#wikangfilipino
Explore tagged Tumblr posts
Text
KKF - Anong say mo?
Tunay na nakababahala ang kakulangan ng koneksyon ng mga Pilipino— lalo na ng mga kabataan sa Wikang Filipino. Kung kaya naman, nararapat lamang na bigyan natin ito ng pansin at sila'y hikayatin sa pamamagitan ng mga makabagong ideyolohiya at diskurso.
0 notes
Photo
“TUGON SA MAKABAGONG PANAHON” Blog ni: Marc Christian N. Maniquiz Ang pagmamahal sa sariling atin ay hindi lamang limitado sa pagtangkilik ng mga produktong lokal. Bagkus, ito rin ay pumapatungkol sa paggamit ng sarili nating wika — ang Wikang Filipino. Matapos mapanood ang lektura ni G. Paolo Espiritu, ‘di hamak na ako’y sang-ayon sa lahat ng puntos na kan’yang inilatag. Isa na rito ang pag-aaral natin ng mga asignaturang naka-angkla sa wikang banyaga na siyang kalauna’y tutugon din sa pangangailangan nila, sa halip na pangangailangan ng ating bansa. Kaya naman, lubos akong namangha matapos matunghayan ang pagtuturo niya ng asignaturang Robotiks gamit ang wikang Filipino. Naniniwala ako na ang ganitong uri ng adbokasiya ay nangangailangan pa ng maraming kabahagi at tutugon sapagkat tayo lamang ang gagamit ng ating wika bilang mga pangunahing bihasa rito. Kaya dapat itong alagaan, mahalin, panatilihin, at gamitin sa pamamagitan ng paglikha ng mga bagong salita upang mapalaki ng bokabularyo — mapa-agham o sipnayan man ang paksang tinatalakay. Larawan mula sa: https://www.brookings.edu/blog/education-plus-development/2018/05/18/identifying-student-readiness-through-science-learning-progressions-in-the-philippines/
6 notes
·
View notes
Text
Tuklasin ang Malawak na Saklaw ng Mga Sticker na may Tema ng Sasakyang Panghimpapawid at Piloto sa Pilot408 Redbubble!
Tuklasin ang Malawak na Saklaw ng Mga Sticker na may Tema ng Sasakyang Panghimpapawid at Piloto sa Pilot408 Redbubble!
Kung ikaw ay isang tagahanga ng aviation o naghahanap ng kakaibang regalo, mayroong isang bagay para sa lahat sa aming koleksyon. Mamili ngayon at ipahayag ang iyong pagkahilig sa paglipad gamit ang mga de-kalidad na sticker. Magagamit din sa wikang Tsino at Filipino! 🛩️✈️
Tingnan ang aming tindahan: Pilot408 Redbubble
#Stickers #SasakyangPanghimpapawid #Piloto #Aviation #Paglipad #Redbubble #WikangTsino #WikangFilipino
0 notes
Text
Paggamit ng Wikang Filipino, nakakalimutan na nga ba?
“Walang pinakamahalaga sa sinumang tao kundi ang pagkakaroon ng kamalayan tungkol sa pagkakaisa ng bansa, at bilang bayan, hindi tayo magkakaroon na kamalayan kung walang sinasalitang wikang panlahatan.”
- Manuel L. Quezon
Ang wika ang instrumento natin sa pakikipagtalastasan. Ito ang nagsisilbing kasangkapan upang maipahayag natin ang ating saloobin at kaisipan. Sa pamamagitan ng wika ay naipapahayag natin ng maayos ang ating gustong ipahiwatig at nalalaman din natin kung ano ang gustong ipahiwatig ng ating kapwa. Nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang bawat isa sa pamamagitan ng paggamit ng wika.
Ang video na pinamagatang "Word of the Lourd: Linggo ng Hika" ay tumatalakay patungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon at paggamit ng ating sariling wika. Ang Wikang Filipino. Sinasabi dito na mahalaga na malaman at gamitin natin ang sariling wika dahil ito ang nagiging daan upang mas madaling magkaintindihan ang bawat isa. Ang Wikang Filipino ay ang wikang ating kinalakihan. Kung lahat tayong mga Pilipino ay gagamit ng ating wika sa sariling nating bansa ay mas madali natin maipapabatid sa iba ang ating mga saloobin at mas mapapaunlad pa nito ang pagkakaunawaan at pagkakaisa sa ating bansa. Subalit, mag mula pa noon, ang pinakamalaking hamon na talaga na kinakaharap ng ating Wikang Filipino, ay ang patuloy na paglaganap ng teknolohiya sa ating bansa na naging daan upang mamulat at matuto tayong gumamit ng mga wika tulad nang mga jejewords, bekiwords at marami pang mga bagong wikang nagsisilabasan sa panahon ngayon. Dahil dito, unti unti nang naiiba ang ating wikang nakasanayan at nagdudulot narin ito ng pagkalito sa kung ano ba talaga ang mga dapat na salitang ating gagamitin sa araw araw nating pakikipagusap. Sa paglipas ng panahon at sa patuloy na paggamit natin ng mga salitang iyon, hindi natin namamalayan na malaki na pala ang nagiging epekto nito lalo na sa bagong henerasyon natin ngayon. Dahil sa pabago bago at paiba ibang wika, ang mga batang naguumpisa palamang matutong magsalita ay maaaring nilang gayahin o ma-adapt ang mga ito na magdudulot na makalakihan nila ang mga ganitong klase ng salita na hindi naman talaga itinuturo sa atin at hindi itinuturing na parte ng ating orihinal na wika. Maaaring kapag ito ay nagpatuloy pa, maipapasa na natin ito sa mga susunod pang henerasyon, at posibleng tuluyan na talaga nating makalimutan ang ating wikang pambansa kasabay nang paglipas ng panahon.
Ang ating sariling orihinal na wika ay ang regalong pinakamagandang natanggap, nakamit, at natutunan natin mula sa ating mga ninuno. Ito talaga ang maituturing natin na tunay na yaman ng ating bansa. Ang wika rin natin ang isa sa mga sumisimbolo ng ating pagiging malaya at sibilisadong bansa. Kaya kahit na natututo na tayo at nakakasanayan na natin na gumamit ng mga iba’t ibang klase ng salita o wika, ay huwag parin naman sana natin tuluyang kalimutan na alagaan at patuloy na pagyamanin ang ating sariling wika. Walang masama kung marami kang wika na alam at ginagamit kasi sa totoo lang sa panahon natin ngayon, kapag mas marami kang lenggwahe na kayang gamitin ay itinuturing kang mas angat kaysa sa iba na isang lenggwahe lang ang kayang gamitin. Subalit, wala paring mas aangat sa taong pinapahalagahan, minamahal, ipinagmamalaki, at iniingatan ang kanyang sariling wika.
Isinulat ni: Julia Maxene M. Solano, Grade 11 - STEM student
6 notes
·
View notes
Text
Wika at Kultura
Wikang Filipino
Ang wikang Filipino ay isa sa mga pamantayan ng ating pagkakakilanlan bilang isang Filipino.
Ang wikang Filipino ay ating pamana sa ating matapang at matalinong mga ninuno. Magkasama ang mga Pilipino dahil sa wikang Filipino. Bilang kapalit, kailangan nating itaguyod ang paggamit ng wikang Filipino.
Hindi lamang bahagi ng ating kultura na ipinagdiriwang ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika ngunit pinapanatili tayong isang bansa na magkasama.
Ang bawat tao ay may isang kultura kung saan siya ay lumaki. Ang mga salitang ginamit sa bokabularyo ay sumasalamin sa paraan ng pamumuhay at pananaw sa mundo ng kanilang mga nagsasalita.
Ang wika ay isang porma na nagbibigay kahulugan sa diwa at pag-uugali ng isang kultura. Itinatali din nito ang mga tao sa isang lipunan at, sa pamamagitan ng kulturang iyon, kinikilala at pinahahalagahan ito ng mga taong hindi bahagi ng pamayanan na pinag-uusapan.
Bakit nga ba mahalaga ang wikang Filipino?
Ang wika ang nagsisilbing instrumento upang tayo ay makapag-ugnay sa lahat ng oras.
Dahil sa wikang Filipino, nananatiling hindi naaapektuhan ang ating bansa. Umunlad ang kalakalan sa Pilipinas dahil sa wikang Filipino.
Ang wika ng isang bansa ay nagpapakita kung paano ang kasaysayan at tradisyon nito ay mayaman at natatangi. Ang mga tulay ng wika at nagpapalakas ng maraming mga kultura kaysa sa pagiging isang daluyan ng pakikipag-ugnay.
Paano natin Mapapaunlad at Mapapahalagahan ng ating wika?
narito ang ilan sa mga halimbawa:
Tangkilikin ang mga palabas na ang ginagamit ay wikang Filipino upang mas lalo pang mahasa.
Patuloy na magbasa ng mga aklat na nakalimbag sa wikang Filipino kahit hindi na inuutos ng guro.
Kapag may mga pangalan ng bagay na alam mo sa wikang ingles, huwag kaligtaang alamin din ang salin nito sa wikang Filipino.
Ipagmalaki ito sa kahit na sino lalo na sa mga dayuhan.
References:
https://dfa.gov.ph/dfa-news/news-from-our-foreign-service-postsupdate/514-pag-aaral-ng-wikang-filipino-pinamunuan-ng-pasuguan-ng-pilipinas-sa-dhaka
https://www.manilatimes.net/2019/08/17/opinion/columnists/ano-ang-saysay-ng-wikang-filipino/601294/amp/
https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Wikang_Filipino
2 notes
·
View notes
Text
FILIPINO 40 - Gawain 6
Ang Tunay na Kalidad ng Wikang Filipino Sa panahon ngayon maraming kabataan pati na ang ilang mga matatanda ang naniniwalang ang wikang Filipino ay wikang pakikipag-usap lamang. Wikang pampalengke, pangshowbiz, pangkalye, bakya, jologs, at iba pa ngunit hindi wikang propesyonal, wikang pormal, at wikang pangdaigdig tulad ng tingin nila sa wikang Ingles. Ang wikang Filipino ay higit pa sa kung anong halaga ang tingin natin dito. Ang layunin ng post na ito na ay upang maipamulat sa mga tao na hindi lamang wikang Filipino ang kanilang minamaliit, kundi ang buong kasaysayan na nakapaloob sa pagbuo ng wikang ito, mga gawaing nabigyang daan ng wikang Filipino, at ang kalidad at katayuan ng wikang Filipino sa sarili nitong bansa. Ang Wikang Filipino ay Wikang Pambansa Kung iyong babalikan ang kasaysayan ng wikang Filipino ay parang binalikan mo na rin ang kasaysayan ng Pilipinas bago pa man dumating ang mga Kastila. Bukod sa haba ng panahon, maraming wika at proseso ang naganap at sumailalim upang mabuo ito. Kaya kung sasabihin mo na pangmasa lamang ang wikang Filipino ay lubos kang nagkakamali sapagkat ito'y wikang Pambansa ng Pilipinas. Ang Wikang Filipino sa Daigdig Kahit na may mga Pilipino na pangmasa lamang ang tingin sa wikang Filipino, ang katayuan ng wikang ito sa larangan ng edukasyon, komunikasyon, at bilang isang konsepto ay umaabot na sa mga banyagang bansa, isip at paaralan. Bukod sa itinuturo ito sa ibang bansa at Unibersidad, maraming mga banyagang propesyunal at mag-aaaral ang nililinang ang kanilang pag-aaral sa Wikang Filipino at sa bansang Pilipinas. Dahil sa mga paratang ito at mga impormasyong maaari pang magpatibay nito, masasabi kong ang wikang Filipino ay isang wikang Intelektwal. Isang wikang kayang itaguyod ang bansang Pilipinas bilang isang bansang maunlad. Isang wikang sasalamin sa mga Filipino hanggang sa hinaharap. Ang Wikang Filipino ay isang wikang may tunay na kalidad
2 notes
·
View notes
Text
Wika ng Silanganan
Wika ng karunungan, wika ng ating bayan
Ang siyang nagbigay lakas sa ‘ting kasalukuyan
Ito ay sandigan na ating tinutungtungan,
Kalakip sa kalayaan na ating nakamtan.
Kasaysayan ng bansa, muli nating balikan,
Dapat makikita natin ang kahalagahan
Ng ating wika sa pagtanggol sa ating bayan
Upang makamit, inaasam na kasarinlan.
Wikang Filipino ang wika sa ating bansa.
Pinag-iisa pa rin tayo ng ating wika,
Iba’t iba man ang ating kultura sa loob ng bansa,
Wikang tinuturing na wika ng karunungan.
Sa pagkakaroon natin ng sariling wika
Ay nabigyan ang bansa ng pagkakakilanlan,
Sa paggamit natin sa sarili nating wika,
Bansang Pilipinas, nakamit ang kalayaan.
Isipin natin kung wala ang wikang pambansa,
Tayo ay mahihirapang makisalamuha,
Tayong lahat ay hindi magkakaintindihan
Magkakaroon ng ‘di pagkaka-unawaan
Wikang Filipino ay wika ng karunungan,
Ito’y dapat alagaan at di iniiwan.
Ang ating wika ay pairalin, huwag sirain,
Ang ating kaisipan ay dapat din linangin.
Wikang Filipino ay wika ng kaunlaran,
Iba’t iba mang lahi at kasarian,
Ito;y nagagamit at dapat nating tanggapin.
Dapat ito’y alagaan at ating angkinin.
Wikang Filipino ay wika ng karunungan,
Tanging daan tungo sa pagkakaunawaan.
Pagkakaisa at mithiin ay mararating
Payabungin ang wika saan man makarating.
Lumipas ang panahon at siya’y kinalimutan,
Sa bawat pagyakap sa ating mga dayuhan.
Inibig ito na parang walang kinabukasan,
Wika ng karungan bakit natin sinasaktan?
Bakit tayo nagpadala sa mga dayuhan?
Sa kanilang wika, tradisyon at kaisipan
Wika nila’y walang maidudulot sa atin
Kaya’t iyong isipin, bago ito mahalin.
Wika ng banyaga ay di dapat tangkilikin
Sapagkat ang wika natin ay dapat mahalin.
Wikang Filipino siyang nagbigay karunungan,
Di nagkulang, sa bawat tao sa ating bayan.
Wikang Filipino ay bigyan kahalagahan,
Sapagkat ito ay sandigan ng ating bayan.
Ito’y dapat natin linangin at alagaan
Lubos na ibigin, kailanma’y huwag pabayaan
(Aldana Garcia , 2016)
-------------
This was my winning piece during our Buwan ng Wika 2016 in Dominican School Manila
6 notes
·
View notes
Text
Wika natin, pagyamanin at gamitin!
By Jyle Sarmiento
Hello! Para sa aking unang blog, gusto ko ito simulan sa pagbibigay ng onting kaalaman at kung gaano ka-importante ang ating wikang Filipino. Hindi lang para sa akin, kung hindi ay para sa ating lahat. Maraming guro ang nagsasakripisyo para magturo ng wikang Filipino. Isa na dito si Ms. Villanueva na isang dekada nang nagtuturo ng ating wikain. Ayon kay Ms. Villanueva, halos lahat ng kabataan ngayon ay hindi na pinapahalagahan ang iba’t ibang pagkakaiba at paggamit ng ating sariling wika. Bakit nga ba importante ang wika?
Ang wika ay isa sa tumutulong sa atin para tayo ay mapalaya sa ating mga mananakop at ginagamit natin ito para lahat tayo ay magkaintindihan. Ayon sa isang estudyante ni Ms. Villanueva hindi na nila masyado magamit nang maayos ang wikang Filipino dahil minsan mas nagagamit pa nila ang wikang Ingles kaysa sa ating sariling wika. Madali na silang malito ngayon dahil mas binibigyan na nila ng pansin ang ibang wika kaysa sa atin.
Kaya, ako ay sumasang-ayon na dapat bigyan paigtingin ang paggamit ng Wikang Filipino dahil onting-onti na tayong humihina sa simpleng paggamit nito pati na rin sa ibang kaalaman na hindi na natin nagagamit dahil hindi na natin nabibigyan ng pansin ang Wikang Filipino. Ito’y isang mahalagang bahagi para sa ating pag-aaral at lalo na sa ating mga mag-aaral. Pahalagahan, ingatan, gamitin at ipagmalaki natin ang sarili nating wika.
5 notes
·
View notes
Text
WIKANG FILIPINO ATING PAIGTINGIN WAG ITONG BALIWALAIN!
Akda ni: Carlos Enrique G. Manayon
Video Link: https://www.youtube.com/watch?v=PWypLTSk27o
Ang wika ang may pinakamahalagang aspeto ng bawat kultura dahil dito tayo ay kinkilala ng iba’t ibang bansa. Ayon sa ipinapahayag ng isang episode sa dokumentaryong may titulong Investigative Documentaries: Wikang Filipino, ang ating wika ay nakakalimutan na sa paglipas ng panahon. Isa pang dahilan nito ay dahil sa modernisasyon, ang pag-usbong ng makagabagong salita tulad ng gay linggo, jejemon, at iba pa. Natalakay rin ni Ginang Mila Villanueva, isang guro sa panitikan ng Wikang Filipino sa San Pedro Relocation Center National High school, na nalilimutan na natin ang wastong proseso sa paggamit nito. Ani nga niya na malaki ang pinagbago ng mga estudyante niya ngayon kung ikukumpara sa mga estudyante niya noon, dahil kung ikukumpara ang pagtuturo ng asignaturang ito noon mas masasabi natin na mas maganda noon dahil mas detalyado ang pagtuturo nila . Maraming pagkakamali na ating di natatama sa kasalukuyan dahil sabi niya hindi na masyadong nabibigyang pansin ito.
Sumasang ayon ako sa mga nasabi ni Ginang Mila dahil akin ring napapansin ang pagbabagong ito. Sa kasalukuyang panahon ito ay pinoproblema na ng ating bansa dahil pati ang ating pamahalaan binabalewala nila ito tulad ng sinasabi nila na tanggalin na ang asignaturang Filipino sa kolehiyo. Ito ay mas lumalala lang dahil din sa mga Pilipino na naimpluwensyahan o mas tinatangkilik ang ibang kultura. Sa kabila nito nananaig pa rin ang wikang Filipino sa puso’t diwa ng ibang pilipino. Ika nga ng dalubwika “walang tatamis pa sa kanyang sariling wika” Kung ito ay bibigyan natin ng solusyon mapapaigting natin ang wika kung ang asignaturang Filipino ay bibigyan ng kahalagahan, huwag nating hayaan na ito ay mawala sa atin. Dahil sa pamamagitan na lamang ng asignatura na ito, ay napapalawig ang teorya, praktika at silbi ng Wikang Filipino sa pamantasan, bansa at buhay.Tulad nga nasabi sa bidyo masasabi natin na mas maayos ang mga naging estudyante noon dahil noon detalyado ang pagtuturo sa asignaturang ito. Naging malaki ang pagbabago ng ating wika nung nagsimula itong baliwalain ng pamahalaan o hindi pinahalagahan.
Ang Wikang Filipino ay ating paigtingin at pausbungin. Kung ito ay patuloy na malilimutan hindi uunlad ang ating sariling bansa, dahil walang pag -unlad kung wala ang sariiling wika at panitikan. Kaya dapat natin itong bigyang kahalagahan at maging isa sa dahilan ng pagunlad ng ating bansa. Ang pagkakaroon ng sariling wika ay yaman nating mga Pilipino.. Kaya lahat tayo, mahalin at pangalagaan ang sariling wika dahil ito ay na maituturing yaman na tinataglay ng Pilipinas.
4 notes
·
View notes
Text
Wikang Filipino: Biyaya o Sumpa?
KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO
Tula
Davocol, Francine D.
BSPSYCH 2-1
KKF
0 notes
Text
Mga Bagong Nauusong Paraan ng Pananalita, Nakakaunlad Ba? O Nakakasira lamang ng ating Wika
Akda ni: Magtalas, Paulo C
youtube
Ang mga bagong paraan ng pagnanalita katulad ng Gay Lingo, Conyo, Taglish, Jejemon ay nauuso ngayon dahil sa ito ay madalas gamitin sa sosyal medya at dahil din ito ay ginagamit ng ibang sikat na tao o artista na minsan ay sila mismo ang nakalikha at nakaimbento ng mga salitang ito. Ang pag-gamit din nitong mga bagong paraan ng pananalita ay napapanahon at halos ng mga tao ay ito ang ginagamit upang makipagusap sa isa’t isa. Sa isang episode ng GMA Documentaries na pinamagatang “Investigative Documentaries: Pag-usbong ng mga bagong salita, bahagi ng pag-unlad ng wikang Filipino” ipinakita nila rito ang bagong paraan ng pananalita na Bekimon o tinatawag na Gay Lingo na karaniwang ginagamit ng mga beki upang hindi maintindihan o malaman ng iba ang kanilnag sinasabi. Natalakay rin nila kung ang mga salitang ito ba ay nakakasira o nkakapagpaunlad sa ating wika Sinabi rin nila sa episode na ito ang mga nauna pang paraan ng pagbabago ng salita o wika. Sa episode na ito, Mapapaisip tayo kung ang mga bago at nauusong paraan ng pananalita o wika ay nakakaunlad ba at nakakatulong sa ating wika o ito lamang ay lumalason at sumisira sa ating wika ngayon.
Ang saluobin ko tungkol sa mga natalakay na paksa sa episode na ito ay may sariling kagandahan at katangian ang mga bagong salita o wika, kaya ito ay nagiging uso. Dahil din sa mga bagong salitang ito nabibigyan ng buhay ang ating wika. Mas napapagaan din ang pag kokomyunika sa isa’t isa dahil narin sa paggamit ng mga salitang ito. May sarili itong mga katangian na nakakahubog sa isang pagkatao. Katulad nalamang ng Bekimon o Gay Lingo. Nabubuo ang mga salita ng Gay Lingo sa pamamagitan ng pagsasama ng dalawang salita, ang mga salitang ginagamit nila ay halos may reference tungkol sa ibig-sabihin nito katulad nalamang ng salitang Chaka na ibig sabihin ay panget. Nagmula ang salitang ito dahli inihahanlintulad ito sa mukha ni Chucky Doll na kasin tunog ng Chaka. Sa mga bagong paraan ng panananalita na ito mas napapadali din minsan ang pakikipagusap dahil sa pagpapaikli ng mga salita na ginagamit madalas kapag nakikipagchat, text o pakikipag-usap sa social media. Ako ay sumasang-sang ayon na ang mga bagong salitang ito ay nakakapag paunlad ng ating wika sapagkat mas pinapalaki nito ang ating kultura at ang ating wika. Ayon sa isang interview kay Prof. Madula sa isang episode ng Bandila na pinamagatang “Jeproks to Jejemon: How the Filipino language evolves” sinisimbolo ng mga bagong salitang ito na buhay ang ating wika, patuloy itong nagbabago at patuloy rind aw na nanganganak, na ibig sabihin ay patuloy itong yumayabong at patuloy itong umuunlad. Mas pinapalawak nito ang ating bokabyularyo ng ating wika. Patunay rin ito na ang ating wika ay nag e-evolve at patuloy nitong hinihinog ang ating wika at kultura upang mas gumanda at mas umunlad pa ito.
Samakatuwid, Ang mga bagong nauusong salita ay tumutulong maqpayabong ng ating wika. Hinihinog nita ang wikang Filipino at patuloy itong nagkakaroon ng ebolusyon at binibigyang buhay ang ating sariling wika. Pinapatunayan nito na kayang makasabay ng ating wika sa panahon at hindi ito nahuhuli sa panahon. Subalit dapat huwag parin nating kalimutan kung kelan at saan natin gagamitin ang mga salitang ito at paano ang tamang pag gamit ng mga salitang Filipino. Sapagkat ito ay repleksyon ng ating pagkakakilanlan at kultura bilang isang Pilipino. Balik-baliktarin man o ibahin ang pagkasabi ng isang salita ang mahalaga ay alam natin ang wastong pag-gamit ng wikang Filipino at patuloy natin itong pagyamanin at paunlarin.
2 notes
·
View notes
Text
Filipino: Wikang Pinaglaban, ngunit sa huli’y Kinalimutan
Isinulat ni: Nikolas C. Lacson
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
“ Kailangan natin ang wikang dayuhan para mabuhay sa kasalukuyang panahon. Pero kailangan natin ang wikang sarili para mabuhay nang habampanahon.” - Ricardo Ma. Nolesco
Wikang Flipino, wika na ginawa ng mga Pilipino para sa mga Pilipino. Kung hindi tayo? Sino? Sino ang gagamit at magmamahal ng wika na pinaghirapang protektahan ng ating mga ninuno? Tuluyan na ba nating kakalimutan ang nakaraan upang tumungo sa kinabukasan? O pipiliin ba nating dalhin ito at isabay natin itong dalhin at paunlarin para sa pinangarap na kalayaan ng dating sanlibutan? Wikang Filipino sa ika-21 siglo tuluyan ng namamatay, tuluyan ng kinakalimutan, hindi na naalagaan, maituturi ba nating ito bilang isang uri ng kamangmangan? Sa paglaganap ng social media at pagpalit ng panahon, pati ang mga tao'y nagbabago na, ngunit naniniwala ako na mayroon dapat mga bagay na hindi lang pinapalitan at tinatanggal ng basta-basta. Sa aking opinyon dapat ay alagaan pa din natin ang wikang Filipino sapagkat ito ang isa sa mga pinamana sa atin ng ating mga ninuno. Parte na ito ng ating pagkakakilanlan. Hindi ang wikang Ingles o Espanyol ang maituturi nating atin, kundi ay ang wikang Filipino! Kahit sino naman ata ay minamahal at pinoprotektahan ang kanilang ari-arian diba? Bakit hindi natin ito ginagawa para sa ating sarling wika?
"Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda" - Dr. Jose Rizal
Ito ang mensahe sa atin ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal upang idiin sa ating isipan ang kahalagahan ng ating sariling wika. Ang wika ay ang nagsisimbolo kung tunay ngang malaya ang isang bansa! Ngunit ano na ang nangyayari sa panahon ngayon, isang panahon kung saan hindi marunong magsalita ng Filipino ang isang Pilipino na nabuhay at pinanganak sa kanyang sariling bayan. Nakakalungkot isipin na sa pag-unlad ng ating bansa ay kaagimat nito ang pagbagsak nang ating wika at ang pagkawala ng ating tunay na kalayaan. Ayon sa isang dokumentaryo ng GMA noong kinausap nila si Ginang Mila Villanueva isang guro ng asignaturang Filipino, hindi man lang marunong magsulat ng mayroong maayos na gramatika ang kanyang mga estudyante ngayon. Kung ikukumpara niya ang mga estudysante niya noon sa ngayon ay mayroong malaking agwat sa kanilang kaalaman. Aba'y tinanong din ang ilan sa mga estudyante ni Ginang Mila at ayon sa kanila nakakalimutan na talaga ang wikang Filipino, kahit ang mga tawag sa iba't-ibang kulay ay hindi nila alam.Mayroong mga nagsasabi na ang pagusbong ng iba't-ibang wika ang sanhi ng suliraning ito, ngunit ako'y naniniwala na hindi ito ang problema! Naniniwala ako na ang puno't-dulo ng suliraning ito ay ang mismong pundasyon ng wikang Filipino! Sabi nga nila na kung hindi matibay ang pundasyon ay bubuho ang buong gusali. Nakakalimutan nang kabataan pati ang pangungusap at parirala na itinuro pa noong sila'y elementarya. Kakulangan ng pansin at pangangalaga ang sanhi ng ating mga suliranin. Isa pa sa mga sanhi ay ang "toxic mentality" ng mga Pilipino, kung saan iniisip nila na masmataas ang wikang Ingles kung ikukumpara ito sa wikang Filipino. Sa kasalukuyang panahon, hindi importante kung magaling ka magsalita ng wikang Filipino kung di ka naman marunong mag-Ingles. Hindi ka makakapasa sa mga job interview kung ang gamit mo ay ang wikang Filipino. Nasaan ang hustisya doon? Kailan pa naging mas mataas ang isang wika kung ikukumpara mo ito sa iba? At sasabihin niyo ang rason ay para sa globalisasyon? Ang kausap mo ay isang Pilipino at kayo ay nasa bansang Pilipinas ngunit ang gagamitin niyo para sa komunikasyon ay ang wikang Ingles? Hindi niyo tatangapin sa trabaho ang isang tao kahit gaano pa siya kagaling kung ang pinipiling niyang wika ay ang Filipino? May nalalaman pa kayong mga salitang "pride" ngunit sa huli tinapon niyo lang ang iyong pagkakakilanlan bilang Pilipino? Parang masyado naman atang makapal mukha niyo? Mga Pilipino, mga taong nakikita lamang ang gusto nilang makita. Nagbubulag-bulagan, nagbibingi-bingihan hanggang kailan ba natin tataklubin at iiwasan ang maruming katotohanan? Ang katotohanan na itinapon at binalewala na natin ang ating sariling bayan para lamang maging alila nang ibang mga bayan.
"Ang kabataan ang pag-asa ng bayan" - Dr. Jose Rizal
Kabataan, tunay na ba tayong pag-asa ng bayan? O tayo ba ang magdadala ng pagbagsak nang ating bayan? Patuloy na lamang ba tayong magpapahatak sa ating mga kasakiman? Kabataan, simulan na natin ang pagsibol ng ating wika. Isang pamilya tayo, ating gamitin ang wikang ito. Wikang Filipino ay ating bigyang halaga. Kabataan, huwag na tayo magbulag-bulagan. Isibol na ang bagong kinabukasan. Ang kinabukasan kung saan tayo'y tunay na malaya, isang kinabukasan na bukas para sa lahat ng mamamayang Pilipino.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
2 notes
·
View notes
Text
Wikang Filipino, uso pa ba?
Akda ni: Liam Evangelista
Image Source
Sa kasalukuyang panahon, marami na ang nahihirapan sa pag-aaral ng wikang Filipino, lalo na para sa makabagong henerasyon. Hindi na nasusundan ang wastong paggamit ng wikang kinagisnan at natutuhan mula bata pa lamang. Unti-unti na ring nalilimutan ang mga simpleng alituntunin sa tamang paggamit ng wika. Dulot ito ng modernisasyon, pati na rin ang impluwensiya ng mga dayuhan.
Ayon kay Mila Villanueva, isang guro sa Filipino sa San Pedro Relocation Center National Highschool, na mapapanood sa isang episode ng dokyumentaryong pinamagatang: Investigative Documentaries: Wikang Filipino, dapat paigtingin ang paggamit sa paaralan, sa panahon ngayon ay hindi na masyadong binibigyang pansin ang wastong paggamit ng ating wika. Sa simpleng pagbuo ng mga pangungusap, paggamit ng malaking titik, o kaya sa paggamit ng mga salitang raw at daw, ay hindi na rin naisasagawa sa tamang paraan. Ang mga estudyante niya raw noon ay mas mahasa sa wastong paggamit ng wika. Hindi tulad ngayon na kung saan ang disiplina ng mga kabataan ay humina na pagdating sa tamang pagbaybay at salita nang mauso ang text messaging at internet. Tinatanggap at pinababayaan na lamang ang mga ito kahit hindi tama. Sang-ayon ka ba sa mga pahayag na ito? Kung ako ay tatanungin, ang opinyon ko dito ay sumasang-ayon ako sa mga nabanggit sa bidyo. Sang-ayon ako na dapat mas mahigpit ang pagtuturo ng wikang Filipino sapagkat totoong napababayaan at nalilimutan na ito. Dapat natin itong bigyan ng halaga dahil kasama ito sa ating kultura. Ngunit, hindi naman masama ang pagkakaroon ng iba’t ibang barayti ng wika tulad ng conyo, jejemon, at gay lingo dahil naniniwala ako na kasama ito sa mga magagandang katangian ng ating wika. Ang wikang Filipino ay makulay at malaya. Nagiging buhay ang ating wika dahil sa mga iba’t ibang barayting mayroon ito. Subalit, mas mabuti kung hindi natin pababayaan o kalilimutan ang pinanggalingan ng mga ito.
Ang wikang Filipino ay dapat pahalagahan at mahalin. Matuto tayong gumamit ng wika sa wastong paraan. Ipinakikita nito na ang ating bansa ay malaya at may makulay na kultura. Naipakikita rin nito na may respeto tayo sa bawat isa, walang huhusga kung nais nilang gamitin ang ibang barayti ng wika. Lagi lang nating tatandaan na nagmula ito sa ating wikang pambansa, ang wikang Filipino.
4 notes
·
View notes
Text
“Kilalang Wika, Patuloy sa Pag-unlad”
Ang Wika natin ay patuloy na nagbabago. Ito ay sumusunod sa kasalukuyang uso, sumusunod sa galaw ng tao at kapaligiran, at ito’y ating ginagamit sa pang araw-araw. Ang wikang Filipino ay mayroon nang sobrang daming pinagbago. Ang mga salitang conyo, gay lingo, etc. Ang mga ito ay ang mga dagdag sa ating bokabularyo.
Pero, lahat ba ng uso o sinasabi natin ay talagang nagiging parte ng wika natin? Ayon sa “Investigative Documentaries” na aking pinanood, hindi lahat ng salita na bago o uso ay isinasama sa bokabularyo natin. Kailangan muna matukoy kung mayroon bang silbe ang pag dagdag nito, ito ba’y may kaugnayan sa buhay natin, at kung ito ba’y ginagamit ng marami. Ang Gay Lingo o bekimon ay gamit ng marami. Para sakin, ito ay mahalaga dahil nabibigyan nito ang mga gay sa lipunan ng kanilang freedom of speech na sila lang ang nakakaintindi. Ito ay nakakapag bigay ng kalayaan sakanila na magsabi ng kung ano ang kanilang saloobin ng hindi sila mahirapan pumili ng salita. Sabi ni Schedar Joson, isang propesor ng wika sa UP Diliman, “Ito’y isang paraan upang labanan ang diskriminasyon sa mga gays.” at ako’y sumasang-ayon sakaniya. Ang mga gays sa ating lipunan ay patuloy na inaapi ng marami, at ang magkaroon sila ng lingo na kanila lang maiintindihan ay nagbibigay ng kalayaan sakanila.
Ang wika ay dapat nating mahalin, ito dapat ay inaalagaan tulad ng tao o hayop. Ang pagpapahalaga sa wika ay nagpapakita na mahal natin ang inang bayan natin. Dapat rin nirerespeto ito, lalo na’t ito’y pwedeng makasakit sa ibang tao. Patuloy nating mahalin at gamitin ang sariling wika.
0 notes
Text
Wikang Filipino sa Makabagong Panahon
Isa sa napakahalagang aspeto ng ating buhay ay ang pagkakaroon ng pambansang wika. Ito, bukod sa puso’t damdamin, kaisipang Nasyonalismo at gayundin sa hangaring pagsilbihan ang ating bansa, ang isa sa pinakamalakas na nagbibigay inspirasyon sa ating lahat na magkaisa at magtulungan. Biniyayaan ng Diyos ang mga tao ng higit na nakatataas na pag-iisip kumpara sa iba pang nilalang. Kaugnay nito ang kakayahan nating matuto ng sarili nating wika at mapayabong pa ito sa pagdaan ng panahon. Ang wikang Filipino sa makabagong panahon ay patuloy na umuunlad at nagbabago. Gumagamit na din tayo ng ibat-ibang paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas o paggamit ng ating wika, ilang halimbawa ng pagpapalawak ng bokabularyo ay ang paggamit ng akronim o ang paggamit ng mga letra na nagprepresenta sa isang salita o tumatayo bilang kapalit ng salita.
Ayon kay Ginang Mila Villanueva hirap pa rin ang mga estudyante sa paggamit ng wikang Filipino dahil mali ang mga salitang ginagamit sa mga parirala, sanaysay, panitikan, parabola at iba pa. Nakikita niya rin kasi ang paghina nang kaalaman ng kanyang mga estudyante sa wikang Filipino. Mula sa episode na napanood ko, sumasang-ayon ako kay Ginang Mila dahil tunay nga naman na humina ang kaalaman namin sa tamang salita at baybay dahil nauso ang mga text messages at mga uso na salita sa internet. Sa panahon ng makabagong teknolohiya ang naiibang paggamit nito ayon na rin sa kagustuhan ng nagbibigay komento sa isang blog o pahayag na maging larawan lamang na ipinost sa facebook. Bagaman naiintindihan naman ng iba’t-ibang taong nakakabasa ng kanyang sariling komento sa kabila ng mali-maling ispeling, gramar, at panuntunan ng paggamit ng salita, naipaparating pa rin ang kanyang menshe. Subalit sa pagtagal ng paggamit ng mga ito na taliwas sa wastong pamantayan at tunay na diwa ng mga salita, unti-unting nawawalan ng malalim na pagmamahal sa ating bayan. Ang wika ay may iba't ibang katangian. Ang wikang ginagamit ng bawat tao sa daigdig ay sistematikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas, ito rin ay arbitaryo, may kakayahan at binubuo ng mga tunog. Ang wika at kultutra ay magkabuhol at hindi maaring paghiwalayin dahil ito ay bahagi ng karamihang anyo o uri ng komunikasyon.
Ang ating wikang Filipino ay isa sa mga mahahalagang bagay na ibinigay ng Diyos sa tao upang mabuhay nang may kabuluhan at makamit ang ating mga pangarap at mithiin sa buhay. Para saakin, ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mga mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto sa isang bansa. Ito ay talagang napakahalaga dahil kung wala ito, ang ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung mga tao ay hindi nagkakaisa o nagkakaintindihan. Sa paglipas ng panahon, umuunlad at nagbabago ang Wikang Filipino na kailangan nating tanggapin at gawin itong benepisyal para sa ekonomiya at sa pagiging Pilipino. Masasabing ang teknolohiya ay isa sa mga salik kung bakit nagbago at nakaligtaan ng karamihan sa kabataan ang Wikang Filipino sa kasalukuyan at hindi lingid sa kaalaman ng mga kabataan ang imporatansya at kahalagahan ng Wikang Filipino ngunit ang mga pangunahing kaalaman na meron sila ay dapat pang lingangin upang mas maunawaan pa nila at mahalin ang Wikang Filipino. Kaya tayong mga kabataan ay dapat makita ang importansya at kahalagahan ng wikang Filipino sapagkat tayo ang pag-asa ng bayan at ito ay magsisilbing tulay natin upang mas mapalago ang ekonomiya ng ating bansa. Kaya naman, tayo ay magtulungan upang tayo ay may patutunguhan.
#WikangFilipino#MakabagongPanahon#WikangPambansa#MagandangKinabukasan#MahalinAngWika#Magkaisa#Magtulungan
1 note
·
View note
Text
Wikang Filipino, buhay pa ba sa kasalukuyan?
Akda ni: Manuel Lorenzo R. Robles
Sep. 8, 2020 12:32:02am
Video Link: https://www.youtube.com/watch?v=PWypLTSk27o
Ang pag-aaral ng Wikang Filipino ay nagiging isyu sa karamihan ng mga mag-aaral sa kasalukuyang panahon. Maging sa tamang paggamit nito ay nahihirapan pa rin ang karamihan. Ayon sa ipinapahayag ng isang episode sa dokumentaryong may titolong Investigative Documentaries: Wikang Filipino, dapat paigtingin ang paggamit sa paaralan, ay sinasabi na ang Wikang Filipino ay paunti-unti nang naglalaho dahil sa pag-usbong ng mga makabagong salita, bilang epekto rin ng pag-usbong ng modernisasyon. Ang mga halimbawa nito ay ang mga iba’t ibang barayti ng wika tulad ng conyo, gay lingo o bekimon, jejemon, atbp. Sinabi rin na dahil sa mga salitang nadadagdag sa paglipas ng panahon ay hindi lamang naiiwasan ang paggamit ng Wikang Filipino, ngunit nalilimutan na rin ang mga wastong proseso sa paggamit nito.
Ayon kay Ginang Mila Villanueva, isang guro sa panitikan ng Wikang Filipino sa San Pedro Relocation Center National Highschool, ay napapabayaan na ang Wikang Filipino sa paglipas ng panahon. Inihambing pa niya mula sa dokyumentaryo ang mga naging estudyante niya noon sa mga naging estudyante niya sa paglipas ng panahon ng kanyang pagturo. Mula rito ay nasabi ni Ginang Mila na ang laki ng pinagbago ng Wika. Hirap na hirap pa man din daw ang mga estudyante ngayon sa pagsulat ng simpleng pangungusap na sumusunod sa tamang proseso sa pagsulat nito. Ang iba pa ay hirap sa pagsasalita ng daretso gamit ang Wikang Filipino. Ani nga ng isang mag-aaral ni Ginang Mila, hirap daw silang mag-salin ng mga salitang ingles tulad ng pagsasalin ng mga iba’t ibang kulay sa tagalog. Ang mga depektong ito sa paggamit ng Wikang Filipino, ayon kay Ginang Mila, ay ang siyang nagpapahayag na ang Wikang Filipino at ang kahalagahan nito ay paunti-unti nang nalilimutan. Sumasang-ayon ka ba sa mga pahayag na ito o hindi? Bilang pagpapahayag ng pang-sariling opinyon, ako ay sumasang-ayon sa mga pahayag ni Ginang Mila. Kung sa usapang pang-kontekstwal, masasabi nga natin na ang Wikang Filipino ay patuloy na umuunlad dahil sa mga salitang nadadagdag dito at ang pagiging malaya sa pagpili ng sariling Wika ay siya nga ring nakakapag paunlad ng komunikasyon at pagkakaintindihan, subalit kung ating kakalimutan ang ating Wikang kinagisnan at hindi na natin ito gagamitin sa paglipas ng panahon ay para na rin nating pinapatay ang Wikang Filipino at pinapalitan ng panibago. Tulad nga ng sinabi ni Ginang Mila, unti-unti nang nawawala ang disiplina ng karamihan ng mga estudyante ngayon sa pag-aaral ng Wikang Filipino. Maaaring dahil ang mga estudyante ay tinatamad lang o nawawalan na ng gana sa pag-aaral ng Wikang Filipino. Para sa akin ay mali ito. Base nga sa sinabi ni Dr. Jose Rizal patungkol sa kahalagahan ng Wika, ang Wika ay ang basehan sa paghubog ng pagiging makabayan ng isang tao, kaya kung lilimutin natin ang ating Wikang kinagisnan ay parang binabawi na rin natin ang pribilehiyo ng pagiging makabayan natin.
Kung kaya’t bilang pagbubuklod, maganda rin naman kung patuloy na nadadagdagan ang mga salita sa ating Wika at ang pagiging malaya sa pagpili ng sariling Wika ay siya ring hindi dapat nating pahihintulutan, basta’t ang mahalaga ay hindi natin hahayaang mamatay ang Wikang ating kinagisnan sa pamamagitan ng patuloy na pag-aaral nito marahil ang pag-aaral nito ay nagbubunga ng pagunlad ng Wikang Filipino, kasabay ng hindi paglaho nito at ng ating pagiging makabayan. Patuloy dapat natin itong pag-aralan, mahalin, at hindi limutin ang kahalagahan ng ating Wikang kinagisnan.
Ikaw, ano ang opinyon mo?
1 note
·
View note