Text
Hi,
Finally, after so many years I have decided to post a new story on Wattpad. A reader once commented that she hopes I will be writing more stories. I would like to apologize for writing occasionally. I have been struggling with my mental health and personal issues. But this time, I will make it up to you, guys. I will continuously update you from now on.
This latest story on Wattpad has been lingering in my mind for years. I decided to finally write it because I noticed that other writers have been having the same idea as me. I felt threatened that maybe the plot is will be taken from me.
Spoiler alert. This story is about first love. This will be a typical romance between teens. I have been inspired by the different archetypes. I have always wanted to create a story about first love. But I assure you this romance has twists and enchantment and warmth. I want to feature the contemporary boundaries of being in love in your teens. Yes, my target audience are Gen Zs.
This story is about Hiraya who meets a strange man with huge white wings during the Halloween Party. That man claims that he is Cupid. He gives her a book and a feather and took flight after. Hiraya is stunned and curious.
Hiraya read the book and she discovers that it is undone. She is instructed to write the remaining chapters using the feather, but she is no writer and just an avid reader.
When she finishes the book, as she closes it, it suddenly opens from the beginning leading her to its existence. But when she enters it, she goes younger again.
It seemed that she was meant to see the realness of its existence. As the narrative continues with her in it, she questions, why is she there?
I hope you read it.
Here's the link:
0 notes
Text
Manunupil ng Maralita
Mang Daragat
Pumalaot sa tamang karagatan patungo sa kabuhayan Pero inanod ng pulang dragon ang layag papalayo Namulat sila habang naluluha sa baybayin Kaya itinuturo ng nakangusong bibig ang kamao ng dayo.
Humingi ng saklolo sa diretsong takbuhan Pero lumiko ito sa baluktot na daanan Habang sila'y nakaupo at naka-de-kwatro sa hukay Kung saan nakalatag ang banig na watawat.
Tula 17
Sa ilalim ng peluka may nagtatagong bangaw Ang konstitusyong kinaladkaran ng ipot, Habang kumukuda ng Pepsi ang pato, Ang kagandahang kayumanggi nag-iba ang kulay Naging kapeng mapait kaysa sa amplaya, Ang buwaya’y nakanganga sa ilalim ng puno ng bayabas Habang tumutuligsa sa sistema ang libro ang utak Samantalang ang binata sa eskinita’y tumatangis Dito’y umugoy ang duyan ng hapis Si Kamataya’y humihimig sa sulok nito Habang ang taumbaya’y nagmimighati at nagbabayo.
Talangka
Sumisingkit ang mga pangong ilong sa kanluran tumatangis ang alon kaysa sa araw, bituin ang sisikat sa silangan winawagayway ang iisang watawat sa mga anak dagat ipinalunok ang pinutol— nilang hintuturo, ang talangkang pilit sinisipit ang bayan kong nagpapasiil.
Kalahok para sa Saranggola Blog Awards 12
http://dmcicorpsales.com
http://culturalcenter.gov.ph
www.saranggola.org
1 note
·
View note
Text
0 notes
Text
0 notes
Text
Review ng Salamisim ni Binibining Mia
Hi,
Ito ang unang pagkakataon na magkakareview ako ng gawa ng isang maintstream na author.
Symbolism
Nagustuhan ko na merong sumisimbolo sa tuwing mag-ta-transition siya papunta sa ibang panahon. Maganda ang pagamit ng papel na sumisimbolo sa panibangong simula pati ang lampara na literal na sumisimbolo sa panahon ng kastila. Isa ring maaring simbolo nito ay pag-asa sa madilim na kuwento.
Writing Style
Ang napansin ko, karaniwang sinasabi ang bawat kwento imbes na ipakita ito bilang aksyon ng karakter. Sinasabi rin nito ang susunod na mangyayari kaya ang reader ay hindi na masyadong nakakapag-isip. Para sa’kin ay hindi masyadong naging wasto ang pagamit ng narrative device na foreshadowing dahil literal itong sinasalarawan.
Itong akin susunod na sasabihin ay pananaw ko lamang bilang kapwa manunulat. Sa unang mga kabanata makikita sa istilo at titulo ni Sebastian na siya ay antagonista sa librong isinulat ni Faye. Pero makalipas ang ilang kabanata, lumabas na ang pagiging protagonista nito. Medyo nawala ang pagkakasabik ng mambabasa na dala ni Sebastian bilang pinaghalo na antagonista at protagonista.
Ang sakin lang, dapat idinagdag din sa kuwento ang mga pangyayari sa Salamisim na isinulat ni Faye upang maipakita sa mambabasa ang antagonistang karakter ni Sebastian. Sana’y ibinahagi ang kwentong ito upang maunawaan kung anong nilalalaman ng Salimisim na isinulat ni Faye. Hindi naging sapat ang naging pagsasalarawan ni Faye sa mga mangyayari sa pamamagitan ng pagsasalita o pagkukuwento nito sa readers.
Natabunan din ng pagkwento ni Faye ang mga karakter nina Lorenza at Maria Florencita. Ang Salamisim ay kwentong naging sentro ay sina Faye at Sebastian. Kaya naisip ko na makabubuti rin siguro kung ipinakita at ibinahagi din ang Salamisim na isinulat ni Faye. Parang sana’y naging parte din ito ng kabuuan ng istorya.
At, ang nagustuhan ko ay ang ilang pangyayari ay umiikot sa politikal at panglipunang mga problema nung panahon ng kastila.
0 notes
Photo
Hi,
Ang dalawang nobelang ito ay isinulat ko. Ang nauna ay The Knight Distress noong 2014 sa ilalim ng Bookware Publishing. Ang genre nito ay Romance at Teen Fiction. Mabibili ito ng softcopy sa website ng Bookware.
Ang pangalawa naman ay ang The Tale of Tsukuyumi na naipublished noong 2020 sa ilalim ng VIVA Books. Ang genre naman nito ay historical fantasy romance. Hindi ito masyadong nakilala dahil kasagsagan ng pandemya at lockdown nung inilabas ito sa madla.
0 notes
Text
Hi,
Ako nga pala si Mayang Talá. Isang author, writer, poetry enthusiast at amateur critikan. Dito sa blog ay magpo-post ako ng mga isusulat ko tungkol sa lahat ng bagay na gusto ko.
Sinubukan kong gumawa ng Tiktok videos bilang platform sana, pero di naman ako mahusay magsalita. Gumawa ako ng blog para dito ko mailabas ang mga naiisip ko.
Ang mga ipo-post ko dito ay tungkol sa ilang bagay na may kaugnayan sa pakikihimok ko bilang manunulat.
Una sa lahat ito ay isang pagpapahayag ng kritisismo sa ilang akda. Hindi ko iyon isinulat para manira, ito ay base sa aking magkakaunawa at interpertasyon bilang taong mahilig magbasa at sa panitikan.
Pangalawa, pakielamera ako at problema ko ang ilang bagay na bumabalot sa ating bansa. Maaring ang maisusulat ko'y mag-uugat ng hindi mapagkakaintindihan. Pinapaalalahanan ko na kayo habang maaga.
Pangatlo, isusulat ko ang kasalukuyan kong dinaramdam para lumawag kahit papaano ang aking isipan.
Sana maunawaan niyo ang maisusulat ko rito. Sana tangkilikin niyo ito.
Pagsusumikapan kong isulat iyon sa Tagalog at simple English para maunawaan ng karamihan.
😊
0 notes