#para-paraan
Explore tagged Tumblr posts
Text
[6] Para-Paraan
jugjugan (daeseol)
E ano naman kung kinaiinisan siya ng pinaka-cute na prefect na nakilala niya? Hindi ito hadlang para sundin ang tinitibok ng kaniyang puso. He's Gryffindor's Chaser for a reason
Chapters: 3
🔗 Link
0 notes
Text
Mahirap pala magkacourse about something na ever changing like you constantly have to learn to keep up with the times. Tech for example, yung ,ga pinaghirapan naming aralin noong grade 8 tle hindi na applicable rn like iba na yung lessons nila now compared to others
#plus imagine pa sa job mo iba yung programs na ginagamit nila#sayang years mo inaaral ibang programs tapon lahat and aral ng bago#kaya rin ineemphasise ng school naman na ang experience at paraan ng pagaaral ang totoong tinuturo nila kasi yun yung dapat na hindi#magbago#gosh ready na ba q para sa real world lol
0 notes
Text
"Ang pinakamalaking tagumpay ay ang maging ikaw, sa isang mundong pilit kang binabago at liniligaw." 🕊️☁️🫧
Malaya nga ba tayong maging totoo sa sarili, o pinipilit lang nating magpanggap para lang sa gusto ng iba? Ang tanong na ito ay parang alon na paulit-ulit na dumadaan sa isip ng bawat isa. Hindi natin maiiwasan na may mga pagkakataon na mas pinipili nating magpanggap at itago ang ating tunay na sarili para lang sa gusto ng iba, kahit na ito ay nagdudulot ng pagkalito at hindi kasiyahan.
Nagkakaroon ang isang kabataan ng kalayaang maging totoo sa sarili kapag siya’y pinalilibutan ng suporta at pagmamahal mula sa pamilya, kaibigan, at komunidad na tumatanggap sa kanyang tunay na pagkatao nang walang panghuhusga. Sa ganitong paraan, matututo tayong tanggapin ang ating mga kahinaan at kalakasan nang walang takot na husgahan. Ang gabay mula sa mga taong minamahal natin ay nagbibigay ng lakas ng loob upang ipahayag ang ating tunay na nararamdaman at pagkatao. Hindi natin dapat husgahan ang pagkamali ng isang tao dahil ang pagkamali ay nagtuturo sa ating ng aral. Ang kalayaang maging totoo sa sarili ay nagiging isang hakbang patungo sa mas malalim na pagmamahal sa ating sarili at sa iba.
Nawawalan ang isang kabataan ng kalayaang maging totoo sa sarili kapag siya ay nakakaranas ng panghuhusga, pamimilit, at kakulangan ng suporta mula sa mga taong nakapaligid sa kanya. Ang labis na pagsusunod sa mga pamantayan ng ating lipunan o sa mga inaasahan ng pamilya ay nagiging sanhi ng takot na ipakita ang tunay na damdamin o pagkatao. Kapag ang isang tao ay nakakaranas ng panghuhusga dahil sa pagiging iba, natututo siyang itago ang kanyang tunay na pagkatao upang maiwasan ang diskriminasyon. Ang patuloy na pamumuhay sa ilalim ng takot at hindi pagiging tunay sa sarili ay nagdudulot ng pagkawala ng tiwala sa sarili.
Sa huli, ang tunay na kalayaan ay nagmumula sa pagiging totoo sa sarili. Ang panghuhusga at pamimilit ay ang naglalayo sa atin mula sa ating tunay na pagkatao, kaya’t mahalaga ang pagtanggap at respeto sa bawat isa upang magtagumpay sa pagiging buo at maligaya.
Briannie Margarette P. Gonzales
10-SV
Filipino 10
118 notes
·
View notes
Text
Para-Paraan (If there's a will, there's a way)
#wind breaker#wind breaker satoru nii#hayato suo#suo hayato#akihiko nirei#nirei akihiko#suonire#suonirei#suonirei fanart
96 notes
·
View notes
Text
ligaya
pt. 2 pt. 1
filipino!daisuke juarez x fem reader
note: 4 days of writing and thinking of what should happen lol. nakilig ako sa pag gawa neto so like I hope u guys get kilig din sooo (ay conyo pala to) also... SELOSO DAISUKE?? halaaaa
“ang tahimik mo, y/n,”
your best friend, said as she leaned against the desk beside yours during lunch break. her eyebrows were raised, a knowing smile tugging at her lips.
“may tinatago ka ba saken?”
you looked up from your notebook, confused. “ha? wala? why would there be?”
she smirked, tilting her head toward the door where daisuke had just walked past, carrying a basketball and grinning at his friends.
“hmm, wala lang. just wondering if it has anything to do with a certain someone who’s been glued to your side lately.”
you rolled your eyes, trying to play it cool. “hays, don’t start. daisuke’s just… he’s just around a lot, that’s all.”
“just around, huh?” she said, raising an eyebrow.
“because to me, it looks like he’s around you, specifically. like, a lot.”
“nakakainis sya, okay?” you said, slamming your notebook shut.
“he’s always bugging me, cracking stupid jokes, and acting like the world revolves around him. bat ko naman yun magiging crush??”
“mmm,” your friend hummed skeptically, resting her chin on her hand.
“it’s just funny how you’ve been smiling a lot more lately when he’s around. and don’t think i didn’t notice how you waited for him to walk home together yesterday.”
“i wasn’t waiting for him,” you insisted, your cheeks heating up.
“he just… he always shows up at the same time. it’s not like i��m gonna tell him to go away or something.”
“aminin mo na gusto mo sya.” your friend said with a grin, poking your arm.
“hinde ah!”
you snapped, shoving her hand away. “seryoso, tigilin mo na yan.”
she shrugged, still smirking. “whatever you say, y/n. but don’t come crying to me when you realize i’m right.”
“you’re not right,” you muttered, standing up to throw away your trash, trying to ignore the nagging feeling in the pit of your stomach.
over the next few weeks, daisuke continued to find his way into your daily routine. he’d sit next to you during lunch, walk with you after class, and sometimes even show up outside your house to challenge you to a game of basketball—though you always lost, to his endless amusement.
“you’re improving, y/n,” daisuke teased one afternoon, tossing the ball back to you.
“but you still kinda suck.”
“shut up," you shot back, panting as you tried to catch your breath.
“i’m just… letting you win.” he laughed, that bright, carefree laugh that always managed to get under your skin.
“yeah, sure. whatever helps you sleep at night.”
you rolled your eyes, but a small smile tugged at your lips despite yourself. there was something about the way he looked at you, the way he treated you like you were the only person in the world when he was talking to you, that made your chest feel tight.
one night, as you lay in bed staring at the ceiling, your friend’s words came back to haunt you. you so like him.
“mm, di naman.." you whispered to yourself, but the memory of daisuke’s grin, the sound of his laugh, and the way your heart raced whenever he was close made it hard to believe your own denial.
“wait.” you muttered, burying your face in your pillow.
“maybe i do like him.” you kept your feelings to yourself, confiding only in your friend, who reacted with a smug
“sabi ko na ga eh.”
“but you’re not gonna tell him?” she asked, leaning across the table during lunch.
“no way,” you said firmly.
“it’s not like he likes me back. malandi lang yun.”
mae raised an eyebrow. “uh, no? he’s not like that with everyone. just you.”
“whatever,” you said, brushing her off, though her words stayed with you.
the next time you and daisuke hung out, everything felt different. you couldn’t meet his eyes without feeling like he could see right through you, and every little thing he said or did seemed to make your heart race.
“okay ka lang?” daisuke asked one day after school as you walked home together.
“tahimik mo.”
“yeah, i’m fine,” you said quickly, keeping your eyes fixed on the ground.
he stopped walking, grabbing your arm gently to make you look at him. “are you sure? you’re acting weird.”
“i’m not acting weird,” you said, your voice a little too high-pitched.
“you’re just imagining things.”
“huh,” he said, his gaze lingering on you for a moment before he let go of your arm.
“if you say so.”
you continued walking in silence, the tension between you almost unbearable. every time he looked at you, your cheeks burned, and you couldn’t stop wondering if he could tell how you felt.
later that night, as you replayed the day’s events in your mind, your friend’s voice echoed in your head again. just tell him already.
“no way,” you muttered to yourself, clutching your pillow tightly.
“i’m not ruining this.”
but deep down, you couldn’t help but wonder if maybe daisuke felt the same way.
the next few weeks turned into a full-blown show of daisuke’s affection. it seemed like he had one goal in mind: to make sure everyone in school—and especially you—knew how much he liked you.
it began subtly, or at least, as subtly as daisuke could manage. he started sitting with you and mae during lunch, his tray always loaded with food he claimed he couldn’t finish.
“y/n,” he’d say, sliding a cup of coffee or a bag of chips toward you.
“sayo na to.”
“bat mo pinapakain yung tira mo saken, daisuke??” you said the first few times, pushing the snacks back toward him.
“tira? binili ko to para sayo!” he’d insist, grinning as he shoved the food back in your direction.
eventually, you gave up fighting him, though you made sure to roll your eyes every time. your friend, meanwhile, watched the entire thing with a knowing smirk, her eyes darting between you and daisuke like she was watching a rom-com unfold in real life.
“he’s so obvious,” she whispered one day as daisuke laughed at one of his own bad jokes, clearly trying to impress you.
“he’s just being annoying,” you muttered, though the heat rising to your cheeks said otherwise.
“sure, y/n. keep telling yourself that.”
the real chaos began when daisuke decided to involve the entire basketball team in his efforts.
during a practice game, you and your friend had stopped by the gym to return a book one of your classmates had borrowed.
as you were walking past the court, daisuke spotted you.
“y/n!” he shouted, his voice echoing through the gym.
you froze, already dreading whatever was about to happen.
“this one’s for you!” he yelled before taking a shot from half-court. the ball swished perfectly through the net, and the gym erupted in cheers.
the team clapped him on the back as he jogged over to you, grinning like he’d just won a championship.
“ano yun?” you asked, crossing your arms.
“just showing off for my favorite girl,” he said, leaning in slightly.
you pushed his face away with your hand. “hay nako daisuke.”
“and you’re cute when you’re mad,” he teased, winking.
your friend, standing beside you, let out a low whistle. “he’s really laying it on thick, huh?”
“don’t encourage him,” you muttered, but your heart was beating just a little faster than usual.
another time, he took things to a whole new level.
you were walking home with mae when daisuke pulled up beside you on his bike.
“oh? ano nanaman?” you asked, stopping in your tracks.
“offering you a ride home,” he said, as if it were the most obvious thing in the world.
“and i brought you this.”
"ano yan?”
you asked, staring at the stuffed bear he crafted made to look like you.
“ikaw. creative, diba?” he said, grinning.
“now hop on.”
“you’re unbelievable,” you muttered, but you climbed onto the back of his bike anyway. your friend gave you a pointed look before waving and walking off in the opposite direction.
“hold on tight,” daisuke said, glancing over his shoulder with a teasing smile.
“just don’t crash,” you replied, gripping the back of his shirt.
as he pedaled down the street, he started humming a cheesy love song, earning a groan from you. “stop that!”
“what? i’m setting the mood,” he said, laughing.
“kainis,” you said, but you couldn’t stop the small smile that crept onto your face.
as daisuke’s gestures grew more exaggerated, so did your classmates’ reactions. they cheered him on at every opportunity, shouting things like, “go, daisuke!” and “she’s totally falling for you!”
“they’re so embarrassing,” you said to your friend one day, watching as daisuke performed a dramatic bow after handing you yet another bouquet flower during lunch.
“they’re not wrong, though,” your friend said, smirking.
“shut up.” you said firmly, though the way your heart fluttered every time daisuke smiled at you suggested otherwise.
it wasn’t long before daisuke’s boldness reached its peak. "court. pagkatapos ng klase.”
he said one afternoon, casually leaning against your desk.
“why?” you asked, narrowing your eyes.
“you’ll see,” he said, winking before walking off.
against your better judgment, you showed up at the basketball court later that day. daisuke was already there, holding a bouquet of flowers and a small box.
“ano to?” you asked, crossing your arms.
“just a little something to show you how much i like you,” he said, holding out the box.
inside was a necklace with a key charm on it.
“seriously?” you asked, your voice softer than you intended.
“you don’t like it?” he asked, feigning a pout.
"what's the heart necklace you're wearing?" you stared at the heart necklace he was wearing that had a keyhole in the middle."
"it's matching. kasi na sayo ang susi sa puso ko."
you blushed, completely ignoring what he said.
“i.. i guess it’s… nice." you admitted, slipping the necklace on.
“it looks perfect on you,” he said, his grin widening.
“you’re such a show-off,” you said, but your cheeks were burning.
“only for you,” he said, stepping closer. “so, am i winning you over yet?”
“don’t push your luck,” you said, but the smile on your face
told him everything he needed to know.
from then on, daisuke’s efforts became even more over-the-top. but no matter how much you rolled your eyes or scolded him, you couldn’t deny that his antics had started to grow on you. and judging by the way his grin widened every time he saw you, he knew it too.
the chaos started when a new transfer student arrived. he was tall, good-looking, mestizo, and immediately popular with your classmates. the guy had this smooth confidence that made everyone gravitate toward him, including you—at least, that’s how daisuke saw it. from day one, daisuke had his eye on him.
“who does this guy think he is?” he muttered to your friend during lunch, glaring at the new student as he laughed at something you said.
“ay, seloso ka pala?” she teased, nudging him.
“ako? seloso?” daisuke scoffed, though the way he was gripping his utensils showed otherwise.
it didn’t take long for the new guy to start getting a little too friendly with you. he’d sit next to you during lunch, walk with you between classes, and even offer to carry your books. daisuke watched all of it with growing frustration.
one afternoon, as you were packing up your things, the new guy appeared at your desk.
“hey, y/n, wanna walk home together?” he asked, flashing you a charming smile.
“ah, uhm..” you hesitated, glancing over at daisuke, who was pretending not to listen but was very clearly eavesdropping.
“kasama nya ako.” daisuke cut in, slinging his bag over his shoulder and walking up to you.
“i didn’t know we had plans,” you said, raising an eyebrow.
“we do now,” daisuke said, his tone leaving no room for argument.
the new guy looked between the two of you, his smile faltering slightly. “well, maybe another time then.”
“yeah, maybe,” daisuke said, his tone sharp as he grabbed your arm and led you out of the classroom.
“what’s your problem?” you asked once you were outside.
“my problem? what’s his problem?” daisuke shot back.
“walking around like he owns the place, trying to steal my girl.”
your eyes widened. “your girl?”
“you know what i mean,” he muttered, rubbing the back of his neck.
“no, i don’t. care to explain?” you asked, crossing your arms.
“wag na nga,” he said quickly, avoiding your gaze.
you sighed but decided not to push him. “you’re so weird sometimes, daisuke.”
over the next few days, the rivalry between daisuke and the new guy only escalated. daisuke started showing up earlier to class just so he could sit next to you before the other guy had a chance. he started carrying your books, offering you snacks, and even walking you home every day, no matter how much you protested.
“you don’t have to do all this, you know,” you told him one
afternoon as he handed you a bag of your favorite chips.
“yes, i do,” he said firmly.
“why?”
“because he’s not gonna win,” daisuke said, his eyes serious.
“win what?” you asked, genuinely confused.
he didn’t answer, but the look on his face said it all.
things came to a head during a school event. there was a basketball game, and daisuke was playing. you were sitting in the stands with mae and the new guy, who had conveniently found a seat next to you.
“daisuke’s really good, huh?” the new guy said, leaning closer to you.
“yeah, he is,” you agreed, your eyes on daisuke as he dribbled down the court.
daisuke glanced up at the stands and immediately spotted the two of you. his jaw tightened, and his movements on the court became more aggressive. he stole the ball from an opponent, dribbled past two defenders, and scored a three-pointer, all while glaring at the new guy.
“he’s showing off,” your friend whispered, smirking.
“he always does that,” you said, though you couldn’t help but smile a little.
after the game, daisuke found you by the bleachers.
“enjoy the game?” he asked, his tone casual but his eyes searching yours.
“yeah, you played great,” you said.
“thanks,”
he said, his lips curving into a grin. then he looked over at the new guy, who was standing a few feet away. “you heading home?”
“yeah, with—”
“she’s with me,” daisuke interrupted, grabbing your bag and slinging it over his shoulder.
“ha?” you said, narrowing your eyes.
“tara na,” daisuke said, ignoring your glare as he started walking away.
“he’s unbelievable,” you muttered, following him.
as the weeks went on, daisuke’s gestures became even more exaggerated. he’d bring you flowers, carry your books, and even buy you snacks from the canteen, all in front of your classmates.
“he’s so dramatic,” you said to mae one day as daisuke handed you a rose during lunch.
“he’s cute, though,” your friend said, smirking.
“he’s annoying,” you muttered, though the small smile on your face said otherwise.
one afternoon, daisuke finally confronted you.
“y/n,” he said, stopping you in the hallway after class.
“what now?” you asked, crossing your arms.
“can we talk? alone?”
you hesitated but nodded, letting him lead you to an empty classroom.
“look,”
he said, running a hand through his hair. “i need to say something.”
“okay…”
“i like you,” he said, his voice steady. “i’ve liked you for a while now, and i’m not gonna let some random guy take you away from me.”
you stared at him, your heart pounding. “daisuke…”
“you don’t have to say anything,” he said quickly. “just… think about it, okay?”
before you could respond, he walked out, leaving you standing there with your thoughts in turmoil.
as much as you wanted to deny it, you couldn’t ignore the warmth spreading through your chest. he likes you too???? (malamang?? tf 💀)
#mouthwashing#mouthwashing game#daisuke juarez#daisuke mouthwashing#daisuke x reader#daisuke#mw daisuke#anya mouthwashing#anya#mw anya#swansea mouthwashing#swansea#mechanic swansea#mw swansea#curly mouthwashing#captain curly#mw curly#jimmy mouthwashing#ew jimmy#co pilot jimmy#mw jimmy#jimbitch#jimbo mouthwashing#jimhoe#Spotify
37 notes
·
View notes
Text
"Ang kalayaan sa pananalita ay hindi lisensya para makapanakit, kundi pagkakataon upang ipahayag ang katotohanan at magbigay-inspirasyon."✊🏻🗣️
Ang kalayaan sa pananalita o “freedom of speech” ay isa sa mga batayang karapatan ng bawat tao. Ito ay ang kakayahang ipahayag ang sariling damdamin, opinyon, at ideya nang walang takot o panganib na maparusahan. Sa demokrasya, mahalagang bahagi ito ng malayang lipunan dahil nagiging daan ito para sa makabuluhang diskusyon at pagbabago. Ngunit tulad ng anumang karapatan, may kaakibat itong responsibilidad upang hindi ito magamit sa maling paraan.
Ang kalayaan sa pananalita ay nagbibigay-daan sa malayang pagpapahayag ng mga ideya, na mahalaga sa pag-unlad ng isang lipunan. Sa pamamagitan nito, naipapahayag ng mga mamamayan ang kanilang mga hinaing, opinyon, at suhestiyon sa pamahalaan at iba pang institusyon. Nagiging daan din ito upang matigil ang pang-aabuso at katiwalian, dahil ang mga tao ay nagiging boses ng pagbabago.
Gayunpaman, hindi nangangahulugan ang kalayaang ito na maari nang sabihin ang anumang bagay na maaaring makapanakit sa iba. Halimbawa, ang paninirang-puri, pagpapakalat ng maling impormasyon, at pagsasalita ng mapanira o mapanakit ay hindi saklaw ng kalayaan sa pananalita. Kaya’t mahalagang gamitin ang karapatang ito nang may paggalang at responsibilidad. Ang kalayaan sa pananalita ay dapat magsilbing tulay sa pagkakaisa, hindi sanhi ng pagkakawatak-watak.
Ang kalayaan sa pananalita ay isang mahalagang karapatan na dapat ipagtanggol at pahalagahan ng lahat. Ngunit kasabay ng kalayaang ito ang pananagutang gamitin ito sa tama at makabuluhang paraan. Ang isang lipunan na marunong gumalang at gumamit ng kalayaan sa pananalita nang may respeto ay nagkakaroon ng mas maayos at progresibong pamumuhay. Huwag nating kalimutan na ang layunin ng kalayaang ito ay hindi lamang para sa sarili, kundi para sa kabutihan ng nakararami.
Juliana Rhea A. Perez
Grade 10 St. Valerius
Filipino 10
50 notes
·
View notes
Text
Kalayaan
Ang tunay na kalayaan ay may kaakibat na responsibilidad – gamitin ito para sa kabutihan ng lahat.✨✊🏻🗣️
Ang kalayaan ay isang konseptong naglalarawan sa estado ng pagiging malaya ng isang tao, grupo, o bansa. Ito ay nangangahulugang pagkakaroon ng karapatang pumili, magdesisyon, at kumilos ayon sa sariling kagustuhan at paniniwala, nang hindi natatali o napipilitang sumunod sa kagustuhan o dikta ng iba. Ang kalayaan ay hindi lamang tungkol sa pisikal na kalagayan kundi pati na rin sa kaisipan, damdamin, at espiritu.
Sa isang mas malalim na antas, ang kalayaan ay sumasaklaw sa karapatang magsalita ng malaya, magpahayag ng opinyon o pananaw nang hindi natatakot sa parusa o diskriminasyon, at sumamba o hindi sumamba sa anumang relihiyon ayon sa sariling pananampalataya. Kabilang din dito ang kalayaang maglakbay, magtrabaho, at mamuhay sa paraang naaayon sa sariling mga prinsipyo, basta’t hindi nito nilalabag ang batas at karapatan ng ibang tao.
Ang kalayaan ay mahalaga sapagkat ito ang nagbibigay-daan sa bawat indibidwal na maabot ang kanilang buong potensyal at makamit ang kanilang mga pangarap. Ito ay nagbibigay-daan sa isang lipunan na magkaroon ng bukas na talakayan, makamit ang pag-unlad, at mapanatili ang pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba. Subalit, ang tunay na kalayaan ay may kaakibat na responsibilidad na gamitin ito sa makataong paraan, igalang ang karapatan ng iba, at maging bahagi ng mas malaking layunin para sa ikabubuti ng buong komunidad.
Denise Dumaniel
10-St. Saint fulgentious
Filipino 10
35 notes
·
View notes
Text
KALAYAAN MULA SA DISKRIMINASYON
“It is not our differences that divide us. It is our inability to recognize, accept, and celebrate those differences”
-Audre Lorde
Ang kalayaan ay isang mahalagang konsepto na may malalim na kahulugan sa buhay ng bawat tao. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na gumawa ng mga desisyon, kumilos, at magpahayag ng sarili nang hindi natatakot sa anumang uri ng hadlang o diskriminasyon. Sa panahon ngayon, mas lumalala at unti-unting lumalawak ang pagkakaroon ng diskriminasyon, lalo na sa mga mahihirap, kababaihan, LGBTQIA+ community, mga katutubo, at mga taong may kapansanan. Ang mga grupong ito ay madalas nakakaranas ng hindi pantay na pagtrato, kawalan ng oportunidad, at pang-aabuso sa iba't ibang aspeto ng buhay tulad ng edukasyon, trabaho, serbisyong pangkalusugan, at hustisya.
Ang diskriminasyon ay isa sa mga pangunahing suliraning kinakaharap ng lipunan sa kasalukuyan at dapat bigyang pansin.Mahalaga ang pagkakaroon ng kalayaan mula sa diskriminasyon dahil ito ay nagbibigay-daan sa bawat tao na makaramdam ng pagkakapantay-pantay at respeto. Ito rin ay ay nagtataguyod din ng mas maayos na komunidad.Kapag walang diskriminasyon o ang lahat ay tinatrato ng pantay-pantay, ang mga tao ay may pagkakataon na ipahayag ang kanilang tunay na sarili, Ang mga ideya at talento ng bawat isa ay naipapahayag, makilahok sa lipunan, at maabot ang kanilang mga pangarap nang hindi natatakot sa panghuhusga o pang-aapi. Ang pagkakaroon ng hindi makatarungang pagtrato sa isang tao o grupo batay sa kanilang lahi, kasarian, relihiyon, pisikal na katangian, o iba pang aspeto ng kanilang pagkakakilanlan ay hindi dapat kailan mang gawin dahil ito ay nagdudulot ng negatibong epekto na malalim at sakit, hindi lang sa indibidwal, kundi pati na rin sa lipunan.
Sa kabuuan, ang ganitong kalayaan ay mahalaga para sa paglikha ng isang makatarungan at magandang lipunan kung saan ang bawat isa ay may boses at pagkakataon na umunlad. Bilang isang indibidwal, mahalagang hindi tayo matakot na ipahayag ang ating mga sarili dahil ito ay paraan upang mas makilala natin ang ating pagkatao. Kapag naipapahayag natin ang ating sarili, nagiging mas bukas tayo sa pakikipag-ugnayan sa iba. Higit pa rito, ang ating mga ideya at opinyon ay may halaga at maaaring mag-ambag sa ikabubuti ng lipunan. Ang bawat isa sa atin ay may natatanging pananaw na maaaring magbigay-inspirasyon o nakapag dulot ng pagbabago. Kaya naman, mahalaga na tayo ay maging boses ng pagbabago at ipaglaban ang pantay na pagtrato para sa lahat.
Clarisse A. Esparcia
10- St. Valerius
Filipino 10
48 notes
·
View notes
Text
"Pagpapahalaga at Pagkakaisa sa Kalayaan"
Ang kalayaan ay isang mahalagang bahagi sa ating buhay at para rin ito sa mga bawat indibidwal na mamamayan sa buong mundo. Ang mga ito ay naglalarawan ng karapatan ng isang indibidwal o grupo na magdesisyon at kumilos ayon sa kanilang sariling kagustuhan nang walang nasasaktan at naaapakan na ibang tao o awtoridad. Sa kasaysayan ngayon maraming mga bansa ang pilit na nagsasakripisyo at pilit na ipaglaban upang makamit nila kanilang kalayaan mula sa mga dayuhang mananakop. Ang kalayaan ay hindi lamang pang pisikal na anyo na kalayaan kundi ito rin ang kalayaan na magkaroon ng pag-iisip at pagpapahayag ng saloobin. Kaya ang pagpapahalaga sa kalayaan ay isang mahalagang hakbang upang mabuo ang isang makatarungan at malaya na lipunan.
Sa Pilipinas ang ating kalayaan ay ipinaglaban ng ating mga magigiting na bayani na sinakripisyo ang pag-alay ng kanilang buhay upang matamo ang ating kasarinlan o kalayaan na mula sa mga mananakop na bansa tulad ng Espanya at Estados Unidos. Ang mga makabayang hakbang na ito ay nagbigay daan sa ating pag-unlad bilang isang malayang bansa ngunit ang kalayaan ay may kaakibat na responsibilidad. Ang bawat isa ay may pangunahing tungkulin na dapat natin respetuhin ang kalayaan ng iba at gamitin ito sa paraang makikinabang ang nakararami. Hindi rin natin dapat kalimutan na ang kalayaan ay may hangganan hindi ito mananatili sayo kung hindi mo alam kung paano gagamitin at ang hindi pagrespeto sa mga karapatan ng iba ay maaaring magdulot ng kaguluhan at hindi pagkakasunduan. Kaya't ang tunay na kalayaan ay nakasalalay sa pagkakaroon ng disiplina at malasakit sa kapwa.
Sa kabuuan nito ang kalayaan ay isang biyaya na ibinigay sa atin na dapat natin pasasalamatan at ipagtanggol. Ngunit higit sa lahat ang kalayaan ay nangangailangan ng malasakit, pagrespeto, at responsibilidad upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa ating lipunan. Hindi sapat na magtamasa lamang tayo ng kalayaan dapat o kailangan din nating magsikap gaya ng magsikap ng ating mga bayani magkaroon lang tayo ng kalayaan at para din mapanatili ito at magamit sa susunod na henerasyon at sa tamang paraan. Sa ganitong paraan makakamtan natin ang tunay na kasarinlan at pag-unlad bilang isang malayang bansa at komunidad. Ang kalayaan ay hindi lamang isang karapatan kundi isang tungkulin na kailangan pagyamanin para sa kapakanan ng nakararami.
53 notes
·
View notes
Text
“Walang katumbas na salapi ang kalayaang nasa puso at isipan ng bawat isa”
Ang tunay na kalayaan na ating nakakamit ay hindi nasusukat sa kung ano mang halaga ng salapi, kundi ito ay nasa dignidad at karapatan ng bawat tao. Ang kalayaan ang nagsisilbing karapatan ng bawat isa upang kumilos ng walang pumipigil. Ito ay nag sisimbolong lakas at kahinaan ng bawat isa sapagkat ito ay napaka halaga. Ang kalayaan ay hindi natin nakikita sa panlabas na kalagayan na ating natatamo, kundi ito ay nararamdaman natin na bukal sa ating mga puso at isipan ng bawat isa.
Ang ating kalayaan ay karapatan ng bawat isa upang pumili, maghayag, at kumilos nang walang takot o pang aapi, basta’t hindi ito nakakasama sa bawat isa. Ito ay mahalaga sapagkat nagbibigay ito ng dignidad at respeto ng bawat indibidwal, na siyang pundasyon ng isang makatarungan at mapayapang lipunan. Sa kalayaan, nagkakaroon ang mga tao ng paunlarin ang kanilang sarili at maabot ang kanilang mga pangarap sa buhay. Ito ay nagbibigay daan din sa malayang pagpapahayag ng opinyon at ideya ng bawat indibidwal. Bukod dito, ang kalayaan ay nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay at katarungan, dahil lahat ng tao ay binibigyan ng pantay-pantay na karapatan. Gayunpaman, ang kalayaan ay may kaakibat na responsibilidad upang matiyak na ito ay ginagamit para sa kabutihan ng nakakarami.
Sa kabuuan, ang kalayaan ay isang mahalagang karapatan na nag bibigay sa bawat tao na mabuhay nang may dignidad, respeto, at layunin. Sa ganitong paraan, ang kalayaan ay nagiging susi natin sa pagbuo ng mas mabuting kinabukasan. Sa ating kalayaan unti-unti nating nakakamit ang kasiyahan sa bawat puso at isipan na meron ang bawat isa. Ang kalayaan ay hindi lamang pribilehiyo, kundi ito ay tungkuling dapat pangalagaan at ipaglaban.
— Fernandez, Cyrus James A.
- 10- St. Fulgentius
32 notes
·
View notes
Text
Kalayaan: Musika ng Kalinawan
Sa mundong madalas nakikita na may pagkakahati-hati, tunggalian, at kawalan ng katiyakan, ang pangarap ng pangmatagalang kapayapaan ang gusto ng bawat tao. Ngunit ang kapayapaan ay hindi lamang tinukoy ng kawalan ng digmaan. Nanggagaling rin ito sa kalooban ng isang tao.
Ang tunay na kapayapaan ay nagmumula sa loob. Hindi makakamit ng isang tao ang kapayapaan sa mundo kung walang kapayapaan sa loob ng iyong puso. Ang tunay na kapayapaan ay hindi ang pagkawala ng mga problema, Ito ay ang paghahanap ng balanse at kaayusan sa gitna ng anumang hamon sa iyong buhay.
Ano nga ba ang tunay na kapayapaan- ang pagtakas mula sa gulo ng mundo o ang pagtanggap nito ng buong puso?
Kapag nadarama natin ang gulo, madalas nating naiisip ang pagliban patungo sa mga tahimik na lugar. Katulad ng mga bukid, tabing-dagat, o anumang lugar na malayo sa sa kaguluhan. Ang ideya na iwanan ang lahat ay tila ang pinakamahusay na solusyon sa paghahanap ng kapayapaan sa iyong sarili. Ngunit ang pagtakas sa iyong mga problema ay talaga nga bang isang permanenteng solusyon o ito ba ay pansamantalang lunas lamang para sa iyong nararamdaman?
Bilang isang tao, dapat nating tanggapin ang mundo kung ano ito. Ang buhay natin ay puno ng problema at hindi ito perpekto. Mas mabuting harapin natin ang ating mga problema at hanapan ito ng solusyon kaysa takasan ito. Sa pagtanggap na ang ating buhay ay hindi laging perpekto, hindi tayo tumatanggap ng pagkatalo. Bagkus, natututo tayong yakapin ang ingay at kaguluhan sa ating mundo. Sa ganitong paraan, makakahanap tayo ng kapayapaan sa gitna ng kaguluhan sa halip na laging takasan ito.
Ang tunay na kapayapaan ay nasa ating sarili, kailangan lang natin itong hanapin. Matatagpuan natin ito hindi sa pag takas mula sa gulo, kundi sa kakayahang magtiwala sa sarili na kayanin ang anumang problema.
Dapat lang nating tanggapin ang ating mga kahinaan at kakulangan at gawin itong lakas sa bawat hamon mo. Hindi na natin kailangan pang magpunta sa mga matatahimik na lugar, dahil minsan, ang katahimikan nay nasa loob mo na pala.
"Nakahanap ka ng kapayapaan hindi sa pamamagitan ng muling pagsasaayos ng mga pangyayari sa iyong buhay, ngunit sa pamamagitan ng pag-alam kung sino ka sa pinakamalalim na antas." ― Eckhart Tolle
Elijah Gil O. Maniega
10- St. Fulgentius
26 notes
·
View notes
Text
"Korapsyon: Ang Lason na Sumisira sa Pamahalaan at Ekonomiya ng Bansa"
Ano ang Korapsyon?
Ang korapsyon ay isang malalang isyu na nagreresulta sa maling paggamit ng kapangyarihan para sa sariling interes. Sa pamahalaan, nagdudulot ito ng pagkawala ng tiwala ng publiko, pagbaba ng kalidad ng serbisyo, at kawalang-katarungan. Sa ekonomiya, ang korapsyon ay nagiging sanhi ng pagkawala ng pondo para sa mga makabuluhang proyekto, nagpapataas ng buwis at presyo ng bilihin, at nagiging sanhi ng kawalang-katiyakan sa mga mamumuhunan. Ang kawalan ng mga dayuhang pamumuhunan ay nagpapahina sa lokal na ekonomiya at sa antas ng kabuhayan ng mga tao.
Mga Epekto sa Pamahalaan
Pagkawala ng Tiwala: Ang korapsyon ay nagreresulta sa pagkawala ng tiwala ng mamamayan sa kanilang mga pinuno. Ang pagiging saksi sa mga katiwalian ng gobyerno ay nagiging dahilan para mawalan ng gana ang mga tao na makibahagi sa mga proyektong pampamahalaan o magbayad ng buwis nang tama. Sa ganitong kalagayan, nawawala ang kredibilidad ng mga institusyon at humihina ang sistema ng pamamahala.
Pagbaba ng Kalidad ng Serbisyong Pampubliko: Kapag ang pondo ng gobyerno ay nagagamit sa mga hindi tamang paraan, hindi natutugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan. Maraming proyekto ang natitigil o hindi nagagawa, at bumababa ang kalidad ng mga serbisyo tulad ng edukasyon, kalusugan, at imprastruktura. Nagiging mahirap ang pag-unlad ng bansa dahil ang mga serbisyo ay hindi natatamasa ng mga taong mas nangangailangan.
Paglaganap ng Nepotismo at Paboritismo: Ang korapsyon ay madalas nagbubunsod ng hindi pantay-pantay na oportunidad sa mga posisyon sa pamahalaan. Nagiging normal ang pagtanggap ng mga kaibigan o kapamilya ng mga nasa gobyerno sa trabaho, kahit hindi sila kwalipikado. Nagreresulta ito sa mga hindi epektibong tagapamahala at opisyal, na siyang nagpapabagal sa mga proseso at proyekto ng pamahalaan.
Kawalang-Katarungan at Pag-abuso sa Kapangyarihan: Sa mga bansang matindi ang korapsyon, ang mga mayayaman o makapangyarihan ay maaaring makaligtas sa batas, samantalang ang mga karaniwang mamamayan ang nahihirapan. Nagdudulot ito ng kawalang-katarungan sa lipunan, at marami ang nananatiling mahirap habang ang mga may kakayahang magsamantala ay patuloy na umaangat.
Mga Epekto ng Korapsyon sa Ekonomiya
Pagkawala ng Pondo para sa Pagpapaunlad Ang korapsyon ay nagiging dahilan ng pagbubulsa ng mga pondo na sana ay magagamit sa mga proyektong pampabuti ng ekonomiya. Halimbawa, ang pera para sa mga proyektong pang-imprastruktura ay napupunta sa bulsa ng ilang opisyal, imbes na makatulong sa paglikha ng trabaho o pag-akit ng mga mamumuhunan. Dahil dito, nagiging mabagal ang pag-unlad ng bansa.
Pabigat sa Buong Lipunan Ang korapsyon ay may direktang epekto sa lahat ng antas ng lipunan. Ang pagtaas ng buwis at presyo ng mga pangunahing bilihin ay isa lamang sa mga epekto nito, na direktang nagpapahirap sa mga mamamayan. Kapag ang pondo ng gobyerno ay hindi naipamamahagi nang tama, kailangan nilang magpatupad ng mas mataas na buwis o pangungutang upang masustain ang mga gastusin sa proyekto. Ito ay lalo pang nagpapabigat sa ekonomiya ng bansa.
Paghina ng Pagtitiwala ng mga Mamumuhunan Ang mga dayuhang mamumuhunan ay umiiwas sa mga bansang kilalang mataas ang antas ng korapsyon. Sa ganitong sitwasyon, ang bansa ay nawawalan ng pagkakataon para magkaroon ng mga bagong industriya, trabaho, at teknolohiya na sana'y makatutulong sa pagpapalakas ng ekonomiya. Ang kakulangan ng foreign investment ay nagpapahina sa palitan ng pera at pagtaas ng ekonomiya.
Hindi Matatag na Ekonomiya Dahil sa kakulangan ng tiwala ng mga mamamayan at dayuhang mamumuhunan, hindi rin nagiging matatag ang ekonomiya ng isang bansa. Sa halip na patuloy na tumataas ang antas ng kabuhayan, nahihirapan ang bansa na sumabay sa pandaigdigang merkado. Ang kawalan ng kumpiyansa sa sistema ay nagreresulta sa pagbaba ng halaga ng lokal na pera at pagsulong ng underground economy o mga iligal na negosyo.
Pagpuksa sa Korapsyon
Hindi madali ang pagresolba sa isyu ng korapsyon, ngunit may mga hakbang na maaaring simulan upang mabawasan ito. Una, ang pagpapalakas ng transparency o pagkakaroon ng mga public accountability systems ay mahalaga. Kailangan ding palakasin ang mga batas at magpatupad ng mga regulasyon na may patas at pantay na pagpapataw ng parusa. Gayundin, ang edukasyon tungkol sa kahalagahan ng integridad sa serbisyo publiko ay mahalaga para sa mga bagong henerasyon ng lider.
Ang korapsyon ay isang salot sa pamahalaan at ekonomiya. Habang ang ganitong uri ng katiwalian ay maaaring nagtataglay ng pansariling benepisyo para sa iilan, ang kabuuang epekto nito ay nagiging hadlang sa pag-unlad ng bansa. Ang bawat mamamayan ay may tungkulin na itaguyod ang kalinisan sa gobyerno at makiisa sa paglaban sa korapsyon. Ang malinis na pamahalaan at matatag na ekonomiya ay makakamtan lamang kung lahat ay may malasakit sa tamang paggamit ng kapangyarihan at yaman ng bayan.
16 notes
·
View notes
Text
Kalayaan: Karapatan at Responsibilidad ng Kabataan
Sa mundo kung saan patuloy na nagbabago ang mga pananaw at kaisipan, mahalagang pag-usapan ang salitang "kalayaan." Para sa ating mga kabataan, ano nga ba ang tunay na kahulugan nito? Kalayaan ba ang paggawa ng kahit anong nais natin, o ito ba ay may kaakibat na responsibilidad?
Ang kalayaan ay isang mahalagang karapatan na pinaglaban ng ating mga ninuno. Sa kasaysayan, maraming bayani tulad nina Jose Rizal at Andres Bonifacio ang nag-alay ng kanilang buhay upang makamit natin ang kalayaang tinatamasa ngayon. Ngunit bilang kabataan, paano natin masisiguro na napapangalagaan natin ang kalayaang ito?
Una, dapat nating tandaan na ang kalayaan ay hindi lamang tungkol sa sarili. Hindi ito nangangahulugan ng paggawa ng kahit ano, lalo na kung makakasama ito sa iba. Sa halip, ang tunay na kalayaan ay ang kakayahang gumawa ng tamang desisyon nang may paggalang sa karapatan ng iba.
Pangalawa, mahalagang maging mapanuri tayo sa mga isyung panlipunan. Bilang kabataan, may boses tayo upang ipahayag ang ating mga saloobin tungkol sa mga isyung may kaugnayan sa kalayaan, tulad ng karapatang pantao, kalayaan sa pamamahayag, at pagkakapantay-pantay. Ang social media ay isang mabisang plataporma upang iparating ang ating mga pananaw, ngunit dapat itong gamitin nang responsable.
Sa huli, ang kalayaan ay nagbibigay-daan sa atin upang maging mabuting mamamayan at huwarang kabataan. Gamitin natin ito hindi lamang para sa sariling kapakinabangan kundi para rin sa ikabubuti ng nakararami. Sa ganitong paraan, naipapakita natin ang ating pasasalamat sa mga nagbuwis ng buhay para makamtan ang kalayaang ito.
Ang tanong, kabataan, paano mo ginagamit ang iyong kalayaan? Gamitin mo ito upang magbigay-inspirasyon sa iba at magdulot ng positibong pagbabago sa lipunan.
16 notes
·
View notes
Text
Kanina napatigil ako sa labas ng coffee shop dito samin, naalala ko lang dati na sobrang adik ako sa iced coffee nila, minsan naman milktea. Hindi naman araw araw pero madalas, everytime lalabas ako hindi pwedeng hindi ako bibili dun. May time naman na sinasadya ko lumabas para bumili. Parang kapag nauuhaw ako gusto ko agad ng iced coffee. Alam kong hindi sya healthy kasi ang tamis kaya tapos basta hindi sya healthy pero masarap. Hindi ko naman babalik balikan kung hindi masarap.
Pero bakit kaya ganon no, kahit aware naman ako na hindi healthy eh hindi ko pa din matigilan kahit na minsan pag umiinom ako nagpapalipitate ako. Siguro kasi, nasanay lang ako. Nasanay ako na kapag nauuhaw ako, yun yung hahanap hanapin ko. Naging comfort food ko na din kasi.
Gusto ko na talagang tigilan, kaya gumawa ako ng paraan. Hindi na ako dun dumadaan sa coffee shop na yun kasi parang tinatawag ako. Sinanay ko lang din sarili ko na wala yun. Hanggang sa hindi na ako nagccrave ng iced coffee. Minsan kasi kelangan mo lang talaga gawan ng paraan.
Ngayon kapag dumadaan ako sa coffee shop na yon, nasasabi ko nalang "bakit naadik ako sa coffee na yun, hindi naman masarap" hahaha waw pagtapos kong pagsawaan.
Lately, sa mango shake naman ako nahihilig pero bago pa man ako maadik, tinigilan ko na. Baka kasi sa huli ako yung masaktan. Ay iba na to. Hahaha.
13 notes
·
View notes
Text
The treat is a trick: ang panganib ng pagsusumikap para sa “ideyal” na katawan
Babala: ang artikulong ito ay tumatalakay sa body image at body dysmorphia.
Likha ni: Michi Sugawara ng UPIS Media Center 2025
“Ang laki-laki mo na, ah! ‘Yung dating suot mo, ‘di na kasya ngayon.”
Karaniwang bati sa mga pamangkin, apo, at inaanak ang komento tungkol sa katawan. Anuman ang dahilan ng pagtitipon—kaarawan, kasal, lamay—may makakapansin talaga sa itsura mo at kung paano ito nag-iba mula nang huli kayong nagkita. Kadalasan, ang intensyon nito ay positibo. Lumaki ka. Tumangkad ka. Dati, ang payat mo. Dati, ang taba mo. Ngunit para sa isang bata, maaaring ang dating nito ay, “Ay, may mali pala sa akin?” Noong bata ako, ang maliliit na opinyong ito ay dinaramdam ko nang todo-todo. May panahon kung saan underweight ako, at ang palagi kong naririnig ay, “Kain! Kain ka pa!” Ngunit noong nadagdagan na ang timbang ko, dala ng gana para kumain na hindi ko malaman kung saan nanggaling (spoiler: puberty), may kamag-anak akong nagbanggit na tumataba ako. Hindi ako natuwa. Hindi tungkol sa nutrisyon ang mga komento, napansin ko, kundi tungkol talaga sa itsura ko. Parang lahat na lang ng gawin ko sa katawan ko, mali. Pero saan nanggaling ang ganitong pagtingin? Saan ko natutuhan na may tama—na may ideyal palang itsura o hugis?
Ang ganitong bigat ay dinala ko hanggang sa pagtungtong ko ng hayskul (Grado 7) noong 2019. Sa puntong iyon, hindi na sa pamilya nanggaling ang mga nangingibabaw na mensahe, kundi sa midya—kabilang dito ang mga napapanood na sine at serye at nababasang literatura at aklat-aralin. Matingkad ang mensahe na may “perpektong” hubog ng katawan—trapezoid para sa kalalakihan, at hugis-bote o hourglass naman para sa kababaihan. Ang isang paliwanag kung bakit pinapaboran ang hourglass ay ang malalaking balakang ay nagpapakita ng dagdag na kakayahang makapag-reprodyus (fertility) ng isang babae, habang ang maliit na baywang at pagiging payat naman ay nagpapakita ng kalusugan. Pantay ang distribusyon ng taba sa katawan, at nakakaakit ang simetriyang ito (Sim, 2013). Ngunit kung abilidad na manganak ang basehan ng magandang katawan para sa babae, sinasabi ni Viren Swami (2016), propesor ng Social Psychology, na noong sinaunang panahon, marka ng kalusugan at fertility ang pagkakaroon ng mas mataas na body mass at hugis na mas buo at bilugan, isang mala-Venus (diyosa ng kagandahan ng mga Griyego at Romano) na itsura.
Fresco with a seated Venus, restored as a personification of Rome in the so-called "Dea Barberini" ("Barberini goddess"); Roman artwork, dated first half of the 4th century AD, from a room near the Baptistery of San Giovanni in Laterano (Public Domain)
Ayon sa pananaliksik ni Leafloor (2018) tungkol sa kasaysayan ng ideyal na katawan para sa kababaihan, noong 1800s-1900s, naging paraan ang mga corset upang piliting ipalabas ang mga kurba ng katawan: “These attempts to shape the body were an exaggerated, and now we know unhealthy, artificial way to mimic the ‘natural’ body of a Venus ideal. While corsets were used to achieve that extreme curve, publications in the 1890s (some bluntly entitled “Fashion in Deformity” and “Death From Tight Lacing”!) listed the dangers of binding the waist, including constricting the internal organs and restricting the lungs, resulting in poor digestion and an inability to breathe.”
Makikita mula sa mga obserbasyon ng mga historyador at mangguguhit na hindi nakataga sa bato ang ideyal na hugis ng katawan, ngunit para sa ordinaryong tao sa anumang punto ng kasaysayan, nananatili ang pagkakaroon ng dismaya sa kahirapan na makamit ito.
Bagama’t nakararanas ng hamon sa ideyal na katawan ang lahat ng kasarian, nais kong linawin na mas magpopokus ako sa mga pamantayan para sa kababaihan kaysa ang para sa kalalakihan—una, dahil nanggagaling ako sa mga sariling karanasan bilang babae, at ikalawa, ang mga pamantayang ito ay mas laganap at mas nakatuon sa kasariang ito. Ayon sa tesis ni Carlee Taga (2012) na pinamagatang “Maybe She's Born With It: Analyzing Theories of Beauty from Biology, Society and the Media”, “Male beauty standards surround us every day: masculine features, like a strong jaw line, dark eyebrows, and broad shoulders are included in the male beauty ideal (Etcoff, 1999). However, it is difficult to argue that males are the target audience – simply turn on the television and watch commercials or flip through the latest issue of People – it’s clear that women are the focus of ‘beauty culture’.”
Kailangan ng masinsin na pag-iingat sa pagtatalakay ng mga patakaran at perspektibo tungkol sa pangangalaga ng katawan at pananamit sa anumang edad. Higit pa na pag-iingat ang kinakailangan para sa mga nasa mas batang dulo ng hayskul—mga estudyanteng nasa early adolescence, o edad 10-14 (Blum et al., 2014)—sapagkat sa ganitong mga taon, mabilis ang pag-debelop ng katawan dala ng puberty. Apatnapung porsyento ng pinal na timbang ng taong nasa hustong gulang ay nadaragdag sa mga taon ng adolescence (Jacob & Nair, 2012), isang pagbabago na maaaring magdulot ng pagkagitla ngunit hindi ito magpapatuloy kung ipoproseso bilang normal na bahagi ng paglaki.
Ang wika na ginagamit ng mga magulang at kapatid, ang pagpuri at pagpuna ng mga kaibigan, ang itinuturo sa paaralan, at ang pinapahalagahan ng lipunan sa ispesipikong panahon—napakaraming salik ang bumubuo sa pagtingin ng isang bata sa kanyang katawan. Sa fashion industry, laganap ang klasipikasyon ng hubog ng katawan ayon sa literal na hugis na kawangis nito. Ang isang klasipikasyon na kinikilala sa industriya ay ang Female Figure Identification Technique (FFIT) na itinaguyod sa Estados Unidos noong 2004. Ang sistemang ito ay kumukuha ng three-dimensional (3-D) body scans, tinitingnan ang sukat ng mga bahagi ng katawan, at inilalapat sa mga matematikal na formula (Sokolowksi at Bettencourt, 2020). Ayon sa FFIT, ang mga hubog ng katawan ng isang babae ay isa sa mga sumusunod: hourglass, bottom hourglass, top hourglass, spoon, rectangle, diamond, oval, triangle, o inverted triangle. Ngunit ayon kina Parker et al. (2021), mga mananaliksik sa ergonomya sa United Kingdom, maaaring inconsistent ang “gold standard” na klasipikasyong ito dahil sa mga terminong ginagamit sa panunukat (bust, waist, hip, high-hip, stomach, at abdomen) na, kung hindi eksakto ang interpretasyon nito ng mga manunukat, maaaring higit sa isa o mali ang hugis na maitatalaga sa isang indibidwal. Mula sa pananaliksik nina Parker, ang depinisyon ng FFIT sa “hip” at “waist” ay hindi konsistent sa iba pang body scanning surveys kagaya ng Size UK, kaya maaaring mula sa ibang pwesto magsimula ang mga mananahi o siyentista (para sa pananaliksik) kapag sinusukat ang mga ito at magkaroon ng pagkakamali sa resulta. Mula naman sa pananaliksik nina Sokolowksi at Bettencourt (2020), kung saan ikinumpara naman ang 2004 na FFIT sa 2007 update ng mga Koreanong mananaliksik na ginawan ng bersyon para sa sariling bansa, “Many scans were classified as Rectangles or Inverted Triangles based on the mathematical formulas, but visual inspection indicated that these categories were not accurate, often because the waist circumferences were larger than either bust or hip. In addition, some scans did not fit into any of the shape definitions. In all, it was found that the existing 2007 FFIT formulas had an underlying assumption that the waist was smaller than the bust and hip.” Narito ang ating paradox—maaaring hindi istrikto ang klasipikasyon upang mapagbigyan ang iba't ibang klase ng katawan, ngunit laging mayroon pa ring maiiwan dahil hindi sila pasok sa inherent na bias ng gumawa ng sistema, kahit na hindi nila intensyon ito. Iminungkahi nina Sokolowksi at Bettencourt ang bago na namang formulae na mas inklusibo para sa mga may plus-sized na katawan.
Dagdag dito, nakapagtataka na ang mga mensahe ay nakapokus sa ugnayan ng hubog ng katawan at presentasyon nito sa publiko sa halip na ang implikasyon nito sa pisikal na kalusugan. Bukod sa lifestyle choices, ang ilang tao ay mas genetically predisposed na mag-imbak ng taba sa mga parte ng katawan katulad ng tiyan (pabilog na katawan) o balakang at hita (patatsulok na katawan). Ang mataas na waist-to-hip ratio ay hindi dapat bantayan upang tularan ang hugis-boteng katawan, kundi dahil mas mataas ang panganib nito para sa mga sakit kagaya ng type 2 diabetes at coronary heart disease (Emdin, Khera, & Natarajan, 2017).
Hiwalay pa sa hugis ng katawan ang hugis ng mukha. Parehong wika ang ginagamit: oval, round, rectangular, heart-shaped, triangular, diamond-shaped, at square-shaped ang maaaring hugis. May pagkukulang ang bawat isa, ngunit maaari pa ring itago sa pamamagitan ng pagbago sa gupit ng buhok, paghahanap ng “tamang anggulo” para sa mga litrato, o pag-edit nito sa digital man o pisikal na paraan. Sa pagiging laganap ng photo filters at editing features (na nakapokus sa kagandahan) sa mga digital na kamera at social networking sites, nagiging mas madali ang pagbubuo ng ilusyon ng pagiging “perpekto” o “ideyal,” na nakadaragdag ng pamumuwersa sa konsyumer ng edited na litrato na gumaya sa ganitong praktis. Ayon kay Camille Paglia sa kaniyang 2004 na artikulong “The Cruel Mirror: Body Type and Body Image as Reflected in Art,” ang mga pag-unlad sa pagtanggap sa natural na katawan (hal. ang pag-mainstream ni Jennifer Lopez sa mas malaking pigi ng mga black at Latinx) ay natabunan ng paggamit ng Photoshop upang i-edit ang mga litrato para gawing mas payat ang katawan ng mga kababaihan, lalo na sa mga magasin. Maaaring manghikayat din ito ng kagustuhang gayahin ang imaheng nakakamit lamang sa online sa pamamagitan ng plastic surgery (American Academy of Facial Plastic and Reconstructive Surgery, 2014). Mula naman sa pag-aaral nina Kanavakis et al. (2021) tungkol sa ugnayan ng hubog ng mukha at self-perceived attractiveness, “Self-assessments of body image and attractiveness are largely performed under the scope of psychosocial evaluations.” Kaya, ang panghuhusga sa sariling katawan ay may kinikilingang “manonood”—magpaganda, o mapabuti ng katawan dahil pinapanood ito.
Ang mga epekto ng pagkahumaling sa mga ganitong pamantayan ay mapanganib hindi lamang sa mga adolescents at tinedyer kundi pati sa nasa hustong gulang na. Ayon muli kay Paglia (2004), “Thus, for the past decade a strange and perhaps impossible amalgam has emerged: the thin, sleek, toned female figure with a flat, exposed midriff but startlingly large breasts. This silhouette is difficult enough to maintain during the hormonal teenaged years, but its imposition on older women requires a manic regime of exercise and dieting as well as a costly maintenance program of plastic surgery and liposuction.”
Siyempre, may mga rason sa likod ng “pag-edit” ng mukha, katawan, o larawan nito na hindi nakaangkla sa pakikiayon sa mga ideyal ng lipunan na nakaaapekto sa negatibong paraan. Para sa ilan, ang paglalagay ng makeup ay ginagawa sa ngalan ng personal na ekspresyon at/o sining. Ginagawa nilang kanbas ang mukha para sa sariling kaligayahan o upang hasain ang kakayahan sa pagpipinta at pagdidisenyo. Ang plastic surgery at liposuction naman ay maaaring gawin para sa mga kadahilanang pangkalusugan. Mainam na ang mga ganitong desisyon ay magmula sa pagpapasya para sa sariling katawan, hindi upang sumunod sa dinidikta ng lipunan.
Ang problema sa pangangailangan na gumawa ng ilusyon dahil sa pamumuwersa ng mga pamantayang hindi naman aplikable sa lahat ng katawan, ay ang katotohanan na tuwing matatapos ang araw—pagkatanggal ng mga palamuti, pagkahubad ng damit, at pagkapatay ng cellphone—pagkadismaya ang babati sa hugis na nasa salamin. Imposible ang pagdadala ng ilusyon sa kabuuan ng araw, at kung matagumpay man ito sa kahit gaano kaikling panahon ay mauuwi sa lungkot ang pagkakita sa tunay na kalagayan ng katawan na pinaniwalaang hindi sapat.
Hindi ganap ang kontrol natin sa kung ano ang hugis ng katawan natin. Ngunit maaaring piliin ang mga mensahe na ipapamahagi at isasapuso natin tungkol dito.
Saksi ako sa unti-unting pagwawasak sa mapanakit na pananaw tungkol sa pangangatawan. Nagpapakita ito sa diskusyon mismo—sa interes sa pananaliksik tungkol sa relasyon ng body image at hiya, sa mga artikulong tumatalakay dito sa dyaryo at journal ng mga paaralan, at sa pagbabago ng bokabularyo na ginagamit para sa mas body-positive na mga ugnayan.
Ang mga institusyong kinabibilangan natin ay, kung tutuusin, kayang basagin. Batay sa ating naobserbahan mula sa kasaysayan, hindi permanente ang ating mga pamantayan sa kung ano ang maganda, tama, o perpekto. Ang mga kinagawiang pananalita ay hindi palaging tama dahil lamang dito tayo nasanay. Mula sa pananaliksik at pag-iisip nang kritikal, maaari tayong magdalawang-isip bago tanggapin ang mga naririnig nating mensahe (at pag-isipan kung mula pa sa simula ay hindi na sila akma). Sa pagpapalawak ng isipan ay posibleng mapagkalakhan natin ang pagkakaroon ng ideyal na itsura at ang kagustuhang tularan ito. Maaari rin nating tingnan ang pag-unlad ng mga ganitong pananaw at ikatuwa ang mga positibong pagbabago. Dito, natututuhan nating protektahan ang panghinaharap, patawarin ang nakaraan, at tumingin sa salamin at sabihing, “Tinatanggap kita nang buong-buo.”
Kung ikaw o ang iyong kakilala ay may pinagdaraanan ukol sa eating disorder/s, maaaring tawagan ang NCMH Crisis Hotline upang makakuha ng tulong:
📞: 1553
SMART: +63 919-057-1553
GLOBE: +63 966-351-4518
Ikaw ay sapat.
//ni Aila Orillaza
Mga Sanggunian
American Academy of Facial Plastic and Reconstructive Surgery. (2014, Marso 11). Annual AAFPRS Survey finds 'selfie' trend increases demand for facial plastic surgery. PR Newswire. https://www.prnewswire.com/news-releases/annual-aafprs-survey-finds-selfie-trend-increases-demand-for-facial-plastic-surgery-249409811.html
Blum, R. W., Astone, N. M., Decker, M. R., & Mouli, V. C. (2014). A conceptual framework for early adolescence: a platform for research. International journal of adolescent medicine and health, 26(3), 321–331. https://doi.org/10.1515/ijamh-2013-0327
Cagas, J. & Brebante, Z.R. (2015). Body image, body mass index and the experience of Hiya in physical education among Filipino female university students. Asia Life Sciences, 24(2), 647-659. https://www.researchgate.net/publication/281248156_Body_image_body_mass_index_and_the_experience_of_Hiya_in_physical_education_among_Filipino_female_university_students
Chae, J. (2016). Virtual makeover: Selfie-taking and social media use increase selfie-editing frequency through social comparison. Computers in Human Behavior 66(2017), 370-376. http://dx.doi.org/10.1016/j.chb.2016.10.007
Emdin, C.A., Khera, A. V., Natarajan, P., et al. (2017). Genetic Association of Waist-to-Hip Ratio With Cardiometabolic Traits, Type 2 Diabetes, and Coronary Heart Disease. JAMA 317(6), 626-634. https://jamanetwork.com/journals/jama/fullarticle/2601502
Etcoff, N. L. (1999). Survival of the prettiest. New York: Random House.
Jacob, J. A., & Nair, M. K. (2012). Protein and micronutrient supplementation in complementing pubertal growth. Indian journal of pediatrics, 79 Suppl 1, S84–S91. https://doi.org/10.1007/s12098-011-0430-0
Kanavakis, G., Halazonetis, D., Katsaros, C., & Gkantidis (2021). Facial shape affects self-perceived facial attractiveness. PLoS ONE, 16(2). https://doi.org/10.1371/journal.pone.0245557
Leaflor, L. (updated 2018, Hunyo 11). The ideal woman’s body – a gift of the gods? Ancient Origins. https://www.ancient-origins.net/history-ancient-traditions/ideal-woman-body-gift-gods-0010190
Lee, G. (2017, Hulyo 3). The word of the body: Depictions of positive body image In Philippine Young Adult literature. Philippine Humanities Review, 18(1), 59-75. https://journals.upd.edu.ph/index.php/phr/article/view/5678/5091
Lim, M. & Manlapig, R. (2024, Marso 26). Treatise: Body image and the digital mirror. The LaSallian. https://thelasallian.com/2024/03/26/treatise-body-image-and-the-digital-mirror/
Management of eating disorders for people with higher weight: clinical practice guideline. (n.d.). National Eating Disorders Collaboration. https://drive.google.com/file/d/1gi0_DLj9_5V1rAAiTc4Y_6gJo39l5TLG/view?usp=drivesdk
Larawan ni Ngyuen, M-L. (2006). Dea Barberini Massimo [Photograph]. Wikimedia Commons. https://commons.m.wikimedia.org/wiki/File:Dea_Barberini_Massimo.jpg#file
Paglia, C. (2004). The cruel mirror: Body type and body image as reflected in art. Art Documentation: Journal of the Art Libraries Society of North America, 23(2) (Fall 2004), 4-7. https://www.jstor.org/stable/27949310
Parker, C.J., Hayes, S.G., Brownbridge, K., & Gill, S. (2021—accepted manuscript). Assessing the Female Figure Identification Technique’s reliability as a body shape classification system. Ergonomics, 64(8). Kinuha mula sa Loughborough’s Research Repository. https://hdl.handle.net/2134/14170421.v1
Sim, K. (2013). The relationship between sex-typical body shape and quality indicators. Journal of Social, Evolutionary, and Cultural Psychology, 7(2), 97–120. https://doi.org/10.1037/h0099207
Sokolowski, S.L. & Bettencourt, C. (2020). Modification of the Female Figure Identification Technique (FFIT) formulas to include plus size bodies. Proceedings of 3DBODY.TECH 2020 11th Int. Conference and Exhibition on 3D Body Scanning and Processing Technologies, 17-18 Nov. 2020, Online/Virtual. https://doi.org/10.15221/20.22
Swami, V. (2016, Setyembre 13). Women’s idealised bodies have changed dramatically over time – but are standards becoming more unattainable? The Conversation. https://theconversation.com/womens-idealised-bodies-have-changed-dramatically-over-time-but-are-standards-becoming-more-unattainable-64936
Taga, C. (2012). Maybe she's born with it: Analyzing theories of beauty from biology, society and the media [Honors thesis, Regis University]. Regis University Student Publications. https://epublications.regis.edu/theses/579
Zusi-Tran, K. (2017, Pebrero 16). Moving from correlation to causation: Genetics suggest that excess abdominal fat drives risk of heart disease and diabetes. Broad Institute. https://www.broadinstitute.org/blog/moving-correlation-causation-genetics-suggest-excess-abdominal-fat-drives-risk-heart-disease
8 notes
·
View notes
Text
Social Media sa Makabagong Panahon: Ang mga Positibo at Negatibong Epekto
Sa kasalukuyan, ang social media ay hindi na lamang simpleng libangan—isa na itong mahalagang bahagi ng ating pang-araw-araw na buhay. Marami sa atin ang gumugugol ng oras sa social media upang makibalita, makipag-ugnayan, at magbahagi ng mga karanasan. Gayunpaman, ang paggamit ng social media ay may mga epekto na maaaring positibo o negatibo sa ating lipunan at personal na buhay.
Mga Positibong Epekto ng Social Media
Pagpapadali ng Komunikasyon - Ang social media ay nagbibigay-daan sa mas mabilis at madaling komunikasyon, kahit sa mga taong nasa malalayong lugar. Hindi lamang mga mensahe ang naipapadala, kundi pati mga larawan at videos na nakakatulong sa pagpapatibay ng ugnayan.
Pagpapalaganap ng Kaalaman at Kasanayan - Sa social media, maraming grupo o komunidad ang naitatatag na may layuning magbahagi ng kaalaman. Halimbawa, may mga group para sa iba't ibang hobby o propesyon na nagiging tulong sa pagpapalawak ng kaalaman at kasanayan ng mga miyembro.
Platform para sa Advokasiya at Pagbabago - Nagagamit din ang social media bilang plataporma sa pagsusulong ng mga adbokasiya, tulad ng pagprotekta sa kalikasan, pagkakapantay-pantay ng kasarian, at iba pang mahahalagang isyu. Dahil dito, mas madaling makarating ang mga mensahe sa mas malaking audience at hikayatin ang mga tao na makiisa.
Mga Negatibong Epekto ng Social Media
Mga Isyu sa Kalusugang Mental - Ayon sa pag-aaral, ang labis na paggamit ng social media ay maaaring magdulot ng anxiety, depression, at iba pang mental health issues, lalo na sa kabataan. Ang patuloy na pagkukumpara ng sarili sa mga “perpektong buhay” na ipinapakita sa social media ay nagdudulot ng mababang self-esteem.
Pagkakalat ng Pekeng Balita o Maling Impormasyon - Maraming pekeng impormasyon ang mabilis na kumakalat sa social media. Ang mga maling balitang ito ay nagdudulot ng pagkakabaha-bahagi sa mga tao at minsan, nagpapalala sa mga sitwasyon sa lipunan.
Cyberbullying at Online Harassment - Isa pang hamon ng social media ay ang pag-usbong ng cyberbullying. Maraming tao ang nagiging biktima ng harassment at bullying online, na may malalang epekto sa kanilang kalusugang pisikal at emosyonal.
Pagbabalanse ng Social Media sa Ating Buhay
Ang paggamit ng social media ay hindi masama kung magagamit ito nang tama at may kontrol. Mahalagang maging mapanuri sa bawat impormasyon at maging responsable sa bawat aksyon online. Ang social media ay maaring maging kasangkapan sa pagbabago kung ito ay gagamitin sa positibong paraan.
8 notes
·
View notes