#tagalogtesting
Explore tagged Tumblr posts
priss27 · 2 years ago
Photo
Tumblr media
Hall Pass Bakit parang nasa akin ang burden? Bakit ang bigat pa rin ng pakiramdam ko? Ako ba ang may pinsala? Ako ba ang may kasalanan? Ako ba ang may nagawang mali? At lalung-lalo na, ako ba ang dapat humingi ng kapatawaran? Sinasamahan mo, dahil kaibigan mo Pinagkatiwalaan, dahil kaibigan mo Inaaruga mo, dahil kaibigan mo Dahil kaibigan mo, mahal mo Importante sa’yo, Pakikinggan at uunawain mo Iintindihin kung saan man nanggagaling ang hinanakit At sasabihan ng katotohanan kahit na masakit. Sanaol merong hall pass. Sanaol madali lang ang buhay. Mukha kasing oo eh. Hindi ko man marinig, hindi ko man malaman Ako na ang manghuhusga Ako na ang manghuhula Kagaya ng iyong isipang puno ng akala Magtanong ay hindi alintana, Kaya ako na. Monday 21Nov2022 17:45 #TagalogTesting #text #HallPass #Monday #Lunes panic attack nga ba? Isulat na lang natin ulit. https://www.instagram.com/p/ClN_silyqbd/?igshid=NGJjMDIxMWI=
0 notes
priss27 · 2 years ago
Photo
Tumblr media
Tingala, tingala Subukan mong tumingala Mayroong munting kislap Namumukod tangi sa ulap Manatiling nakakapit upang huwag malaglag Igiya ang mata sa paligid at iwasang kumurap Libangin ang sarili sa mga motoristang naghihintay sa traffic na walang humpay Katulad ko, Nakatulala, nag-aabang, at naghihintay Sa pagkaing pinakaaantabay Kumukulo ang tiyan, masakit ang sikmura Hindi alintana ang mahabang pila Sa samgyup na natutunan sa Koreanobela 😂😅 Friday 04Nov2022 19:35 #TagalogTesting #text #samgyup #haha #hoho #yescomedy https://www.instagram.com/p/ClN-KfmyiXQ/?igshid=NGJjMDIxMWI=
0 notes
priss27 · 5 years ago
Text
Maglakad tayo patungo sa anumang ninanais ng ating puso.
Sino ka nga ba?
Saan kita nakita?
Saan kita natagpuan?
Sa dinami-rami ng aking katanungan, isa lamang ang pinaka-matimbang at paulit-ulit kong pinababayaan at binabalik-balikan
Mapangahas bang pangarapin na sa aking piling ika’y manatili?
Hindi naman sa naga-atubili
Ngunit pawang hindi na ako mapakali
Binibilang ang mga araw na hindi mahawakan
Iniisa-isa sa daliring hindi naman alam kung saan sisimulan
Nakita na kita nakita na,
Doon doon, doon sa may bandang daang hindi ko naman talaga alam kung saan
Ngunit sigurado, sigurado ako sa nakita ko
Hindi iyon isang silwetang dumaplis daplis at biglang gumulo ng aking perspektibo
Nadama na, nadama na kita
Ang yapos ng iyong yakap
Pawang kabisado ko na
Akap akap kita, yakap kita - hanggang sa aking pagtulog
Ang iyong kamay sa aking pisngi,
Mistulang ako’y nasampal ng kamay mong malaki
Hanggang sa ngayon ay narito ang iyong init
Nakakapit sa aking pisnging napapangiti-ngiti
Anong aking kaba,
Ang takot na aking nadarama
Kapagkuwa’y ang lahat pala ng ito’y
Sa kabilang dimensyong tagpuan lamang pala nagmula?
Ipipikit na lamang ba ang aking mata,
Dadamhin ang hangin at magpapa-agos papunta sa kabila?
Hahayaan ang walang kasiguraduhang mundo,
Na dalhin ako papalapit sa’yo isang usok ng alternatibong panlilinlang?
Tila ba mas nakabubuti nang tibagin ang pader na naghihiwalay sa atin,
Tahakin ang daang malubak patungo sa isang tunay at walang bahid ng kadaliang paglalakbay
Walang ideya,
Pikit-mata ngunit malinaw pa ring nakikita
Walang kaalam-alam,
Nahuhulma sa unti-unting pagkapa
Ang takot na bumibilog sa aking tiyan,
Patuloy ang pag-ikot,
Patuloy ang katakutan sa paglaki habang aking isinasantabi
Pag-amin sa katanungan, sa mga sagot na aking ikinukubli.
Saturday 09Nov19 00:02
#TagalogTesting #text
2 notes · View notes
priss27 · 5 years ago
Photo
Tumblr media
Tandem. 26Oct13 20:04 (titulo ar litrato)  Kapag gumigising ka sa araw araw Kanino ka unang nagpapakilala? Babangon at haharap sa salamin Ngingiti at papalakasin ang loob Nakaligo ka, Nasimulan mo na ang araw, Kaya mo yan! Dude pare tsong, May lakad ka ba ngayon? Baka naman.... Tambay tayo magkape o maginom Ate ate gyurl kamusta na? Parang kailan lang tayo’y nagtatawanan pa Alam ang bawat problema ng isa’t isa Walang makakabangga, Friends for life ika nga Ngayon sa video chat na lang nagkikita Bawat taon Bawat lugar Bawat espasyo ay napupunan ng kapareho Kaakibat sa bawat hirap Kahati sa bawat tagumpay Kasabwat sa lahat ng kalokohan Magkasama, magkatabi, o magkalayo man Pinangakong walang iwanan Uusbong at lalaban patungo sa kaunlaran Saturday 26Oct19 12:43 #TagalogTesting #text habang pinapaalala sa’yo na kahit ika’y mag-isa, saan ka man magpunta, makaramdam ng lungkot at mawalan ng pag-asa; mayroon kang kaakibat, sumusuporta, at nagmamahal na ka-tandem na magpapaalala sa iyo na may kasama ka sa laban ng buhay https://www.instagram.com/p/B4EZIEWHwdd/?igshid=mfb1fj6mwo80
1 note · View note
priss27 · 5 years ago
Text
Tumblr media
Ang mga bangaw na lumilipad-lipad sa aking ulo.
Pawang may bangaw na lumipad sa ulo ko,
Kahit anong subok kong makinig, nagagawa nyang alisin ang aking atensyon sa nagsasalita
Pilit nagpapapansin
Pilit nangiistorbo
Hawiin mo ako
Tignan mo ako
Alisin mo ako
Pigilan mo akong lumipad sa iyong ulo.
Una.
Ang kamatayan ay hindi katapusan ng lahat
Kapag ikaw ay namatay;
Iisipin ng magulang mo kung naging masaya ka ba
May mga magiisip kung nagkulang ba sila
May mga magtataka mukha naman siyang masaya
At ang iyong kaluluwa tatawa
Gago hindi porque panay nakatawa, masaya.
Ikalawa.
Ang pintuan ba ay maayos na naisara?
Napatay ba ang electric fan na malapit sa kusina?
Yung bagong WiFi iniwang nakasaksak, ok lang ba?
Yung adapter ng charger naiwang nakasaksak sa extension, naku patay na!
Ahh bahala na.
Ikatlo.
Anong mahika nga kaya ang nasa hangin kapag ang inyong tawanan ay pawang walang kasawaan?
Nais mong huwag nang huminto ang oras
Manatiling ganito hanggang bukas;
Ngunit pagdating ng sumunod na pagkakataon,
Ni isang halakhak wala
Mga matang ni hindi mo makasalamuha
Iisipin mo, ano ang nagiba?
Ikaapat.
Ang aking pananalita, talaga palang nangangagat
Nakapuputol ng mga dila
Walang maisunod na kataga.
No further questions your honor kumbaga.
Next topic na ika nga.
Ika-lima.
Balik tayo sa kamatayan.
Ngayong matanda ka na, pakiramdam mo lahat ay naranasan mo na
Okay ka na sa mga saya
Okay ka na sa mga tawa
Sapat na rin ang kalungkutan
At higit sa lahat sapat na rin ang mga panguayaring ikaw ay nasaktan.
Nanaisin mo pa bang mamatay?
Nanaisin mo pa bang mamatay na lamang – kung tingin mo ang pangarap mo palang mamatay nang may mapagmahal na marka at alaala sa puso ng bawat nakasama ay basura pala.
Sunday 15Sep19 11:49
#TagalogTesting #text
– Sa Olivia & Co., may mga bangaw na lumilipad sa ulo ko habang may nagdidiskusyunan sa paligid ko.
1 note · View note
priss27 · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Importante sa akin `to May Little Green Dot sya @blindstereomoon, pero `di ko alam ano sasabihin. 🤭 Small talk na naman ba, @oneclkstraight? 🤭 Anong gagawin sa aking Pagtingin, @BenAndBenMusic? Sa mga bituin na lang ibubulong, ang lungkot, ligaya, at saya. Ang saya :) @1migueldeguzman Basta’t makasama ka, kahit sandali lang @thebandshirley Dito na me 😅 @carouselcslts, Safety ...`di ka na mag-iisa Mō Ikkai One more time Isa pa, isa pa chickenjoy! @overoctoberph Go for Monday! We’ll be fine @BannaHarbera 🎶 22:26 Sunday 05May19 #TagalogTesting #text #tugtog https://www.instagram.com/stephanie_hyodo/p/BxFaaUFBup-/?igshid=1sjh3qtcekm4f
1 note · View note
priss27 · 2 years ago
Photo
Tumblr media
kanaw, pang-uri Labu-labo na ang laman ng isip ko Di magkamaliw, litong-lito Paano ko ba sasabihin ito sa’yo? “Ika’y pumarito’t mag minindal, mag kanaw ka na rin ng iyong kape.” O, “Halika rito at mag merienda, magtimpla ka now ng kape.” Tuesday 18Oct2022 21:52 #TagalogTesting #text habang #naghahanapngtulog #pagsuboksakomedya https://www.instagram.com/p/Cj27VIQvx31/?igshid=NGJjMDIxMWI=
0 notes
priss27 · 2 years ago
Photo
Tumblr media
kanaw, pang-uri Pumaroo’t parito na ang aking kalooban Hindi pa rin magkasundo Hindi maipagsama-sama Ang balat sa tinalupan Nagpabalik-balik sa simula’t katapusan Ako yata’y nawiwili rito sa simula’t katapusan Parang wala nang hangganan At tila wala nang pag-asang makalisan Binali-baligtad na ang aking kasuotan Hindi naman ako naliligaw Nasa tamang landas pa raw Tama nga ang patutunguhan Ibang panahon naman ang basehan Pag-unlad imbes na lumalim ay tila lalong bumababaw Kung malayo na nga ang ating napuntahan Bakit lahat ng bago sa paningin na nagniningning Kinakawkaw ang bawat mahawakan At matapos maghasik ng lagim ay mag-iiwan lamang ng kaguluhan? Ngayo’y naririto na naman sa pamilyar na daanan Wari ko’y ito’y akin nang nadaanan Aha! Nandito na naman tayo sa bandang unahan! Kung saan pumaroo’t parito na ang ating kalooban, sa simula’t katapusan na walang hangganan. Tuesday 18Oct2022 21:42 #TagalogTesting #text habang #naghahanapngtulog https://www.instagram.com/p/Cj27PmYPlIl/?igshid=NGJjMDIxMWI=
0 notes
priss27 · 6 years ago
Photo
Tumblr media
back check, n. Anong nangyari sa akin? Hindi ako masaya, hindi ako malungkot - hindi ko alam, `di na rin yata ako kalmado. Wala ni halos isang katagang maisulat. Nawalan ba ng pagasa, hinding hindi na ba, masasabi ko ba’ng puso’y pagod na? Thursday 27Sep18 20:25 #TagalogTesting #text #combo #WeirdDictionary Publish to PDF Back check Edit mark-ups https://www.instagram.com/p/BoOs2qbAen1/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=57l0w05vwt8v
1 note · View note
priss27 · 4 years ago
Photo
Tumblr media
Para sa mga taong pilit nating iniintindi Pinilit nating unawain; Kahit na minsan hindi natin kaya Kahit na ikaw na mismo ay napahamak Kahit na ikaw ay nasaktan At sinaktan pang muli – Na para bang walang nangyari Haha Patuloy tayong maging tanga Para sa kaibigan nati’ng walang pandama Ipagdasal na lang siguro natin sila. Wednesday 21:57 05May21 #TagalogTesting #text https://www.instagram.com/p/COj_RoBn8SB/?igshid=1i7gtvx5yze7c
0 notes
priss27 · 7 years ago
Photo
Tumblr media
Anong nilalaman ng isip ko sa oras na ito? Nais kong magpasalamat sa’yo Nang personal Hindi yung ganito Malayo ako Hindi mo makita ang ngiti kong seryoso Malapit nang maiyak, gaya ng palaging ginagawa mo. Nais kong magpasalamat sa’yo Pero bago ‘yon Parang gusto ko ng isang mahigpit na yakap mula sa iyo Pero nagdadalawang isip ako Kasi nga, iyaking bata ako. Nais kong magpasalamat sa’yo Dahil ako’y minulat mo Sa mga bagay na ikina-balat sibuyas ko Napakamaramdamin Hindi maamin Hindi maatim `Ni hindi man lang kayang lamunin Ang mga bagay na nakakahadlang sa napakarami pa sanang pagkakaibigang tinangay na ng hangin. Nais kong magpasalamat sa’yo Sa pilit pa ‘ring pagtabi mo Sa kabila nang napakarami na Kahit sa saglit pa lamang na pagkakakilala Tangina Hindi na mabilang yata Hindi pagkakaintindihang ‘di hamak na sobra talagang nakakatawa Mistulang aso’t pusa Sa tuwing naaalala ko’y napapa-iling na lang ako bigla Nais kong magpasalamat sa’yo Uunahan na kita Bago ka pa man kumontra Na hindi na ako nagiisip, Kusa na ang mga daliri ko sa pagpindot ng kada letra Sa tingin ko’y nadadala ka na lamang ng awa Wari ko ri’y baka ikaw ay napipilitan na Sa aking mga biglaang yaya Nais kong magpasalamat sa’yo Sa wari kong muli’y natatangay ka na ng aking pagkahumaling sa aking ginagawa sa opisina Tanging dasal ko na lamang ay sana ika’y `wag mahawa Sa aking sobrang pagtatrabaho nang walang sawa Nais kong magpasalamat sa’yo Sa marami pang dahilan At nawa’y sana mas marami pang darating na dahilan Nais kong magpasalamat sa’yo Salamat sa iyo. 23:27 Sunday 13May18 #TagalogTesting #text habang #HulingHiritSaTrevi #ParaSaKaibigan
1 note · View note
priss27 · 5 years ago
Photo
Tumblr media
Marble Sunday, n. First off, HAPPY NEW YEAR!!! Today’s February 2, 2021. Everyone at work’s been joking around how it was January 48 last week, we also have a document that’s stamped January 36. Can you believe that?! Additional 5 days on the first month of the year. The longest January just passed, a lot’s happened - and we survived this.... For sure I will also survive today. I am Steph and I’ve been avoiding marble Sunday for quite some time now. So yea.. I’m always always always grateful for new mornings. All the snooze time I can get and still be early for work - thanks to Angkas. But most especially, the time when I can move my fingers, open and close them and reach for my phone to snooze alarm lol no...to check the time...it’s always a problem, waking up. Can I stand up, can I move my leg, are my shoulders tight yes they are always..., I am already tired by the moment I wake up - this is what Lupus does to my body. But I try, I always try because nobody will do it for me. I wouldn’t be able to eat all the food that I want if I won’t fight this battle that I’m always in first thing in the morning. For my work mates, friends, roommates Kevin, Cedric, and Fhebie; my mom, Roxanne, and most especially my Sunday family, I am very thankful. Every day is a blessed day, not only when we achieve something, not only when we help others but most especially when we win our own hidden battles. Thank you and have a blessed week! Sunday 15:09 01Feb20 #WeirdDictionary #text #TagalogTesting #Sundays #churchArc https://www.instagram.com/p/B8DRfaknPvx/?igshid=e9yga8wy24de
0 notes
priss27 · 5 years ago
Photo
Tumblr media
‘Pag may alak may balak. Totoo naman ‘Di ba? Pero ikaw? Bakit ganon? Papainumin kita, Lalasingin... Pero lalayo ako Mga dalawang dipa... Dahil sa tuwing may amats mo lang ako nakikita. Wednesday 20:11 29Nov17 #TagalogTesting #text habang #likelife https://www.instagram.com/p/B5cSultHSAn/?igshid=1m83pxal1uzz
0 notes
priss27 · 5 years ago
Photo
Tumblr media
Alas kwatro. Ang dami ko nang napanood na superhero movies; The Flash, Superman, Supergirl, Shazam, si Yoyo sa Agents of SHIELD, tsaka si Quicksilver Pero wala na yatang mas bibilis pa kapag yung magulang mo may bawal nang sinturon sa maka-ilang ulit nang pag-utos sa’yo para maghugas ng pinggan! Friday 21Jun19 10:26 #TagalogTesting #text At ang makupad na jeep; lulan ang isang aligaga’t pawising mamamayan, sa ilalim ng kalmadong ambon, sa kahabaan ng isang kalye tuwing rush hour kahapon, mistulang naging mas mabilis pa sa alas-kwatro! https://www.instagram.com/p/By9JKkIH2sp/?igshid=1rx6a3es89ryo
0 notes
priss27 · 6 years ago
Text
Tumblr media
Napakahirap nga ba talaga para sa akin na makatulog ng mahimbing? Sa bawat maliliit, mahihinang tunog ako’y naaalimpungatan at nagigising, naaantok, at kagila-gilalas na naihe-hele pahimbing.
Binigyan ng masikip at `di gaanong kumportableng kama, ako’y himbing na himbing.
Ilagay sa magarbong lugar, ang isipan nama’y pagala gala.
Nagbabakasakali, nagiisip, nagtataka kung bakit ang sarili’y hindi napapagod sa dumaraming taon nang pagiging aligaga at ang bawat patak sa akin ng mundo ng iba’t ibang klase ng pagbibigay-halaga – ito’y tahimik na sinasalubong, sinasamyo, at mariing ninanamnam. Hindi alintana ang pagiging mali ng nabuong haka haka. Basta’t makatagpo saya; tatayo, kukunin, kung maaari pa nga’y ibubulsa at iuuwi na.
20:10 Sunday 28Apr19
0 notes
priss27 · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Bagsak na mga mata Ngunit ang diwa’y gising na gising pa Higit higit ang malambot na laruang pambata Nagmamakaawa Mapaglaro’t malikot na isipan, please naman `wag mo na akong pahirapan. Wednesday 01:29 10Apr19 #TagalogTesting on wee hours #text https://www.instagram.com/stephanie_hyodo/p/BwCyhysBJQg/?igshid=1w0wf7nikktvm
0 notes