I am ME. Free-spirited and independent. I play by my own rules and dance to the beat of my own drums. A limitless woman who loves the thrill of discovery.
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
bargain...
bargain…
ewan kung dahil ba sa kalupitan ng mundo na minsan ay hindi na natin namamalayang mas pinipili na nating makipagtawaran sa tadhana, na yung ‘gusto kong maging masaya’ ay napalitan na natin ng ‘sana hindi ganun kahirap’, ‘sana hindi ganun kasakit’.
View On WordPress
6 notes
·
View notes
Text
Isang Bucket Ng Beer
One time naikuwento niya sa akin, “Alam mo, lahat ng mga naging ex ko, ‘yung mga pinalit nila sa ‘kin, iyon din ‘yung mga nakatuluyan nila eventually.” Medyo naging slow ako that moment. Nakatitig lang ako sa kanya, inaantay ‘yung mga susunod pa niyang sasabihin. “So kung gusto mong mahanap ‘yung talagang para sa’yo, may choice kang iwan ako.” Tatlong tango. Iyon lang ang naisagot ko. Tapos…
View On WordPress
1 note
·
View note
Text
pang-uusisa ng ika-limang tasa ng kape
Marami akong pinaplano para sa ating dalawa ngayong gabi. Hindi kita patutulugin. Pansamantala, ako muna ang gawin mong kaulayaw. Maghuhuntahan tayo. Gusto kong isipin mo kung paano mong pinaandar ang araw na ito. Hindi, mali. Hindi lang ang araw na ito. Gusto kong pagnilayan mo ang naging takbo ng buong buhay mo. Nasaang parte ka na ba ng kwento? Mahaba pa naman ang gabi. Dali na, isip, kwento.
View On WordPress
1 note
·
View note
Text
Ako Iyong Dinadaanan Lamang
Ang dami ko sigurong nagawang kasalanan sa past life ko. / Kaya ngayon, sa kasalukuyang buhay, hindi ko deserve maging blessing sa ibang tao. / Ako yung laging hindi soulmate. / Ako yung laging hindi destiny. / Ako yung hindi “meant to be”. / Ako yung tinatambayan lamang nilang mga hinahanap ang sarili. / Ako yung parausan. / Ako yung laging isang”pagkakamali” / yung kwento sa likod ng mga…
View On WordPress
0 notes
Text
Bitaw Na
Kung hindi ka na masaya, bitaw na. Kapag masakit na, kapag mabigat na, kapag puno na. Kung nasasakal na, kung namamanhid na, kung puro paltos na. Kung said at tuyot na, bakit nariyan ka pa? Parang awa mo na, bitaw na. Marami ka pang ibang pwedeng hawakan at panghawakan bukod sa iyong ngayon ay tangan-tangan. Sa mga panahong iniisip mong hindi ka pa sapat. Sa mga gabing iniisip mong ‘naibigay ko…
View On WordPress
0 notes
Text
Ako Ay Isang Kabalintunaan
Ako ay isang kabalintunaan. Isang nakakasilaw na sinag ng araw ng Abril sa kalagitnaan ng makulimlim na Agosto. Isang malamig na gabi ng Disyembre sa nakakabanas na araw ng Mayo. Pakiwari’y nasa akin na ang lahat ngunit pilit pa ring hinahanapan ng kakulangan.
View On WordPress
0 notes
Text
Kwentuhan Mo Ako
Kwentuhan mo ako ng mga bagay na ikinalulungkot mo, ng mga tanong na pilit mong hinahanapan ng kasagutan, ng mga kasagutang itinatanggi mong marinig dahil sa takot na masaktan. Ikwento mo sa akin ang sakit. Ikwento mo sa akin ang iyong naging paghahangad, sa kung paanong nabuo ang paghanga, sa kung paanong natutunan mong iwangis ang bawat titig niya sa mga kislap ng tala sa langit. At ikwento mo…
View On WordPress
0 notes
Text
hello march
Paano nga ba natin sisimulan ang isang pagwawakas? / Sasamahan ba ng impit na hikbi ang pamamaalam na binigkas? / O tipid na ngiting sasalubungin na lamang ang panibagong bukas?
View On WordPress
0 notes
Text
Mga Tanong Na Walang Sagot
Nasa’n ka ngayon? / Nakauwi ka na ba? / Hindi ka naman na-traffic? / Kumain ka na? / Ano’ng ulam? / Nabusog ka naman ba? / Kamusta araw mo? / Natapos mo ba trabaho mo? / Napagod ka ba? / Ano na ginagawa mo ngayon? / Ano pinapanood mo sa TV? / Hindi ka pa ba inaantok? / Masaya ka ba? / Malungkot? / Na-miss mo rin ba ako? / Kailan ulit tayo magkikita?
View On WordPress
0 notes
Text
DOON
Doon, Doon tayo magtutungo Sa kung saan buong pagmamahal na susuyuin ng mga ulap ang katawang napapagal Sa kung saan ang bawat haplos ng hangin ay mga bulong na nagpapaalalang Hindi ka dapat matakot gawin ang mga bagay na makapagpapalaya sa iyo.
View On WordPress
0 notes
Text
PARA SA IYONG HINIHINTAY KO TUWING VALENTINES DAY
PARA SA IYONG HINIHINTAY KO TUWING VALENTINES DAY
Teka. Pang-ilang Valentines Day na nga ba itong naghihintay ako sa’yo? Hindi ko na rin kasi matandaan kung kailan ako nag-umpisang maghintay. Kung kailan kita unang binuo sa isipan ko. Kung kailan una akong umasang mapapasaiyo. Kung kailan unang nangarap na mamahalin mo. Ano na? Kamusta ka na? Parating ka na ba? Alam mo bang ang dami-dami ng kung anu-anong nangyari sa buhay ko habang wala ka,…
View On WordPress
0 notes
Text
Call Your Girlfriend
Hindi ako nakaka-relate sa song. Dun ako sa dance moves. Ganyang-ganyan ako kapag naririnig ko itong kanta na ito. Uyy pero ang lungkot ng song ah. Ano basta ganun. Time!
View On WordPress
0 notes
Text
Para Sa Iyong Hindi Inilaan Para Sa Akin
Para sa’yong hindi inilaan para sa akin… Gusto kong malaman mo, Hindi marunong sumuko ang pusong ito. Hindi ako naniniwalang pinagtagpo tayo ng walang dahilan kundi ang magkatagpo lamang. Hindi ako naniniwalang nakilala kita para makilala lamang, Nakausap para makausap lamang. Lahat ay may dahilan At iyon ay ang mamahalin mo rin ako balang-araw. Hindi ko naman sinasabing bukas o sa makalawa o sa…
View On WordPress
0 notes
Text
Motif
Natatandaan ko isang beses, habang nag-aabang tayo ng jeep pauwi, tinanong kita, “Ano’ng gusto mong motif sa kasal?” Bigla kang napatingin sa akin, nagtatanong ang mga titig, nakakunot ang noo. Tapos bigla kang humagalpak ng tawa. Hinintay ko ang sagot mo. Pero panay pa rin ang tawa mo. Hanggang sa may huminto ng jeep sa tapat natin. At hindi na natin ito muli pang napag-usapan.
View On WordPress
0 notes
Text
On This Day
Eto, dumali na naman itong “On This Day” ni Facebook. Lately hindi na ako natutuwa sa mga gusto nitong ipaalala. Tulad ngayon. Tangina, gusto ko nang makalimot. Pero once in a while hindi ko mapigilan, bigla bigla napapaiyak na lang ako. Tulad ngayon. Kapag naaalala ko siya, napapaisip ako… Paano kaya kung hindi ko siya nakilala? Paano kaya kung hindi naging kami? Paano kaya kung hindi ko siya…
View On WordPress
0 notes
Text
Boom Tarak Tarak
“Ang dumi-dumi ko!!!” Yes, well literally. ‘Yan yung naramdaman ko kagabi (hatinggabi) habang naliligo ako. Paano ba naman eh kada banlaw ko eh kulay brown na yung nakikita kong tubig sa tiles. Wahahah. Nabalot kasi ako ng alikabok nung inakyat ko ang Tarak Ridge sa Mariveles, Bataan kahapon. Yeah baby, mountaineer na ako ngayon. Charaught! Ang kwento. Lately kasi nakakahiligan ko na ang pag…
View On WordPress
0 notes