Text
Feeling ko ang boring kong tao. Like, seryoso. Ang boring na nga ng buhay ko, pati ba naman personality ko? Walang twist. Nakakaboring. Pati ako, stuck na. Paulit-ulit.
8 notes
·
View notes
Text
#1
Sinasabi ko sayo, 'di muna
Aalis ka lang din, huwag na
Simulan 'di na sana
Sa huli'y mananakit ka.
0 notes
Text
Ang hirap sumuko sa work pero sukong-suko na ako. Hindi ko alam kung may nakaka-gets. Gusto ko nang umalis sa trabaho kahit anim na buwan pa lang ako noon. As in, everyday, sinasabi ko na ayaw ko na, na ‘di na ako mare-renew ng kontrata pero look at me now, magda-dalawang taon na ako.
Ang hirap, actually. Lahat sila, gusto na akong ma-promote. Pero wala akong gana na magpasa ng application. Naguguluhan ako kung dapat bang mag-stay ako o mag-take risk ulit. Gusto ko na talagang umalis pero hindi ko nagagawa. Na-stuck na ako, gusto kong umusad pero 'di ko alam kung kaya ko bang magsimula ulit. Natatakot ako. Sobra.
1 note
·
View note
Text
Gusto ko lang naman huminga. Shuta. Bakit pati paghinga, ang mahal?
0 notes
Text
Mapapamura ka na lang talaga e. Ang hirap magkaroon ng taong lagi kang gini-guilt trip. Gusto ko na lang sabihin na, ‘sige bahala ka na sa buhay mo’. Sobrang hirap magkaroon ng attachment na lagi ka na lang napipilitang umintindi. For once, gusto ko na rin lumaya. Parang responsibilidad ko pa na maging malungkot kasi malungkot sila. Putangina! Tahimik na buhay ang gusto ko. Palayain niyo naman ako kahit konti lang. Hindi ko kayang humawak ng mundo ninyo.
1 note
·
View note
Text
#paglubog #sunset #black #night #building #araw #midnight #clouds #ulap
0 notes
Note
fave tumblrs?
irl constants:
@ferxanixxx
@endlesstiles
@shatteredjuveniledays
All filipino blogs i know so far:
@shunyown
@ipickedoutyourstar
@binibining-buwan
@samisamisamice
@shaunette
@diggingsuns
@uwenako
@celestialfleur
@mamamococo
@wolfguy
@the-dioscuri
@gabschase
@captainpogi
@ah-mee-hah-n
@souledead
@alydorablee
@askarlsleeps
@oidabest
@mostardently-jo
@certainlyxuncertain
@chescarriffic
@aliiilakwatsera
@cleverpan
@thesadnlonelypuddin
@trigemanal
@tenth-the-mad
@seaimyourmanx
@pejorativepeach
@kahapisan
@theosarces
@grvntld
@ygmitsu
@tenth-the-mad
@ellerockeroar
@celestialfleur
@sydelleee
@cohline
@mismam
@missmariaclara
@icedcoldcofi
@pinaasang-umasa
@0nan
@dauntlessluna
@askarlsleeps
@rockkateteer
@rocksaltmilkteaiwant
@ineedvitaminsea
Max na ): pero pls follow everyone who hearts this ask
220 notes
·
View notes
Note
That I was once like you. Ang lalim mag-isip, malalim din ang hinahanap sa buhay. Are you always like this?
Siguro nga. Hinubog na rin siguro ako ng mga tanong kung bakit at hindi ng galit. At, patuloy kong hinahanap kung ano ang mga sagot sa patlang na minsan, nais kong tuldukan sa kabila ng katanungan.
17 notes
·
View notes
Text
Uulan na naman.
Sobrang bigat sa pakiramdam.
Isang malaking punyeta. Ewan. Nakakapagod na. Dumagdag pa ang trapik sa EDSA kanina. Nakakainit ng ulo.
“Pengeng yosi.” Isang babae ang humablot sa hawak kong istik ng sigarilyo.
Sino ba ‘to?
Siraulo pa yata. Nakasuot ng hospital gown.
“May pansindi ka?” aniya na parang close pa kami. Sirang-sira na ang araw ko, pati ba naman gabi ko?
“Miss, pumapatay ako ng tao na feeling metoyo sa utak.”
Tumawa siya. Napahawak pa siya sa railings. “Ang harsh. Hindi ka ba naaawa sa akin?”
“Kilala ba kita? Ano, idadahilan mo rin na mamamatay ka na kaya ka nambuburaot? Mahal ang yosi. Akin na ‘yan.”
Sinubukan kong kunin. Kaso mabilis ang kamay.
“Kung mahal pala, ba’t ka pa bumili?”
Timpi pa kaunti. Ayaw kong makasuhan ng physical abuse. May kaya ako, pero mahal pa rin magbayad ng piyansa at abogado.
“Pucha, ‘edi sayo na, lumayas ka na sa harapan ko. Kung mamamatay ka na, huwag ako hingan mo ng tulong. Punta ka sa simbahan, baka sakaling may makinig pa sayo.”
Natawa siya ulit. Ang sigarilyong sinikmat niya sa akin ay binitawan niya saka tinapakan, pagdaka’y tumingin sa akin. “Hindi pa naman ako mamamatay. Pakiramdam ko nga ay mauuna ka pa kung ‘di kita nilapitan ngayon. Mukhang ang deep ng problema mo. Huwag naman dito sa overpass.”
“Footbridge ‘to.” Tanga, gusto kong idagdag, pero ayaw ko namang ipasa ang sinasabi ng ama ko sa akin araw-araw.
Hindi na ako nagsalita pagkatapos nun. Pagod ako. Ayaw kong makipagtalo. Ayaw kong dumakdak.
Katahimikan.
Buntung-hininga.
Ugong ng mga sasakyan.
Tapos ‘di na ito nakatiis, nagsalita.
“Kailan kaya tayo maririnig ng mga taong mahal natin?” tanong niya bigla.
“Kung patay ka na,” sagot ko nang ‘di siya sinusulyapan.
“Ang morbid mo naman,” aniya.
“Morbid kung morbid. Ganu’n naman talaga, saka lang may pakialam ang mga taong nakapaligid sa’yo kung mayaman ka, kung may ‘itsura ka, at kung bangkay ka na.”
Natahimik siya saglit tapos muling nagsalita.
“Mukhang ambigat talaga ng problema mo.”
Umiling ako. “Pagod lang. Sa trabaho, sa bahay, at sa dati kong kasintahan na sigurado naman akong ni minsan ay ‘di ko pinasukan. Buntis. Panagutan ko raw kasi mamamatay na. Isang taon na nakalipas. Umusad na ako, tapos biglang manggugulo? Makapal mukha ko pero dumoble ‘yung sa kaniya. Nakakabaliw.”
Nakakautas at nakakasaltik ng utak. Matapos niya akong lokohin nang paulit-ulit, may gana pa siyang ibandera ang kataksilan niya sa akin?
“Mabigat ‘yan. Ilabas mo.”
Ngumisi ako. Siya ang unang nagsabi na mabigat ang problema ko.
“Para sa iba, ang gaan ng problema ko. Wala raw ako karapatang magreklamo, magmaktol o magdrama kasi mas marami pa raw taong may mas mabibigat na pasan. Magpasalamat pa nga raw ako kasi ito lang ang nararanasan ko.”
“At naniwala ka naman?” anito.
Sumulyap ako sa gawi niya. Nakatingin na ito sa pagsisimula ng panaka-nakang patak ng ulan.
“Lahat ng tao ay may karapatang makaramdam ng depresyon o ng frustration o ng kahit anong pakiramdam. Hindi mo kailangan ipagpasalamat na hindi mas malubha at mas mabigat ang pasan mo kumpara sa iba, kagaguhan ‘yan.”
‘Di ako nagkomento.
Hindi ko alam kung sa’n papunta ‘tong takbo ng usapan. Na-engganyo na akong makinig.
“Kung hindi ka okay ngayon, hindi ka okay, sang-ayon man ang iba o hindi. Bakit kasi kailangan nilang sabihin na dapat maging okay ka kasi hindi ikaw ang nasa sitwasyon ni ganito o ni ganiyan? Kapag ba pinalayas ako sa bahay, magpasalamat at huwag akong malungkot kasi pinalayas lang ako, hindi binigwasan tulad ng iba? Kapag ba ginahasa ako, magpasalamat ako at huwag malungkot kasi hindi ako pinatay? Kapag ba bumagsak ako sa unang take ko ng bar exam na pinaghirapan ko ng ilang taon, magpasalamat ako at huwag magdrama kasi ‘yung iba ilang take na ‘di pa rin pumapasa? Dapat huwag malungkot? Hindi ako entitled na magdrama kasi mas dramatic ang experience ng iba kaysa sa akin? Nakakabobo naman pala ang mundong ‘to kung ganu’n.”
Ewan ko. Bigla akong natusok sa pinagsasabi niya. Tagos na tagos.
May punto naman.
“Kung laging sasabihin natin na ‘there are people who have it worse than you’, then logic suggests na may isang tao lang dito sa mundo na may karapatang makaramdam ng sobrang sakit, na iisang tao lang ang dapat magsuot ng korona ng 'may pinakamalubhang pasanin' sa buong planeta. Anong kuwenta non? That one person is not the only one who is allowed to be unhappy with their baggage in life.”
“Walang ranking para sa sitwasyon ng bawat indibidwal o kung alin ang “better” o “worse.” Opinyon ko lang, dapat tigilan mo nang ikumpara ang ‘bullshit times’ mo sa iba. ‘Di pare-pareho ang kapasidad ng bawat tao sa pag-handle ng sakit. May mga taong sobrang sensitibo at may mga hindi.”
Ibang klase ‘tong babaeng ‘to.
“Lahat ng klase ng pasanin, ng mabibigat na problema, ng troma, ng sakit, at iba pa ay valid. They all can be difficult for each person. They’re all relevant. May kaniya-kaniyang kakayahan ang puso ng tao sa pag-inda ng sakit. May malalakas, may sakto lang, may mahihina.”
Tahimik lang ako.
“Magdrama ka, magalit ka, ma-frustrate ka, ma-stress ka. Karapatan mo 'yan. Okay lang ‘yan kasi tao ka. Huwag ka lang tumambay nang sobrang tagal na pasan-pasan mo ang bigat sa dibdib mo. Huwag mo lang hayaan na malunod ka at tangayin ka ng alon. Langoy ka hanggang kaya mo. Panatilihin mo ang ulo mo sa ibabaw ng tubig. Huwag susuko. Kasi kung may karapatan kang malungkot, may karapatan ka rin na maging masaya. At lahat din tayo ay may karapatang humingi ng tawad, humingi ng tulong, at magbigay ng pasasalamat sa Kaniya,” saad niya.
Grabe. Ang lakas nito manghatak ng puso at utak.
Sumulyap ako sa tinitingnan niya mula sa baba.
Mula sa mga ilaw ng mga street light at establisyemento, kita ang mga taong naka-uniporme ng puti. May hinahanap.
Unti-unti nang bumubuhos ang maliliit ngunit tuluy-tuloy na patak ng ulan.
“Ba’t ka tumakas?” tanong ko.
“Wala akong pambayad ng hospital bill. Pang-mayaman naman pala pinagdalhan ng siraulo kong kuya sa akin. Gusto kong lumabas na, kaso wala akong pangbayad. Nagdedelihensya ako ng pera sa erpats ko, kaso ayaw.”
“Mukha kang may saltik. ‘Di ka man lang nagpalit ng damit. Ano bang sakit mo?”
“Sakit sa puso. Na-atake ako noong isang araw. Okay naman na ako.” Napatingin sa amin ang mga taong kanina pa namin pinagmamasdan.
“Huwag ka nang tumakbo. Ilalabas na lang kita sa ospital, gaano ba kamahal ang sinasabi mo?”
Natawa siya. “Gago, kung may hihingin kang kapalit, huwag na.”
“Sira, ‘di naman ako ganu’n katarantado. Bayaran mo na lang ako ng pera kung nakakaluwag-luwag ka na.”
Ngumiti siya. “So, magkikita pa talaga tayo.”
Sa unang pagkakataon ngayon araw, ngumiti ako.
“Oo, magkikita pa tayo,” sagot ko.
Tuluyan nang bumuhos ang malakas na ulan.
Pero ewan, ‘yung pakiramdam ko, ‘di na mabigat kundi magaan.
****
KATAPUSAN.
1 note
·
View note
Text
“Insan, ano gusto mong kainin?”
“Spag w/out cheese and orange juice,” sagot ko.
“Taray. Lahat halos ng tinatanong ko sayo, may sagot kahit noong tinanong ko sayo kung ano gusto mong damit. Madalas ‘pag ako ang tinatanong, ‘hindi ko alam’ ang sagot ko.”
“Mahirap kasi ang malabo. Minsan ay dapat alamin mo rin kung anong gusto mo. Huwag laging ‘bahala na’. Naalala mo noong naging two-timer ka kasi ‘di mo alam kung sino ang pipiliin mo sa kanila?”
“Grabe naman ‘yung comparison.” Natawa siya nang bahagya. “But yeah. Nawala tuloy sila pareho sa buhay ko, and I end up with the wrong person.”
“See? Pangarap man ‘yan o ano, minsan be specific. Know what and who you really want.”
“Mahirap kasi.”
“Oo, mahirap magkaroon ng magulong utak. Madalas ‘di tayo sure kung ano ba talaga trip natin sa buhay. Pero huwag laging ganu’n. Kasi kung laging ‘di mo alam kung ano ba ang gusto mo, babagsak ka sa maraming bagay at taong hindi mo gusto.”
___
0 notes
Text
“Hindi kita pinapagalitan kasi galit ako. Pinapagalitan kita kasi gusto kitang matuto. Kasi kung hindi ako ang magtuturo sayo ng tama, ang mundo ang gagawa nito para sayo. Hindi ka mahal ng mundo, pero ako, mahal kita.”
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan itong mga katagang ikinintal ng aking ina sa aking isipan.
0 notes
Text
Narito ako, nakakulong sa katauhang kahit kailan ay hindi ako. Gusto ko ng umalis sa silid na ito, hubarin ang mga damit at maskarang pinasuot mo. Gusto ko na ulit lumipad at damhin ang kalayaang dati ay mayro’n ako. Gusto ko na ulit maging masaya. Gusto ko na ulit maging ako ngunit ang tanong ay papaano?
0 notes
Text
09/01/2020
Magsisimula akong muli. Magiging matagumpay ako.
Pangako.
1 note
·
View note