#papaali
Explore tagged Tumblr posts
incandescentlight · 2 years ago
Text
Just TADHANA nga naman
wala pa nga e papaalis ka na agad...
kaya pala nagresign ka sa work...
kaya pala...
di pa nga tayo nagkaka usap may plano ka na agad lumipad...
Just TADHANA nga naman...
baka being SINGLE talaga is Life ...
4 notes · View notes
break404 · 10 months ago
Text
Letter for Talaarawan
Last 2019, I saw a girl full of potential. A girl who is not afraid to fulfill her dreams. I feel the spirit inside of her. A loud voice of an unclaimed recognition at the back of an unseen personality. I wasn't intimidated by the silence she brings, instead, it uplift my spirit to go & talk to her. Be friends with her and let her become part of my journey. We've been through a lot of trials. Mine was tough. Hers was the worst. Mine was hard. Hers is painful. Mine was identified. Hers is unrecognized. But despite the unbreakable scenarios in life, we still hold each others' hands. 2019, she wrote a birthday
letter to me. That was the first
letter I receive.
letter from her heart. (I guess?) Hindi ko alam kung paano kami nag karoon ng common ground. Pero, I can say na she's that "one call away friend" On my toughest trials in life, she's there. She did not leave me. Her presence is more than a friend a person can define. It's not the money nor any property she can give to make me feel better, but if she's listening now, I want her to know that she is one of the reasons why I get through that. Her messages makes me feel important and accepted. She's a gift to me that will never expire. Sabi ko sa sarili ko, ito yung taong dapat pnprotektahan at iniingatan. Kaya I promise to protect her from any attack of the enemy in return. Protect her physically, and mentally at kahit spiritually. But here comes February this year of 2022, sabi nya may sasabihin daw sya sakin. I thought that was a prank. I waited. But she didn't reply. I called her, but she did not answer. I waited. A day. After a day. After a day. Finally, she responded. It was February 6, meron syang inamin na onti-onting dumagdag sa trust issues ko. I feel wreckless and miserable that time. I feel like, naagawan ako ng paborito kong laruan. Muntik na ko ma depress that time kasi even my surroundings, I don't feel like I deserve attention. I thought parehas kami ng level of anger sa taong kinkwento ko sa kanya. Pero I am totally wrong. The more I described his wrongdoings, the more na na fafall ang kaibigan ko sa kanya. Kaya I was shocked na yung paborito kong laruan, hindi ko pala pag mamay-ari. Para syang spy. Para syang assassin. Onti-onti nyang kinuha ang loob ko until patayin nya yung nag iisang dahilan kung bakit buhay pa ko. I wept. I blame myself. I cried all night. Para kong nag build ng friendship just to be betrayed. That was tough. Mas tough pa sa pag papaalis sakin sa house. I have so many question na gusto kong masagot. Bakit di nya sinabi sakin? Bakit nag sikreto sya. Bakit sya pa. Bakit nya ginawa yon. Bakit parang balewala lang ako sa kanya. Puro bakit. bakit. bakit. Pero walang maka-sagot. Walang maka-gets. Hindi pwedeng ipag-sabi. I was like a candle who's about to vanished. Gladly, na I am doing my devotions day and night. I prayed all night. And instead of asking and blaming God for what had happened, I simply surrender my situation to Him. I admit that I have been attached to that person and wasn't able to free her. I submit to God my anxiety. My brokenness. My uncertainty. Hindi madali. Pero kailangan kong ifix yung emotions ko. Yung ako. Kailangan kong mag decide ng mabilis. Kailangan ko to lagyan ng deadline. Psalms 94:19 When anxiety was great within me, your consolation brought me joy. I surrender to God my anxiety and my emotions. My weeping. My discomfort. Pero, hindi pala sya nag tatapos sa surrendering. Di pala dapat surrender agad. Dapat pala CONFESSION muna. At that moment, I have partially been free from guilt, I realized that it is not her who hurt me, it is the enemy who was trying to steal, kill and destroy my joy. This
letter wasn't meant to let her feel guilty, but to let her know what I've been through since then. That girl, I want her to listen carefully. Open her heart, mind, body, soul and spirit to understand what this
letter TRULY means. After months of having trust issues regarding this, I realized that she is more than my anger. Our friendship is greater than my trust issues. And after all, she's not mine. She's not a toy. She is not even the assassin. It's my illusion and worst description. Sya nalang naging conclusion ng lahat ng issues ko in life. Alam kong during and even after that incident --- she is fighting. Mentally, physically, spiritually (isama na natin -- financially) Alam kong sa pang-yayaring yon, nahihirapan din sya Nag sstrugle din sya. Greater than my struggle. Bigger than my pain. Greater than my issues. Kahit di nya sabihin, alam kong lumalaban sya. She's fighting a battle that can only be fought by her. Shame of me na hindi ko sya matulungan at wala kong magawa. Bukod sa ipamuka sa kanya na because of her, I've been through a lot of this and this and that. Wala syang ibang ginawa kundi pakinggan ako. Intindihin ako. Sagutin lahat ng calls and chat ko. Just to let her fullfill her promise, na "nandito lang ako. moral support" Now, we are entering a new journey in life that is unpredictable. All I can do in return for her sacrificial love is to always put her in my prayers. Intercede. And just be here whenever she needs me. As how she does when I needed her. Sometimes, inaatake sya ng laban na maski sya hindi nya ma-identify. At wala akong magawa kundi titigan sya, at bumulong na "Lord, please comfort her whenever she needs your comfort. Hug her for me, please" Before this
letter ends, I want to personally say to that girl I met 4 years ago, na kahit alam kong papatawarin mo ko ng 70*7 times, I still want to sincerely, say pasensya, paumanhin. Sorry . My greatest apology kung may mga bagay akong nagagawa, nasasabi at naiisip na sobra na sa limitasyon ng ating pagka-kaibigan natin. Proud ako sa lahat ng laban na pinanalo mo mag isa. Proud ako sa mga desisyon na kahit nahihirapan, pinili mong kumalma. Proud ako sa lahat ng ups and downs mo, Proud ako dahil nag papatuloy kaparin kahit nahihirapan ka nang tumayo. Proud ako na nakilala kita, Hindi man matino pero the best na suporta. Nawa'y sa muli mong pag alis, mag paalam ka. Pero kung di man ako makareceive ng paalam mula sayo, I know you have reasons. I boldly confess that I allow the enemy to blind me by the past and let you feel guilty for all of this. I confess that I have sinned and don't deserve to be with God, in Heaven. I believe that Jesus died to pay the price of my sin. I ask God to fully forgive me, for all of my sins. And help me to live for Him, from now on. In Jesus' name, Amen. This prayer means a lot. Muli salamat. I have so many words pa to say, pero to summarize everything, here's my covenant sa Lord --- una akong tinanggap, una rin akong tatanggap. Pinapalaya na kita at pinapalaya ko na ang sarili ko. Mahal kita- palagi my dearest Talaarawan.
0 notes
iamlivingatmyownworld · 1 year ago
Text
NANAKIT BUONG PAGKATAO KO; KAYA NATULOG AKO
18 July 2023
Nakabalik ako sa bahay saktong 9 dahil nag tricycle ako. Saktong papaalis si Ate Lara. Akala ko ihahatid ko na lang si Geya. Hindi na pala papasok ang bata dahil naabutan ko pang kumakain. Ngayong hapon ko lang din nalaman ang dahilan pero pinaramdam sa akin kaninang umaga na parang kasalanan ko, sa tono ng mga salita at pangungutya sa mga tingin. Hindi ko naasikaso yung bata at sarili ko lang iniisip ko.
Habang nakaupo sa likod ni Geya. Nagsimula na si mama magsalita. Hindi ko maalala ang ibang detalye kahit kaunti lang naman, pero alam kong tinapos nya sa tanong kung nakikipagrelasyon daw ba ako sa tomboy? Hindi ang sagot ko. Hindi pa ako ganun katapang. Pag-uuntugin nya raw ulo namin kapag nalaman nyang oo. Dun ako natakot. Madadamay pa si Sam. Hindi ko hahayaang madamay pa sya sa mas malalim kong hinanakit.
Hindi ko magalaw braso ko na walang nararamdamang sakit. Inaantok ako. Kumikirot ulo ko. Basta ang sakit ng mga buto ko. Pero mas masakit yung katotohanang wala akong ginagawa at hindi pwedeng wala akong gawin.
Kaya ayun natulog pa rin ako. 
Naghugas muna ako at nag-asikaso. Binuksan ang laptop. Gumawa ng mga tabs. Sinubukan may gawin. Kaya lang ayaw talaga gumalaw ng katawan ko. Nanuod ako ng youtube shorts. Hanggang sa napagdesisyunan kong matulog na lang. Pero paano? Kailangan hindi pa rin ako masisigawan sa simula at bago pa man humimbing tulog ko.
Nagplay ako ng recorded class para kunwaring nanunuod hanggang sa makatulog. Effective naman. Alas dos na ako nagising.
0 notes
monieckdriezi · 2 years ago
Text
PITX
- Isinulat noong Pebrero 27, 2022 - Height of the Pandemic.
Nakaka-miss rin pala iyong init ng araw sa labas. Iyong nasa lilim ka, para makatakas sa araw o ng ultra-violet rays. Iyung mga kwento sa jeepney, iba't ibang taong nakakasalamuha. Yung tunog ng makina ng mga lumang pampasaherong jeep na parang sumisigaw na parang halimaw na nagsisimula palang humanap ng kakainin niyang pasahero. Iyong sigaw ng tsuper kapag papaalis na yung jeep, tapos nangongolekta pa-unti-unti para safe sa mga 123. Iyong tunog ng brakes ng mga bus na nagsisiikutan sa station. Iyong mga tunog ng bakal sa pagpitik sa iba't ibang parte ng jeep o pag
"Oh Magallanes, Magallanes!" sabi niya.
Nakaka-miss.
0 notes
roseinblue · 2 years ago
Text
Tumblr media
"Ang damot mo naman!" 'Yan ang katagang halos araw araw naririnig ng batang si Charlotte.
Siya'y isinilang mula sa marangyang pamilya. Lahat ng laruan, damit at pagkaing gusto niya'y mabilis niyang nakukuha mula sa kaniyang Ama't Ina. Ngunit pakiramdamam ni Charlotte ay may kulang pa rin sakaniya. Kailanman ay hindi siya nakuntento sa mga materyal na bagay na ibinibigay sa kaniya ng kaniyang mga magulang dahil parati namang wala ang mga ito sakanilang tahanan.
Ni minsan ay hindi niya naranasang mag bigay sa mga kapwa niya bata sakanilang baranggay dahil sa kaniyang inggit sa mga ito, Bagama't nasakaniya na ang lahat ng materyal na bagay ay meron naman ang mga batang 'yon na kailanman ay hindi niya mabibili ng pera, 'Yun ay ang pag aalaga ng mga magulang nito sakanila.
Halos araw araw ay naiiyak siya sa pagkainggit habang pinapanood ang mga bata na inaalagaan ng kanilang mga magulang kaya naman gumaganti siya sa mga ito sa pamamagitan ng pag iinggit sakanila ng mga laruan na meron siya.
Hindi pwedeng siya lang ang naiingit, Sabi niya sa kaniyang sarili.
"Meron ka ba nito? Wala! Hindi niyo naman kasi afford 'no! Mga slapsoil kasi kayo!" Aniya sa mga batang naglalaro sa parke habang iwinawasiwas ang kaniyang bagong biling manika.
"Ang ganda niyan ah! Pwede ko bang mahiram?" Tanong ng isang bata habang manghang mangha na nakatitig sa kaniya hawak na manika.
Napangisi si Charlotte at malakas ma tumawa, "Asa ka naman 'no! Ang mahal kaya nito tapos ipapahiram ko sa mahihirap na katulad niyo? Manigas kayo!" Sigaw niya na naging dahilan upang malakas na umiyak ang bata.
Mabilis na lumapit ang Ina nito, Niyakap ang batang umiiyak at pinatahan na mas lalong nagpasiklab ng inggit ni Charlotte, Sa loob ng Pitong taon niyang pamumuhay sa mundo ni minsan ay hindi niya pa naranasang mayakap ng kaniyang Ina.
Buong hapon ay nagkulong si Charlotte sa kaniyang kwarto, Iniisip kung ano ba ang dapat niyang gawin upang manatili sa kanilang bahay ang kaniya mga magulang, Lalo pa't bukas ay kaarawan niya na.
Naputol ang kaniyang pag iisip nang may biglang pumasok sa kaniyang kwarto. "Ms. Charlotte, Ipinapabigay po ni Ma'am. Happy birthday daw po." Ani ng kasambahay nila Charlotte at inabot sakaniya ang isang malaking regalo.
Lumiwanag ang mukha ni Charlotte, "Nandiyan sila Mommy?" Umaasang tanong niya.
"Opo, pero paalis na rin po. May pupuntahan po atang business--" Hindi niya na pinatapos sa pagsasalita ito at dali daling bumaba, Nagbabakasakaling mapigilan niya pa sa pag alis ito.
Nagmadali siyang hinabol ang papaalis na nitong sasakyan, Tumakbo siya nang tumakbo hanggang sa mapansin niya na lamang na sobrang layo niya na mula sa kanilang bahay at hindi niya alam ang daan pabalik, Nawala na rin sa paningin niya ang sasakyan ng kaniyang mga magulang.
Wala siyang nagawa kung hindi umiyak sa gitna ng kalsada hanggang sa makatulog siya. Nagising na lamang siya na nakahiga sa isang matigas na upuang kahoy. Balot din siya ng kumot at may basang panyo sa kaniyang noo.
"Nay! Gising na po siya!" Kumunot ang noo niya nang marinig ang pamilyar boses.
May lumapit sakaniyang babae at hinipo ang kaniyang noo, Tinulungan rin siya nitong makaupo nang maayos.
"Natagpuan kita sa kalsada, Mukhang naulanan ka kaya sobrang taas ng lagnat mo. Kaya dinala na rin kita dito  sa bahay namin."
"Okay ka na ba, Ate?" Napalingon siya sa batang babaeng nagsalita. Halos magpakain siya sa lupa dahil sa kahihiyan nang mapansin na ito ay ang batang babae na inaway niya kanina habang ang ginang naman ay ang Ina nito.
"Halika, Kumain ka muna, Pagpasensyahan mo na ang ulam namin ah." Ani ng ginang habang sinasandukan siya ng pagkain sa kaniyang plato.
"Maligayang kaarawan nga pala! Sinabi sa'kin ni Maya na kaarawan mo raw ngayon."
Lumingon siya sa bata, Tila nagtatanong kung pano niya ito nalaman. "Napagusapan namin ng mga kaibigan ko na birthday mo daw ngayon, umaasa kaming baka imbitahan mo kami at baka sakaling makatikim kami ng fried chicken." Masayang saad nito.
Hindi napigilang maging emosyonal ni Charlotte, Sa unang pagkakataon ay naramdaman niya ang kalinga ng isang Ina na matagal na niyang hinahangad at ang pagmamahal ng isang nakababatang kapatid na tila naramdaman niya kay Maya.
"Salamat ah, Pasensya na rin kung pinag dadamutan ko kayo. Alam niyo inggit na inggit kasi ako sainyo eh." Nahihiyang aniya.
"Sa'min? Bakit naman?"
"Kasi kayo, lagi niyong kasama ang mga magulang niyo, Lagi kayong inaasikaso habang ako, Mga kasambahay ang lagi kong kasama  sa bahay. Kahit ngayong birthday ko ni hindi manlang ako sinamahan nila Mommy."
"Ganon ba? Edi sasamahan ka namin! Basta wag ka nang maging madamot ah?"
"Talaga? Sige ba! Bukas ng umaga pumunta kayo sa bahay, Papakainin ko kayo ng maraming fried chicken!"
Nagkaro'n ng selebrasyon sa bahay nila Charlotte para sa kaniyang Kaarawan, Sa unang pagkakataon ay naranasan niyang magbigay at magpahiram sa mga batang katulad niya. Ngayon niya naunawaan na sobrang sarap pala sa pakiramdam nang makapag pasaya ng ibang tao at ang magkaro'n ng kaibigan. Kaniya ring natutunan na kailanman ay walang kahit anong magandang naidudulot ang kaniyang pagdadamot.
Wakas.
0 notes
filipinopeta10 · 2 years ago
Text
Ang Magkaibang Mundo Nina William at Alfred
1      “Prinsipe William! Kamahalan!” malakas na tawag sakin ng aking tagapag-alaga. “Saglit lamang kamahalan!” hinarangan niya ang aking lalakaran upang ako ay pahintuin sa paglalakad. “Ano ang iyong nais?” malamig kong tugon “Kamahalan, minsan na nga lamang kayo magsalo ng iyong amang hari ninais mo pang makipagtalo sa kaniya.” hinawi ko siya at sinabi “Siya ang nagsimula! Ilang beses ko nang sinabi na hindi ako interesado sa pagiging hari!” “Ngunit kamahalan, ikaw lamang ang nag-iisang anak ng mahal na hari. Ikaw lamang ang maaaring pumalit sa trono-“ Nainis ako at tinalikuran ko na lamang siya. “Kamahalan!” patuloy siya sa pagtawag sa akin habang ako’y papalayo.
       Nagpunta ang prinsipe sa kaniyang paboritong lugar, ang tabing dagat. Pinanonood niya ang mga bituwin sa langit habang iniisip kung ano ang itsura ng ibang mundo. Paano ang buhay doon? Matatakasan niya ba ang mga responsibilidad niya sa mundong ito kung sa ibang mundo siya nanirahan?
2      Nagbabasa si Alfred ng kaniyang libro sa kanilang hardin nang makita niya na papaalis nanaman ang kaniyang ama. Pumasok siya sa kanilang tahanan at tinanong ang kaniyang ama “Papa, saan ang inyong punta?” ngunit hindi siya pinansin nito at nagpatuloy sa kaniyang pag-alis. Nagbuntong hininga si Alfred at nagtungo sa kaniyang silid. Kinuha niya ang larawan ng kaniyang ina. Nasaan kaya ang ina niya ngayon? Buhay ba siya? Kamusta kaya siya? Paano kaya kung kapiling niya ang kaniyang ina ngayon? Mag-iiba ba ang trato ng kaniyang ama sa kaniya? Bumuhos ang mga katanungang ito sa kaniyang utak.
      Napansin niya ang oras, ganitong oras ineere ang kaniyang paboritong palabas. Kaagad na bumaba siya upang manood ng telebisyon. Ang palabas ay tungkol sa lalaki na aksidenteng nakapunta sa ibang mundo. Hindi niya mapigilang isipin, kung mayroon ba talagang ibang mundo. Kung mayroon man, ano kaya ang buhay doon? Agad niyang naisip, paano kung naroon ang kaniyang ina? Ngunit tinawanan niya na lamang ang tanong na ito. Imposibleng may ibang mundo, at mas lalong imposible na naroon ang kaniyang ina. Ngunit napatunayan niyang mali ang kaniyang iniisip nang may parang lagusan ang lumitaw sa kaniyang gilid at may lumabas na lalaki mula rito.
      Nagulat siya sa nangyayari. Agad siyang napatayo at tinanong ang lalaking nasa harapan niya “Sino ka? Anong ginagawa mo rito? Saan ka nanggaling?” tinignan siya ng lalaki at sinagot siya “Ang lakas ng loob mo para tanungin kung sino ako. Bakit hindi ikaw ang magsabi kung sino ka.” Naguguluhan na si Alfred sa mga nangyayari, ngunit sinagot niya parin ang tanong ng kakaibang lalaki sa harap niya “Ako si Alfred, nakatira ako rito. Sino ka ba at anong kailangan mo dito?” iniikot ng kakaibang lalaki ang kanilang sala at inoobserbahan ang mga gamit dito “Ano itong bagay na ito? Paano sila nagkasya sa loob nito?” nagtaka si Alfred ngunit sinagot ang tanong “Isa iyang telebisyon, pinapanooran yan ng mga palabas katulad ng nakikita mo ngayon.” Tinignan ng kakaibang lalaki si Alfred “May pinto ba para pumasok dito?” natawa si Alfred sa tanong na ito “Hahaha hindi ka pa ba nakakakita ng telebisyon sa buhay mo? Hindi pumapasok diyan ang mga tao, nirerecord nila ang sarili nila at pinapalabas sa telebisyon upang mapanood ng lahat.” “Record? Ano iyon?” tanong ng kakaibang lalaki “Hmm, isa iyong paraan para makuhaan ka habang gumagalaw” “Kahanga-hanga, hindi pa ako nakakarinig o nakakakita ng ganon.” Napatawa si Alfred sa sagot niya na iyon “Hahaha isa kang kakaibang tao” tinignan siya ng lalaki sa harap niya at tumawa. “Hahahahaha! Tao? Mukha ba akong tao sa paningin mo?” nagtaka si Alfred sa sagot niya na ito. “Bakit hindi ba?” "Hahahaha! kakaiba ka magisip ngunit ika'y mali" saglit syang huminto sa pagsasalita habang inaayos ang kanyang damit “Ako ay ang prinsipe ng mga diwata, William ang aking ngalan.”
      Hindi na niya hinayaan si Alfred na sumagot muli at dumaretso na siya palabas. Inobserbahan niya ang paligid niya at ang mga tao na dumadaan. Napansin niya na maraming kakaibang pagkain ang kinakain ng mga tao sa mundong ito. “Ano ang mga kinakain nila? Prutas lamang ang alam kong pagkain” inisip niya. Patuloy niyang inobserbahan ang kaniyang paligid at noong patakip silim na ay bumalik siya sa bahay na kaniyang pinagmulan.
      Mistulang nakasara ang pinto at mayroong pindutan sa tabi nito. Pinindot niya ito’ng nagtataka. Mayroong kakaibang tunog ang lumabas pagkapindot niya rito. Pinindot niya ito ng paulit-ulit dahil sa kaniyang kuryosidad. Naaasar na sa kabilang panig si Alfred dahil sa paulit-ulit na pag do-doorbell. “Sino ba iyan bakit paulit-ulit mong pinipindot ang doorbell?!” Nagulat siya nang bumungad sa harap niya ang lalaking bigla siyang nilayasan kanina. “William? Anong ginagawa mo uli rito? May kailangan ka pa ba?” “Wala akong ibang mapupuntahan kaya hayaan mo ako na pansamantalang manatili sa bahay mo” napatulala si Alfred at nag-isip ng ilang minuto bago siya sumagot. “Sige, hahayaan kitang manatili rito ngunit ngayong gabi lamang” hindi na sumagot si William nang papasukin na siya ni Alfred. “Meron ba kayong makakain rito?” tanong ni William. Hinainan ng pagkain ni Alfred si William. Nagtaka si William sa kakaibang pagkain ang hinain para sa kaniya at nagtanong “Anong klaseng pagkain ito?” “Ito ay tinatawag na kanin at ito naman ay manok” paliwanag ni Alfred na ikinagulat naman ni William “Kumakain kayo ng hayop dito?!” “Dito sa mundo namin ay normal lang ang pagkain sa mga hayop. Hindi mo ba gusto ang pagkain na hinain ko para sayo?” “Wala ka bang ibang pagkain na maihahain?” “Ano ba ang iyong kinakain?” “Mga prutas” “Ito lamang ang mga prutas na mayroon kami ngayon” inabot niya ang mga prutas na nasa lamesa. Nagpasalamat si William at kinain na ang mga ito.
3     Kinabukasan ay gumising si Alfred ng maaga dahil balak niyang umalis para bumili at maglakad lakad na rin sa labas. Napansin ni William na papaalis si Alfred at nagtanong kung saan siya pupunta. “Lalabas lang ako saglit upang bumili ng mga kakailanganin ko para sa pag-aaral. Aalis ka na ba?” tanong ni Alfred. “Isama mo ako sa iyong pag-alis.” Demanda ni William. Sumang-ayon naman si Alfred dito. “Okay, wala namang problema doon”.
      Habang naglalakad sila sa labas ay nagtanong si William kay Alfred. “Ano ang paaralan? Ano ang ginawa niyo rito?” “Marami, nag-aaral kami tungkol matematika, ingles, agham at iba pa” habang nagsasalita si Alfred may nakakuha ng atensyon ni William. Lumapit si William sa lalaking nagluluto ng kwek-kwek. Nang nakaramdam si Alfred na wala na siyang kasama ay agad niyang hinanap ang prinsipe. "William anong-" naputol ang kanyang sasabihin nang unahan siya magsalita ni William "Ano ito?" “Kwek-kwek ang tawag dito, gawa ito sa itlog na binalutan ng harina at hinaluan ng food coloring.” “Food Coloring?” Pangkulay ito na hinahalo sa pagkain upang magkakulay sila” tumango naman si William bilang tugon. Humarap siya kay Alfred at sinabing "Ibili mo ako nito" ng pautos. Natulala si Alfred dito ngunit ibinili na rin siya dahil mukhang walang balak umalis si William sa kaniyang puwesto hanggang hindi nakukuha ang kaniyang gusto. Patuloy na nangyari ang ganitong eksena sa bawat lugar na kanilang pupuntahan.
      Lumipas ang ilang oras at lumubog na ang araw at nagbigay liwanag na ang buwan. Marami-rami na rin silang nagawa ngayong araw, at marami ring gastos. “Gabi na, uuwi na ako” balak nang maglakad ni Alfred papalayo nang mapansin niya na balak siyang sundan ni William. “Huwag mong sabihing balak mo pang sumama sakin?” “Lingid naman sa iyong kaalaman na wala akong mapupuntahan” tumawa nalang si Alfred bilang tugon. Hinayaan ni Alfred na pumasok muli si William sa kanilang tahanan dahil patuloy siyang sinundan nito. “Hahaha, balak mo na bang tumira rito? Kaya mo bang magbayad ng renta?” “Wala akong dalang ginto” Natawa si Alfred sa sagot niyang ito “Ginto? Hindi ginto ang binabayad dito” “Iba ang ginagamit na pamayad sa mundong ito? Nakakamangha ang inyong mundo” ngumiti na lamang siya bilang tugon “Balak mo na manirahan dito?” Ngumiti naman pabalik si William. “Ganon na nga.” Iyon na ang huling salita na narinig ni Alfred bago siya mawalan ng malay.
4     Nagising si Alfred sa kakaiba at hindi pamilyar na lugar. Bigla siyang tumayo at nagmasid at naglibot sa paligid. Sa kaniyang paglilibot nakasalubong niya ang dalawang kawal na agad siyang nilapitan at tinanong ng may halong pag-aalala. “Mahal na Prinsipe! Saan ka ba nagtungo? Ilang araw kang hinahanap ng buong palasyo!” “Prinsipe? Ako?” nagtatakang tugon niya. “Oo kamahalan. Labis na ang pag-aalala sa iyo ng mahal na hari” “Sasamahan ka na namin patungong palasyo”. Kahit nangangamba at hindi niya maintindihan ang lahat ay minabuti na lamang niyang sumama sa mga ito.
      Noong patungo na sa hari ay nakiusap siya na ihatid na lamang siya sa kaniyang silid upang makapagpahinga. “Masusunod kamahalan. Ipagbibigay alam na lamang naming sa mahal na hari na ika’y nagbalik na”. Nilibot niya ang silid kung saan siya ay inihatid. Habang iniikot niya ang silid ay nakita niya ang larawan ni Wiliam na kaniyang nakasalamuha sa kanilang lugar. “William?” banggit niyang nagtataka. Napansin niya na kakaiba ang kaniyang kasuotan at sinubukang maghanap ng ibang masusuot. Habang siya ay naghahanap ng ibang damit na maisusuot ay huminto siya sa harap ng salamin. Nagulat siya sa kaniyang nakita. “William?! Bakit ganito ang hitsura ko?! Una sa lahat nasaan ba ako at anong ginagawa ko rito?!".
5     Kinabukasan ay ginising siya ng mga mistulang katulong upang paghandain siya at makipagkita sa hari. Habang siya ay naglalakad papunta sa hari ay may biglang sumalubong sa kaniya. “Kamahalan! Bakit ka nagpunta sa mundo ng mga tao?! Alam mo naman na mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha ng anumang gamit ng palasyo ng walang pahintulot ng mahal na hari! Ang sinumang sumuway rito ay may karampatang parusang makukuha!” patuloy siyang pinagagalitan ng babae sa harap niya. “Binibini, maaari ko bang malamang kung ano ang parusa na iyong tinutukoy?” “Nagpapanggap ka ba na ika’y wala sa iyong isip? Sa tingin mo ba ay tatalab iyan sa mahal na hari?! Bakit ka naman kasi-“ naputol ang pangsesermon ng babae kay Alfred ng may dumating na kawal. “Kamahalan, hinihintay ka na ng mahal na hari.” Sinundan nila ang kawal papunta sa hari. Binuksan ang malaking pinto sa harap ni Alfred at siya’y pinapasok rito. “Mahal na Hari, narito na si Prinsipe William.”
      May lalaki sa harap niya na nakaupo sa mataas na trono. Nagulat siya sa kaniyang nakita. Ang hari na nasa harapan niya ay mukhang nasa edad na dalawampu pa lamang! Kung ikukumpara sa kaniyang tatay ay halos sakto lamang ang edad at mukha nila, ngunit ang kaniyang ama ay mas mukha pang matanda kaysa sa kaniyang mismong edad! Ngunit ang hari at ama ni William na nasa harapan niya ay masyadong mukhang bata para sa edad niya. Naistorbo ang kaniyang pag-iisip nang siya ay pinaluhod sa harap ng hari, agad naman siyang sumunod. “Hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan! Pati palasyo ipinahamak mo dahil sa pagiging makasarili mo! Wala kang disiplina! Ano na lamang ang sasabihin ng mga nasasakupan natin kapag nalaman nila na ganito ka kumilos! Nagdudulot ka ng kahihiyan sa ating pamilya-!” napahinto ang hari nang bigla siyang umubo ng dugo. “Kamahalan!” marami ang lumapit sa kaniyang nag-aalala. “Kamahalan masyado mo nang itinutulak ang iyong sarili, kailangan mo na magpahinga” “Saglit na lamang” sagot ng hari bago niya itulak niya ang kaniyang mga katiwala. “Alam mo naman siguro na may kapalit na parusa ang kasalanang iyong ginawa.” Sinabi ng hari na may malamig na tono. “Bilang parusa mararanasan mo kung paano mamuhay ng malayo sa kinagisnan mo. Mamumuhay ka bilang isang normal na mamamayan. Ikaw ang bahala sa kakainin at iinumin mo sa araw-araw. Hindi ka maaaring makabalik sa palasyo ng hindi ko pinaginuutos.”
6     Pagkatapos siyang bigyan ng parusa agad niyang nilisan ang palasyo. Naglalakad-lakad siya sa kaharian, umaasang makakahanap siya ng pansamatnalang matutuluyan. Nilapitan siya ng isang babaeng may edad na. “Ginoo, bago ka lamang ba sa lugar na ito? Mayroon ba akong maitutulong sa iyo?” “Naghahanap po ako ng matutuluyan” sagot ni Alfred. “Ah! Tamang tama, mayroon kaming bakante sa aming paupahan, nais mo ba itong tignan?”. Pumayag si Alfred at sumunod siya sa ginang upang tignan ang nasabing kuwarto. “Ayos na po ito sa akin”. Naglabas si Alfred ng isang bulsikot na may laman na ginto mula sa kaniyang bulsa. “Magkano po ba ang ibabayad ko para sa kuwartong ito?” “Itago mo na lamang iyan, sa tingin ko wala ka din namang napagkakakitaan, sa halip pagtatrabahuhan mo na lamang ang iyong iuupa rito sa iyong titirhan nang sa gayon ay mayroon ka ring pagkukuhanan ng pangkain mo sa araw-araw.”  Sagot ng ginang. “Sigurado ba kayo ginang? Hindi niyo pa ako lubos na kilala.” “Nakikita ko naman sa iyong mga mata na ikaw ay may mabuting puso.” “Maraming salamat po kung ganon, makakaasa po kayo na gagawin ko ang aking makakaya upang makatulong sa inyo.”
      Kinabukasan ay nagsimula na siyang magtrabaho sa patahian ng ginang bilang katulong. Maraming bumibista sa patahian na ito kung kaya abala silang dalawa sa pagtatrabaho. Ilang linggo ang nakalipas patuloy parin siyang natulong sa ginang at sa kaniyang mga nakakasalamuha. May mga napalapit din sa kaniyang mga bata na nakakalaro niya pagkatapos ng trabaho. Marami na rin ang nakakakilala sa kaniya dahil sa mabuting pag-uugali at pag trato niya sa kanila. Mapayapa at masaya naman siyang namumuhay sa sitwasyon na ito.
7      Isang araw habang siya at ang ginang ay nagtatrabaho sa patahian ay may narinig sila biglang nagsisigawan sa labas. Lumabas sila upang malaman kung ano ang nangyayari at nagulat sila sa bumungad sa kanila. Mga naglalakihang apoy ang kumakalat sa kanilang nayon. Maraming mga Diwata ang natataranta, tumatakbo at sumisigaw. Marami rin ang hindi makalabas ng kanilang bahay dahil naharangan na ng apoy ang kanilang mga pinto. Mayroon ding mga naipit sa mga nahulog na kahoy dahil sa apoy.
      Agad na sinubukan ni Alfred na tulungan ang mga Diwata na naipit sa mga kahoy at hindi makaalis. Sinubukan niya na iangat lahat ng kahoy kung saan naipit ang mga diwata upang sila ay makatakbo papalayo sa apoy. Sinubukan din niya na pumasok sa mga bahay kung saan may mga diwata na hindi makalabas ngunit masyadong malaki ang apoy para siya ay makapasok. Kumuha siya ng tubig malapit sa ilog upang ibuhos sa apoy. Subalit masyadong malaki ang apoy para mapahinto niya ito mag-isa. Napansin ng ibang diwata ang kaniyang ginagawa at sinubukan na gayahin siya upang mapahina kahit papaano ang apoy. Unti-unting sumali ang ibang diwata sa ginagawa nila. Nagtulong-tulong sila na pahintuin ang apoy upang mailigtas ang mga diwata na nasa loob ng kanilang tahanan. Habang pinapahina nila ang apoy ay pumasok na si Alfred sa mga bahay upang tulungan makalabas ang mga diwata na hindi makalabas. Ginawa nila ito hanggang sa mailigtas na ang lahat ng mga diwata at napahinto na sa wakas ang malaking apoy.
      Nagsaya ang mga diwata dahil nawala na ang apoy at walang may malalang pinsala sa kanilang katawan. Gumaan ang loob ni Alfred dahil dito. Mayroong lumapit sa kaniya na babae at nagpasalamat. “Maraming salamat ginoo, kung hindi dahil sayo ay marahil may nangyari na sa akin at sa aking kapatid” “Walang anuman, ginawa ko lamang ang nararapat”. Ngumiti sila sa isa’t isa at biglang nagsalita ang nakababatang kapatid ng babae. “Amelia, yun yung lalaking ating nakita kanina” tinuro niya ang isang misteryosong lalaki na naglalakad palayo. “Oh tama ka, siya nga iyon” sagot ni Amelia. Tinignan ni Alfred ang tinuturo nilang lalaki at nagtanong sa kanila “Kilala niyo ba ang lalaking iyon?” “Hindi namin siya kilala ngunit nakita namin siya kanina na may dala-dalang malaking galon at nililibot niya ang buong nayon. Nakita rin naming siya noong hindi kami makalabas ng aming bahay, sinubukan namin siyang tawagin upang manghingi ng tulong ngunit tinignan niya lamang kami at naglakad papalayo.”
8      Sumunod na araw ay medyo maayos na ang kalagayan ng kanilang nayon. Nag-aayos at naglilinis parin sila sapagkat hindi pa lubusang maayos ang kanilang lugar. Marami ang bumabati sa kaniya at nagpapasalamat sa kaniya. Masaya naman siya dahil walang nanpahamak at nakatulong siya kahit papaano. Habang sila ay naglilinis ay nakita niya muli ang lalaki na tinuro nila Amelia noong araw ng sunog. Napansin niya na nagmamasid ito sa kanilang nayon at parang may hinahanap. Naglakad siya papalapit sa misteryosong lalaki. “Ginoo, may kailangan ka ba? Mistulang may hinahanap ka, may maitutulong ba ako?” Nagulantang ang lalaki sa bigla niyang paglapit. “Salamat sa inyong pag-aalala may nawawala akong gamit at hindi ko ito mahanap”. “Maaari ko bang malaman kung ano ang iyong gamit na nawawala?” “Isa itong gintong kwintas” “Wala pa akong nakikitang gintong kwintas sa paligid, pero pag ako’y may nahanap ay ibibigay ko agad sa inyo” “Salamat kung ganoon ginoo”. Pagkatapos sabihin ito ng lalaki ay naglakad na siya papalayo.
      Noong gabi rin na yon ay lumabas si Alfred sa kaniyang kuwarto dahil may naiwan siya habang naglilinis sa kanilang nayon kanina. Habang hinahanap niya kung saan niya naiwan ang kaniyang gamit ay nakita niya muli ang misteryosong lalaki kanina. Nakita niya na patuloy parin siyang naghahanap. Lalapitan niya sana ito at tutulungang maghanap ngunit bago niya ito magawa ay naglakad na ang lalaki papalayo. Naisip niya na sumuko na ito sa paghahanap kaya hinayaan na niya. Sa wakas ay nahanap na niya ang kaniyang gamit na naiwan ngunit sa dulo ng kaniyang mata ay may napansin siyang nakinang. Nilapitan niya ito at may nakita siyang gintong kwintas na nasa sahig. Pinulot niya ito at inobserbahan “Baka ito ang nawawalang kwintas na hinahanap ng lalaki kanina”. Napatingin siya sa gilid kung saan niya napulot ang kwintas at napansin niya na may galon na walang laman sa tabi nito. Tinignan niya kung ano ang laman ng galon at laking gulat niya nang makita niya na pinaglagyan ng gasolina ang galon na ito. Naalala niya bigla ang sinabi ni Amelia. “Hindi namin siya kilala ngunit nakita namin siya kanina na may dala-dalang malaking galon at nililibot niya ang buong nayon.” Naisip ni Alfred na maaaring ito ang pinagmulan ng apoy. Kung ito ang pinagmulan, ibig ba sabihin na ang lalaking kaninang nakausap na hinahanap ang kaniyang kwintas ay ang salarin?! Naghinala siya sa lalaking iyon, ngunit hindi ito sapat na ebidensiya para siya ay paghinalaan kaya umuwi na lamang siya at dinala papauwi ang kwintas na kaniyang napulot. Sinubukan niya kalimutan ang kaniyang inisip at hinala.
9     Dalawang araw na ang nakalipas at hindi na niya muling nakita ang lalaki na iyon. Nahanap rin ng mga diwata ang galon na kaniyang nahanap. Napaghinalaan rin nila na ito ang sanhi ng sunog kung kaya ibinigay nila ito sa pinuno ng kanilang nayon para maimbestigahan.
      Sa kabutihang palad ay hindi nadamay ang kanilang patahian sa sunog kung kaya patuloy parin ang kanilang negosyo. Inutusan siya ng ginang na maghatid ng damit sa kabilang nayon. Naghanda na siya sa kaniyang paghatid sa kabilang nayon at nagpaalam na sa ginang.
      Habang siya ay naglalakbay papuntang kabilang nayon ay nakita niya muli ang lalaking nakawala ng kaniyang kwintas at ang pinaghihinalaan niya. Nagtago siya upang hindi siya makita nito at tahimik niyang sinundan ang lalaki. May dala muling galon ang lalaki. “Pupunta ba siya sa kabilang nayon?” inisip ni Alfred.
      Tama nga ang kaniyang iniisip nang makarating na sila sa kabilang nayon. Nagpunta ang lalaki sa isang mataas na lugar at pinagmasdan ang buong nayon. Inobserbahan lamang siya ni Alfred. Makalipas ang ilang minuto ay bumaba na ang lalaki. Sumunod naman si Alfred dito. Naglakad na ang lalaki na mistulang balak libutin ang buong nayon. Sinusundan lamang ni Alfred ang lalaki kung saan man siya magpunta. Napansin niya na may butas ang galon na dala ng lalaki sapagkat may nalabas na likido mula rito. Sinubukan niya itong amuyin “Ito ay gasolina” naisip niya. Nagkakalat ang lalaki ng gasolina sa buong nayon! Inisip niya na kailangan na niyang pigilan ang anumang binabalak ng lalaking ito, ngunit hindi niya alam kung papaano. Hindi niya kakayanin na pigilan siya ng mag-isa lamang, hindi rin siya maaaring tumawag ng kawal dahil maaalarma ang lalaki at susubukang tumakas. Wala siyang nagawa kundi sundan lamang ang lalaki hanggang sa malibot na niya ang buong nayon.
      Huminto na ang lalaki sa isang lugar kung saan walang diwata ang nakapalibot. Doon ay naglabas na siya ng mistulang posporo. Sinindihan na niya ito at balak na niyang itapon ito sa nayon. Ngunit bago pa niya maihagis ang posporo ay nahulog siya. May lalaking tumulak sa kaniya gamit ang kaniyang katawan at nahulog silang dalawa sa isang bangin. Tumama ang ulo ng lalaki sa isang puno na naging sanhi ng kaniyang pagkawalan ng malay. Tumayo si Alfred sa kaniyang puwesto at tinignan kung ayos lamang ba ang lalaking tinulak niya. Nang makita niya na wala itong malay ngunit nahinga pa ay agad siyang naghanap ng kawal.
      Nang may nakita siyang mga nagpapatrol na kawal ay agad niya itong nilapitan. “Maaari niyo ba akong tulungan? Nakita ko kasing sinusubukan niyang magsimula ng apoy sa nayon na ito. Sinubukan ko siyang pigilan kaya nahulog kaming dalawa sa bangin. Ngayon ay wala siyang malay.” Nagtinginan ang dalawang kawal at nagsalita ang isa sa kanila. “Sige susundan ka namin ngunit ipaliwanag mo kung ano ba ang nangyari” “Naiintindihan ko, ngunit maaari ko bang ipaliwanag habang tayo ay naglalakad?” Pumayag naman ang dalawang kawal dito. “Kamakainlan lamang ay nagkaroon ng malaking sunog sa katabing nayon ng nayon na ito” “Narinig namin ang tungkol diyan, sa pagkakaalam namin malaking pinsala sa nayon na iyon ang ginawa ng apoy” “Tama, maraming bahay at kagamitan ang nasunog dahil dito. May isang diwata na nakakita sa isang lalaki na may dalang galon at nililibot ang buong nayon namin. Pagkatapos ng sunog ay may nahanap akong galon na mukhang naglaman ng gasolina. Ngayon sa nayon din na ito ay may napansin akong lalaki na naglilibot din sa buong nayon na may dalang galon. Hindi man tama ay sinundan ko siya at napansin ko na ang galon na kaniyang dala ay may butas at kumakalat ang likido na laman nito sa buong nayon. Nang aking tignan, gasolina ang likido na ikinakalat niya, at sa huli nang malibot na niya ang buong nayon ay huminto siya sa isang lugar na walang mga diwata at nagsindi ng posporo na mukhang binabalak niyang sunugin ang nayon.” Nakarating na sila sa may bangin at tinuro ni Alfred kung saan sila nahulog. Tinignan ng mga kawal ang bangin na tinuro ni Alfred at nakita ang isang lalaki na nakahiga rito. Nagtinginan ang dalawang kawal at nagbulungan. “Hindi ba ito ang anak ng isang maharlikang pinarusahan dahil sa paglabag sa batas?” “Siya nga iyon, sa pagkakatanda ko Sebastian ang kaniyang ngalan” “Sa ngayon ay dalhin na muna natin siya sa manggagamot at kapag nagkaroon na muli siya ng malay ay saka natin siya kuwestyonin.”
10    Nagising si Sebastian sa isang pagamutan. May kawal sa tabi niya at manggagamot. “Ayos ka lamang ba iho?” Hindi niya matandaan ang nangyari, alam lamang niya ay sinubukan niya na sunugin ang nayon at may pumigil sa kaniya sa pagtulak sa kaniya sa bangin. “Sino kayo? Nasaan ako?” tanong niyang nalilito. “Nasa pagamutan ka ngayon, nahulog ka sa bangin at nawalan ng malay” sagot ng manggagamot. Agad siyang tinanong ng kawal sa tabi niya. “Anong ginagawa mo sa lugar na iyon?” Hindi sumagot si Sebastian sa tanong na ito. Muli siyang tinanong ng kawal “Bakit ka may dalang galon ng gasolina?” Tumingin sa ibang direksiyon si Sebastian upang iwasan ang mga tanong. “Noong nasunugan ang katabing nayon na pinagmulan mo ay namataan ka rin doon hindi ba?” Hindi parin siya sumagot sa tanong. Nagbuntong hininga ang kawal at may nilabas mula sa kaniyang bulsa at nilapag sa mesa na katabi ng hinihigaan ni Sebastian. “Kilala mo ba kung sino ang nagmamay-ari nito?” Lumingon si Sebastian upang tignan ang gamit na nilapag ng kawal sa tabi niya. Laking gulat niya nang makita niya ang gintong kwintas na pagmamay-ari ng kaniyang ama. Nangingilid ang luha sa kaniyang mga mata habang nakatitig sa kwintas. “Nakuha ito sa pinangyarihan ng sunog.” Walang sinagot si Sebastian. “Sa palagay ko ay hindi mo nga kilala kung sino ang nagmamay-ari nito.” Kinuha niya ang kwintas ngunit agad itong inagaw ni Sebastian. “Tama na, ito ay pagmamay-ari ng aking ama.” Umiiyak niyang sagot.
11    Dahil sa kaniyang pagkahulog ay hinayaan muna siya magpahinga sa pagamutan ng ilang araw. Sa kabilang banda ay ipinatawag ng hari si Alfred sa palasyo. “Nakamamangha ang iyong ipinamalas. Hindi ko inakala na magkakaroon ka ng malasakit sa iba. Hindi mo alintana ang dalang panganib sa iyo makatulong lamang. Mukhang tuluyan ka ng nagbago aking anak. Dahil diyan ay muli na kitang pinahihintulutang tumuloy ating palasyo. Mula sa araw na ito, binibigyan na kita ng pahintulot upang magdesisyon para sa ating mga nasasakupan.”
12    Nakalipas ang ilang araw at dumating na ang takdang araw na ihaharap na si Sebastian sa hari. Nang siya ay nakaharap na sa hari ay winika nito, “Narinig ko ang lahat ng iyong mga ginawa. Lingid sa iyong kaalaman na anumang gawaing hindi mabuti ay may karampatang parusa.” Huminto ang hari ng ilang Segundo bago siya magsalita muli. “Pagtapon sa ibang mundo ang ibinibigay na kaparusahan sa mga nagkasala na katulad mo.” Sumingit si Alfred habang nagbibigay ng kaparusahan ang hari. “Mahal na hari, maaari ba akong magsalita?” Tinignan siya ng hari at nagtanong. “May nais ka bang sabihin?” “Gusto ko lamang magmungkahi na kung maaari ay bawasan ang kaniyang parusa.” Nagulat ang lahat na nasa pulong sa mungkahi niyang ito. “Ano ang ibig sabihin mo dito?” Tanong ng hari. “Sa aking palagay ay hindi naman talaga siya masama. Maaaring nadala lamang siya ng kaniyang emosyon sa pagkaparusa sa kaniyang ama.” “Ano ang iyong mungkahi na parusa natin sa kaniya kung ganon?” Tanong ng hari. “Lahat tayo ay may karapatan na magkaroon ng pangalawang pagkakataon. Naniniwala rin ako na may kabutihan sa kaniyang puso at hindi niya gagawin ang mga krimen na ginawa niya ngayon kung hindi dahil sa pangungulila niya sa kaniyang ama. Kung kaya nais kong imungkahi na imbis na siya ay itapon sa ibang mundo ay parusahan na lamang siya dito.” Tinanong ng hari “Sa iyong palagay, ano ang nararapat na parusa sa kaniya?” “Sa aking palagay ay mas mabuti na pagsilbihin na lamang siya dito sa palasyo upang masubayabayan ang kaniyang mga kilos at makita ang kaniyang pagbabago.” Ilang minutong napatigil ang hari habang nag-iisip. “Sige pagbibigyan ko ang iyong nais subalit anumang hindi magandang pag-uugali ang ipakita ng diwatang ito ay ikaw ang mananagot.” “Nauunawaan ko kamahalan.”
13    Ilang araw ang nakalipas at binigyan siya ng pagdiriwang sa kaniyang pagbalik sa palasyo ng hari. Binigyan siya ng damit ng kaniyang tagapag-alaga “Hinihintay ka na ng hari kamahalan.” Dahil dito ay agad siyang nagbihis. Sa kaniyang pagmamadali ay naiwan niya ang kaniyang kwintas sa kaniyang silid. Noong siya ay nagpunta na sa bulwagan ay pumasok ang kaniyang tagapag-alaga sa kaniyang silid upang linisin ang kaniyang gamit. Sa kaniyang pagkuha ng pinagbihisan ni Alfred ay may nalaglag na kwintas mula rito. Pinulot niya ito at tinignan. Agad pumukaw ng atensiyon niya ang larawan na nasa loob nito. Laking gulat niya nang makita niya ang larawan ng lalaking kaniyang minahal na may kasamang batang lalaki sa mundo ng mga tao.  Ilang minuto siyang nakatayo sa kaniyang pinupwestuhan at pinagmamasdan ang litrato. Nang siya ay natauhan ay agad siyang nagpunta sa bulwagan. Nang siya ay makapunta sa bulwagan ay pumunta siya sa isang lugar kung saan pinagmamasdan niya ang prinsipe. “Sino ba talaga ang lalaking ito? Ito ba ang totoong Prinsipe? Bakit siya nasa kaniya ang kwintas na ito?” Bumuhos ang mga katanungan na ito sa kaniyang isip.
      Nang matapos na ang bulwagan ay inintay niya ang prinsipe sa kaniyang silid upang makausap ito. Nang pumasok na ang prinsipe sa kaniyang silid ay agad siyang tumayo at nilapitan ito. “Maaari ba kitang makausap?” Pumayag ang prinsipe. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Bakit mayroon ka nito?” Inilabas niya ang kwintas na kaniyang napulot kanina. “Saan niyo ito nakuha?” tanong ng prinsipe. “Sa iyong damit kanina. Maaari mo bang ipaliwanag bakit mayroon ka nito?” “Pagmamay-ari ko ang kwintas na iyan.” “Pagmamay-ari? Paano mo ito naging pagmamay-ari? Sino ang nasa larawan na ito?” Hindi alam ng prinsipe ang kaniyang isasagot kung kaya nanatili na lamang siyang tahimik. “Bakit hindi ka sumasagot? Kaano-ano mo ang nasa larawan na ito?” “Bakit kilala niyo po ba kung sino ang nasa larawan na iyan?” Napahinto sa pagsasalita ang tagapag-alaga. “May problema ba sa larawan na ito at ganiyan ang inyong reaksiyon nang malaman na sa akin ito?” Bigla na lamang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata na ikinagulat naman ng prinsipe. Bago pa makapagsalita ang prinsipe ay inunahan na siya ng tagapag-alaga na ikinagulat niya ang sagot. “Ang lalaking nasa larawan ay ang lalaking dati kong minahal.” Nagulat ang prinsipe at hindi nakapagsalita ng ilang minuto. “Paano pong nangyari na minahal niyo ang lalaking iyan?”. “Dati akong pinarusahan at tinapon sa mundo ng mga tao. Doon ay nakilala ko ang lalaking nasa laarawan. Namuhay kami ng mapayapa at masaya ng ilang taon. Nagkaroon rin kami ng anak na lalaki. Ngunit may nagawa ako na naging dahilan kung bakit ko kinailangan bumalik sa mundong ito. Napilitan ako na iwan sila ng hindi man lang nakakapagpaalam.” “Sa… Sa makatuwid kayo ang aking… ina?” nanginginig na tanong ng prinsipe. Nagulat naman ang tagapag-alaga rito. “Ina? Ang ibig mong sabihin?” “Hindi ako si William. Ang totoong William ay nasa mundo ng mga tao. Sa aking palagay ay pinagpalit niya ang aming katauhan.”
William’s POV
           ¹ Marami ang kakaiba at nakakawiling mga tao sa mundo na ito. Maraming kakaibang pagkain, lugar, gamit, at pananalita. Matagal rin bago ako nasanay mamuhay sa mundong ito. Kinailangan ko na pumasok sa tinatawag nila na paaralan o yunibersidad para matuto. Kinailangan ko rin na makisalamuha sa mga kasing edad ko na tao rito. Sa kabutihang palad, walang kahit isang kaibigan si Alfred kung kaya walang nakapansin na hindi ako ang totoong Alfred. Ang ama naman ni Alfred ay mistulang walang pakeelam sa anak niya. Hindi niya ako binibigyang pansin o kahit tignan lamang. Bago para sa akin ang ganitong pagtrato mula sa isang ama. Ang ama ko kung ikukumpara ay lagging nag-aalala sa akin at binibigyan ako ng atensiyon na aking ninanais. Ngunit binaliwala ko na lamang ito sapagkat kung bibigyan ako ng atensiyon ng ama ni Alfred ay agad niyang mapapansin na nagpapanggap lamang ako.
      Namumuhay ako ng malaya sa mundong ito ng walang iniisip na responsibilidad. Hindi tulad sa mundo ko na kinakailanganin kong isipin ang bawat galaw ko. Malaya rin akong nakapupunta sa kahit saan ko ninanais mag-isa. Higit sa lahat malaya akong gawin ang mga gusto ko. Hindi ko kailangan isipin ang mga responsibilidad ko bilang prinsipe para sa aming kaharian. Hindi ko rin kailangan isipin kung paano ko pamumunuan ng maayos ang aming kaharian.
2      Ngunit hindi ko akalain na may ganitong klasing mga halimaw ang naninirahan dito.
      Nagising siya sa isang madilim na lugar. Nakatali ang kamay at paa niya sa isang upuan. Ang tanging naaalala niya ay naglalakad siya papauwi mula sa kaniyang paaralan nang may malaking puting sasakyan ang huminto sa gilid niya. may mga lalaki na lumabas dito at hinila siya papasok sa sasakyan. Sinubukan niya na lumaban ngunit tinakpan ang kaniyang bibig at ilong ng isang panyo at nawalan siya ng malay.
      May pumasok na lalaki sa kuwarto at napansin na gising na siya. Lumabas ang lalaki at tinawag ang kaniyang mga kasamahan. Pumasok siya muli na may kasamang ibang mga lalaki. “Nasan ang iyong ama? Matagal na naming hianahanap ang iyong ama, malaki ang atraso niya sa amin. Marami ang bagay na kinuha niya mula sa amin. Palagay ko ikaw ang susi para mabawi naming ang mga bagay na ito.” Nilabas ng isang lalaki ang gamit na tinatawag nila na cellphone sa kaniyang bulsa. “Kausapin mo ang iyong tatay at sabihin na ibalik niya samin ang mga gamit na ninakaw niya sa amin, kung hindi ay may mangyayaring hindi mo nanaisin.” Walang ideya si William kung ano ang sinasabi ng lalaki sa harap niya. Hindi pa niya masyadong alam kung paano gamitin ang mga teknolohiya sa mundong ito. Tinitigan lamang niya ang mga lalaki sa harap niya habang pinipindot nila ang cellphone na pagmamay-ari niya. Matapos ang ilang minuto ay may boses na lumabas sa cellphone. “Hindi ba sinabi ko sayo na huwag mo akong tatawagan kapag ako’y nasa trabaho-“ Naputol ang kaniyang sinasabi nang biglang nagsalita ang lalaki. “Hawak ko ang anak mo, hindi mo naman siguro gugustuhin na may mangyaring masama sa kaniya hindi ba? Ibalik mo sa amin ang armas na ninakaw mo sa amin at ibabalik ko ng buo ang anak mo.” “Sino ka ba?” Tumawa ang lalaki “Hindi mo na agad ako kilala? Yan ba ang nagagawa sayo ng pera, wala ng nakikilala?” “Anong armas ba ang tinutukoy mo? Wala akong alam sa sinasabi mo” “Balak mo bang mag maang-maangan hanggang sa huli? Kung ako sayo ay hindi ko yan gagawin kung ayokong may mangyaring masama sa anak ko.” “Wala nga akong alam sa sinasabi mo”. Patuloy siya sa pagtanggi sa mga sinasabi ng lalaki. “Pagsisisihan mo ito.” Nainis na ang lalaki at pinatay na ang tawag. Hinagis niya ang cellphone at humarap sa mga kasamahan niya. “Alam niyo na kung anong gagawin niyo diyan.”
3     Tinapon ng mga sindikato ang katawan ni William sa isang isla.
      Isang umaga papalaot ang isang mangingisda na nagngangalang Samuel. Habang inihahanda niya ang kaniyang bangka ay may nakita siyang mistulang walang buhay na katawan ng isang lalaki. Agad niya itong nilapitan at tinignan kung buhay pa. nang makumpimra niya na buhay pa ito ay dali-dali niyang dinala ito sa kaniyang tirahan dahil walang malapit na pagamutan sa kaniyang lugar. Ginamot niya ito at binihisan. Dalawang araw na ang nakalipas at laking gulat ng ni Samuel na habang binibihisan niya ang binate ay napansin niyang unti ng naghihilom ang malaking hiwa sa kaniyang tagiliran at unti-unting lumalabo ang kaniyang mga pasa. Napaisip siya bigla kung anong klaseng nilalang ito, dahil kung sa ordinaryong tao ay maaaring patay na ito o aabutin ng ilang lingo hanggang buwan bago siya tuluyang gumaling, lalo pa’t hindi naman siya nagagamot ng isang doktor.
      Habang siya ay patuloy na nag-iisip ay unti-unting dinidilat ng binata ang kaniyang mga mata. Napansin ito ni Samuel at tinanong ang binata “Ayos ka lamang ba iho? Ano ang iyong nararamdaman?” “Wala naman. Pakiramdam ko ay ako’y pagod lamang”. “Kung ganoon ay magpahinga ka pa.” “Nasaan ba ako? Bakit ako nandito?” “Nakita kita sa dalampasigan ng walang malay. Marami ka ring sugat at pasa sa iyong katawan. Wala ka bang natatandaan?” Hindi na sumagot ang binata. “Sige magpahinga ka na lamang muna. Magkuwento ka na lamang kapag ikaw ay handa na.”
4     Ilang araw ang lumipas at gumaling na ng tuluyan ang binata. Habang siya ay tumitigil sa tahanan ng matanda ay may napapansin siyang kakaiba rito. Nilapitan niya ang matanda “Matagal ka na bang naninirahan dito?” “Matagal-tagal na rin” “Wala ka bang pamilya?” “Wala namumuhay lang ako mag-isa rito sa isla” “Wag niyo sanag mamasamain, may gusto lamang akong malaman tungkol sa inyo. Napansin ko na nasugatan ka kanina pero unti-unti ring naghilom ang sugat na ito.” Ngumiti ang matanda at nagtanong pabalik. “Hindi ba’t iyan din ang nangyari sa iyo? Mas Malala ang mga sugat na iyong natamo subalit agad din itong gumaling. Bago kita natagpuan na sugatan, saan ka ba talaga nagmula?” “Ako ay dinukot ng lalaking hindi ko kilala. Pinagbantaan nila ang aking ama na may mangyayaring masama sa akin kung hindi niya ibibigay ang kanilang gusto. Nagpanggap na hindi alam ng aking ama ang kanilang sinasabi kung kaya ganito ang aking kinahatnan." “Wala man lang pakeelam sa iyo ang iyong ama? Medyo matagal na rin ako sa lugar na ito. Base sa aking obserbasyon, bihira ang tumatalikod sa kanilang anak lalo na kung kaligtasan nila ang kapalit.” Tumawa siya at idinagdag “Sa aking palagay iisa tayo ng pinagmulan” “Ano ang inyong tinutukoy?” “Huwag ka ng magmaang-maangan pa, alam mo kung ano ang aking tinutukoy. Unang kita ko pa lamang sayo noong ika’y aking natagpuan alam kong may kakaiba na sayo” Hindi sumagot ang binata at nagsalita muli ang matanda. “Lingid naman sa iyong kaalaman na mayroong Fairytopia.” Nanlaki ang mga mata ng binata sa kaniyang narinig. Tumawa siya ng malakas at sabay sabi “Ginoo nagpapatawa ka ba?” “Sino sa atin ang nakakatawa? Ako na nagsasabi tungkol sa ating pinagmulan o ikaw na pilit itinatanggi ang iyong pinagmulan” “Mistulang wala na akong magagawa kundi ang magsalita. Tama ka, ako’y nanggaling sa mundong iyong tinutukoy, ang Fairytopia.” “Kung gayon, paano ka napadpad dito sa mundong ito? Ano ang kasalanang iyong nagawa?” “Wala akong kasalanang nagawa” Tumawa ang matanda sa sagot na ito.  “Kung gayon, bakit ka naririto?” “Hindi ko nais ang kagustuhan ng aking ama” “Nasa palasyo ang iyong ama tama ba?” “Oo tama ka” “Hindi mo nais ang maging anak ni Haring Wilson? Isang bagay na marami ang nagnanais” “Paano niyo nalaman?” “Nakita ko ang selyo ng iyong ama mula sa medalyon na iyong suot.” “Ikaw ginoo, ano ba ang iyong ngalan at bakit ka narito?” “Ako si Samuel lumabag ako sa batas kaya pinarusahan ako at tinapon dito.”
5     Dahil binaba agad ng sindikato ang tawag ay hindi na nagkaroon ng spat na oras ang ama ni Alfred para mahanap ang lokasyon ng cellphone. Ilang araw na ang lumipas at hindi parin niya mahanap ang mga tao na dumukot sa kaniyang anak. Hindi na rin sila muling nakipag-ugnayan pa sa kaniya. Nawalan na siya ng pag-asa na mahahanap niya ang mga ito.
      Sumuko na siya at pinag walang bahala na lamang niya ang mga nangyari at pinagpatuloy ang kaniyang masamang gawain. Patuloy siya sa pagnenegosasyon ng kaniyang ilegal na transaksiyon. Ngunit ang hindi niya alam ay may nagmamasid na sa bawat galaw na kaniyang ginagawa.
      Sa isa niyang pagkikita para sa isang transaksiyon ay nahuli siya ng mga pulis na nagpanggap mamimili. Siya ay naaresto at ikinulong dahil dito.
William and Alfred
1     ilang lingo ang lumipas at masayang namuhay si Alfred sa mundo ng Fairytopia. Pinunan nila ng kaniyang ina ang ilang taon na lumipas na hindi sila magkasama. Ginawa rin niya ang kaniyang mga tungkulin bilang isang prinsipe.
      Mapayapa at masaya na sana ang lahat. Iyon ay kung hindi bumalik ang totoong prinsipe, si William. Siya ay bumalik sa kaniyang mundo at nakiusap na magpalit na muli sila ng katauhan at bumalik na sa kanilang tamang mundo. Hindi sumang-ayon si Alfred sa nais mangyari ni William. “Hindi ba ikaw ang nagtapon sa akin dito sa mundo mo ng hindi man lang ako tinatanong? Ngayon ay gusto mo ng bumalik dahil naranasan mo na ang buhay sa mundo ko? Ano ang karapatan mo na magdesisyon?!” “Kaya nga ako nakikiusap sa iyo. Iniisip ko lamang ang aking sarili at dinamay ka sa aking pagrerebelde. Kaya nga ngayon ay sinusubukan ko na ibalik sa tama ang lahat.” “Wala ka ng kailangan pang itama dahil bago mo pa iyon maisip ay nagampanan ko na lahat. Sa iyong palagay ba ay kailangan ka pa rito?” “Marahil sa iyong palagay ay hindi na nga, ngunit sa iyong mundo ay kailangan ka ng iyong ama. Kailangan niya ng taong lubos na nakakakilala sa kaniya.” Nagulat siya sa biglang pagbanggit sa kaniyang ama. “Ano ang iyong ibig sabihin? Ano ang nangyari sa aking ama?” “Marami siyang hindi mabuting ginawa na maaaring ikapahamak na niya.” “Huwag mo na akong paikutin pa. Alam ko naman na gusto mo lamang na makabalik dito.” Nakita ni William na may paparating sa kanilang lokasyon kung kaya wala siyang nagawa kundi bumalik na lamang sa mundo ng mga tao.
      Pagkatapos mawala ni William ay agad nagtungo si Alfred sa kaniyang ina. “Ina, nagbalik na si William. Pinipilit niya ako na magpalit na muli kami ng katauhan at bumalik sa aming orihinal na mundo” Nagulat ang kaniyang ina rito. “Nagbalik na si Prinsipe William?” “Opo ina, kung ano-ano pa ang kaniyang sinabi para lamang makunbinsi ako” “Tulad ng ano?” “Binanggit niya ang aking ama at sinabing kailangan niya ako” “May nangyari ba sa iyong ama?” “Hindi ko alam ina, wala siyang sinabi kung ano ba ang nangyari”
2     Sumunod na araw ay nagbalik muli si William sa kaniyang mundo upang kunbinsihin si Alfred. Napansin niya na nasa tabi ni Alfred ang kaniyang tagapag-alaga. Nagulat siya at nagtaka. “Laura?” “Mahal na prinsipe.” “Bakit ka naririto? Paano mo nalaman na ako ang prinsipe?” “Alam ko na ang lahat mahal na prinsipe”. Tinignan niya si Alfred, naguguluhan. “Sinabi ko na sa kaniya ang lahat” “Bakit mo naman iyon ginawa?” “Dahil siya ang aking ina.” Napaatras si William sa gulat. “Ina?! Ano ang iyong ibig sabihin?” “Ako’y dating naparusahan kamahalan. Noong ako’y tinapon sa mundo ng mga tao ay nakilala ko ang ama ni Alfred. Namuhay kami roon at nagkaanak. Ngunit kinailangan kong bumalik sa mundong ito kaya’t napilitan akong iwanan sila.” Sagot ni Laura. Masyadong nagulat si William sa lahat ng kaniyang naririnig nang magsalita muli si Laura. “Ngunit kamahalan, ano ang iyong ibig sabihin sa iyong sinabi na kailangan ng ama ni Alfred si Alfred at na marami na siyang masamang nagawa, may nangyari ba sa kaniya?” Nag-aalalang tanong niya. “Masyado na siyang naging sakim. Nagnakaw siya sa mga sindikato kaya dinakot nila ako inaakalang may pake siya sa kaniyang anak. Ngunit nagpanggap lamang siya na walang alam sa sinasabi ng sindikato kaya sinubukan nila akong patayin.” “Patayin? Ngunit nandito ka pa at nakikipag-usap sa amin?” Nagtatakang tanong ni Alfred. “Kung ako’y isang tao ay marahil patay na ako, ngunit ako’y isang diwata. Ako’y may kapangyarihan”. Sumingit si Laura at nagtanong. “Ano na ang nangyari sa ama ni Alfred ngayon?” “Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kaniya pagkatapos dahil napunta ako sa isang malayong isla.” Natulala si Alfred at nagsabi “Maaari mo ba akong bigyan ng oras para mag-isip?”. Sumang-ayon naman si William dito at bumalik sa mundo ng mga tao pansamantala.
3     Ilang araw ang lumipas at muling bumalik si William sa mundo niya. Kasama niya si Samuel dahil plano niyang pabalikin na si Samuel sa kanilang mundo bilang kapalit sa pag-aalaga nito sa kaniya. Nagtaka naman si Alfred sapagkat may kasama si William. “Sino ang iyong kasama?” “Siya si Samuel. Tinulungan niya ako nang tinapon ako sa isla ng mga sindikato. Isa rin siyang diwata katulad ko.” “Magandang araw sa iyo ginoo. Mukhang may importante kayong pag-uusapan. Mauuna na ako at hahanapin ko pa ang aking anak. Panigurado ay nangungulila na siya sa kaniyang ama.” Umalis na ang matanda at nagsalita na muli si Alfred. “Papayag ako na magpalit muli tayo ngunit sa isang kondisyon. Hahayaan mo ako makipag kita sa aking ina.” Tumango si William at sinabing “Walang problema, maaari ko siyang patirahin sa mundo ng mga tao ngunit maaari parin siyang bumalik rito kung kaniyang gugustuhin.” Ngumiti si Alfred. “Kung ganoon ay maaari tayong magpalit muli.”
4     Sila ay nagpalit at nagbalik na sa kanilang tamang mundo. Kasama ni Alfred ang kaniyang ina sa kaniyang mundo at namumuhay ng masaya. Nalaman nila na naaresto ang ama ni Alfred at dinadalaw-dalaw ito. Nang unang makita ni Laura ang itsura ng ama ni Alfred ay maluha-luha siya. Nalungkot siya dahil ganito ang kinahatnan ng lalaking dati niyang inibig dahil iniwan niya ito. Nanghingi siya ng patawad sa biglang pag-alis ng walang paalam. Naiyak din naman ang ama ni Alfred nang makita niya muli ang babaeng pinakamamahal niya. Napagtanto niya kung gaano kasama at kasakim ang naging sarili niya. hindi man lang niya naalagaan ng ayos ang kaniyang anak. Inisip lamang niya ang kaniyang sarili na parang siya lang ang nagdudusa sa pag-alis ng mahal niya. hindi niya naisip na mas mahirap din para sa kaniyang anak na lumaki ng walang ina at walang pakeelam ang ama. Umiyak siya at nanghingi ng tawad sa kaniyang mag-ina.
      Si William naman sa kabilang banda ay ginawa na ang kaniyang mga responsibilidad bilang isang prinsipe. Dahil binigyan siya ng pahintulot ng hari na gumawa ng mga desisyon para sa kaharian dahil sa ipinakita niyang kabutihan sa nakalipas na ilang lingo. Alam ni Alfred na hindi siya ang dahilan kung pano niya nakuha ang pahintulot na ito, ngunit sinubukan niya na gawin ang lahat ng makakaya niya para hindi masayang at hindi isipin ng kaniyang ama na hindi siya karapat dapat na magkaroon ng ganitong pahintulot. Dahil din sa pahintulot na ito ay nagawa niya ang kondisyon ni Alfred na makasama ang kaniyang ina. Lumulubha na rin ang sakit ng mahal na hari kung kaya mas lalo niyang pinaghahanda si William na sumunod sa trono. Kung ang dating William ang nasa sitwasyon niya ngayon ay marahil gumawa na ito ng gulo upang makatakas. Ngunit dahil siya ay nagbago na, ginawa niya sa kaniyang makakaya na maghanda para maging sunod sa trono. Nag-uusap na muli sila ng kaniyang ama ng hindi nagtatalo tungkol sa responsibilidad. Inaalagaan niya rin ito at sinisigurado na gagawin niya ang lahat para mapabuti ang kanilang kaharian.
5     Nahanap na ni Samuel ang kaniyang anak. Nilapitan niya ito ng tahimik upang ito’y surpresahin. Nang makita naman siya ng kaniyang anak ay agad itong naluha. “Ama! Nagbalik ka na!” Ngumiti naman si Samuel. “Ako’y nagbalik na nga. Kamusta ka naman aking anak? Malaki ka na.” “Ayos na ako ama. Ayos na ako ngayo’y nandito ka na” “May nangyari ba habang ako’y wala?” Nahihiyang sumagot ang kaniyang anak. “Gumawa ako ng malaking kasalanan. Dapat ako’y ipapatapon na sa ibang mundo ngunit ako’y ipinagtanggol ng mahal na prinsipe at pinakausapan ang hari na panatilihin na lamang ako dito at pagsilbihan ang palasyo.” Nagulat si Samuel sa kaniyang sagot. “Ang prinsipe? Ano ba ang ginawa mong kasalanan?” “Nagsimula ako ng sunog sa isang nayon upang magrebelde sa palasyo. Napigilan ako ng mahal na prinsipe bago pa ako makapag simula ng sunog sa iba pang nayon. Ngunit bago iyon, paano ka nakabalik muli?” tanong ng kaniyang anak. Ngumiti siya at nagsalita. “Ako’y sinagip din ng mahal na prinsipe.” “Ang mahal na prinsipe? Ngunit papaano?” Hinawakan niya ang ulo ng kaniyang anak “Marami ang nangyari. Ikukwento ko ang lahat sa tamang panahon.” Ngumiti ang kaniyang anak at may tinurong lalaki. “Oh, ama nariyon ang mahal na prinsipe.” Tinignan ni Samuel ang tinuturo ng kaniyang anak, at walang duda si William nga iyon. Tinawag niya ito upang kausapin nilang mag-ama at magpasalamat. Isa siyang mabuting prinsipe at panigurado ay magiging mabuti at magaling na hari. “Prinsipe William! Kamahalan!”.
1 note · View note
makatakataka · 3 years ago
Text
Isang Libo’t Isang Gabi
Maikling kuwento/Tagahangangpiksyon (Fanfiction)
Mga ngisngis na nauwi sa ligawan, kilig, bulaklak at mga ngiti, hanggang sa pagsagot niya ng oo, pangako na ibibigay ang mundo, at makinang na mga matang sumigaw ng pagprotekta, yakap ng kaligayahan, ang ang halik na nagpahayag ng pagsinta. Isinara ni Victoria ang pinto palabas, kasama lahat ng matatamis na pangyayaring sa ngayon ay ala-ala na lamang. Limang taon! Ganiyan katagal nilang binuo ang samahan. Paano humantong sa paglisan ng asawa? Hindi niya alam. Kung bakit siya iniwan, ano ang dahilan? Hindi niya ito maalala. Ngunit alam niya, na wala na si Damaso, ang kanyang minahal, na ang tanging iniwan na lamang sa kanya ay ang marka, sakit, at kirot sa kanyang puso, isip, at… katawan? Pinunasan niya ang kanyang mukha, pinalitan ang minantsahang damit, ngumiti at inayos ang sarili. Hindi ito, maaari hindi ito pwede paulit ulit na kinakanta ng kaniyang utak. Sa kanyang pagmamadali ay nakalimutan niya kung ano pa ang kanyang ginawa, at ang tangi niya lang alam ay tumakbo siya papalayo sa lugar na iyon at hindi nakailan pang binalikan ng tingin. Badum badum badum.
Ilang buwan na rin ang nakalipas at sa palagay ni Victoria, handa na siyang umibig muli. Kakalimutan na niya ang mga pangyayari. Lahat ng pangyayari. Lumipat ang babaeng mangangalakal ng tinitirahan malayo sa kanyang pinanggalingan. Siya ngayon ay nakatirik sa isang maliit na bahay, may kalumaan, at walang kabuhay-buhay. Kama, mesa, palikuran lamang ang mayroon ang bahay na iyon. Ah, isa pa, isang kabinet na luma, ngunit matibay, marumi pero malaki. Sa unang linggo ng kanyang paglipat, isang hepe ng pulis ang nag-alok ng tulong sa kanya. Tinanggap iyon ni Victoria at pinatuloy ang lalaki. Muka namang matikas ang pulis, may malaking pangangatawan na tila ay mananakit, ngunit hindi siya ganoong klase ng tao. Nang buksan ng hepe ang pinto papaalis, hinawakan ni Victoria ang kanyang kamay “Huwag mo akong iwan, huwag kang tutulad sa kanya,” hindi maintindihan ng pulis ang kanyang sinasabi at nang sasagot na siya, hindi na hinayaan ni Victoria na magbukas pa ito ng bibig. Lumipas ang gabi.
Ngayon na ay kinabukasan. Kay gandang sikat ng araw, inosente, puro, ngunit ang sinag nito ay kakaiba sa loob ng tahanan ng babae. Suot- suot ang kaakit-akit niyang pananamit, lumabas siya papuntang baryo kung saan siya pinagtinginan, at nahumaling ang mata ng isang Cadi. Bakit nga naman hindi. Hindi ko alam sa kanyang trabaho, ngunit nang makita niya na nahihirapan magbitbit ang babae sa kanyang mga dalang pinamili, ihinatid niya ito sa kanyang walang lamang tahanan. Inalok ni Victoria ang huwaran para sa isang salo-salong pagkain. Nagkamabutihan at nagkuwentuhan ang dalawa, ang kanilang mga halakhak ay pumapaloob sa buong gusali. “Ngunit paano ka napadpad-” hindi na naituloy ng Cadi ang kanyang sasabihin dahil sa narinig niyang mga sigaw. Saan iyon nanggaling? At isa pa, at isa pa, hanggang sa itinanong na niya ito sa babae. “Hindi ko rin alam. Sa paglipat ko rito ay naririnig ko na ang sigaw na iyan” ngunit ang lalaki ay nababagabag parin kaya’t nilibot nito ang buong bahay at sa pagpasok niya ng kuwarto nakita niya ang isang pustura ng– DUM. Bumagsak siya sa sahig at hindi siya sigurado kung nananaginip, pero bukas ang kanyang mga mata sa pagkakaalam, ngunit ang paligid ay madilim? Panaginip, isa lamang itong panaginip, gising! At naghihintay sayo ang isang kaakit-akit na babae. Lumiwanag na muli ang lahat, ngunit sikreto iyon kay Cadi.
“Umagang kay saya,” bungad kay Victoria ng isang lalaking naka sando, at pantalong hanggang tuhod lamang. “Narito ako upang ihatid sa iyo ang kuwadro ng iyong kama na ipinagawa kahapon.” Ang karpintero ay namumula, siguro ay dahil sa pagod ng pagbubuhat. Masyado siyang masigla at- buhay na buhay. Kung sana ay magtatagal iyon. Anuman, pinapasok siya ni Victoria sa kanyang munting tahanan. “Sumunod ka sa aking kwarto, kung saan mo iyan ilalagay nang may pagpatungan na ang aking kutson”. Siyang sunod ng karpintero. Sukat dito, sukat riyan, tulak, hila, at makalipas ang ilang oras ay maayos na ang pagkakapuwesto ng paglalagyan sa kutson. Tumayo na ang karpintero nang makita nitoo ang isang kabinet. Insulto sa kanyang propesyon ang malaman na ang ganitong ka lumang muwebles ay pinagmamay-ari, at ginagamit pa. “Binibini, ‘wag mo sanang mamasamain,” pahiwatig nito papalapit sa kabinet “hayaan mo akong tingnan ito at igagawa kitang bago”. Sa totoo, hindi ko alam kung ang bahay ang may problema, ang kabinet o… balikan natin si VIctoria na makabasag-basong sumigaw ”WAG”, saka siya kumilos- mas malinaw na depenisyon ang umatake- saka niya isinara ang pintuan. At sinong nagsabing ang boses ay walang kapangyarihan.
Pagsapit ng hapon, isang vizier naman ang bisita sa kaniyang mabuting tahanan. Siya ang nangliligaw. Maaaring siya na, ang tunay na pag-ibig ni Victoria. Ngunit ang nais nito ay madumi,nagdidilim. Pagkatapos nilang kumain, hinawakan ng vizier ang kanyang muka, marahan pa nung ina, pababa sakanyang leeg, sa kanyang dibdib, tiyan… DUM DUM DUM DUM! Sunod sunod na kalabog ang gumulat sa lalaki, tinanong sa mangangalakal, at ang tangin sinagot sa kaniya ay “halika sa aking kuwarto”. Ngayon na ay maaliwalas nang tingnan ang munting silid., “ HINDI MO NA MULI AKONG MASASAKTAN. AYOKO. AYOKO. DAMASO BITAWAN MO AKO TAMA NA TAMA NA AYOKONAAYOKONAAYOKOO”. Isang bahay na lamang sa kalaliman ng gabi ang maliwanag, isang babae na lamang sa tirik na buwan ang naglilinis, nagpupunas, ganito, ganiyan. Ngunit tahimik, payapa ang lahat.
Ikaapat na araw at isang binata, o ginoo- hindi niya tiyak- ito ay may ngiti na nagagawang magliwanag, sobra sobra na ang lahat ng nakapaligid na bagay sa kanya ay tila lumalabo na lamang, ang kaniyang nakatagpo. Ang lalaki ay mabuti, sa tingin niya. Nahulog ang loob dito ni Victoria. Lahat ng tungkol sa binatang si Simon, ay sumisigaw ng kabaitan. Hindi man ako sang ayon, inimbitahan muli ang lalake sa kaniyang bahay. Sila ay labis na nagkakasundo, higit sa mga nauna- kung nasaan man sila. Isang bagay lamang ang bumabagabag kay Simon, ang kanyang tirahan ay amoy bulok at basura.Sa palagitnaan ng kanilang kuwentuhan ay biglang kumalabog ang kaniyang pinto! Isang misteryosong lalaki ang iniluwal nito, may hawak itong baril. Baril! Ang sumunod na eksena ay nakakabaliw. Si Simon na hindi maipinta ang mukha, ang imbestigador na may tama ng baril sa kanang paa, at si Victoria na umiiyak. “Patawarin mo ako, patawad. Hindi mo maaaring kunin si Damaso. Hindi na niya ako sinasaktan! Nakita mo? Kinakausap niya ako ng may pagalang at makikita mo sa kaniyang mata ang katotohanan. Mabait siya! Hindi na niya ako binabambo, o sinasampal o sinusuntok! Narito siya! Hin- hindi mo siya makukuha!” Hinihiling ni Simon na lamunin na lamang siya ng lupa.
Buhay, patay, umalis ka sa puwesto mong mabaho! Sa surpresa ng mga kapitbahay nang malaman ang mga pangyayari, humihinga ang mga lalaki! Lamang, ang pulis ay wala ng dila, ang Cadi ay may bukol, lamog na ubas ang karpintero, at ang vizier, hindi ko rin alam ang nangyari ngunit hindi siya makapagsalita at tila may dumudugo sa kaniyang pananamit. “3 saksak sa likuran ng kutsilyo ang kumitil sa buhay ng asawa mo. Damaso, hano? Ayon sa imbestigasyon, siya ay papaalis, nakita sa tagpo ang bagaheng dadalhin sana nito. Pagkarating ng kapulisan roon ay lumisan na ang may sala, at ang patalim na lamang ang nakita. Victoria, naririnig mo ba ako? ” Simon… iyon pala ang pangalan niya. Sayang at isang beses ko lang siya nakita. Si Damaso ay sinaktan ako, gagawin rin kaya iyon ni Simon? Sana hindi. May mga taong mababawi pa ang kanilang sarili, sentido kumon, at kanilang katinuan, masakit na hindi kasali si Victoria sa mga iyon. Sa kabilang dako, husto na ang nasaksihan ni Simon sa babaeng iyon. Nasaan siya? Maaaring nasa ospital, ang bantay at karamay ng kawawang imbestigador. Ah, si Basilio, Bas na lamang daw ang itawag.
2 notes · View notes
lemonysnket · 3 years ago
Text
Pero grabe nga talaga kanina as in di na naman ako maka get over HAHAHAHAHA talagang binagalan ko pa yung motor at ayun nga nakita ko siya tapos humarurot din papaalis. Kahit nag wave ka man lang sana or nag busina kanina self ano ka ba HAHAHAHAHA pero ngayon ko lang ulit naramdaman yung ganong feeling. Feeling excited, gulat, sobrang hiya grabe pakiramdam ko kanina nawala yung kaluluwa ko sa katawang lupa ko. Sige na na sabi mo focus kana sa thesis 😂
3 notes · View notes
prinsesaleonoraaa-blog · 3 years ago
Text
July 02, 2021
Sinundo lang ako ng bebe, mame at kuya jeric after work. Tapos kumain lang sa Jorjhane's sa may balagtas para kumain ng dinner. Tapos umuwi na.
July 03, 2021
Maaga nagpunta ng dentist kasi mag papaalis ng braces. After non, driving lesson naman with my maligalig na driving instructor 😘😘
Tumblr media Tumblr media
After lunch naman, nagpunta kami ng SM para mamili ng mga gamit na dadalhin nya sa barko. Tapos tinreat ko sya ng bag na gusto nya kasi deserve naman nya yun 😘😘 akala mo bagong baba ng barko kung makapag shopping eh HAHAHAHA okay lang basta ikaw 😘😘
Tumblr media Tumblr media
July 04, 2021
Balik sa dentist tapos nag driving lesson ulit. Umiyak pa ako kasi na pressure at nasa intersection na tapos ang dami kong beses namatayan HAHAHAHA 😘😘 dumaan na din saglit ng anilao para lang mag picture at maka hinga ng konte. pag uwi, kumain tapos after lunch lumuwas na ulit pa manila. Mag stop over lang sa may Shell-Mamplasan para mag meryenda/dinner. Tapos hatid na ng bebe sa condo ulit. Hahayy 🥺
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Worth it naman ang off. Medyo na sepanx lang ako at palagi kami magkasama. Hayyy. Iloveyouuuuu bebe! The best ka 😘😘
2 notes · View notes
shaniakeith25 · 4 years ago
Text
Migrasyon: Ano ang solusyon?
I. Panimula:
Bilang estudyante mula sa School Of Our Lady of La Salette, Ako ay pormal na magbabahagi ng aking opinyon at kaalaman sa napili kong suilraning pang ekonomiya na tungkol sa migrasyon. Ipapahayag rin dito ang depinisyon ng ating paksa, kung bakit ito naging suliranin, kasama na rin ang konlusyon at solusyon. Ang mga sumusunod na pangungusap ay pumapatungkol sa mga nakolekta kong  datos at impormasyon na may katotohanan mula sa aklat at media.
II. Suliraning pang ekonomiya- Migrasyon
Sinasabing ang Migrasyon ang paglipat o proseso ng paggalaw ng mga indibidwal o pangkat na patungo isa ibang lugar upang manirahan nang matagal. Kadalasang nagaganap ito sa malalayong distansya ng mga pangkat, indibidwal, o pamilya. Ang immigrants ang tawag sa mga taong patungo sa isang lugar, habang ang emigrants naman ay pumapatukoy sa mga taong papaalis palang sakanilang lugar. Kung ating titingnan ang pananaw ng isang pilipino, higit na mangingibabaw ang ideya ng migrasyon dahil isa itong malaking oportunidad na mas maging maayos ang buhay ng kanilang pamilya at mas makahanap ng magandang tirahan at trabaho, masasabi rin natin na mas maganda ang edukasyon sa bansang lilipatan natin ngunit hindi natin masisigurado. Sa kabila ng magagandang benepisyo ng migrasyon ay ating bigyan naman ng pansin kung bakit naituturing suliranin ang paksa natin. Maaaring ang migrasyon ay ang  magbigay ang mga negatibong nakaabang o kahit panganib sa buhay. Hindi lamang iisang uri ng migrasyon ang mararanasan natin sa kahit anong bansa, huwag nating aasahan na tayo ay tatanggapin agad at ituturing maayos na empleyado, kung may diskriminasyon sa atin, ay meron din sa ibang bansa. Kung iba man ang kultura nila maaaring hindi tayo kaagad masanay at mahihirapan tayong makisama, malulungkot rin ang mga nag migrate kung may naiwan silang kamag anak sa pilipinas. Magkakaroon din ng overpopulation sa bansang nilipatan at bumaba ang ekonomiya sa bansang inalisan. Ang iba pa rito ay ang mga sumusunod: Politikal na pagkatakot, Diskriminasyon, bullying, pagkawala ng yaman, banta sa buhay, at marami pang iba.
III Analysis:
Pagkatapos maipahayag ang depinisyon ng ating paksa at kung paano siya maituturing suliranin. Dahil sa migrasyon, nawawalan tayo ng mga “Skilled workers” na dapat sa pilipinas sila nag seserbisyo. kung sa iisang lugar lamang magmigrate ang iba’t ibang bansa ay mas lalo pang mawawalan ng sapat na trabaho. Mas dumarami ang mga taong naapektuhan ng migrasyon taon taon. Ihalimbawa natin ang mga OFW na nagsasakripisyo at nakikipag sapalaran sa ibang bansa upang guminhawa lamang ang kanilang buhay. Ang iba namang nag mimigrate ay may kadahilanang gusto na nila tumira sa ibang bansa dahil mas maayos ang kapaligiran doon.
IV. Konklusyon
Sa kabila ng mga nailahad kong datos at iba’t ibang impormasyon, alam na natin kung ano ang migrasyon at kung ano ang epekto nito. Mas makikita natin na may mabubuting epekto ang migrasyon dahil marami sa atin ang gusto ng mas maayos na buhay at tirahan para sa ating pamilya o kahit sa sarili, handa tayong kunin ang oportunidad na meron sa ibang bansa na wala dito sa pilipinas, mas nabibigyang pansin sa bansa natin ang mga nakapagtapos at hindi nila halos binibigyan ng pagkakataon magkaroon ng “experience“ ang mga bago pa lamang. Subalit may negatibo din namang epekto ang migrasyon na hindi nabibigyan ng pansin tulad ng mga naipahayag ko tungkol sa suliraning ito.
V. solusyon/ sariling opinyon
Higit na aking nirerespeto ang opinyon ng makababasa sa mga pahayag na binanggit ko ngunit magbibigay rin ako ng aking mga palagay at naiisip tungkol sa paksang naitalakay. Sa aking sariling palagay, nararapat na mas bigyan ng pansin ng gobyerno ang mga hindi nakapagtapos at dapat bigyan sila ng oportunidad upang mapaunlad ang kanilang buhay kung nakikita naman nila na nagttyaga ang kanilang kababayan. Maaari din na magpatayo na lamang ng negosyo na magagamit ang puhunan upang matulungan ang iba’t ibang pamilya o mga pangkat. Kailangan mabigyan ng trabaho ang mga pilipinong naiiwan upang mahikayat sila na huwag umalis sa bansang kinabibilangan at tuluyan silang lumipat ng kanilang tirahan.
4 notes · View notes
break404 · 1 year ago
Text
To my Talaarawan
Last 2019, I saw a girl full of potential. A girl who is not afraid to fulfill her dreams. I feel the spirit inside of her. A loud voice of an unclaimed recognition at the back of an unseen personality. I wasn't intimidated by the silence she brings, instead, it uplift my spirit to go & talk to her. Be friends with her and let her become part of my journey.
We've been through a lot of trials. Mine was tough. Hers was the worst. Mine was hard. Hers is painful. Mine was identified. Hers is unrecognized.
But despite the unbreakable scenarios in life, we still hold each others' hands.
2019, she wrote a birthday letter to me. That was the first letter I receive. A letter from her heart. (I guess?)
Hindi ko alam kung paano kami nag karoon ng common ground. Pero, I can say na she's that "one call away friend"
On my toughest trials in life, she's there. She did not leave me. Her presence is more than a friend a person can define. It's not the money nor any property she can give to make me feel better, but if she's listening now, I want her to know that she is one of the reasons why I get through that.
Her messages makes me feel important and accepted. She's a gift to me that will never expire. Sabi ko sa sarili ko, ito yung taong dapat pnprotektahan at iniingatan. Kaya I promise to protect her from any attack of the enemy in return. Protect her physically, and mentally at kahit spiritually.
But here comes February this year of 2022, sabi nya may sasabihin daw sya sakin. I thought that was a prank. I waited. But she didn't reply. I called her, but she did not answer. I waited. A day. After a day. After a day. Finally, she responded. It was February 6, meron syang inamin na onti-onting dumagdag sa trust issues ko. I feel wreckless and miserable that time. I feel like, naagawan ako ng paborito kong laruan. Muntik na ko ma depress that time kasi even my surroundings, I don't feel like I deserve attention.
I thought parehas kami ng level of anger sa taong kinkwento ko sa kanya. Pero I am totally wrong. The more I described his wrongdoings, the more na na fafall ang kaibigan ko sa kanya.
Kaya I was shocked na yung paborito kong laruan, hindi ko pala pag mamay-ari. Para syang spy. Para syang assassin. Onti-onti nyang kinuha ang loob ko until patayin nya yung nag iisang dahilan kung bakit buhay pa ko.
I wept. I blame myself. I cried all night. Para kong nag build ng friendship just to be betrayed. That was tough. Mas tough pa sa pag papaalis sakin sa house.
I have so many question na gusto kong masagot. Bakit di nya sinabi sakin? Bakit nag sikreto sya. Bakit sya pa. Bakit nya ginawa yon. Bakit parang balewala lang ako sa kanya. Puro bakit. bakit. bakit. Pero walang maka-sagot. Walang maka-gets. Hindi pwedeng ipag-sabi. I was like a candle who's about to vanished.
Gladly, na I am doing my devotions day and night. I prayed all night. And instead of asking and blaming God for what had happened, I simply surrender my situation to Him. I admit that I have been attached to that person and wasn't able to free her. I submit to God my anxiety. My brokenness. My uncertainty.
Hindi madali. Pero kailangan kong ifix yung emotions ko. Yung ako. Kailangan kong mag decide ng mabilis. Kailangan ko to lagyan ng deadline.
Psalms 94:19 When anxiety was great within me, your consolation brought me joy.
I surrender to God my anxiety and my emotions. My weeping. My discomfort. Pero, hindi pala sya nag tatapos sa surrendering. Di pala dapat surrender agad. Dapat pala CONFESSION muna.
At that moment, I have partially been free from guilt, I realized that it is not her who hurt me, it is the enemy who was trying to steal, kill and destroy my joy.
This letter wasn't meant to let her feel guilty, but to let her know what I've been through since then. That girl, I want her to listen carefully. Open her heart, mind, body, soul and spirit to understand what this letter TRULY means.
After months of having trust issues regarding this, I realized that she is more than my anger. Our friendship is greater than my trust issues. And after all, she's not mine. She's not a toy. She is not even the assassin. It's my illusion and worst description. Sya nalang naging conclusion ng lahat ng issues ko in life.
Alam kong during and even after that incident --- she is fighting. Mentally, physically, spiritually (isama na natin -- financially)
Alam kong sa pang-yayaring yon, nahihirapan din sya Nag sstrugle din sya. Greater than my struggle. Bigger than my pain. Greater than my issues. Kahit di nya sabihin, alam kong lumalaban sya. She's fighting a battle that can only be fought by her. Shame of me na hindi ko sya matulungan at wala kong magawa. Bukod sa ipamuka sa kanya na because of her, I've been through a lot of this and this and that. Wala syang ibang ginawa kundi pakinggan ako. Intindihin ako. Sagutin lahat ng calls and chat ko. Just to let her fullfill her promise, na "nandito lang ako. moral support"
Now, we are entering a new journey in life that is unpredictable. All I can do in return for her sacrificial love is to always put her in my prayers. Intercede. And just be here whenever she needs me. As how she does when I needed her.
Sometimes, inaatake sya ng laban na maski sya hindi nya ma-identify. At wala akong magawa kundi titigan sya, at bumulong na "Lord, please comfort her whenever she needs your comfort. Hug her for me, please"
Before this letter ends, I want to personally say to that girl I met 4 years ago, na kahit alam kong papatawarin mo ko ng 70*7 times, I still want to sincerely, say pasensya, paumanhin. Sorry . My greatest apology kung may mga bagay akong nagagawa, nasasabi at naiisip na sobra na sa limitasyon ng ating pagka-kaibigan natin.
Proud ako sa lahat ng laban na pinanalo mo mag isa. Proud ako sa mga desisyon na kahit nahihirapan, pinili mong kumalma. Proud ako sa lahat ng ups and downs mo, Proud ako dahil nag papatuloy kaparin kahit nahihirapan ka nang tumayo. Proud ako na nakilala kita, Hindi man matino pero the best na suporta.
Nawa'y sa muli mong pag alis, mag paalam ka. Pero kung di man ako makareceive ng paalam mula sayo, I know you have reasons.
I boldly confess that I allow the enemy to blind me by the past and let you feel guilty for all of this. I confess that I have sinned and don't deserve to be with God, in Heaven. I believe that Jesus died to pay the price of my sin. I ask God to fully forgive me, for all of my sins. And help me to live for Him, from now on. In Jesus' name, Amen. This prayer means a lot.
Muli salamat. I have so many words pa to say, pero to summarize everything, here's my covenant sa Lord --- una akong tinanggap, una rin akong tatanggap. Pinapalaya na kita at pinapalaya ko na ang sarili ko. Mahal kita- palagi my dearest Talaarawan.
0 notes
jdtymns · 5 years ago
Text
"Sina Apung Malyari, Aring Sinukuan, at Maria Makiling pa lamang ang nakaka-usap ni Dumakulem patungkol sa mga nagaganap pagtatayo ng imprastraktura sa Bulubundukin ng Sierra Madre." pahayag ni Bathala kay Amihan
Siya namang pagtango ni Amihan at saka pinagaspas ang kanyang pakpak papaalis.
"Katulad pa rin ng dati, Hindi ka pa rin nagsasalita Amihan. Patuloy na lumalayag sa ihip ng hangin." isip ni Bathala
1 note · View note
nickstrrr · 7 years ago
Photo
Tumblr media
Happy Father's Day! Tomorrow isn't promised. Spend today with the ones you love! #FathersDay #PapaAli #Ubo
0 notes
kimdalanon · 6 years ago
Text
Kamusta na, Kim?
Tumblr media
Para sa mga taong nagtataka at gustong malaman kung ano na ba ang estado ng pagkatao ko ngayon, keep reading. Kung wala ka naman pake, ba’t ka andito?
Sa pagkakataong ito, masasabi ko naman na hindi na ako tulad ng dati. Hindi na ako tulad ng dati na talagang nagpapakain sa sistema at pinapatay ang sarili para lang hindi maisip ang mga bagay bagay. Medyo nalang. 
Mahigit isang buwan na din ang nakalipas mula nung sinabi niya sakin na wala na talagang pagasa, na hindi maipipilit ang pangarap na makasama siya. 
Wala e, ganon talaga.
Pero alam mo, madami din naman nangyari na hindi mangyayari kung hindi kami umabot sa ganung punto. Madami akong natutunan at nagkaroon ako ng oras sa ibang tao. 
Pinaikot ko mundo ko sakanya dati e, plinano ko ang mga gagawin at mga susunod na mga linggo na siya ang dahilan ng mga ganap, pero nung hindi na mangyayari ‘yung mga plano na ‘yon, don ko napagtanto na andami ko pa palang oras para sa sarili, para sa mga nagmamahal at sumusuporta sakin.
Oo, hindi ko naman itatanggi na halos araw araw parin ako umiinom, na lumakas ako manigarilyo, pero hindi na siya ‘yung dahilan ngayon e. Kung dati, iinom ako para ilabas sa mga kasama ko ‘yung hinanakit, ngayon, nakikipaginuman ako kasi gusto ko silang kasama. 
Pero kahit na umaayos na ang pakiramdam ko paunti-unti, may mga bagay parin na kailangan ng paghihilom. May mga bagay na hindi normal para sakin na nagiging normal ngayon. Sa sobrang gusto kong mawalan nalang ng pakielam, nawalan ako ng pakielam sa karamihan. Hindi na ako kasing bilis sumagot sa mga chat, sumasagot nalang ako kung kelan ko gusto, at minsan mas pinipili ko nalang na malayo sa social media.
Magiisang buwan na din pala mula nung nawala ko ‘yung cellphone ko dahil sobrang lasing na lasing ako. Alam naman na siguro kung bakit ako nalasing at parang malaking parte ng buhay ko ‘yung nawala nung pag tingin ko sa bag ko, wala na ‘yung cellphone ko. 
Kasi para sakin, hindi lang cellphone ang nawala. Nawalan ako ng kasama sa malungkot na umaga, nawalan ako ng makikinig kapag walang pwedeng makinig at higit sa lahat, nawala lahat ng alalala na kasama siya na ako lang ang may kopya. Mga alaala na hindi na mababalikan at hindi ko na makikita.
Naging droga ko siya e, tapos ‘yung cellphone ko mismo ‘yung naging instrumento ng paggamit. 
Pero ayos lang. Kung tutuusin, medyo peaceful nga e. Sa byahe sa umaga, wala akong ibang pwedeng gawin kundi matulog. Kapag may kasama akong ibang tao, wala akong ibang pwedeng gawin kundi kausapin sila at maging masaya kasama sila.
Maraming tao ang nakakita kung paano ako naapektuhan ng nangyari, naipakita ko sa iba’t ibang tao ang ibang dako ng pagkatao ko, ‘yung ako na wala akong balak ipakita, pero hindi ko kinaya. 
Hindi din naman ako nagsisisi na naging totoo ako sa mga nararamdaman ko, hindi ako nagsisisi na naging totoo ako sa mga tao. Dahil sa pagiging totoo ko, don ko din nakilala ‘yung mga taong totoong nandyan para sakin, mga taong talagang nagmamahal at sumusuporta. 
Kahit pamilya ko, sinuportahan at inalalayan nila ako para makabangon ulit. Nakita nila kung paano ako nawasak sa nangyari at dito ko napatunayan na ang pagmamahal, nakukuha pala talaga natin ‘yan sa maraming tao, hindi lang sa taong gusto natin.
Ngayon, nandito parin naman ako. Hindi pa ubos e. Kumbaga kung ihahalintulad sa yosi, nasa smoking area parin ako kasi hindi pa ubos ‘yung yosi. Pero alam naman nating lahat na kapag ubos na ‘to, tapos na ‘yung yosi break at kikilos din ako. 
Pero wag magaalala, paubos naman na, kaso hindi  Marlboro ‘yung niyoyosi ko, kaya matagal maubos pero mauubos din ‘to. Di ko nga lang alam kung kelan.
Kaya malaking pasasalamat sa mga taong walang sawang nakinig at patuloy na nakikinig, hindi niyo alam kung gaano kalaki ang naitulong niyo. Sana lang na hanggang huli e manatili kayo para sabay sabay natin makita ‘yung bagong ako, ‘yung ako na nakabangon na.
Nagsusulat lang ako kapag malungkot at nitong mga nakaraan, nahihirapan ako magsulat. Pinipilit kong maglabas ng sustansya para sa mga magbabasa, pero wala talaga e, kahit ako hindi nakuntento nung binasa ko at para sakin, maganda din naman ang ibig sabihin non. Ibig sabihin, hindi na ako ganon kalungkot.
Pero syempre, hindi ko parin naman maiwasang malungkot. Hindi ko parin maiwasan na maalala siya sa maraming bagay, ang pinagkaibahan lang, mas kaya ko na. 
Kung dati, talagang nakahilata ako sa lapag at hindi makagalaw, ngayon nakaupo na ako. Dadating din ako sa puntong tatayo at maglalakad din ako papaalis. 
Kaya kamusta na nga ba ako? Okay lang ako. Nagiging okay na ako.
Salamat sa pagaalala.
8 notes · View notes
llwosyl · 2 years ago
Text
HAHAHAHAHAHA SIGE LANG. GALINGAN MO GURL. PAPANSIN PA. PAPAALIS AKO NANG MATRES KUNG SAKALI NA PATULAN KA NIYAN.
0 notes
sleepycrownchild-blog · 6 years ago
Text
Sinta
GOYO REINCARNATION AU
"Nakita na ba kita dati?"
Eto ang bungad sa kanya ng isang lalaking hindi niya pa nakilala sa buong buhay niya. Gusto niyang irapan, pero pinalaki si Remedios na may galang ng kanyang mga magulang.
"Hindi." Ang maikling sagot niya. Tinitigan siya ng lalaki ng siguro mga tatlong segundo, pagtatanto nakapinta sa kanyang makisig na mukha.
'Siguro ginagawa niya eto sa ibang babaeng nakikilala niya.'
Sabagay, kahit medyo gasgas na ang pick up line na ginamit niya kanina, hindi masyadong binibigyang pansin dahil sa kanyang gwapong itsura. May pagkamoreno, matangkad, kulay tsokolate ang kanyang mga mata sa kanyang maamong mukha. Hindi rin masama na magaling siyang manamit at maganda ang kanyang tindig.
'Halatang playboy.'
"Paumahin. Akala ko nakita na kita dati. Ako nga pala si Gregorio." Pinakilala ng lalaki ang kanyang sarili na may maliit na ngiting nakapinta sa kanyang mukha.
"Remedios." Pakilala ni Remedios, "siguro baka napagkamalan mo lang akong kakilala mo. Hindi pa kita nakikita sa loob ng campus. Ngayon palang." Dagdag niya.
"Siguro nga." Tango ni Gregorio, "maari ba kitang ihatid sa iyong susunod na klase? Nahihiya kasi akong naabala kita."
Napataas ang isang kilay ni Remedios, "sinabi mo na rin ba yan sa mga babaeng nakikilala mo?"
"Hindi, sa 'yo lang." Ngiti ni Gregorio.
"Salamat sa alok pero nagmamadali ako. Sa susunod nalang, Gregorio." Dali daling sabi ni Remedios habang papaalis upang hindi siya mahumaling sa karismatikong ngiti ni Gregorio.
Kasi alam niya ang ganyang mga uri, lalo na't ilang beses na niyang tinulungan si Dolores maibsan ang sakit ng hiwalayaan nila ng kanyang dating kasintahan. Delikado ang mga lalaking katulad ni Gregorio. Napakadelikado.
"Goyo." Wika ni Gregorio habang papaalis ang dilag, "tawagin mo nalang akong Goyo."
Napahinto ng saglit si Remedios pero umalis pa rin siya, hindi na nagaksaya ng oras para sagutin si Gregorio.
"Hoy, ano yun ha." Wika ng isang lalaking bigla nalang sumulpot sa tabi ni Gregorio, matapos unti unting maglaho ang likuran ni Remedios sa paningin nila, nakangiting aso. "Bilis talaga ng galawan mo Goyo. Hindi ako makahabol."
"Hindi naman Julian. Akala ko lang pamilyar ang mukha niya sa akin. Parang nakita ko na dati pero hindi ko maalala kung saan." Sagot ni Gregorio.
"Sus, kunwari ka pa. Yan lagi mong galawan pag nakakita ka ng isang magandang dilag." Sabi ni Julian, "maka Julian 'to. Asan ang galang? Mas matanda ako sa 'yo hoy." Biro niya.
"Kuya Julian." Wika ni Gregorio, nakangiti. "Pasenya, nakalimutan ko. Parang bata ka kasi kung umasta eh."
"Ay wow sige laiitin mo pa ako. Hindi na kita tutulungan, kilala ko pa naman yun nakausap mo kanina."
"Kilala mo siya? Paano?"
"Remedios Nable Jose. Anak ng Dean ng campus natin. Siya tsaka yun kapatid niya, laging may mga manliligaw na nakaantabay sa kanila. Si Remedios ang mas matanda pero mas sikat ang kapatid niya. Si Dolores. Pero mas kaaya ayang tignan si Remedios kaysa kay Dolores sa totoo lang." Pahayag ni Julian, may halong konting pagnanasa ang tono ng kanyang boses.
"Kaya pala pamilyar. Nable Jose." Wika ni Goyo.
Matapos ang isang segundong katahimikan, nagsalita ulit si Gregorio.
"Tignin mo kung susuyuin ko si Remedios, ibibigay niya sa aking ang matamis niyang oo?"
Tinawanan lang ni Julian si Gregorio at tinignan na para bang nawala na sa wisyo, "sige good luck. Pero para sa kaalaman mo, wala pang nakakapag oo kay Remedios. Hindi siya interesado magkaroon ng kasintahan sabi niya."
"Hindi niya pa nahahanap ang lalaking para sa kanya."
Ibibgay ko ang aking puso sa lalaking nasa loob ng batang Heneral.
"Siguro. Pero mamaya na yan, mahuhuli na tayo sa klase. Dalian mo, maintiin ang ulo ni prof Damaso lalo na't may sumusuyo sa anak niya." Sabi ni Julian.
Lumaki ang ngiti ni Gregorio at kumaripas ng takbo sabay sabi "mahuli walang bayag!"
At dahil hindi papatalo si Julian, kumaripas din siya ng takbo, "mauna tarantado!"
'Italics' ~> thoughts
Bold Italics ~> mga katangang naalala mula sa dating buhay nila (Goyo movie verse)
(Medyo hindi ako kabihasa sa pagsulat ng literatura sa Filipino. Paumanhin!)
11 notes · View notes