#sana hindi masakit
Explore tagged Tumblr posts
jopetkasi · 4 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
i just came from a coffee shop to meet a friend when I got this SMS from chris.
siempre tao lang ako at masakit din pero wala eh, manhid na ako. i mean i am used to being dumped and somehow that made me resilient I guess?
wala naman tears or breakdown. actually, i was expecting something is about to happen kasi we did not see each other for a week and he never reached out (call or text, nada)
my only beef is that he could have at least said these things to my face BUT I reminded myself na wala kami relasyon to begin with so wala akong reason to demand naman diba?
pero sana hindi na sya nagbigay ng signals that got me expecting.
mabuti nalang walang sexual encounter na nangyari, otherwise sisirain ako ng attachment issues ko.
yun lang once i got home the married guy I used to play with suddenly sent a pm asking us to meet for sex. and I was like telling myself, "oh jopet, naiwasan mo na yan ng 1 year babalik ka pa ba sa pag self-destruct?"
but the other side of me was tempting me like "oh look at you, dumped once more, you go have sex. you deserve it"
and in a quandary i find myself torn between my regained values and the sexual itch brewing inside...it does not help that chatting with that married guy would elicit memories of long nights in bed with him and feeling a warm body hugging me....and do I have to mention the orgasms? that type of orgasms that make you scream and give your face that "glow" afterward?
c'mon, Jopet, go naked with Emil...
the only thing that got me back to reality was monkeypox.
oo nga naman, kantutan now, hospital later...thank you nalang, my hands can still do wonders.
and besides, abby (his wife) and I just reconciled. a huge wall recently was torn down and we are just starting to build bridges...
but man, the temptation........
not even a cold shower could douse the intermittent seduction it gives. you know what I mean right? that fucking urge builds up and starts to mess up my head and no matter the logical reasons I can unearth to avoid this shithole, the kalibugan feeling is standing ground and asking me to "sige na, last sex na to..."
sorry i guys if you find my struggles hideous. this is the only space I could be myself...
stay safe and dry. take care....
65 notes · View notes
dmedrrt · 3 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media
Ang toxic ng ganito, hindi ko na sana inentertain akala ko sobrang pure ang intentions kaya nag message. Akala ko totoo na namiss ako syaka kasi very long time no see and no kibuan ee. Tapos ngayon na lang ulit na ngamusta tapos hindi ko napahiram kasi walang wala naman talaga akong money sa ngayon and then hindi lang ako nakapag reply agad kasi nga busy ako tapos nag ba-bye na. Siguro tama lang na dumistansya na ko kasi ngayon ko na proved na you're nothing but just a kakilala na lang talaga kapag wala ka ng pakinabang sa iba and that is fine kasi your lesson is you know sino yung mga taong totoo sayo at sa hindi. Akala ko na miss talaga ako, 8 months na preggy ng nagparamdam tapos nagparamdam kasi mangungutang then pinipilit pa ako kahit sinabi ko ng wala akong money. Kahit before ng hindi pa buntis ichachat lang talaga ako kapag may kailangan sya. Masakit for me pero that's fine magpaka busy na ulit.
If people wants you in their life then they really wanted you in their life.
14 notes · View notes
woo-shy · 7 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
My first time riding a plane! Sobrang surreal nung pakiramdam lalo nung mataas na tas kitang-kita na yung clouds. Parang ang sarap nila kagatin kasi muka talaga silang soft and fluffy pero at the same time muka silang kettle korn? Hahahaha. Akala ko naman super masakit sa tenga kapag naka-plane pero tolerable naman siya for me, para lang umaakyat sa elev ng high-rise building. Ahahaha. Nakalibre rin kami ng check-in ng supposedly hand-carry baggage namin tapos nung nagutom ako sa flight nalungkot ako slight kase andun yung baon kong crossini. Bibili dapat ako banana loaf ng cebu pac kaso nakakahiya pala pag nasa window seat ka tapos may mga katabi kang tulog. Ahahaha. Pagdating namin sa tagbilaran, pagkain talaga una naming hinanap kasi pa-lunch na rin kami nakalapag tapos di naman rin ako nagbreakfast. Solid yung chicken halang-halang na first time ko natikman. Yun lang rin kasi yung ulam don na bago sa pandinig ko, para siyang cross-breed ng bicol express saka tinola. Sabi rin kasi nung tour guide namin, walang specialty sa ulam ang bohol kasi yung mga produce nila don eh inaangkat lang rin from different provinces since wala sila ganong bukid don kasi mabato yung lupa nila. Though, may pinagkaiba rin naman yung style ng pagluluto doon saka dito sa luzon.
Tumblr media Tumblr media
My airport fit na medyo seventeen themed. Ahahaha. Di ko rin napicturean yung crocs ko na puro svt-related ang jibbitz pero kebs na lang rin siguro. Ampanget magpicture ng ate ko kaya cropped yung ootd ko. Ahahaha. Lahat may daliri nya eh. Before flight ko lang rin kinabit yung pins and keychains na binili ko sa tiktok tapos medyo kabado pa ako kase may pagka-clumsy talaga ako baka kung san sya tumalsik o ano pero buti naman at kumpleto pa sila til now.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
After namin mag-lunch, nagswimming din kami sa dagat. Nakakapanibago lang rin kasi first time ko mag-white sand na hindi mabato yung water surface (??) ang lambot lambot nung inaapakan tapos di ka matatakot na baka matusok ka ng anything (as a clumsy person na natusok ng tulis ng angkla sa batangas) ang sarap maglakad-lakad talaga saka umupo malapit sa dalampasigan. May part lang din talaga na medyo ma-lumot?? pero di naman din sya ganung nakakabother. Scared ako nung una though kasi nagkwento yung friend ko na na-sea urchin daw siya dito sa alona. Kaya todo tingin talaga ako sa nilalakaran ko. Super conscious at paranoid yarn? Andami ring koreans sa bohol, parang lokal na sila don saka may mga business na sila doon. Nakakaloka sa dami, kahit san ka lumingon eh may koreano. May direct flight daw kasi from busan to tagbilaran kaya ganun pero nakakaloka talaga.
Bukas na siguro yung iba kasi andami kong pictures na need i-filter para makapili ng pang-post. Ahahaha. Tamad na tamad pa talaga ako pero feel ko pag pinagpabukas ko pa to eh lalo lang akong tatamarin, kaya ttry ko na lang rin siguro magpost once a day para di ganun ka-taxing. Ahahaha. Awuw. Sana makabalik ako sa bohol talaga.
23 notes · View notes
poleeeng · 10 months ago
Text
train of sandamakmak na thoughts
nakakapressure yung oras. parang biglang ang bilis bilis lumipas ng mga araw. hindi ko namamalayan malapit na ako magpop hahahaha.
sa sobrang bilis ng oras nappressure na ako kasi ang dami ko pang kulang na gamit ni baby. even yung mga basics kulang na kulang pa. akala ko enough na, hindi pa pala. ang dami palang kailangan ng newborn talaga. narealize ko dapat pala mas maaga ako nagipon ng mga gamit para di ako natambakan ng kulang and kapusin sa budget.
dahil dyan, goodbye muna sa instax camera. prio ang baby muna talaga. gusto ko pa naman sana pangdocument ng mga memories ni baby. pero pwede pa naman sa phone nalang muna. pwede naman ipaprint if ever. dapat talaga pala noon ko pa to binili nung di pa madami gastos ko hahahaha. ang daming 'dapat noon pa'. kakauna ko to ng ibang mga bagay e.
doon na ako magsstay sa sta rosa starting tomorrow. mixed feelings hahahhaa. sad kasi for sure mamimiss ko agad family ko, si mama, si papa, sister ko, si nanay, and si potchi. pero excited din at the same time, kasi ito na yung start na makasama ko jacques forever.
di pa ako ready mahiwalay kila mama and mag-move in sa kanila pero tama kasi si tita saka sila mama na din, baka anytime soon bigla magpop na tong daladala ko, abutin pa ako sa byahe.
ang daming nangyayari pero masaya naman. di naman ako gaano nasstress, more like pressured lang sa oras. mas nasstress parin ako sa work kasi these past days napakainit ng ulo ng TL, nakakapikon hahaha. tapos yung sipsip mo pang mga kawork di talaga mawawala e. tinatamad na din ako magwork. gusto ko na magleave kasi ang dami na masakit talaga. pero keri pa naman HAHAHAHA
25 notes · View notes
jezawitha-z · 2 months ago
Text
Dati nababasa ko lang yung mga heartaches ng iba kapag naiwala nila yung fibrella payong nila. Ngayon, ako din pala makakaranas at masakit nga. Hahahahuhu. Di pa man nga tapos warranty naiwala na nga. Hindi ko sure kung sa jeep ko naiwan dahil bitbit ko lang kagabi bago pumasok or baka somewhere sa office lang. Sana may nag surrender sa guard. 🥹
12 notes · View notes
kimhortons · 4 months ago
Text
kanina napa check ako ng shopee dahil nag notif na yung isang shop na in-orderan ko recently, hindi ko pa pala na-order received haha. tas nakita ko nag increase na naman yung credit limit ko sa spay, nag check tuloy akong pwedeng icheck out. diba, naghahanap talaga ako ng pagkakagastusan e haha.
kako yung pangkilay ko nalang kasi paubos na yung gamit ko. belt kasi isa lang yung ginagamit ko lagi, at masisira na naman. what if office shoes nalang kasi masakit sa paa yung ginagamit ko, although meron naman akong extrang nagagamit sa office kaso with heels at hindi closed shoes, medyo nakakairita isuot kasi nahuhubad. gusto ko sana ng another closed shoes, para din hindi ako laging naka sneakers. naisip ko ulit, what if bag nalang—office bag para medyo formal, lagi kasi akong naka tote bag, para may pang terno ako sa formal office attire ko tuwing monday at tuesday, yung meron kasi ako back pack naman mukha parin akong estudyante lol. or liquid blush on kasi ayaw ko na dalhin yung powder blush ko dahil ang messy sa pouch, nadurog kasi nung nalaglag.
kung tutuosin kailangan ko naman talaga mga yan, pero sa pov ni J—although hindi niya naman kinokontra, puro kaartehan lang 'tong mga 'to haha. may pang guguilt trip siya minsan tuwing panay check out ako ng kung ano ano na sa tingin niya hindi ko naman kailangan e haha. kaya tuloy minsan hesitant rin ako mag check out. tsaka sa shopee lang naman talaga ako madalas mag order ng kung ano, lalo kapag skincare or make up, ayaw ko kasi sa mall lalo pag nilalapitan ako ng mga sales lady, parang lalong hindi ko mapili yung gusto ko. haha.
pero ayun, hindi ko pa chineck out kasi less than 200 lang yung mga in-add to cart ko, tsaka mas okay sa 9.9 nalang baka may mga discount pa haha. parang narealize ko rin na sayang naman kung gagamitan ko pa ng spay yung small amount, parang mapapamahal lang ako kasi although maliit at hindi ramdam yung interest, pag naipon yun malaki rin.
actually, pinapataas ko talaga credit limit ko kako pambili ng new phone or laptop. kaso nakakatakot naman din bumili ng gadget online—which is kinda good thing kasi halos pantay na yung limit ko sa spay and sloan, if gagamitin ko 'to para bumili ng laptop yung sloan nalang para macash out at pwede ko ipambili sa store. pero masyado parin mabigat kasi 12months lang yung pinakamatagal na terms of payment. naisip ko rin naman na ipunin nalang kahit siguro half or 3/4 ng total price para maliit nalang yung monthly installments na kakailanganin kong bayaran if ever, or much better kung cash na galing sa ipon ko, actually kaya ko naman talaga kahit 1 and a half or 2 months of salary kaso syempre may iba rin akong kailangan gastusan.
so going back, nag iisip ako kanina kung anong ichecheck out para hindi mawala yung temporary credit limit (pag ginamit kasi yun, nagiging additional limit na siya, pag di mo naman ginamit, babalik lang sa current) pero wala, hindi ko pa kaya yung phone or laptop kahit malaki na yung limit, ayaw ko mag risk ng malaking utang na naman haha. although i badly want a new phone and own laptop, dinedma ko nalang muna, since hindi ko pa naman maisip talaga anong worth it na pwedeng pag gamitan haha.
8 notes · View notes
reynanghugot · 6 months ago
Text
[10:41PM 07222024] kamusta na nga ba ko? recently di rin ako okay, alam yan ng ilan sa mutuals/friends ko dito na nakaka chikahan ko sa personal message like puro shit post sa fb, puro wins and happy memories sa ig/fb stories. idk pero yun ata talaga yung isa sa personality ko na if nakilala ako ng tao na strong ako, ayoko na mabago yun. ayoko na maiba yon kahit valid naman na maging mahina minsan o umiyak minsan.
graduating student ako, ended my last semester in PUP-OUS with flat 1 na GWA. happy ako sobra kasi i feel like lahat ng hirap and pagod ko ng apat na taon unti-unti ng nagpe-paid off like for real, after 12 freaking years finally totoo na 'to na masasabi ko na graduating na ko. aside from that, some saw my story rin na nakapag pa picture na kami for graduation with my friends. apparently, ayoko pa rin i-post not until makuha ko na yung list of names ng graduates. so far, masaya ako no jokes when it comes to academic kasi masasabi ko na finally talaga this is it, pwedeng pwede na mag retire mommy ko.
gumaan din yung dalahin ko recently sa mga relationship ko with friends. natuto ako na makipag communicate about sa nararamdaman ko sa friendship na meron ako sa mga tao na yon. i feel like masakit din sa part ko na magsabi ng mga words knowing na we experienced different traumas in life and i really appreciate them on how they accept my side, pano nila ko pinakinggan and pano nila pina feel sa akin valid din yung nararamdaman ko. this is the friendship na masasabi ko na di ko kailangan pumili. na di ko kailangan na umiwas. di ko kailangan may i-give-up nalang bigla. kasi for sure, sobrang deserve nila yung friendship na meron kami sa isa't isa. maybe some di maiintindihan but if you will listen lang sa lahat ng sides, sobrang gaan sa pakiramdam na para kang binunutan ng tinik sa dibdib.
on the other hand, i know health is wealth and just like before i humbly ask for you prayers na sana monitoring nalang ako annually and di na every six months kasi ang hirap, the anxiety and pressure di mo maiiwasan. aside from that, medyo mabigat siya financially like 20k and above yung kailangan kong i-raise every monitoring not included the follow up check-up fee and medicines kahit na sobrang mura ng maintenance ko for unemployed like me mabigat na rin siya.
finally, natapos ko na rin yung dapat kong gawin sa business ko kanina sa BIR babalikan ko nalang din yung receipt after 2 weeks. all i need to do is focus sa rebranding para mas organize yung shops and hopefully before the pasukan [kasi malapit lang kami sa school] maayos ko na rin yung area ko para sa small business ko.
above all, i am grateful to my strong support system, na hindi ako iniwan from my family to nikko to my friends. despite all the highs and lows since april 2023, they stayed and supported me throughout my ptc journey. sabi ng iba, arte nalang 'to. but for me it's a no. kasi hindi niyo alam pinagdaanan ko from my check-up, pre-op, post-op, till now. that's why i don't mind if my circle is small, as long as masaya ako with them, they respect, love, and understand me okay na ko na sila sila nalang.
kudos to myself for sharing a short life update that no one asked for. Good night!
18 notes · View notes
gudenough · 15 hours ago
Text
Kwento ko lang:
Kakaalam ko lang sa kwento ng friend ko, and sobra akong nalungkot. We have this friend na parang napapagod na daw siya sa trabaho, tapos kahit gusto niyang lumipat, parang walang mapuntahan. Parang daw siya lang yung nag-i-struggle, habang lahat ng tao sa paligid niya ay may direksyon. And her love life? Wala, parang wala nang kwenta. Parang lahat ng aspeto ng buhay niya, bigo.
Super OT pa siya, tapos kahit ganon, wala naman siyang naiipon. Parang sobrang pagod na, pero walang napapala. Masakit kasi alam ko na siya pa yung breadwinner ng family nila. Imagine the pressure na ‘yun, tapos walang makitang paraan out of this. Kahit tinanong ko na si manager kung may openings kami, wala pa. Wala akong magawa, at it hurts so much seeing her like this.
Hindi ko pa siya nakakakamusta, pero soon, I will. I just want her to know that she’s not alone. Hindi ko alam kung paano niya binubuhat ang lahat ng ‘to, pero sana malaman niya na nandito kami, and we’re all here for her. She deserves so much more than this pain. I just hope that one day, everything will be okay for her. She deserves to be happy.
3 notes · View notes
daramdarararam · 1 year ago
Text
Nagtry ako sumakay sa modern jeepney. Hindi ako natuwa. Front seat ako kanina,pero hindi ako komportable sa upuan ko, sumakit ang balakang ko. Ansakit sa ulo ng AC, or baka masakit na talaga ulo ko kanina ?... Ang tagal pa umalis, super pinupuno ??? wala bang passenger limit yon ?? kasi pasakay pa ng pasakay along the way e, mga matatanda patatayuin nyo?? Pano pag hindi na kaya ng lamig ? edi ang inet ?? Hindi nakakamodern kung hindi komportable ang pasahero. Feel ko, mas hindi okay ang experience kapag punong-puno doon mismo sa loob ng jeep na yon. Tangina dikit dikit. Mayghadd!! Okay siguro if hindi masyadong madami ang pasahero.
Traditional jeepneys pa rin ako, mas mura pa pamasahe. Mas okay pa air ventilation. Legit, ansakit ng likod ko. Okay sana if isa lang sa unahan eh, kaso pinilit na dalawa, nasa may window seat ako sa front, may sandalan, ung katabi ko wala. Haynako. Okay lang dalawa sa unahan, if sa traditional na jeep kasi, mas malaki leg space don, mas naiituwid mo paa mo?? sobrang lapad din kasi ng balikat ko, parang hanger!!! Ansakit talaga hays.
kaya tamaa!! suportahan ang mass transport strike!! hindi sila ang problema!!
NO TO JEEPNEY PHASEOUT!!!
NO TO PUV PHASEOUT!!!!
YES TO BETTER PUBLIC TRANSPORT!!!!
INUTIL SI MARCOS!
13 notes · View notes
pansamantalamo · 24 days ago
Text
Tumblr media Tumblr media
| 121524 . SUNDAY . 10:12PM
Kanina bumili ako ng regalo kay momcy binilhan ko sya ng new cellphone para pang nood nya ng mga kdrama nya. Ewan ko ba kase kay momcy may tv naman pero mas gusto manood sa cellphone. Tapos napadaan ako sa Datablitz, ayaw ko talaga pumasok kaso mga paa ko di mapigilan, at hanggang sa nakita ko nalang sarili ko na namimili ng games kung ps5 ba o nintendo swicth games bibilhin ko hahaha! Shutaaa talaga kaya ayaw ko mag mall kase ang ending datablitz talaga e.
Tapos kanina habang nakapila ako may dalawang mag jowa na sobrang yabang as in. Pinagilid sila nung employee ng datablitz kase di sila nakaayos ng pila e ako na yung magbabayad then napatingin sila sa binili ko, empe nakita nila isa lang. Medyo mahina kase sound ko sa tenga kaya naririnig ko convo nila. May hawak silang 4 games natatawa nalang ako kasi sabi nung girl dami na naman nilang games na binili, ang dami pa nga daw hindi nila nalalaro, tapos dabi nung guy oo nga e di pa naten nabubuksan yung iba naka plastik pa. Tapos sabi pa nung guy na jowa asan na ba yung moving out ata yun o it takes 2 na games nila, sabi nung girl hahanapin pa daw nya dahil nasa ilalim ng kama daw. Tapos sabi pa nung girl magkano ba to? 1,500, 2, 3k na ata to o 4k. Tapos ang lakas ng boses nila. Natatawa nalang ako kasi yung mga binili naman nilang games e ps4 games lang na mga mura lang naman hahaha! Ako na yung nahiya sa kanila dahil compare naman sa laro ng ps5 na 1 piraso asa 3500+ na. Yung kung magpaparinig lang sana ng kayabangan e yung hindi kahiya hiya.
Pasalamat sila kakabili ko lang ng cellphone non at wala nako cash baka bagsakan ko sila ng isang pirasong ps5 game na katumbas ng 4 na bala nila.
Hindi sa pagmamayabang at pang mamaliit sa mga naka ps4 games. Kase kahit naman ano pa consoles nyo at games nyo ay ok lang basta nag eenjoy kayo.
Medyo masakit lang talaga sa tenga yung ibang mga mema na mayayabang kapag nasa game shops.
2 notes · View notes
joyceebels · 1 month ago
Text
Second life unlock?
Malakas loob ko na ako nalang yung magmomotor kaysa mag maneho ng kotse..
Confident ako kasi nakapag aral naman ako nito.. pero i was wrong!
December 1, 2024 - Sunday
Balak namen kunin yung motor ng kapatid ko dun sa pinagpark namen ng kotse.. baka daw kasi maoagkamalan na kakaiba sa subdivision..
Ang balak ng kapatid ko, ako mag kokotse, sya magmomotor..
So eto na nga, nag offer na ako nalang magmomotor..
Nung nakarating kami dun, inistart na nya, nagsabi na sya na pipihitin lang yung sa may rhs aandar na sya..
Nung unang try ko.. tumutumba na ako.. pero okay pa ako.. hindi ko nararamdaman na kinakabahan ako or natatakot, baka kasi naninibago lang..
Hanggang sa napaandar ko sya ng ayos, nung nakarating na kami sa guard house,
Paahon na yun, Hindi ko nacontrol yung pag ahon ko at dun dumulas yung motor..
Dun natumba ako, masakit oo, pero mas
natakot ako kasi baka nasira yung motor ng kapatid ko..
Yun kasi ang meron sya, bago lang swap yun..
---
Sorry Lord kung nagpumilit ako na magmotor!
Thank you dahil may another na pagkakataon ka pang binigay sakin..
--
Makakaya ko pa ba mag drive?
Gusto ko kayanin, pero pano??
Masakit yung braso ko ngayon.. pero sana dumating din yung time na kaya ko talaga mag drive.. kasi gusto ko din naman..
2 notes · View notes
hindimakatulogsagabi · 2 months ago
Text
may nagtanong sakin kung bumalik daw ba, tatanggapin ko pa ba ulit?
ito yung pinakamalabo ng mangyari. hindi na yun babalik kasi meron ng iba. binalikan lang naman ako dati kasi wala naman syang iba eh, takot sya mag isa. ako lang yung nandito para sakanya before kaya ako lang yung napagtyagaan lol.
tama na yung anim na taon, siguro naman nakatulong ako sakanya at sa growth nya kahit papano. though makakalimutin sya at hindi na rin nya maalala ang lahat. kaya nga minsan iniisip nya na nanunumbat ako, pero pinaalala ko lang naman minsan. kasi pag may ginawa kang mabuti sa isang tao, gagawan mo ba yon ng hindi maganda?
kung pwede lang hindi na kami magkita. hindi na kami magkaibigan. sinayang nya eh. ayoko narin maapektuhan sakanya. gusto ko nalang mawalan ng pake sakanya, yung kahit makita ko sya,parang hindi na sya nageexist.
bakit iisipin ko pa yung pinagsamahan namin? sya ba naisip nya? ano lang ba ako sakanya. makakalimutin sya pero alam kong alam nya yung mga nangyari.
ayoko na din manghinayang sa mga dapat pang mangyari, o mga sana nagawa nya for me o mga bagay na dapat ginawa ko. kasi alam ko sa sarili ko na naging mabuti ako sakanya mula noon hanggang sa kahuli hulihan. kaya nga masakit eh, kasi sa kabila ng lahat ganon ang sukli. but anyway, hopefully eto na yung huling post ko tungkol sakanya.
looking forward nalang talaga ako na mawalan ako ng pake, kasi pag nawalan ako ng pake, wala na talaga.
2 notes · View notes
vonarceneaux · 2 months ago
Text
there's this ao3 fic na tinatawag nila na the oikage bible PERO HINDI KO SIYA KAYA BASAHIN kasi WHAT IF MASAKIT SA PUSO WHAT IF THERE IS ANGST (it's oikage, ofc there's angst duh PERO SANA NAMAN LIGHT LANG) i am but a fragile soul
2 notes · View notes
thepen37 · 2 months ago
Text
Si KOKOY! 🐶
Natanong n'yo na ba sa sarili mo minsan kung bakit madamot ang tadhana? Bakit ba pagtatagpuin ang mga bagay na hindi naman kayang paninindigan ng tadhana? Anong nais ituro sa pangyayaring ito? Ipinagkaloob ngunit kay daling naglaho.
Ito ang kwento nang aking alaga na si Kokoy. Sa simula pa lamang, di ko alam ang ipapangalan niya. Tumagos sa isipan ko ang pangalang Kokoy dahil ito ay kay bilis bigkasin at hindi kumplikado. Dumating siya sa buhay ko nung buwan ng Mayo 2024. Hindi inaaasahan dahil binigay siya nang kakilala naming guro. Maliit si Kokoy, parang pandak. Malaki ang mga paa pero kay gandang hawakan dahil ito'y malambot. Ang kulay niya ay naghahalo nang itim at kayumanggi. Maitim ang nguso o bibig niya. Malaki at malambot ang kanyang tenga. Maamo ang mga mata.
Nung dinala namin siya sa bahay ay may deperensya ang kanyang isang paa. Hindi pa siya masyadong nakakalakad ng maayos. Hindi sana kami makakaampon sa kanya kasi may nauna talaga na napagbigyan ngunit ito ay sinauli dahil sa kaakibat na kapansanan na dala. Kung kaya't gumawa ang tadhana na pagtagpuin kami sa kanya.
Sa unang araw, balisa si Kokoy. Di mapakali. Nasanayan din niya ang magkagat-kagat ng anumang bagay. Ganyan naman ang mga aso pag bata pa sila, nilaro laro nila ang mga bagay na nakikita. Aktibo at malikot si Kokoy. Kabisado na rin niya ang kanyang pangalan kasi 'pag tinatawag namin siya na Kokoy, lalapit na ito at gumagalaw galaw ang buntot. 2-3 buwan lumaki na si Kokoy. Mas lalong gumanda ang kulay niya. Dominante ang kulay kayumanggi, humaba na rin ang kanyang buntot. Naging masiglahin si Kokoy at napapasaya niya kaming lahat.
Tumblr media
Ngunit ang tadhana ay kay lupit. Kay sakit isipin at damhin ang sinapit sa aming pinakamahal naming si Kokoy. August 01, 2024 binawian ng buhay si Kokoy. Kay hirap tanggapin ang pinagkait ng tadhana. Bakit binigay pa ngunit babawiin lang agad? Nagkasakit si Kokoy, hindi kumain. Nagsusuka at nagbabawas siya nang dugo. Wala akong nagawa at yun ang pagkakamali ko. Hindi ko siya nadala sa pagamutan. Walang gamot ang nainom. Dapat din pala, hinayaan ko siya na maglakad lakad at palayain para makakain siya nang halamang gamot o damo. Di ko kasi pinakawalan. Binibigyan ko lang siya nang tubig kasi umiinom naman siya.
Patawad Kokoy kung di kita nailigtas. Patawad kasi napabayaan kita. Kay sakit ang nadarama. Di matanggap ang paglisan mo kasi minahal na kita at ang buong pamilya ko. Hindi pa rin namin hawak ang buhay mo. Sana masaya ka kung saan ka naroroon. Mamimiss kita nang sobra Bi. Hindi man tayo pinagsama nang tadhana nang kay tagal, nagpapasalamat pa rin ako kasi naging masaya at makulay ang buhay ko. Tinuruan mo akong magmahal at mag alaga nang aso. Masaya at masarap pala. Pasensya na rin tadhana sa mga tanong ko. Nadala sa bugso sa damdamin. Lahat ng mga aksyon may kaakibat na resulta. Ngayon, gusto ko muna magpahinga na mapalapit sa mga alagang pusa at aso. Magpapagaling muna sa sugat. Kung darating man ang panahon na handa na ako, sana natuto na ako at maging mahusay pa sa pag-aalaga.
Hindi man kita nakasama nang kay tagal Koy, mananatili ka pa rin sa puso namin. Lumipad ka at maging malaya na Bi, mahal kong Kokoy. Salamat ng lubusan. Naging tunay kong Kaibigan. Salamat Panginoon sa lahat ng pangyayaring ito. Masakit pero magiging matatag. Huwag mong pababayaan si Kokoy, Panginoon.
Mamimiss kita aking Kokoy! Mahal ka namin! 🫶
2 notes · View notes
aakristinejoyce · 2 months ago
Text
Bakit lagi akong talo?
Am I really not deserving for anything easy?
Kahit isang beses lang sa isang linggo, o hanggang tatlo sa isang buwan?
Nakakapagod din kasing ibigay lahat sa isang labang sa una pa lang ay pinagdesisyon na ng mundo na hindi para sayo?
Tinuturuan ba ko ng leksyon tungkol sa pagpupursige, or am I just too stubborn to justify all my hardwork as a ticket for winning?
Magulo kasi at masakit kapag universe na ang nagpaparamdam sayo na this is not how life is supposed to work.
That fate can't be bought by hardwork, pero our everyday choices daw are what makes up our fate.
Magulo. Kasi paano nangyari yun?
Even if I choose to push myself, to honor the suffering it takes to be better, how on earth am I still on the losing end?
Binigay ko na lahat, pinagkait pa rin ng kapalaran na iayon sa akin?
Am I really demanding? When all I know since I've learned to live is how it is to lose?
Am I asking for too much? If all I ask from this world is a little bit of luck from this foresaken life.
Mali bang umayon naman sakin kahit konti ang swerte?
Hindi ko naman hinihinging huwag mahirapan. I know how vital it is to maintain a balance from the good and bad.
Ang hinihiling ko lang, ay sana kampihan din ako ng mundo.
Na sa mga laban kong susunod, ibibigay ko ang lahat ng meron ako dahil likas sa pagkatao ko ang maging all in.
Hindi yung ibinibigay ko ang lahat dahil takot ako, na kapag kahit konting palyadong desisyon o pag-akto, ay ikakatalo ko dahil alam kong wala akong resbak galing sa mundo.
I'm tired of giving a perfect performance to a world who had no idea what I'd sacrifice just to be this.
Pero mas masakit yung alam naman ng mundo how much you have given, how much you've given up, but still nothing.
Do I care too much? That it physically hurts kapag hindi nasasabayan ng mundo yung kaya mong ibigay.
Maybe that's why it hurts, that's why it's painful...
Kasi alam ko sa sarili ko, na kapag kinailangan ng mundo yung lahat lahat ng meron ako, I'd give it in a snap.
I would gladly give the world more than the bare minimum, without a doubt, without hesitation.
Ibibigay ko yung kaya ko para patunayan na itong mundo to, kayang maging mahiwaga at mabuti, kapana-panalo, kalagi-lagi.
Sana minsan yung mundo, kaya din.
Kahit konti lang, kahit maliit na pursyento lang.
Yung tipong, mabibigla na lang ako, kasi hindi na ko nagtatanong
Bakit lagi akong talo.
2 notes · View notes
kimhortons · 25 days ago
Text
paulit ulit kong pinakikinggan 'tong mga podcasts na 'to; Burnt Toast Theory, Losing Friends, and Dealing with Toxic People.
hoping it helps sa situation ko rn, but sometimes it feels more like a torture. inooverthink ko lalo, since may mga parts na tinatamaan talaga ako. lahat naman tayo may ka-toxican, pero mas lalo akong naguguilty na nagagawa ko yun sa mga importanteng tao sa buhay ko. parang hindi ko pa matanggap na baka end na nga talaga ng friendship, or open pa yung door para mag reconcile. i know hindi ko malalaman yung sagot kung hindi ako mag aask, maybe takot din ako mareject? takot ako tanggapin na dahil sa mga naging actions and behaviour ko, i'm now losing these improtant people, and i don't know how i can redeem myself. iniiyakan ko parin tuwing mag sisink in yung mga bagay bagay. lagi ko parin sinisisi sarili ko, i'm being hard on myself, which is dapat hindi, kung gusto ko tulungan sarili ko. this is why, i always feel that i'm alone and left out, walang kakampi, walang sense of belonging, kasi yung mga taong gets ako, sinukuan narin ako. that's why i'm trying the best i can, na maging firm sa change, lagi kasing magbabago nga pero babalik na naman sa dati. and i hate myself for that, cos it pushes people away, even if i don't mean it.
on the other note, hindi rin naman laging ako yung toxic. wala namang perfect. ayaw ko lang talaga ng mga taong walang self awareness at accountability. tulad nga ng sabi ni Dani, these people will gaslight you into thinking na sila yung tama, ikaw yung mali; may problema sayo, sakanila wala. kaya nga lagi ko rin sinasabi, bakit laging yung reaction ko yung napupuna, bakit hindi yung actions nila na nag trigger para mag react ako ng ganun. kaya tbh, pati ako nadedrain rin naman, ako kasi yung taong sorry nalang ng sorry kahit minsan hindi na deserve. yung tatanggapin nalang na ako lang yung may mali, tapos pagbibigyan nalang yung naging actions nila. nakakapagod din pala.
ang contradicting noh? haha. sa first part, ako yung gumagawa ng bad behaviour, pero ang pinagkaiba, marunong ako mag take ng accountability, marunong ako mag own up ng mistakes. so i don't get why, hindi ko mareceive yung ganun. bakit kailangan, pag dating sakin, kailangan ko nalang tanggapin na ako yung mali, at sila yung tama. napag usapan din namin 'to nung dalawang kateam ko sa department ko, tinanong ko kasi sila;
ano yung ayaw niyo na ginagawa sa inyo, na tipong mapapa cut off ka?
pero sabi ko, ako kasi kahit anong mali o masamang nagawa mo sakin, patatawarin parin kita. kahit ako yung pinag mukha mong mali, o masama, pagbibigyan parin kita. i'll forgive, but i'll always remember kung anong ginawa at pinaramdam mo sakin. parang hindi ako nang cucut off totally, pero ididistance ko na yung sarili ko sayo. ganun. siguro ganon sakin ngayon yung bestfriend ko. hehe. i feel like, i'm tasting my own medicine. hehehe. lalang skl.
minsan inooverthink ko, na siguro kung hindi ko sinabi na nagtampo ako, okay pa kami ngayon. pero hindi ko malalaman na nireresent niya na pala ako. hindi ko alam kung sinong tama o may mali samin, pero inaacknowledge ko naman na mali yung naging behaviour ko nung time na yun, pero hindi ko naman din pwede idiscount na may ginawa rin siya para maramdaman ko yung ganung feeling. naleft out ako e. yun sana yung gusto ko ipaintindi sakanya, pero parang wala na siya interes makinig sakin. it's like i can only go so far, at nareach ko na yung limit niya. minsan ang hirap maging bigger person na ikaw nalang yung iintindi, tapos yung side mo hindi na mapakinggan. hehe. masakit siya tbh, ang bigat sa pakiramdam. :)
however, I still hope na maging okay parin kami, hindi man ngayon, but in the future. tinuring ko kasi siyang pamilya, lalo nung feeling ko wala akong kakampi sa totoong family ko. I'm just giving her space, I have faith na eventually, magiging okay din lahat.
4 notes · View notes