Tumgik
#sana kwago (owl)
lianchuann · 3 years
Text
Tumblr media Tumblr media
omigod u guys
2 notes · View notes
myowl · 4 years
Text
Page 1
Anyeong hashim nika!
Meron akong ordinary and plain story na gustong ishare. Maaaring typical story para sa iba, pero sobrang special para saaming dalawa. Dahil ito ang kwento kung paano kami nagkakilala.
Itago natin sya sa pangalang Kwago.
Nagkakilala kami ni Kwago sa isang streaming app. Streamer ako then viewer ko sya. I started to install this app during quarantine, second week ng May yata. Sobrang bored ganun kasi ECQ, sa bahay lang kaya stream stream na lang. Para din mabaling atensyon ko sa ibang bagay dahil may taong iniwan ako nung panahong nagstart ang ECQ nung March. So effective naman kasi nakalimutan ko sya kakastream ko almost everyday ang dami kong nakilala and naging friends and believe me, masaya. Well depende kung kalog at friendly ka sa harap ng camera. While I'm streaming mga mid June yata, may pumasok na username "Sana Owl". At first hindi ko pa gets yung meaning, then sya nag explain na ang ideang yun ay galing sa famous line na "Sana all" plus yung pagkahilig nya sa mga owls kaya nabuo yung ganung username. Sya yung viewer na mala-anonymous. Walang pic sa profile, image lang ng owl. And babae yung gender nya sa bio. Pero feel ko naman agad na lalake sya the first moment na pumasok sya sa stream ko. Ewan ko din kung bakit. So this "Sana Owl", na dahil sa medyo malabo ang mata ko at some point nababasa kong "sona" yung "sana" nya, ay may gusto sa ibang streamer. Days pass napapadalas ang pagtambay nya sa stream ko kaya nakakapagkwentuhan kami ng mga bagay bagay at isa na doon yung crush nyang streamer. I'd like to explain na ang way ng pagkekwentuhan namin ay yung typical na streamer-viewer thing. Ako yung streamer tapos binabasa ko mga comment ng viewer. And eventually this "Sana Owl" that we simply named Kwago became my loyal viewer. Nakasanayan nyang humugot sa stream ko dahil nga dami nya hugot sa buhay este sa crush nya pala na streamer na unfortunately ay may boyfriend daw according to him. Kapag hindi nakastream yung crush nya, sa stream ko sya tumatambay. Then halos everyday nakastream ako ng 3-4 hours straight so everyday din kaming magkausap dahil lagi syang present sa stream ko to the point na napapansin na sya ng ibang viewer ko and pag minsan may gawin lang sya saglit tatanungin agad sya sakin, "Nasaan si Kwago, wala yata." Nakasanayan na lang ng ibang viewer ko na nandun sya lagi sa stream ko. Then lumalim pag hugot nya coz ikakasal na daw yung crush nya. Punta na tayo sa eksenang naging interested na ko sakanya. Basta na lang nangyari na nafeel ko ang nya ganun. Nag aassume na din ako ng something kasi lagi sya sa stream ko kaso nagbubullyhan lang kami nag aasaran ganun. Then one evening nakareceive ako ng first chat from him. Nagtatanong kung hindi daw ba ako maglilive. Bilang streamer, meron akong rules na hindi ako makikipagchat sa mga viewer ko. Gusto ko makakausap ko lang sila sa live ko. Pero in his case, nabreak ko yung rules. Naging magkachat na kami gabi gabi hanggang paumaga pa nga. Midnight talks ganun. Para kaming bumalik sa teenager. Hanggang sa nagkaaminan. Hindi na daw nya crush yung crush nya. Iba na daw crush nya. Ako na daw ganun. Edi si ate girl napaamin na din. "I find you interesting" sabi kong ganun and the rest is history.
0 notes