Tumgik
#pag anito
lethalwitchhh · 8 months
Text
hi po is there bad ancestors po ba? like I'm really scared to do Pag anito because I might attract wrong spirit or bad ancestors. PLSSS HELP
2 notes · View notes
pinoy-culture · 2 months
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
✨️ LAST DAY TO PRE-ORDER BOOKS IS TODAY!!!✨️
If you're interested in pre-ordering any of the pre-order books, the deadline is today! Afterward, I will be taking a break from pre-order books to focus on restocking some candles, handmade jewelry, my long awaited pag-anito anointing oil, and some herbal salves & medicine.
I am also working on doing themed pre-order boxes again! I'll be working on a Halloween/Undas themed box for October! Pre-orders for that box will start at the end of August. Expect some candles inspired by various creatures in the Philippines from the aswang to the tikbalang. I'm pretty excited about this box. 💀🖤
➡️ Head on over to hirayabotanicals.com to pre-order books or snag a copy of a book already in stock. Browse through several jewelry pieces straight from the Philippines and handmade candles dedicated to the deities or inspired by Filipino food.
49 notes · View notes
yoga-onion · 2 years
Photo
Tumblr media
[Image above: Diwata by Charisse ‘Dadis’ Melliza]
Legends and myths about trees
Legendary tree deities (1)
Anito - Nature Spirits, Aminist Beliefs of Ancient Filipinos
Anito is used to refer to spirits, deceased ancestors, nature-spirits nymphs and diwatas. Ancient Filipinos kept statues to represent these spirits, ask guidance and magical protection. Trees, rocks, bodies of water, and animals were believed to be animated by an anito. Pre-colonial Filipinos were animistic. They believed that everything has a spirit, from trees and rocks to animals and humans to natural phenomena.
It can also refer to carved humanoid figures, the taotao, made of wood, stone, or ivory, that represent these spirits. Anito is also sometimes known as diwata in certain ethnic groups.
Animist beliefs involve both the observed physical world and the unseen spirit world. What happens in one world, affects the other. In the seen world, nature is believed to be alive. Trees, caves, mountains, rocks and lakes are often viewed as sacred places where engkanto, or anitos dwell.  Animals may also be embodiments of spirits. They believed that everything was connected and that you could not take away without giving back. They created a sustainable life in their surroundings.
Pag-anito refers to a séance, often accompanied by other rituals or celebrations, in which a shaman acts as a medium to communicate directly with the spirits. The act of worship or a religious sacrifice to a spirit is also sometimes simply referred to as anito. In most Filipino ethnic groups, the shaman was almost always a woman. The few men who achieved shaman status usually dressed as women and lived as women (even if married to men).
The major Pag Anito rituals are centred around seances. Because of their special relationship with their fellow spirits, the shaman acts as a medium for other anitos, allowing the spirits to temporarily possess a body. This possession occurs after the shaman has entered a trance-like state. This allows the spirituality to be communicated verbally with the participants, as well as physically enacting events in the spiritual world. At the moment of occupation, shamans display changes in behaviour and voice. They sometimes have fits and become violent to the point of needing to be restrained. The ritual ends when the spirit leaves and the shaman wakes up.
Tumblr media Tumblr media
木にまつわる伝説・神話
伝説の樹木の神々 (1)
アニト〜自然の精霊たち、古代フィリピン人のアミニズムの信仰
アニトは、精霊、亡くなった先祖、自然の精霊であるニンフ、ディワタなどを指す言葉として使われる。古代フィリピン人は、これらの精霊を象徴する像を置き、導きと魔法の保護を求めた。 木、岩、水、動物などは、アニトによって動かされると信じられていた。植民地時代以前のフィリピン人は霊的存在への信仰(アニミズム)であった。木や岩、動物や人間、自然現象など、すべてのものに魂が宿っていると考えていた。
また、これらの精霊を象徴する木、石、象牙などで作られた人型の彫刻「タオタオ」を指すこともある。また、アニトは、特定の民族ではディワタと呼ばれることもある。
アニミズムの信仰には、観察された物理的な世界と目に見えない霊的な世界の両方が関わっている。一方の世界で起こったことは、もう一方の世界にも影響を及ぼす。目に見える世界では、自然は生きていると信じられている。 木、洞窟、山、岩、湖は、しばしばエンカント、またはアニトたちが住む神聖な場所とみなされている。 動物もまた、精霊の具現化である場合がある。彼らは、すべてがつながっており、お返しをしない限り奪うことはできないと信じていた。 彼らは、周囲の環境の中で持続可能な生活を営んでいた。
パグアニトとは、しばしば他の儀式や祝典を伴う降霊会のことで、シャーマンが霊と直接交信するための媒体として機能するものである。また、精霊への崇拝や宗教的な犠牲の行為を単にアニトと呼ぶこともある。大多数のフィリピンの民族グループでは、シャーマンは選ばれた存在であり、ほとんど常に女性であった。 シャーマンの地位を獲得した少数の男性は、通常、女性の格好をして、たとえ男性と結婚しても、女性として生活していた。
シャーマンは、仲間の精霊と特別な関係にあるため、他のアニトの媒介者として機能し、精霊が一時的に身体に憑依することを許可する。この憑依は、シャーマンがトランス状態になった後に行われる。そのため、霊的なことを参加者に言葉で伝えることができ、また、霊界の出来事を物理的に再現することができる。憑依の瞬間、シャーマンは行動や声の変化を見せる。彼らは時々発作を起こし、拘束する必要があるほど暴力的になる。儀式は、霊が去り、シャーマンが目を覚ますと終了する。
166 notes · View notes
elisolf4ctory · 8 months
Text
Sabi ng nursing student ko na kaibigan, lub-dub daw tunog ng tibok ng puso. Pero 'di ako talaga naniniwala, siguro para sa'kin isinasabuhay ko 'yung "to see is to believe," 'yung tipong dapat makita o ma-experience ko muna bago ako maniwala. Napailing na lang ako, natatawa sa pinaglalaban ko sa isip.
Natigilan na lang ako nang bigla akong may marinig sa paligid— malapit sa akin. Parang dambuhalang yabag, na hindi ko mawari kung ano. Luminga-linga ako upang hanapin kung saan nga ba nanggagaling 'yung tunog. Para bang dambuhalang kuneho na ang lakas ng pagfoot thump! Ngunit natigilan ako nang may natanto ako.
Lub-dub-lub-dub-lub-dub
Awit. Napapikit ako nang mariin nang matanto kong parang sa akin nanggagaling 'yung tunog na 'yun. Inilagay ko ang kanang palad ko sa may dibdib at pinakiramdaman ko ito. Para bang bumagal ang takbo ng paligid at ang tangi ko lang naririnig ay ang malakas na pagtibok ng puso ko.
“Huy, ayos ka lang ba?”
“Naglulupang hinirang ka ba r'yan?”
Imbis na sagutin ang tanong ay nanlaki ang mata ko nang lalong bumilis ang tibok nito— Lub-dub-lub-dub-lub-dub-lub-dub-lub-dub— nang marinig ko ang tanong ni Yosef, kaibigan ko. Napaangat ako sa kaniya ng tingin at pinakiramdamang muli ang sarili habang nananatili pa ring nakahawak sa sariling dibdib. At shocks! Ganun pa rin, mabilis pa rin ang pag-lub-dub niya.
Snap!
Para akong nabalik sa wisyo nang pumitik siya sa harapan ko. Natatawa niya akong tiningnan.
“Alam mo, tunaw na 'yung paper straw ng iced coffee mo. Inumin mo na 'yan, kaysa magbayang magiliw ka r'yan mag-isa,” anito. Namula naman ako sa kahihiyan— o siguro dahil may napagtanto lang din ako. Siya ang dahilan ng malakas na lub-dub ng dibdib ko— matagal ko na sigurong rinig pero pilit kong tinatanggi.
Sa sinabi niyang 'yun ay saka ko lang ulit naalala na nasa isang coffee shop nga pala kami ni Yosef kung saan napagplanuhan naming sabay magreview— at doon ko lang din tinanggap, na shet, may nararamdaman ako sa kaibigan ko.
6 notes · View notes
anitosoul · 2 years
Text
Tumblr media
PAG-ANITO SÉANCE
youtube
Live at Elsewhere w/ planetqueer for HE.SHE.THEY 5th Anniversary, Feb 18 2023
my favorite dj set yet
every track was selected very intentionally with a mix of my current fav club sounds, tracks by filipino creators, my own production, edits of some of my favorite songs from throughout the years, and songs by my friends. Pag-anito refers to a séance, often accompanied by other rituals or celebrations, in which a shaman acts as a medium to communicate directly with the spirits.
thanks again to @planetqueer_nyc, @he.she.they, and @elsewherespace, and @mf_butch & @meerajkothari for holding it down in the loft all nite long. I wouldn’t have had the opportunity to do any of this without the support of my friends and community, so i wanted to use this post to highlight the tracks made by my friends that i used in my set. thanks to all of u so much for collaborating, teaching, supporting, and sharing in this musical journey—can’t wait to see how we all continue to evolve!!
2 notes · View notes
hayasakaily · 4 years
Text
“It’s More Fun in Zambales”
-Marjorie Ruiz at Angel Mhae G. Manalo
Magandang araw! Heto na naman tayo sa isang panibagong kabanata ng, “Tatlong Araw na Paglalakbay sa mga Natatanging Lungsod at Probinsya sa Pilipinas.” Sa kabanatang ito, kayo ay aming inaanyayahang samahan kaming tuklasin ang ilan sa mga natatanging pook at kaganapang matatagpuan at mararanasan sa kahali-halinang probinsya ng Zambales.
Tumblr media
Ngunit, bago ang lahat, atin munang alamin ang kasaysayan ng probinsiya ng Zambales.
 Kasaysayan
Taong 1572, nang unang nakarating si Juan de Salcedo, isang Espanyol, sa Cape Bolinao, isang lugar sa Zambales. Ang pagdating ng mga Espanyol ng nakapagpalaya sa nasabing probinsiya, kaya naman, madaling napalagay ang loob ng mga Zambal sa kanila. Ang salitang Zambal, ang terminong tumutukoy sa mga taong naninirahan sa Zambales, ay nagmula sa salitang Malay na “Sambali,” na nangangahulugang “pagsamba” sa Ingles. Ito ay dahil sa tradisyon ng mga ninunong-Zambal na pagsamba at paniniwala sa mga espiritong kung tawagin nila ay mga Anito. Kalaunan, bunga ng impluwensiya ng mga Espanyol, ang dating Sambali ay napalitan ng salitang “Zambal.” At dito, mula sa salitang ito, hinango ang salitang Zambales. 
Noong ika-16 na siglo, naitatag at nakilala bilang isang probinsya ang Zambales. Ito ay kabilang sa mga kauna-unahang probinsyang nabuo noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Sa pagkakatatag ng probinsiya, orihinal na kabilang sa sakop nito ang pitong bayan mula sa Cape Bolinao hanggang sa Subic. Karamihan sa mga lugar dito ay sira na nakatuon sa paligid ng Subic na dating kinatatayuan ng isa sa mga pinakamalaking mga baseng pinamamahalaan ng mga Amerikano. Sa malawak na katubigang pumapalibot sa Subic matatagpuan ang  humigit-kumulang dalawampu’t limang barko ng Hapon na nalubog sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Bagaman karamihan ay nakabatay sa sabi-sabi, pinaniniwalaan na hindi bababa sa sampung mga barko ang nananatiling nasa ilalim ng Subic. 
Sa paglipas ng panahon, ang Zambales ay naging tahanan na rin ng ilang mga pangkat-etniko sa Pilipinas. Isa sa mga kauna-unahang katutubong Pilipinong tumungo sa isla upang mamalagi at manahan ang ay ang tribu ng mga Aeta. Sinasabing sila ay unang nagtungo rito mahigit 10, 000 taon na ang nakalipas.
Sa kabila ng mga naging pagkasira sa probinsya dulot ng mga gera noong unang panahon, nanatili ang natural na kagandahan ng Zambales. Sa katunayan, kilala ang probinsyang ito dahil sa mga naggagandahan nitong mga pasyalan at tanawin.Dahil sa likas na kagandahan ng probinsya, ito ay lubos na tinangkilik mga turista, dagdag pa rito ang masasarap na pagkain na hindi mo malilimutan. 
Tumblr media
Dahil sa mga kahali-halinang pook sa Zambales, maging kami ay naengganyong bisitahin ang probinsya. Kaya, tara! Samahan ninyo kaming balikan ang aming paglalakbay sa napakagandang probinsya ng Zambales.
#1 - Paynauen “Duyan” Festival 
Tumblr media
Sa unang araw ng aming paglalakbay sa Zambales, saktong pagdiriwang ng  Paynauen “Duyan” Festival, isa sa mga pinakakilalang pagdiriwang sa lungsod ng Zambales. Bilang naroon na rin kami, hindi na namin pinalampas ang pagkakataong makilahok sa pagdiriwang ng nasabing kapistahan. 
 Ang Paynauen Festival, na idinaraos sa Iba, Zambales, ay isang pagdiriwang na gumugunita sa araw ng pagkakatatag ng lalawigan noong taong 1611. Ang Paynauen ay isang salitang Sambal na hinango sa salitang “painawawan,” na nangangahulugang “pahinga o pahingahan.” Ito ang sinaunang pangalan ng Iba, bago itinatag ng mga mananakop na Espanyol ang nayon sa baybayin ng Bancal River noong 1611. Nakilala ang Iba sa pangalang ito sapagkat ito ay nagsilbing pook-pahingahan ng mga Kastila noong unang panahon. Sa kabilang banda, ito rin ay tinatawag na Duyan Festival, sa kadahilanang ang duyan ay itinuturing din bilang simbolo ng pagpapahinga.
 Ang pagdiriwang ay ideya ng dating Bise Alkalde Benjamin Farin, Jr. Nagtatampok ito ng kumpetisyon at eksibit ng larawan o litrato, sand sculpture competition, skateboarding, sabong, karera ng mga kalabaw, pagpapalipad ng mga saranggola, karera ng mga banka, paligsahan sa boksing, street dancing at Duyan Parade, Binibining Paynauen, at iba pang mga aktibidad.
Ang pagdiriwang ay sinimulan sa pamamagitan ng kanilang tradisyunal na Duyan Parade na nagtatampok din ng streetdancing. Dito aming natunghayan ang magagarbo at makukulay na kasuotan na talaga namang pinaghandaan ng mga kalahok ng parada. Kaakibat nito ay ang mga napakasayang tugtugan na lalong bumuhay sa selebrasyon. Isa pa sa mga lalong nagpasaya sa parada ay ang mga ngiting masisilayan sa labi ng bawat tao, hindi lamang sa mga kalahok ng parada, kundi pati na rin sa mga tulad naming manonood. Dagdag pa rito, makikita rin ang ilang nagsasayawan sa saliw ng mga trumpeta at tambol.
Matapos ang parada, nagkaroon naman ng kumpetisyon at eksibit ng mga larawan o litratong nagtatampok sa maksaysayang nakaraan ng Iba, na kung tawagin ay “Balik-Tanaw Exhibit.” Dito ay muling tinuklas ang naging paglago ng bayan sa mga nagdaang taon. Mula rito, aming natunghayan ang pag-unlad at pagbabago ng lugar, mula sa unti-unting pagdami ng mga establisimyento hanggang sa pagpapaganda sa iba’t-ibang mga atraksyon ng pook. Dahil dito, aming napagtanto na talagang napakalaki na ng naging pagbabago sa bayan ng Iba. Dati ay isa lang tradisyunal na lugar na may simpleng pamumuhay, ngayo’y nabago na rin ng sibilisasyon.
Sa pagtatapos ng eksibit, nagsimula na ang iba’t ibang aktibidad at paligsahang parte rin ng selebrasyon. Sa isang banda, makikita ang mga batang masayang nagpapalipad ng kanilang makukulay na mga saranggola. Sa kabila nama’y naroon ang mga kabataang nagpapakitang gilas sa skateboarding. Maririnig din ang umuugong na hiyawan ng mga pumusta sa sabong ng mga manok, o hindi kaya nama’y sa karera ng mga kalabaw. Bukod pa rito, mayroon ding naganap na paligsahan sa tabing-dagat kung saan itinampok ang talento ng mga kalahok sa pag-ukit gamit lamang ang buhangin.
Pagdaan ng maghapon, natapos na din ang ilan sa mga paligsahan at aktibidad. Ngunit, hindi pa rito nagtatapos ang selebrasyon. Buhat dito, sinimulan na ang preparasyon sa pangunahing kaganapan ng selebrasyon—ang Binibining Paynauen. Pagsapit ng dilim, ipinakilala na ang mga nagniningning na mga kalahok. Matapos magpakilala ay nagpatuloy na sa iba pang bahagi ng paligsahan tulad ng swimsuit at evening gown competition. Nagkaroon din ng talent portion, kung saan itinampok ang iba’t ibang talento ng mga kalahok sa pagkanta, pagsayaw, pagguhit, at marami pang iba. Bilang pagtatapos, nagkaroon din ng question and answer portion na sumukat sa talino ng mga binibining kalahok. 
Tunay kahanga-hanga ang selebrasyong ito. Hindi na nakapagtataka na isa ito sa mga pinakakilalang pagdiriwang sa probinsya. Masasabi naming tugmang-tugma ang pangalan ng pagdiriwang na ito. Tila kami ay dinala sa ibang dimensyon na malayo sa nakakapagod na mundo. Sulit na sulit ang unang araw ng aming paglalakbay dahil sa napakasayang pagdiriwang na ito!
Tumblr media
#2.1 - Mt. Pinatubo 
Tumblr media
Kinabukasan, nagtungo na kami sa isa sa mga pinakamakasaysayang pook na matatagpuan sa Zambales, ang Mt. Pinatubo. 
 Ang Mt. Pinatubo ay isa sa mga pinakatanyag na bulkan hindi lamang sa Pilipinas, kundi maging sa buong mundo. Nakaukit na sa kasaysayan ang historikal na pagputok nito noong taong 1991, na itinuturing na pangalawang pinakamatinding pagsabog sa ika-20 siglo. Ang naturang pagsabog ay nakapagdulot ng malubhang pinsala sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas higit lalo na sa Zambales, Pampanga, at mga karatig na lugar. Daan-daang pamilya ang nawalan ng mga kabahayan at mahal sa buhay at milyon-milyong halaga ng pinsala sa mga establisimyento at iba pang kabuhayan ang naitala. Ngunit, sa kabila ng malagim na nakaraan ng Pinatubo, hindi maipagkakaila ang likas na kagandahang taglay ng bulkang ito. Kaya naman, ang nasabing bulkan ay tinaguriang, “beautiful disaster.” 
Hindi na namin pinalampas pa ang pagkakataon upang matunghayan ang kagandahan ng makasaysayang bulkang ito. Kaya naman, aming napagdesisyunang sulitin ang ikalawang araw ng aming paglalakbay sa Pinatubo. Sakay ng isang all-terrain vehicle o ATV, aming tinahak ang mabatong daan tungo sa Pinatubo Crater Lake. Sa pagdating namin sa lawa, kami ay sinalubong ng kamanha-manghang kagandahang humulas sa lahat ng pagod na aming nadama mula sa mabatong paglalakbay. Pagbaba namin ng ATV ay aming nasilayan ang mala-kristal na tubig mula sa lawa. Bukod pa rito, amin ding natunghayan ang kagandahan ng bulkan ng mas malapitan. Mula rin sa itaas, mas lalo naming nakita ang mga magagandang tanawin sa ibang lugar. Dito, aming napatunayan na talagang mayroong kagandahan sa likod ng bawat karimlan. 
Ngunit, maliban sa kagandahang aming natunghayan mula sa bulkang ito, isa pa sa mga tunay na hindi namin malilimutan ay ang aming naging pakikisalamuha sa grupo ng mga Aeta na gumabay sa amin sa aming paglalakbay. Sa kabila ng pagkakaiba ng aming kinagisnan, hindi ito naging hadlang upang kami ay magkaroon ng maayos na samahan. Bukod sa kanilang kabutihang taglay, kami ay lalong napahanga sa kanilang tunay na pagmamahal sa kalikasan. Talagang pinangangalagaan nilang maigi ang mga likas-yaman sa lugar. Dahil sa kanila, mas lalo naming natutunang pahalagahan ang kalikasan at mga natural nitong yaman. 
#2.2 - Botolan Wildlife Farm
Tumblr media
Matapos naming bisitahin ang lawa ng bulkang Pinatubo, sunod naman naming binisita ang mga natatanging hayop na matatagpuan sa Botolan Wild Farm. 
Ang Botolan Wild Farm ay isang ranch o mini zoo na itinatag nina Martin at Juvy Zooler, mga zoologist mula sa Switzerland, noong 2000. Ang 55,000 sqm. na lugar ito ay nagsisilbing isang tirahan para sa malawak na hanay ng mga kakaibang mga hayop at halaman sa buong mundo. 
Sa aming pagpasok, nakita namin ang iba’t ibang uri ng hayop at halamang hindi pa namin nakikita noon. Kabilang sa mga natatanging hayop na nakita namin sa lugar na ito ay ang Heron o Tagak sa Tagalog, Horned Owl, Philippine Eagle Owl, Sun Parakeet, at iba pang mga ibon. Amin ding nakita ang Brahminy Kite, isang uri ng ibong orihinal na matatagpuan sa Pilipinas, na ngayon, sa kasawiang-palad, ay tinuturing na bilang endangered species. Dagdag pa rito, nakilala rin namin ang iba pang mga hayop kabilang na ang Philippine Brown Deer, Siberian Tiger, Iguana, at ang Crab Eating Macaque. 
Kahit na hindi kami gaanong nakakuha ng litrato sa karanasang na ito, nananatili namang sariwa sa aming mga alaala ang mga natatanging hayop na aming nasilayan dito. Hindi na talaga kailangang lumipad pa sa Africa upang makaranas ng isang paglalakbay sa safari. Ngunit, sa kabilang banda, sa karanasan ding ito aming napagtantong tayong mga tao, na naatasang maging tagapangalaga ng kalikasan at ng mga buhay na matatagpuan dito, ay siya pang nagdudulot ng panganib sa mga ito. Kaya naman, inaasahan naming inyo ring matutunang pahalagahan at pangalagaan ang kalikasan, kabilang na ang mga hayop, sapagkat, hindi na natin sila magagawang ibalik o palitan kapag sila ay tuluyan nang naubos at nawala. 
#3 - Ina Poon Bato Chapel
Tumblr media
Sa ikatlo at huling araw, aming tinapos ang paglalakbay sa pamamagitan ng pagbisita sa milagrosang Ina Poon Bato Chapel. 
Ayon sa mga kasabihan sa kasaysayan, ang mga Aeta ay sumasamba sa isang kahoy na estatwa na nakalagay sa isang bato noong ika-17 siglo nang simulan ng Espanya ang kolonisasyon nito ng bansa. Ang imahe ay di-nagtagal na naiugnay sa Birheng Maria, na nagtulak sa Simbahang Katoliko na i-dub ang imahe bilang Ina Poon Bato (Mother of the Lord Rock).
Habang ang kapilya ay nawasak ng pagsabog ng Pinatubo noong 1991, ang imahe ng Ina Poon Bato ay nakaligtas at kalaunan ay inilipat sa isang malapit na kapilya. Dahil sa tila-milagrong pangyayaring ito, dinadagsa ng mga deboto ang kapilya upang magpasalamat o manalangin at humiling ng mga himala sa imahe.
Hindi na namin pinalampas pa ang pagkakataong ipanalangin ang aming mga pansariling kahilingan sa milagrosang imahe ng Ina Poon Bato. Sa aming pagpasok sa kapilya, kami ay binungaran ng napakaraming deboto na nais ding humiling sa Ina Poon Bato. Sa kabila ng matagal na paghihintay upang magkaroon ng tyansang makalapit sa banal na imahe, naging sulit naman ang lahat nang amin na itong nahawakan. Bagaman sandaling panahon lamang ang aming itinagal sa harap ng imahe, nanatili sa aming mga puso ang presensya ng Ina Poon Bato hanggang sa aming pagkawalay dito. Matapos naming manalangin, sunod naming nilibot ang kapilya ng Ina Poon Bato. 
Marahil, kumpara sa mga nauna naming destinasyon, ito ay bahagyang kakaiba. Bagaman wala kaming nasilayang magagandang tanawin o nasubukang kakaibang gawain, ang karanasan namang ito ay nakapagdulot sa amin ng isang kagalakan sa loob na hindi namin matatamo mula sa kahit anong materyal o pisikal na bagay. Tunay na perpektong paraan upang tapusin ang aming paglalakbay.
Konklusyon
Bilang konklusyon, ang pagbisita sa lungsod ng Zambales kahit sa maikling panahon ay nagbigay ng panibagong kaalaman sa amin. Natuklasan namin na hindi na natin kailangan pang dumayo sa ibang bansa para lang makapasyal sa magagandang mga pook o makaranas ng mga kakaibang gawain, sapagkat sa sarili nating bansa ay mayroon tayong maipagmamalaki. Bukod pa rito, amin ding napagtanto na importante ring bisitahin natin ating mga likas na yaman ng sarili natin bansa at tuklasin ang nakaraan nito. Ito ay makakatulong upang mas mapalawak pa natin ang ating kaalaman tungkol sa kasaysayan ng mga iba’t ibang lungsod na mayroon tayo.  Ang bagay na ito ay isang paraan upang mas mahubog ang ating pagiging Pilipino.  Sa paraan na ito, mas makikilala ng sambayanan ang kagandahan na mayroon ang Pilipinas, ang Perlas ng Silangan. 
Mga Sanggunian:
https://playintourist.blogspot.com/2017/08/botolan-wildlife-farm-playing-tourist.html
https://www.google.com/search?safe=active&rlz=1C1CHBF_enPH932PH932&sxsrf=ALeKk02oCH45WZIGPIN93hzEdkZJFQNa2w:1613399525965&source=univ&tbm=isch&q=picture+of+all+destination+in+zambales&sa=X&ved=2ahUKEwi2sIDNjezuAhUUw4sBHc4xBeEQjJkEegQIDRAB&biw=1536&bih=7
https://playintourist.blogspot.com/2017/01/ina-poon-bato-visit-to-miraculous.html
https://www.detourista.com/guide/zambales-attractions/
https://sites.google.com/site/philippinesthebeautywithin/reg-3-central-luzon/zambales
1 note · View note
feelineuphoric · 4 years
Photo
Tumblr media
Ang mga Ivatan ay itinuturing na mga taong masayahin, mabait at matapat. Ngunit sila din ay may kakayahan sa sarili, masipag, tipikal na mahiyain at mahinahon. Maliit lang ang kaalaman ng mga tao tungkol sa mga Ivatan, at itong kaliitan na kaalaman sa kanila ay ang rason kung bakit iniisip natin na: grabe, ang unique nila. 
Ang tawag sa mga naninirahan sa Batanes ay Ivatan. Ang mga Ivatan at isang pangkat-etniko sa Pilipinas. Sa tatlo lamang sa sampung islang bumubuo sa Batanes sila matatagpuan: Itbayat, Batan, at Sabtang. 
Paraan ng Pamumuhay
Ang mga Ivatan at naninirahan sa mga bahay na gawa sa bato upang maprotektahan sila sa init, ulan, hangin sa mga mababangis na hayop at iba pang mga panganib na dala ng dalawang panahon sa Pilipinas. Meron din namang mga iba na gumagawa ng mga bahay kubo at doon sila naninirahan. Karaniwan sa kanila ang pagsusuot ng Vakul na isang head dress na gawa sa damo na kanilang ginagamit upang maprotektahan sila sa sinag ng araw at ulan. Ito din ay ginagamit nila tuwing sila ay naghahanap-buhay. Ang hanap-buhay ng mga Ivatan ay pagsasaka, at pangingisda dahil sila ay mayaman sa mga gulay at isda.
Kultura
Ang mga Ivatan ay naniniwala sa mga pamahiin. Isang halimbawa dito ay naniniwala sila sa kabilang buhay kaya pinababaunan nila ang kanilang mga patay ng ilang kagamitan. Ang kultura ng mga Ivatan ay isa sa mga pinaka-matanda sa buong Pilipinas. Sinasabing ang mga ninuno ng mga Ivatan ay nanggaling sa timog Taiwan 3,500 taon na ang nakakaraan at ginawang tulay ang Batanes upang makarating na sa mga malalayong lugar tulad ng Indonesia at Micronesia. Ang kultura nila ay pareho rin sa kultura ng mga tribo sa Lan Yu (timog Taiwan), dahil sa ang kanilang wika, ang Yami, ay medyo hawig sa Ivatan. Isa pang tribo na ikinukumpara ang mga Ivatan ay sa mga isla ng Riyuku na matatagpuan sa timog Hapon. 
Ang kanilang wika ay katangi-tangi dahil sa kakaibang bokabularyo at pagbigkas nito na hindi tipikal na wika sa Pilipinas. May similaridad ang wika ng mga Ivatan sa wika ng hilagang Luzon tulad ng mga Ilokano at Ibanag, ngunit at ang kanilang wika ay may malakaing pagkakatulad ng wika sa timog Taiwan, ang Yami, na wika ng mga katutubong Lanyu noon. 
Dahil ang Batanes ay binubuo ng maraming isla, hindi sila masyadong nagkakaintindihan dahil sa Batan pa lamang ay may dalawang dayalekto na ng mga Ivatan ang natatagpuan, meron pa, ang Isamurungen na ginagamit sa mga munisipalidad ng Mahatao, Ivana, Uyugan, at Sabtang. Hindi masyadong magkakaiba ang dalawang dayalekto ngunit ang pagkakaiba nila ay ang pagbigkas. May isa pang diyalekto ang Ivatan, ang Itbayaten. Ito ay ginagamit sa isla ng Itbayat. Ang isang taga-Batan o Sabtang na makapunta sa Itbayat sa unang pagkakataon ay hindi kaagad nakaunawa ng diyalekto nila roon. Sinasabi pa na ibang lengguwahe na ang Itbayaten dahil hindi na halos maintindihan ang kanilang salita. Ang huling dayalekto ng Ivatan ay ang Ibatan, ang wika sa Babuyan Islands na parte na ng Cagayan. Mas magkatulad pa sila ng Itbayaten kaysa sa Ivasayen at Isamurungen.
Tradisyon at Paniniwala
Isa sa kanilang tradisyon ang magtayo ng mga bahay bato dahil sa kanilang likas na panahon upang sila ay maprotektahan laban sa mga malalakas na hangin. Meron din silang tinatawag na Laji. Ito ay ang kanilang tradisyunal na literary-musical na kung saan ang isang maikling tula ay kinakanta ayon sa tiyak na pag-aayos o himig ng musika.
Maliit na bahagi lamang ng mga Ivatan ang Katolika dahil karamihan sa kanila ay naniniwala sa mga Anito at sila’y sumasamba sa kanilang mga ninuno na tinatawag nating mga Anito.
Credits:
https://batanes11.tumblr.com/
http://www.rdc2.gov.ph/invest/batanes/index.php/tourism/must-know
https://www.academia.edu/31964419/IVATAN_Historikal_na_Kapaligiran
1 note · View note
halarachild · 4 years
Text
Uulan na naman.
Sobrang bigat sa pakiramdam.
Isang malaking punyeta. Ewan. Nakakapagod na. Dumagdag pa ang trapik sa EDSA kanina. Nakakainit ng ulo.
“Pengeng yosi.” Isang babae ang humablot sa hawak kong istik ng sigarilyo.
Sino ba ‘to?
Siraulo pa yata. Nakasuot ng hospital gown.
“May pansindi ka?” aniya na parang close pa kami. Sirang-sira na ang araw ko, pati ba naman gabi ko?
“Miss, pumapatay ako ng tao na feeling metoyo sa utak.”
Tumawa siya. Napahawak pa siya sa railings. “Ang harsh. Hindi ka ba naaawa sa akin?”
“Kilala ba kita? Ano, idadahilan mo rin na mamamatay ka na kaya ka nambuburaot? Mahal ang yosi. Akin na ‘yan.”
Sinubukan kong kunin. Kaso mabilis ang kamay.
“Kung mahal pala, ba’t ka pa bumili?”
Timpi pa kaunti. Ayaw kong makasuhan ng physical abuse. May kaya ako, pero mahal pa rin magbayad ng piyansa at abogado.
“Pucha, ‘edi sayo na, lumayas ka na sa harapan ko. Kung mamamatay ka na, huwag ako hingan mo ng tulong. Punta ka sa simbahan, baka sakaling may makinig pa sayo.”
Natawa siya ulit. Ang sigarilyong sinikmat niya sa akin ay binitawan niya saka tinapakan, pagdaka’y tumingin sa akin. “Hindi pa naman ako mamamatay. Pakiramdam ko nga ay mauuna ka pa kung ‘di kita nilapitan ngayon. Mukhang ang deep ng problema mo. Huwag naman dito sa overpass.”
“Footbridge ‘to.” Tanga, gusto kong idagdag, pero ayaw ko namang ipasa ang sinasabi ng ama ko sa akin araw-araw.
Hindi na ako nagsalita pagkatapos nun. Pagod ako. Ayaw kong makipagtalo. Ayaw kong dumakdak.
Katahimikan.
Buntung-hininga.
Ugong ng mga sasakyan.
Tapos ‘di na ito nakatiis, nagsalita.
“Kailan kaya tayo maririnig ng mga taong mahal natin?” tanong niya bigla.
“Kung patay ka na,” sagot ko nang ‘di siya sinusulyapan.
“Ang morbid mo naman,” aniya.
“Morbid kung morbid. Ganu’n naman talaga, saka lang may pakialam ang mga taong nakapaligid sa’yo kung mayaman ka, kung may ‘itsura ka, at kung bangkay ka na.”
Natahimik siya saglit tapos muling nagsalita.
“Mukhang ambigat talaga ng problema mo.”
Umiling ako. “Pagod lang. Sa trabaho, sa bahay, at sa dati kong kasintahan na sigurado naman akong ni minsan ay ‘di ko pinasukan. Buntis. Panagutan ko raw kasi mamamatay na. Isang taon na nakalipas. Umusad na ako, tapos biglang manggugulo? Makapal mukha ko pero dumoble ‘yung sa kaniya. Nakakabaliw.”
Nakakautas at nakakasaltik ng utak. Matapos niya akong lokohin nang paulit-ulit, may gana pa siyang ibandera ang kataksilan niya sa akin?
“Mabigat ‘yan. Ilabas mo.”
Ngumisi ako. Siya ang unang nagsabi na mabigat ang problema ko.
“Para sa iba, ang gaan ng problema ko. Wala raw ako karapatang magreklamo, magmaktol o magdrama kasi mas marami pa raw taong may mas mabibigat na pasan. Magpasalamat pa nga raw ako kasi ito lang ang nararanasan ko.”
“At naniwala ka naman?” anito.
Sumulyap ako sa gawi niya. Nakatingin na ito sa pagsisimula ng panaka-nakang patak ng ulan.
“Lahat ng tao ay may karapatang makaramdam ng depresyon o ng frustration o ng kahit anong pakiramdam. Hindi mo kailangan ipagpasalamat na hindi mas malubha at mas mabigat ang pasan mo kumpara sa iba, kagaguhan ‘yan.”
‘Di ako nagkomento.
Hindi ko alam kung sa’n papunta ‘tong takbo ng usapan. Na-engganyo na akong makinig.
“Kung hindi ka okay ngayon, hindi ka okay, sang-ayon man ang iba o hindi. Bakit kasi kailangan nilang sabihin na dapat maging okay ka kasi hindi ikaw ang nasa sitwasyon ni ganito o ni ganiyan? Kapag ba pinalayas ako sa bahay, magpasalamat at huwag akong malungkot kasi pinalayas lang ako, hindi binigwasan tulad ng iba? Kapag ba ginahasa ako, magpasalamat ako at huwag malungkot kasi hindi ako pinatay? Kapag ba bumagsak ako sa unang take ko ng bar exam na pinaghirapan ko ng ilang taon, magpasalamat ako at huwag magdrama kasi ‘yung iba ilang take na ‘di pa rin pumapasa? Dapat huwag malungkot? Hindi ako entitled na magdrama kasi mas dramatic ang experience ng iba kaysa sa akin? Nakakabobo naman pala ang mundong ‘to kung ganu’n.”
Ewan ko. Bigla akong natusok sa pinagsasabi niya. Tagos na tagos.
May punto naman.
“Kung laging sasabihin natin na ‘there are people who have it worse than you’, then logic suggests na may isang tao lang dito sa mundo na may karapatang makaramdam ng sobrang sakit, na iisang tao lang ang dapat magsuot ng korona ng 'may pinakamalubhang pasanin' sa buong planeta. Anong kuwenta non? That one person is not the only one who is allowed to be unhappy with their baggage in life.”
“Walang ranking para sa sitwasyon ng bawat indibidwal o kung alin ang “better” o “worse.” Opinyon ko lang, dapat tigilan mo nang ikumpara ang ‘bullshit times’ mo sa iba. ‘Di pare-pareho ang kapasidad ng bawat tao sa pag-handle ng sakit. May mga taong sobrang sensitibo at may mga hindi.”
Ibang klase ‘tong babaeng ‘to.
“Lahat ng klase ng pasanin, ng mabibigat na problema, ng troma, ng sakit, at iba pa ay valid. They all can be difficult for each person. They’re all relevant. May kaniya-kaniyang kakayahan ang puso ng tao sa pag-inda ng sakit. May malalakas, may sakto lang, may mahihina.”
Tahimik lang ako.
“Magdrama ka, magalit ka, ma-frustrate ka, ma-stress ka. Karapatan mo 'yan. Okay lang ‘yan kasi tao ka. Huwag ka lang tumambay nang sobrang tagal na pasan-pasan mo ang bigat sa dibdib mo. Huwag mo lang hayaan na malunod ka at tangayin ka ng alon. Langoy ka hanggang kaya mo. Panatilihin mo ang ulo mo sa ibabaw ng tubig. Huwag susuko. Kasi kung may karapatan kang malungkot, may karapatan ka rin na maging masaya. At lahat din tayo ay may karapatang humingi ng tawad, humingi ng tulong, at magbigay ng pasasalamat sa Kaniya,” saad niya.
Grabe. Ang lakas nito manghatak ng puso at utak.
Sumulyap ako sa tinitingnan niya mula sa baba.
Mula sa mga ilaw ng mga street light at establisyemento, kita ang mga taong naka-uniporme ng puti. May hinahanap.
Unti-unti nang bumubuhos ang maliliit ngunit tuluy-tuloy na patak ng ulan.
“Ba’t ka tumakas?” tanong ko.
“Wala akong pambayad ng hospital bill. Pang-mayaman naman pala pinagdalhan ng siraulo kong kuya sa akin. Gusto kong lumabas na, kaso wala akong pangbayad. Nagdedelihensya ako ng pera sa erpats ko, kaso ayaw.”
“Mukha kang may saltik. ‘Di ka man lang nagpalit ng damit. Ano bang sakit mo?”
“Sakit sa puso. Na-atake ako noong isang araw. Okay naman na ako.” Napatingin sa amin ang mga taong kanina pa namin pinagmamasdan.
“Huwag ka nang tumakbo. Ilalabas na lang kita sa ospital, gaano ba kamahal ang sinasabi mo?”
Natawa siya. “Gago, kung may hihingin kang kapalit, huwag na.”
“Sira, ‘di naman ako ganu’n katarantado. Bayaran mo na lang ako ng pera kung nakakaluwag-luwag ka na.”
Ngumiti siya. “So, magkikita pa talaga tayo.”
Sa unang pagkakataon ngayon araw, ngumiti ako.
“Oo, magkikita pa tayo,” sagot ko.
Tuluyan nang bumuhos ang malakas na ulan.
Pero ewan, ‘yung pakiramdam ko, ‘di na mabigat kundi magaan.
****
KATAPUSAN.
1 note · View note
digit-et-al · 2 years
Photo
Tumblr media
Mariah McQuillin’ serving you with Babaylan realness! Happy Pride Month! * Filipino shamans, commonly known as Babaylan (also Balian or Katalonan, among many other names), were shamans of the various ethnic groups of the pre-colonial Philippine islands. These shamans specialized in communicating, appeasing, or harnessing the spirits of the dead and the spirits of nature. They were almost always women or feminized men (asog or bayok). They were believed to have spirit guides, by which they could contact and interact with the spirits and deities (anito or diwata) and the spirit world. Their primary role were as mediums during pag-anito séance rituals. There were also various subtypes of babaylan specializing in the arts of healing and herbalism, divination, and sorcery. (Wikipedia) (at Las Filipinas) https://www.instagram.com/p/CeROWeYP_IP/?igshid=NGJjMDIxMWI=
0 notes
Text
it's time to,
another random drabble (1)
Santi gave Pauline a small box and Pauline opened it and inside was a ring.
"I bought that for our 4th anniversary. Nung nasa Japan tayo. Hindi ko panaman naisipang magpropose 'nun pero when I saw the ring, I knew it would fit so well in your hands. Para bang ginawa siya para sayo. Until now Pau, ikaw lang ang nagiising babaeng naisipan kong pakasalan. I was always so sure of you, Pau. I was sure . I was supposed to give it to you the same year we parted. I wanted to fight for you, fight for us. Pero ayaw kong naiipit si Win. Ayaw kong maranasan niya ang naranasan natin. Ayaw kong magmahal siya ng patago. Ayaw kong maranasan niyang magmahal na ang iniisip ay kung sila pa rin ba hanggang bukas. Ayaw kong maranasan niyang pakawalan ang taong mahal niya dahil lang natatakot siya para dito."
"Loren is a great woman. She can take care of you. Alam ko yun kasi yan ang nakikita ko." Pagsingit ni Pauline. Santi smiled sa sinabi nito.
"She is. This is why I want to start again. Hindi siya mahirap mahalin, Pau. Ang ganda niya ngumiti. Masarap din siyang magluto." Anito.
"You always wanted someone who can cook, Santi. Nung 20 tayo ilang beses mo iyang tinuro sakin pero my hands are not made for the kitchen talaga." They both laughed at the memory.
She smiled and he did. The same smile they she gave him when they first met. The same smile he gave him when they reconciled in college after not talking for years.
Andami na nilang dinaanan ng magkasama. Andami ng nangyari sa loob ng ilang tao. They met at a young age, fell in love. Sinubukan nila. Sinubukan nilang ilaban ang pag ibig na meron sila, pero siguro mas nanaig ang takot. O siguro hindi lang sila para sa isa't isa.
"I have to go, Santi. I still have someone I have to chase. I have someone I want to fight for again, and this time, hindi na ako papayag na talo 'to." Pauline stood and left the restaurant at tumayo naman si Santi para lumipat sa mesang nasa unahan lang nito.
"Narinig mo ba lahat ng 'yon, Lo?" Anito at hinawakan ang asawa sa balikat.
Nagulat ang babae. Hinawakan nito ang tiyan habang hinihimas. Hindi niya alam na alam pala ng asawa na siya ang babaeng nakatalikod rito kahit na't naka disguise ito. Santi placed his palms on her stomach.
"Anong gusto mong ipangalan sa baby natin?" Ani ng asawa at umupo sa harapan ng babae.
this is actually a draft of a story I'm currently writing.
0 notes
pinoy-culture · 3 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Labels finally arrived yesterday! Finally I can take some proper pictures of all the products that is up on the shop and will be. 🖤
🌿 Update on preorders timeline:
Candles for all preorders so far are half way done! I will finish the rest of the batches tomorrow and Friday. The rest of the items in the Christmas boxes will be finished by next week. We are right on schedule for shipping all preorders the first weekend of December!
❗15% OFF BLACK FRIDAY SALE IS CURRENTLY UP ON THE SITE! 
The early bird Black Friday sale will be available until Nov 26! It's the perfect time to get those Pasko or Yuletide Magic gift boxes if you've been deciding to get one!
Remember each Pasko Gift Box will receive a deity candle, anito candle, and a Pasko candle. There will also be a pag-anito anointing oil, an anito or likha/tao tao/larawan clay figure, guava leaves to cleanse your space, an herbal tea, & bath soak.
➡️ Visit hirayabotanicals.com
39 notes · View notes
reggiewrotestuff · 3 years
Text
On local folklores
Bilang ako'y pinalaki sa mga salaysay ukol sa mga engkanto at mga diwata, natutuhan kong ang puso ng mga tao'y may kakayahang magpatuloy ng mga nilalang. Pinipili natin ang mga bagay na labis na nagpapaligaya sa atin at binibigyan natin sila ng puwang sa ating mga puso. Inaaruga natin sila sa ating mga hinuha hanggang sa lumaki nang lumaki ang kanilang puwang.
Sa kapusukan ng mga tao, minsan ay nakapagpapatuloy tayo ng mga nilalang na wala namang ibig manatili; mga nilalang na maaring nakapagpadama ng mga damdaming nakapagpapabago sa tao o mga nilalang na tahasang magpapaligaya at maglalaho na lamang kasabay ng ihip ng mga hangin sa huli.
Nag-iiwan sila ng puwang na mahirap takpan ng kahit anong panglanggas na maaaring magpahilom ng sugat. Sa kasamaang palad, walang orasyon, panalangin, o alay sa mga anito ang makatutulong sa pagpapagaling. Kahit na ang pagbibilad ng puso sa tapat ng araw at ang pagbulong ng mga munting tula sa buwan kada gabi ay hindi rin nakikitaan ng bisa. Tanging pagtalima lamang sa dikta ng panahon ang makapanggagamot.
Ngunit ang mga sugat ding ito ang nagpapalaki at nagpapalalim ng kakayahan nating umunawa ng mga nilalang. Ang maluwag na puwang na kanilang iniwan ay hindi na makababalik pa sa munti nitong hugis noong nagsisimula pa lamang ito sa pagpapatuloy.
Hindi na maaring ang puso ng isang paslit ang magpatuloy sa mga nilalang na may mas malaking pangangailangang pag-unawa. Napagtanto kong kahit nababalot pa ang isip ng tao sa pangambang maaring mapunit na ang mga sugat sa pusong lumalaki sa mga naiiwang puwang, sikapin pa ring magpatuloy at umunawa. Walang sakit ang maaaring makapagpapunit sa puso dahil ang puso'y nilikhang matibay.
Kaya't hanggang sa dulo ng lahatla ng mga matatanda, ito ang tanging bukang bibig nila; hanggang maubos na ang mga dahilan upang umunawa; hanggang huminto na ang isip na unawain ang mga nilalang at tanging puso na lamang ang nagdidiktang kumapit pa, huwag mapapagod magpatuloy at umunawa.
0 notes
breiljaelvic · 4 years
Text
Husband For Real (Chapter 10)
Tumblr media
CHAPTER 10 MELIZ woke up with a splitting headeache, marahan niyang pinagala ang paningin sa loob ng silid na kinaroroonan. The ceiling and wall is all white, even the window curtain is white with a pale blue linings. Ilang beses niyang kinurap-kurap ang mga mata sa pag-aakalang namamalik-mata lamang siya. Subalit ganoon pa rin ang nakita niya kaya wala sa sariling napahawak siya sa ulo para lamang muling matigilan dahil may benda iyon. "Thank God, you're awake. How's  your head sweetheart, does it hurt?" Meliz turn her head to the other direction as she hear the soothing voice of the man beside her na mababanaag sa mukha ang sobrang pag-aalala at pagmamahal para sa kaniya. Muli siyang napakunot ng noo nang hindi niya ito matandaan o makilala man lang at ang ipinagtataka pa niya ay kung bakit tinatawag siyang sweetheart? Kapatid, kapamilya, karelasyon niya ba ito o kaya naman ay asawa? Dahil sa naisip ay napatingin siya sa sariling mga kamay at doon niya napagtanto na may asawa na pala siya ayon sa singsing na nakasuot sa kaniyang daliri.  Muli niyang nilingon ang lalaking nasa tabi na nakatitig sa kaniya habang hawak ang isa niyang kamay na hinahaplos at hinahalik-halikan.  "I love you, sweetheart," anito habang hinaplos naman ang kaniyang pisngi. Subalit wala ni anuman siyang sinabi na nakatitig lang siya dito at pilit niyang pinag-aaralan at inaalala kung sino nga ba ito.  "Sweetheart, may masakit ba sa'yo? Read the full article
0 notes
anitosoul · 1 year
Text
Tumblr media
Before the end of AAPI Heritage Month I wanted to share the mix I did for Tadhana hosted by @telesforo__. It’s called “Kababayan” & featured Filipino artists ranging from FilAm pop stars to Filipinos at the cutting edge of underground club music. As part of the diaspora growing up in Oklahoma I’ve felt a sense of disconnect, but as I’ve learned about pre-colonial Filipino practices and beliefs I’ve found a longstanding culture that resonates through me. I’m going to the Philippines in August for the first time in over 10 years and can’t wait to reconnect to my family and the islands as an adult. Seeing moments like the @manilacommunityradio Boiler Room celebrating budots is incredibly inspiring and sharing the music is my attempt to do a small part of a bigger practice of spreading the culture. Thematically my mixes this month tap into that in different ways, with my set at Elsewhere focusing on grassroots subgenres from around the world. My next tripreport mix is called “grassroots” and I’ll be playing it live on the @8ballradio airwaves tonight at 9pm ET. You can find them all on my SoundCloud.
S-X - Woooo Riddim x Cassie - Me & U (Acapella) @obese.dogma777 (fka similarobjects) - Hudhud ni Aliguyon @no_4mat - Tres X e:trinity - Salidumay 3.0 @leanordinario - Ikaw Lamang @bassreliefmusic - Sarung Banggi @obese.dogma777 - DJ Love DJ Ron - Wow Sabaw Chibao (obese.dogma777 Mall Edit) @teyalogos - Aesthetics of a Manic Catgirl Anito Soul, @wahala.wav & @__l1n_h__ - low_poly_jungle_v6 (Unreleased) Anito Soul - UNAKAYA @obese.dogma777 (fka similarobjects) - Ga Dang Anito Soul - madaltahu_v2 (Unreleased) e:trinity - Hollow Hollow @ramonpang - Four Tet - Spirit Fingers (RamonPang Remix) @eyedress, @raveyardkeeper - Jealous (Raveyard Keeper Remix) Anito Soul - kababayan_v7 (Unreleased Joe Bataan flip) @wahala.wav - Gemini (Steve Lacy Edit) @leanordinario - Craving It @eqwhy - Open (SilkSonic [Bruno Mars & Anderson Paak] Footwork Remix) @objekttt - Bad Apples @bpvalenzuela - shoot2kill @like.animals.ph - Luções @unossound - Flavourtown @nextdimensional - ROSE HEAT (Toro y Moi Rose Quartz Edit) e:trinity - Vanishing Point Yolly Samson - Pag-Ibig Ko'y Ibang-Iba
0 notes
lowkeyder · 4 years
Photo
Tumblr media
Natatangi at naiiba ang Tinguian sa iba pang pangkat-etnikong kultural ng Pilipinas. Hindi man gaano katanyag ang pangalan tulad ng mga Ivatan, Tagalog, Cebuano, Tausug, at iba pa — ang Tinguian ay hinding-hindi pa rin magpapahuli sa payamanan ng nakakamanghang paraan ng pamumuhay, kultura, tradisyon, paniniwala at wika. Hindi pang-ordinaryo at talagang naiiba ang Tinguian sa iba. Nagsisilbing kahaliling pangalan ang Itneg sa Tinguian na nangangahulugan sa Ingles bilang "the people of the mountains". Gaya ng translasyon nito sa Ingles, ito'y orihinal na tumutukoy sa mga taong naninirahan at namumuhay sa mga kabundukan. Sa kasalukuyan, ginagamit ito bilang tawag sa pangkat-kulturang minoryang naninirahan sa mga kabundukan ng Abra, sa hilagang-kanlurang bahagi ng Cordillera, sa Hilagang Luzon.
Halos kalahatan rin ng mga Tinguian ay nakatira malapit sa mga pampang ng ilog. Datapwa’t, ang kani-kanilang mga tirahan ay karaniwang itinatayo sa mga kumpol na may mga butil ng bigas at gulay. Ang kanilang pangkabuhayan naman ay nakabatay sa agrikultura. Ang mga produktong pang-agrikultura ay bigas, camote, yams, mais, kalabasa, luya, melon, tubo, prutas, at mahusay na de-kalidad na koton at tabako. Bukod sa pagsasaka, ang pangingisda, ang paghabi ng iba`t ibang mga uri ng tela at kumot, at ang paggawa ng palayok at basket, ay mga halimbawa rin ng kanilang pangunahing napagkukunan ng kita.
Ang mga Tinguian ay mayroong isang detalyadong sistema ng pamumuhay, kultura, tradisyon, paniniwala at wika. Naipapamalas ito sa kanilang mga kanta, sayaw, seremonya na partikular sa pagluluksa, panliligaw, kasal at pagdiriwang. Isang mahalagang aspekto ng kultura ng Tinguian ay ang musika. Ang pag-awit ay isang normal na pangyayari sa pamayanan at sa mga larangan ng trabaho. Ang kanilang kilalang mga instrumenting pangmusika ay ang “kalalent” (nose flute), “gangsa” (copper gongs), at “kulintang” (guitar).
Ang paniniwala sa mga espiritu o anito ay isa na sa mga bagay na humuhubog sa tradisyon at paniniwala ng mga Tinguian. Kadalasan ay nagsasagawa sila ng mga seremonya, nag-aalok ng pagkain at inumin, at nagsasagawa ng mahiwagang kilos sa mga di-masamang espiritu upang masiguro ang magagandang ani. Sa ibang salita, lubos na ginagalang at kinakatakutan ng mga Tinguian ang mga ito. Isa na rin sa kanilang mga tradisyon at paniniwala ang pagsasagawa ng Longbos, isang seremonya ng kumpirmasyon na ginanap pagkatapos ng isang buwan upang ang bata ay makakuha ng lakas habang lumalaki. Hinahain ang pagkain sa mga kamag-anak ng pamilya na sumali sa ritwal. May paniniwala rin ang mga Tingauian sa pagkakaroon ng isang asawa lamang. Itinuturing nilang krimen ang pagtataksil sa asawa at pinapatawan ng malaking multa ang sinumang muling nagtataksil. Ngunit walang magiging multa kapag kusa ang paghihiwalay ng mag-asawa.
Nasasaklaw ng Tinguain ang 18.7% ng lenggwaheng ginagamit sa lalawigan ng Abra. Sa ibang banda naman, ang Ilokano ay 71.9%, Ibanag 4.5%, Isneg 3.2%, at Tagalog 0.4%. Ang kanilang sinasalitang wika ay nahahati sa iba’t ibang pangkat sa pamamagitan ng pagkakaiba-iba ng kanilang mga dayalekto: Adasen, Binongan, Gubang or Banao, Inlaod - penanubia, Maeng, Masadiit, Moradan, at Mabaca. May malaking pagkakahawig rin ang kanilang wika at wika ng ibang tribo na naninirahan sa Muntanyusa, Apayao, at Kalinga.
0 notes
calabarzonlore · 5 years
Text
Alamat Ng Bulkang Taal
Mayroon isang Datu na bukod na kapita-pitagan ang kanyang reputasyon, mabuti siyang pinuno, maayos at maganda ang pamamalakad sa kanyang nasasakupan. Datu Balinda ang tawag sa kanya. Ang kanyang balangay ay matatagpuan din ang balangay ng Batangan.
Isang nililiyag na anak na babae ang madalas pagtuunan ng Datu. Bukod sa kaisa-isa lamang, magigiliw ka sa taglay nitong katangian. Maganda, mayumi at mahinhin si Taalita at mapagmahal sa sariling tradisyon at kultura. Prinsesa Lita o Taalita ang tawag sa kanya, na ang kahulugan ay Taal sa Tagalog at puspos ng ugaling kinagisnan.
Masasabing si Prinsesa Taal ay mahahalintulad sa pausbong na bulaklak na wala pang nakakadapong bubuyog upang higuping ang tamis ng kanyang pagmamahal. Ang kanyang kutis ay sariwa at humahalimuyak. Dahil ang tirahan nila ay malapit sa lawa, nakahiligan ng Prinsesa Taal ang mamangka pagmalapit ng lumubog ang araw sa Lawa ng Bunbon. Dahil siya ay isang Prinsesa, tinatanuran siya ng kanyang alipin at mga abay. Mayroon isang pagkakataon, pagkatapos mamangka ay luhaang humarap si Prinsesa Taal sa kanyang ama na si Haring Balinda:
“Ama kong Datu, mapatawad po sana ninyo ako. Mayroon po akong kasalanan na nagawa. Pagkagalit ay huwag mo sanang magawa.”
“Anak, bakit ka umiiyak ano ba ang nagawa mong pagkakamali?”
“Mahal kong ama, nahulog po ang singsing ko sa lawa habang ako'y namamangka,” sagot ni Prinsesa Taal, na animo'y nahihintakutan.
“Ano! Dapat ay nagging maingat ka. Iyan na lamang ang bagay na nagpapaalala sa amin ng iyong ina n gaming pagmamahalan. Ilan ninuno na natin ang napasali-salin sa singsing na iyan. Saksi iyan ng aming sumpaang binigkis ng nasira mong ina.”
“Alam ko pong napakahalaga ng singsing na iyan. Minahal at pinakaingat-ingatan ko ang singsing na iyan gaya ng pagmamahal ko sa aking ina,” sagot ni Prinsesa Taal na lumuluha.
Lumuhod si Prinsesa Taal sa harap ng ama.
“Anak, tumayo ka at huwak ng lumuha. Naguguluhan lamang ako sa narinig kong balita sa narinig k mula sa iyo. Alam mo ban a ang singsing na iyan ay ibinilin pa sa aki8n ng iyong ina bago siya namatay. Sinabi niya sa akin na ipagkaloob ko saiyo tanda ng kanyang pagmamahalat pag-alala sa iyo!”
“Tumahan na anak at ang pagkagalit ko'y kinalimutan ko na,” paamong wika ng Datu.
Niyakap ng Datu si Taal, na halos mapaiyaksa sandaling iyon.
“Huwag ka ng mabalisa, hahanap tayo ng magagaling lumangoy upang sisisrin ang nahulog mong singsing. Maibabalik rin ang singsing at maisusuot sa daliri mo,” paliwanag ng Datu.
“Salamat ng marami po, Ama ko,” ako po'y nagagalak sa pang-unawa ninyo.“
Ilang sandali pa ang lumipas. ” Anak, hindi ba dapat ika'y mag-asawa na. Nasa tamang edad ka na para lumagay sa tahimik. Matanda na rin ako at kailangan ko ang isang matapang na Datu na siyang hahalili sa akin. Kailangan mo rin ng makakasama pag ako'y lumisan na,“ pakiusap ng Datu.
"Siya pong mangyayari Ama ko,” Sagot ng Prinsesa.
Nagpaanunsyo kaagad ang Datu saanmang dako upang ipahayag ang kanyang nilalayon. Ipinaalam sa madla na kung sino ang makakakuha sa singsing ang nahulog sa sa Lawa ng Bunbon ay siyang mapapangasawa ng ng mayuming prinsesa.Ang balitang ito ay agad kumalat saanmang dako ng kapuluan. Maraming dugong bughaw ang dumating mula sa iba’t ibang lugar. Kasama rito ang mga Morong Datu myla sa Jolo at Tawi-tawi. Hindi rin nagpahuli ang angkan ni Bukaneg mula sa Kabisayaan at Kabikulan. Hindi rin nagpadaig ang Kapampangan at dumating si Dau Pisot upang subukan ang kapalaran. Sa sinamang palad walang sinuman ang nagtagumpay upang maibalik ang singsing ng prinsesa.
Marami ang araw ang lumipas sa paghihintay ng mag-ama. Pagkainip ang kanilang naramdaman.
Di kalaunan may isang Datu, ang humingi ng tulong sa mga anito. Panalangin tulungan siyang masisid ang nawawalang singsing mula sa Prinsesa. Datu Mulawin ang ngalan ng laslaki at nagmula siya sa Nasugbo.
Matiyaga niyang nilusong ang Lawa ng Bunbon. Mula umaga hanggang hapon. Walang tigil sa paglangoy.
Habang sa pagsisisd ni Datu Mulawin ay may nahuli siyang buteteng laot na malaki ang tiyan.Nagtaka ang lalaki dahil sa maliit na butete ay malaki na agad ang tiyan nito. Ginwa niyang hiwain ang tiyan nito upang malaman ang laman. Ngunit laking gulat niya ng matagpuan doon ang nawawalang sinsing ng Prinsesa. “Isang himala ito!’ laking tuwa ni Datu Mulawin. "Ito kaya ang tugon sa panalangin ko at magandang hangarin sa Prinsesa Taal?.”
Kaya’t ang pangako ng Pinunong Datu ay nangyari.Agad ipinakasal si Prinsesa Taal kay Mulawin. Nagdiwang ang buong balangay.Mayroon sayawan at kantahan.Lahat maligaya sa nangyaring okasyon. Ang pagsasama ng mag-aswa ay nasaksihan ng boung balangay ang magagandang pamamalakad ni Datu Mulawin at masayang masaya si Prinsesa Taal sa piling ng asawa. Subali’t ang pagsasama ay hindi lagi masaya. Madalas ay may problema ring dumadating na siyang nagiging balakid sa pagsasama.
Isang gabi, Maliwanag ang sikat ng buwan, namasyal ang mag-asawa. Ang gabing iyon ang simula ng gulo sa kanilang pagsasama.
Mayroon isang matandang nuno pala an gang nagmamay-ari ng Lawa ng Bunbon. Matagal niyang sinusubaybayan ang takbo at pangyayari sa palasyo masayang pagsasama ni Datu Mulawin at Prinsesa Taal. Ang matandang nuno pala ay ay naiinggit sa sarap ng buhay sa palasyo at masayang pagsasama ng mag-asawa.
Nang gabi ring iyon ay namangka ang mag-asawa sa lawa. Habang sumasagwan si Datu Mulawin, siya naming kumakanta ang Prinsesa kasabay ang tugtog ng kumintang.
nang Makita ng Prinsesa ang magandang bulaklak ng lotus, dahil nabighani ito, pilit niyang inabot. Sa kasamaang-palad ang prinsesa ay nahulog at limubog. Bilis naman tinalon ni Datu Mulawin ang asawa upang sagipin. Subalit, kapwa sila lumubog. Lumubog sila dahil sa kapangyarihan ng matandang nuno na binalak silang mapinsala.
Ang mga alipin na nakakita sa pangyayari ay agad ibinalita sa tagaroon. Marami ang nagtangkang sisisrin ang dalawa upang Makita ang bangkay. Ngunit nabigo silang lahat. Mula noon, may isang pulo ang lumitaw sa gitna ng Lawa Bunbon. Ang tawag nila rito ay Bulkan Taal. Pangalang ibinigay ng Datung pumalit kay Mulawin. Tanda na rin ito para laging maalala si Datu Mulawin at Prinsesa Taal.
Source:  Alamat ng Bulkang Taal. (n.d.). Retrieved from https://www.pinoyedition.com/mga-alamat/alamat-ng-bulkang-taal/
Tumblr media
0 notes