#savesanroque
Explore tagged Tumblr posts
Text
It's been a while since I've posted here.
Lez try to revive this account 😁
#litshot
6 notes
·
View notes
Text
SR, may lab sow swit.
Ngayon ay ang ika-11 taon ng Barikadang Bayan ng Sitio San Roque. Magbabalik-tanaw lang ako sa mga naging karanasan ko sa komunidad.
Nagsimula noong Mayo 1, 2019, na bagong na-rekrut na miyembro ng Bahaghari, inimbitahan din ako ng kasama na maging volunteer sa Save San Roque, alyansang organisasyon na nagtataguyod ng karapatan at kagalingan ng mga maralitang naninirahan sa Sitio San Roque.
Makaraan ng isang linggo, nakapunta na ako sa komunidad. Mabuti’t malapit lang din sa tinitirhan ko. Umupo ako sa pag-aaral patungkol sa neo-liberalism at ang relasyon at epekto nito sa buhay ng mga maralitang tagalungsod. Pinakita ng mga volunteers ng SSR at ng mga lokal ang pocket demolition na ginagawa ng mga Ayala. Namigay din kami ng Pinoy Weekly at nag-interview sa mga residente para sa Community Development Plan. Ang dalawa sa mga mainit na tumanggap sa amin ay sila Ka Inday at Ka Ricky (Rest In Power!!!). Hinihikayat kami na umupo sa pag-aaral na MK sa susunod na linggo. Bilang baklang uhaw sa kaalaman at bagong-salta sa kilusan, umupo ako sa pag-aaral sa sumunod na linggo.
Naulit ng maraming beses ang paglubog ko sa komunidad. Napasama rin ako sa mga pagkilos mula City Hall hanggang Pandi. Marami rin akong mga kasama ang hinikayat na tumungo sa komunidad.
Sa gitna ng ligalig na nararanasan ko sa pamilya, pinansya, mental health at sa mismong sarili, naging ligtas na espasyo at takbuhan ko ang mga kasama sa Save San Roque at ang komunidad.
Unang beses ko ring naranasan na magsalita sa pagkilos ay dahil sa mga kasama sa SSR na nagtiwala sa akin kahit baguhan pa lang ako noon. Kapasyahan bago kahandaan, ika nga.
“Mars, pwede bang magsalita ka para sa Bahaghari?”
Ang nakakatuwa rin sa buong karanasang ito ay karamihan sa mga nakasama kong volunteers ay mga miyembro rin ng LGBT community. Nakikihanay ang sangkabaklaan sa masang api. Napakaraming mga masasayang alaala kasama sila na lubos ko ring nami-miss dahil sa pagtrabaho ko, sa pandemya at pagtangan ng ibang tungkulin bilang buong-panahong aktibista.
May clique din kaming tinawag na Yosi Sector, at ang nakakatawang alaalang naranasan ko ay ang sabay-sabay naming paghithit-buga ng sigarilyo na nakapaikot. Parang mga tanga.
Nakaka-miss din ang mga baklaan at marehan namin habang gumagampan ng gawain at matapos ang mga gawain --- ang pagkain at pag-inom ng alak ng sama-sama, na hindi na natin halos nagagawa sa panahon ng pandemya.
Ang muli at huli ko pang pagbalik sa komunidad sa panahon ng pandemya ay ang pagbigay ko ng pag-aaral patungkol sa SOGIE at LGBT Situationer sa mga kabataan ng komunidad noong Agosto 2020.
Sa kabila ng matagal kong hindi pa muling pagpakat sa komunidad, nakakatuwa na kilala pa rin ako ng mga nanay at ng mga kabataan kapag nagkikita kami sa mga pagkilos. Sa San Roque ko unang naranasan ang init at tindi ng pagmamahal ng masa kung ikaw ay buong-pusong naglilingkod at nagtitiwala sa kanila.
Balik lang uli ako sa pag-upo ko sa unang beses sa pag-aaral ng MK. Ang naging instruktor ng pag-aaral na iyon ay kalauna’y pumukaw ng aking damdamin dahil din sa sikhay niya sa gawain lalo na noong nagkasama kami sa maraming gawain at pagkilos sa komunidad.
At bilang pagbibigay-pugay kay Ka Ricky, bukod sa isa sa pangunahing naghikayat sa akin na umupo sa pag-aaral, sa isang panahon, noong magkasama kami sa sasakyan patungong Pandi, natanong ng isang kasama ang pagtingin niya sa mga LGBT bilang siya’y isa ring pastor.
[NV]
“Tay Ricky, ang sinasabi daw ng Bibliya, kasalanan daw ang maging bakla. Ano po ang pagtingin niyo doon?”
“Mali naman iyon.”
Nakakatuwa naman talagang marinig ang pagtanggap ng isang taong-simbahan sa mga LGBT, at gayon din naman ang pagtanggap ng masa sa amin bilang kahanay din nila sa pakikibaka at tunay na paglaya.
Napakamalapit sa puso ko ang Sitio San Roque. Nawa’y makalikha pa ko ng maraming alaala at makakuha pa ng maraming aral sa komunidad sa mga susunod na panahon, lalo na sa pagtatapos ng pandemya.
Hanggang sa muling pagkikita. Isa iyang katiyakan.
Patuloy ding nagsisilbing inspirasyon ang matagumpay na pakikibaka ng San Roque sa ika-11 anibersaryo ng kanilang Barikadang Bayan, lalo na sa iba pang mga maralitang komunidad. Sa sama-samang lakas at pagkakaisa ng masang api, isang katiyakan ang hakbang-hakbang na pagsulong tungo sa ganap na tagumpay.
Mabuhay ang Batikadang Bayan ng Sitio San Roque!
Mabuhay ang pakikibaka ng maralitang tagalungsod!
Sulong hanggang sa tagumpay!
0 notes
Photo
C//#SaveSanRoquePhotandArtExhibit 🌻🎨 #artexhibit #artgallery #visualarts #conceptualart #contemporaryart #film #installationart #photography #filmphotography #photoexhibit #protestart #politicalart #artisvism #wheninmanila #wheninUPDiliman #SaveSanRoque #art #artwork #artph #manilaart #asianart #asianartist #asia #southeastasia (at Ismael Bernal Gallery, UP Diliman) https://www.instagram.com/p/B2S4JVwnO-f/?igshid=rvvmypk8tsll
#savesanroquephotandartexhibit#artexhibit#artgallery#visualarts#conceptualart#contemporaryart#film#installationart#photography#filmphotography#photoexhibit#protestart#politicalart#artisvism#wheninmanila#wheninupdiliman#savesanroque#art#artwork#artph#manilaart#asianart#asianartist#asia#southeastasia
0 notes
Text
Check out @itsLeansanchez’s Tweet: https://twitter.com/itsLeansanchez/status/1158931431680180225?s=09
0 notes
Photo
@/sphxxbi: hi everyone! for my bday this year para may purpose tayo char this donation drive will help @/SaveSanRoque’s Kusinang Bayan + my favourite kids at @/savelumadschool & for a min. donation of 350, you get a chance to win merch! (see poster below.) form: https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSd_QEMuorVxjCrwtSRu-CNqoXkBp4o0uwGI0fmVfhlolo7zvw/viewform . 📲 FOR IN KIND DONATIONS, INQUIRIES AND OTHER CONCERNS: instagram: sph.j telegram: notphee . DRIVE UPDATE 🚩 04/17/20, 12:46am We are already at ₱5,350!! Few thousands away from our target number 🤞🏻 🌠 This drive will also help our local farmers from benguet as food supplies will be bought from them! . ❗️DRIVE WILL RUN & ACCEPT DONATIONS UNTIL THE FIRST WEEK OF MAY to be able to accommodate donations from those who cannot send through our given mops right now. After ECQ if bank deposits are troublesome for you, GCASH transfer is possible through CLIQQ Kiosks at 7/11 branches. . 📥 INTL DONATIONS SEND THEM THROUGH PAYPAL [email protected] send as friend or family form for intl donors: https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSep4uShgbEWAGOoOJbns6sEDjl9PRBOw30IqM6nvVbp-4zolg/viewform?usp=send_form DONT FORGET TO FILL UP THE FORM AFTER SENDING DONATIONS thanks! Cr: @/sphxxbi https://www.instagram.com/p/B_HQ3FAB4f_/?igshid=okqlqmbid9kx
0 notes
Photo
hey @Twitter this account @SaveSanRoque is doing essential work many people are relying on, bring them back https://www.instagram.com/p/B-bRWs_nZGrXrcatEtsZiz0ouVtd6UsxFp70dk0/?igshid=qjlm0tm2zpma
0 notes
Text
San Roque, July 2019
Sharing photos from last July’s visit at Sitio San Roque.
Walls of San Roque’s center where volunteers are fed by meals cooked by the community.
Good boys.
The gap between the rich and the poor could easily be spotted in San Roque. Tall buildings tower over the people’s houses which are made of wood and substandard materials.
The same towering buildings were constructed by workers living in the urban poor community. Deprived of decent living wages, proper working conditions, and even their right to home and the city, will the community even experience living in the condominiums their own hands built?
The land in San Roque is fertile. Above is a photo of a squash’s leaf which randomly grew in the site. Aside from squash, Kangkong also used to grow in the area.
Residents preparing for a debut.
A small Muslim community also settles in San Roque, because of this, food stalls offering halal food also emerged in the community, and this serves as a source of livelihood to some residents.
Follow @SaveSanRoque on Twitter and Facebook to learn more about the community and volunteer.
0 notes
Quote
RT @SaveSanRoque: BREAKING: Ikatlong araw ng Kusinang Bayan, binulabog ng mga pulis Sa kabila ng mapayapang bayanihan sa Kusinang Bayan ng San Roque, may higit 15 na pulis ang sumugod sa dalawang kusina para punitin ang mga nakakabit na panawagan para sa ayuda. #BigasHindiDahas #StandWithThePoor https://t.co/8p0O7Gty9n
http://ifttt.com/missing_link?1586158330
0 notes
Photo
B//#SaveSanRoquePhotandArtExhibit 🌻🎨 #artexhibit #artgallery #visualarts #conceptualart #contemporaryart #film #installationart #photography #filmphotography #photoexhibit #protestart #politicalart #artisvism #wheninmanila #wheninUPDiliman #SaveSanRoque #art #artwork #artph #manilaart #asianart #asianartist #asia #southeastasia (at Ismael Bernal Gallery, UP Diliman) https://www.instagram.com/p/B2S4CHbnnAp/?igshid=1ujges6r0vdrk
#savesanroquephotandartexhibit#artexhibit#artgallery#visualarts#conceptualart#contemporaryart#film#installationart#photography#filmphotography#photoexhibit#protestart#politicalart#artisvism#wheninmanila#wheninupdiliman#savesanroque#art#artwork#artph#manilaart#asianart#asianartist#asia#southeastasia
0 notes
Photo
A//#SaveSanRoquePhotandArtExhibit 🌻🎨 #artexhibit #artgallery #visualarts #conceptualart #contemporaryart #film #installationart #photography #filmphotography #photoexhibit #protestart #politicalart #artisvism #wheninmanila #wheninUPDiliman #SaveSanRoque #art #artwork #artph #manilaart #asianart #asianartist #asia #southeastasia (at Ismael Bernal Gallery, UP Diliman) https://www.instagram.com/p/B2S340vnVZT/?igshid=b1mof633hv2f
#savesanroquephotandartexhibit#artexhibit#artgallery#visualarts#conceptualart#contemporaryart#film#installationart#photography#filmphotography#photoexhibit#protestart#politicalart#artisvism#wheninmanila#wheninupdiliman#savesanroque#art#artwork#artph#manilaart#asianart#asianartist#asia#southeastasia
0 notes
Text
Sining San Roque
Ilang mga litrato mula sa bisita sa San Roque noong Hulyo. Ngayon lang naupuan kaya pasensya na at ngayon lang din nakapag-upload.
Ito ang pangunahing Sining San Roque. Sama-samang pininturahan ng ibang mga artista ng bayan at mga mamamayan ng San Roque ang isang erya sa komunidad para mapigil ang inaabangan ngunit na illegal na demolition.
Nakakainit ng puso na masaksihan ang komyu at mga volunteers na magkaisa sa paggawa ng ganitong klaseng protest art. Natuwa rin ako noong makita na mga anak ng San Roque mismo ang aktibong nagpipinta ng sariling mga panawagan, simple lang ang kanilang mga hinihingi, pero kitang kita sa puspusan nilang pagpipinta ang sinseridad.
Nahinto naman ang demolition at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito natutuloy. Nakalulungkot nga lang na nagtatayo na ng barikada sa ibang parte ng komyu at dahil dun ay hindi makapasok ang mga naninirahan sa kanilang bahay.
Alam ko marami pang ibang Sining San Roque ang nakaabang! Kung may nagbabasa man ng posts ko dito hahaha check niyo na lang ang @SaveSanRoque sa Twitter para sa iskedyul. :)
0 notes