#olpag11stem
Explore tagged Tumblr posts
Text
Paglalakbay na nagmarka ng magagandang ala-ala sa aking kaisipan.

Bumungad agad sa aking mata ang napakaganda at nakaka-akit na labas ng palasyong ito, kaya kapana-panabik na makapasok sa loob nito dahil tiyak na lalo pa akong mamamangha kapag nakapasok na sa loob ng palasyo ng sikat na artistang si Daniel Padilla.




Hindi nabigo ang aking ekspektasyon noong oras na makapasok na ako dahil sadyang napakaganda nga ng makikita mo sa loob ng bagong palasyo na ito dito sa ating lalawigan na Batangas.

Mag-eenjoy din rito ang mga bata dahil mayroon din sila ng tinatawag na rides na napakasayang maranasan lalo na sa mga bata pa. Madalas talaga sa mga kabataan na magpunta sa mga pasyalan kaya tamang-tama ito para sa kanila.


Napakasayang karanasan ng lakbay-aral namin sa J Castle dahil magkakasama kami ng aking mga kaibigan, may mga kulitan at asaran na hindi malilimutan sa bawat estasyon ng palasyo. Gusto kong makabalik rito sa hinaharap na kasama pa rin sila at maalala ang mga naging memorya ng aming samahan sa paglalakbay na ito.
2 notes
·
View notes
Text
âIsang Makulay na Pagtuklas sa Ilocos Surâ
Ang paglalakbay ay higit pa sa paggalugad ng mga lugar. Itoây isang pagninilay, isang pagdama sa kasaysayan, at isang pagkakataong muling madama ang koneksyon sa ating kultura. Ang aming paglalakabay sa Ilocos Sur ay isang obra ng saya, pagkamangha, at walang katausang pagkamalay sa hiwaga ng ating bayan.

Simbahan ng Paoay: Saksi ng Panahon
Sa unang hakbang pa lang namin sa harap ng Paoay Church, tila bumagal ang oras. Ang mga lumang pader nitong nagtaglay ng kasaysayan ay mitsulang may tinig, bumubulong ng mga lihim ng nakaraan. Ang arkitekturang Baroque nito, matikas at hindi matinag ng panahon, ay sumasalamin sa tibay ng pananampalatayang Pilipino.


Paoay Sand Dunes: Ang Sayaw ng Buhangin at Hangin
Mula sa katahimikan ng simbahan, lumundag kami sa matinding "adrenline rush" ng Paoay Sand Dunes. Sa likod ng malakas na alon ng buhangin, naroon kami, sumisigaw habang sumsabak sa âroller-coaster rideâ ng 4x4 adventure. Ang buhangin ay tila alon sa ilalim ng matinding araw, at sa bawat pagtalon at pagdulas sa sandboarding, dama namin ang di-mapantayang kalayaanâparang mga batang hinayaan ang sarili sa braso ng kalikasan.



Calle Crisologo: Biyaheng Pabalik sa Panahon ng Kastila
Sa Vigan, ang mga kalesa ay tila bumalik sa kanilang kahapon, umiikot sa makasaysayang Calle Crisologo. Ang makikitid na kalsadang nilalatagan ng âcobblestonesâ ay parang pahina ng isang lumang libroâ may kwento sa bawat anino ng gaserang nagbibigay-liwanag sa gabi.



Pagudpud Windmills: Sayaw ng Teknolohiya at Kalikasan
Sa Hilagang bahagi ng Ilocos, isang napakagandang tanawin ang bumati sa aminâ ang Bangui Windmills, nakahanay sa baybayin, sumasayaw kasabay ang ihip ng hangin. Ang nakikipaglaro sa dambuhalang mga elisi na naadadala ng enerhiya sa rehiyon. Isang pambihirang tanawinâang modernong teknolohiya ay yumakap sa kalikasan nang kasunduan, hindi sa pamamagitan ng pananakop kundi sa pagkakaisa.


Baluarte: Paglalakbay sa Mundo ng Kalikasan
Ang aming huling destinasyon ay puno ng galak at pagtataka. Ang Baluarte ni Chavit Singson, isang mini-zoo na tahanan ng iba't ibang hayop. Isang nakakatuwang karanasan ang makita nang malapitan ang leon na maringal at nangingibabaw ang presensya. Ang kanyang mala-gintong balahibo ay kumikinang sa sikat ng araw habang siya ay nagpapahinga. Dito namin nadama ang paggalang sa bawat nilalang sa kalikasan, isang paalala na ang mundo ay hindi lamang para sa tao kundi para rin sa mga nilkha ng Maykapal.


Higit Pa sa Destinasyon
Sa paglalakbay na ito, natutunan ko ang tunay na halaga ng paglalakbay ay hindi nasusukat sa layong nilakbay o sa dami ng lugar na napuntahan. Ito ay nasa dami ng alaalang binuo, sa ilalim ng pag-unawa sa kasaysayan, at sa pagkamangha sa yaman ng ating kultura.
Ang Ilocos Sur ay hindi lamang isang destinasyonâito ay isang buhay na kwento, isang tulay na nag-uugnay sa ating pinagmulan, isang alaala na mananatili sa puso ng sinumang naglalakbay dito.
2 notes
·
View notes
Text
Atras Abante

Isang mahabang paglalakbay ang nagsimula. Handa na ang magsasaka, sasakyang John Deere ang gamit, kanyang kaagapay sa pag-araro ng lupa.


Mahigpit na kapit sa manibela at mga kontrol ng traktora at ngiting nakakahawa, simbolo ng sipag at determinasyon.




Ang bunga ng pagod at pawis. Isang taniman na handa nang tumanggap ng mga binhi para sa isang bagong pagsisimula.

Gulong ng traktora, dahilan kung bakit may atras abante sa bawat hakbang ng pagtatrabaho sa lupaing kay hirap araruhin kung mano-mano gagawin.

Mga tagak, simbolo na tapos na ang pag-aaro kasabay ng paglubog ng araw, silaây saksi sa pahinga ng magsasaka at sa pangakong muling pagbubungkal kinabukasan.
"Isang larawang sanaysay na lumalarawan sa temang 'Tao at Kalikasan: Ang Kanilang Tanging Ugnayan.'"
2 notes
·
View notes
Text
Alapaap
Sabi nga sa kantang Alapaap, isang awitin ng Eraserheads,
"Hanggang sa dulo ng mundo
Hanggang maubos ang ubo
Hanggang gumulong ang luha
Hanggang mahulog ang tala"
Tila ito lang ang makapaglalarawan sa aking pakiramdam noong nagdaang lakbay-aral ng aming paaralan. Sabi nila, bata lamang ang nasasabik sa ganitong mga aktibidad, ngunit sa araw na iyon, napatunayan kong walang edad ang limitasyon ng kasiyahan. Lahat tayo ay nagiging batang sabik sa bagong karanasan, puno ng enerhiya at pananabik sa bawat destinasyong patutunguhan.

Mula sa paglisan namin patungo sa aming paglalakbay, ramdam ko agad ang pananabik sa malamig na simoy ng hangin. Kahit sa bawat kalyeng dinadaanan namin na tila tinatabunan pa ng panaginip ang mga tahanang tulog pa, ang aming puso ay gising na gising na upang gumawa ng panibagong alaala. Ang maingay na ugong ng bus ay hindi sakit sa tainga kundi nagbigay ng kakaibang sigla. May mga nagkukwentuhan, nagtatawanan, nakikinig ng musika, at ang iba naman ay abala sa pagkuha ng mga litrato, sinisigurong ang bawat sandali ay mahahagip ng kanilang mga camera. Mayroon ring nag-iisip kung anong rides and uunahin nila sa EK. Tila ba bawat isa ay mayroong kani-kaniyang kwento, ngunit iisa ang layunin â ang sulitin ang araw na ito.
Ang mabilis na pagtakbo ng bus ay tila sumasabay sa tibok ng aming puso, na unti-unting bumabawas sa kilometrong tatahakin patungo sa una naming destinasyon.


Padre Pio Shrine: Maluwalhating Pook-Dalanginan, Tahanan ng Pananampalataya
Upang kami ay gabayan sa aming paglalakbay, ang unang destinasyon namin ay ang Padre Pio Shrine sa Sto. Tomas, Batangas. Sa pagbaba ng bus ay agad na madarama ang sagradong atmospera ng pambansang dambana. Bumati sa amin ang malamig na simoy ng hangin at tahimik na paligid. Kapansin-pansin ang kakaibang disenyo ng simbahang gawa sa kahoy at bato, simbolo ng mayamang arkitektura nito.
Nagkaroon kami ng pagkakataong dumalo sa banal na misa, at doon ko naramdaman ang halaga ng pagpapasalamat dahil isa ako sa mga mapalad na taong makalilikha ng magagandang alaala sa araw na ito.
Pumasok rin kami sa souvenir shop upang tumingin ng maaaring bilhin. Tampok rito ang mga rosaryo, healing oil, krusipiho, at iba pang religious items na maaaring iuwi bilang alaala ng aming pagbisita. Ilan sa aking mga kasama ang bumili ng matching keychains bilang tanda ng pagkakaibigan.
Ang sandaling oras na aming inilagi roon ay ang panghabang-buhay na paggabay ni Santo Padre Pio na aming babaunin sa aming bawat patutunguhan.


Mabini Shrine: Tahimik na Laban, Ingay ng Kasaysayan
Mula sa espiritwal na pagninilay sa Padre Pio Shrine, nagtungo naman kami sa isa sa mga makasaysayang dambana ng "Dakilang Lumpo" na si Apolinario Mabini, ang Mabini Shrine sa Tanauan, Batangas.
Pagpasok sa loob ng dambana, agad naming nakita ang rebulto ni Mabini na sumisimbolo sa kaniyang pagiging "Utak ng Rebolusyon". Sa loob ng museo, matutunghayan ang mga lumang kagamitan, mga larawan, at mga dokumentong naglalahad sa kaniyang buhay.
Hindi ko maiwasang mamangha sa tapang at dedikasyon ni Mabini na pagsilbihan ang bayan sa kabila ng kaniyang kapansanan. Hindi espada ang naging paraan niya upang lumaban, ginamit niya ang kaniyang dunong at prinsipyo upang makamit ang kalayaan. Bakas sa museong ito ang istoryang kaniyang kinatha sa kasaysayan ng Pilipinas.


J Castles: Mundo ng Pantasya at Kamusmusan
Oras na para sa kasiyahan! Dumiretso naman kami sa J Castles sa Tanauan, Batangas. Ito ay isang Japanese-inspired na pasyalan tampok ang mala-fairy tale na mga kastilyo at mga gusaling hindi pang-karaniwan, dagdag pa ang kalawakang tanaw ang kagandahan ng Bulkang Taal na tila obra maestrang iginuhit ng kalikasan.
Maraming mga istasyon ang pinasok namin, kabilang ang mga silid na puno ng LED lights at projections na nagdagdag ng higit na kulay at sigla sa aming mga puso. Dagdag pa ay ang silid na mayroong napakalamig na tubig na abot-binti ngunit hindi hihigit sa tuhod. Isa sa mga pinakapaborito kong istasyon ay ang pool na puno ng maliliit na dilaw na bola. Walang sinuman ang nakatakas sa kasiyahang ito â lahat kami ay nagmistulang mga musmos na nagbabatuhan at nagtutulakan. Kasabay ng aming tawanan at sigawang umaalingawngaw roon, ay ang nakatatawang reaksyon ng mga empleyado roon sapagkat para kaming mga presong nakawala sa bilangguan, sabik na sulitin ang bawat segundo ng naguumapaw na kasiyahan at kalayaan.


EKstraordinaryong Alaala
Sa wakas, ang pinakahihintay kong bahagi sa lahatâEnchanted Kingdom!
Pagpasok pa lang sa parke, agad kong naramdaman ang sensasyon ng ligaya at pananabik. Sadyang nakabibighani ang kombinasyon ng makukulay na dekorasyon at halo-halong emosyon ng mga turista, pati ng mga umaanyayang rides na tila hinihila kami papunta sa kanila.
Una naming pinilahan ang Disk-O-Magic, isang ride na pinaiikot-ikot ang mga sakay sa isang curved track. Hindi naging alintana sa amin ang napakahabang pila sapagkat napupuno na ng kaba ang aming katawan, tila ipinapanalangin na bumagal ang usad ng pila. Nang kami ay nakasakay na, wala na akong maramdaman sapagkat malamig na hangin na lamang ang humahampas sa amin habang kami ay tila lilipad na sa aming mga upuan. Maling desisyon pala ang ibukas ang mga mata habang nakasakay, dahil ang mga kasama kong nanatiling pikit ay hindi nakaramdam ng kahit anong pagkahilo. Samantalang ako, dinaig pa ang pinaikot na turumpo!
Sumunod ay ang EKstreme Tower Ride, isa sa pinakasikat na ride sa Enchanted Kingdom! Mararanasan rito ang biglang pagbagsak mula sa matinding taas. Sa katunayan, pangatlong beses ko nang makakasakay rito kaya hindi ko masyadong dama ang kaba. Habang nakapila kami ay pabugso-bugso ang buhos ng ulan. Nang oras na namin para sumakay, tila pinagsakluban kami ng langit at lupa sapagkat bigla na lamang bumuhos ang napakalakas na ulan. Habang kami ay tumataas, mas dama namin ang sakit ng bawat patak ng ulan na sumasalpok sa aming mga mukha. Hindi na ang mismong ride ang inaalala namin kundi kung gaano kami mababasa pagkatapos!
Matapos ang matitinding rides tulad ng Disk-O-Magic at EKstreme, dumayo naman kami sa kakaibang atraksyon sa EK â ang Agila: The EKsperience. Hindi ito tulad ng mga extreme rides na nagpapabilis sa kabog ng dibdib, ngunit may hindi pangkaraniwang ganda at hiwaga habang dinadala ka sa di-malilimutang paglalakbay sa himpapawid.
Nagtiis kami sa mala-EDSA na pila upang maranasan ito. Pinaghalong hilo at gutom ang umatake sa akin ngunit hindi ko na lang iyon ininda. Halos dalawang oras na paghihintay kapalit ng limang minutong ride ang napala namin â ang nagtulak sa amin upang magdalawang-isip kung sulit nga ba ang aming pinaghirapan.
Sa paglipad, matutunghayan ang iba't-ibang kayamanan sa bawat sulok ng Pilipinas. Kabilang rito ang malaparaisong dalampasigan, luntiang bulubundukin, at mayamang kultura ng mga Pilipino. Isang mainam na pagkakataon upang tuklasin ang hiwaga ng ating bansa sa perspektibo ng isang agila.
Hindi ko masasabing "worth-it" ang pagpila namin rito at hindi ko rin maaaring sabihing isa itong pagkakamali. Hindi man naging madali ang dinanas namin mula sa pagpila, mas nakita ko naman ang tunay na halaga ng pagtitiyaga upang makuha ang anumang minimithi.
Kung nais mong masulit ang oras mo sa parke, mas mainam na ilaan ang Agila: The EKspreience sa huling bahagi ng iyong pagbisita. Natuklasan namin na noong lumabas na kami, wala nang pila ngunit tumatanggap pa rin ng bisita. Ito ang pinakamahalagang aral na napulot namin rito.

Ang ilan sa mga kaibigan ko ay nanatili roon upang tumingin ng mga pasalubong samantalang ako at ang dalawa ko pang mga kaibigan, si Cassmina at si Ian, ay nagtungo na sa food court upang magpahinga at kumain. Nakapanghihina dahil hindi lang kami naiwan ni Ian, naligaw pa kami sa kahahanap kasabay ng matinding gutom at malakas na buhos ng ulan. Habang naghahanap ay ginamit namin ang sandali upang makakuha ng mga instagrammable photos roon. Pagdating namin sa food court ay nauna pa pala sa amin ang iba naming kasama na bumili ng souvenirs at hindi na namin nakita kung nasaan ang nawawala naming kaibigan. Nakakabaliw!
Sa kabila nito, naganap naman ang kamangha-manghang fireworks display tampok ang naglalakihan at makukulay na paputok â ang pumawi sa lahat ng stress na aming naranasan.
Halos abutin na kami ng call time nang nakakain kami. Tulad ng inaasahan, nakakahiya mang sabihin, kami na lamang ang hinihintay ng bus para umalis. Habang nagmamadali kaming lumabas ng parke, mas nataranta kami nang mapagtanto naming wala na kaming kahalintulad ng uniporme â senyales na tanging bus 8 na lamang ang kulang ang pasahero. Sa puntong iyon, hindi ko alam kung matatawa, matatakot, o mapapahiya ako. Ngunit sa kabila ng lahat, isa lang ang sigurado â isang di malilimutang karanasan ang field trip na ito!
Bagama't ito ay naging isang roller-coaster ride, napatunayan ko naman na totoong "The Magic Stays With You".
Habang lumalayo ang aming bus sa parke, ramdam ko ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata dahil sa matinding pagod na aming naranasan sa maghapon na kasiyahan. Napansin kong tahimik na ang bawat isa at nasa mahimbing na tulog. Ang iba naman ay nakatanaw sa bintana habang ninamnam ang natitirang oras ng byahe, may ilan ring tinatawanan pa rin ang mga pangyayari.
Mula sa taimtim na pagninilay sa Padre Pio Shrine, makasaysayang pagtuklas sa Mabini Shrine, umaapaw na kasiyahan sa J Castles, at walang katapusang ligaya sa Enchanted Kingdom, ako, kaming lahat, ay nakagawa ng masasayang alaalang puno ng pananampalataya, kasaysayan, pagkakaibigan, at kagalakan.
Ang araw na ito ay hindi lamang tungkol sa pagsakay sa mga rides o pagbisita sa mga makasaysayang lugar. Ito ay isang aral sa halaga ng pagtitiyaga at pagpapalahaga sa mga pagkakataong minsan lamang dumarating sa ating buhay. Hindi lahat ng paglalakbay ay perpekto â may pila, may pagod, may pagmamadali. Ang lahat ng ito ay magiging bahagi ng kwento ng ating buhay, na balang-araw ay magbibigay ng ngiti sa ating mga labi.
Oo, tama ka. Lumilipas ang oras, ngunit nananatili ang alaala.
Sa pagsuot ko ng aking earphones, tumugtog ang pamilyar na awit ng Alapaap. Kagaya ng palaging tanong ni Marcus Adoro ng Eraserheads,
"Gusto mo bang sumama?"
2 notes
·
View notes
Text
Pamagat: Monumento ng isang bayani .Isang maikling Kuwento ng Isang Manlalakbay.
Nakatayo ako roon, sa harap ng monumento, naramdaman ang presensya nito na halos kasing lakas ng malamig na hangin na dumaan sa plaza. Ang statue ni Jose Rizal ay napakalaki, matayog sa itaas ko, ang kanyang mukha ay inukit sa sobrang tindi, parang siya ay buhay.

Ang kanyang titig ay mabangis, ang mga mata ay nakatitig sa liwasan ng bayan, na para bang nakikita niya ang lahat, maging ang hinaharap. Malaki ang papel ni Jose Rizal sa rebolusyon ng ating bayan, na nagbibigay inspirasyon sa mga tao sa kanyang sinulat na panitikan. Tumayo ako roon sa likod ng mga tanikala, hinarangan ako mula sa direktang paglapit sa monumento at hawakan ito ng aking mga kamay, ngunit kahit na nakatayo mula sa malayo, naramdaman ko ang pressure na ito, ang responsibilidad na dinala niya. Naisip ko tuloy, nabubuhay ba ako sa paraang magpaparangal sa lahat ng sakripisyong ginawa niya para sa bansang ito, napagtanto ko na hindi pala, gusto kong mahalaga ang mga kilos ko, na maging spark na maaaring magbago ng isang bagay. Baka isang araw, kaya kong mag-iwan ng impact na katulad niya, kahit maliit lang, siguro noon ay maipagmamalaki ko ang sarili ko, bago ako umalis sa monumento, huling tumingin ako sa rebulto, gumagawa ng mahinang panata, para magkaroon ng epekto sa mundo.
0 notes
Text
Museo ni Apolinario Mabini: Isang Paglalakbay sa Kasaysayan
Agad na nakapupukaw ng pansin ang makapangyarihang karatula, "Museo ni Apolinario Mabini," ang malinaw na nakaukit na pangalan ng pinagpipitagang lider ng rebolusyong Pilipino, sa matapang na puting titik. Ang larawan mismo ni Mabini, isang larawan ng tahimik na lakas at determinasyon, ay isang makapangyarihang biswal na kasama. Matatagpuan sa Tanauan, ang museo ay nakatayo bilang isang patotoo sa isang mahalagang pigura sa kasaysayan ng Pilipinas.

Nagsimula ang aking pagbisita na may pakiramdam ng pag-asang matupad. Ang panlabas na anyo ng museo, bagama't simple, ay nagpapahiwatig ng malalim na mga kuwento na nasa loob ng mga pader nito. Nang pumasok ako sa loob, napalibutan ako ng isang kapaligiran ng tahimik na paggalang. Ang bawat eksibit ay tila maingat na inayos, bawat artifact ay isang piraso ng isang mas malaking palaisipan, maingat na binubuo ang buhay at pamana ni Mabini. Natutuhan ko ang tungkol sa kanyang maagang buhay, ang kanyang mga pakikibaka, ang kanyang matatag na pangako sa layunin ng kalayaan ng Pilipinas, at ang kanyang mga kahanga-hangang kontribusyon sa kabila ng kanyang mga pisikal na limitasyon.



Ang koleksyon ng museo ay nagpapakita hindi lamang ng mga personal na gamit ni Mabini kundi pati na rin ng mga dokumento at mga larawan na nagpapakita ng kanyang katalinuhan at kakayahan sa pulitika. Ang mga display ay maayos na inayos, na nagpapahintulot sa isang kronolohikal na pag-aaral ng kanyang buhay, mula sa kanyang mapagpakumbabang pinagmulan hanggang sa kanyang mahalagang papel sa Rebolusyong Pilipino. Ako ay lubos na naantig ng mga liham na kanyang isinulat, na nagpapakita ng kanyang matinding pagkamakabayan at ang kanyang matatag na paniniwala sa mga Pilipino.




Ang karanasan ay lumampas sa isang simpleng paglilibot sa kasaysayan; ito ay isang paglalakbay sa puso ng pakikibaka ng isang bansa para sa kalayaan. Epektibong binuhay ng museo ang diwa ni Apolinario Mabini, ang kanyang mga di-natitinag na mithiin, at ang mga sakripisyong ginawa niya para sa kanyang bansa. Pag-alis sa museo, dala ko hindi lamang ang mas malawak na pag-unawa sa kasaysayan ng Pilipinas kundi pati na rin ang malalim na paggalang sa pamana ng pambihirang taong ito. Ang Museo ni Apolinario Mabini ay higit pa sa isang museo; ito ay isang lugar ng paglalakbay para sa sinumang naghahangad na maunawaan ang kaluluwa ng Pilipinas.
2 notes
·
View notes
Text
Simbahang Walang Kapintasan, Na Siguradong Aking Babalikan
#lakbay-sanaysay #pilinglarang #OLPAG11STEM
Bahagi ng taunang educational trip namin ang pag punta sa simbahang Padre Pio, sa unang pag yapak ko pa lamang sa lugar na ito malamig na simoy ng hangin ang siyang bumungad sa akin, marahil isa na sa sanhi nito ay ang maaga na oras na pag dating namin bandang ala sais imedya ng umaga. Sa unang tingin pa lamang sa lugar ay makikita mona ang malawak, malinis at ka aya-ayang kapaligiran. Dito ramdam mo na agad ang katahimikan at kapayapaan na naka palibot dito.


Dumiretso na kami kasama ang aking mga kaibigan sa mismong simbahan na pinag dadausan ng misa ngunit bago makarating duon ay umabot ng humigit-kumulang limang minuto ang aming pag lalakad patungo rito. Pinag samang patag at pataas na daanan ang aming tinahak kaya naka ramdam kami ng kaunting pagod sa pag akyat dito nag ka biruan pa nga at mistulang hiking spot raw ang aming napuntahan, ngunit hindi masyadong naging problema ito sapagkat nakaka aliw ang mga halaman at gusali na nakapaligid dito dagdag pa ang malamig na simoy ng hangin na nag tanggal ng aming kapaguran. Kung ikaw ay mag sasama ng may kaidaran na miyembro sa iyong pamilya pag handaan ang medyo matarik na inyong dadaanan. Pag dating sa mismong simbahan, naka mamangha sapagkat malawak at maaliwalas ang estraktura nito idagdag pa ang mga rebulto o imahe na nakasabit sa may bubong nito na sadya namang nakakamanghang tingnan.



Pag dating namin sa mismong simbahan ay kasalukuyang pinag daraos ang misa kaya naman kinuha na namin ang oportunidad na maka dalo sa misa ng napaka gandang simbahan na ito. Nang matapos ng misa nag libot kami sa kabuuan ng lugar, makikita ang ibat bang imahe at establisimiyento sa loob ng lugar na ito. Nakapalibot ang mga spot kung saan maaari kang kumuha ng letrato tanda ng pag punta mo rito. Nakaka enjoy ding puntahan ang kanilang nag silbing souvenir shop sapagkat makikita mo rito ang ibat ibang produkto ng simbahan kabilang na ang mga pain relief rub, imahen ng Padre Pio, kuwintas, atbp. Isa pa sa nakapag pa mangha sa akin ay ang kanilang Holy Water Sanctuary, hindi man ako lubusang naka pasok dito at tanging pag silay lang ang aking nagawa kita, rinig at dama ko ang ganda at kapapayapaan sa bawat ingay ng agos ng tubig na ginagawa nito.



 Saya at kapanatagan ng puso, yan ang aking naramdaman nang bumisita kami sa simbahan na ito. Maaliwalas at malinis ang buong lugar isa sa nag silbing rason kung bakit mas lalo akong nasiyahan sa pag dadasal sa panginoon habang nasa simbahang ito. Maging ang aking mga barkada ay nagandahan sa simbahan dahil sa angkin nitong katangian. Kaya naman nung naka takda ng umalis at pumunta sa ibang destinasyon ay lungkot ang aking naramdaman dahil iiwan na namin ang lugar na ito, sa katunayan ay kami ng aking barkada ang huling estudyante na hinihintay na sumakay sa naka destina sa amin na bus dahil maliban sa nasiyahan kaming lubutin at tumingin ng iba't ibang souvenir ay likas sa amin ng kaibigan kong si alexa ang pigiging pasigla ng aming katawan pag dating sa biyahe kaya naman kinailangan pa naming gumamit ng palikuran na nag kakahalaga ng sampung piso maibsan lamang ang aming nararamdaman, ngunit masasabi kong sulit ito sapagkat sadyang kay ganda at namentina ang lugar na ito maging ang kaibigan ko na si Alexa ay namangha dito. Nang matapos naming gumamit ng palikuran sa katunayan ay sinundo na kami ng kaibigan kong si Tin sapagkat kami na lamang raw ang hinihintay kaya lakad-takbo ang aming ginawa papunta sa bus, hapo man at pag ka putla ang aking inabot maging ang aking mga guro na si ma'am Luming at sir Ervin na siyang tinatawanan ako habang nakitang tumatakbo ay napansin ito, ngunit walang kaso ito sapagkat sulit ang pagod kung ang kapalit naman ay mas mahabang oras na pag lilibot sa simbahan na ito.


At masasabi kong ang simbahan ng Padre Pio ang pinaka magandang simbahan na aking napuntahan at tatatak sa aking puso at isipan kung may pag kakataon pa ay siguradong hindi ako mag sasawa na balik-balikan ito lalo na kung ang sunod kong kasama ay ang aking pamilya at espesyal na tao sa aking buhay. At sisiguraduhin kong sa sunod kong pag balik dito ay mapapasok ko na ang holy water sanctuary at mag karoon ng pag kakataon na maka hiling dito.
3 notes
·
View notes
Text
Biyahe ng Kalikasan



Sa aking pag gising bumungad sa akin ang masaya at maliwanag na sikat ng araw na kung saan ma aamoy mo dito ang napaka presko na hangin at magagandang tanawin.

At sa aking pag gising agad na akong na ligo at nag ayos ng sarili dahil inaya ako ng aking kaibigan na lumabas at gumala.




At sa aming pag dating sa Batangas Racing Circuit dito mo makikita ang ibaât ibang klase ng matutulin na motor. Dito mo din makikita ang mga sikat na vlogger at sikat na mga rider na kung saan makikita mo lang sa online o sa internet.


Sa aming pag uwi ay nag pahinga muna kami sa Matabungkay. Dito mo rin makikita ang ang ibat ibang klase ng balsa at mga resort.
#lakbaysanaysay #pilinglarang #OLPAG11STEM
1 note
·
View note
Text
"Sa Kabila ng Init: Buhay sa Anino ng Tubo"


"Bitbit ang biyaya ng lupa, bunga ng sipag at tiyagaâpatunay ng matibay na ugnayan ng tao at kalikasan."


"Sa bawat hagod ng itak, makikita ang sipag at tiyagaâbunga ng dedikasyon at pagsisikap."






"Karga ng motorsiklo, karga ng pagsisikapâpatungo sa kinabukasan."
1 note
·
View note
Text
Dalawang Araw Ko sa Baguio
Biglaan ang yakagan namin, magpapasko at saktong birthday pa ng aking lola ng a-uno ng Enero, isang araw bago ang aming luwas pa punta sa Baguio. Alas dos ng umaga nang umalis kami sa bahay papunta sa Pasay at alas singko ng nang dumating kami sa terminal kung saan kami sasakay papunta sa Baguio. Isa ito sa hindi ko malilimutang paglalakbay dahil ito ang unang beses kong makakapunta sa Summer Capital of the Philippines. Sulit ang aming dalawang araw sa Baguio dahil maaga kaming naalis sa aming tinutuluyan para madami kaming mapuntahan.
Narito ang mga lugar na nais kong itampok:



Diplomat Hotel
đDominican Hill, Baguio
Nakikita ko lamang ito dati noon sa Jessica Soho, isang dating bakasyunan lamang ng mga dominikanong pari, ginawang headquarters ng mga Hapones, at kalaunang ginawang hotel hanggang sa itinigil na ang operasyon dito. Pinaniniwalaang may nagpapakita dito dahil maraming pari, madre, at mga sibilyan ang pinatay dito ng mga Hapones ayon sa aming tour guide.



Mt. Olis View Point
đAtok, Benguet
Ito na ata ang pinakamalamig kong napuntahan bukod sa Russia. Alas singko ng umaga ng dumating kami dito, akala namin ay hindi gaanong malamig dahil nga nasa loob pa kami ng van pero paglabas na paglabas namin ay bumugad agad sa amin ang malamig na hangin. Binalaan na kami ng aming tour guide na napaka-lamig dito kaya bawal ang crop top o maninipis na damit pero yun pa rin ang sinuot ng aking pinsan kaya kiligkig na siya sa lamig.
Makikita sa larawan ang mala Banaue Rice Terraces na taniman, ayon sa aming tour guide mga gulay ang kalimitang tinatanim doon.


Beacon Hill Eco-Park
đTublay, Benguet
Scenic view ba kamo? Pasyal kana dito. Ang Beacon Hill ay tanyag na destinasyon para sa mga nais magsaya at magpahinga malapit sa kalikasan. Maganda dito dahil London-inspired ito at may cafe din dito.


Igorot Stone Kingdom
đAsin Road, Baguio
Isa ito sa bagong itinerary sa Baguio, ito ay sumisimbolo sa makulay na kultura at kasysayan ng mga Igorot. Ipinapakita dito ang kasaysayan, pamumuhay, at tradisyon ng mga Igorot.
Ang mga lugar na ito ay ilan lamang sa mga lugar na puwedeng pasyalan sa napakaganda at napakalamig na Baguio. Kaya kung init na init kana sa klima ng Pilipinas ang Baguio ang dapat mong puntahan dahil mula sa mga magagandang lugar hanggang sa mga tanawin, sulit na sulit ang oras mo dito. Kagaya namin na kahit dalawang araw lang kami dito ay nasulit namin ito dahil bukod sa magagandang pasyalan ay marami ka ding matutunan dito tungkol sa ating kasaysayan.
1 note
·
View note
Text
Kalaro
Kasabay ng pag-usad ng panahon ay ang paglalaho ng mga tunog ng hagikhikan sa bakuran, himig ng habulan sa lansangan, at maliliit na away-bati ng mga batang naglalaro. Pinalitan ito ng tahimik na paligid. Ang tanging maririnig ay kaluskos ng mga daliri sa balat-harang ng telepono â tila ang mga batang minsan nang naging magulo't masaya ay unti-unting nilalamon ng katahimikan, dahan-dahang ipinoposas sa tanikala ng artipisyal na mundo. Suntok sa buwang marinig ang "Tagu-taguan, kabilugan ng buwan". Wala na ring "huli ka" o "taya ka!". Unti-unting namatay ang mga halakhak na umaalingawngaw sa likod ng bahay. Ang dating masayang bakuran ay naging uwang na espasyo â wala nang mga yapak na nag-uunahan, wala nang halakhak na masarap pakinggan, wala nang boses na nag-aagawan. Naroon pa rin ang araw, ngunit wala nang naglalaro sa ilalim nito.

Ginugol ang oras sa isang sulok ng bahay ng isang batang nakatungo, pilit na nililibang ang sarili sa makulay na tanglaw ng telepono. Nawala ang kagustuhang manakbo sa damuhan o maglaro ng tumbang preso sa alikabok ng bakuran. Ang dati'y bilanggo ng mga puno't lupa, ngayon ay alipin ng rehas na hindi gawa sa kadena.
Isang matinis na tinig ang narinig, bukambinig ang "Aleah, laro tayo!". Gaya ng kadalasan, isang pilit na ngiti at marahang pagtanggi ang sagot ni Aleah. Ngunit sa araw na iyon, tila may puwersang humila sa kaniya. Ibinaba niya ang kaniyang telepono, pati ang mataas na pader na humihiwalay sa kanilang dalawa. Hinubad niya ang matinding gapos ng teknolohiya at hinawakan ang kamay ng kaniyang kapatid. "Tara, laro tayo." Doon, muling nagbalik ang nawalang panahon.

Sa pagharap sa init ng araw, tila nanumbalik ang mga alaala ng kabataang naisantabi. Naganap ang tagu-taguan â habang matiyagang nagbibilang si Aleah sa punongkahoy, ay may bunsong bungisngis na nakatawa. Makikita sa mata ni Jacob ang matamis na kasiyahan, repleksyon ng pag-asang muling nabuhay. Pag-asang maibalik ang sigla ng nawalang kabataan.

Hindi nagtagal, sumunod ang habul-habulan. Naghabulan ang magkapatid sa malawak na bakuran, hinahamon ang isa't-isa na mahuli o mataya. Sa bawat hakbang at "huli ka!", ang katahimikan ng paligid ay napalitan ng masayang ingay. Ang tahimik na bakuran ay muling nabuhayan sa bawat pagtakbo at pagkadapa, na sinamahan pa ng malulutong na halakhak.

Hindi rin sila nagpahuli sa tumbang preso. Ang bawat pag-itsa ng tsinelas ay sinabayan ng ingay ng pagtumba ng lata at malakas na tawanan. Sa bawat pagbagsak ng lata, makikita ang pagkabura ng pagitang nilikha ng teknolohiya. Kitang-kita ang inosenteng saya ni Jacob kahit lingid sa kaalamang natatalo na siya.

Napadaan rin sila sa matandang puno ng kamote. Ang pitas na tangkay nito ay binabali upang gumawa ng kwintas. Isinabit ito ni Aleah sa leeg ng kapatid, na parang gantimpala sa kabila ng kaniyang pagkatalo. "May premyo ka kahit talo ka."

Lumipat naman sila sa lutu-lutuan, gamit ang dahon bilang pansit, patpat bilang sandok, niyog at kahoy naman bilang palayok at kalan. Ito ay tila isang handaang hindi nauubusan ng kasiyahan at makabubusog sa pusong may puwang.

Sa bughaw na himpapawid ay inihagis ang eroplanong papel. Ang paglipad nito na sumasabay sa ihip ng hangin ay bitbit ang kanilang mga pangarap â simple, malaya, at puno ng pag-asa.

Sabay nilang nilaro ang alagang aso na parang nakikiisa rin sa kanilang kasiyahan. Sa bawat paghaplos sa balat nito, walang kapagurang pag-alulong ang iginanti na tila ito ay isang saksi sa panunumbalik ng natutulog na sigla.

Nag-unahan ang magkapatid sa ugoy ng duyan. Masayang umindayog si Aleah habang nakataas pa ang kamay at paa. Ngayon lamang ulit siya ngumiti nang ganoon kalawak. Ang puso'y siksik sa ligaya at karanasan.

Kasabay ng paglipas ng araw ay ang pagkapagod ng kanilang katawan. Ngunit kakaiba ang pagod na ito. Ito ay pagod na masarap sa pakiramdam, pagod na puno ng alaala ng samahan nila bilang magkapatid. Sabay nilang pinagsaluhan ang isang masarap na tinapay. Sa bawat kagat, may nakataling pangako na sila'y hindi na muling pag-aagwatin ng distansya. Mas pinagtibay ang kanilang samahan dahil sa pagmamahal at pagpapahalaga.
"Si Jacob lang ang gusto kong kalaro, kahit palagi akong matalo, kahit araw-araw pa."
Sinong mag-aakala? Ang isang araw na paglalaro sa ilalim ng araw, sa malawak na bakuran na tila nalimot na, ay siyang makapagbabalik sa tunay na kahulugan ng kabataan. Ang bawat patak ng pawis, libag ng katawan, at paghingal ng dibdib ay hindi naging alintana, higit pa sa kahit anong kayamanan. Ang magkapatid ang nagsilbing patunay, na ang tunay na kasiyahan ay matatagpuan sa simpleng bagay.
1 note
·
View note
Text










Nasa Simpleng mga Bagay ang Tunay na Kaligayahan
-Makasama ang pamilya, yan ang tunay na yaman at kaligayahan.
1 note
·
View note
Text
"Bisaya" : Tawag ng Kapalaran
#photoessay #pilinglarang #OLPAG11STEM

Isa ang kahirapan sa dinaranas ng milyon-milyong mga Pilipino, at hindi nakaligtas dito ang mga âbisayaâ na napilitang umalis sa lupang kanilang kinalakihan maibsan lamang ang pangangailangan. Taon-taon ay ginaganap ang âtag-iloâ kung saan kapanahunan na ng pag aani ng mga tubo. At kaakibat nito ay ang pag dating ng mga grupo ng mga kalalakihan mula sa ibang lugar particular na sa Visayas na madalas ay bitbit ang kanilang pamilya upang gawin ang isa sa pinaka mahirap na trabaho pag dating ng âtag iloâ.


Tabas at Karga, yan ang pangunahing trabaho ng mga âbisayaâ kapag panahon ng tag ilo. isa-isang tatagain at bubuhatin papunta sa nag lalakihang truck ang mga tubo at maayos na ipapatag dito upang masiguro na siksik at maayos na makakarating sa Central o kaya naman ay Pro Green na siyang pangunahing nag gagawa ng asukal dito sa Batangas. Dahil sa hirap ng trabaho na ito kinakailangan ng mga tagalog o may ari ng tubuhan na humanap ng mga taong sanay sa ganitong uri ng trabaho at isa na dito ang grupo nina alyas âbayawakâ na nag mula pa sa Bacolod at namulat na sa ganitong uri ng trabaho ayon sa kanila ay miski sa Bacolod ay ganitong klase na ng trabaho ang kanilang ginagawa at siyang alam lamang na gawin. Dahil sa kahirapan, napagkaait sa mga ito ang karapatan na makapag aral. Kaya naman napilitan silang tahakin ang ganitong uri ng trabaho imbes na mag aral at mag karoon sana ng mas maayos na mapag kukunan.

Hindi madali ang ganitong uri ng trabaho, tinitiis ng grupo nina âbayawakâ ang init ng sikat ng araw makapag tabas lamang ng tubo, bandang alas dos ng hapon hanggang mag gabi, tanging pag inom lamang ng tubig at pag kain ng tinapay na dala sa kanila ng nag papakarga ang kanilang nag sisilbing pahinga. Ngunit aking napansin habang sila ay aking kinakausap ay hindi nawawala ang ngiti sa kanilang mga labi kaakibat ng hirap na kanilang dinaranas ay naroroon parin ang saya at masiglang pag uusap gamit ang kanilang nakasanayan na lengguwahe marahil bilang pang tanggal pagod sa kanilang ginagawa, ang isa ay nakapag biro pa at sinabing âmakakasama na tayo sa vlog dong!â at â I popost mo ba iyan ne?â isa ito sa mga makuwelang tanong saakin ng mga ito.


Pag katapos ng trabaho ay sama-samang uuwi ang grupo sa binigay sa kanilang matutuluyan,ngunit dahil sa napaka rami nang tao ang naging tirahan na ito at maraming bagyo na ang lumipas nag mistulan nalamang na abandunadong kubo, at hagya ng matawag na tahanan. Dahil sa liit ng kubo na ito ay nag titiis na mag sisikan sa maliit na espasyo ang grupo mayroon lamang mapag tulugan.


Hindi madali ang trabaho na kanilang ginagawa, ngunit ayon sa mga ito ay mas mahirap na tiisin ang pag kawalay nila sa kanilang mga mahal sa buhay matustusan lamang ang kanilang pangangailangan. Ang grupo ng mga ito na nag mistulang banyaga sa isang lugar na wala silang kinalaman ngunit kailangan mag trabaho maka ahon lamang sa hirap ng buhay. At hindi lamang ang grupo nina bayawak ang nakakaranas nito ngunit marami pang mga tao mula sa ibang lugar ang nag titiis sa ganitong hirap ng trabaho at namumuhay sa palayaw na âbisayaâ.

Hanggang kailan mauulit ang ganitong uri ng kapalaran?, hanggang kailan maka raranas ang mga tao na hindi makapag aral at mag banat ng buto kahit murang edad pa lamang may mahain lang sa mesa ng kanilang pamilya?. Naway mabago ang ihip ng kapalaran at lahat ng tao ay mabigyan ng pag kakataon na maranasan ang mga bagay na dapat na tinatamasa ng bawat indibidwal.
1 note
·
View note