#normal ba na mahal mo yung isang tao for 7 years kahit hindi naging kayo HAHAHAHA
Explore tagged Tumblr posts
Text
3d3 güdnyt isipin nalang natin drunk post ito
#skl nung saturday ata yon nagising ako tas napabilang 7 years#normal ba na mahal mo yung isang tao for 7 years kahit hindi naging kayo HAHAHAHA#di naman ako nag ddrama or sad ngayon hah wala nabasa ko lang to from 2021 napaisip lang ulit ako#feeling ko possible sa ibang circumstance pero given yungmga nangyare ewan HAHAHA#pero feeling ko lapit naman na ako maging okay from that baka next year makaka move on na ako 😌#r
6 notes
·
View notes
Text
PAANO BA MAG-MOVE ON? | March 7, 2017
I don’t know why they call it a “BROKEN HEART” when every pieces inside of me feels like broken too.
Naranasan nyo na ba? Yung pakiramdam na sobrang sakit? Tipong gusto mong dukutin yung puso mo sa dibdib mo ng 5 seconds? Para kahit sa loob ng 5 seconds ng buhay mo hindi mo maramdaman yung sakit. Yung hindi ka makahinga at ayaw tumigil nung iyak mo sa pagpatak? Yung pipilitin mong magpaka-busy para di mo maisip yung sakit pero pagtigil mo sa ginagawa mo mas nadodoble lang yung sakit? Tipong gusto mo magtatakbo palayo sa mundo, magtago sa masakit na katotohanan pero sa huli mare-realize mo na kahit gaano kalayo yung takbuhin mo dala dala mo parin yung puso mo kaya kahit saan ka man magpunta bitbit mo parin yung sakit?
Kahit naman member ako ng NBSB (No Boyfriend Since Birth), naranasan ko na rin ang mag-mahal at masaktan. Wala namang lisensya para masabing pwede magmahal at lalong walang requirements na need i-meet para masabing pwede masaktan.
It’s been almost 4 years today when every waking up for me is a challenge and sleeping time is a way of survival.
I remember how every morning, whenever I woke up I’m forcing myself to get up and trying to believe that something good is about to happen. While every night before I went to sleep I was hoping that the next time I will open my little eyes I will be in the middle of an emergency room and the last thing I will hear is the doctors final advice, “sorry, she’s not going to make it.”
Bakit ba nagiging masakit?
Kasi mahal mo. And it became more painful every time you are questioning yourself “Am I not enough?” “What went wrong?” “Why out of all the people that could hurt me, why on earth did it have to be that person?” “WHY?”
That’s the problem with us. When we love someone, we put our guard off and let that person be part of every pieces of what’s within us. That’s why in the end, when they’re gone we tend to lose ourselves too.
Wala namang masama magmahal ng sobra PERO wala din namang masamang magtira ng para sa sarili diba? Ang puso may sariling pag iisip yan sa loob nya kaya kadalasan hindi sya nakikinig sa utak na nakalagay sa ulo natin. Ang puso may sariling batas yan na yun lang sinusunod nya at kapag hinayaan mo ang puso na yan na magpatakbo ng buong ikaw masasaktan at masasaktan ka talaga kasi wala sa bokabularyo ng puso ang salitang “TAMA NA.” Di siya naturuan kaya kung hindi mo pagaganahin ang utak mo para pumigil sa puso mo, sa huli masasaktan at masasaktan ka talaga!
Ano ba ang dapat sundin? Puso o utak?
Noon, ako yung tipo ng taong mind over heart. Pero dahil si utak yung palagi ko pinapagana, kinain ako ng pride ko. Sa huli pride yung natitira sa akin. Pero nakaka-loko isipin na Iisang beses ko pa lang pinagbigyan na manalo yung gusto ng puso ko, natalo pa. Nakaka-dala!!
Pero it only proves maalin sa utak at puso walang kasiguruhan, parehas may posibilidad na manalo o matalo.
Ngayon kung tatanungin mo ako ulit Puso o Utak?….
I would love to say WALA pero hindi pa naman ako tuluyang nasisiran ng bait.
Para sa akin, puso parin yung pipiliin ko. Kasi ang utak araw araw mo mapapagana yan pero ang puso minsan lang yan rerequest sayo kaya pagbigyan mo na. Basta maging handa ka lang, basta alalayan mo parin gamit ng utak mo. Pag utak yung pinili mo, pride yung kokontrol sayo, di ka na nga magiging Masaya mawawala pa yung mahal mo. Samantalang kapag puso naman pinagana mo, emotion ang ko-control sayo, mararansan mo yung sobrang saya pero asahan mong sobrang sakit din ang kapalit nito. Eh dun ka na lang sa sasaya ka, kahit masakit sa huli naging Masaya kaparin. Kesa naman hindi ka na nga naging Masaya sa huli nasaktan kapa. Diba?
PERO PERO PERO!!! Lagi mo tatandaan na hindi lahat ng tao ay worth the pain. Kaya kahit puso na ang papagganahin mo o pagbibigyan mo, always ask guidance from our Creator. He always knew what’s best for you. He never fails.
PAANO MAG MOVE ON?
It’s a process. We’ll never know how long it is but one thing is for sure, you’ll be okay. Keep in mind the fact that God woke you up this morning, it means you’re existence to this chaotic world of ours are still needed.
Wag mo madaliin! Ako I tried na piliting mawala yung sakit. Yung tao na nakasakit sakin, dahil excited ako, pinatawad ko agad agad. We force ourself to forgive those people that we love because it’s easier for us to be hurt by that person a million times rather than lose that person. YAN ANG AKALA KO! May kasabihan na “hindi porket libre ang pagiging tanga e aaraw arawin mo na!” Mali. Hindi libre ang pagiging tanga, believe me it will cost you a lot! The more mo madaliin ang paghilom ng sugat, the more madodoble ang sakit. Tao ka -- kailangan mo maglaan ng oras para maghilom. Kaya kung mapapansin mo kahit sabihin mong napatawad mo na yung tao masakit parin? Kasi ang puso pag nasugatan yan tapos ini-expose mo agad dun sa taong nakasugat ma-iinfect lang lalo.
Funny how we fool ourselves that the only person who could fix us is exactly the same person who broke us. And because of that way of thinking we tend to chase the person. We keep wanting them back and most of the time we let them stay even if that person reminds us of the pain that he caused.
They’re not and will never be the one who could fix whatever is broken inside us. Kaya nga I am broken eh, may “I” ikaw at ikaw lang din ang makakatulong sa sarili mo. Hindi magulang mo, kabarkada mo, boss mo, katrabaho, bagong kakilala o kung sino man. WAG MO I-ASA SA IBA ANG PAGHILOM SA SARILING SUGAT MO.
Moving on is a battle that only YOU and GOD can win.
GOD OFTEN REMOVE PEOPLE OUT OF OUR LIFE FOR A PURPOSE NEVER RUN AFTER THEM.
Feel the pain until it hurts no more. Walang short cut ang pag mu-move on. At habang nasa process kapa, daanan mo lahat ng dapat mong daanan. Kasi kapag tumalon ka agad sa ending babalikan mo parin yung nilampasan mo. At lagi mo tatandaan na The history will repeat itself kapag hindi mo matututuunan LAHAT NG DAPAT matutununa.
SO PAANO NGA MAG MOVE ON?
The first thing you need to do is to compose yourself. Kapag magmu-move on ka na, kailangan mag mu-move on kana talaga. Kung hindi kapa handa wag muna. Kailangan 100% sure ka na gusto mo mag move on. Kasi if unsure ka, lolokohin mo lang ang sarili mo at syempre once naumpisahan mo na yung process wala na dapat balikan. OKAY? Lagi mong tatandaan na kahit sino pa yung nakasakit sayo pagdating sa pagmu-move on ikaw lang ang bahala sa sarili mo. OKAY?
You have to go through D-A-B-D-A process.
**Lagi mo tatandaan na normal sa tao ang magmahal at masaktan pero it is against human nature maging okay at magpatawad ng ganun ganun lang.**
D – Denial
Eto yung moment na hindi mo pa matanggap na nasaktan ka ng taong minahal mo ng sobra pa sa sarili mo. Kumbaga di mo pa na-aabsorb at di mo pa nakikita yung whole picture. Ito yung moment na pag tinanong ka nila “Okay ka lang ba?” ngingiti ka lang at sasabihin mong “Sus okay lang ako no.” Madalas sa stage na’to maririnig mo yung sarili mo “mahal ko kasi e” “mahal ko talaga siya” bla bla bla! At hirap kang tanggapin na kaya ka nasasaktan kasi MAY MALI na DAPAT ITAMA. Hala sige lang!! Normal yan. Go lang ng go. Matatapos ka rin sa stage na yan. Lilipas din yan.
A – Anger
Eto na. Pagkatapos mo manawa sa pagde-deny at medyo naprocess na ng utak mo yung pain na naidulot nung tao, magagalit ka na. Ito yung moment na halos isumpa mo na yung taong minahal mo ng sobra pa sa sarili mo. Madalas sa stage na’to maririnig mo yung sarili mo “pagsisisihan mo rin na nawala ako sa buhay mo” bla bla bla! BITTER DAYS!!! Which is normal reaction para sa isang taong nasaktan. Sa stage na’to hayaan mo lang ang sarili mo, magalit, mainis, mairita sa pagmumuka nya. Normal parin yan. But keep in mind you have the right to be mad but that doesn’t give you the right to be rude. Feel the pain, feel the anger but never become the same person who wrecked you. Sabi nga, “Be good to people. Even the shitty ones. Let the assholes be assholes. You'll sleep better.” Isang araw mapapagod Karin na puro galit yung laman ng dibdib mo. Matatapos ka rin sa stage na yan. Lilipas din yan.
B – Bargaining
Eto na! Medyo tricky ang stage na’to. At sobrang tempting! medyo i-alerto mo dito ang utak mo, okay? Dahil sa hinaba haba ng proseso ng pagmu-move on ang dinaanan mo bigla mo siya mamimiss. Bigla mo ma-aaalala na masaya kayo NOON. NOON LANG YON! Bigla mo mararamdaman yung tira tirang pagmamahal mo sakanya na naiwan kung saan saang parte ng bituka mo. DITO SA STAGE NA’TO TAYO KADALASANG NATATALO. Puno ng tukso ang stage nato. Madalas maririnig mo ang sarili mo “miss ko na siya” “kamustahin ko kaya?” “baka naman pwede pa namin ayusin” TSK TSK TSK!! “Lord pwede isa pang chance?”
Kaya nung umpisa palang sinabi ko na DAPAT BUO ANG LOOB MO kasi dadaanan mo ang stage na’to. Kapag nandito kana isipin mo “halos patapos ka na sa pagiging tanga, uulitin mo pa ba?” “Nagawa nya akong saktan noon, kaya nya yung ulit ulitin yun.”
At eto pa, KUNG TALAGANG MAHALAGA KA SAKANYA AT AYAW KA NYA MAWALA, NASA DENIAL STAGE PALANG NAKIPAG AYOS NA SYA. SIYA NGA OKAY LANG NA WALA KA, IKAW PA KAYA?
Analyze things. Pinanganak kang hindi siya kakilala at hindi ka mamamatay kung wala na sya. May progress kana uy!! You were able to survive without the person, kaya wag kana mag attempt lumingon o bumalik pa. GOING BACK TO OLD LOVE IS LIKE READING A BOOK OVER AGAIN WHEN YOU ALREADY KNOW THE ENDING. That’s stupidity! Control sa sarili. Kasakdalang itali mo ang sarili mo sa puno mapigilan mo lang na kausapin syang muli. TAMA NA. OKAY? Katulad nung Denial at anger na pinag daanan mo matatapos ka rin sa stage na yan. Lilipas din yan.
D – Depression
Eto yung stage na unti unti ay nagsi-sink in na sa utak mo na wala na talaga. Most of the time when we are hurt we feel worthless, unlovable, ugly, stupid, LAHAT NA ng negative na pwede maramdaman. Lalo na pag na-realize mong he’s doing fine without you. Sakit diba? LALO pa at may bago ng nagpapasaya sa kanya!!! Nakakadepress. Sa stage na’to nauuso yung pagtapos sa buhay. HALER! Yung moment na nagising ka kaninang umaga, sa ayaw mo at sa ayaw mo ibig sabihin may silbi kapa sa mundo. Dito sa stage na’to ka dapat nagpa-plano kung paano mo bubuuin ang sarili mo. Gamitin mo ang pagkakataon na ito para gawing motivation yung pain na naranasan mo. Kasi alam mo na yung mali, panahon naman para alamin mo kung paano itatama ang lahat. Maglasing ka, umiyak ka, magwala ka, gawin mo yan kung yan yung makakabawas ng sakit na dinadala mo. How hard we are to our own self every time we got hurt? Pero ganon talaga. Dadaanan at dadaanan natin ang stage na ito. At pag katapos mo, siguraduhin mong tapos na talaga at wala ng naiwan na kung ano anong anek anek na feelings. Cry and be hurt as much as you want just make sure when you’re done, you’re done. No more, no less. Matatapos ka rin sa stage na yan. Lilipas din yan.
A – Acceptance
This is it! Finally gumagana na yung utak mo! Yahoooooooo! Ito ang stage na natanggap mo ng wala na talaga. Ubos na yung sakit, ubos na yung pagmamahal, bitterness, at mga what if’s mo. Ang tanging natitira sayo ay ang katotohanan na panahon na para ibangon mo ang sarili mo. Sa stage na’to napatawad mo na siya at dapat napatawad mo na rin ang sarili mo. Ito yung masarap na stage, wala na yung bigat na dinadala mo, very light yung feelings at positive na yung ihip ng hangin. Ito ang best time to start all over again.
Time to clean up the waste. Itapon ang dapat itapon, burahin ang dapat burahin, idelete ang dapat idelete. BITTER KABA PAG NI-DELETE MO SIYA SA SOCIAL NETWORKING SITES??? HINDE! You’re just doing a favor for yourself. Besides, being friends with someone who hurt you so bad is like asking the kidnappers to keep in touch with you after they’ve set you free. Pero choice mo parin. Kung satingin mo e you can still be friends kasi 100% okay kana, sige lang. But make sure to build a wall inside you and don’t ever let anyone break it again. Tandaan, vulnerable kana sa tao na yun kahit pa sabihin mong past is past, once minahal mo ang tao at once nasaktan ka nito ng sobra, hindi na mabubura sa history yun kahit pa hindi ito naisulat sa libro. Sabi nga ng tattoo ko sa Wrist “Guard your heart” favorite bible verse ko yun.
Proverbs 4:23 “Guard your heart for everything you do flaws from it.”
So ayun. Walang umpisa na madali. PERO WORTH IT! Alam ko madali man para sakin ang isulat lahat ng nabasa nyo sa taas pero nahirapan akong isagawa. Halos tatlong taon din ako sa Bargaining. Kainis! HAHA!
Kaya nga sabi ko hanggat di ka pa 100% ready, wag muna. At kapag inumpisahan mo na be patient. Kahit .0000001% a day lang yung mabawas sa sakit progress na yun! Lagi mo tatandaan na hindi iisang araw nyo binuo yung memories nyo kaya hindi rin iisang araw ang kailangan mo para matanggap na memories nalang talaga yun. Lagi mong isipin na kaya mo kasi kaya mo.
Be with people na magpapaalala sayo na HOY NAGMU-MOVE ON KA. Yung araw araw magsasabi sayo na “KAYA MO YAN! NANDITO LANG KAMI.” You have your friends & families whom you know will always be there for you kahit gaano ka pa ka-shunga.
God will never leave you nor forsake you. He will never let you fight alone. He will send people who will help you.
TRUST GOD. If you can’t trust His plan because it is confusing just TRUST Him alone.
Always Pray. Lalo na pag yung sobrang hurting ka, sabihin mo “Lord hug me please” believe me totoong mararamdaman mong niyayakap ka nya ng mahigpit. Faith is when you were able to trust in His perfect timing. God loves us so much and sometimes He uses the deepest kind of pain for us to learn even if it is hurting Him too because He knew that you can and you will! and so YOU MUST!
Most of the things learned in a hard way are easier to remember.
Don’t be rude to yourself especially to your heart. If you were able to forgive the person who hurt you, you must forgive yourself as well for letting that person hurt you.
Ang puso marunong bumawi yan kapag pinahirapan ka nya. Isang araw isusurprise ka nalang nya na “Sorry na, eto yung kapalit nung umalis oh.” And for sure sa pagkakataon na yun nag-iisip na ang puso mo. Never lose your trust to your heart and mind. Never doubt yourself and most of all, never lose your Faith. He knows what He is doing, just cooperate with HIM. Okay?
LET GO and LET GOD be GOD. ♥
May God Bless your heart,
Chok Guerra
#letting go#letting GOD#Let go and Let God#Faith#moving on#personal#tagalog#filipino#experience#inspirational#DABDA#move on
10 notes
·
View notes