#sila pa lagi q kasama huhu
Explore tagged Tumblr posts
rantblog04 · 1 month ago
Text
Idk if it's just me being too sensitive but i don't really appreciate the jokes my friends in college make about me. Sorry po kung mabilis aq magtampo, it's just that dinidibdib ko lahat kahit jokes lang ☺️ Maybe it's just me but my old hs friendgroup really set the standards too high for me when it comes to having friends cause at least their jokes don't feel mean spirited. At least with them, i feel that i can laugh with them, not feel like i'm the one being laughed at...
0 notes
carylsssss · 6 years ago
Text
ngayon na lang ako nakauwi nang lagpas 12am ulit dahil sa work. sukang suka at hilo ko ngayon to the point na ayaw ko na mag-isip for work. bigla ko nafeel lahat ng pagod ko for the past three weeks.
shet three fucking weeks. wala ko masabi. sa three weeks na yun, everyday conscious choice ko yung maging masaya at magmove forward. wala lang feeling ko kasi itong recent ex ko pinakalove ko sa lahat. i was rooting for us, sobra tapos ganon. natatakot ako na rip caryl na naman me pag di ako gumawa paraan para maging okay hahaha. ayaw ko na maging sad nang matagal no, hassle ng ganon. kaya im doing what i can do just to be okay. yon puta ubos energy at pera ko ih pero legit na sumasaya ko huhu. kahit gano pa kakalat at gastos tong pinaggagagawa ko sa buhay hahaha. pero syemps, katangahan naman kung sasabihin ko na di ko na naiisip yung nangyari or di na ko nasasad lol. naiisip ko pa rin everyday pero di na ganon kasad at may mga certain trigger na lang na thoughts na nakakasakit talaga. other than that, wala na. dapat.
minsan nga di ko na naiisip na ginagawa ko yung mga bagay bagay para maging okay e. parang gusto ko na lang talaga gawin kasi naeenjoy ko hahahaha potaena nu ginagawa ku. dami ko din new friends ngayon at dami nagbago nyeta hahaha. tapos super dependent ko sa friends ko now kasi gusto ko lagi ko sila kasama and kausap din hahahahaha such a baggage. buti na lang always g sila. ang saya pero eto ata ikakamatay ko jusq. basta yon, konting time na lang talaga zz, im almost there. wag lang ako magoonline at kausapin sya para di na ko magopen ng wounds haha. (wow escape plan) tsaka the more na nafefeel ko na wala na talaga sya pake kasi wala sya ginagawa, the more na natatanggap ko lahat e.
dami ko sinabi. bottomline: masaya ko pero sobrang pagod ako hahahahaha mamamatay na q.
7 notes · View notes
firstofaugust-blog1 · 7 years ago
Text
07-26-2017
11:58 AM. JWU. Bakit ganon? Okay na ako kahapon eh. Ngayon ganito nanaman paggising ko. Sakit nanaman ng puso ko. Wala naman ako panaginip. Siguro namimiss ka lang nito. Ang sikip parang di ako makahinga. Dahil ata sa ulan ‘to eh, kaya malungkot yung gising ko.
Anywayyy good morning!! Lunch time na, ang aga ko nagising. 6 na ako nakauwi eh. Tinatamad ako pumasok. Umuulan ata sa labas eh. Ayoko din naman magmukmok nalang dito. So paano na? Haha. Lunch ka na, kumakain ka na ba ng ayos? Malamang diba di ka naman tulad ko haha. Sana masaya ka. 😊 Sana maluwag na yung dibdib mo. Hanggang kailan ba tayo ganito?
1:55 PM. Ayuun. Uber na ako. Nagbreakfast na ako sa wakas. Naglugaw sila sa bahay eh. Ang sarap hehe. With bawang, chili, pepper, onion springs and calamansi!! Miss kita ulit haha yung calamansi kasi ang lalaki eh. Lumapit nanaman si mommy. Ano daw problem ko. Hahaha. Sabi ko baliw sya. Atleast di na ako naiyak ulit. Wala na ubos na luha ko. Puso ko nalang umiiyak hahahaha char.
Nanood sila showtime hahahha nakakatawa pala yun? Yung Q&A ng mga bading hahaha sayang di ko natapos dumating na uber eh. Pero gusto ko manood araw araw hahaha nakakatawa yung mga bading ang wiwitty. Watch mo yung episode today! Haha. Naglunch ka na kaya?
3:27 PM. Office na meeeee. Katamad today. Hehe. Dami namin free time, dinner tayo! Hahahaha. Feel ko maaga kami uuwi. Dalaw ata si gianina dito, gusto ko magkwento pero baka yakapin ko nalang sya hehe. Nakakatuwa kahit papano may friends din naman ako na maaayos. Pero miss ko na bestfriend ko. 😢 Ikaw yon hahaha ngayon etong Tumblr nalang ang bestfriend ko.
Anywayyyy gutom ako ulit? Naglugaw naman me. Bili ako pineapplejuice at skyflakes sa family mart. Lamig ngayon, parang tayo. Hahahaha . Dinadaan ko nalang sa haha lahat para makalimutan ko na masakit. Hahaha. May lakad ka nga pala mo? San ka kaya pupunta? San ka kakain? Oks na din yun para bumalik na yung saya mo, alam ko naman lagi ka masaya pag kasama mo sila eh. Nafeel ko na kasi dati na parang di kita napapasaya katulad ng saya mo pag kasama sila. Kaya pag nagkkwento ka tungkol sakanila nalulungkot ako ng konti. Pero okay lang naman kasi alam ko naman na magkaiba kami. Anywayyyyyyyy hahaha enjoy ka later sana matuloy kayo. 😊 Behave ka lang ha hahahaha i love youuuu facebook muna ako. 😙😙😙
7:29 PM. Hiii. San ka na kaya? Natuloy kaya kayo? Or gym ka ngayon ulit? Or uwi na? Hmm. Dinner ka na ba? Nagugutom na ako. Dko alam ano kainin ko. Tatamad ako bumaba umuulan eh. Aun petiks ngayon dito sa office. 5 palang ticket ko sa buong release na. Hahaha wrong timing talaga kainis. Aun. Pwede pa ako umuwi ng maaga. Gusto ko na nga umuwi ng 10 eh kaso wala naman ako gagawin sa bahay kaya dito nalang.
Aun miss na kita, tinitignan ko ig feed mo kanina eh. Di ka narin naman nagppost ng pics natin!! Mas madami pa ako post kesa sayo this year no hahaha. Tapos nakita ko yung posts ko nung 5th anniversary natin. Lungkot nanaman ako. Ganda pa ng mga caption ko eh hahahaha tapos wala rin. Miss na kita love, balik ka na, akin ka na ulit. Tagal mo naman eh hahahaha. Sana sa anniversary natin okay na ulit na parang joke lang to lahat hahaha. Pero syempre asa naman ako diba. Hahaha. Pano kaya ako mabubuhay sa araw na yon? Deploy pa naman. Hmm. Lutang nanaman siguro ako nun. Anywayyy sige code na ako ulit. Mahal kita. 😙
7:47 PM. Hala tamad talaga ako. Lumilipad yung isip ko sayo. Ano na kaya ginagawa mo ganun? Tumatawa ka kaya? San ka na kaya. Hmm. Dapat dinner tayo ngayon eh hahaha gutom na talaga ako. Kaso ayaw ko kumain sa baba wala ako kasama malulungkot lang ako kakaisip. Hayss balik ka na kasi!!! I miss you so much 😢😢😢
8:01 PM. Tatamad talaga ako magwork!!!! 2 days na tayo wala usap ahhh. Tibay ahh. Hahaha. Gutom na ako huhu tagal ni jen sasabay ako eh.
8:49 PM. Tagal putek. Di parin sila tapos. Kung kaya ko lang kumain magisa ngayon eh, kanina pa ako tapos. Hayyy. Kumain ka na kaya? Nakailang refresh na ako ng facebook. Sobrang bored ko wala ako magawa haha. Actually may tickets naman pero wala ako gana. Miss na kita kausap. Hay.
0 notes