#WikangPambansa
Explore tagged Tumblr posts
Text
Maraming nang mga pangyayari sa buhay ang nagtulak sa iyo na sumuko. Pero, ramdam mo ba na sa bawat pagkakataong yaon ay mas nanaig pa rin ang pagnanais mong magpatuloy?
Kung sakaling dumating ang panahon na muli mong mararamdaman ang unti-unting pagguho ng iyong mga pangarap dulot nga mga hindi inaasahang pangyayari sa paligid, ang walang tigil na pagdaloy ng iyong mga luha dahil sa sakit na nararamdaman at ang dahan-dahan mong pagtalikod sa mga plano at mithiin sa buhay, ito ang maipapayo ko sa'yo kaibigan:
Muli mong balikan ang pakiramdam noong mga sandaling hindi mo itinigil ang laban. Muli mong sariwain ang mga alaala noong mga panahong muli kang tumayo mula sa pagkakahulog at pagkakadapa at muli mong tinungo ang kinaroroonan ng iyong mga ninanais kahit pagod ka na. Natitiyak kong mararamdam mong muli ang isang emosyon na napakahirap ipaliwanag at ilarawan pero alam mong ito'y emosyon na puno ng kagalakan dahil alam mong sumubok ka at nagpatuloy ka.
Tandaan mo, napakalaki ng pagkakaiba ng mga pahayag na "sumubok ka" at "sumuko ka".
🌻 www.instagram.com/mariawrites.ph
#wordsofwisdom#literaryworks#literature#quotes#poetry#filipinowriters#makata#manunulat#wikangpambansa#word spill
9 notes
·
View notes
Text
Paggamit ng Wikang Filipino, nakakalimutan na nga ba?
“Walang pinakamahalaga sa sinumang tao kundi ang pagkakaroon ng kamalayan tungkol sa pagkakaisa ng bansa, at bilang bayan, hindi tayo magkakaroon na kamalayan kung walang sinasalitang wikang panlahatan.”
- Manuel L. Quezon
Ang wika ang instrumento natin sa pakikipagtalastasan. Ito ang nagsisilbing kasangkapan upang maipahayag natin ang ating saloobin at kaisipan. Sa pamamagitan ng wika ay naipapahayag natin ng maayos ang ating gustong ipahiwatig at nalalaman din natin kung ano ang gustong ipahiwatig ng ating kapwa. Nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang bawat isa sa pamamagitan ng paggamit ng wika.
Ang video na pinamagatang "Word of the Lourd: Linggo ng Hika" ay tumatalakay patungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon at paggamit ng ating sariling wika. Ang Wikang Filipino. Sinasabi dito na mahalaga na malaman at gamitin natin ang sariling wika dahil ito ang nagiging daan upang mas madaling magkaintindihan ang bawat isa. Ang Wikang Filipino ay ang wikang ating kinalakihan. Kung lahat tayong mga Pilipino ay gagamit ng ating wika sa sariling nating bansa ay mas madali natin maipapabatid sa iba ang ating mga saloobin at mas mapapaunlad pa nito ang pagkakaunawaan at pagkakaisa sa ating bansa. Subalit, mag mula pa noon, ang pinakamalaking hamon na talaga na kinakaharap ng ating Wikang Filipino, ay ang patuloy na paglaganap ng teknolohiya sa ating bansa na naging daan upang mamulat at matuto tayong gumamit ng mga wika tulad nang mga jejewords, bekiwords at marami pang mga bagong wikang nagsisilabasan sa panahon ngayon. Dahil dito, unti unti nang naiiba ang ating wikang nakasanayan at nagdudulot narin ito ng pagkalito sa kung ano ba talaga ang mga dapat na salitang ating gagamitin sa araw araw nating pakikipagusap. Sa paglipas ng panahon at sa patuloy na paggamit natin ng mga salitang iyon, hindi natin namamalayan na malaki na pala ang nagiging epekto nito lalo na sa bagong henerasyon natin ngayon. Dahil sa pabago bago at paiba ibang wika, ang mga batang naguumpisa palamang matutong magsalita ay maaaring nilang gayahin o ma-adapt ang mga ito na magdudulot na makalakihan nila ang mga ganitong klase ng salita na hindi naman talaga itinuturo sa atin at hindi itinuturing na parte ng ating orihinal na wika. Maaaring kapag ito ay nagpatuloy pa, maipapasa na natin ito sa mga susunod pang henerasyon, at posibleng tuluyan na talaga nating makalimutan ang ating wikang pambansa kasabay nang paglipas ng panahon.
Ang ating sariling orihinal na wika ay ang regalong pinakamagandang natanggap, nakamit, at natutunan natin mula sa ating mga ninuno. Ito talaga ang maituturing natin na tunay na yaman ng ating bansa. Ang wika rin natin ang isa sa mga sumisimbolo ng ating pagiging malaya at sibilisadong bansa. Kaya kahit na natututo na tayo at nakakasanayan na natin na gumamit ng mga iba’t ibang klase ng salita o wika, ay huwag parin naman sana natin tuluyang kalimutan na alagaan at patuloy na pagyamanin ang ating sariling wika. Walang masama kung marami kang wika na alam at ginagamit kasi sa totoo lang sa panahon natin ngayon, kapag mas marami kang lenggwahe na kayang gamitin ay itinuturing kang mas angat kaysa sa iba na isang lenggwahe lang ang kayang gamitin. Subalit, wala paring mas aangat sa taong pinapahalagahan, minamahal, ipinagmamalaki, at iniingatan ang kanyang sariling wika.
Isinulat ni: Julia Maxene M. Solano, Grade 11 - STEM student
6 notes
·
View notes
Text
"Sapagkat kahit sa langit, ang parehong pag ibig natin ay hindi itinalaga." - Hiraya at Manarawi.
1 note
·
View note
Text
Filipino: Wikang Pinaglaban, ngunit sa huli’y Kinalimutan
Isinulat ni: Nikolas C. Lacson
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
“ Kailangan natin ang wikang dayuhan para mabuhay sa kasalukuyang panahon. Pero kailangan natin ang wikang sarili para mabuhay nang habampanahon.” - Ricardo Ma. Nolesco
Wikang Flipino, wika na ginawa ng mga Pilipino para sa mga Pilipino. Kung hindi tayo? Sino? Sino ang gagamit at magmamahal ng wika na pinaghirapang protektahan ng ating mga ninuno? Tuluyan na ba nating kakalimutan ang nakaraan upang tumungo sa kinabukasan? O pipiliin ba nating dalhin ito at isabay natin itong dalhin at paunlarin para sa pinangarap na kalayaan ng dating sanlibutan? Wikang Filipino sa ika-21 siglo tuluyan ng namamatay, tuluyan ng kinakalimutan, hindi na naalagaan, maituturi ba nating ito bilang isang uri ng kamangmangan? Sa paglaganap ng social media at pagpalit ng panahon, pati ang mga tao'y nagbabago na, ngunit naniniwala ako na mayroon dapat mga bagay na hindi lang pinapalitan at tinatanggal ng basta-basta. Sa aking opinyon dapat ay alagaan pa din natin ang wikang Filipino sapagkat ito ang isa sa mga pinamana sa atin ng ating mga ninuno. Parte na ito ng ating pagkakakilanlan. Hindi ang wikang Ingles o Espanyol ang maituturi nating atin, kundi ay ang wikang Filipino! Kahit sino naman ata ay minamahal at pinoprotektahan ang kanilang ari-arian diba? Bakit hindi natin ito ginagawa para sa ating sarling wika?
"Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda" - Dr. Jose Rizal
Ito ang mensahe sa atin ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal upang idiin sa ating isipan ang kahalagahan ng ating sariling wika. Ang wika ay ang nagsisimbolo kung tunay ngang malaya ang isang bansa! Ngunit ano na ang nangyayari sa panahon ngayon, isang panahon kung saan hindi marunong magsalita ng Filipino ang isang Pilipino na nabuhay at pinanganak sa kanyang sariling bayan. Nakakalungkot isipin na sa pag-unlad ng ating bansa ay kaagimat nito ang pagbagsak nang ating wika at ang pagkawala ng ating tunay na kalayaan. Ayon sa isang dokumentaryo ng GMA noong kinausap nila si Ginang Mila Villanueva isang guro ng asignaturang Filipino, hindi man lang marunong magsulat ng mayroong maayos na gramatika ang kanyang mga estudyante ngayon. Kung ikukumpara niya ang mga estudysante niya noon sa ngayon ay mayroong malaking agwat sa kanilang kaalaman. Aba'y tinanong din ang ilan sa mga estudyante ni Ginang Mila at ayon sa kanila nakakalimutan na talaga ang wikang Filipino, kahit ang mga tawag sa iba't-ibang kulay ay hindi nila alam.Mayroong mga nagsasabi na ang pagusbong ng iba't-ibang wika ang sanhi ng suliraning ito, ngunit ako'y naniniwala na hindi ito ang problema! Naniniwala ako na ang puno't-dulo ng suliraning ito ay ang mismong pundasyon ng wikang Filipino! Sabi nga nila na kung hindi matibay ang pundasyon ay bubuho ang buong gusali. Nakakalimutan nang kabataan pati ang pangungusap at parirala na itinuro pa noong sila'y elementarya. Kakulangan ng pansin at pangangalaga ang sanhi ng ating mga suliranin. Isa pa sa mga sanhi ay ang "toxic mentality" ng mga Pilipino, kung saan iniisip nila na masmataas ang wikang Ingles kung ikukumpara ito sa wikang Filipino. Sa kasalukuyang panahon, hindi importante kung magaling ka magsalita ng wikang Filipino kung di ka naman marunong mag-Ingles. Hindi ka makakapasa sa mga job interview kung ang gamit mo ay ang wikang Filipino. Nasaan ang hustisya doon? Kailan pa naging mas mataas ang isang wika kung ikukumpara mo ito sa iba? At sasabihin niyo ang rason ay para sa globalisasyon? Ang kausap mo ay isang Pilipino at kayo ay nasa bansang Pilipinas ngunit ang gagamitin niyo para sa komunikasyon ay ang wikang Ingles? Hindi niyo tatangapin sa trabaho ang isang tao kahit gaano pa siya kagaling kung ang pinipiling niyang wika ay ang Filipino? May nalalaman pa kayong mga salitang "pride" ngunit sa huli tinapon niyo lang ang iyong pagkakakilanlan bilang Pilipino? Parang masyado naman atang makapal mukha niyo? Mga Pilipino, mga taong nakikita lamang ang gusto nilang makita. Nagbubulag-bulagan, nagbibingi-bingihan hanggang kailan ba natin tataklubin at iiwasan ang maruming katotohanan? Ang katotohanan na itinapon at binalewala na natin ang ating sariling bayan para lamang maging alila nang ibang mga bayan.
"Ang kabataan ang pag-asa ng bayan" - Dr. Jose Rizal
Kabataan, tunay na ba tayong pag-asa ng bayan? O tayo ba ang magdadala ng pagbagsak nang ating bayan? Patuloy na lamang ba tayong magpapahatak sa ating mga kasakiman? Kabataan, simulan na natin ang pagsibol ng ating wika. Isang pamilya tayo, ating gamitin ang wikang ito. Wikang Filipino ay ating bigyang halaga. Kabataan, huwag na tayo magbulag-bulagan. Isibol na ang bagong kinabukasan. Ang kinabukasan kung saan tayo'y tunay na malaya, isang kinabukasan na bukas para sa lahat ng mamamayang Pilipino.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
2 notes
·
View notes
Text
Kahalagahan ng Wikang Filipino - Gial De Guzman
Importante ang Wikang Filipino saatin dahil nagsisilbi itong komunikasyon natin sa pang araw-araw na buhay, ngunit ayon kay Mila Villanueva guro ng Filipino sa baitang 11 sa San Pedro Relocation National High School sa apat na dekada niya na pagiging isang guro sa asignaturang Filipino ay nakita niya ang pagbabago ng ating wika, nagkakaroon na ng mga salita na kasing tunog ng wikang Ingles tulad na lamang sa salitang “Komunikasyon” na sa Ingles ay “Communication” at dito na nanghihina ang wikang Filipino dahil sa kasalukuyang panahon ay nahihirapan ang mga bata intindihin ang mga salita dahil hindi na nila ito naririnig sa kanilang paligid at di narin nila maintindihan ang mga malalalim na salita ng wikang Filipino.
Kung ako ay tatanungin kung ako ba ay sumasang-ayon sa mga sinabi ni Mila at ang sagot ko ay sumasang-ayon ako sa kaniyang mga sinabi dahil patuloy ngang nawawala o nanghihina ang ating wika mayroon nga siyang sinabi sa bidyo na nagsimula ito sa pagkakaroon ng internet at text messages humina sila sa disiplina sa tamang paggamit ng baybay o salita. Marami na saatin ang mga nagsasalin ng mga salita o di kaya ay kumukuha tayo ng salita at binibigyan natin ito ng bagong kahulugan tulad na lamang ang salitang “kanser” ang orihinal na ibig sabihin ng salitang iyan ay sakit pero dahil sa impluwensya ng ibang tao ay nabigyan ito ng panibago pang kahulugan, kadalasan ginagamit ang salitang “kanser” sa mga “online games” at ito ay tinatanggap ng ating kapwa dahil sunod ito sa tinatwag na “trend” ng ating bansa.
Ang ating wika ay wala iyan sa ibang bansa ngunit mayroon tayong mga salita na galing sa mga espanyol noong sinakop nila tayo sa mahigit 300 na taon pero kung titignan natin wala ito sa mga lenguahe ng ibang bansa tulad na lamang ng bansang amerika tanging ingles lang kanilang wika at ang wika pa nila ay hindi nanggaling sa kanila ngunit nanggaling ito sa mga Briton. Mahalaga na pangalagaan natin ang wikang Filipino sapagkat kasama ito sa ating kultura at dapat ipagmalaki natin ito dahil mayroon tayong wikang ganiyan.
Dokumentaryo
https://www.youtube.com/watch?v=PWypLTSk27o
2 notes
·
View notes
Text
Wikang Filipino, uso pa ba?
Akda ni: Liam Evangelista
Image Source
Sa kasalukuyang panahon, marami na ang nahihirapan sa pag-aaral ng wikang Filipino, lalo na para sa makabagong henerasyon. Hindi na nasusundan ang wastong paggamit ng wikang kinagisnan at natutuhan mula bata pa lamang. Unti-unti na ring nalilimutan ang mga simpleng alituntunin sa tamang paggamit ng wika. Dulot ito ng modernisasyon, pati na rin ang impluwensiya ng mga dayuhan.
Ayon kay Mila Villanueva, isang guro sa Filipino sa San Pedro Relocation Center National Highschool, na mapapanood sa isang episode ng dokyumentaryong pinamagatang: Investigative Documentaries: Wikang Filipino, dapat paigtingin ang paggamit sa paaralan, sa panahon ngayon ay hindi na masyadong binibigyang pansin ang wastong paggamit ng ating wika. Sa simpleng pagbuo ng mga pangungusap, paggamit ng malaking titik, o kaya sa paggamit ng mga salitang raw at daw, ay hindi na rin naisasagawa sa tamang paraan. Ang mga estudyante niya raw noon ay mas mahasa sa wastong paggamit ng wika. Hindi tulad ngayon na kung saan ang disiplina ng mga kabataan ay humina na pagdating sa tamang pagbaybay at salita nang mauso ang text messaging at internet. Tinatanggap at pinababayaan na lamang ang mga ito kahit hindi tama. Sang-ayon ka ba sa mga pahayag na ito? Kung ako ay tatanungin, ang opinyon ko dito ay sumasang-ayon ako sa mga nabanggit sa bidyo. Sang-ayon ako na dapat mas mahigpit ang pagtuturo ng wikang Filipino sapagkat totoong napababayaan at nalilimutan na ito. Dapat natin itong bigyan ng halaga dahil kasama ito sa ating kultura. Ngunit, hindi naman masama ang pagkakaroon ng iba’t ibang barayti ng wika tulad ng conyo, jejemon, at gay lingo dahil naniniwala ako na kasama ito sa mga magagandang katangian ng ating wika. Ang wikang Filipino ay makulay at malaya. Nagiging buhay ang ating wika dahil sa mga iba’t ibang barayting mayroon ito. Subalit, mas mabuti kung hindi natin pababayaan o kalilimutan ang pinanggalingan ng mga ito.
Ang wikang Filipino ay dapat pahalagahan at mahalin. Matuto tayong gumamit ng wika sa wastong paraan. Ipinakikita nito na ang ating bansa ay malaya at may makulay na kultura. Naipakikita rin nito na may respeto tayo sa bawat isa, walang huhusga kung nais nilang gamitin ang ibang barayti ng wika. Lagi lang nating tatandaan na nagmula ito sa ating wikang pambansa, ang wikang Filipino.
4 notes
·
View notes
Text
Wikang Filipino sa Makabagong Panahon
Isa sa napakahalagang aspeto ng ating buhay ay ang pagkakaroon ng pambansang wika. Ito, bukod sa puso’t damdamin, kaisipang Nasyonalismo at gayundin sa hangaring pagsilbihan ang ating bansa, ang isa sa pinakamalakas na nagbibigay inspirasyon sa ating lahat na magkaisa at magtulungan. Biniyayaan ng Diyos ang mga tao ng higit na nakatataas na pag-iisip kumpara sa iba pang nilalang. Kaugnay nito ang kakayahan nating matuto ng sarili nating wika at mapayabong pa ito sa pagdaan ng panahon. Ang wikang Filipino sa makabagong panahon ay patuloy na umuunlad at nagbabago. Gumagamit na din tayo ng ibat-ibang paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas o paggamit ng ating wika, ilang halimbawa ng pagpapalawak ng bokabularyo ay ang paggamit ng akronim o ang paggamit ng mga letra na nagprepresenta sa isang salita o tumatayo bilang kapalit ng salita.
Ayon kay Ginang Mila Villanueva hirap pa rin ang mga estudyante sa paggamit ng wikang Filipino dahil mali ang mga salitang ginagamit sa mga parirala, sanaysay, panitikan, parabola at iba pa. Nakikita niya rin kasi ang paghina nang kaalaman ng kanyang mga estudyante sa wikang Filipino. Mula sa episode na napanood ko, sumasang-ayon ako kay Ginang Mila dahil tunay nga naman na humina ang kaalaman namin sa tamang salita at baybay dahil nauso ang mga text messages at mga uso na salita sa internet. Sa panahon ng makabagong teknolohiya ang naiibang paggamit nito ayon na rin sa kagustuhan ng nagbibigay komento sa isang blog o pahayag na maging larawan lamang na ipinost sa facebook. Bagaman naiintindihan naman ng iba’t-ibang taong nakakabasa ng kanyang sariling komento sa kabila ng mali-maling ispeling, gramar, at panuntunan ng paggamit ng salita, naipaparating pa rin ang kanyang menshe. Subalit sa pagtagal ng paggamit ng mga ito na taliwas sa wastong pamantayan at tunay na diwa ng mga salita, unti-unting nawawalan ng malalim na pagmamahal sa ating bayan. Ang wika ay may iba't ibang katangian. Ang wikang ginagamit ng bawat tao sa daigdig ay sistematikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas, ito rin ay arbitaryo, may kakayahan at binubuo ng mga tunog. Ang wika at kultutra ay magkabuhol at hindi maaring paghiwalayin dahil ito ay bahagi ng karamihang anyo o uri ng komunikasyon.
Ang ating wikang Filipino ay isa sa mga mahahalagang bagay na ibinigay ng Diyos sa tao upang mabuhay nang may kabuluhan at makamit ang ating mga pangarap at mithiin sa buhay. Para saakin, ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mga mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto sa isang bansa. Ito ay talagang napakahalaga dahil kung wala ito, ang ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung mga tao ay hindi nagkakaisa o nagkakaintindihan. Sa paglipas ng panahon, umuunlad at nagbabago ang Wikang Filipino na kailangan nating tanggapin at gawin itong benepisyal para sa ekonomiya at sa pagiging Pilipino. Masasabing ang teknolohiya ay isa sa mga salik kung bakit nagbago at nakaligtaan ng karamihan sa kabataan ang Wikang Filipino sa kasalukuyan at hindi lingid sa kaalaman ng mga kabataan ang imporatansya at kahalagahan ng Wikang Filipino ngunit ang mga pangunahing kaalaman na meron sila ay dapat pang lingangin upang mas maunawaan pa nila at mahalin ang Wikang Filipino. Kaya tayong mga kabataan ay dapat makita ang importansya at kahalagahan ng wikang Filipino sapagkat tayo ang pag-asa ng bayan at ito ay magsisilbing tulay natin upang mas mapalago ang ekonomiya ng ating bansa. Kaya naman, tayo ay magtulungan upang tayo ay may patutunguhan.
#WikangFilipino#MakabagongPanahon#WikangPambansa#MagandangKinabukasan#MahalinAngWika#Magkaisa#Magtulungan
1 note
·
View note
Text
1 note
·
View note
Text
Ang Patuloy na Pagusbong ng Makabagong Salita.
Investigative Documentaries: Pag-usbong ng mga bagong salita, bahagi ng pag-unlad ng wikang Filipino
“Ang wika ay kasama sa ating ebolusyon.” Ika ni Schedar Joson, Propesor ng Wika (UP Diliman). Sa mga dumadating na panahon hindi na natin alam kung ano ang mga bagong uusbong na wika. Alam natin na patuloy parin ito nadadagdagan dahil sa social media. Dito umuusbong ang mga bagong salita, dito natin madalas naririnig ang hindi bago sa ating tenga. Kapag ito ay nahanap nating nakakatawa o maayos pakinggan ay ginagamit na rin natin ito sa pang araw-araw na pamumuhay. Hindi na bago sa atin ang pagbabago ng wika dahil noon pa man ay uso na ito. Tulad ng mga salitang “jeproks” at “japorms” na binalikad ang mga salita para bigyan ng bagong kahulugan.
Ayon sa isang katangian ng wika na tinatawag na”dinamiko”, buhay ang ating wika. Nagbabago ang pagbigkas, pagbaybay, at pagpapakahulugan ng mga salita. Ang teknolohiya ay may malaking gampanin sa dibersidad ng wika. Ang kahalagahan ng mga bagong wikang umuusbong ay nagsisilbi itong patunay na ang wika natin ay buhay. Dahil kung hindi nagkakaroon ng mga bagong salita ay maaring magbunga sa pagkakasawa ng mamayang Pilipino sa sariling wika. Batay sa aking mga sinabi, ako ay lubos na sumasang-ayon sa paggamit ng mga makabagong salita dahil kapag nagkakaroon ng mga bagong salita ay mas lalong umuunlad ang ating wika at nagiging masaya tayo sa paggamit nito.
Sa kabuuan, ang wikang Filipino ay patuloy na umuunlad sa pagandar ng panahon sa tulong ng mga makabagong salita na lumilitaw sa social media at kung minsan ay naririnig natin sa ating mga kaibigan.
0 notes
Text
Kahalagahan Ng Wikang Filipino
Ang Wikang Filipino ay isa sa mga mahalagang bagay na nagagamit natin sa ating buhay bilang isang mamamayan ng bansang Pilipinas o Filipino. Ito’y nagbibigay saatin ng tulay at pagkikitungo sa ating kapwa filipino, kahit ito’y isang wika lamang dito tayo nabubuo at nagkakaisa. Kahit madaming iba’t ibang wika sa ating bansa, tayo ay nagkakaintindihan parin dahil sa ating pagkakaisa sa paggamit ng Tagalog (ito’y masasabing pangunahing lengguahe ng mga filipino). Mahirap naman kung hindi tayo nagkakaisa’t nakakaindintihan sa isa’t isa. Ang sariling wika natin ay nagpapakatao saatin at nagiging pagkakakilanlan bilang isang mamayan ng ating bansa. Ng pahanon ng nakalipas, Madaming taong nagsakripisyo ng kanilang buhay upang maipaglaban ang sariling basa’t wika natin, malaki ang respeto ko sa mga taong nagbuwis ng kanilang buhay upang maiangat ang bansa natin sa panahong taghirap. Hindi rin kasi biro ang balewalain ang ating sariling wika dahil parang pagtataksil ang ginagwa mo. Huwag natin sayangin ang mga sariling gawa natin, dapat tayo’y maging mapagmalaki sa ating bansa,kultura,wika’t layunin.
Ang aking opinion sa video ay dapat kailangan natin ipreserba at pagaralan ang ating sariling wika sa madaling at nakakatuwang pagtuturo. Hindi ko rin masisisi kung bakit tayo lumalayo sa ating origihinal na wika dahil sa history natin dahil madaming sumakop saatin, ang Ingles ang nagpabago sa ating wika dahil dito nagkakaroon tayo ng Taglish na mga salita at natuto tayong mag ingles.. Hindi rin natin mapigilan ang pag iiba o paguunlad ng wika dahil sa mga panahon na ito hindi na tanyag ang mga malalalim na salita at nasisira ang wika natin dahil sa pagbabago ng gamit ng salita. Mahalaga parin itong pagaralan ,pagmalaki, at pagcelebrasyon ngunit wala tayong magagawa sa mga nagagwawang pagbabago ng wika dahil sa pagbabago ng panahon. At sa huli dapat nating pasalamatan ang ating mga guro na nagtuturo ng sariling wika natin kahit anong liit ng turo, maituturing natin silang mga bayani ng ating basa dahil binibigyan nila ng kahalagahan ang wika natin at itinuturo ito sa atin. :D
https://www.youtube.com/watch?v=PWypLTSk27o Naka base po ito sa itong link
0 notes
Photo
#WiKaalaman Filipino: Kuwarentina English: Quarantine . . . . . Bago tuluyang magwakas ang Buwan ng Wikang Pambansa, hayaan ninyo akong magbahagi ng ilang salitang hindi pangkaraniwang ginagamit subalit bahagi pala ng ating pang-araw-araw na buhay. . . . . . #WikangPambansa #AkoAyPilipino #PerlasNgSilanganan #PinoyAko #BahayMunaBuhayMuna #LagingHandaPH #GCQSeason6 #WeHealAsOne #BeatCOVID19 #COVID19 #COVID19PH #ThisTooShallPass (at Potrero, Malabon City) https://www.instagram.com/p/CEdrRrWBicOCPawy2jkgimRJ4HuVHlmxwqvRS80/?igshid=1eaw1qxr5l7jk
#wikaalaman#wikangpambansa#akoaypilipino#perlasngsilanganan#pinoyako#bahaymunabuhaymuna#laginghandaph#gcqseason6#wehealasone#beatcovid19#covid19#covid19ph#thistooshallpass
0 notes
Text
Ang Kapangyarihan ng Wika, Ang Wika ng Kapangyarihan
Gaano nga ba kahalaga ang ating wika?
Simpleng tanong pero tila mahirap bigyan ng sagot na kritikal at malalim.
"Ito ay ang tulay para sa pagkakaroon ng komunikasyon sa ating kapwa", "Ito ay ang ating pagkakakilanlan"
Ilan lamang yan sa malimit kong marinig na sagot kapag dumako ang usapan sa kahalagahan ng wika. Kung alam natin ang kahalagahan paano nga ba natin ito pinapahalagahan?
Ang wika ay hindi lamang isang "communication tool" ng bawat indibidwal ngunit ito rin ay ang pagkakakilanlan ng ating pinagmulan. Mula sa tradisyon hanggang sa ating mga kultura.
Bagamat alam natin ang gamit at kahalagahan ng wika, marami parin ang nagiging dahilan sa kung bakit ang wikang Filipino ay tila patuloy na nakikipag kumpitensya sa wikang Ingles.
Kasabay ng pag usbong ng teknolohiya ay ang paglaganap ng wikang Ingles sa ating bansa. Paano nga ba namang hindi tayo mai- impluwensiyahan nito eh halos lahat ng mababasa nating Instraksyon sa paggamit ng ibat ibang social media platforms ay nakasalin sa wikang Ingles. Totoong malaki ang gampanin ng wikang Ingles sa ating pang araw araw na buhay. Mula sa simpleng paggamit ng mga smartphones, instraksyon sa mga reseta ng gamot, street signs pati na rin ang pagbili sa mga online shopping apps, sa lahat ng ito ay tiyak na mapakikinabangan mo ang iyong kaalaman sa paggamit ng wikang Ingles. Tunay ngang makapangyarihan ito. Pag usapan naman natin ang paraan ng paggamit ng mga tao. Tila naging "standard" na ng talino at galing ang kakayahan at kaalaman ng bawat indibidwal sa paggamit ng wikang Ingles. Sabihin na nating ikaw ay palaging gumagamit ng midyum na ito kapag nakikipag talastasan ka sa iyong kapwa, sa paraang ito maaari mong makuha ang atensyon ng mga nakikinig at ikaw ay bigyan ng magandang "feedback". Kadikit ng kagalingan sa pagsasalita ng Ingles ang paniniwalang ang mga taong ito ay may patutunguhan sa buhay, dahil sila ay may koneksyon sa mas malaking mundong ginagalawan. Tunay ngang hindi natin maipagkakaila ang katotohanang kailangan natin ang Ingles, hindi lamang para maabot ang sinasabing "standards" na nabuo sa paglipas ng panahon kundi para narin tayo ay magkaroon ng kakayahang makipag sabayan sa iba. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, mayroon tayong nakakalimutan.
Kapansin pansin na ang bansa tulad ng Sweden ay kilala sa paggamit ng sarili nilang wika o primary language gayundin ang paggamit ng secondary language na wikang Ingles. Ang bansang pilipinas ay may kaparehong konsepto ng paggamit ng wika, ngunit sa bansang tulad ng Sweden, mas pinagtuunan nila ng pansin ang pagpapatatag ng sariling wika bago ang wikang banyaga. Sa aking perspektibo, wala namang masama kung parehong ilagay sa kurikulum ang Ingles at Filipino at pag aralan ang mga ito. Ngunit sa ating bansa ay walang matibay na pundasyon ang sarili nating wika. Kapansin pansin ang mabilis na pag "adopt" ng mga Pilipino sa ibat ibang kultura at mga salitang banyaga. Kaya masasabi nating 'Filipino's "patronize" foreign cultures' more. Mapaprodukto, sayaw, kanta isama narin natin ang paggamit ng wikang Ingles. Tila tayo ay tao na sumusunod lamang sa lahat ng uso. Kesyo nga naman matalino ka o nakaka angat kung magaling ka mag Ingles. Nakaka-yaman pakinggan. Nakakadagdag arte. Wala naman kasi talagang masama na matuto tayo ng Ingles, dahil sa totoong usapan kina kailangan natin ito dulot narin ng globalisasyon. Ngunit kung atin namang lilimutin ang sarili nating wika ay para narin nating kinalimutan ang ating pagkakakilanlan. Tayo ay tila taga konsumo na lamang ng lahat ng meron ang mga banyaga.
Tunay na makapangyarihan ang wika. Ito ang nagsisilbing tulay upang tayo ay magkaroon ng koneksyon sa mas malaking mundo. Ngunit ating pagkatandaan na maaaring ang wikang Ingles ang maging daan upang tayo ay makasabay sa globalisasyon, ngunit ang ating sariling wika ang siyang magbibigay ng ating pagkakakilanlan.
| Blog4
[Conrado de Quiros]
0 notes
Text
...isang pagdiriwang sa ating Ama ng Wikang Pambansa at Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt
#buwanngwika
#wikangpambansa
#tula #pinoy #tulangpinoy #poet #poetry #makata #makatangpinoy #filipino #pilipino #pilipinas #bigkasan #manunulat #tagalog #tagalogpoetry #filipinopoetry #kwadernoontumblr #poetryart #sining, #tulangsining
0 notes
Text
Wikang pambansa, mahalaga pa ba?
Akda ni: Liam Evangelista
youtube
Video Source
Binibigyang halaga pa ba ang wikang pambansa? Nagkaroon ng kontrobersiyal na desisyon ang korte suprema kung saan pinanindigan at ipinagpatuloy nila ang pagtanggal ng asignaturang Filipino at panitikan sa kurikulum ng kolehiyo. Ayon kay Prosepero de Vera, chairman ng Comission on Higher Education, napagdesiyunan daw ng DEPED at CHED na ibaba na lamang ang mga asignatura ng una at ikalawang taon ng kolehiyo sa senior high school. Dahil sa desisyong ito, marami ang nagsasabi na ang pagtanggal ng wika sa kurikulum ay nangangahulugan ding pagtanggal sa sariling pagkakakilanlan nating mga Pilipino. Parang tinatalikuran at hindi na pinapahalagahan ang sariling wika.
Image Source
Bilang isang mamamayang Pilipino, hindi ako sumasang-ayon sa pagtanggal ng mga asignaturang Filipino at panitikan sa kurikulum ng kolehiyo kahit na ibinababa ito sa senior high school. Naniniwala akong hindi naman ito isang problema na nangangailangan ng solusyon, kundi isa itong oportunidad upang mas mapagbutihan at mapaunlad pa ang kaalaman sa ginagamit na wika. Base sa isang aritkulo ng GMA News Online, ayon kay David Michael San Juan, isang propesor sa departmento ng Filipino ng De La Salle University, nanganganib na bumaba ang kalidad ng wikang pambansa kapag inalis ang mga asignaturang nabanggit sa mataas na antas ng edukasyon. "Bata pa ang wikang pambansa at hindi pa ito ganap na intelektwalisado o nagagamit sa iba’t ibang larangan. Upang maging ganap ang intelektwalisasyon nito, nararapat lamang na pagbutihin at palawakin pa ang pagtuturo nito sa lahat ng antas, lalo na sa kolehiyo," ani San Juan. Ang aking opinyon ay tulad ng sa propesor na mas mabuti kung sa mataas na antas ng edukasyon ituturo ang wikang Filipino sapagkat ngayon ay ginagamit lang ang wika ngunit hindi alam ang mga pangunahing kaalaman o ang basics nito. Isa pa ay ayon sa Tanggol Wika, hindi lamang ang mga estudyante ang maaapektuhan ng isyung ito, pati na rin ang higit 10,000 guro ng Filipino sa bansa. Ang wikang Filipino ay malalim at makulay subalit maraming salita ang hindi na nagagamit dahil nga sa mababang antas lamang ito natuturo. Nakalulungkot na pinababayaan nating mga Pilipino na ito ay unti-unting mawala at makalimutan.
Image Source
Bilang isang estudyante, nakalulungkot isipin na binigyang priyoridad ng ating bansa ang pagtanggal ng isa sa mga kadahilanan ng ating pagkaPilipino. Mapapansin natin na parang nawawalan na ng halaga ang wikang pambansa. Pinalampas natin ang isang pagkakataon na makapagpalalago pa ng ating sariling kaalaman sa sariling wika. Masasabi na tila ba parang naliligaw tayo sa ating bayan sapagkat hindi natin alam ang kabuoan nito. Kung ikaw ay tatanungin, nararapat ba ang pagtagnggal ng Filipino at panitikan sa kolehiyo?
0 notes
Text
Ang Huling Kabanata 🍂
Sa gustuhin man natin o hindi, may mga bagay at pangyayari sa ating buhay na kailangan nating lagyan ng tuldok. Hindi ibig sabihin na tuluyan na itong kalimutan, ngunit ito'y nangangahulugan lamang na hindi na ito dapat pang dugtungan.
Maaaring ito'y isang pamamaalam mula sa isang taong naging bahagi ng iyong minsang paglalakbay. Maaaring ito'y pagbitaw sa mga bagay na medyo may kalumaan na at kailangan nang palitan. Maaaring ito'y pag-iibang anyo mula sa sariling mapagkubli, takot sa mundo at ayaw makisalamuha sa mga tao.
At sa bawat hakbang na tatahakin tungo sa isang pamamaalam na dapat gawin, tibay at lakas ng loob ang kailangan upang ang huling kabanata ay tuluyan nang mawakasan.
Isang tuldok para sa isang huling kabanata. At, ikaw ay may pagkakataong muling magsimula.
mariawrites.ph ¦¦ 2021
www.instagram.com/mariawrites.ph
#wordsofwisdom#literaryworks#literature#quotes#poetry#writing#filipinowriters#manunulat#makata#wikangpambansa#word spill
0 notes
Text
Wikang Buhay Ating Ipaglaban
Taun-taon na lamang ay ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika. Naging batas pa nga ito upang maipaalala sa buong bansa lalo na sa mga kabataan na gamitin ang ating Wikang Pambansa ngunit ang tanong, nagagamit ba ng wasto ang ating wika? Ang Wikang Pambansa ba ang pangunahin nating sinasalita sa araw-araw? Mahalaga ba pa sa atin ang gamitin ang ating wika sa araw-araw at sa wastong pamamaraan?
Mula paggising sa umaga, aminin man natin o hindi, Ingles na agad ang ating ginagamit. Sa pagbuo ng isang pangungusap, hindi natin maiiwasan na gumamit ng mga salitang Ingles na akala natin ay walang katumbas na salita sa ating wika. Ang paggamit ng salitang “Thank You” imbes na “Salamat” at ilang mga pangbati na imbes wikang Filipino ang gamitin natin, Ingles an gating ginagamit. Bakit? Dahil ito ang mas pinagtutuunan ng pansin sa mga paaralan. Dahil ito ang itinuturo ng ating mga magulang simula nang tayo’y mga bata pa. Dahil mas magmumuka tayong edukado kung wikang Ingles ang ating gagamitin. Ngunit habang tayo’y nagpapaka-sopistikado sa paggamit ng wikang Ingles, marami sa ating mga kababayan ang patuloy na ipinaglalaban ang ating sariling wika. Sariling wika na may mga hiram na salita mula sa banyaga. Maitatawag ba natin itong ating sariling wika kung ito ay may halong banyaga? Oo. Matatawag natin itong ating sariling wika dahil tayo lang ang gumagamit nito. Matatawag natin itong ating sariling wika dahil sumisimbolo ito sa ating kultura at kasaysayan. Sariling atin ang wikang Filipino at marapat lang na atin itong ipagmalaki.
Simula pagkabata, tayo’y tinuruan ng Ingles upang makisabay tayo sa agos ng globalisasyon. Hindi mali ang matuto ng ibang wika ngunit ang ipalit ito sa wikang sariling atin at patuloy na ipinaglalaban ng iba’t ibang grupo ng ating mga kakabayan ay isang pagkakamali. Ang ating pakikipaglaban para sa ating wika ay simulan natin sa ating mga tahanan. Ituro sa mga kabataan ang paggamit ng wikang Filipino at hayaang matuto sila sa paaralan ng wikang Ingles ng sa gayon ay maimulat sa mga bata ang kahalagahan ng ating wika. Gunitain ang Buwan ng Wika ng parang paggunita ng ating mga kaarawan ng may pananabik dahil katulad natin ang ating wika ay buhay at isinilang mula sa iba’t ibang wika at diyalekto ng ating bansa.Ipaglaban natin ang ating wika na mayaman at buhay.
0 notes