#pinapahirapan niyo ko?
Explore tagged Tumblr posts
akonaman · 1 year ago
Text
rants rants rants
eto na naman ako, tinatamad na naman pumasok haha. one day na lang at tapos na ang parental leave ko. sobrang stressful na environment na naman ang almusal, tanghalian at hapunan. di pa nga tapos leave ko ginigulo na ko agad ng boss ko ng madaming questions kase di naman siya marunong mag analyze at magbasa ng email. like hanapin mo kaya sa quipfile lahat ng tanong mo. wala man lang respeto sa taong naka leave. pota. ayoko na magpa alipin sa kapitalismo kung ganito rin naman. anlaki laki ng sahod ng boss ko, six digits pero di magawa ng ayos trabaho, lahat na lang gusto ipaliwanag sa kanya, kase mismong siya di niya maintindihan mga desisyon niya sa buhay. kaya siya ineescalate ng mga ahente at tms niya eh. bllsht.
sayang pasahod sayo wala ka naman ginagawa. tapos makikita mo once a week lang. yung tatlong araw naka sl kuno pa. baka naman pwedeng ikaw na gumawa ng trabaho mo di yung lahat inuutos mo pota.
eto namang mga bida bida dito sa opis mema lang din. dami projects na ginagawa kahit trabaho naman nila yun ipapasa pa samin. for what? para may masabi sila sa interview at mapromote. mga bhie amana kayo. mga ahente lang pinapahirapan niyo sa ginagawa niyo. stress na nga sila sa calls dadagdagan niyo pa ng iisipin.
kakaimbyerna di ko man lang maenjoy leave ko dahil sa kanila. tangina talaga.
2 notes · View notes
neekochan · 2 months ago
Text
ewan ko ba pero why is it getting harder. im longing for my family to be complete again. yung may uuwian kang pamilya. we are barely a family. lumalayo lang kami lalo sa isat isa. kung babalik ka pa okay lang basta tumino si mama at maayos na ulit uuwian ko. yung gaganahan ka umuwi kasi may oamilya ka. syaka naawa ako kay gab kasi parang mag isa lang siya. naiinis na ko kay mama parang hindi nanay. humihilta lang sa kama. kahit man lang mag walis di na magawa wala namang trabaho. alam ko may pag kukulang ako bilang anak at may respilonsibilidad akong hindi nagagwa pero atleast ako i have a job and i do my best pero ikaw? ITS BARELY A FUCKING HOME AND I HATE IT HERE. AYOKO NA DITO SA BAHAY NA TO. parang walang kaluluwa. parang patay na lugar. tinutulugan lang. ano bang nangyari sa bahay na to? bakit kailangan pang mangyari to? YOU DID ALL OF THIS JUST FOR YOU TO REGRET IT PERO FI MO NA MAGAWA. KAHIT ANONG REGRETS MO DI MO NA MIIWANAN YAN. KAHIT GUSTO MO BUMALIK DITO MAHIHIRAPAN KA NA. NAGPAKASAL KA? tangina naman pa. ang selfish selfish niyo ni mama. napaka walang kwenta niyong magulang. pinapahirapan niyo kami.
0 notes
chelpsalca · 1 year ago
Text
Lord, sobrang sakit na. Bakit naman ako pinapahirapan ng ganito. Di na ko makapag salita sa sobrang sakit. Kawawa naman ang mga bata pag nawala ako. Mamimiss ko din sila. Bakit parang ako ang pinaparusahan. Lord, tulungan niyo naman po akong gumaling. Sobrang sakit na po talaga. Hirap na hirap na ako.
0 notes
shoodleynoodle · 3 years ago
Text
Tanga tanga rin talaga ng CHED ano, gagawin na raw norm ang flexible learning at alam nilang palpak na talaga paghandle sa pndemya kaya wala nang balikan sa traditional learning system. Eh buti sana kung may ginagawa sila para makapagadjust yung mga estudyante nila. Ni hindi nga nila naiisip na andito na lang kami for compliance of work, wala naman na talaga kaming natututunan, tas gagawin pang norm??? HELLO??? HILO BA KAYO??? Di ba kayo natatakot sa magiging future workforce ng bansa natin. Imagine, yung mga future doktora, engineer, journalists, atbp. eh nangangapa lang hanggang sa makapagtrabaho kase grumaduate through online class lang???? Ni hindi nga kami nakapagpractical kahit demanding sa lab activities yung course namin!!!! Hello?????? Grabe nakakayamot talaga. LOAng LOA na ako kaso nasasayangan rin ako kung ganito pa rin naman next term, saka hindi ko talaga kayang iwan at maiwan ng mga kaibigan ko. Nakakayamot talaga, eh simpleng academic ease na nga lang di pa mabigay sa amin. Babantot niyo. Alam niyo kung di niyo naman kaya magbigay ng maayos na guidelines at sistema, bumaba na lang kayo sa pwesto. Lalo niyo lang kaming pinapahirapan eh. 
2 notes · View notes
iriesandie · 5 years ago
Text
13 Mar 2020
Nakakahingal, ganito kasi yung kwento. May nangyari 2 weeks ago bago ako umuwi ng Aklan. Yung IG ko kasi minsan naka public, minsan naka private depende sa mood ko. Pag naka private ako, hindi talaga ako nag aaccept ng request kahit kakilala ko pag ayaw ko. May nag follow sa akin na account, walang laman and konti lang yung pina-follow niya. Hindi ko inaccept, basta hindi ko din pinansin. Nakalimutan ko na may mga pending pala akong request kaya nung bigla akong nag public, na auto accept yung follow request nung sinasabi kong empty account. Dahil hindi ko naman kilala yung account yun, inalis ko lang siya sa followers ko. The next day, nag follow ulit sa akin yung account na yon. So napa isip na ako kung bakit siya ulit magfa-follow, dummy account ba siya? Hinayaan ko lang, nakikita ko na naka view siya sa mga stories ko. Nung nasa Aklan na ako, dun ko lang napansin na may message request na pala sa akin. Yung account na hinayaan kong mag follow sa akin, madami na pala messages pero hindi ko napansin. Lalo akong kinutuban na fake nga yung account so binasa ko yung messages niya. Kinausap ko siya. Nag rereply ako sa kanya ng paunti unti dahil ang loko, english makipag usap pinapahirapan ako hahaha de joke. Kinausap ko siya kasi iba yung pakiramdam ko eh. Maayos naman siya kausap, wala naman siyang sinasabi na masama, actually puro compliments nga. So hinayaan ko pa din siya dahil pakiramdam ko pinag titripan niya ako at gusto kong malaman kung sino siya. Pagtapos ng ilang araw, na confirmed ko na dummy account nga yun. Na yung tao pala behind that account ay kilala ko in real life pero ayaw niyang sabihin kung sino siya. Paunti unti, napag kwento ko siya. Nung una, nililigaw niya pa ako. Totoo na siguro nga mga 6 years ago na kaming hindi nagkikita pero sabi niya hindi daw siya taga La Salle pero dun daw niya ako nakikita. Syempre malabo yun, ano siya dispatcher ng jeep? Hahaha wala naman akong kilala masyado na hindi taga La Salle so umamin siya na same school nga kami and nakikita niya ako sa school lagi noon. Kinulit ko pa siya para mag kwento. Gusto ko kasi malaman yung reason niya kung bakit siya gumawa ng fake account. Sabi niya, crush na crush daw niya ako. Cute na cute daw siya sa akin nung college and as per my previous writing, I quote and unquote yung sinabi niya na “Marami maganda sa dlsu pero tuwing nakikita kita iba hehehe” so kinilig ang ate mo sandra ng bahagya pero hindi naman ako naniwala dahil baka sinusubukan niya lang ako. Madami pa siyang sinabi, puro compliments talaga na kesyo gandang ganda nga siya sa akin (hayaan niyo nang i-emphasize ko dito please haha bihira may magsabi sa akin ng ganun) and matagal na daw niya akong inii-stalk and told me na kilala ko siya pero hindi siya sure kung naaalala ko pa siya. Dahil hindi ako papayag na hindi ko siya makikilala, kinuha ko yung loob niya haha. Don’t get me wrong here ha pero para saan pa yung pagiging psyc major ko kung hindi ko mate-take control yung emotions ng ibang tao. And siguro naman deserved kong malaman kung sino siya kasi siya tong nag simula eh. Pagtapos ng ilang araw na pilitan at hulaan kung sino, sa wakas nagpakilala siya. Sa lahat lahat naman ng tao nung college days ko, siya pa yung hindi ko inaasahan sa lahat. Gulat na gulat ako nung nag video chat kami kasi tangina panaginip ba to? Bakit ikaw yung kaharap ko??? Yung tao behind the fake account is Carl. Sino si Carl? Balik tayo sa buhay ko 7 years ago.
Si Carl yung isa sa mga ultimate crush nung college. Bestfriend siya nung classmate ko sa isang subject. Nakilala ko si Carl nung may event sa school namin dahil kasama siya ng classmate ko na bestfriend nga niya. So ayun, nung unang beses kong makita tong si Carl naging crush ko na siya. Ang cute niya lang kasi, he was nice and very approachable the first time we met. Palabiro and laging naka smile, as in ang cute niya mag smile at mukhang hindi din siya pure filipino. Balita ko at based na din sa pananamit niya, dancer daw siya college nila. Madami din daw nagkaka crush sa kanya sabi nung friend kong babae na ka course niya. So yun, tamang saya lang pag nakakasalubong ko siya sa campus pero hindi naman kami nag uusap, smile lang. Dahil super close ko yung bestfriend niya, inask ko kung anong name ni Carl sa facebook dahil alam ko naman na safe sa classmate ko kung aamin ako na crush ko yung bestfriend niya haha. So ayun, in-add ko si Carl kasi curious lang ako sa kung sino siya. Wala naman akong plano magpa pansin dahil alam ko naman na malabo niya akong mapansin at hindi din ako makakapalag sa beauty ng magagandang babae sa La Salle. Hanggang ayun, lumipas yung mga araw, nakikita ko pa din siya sa campus pero hindi na kami nagpapansinan pero okay lang, nakakatuwa pa din kasi nga crush ko siya. Lumipas pa ang maraming araw hanggang sa pa graduate na pala siya. Crush ko pa din siya pero hindi na ganun ka tindi, nakita ko din kasi na may girlfriend na siya and maganda yung babae. Yung typical girlfriend material para sa mga lalaki na alam mong mataas ang standards, yung babae na sobrang girly manamit at nag aayos talaga. So syempre diba anong laban ni Sandra dun na pumapasok ng walang kahit anong make-up sa mukha?
After kong maka graduate nung 2016 nag decide ako na mag unfriend na ng mga schoolmates ko na hindi ko naman talaga kaclose or even classmates na alam ko naman na hindi ko na kakausapin ulit. Kasama si Carl dun sa na unfriend ko kasi ano pa ba ang reason to keep him sa list of friends ko? I even removed sa instagram followers ko yung ibang tao na ayoko na din makita yung posts ko or maging connected pa sa kanila, follower ko si Carl sa IG pero hindi ko na siya inalis sa dahilan na hindi ko din alam haha. Ayun, tuloy lang ang buhay, hindi ko naman na siya iniisip pero minsan nakikita ko na na-view niya yung IG stories ko pero syempre sa dami ng pina-follow niya, iniisip ko na baka na tap lang niya pero wala naman siyang pake dun sure ako kasi sino ba naman ako? Haha.
So balik tayo sa present, kausap ko si Carl araw araw hanggang ngayon. Hindi pa din ako makapaniwala na yung isa sa ultimate crush ko nung college eh kausap ko ngayon. Hindi daw niya alam kung bakit hindi niya kayang magpakilala kaya siya gumawa ng dummy account pero late 2018 daw nung nagsimula siyang silip silipin yung IG ko, nakakatawa. We’re very comfortable sa isa’t isa. Grabe, nag meet at one end yung kalokohan namin. Tawa lang kami ng tawa pag magkausap kami kasi parehas kami ng level ng sarcasm sa buhay. Yung kahit anong sabihin ko sa kanya at kahit anong sabihin niya sa akin, walang naiinis sa amin kasi for me, para akong nakikipag usap sa long lost friend ko kaya happy ako pero syempre hindi ko sinet-aside yung idea na baka kaya ako masyadong happy ay dahil kausap ko na siya. Na baka subconsciously nga kasi I’m living the dream. Alam mo yun, things become perfect pag alam mong yung taong naging special sayo is just around the corner. Plus, Carl admitted that he admires me a lot. Hindi naman kami super naglalandian pa hahaha (defensive?) pero consistent kami mag usap. Ang hirap nga lang dahil malayo siya, 5 hours difference kami. Masaya kami at kita ko yun sa mga mata niya kapag nag uusap kami. Nagagawa din niya akong isingit sa busy niyang schedule sa trabaho. Madalas naka video call kami kahit hindi siya nagsasalita kasi bawal sa work niya. Basta pinapakinggan niya lang yung mga sinasabi ko habang pinapanood ko siya na naka upo sa harap ng laptop niya, kausap ko siya pag lunch break niya. Tumatawag din siya pag gising niya sa umaga at bago ako matulog sa gabi. Masaya kami, masaya siya at masaya ako hanggang sa bigla akong nakaramdam ng takot haha. Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan kami masaya, lalo na malayo siya. Natatakot na akong ma-attached kaya sinabi ko yun sa kanya. Hindi niya alam yung gagawin niya, pero sabi niya hindi naman siya mawawala. Pero hindi ko pa din alam, ayoko pa din maniwala. Pero ganun pa din, magkausap pa din kami. Pero ganun pa din ako, natatakot. Ang hirap, bakit ganun yung nararamdaman ko. Parang magandang panaginip na, biglang nagising pa ako.
Bukod dun ay gusto ko din sabihin yung isa pang point kung bakit ako nag sulat ng ganito kahaba. May nabasa kasi akong tweet na “It sounds fake but you really do have a lot of silent lovers in this planet who look at you and wish they had your smile, your hair, your humor, your manners, your intentions, your poise or are simply cheering on you. Some are just too shy to tell you, remember that when you feel alone.” So posible pala talaga, at some point nakakatuwa and it flatters me. Iniisip ko na hindi naman siguro mag papakita ng mukha si Carl and mag eeffort ng sobra kung pinag titripan niya lang ako. Na gigising siya ng 4AM sa kanila just to say good morning dahil alam niya na gising na ako ng ganung oras. My point is, kahit pala minsan pakiramdam mo walang nakaka appreciate sayo, meron pala talaga. Baka hindi lang nila kayang sabihin kaya baka sa ngayon hanggang tingin lang muna sila sayo. Kaya continue being you, hindi mo alam kung sino ang pwedeng ma attract sayo, beautiful flower of this universe.
7 notes · View notes
rig0 · 5 years ago
Text
kaya ayoko nagkakaroon ng pake sa isang tao dahil alam ko in the end ako rin masasaktan. mas ok na to kesa mag invest na naman ako ng oras at atensyon sa maling tao. kung akala niyo pinapahirapan ko lang kayo, nope dahil mas pinapahirapan ko ang sarili ko. pero ganon talaga, ayoko bumalik sa sakit na pinanggalingan ko noon. mas mainam na to :)
64 notes · View notes
taaaaangi · 5 years ago
Text
"Paula" to "Pola". Pinapahirapan niyo lang sarili niyo di ako lilingon hangga't di "Pau"ung tinatawag niyo sakin. Naririndi tenga ko hahahahahahhahahaha
#p
3 notes · View notes
tincollections · 3 years ago
Text
I'm really having suicide and depressive thoughts na. Buong week ng breakdown ang nagpapatulog sakin. Ngayon, hindi pa oras ng tulog ko pero breakdown na agad pagkauwi. Patagal nang patagal, pabigat nang pabigat 'to. Habang tumatagal, mas ginugusto ko nang maglaho. Haha hirap pala. Nagagalit ako sa sarili ko kasi dapat masaya rin ako tulad niyo eh. Kayo nanloko sakin. Kayo nanakit. Kayo nanira nang kasiyahan ko. Kaya dahilan nang paghihirap ko ngayon pero masaya kayo. Paano niyo ba ginagawa yan kasi hindi ko magawa e.
Kaya nagmakaawa ako sayo na tigilan mo kasi alam kong magkakaganito ako. Nagmakaawa ako kahit alam kong hindi dapat kaso wala eh napunta pa rin ako sa situation na 'to. Ayoko na pagod na pagod na ako. Ayoko na talaga. Sabi mo kakayanin ko to pero hindi naman e.
Ayoko na. Ayoko na sakin ayoko na qyoko na dito. Magaling naman ako maghandle nang ganto dati pero ayoko na. Wala ka na pero pinapahirapan mo pa rin ako. Ayoko na ayoko na
0 notes
cursesandcries · 3 years ago
Text
aaaaaa krisis na naman :)
i was ranting on my twitter about,,, thinking of pursuing vetmed after i dedicated my youth to working towards my dream of becoming a marine biologist.
naisip ko lang kanina na "hmm, what if mag veterinary medicine ako" tapos at first parang wala lang naman siya, parang "wow finally pinag-iisipan ko na naman yung gusto kong gawin sa buhay habang buhay pa ko" lang, tapos habang nagtitimpla ako ng kape bigla na lang sumagi sa isip ko "gago, is this a goodbye to my long-term, solid pangarap na marine biology na ba?" and pota nung naisip ko yon taena pri ang saket? ahahahahahha mas masakit pa ata 'to sa break up ahsdhfs puta totoo ba...................
parang yun yung pangarap ko since high school, wala na akong ibang inisip kundi mag-aral para maging marine biologist, excited pa ko sa marine biology na subject sa 2nd sem ng 4th year,,,, that was a very solid dream mars grabe tapos ngayon hahahaahha putanginaaaaa a a a a a a a a a a
dati pag tinatanong ako kung anong gusto kong maging, sa walang pag-aalinlangan, marine biologist talaga sagot ko. i was /so/ passionate about it na parang ginawa ko na siyang personality HAHA. tapos ngayon,,, ???? uhm, anyare bes? hahahaha (tawa na may pighati)
is it really possible to just change the career that you want because you lost your passion in the middle of pursuing your first, and only solid dream? or am i just being an overdramatic bitch right now? can't really say i 'changed my dream' because to be a vet was never my dream and that career path never occurred to me once (as i was very, very, heavily focused on marine biology). more like,,, i just lost my dream, i lost the passion to pursue it and idk if i can still pursue it because i don't feel like i belong there anymore. it doesn't feel right (idk if it's just my depression or whatever), so now i'm just looking for something else and boom vetmed.
ang drama kung basahin no, pero legit pag naramdam niyo first hand 'tong ganito, pag naranasan niyo yung ganito, ang bigat. ang bigat lalo na pag wala kang makakausap na nakakaintindi sayo. parang ang dali lang kung isipin pero hahaha mars :((( asdfasdfada dami ko nang problema dumagdag pa 'to >< di ko alam kung pinapahirapan ko lang ba sarili ko at nag-iinarte lang ako e hahahahhaaha pero kasi kung nag-iinarte lang ako why does it hurt? bakit ako malungkot? why do i feel like a lost a big part of me?
0 notes
phgq · 4 years ago
Text
Angeles City execs face raps over red tape
#PHnews: Angeles City execs face raps over red tape
MANILA – The Anti-Red Tape Authority (ARTA) has recently filed cases against officials of Angeles City, Pampanga for violating various sections of the Republic Act 11032 or the Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.
ARTA director-general Jeremiah Belgica personally filed three cases before the Office of the Ombudsman and the Civil Service Commission (CSC) against officials of the Renewable Energy Management Bureau (REMB) of the Department of Energy of Angeles City in Pampanga.
In a statement, Belgica urged the public to not be skeptical in filing complaints against government officials who violate laws.
“Lalo na po ngayong panahon ng pandemya, maling mali po na pinapahirapan natin ang ating mga kababayan sa pag-asikaso ng kanilang mga papeles. Binabantaan ko po ang iba pang mga ahensiya, ayusin niyo po ang mga serbisyo niyo kung ayaw niyong kasuhan namin kayo (Especially in this time of pandemic, it’s not good that we’re the ones causing burden to our fellowmen in processing their documents. I am warning other agencies to provide quality service if you do not want us to file a case against you),” he added.
The first complaint filed by ARTA before the Office of the Ombudsman cites “violation of Section 21 (d), (e), (g), and (h) of RA. 11032" which accounts their failure to give the requesting party a written notice on the disapproval of an application; failure to render government services within the prescribed processing time without due cause; and failure or refusal to issue official receipts.
Angeles City engineer Donato Dizon and former administrative aide Rowena Tiamzon were identified in this complaint.
The second complaint was against REMB director Mylene Capongcol for violation of Section 21 (d) and (e) of the Ease of Doing Business Act.
ARTA also filed charges at the CSC against other officials in the same bureau — lawyers Marissa Cerezo, Fortunato Sibayon, Ronald Angeles, and Clarita de Jesus.
“Ang panawagan po natin sa ating mga kababayan, mag-reklamo po kayo. Kailangan magtulungan po tayo upang sugpuin ang maling nakagawian sa gobyerno, Marami pa po maitatamang serbisyo kung tutulungan niyo kami (We encourage the public to send us their complaints. We need to work together to combat red tape in the government. We can correct these public services if you help us),” Belgica added.
ARTA filed the three cases shortly after the Register of Deeds of Calamba faced complaint over maximum quota system and noon breaks. (PNA)
  ***
References:
* Philippine News Agency. "Angeles City execs face raps over red tape." Philippine News Agency. https://www.pna.gov.ph/articles/1118265 (accessed October 13, 2020 at 12:17AM UTC+14).
* Philippine News Agency. "Angeles City execs face raps over red tape." Archive Today. https://archive.ph/?run=1&url=https://www.pna.gov.ph/articles/1118265 (archived).
0 notes
amarisseraphine · 7 years ago
Text
Ang malas lang pag magkasama tayo😂 BUT in a cute way
• yung sa tric natin pauwi fri the 13th sobrang traffic, I remember 4 tayo umuwi tas mga 8 something na tayo nakarating sa ating bahay hahahaha dahil sa sobrang traffic.
• pangalawa yung nagrobinson gen tri tayo haha nanood tayo sine 😊 yun ata yung bago ka mag macau. I don’t remember what we watch? is it coco? nagbus tayo sobrang funny nung time na yon kase yung dahilan ng pagkatraffic yung kabilang sides ng kalsada is sinakop yung way natin pauwi HAHAHAHA may yung may ginagawa yung tadhana para magsama tayo ng matagal huehue. So ayun we decided na lakarin or takbuhin.
• pangatlo Hahahahaha isasama ko to. Pauwi na tayo galing tagaytay. Sabi mo dun na lang tayo bababa sa bucandala para walang makakita satin tas sabi mo pa abangan ko kung may makita akong 7-11 hahaha moments later sabi ko nakita ko na😂 di ka naniwala sabi mo di pa yun yon, but yun talaga yun hahahaha. Tas nakarating na tayong imus 7-11 non pinaglalaban mo pa na di yun kingina hahahaha. Tapos patric na,nakasakay na tayo, nakaupo na. Biglang dumating sila izzah naglalakad kingina ng tadhana ang kyot kyot pinapahirapan ata tayo oh ano. So ayon, takbo bb takbo hahahaa. Ayon we wait mga ilang mins, pero pagbalik natin kingina nabili pa den haha so we decided na maglakad tas napakain pa tayo gastos shits na naman haha pero i don’t care naman e as long as kasama kita hehe.
• yung pangapat tumatak sa isip ko, yung nag kawit tayo sa bahay ni emilio aguinaldo hahaha ayon yung nasira yung tsinelas ko, dahil naapakan mo smh ka nung araw na yon hahaha. So ayonn naghanap ka, wala ka naman napala hahahaha so ako na lang naghanap then yon napagastos ng wala sa oras.
• nitong march 16, friday 😂 grabeee sobrang sama satin ng tadhana mukhang sinusubukan tayo char lang, pauwi na tayo around i gues quarter to 8. I asked you to buy us a drink, then you buy hahaha but you came back with one drink. It was so damn funny hahahaha sabi mo wala ng cup kaya isa na lang nabili kala ko nagjojoke ka lang then you add na ang dami pang gulaman hahahahaha ang cute diba pukingina kahit ganon.
• may idadagdag na naman ako dito mahal ko hahahaha eto july 7, 2018 pinapunta mo ko sa hauz niyo to teach you, but we watched movies muna after ilang hrs hapon na umulan babe then nagbrown out ang malas diba wala lang haha tagal din bumalik ng pekpek na kuryente non tas kinuha natin ung drawing sht ko tapos we realized na wala nga palang kuryente jusko mahal ko hahahaha i love you.
1 note · View note
unspokenfeelings7 · 4 years ago
Text
“SKL” Warning: Long post... pero for sure kailangan mo ring mabasa ‘to! ❤️
Isa sa pinaka masakit na comment na natanggap ko from a dummy account sa social media ay yung sinabihan ako ng, “Devotion devotion pa. Christian Christian pa. Pumapatol naman.”
Naranasan niyo na rin ba yun? Yung kapag may maliit na bagay kang nagawang mali tapos believer ka. Ang sinusumbat sa’yo agad, “Nag Christian ka pa!” Sakit noh?
Ako personally, aminado ako sa mga maling nagawa ko and hindi ko siya kinakaila. Minsan masungit and wala din sa mood. Alam ko lang din na mali ako and madalas nauubusan din ako ng pasensya, napupuno o nawawalan ng self control.
And honestly, Isa talaga sa prayer ko na sana yun yung maiwasan ko pero ang hirap hirap hirap hirap din pala. I know some of you can relate to this... Struggle is real... so is God! ❤️
Ang galing ng devotion ko tonight para akong naha-humble and at the same time sobrang na-amaze sa GRACE ni Lord! 🥺
If familiar kayo sa mga stories sa Bible, Like:
Sa book of Acts may story dun about kay Saul na dating persecutor. Si Saul wala siyang ginawa before kundi i-persecute yung mga followers ni Jesus. He was actually a member of a group who did not believe kay God. Si Saul sa sobrang galit sa mga believers, Dinadragged niya, Kino-condemn niya. Pinapahirapan at pinapatay.
And then suddenly, si Jesus nag-appear kay Saul, “Why do you persecute me?”, To make the long story short Saul was blinded from the light of Jesus’ appearance... Nabulag siya. Until nagsend si God ng maghi-heal sa eyes ni Saul. After that, Dun nagbago si Saul. Saul became known as “Paul.”
FROM PERSECUTOR TO PREACHER!
WHAT. A. TRANSFORMATION.
Pwede pala yun? YES! Sa mga stories sa Bible, Maraming mga makasalanan, maraming sa tingin ng iba “hindi nila deserve yung blessing” pero kung sino pa yung tinitignan ng ganon, SILA PA YUNG PINIPILI NI LORD! 🙌🏻 Alam mo kung bakit? Si Lord bini-bless Niya yung isang tao hindi dahil mabait ito, Bini-bless ka Niya kasi gusto Niyang patunayan na kahit hindi mo deserve, mahal ka niya. Ganon siya kabuti. ❤️ Hindi yun dahil sa effort mo. Dahil yun sa kabutihan Niya.
Sabi ni Paul, 1 Timothy 1:12, “I thank Christ Jesus our Lord, who has given me strength, that he considered me trustworthy, appointing me to His service. Even though I was once a blasphemer and a persecutor and a violent man, I was shown mercy because I acted ignorance. The grace of the Lord was poured out on me abundantly, along with the faith and love that are in Jesus Christ.”
Meron pa. Yung story din ni King David about naman siya sa pagkakagusto niya sa wife ng soldier niya. So ang ginawa niya pinadala niya sa battle yung soldier hanggang sa namatay tapos sa huli naging wife niya si Ate GhorL! Pero sa huli, Pinatawad pa rin siya ni God.
Meron pang isa. Si Rahab na prostitute and nagppraise sa mga “false idols”, na nagbagong buhay din when she joined sa mga God’s people.
I feel like I need to share this tonight kasi... I know some of you na-judge din, gumawa ng mali kaya nahihiya ng lumapit Sakanya, Feeling nila hindi sila pinapakinggan everytime nagppray sila kay Lord, Pinanghihinaan ng loob dahil sa mga pagkakamali...
GUSTO KO LANG SABIHIN NA... Hindi ka nag-iisa! ❤️ We were born into a sinful world. WE ALL SIN. Kahit yung pinaka mabait na taong kakilala mo, For sure, Nagkakamali pa rin yan.
Ikaw? Think about the sins you’ve done. Big and small. recent and from a long time ago... BREATHE!
Alam mo kung anong good news? If you have lived your whole life making BAD choices and chasing after things instead of God, Bago ka pa lumapit, Bago ka pa magsabi kay God, Alam Niya na ang puso mo. He wants to forgive you and give you a new life.
If he can forgive and have grace on murderers like Paul and David, He can do the same for you. Because He is GRACIOUS. He forgives sins when WE ADMIT our wrongs and try to live better.
Hindi ka lalapit Sakanya para magmukhang mabait, Hindi mo ipagsisigawan ang kabutihan Niya para magbago ang tingin sayo ng mga tao. Lalapit ka Sakanya kasi gusto mo ng pagbabago sa sarili mo.
Kaya nga natin Siya kailangan eh, Kasi hindi natin kaya. Kaya natin Siya kailangan dahil we are sinners and Siya lang ang mabuti. 🙂
YOU ONLY HAVE TO ASK.
YOU ONLY HAVE TO SURRENDER!
PRAY. Admit that you are a sinner and you need forgiveness. Say you believe in Jesus Christ and came, died for your sins and was risen from the dead. Ask Him to be your personal savior and the Lord of your heart and life. ❤️❤️❤️
Hindi madali pero kapag kasama mo Siya siguradong kayang kaya. Nothing can seperate us from the love of God kahit ano pang nagawa mo, kahit ano pang pinagdadaanan mo... Lapit lang. Suko lang Sakanya! Siya ang bahala sa’yo. 🙌🏻❤️
0 notes
nototebagsallowed · 5 years ago
Text
Tama na salsal, boy. Kailangan ka ng bayan mo!
(Blog ang Mundo: Pagsasalsal at Pakikibaka sa Internet)
Ang internet ay kasama sa popular na kultura. Kulturang ipinapakain sa atin ng mga naghaharing-uri. Para tayo ay malibang, malayo ang atensyon natin sa tunay na problema ng lipunan. Isang kagamitan ng mga nasa itaas para hindi lumaban ang nasa ibabang pinagsasamantalahan nito. Ganito ang nagagawa ng pagsasalsal. Isang metaporang ginamit ni U.Z. Eliserio para sa pag-aaliw sa sarili. Sa loob ng cyberspace, tila pribado. Parang ikaw lang ang nakakaalam kung ano ang ginagawa mo sa loob nito. Katulad ng pagsasalsal sa sekswal na konteksto, ang pagsasalsal sa internet ay pribado….dapat. 
Anong nangyayari? Bakit nawawala ang namamagitan sa publiko at pribado? Sa isang klase ni Eliserio, nabanggit niya na pinagawa niya ang bawat grupo ng blog kung saan malaya silang maglagay ng kung anu-ano. Ang punto ay para matuto sila paano gamitin ang cyberspace upang maglahad ng nakapgpapalayang kaisipan. Sinuri niya ang dalawampung (20) blog ng kaniyang mga estudyante. Bagamat isang kagamitan ng naghaharing-uri ang internet, mayroon pa rin itong rebolusyunaryong kapasidad.
Lumitaw ang mga walang kwentang blog ng kaniyang mga estudyante. Ang mga bagay na dapat ay pribado na lamang ay inilalahad pa sa publiko. Ito ang pagsasalsal na dapat ay pribado bagkus isinisiwalat pa sa publiko. Nangyayari ito sa kasalukuyan. Magbukas ka lang ng facebook at makikita mo ang iyong mga friends na nag-rarant tungkol sa mga napakawalang kwentang bagay. Mapa-away pamilya, kasintahan, pera at iba pang bagay na dapat ay pribado. Sa twitter, maituturing itong “kalat” na kung saan puro walang kwenta ang lumalabas. May away ng iba’t ibang tao sa loob ng twitter na walang katuturan. Ganito ang gustong mangyari ng mga naghaharing-uri at napakaepektibo nito. 
Pero masama ba ang minsang pagsasalsal sa internet? Hindi naman. Gaya ng sabi ni Eliserio: “Ang kaso, kung puro pag-iyak lamang para sa atensyon ang nagiging silbi ng blog, ituturing lamang itong mahusay na libangan, aksaya ng panahon, para lang sa mga walang magawa sa buhay.” Maraming nasasayang kung puro pagsasalsal sa internet ang pagyayamanin ng isang indibidwal. Sayang ang panahon na imbis na pagsasalsal ang aatupagin, sana ay itinuon niya na lang sa pag-aaral ng lipunan. Kung ginamit niya na lang sana ito upang magpalaganap ng mga kaisipang nakapagpapalaya. Pero hindi natin sila kaaway! Sila ay biktima rin ng sistemang mapang-api. Hindi pa sila mulat sa kalagayan ng lipunan. False consciousness ito kung tawagin ng mga Marxista.
Ano naman ang pakikibaka sa internet? Posible bang maging isang rebolusyunaryo sa loob ng isang midyum ng mga naghaharing-uri? Sa paanong paraan? Ang sagot ay oo. Kung paano ay hayaan niyo akong mag-kwento. Alam na natin na kagamitan ng naghaharing-uri ang internet. Tila mahirap makibaka sa cyberspace na puro pagsasalsal ang ginagawa. Pero posible ito. Una ay malamang, mag-aral ka ng lipunang Pilipino. Kapag tingin mo ay handa ka nang mag-mulat, gawin mo na. Kung lalakasan mo ang iyong loob, maaari kang makapagpalaganap ng mga kaisipang malaya. Kung pipiliin mong sumalungat sa agos ng ilog, pagpupugay sa ‘yo, nakikibaka ka na sa paraang alam mo. Sa twitter at facebook, mayroong mga pages ang mga aktibista. Isa sila sa mga halimbawa na kayang makibaka sa loob ng isang kagamitan ng mga naghaharing-uri. Naglulunsad ito ng mga twitter rallies upang paingayin ang mga isyung panlipunan dahil malawak na hanay ng masa rin ang maaabot sa loob ng cyberspace. 
Sa isang blog ni bandanieli.blogspot.com, sinabi niya na “Ang paglabas sa kinasusuklamang sistema ay katumbas lamang ng pagtakas sa problema, para lang ito sa mga duwag. Hindi nito nilulutas ang problema, iniiwasan lang." Ipinapakita ng ganitong klase ng blog ang rebolusyunaryong potensyal ng internet. Kung pipiliin lang natin na magpalaganap ng ganitong mga kaisipan, marami tayong maaabot.
Jose Rizal. Graciano Lopez-Jaena. Marcelo H. del Pilar. Mga bantog na pangalan na sumulat at nagpakalat ng propaganda sa mga Pilipino noong panahon ng mga Kastila. Isiniwalat ang katiwalian ng mga Espanyol. Inilantad ang pang-aabuso ng mga prayle at ang korapsyon ng simbahan. Nanindigan at humingi ng reporma mula sa mga Espanyol. Bakit ko sila binanggit? Simple lang. Gusto kong ipakita na may nagagawa ang pagsusulat. Mula noon, naging tanyag ang Unang Kilusang Propaganda dahil sa husay nilang magsulat. Talaga nga namang nakapukaw ito ng atensyon ng mga Pilipino. Tumagal ang pahayagan nang 6 na taon. 
Ano ang pagkakatulad nila sa pakikibaka sa internet? Parehong sulat ang porma ng pakikibaka. Kahit pa may nagawa ang Unang Kilusang Propaganda at ang pakikibaka sa internet, hindi pa rin sapat ito upang lumaya ang ating bayan. Hindi totoo ang mga katagang “The pen is mightier than the sword”. Mas maganda: “The pen is mightier with the sword”. Dalawahan lagi ang pakikibaka: teorya at praktika. 
Sa panahon na laganap ang patayan at karahasan; sa panahon na ninanakawan ng lupa ang mga magsasaka, pinapahirapan at pinapatay; sa panahon na pinagsasamantalahan ang mga manggagawa, binabarat sa sahod, kontraktwal, at walang pasabing tinatanggal sa trabaho; sa panahon na tinutugis ang mga mamamayang lumalaban; sa panahon na kailangan na kailangang isulong ang kilusang bayan at magpatalsik ng diktador, piliin mong makibaka, huwag ang pagsasalsal.
Pinagkunan:
https://philippineculturaleducation.com.ph/la-solidaridad/
0 notes
callmeprats · 8 years ago
Text
Goblin
So I finished the series two days ago and it really made me go crazy about it. Hahaha. Ang cute cute kasi nila Grim Reaper at Goblin mag-asaran. Ang effortless ng unexpected friendship nila. Hahaha. Though the story revolved in sad love, still, ang ganda ganda pa rin. Sobrang nakaka-impress. It’s a fantasy yet hindi kailangan i-exagged ang effects and story.
At sobrang hands down ako sa mga nasa production team. Alam niyo yun, from the story itself, to the execution of the artists, its visual effects and sound tracks!!!! Nakaka-inlove!!! Binuhay nila yung ultimate dream ko!!! 😭
Mas lalo kong naappreciate ang Korean drama because of its unique stories. Tumaas standards ko when it comes to love, seryoso. Hahaha. Yung hopeless romantic na ‘ko, pinalala pa nila? Hahaha. E kasi naman, those kind of love stories ang pinapangarap ko. Kaya feel ko nyan tatanda na akong dalaga kakahintay sa ganoong klaseng pagmamahal. Chos! Hahaha.
Going back to the story, hindi lang siya basta love story. It’s also a story of faith. Kung gaano ba kalakas ang pananampalataya ng isang tao or kahit immortals sa Almighty. Di ba? Aminin natin, minsan nagtatanong tayo, may Diyos ba? Bakit Niya tayo pinapahirapan? Bakit parang hindi Niya tayo pinapakinggan? At gustung gusto ko yung scene ni Samshin at Deok Hwa, kung ginawa nga namang perfect ng Diyos ang lahat ng bagay, hahanapin pa kaya Siya ng mga tao? And the fate is the questioned thrown by the Almighty, people can find answers to it.
God listens, every time. Minsan akala natin hindi Niya tayo pinapakinggan dahil iba yung nangyayari sa'tin kesa sa gusto natin pero we should always keep in mind that God has its own reasons why His answers are different from what we are expecting.
Kudos to all the people behind this beautiful series! Hands up!
3 notes · View notes
titans-blog · 6 years ago
Text
Letter to God
Lord God, dalawa lang ang dasal ko, walang para saken kundi para sa tatay ko. Lord, it’s been 4 months since my tatay was diagnosed with brain metastasis. Doctors suggested doing a biopsy, so a biopsy has been done. Chemo and radiation were suggested but we decided not to do so, because of the side effects and my tatay would not take what it may cause.
Nag dadasal ako Lord na kung oras na niya kuhain niyo na, wag na sanang mag hirap pa, o kung pagagalingin pa Lord pagalingin niyo na.
Magkaiba kami ng dasal ng ate ko siya nag tatanong, hindi ako nag tatanong sa inyo Panginoon, tanggap ko kahit anong mangyari, oo masakit pero kung yun ang ipagkaka loob mo. Hindi ako nag tatanong kung bakit pinapahirapan ang tatay ko e hindi naman siya masamang tao. Oo, totoo hindi masamang tao ang tatay ko, hindi siya naging masamang ama, hindi siya perpekto pero alam kong mabuti siya.
Alam kong pagsubok lang ito, pag subok maaring samin na pamilya niya o pag subok para sa kanya. Mahirap Lord pero may isinuko na ko para sa kanya at hindi ako susuko sa kanya hanggat humihinga pa siya.
Kakapit ako sa paniniwalang may himala kahit alam kong tinaningan na siya. Ilang buwan, ilang araw, ilang oras. Anytime soon pwedeng mawala siya, pero anytime pwede ding mawala bigla ang bukol sa utak niya at bumalik ang dating sigla niya. Alam ko Lord na ikaw at ikaw lang ang makakapag pagaling sa tatay ko. Salamat sa kabutihan mo. Dito nalang ang dasal ko. Sana mabasa mo, sana marinig mo at sana pag bigyan mo ang dasal ng isang anak na sumasamo para buhay ng ama niyang nag hihirap sa hapis ng sakit ng kanser.
0 notes
torpengromantiko · 8 years ago
Text
02/17/2017 Kanina pa ako naiiyak sa trabaho nung 6:30 PM pero pinipigilan ko, sabi ko sa sarili ko mamayang 7:00 PM na lang ako iiyak pagka-out ko sa trabaho. Pagkauwi ko sa bahay sabi ko iiyak ako pero nawalan na ako ng gana umiyak kaya kumaen na lang ako at nanuod ng CINDERELLA 2015 sa laptop ko. Kahit papaano nawala yung pagod at bigat ng nararamdaman ko sa pinanuod ko, feeling ko ako si Cinderella, ako yung inaapi-api, kinakawawa, pinapahirapan dejoke. Yung totoo pagod na pagod na ako sa trabaho, magdadalawang taon na ako dito sa Korea, simula’t sapul hindi naman talaga ako naging masaya sa trabaho ko, dagdag pa yung partner ko sa trabaho na Vietnamese na lagi akong ginugulangan sa trabaho, yung ako lahat sumasalo ng trabaho. Mahirap magtrabaho lalo na kung hindi ka masaya sa environment na ginagalawan mo at lalong lalo na pag hindi ka masaya sa kasama mo.
Yung totoo andami kong reklamo sa trabaho ko, pagod na yung katawan ko. Pagod na ako na hindi ako nakakaen ng tanghalian sa tamang oras (in short pagod na ako na laging nalilipasan ng gutom) madalas 1:00 PM na ako nakakaen at kailangan 10 minutes lang yung kaen tas balik na agad sa trabaho, yung tipong hindi pa natutunaw yung pagkaen eh kailangan mo ng magtrabaho ulet. Pagod na ako na lagi na lang akong kulang sa tulog, maswerte na ako pag nakaka 6 hours ako na tulog, pagod na na laging nakatayo ng 11 hours sa trabaho, pagod na ako na laging pumapasok sa malaking basurahan, pagod na ako na laging nagbubuhat ng mga bagay na hindi ko naman kayang buhatin pero kinakaya ko dahil wala naman akong choice eh, pagod na akong nakukuryente lagi, pagod na ako na laging naliligo sa alikabok, pagod na ako na laging madungis sa trabaho, pagod na ako na laging inaalipin, pagod na ako na laging sinisigawan, minumura, sinasabihan ng bobo at tanga, pagod na akong sumalo ng mga kapalpakan na hindi ko naman ginawa.
Minsan gusto ko na lang humagolgol hanggang sa wala na akong mailuha pa, hanggang sa mapagod na ako at makatulog na lang. Minsan tinatanong ko si Lord kung bakit niya ako nilagay dito, bakit kailangan kong maranasan ang lahat ng paghihirap na ito, pagod na pagod na talaga ako, hindi na kaya ng katawan ko. Hindi naman ako superman para kayanin ang lahat. Minsan nauubos na ang pasensya ko pero wala akong magawa kundi magtimpi at magtiis parin. Minsan gusto ko ng sumigaw sa factory ng “TAMA NA!!!!! AYOKO NA!!!! HINDI KO NA KAYA!!!!”. Minsan gusto ko ng magmura kahit hindi naman ako talaga nagmumura, minsan gusto ko ng murahin yung Boss ko, yung manager ko at yung mga kasama kong vietnamese, yung duruin sila ng daliri ko isa’t isa at sasabihin kong “IKAW, IKAW, KAYONG LAHAT, PVTANG *** NIYO!!!!!! MAMATAY NA KAYO!!!!”. Kung may superpowers lang ako, ginawa ko ng palaka at butiki lahat ng kasama ko sa trabaho.
Nakakatawa mang sabihin, “Oo, inaalipin ako dito, yung tingin sa akin mababang uring nilalang, isang ROBOT, ganun ganun na lang nila ako sinisigawan, minumura, minamaliit”. Nakakatawa lang, nagtapos ako ng apat na taon sa kolehiyo para lang magpa-alipin sa ibang bansa, hindi ko mapigilang hindi maiyak ngayon habang tinatype ko to. Gusto kong tawagn ang Nanay ko ngayon, gusto ko ng may makausap pero wala palang wifi sa bahay dahil kinuha ng kuya ko, nag PM ako sa tatlo kong close friend sa pinas, sabi ko gusto ko ng makausap, naiiyak na ako pero busy ata sila, gusto kong magsumbong sa syota ko, gusto kong magkwento pero nagmessage siya na busy siya ngayon sa trabaho kasi inaayos niya yung mga machine niya.
Araw-araw sa pagising ko, sa pagpasok ko sa trabaho para akong nakikipagdigmaan, minsan pakiramdam ko hindi ko na talaga kaya, sukong-suko na ako, lantang-lanta na ang katawan ko pero at the end of the day heto at nanatili parin akong buhay, sinasabi ko na lang sa sarili ko na kaunting tiis na lang, makakauwi na rin ako sa september, kunting tiis na lang magtatapos na rin ang paghihirap ko. Hindi ko naman inaasahan na ganito pala kahirap ang buhay sa abroad, akala lang nila okay ako dito, pero hindi nila alam yung mga hirap na pinagdadaanan ko. Goodnight.
24 notes · View notes