#sabaysabay
Explore tagged Tumblr posts
napanday-a-balikas · 7 months ago
Text
Balik-Bayan Box
(Ni: James C. Molina)
****Flash Fiction****
Matulin ang sinasakyang bus ni Isagani papunta sa Candon para mag-aral. Umaga kasi ng Lunes kaya maraming pasahero ang sasakay kaya nakikipagkarera ang tsuper sa iba pang mga sasakyan sa pagkuha ng mga pasahero.
Nakadungaw si Isagani sa bintana, nagmumuni-muni habang pinagmamasdan ang bawat lugar na madaraanan. Paidlip na sana ito nang biglang tumunog ang kanyang telepono kaya agaran nitong inangat .
“Si mommy ang tumatawag”  nahimasmasang sambit sa sarili.
“Kumusta ka anak ininom mo ba ang mga vitamins mo?” malamyos na tinig ng ina sa telepono na nasa Indonesia nagtratrabaho. “Magpapadala ako ng balik-bayan box sa susunod na linggo at saktong makukuha niyo ito sa araw ng iyong kaarawan” paglalambing sa anak na malayo sa kanya.
“Nabili mo na ba ang pinapabili kong Addidas na sapatos at Iphone 15” seryosong sambit ni Isagani sa telepono habang nakaupo sa bus at nag-iinat ng mga kamay.
“Nabili ko na ang sapatos anak ngunit hindi ko pa nabili ang cellphone na gusto mo. Bagong modelo pala iyon kaya pala mahal” sambit ng ina na dinig ang magkakasunod na buntong hininga sa telepono na tila pagod na pagod.
“Sinasabi mo lang ‘yan dahil ayaw mo akong bilhan” pairap sa mata na nasambit ni Isagani.
Mayamaya pa ay lumapit ang konduktor kay Isagani. “Saan po kayo sir?” malugod na tanong ng lalaking naka unipormi ng malarosas.
“Candon plaza, student ako” sambit ni Isagani sabay humugot ng pambayad sa kanyang pitaka.
“60 pesos po” tugon naman ng konduktor sabay bigay ang tiketa at kinuha ang bayad ni Isagani.
“Anyway, mommy, isabay mo na ring ilagay sa ipapadala mong balik-bayan box ‘yong gold necklace na gusto ko” pagpapatuloy ni Isagani sa naantalang pag-uusap nila ng kanyang ina sa telepono.
“Teka lang anak hindi ko muna mabibili nang sabaysabay ang mga iyan” mabilis na tugon ni Lucia sa anak.
“Parang iyan lang hindi mo pa maibigay. Wala kana nga dito sa puder ko” pabulong na sabi ni Isagani nang tinignan niya sa bintana kung malapit na ba ang sinasakyan niya sa kanyang patutunguhan.
“Anak, kapapadala ko pa lang ng limang libo noong nakaraan sayo para sa sinasabi mong graduation fee mo. Kaya wala muna akong pambili ngayon nasagad na kasi ‘yong sahod ko noong nakaraang buwan at ‘yong sahod ko ngayon na-advance ko na rin noong nakaraan” maluha-luhang sambit ng ina. “Kahit wala ako sa pudermo mahal na mahal kita at kaya ako nagtungo dito ay para sa kinabukasan mo. Tinitiis ko ang pangungila ko sa iyo, kayo na pamilya ko” dagdag ni Lucia.
Walang tugon si Isagani at minabuting ibinaba na lamang ang telepono habang nagsasalita ang ina. Mayamaya pa ay huminto na ang sinasakyang bus sa plaza ng Candon. Nakipag-unahang tumayo at bumaba sa bus si Isagani dahil mahuhuli na ito sa kanyang unang klase. Hindi na rin niya namalayang natabig niya ang kinakaing mani ng batang nakaupo sa kanyang harapan sa labis niyang pagmamadali.
           Pagkalipas ng dalawang buwan masayang nagtatawanan at nagiinuman sina Isagani at ang kanyang mga kaibigan sa kanilang bahay sa araw ng kanyang kaarawan.
“Kabilin-bilinan ng lola
'Wag nang uminom ng serbesa
Ito'y hindi inumin pang bata
Mag-softdrinks ka na lang muna
Pero ngayon ako'y matanda na
Lola, pahingi ng pang-toma
Ayan na nga, tumataas na ang amats ko
Kasi laklak maghapon, magdamag…” malakas na tunog ng videoke habang kumakanta ang lasing na kaibigan ni Isagani habang sumasayaw sila.
Mayamaya pa ay may lumapit na lalaki at nagtanong kung sino si Kyle Isagani Perez. Agad namang tumugon si Isagani, “Ako nga iyon!”.
            “Pirmahan na lang po ninyo ito, sir” sabay abot ng lalaki ang mga papeles kay Isagani.
            “Baka iyan na ang pinadalang balik-bayan box ng iyong ina” sabik na sabi ng kanyang ama. Napangiti si Isagani dahil sa wakas ay mahahawakan na niya ang mga bagay na ipinabili niya sa kanyang ina sa ibang bansa at maipagmamayabang niya ito sa kanyang mga kainumang kaibigan.
            “Mag-inuman pa tayo, maghapon hanggang magdamagan! Marami pang inumin diyan” pahalakhak na sigaw ni Isagani sa kanyang mga kaibigan.
            Ang kasabikan ay nabalot ng katahimikan, pagkabigla at pagtulo ng luha nang ibaba na ang balik-bayan box na galing Indonesia. Bumungad ang kahong mahaba at kulay puti at isinunod na ring ibinaba ang mga koronang bulaklak. Ito na ang ina ni Isagani na nasa loob ng balik-bayan box. Mahimbing ang tulog at walang hininga. Kalakip sa balik-bayan box ang mga ipinapabili ni Isagani na mga bagay na nanatiling nakatala na lamang sa sulat ng ina na kanyang bibilhin, “Mga bibilhin ko para sa minahal kong anak, Isagani”. 
1 note · View note
hersheylopezque · 5 years ago
Photo
Tumblr media
#trankaso #pls. #goaway sumabay pa ang #lalamunan ko anu #sabaysabay kayo pra anu #maaaya (at Caloocan) https://www.instagram.com/p/B4mJy8phsq1PpSzGAOVHTPju8UqP4YFpbpsD8Q0/?igshid=t7oxrasc4ei4
0 notes
gioelline · 4 years ago
Text
Pagpag ang katawan ikembt mo ang bewang
Wagayway ang kamay sabaysabay
Pagpag ang katawan ikembt mo ang bewang
Wagayway ang kamay sabaysabay
Tayong lahat magsama-sama
Tayong lahat magsama-sama
Party party ang saya
Boom! Karakaraka!
Ta-ta-tanggal hiya ka lagi dapat sa daming
Pagkakataong nakakalat, daig pa ng maagap ang masipag
Kaya di ka man sipagin atupagin na kung anong nararapat
Dapat inspirado, hindi desperado
Hanggang sa pa (sa pa) unti-unting ma-
Pasayo ang mga kasagutan sa mga pangarap mo
Kaya wag ka na ngang patumpik tumpik pa
Wag nang magpatumpik tumpik pa (boom! Karakaraka!)
Wag nang magpatumpik tumpik pa (boom! Karakaraka!)
Wag nang magpatumpik tumpik pa (boom! Karakaraka!)
Wag nang magpatumpik tumpik pa (boom! Karakaraka!)
Ngayon ako ikaw sila kayo kame lahat
Sino man basta ay malaya magsa-sama
Sa bagsakan na to na mas klaro makakapagsabe na
Madalas man di, mo alam ang dapat na unahin
Sikapin maging pursigido lumalagare
Lalo na kung desidido ka sa gusto mo kuhain
Dapat lamang positibo ka palage
Kahit na matulin pilit na habulin
Malayuan mang padako na
Kahit na ang oras ay walang paa
Tumatakbo na mahirap maabutan pag malayo na
Wag ka pabaya sa sugal na ang taya pagkakataon
At laya na minsan lang kaya
Dapat wag puro pakara ang yong mga baraha
Simula ng balasahin bububumkarakaraka ha!
Chorus
Pagpag ang katawan ikembt mo ang bewang
Wagayway ang kamay sabaysabay
Pagpag ang katawan ikembt mo ang bewang
Wagayway ang kamay sabaysabay
Tayong lahat magsama-sama
Tayong lahat magsama-sama
Party party ang saya
Boom! Karakaraka!
Wag nang magpatumpik tumpik pa (boom! Karakaraka!)
Wag nang magpatumpik tumpik pa (boom! Karakaraka!)
Wag nang magpatumpik tumpik pa (boom! Karakaraka!)
Wag nang magpatumpik tumpik pa (boom! Karakaraka!)
4 notes · View notes
contemp0raryindio · 5 years ago
Text
Sleeplessly yours,
Unspoken poetry #1.
"LIWANAG SA DILIM”
liwanag, liwanag na pilit pinipilit, pinipilipit,pinupundi
pero bakit buhay pa itong banaag at patuloy sa pagsindi
sinanay mo kaming mamuhay ng walang nakikita
piring sa aming mga mata takot at kaba
habang iniinda ang mga hikbi at hinaing ng mga maralita
“Oo, kami'y musmos pa lamang upang alisin ang muta sa aming mga mata,
luha na umaagos sa bawat danas at gunita
Banaag ang dulot ng mahimbing na pagkatulog sa kasalanang lahat ay kasangkot,
Ngunit salamat sa iyong tanglaw na dahilan nang pagmulat sa madilim na pagkabangungot.
Kapunapuna sa aming bawat pagkilos, pananalita at paguugali ang paglamlam ng aming kinabukasan.
Na lalong pinasidhi ng pagpatay sa kapwa namin pagasa ng bayan.
Salamat sa dagundong dulot ng pagsabog ng iyong liwanag.
Pagkat ngayo'y pinipilit naming kumawala mula sa sariling bagkabihag.
Sa bawat kalabit ang kapalit ay galit at pagaalala ng aming ama at ina
Dalangin na huwag kaming mawala at ang umaandapandap na pagasa.
Dahil hindi na tama, hindi na normal at bagong bago sa amin ang lahat ng aming nakikita.
Pagmasdan at lunukin, lahat ang mga aral at danas ng gunita
Bago at sariwa ang nabubulok na kasaysayan
Bagong bago sa amin ang nakasanayang patayan.
Bagong bago sa amin ang mala sangganong paguugali na dapat simbolo at ihemplo ng aming bayan.
Bagong bago sa amin ang nagiging normal na pangaalipin sa aming mga kababayan.
Bagong bago sa amin ang pangbobomba,panununog at pagsira ng aming mga kabahayan.
Kailan ba naging sagot ang karahasan sa paghihirap ng ating bayan?
Sa bawat lantay na mga tanong na bakit, lalong tumatamis ang salitang pagtitiwakal.
Bakit mas nakakahiyang gumalang ni magsabi ng katotohanan kaysa magmura magbuhat ng bangko at nakahiligang pagwawalwal?
Bakit bagong bago ang normal, ang lahat ay bagong normal bagkos patuloy ang paghahari ng kaisipang imoral,neo-liberal, kolonyal lahat ng may “al”
A. L. I. P. I. N
Alipin na tayo nitong naghaharing kadiliman nagbabalat kayong demokrasya na para daw sa karamihan.
Na gaya nang pagtulog sa gabi at paggising pag tanaw na ang liwanag sa kalangitan.
Na gaya nang pagkalam ng iyong tiyan kapag gutom na’t walang maihain sa hapagkainan.
Na gaya ng lahat ng iyong pisyolohokal na pangangailangan nakatatak na sa ating isipan kultura’t tradisyon sa nakasanayang pamumuhay ng lipunan.
Demokryasang bumoto sa balotang wala ka naman talagang mapagpipilian bagkos lahat sila’y sangkot sa krimen ng kaganapan.
Di na bago tuwing eleksyon ang kanilang mga gasgas na linyahan,
na kung pagkakaisahin ang mga pangalan ay tiyak kong makagagawa ng family tree sa balotang iyong hinahawakan.
Liwanag-sa-dilim. Liwanag laban sa nakasanayang kadiliman.
Liwanag sa dilim. Kayong mga tunay na pagasa ng kinabukasan,
kapwa ko kabataan, mga anak ng bayan.
Gaya mo pagod narin ako sa mga linyahang umpisa na! Panahon na! Tayo na!
Pagkat tayo na!
Tumayo na at sa gayon ay hayaan nang maupos ang mitsa ng ating pasensya at hintayin itong sumabog sa ating mga dila hanggang sabaysabay at muling pagtanaw sa liwanag na kapwa idudulot ng ating pagaalsa.
Tumblr media
#unspokenPoetry #poetry #poems #Tulaan #tula #Bayan #kalayaan #liwanag #dilim #liwanagsadilim #Literature #literary
3 notes · View notes
iliferecordz · 7 years ago
Photo
Tumblr media
#Repost @sabay_sabay_spb (@get_repost) ・・・ Самое время попробовать наши новинки в заведении Sabay-Сабай . 🀄 Эксклюзивные соки Foco🙌 Приходите с 11:00 до 22:00 по адресу Мучной переулок 7📍. Здесь повара творят настоящую магию 😋 ______________________________________________________________________________________ #сабайсабай #sabaysabay #паназия #паназиатскаякухня #еда #едаялюблютебя #едаеда #едадляжизни #пища
0 notes
lyrics724 · 2 years ago
Text
Karakaraka- Version 1
Pagpag ang katawan ikembot mo ang bewang Wagayway ang kamay sabaysabay Pagpag ang katawan ikembot mo ang bewang Wagayway ang kamay sabay-sabay Tayong lahat magsama-sama Tayong lahat magsama-sama Party party ang saya Boom! karakaraka! Wag nang magpatumpik tumpik pa (boom! karakaraka!) Wag nang magpatumpik tumpik pa (boom! karakaraka!) Wag nang magpatumpik tumpik pa (boom! karakaraka!) Wag nang…
View On WordPress
0 notes
howaesthetical-blog · 6 years ago
Text
ang galing nito mag sabaysabay hahahaha. pag aaral at paglalaro. ako at sila.
1 note · View note
trendingph · 4 years ago
Photo
Tumblr media
Angel Locsin - Morning person ba kayo?:) sabay-sabay tayo... 📍Nueva Ecija “Itong panahon ng pandemya ang pinakamahaba kong lugi....” - Johny Panilla, 51. Sunod-sunod na dagok sa agrikultura at istruktura ng mga magsasaka ang naidulot ng pandemya at mga bagyo ... https://trendingph.net/angel-locsin-morning-person-ba-kayo-sabay-sabay-tayo/?feed_id=200613&_unique_id=5faa75de79471 #angel #kayo #locsin #morning #person #philippinenews #philippinesnews #sabaysabay #tayo #trendingph
0 notes
annealuba0512-blog · 5 years ago
Photo
Tumblr media
Sabaysabay kami lalakad sa tagumpay💖✨☝🏻 @haydayanaa @misyeeeel26 @aazz.yyaann @nalugonr11 @jonard_ae @aazizkumal (at COC-Phinma Education Network) https://www.instagram.com/p/B1jaiHiB6Yx/?igshid=19havwxw01hxw
0 notes
iamyelow · 6 years ago
Photo
Tumblr media
How do I start?? it never crossed my mind that I will be doing this. Working in Teleperformance for more than 5 years is a one hell of a ride. Lagi kong sinasabi na nagttrabaho ako kasi kasama ko ang pamilya ko “We are family” totoo ang kasabihang “better together”. I will be missing those people na kasama mo everyday, papasok kapalang pero yayain kana magbreak, kumain maglunch or yayain kana umuwi kasi tinatamad, pero papasok kaparin, yung mga taong nakaksalubong mo lang magttsismisan na kayo, magtatawanan, sabaysabay umiinit ang ulo sa customer, kahit pagod na pagod kana at hirap na sa ginagawa mo nagiging masaya at magaan yung trabaho kasi Pamilya na ang turingan nyo. Now I understand ang hirap mag Let go. I am honored and so grateful to Teleperformance to my mentors and trainers Maraming salamat. To TL Alex Alhambra, thank you Tl sobrang salamat mainit na pagtanggap at sa mga tulong , Team alex iba kayo dahil sa inyo natuto akong maging Gloc 9 sobrang ma mimiss ko kayo mahal ko kayo and team unassigned TL Tine and Tl Lhiz keep it up slow clap be missing you,TL Tine Alop super proud of you, To my forever Tl Mart anthony Tanchituan kala ko tayo na ang may forever thank you Tl sobrang salamat iba ka you will always have my respect tandaan mo yan a true Leader I salute you for that..sobrang ma mimiss kita TL. To team tanchi sobrang salamat sa pag mamahal at tawanan... TP peeps you guys are amazing THANK YOU SO MUCH #TPrepresent #TPProud Once again this is Victoria D729626 signing off (seryoso diko matapos tapos naiyak talaga ako) Ps: totoo po ang tsismis ako po talaga ang gaganap ng Darna papayat ako 1 week No goodbyes see you around https://www.instagram.com/p/Bx2kNLdjUOi4OBYENOyh2H0Mg4_fdqkrq22U680/?igshid=1wit9z9xpw5vq
0 notes
filipiniana028 · 6 years ago
Text
So ayun nga ... andami kong problems know like what the fuck bakit kayo sabaysabay pero ayon wait lang isa isa ko kayong isosolve i will be stronger than before and better as always
0 notes
castoramateambuilding2018 · 6 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Alas dos ng hapon, kami ay nagkita kita. Pero hindi sa 3rd floor ng alfamart ha. Nabigyan kami ng pakakataong magsaya. Makawala sandali sa stress sa opisina. Ganun naman talaga di ba? Minsan kailangan nating kalimutan sandali ang problema, Bigyan natin ang ating sarili ng oras para tumawa. Team building ngayong ng buildswell at castorama Eyes on the rise ang aming tema Parang "EYES lang na madapa basta RISE! bumawi ka!" Hinati kami sa tatlong grupo, at ako ay napabilang sa patatlo Teamptation ang tawag namin sa aming samahan! Naks! Pangalan pa lang, pangmagandahan ang datingan! Pero noong nagpresent kami ng cheer, anyare? puro nagkahiyaan! Warm up game daw! ipapasa ang hulahoop at dapat hindi mahulog. Hmmm. Medyo mahirap. Hindi kasing madaling hindi mahulog. Lalo na kapag nakikisabay ang dibdib na kabog ng kabog. Pero kailangang magfocus at lakasan ang loob. Kahit iba-iba ang aming height at may mabibilog Thank you Lord! Naitawid namin ng maayos ang hulahoop. First game na! Hanapin daw yung mga bagay na nakasulat sa papel nila. Takbo kami, panay ang hanap sa mga bagay na dapat makita. Masaya kami kasi akala namin kumpleto na. Pero ayun, ang kabilang grupo, nagsasaya. Nauna kasi sila. Ganun ba talaga? kahit palagay mo kumpleto ka, basta maunahan ka, talo ka? Talo kami pero ok lang! Babawi na lamang kami sa sunod na paligsahan. Hawakan daw namin ang ibinuhol nilang lubid. Kailangang kalasin gamit ang isang kamay Pero paano nga ba iyon kakalasin ng hindi kami naghihiwa-hiwalay? Sa haba ng diskusyon namin, ayun, kabilang grupo ay kumakaway. Nanalo na sila at handa ng kumampay. May isa pang palaro, Pabilisang umakyat, manimbang, bumaba at tumakbo Wari ko'y ang mga senior citizen ay di na nakasali dito. Ang team namin ang unang sumubok. Pakiramdam namin sa effort, kami ay pasok. Akala namin kami ay mananalo. Pero mas mabilis ang kabilang team, kami na naman ay talo. Haayst hindi pala talaga sapat na alindog at charming lang ang puhunan. Samahan ng teamwork at paguunawaan. Alalayan ang isa't isa, at wag pabayaan. Huling palaro at huling pagkakataon Papasok sa maze at may hahanapin doon Kulay ng logo na dapat naming hanapin ay green. Pero bakit kami ay nahihirapan pa din? Nasa harapan na pala namin, di pa namin nakikita Ganun talaga, hanap ka pa ng hanap ng iba, Eh andyan lang pala. Tapos saka ka magsisisi kapag may ibang nakakuha? Matapos ang lahat ng larong wala naman kaming pinanalunan, Sabaysabay kaming kumain ng hapunan Kahit gutom, sa pagkain kami ay dahan dahan. Mahirap kayang mabulunan, pero minsan mas mahirap lunukin ang pride na pinaglalaban. May nakapagsabing mapait daw yung ampalaya Pero di ba mas mapait yung ampalayain ang taong mahal mo pa? Matamis daw ang saging pero di ba mas matamis marinig na ikaw ay mahal nya rin. Alin ba talaga ang mas malamig? Siya ba o yung tubig? Nagsaya na ang lahat. Syempre kasama ang mga kumpare nating alak. Pakinig ko ang malalakas na hagalpak Pati yung kwento ng may pusong wasak. Kesyo ginawa na daw nya ang lahat pero bakit hindi pa rin sapat. Eh kung ganoon, tanggapin mo na lang dapat Na hindi lahat ng gusto mo ay mapapasayo Brad! Sa team building na ito, Napatunayan kong iba iba man ang aming estado, Sa office, mukha man kaming seryoso. Stressed man sa trabaho. Nagkakamali at hindi perpekto. Nagkakasundo kami at nagmamahalan. Dahil ang aming samahan ay wala sa edad at kasarian, Hindi ito base sa yaman, pamilyang pinanggalingan, diplomang pinanghahawakan, bahay na tinitirahan, relihiyon at kulturang pinaniniwalaan. Ito ay base sa.. Ewan ko, hindi ko rin alam. Ang mahalaga kami ay nagkakaintindihan.
0 notes
Photo
Tumblr media
She’s gorgeous sexy, hip, fabulous and extremely talented. That’s why a “lip-sync and dance tribute” for the one and only Jennifer “from the block” Lopez adds in perfectly as an exciting feature of the Sabay Sabay Cabaret Show.
Dance the night away or sing along with your favorite JLo songs such as Let’s Get Loud, Jenny from the Block and Waiting for Tonight.
Showtime 7:30pm Everyday
Email: [email protected] Website: www.sabaysabaycabaret.show
PLEASE CALL FOR MORE INFO CELLCARD: +855 77 88 66 34 SMART: +855 69 88 66 34 METFONE: +855 97 88 66 334
#31, Sabay Sabay Street 174, Sangkat Phsar Thmei III, Khan Daun Penh, Phnom Penh, Cambodia.
0 notes
trendingph · 4 years ago
Photo
Tumblr media
Kapamilya, handa ka na ba sa Christmas Station ID 2020? Ano mang pagsubok ang dumating, sabay-sabay tayong babangon. We are for... Kapamilya, handa ka na ba sa Christmas Station ID 2020? Ano mang pagsubok ang dumating, sabay-sabay tayong babangon. We are forever Kapamilya. #KapamilyaForever ❤️💚💙 Kapamilya, handa ka na ba sa Ch... https://trendingph.net/kapamilya-handa-ka-na-ba-sa-christmas-station-id-2020ano-mang-pagsubok-ang-dumating-sabay-sabay-tayong-babangon-we-are-for/?feed_id=129545&_unique_id=5f78664101778 #2020ano #ang #babangon #christmas #dumating #handa #kapamilya #mang #pagsubok #philippinenews #philippinesnews #sabaysabay #station #tayong #trendingph
0 notes
j3ptrp · 8 years ago
Photo
Tumblr media
3 fans and AC unit, all non working - but I pa sila nagholiday 😜 everything is broken, the only thing left whole is my chastity belt #sabaysabay #basag #dalisay #busilak #wish (at Park Avenue Mansions, Pasay City)
0 notes
thetimmyortego · 9 years ago
Video
Accidentally, someone bumped her by a car. Although it's unintended, I want to attack that person. #SabaySabay
0 notes