#parker yapchengco
Explore tagged Tumblr posts
tinamaetales ¡ 8 years ago
Text
Parkers, Imogens with a side of Saints (mga hugot part 2)
Long post ahead, kasi :( 
(And sorry rin kasi puno ‘to ng spoilers)
Ito’ng blog post na ito ay nakalaan para sa “Just” series ni beeyotch (tulad ng aking nabanggit sa nakaraang blog post) Gaya ng sinabi ko noon, yung Just the Benefits at Just the Strings ay ang mga kwento na talagang paborito ko sa lahat ng kwento na nabasa ko sa wattpad. Sa sobrang paborito ko, di ako makamove on. As in tuwing 5:04 pm naiiyak ako. Tuwing maririnig ko yung “Stitches” ni Shawn Mendes si Shiloah naalala ko. Tuwing magdadab sila Jess at Gabriel ang naaalala ko ay ang #TeamBanal. Tuwing makakakita ako ng soccer ball ang naiisip ko agad ay si Parker Y, Parker P. at si Preston. Yung mga simpleng bagay na related sa mga kwentong yan ay para bang napakahalaga na sa akin. 
Di ko rin talaga alam kung ano ang purpose ng blog post na ito, kung book review ba or mag eemote lang ako dito. Basta ang alam ko, lahat ng nararamdaman ko sa books na yun, sasabihin ko. (sana lang masabi ko ng maayos, magulo pa naman akong kausap) Saka sorry na agad kasi puro spoilers ‘to.
Simulan na natin. Una ko talagang nabasa yung second book, yung Just the Strings. Wala pa ako sa kalahati ay nagtataka na ako kung bakit parang push na push yung mama ni Imogen (na Imogen din ang name) na sila ni Parker ang magkatuluyan. Tapos naasar din ako sa mama niya dahil parang di maka move on dun sa ex niyang Parker din ang pangalan eh may asawa na siya. At dahil nga naguguluhan ako, ayun di ko na muna tinuloy ang pagbabasa ng Just the Strings kasi binasa ko na lang muna ang Just the Benefits tutal yun naman ang unang book at sabi ng kapatid ko mas maiinitindihan ko ang mga bagay bagay kung mababasa ko yung una.
Just the Benefits.
Umpisa pa lang dito nastress na ako eh. Nakaka stress kasi ang relasyon nila Imogen Harrison at Parker Yapchengco. Alam mo naman na mahal na mahal nila ang isa’t isa pero parang may mali. Nakakainis lang yung tinatago ni Parker si Imogen, yung tila kinakahiya. Nakakaasar kasi nagmumukhang kabit si Imo. Ito yung kwento na habang binabasa mo mapapakanta ka ng “Secret Love Song” ng Little Mix eh. Kasi ganyan na ganyan yung relasyon nila. Tapos nandito pa si Shiloah na di ko alam kung nawawalang miyembro ba ng labintatlong martyr ng Cavite sa sobrang ano niya. Bakit ba kasi ganito ‘tong libro na ‘to? Pinakita nito sa akin na ang sakit sakit at ang sarap sarap magmahal? WTF. Ayoko na :( </3
Isa sa mga naunawaan ko sa kwentong ito na totoo ngang ang mga sikreto ay isa sa mga nakakasira ng relasyon. Dahil kapag may sikreto ka, siyempre magdudulot yun ng miskomunikasyon at kawalan ng tiwala. Kung naging totoo lang sana si Parker nung umpisa pa lang, siguro naging iba ang takbo ng kwento. Siguro hindi ganun kasakit. Pero ganun naman talaga di ba? Kapag nagmamahal ka, masasaktan at masasaktan ka dahil di ka naman masasaktan kapag di mo mahal. Siguro nga may mga tao sa buhay natin na dadaan lang para magsilbi bilang isang aral. Na dumating lang sila sa buhay natin upang maging daan sa mas higit pa. Siguro nga yung great love na inaakala natin ay isa lang palang daan para sa totoong great love mo. At ang mga trahedya sa buhay na ating hinaharap ay ang magpapatibay sa atin.
Imogen Harrison. Sa kanya ko nakita yung klase ng tao na kahit nasasaktan na, tuloy pa rin sa pagmamahal. Nagustuhan ko sa karakter niya ay yung pagiging makatotohanan ng dating kasi di ba may mga taong ganyan naman talaga yung tipong kapag nagmahal ibibigay ang lahat kahit wala nang matira sa kanya? Siya yun. Ibinigay lahat ng pagmamahal kay Parker pero dahil nga lahat ng sobra masama eh di yun. Di ko naman masasabi na huli na bago niya nakita yung halaga niya, yung tipong dapat nagtira rin siya sa sarili niya. Sobrang daming pinagdaanan niya in life minsan nga habang nagbabasa ako nung kwento niya napapatanong na lang ako ng “Kaya pa teh?” Matatag siyang tao pero lahat naman tayo may limitasyon di ba? 
Parker Yapchengco. Ang sakit niya mahalin. Ang sakit mahalin pero sobrang worth it. Lahat naman ginagawa niya eh pero kasi may mga bagay talagang hindi natin makokontrol. Minsan napapatanong na lang ako kung bakit siya pa? Kasi nagmahal lang naman siya pero bakit kailangan mangyari yun? Oo may pagka gago siya pero grabe naman siya magmahal. Siya yung klase ng tao na mapapakanta ka ng The One That Got Away ni Katy Perry. Kasi siya na yung “The One” pero he got away. In another life, I would make you stay so I don’t have to say you were the one that got away </3
Shiloah Suarez. Habang nagbabasa ako ng JTB, di ko maiwasan matanong kung ito bang si Shiloah ay nawawalang miyembro ng mga martyr ng Cavite. Grabe siya eh. Grabe siya magmahal, yung tipong kahit na harap harapan nang pinapakita sa yo na may iba, na hindi ikaw, mamahalin ka pa rin niya. Kahit na saktan mo siya ng paulit ulit wala siyang pakielam basta ang priority niya ay maging masaya yung taong mahal niya kahit na hindi siya parte ng kasiyahang ito. Nakakainis na kung minsan kasi ang perfect niya pero willing siya ma gago basta para sa mahal niya. Papatayuan ko siya ng monumento.
Bianca the psychopath. Di na-reveal ang surname ng lecheng ‘to. Basta isa siyang psychopath dahil sa kagagahan niya may namatay (dapat siya na lang) sorry spoiler. Pero nung sinubukan ko namang intindihin yung character niya medyo gets ko naman yung pinanggagalingan niya (medyo lang). Siya kasi yung na-deprive sa pagmamahal kaya nung nagmahal siya sobra to the point na it made her become crazy and she did everything just to get what she wants. LITERAL NA NABALIW SA PAGIBIG, WAG TULARAN. 
Toby (di na-reveal ang surname niya eh). Ito yung klase ng tao na ang sakit magsalita pero totoo. Kumbaga, sa mundong puno ng pretentions, be a Toby. Kasi ‘tong si Toby, presidente ng real talk. Wala siyang pake kung masasaktan ka basta sasabihin niya ang totoo sa yo para matauhan ka na kasi ayaw niyang nakakakita ng taong nagtatanga tangahan. Masakit magsalita, nananampal ang katotohanan pero mas mabuti na yun kaysa matamis na kasinungalingan di ba?
Marami pang mga tauhan mula sa Just the Benefits na talagang tumatak sa akin. Walang sayang na character dito bes, promise. Basahin mo ‘to kasi marami kang marerealize na mga bagay bagay. Nakaka stress nga lang basahin kasi ang sakit sakit ng plot pero just think of it as a taste of reality, kasi masakit talaga magmahal pero worth it.
Just the Strings
Kung anong stress naman ang dulot ng pagbabasa ng JTB dahil nga sa masakit na takbo ng kwento nito, ito namang sequel nakaka gv, promise! I love its romcom vibes. Nakakatuwa kasi kahit na mas light ang approach dito eh deep naman din ang love na ipinakita. Ang meron sa kwento na ito naman ay tungkol sa next generation nila Parker at Imogen. SPOILER ALERT na, di sila nagkatuluyan sa unang story pero hiniling kasi ni Parker (na medyo pabiro) na yung next generation daw sana nila magkatuluyan na. So dito magsisimula yung complication.
May anak na lalaki yung ate ni Parker Yapchengco na si Kach, tapos ipinangalan din sa kanya tapos si Imogen naman may anak na babae na pinangalanan nilang Mary Imogen. Mga bata pa lang sila palagi na sinasabihan ng both parents na dapat sila ang magkatuluyan, na para sila sa isa’t isa. Si Mary Imogen, nadala siya sa ganung pagpupush sa kanila ni Parker kaya na-inlove siya tapos si Parker II naman ayaw niya kasi feeling niya wala na siyang kalayaang pumili. Pero paano kung tadhana na mismo ang nagsasabing hindi? Mapipilit pa ba? Pero paano naman kung tadhana na rin ang nagsasabing para sila sa isa’t isa?  Huli na ba ang lahat?
Mary Imogen. I love her. Ang bait niya kasi tapos ang genuine niya magmahal. For years, she loved Parker Palma. Siguro isa sa mga factor dito ay yung dahil nga lagi siyang pinupush ng mama niya, pero may sarili naman siyang puso at isip eh kaya nung na fall na siya kay Parker, talagang na fall siya. Mahal niya bes kahit na nasasaktan na siya, walang reklamo. Umiiyak lang ng tahimik. (mala Shiloah ang peg) Pero kahit ganun, she remained the genuine and loving person that she is. Kainis ang perfect. 
Parker II. Itong si Parker naman naasar ako sa kanya. Kasi kahit harap harapan na niyang nasasaktan si Mary, push pa rin siya. Ayaw niya kasing dinidiktahan siya. Sabagay, ikaw ba naman mula pagkabata mo pinapagawa na sa yo yung mga bagay na di mo naman bet di ka kaya mauumay? He was made to become a replica of his Tito Parker and he hates it. Nasasakal siya. Pero sa kanya ko napatunayan yung “You only know you love her when you let her go and you let her go” HIS REALIZATIONS BECAME TOO LATE. 
Saint GDL. Siya yung knight in shining armor. Yung tipong dumating siya sa buhay mo in the most perfect timing. Nakakatuwa siya kasi kahit na siya yung typical na male lead mo - gwapo, athletic, lovable, eh unique siya in his own ways. I guess its the GDL effect. Kunting chapters pa lang nababasa ko tungkol sa kanya gusto ko na agad siya. May mga mistakes man siyang nagawa, at least he knows how to own up to them and wala eh SAINT GDL yan. Napapakanta na lang ako ng Ikaw na ba si Mr. Right? 
Tapos yung mga supporting characters pa like the GDL brothers, sila Kath, Liza, Benj, Jackson, Finley, Riley and of course si Performer Preston ay nagdagdag ng kulay sa kwentong ito. Lahat ng characters dito ang sarap itropa eh :)
What I love the most about this story is that even if may strings (may connection), the characters turned out to shine on their own. I love how lovable Mary is at kung paano siya magmahal. I also love how adorable Saint is, yung kahit na maangas ang datingan pero pagdating sa love of his life naman eh softy (yung cuddly type ganern, hihi). And, I learned how to love and understand Parker II. Overall, na witness ko kung paano nag grow yung mga characters, yung from being the young, wild and free teenagers to responsible young adults. I also learned a lot from this. Isa na siguro sa mga natutunan ko ay iyong matutong magpahalaga sa mga tao, don’t take them for granted kasi ikaw ang magsisisi sa huli. Pangalawa, gaya nga ng sabi sa isang TV ad, wag mahihiyang magtanong kung may ritemed ba nito kemerut. Wag puro assumptions, magtanong, magcommunicate. Kasi miscommunication can destroy relationships. Pangatlo, mahirap kalaban si timing. Pang-apat, don’t be afraid to love.  
So yeah, this is just a blog post that tells you about stories of great love that involve Parkers, Imogens with a side of “Saints” All of them deserve to love and be loved, maybe not in the way they expected to because something greater is in store.
x,
tinamae aka kristine
0 notes
dnvlrsvcnt-blog ¡ 7 years ago
Text
Parker Yapchengco, I miss you.
0 notes
teambeeyotch-blog ¡ 9 years ago
Photo
Tumblr media
- Imogen Harrison and Parker Yapchengco, Just the Benefits
0 notes
tinamaetales ¡ 8 years ago
Text
mga hugot pt. 1
first full length tagalog post, waddup!
Matagal na akong nagbabasa sa wattpad, dahil bukod sa nakakabasa ako ng libre ay may mga natutuklasan akong mga manunulat doon na di man nabibigyan ng pagkakataon na sumikat ay patuloy pa rin sila sa pagbabahagi ng mga kwento. Inaamin ko na noon, mas pinipili ko talaga magbasa sa wikang Ingles, kasi pakiramdam ko noon mas may lalim ang mga kwento nila kaysa sa nakasanayan nating ‘plot’ ng mga kwentong Pilipino (patawad kung masyadong kolonyal ang mentalidad ko noong high school ako, ang pelikulang Heneral Luna ang nagbalik sa pagmamahal ko sa Inang Bayan ngunit sa ibang araw ko na lang iyan ikukwento). Sinubukan kong magbasa sa wattpad, napansin ko kasi noon na tila sumisikat ito at nakikita ko naman na dumarami ang mga nagbabasa. Ang una nga palang kwento na nabasa ko sa wattpad ay ang “Seducing Drake Palma” ni beeyotch. Pagkatapos nun, binasa ko ang “Training to Love” ni Jonaxx. Tapos, binasa ko naman ang “A and D” ni fallenbabybubu. Pagkatapos nun ay halos di ko na mabilang ang mga magagandang kwento na nabasa ko. Lahat po yan ay romance ang genre pero bawat isa sa kanila ay natatangi ang kwento, di mo masasabing “bumenta na yan” dahil may kakaibang ‘magic’ ang pagkakasulat. Minsan nga naisip ko, bakit di na lang ang mga ito ang gawan ng ‘film adaptation’? Mas bago ang mga konseptong ipinapakita ng mga kwento ng mga manunulat sa wattpad kumpara sa mga napapanood nating mga mainstream na pelikula (hindi po ako hater at walang intensyon na mag bash, ang sa akin lang ay di naman masamang humanap ng bagong timpla na makikita sa mga sinehan di ba?)
May mga tauhan sa bawat kwento na tumatak talaga sa akin. Nais kong ibahagi sa inyo ang aking opinyon tungkol sa kanila. (Pero hindi lahat mailalagay ko dito, ang dami kasi) Simulan natin :)
Seducing Drake Palma by Beeyotch
Gaya ng sinabi ko, ito yung unang kwento na nabasa ko sa wattpad dahil sa kapatid ko. Nung panahon kasing yun, matagal na siyang nagbabasa sa wattpad pero di lang ako nagkakaroon ng interes, tapos nung may pinuntahan kaming lugar na walang internet, nakita kong nagbabasa siya tapos nag eenjoy naman. Kaya ayun, binasa ko na rin. Di ako nagkamali! Sobrang sulit ang pagbabasa! Wag kang magpapadala sa pamagat, di ito adult fiction. Teen romcom ‘to. Magaan siya basahin tapos nakakakilig nga naman. Minsan hinihiling ko na sana ako na lang si Alys. (haba ng hair ni ati!)
Drake Palma
Aaminin ko, kaya ako talagang nagkainteres dito dahil yung crush ko ng panahon na yun (high school ako nito) ay parang si Drake Palma. Masungit, snob, tahimik, pero sobrang gwapo at matalino. Nakita ko si Drake sa kanya. Tapos syempre, feeling ko ako si Alys. Isa sa mga nagustuhan ko kay Drake ay yung kahit once in a blue moon siya magsalita ay pag nagsalita naman siya tumatatak naman. Si Drake Palma siguro ang ituturing kong ‘first love’ sa wattpad. Di siya perpekto, masasaktan ka sa kanya pero di ba ganun ang pagmamahal? Na alam mong nagmamahal ka kapag nasasaktan ka pero worth it naman. 
Alys Perez
Ito yung tauhan sa kwento na kagigiliwan mo dahil sa kanyang personalidad. Masasabi mo na yung pagiging ‘bubbly’ at inosente niya ang dahilan kung bakit siya kamahal mahal na tauhan sa kwento. Naalala ko ang sarili ko sa kanya, lalo na nung high school, yung feeling na may crush ka tapos talagang gagawin mo lahat makakuha lang ng kahit kunting pagpansin mula sa tao. (Pero siyempre sa akin di happy ending, haha saklap. Kaya siguro bitter ako eh dahil sa kasawian nung high school, biro lang)
Lana’s List by fallenbabybubu
Ito nagustuhan ko kasi yung pag atake sa kwento medyo kakaiba. Gaya ng nasa pamagat, ang kwento nito ay umiikot sa isang listahan. Ang listahan na iyon ay ginawa ni Lana para maging gabay niya pagdating sa  pagdedesisyon tungkol sa kung ipagpapatuoy ang pagtingin o hindi. Sabi nga sa synopsis ng kwento, may dalawang klase daw ng lalaki yung reachable at unreachable. Kapag unreachable, tigil na bes di ka mananalo diyan uwian na. Pero kapag naman reachable, diyan maaring magkaroon ng change is coming kemerut. 
Lana Lopez
Siya yung klase ng lead character na gusto ko maging. Nagustuhan ko yung pagiging independent niya at saka pagiging matalino sa mga desisyon. Marami akong natutunan sa ginawa niyang listahan. Gusto ko rin yung pagiging ‘realistic’ ng kanyang perspektibo, yung di assuming. Tinitimbang niya ang mga desisyon. Pero siyempre may mga flaws pa rin naman siya. Gusto ko maging tulad ni Lana.
Zeo Alcante
Ang masasabi ko na lang ay, siya yung klase ng lalaki na mapapakanta ako ng “Mr. Right” kasi ganyan yung mga type ko nung teenager pa ako (wow, makasalita naman akong type di ba? sensya na po). Yung magaling mag basketball at chinito. Ang isa sa nagustuhan ko sa character niya ay siya yung klase ng tao na di ko madalas ma-encounter kumbaga. Kasi siya, parang SM got it all ganern. Pero ayun nasa category siya ng unreachable tapos ayaw niya pa ng commitment. Naintindihan ko yung ‘hesitations’ niya pagdating sa pagcocommit. Perfectly flawed na tauhan para sa akin.
Not all blondes do backflips by CrayonChomper
Ito naman, sa wikang Ingles isinulat pero Filipino ang sumulat. Ang nagustuhan ko dito ay yung hindi pagiging ‘common’ ng karakter ng bida. Si Lennon Simms kasi kumbaga maituturing mong ‘stereotype’ kasi blonde siya, matangkad, blue ang mga mata at yung katawan niya pang cheerleader kaya nga nung unang araw niya sa bagong paaralan na nilipatan inalok siya ng mga cheerleader na mag sign up sa kanila pero ang ginawa niya nag sign up siya sa math wizards at dun nagsimula ang mga ‘complications’ (sorry na, spoiler alert)
Lennon Simms
Di siya yung karaniwang prim and proper na tauhan. Palamura siya, maangas, at napaka boyish dahil na rin siguro nag iisang anak na babae siya. Ang gusto ko sa kanya ay yung pagiging totoo niya. Di niya tinatago kung sino talaga siya kaso minsan dapat mag preno rin siya.
George and Paul Simms
Yung kambal na mga kuya ni Lennon pero dahil isang taon lang naman ang agwat kaya iisang antas lang sila sa paaralan. Ang gusto ko sa kanila ay yung pagiging magkaibang magkaiba kahit na identical twins. Bukod sa mukha, ay ang pagiging soccer player na lang ang pagkakapareho nila wala ng iba. Si George mas kasundo ni Lennon. Pero tinawag siya ni Lennon na ‘Satan in a blonde wig’ dahil kahit mabait, kapag nagalit iba rin. Si Paul naman ay ang epitome na siguro ng isang lalaking vain. Masyado kasing obsess ‘to sa looks niya lalo na sa buhok. Tawag sa kanya ni Lennon ay ‘diva slob’
How to break-up with the bad boy? by beeyotch
Siguro ngayon pa lang halata na fan talaga ako ng mga kwento ni beeyotch. Ito naman yung kwento na hirap akong tapusin basahin paano ang unpredictable ng bawat kabanata. Yung akala mo magiging okay na tapos meron pala biglang, ‘surprise, mofo!’ at ‘but wait, there’s more!’ kemerut. Ang sakit sakit basahin ng kwento na ‘to. Parang mapapasabi ka na lang ng, wag na tayo magmahal bes ganern.
Monique Aldea
Itong tauhan na ‘to ay yung klase ngtao na kakampihan mo pero kaiinisan mo rin. Kakampihan mo siya kasi naiintidihan mo yung pinanggagalingan niya eh pero kaiinisan mo rin dahil sa mga naging desisyon niya. Yung mapapasabi ka na lang ng, ‘Sa lahat ng pwede kang maging tanga diyan pa! Na sayo na teh, anyare?’ ganern. Pero masisisi mo ba siya? Yung tipong kapag naman inisip mo na ikaw yung nasa sitwasyon niya eh malamang baka ganun din ang gawin mo o pwede namang maging mas matalino ka sa magiging desisyon. Pero ang alam ko lang matapos ko ‘to basahin? Yun ay ang wag agad humusga. Madaling magsalita kung di ikaw ang nasa sitwasyon.
Chance Sandoval
Ito yung tauhan na kung maghahanap ka ng isang kanta na magdedescribe sa kanya ay yun yung ‘Perfect’ ng One Direction kasi siya yun. Ano pa ba hahanapin mo? Gwapo, stable ang career, at wagas magmahal. Pero dahil sa mundong ito di pwedeng sa yo lahat ayun si fafa Chance kahit anong perfect niya iniwan pa rin kaya naging cold. Tapos nung nagmahal ulit eh...(basahin niyo na lang ayoko ispoil ‘to mas maganda na habang binabasa niyo nasasaktan din kayo tulad ko haha, mabuhay ang mga sawi!) Bakit ba ganun? Nagmahal lang naman siya pero bakit kailangan lagi siyang masaktan? Yun na lang ba talaga ang tadhana niya? Gusto ko na lang tuloy sabihin na, akin ka na lang Chance, iingatan ko ang puso mo. Pak ganern.
Lourd Sandoval
Yung bad boy. Yung fuck boy. Yung ang perpekto na rin pero alam mong delikado siyang mahalin. Siya yung tao na mapapakanta ka ng “I knew you were trouble’ ni Taylor Swift. Alam mong masasaktan ka kapag nag take ka ng risk pero alam mo rin sa sarili mo na worth the fight siya. Siya yun eh. Siya yung halimbawa ng isang taong minsan nang nagmahal ng sobra pero ginago kaya naging gago pero kapag nagmahal naman muli ayaw mo nang pakawalan. Ayan ganyan yan. Pero kahit ganyan yan, mahal ko yan.
Just the Benefits - Just the Strings - Just this Once (pati na rin yung story ni Preston na I watched him fall for someone else) by beeyotch 
Grabe sa lahat ng sinulat niya ito talaga pinakapaborito ko. As in! Talagang yung mga characters sa kwentong ito ay yung klase na tatatak sa yo. Yung di mo sila makakalimutan. Kumbaga, icons na sila. At dahil nga sa paborito ko talaga ‘to, magsusulat ako ng hiwalay na blog post tungkol dito na mas may detalye. Iiklian ko lang ang ilalagay ko rito.
-JTB-
Ang stressful basahin nito. Ito kasi yung kwento na awang awa ka sa bida pero wala eh ganun talaga kapag nagmamahal di ba? NAGPAPAKATANGA. IBINIBIGAY ANG LAHAT. Masasaktan ka ng masasaktan dahil di ka naman masasaktan kung di mo mahal di ba? Dahil mahal mo magtitiis ka wala eh ganun. Theme songs nito? Secret Love Song ng Little Mix at The One That Got Away ni Katy Perry. Basta ang sakit sakit basahin nito, seryoso. 
Imogen Harrison
Ito na siguro ang babaeng pinaglihi sa kasawian. Sa sobrang mahal niya, ayun binigay ang lahat at nagtiis. Kahit nasasaktan na kumakapit pa rin ang lumalaban.
Parker Yapchengco
Dahil nga gagawa ako ng hiwalay na blog post tungkol dito at doon ko mas ilalagay ang mga detalye ito na lang masasabi ko: kapag minahal mo siya dapat maghanda ka ng masaktan pero kahit na masaktan ka di mo pagsisisihan. Siya yung ‘great love’ mo na di mo makakalimutan.
Shiloah Suarez
Kagaya rin siya ni Chance na perfect. Ito yung klase ng lalaki na mapapasabi ka na lang ng “too good to be true” ganun. Bakit ba kapag perpekto mas grabe masaktan? Ano ba earth?
-JTS-
Parker Palma
Aaminin ko, kung gaano ko kamahal ang tito niya na si Parker Yapchengco kung saan siya pinangalan ay ganun ko naman siya kinaiinisan. Kasi naman siyang siya yung nasa kanta ng Passenger na “Let her go” kasi para sa kanya talaga ang lyrics na “Only know you love her when you let her go and you let her go”
Mary Imogen Suarez
Mahal na mahal ko ang character na ‘to. Para kasi siyang si Alys pero sa tingin ko better version. Ang banal niya, ang inosente tapos ang genuine magmahal. Yung mas inuuna ang damdamin ng iba kaysa sa kanya, ganun siya.
Saint GDL
Isa pa ‘to eh. Isa pa ‘tong halimbawa ng “Mr. Right” yung ang perfect na tao. Parang si Chance at Zeo. Minus mo lang ang pagiging sawi ni Chance at ang takot ni Zeo sa commitment. Wala na akong ibang masasabi kundi sana akin na lang siya haha. Legit na boyfriend goals. Basta hirap idescribe.
-IWHFFSE-
Short story na mag iiwan ng marka sa puso mo
Preston Suarez
Ang kuya ni Mary Imogen na mapapaisip ka na lang kung ampon ba siya kasi ang sama ng ugali. Sabi nga ng author, itong si Preston ay rude, arrogant, at bully but when he loves, yun na. 
Gaya ng sabi ko, dahil gagawa ako ng hiwalay na blog post tungkol sa Just universe ni beeyotch kaya hanggang dito na lang muna. 
Ilan lang yan sa mga kwento sa wattpad na tumatak talaga sa akin. Marami pa akong nabasa na nag iwan ng pait at mga ngiti sa akin. Ngunit ang mga tauhan na nabanggit ko sa blog post na ito ay yung mga talagang tumatak na sa akin at hindi ko makakalimutan. Baka nga balang araw kung magkaanak ako eh ipangalan ko sa kanila, hehe. Marami talagang mahuhusay na manunulat sa Pilipinas, sana nga lang ay tangkilikin natin sila. 
1 note ¡ View note