#slumnotes
Explore tagged Tumblr posts
Photo

2001. Slum Note. High School Hits. Too bad I lost all the letters I got back then. Do kids these days still do this kind of stuffs? 2019.365-362 #Project365 #GetTogether #HighSchool #Memories #SlumNote #WhatIsLove #WhatAttractedYouMost https://www.instagram.com/p/B6ndh4qneBY/?igshid=1ovw53yixil7f
0 notes
Text
Simula nung bata ako kapag tinatanong ako kung ano gusto ko paglaki ko ang una kong sagot is maging Doctor. Kapag sumusagot naman ako ng Slumbook/Slumnote ng mga classmate ko nung Elementary ang nilalagay ko sa Ambition is To be a Doctor. Noong nagtake naman ako ng NCAE at nakuha ko na yung result, ang lumabas na top 3 sa list na career na gusto kong i-pursue based sa exam is Doctor of Medicine, Medical Technologist, and Dentistry (arranged ‘yan in order). Pero kung tatanungin mo talaga ako, gusto ko talagang maging doctor or basta related in medical dahil pangarap kong magtrabaho sa ospital at tulungan ang mga may sakit. So habang binabasa niyo ‘to, maraming tanong na agad ang nasa isip niyo. Kaya here are some general questions na frequently tinatanong sa akin tuwing kinekwento ko ‘to sa ibang tao.
Bakit ComSci ang kinuha ko at hindi any of pre-med courses? Sa totoo lang talaga hindi ko alam kung bakit ito ang course ko. Siguro ko kinuha ko to dahil naubusan na ng slot sa BSIT nung time na nageenroll ako (BSIT is my second option) na ang akala ko eh almost the same lang sila pero hindi pala.
Pero bakit hindi ka nag-Go sa pre-med course? Eh may free will ka naman to choose your course. I planned to take pre-med course to the schools kung saan nagtake ako ng College Entrance Exam dati. Una sa UPD, balak ko i-take dun is BS Biology dahil mahal ko talaga ang Biology since High School eh kaso hindi nakapasa sa UPD kaya ayun. Next is sa UST, my priority course to take there is BS Nursing which is hindi ko naman pala alam na priority course pala yun dun at mataas dapat ang score mo kung gusto mo talaga yun eh di kinaya so ayun bagsak. Other schools na nagtake ako ng exam is UE Cal, FEU-Tech, and PUP at ang course na kinuha ko na dun is not pre-med dahil wala namang pre-med diyan sa mga schools na yan and there’s a realizations na nabuo sa isip ko that time.
If kukuha ako ng pre-med, maraming Chem na subjects at Chem is the subject where I’m weak. Hindi naman weak lol hahaha medyo di ko lang type dahil natrauma na ako dyan noong 4th year high school ako nung nagkaroon kami ng subject na Advanced Chemistry huhuhu.
If kukuha ako ng pre-med, magastos siya lalo na kapag nagtuloy ako ng medicine which that time nag-aaral na rin ang kapatid ako ng college. Naisip-isip ko na baka maging burden yun sa parents ko na ang mahal mag-paaral tapos sabay pa kami ng kapatid ko eh tapos na rin naman ako ng degree course kapag nagcollege na siya though sabi naman ng tita ko eh mag-aral daw nalang ako ulit at suportado niya naman ako. Naisip ko naman na may sarili siyang pamilya at sariling anak which is mas kailangan niyang suportahan kaysa sa akin.
Bakit mo naman kasi naisip mag-doctor/mag-med after grad? At sino ang nagpipilit sa’yo na mag-doctor? Nasabi ko na nga kanina kung bakit gusto ko talaga. Tita ko ang nagsasabi sa akin dahil alam niya na gusto ko talaga. Sabi niya pa dati habang kausap ko siya sa phone, hanggang maaga pa raw eh magshift na ako sa pre-med course which mas nagpalakas pa sa pagdadalwang isip ko na magshift nung bago ako mag-3rd year college. At ayun nga naisip ko rin na bakit ako magshift since malapit na ako grumaduate and ang dami ko ng responsibilities after graduation lalo na sa kapatid ko.
By God’s grace and kung bibigyan pa ako ng lakas ng loob ni Lord, mag-try ako mag-take ng NMAT before grad. Buti nalang hindi required na pre-med ang course mo para makapagtake ka ng NMAT. Hindi ko pa nakakausap ang tita ko about sa kung ano mangyayari. If ever na nagtake ako at nakakakuha ako ng mataas ng score titignan ko pa rin depende sa sitwasyon that time. Ngayon hindi pa full ang desisyon ko, bigyan lang ako ng tita ko ng words of wisdom and sign ni Lord at doon pa lang mabubuo ang desisyon ko. Basta need ko grumaduate this 2019 and galingan sa thesis.
19 notes
·
View notes
Text
last na talaga.as in.
dito nalang ako nagkakalakas ng loob ikwento yung lovestory ko mag isa.. ahahaha
dati uso yung autograph/slumnote.. tapos syempre nakakahiya naman kung ikaw lang yung pasusulatin ko dun.. syempre pumapasa muna yun sa iba bago mapunta sayo..
tapos pag nakapagsulat ka na, hindi na ako magpapasulat sa iba.. ahahahaha
mga technique ko talaga dati.. ahahahha
tapos gusto ko mabasa yung ideal girl mo dati, kung ano sinulat mo, ano mga nilagay mo..
tapos ang nakita ko tahimik at mabait.. hahahaha nakakatawa kaya, feeling ko ako yun.. ahahahha haaayss..
nung nagkaroon ko ng cellphone na may camera.. natutunan ko mag friendster dati.. ahahaha yung dating data connection kahit di pindot yung phone mo..
pero ang nangyayare lagi lang ako tambay sa profile mo.. ahahahah tas nagbabasa ng testimonial.. pa famous ka kasi dati.. ahahahha
nung nalaman kong mawawala na ying friendster.. nanguha ako ng picture mo, tapos pinagkatago tago ko sa pinakamalayong folder na hindi pdeng makita ng ibang tao.. ahahahaha natawa lang ako, kasi hiningi yung phone ko na yun, tapos siguro 1 week na bago ko naalalang may pic mo nga pala dun.. ahahah walang araw na sana hiniling ko walang makakita ng pic mo na yun.. ahahaha
sa kabutihang palad naman, ako lang din ulit nakakita at dinelete ang picture na yun.. ahahaha
ang dami ko palang memories tungkol sayo.. ahahaha
dati nauso yung "gunbound" basta yun.. online games yun.. tapos nalaman kong naglalaro ka nun, nalaman ko lang naman sa kapatid mo kasi close kami.. nagka friends tayo.. tapos nagka chat.. ahahahaha yung tipong feeling ko ayaw ko na matapos yung time ko dun.. pero bat kasi nag oonline ka patapos na ako.. gustuhin ko mang mag extend nun kasi nag eenjoy akong kausapin ka.. pero wala eh.. ubos na ipon ko.. hahaha
ano pa ba?!
nung araw na nagtapat ako sayo, wala lang nun, kasi feeling ko hindi na kita crush, at feeling ko kaya ko na sarili ko.. nagtapat ako ng feelings ko sayo.. tapos sinabi mo lang, alam mo na yun.. ahahahaha
gustuhin ko man maretrieve yung msg na yun.. hindi ko na alam.. wala na.. ahahahaha

(eto nalang yung tanging nabasa ko.. ahahahha hindi ko alam kung anong picture yun.. ahahaha 2010 pa to.. )
pero kasi baket nung last na usapan natin pagtapos ng pagtatapat ko sayo, magpapansinan na tayo..yun ang naging usapan..
october 4 yun.. gabi..
baket kasi hindi ko magawang makapag hi man lang sayo.. ngumiti man lang..
baket bigla nalang ako namula..
baket bigla nalang ako natulala..
at baket..
sobrang kabado ako nun..
hindi ka naman matanggad.. chinito ka lang.. ahahahah
hindi ka naman gwapo.. pero ang lakas ng appeal mo..
haaysss sana talaga kung naging matapang lang ako nun, para harapin mismo yung nararamdaman ko.. feeling ko wala lang tong nararamdaman ko sayo.. feeling ko.. magiging super friends tayo.. at sobrang ittreasure ko yun..
ang sarap lang balikan ng mga nakakatawang kwento ko tungkol sayo..
at hindi ko to malilimutan.. ahahahaha
to my long time crush,
bye. :)
0 notes
Photo

Nahalugkat Lang sa Baol ... Waahh Namiss Ko ang HighSchool Life ... Mga Message sakin ng mga Classmates ko Before Graduation sa Hskul ... Miss ko na ang DCNHS ... Excited na ko umuwi sa May... Kita Kits mga Batchmate 2010-2011 IV-Saguittarius #SlumNotes #HighSchoolMemory
0 notes