#pampatangkad
Explore tagged Tumblr posts
peyjandaya · 4 years ago
Text
hoy nishimura riki, anong pampatangkad ba ang timira mo't mas matangkad ka na daw sa buong bts eh 15 ka pa lang 🤧
1 note · View note
syruptzumaru · 8 years ago
Photo
Tumblr media
#LakingNido #Nido #NidoMilk #LakingMilo #Milo #Cherifer #Cherifervitamins #Safeguard #Colgate #throwback #90s #Cherifer #advertising #MiloDrink #Batang90s #CherifetSyrup #pampatangkad
0 notes
romeroreneelynjean · 5 years ago
Text
SINO ANG TUNAY NA IDOLO? (G. NICANOR G. TIONGSON)
Kolonyal. Kolonyalismo. Mga Kolonyalista. Sa mga nagdaang daan-taon, puro pananakop mula sa mga dayuhan ang natamasa nating mga Pilipino. Sa artikulong ito, paulit-ulit na mababanggit ang salitang kolonyal. Dahil hindi pa ganap na sibilisado ang Pilipinas noon, naging malaking impluwensiya sa atin ang mga dayuhang mananakop. Tinuruan nila tayo ng kanilang relihiyon, wika, kultura, at paniniwala. Kasama na ditto ang pagkakaroon ng pamantayan sa kung ano nga ba talaga ang maganda at kung sino ba talaga ang dapat na tanggapin sa lipunan. Kung ating mapapansin sa mga pelikula at mga teleserye natin ngayon, lagging katulong at inaapi ang mga artistang maliit at kayumanggi ang kulay, habang ang kanyang amo naman ay siyang maputi at matangkad. Dahil siya ay maputi at matangkad, awtimatiko na na siya ay maganda. Mukhang pamilyar ang eksena, hindi ba?  Para bang ang amo niya ay sumisimbolo sa mga Espanyol at mga Amerikano na magpahanggang ngayon ay nakakulong pa rin tayo sa kanilang mga paniniwala na mas maganda ang maputi kaysa kayumanggi, at mas kaaya-aya ang matangkad kaysa sa maliit. Paano ko nasasai ito? Simple. Dahil hanggang ngayon ay mabenta ang mga glutathione at mga sabong pampaputi, pati na rin ang mga gamot na pampatangkad. Dahil sa “pamantayan ng kagandahan” na iniwan sa atin ng mga kolonyalista ay pilit na  binabago ng ating mga kababayang Pilipino ang kanilang hitsura. May nakaaalala pa ban g kung anong tunay na hitsura ng isang Pilipino? Hindi ba’t tayo’y talagang maliit, kayumanggi ang balat, sarat ang ilong, at makakapal ang mga labi? Ang mga ito ang tunay na hitsura ng Pilipino. Pero dahil sa paglaganap ng kolonyalismo, at patuloy na pananakop ng mga kolonyalista ay labis nang naapektuhan ang buhay ng mga Pilipino, pati na rin ang kanilang mga paniniwala. Sino nga ba ang nagtakda ng mukha ng mga santo, ng mukha ni Birheng Maria, ng mukha ni Hesus? Hindi ba’t ang mga Europeo? Dahil sa kanila ito nagmula. Sila ang nagpalaganap ng Kristiyanismo. Nakababastos nga naman kung papalitan natin ang imahe nila diba? Ngunit dahil dito, inaakala na din natin na Diyos ang mga dayuhang mananakop na ito, hanggang sa puntong sinasamba na din natin sila. Dahil pati ang mga kapariang nagmimisa sa lokal na simbahan ay dayuhan din, inaakala nating malapit sila sa hitsura ng Diyos. Relihiyon at Diyos ang dapat na sinasamba natin, hindi ang hitsura ng mga nagpalaganp nito. Walang mukha ang Diyos, wala kang dapat paghambingan sa Kaniya. Kaya hanggang ngayon ay mga mukhang dayuhan ang naghahari sa mga palabas sa telebisyon ay dahil sa mga rasong ito. Ito din ang mali ng mga teleserye. Nabalot na sila ng kolonyalismo kaya hindi nila magawang ipaalam sa kanilang mga manonood na mali ito, mali ang ganitong paniniwala, na walang among nahuhulog ang loob sa katulong. Dahil ang totoo ay inaapi lamang ng mga naghaharing uri ang mga nasa mababang uri, dahil pakiramdam nila ay sila ang mas malakas, pero ang totoo ay kaya nating labanan itong kolonyalismo, itong mga kamngmangang ito. Nakatutuwa lamang na mas marami na ngayon ang tanggap ang kanilang sarili at hindi na pinipilit pang baguhin ito. Tanggapin natin ang ating pagkatao, ang ating pagka-Pilipino, dahil ito ang tunay na tayo. Wakasan na natin ang mahabang pang-aalipin sa atin ng mga dayuhan, ang kanilang malawakang kolonyalismo. Kailngan na nating lumaya.
1 note · View note
liannealeli-blog1 · 5 years ago
Text
Mga Palabas: Piring sa Mata ng Pagkamulat, Eskapo sa Realidad
Kilala na pampalipas oras ng mga Pilipino ay ang panunuod ng telebisyon, pakikinig sa radyo at pagpunta sa mga sinehan upang makatunghay ng mga pelikula na patok sa masa. Sa mga nabanggit, ang pelikula ang pinakapopular na broadcast media sa ating bansa. Pinipilahan, pinagkakaguluhan at inaabangan ang mga "block-screening" ng mga pelikula lalo pa kung ang mga artista ay tanyag at mga idolo ng bayan. Ito ay isang matatag na patunay kung paano na lamang suportahan ng mga tao ang mga palabas sa sinehan at mapasa telebisyon.
At dahil nga rin sa kahiligan ng mga tao sa pelikula at sa panunuod sa telebisyon, dito na lang rin nauubos ang kanilang kwarta at kahit ang oras nila na dapat na iginugugol sa mas importanteng mga bagay. Dahil rito, malaki ang nagiging epekto ng pelikula sa pananaw ng mga tao patungkol sa istandards ng mga karakter na gumaganap sa palabas. Ang ibig kong sabihin ay naiimpluwensyahan ng pelikula ang ating mga pagtingin sa mga 'dapat' at 'hindi dapat' gawin na idinidikta ng mundo.
Ito ay ang nais ipahiwatig ni Nicanor Tiongson sa kanyang isinulat na pahayag. Oo, maaaring magbigay aliw sa atin ang mga ito ngunit hindi natin namamalayan na kinakain na rin nito ang ating mga pananaw at ikinukulong tayo sa sistema na pwede lamang iaplika sa sitwasyon ng mga karakter sa pelikula at hindi sa totoong buhay.
Nais ko lamang bigyang diin ang mga puntong binigyang pansin ni Tiongson sa kanyang pagsusulat.
Isa sa kanyang binigyang pansin ay ang istandard ng kagandahan. Sa mga dula noong panahon ng pananakop ng Espanya at Amerika, iginagalang at tinitingala ng mga Indio ang mga Europeo sakanilang mga isinasagawang mga dula. Madalas na gumanap sa mga Europeo ay ang mga mestizo o maputi na nagsisilbi na istandard ng kagandahan. At ang mga Indio naman ay ang mga itim at mga kulot ang buhok. Sa ganitong pagsadula at distribusyon ng mga karakter ay nagkakaroon nang pamantayan sa usapin ng antas sa lipunan. Ang ganitong pagtingin ay nadala natin hanggang sa ngayong henerasyon.
Sa panahon ngayon, maraming nausong mga whitening products na nangangako sa mga bumibili na sa loob ng isang linggo ay puputi na sila ng tatlong beses sa balat nila ngayon. Ang mga ganitong produkto ay gumagamit ng mga endorser na maputi rin upang maging patok ang kanilang produkto at maging mabenta sa palengke. Sa aking persepsyon ay hindi naman masama ang magpaputi at magpaganda sa pamamagitan ng pagiging maputi. Ang nakakalungkot lamang isipin ay ninanais nating maging iba sa kung sino ba talaga tayo. Ang mga Pilipino ay kayumanggi ang katutubong kulay. Subalit dahil sa istandard na ipinapakita at ipinakita na ng midya, nagkaroon ng pagbabago sa kaisipan ng bawat isa na kailangan ganito,kailangan ganyan. Hindi rin naman masama ang pagpapaputi at pagkilala sa sarili na maganda dahil ikaw ay maputi ngunit ang nakakalungkot isipin ay pinagmumulan pa ito na racism na siyang nagwawatak-watak sa kultural na pagkakakilanlan ng bawat Pilipino.
Dumako naman tayo sa larangan ng katangkaran. Kilala ang mga taga Asya sa katatamtaman na taas sa larangan ng katangkaran at ang mga taga Kanluraning bahagi ng mundo ay ang mga pinagpala sa katangakaran.
'Mas maganda ang Matangkad'
Ito ay ang isang tagline ng produkto na pampatangkad dito sa Pilipinas na para bang nangangahulugan na mas maganda ang matanngkad kumpara sa mga maliliit at pandak na mga tao.
Sa mga ganoong mga pahayag ukol sa tangkad at kagandahan ay nagdidikta ito sa pananaw ng mga manunuod na maging kaisa at katulad ng kanilang opinyon ang opinyon rin ng mga manunuod.
Ang ganitong epekto ay ang nais ipabatid ni Tiongson sa mga tao. Nais niyang mamulat ang bawat isa sa nangyayari sa dulot ng broadcast media. Binabago nito ang ating mga galaw at pag-iisip sa hindi direktang paraan. Kagaya na lamang ng mga sinasabi ng mga commercial series sa telebisyon. Hindi direktang sinasabi ng mga endorser na pangit ang maitim at pangit ang maliit ngunit ganoon ang mensaheng nakakarating sa atin.
Isa pang magandang halimbawa ay ang mga palabas na nagsisilbing cliche sa pelikula ng mga Pilipino. Ganito lagi ang set-up: Ang bida ay mahirap ngunit sa dulo ay magiging matagumpay. Ito ang karaniwang kwento at tema ng mga palabas sa telebisyon at pelikula ngunit kahit paulit-ulit ay tinatangkilik pa rin ng masa.
Sa palagay ko ay dahil sa pag-asang kanilang nakukuha sa mga palabas na kagaya nito. Dahil mahirap ang buhay, nagkakaroon sila ng pag-asa na palipasin lang rin ang oras dahil makakaahon rin sila sa kahirapan kagaya ng bida sa mga palabas na kanilang pinanood. Nabibigyan sila ng mga palabas ng 'false-hope' na sa ganoon kaikling panahon ay makakaahon sila agad sa kahirapan. Muli, wala namang masama sa pagkakaroon ng pag-asa. Ang masama ay binubulag tayo ng mga ganitong palabas na sayangin ang oras sa panunuod ng mga palabas na malayo naman sa realidad ng buhay.
Hindi direktang sinasabi sa atin ng mga pelikula at palabas sa telebisyon na subaybayan na lamang natin ang mga palabas at wag nang kutsain ang sistema ng lipunan sapagkat darating rin ang araw na babaliktad din ang kapalaran, na malabong mangyari sa totoong buhay kung walang sapat na aksyon na gagawin ang mga indibidwal. Dahil sa ganitong kaisipan, hindi nagiging mulat ang mga masa na kwestiyunin ang kamalian sa sistema at hayaan na lamang ito. Hindi nagiging mulat ang bawat isa na mangielam sa sistema sapagkat nalilibang tayo ng mga palabas na sumasayang sa oras natin na dapat naigugugol sa mas mga importanteng bagay. Kinukulong tayo ng pang-aaliw sa isang kahon kung saan ay limitado lamang ating nakikita na siyang nag uudyok sa atin ng nga dapat at hindi isipin. Nagsisilbing opyum ng lipunan ang midya na siyang lumalason sa ating sariling kaisipan sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga istandard at istruktura na sila mismo ang may gawa.
Hindi masama ang aliwin ang sarili sa pamamagitan ng panunuod ng mga palabas. Ngunit mas magkaroon tayo ng mas matinding pakielaman sa sitwasyon ng ating buhay kaysa sa sitwasyon ng buhay ng mga karaktet sa isang palabas. Sa pamamagitan nito, makakaahon tayo at makakamulat pa ng mas maraming mamamayan na hindi pa nakakaalam sa ganitong klaseng epidemya sa lipunan.
Lahat ng sobra ay masama. Maging maingat tayo sa ating mga pinanunuod at maging kritikal sa pagtukoy ng 'totoo at peke', 'imposible at posible' at higit sa lahat ay tukuyin natin kung ang mga ito ba ay may maitutulong sa ating pag-unlad o mas nakapaglulubog lamang ito sa atin sa kahirapang ating nararanasan sa kasalukuyan.
Sa ganitong paraan ay makakapag-ambag tayo sa pagtanggal ng mga piring sa mga matang nagnanais mamulat sa realidad na siyang pinipilit na takpan ng mga palabas.
0 notes
chanelcdiaz · 5 years ago
Text
Maputi + Matangkad = Maganda : ISANG PAMANTAYAN NG LIPUNAN
Ano ba ang pamantayan upang tayo ay matagurian bilang isang maganda? Ito ba ay ang pagkakaroon ng magandang trabaho? Nakapagtapos ng pag-aaral? O may malawak na pag-iisip sa mga bagay na nangyayari sa mundo? Saan nga ba tayo humuhugot ng pamantayan upang masabi na ang isang tao ay maganda, magaling o matalino. Ang midya ay isa sa mayroong pinaka malaking epekto sa ating pamumuhay. Dito din ay nakakabuo tayo ng isang pamantayan sa kung ano ang dapat o hindi dapat. Sa kung ano ang katanggap tanggap at kung ano naman ang mga hindi katanggap tanggap sa isang lipunan. Dito din nabubuo kung ano ba ang maganda o pangit, at kung hindi ka pasok sa kwalipikasyon o pamantayan dito, maaring magkakaroon ng diskriminasyon sa iyo ang mga taong nagbabase sa “maka midyang ganda” na pagtingin. Una, maputi. Natural na kulay ng karamihan sa mga Pilipino ang pagkakaroon ng kayumangging kulay, ito ay mula pa sa ating indigenous people. Ngunit bilang isang bansa na matagal na inalipin at kinontrola ng ibang bansa, nagkaroon tayo ng kolonyal na mentalidad at kabilang na din dito ang pagtingin ng maganda base sa kulay nang isang tao. Nagkaroon ng pamantayan ang mga tao na, “ikaw ay maganda kung ikaw ay maputi.” Kakaiba ang tingin ng tao kung maputi ka, kung maputi ka ay tingin ng tao sa iyo ay ikaw ay mayaman o mas mayroong mataas na pagtingin sayo ang iba. Hinubog tayo nang midya at mga advertisement na iba ang nagagawa ng maputi.Hinuhubog tayo ng midya na ipakita kung ano ang “dapat” na maging kulay natin. Ang resulta dito, bilang mayroon na tayong mataas na pagtingin sa mga mapuputi at kinokonsidera natin ito bilang maganda, nawiwili tayo na gumagamit ng mga produkto upang maging katulad ng nakikita natin sa tv. At ginagaya natin ito sa pamamagitan ng mga produktong sinasabe sa midya, sa kagustuhan na pumuti at sa kadahilanan na ito ay maganda. Wala namang masamang maging kayumanggi at mas lalong wala namang masama na maging maputi, kahit anong kulay pa ang iyong kulay, ang bawa’t indibidwal ay dapat lamang na magkaroon ng respeto at huwag magkaroon ng diskriminasyon sa kung ano ba ang maganda o hindi. Anumang kulay ang mayroon tayo, walang kahit na anong bahid nang kamalian sa iyong kulay dahil iyan ay MAGANDA. Matangkad.
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na mayroong pinaka maliliit na taas. Ang tipikal na taas ng mga kababaihan sa ating bansa ay 4’11 at 5’3 naman sa mga kalalakihan. (Ito ay ayon sa isinagawang survey ng Association of Southeast Asian Nations DNA.) kaya’t normal na dapat sa ating bansa kung karamihan sa atin ay hindi matatangkad. Ngunit dito din ay nagkakaroon ng diskriminasyon na dapat na ikaw ay matangkad sapagkat kasama ito sa kwalipikasyon kung saan na dapat ay, “Kung ikaw ay maganda ay dapat ikaw ay matangkad.” dito ay ipinapakita na iba talaga kung ikaw ay matangkad, kahit pa na mas mararami namang hindi matangkad na namumuhay sa ating bansa. Kaya naman katulad sa pagiging maputi, winiwili at ginagamit tayo ng midya upang maipakita na mayroong mga kakulangan sa atin at magkakaroon ito ng solusyon kung gagamitin ang mga nasabing produktong pampatangkad. Dito ay bumababa ang pagtingin sa mga taong may tipikal na taas kahit pa ito ay normal lang naman sa ating bansa.
 Ang pagiging maputi o matangkad ay hindi dapat gawin bilang isang pamantayan sa kung ano ang kakayahan at kagandahan ng isang indibidwal. Dapat ay magkaroon tayo ng malawak na pag-unawa na huwag magkaroon ng diskriminasyon anuman ang kulay o taas ng isang indibidwal sapagkat hindi dito nasusukat ang kagalingan o kabutihan ng tao, ito ay sa kung paano tayo makisalamuha at mamuhay nang may inia-ambag sa bayan at hindi nang ta-tapak ng kapwa natin indibidwal. Ang panghuhusga at pagbibigay ng pamantayan sa lipunan ay isang sakit na dapat solusyunan at bigyang pansin sapagkat makakaapekto ito sa pamumuhay ng bawa’t isa sa atin. Ang pagrespeto at ang pagtutulungan sa bawa’t isa ang dapat nating pairalin ng masukil natin ang isang maayos at tunay na magandang lipunan.
0 notes
misedukasyon-v · 5 years ago
Text
“Ang pagkahuli nang pakikisabay”
Sa sinasabing “makabagong panahon” na ating ginagalawan sa ngayon, naglipana ang mga kagamitan at mga paraan upang madaling makakuha ng impormasyon at makahanap nang mapaglilibangan ang nga tao. Tinatawag itong “broadcast medium” katulad ng mga telebisyon, mga social media sites or applications, mga dyaryo, ganoon na rin ang mga sinehan na nakakalat sa mga malalaking malls na pagmamay-ari ng mga mayayamang tao sa bansa. Ang mga ito ay naging mga kasangkapan nang paghubog sa ating pagtingin sa ating paligid at maging na rin sa ating mga sarili. Nagsilbing kamalayan natin ang mga palabas o mga impormasyon nakapaloob dito upang sabihin saatin na ganito natin dapat tignan ang mundo. Lalo na ang mga sinehan na siyang nagpapalabas ng samu’t-saring mga pelikula at nagiging patok naman at patuloy na tinatangkilik ng mga manonood. Nakabase ang ganda ng mga palabas sa paksa, pamamaraan at ang pananaw na nais nitong ipamahagi sa kaniyang mga manonood. At base dito, nakapokus ang mga palabas sa mga pananaw na ang mga Magaganda ang mga mapuputi, Masaya ang may palabas, Mabuti ang Inaapi at Maganda pa ang daigdig.
Sa pagpapatuloy ng ating talakayan, ang apat na pamamaraan na ito ay naaapektuhan ang paraan nang pagtingin sa ating mundong ginagalawan. Masasabi na ang apat na batayan na ito ng mga palabas sa sinehan ay nakaugat sa “estetikong kolonyal” na ang ibigsabihin ay hinahayaan tayong hanapin ang mga kagandahang panlabas na siyang mas kaaya-aya sa ating mata. Ngunit hindi kaaya-aya ang nagiging resulta sapagkat nagdudulot ito nang diskriminasyon at mababang pagtingin sa isang pagkatao kung hindi nakaalinsunod saparaan ng pagkakadisenyo nito. Nagsimula ang mga ito sa panahon nang pangongolonya ng mga Espanyol at Amerikano sa ating bansa. Nakapaloob sa konsepto ng “estetikong kolonyal” sa ating bansa, na dapat natin gayahin ang itsura, pigura, at karakter nang mga bansang sumakop saatin. Pinamukha saatin na ang ating lahi ay nasa mababang-uri- pangit ang pango, pangit ang maitim at kayumanggi, pangit at pandak ganoon nadin ang itim at kulot na buhok- ang ganiyang pagtingin ang siyang nagbura sa kagandahang mayroon ang ating pagiging Pilipino. Kung kaya’t ganoon na lamang ang pagtangkilik natin sa mga produktong imported. Mga produktong pampaputi, pampatangkad, mga pampaganda na siyang nagbabago mismo ng panalabas na itsura natin, kung ikaw naman ay mapera pupunta sa mga doktor upang turukan nang kung ano-anong pampaputi o kaya’y pampatangos ng ilong upang makasabay sa uso o kaya naman ay malayo ang sarili sa mapangmatang mundo. Gamit ang porma ng broadcast media, katulad nang sinehan noong araw, pinahihiwatig sa mga aktor pa lamang nang bawat palabas, ang mestisuhing kisig at mukha mapababae man o lalaki ay siyang nagiging batayan na bida dito at ang mga hindi kagandahang mukha, kutis at purong Pinoy ay nagsisilbing supporting actors sa palabas at sila pang nagiging api at konti lamang ang “break.” Sa pamamagitan nito ay nag aambisyon ang nakararami na gayahin ang mga ito upang sumikat din at dahil maganda ang mga katangiang panlabas ng mga kanluranin.
Ngayon na mas pinamadali maka-access sa mga bago at nakalipas na na palabas dulot ng internet ay mas mabilis din ang paglaganap nang mala-kolonyal na pag-iisip saating mga Pilipino. Ang pagtangkilik sa mga pelikulang naglalayong tayo ay sumaya, alisin tayo nang panandalian sa sakit ng ulo at problema na ating kinakaharap ay hindi natin napapansin na nilalayo na pala tayo ng tuluyan sa tunay na nangyayari sa ating paligid. Kagaya na lamang noong administrasyon ng dating Pangulong Marcos, laganap ang mga sinehan sa buong kapuluan. Ano ang layunin? Ito ay ilayo ang tingin ng mga Pilipino sa karumal-dumal na mga aktibidades, takpan ang maling hakbangin ng mga militar at ang rehimen ganoon nadin upang maisakatuparan ang mga pansariling interes ng pamilyang Marcos. Ginugugol ang mahabang oras upang manood nang mga pang-aliw na mga palabas- sinasabi pa na laganap ang mga bombang palabas noon sapagkat ito ang isa sa mga libangan noong batas militar. Hindi lamang ito, kundi narin ang mga palabas na ito ay nagsisilbing malaking impluwensiya upang baguhin ang pananaw natin sa isang bagay o konsepto. Kung ating susuriing mabuti ay iniiba nito ang mga nakasanayan natin at pinapalitan nang mala-kolonyal na perspektibo sa paniniwalang ito ay makatutulong saatin upang umangat ang estado natin sa lipunan.
Hindi lang sa mata ng mga taong nakapaligid sa kaniya ang nagiging problema ganoon nadin ang pagkakaroon niya ng inferiority complex sa kaniyang sarili, kung kaya’t kahit na hindi kaya e pinipilit padin na abutin ang mga batayang kolonyal. Mas lalong pinahihina nito ang katutubong kinagawian at mas pinalalakas ang mga dayuhang kultura sa bansa. Sa patuloy na pagpasok ng mga ito, maging ang ating ekonomiya ay nakadugtong narin sa mga imperyalistang bansa na siyang nagdidikta at nagpapabago ng ating pagka-Pilipino.
Kasabay ng komersiyo ng mga pelikula, ay ang pagbura ng moralidad sa pakikipagkapwa-tao, at ang pagpatay sa alab ng pagiging makabansa. Ang pagtangkilik sa mga dayuhang produkto at kultura ay hindi masama sapagkat pinapakita lamang nito ang ating pagiging bukas at mulat sa mga magagandang bagay mayroon ang ibang nasyon, ngunit ang nagpapasama dito ay ang layuning pagbura at pagpalit sa ating puso at isipan ng mga kulturang Pilipino na nagpapahina saatin bilag isang nasyon. Na sa pagiging bukas-palad nating mga Pilipino ay tahasang iniimpluwensyahan tayo at hinihikayat na mas pahalagahan ang kanila kaysa nang saatin. Sa paraang ito, nagbibigay daan upang maisakatuparan ang pagkontrol saating bansa, na kapag kumpleto na ang ganitong pag iisip at umabot maging sa pang-araw-araw na gawain ay mas magiging madali ito para sakanila upang napasakamay ang lahat nang mayroon tayo.
Sa yari ng mga pelikulang Pilipino, pinapalabas na ayos lamang ang pagiging parte nang mga aping taong bayad sa lipunan sapagkat dadating ang panahon na babaliktad din ang mundo, kung kaya’t ganoon na lamang ang epekto nito sa mga Pilipino na siyang direktang naimpluwensiyahan at naiimpluwensiyahan ng mga palabas na ito. Tahasan ang pagpasok nito sa pang-ekonomikong antas nang ating buhay sapagkat pinapanatili nitong nasa ibaba ang mga nasa ibaba, na sa halip, nag aantay lamang nang biyaya o himala mula sa itaas. Dito pumapasok sa konteksto ang konsepto nang masokismo, na ang pang-aabuso at pang-aalipusta ay ayos lamang sapagkat pagdatig ng araw ay magagantimpalaan ang mga nasa laylayan, na sa katotoohan ay kug wlang pagsisikap at mananatili ang pagmihasa ng mga mapang alispustang uri sa lipunan ay mananatiling api ang nakararami sa ating lipunan. Ang bawat hakbang sa pagsupil nito ay mahalaga at kung hindi magiging mulat sa mga tunay na pangyayari ay walang pag-angat na mangyayari at panay ang pasakit at kaguluhan sa daloy ng lipunan.
Sa paglalahad ng lahat ng mga ito, masasabi ang halos lahat ng mga pelikulang tampok sa takilya ay utopya ng ating pag-iisip. Hindi masama ang magkaroon nang pagbabago saating sarili ngunit kung ito ay nagtuturo nang maling moralidad ito ay dapat nang wakasan bago pa umabot sa paglala ng kamalian. Ang mga moralidad na nakalinya at kumikitil sa mga paniniwalang hindi maaaring maging totoo ang siyang dapat na maisapraktika ng bawat isa sa lipunan nang sa gayon ay hindi maghari ang masokistang pananaw ganoon na din ang hegemonyang perspektibo na nagpapanibago nang ating tunay na katauhan. At bilang pang-wakas, dangal ang mahalaga kapalit nang bastos na pagtrato ng mga pelikulang ito saatin. Sa pagsabay nating ito sa dakong-kanluraning perspektibo, tila ba ay napag-iiwanan tayo nang silangang pagtingin sa ating mga sarili’t kaugalian. Sabi nga ni Dr. Jose P. Rizal, “ Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan”
0 notes
allaboutcolleen · 6 years ago
Photo
Tumblr media
“Fotowsyut” in between commercial break! Wow, taray! Hahaha TV teh? Hahaha #Harhar! Wearing my super comfy power heels , pampatangkad sa maliit na tulad ko, from @zaneashoes ! We started 2pm, and ended the show at 8:30pm, pero keri pa rin! Laban na laban si endai! ❤️ #HostForAllSeasons #Puregold . . . . #events #emcee #kaintrepreneur2018 #kaindustriya Thanks @obm_ph !!! https://www.instagram.com/p/Bn6OrzUDKN7/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=kmjwor8o7a41
0 notes
allanidechavez-blog · 7 years ago
Photo
Tumblr media
Mga mamshies and Papshies 😍 ⠀ Get this for your kids!⠀ MEMOGRO⠀ ⠀ Makakatulong ito:⠀ 📍Pampatalino⠀ 📍Pampatangkad⠀ 📍Pampagana Kumain⠀ 📍Pang Pahealthy⠀ Order na po! sobrang approve sya! 👍🏻⠀ ⠀ For orders: ⠀ 09275078520
0 notes
yourbiggestinsecurity · 7 years ago
Photo
Tumblr media
Pampatangkad shot 😂 (at Quezon City, Philippines)
0 notes
iknowamag · 9 years ago
Video
New Year Jump!!! #NYE #pampatangkad #iknowAMAG™ (at Amag's Home)
0 notes
allanidechavez-blog · 7 years ago
Photo
Tumblr media
Parent's always wanted to GIVE THE BEST for thier children😊⠀ ⠀ Pampatalino + pampatangkad + pampagana + pampataba for your kids? Try our product ️Nworld Memogrow! ⠀ MEMOGROW for children from 1 to 12 years old. This product is DOH-FDA registered with Certificate of Product Registration (CPR) # FR95293.⠀ ⠀ MEMOGRO is a multi vitamin syrup for kids thoroughly formulated to help meet the nutritional needs of children especially during periods of increased physical activity, rapid physical growth, and more active mental development.⠀ ⠀ Moreover, MEMOGRO is a premier dietary supplement that carries all the key nutrients such as: ✅VITAMIN D3 for Strong Bones⠀ ✅TAURINE that helps develop children's cognitive function,⠀ ✅LUTEIN that helps support eye health, and⠀ ✅CHLORELLA GROWTH FACTOR to help promote growth.⠀ ⠀ For Orders/Inquiries⠀ Please Pm Me⠀ m.me/allanidechavez
0 notes
allanidechavez-blog · 7 years ago
Photo
Tumblr media
Mga mamshies and Papshies 😍 ⠀ Get this for your kids!⠀ MEMOGRO⠀ ⠀ Makakatulong ito:⠀ 📍Pampatalino⠀ 📍Pampatangkad⠀ 📍Pampagana Kumain⠀ 📍Pang Pahealthy⠀ Order na po! sobrang approve sya! 👍🏻⠀ ⠀ For orders: ⠀ 09275078520
0 notes