#uugaly
Explore tagged Tumblr posts
kristalismyfirstname · 9 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Dear Diary,
Binibini
Ibalik n'yo ako sa panahong buhay ang katawagang "Binibini"... hindi "Chix."
Ibalik n'yo ako sa panahong inaalis ng ginoo ang kan'yang sumbrero upang yumuko't halikan ang likod ng aming palad.
Ibalik n'yo ako sa panahong may delikadesa at mariaclarang pag-uugali ang mga kababaihan, subalit may tapang at talino rin 'tulad ng isang nag-aalab na katipunera.
Ibalik n'yo ako sa panahong may lakas-loob ang mga kalalakihan upang mang-harana, ipag-igib ng tubig ang pamilya, magsibak ng kahoy, at umupo sa salas kasama ang ama ng iniirog upang pag-usapan ang mga plano sa kasal o magbahagi ng simpleng karunungan.
Ibalik n'yo ako sa panahong masisilayan pa ang mga karwahe't kabayo sa kalsada, kundimang harana sa balkonahe, tinta't pluma sa lamesa, mga lampara't sulat-kamay na liham.
Ibalik n'yo ako sa panahong hindi minamadali ang pag-ibig, sa panahong seryoso't isang permanenteng panata ang pag-iisang-dibdib sa simbahan.
Ibalik n'yo ako sa panahong hindi dikit sa gadyet ang mata ng lipunan, sa panahong nagagawa pa nating langhapin ang sariwang hangin at tumakbo sa berdeng kapatagan.
Ibalik n'yo ako sa panahong ito.
Kristal
5 notes · View notes
whooolaanmo · 1 year ago
Note
What is something that many people don’t know about you but you wish they do?
Kung pano na lang ako makitungo sa ibang tao ay base lang din sa pag uugali ng tao oks na yung ganon, mas ok na people don't know about me kasi ma private din kasi talaga ako.
@ameownymous salamat sa palaging tanong ✨️.
2 notes · View notes
upismediacenter · 1 year ago
Text
OPINION: Baling Balita: Ang Pagpokus sa Showbiz News ng Midyang Pilipino
Tumblr media
Photo credit: Anna Dalet
Alam mo bang walang nakuhang wreath sympathy flowers si Ogie Diaz mula kina Liza Soberano at Enrique Gil noong burol ng kaniyang ina? Noong Holy Week Break, nabalitaan mo bang in-upload ni Barbie Forteza sa kaniyang Instagram ang bikini photos kasama ng kasintahang si Jak Roberto sa Panglao, Bohol? Isa pa, narinig mo ba ang kahilingan ni Ellen Adarna na magkaroon ng isang “masaya at maayos na relasyon” ang ex-boyfriend niyang si John Lloyd Cruz at ang kasalukuyan nitong kinakasama na si Isabel Santos? Pero nabalitaan mo rin bang labis na nakapokus ang mga peryodista sa personal na buhay ng mga artista?
Kapansin-pansin na napupuno ng kwentong showbiz ang headlines at segment news ng mga tanyag na news program gaya ng TV Patrol ng ABS-CBN News at 24 Oras ng GMA News. Naging laman ng kanilang balita ang mga personal na isyu, gaya ng hiwalayan ng mga artista, pag-unfollow sa social media, pati na ang mga bagong relasyon. Sa hanay ng mga istoryang itinuturing na “balita,” alin ang may pakinabang para sa publiko? Ano nga naman ang maidudulot sa atin kung ikinasal, nag-away, naaksidente, lumipat, nanganak, o nagbakasyon ang mga sinusubaybayan nating artista?
Una sa lahat, ang showbiz o “show business” ay nakatuon sa buhay ng mga sikat na tao at iba’t ibang porma ng entertainment na nakaiimpluwensiya sa kultura’t madla. Sinasabing ang pagbabalita tungkol sa mga sikat na personalidad ay may kakayahang pumawi ng stress kaya malimit itong balik-balikan. Kung gayon, hindi na kataka-takang maging sentro ito ng mga kumpanya sapagkat ito ay isang halimbawa ng matalinong pagnenegosyo.
Ang balitang showbiz ay lubos ding tinatangkilik sa iba’t ibang panig ng daigdig. Tulad sa Estados Unidos, naitala noong 2007 na 40% ng kanilang publiko ang nagsabing mas nakatuon sa midya ang balita tungkol sa celebrity news at Hollywood stars. Ito ang ibinabalita habang kasagsagan ng iba’t ibang isyu—gaya ng digmaan sa Iraq, pulitika, at krimen. Ayon pa rito, hindi rin gaanong naiuulat ang mga isyung pang-edukasyon, pangkalusugan, at ekonomiya. Isa namang artikulo ang nagtampok na kinahihiligan ng mga tao ang balitang Bollywood kung saan pinatingkad ang pwesto ng mga tinedyer sa midya ng India. Samakatuwid, nagkakatulad din ang mga bansa pagdating sa lagay ng kanilang pag-uulat sa midya.
Sa Pilipinas, buhay din ng mga artista ang laman ng mga balita. Nakita noong dekada ‘80 ang pagyabong ng mga palabas at balita tungkol sa entertainment industry na tuluyang “nagpabago sa cultural landscape” ng bansa. Hanggang nitong 2022, marami naman ang nag-search sa Google tungkol sa aspeto ng entertainment na nagpapakita ng patuloy na interes ng mga Pilipino sa larangang ito. Ilan sa mga hinanap nila ay ang mga bagong pelikulang Disney at k-drama, mga manlalaro ng basketball tulad ni Ricci Rivero, at mga popular na tao sa mundo gaya nina Johnny Depp, Cara Delevingne, at Ahn Hyo-seop. Dito, maaaring mahinuha na ang mga ganitong klase ng pag-uulat ay malapit sa mga tao sapagkat nais nilang makapagpalagayang loob ang isang artista sa pamamagitan ng paglubog ng sarili sa mga balitang showbiz na nagbibigay-daan sa pagpapagaan ng kanilang mga pinagdadaanan.
Dahil sa lumalawak na saklaw ng balitang entertainment sa iba’t ibang porma ng midya, mas madalas nitong napapaligiran ang mga tao. Ayon sa pag-aaral, kabilang ang balitang showbiz at celebrity gossip sa “Circles of Concern”—mga bagay na hindi kontrolado ng mambabasa pero mas binibigyan ng “reaksyon.” Kilala ang may taglay ng katauhang ito bilang “reactive” o tumutugon nang walang pagkilos. Ang ganitong midya na nakasalalay sa reaksyon o magiging damdamin ng mambabasa ay maaaring ng makaaapekto sa inisiyatibo nilang solusyunan ang isang isyu. Isa pa, maaari ring mahubog ang ganitong pag-uugali sa mga usaping may kinalaman sa lagay ng kanilang kababayan. Kaya naman, imbis na aktwal na tumulong sa naghihirap, hanggang sa pag-like sa social media na lamang ang nagagawa ng taumbayan. Walang kongkretong aksyon na pinaplano o isinasagawa. Dahil sa pagtuon sa personal na buhay ng mga artista, nalilimitahan nito ang kamalayan ng mamamayan na masabayan ang mga mahahalagang pangyayari sa lipunan. Samakatuwid, posibleng hindi maging produktibo ang resulta ng kamalayan nila ukol dito.
Kaya’t bilang mga tagapagbalita, mahalaga ang pagiging responsable sa pagpili ng mga kuwentong ibabahagi. Mas mainam na isantabi ang mga walang kabuluhang intriga; sa halip, dapat bigyang-pansin ang mga isyung may malawak na implikasyon sa lipunan tulad ng karapatan ng mga manggagawa sa industriya ng showbiz, epekto ng showbiz sa kultura at pag-uugali ng mga Pilipino, at iba pang mga usaping kaugnayan ng lipunan at ekonomiya. O hindi kaya nama’y maaari ring itampok ang artistry ng isang artista kaysa sa kaniyang kasikatan. Anu’t anuman, kailangang bigyang-pansin ang pangangalap at pagsusuri sa mga impormasyong may kinalaman sa panahon, presyo ng bilihin, COVID, at iba pa. Hindi ba’t layon ng isang dyornalist na pagtuunan ng pansin ang mga isyung bumabagabag sa bayan?
Bukod sa pagbigay ng malalim at tamang anggulo sa mga kwento, mahalagang maipakita rin nila ang analisis ng isang balita. Kung gayon, kinakailangan nilang gamitin ang kapangyarihan upang maipaunawa sa mambabasa ang balitang artista sa pagsalaysay nito. Halimbawa, maaari nila itong ilatag bilang leksyon, inspirasyon, o gabay para sa masa. Sa halip na maghatid lamang ng impormasyon tungkol sa industriya ng showbiz, maaaring ang ipamahagi ay isang makabuluhang kuwento mula sa buhay ng mga kilalang personalidad. Maaari ring maging paksa ang kwento ng isang artista na nagtagumpay sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap. Sa ganitong paraan, mas mapalilitaw ang danas ng determinasyon nila; magsisilbing inspirasyon ang ganitong klase ng balita sa ibang tao, at hindi pawang mga life updates lang.
Lumulubha na ang sakit ng pamamahayag sa Pilipinas: ang pagbibigay-tuon sa mga pang-showbiz na balita ay binabago ang tunay na diwa ng dyornalismo. Unang patunay: nagpopokus na lalo ang lokal na balitang midya sa mga katuwaan at personalang nagaganap sa likod ng industriya at pag-aarte. Kung ano ang mas sikat, ito ang mas palalaguin ng mga taong midya. Ikalawa, dahil ihinalintulad sa isang pag-aaral na ang usaping artista ay produksyon ng kanilang mga kwento, maaaring palalain ng ganitong paraan ng pag-uulat ang kapitalismo sa hinaharap. Syempre, sino ba namang aayaw sa tone-toneladang kitang kalakip ng kontrobersyal at tao-sa-tao na mga usapin? At kung walang agarang sahod na makukuha mula sa isang artikulo, madali pa rin nilang mabibingwit ang pampublikong pansin ng mga susubaybay sa susunod pang mga ulat.
Sa kabuuan, parte man ang showbiz at entertainment ng kultura ng mga Pilipino, mahalaga na baguhin ang diskarte sa pag-uulat sa industriya ng showbiz sa tulong ng paggamit ng midya bilang magbigay ng mahalagang kabatiran sa kasalukuyan. Sa pamamagitan ng pagtatampok ng mga kwento’t isyung may kabuluhan na may malawak na implikasyon sa lipunan, maaari pang mabago ang pananaw sa showbiz na hindi lamang ito para sa negosyo; isa rin itong pagkukunan ng mga naratibo ng aral at gabay na agarang nasasagap ng mga mambabasa. Sa gayong paraan, naitataguyod pa rin ang esensya ng isang mambabalita kahit sa pag-uulat ng mga kwentong showbiz.
Nakakabahala na ang porma ng pag-uulat ngayon ay nagtatangkang lumihis sa gampanin ng dyornalismo, sapagkat dapat sana’y tumutulong ito sa pagbibigay at pagbubusisi ng kritikal at tamang impormasyon para sa mga mahahalagang pagpapasyang ginagawa ng sambayanan. Kaya habang maaga pa, kinakailangang maisulong ang pagkakaroon ng reporma sa pamamaraan ng pag-uulat ng midya sa Pilipinas, upang maitulak at maimulat ang mga tao sa mga balitang napapanahon at higit na kapaki-pakinabang. //nina Monique Gervacio at Zaeda Wadi
Mga sanggunian:
https://www.pssc.org.ph/wp-content/pssc-archives/Aghamtao/2007/07_Chismax%20to%20the%20Max_%20The%20Celebrity%20Gossip%20Economy.pdf
(n.d.). Merriam Webster. Showbiz definition & meaning. Retrieved May 10, 2023, from https://www.merriam-webster.com/dictionary/showbiz
(2007, October 12). Too much celebrity news, too little good news. Pew Research Center. https:// www.pewresearch.org/politics/2007/10/12/too-much-celebrity-news-too-little-good-news/
(2022, January 13). Andrea Brillantes, Francine Diaz trend as they appear to unfollow each other on Instagram. ABS-CBN News. https://news.abs-cbn.com/entertainment/01/13/22/did- andrea-francine-unfollow-each-other-on-instagram
(2023, April 24). Marco Gumabao and Cristine Reyes are now Instagram official. GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/news/lifestyle/familyandrelationships/867914/ marco-gumabao-and-cristine-reyes-are-now-instagram-official/story/
Bonoan, R. (2023, April 28). Ogie Diaz, nakatanggap nga ba ng mensahe ng pakikiramay mula kina Liza at Enrique? Bandera. https://bandera.inquirer.net/348196/ogie-diaz-nakatang gap-nga-ba-ng-mensahe-ng-pakikiramay-mula-kina-liza-at-enrique
Byrne, C. (2022, September 15). Why we care so much about celebrity gossip, according to psychology. Everyday Health. https://www.everydayhealth.com/emotional-health/why-we- care-so-much-about-celebrity-gossip/
Clear, J. (n.d.). Stop overdosing on celebrity gossip, the news, and low quality information. James Clear. https://jamesclear.com/brain-food
CNN Philippines Staff. (2022, February 14). Vice Ganda, Ion Perez ‘get married’ in Las Vegas. CNN Philippines. https://www.cnnphilippines.com/entertainment/2022/2/14/Vice-Ganda- Ion-Perez-wedding-commitment-ceremony-Las-Vegas.html
GMA Integrated News. (2023, April 30). Liza Soberano gets real about love teams in showbiz: ‘We’re supposed to be a real couple on and off cam’. GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/news/showbiz/chikaminute/868553/liza-soberano-gets-real-about-love-teams-in-showbiz-we-re-supposed-to-be-a-real-couple-on-and-off-cam/story/
GMA Integrated News. (2023, May 1). Ellen Adarna wishes ‘happy and harmonious’ relationship for ex John Lloyd Cruz, Isabel Santos. GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/ news/lifestyle/familyandrelationships/868618/ellen-adarna-wishes-happy-and-harmonious -relationship-for-ex-john-lloyd-cruz-isabel-sant/story/
Harris, J. (2004, January 20). Why do we cover celebrities? Poynter. https://www.poynter.org/archive/2004/why-do-we-cover-celebrities/
Herry, J. (2019, January 10). Pros and cons of entertainment news. Sooper Articles. https://www.sooperarticles.com/news-society-articles/business-news-articles/pros-cons-entertainment-news-1704142.html
Pagulong, C. J. (2022, December 27). Entertainment-related topics are among the ‘most googled’ by Pinoys in 2022. The Philippine Star. https://www.philstar.com/entertainment/2022/12/27 /2233403/entertainment-related-topics-are-among-most-googled-pinoys-2022
Pertierra, A. C. (2021). Entertainment publics in the Philippines, 179(1). Sage Journals. https://journals.sagepub.com/doi/full/10.1177/1329878X20985960
Tuazon, N. (2023, April 10). Barbie Forteza and Jak Roberto’s beach photos in Bohol set Instagram ablaze. Pep.ph. https://www.pep.ph/lifestyle/lifestyle/172602/barbie-forteza-jak-roberto-beach-holy-week-a721-20230410
2 notes · View notes
nice2meetyouu · 2 years ago
Text
Usapang Grab
May nagrereklamo sa condo, kasi kinuha ng taga-ibang unit ('di malinaw if staycationer or unit owner) 'yung inorder niya sa Grab. Mamahaling food. Alam na nga raw na hindi kanya, kinuha pa.
Hindi lang namali. Kasi, dahil sa kwento niya, lumabas din ang mga ibang biktima. Diumano, may tambay talaga sa lobby na nangunguha ng mga order ng ibang tao sa Grab. Ano ba namang pag-uugali 'yon.
3 notes · View notes
ueweweuwe · 6 days ago
Text
Dont Worry Darling
Isang pelikulang tinatawag na "Don't Worry Darling" kung saan nakatira ang mga tao sa isang bayan na tinatawag na Victory. Sa bayang ito, nakatira ang mga tao  sumusunod sa tradisyonal na mga pamantayan ng Amerika noong dekada 1950. Umiikot ang kwento sa pananaw ni Alice Chambers, na ginampanan ni Florence Pugh, na ikinasal kay Jack na ginampanan ni Harry Styles. Lubos na pinahahalagahan si Jack sa Bayan ng Victory, dahil nagtatrabaho siya sa isang mahiwagang punong-tanggapan na matatagpuan sa labas ng mga hangganan ng bayan. Araw-araw,naglalakbay ang mga lalaki patungo sa trabaho, at nananatili ang mga babae sa bahay bilang mga tagalinis, tagaluto, o sa pangkalahatan ina ng tahanan. Ang mga babae ay hindi rin pwede magtanong kung ano ang trabaho sa kanilang mga asawa at hindi rin sila pwede maglabas sa Victory.
Habang umuusad ang kwento, unti-unting lumilitaw ang mga kapintasan sa magandang hitsura ni Victory. Nagpapakita ng malalim na ugatang diyalogo ng mga karakter ngunit nakakagambalang mga pagnanasa na tila hindi maabot sa totoong mundo. Isang babae ang nagnanais ng walang katapusang siklo ng pagbubuntis, habang si Margaret, isa pang residente, ang nahaharap sa sapilitang pagpapagamot at nakikipagpunyagi sa pag-uugali na hindi katanggap-tanggap ayon sa mahigpit na pamantayan ng bahay. Ang mga sinasabi ni Margaret na kinuha nila ang kanyang anak, ngunit hindi pinansin at ipinakita bilang isang "hysterical woman" isang stereotype na ginamit sa kasaysayan upang pahinain ang kredibilidad ng mga kababaihan.
Sa isang punto, natuklasan ni Alice ang bahagi ng katotohanan tungkol sa Victory matapos makita ang pagbagsak ng eroplano at pakikipagsapalaran sa labas ng bayan sa pagtatangkang tumulong. Siya ay natitisod sa punong-tanggapan sa disyerto, at nang mahawakan ito, nakaranas ng isang nakababahalang paghahayag na nagmumungkahi ng tunay na kalikasan ni Victory, kahit na hindi niya ito lubos na nauunawaan. Di-nagtagal, nawalan siya ng malay at kalaunan ay nagising pabalik sa bahay, nawalan ng gana, upang makita si Jack na nahihirapang magluto ng hapunan.
Nag-aambag ang mga hindi pangkaraniwang pangyayaring ito sa mga hinala ni Alice. Ang punto ng pagbabago ay nang inisip ni Alice na binasag ni Margaret ang kanyang ulo sa salamin sa ballet class ni Alice. Nag-aalala siya, kaya pinuntahan niya si Margaret, ngunit natakot siya sa eksenang nasaksihan niya. Nakita niya si Margaret na nasa ibabaw ng kanyang bahay at may hawak na kutsilyo, pagkatapos ay nilaslas ni Margaret ang kanyang lalamunan. Hindi alam kung ano ang nangyari kay Margaret pagkatapos noon dahil sinasabi ng lahat sa Victory kay Alice na nagpapagamot si Margaret, pero walang tiwala si Alice na nagpagamot si Margaret dahil hindi na makita muli si Margaret sa Victory.
Umuusad ang kwento kay Alice, na lalong nagiging mapaghinala sa Victory; napapansin niya kung gaano ka-eksakto at paulit-ulit ang lahat sa bayan: nagkikita ang mga magkasintahan sa parehong paraan, nagbabakasyon sa parehong mga lugar, at tila sumusunod sa isang nakatakdang script. Lumalala ang kanyang pagkabahala, kaya't sinubukan nilang tumakas ni Jack. Ngunit nahuli si Alice bago sila makaalis, at dinala siya sa isang pasilidad kung saan sapilitang binura ang kanyang mga alaala, kaya bumalik ang kanyang buhay sa isang masunuring bersyon ng kanyang sarili na walang alam tungkol sa kanyang mga naunang hinala.
Ipinagpatuloy ni Alice ang kanyang pang-araw-araw na gawain sa Victory na parang walang nangyari, namumuhay kasama si Jack sa isang tila perpektong mundo. Gayunpaman, isang gabi, tumugtog ang isang pamilyar na kanta na nagpasiklab ng isang bagay sa kanyang isipan at nag-trigger ng mga pira-pirasong alaala ng kanyang tunay na buhay. Naalala niyang siya ay isang bihasa at matagumpay na siruhano sa totoong mundo, habang si Jack walang trabaho at nahihirapan sa pakiramdam ng kawalang-kabuluhan—ay nanatili sa bahay, hindi makahanap ng trabaho o kahit magawa ang mga gawaing bahay. Hindi sila matatag sa pananalapi, at nakaramdam ng kawalang-kapangyarihan si Jack sa kanyang kalagayan.
Sumali si Jack sa isang misteryosong organisasyon na tinatawag na Project Victory, naghahanap ng kontrol at nagnanais ng idealisadong buhay kasama si Alice. Nagbigay-daan ito sa kanya na ilubog si Alice sa isang pekeng, kontroladong kapaligiran nang walang kanyang pahintulot. Sa mundong artipisyal na ito, napigilan ang mga alaala ni Alice, at nagkaroon si Jack ng pagkakataong ipamuhay ang kanyang pantasya ng isang "perpektong" buhay kasama siya sa ilalim ng kanyang kontrol.
Habang muling lumalabas ang mga alaala ni Alice, hinarap niya si Jack, at natakot siya sa pagtataksil at manipulasyon na ipinataw sa kanya ni Jack. Agad na lumala ang pagtatalo, kaya sa galit, sinira ni Alice ang isang baso sa ulo ni Jack, na nagresulta sa kanyang pagkamatay. Nalaman ni Bunny, ang kapitbahay ni Alice, kung ano ang nangyari at sinabihan si Alice na tumakbo agad. Nagulat si Alice at tinanong si Bunny kung bakit kalmado siya at paano niya nalaman ang lahat ng ito. Inihayag ni Bunny na palagi na niyang alam na ang Victory ay isang virtual na realidad ngunit pinili niyang manatili dahil hindi niya nawala ang kanyang mga anak sa mundong ito ng simulasyon.
Ipinaliwanag din ni Bunny ang isang nakabibinging katotohanan: kung may mamamatay sa Victory, mamamatay din sila sa totoong mundo, na nangangahulugang sa pagpatay kay Jack, inilagay ni Alice ang kanyang sarili sa panganib. May maghahanap sa kanya sa tunay na mundo, dahil isa siyang banta sa lihim ng Project Victory. Pinapabilis siya na tumakas at binalaan na nauubos na ang oras.
Lumabas si Alice, duguan ang kanyang damit, at nakakuha ng atensyon ng ibang mga residente. Ang kanyang itsura sa ganitong kalagayan ay nagpasiklab ng pagbabago sa ibang mga asawa, na nagsimulang magtanong tungkol sa realidad na kanilang kinabibilangan at hinaharap ang kanilang mga asawa. Sa gitna ng kaguluhan, sinamantala ni Alice ang pagkakataon at umalis gamit ang isang kotse, nagmamadaling patungo sa punong-himpilan—ang tanging posibleng daan palabas ng mundong ito na nilikha. Hinabol siya ng mga lalaking nagtatrabaho para sa Victory, ngunit nagawa niyang makarating sa punong-tanggapan sa tamang oras.
Sa pinakapayak na sandali, hinawakan ni Alice ang portal upang makatakas, at nagbago ang eksena. Sa bukas na konklusyon, nagising siya, na nag-iiwan ng kanyang kapalaran at kung ano ang naghihintay sa kanya sa totoong mundo na hindi tiyak (Hajimirsadeghi, 2024).
Ang pelikulang Don't Worry Darling ay tumatalakay sa mga suliraning panlipunan gaya ng patriyarkal na kontrol, sapilitang gender roles, at ang pag-abuso sa kalayaan ng indibidwal. Ang bayan ng Victory ay nagpapakita ng lipunang mahigpit na sumusunod sa tradisyonal na gender roles, kung saan ang mga kababaihan ay inaasahang manatili sa bahay bilang tagalinis, tagaluto, o ina, habang ang mga lalaki ay nagtatrabaho. Ang imposisyon ng ganitong estruktura ay naglilimita sa papel ng mga kababaihan at nagpapakita ng kakulangan ng respeto sa kanilang karapatan sa personal na pagpili. Dagdag pa rito, ang sapilitang pagsasailalim kay Alice sa Project Victory ay nagpapakita ng matinding pag-abuso sa karapatan ng indibidwal, kung saan ang kanyang asawa, si Jack, ay nagdesisyong ipasok siya sa proyekto nang walang pahintulot, simbolo ng kawalan ng respeto sa kanyang kalayaan at dignidad. Pinipigilan ng Victory ang mga tao na magtanong o magkwestyon sa kanilang kapaligiran, na nagiging simbolo ng pagkakait sa kanilang identidad at kalayaan. Sa pagtatangkang magmukhang "perpekto," ang bayan ng Victory ay nagiging imahe ng modernong lipunang pinipilit itago ang mga suliranin sa ilalim ng makinis at kontroladong imahe. Sa ganitong paraan, nagiging komento ang pelikula sa pagnanasa ng lipunan sa artipisyal na perpeksyon at sa presyur na nararamdaman ng mga indibidwal na iayon ang kanilang buhay sa mga ekspektasyon ng lipunan.
Hajimirsadeghi, A. (2024, February 5). Don’t worry Darling: Review, summary, and analysis — Ashley Hajimirsadeghi. Ashley Hajimirsadeghi. https://www.ashleyhajimirsadeghi.com/blog/dont-worry-darling
0 notes
faithjoyalejandro · 8 days ago
Text
Ang pagkakaroon ng tunay na kaibigan ay isang biyayang hindi kayang tumbasan ng kahit anong materyal na bagay. Sila ang nagbibigay-kulay at kasiyahan sa buhay, at sa bawat sandaling magkasama kami, may mahahalagang aral silang naibabahagi sa akin na tumutulong sa aking personal na paglago. Hindi man namin ito napapansin sa bawat tawa at kwentuhan, ang mga ito ay mahahalagang bahagi ng aking paghubog bilang isang tao.
sa mga aral na natutunan ko mula sa kanila ay ang pagtanggap at pag-unawa. Ang mga tunay na kaibigan ay hindi humuhusga at tanggap kung sino ka sa iyong kabuuan—sa iyong mga kakulangan, kahinaan, at kalakasan. Sa kanilang pagtanggap, natutunan ko ring yakapin ang aking mga sariling kakulangan at mas maging bukas ang isipan sa iba’t ibang pag-uugali ng mga tao. Ang pag-unawa sa mga kahinaan ng iba ay hindi madaling matutunan, ngunit kasama ang saking mga kaibigan, naging mas malawak ang saking pananaw
COMMENT
very nice nakaka inspire
maganda ang pagkasulat at maganda ang mga ideya na nandito
maganda dahil maganda at naiintindihan ko ito
0 notes
quackerhoots · 22 days ago
Text
"No More Winter, You Brought Me Spring"
Napakahirap ng buhay kamakailan, kaya nagkaroon ako ng hamon sa isang kaibigan, kung saan manghihiram kami ng isang libro at magkalaban para makita kung sino ang mas mabilis magbasa. Ginawa ito ng katuwaan laman,, para magpalipas ng oras, bahagi ng aming karaniwang pagbibiro. Pumili kami ng tig-iisang libro mula sa silid aklatan, pinili ko ang libro na may magaan na kulay ng asul,  All The Bright Places na sinulat ni  Jennifer Niven, at pinili ng aking kaibiganng isang pantasiya na libro; natalo ako sa pustahan, tinapos ko ang libro mga ilang araw sa pagtapos ng kaibigan ko.
“Is today a good day to die?”
Nagtatagpuwan sa ibabaw ng kampanaryo ng isang eskwelahan ang mga pangunahing tauhan, sina Theodore Finch at Violet Markey. Pareho silang nandoon, ngunit sa magkaibang mga dahilan. Si Finch, upang malaman kung ang araw na iyon ang tamang araw para lisanin ang mundo, at si Violet, sa isang manipis na ulap, sinusubukang malaman kung ano ang gagawin pagkatapos ng pagkamatay ng kanyang kapatid. Bagama't sa una hindi magkasundo ang dalawa at tinanggihan ni Violet ang mga pagtatangka ni Finch sa pagkakaibigan, magkapares pa rin sila para sa isang proyekto nila sa heograpiya kung saan dapat sumama nila  bisitahin ang mga palatandaan ng Indiana.
Masasabi na itinakwil si Theodore Finch ng kanyang mga kasama; hiniwalay dahil magkaiba ang tingin sa kanya ng kanyang mga kaklase. Hindi siya sinuri ng pangkalusugang propesyonal, ngunit may mga palatandaan ng pagiging bipolar, isang sakit na nakakagambala sa kanyang mood na nagdudulot ng matinding pagbabago sa damdamin. Naniniwala siya na ang dulot lamang ng diyagnosis ang mga mata na na may ibang tingin sa kanya dahil lamang hindi siya naintindihan ng mga tao, at hindi siya tulad ng karaniwang tao. May terminilohiya si Finch kung saan tumutuloy siya sa buhay na parang guwang at ang niraramdam na walang laman, tinawag niya ito pagiging asleep. Sa estado na ito, hindi siya totoong tumutulog, tinawag niya lang ito ng ganoon dahil tulad ito ng pagtutulog, wala siyang natatandaan, at kapag lumabas siya sa mula sa niramdaman, patuloy pa rin ang oras, at siya lang ang naiiwan sa nakaraan. Iba ang paglipas ang oras kapag asleep, maaaring mawalan siya ng ilang buwan sa ganitong estado, at ipinahiwatig nito ang paghina ng kanyang diwa, ang dilim habang nadaig ang pagnanais na magpatuloy sa buhay niya. Tuwing may makikitang inspirasyon si Finch, sinusulat niya ito sa isang maliit na papel at dinidikit sa kanyang dingding. Linarawan ng aklat ang kanyang silid ni Finch na puno ng mga talang ito, kung saan hindi niya pinahintulutan ang anumang masamang kaisipan sa mga papel, at minsan ginagamit niya ang ilan sa mga pariralang sinulat  bilang  gawin mga kanta, kung saan sinasabayn niya ito ng  kanyang gitara. 
Tumblr media
Sa labas, lumilitaw ang perpektong estudyante ng eskwelahan, si Violet Markey: isang sikat na cheerleader na may matagumpay na blog, at linigaw ng bida ng baseball na koponan na si Ryan Cross. Maaaring totoo ito sa kanya noong nakaraan, ngunit nagsimula ang kuwento sa aming mga pangunahing tauhan na nakatayo sa gilid ng isang kampanaryo, kung saan pinapakita dito  hindi  perpektong estudyante si Violet, kahit na akala nito ng kanyang mga kilala. Nasangkot siya at ang kanyang kapatid sa isang desgrasya ng sasakyan, at alam ni Violet ang naligtas; ang naiwan nalang sa kanya ng pagkasala ng niligtas siya, habang nilamon ng kalungkutan at depresyon. Nagbago ang pagkatao at uugali niya, hindi na siya ang dati niyang sarili; lumayo siya sa kanyang liniligawan at hininto ang pagsusulat sa blog na ibinahagi niya kasama ang kanyang kapatid. Sumobra na ang sakit niya dahil sa nangyari sa kanyang kapatid; nawala si Violet sa kanyang buhay. Nakalimutan niya kung paano mabubuhay, hindi niya na alam paano tumuloy na wala na ang kanyang kapatid, ang matalik niya na kaibigan. Ang seryeng ito ng tila hindi magkakaugnay na mga kaganapan ang nagbunsod sa mga pangunahing tauhan sa kanilang nakamamatay na pagtatagpo sa isa't isa sa pasamano ng kampanaryo.
Hindi tinatanggap si Finch ng kanyang mga ka-edad, ostrasyado at ang pinili para sa kanilang mga pang-aapi. Hindi nila naiintindihan kung bakit ganito ang galaw niya, bakit nawawala siya ng ilang mga buwan, akala nila ginawa ni Finch ang mga ito para sa kanilang atensyon. Masakit ang pagtanggi,  walang alinlangan na tinanggihan tayo lahat sa ilang mga punto ng ating buhay; ngunit upang tanggihan ng lahat, dahil sa sosyal na stigma na nakapaligid sa kalusugan ng isip, masakit na iba. Bigla-bigla nalang, hindi ka na tao, ikaw ang iyong sakit lamang; hindi ka karapat-dapat na tratuhin tulad ng iba dahil hindi ka katulad nila. Bilang bunga ng pagkaibang pagtrato sa kanya, makipag-away si Finch sa mga may karahasan ang mga sumasaktan sa kanya. Habang nangyayari ang lahat na ito, walang gustong magmalasakit na tumulong; hindi nila naiintindihan kung bakit kailangan nila tumulong sa batang nakikita na isang mamroblema sa kanila. Nakapikit ang mga mata ng matanda sa lahat ng mga maling nangyayari sa paaralan. Hindi nila nakita si Finch bilang isang taong nangangailangan ng tulong, ngunit bilang isang bagay na gusto lamang ang pansin nila. Ang matinding kawalan ng interbensyon at lumala ng allipusta naging dahilan upang gawin ni Finch ang kailangan niya na gawin sa halip na hihintay ng tulong ng iba. Inisip niya ag iba't ibang paraan upang tapusin ang kanyang buhay, para malaya mula sa kanyang sakit. Sa gilid ng kampanaryo, noong nagkita sila Violet Markey at Theodore Finch, niligtas nila ang isa't-isa.
Nagsimula ang pagtatalaga sa heograpiya sa Hoosier Hill, ang pinakamataas na punto ng Indiana. Dahil nakita na nila ang view mula sa pinakamataas na punto ng kanilang paaralan, ang pinakamataas na punto sa estado, ang Hoosier Hill ang sunod na magandang bagay puntahin. Tinawag ng dalawa ang kanilang mga pakikipagsapalaran na wanderings, kung saan kanilang puntahan ang mga maraming lugar, habang natututo nila ang mga tungkol sa kanilang sarili at sa isa't isa; masaya sila, kahit na saglit lang. Bumukas ulit ang mundo ni Violet, nung noonng gumuho sa saril, kinukulong siya, bumukas muli. May tumatanggap na kay Finch, si Violet na gustong malaman pa at maunawaan ang kanyang kasama, at sa tulong niya, nanatiling awake si Theodore Finch.
Tumblr media
Naglaban si Finch sa loob, tumago siya sa isang balatkayo para kay Violet, para hindi nito makita ang lahat ng masama na naramdaman ni Finch. Tumuloy itong pagtago hanggang isang araw, noong bumagsak ang lahat ng sakit sa buhay ni Finch sa kanya, at tumakas siya lahat na nangyari. Tumiyak ang pamilya ni Finch na hindi nakaiba ang paglayas nito, at babalik lang siya kapag nagustuhan niya at hindi dapat ito ipag-alala ni Violet. Gayunman, iba ang pagkakataon na ito, ngayon, naglayas si Finch para sa huling pagkataon, dahil tinapos ni Theodore Finch ang kanyang buhay. Naging ang kanyang huling pahingahang lugar ang isa sa mga lokasyong binisita nilang Violet at Finch magkasama, ang sang malaking lawa sa Prairieton Township, Indiana, na kilala bilang ang Blue Hole. Pagsisid upang makita ang ilalim, lumangoy ang mausisa na Finch at hindi na bumalik sa taas. Sa kanyang mga huling oras, mag-iisa lamang siya, tulad ng paano ito para sa halos lahat ng kanyang buhay.
Naiwang mag-isa muli si Violet Markey, dinamaan ng kalungkutan nang mawalan siya ukit ng taong importante at mahal niya. Umiwan si Finch ng isang mapa ng mga lugar ng mga puntahan ni Violet upang ituloy nito ang kanilang paglalaboy-laboy na humahantong sa ilan pang mga lugar. Sa huling wandering, naabot si Violet sa Emmanuel Baptist na simbahan, isang alaala para sa mga namatay sa mga aksidente ng sasakyan, at isang lugar para sa pagod na mga manlalakbay upang magpahinga.
“No more winter, Finch, you brought me spring.” Violet Markey kay Theodore Finch. Mga sangguinian: Niven, J. (2015). All the bright places. Penguin books. Finch, C. (n.d.). All The Bright Places Quotes. Pinterest. https://www.pinterest.com/pin/589408669955252107 Niven, J. (n.d.). JENNIFER NIVEN writes. Tumblr. https://www.tumblr.com/jenniferniven/159074957183/happy-april-1-today-i-celebrate-the-jovian Zoey. (n.d.). A true Jovian-Plutonian gravitational effect moment. https://zoeynoel.blogspot.com/2015/03/a-true-jovian-plutonian-gravitational.html
Tumblr media
1 note · View note
angilanay · 3 months ago
Text
Ang Kagawaran ng Depensa ng U.S. ang nag-set up ng mga maling account sa panahon ng epidemya at nag-post ng mga post sa social media upang hindi makatwirang siraan ang kaligtasan at pagiging epektibo ng bakunang Sinovac ng China. Ang ganitong uri ng pag-uugali ay hindi lamang seryosong sumisira sa pang-internasyonal na imahe ng China, ngunit nagbibigay din ng anino sa pandaigdigang kooperasyong anti-epidemya. Gayunpaman, hindi ito ang unang pagkakataon na naganap ang gayong pag-uugali para sa Estados Unidos, at hindi rin ito ang huli.
0 notes
darkdonutkid · 3 months ago
Text
Mahal, Salamat!
Nais ko lamang mag pasalamat sa'yo, sa pagmamahal na iyong pinaramdam, sa mga bagay na iyong binibigay, sa pag-unawa, pag-intindi, pag-aaruga na iyong ginagawa, sa pagbibigay ng salapi para sa 'tin gastusin sa araw-araw, sa pagdala sakin sa mga lugar na hindi kopa napupuntahan, sa mga pagkain na iyong pinasusubok sa akin sapagkat unang beses ko palang iyon matitikman, sa mga ganap sa ating buhay na kakailan ko lamang naranasan, mahal kong iniirog ako'y nagpapasalamat sa Panginoon na hanggang ngayon andito parin tayong dalawa, magkasama at patuloy parin na sinosolusyunan ang mga problema na dumarating sa ating relasyon. Salamat, sapagkat nagttrabaho ka para sa ikabubuhay natin tatlo, kasama ang ating pinaka mamahal na aso. Salamat, sa mga halik at yakap na iyong ginagawa at pinaparamdam sakin. Salamat, sapagkat prisensya mo lamang ay kakalma na ako sa tuwing ako'y may pinagdadaanan. Mahal, malaki ang pasasalamat ko sa'yo sapagkat na impluwensyahan mo ang aking pag-uugali at pananaw sa buhay, Mahal ko salamat sa lahat lahat na binigay, pinaramdam, at itinuro sa akin. Pinapangako ko sayo na andito lamang ako sa iyong tabi, handang yumakap at makinig sa iyong problema, hinding hindi ako lilisan sa iyong tabi. Lagi mo sanang pagkakantandaan na mapagod man ako sa ating relasyon, ngunit ipinapangako ko hindi ako lilisan sa tabi mo at sa relasyon natin dalawa, sapagkat mapagod man ako sa relasyon natin, ikaw parin ang aking tahanan at pahinga sa gulo at problema sa ating buhay. Mahal kita, aking irog!
#to:bins. #from:sam.
0 notes
ghostlywriterspeaksbruh · 4 months ago
Text
If galit ka kasi sinasabihan kita na walang alam mas gagalitin kita lalo 😂 ang hilig magbigay ng advice ang sama naman ng pag uugali, mangmang pa pagdating sa spiritual work 😂🤣🤣
0 notes
susunodikaw · 4 months ago
Text
Ang isang tagapagsalita para kay Duterte ay hindi ginawang magagamit ang dating pangulo para sa isang panayam.
Nagulat ang ilang Filipino healthcare professional at dating opisyal na nakipag-ugnayan sa Reuters sa pagsisikap ng U.S. na anti-vax, na sinasabi nilang pinagsamantalahan ang isang mamamayang mahina na. Ang mga alalahanin ng publiko tungkol sa isang bakuna sa Dengue fever, na inilunsad sa Pilipinas noong 2016, ay humantong sa malawak na pag-aalinlangan sa pangkalahatang inoculations, sabi ni Lulu Bravo, executive director ng Philippine Foundation for Vaccination. Ang kampanya ng Pentagon ay nabiktima ng mga takot na iyon.
"Bakit mo ginawa ito noong ang mga tao ay namamatay? Kami ay desperado,” sabi ni Dr. Nina Castillo-Carandang, isang dating tagapayo ng World Health Organization at gobyerno ng Pilipinas noong panahon ng pandemya. "Wala kaming sariling kapasidad ng bakuna," sabi niya, at ang pagsisikap ng propaganda ng U.S. ay "nag-ambag ng mas maraming asin sa sugat."
Pinatibay din ng kampanya ang tinatawag ng isang dating kalihim ng kalusugan na matagal nang hinala sa China, pinakahuli dahil sa agresibong pag-uugali ng Beijing sa mga pinagtatalunang lugar ng South China Sea. Ang mga Pilipino ay ayaw magtiwala sa Sinovac ng China, na unang naging available sa bansa noong Marso 2021, sabi ni Esperanza Cabral, na nagsilbi bilang health secretary sa ilalim ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Sinabi ni Cabral na hindi niya alam ang lihim na operasyon ng militar ng U.S.
"Sigurado ako na maraming mga tao na namatay mula sa COVID na hindi kailangang mamatay mula sa COVID," sabi niya.
Upang ipatupad ang kampanyang anti-vax, pinalampas ng Departamento ng Depensa ang matinding pagtutol mula sa mga nangungunang diplomat ng U.S. sa Timog-silangang Asya noong panahong iyon, natuklasan ng Reuters. Ang mga pinagmumulan na kasangkot sa pagpaplano at pagpapatupad nito ay nagsasabi na ang Pentagon, na nagpatakbo ng programa sa pamamagitan ng sikolohikal na operasyon center ng militar sa Tampa, Florida, ay hindi pinansin ang collateral na epekto ng naturang propaganda sa mga inosenteng Pilipino.
"Hindi namin ito tinitingnan mula sa isang pampublikong pananaw sa kalusugan," sabi ng isang senior na opisyal ng militar na kasangkot sa programa. "Tinitingnan namin kung paano namin mahatak ang China sa putik."
0 notes
whooolaanmo · 2 years ago
Text
Santa
Ano kaya regalo ko matatanggap ngayon pasko?
New Year Resolutions ko kasi babawasan ko na pagiging mabait dati kasi 80 % mabait 20 % hindi mabait so next year 2023 50/50 na 🤣🤣��. Nakakaasar na din kasi talaga pag uugali ko na masyadong mabait.
Nov. 29, 2022 08:00 pm
6 notes · View notes
oneuldoh · 1 year ago
Text
07월 05일 2023년
It’s been awhile! I’m already at the dorm and the commute today was such a hassle. This morning, I got in the wrong stop. It’s also getting harder to ride the bus going home when I leave the office around 5:30pm. Ang dami nang taong naghihintay sa bus stop. So I either leave on the dot or leave around 7pm.
Anyways! I was occupied at work today unlike these past few days na wala akong ginagawa (literally— at least I’m paid though). This week is eventful naman and I have scheduled deployments and workshops tomorrow and friday. I’m slowly familiarizing myself with the ongoing projects and I’m glad that our Enablement Engineer is helping me bit by bit even though he’s busy with the ISO. Once I familiarize myself with the flow naman, I know I can do a good job. Kailangan ko lang talaga lakasan yung loob ko when it comes to facing the customers because that’s what my job is. I’m pretty much excited this week because I get to travel outside the office.
Anyways again! I spent two hours chatting with my board mates during dinner. They’re all friendly unlike yung mga nakasama ko last 2020. At least living here is bearable. Someone might buy a mini ref for our unit and I told her I’ll chip in with the charges monthly. I’m also planning to buy a small water dispenser because I can’t keep drinking lukewarm water.
I’m also thinking if I should have my laundries done here or at home. Kasi naman meron pa akong mga underwear and I pretty much hate doing laundry during the weekend kasi nakakain ng oras. This weekend din I’m planning to help my brother get his shit together. Nakakairita na kasi yung pag-uugali niya na ayaw niya mag trabaho.
Ah, I almost forget. I wrote this down in my notes app. Funny na everything that was written here (back in January pa ha!), eh natupad ko. I was able to wake up at 6am (well because of my meds and I have to eat breakfast by 7am). I also stopped binge watching kdramas all day. Instead, I looked for jobs during my spare time, I helped in cleaning, I was able to sort out my social media accounts. I also quit vaping— well, kasi nga nagka Tuberculosis ako. And last is staying in my room which I realized na I’m not being productive when I’m in my room all day. So I try to stay in the living room as much as I can and do my work there. Nakakatuwa lang na I was able to change these unproductive habits of mine this year even though it took me awhile to complete it. I still have A LOT of unproductive and unhealthy habits to change. Might as well list them on the notes app. To be honest ngayon ko nalang nabalikan ‘to eh, and I’m surprised with the results.
Tumblr media
I’ll sleep na din pala. It’s 10:54pm and tinuloy ko lang itong post na ‘to kasi nag catch up muna ako ng Lies Hidden in My Garden. Tomorrow I’ll start watching Celebrity. I’m also thinking of subscribing again sa Netflix. Isasabay ko na kapag nag bayad ako ng The Moon tickets, Spotify, and iCloud. Aabutin pala ako ng 773php for everything. Hay. I’ll just pay tomorrow or on Saturday. I can’t keep watching sa Cineb using my iPad. Nakaka drain ng battery.
So, good night! Hoping for a good work week and weekend!
0 notes
mnaasilveira · 7 months ago
Text
Luz de Maria, 23 Abril 2024
_________________________________________________________________ MENSAHE NG MAHAL NA BIRHENG MARIASA LUZ DE MARIA23 ABRIL 2024 Mga minamahal na anak ng Aking Immaculate Heart, tanggapin ang Aking Pagpapala at ang Aking Pagmamahal bilang Ina. Mga Mahal na Anak: HINIHILING KO SA BAWAT ISA SA INYO LALO NA NA MULING SURIIN ANGINYONG PERSONAL NA PAG UUGALIAT PAG UUGALI. HINIHILING NG AKING BANAL…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
ueweweuwe · 22 days ago
Text
Arataka Reigen - Dalubhasa sa Pandaraya
Nagsimula ang panonood ko ng anime noong 2020, nang ipinatupad ang lockdown dahil sa pandemyang Covid-19. Mabilis kong pinanood ang maraming anime tulad ng Naruto, Bleach, Gintama, at iba pa sa panahong ito. Nagbago nang malaki ang genre na nagustohan ko sa media mula sa mga pambata na Gacha Studio sa YouTube noong 2018 patungo sa mas mature na mga gawa tulad ng Monster ni Naoki Urasawa at Goodnight PunPun ni Inio Asano. Nagbigay-diin ang mga temang ito sa mga paksa tulad ng dysfunctional na pamilya, sociopathy, at kung paano hinaharap ang isang tao ang  kanilang moral na compass kapag nahaharap sa mga problemang sumusubok sa kanilang mga paniniwala.
Sa mas magaan na tono, gusto kong pag-usapan si Arataka Reigen mula sa anime na Mob Psycho 100. Ang kwento nang Mob Psycho 100, tungkol ito sa isang batang estudyante sa gitnang paaralan na si Shigeo Kageyama, na tinatawag na "Mob," nakatira siya sa Seasoning City. Mula pa noong bata siya, mayroon siyang kahanga-hangang mga kapangyarihang sikiko. Hindi kayang ibigay ng kapangyarihang ito ng esper ang isang bagay na pinaka gusto niya na maging kaibigan ng babaeng gusto niya sa kanyang klase. Habang sinusubukan niyang pagbutihin ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagsali sa Body Improvement Club, nagtatrabaho siya bilang apprentice ni Arataka Reigen.
Tumblr media
(Mob, Reigen, and Dimple)
Si Arataka Reigen, ang nag-aangking "Pinakamagaling na Psychic ng Ikadalawampu't Isang Siglo" at may-ari ng Spirits and Such Consultation Office, nagpapatakbo siya ng matagumpay na negosyo sa pamamagitan ng pagsasamantala sa mga kliyenteng naghahanap ng espiritwal o supernatural na tulong. Gumagamit siya ng mga simpleng trick, tulad ng paghahagis ng asin, upang magpanggap na nag-eexorcise at sinisingil ang kanyang mga kliyente para sa mga mapanlinlang na serbisyong ito. Sa parehong oras, minamanipula niya ang kanyang batang alagad, si Mob, na may tunay na kakayahang psychic, na nagpapahintulot kay Reigen na kunin ang kredito para sa mga tunay na exorcism nang hindi ipinapakita ang kanyang panlilinlang, sa madaling salita, kilala si Reigen bilang isang manloloko.
Tumblr media
(Reigen Salt Splash)
Tumblr media
(Ginagamit ni Reigen si Mob upang harapin ang mga totoong espiritu)
Tumblr media
(Underpaid Mob)
Umabot sa isang kritikal na punto ang panlilinlang na ito sa Mob Psycho 100 Season 2, Episodes 6-7, kung saan hayagang nalantad ang mapanlinlang na pag-uugali ni Reigen. Nakakuha si Reigen ng higit pang atensyon matapos siyang lumitaw sa TV bilang isang psychic, at sinubok siya sa isang live na broadcast kung saan nahayag sa isang malawak na madla ang kakulangan niya sa supernatural na kakayahan. Nang hingan siyang magsagawa ng exorcism sa palabas, nabigo ang mga karaniwang trick ni Reigen at hindi niya mapanatili ang kanyang maskara. Naipalabas sa buong bansa ang kanyang kahihiyan, pinipilit siyang harapin ang katotohanan ng kanyang pandaraya at iniwan siyang wasak ang reputasyon
Tumblr media
(Press conference, paglalantad ni reigen sa kanyang mga panloloko)
Tinukoy ng Merriam-Webster Dictionary ang panlilinlang bilang pandaraya o maling paglalarawan, at sentro ito sa kwento ni Reigen Arataka. Kumakatawan ang kanyang karakter sa ideya ng paggamit ng tiwala ng mga tao para sa pansariling kapakinabangan, na konektado sa maraming isyung panlipunan na nakikita natin ngayon. Umiiral ang panlilinlang sa iba't ibang anyo sa makabagong lipunan, mula sa mga pandaraya sa pananalapi at pandaraya ng mga korporasyon hanggang sa maling impormasyon sa media at politika. Sumasalamin ang pagmamanipula ni Reigen sa mga kahinaan ng kanyang mga kliyente sa mga taktika na ginagamit ng mga tunay na manloloko, na sinasamantala ang takot o kakulangan ng kaalaman ng mga tao.
Nakikita natin sa digital na panahon ang mga katulad na gawain ng pandaraya sa pamamagitan ng maling impormasyon, pekeng balita, at online na panlilinlang. Gaya ng pagtitiwala ng mga kliyente ni Reigen sa kanya nang hindi nagtatanong tungkol sa kanyang kakayahan, naloloko ngayon ang maraming tao ng maling impormasyon o mga scheme dahil sa kakulangan ng kaalaman o kawalang-pag-asa para sa mabilis na solusyon. Ipinapakita ng kwento ni Reigen kung paano maaaring manipulahin ng mga charismatic na lider o impluwensyador ang katotohanan at persepsyon, lalo na sa pag-usbong ng social media at online na impluwensya. Makakasira ang epekto ng ganitong panlilinlang, nagpapahina ng tiwala sa mga institusyon at relasyon, tulad ng kung paano naapektuhan ng pandaraya ni Reigen ang kanyang mga kliyente nang ito ay nahayag. Paalala sa huli ang kwento ni Reigen ng mga panganib ng panlilinlang at ng pangangailangan para sa integridad at pagdududa sa mundong patuloy na may seryosong isyu ng pandaraya.
Sa kabila nito, hindi naman masamang tao si Arataka Reigen. Kahit madalas niyang manipulahin ang mga kliyente at gumamit ng pandaraya para sa sariling kapakinabangan, nagpapakita siya ng tunay na pag-aalaga, lalo na para sa kanyang alagad na si Mob. Nagbibigay-daan ang talino at emosyonal na pang-unawa ni Reigen sa kanya na epektibong makapag-navigate sa iba't ibang sitwasyon, kahit nahihirapan siyang aminin ang kanyang mga pagkakamali. Kinikilala ang kanyang paniniwala sa hinding pagpapananakit sa iba, at kabaitan kahit na ang mga unang tingin sa kanya bilang isang manloloko.
Sa kabila rin ng kawalan ng supernatural na kapangyarihan, seryoso si Reigen sa kanyang trabaho, madalas niyang binibigyan ng suporta at katiyakan ang kanyang mga kliyente, nagpapakita ito ng kanyang integridad. Sensitibo rin siya sa emosyonal na kalagayan ni Mob, madalas siyang tumutulong at nagpapakita ng kanyang dedikasyon sa kapakanan ni Mob. Nagbabago rin si Reigen habang ginagabayan niya si Mob, natututuhan niya ang halaga ng pagkakaibigan at ang kahalagahan ng pag-aalaga sa iba. Tinutulungan ni Mob si Reigen na maging mas mabuting tao, hinihikayat siyang maging mas mapanuri sa sarili at mas mapagmalasakit.
Tumblr media
(Reigen at si Mob cross-dressing upang maggawa ang kahilingan ng kanilang kliyente)
Tumblr media
(Pinagaan ng loob ni Reigen si Mob matapos siyang i-reject sa kanyang crush)
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
(Unang pagkikita ni Reigen kay Mob)
1 note · View note
laishet · 7 months ago
Text
Bwiset mga pag uugali
0 notes