telesfore
sya
24 posts
050317 | intovert | tula & sining | random thinker
Don't wanna be here? Send us removal request.
telesfore · 7 years ago
Text
"uy kamusta na?"
such a simple question. yet, I always fail to answer it in the fastest way possible.
pakiramdam ko sa tuwing ito ang itatanong sa akin, nagpa-panic attack ako. and I'm not sure why.
yung puso ko bigla nalang titibok ng mabilis, tas pagpapawisan ako ng sobra. sa sobrang panic ko nga minsan pag magsasalita na ako wala nang makalabas na boses sa bibig ko.
"....uhm, o—okay lang ako."
I say with a smile at the person talking to me.
but in reality, behind that smile is a person who's dying inside.
kaya pala ako natatakot sa tanong na yun, kasi alam ko na magsisinungaling lang ako kapag sasagot ako.
2 notes · View notes
telesfore · 7 years ago
Text
my life, in haiku form:
hindi na nga maganda
wala pa akong pera
ang saya saya
1 note · View note
telesfore · 7 years ago
Text
kahit sabihin pa nilang di tayo pwede
naniniwala pa rin ako na walang imposible
gagawin ko pa rin lahat ng diskarte
para maramdaman mong sa piling ko ika'y magiging kampante
3 notes · View notes
telesfore · 7 years ago
Text
happy one year to this account of mine!! yay 🎉🎉
*sabog confetti*
1 note · View note
telesfore · 7 years ago
Text
sabi mo mahal mo 'ko, pero bakit mo 'ko iniwan?
sabi mo mahal mo 'ko, pero bakit di mo 'ko pinaglaban?
sabi mo mahal mo 'ko, pero bakit mo 'ko sinaktan?
sabi mo mahal mo 'ko, pero bakit mo 'ko pinahirapan?
sabi mo mahal mo 'ko, pero bakit bigla ka nalang nawala?
sabi mo mahal mo 'ko, pero bakit mo 'ko binalewala?
sabi mo mahal mo 'ko, pero bakit ngayon nagmumukha na 'kong tanga?
naniwala ako na mahal mo 'ko, pero hindi pala talaga.
0 notes
telesfore · 7 years ago
Text
ang sabi
ng isip ko
magkaibigan lang daw tayo
pero ang sabi naman
ng aking puso
ikaw raw ang mahal ko
sino kaya
ang dapat sundin ko?
ang isip na labis
nang naawa
o ang pusong labis
nang nagpapakatanga?
7 notes · View notes
telesfore · 7 years ago
Text
kailan kaya magsi-sink in sa utak ko na di nya talaga ako mahal?
1 note · View note
telesfore · 7 years ago
Text
nakakasawa na ring maghintay sa wala
1 note · View note
telesfore · 7 years ago
Text
minsan mapapaisip ka nalang kung bakit eh
1 note · View note
telesfore · 7 years ago
Text
i want to know how it feels to be loved by you
1 note · View note
telesfore · 7 years ago
Text
Pangako
Nagsimula tayo sa mga pangako Na habang tumatagal unti-unting naglaho Mga pangakong sing tamis nung unang binitawan At sing sakit rin nung biglang inayawan
Nangako ka sa 'kin na hanggang sa dulo tayo'y magkasama Pero bakit ngayon sa tabi ko'y wala ka na? Pinagpilitan lang ba ang sarili para tayo'y tumagal Kahit unti-unti nang nalulunod sa higpit ng sakal
Nangako ka sa 'kin na sa piling mo ako'y liligaya Pero bakit ngayon sakit ang aking nadarama? Sakit na nagiwan ng malaking sugat sa 'king puso Sakit na umiikot sa buong katauhan ko
Nangako ka sa 'kin na di ka tulad ng iba Pero habang tumatagal napapatunayan kong mali ka Sabi mo di ka tulad nila na ako'y sasaktan Pero bakit ngayon kailangan ko ng gamot sa sakit ng iyong pagliban?
Nangako ka sa 'kin na ako'y iyong mahal talaga Pero bakit ngayon bumitaw ka nalang basta-basta? Tunay nga ba ang pagmamahal mo sa 'kin? Kung oo, bakit kailangan ganito ang sapitin
Nangako ka sa 'kin na pipigilan mo ang mga tutulong luha Pero bakit ikaw ang naging sanhi nang sinabi mong ayaw mo na? Masakit tanggapin, di pa rin mawala sa isip Hinihiling na sana'y ito'y masamang panaginip
Mga pangakong parang papel na basta lang nilukot at tinapon Parang maliliit na basurang tinangay ng malaking alon Parang bulaklak na nalanta't hinayaan basta-basta Mga pangakong binalewala na di na maibabalik pa
Nadurog ang puso pati na rin ang tiwala Sa 'yong mga pangakong tuluyan pa naman ding umasa Gaano katagal kaya maghihilom ang mga sugat ko? Sugat na naging reulta ng mga pangako mo
4 notes · View notes
telesfore · 7 years ago
Text
kailangan ko na ng alarm clock para magising magising sa katotohanan na kahit ano pang gawin kahit kailan, hindi mo na ako kayang mahalin  at magmumukha lang tanga pag ako’y aasa pa rin
1 note · View note
telesfore · 7 years ago
Quote
para kang ulan, tas ako yung lupa. kahit magtago ka pa sa ulap, sa akin ka pa rin babagsak.
vice to karylle
3 notes · View notes
telesfore · 7 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
divide lyrics
like if you use or save
10K notes · View notes
telesfore · 7 years ago
Text
Sawa na ‘ko
Sawa na 'ko sa buhay kong ito Hindi na ba magbabago? Tila paulit-ulit ang sakit na nadarama Pakiramdam ay di na gagaling pa
Sawa na 'kong umintindi para sa iba Kailan ba yung ako naman ang iintindihin nila? Iniisip na ayos lang palagi ang kalagayan Di man lang inuunawa ang pinagdadaanan
Sawa na 'kong magtiis sa sobrang sakit Ang utak tila'y nakatulong sa pait Masasakit na salita'y palaging naririnig Na parang lindol na di matigil ang pagyanig
Sawa na 'ko sa aking pagkukunwari Nangloloko ng iba gamit ang mga pekeng ngiti Pinapakita ang malakas na pagtawa Pero sa kaloob-looba'y nadudurog na
Sawa na 'ko sa gabi-gabing pagbuhos ng mga luha At sa umaga'y malalang pagmamaga ng mga mata Basang mga unan at kumot ay di na natuyo Pakiramdam ay di na makalikas sa malakas na bagyo
Sawa na 'ko sa mga sugat na nailikha Na dati'y nakakagaan sa tuwing ginagawa Ito na nga lang ba talaga ang tanging paraan Para makatakas sa sakit na nararanasan?
Sawa na 'kong sisihin ang sarili ko Sa mga problemang di na nagawan ng solusyon Di na yata mababago ng kahit anong payo Ang pagiisip na ako ang dahilan ng lahat ng ito
Sawa na 'kong idaan sa mga ganitong sulatin Ang mga sakit na matagal ko nang kinikimkim Hanggang kailan magtitiis sa ganitong sitwasyon Na resulta ng unti-unting lumalalang emosyon
3 notes · View notes
telesfore · 8 years ago
Text
may mga bagay na wala nalang tayong magagawa kasi hanggang ‘what if’ lang talaga
2 notes · View notes
telesfore · 8 years ago
Text
uy gago di mo ba napapansin ang sakit sakit na
2 notes · View notes