#therealkitten
Explore tagged Tumblr posts
Photo
So I am currently writing this story just because I’m just inspired.
Story link: DIANA (on Wattpad) https://my.w.tt/Dt5ug9Dn6V
#atgimpromptuserye#fiction#kumu#murder#mystery#suspense#therealkitten#thriller#mystery-thriller#books#wattpad#amreading
0 notes
Text
Poser
Sa isang larawan,
isang pagkukunwari.
Sa isang sandali,
mumunting pagkakamali.
'Pagkat sa isang larawan,
ako'y nagkukubli.
"Hi".
Unang chat ko sa'yo gamit ang ibang pangalan.
Kinakabahan dahil matagal na kitang pinagmamasdan,
matagal ng hinahangaan at gustong maging kaibigan.
Nagulat na lang ako ng mag reply ka.
Hi din, ang sabi mo pa.
Dali-dali kitang ni-replyan
na para bang matagal ka ng kakilala.
Samu't-sari ang napagusapan,
humantong pa nga sa paborito mong pelikula.
Nalaman kong hindi ka basta-basta,
gusto mo yung mga bagay na exciting at kakaiba.
"Corny naman kasi kung para lang akong gaya-gaya", ang sabi mo pa.
Hanggang nagkapalagayan na tayo ng loob at napadalas ang ating pag uusap.
At palagi na kitang hinahanap-hanap.
Kulang na ang araw ko kapag di ka nakaka-chat.
Inaabot na nga tayo ng umaga kakatawa at kwento ng mga bagay na parehas tayong interesado.
Sa bawat araw na lumipas,
unti-unting mas nahulog ang loob ko sayo.
Sa bawat "hello, kumusta ka?" o "kumain ka na ba?. 'Wag kang magpapalipas ha".
Naisip kong baka pwede nga,
na may patunguhan ang pagpapanggap.
Pero takot naman akong baka sa isang iglap ay hindi mo ako matanggap.
'Pagkat alam kong ako ay hindi ako,
at 'di ito katulad ng inaakala mo.
Ngunit dumating nga ang araw na kinatatakutan ko.
"Pwede bang mag meet tayo?",
bigla akong natakot sa chat mo.
Nag-offline, biglang 'di na nagparamdam.
Natakot na baka malantad ang katotohanan,
kaya't mas piniling ika'y iwasan.
Lumipas ang mga araw, mga linggo at buwan.
Siguro naman ako'y iyo ng nakalimutan.
Okay na sigurong 'wag mo na lang din malaman,
na ako'y nagpapanggap lamang.
Hanggang isang araw ako'y nagulat na lang,
dahil bigla kang nasa aking harapan.
Sa computer shop kung saan kita palaging inaabangan.
Nakangiti, ngunit 'di para sa'kin.
Hawak ang kamay, ngunit hindi akin.
"Girlfriend ko nga pala", pakilala niya sa'yo.
Gumuho aking mundo,
nalusaw sa hiya at nalito.
Nang dahil sa inakalang aking litrato,
pagpapanggap ko'y iyong nabuko.
Dahil ang tunay na may-ari ng larawan,
ay akin nga palang matalik na kaibigan...
na ngayo'y iyo ng kasintahan.
11.13.17
0 notes