako. But I bet he’s bored again.
Mehhh~ bala kayo!
0 notes