Tumgik
#puntode
whooolaanmo · 11 months
Text
Tumblr media
🕯🙏🏻🤍🕊
Hindi man ako nakadalaw sa mga puntod nyo ngayon all souls day pinagtirik at pinagdadasal ko kayo mahal na mahal ko kayo Papa sa mga Lolo ko at sa iba pa namin mga kamag anak na namayapa.
November 02, 2023 06:23 pm
11 notes · View notes
kenthoughtan · 6 months
Text
time flies, people die.
I just found out that the person who sold me my iphone has passed away. My snoopy personality tried to learn more about what happened, but I ended up stumbling upon a different post instead.
It was a school activity which required us to write a dagli, and it was:
Ihipan Ang Kandila
Ang araw na iyon ay ang aking ika-sampung kaarawan. Puno ng lobo at mga dekorasyon sa aking handaan. Mayroon pang spaghetti at pritong manok na aking paborito. Marami akong natanggap na regalo galing sa aking mga kamag-anak. Masaya rin ako dahil kasama ko ang aking pamilya. I-ihipan ko na sana ang kandila sa aking keyk, pero tila may kulang. Wala ang aking nakatatandang kapatid sapagkat bumili daw ito ng sorbetes bilang sorpresa sa akin. Hinintay namin siya, dahil gusto ko na kasama ko ang aking pamilya sa pag-ihip ng kandila. At ang aking hiling ay ang kanilang habang buhay na kasihayan at seguridad. Natagalan kong nakasama muli ang aking kuya at sa wakas maiihipan ko na rin ang kandila. Ngunit hindi na ito nakalagay sa aking keyk, kundi sa taas na ng kanyang puntod.
It was something that I have written 5 years ago. I have forgotten all about it because - time flies and people die.
2 notes · View notes
thecatsaidarf · 1 year
Text
Di ko alam paano magiging masaya sa kasal namin. Ilang araw na lang o.
Mahal na mahal kita, koy. Mahal na mahal ka namin ni ate. Ang daya mo. Ang bilis. Biglaan. Masyado mo naman pinanindigan pagiging favorite ni mama, sinundan mo kaagad. E di kayo na tabi puntod. Tabi pa kayo ng picture dito sa bahay.
Gusto ko na magising... sobrang samang bangungot nito.
Tumblr media
2 notes · View notes
shoodleynoodle · 1 year
Text
I woke up really early today and I just felt the need to visit my titas' and lolo's grave kase, hindi ko alam, I guess I just really need a non-judgmental audience to listen to my rants. I'm tired of tiring out my friends sa mga problema at reklamo ko sa buhay. Nahihiya na rin kase ako sa kanila kase feeling ko nauuncomfy na sila makinig sa akin kase paulit-ulit lang rin naman ako. Saka ayoko rin yung feeling after na hindi nila makapa kung pano makitungo sayo, as if you're the most fragile thing to ever exist. Feeling ko sawa na rin kase akong kaawaan ng mga tao. Pero, don't get me wrong ha, very grateful naman ako sa kanila. As in, supeeeer. Nahihiya na lang rin talaga ako kase sabi ko di na ako magiging dependent masyado sa mga tao at gusto ko lang rin siguro talaga i-isolate ang sarili ko. Wineweigh ko pa rin kung babalik pa ba ako sa dorm next week or after na lang ng birthday ko since wala naman rin akong face-to-face classes pa next week.
Siguro ano rin, narealize ko na I should visit my relatives' graves more and I should spend more time with my loved ones. Yung sunod sunod na pagkamatay ng mga tao sa paligid ko eh talagang nagtake ng toll sa akin. Akala ko pa naman before hindi ako masyadong maaapektuhan sa mga ganun unless nanay at tatay or ate ko. Pero ang lala, hindi ko alam kung pano kinakaya ng mga pinsan ko kase ako mismo na di naman anak eh ganito magreact. Super tagal ko rin talaga naprocess na wala na sila. Ang tagal ko kase nagpaka-denial kase ayokong damdamin at masaktan. Tapos ayun, wala, iniyak ko na lang lahat sa puntod nila. Ahaha. That is the most therapeutic thing I have ever done in my life. Sana rin talaga makausad na ako kase I really need to get my shit together lalo at nagpa-pile up na uli ang acad works.
Sana talaga wala nang kasunod na bad news. Wag naman yung ganitong nagsisimula pa lang akong mag-try na umusad. Ahahaha.
#n
3 notes · View notes
patientnidrmontejo · 2 years
Text
UFE SC01: Satan's Replacement
Characters: Aziel Vasquez, Allia, Amadeo, and Thalia Velasquez, Julius Lowella, Adriel Ballester.
I stepped out of the car as Azi opened the car door. My dad did the same thing for my mom. Umuwi ako para rito, sana naman satisfying ang view.
Naglakad kami sa damuhan, nadadaanan ang iba't-ibang mga puntod hanggang sa marating namin ang puting tent na maraming upuan. Para sa isang demonyo, marami-rami ang umattend ng libing niya.
We stood at the back, as to not draw too much attention. When the eulogy started, umupo kami sa pinaka likod na row.
His new wife had gone on and on about how great of a husband he was. They were only married for less than a year, I wonder if she could say the same things about him if she really knew what he was like.
For some reason, we were given a chance to give out a eulogy. Hindi ko maintindihan kung bakit niya pinili na magbigay kami ng speech para sa gagong 'yon.
I stood up and removed my black coat, underneath was a red satin dress. Aziel on the other hand was wearing a dress shirt but in a deeper shade of red.
People stared at me. What? Can't I express my happiness that this asshole is already dead?
"Tell them the truth, Allia." His new wife whispered as I replaced her place in front.
So she did know what kind of a monster he was.
"He wasn't a good man," I started, narinig ko ang mga mahinang bulong ng mga taong dumalo. "I don't care if you think this is disrespectful but he's not the man you all thought he was."
I looked at his face na nasa loob ng kabaong. Bagay siya do'n.
"A good man would never do the things he did to his own son," Tinignan ko si Aziel, remembering the times when... "Because someone as pure as you make him out to be would not make his son beg me to run away with him just to make the pain stop. I would not need to kneel and beg for his forgiveness for the things that I didn't even do." My brows furrowed as I tried to stop my tears. "He should have been in jail for the other things he did to me, his son, and to God knows how many people." I looked down and composed myself, inangat ko ulit ang ulo ko at hinawi ang buhok ko.
"So, I'm glad he's dead. A lot of us are." I flashed them a sweet smile before walking back to my seat.
"Serves him right." Azi laughed. Hanggang kamatayan daw ay nagawa ko pa ring ipahiya si Julius.
Nang ibababa na ang kabaong niya, kinailangan namin maglagay ng rose sa ibabaw. Daming seremonyas, sa impyerno rin naman 'yan mapupunta.
"Tangina mo." Aziel muttered as he dropped the rose into his lowered coffin. Azi rarely swears, when he does, it's from the heart.
I scrunched up my nose while dropping the rose I was holding.
"'Lika na, hayaan na nating mabulok 'yan sa lupa." Inakbayan ako ni Azi at lumabas na ng tent.
Paglabas namin ay may nakita naming nakasandal sa sasakyan si Adriel kasama ang mga magulang ko.
Sinalubong niya ako ng yakap nang makalapit ako sa kaniya. "I missed you."
I laughed. Still the same Adriel.
"The dress looks good on you...bakit naman red ang suot niya? Hindi ba pamahiin na kapag nagsuot ng pula sa funeral ibig sabihin—"
"That we're happy he's dead? Because we are! Plus, this is my last 'fuck you' to him."
He pushed my head into his chest and laughed, nage-echo sa dibdib niya ang tawa niya.
"Ewan ko sa 'yo, Al."
"Pagbigyan mo na ako, ngayon lang e. Isang beses lang naman 'yan mamamatay."
"Tama! Pagkatapos ng maraming taon ng pananakit niya, tuluyan na kaming nakalaya." Aziel said, his eyes lit up. Nakasandal rin siya sa kotse, like Adriel.
I muttered something I had been wanting to say ever since I moved away from him. Hindi ko alam kung may nakarinig ba, ang mahalaga ay nasabi ko.
"We won, Julius. We fucking won."
Satan would be crying when he sees you.
6 notes · View notes
lizvoicesblog · 2 years
Text
MONOLOGUE SCRIPTS
COMEDY
   Sa sobrang pagod ko kakalakad sa Park, naupo ako sa isang bench para makapag pahinga. “Hayy nakakapagod talaga” Maya maya napansin kong naka tingin sakin si Kuya, nakaupo rin siya sa bench katapat ko. Hindi ko pinansin nung una at hinayaan na lang, pero ilang minuto na siyang nakatingin sakin kaya naiinis na ako. Bumili pa siya ng Ice Cream nang may napadaang naglalako. Mas lalo akong nainis ng kainin niya yung Ice Cream. Oo habang naka tingin sa akin. Isama mo pa yung alaga niyang pusa na nakatingin din sa akin na para bang alam niya ang buong buhay ko. 
“Hayy nako naman.. Pag eto hindi tumigil sa kakatingin makikita niya ang hinahanap niya”  kaya tinitigan ko rin siya! Kala niya ah! Oo, taas kilay at naghahamon. Hanggang sa matapos niya kainin yung Ice Cream, nakatingin siya sa akin. Tumayo na ako at pinuntahan siya. Sinabing kanina pa siya nakatingin sa akin at alam niyang pwede ko siyang kasuhan sa ginagawa niya. Mukha siyang nagtaka sa sinabi ko at napailing.May kinuha siyang stick sa likod niya at tumayo, pero bago siya umalis sinabi niyang hindi siya nakikipag usap sa mga baliw, at tuluyan ng lumakad papalayo. Nagulat ako sa kanyang sinabi at napansing.. Ah napagtanto kong.. Isa pala siyang bulag. 
HORROR 
   Madaling araw ng sandaling iyon, nagtataka si Ana kung bakit may tumatawag pa ng ganoong oras. Naramdaman niya ang pag yakap sa kanya ng kanyang asawa, si Danilo. Nakauwi na pala ito galing trabaho, nakahinga siya ng maluwag dahil lagi siyang nag aalala kung makakauwi pa ito ng ligtas dahil sa construction site ito nag t- trabaho, doon sa bagong Mall na pinapatayo sa kanilang lugar. Pinatay na ni Ana ang Telepono at muling natulog. Maka ilang oras ang lumipas muli itong tumunog. Nilingon niya ang kanyang asawa at nakita itong nakatalikod na sa kanya at mahimbing ng natutulog, kaya sinagot niya na ang Telepono. Waring isang Pulis ang nasa kabilang linya, tinatanong siya kung siya ba ang asawa ni Danilo. Nagtataka naman siya kung bakit ito tinatanong. Parang binuhusan siya ng malamig na yelo ng marinig ang sinabi ng Pulis. May nahulog umanong lalaki sa isang Mall na ginagawa sa lugar nila, pula ang damit nito at may bakal na nakatusok sa ulo nito. Ikinalulungkot na binalita ng Pulis kay Ana na patay na ito at nasa Morgue. Unti unti siyang lumingon sa kaniyang tabi upang maka siguro na buhay ang asawa niya. At ayun nga andon si Danilo, ang kanyang asawa sa tabi niya, naka pula at may bakal na naka tarak sa sa ulo nito. 
DRAMA 
   Nagising akong ramdam ang pamamaga ng aking mga mata, umaga na. Para bang nakalimutan ko ang mga nangyari kahapon at nang mga nakaraang araw. Napatingin ako sa bukas kong pintuan, si Lola napadaan. Narinig ko siyang mag salita, kumilos na raw ako at may pupuntahan pa ako, kaya naman naligo na ako at nag bihis. Paglabas ko ng kwarto andoon na si Lola naghihintay, katulad ko kulay puti rin ang sinuot niyang damit. Lumabas na kami at sumakay ng kotse. Habang nagmamaneho, panay puri sa akin si Lola, natutuwa raw siya na lumalaki ako ng maayos. May maayos na trabaho, magandang kalusugan at magandang bahay. Natutuwa ako habang tinitignan ang mga ngiti ng Lola ko. Hanggang kailan ko pa kaya siyang makikitang suot ang mga ngiting yon. Nakarating na kami sa pupuntahan namin at bumaba na ng kotse. Habang hawak ang mga bulaklak, hawak ko naman sa kabilang kamay ang kamay ni Lola. Umupo na kami at inilapag ang bulaklak sa ibabaw ng puntod na aming sadya ng umagang iyon. Nilingon ko si Lola habang naka ngiti. Mami- miss ko ang mga ngiting iyon. Tumingin muli ako sa puntod at binasa ang pangalang nakasulat doon, Luisa Florenciana. Ang  ganda talaga ng pangalan ni Lola, siguradong mamimiss ko siya at ang mga ngiti niya. 
4 notes · View notes
deyzalee · 1 month
Text
Dear God,
Thankful and blessed today. I woke up late because its my annual leave. I drank my vitamins. I ate sinugbang baboy with rice and two cheese bread for brunch. I did laundry and hanged it to dry. I prepared myself for we will be going to Kuya RC’s puntod at Memorial Garden. We rode our family car and arrived safely. We prayed to Kuya RC. Jako played his bike. We played badminton for 15 minutes. I am happy because Jako knows how to play badminton already. We waited for Jako to finish playing his bike. We pass by our house to take a bath and prepared going to KCC mall. We arrived safely. We had our grocery together with Papa and Jako. It took us how many minutes on the cashier area. I bought sushi box because I miss it. After our grocery we went to Greenwich pizza and Jollibee to eat our late dinner. I ate lasagna which is my favourite and drank Pepsi. We were full after and decided to go home. We arrived home safely. I shared Mama the Sushi box. I fixed the grocery items and told Jako to help me. I sprayed my bed with dust mite spray and fixed my beddings and pillow cases. I ate leche flan together with Mama, Papa, Jako and Me. I prepared the ingredients for lumpiang shanghai and green gulaman. I cooked for tomorrow’s family get away at Limpapa river. I drank Cali while folding the lumpia. I did laundry and washed the dishes. I had my self and skin care routine. I drank my medicines. I read few pages of the Bible. I scrolled my social media accounts, chatted my family and friends. I will play cooking fever. Have mercy on us Oh God. Guide us always to the right path. Remove sickness, danger and negative things in our life. Answer our prayers in your perfect time. Thank you and I love you God.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
August 10,2024
0 notes
onematchalatte · 2 months
Text
di ko magets yung mga tao na nagpupunta sa puntod ni Rico Yan, like da hell may permission ba sila? kasi kung wala, parang nakakabastos na di na lang hayaan maging at peace si Rico Yan sa libingan niya. like.. T---T
0 notes
benefits1986 · 3 months
Text
lapidali
How do you sum up your life story in one line today, just in case your expiration date is tomorrow?
While Carrerrra is playing so early in June 2024's last Monday, I remember the tears that fell each time I visited mother dragon. The lapida is like a marker that bears her name and how she is best remembered. Its design is custom because I don't want my non-basic bitch mom to be just another statistic in a delulu is the solulu pitik ng inyong ajumma. The design marries spirals and swirls (favorite niya 'yan) and features a fleur de lis which hits home in as far as mom's life is concerned: -Many symbols that include royalty bilang siya ay mayorang-mayora lalo na sa buhay ko -In the bible, it represents the Holy Trinity and the Virgin Mary as a devout Catholic siya talaga like I KENNAT to the point na parusa niya sa akin ay magdasal ng rosary two times pero tumigil na rin kasi I'm not giving shit as non-formulaic girl -Purity because wagas siya in fairness. Walang halong kemikal at natural lang pagkatao niya. Unapologetic pa.
-It's French kasi 'yung maiden name niya (last name) is Frenching talaga and feeling ko talaga andun ang roots ko
-Light because she is my light in the darkest and most hopeless days and nights. Periodtzzz.
-It's both good and bad which is what mom is (like the rest of the world).
-Stands for theological virtues (faith, hope, and charity) very like my mom. Opak. Hindi lang talaga halata kasi sungit levels niya 10000000.
-I read somewhere na may paganap about it standing for "those who lived, those who loved, and those who fought" ngayon 'di ko na makita. Baka natabunan na ng updated content or AI-generated content.
-No photos, just engraving and font style is Garamond (as a Harry Potter girl tayo na wala ring naggawa nanay ko to the point na hindi na ako nagaaral kahit bagsak ako sa Trigo. Ganun kalala.) -It's black and grey. Periodtzz. As an ode to our tiny house na nilipatan namin ng walang pintura sa loob back in the late 90s.
Mom's one-liner which took me a week to down: YOUR LOVE AND LIFE LESSONS LIVE ON. Sana tama ang grammar. LOL. Side Note: Dad ko nung nakita 'yung design: Girl scout ba nanay mo? Me: Puwede rin kasi mala-girl scout siya sa pagiging laging handa. GMG kasi. Please lang.
While anhedonia is my default state of mind and being, seeing mom's final destination visually means shedding a tear or two. Yes. We don't ngalngal in public as much as we can po, opo. Ego e. Pride e. Last Saturday, I found myself walking a familiar path but this time, Dad is downing his daily steps. OPAK. Character arc development right there. Not bad for this 64-year-old pakitong-kitong, right? On a good day, he does 6K.
However, his hips and legs are starting to shake. I could have gone 10K with him as a wing girl even when it's friggin' hot outside. I've been checking his walk. May mali. May super mali. His form is not forming. I egged him and challenged him to gun for 20K steps. Anak, 2K tama na. Sakit e. Hahahaha. There, there, there. He still doesn't want to go all out in his PT sessions. I told him gusto niya yata malumpo na muna siya bago makinig at dibdibin ang kailangang gawin na napaka simple. AMPOOCH. He got back at me real quick saying that he's fine with downing his steps on his own. Sanay naman daw siyang mag-isa. Boomer bomb not so early on a Sunday gaming na naman. Anyway, as I'm walking around mom's eternal space in this lifetime, I can't help but observe the other lapidas. Some standouts are: -One biker who died at a ripe age; his lapida has a minimalist bike element -A few souls that lived for only one day -People my age with names that are from mixing the names of their parents (UGH) -Parent and child na maganda apelyido pero naman apaka sagwa ng layout -The custom design for mom was apparently used by the shop that is affiliated with the memorial park. FUCK. Ang lapit sa puntod ng nanay ko. However, it's super curious because ka-vibe niya mom ko. Inis na inis ako nung una kong nakita. Pero, ayun na e. Iba pa rin ang OG. LELS. 'Di rin maganda layout so, keep up. When my lola died, my dad requested me to customize the design of lapida. Wala kasi kasing pantiyong na sarili lola at lolo ko. LOL. Literal na nakikilagay lang kami ng sa ancestors nung lolo ko. And hassle puntahan kasi need mong mag-over the nitso ng slight. Sabi ni dad, naggawa ko naman ng mom ko, so dapat mas pak sa lola at lolo ko. LOL. In fairness, may pa-masaleo na sila ngayon. How po? From the hati ng family namin sa lupa sa Nasugbu na nabenta sa isang old couple in cash. Hahahahaha. Imagine, that had to wait for so many years? As a middle class from the gutters, syempre palakpak tenga na naman tatay ko. 'Di daw niya sukat akalain magkaka-masaleo sila. With pigil luha at tulo uhog pa 'yan, bitch.
Me: Wala namang difference 'yan. Ending, patay pa rin naman. Memorial parks are for the living. For posterity lang 'yan, honestly. It does not make sense at all. Periodtzzz. Since it's a collab between me, dad and his boomer siblings, mhieee, jusq. Mga 3 weeks na yata kaming nanenegosyahon. And hindi naman din bayad so 'yung pake ko, wala. CHOZ. Dad actually came up with my lolo and lola's one-liner. Pasado sa akin for the first time with tiny tweaks here and there. SIMPLENG PAGMAMAHALAN, NGAYO'Y MAGKAPILING NA SA WALANG HANGGAN. Opak. Kakanood ng Netflix and curated FYP from me. Lumevel up dad ko diyan. And proud ako sa pakawala niya. Anyway, anong lapida one-liner mo? Ako kasi if kayang literal na isaboy sa Mt. Batulao or sa Mt. Pulag ashes ko, dun na lang. Wala ng viewing because that's another story to tell. Syempre, malaking diskyuson na naman ito. Pero, abangan.
0 notes
kayelyntives-25 · 5 months
Text
"BANGUNGOT"
By: Kayelyn S. Tives
Nag-aagaw na ang liwanag at dilim ng bumalingkwas si Romegio mula sa mahimbing na pagkatulog. Kaagad siyang nagtungo sa may poso upang makapaghilamos ng sa gayun ay magising ang kanyang diwa. Mabilis ang tibok ng puso at tila asong naghahabol ito sa kanyang hininga, balisa at hindi mapakali dahil sa kanyang napanaginapan.
Ahhhhh!!!! Sigaw ng lihim nitong kasintahang si Victoria.
Wala ng magawa si Romegio dahil sa lapit ng Traktor sakanilang sasakyan. Wasak at durog na durog ang sasakyan na tila isang latang nagulungan ng gulong. Ang masaklap pa nito’y napuruhan din ng malala ang kanyang nobya.
“Mahal, ayos ka lang ba?” Nanghihinang tanong ni Romegio sa dalaga.
Hindi na nakakibo ang kanyang nobya dahil binawian na ito ng buhay. Nawalan na din ng malay si Romegio at nang magising ito ay nasa Hospital na siya. Nakabalot ng bandage ang kaliwang binti dahil kinailangang putulin ang paa nito. Hindi pa malinaw ang lahat kay Romegio ngunit bukambibig nito ang kanyang nobya.
“Victoria????” Mangiyak-ngiyak na sambit ni Romegio.
“Magpahinga ka muna’t magpalakas, kapag ikaw ay magaling na ako mismo ang magdadala sayo sakanya.” wika ng isang dalaga habang tumutulo ang kanyang luha.
Walang ka ide-ideya si Romegio na binawian na ng buhay si Victoria. Kaya’t mapayapa itong nagpahinga at mabilis na nagpagaling sa kagustuhang mapuntahan ang dalaga.
At kagaya ng pangako ng dalagang nagbabantay sakanya sa Hospital ay pagkalabas na pagkalabas nito doon ay nagtungo sila kaagad sa lugar kung saan nakalibing ang dalaga.
Nagtataka si Romegio dahil ibang direksyon ang kanilang tinatahak.
“Hiede? Hindi ba mali itong dinaanan natin?” Tanong ni Romegio
Napatigil sa pagmamaneho si Hiede at napasulyap sa salamin at tinignan niya mula doon si Romegio.
“May problema ba Hiede?” Muling tanong ni Romegio.
“Wala naman, relax ka lang diyan malapit na tayo” Sambit ng dalaga.
Ikinaliwa ni Hiede ang kanyang sasakyan at ipinark nito sa may silong ng manga. Pagkatapos ay kaagad itong bumaba at ipinagbukas ng pintuan si Romegio.
“Bakit tayo nandito? May dadaanan ka ba?” Tanong ni Romegio habang inaalalayan ito ni Hiede palabas ng sasakyan.
“Sumunod ka nalang sakin, malalaman mo din kung bakit tayo nandito.”
“Bumilis ang tibok ng kanyang puso at nagsitayuan ang kanyang mga balahibo. Nakadarama ito ng takot at kaba sa hindi maipaliwanag na dahilan.”
Naglalakad na ang dalawa at sinusundan lamang ni Romegio si Hiede katuwang ng kanyang saklay.
Hanggang sa makarating na sila sa puntod ng dalaga nakasulat sa lapida ang pangalan ng Victoria at ang petsa ng pagkamatay nito kung saan ay mismong araw ng kaarawan ni Romegio. Nabitawan nito ang kanyang saklay at natumaba ito sa tabi ng puntod ni Victoria. Tumingala ito at tinignan niya si Hiede ang kanyang orihinal na nobya. At doon ay naalala niya na lahat ng nangyare.
Pagkatapos ay nagising na ang binata mula sa kanyang pagkabangungot. Nang buksan niya ang kanyang telepono ay nakita niya ang petsa ika-20 ng Mayo ang kaniyang kaarawan. Ang bangungot na nangyari sakanya noong nakaraang taon lamang na muling nagparadam ngayon sa kanyang kaarawan. Kaya’t kahit madilim pa ay naglakad ito mula sa kanilang bahay patungo sa sementeryo. Dala-dala ang isang puting kandila’t mga bulaklak na pinitas niya mula sakanilang bakuran. At ito’y kanyang inilagay sa puntod ng namayapa nang si Victoria dahil sa araw na ding mismong iyon ay ang 1 taong pagkamatay din ng dalaga. WAKAS…..
0 notes
axirehe · 5 months
Text
BLOG ENTRY NO.5 : My Lolo's days "birthday"
hi guys, its my Lolo's days birthday, my mother Father my lolo has die in October 27 and now my Lolo's birthday my family has going to my Lolo's puntod to celebrate her birthday and eat together and happy together my auntie nene has buy more foods like's mcdo and Jollibee and my another auntie mercy was buy the water and soft drink, my Lolo is the best when she live everyday she give me always 10 to 5 pesos and she very kind.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
1 note · View note
watkahel · 9 months
Text
±1
Tumblr media
(ang plus minus one ay tula para sa paglikha ng malayang taludturan. ang sentro ng tula habang iniisip ay umiikot sa apoy. ang tula ay nagawa gamit ang mga salitang lumabas sa concept map, tulad ng kandila, init, sindi, liwanag, at usok. inikot ng tula sa imahe ng kandila sa cake kapag may kaarawan, at sa puntod ng isang yumao. medyo matagal isinulat ang tulang ito dahil medyo malabo ang naisusulat noong una. masaya naman ako na disente ang kinalabasan pagkatapos.)
0 notes
onlinejurnal · 11 months
Text
Nagvisit na din pala kami sa puntod nila lolo't lola pati na rin kay tito kaninang umaga. Actually, hindi sana ako sasama kaso lang nasipagan ang person na itong lumabas at bisitahin yung puntod nila kasi matagal-tagal na din akong di nakakabisita sa kanila. Ayun lang naman iilan sa ganap ngayung araw.
0 notes
krsaeokae · 11 months
Text
We're here sa cemetery then i saw some of the puntod were not cleaned, yung halatang wala nag visit. I wondered if I'm the one who died tapos ganon siguro I'll be really sad eh pero siguro sa iba understood naman yon na siguro yung family nasa ibang bansa ganon. But I'm really really wondering if I die, will someone visit me often and talk to my grave.
1 note · View note
kimunidad · 11 months
Text
Sestina Sa Inaasahang Kamatayan
“Sayang ang panahon ng pamamayapa Sa puntod na itong gusali ng kulog: Mas ganap ang langit ng tigmak sa ulan.” ni Rio Alma Sestina sa Inaasahang Pagreretiro Hindi nagpapigil sa lakas ng ulan, Upang makaalis sa mga gusali. Di magpapasindak sa kidlat at kulog, Ako’y magsusulat, ano mang panahong nais kong ibigin. Buhay na payapa ay aking hihingin sa Diyos ng langit. Makapal na ulap, madilim na langit, Pilit na lalaya sa rehas ng ulan. Hindi hihintayin ang yugtong payapa. Ang kalsadang puno ng mga gusali ay aking naakyat, sa mga panahong tigib ng pagsubok sa lakas ng kulog. Ang aking tadhana ay tulad ng kulog. Sumunod sa kidlat, nagmula sa langit parang nagbabadya; ito ang panahong nagbigay biyaya sa patak ng ulan. Ako ay nilinis tulad ng gusali, Dulot ay pag-asa…buhay na payapa.
Ang mortal kong buhay ay hindi payapa, Puno ng pagsubok, ‘sing ingay ng kulog. Kahit ano’ng tayog ng aking gusali ay di maaabot ang tunay na langit. Mga humahadlang ay lakas ng ulan at mga buhawi. Ito ang panahong Gusto kong sumuko sa buong panahong ako’y nag-iisa sa mundong payapa habang nagsusulat sa lakas ng ulan. Tuluyang nabingi sa ingay ng kulog. Aking nadarama ang galit ng langit, Aking nanaisin, ang maging gusali. Ang aking lapida, ang huling gusali, tatayong simbulo sa buong panahon. Ang mga testigo ko’y lupa at langit. Pilit na tumula…isipang payapa Ang mga hagulhol, mga parang kulog at ang mga luha ay tulad ng ulan. Tula’y magwawakas, salita’y payapa. Magpapatahimik sa ingay ng kulog at magpapatigil sa lakas ng ulan.
1 note · View note
jujensabs123 · 1 year
Text
TECHNOPRENURSHIP BLOG WEEK 2
I'm Eugene abapo Sabines, 22 years of age, Residing in Block 3 PUNTOD CAGAYAN DE ORO Misamis Oriental. Currently studying in University of Science & Technology of Southern Philippines taking up BS Information Technology 4th year student.
Tumblr media
Tumblr media
Tumblr media
0 notes